You are on page 1of 23

BUOD NG DALUYONG

Chapter 1
Kabilang sa maraming utang na hindi nababayaran ng tao ay ang utang na loob. Ganito
ang laman ng isipan ni Lino Rivera, ama ni Ernesto. Ika-21 noon ng Mayo, 1955, taon ng
mga halalang pambayan sa Sangkupalan, nakaupo si Lino sa isang palapag. Tahimik
siyang nagmumuni-muni at dinidiktahan siya ng kanyang sarili na siya nag may-ari ng
lupang kanyang sinsasakahan, ngunit bumabalik siya sa realidad na hinuhulugan na ang
lupa taun-taon mula sa maliit na bahagi mula sa maliit na bahagi ng kanyang anihin.
Bigla niyang narinig ang tinig ni Rey Amando Fehevana parokya ng pinyahan. Sa kanya
niya utang ang maliit na bahagi ng lupang kanyang sinasakahan. Kaya nga nama’y
sinasabi ni Lino na siya ay mapalad sapagkat mabait ang kanyang Panginoon. Sa iba,
umiralang Tenancy System na siyang pinag-uugatan ng maraming kasamaa. Utang niya
kay Pari Amando at sa pamangkin nitong si Miss Loreto Sanches na isang guro ang
kanyang buhay. Si Miss Loreto Sanchez ang nagkupkop kay Ernesto ng mapagbintangan
si Linong pumatay [sino pinatay niya?]. Dahil sa pagsuko ni Miss Loreto Sanchez kay
Koronel Roda sa kabundukan, napawalang bias ang kasalanang pagpatay na ibinibintang
kay Lino. Sapagkat matagal ng umiibig si Koronel Roda kay Miss Sanchez. Naisip
niyang tanging paraan upang makabayad ng utang ay ang paglapitin ang puso ng dalawa.
Dumating si Ernesto.

Chapter 2
Dumating si Ernest at Bidong, sakay ng isang kabayo at dala ang maraming pasalubong
mula sa Pinyahan. Ibinalita ni Ernesto na si Pari Amando na siyang tinatawag niyang
Lolo Amando ang bumili ng kabayo para kay Lino. Sinabi rin ng anak na maraming
padala si Miss Sanchez na tinawag niyang Nanay Luring. Ipinakita ni Lino ang lupang
kanyang sinasakahan. Pagpahinga ni Ernesto, nag-usap si Bidong at Lino tungkol kay
Huli na matagal ng iniibig ni Bidong. May sakit ang babae at balak ng lalake na dalawin
ito ngunit ang mga magulang ng babae na si Aling Barang at Mang Abeng ay galit sa
manliligaw. Hampas lupa raw kasi siya. Knughit, kahit na ganoon, pinagpasiyahan ni
Bidong na bumisita roon dala ang sardines at bigas. Pagkaalis ni Bidong, nagharap
naman ang mag-ama at nagkwentuhan tungkol sa kabaitan at katapatan ni Bidong. Isa
itong ulila noon at inampon lamang ni Lin. Dahil sa kabaitan, itinuturing na ito ni Lino
bilang isang kapatid. Isinalaysay ni Ernesto ang mga padala, na ang pinakamahalaga sa
lahat ay ang mga binhing padala ni Pari Amando. Ibinalita din ni Ernesto na maglilimang
grado na siya sa pasukan at mapapalayo na kay Lino. Tahimik si Lino. Bumalik si Bidong
na bigong madalaw si Huli. Nakiusap si Bidong kay Lino kung maarang ipamanhikan
[can’t read it right, the Xerox copy isn’t clear] si Huli. Pagkatapos ng pag-uusap muling
nag-isip si Lino sa kanyang utang na loob kay Amando at Miss Sanchez. Sino ba ang mas
matimbang?
Chapter 3
Ibinalita ni Bidong na ipapalipat na si Miss Sanchez sa pangalan ni Lino ang dokumento
ng kastanyo. Pinuri nilang muli si Miss Sanchez sa kabaitan. Nag-usap muli si Bidong at
Lino tungkol kay Huli. Pakiramdam ni Bidong na mahal din siya ni Huli.
Nagkukuwentuhan na dati’y may kaya ang pamilya ni Huli ngunit dahil kay Tirso, ang
panganay na pinag-aral sa Los Baños, naubusan. Nag-aral siya ng magsasaka hindi para
magsaka kundi para magturo pa ng pagsasaka, kaya’t naiwan kay Mang Abeng ang
trabahong magsaka. Kaya’t nagkasakit si Mang Abeng at namatay. Sinabi ni Bidong na
bago mamatay ang lalaki, nagsaka ito kay Don Tito na sinasabing may-ari halos ng buong
Maruhat. Sinasabi na ang kalakhan ng Maruhat ay pagmamay-ari ng ninuno ni Huli sa
parte ni Mang Abeng. Naagaw lang ni Don Tito dahil sa kataga nitong agrimensor.
Naging bangkero pala si Lino ni Don Tito [huh?]. Umalis si Lino ngunit bumalik kaagad
at naratnan si Aling Barang isinasauli ang kamilang padala. Muling nag-usap si Bidong at
Lino [geez they sure talk a lot]. Nangako si Bidong na magbabago mula sa palaaway
hanggang sa pagiging responsible [error again]. Pinag-usapan nilang mahal mahal ni
Bidong si Huli, at ang kanilang samahan, na maaasahan nila ang isa’t isa. Sinabi ni Lino
uuwi sila ni Ernesto kinabukasan at ang balik ay Lunes [in the first place, they never did
tell us just where they were]. Ipinagkatiwala ang lahat kay Bidong. Bigla nilang nakita si
Huli na sumasalok ng tubig. Maganda siya sabi ni Lino. At siya naman ang kanilang
pinag-usapan, na mayroon siyang karibal sa pag-ibig ng babae. [vague]. Pagkaraa’y sabi
ni Bidong na sa mga araw na walang gagawin, marapat na magliwaliw silang dalawa ni
Lino.

Chapter 4-5
Sa bulwagan ng kumbento ng simbahan sa nayon ng Pinyahan ay naroon nag-uusp si Don
Tito at Pari Amando. Batid sa mukha ng pari ang pakamatamlay nito at may bahid ng
pagkakapahiya sa mukha ng Don. Mag-iika 3 ng hapn ng dumating si Ernesto sa kubo ni
Lino sa isang bukid sa Maruhat kasama si Bidong. Inumpisahan ni Don Tito ang kanilang
pag-uusap ng pari, binanggit nito ang sakit ng ulong dala ng kanyang anak na si Benigno.
Ipinaliwanag nito ang pag-iba ng kanyang isip hinggil sa pagsunod nito sa nais ng pari na
alisin ang tenancy system. Sinabi niya ang pagiging maka-Amerikano ng anak at ang
pagpintas nito sa sariling bansa. Ayon sa Don ay lahat ng nakikita ng anak ay mali at ang
tanging tama lamang ay ang pagpapalakad ng Estados Unidos. Habang patuloy sa
pagkekewento ang Don ay minamatyagan niya ito dahil alam niyang tuso ito. Ngunit
ayon din sa Don ay mas gusto ng kanyang anak na magsalita ng Tagalog dahil hindi raw
magandang naghihiram ng wika ng ibang bansa. Nabanggit niya mng minsang
magkaroon ng bisita ang anak at hirap naman itong manangalog.
Ayon sa Don ay bagamat tapos ng medisina ang anak ay ayaw nitong manggamot ng mga
may sakit bagkus ay gusto nitong gamutin ang pamamalakad ng pamahalaan. Nang
muling itanong ng pari ang nagpapasakit sa ulo ni Don Tito ay binanggit na nito ang nais
ng kanyang anak na papasok sa pulitika. Tumungo ang pari sa usapan nilang dalawa at
hinintay na ilaglag ng Don ang pagkukunwari nito. Nagpatuloy sa pagsasalita si Don Tito
at ang paksa pa rin ng kanilang usapan ay si Benigno at ang gagawin nitong pagpasok sa
pulitika. Tumigil sandali ang Don atnabatid ang pagbigat ng kalooban ng pari. Kailangan
niyang mapatawa ang pari, alam niyang mayroong malaking magagawa ang pari para sa
pamumulitika ng anak at makakatulong ito upang makuha ang kamay ni Ms. Sanchez.
Napatawa run ng Don si Pari Amando at nagpatuloy sila sa pag-usap. Tinanong siya kung
ano ang saloobin nito hinggil sa desisyon ng anak at sinabi niyang hahayaan niya kung
ano ang nais nito at rin naman gusto niyang magkaroon ng gobernador na anak. Ayon sa
Don ay nais na niyang nagkaroon ng asawa.
Chapter 6 – Hamog na Nakalalanta
Pagkauwi ni Ernesto ay binigay niya agad ang pasaubong na bayabas niya kay Erni niya
siya mismo ang kumuha mula sa puno [errgg...another weird error?]. Nang una’y ayaw pa
niyang kunin ang bayabas dahil gusto niyang sumama sa Maruhat ngunit hindi makasama
dahil hindi na sila kasya sa kabayo. [so confusing]. Sinabi pa ni Ernesto na tanaw na
tanaw ang lahat mula sa taas ng punong bayabas at lalo pang nagpilit si Erni at nangako
naman si Ernesto na kapag malaki na sila ay magbabakasyon sila doon ngunit ayaw
maniwala si Erni kaya nagkasagutan silang kaunti at sinabi pa ni Ernesto na isusumbong
niya si Erni sa kanyang nanay. Nang kakainin ni Erni ang bayabas ay dumating naman si
Ms. Sanchez at sinabing itabi muna ang bayabas dahil hindi pa sila nagaalmusal.
Napagsabihan niya si Ernesto dahil dahil delikado raw umakyat ng puno at tinanong kung
nasaan si Lino. Si Lino ay maagang umalis para kumuha ng gatas dahil ang kalabaw nila
ay lalaki lang kung kaya’t sinabi ni Ms. Sanchez na bibigyan niya ng babaeng kalabaw si
Lino dahil mainan daw ang may gatas sa bahay. Inayos na niya ang hapagkainan.
Tanghali na ngunit wala pa rin si Lino kung kaya’t pinuntahan siya ni Ms. Sanchez sa
balkonahe at nadatnan dun si Lino at Albino na nag-uusap. Ngunit hindi niya narinig ang
pag-uusap dahil umalis na si Albino, Nag-usap na si Lino at si Ms. Sanchez. Sabi ni Lino
na hinihintay siya ni Albino dahil may mahalag siyang dapat sabihin: kakausapin daw
siya ni Don Tito. Hindi na kakain si Lino dahil kailangan niyang makipagkita jay Don
Tito. Nabagabag ang dalaga kung ano ang ipinapasabi ni Don Tito kay Lino dahil
natatakot siya dahil baka makuha si Lino o tungkil ito sa lupa. Kumain sila at ikinwento
ni Ms. Sanchez na pumunasila ni Beba sa kumbento at naabutan nila sa Amando at Don
Tito na nag-uusap. Ayaw pa sana nilang pumasok ngunit napilitan sila dahil
nagkakainitan na sila [the priest and rich man, I think] ng ulo. Umaasa si Ms Sanchez na
sapat na ang kwentong iyon upang magingal [what word is that?] si Lino kay Don Tito.
Pagkatapos nila kumain ay umupo umna sila sa sala dahil nais na makita ng nanay ni Ms
Sanchez si Lin [huh] kung kaya’t binigyan niya ng lemonadong tsaa ni Ms Sanchez. Si
Ms Sanchez ay isang tipikal na dalagang Pilipina, mahinhin at matimpi kung kaya naman
ay iginagalang siya ng lahat ngunit pagkaharap niya kay Lino ay nawawala ang mga
katangiang yoon dahil mahal niya si Lino. Iniisip ni Lino na hindi siya karapat-dapat sa
pagtingin niya ni Ms. Sanchez dahil marami pang tao na mas makapagbibigay ng mas
maganda sa kanya. Dumating na si Aling Basila at kinausap si Lino at sinabing dapat ay
huwag siyang mahihiway. Lagi daw siyang pumunta doon at ipinatatag ang loob pag
nandoon siya dahil tanggap naman siya doon. Hindi nagtagal ay umalis na si Lino doon
dahil hinihintay siya ni Ka Amando sa kumbento. Ngunit bago siya umalis doon ay
itinanong sa kanya ng kanyang anak (Ernesto) kung babalik pa siya at ipinangako naman
ng kanyang tatay na babalik siya at ipinaalaga kay Ernesto ang mga alaga nilang hayop.

Chapter 7 – May Dilim sa Langit


Habang naglalakad si Lino papuntang simbahan dahil sa kanyang pagtupad na makaniig
siya nang maghapon sa tuwing lingo ay mayroon naming nangyayari sa bahay ni Don
Tito. Nakaupo sa isang maluwang na silid ang anak ni Don Tito na si Dr Benigno Sityar
na nagbibigay ng aral at payo sa mga kausap niya na kasing edad niya rin. Lahat sila
doon ay naninigarilyo at makikita ang mga baso ng kape sa kanilang pinaginuman. Sinabi
ng anak ni Don Tito na hihingi sila ng payo sa mga matatanda ngunit hindi nila ito
susundin at gagawa ng ibang plano ngunit hindi magagalit ang mga matatanda dahil kung
mayroong magandang kalalabasan ang ibang plano nila ay sasabihing ang mga matatanda
ay may gawa noon. Hindi daw kasi mahihiwalay ang mga matatanda saeksena dahil sila
ang may hawak ng lahat. Doktor ang tawag nila sa anak ni Don Tito at sinabi niyang
kung may magtanong na doctor kung doctor siya saan sabihin ay doctor of philosophy at
letters at kung nagtanong ay pilosopo, sabihing siya’y doctor in veterinary science at may
nagtanong kung anong doctor ba talaga siya at kung saan eskwela siya nag-aral. Ang
sinabi niya’y siya’y doctor ng sakit ng bayan at nag-aral siya sa lansangan sa Amerika na
ayon sa kanya ay ang pinakamagaling dahil doon mo malalalman ang lahat ng bagay.
Kung hahanapan daw siya ng diploma para magpapatunay na siya ay doctor ay sinabi
niyahindi naman lahat ng may diplona ay marunong kung kaya’t wala rin itong silbi.
Sinabi niyang mas mabuti na wag siyang tawaging doctor at nag-isip siya ng magiging
palayaw niya dito dahil sa States Benny sabi niya ang karaniwang palayaw ng mga may
pangalang Benigno, o kaya’t Igno. Ayaw niya ng Igno dahil ibig sabihin daw nito ay
ignorance, ignomity, ignobility at iba pa kaya’t napagdesisyunana nila na Benog na lang
ang itatawag sa kanya. Doon din sa hahay na iyon nabuo ang brain-trust niya na dapat ay
synchronized at maayos ang pagpapatakbo ng lahat. Kailangan nilang i-build up siya ng
lahat ng tao upang siya’y kanilang iboto. Sa kanyang brain trust ay inatasa niya si Pedrito
na mamahala sa press at public relations na mag-aayos na makipagbati sa mga press
upang maibuild-up siya at mapasama ang kanyang mga kalaban. Mabuti raw na ang mga
taga press ay tumatanggap ng suhol dahil mas mapapadali lang nila ang kanilang trabaho.
Importante rind aw ang camera man dahil ito ang kukuha ng mga litrato na tunay naming
nakiki-isa is Benog sa mga masang Pilipino na magpapakita ng mga masasamang litrato
sa kanyang mga kalaban. Si Abundio naman ang inatasan niya sa mga diskurso sinabi pa
niyang ang magandang diskurso ay yung tulad kay Hitler maikli pero diretso sap unto at
nakakahimok ng lahat. Inatasan rin siyang magtatag ng b-g-m o Benog for Government
Movement. Minungkahi ng isa na tawagin siyang the guy ngunit ayaw yon ni Benog
dahil sa isang karanasan sa Amerika dahil sinabihan siya siya ng pulis ng “hey guy move
on” ng siya ay nakatayo lamang sa isang tabi at mula noon ayaw na niyang naririnig ang
salitang guy. Sinabi niya na pag nagtagumpay sila ay bubuksan nila ang gate ng kapitolyo
araw at gabi. Ayaw rin ni Benog natawagin siyang manong dahil hindi raw siya manong
at dahil sa kinaiinisan niyang pari na sinasabing ang mga politico raw ay mabait lamang
dahil kailangan nila ang kanilang boto at dinurusta ang mga mayayayaman. [does that
mean that being called manong has something to do with being rich? Huh?] Kaya’t sinabi
niya sakanyang brain trust nawag konsintihin na tawagin siyang mayaman dahil hindi
naman daw siya mayaman at ang tatay niya ang mayaman. Ikinumpara siya sa isang
instik na naloloko mo sa bawang ngunit nadadaya ka sa bigas. Lumabas si Benog upang
kausapin ang kanyang ama at si Albino. Tinanong niya kay Albino kung ano ang nangyari
sa kanyang lakad ngunit sinabing hundi pumayag si Lino na maging katiwala ng asyenda
sa Maruhat at tumanggi ring maging pinuno ng bodyguard ni Benog dahil gusto niya ng
tahimik na buhay. Ang totoo ay ayaw ni Lino dahil ayaw niyang maging kasangkapan ng
kapwa niyang tao at ayaw niyang madustahan ang kanyang dangal ngunit kahit na
ganoon, madali naman itong masaktan o magdamdam kung kaya’t iminungkahi ni Benog
na suhulan nalang ito ngunit sabi ni Albino na hindi ito papayag kaya’t inaisipan ni
Benog na patayin na lamang si Lino. Nang nalaman ito ni Albino sinabi niyang
maghahanap naman daw si Lino ng taong papalit na maging bodyguard dahil ayaw
niyang mapahamak si Lino dahil magkaibigan sila.
Chapter 8 – Sigaw ng Simbuyo
Pagkagaling ni Lino sa kumbento ni Amando dumeretso siya sa bahay ni Ms. Sanchez
upang kunin ang mga dokumento para sa kanyang kabayopara tuluyan nang
mapasakanya ito. Habang naglalakad si Lino, biglang lumitaw sa kanyang utak ang mga
bagay na hindi niya napapansin at ang kanyang kalooban tungo kay Ms. Sanchez at si
Aling Basila. Sinabi niya kina Ms. Sanchez na mananatili na lang siya ng ilang minuto sa
bahay at babalik na siya sa Maruhat. Sinubukan ni Aling Basilia na panatilihin si Lino
pero kinakailangan na ni Lino na bumalik kaya pinag-usapan na lang nila ang babaeng
mag-aasawa na, ngunit bata pa. Nang nakaraan ng ilang minuto ay inihatid na ni Ms
Sanchez si Lino sa labas. Habang sila’y naglalakad patungo sa kanyang kabayo,
ikinwento ni Lino kay Ms Sanchez ang pagkatao, pamilya, at lupain ng babaeing
kanilang pinaguusapan kanina na pangalang Huli. Pagkatapos ay pinagusapan din nila
ang tungkol sa kanilang nabasa sa mga librong Noli me Tangere, El Filibusterismo at ang
Bibliya. At pagkatapos ay pinagusapan naman nila ang tungkol sa pagtulong sa ibang tao.
Ipinaliwanag ni Lino kay Ms Sanchez na hindi batas ang makakatulong sa mga tao kundi
ang kanilang sarili at kapwa tao. Nang matapos ang kanilang pag-uusap ay tumuloy na si
Lino sa Maruhat.

Chapter 9 – Ginto o Pilak


Itinuloy ang balak ni Lino na magpakilala kay Didang kaya’t walang alinlangan na
tinungo niya ito sa kanilang tahanan. Nakuha agad ni Lino ang loob ni Aling Huwana an
tiyahin ni Didang kaya’t pinapanhik kaagad nito si Lino. Nakita ni Lino na maganda
talaga si Didang ngunit ang mga mata nito ay malungkot na parang may nangyari noong
nasa Maynila pa ito. Inamin ni Didang na noong unang magkita sila ni Lino sad yip ay
pinagdasal na niya na sila rin ay magkita mili at magin magkaibigan. Inihayag na ni Lino
ang kanyang pag-ibig kay Didang ngunit tumanggi muna si Didang dahil masyado pang
maaga at hindi pa raw sila lubos na magkakilala. Naimbita si Lino sa kaarawan ni Ms
Sanchez at magdadala raw siya ng kung anu-anong pagkain. Nakita ni Lino at ni Bidong
si Huli na namumugto ang mga mata. Tinungo ni Lino si Aling Barang at kunyari ay
kinamusta ito.Pinatuloy ni Alingbarang si Lino at nasabing may sakit ang asawa na
kanser. Napagusapan rin ang anak niya na si Tirso at nasabing mabait raw ito at
masunurin kahit hindi na sila binalikan. Nasabi rin na may anak nasi Tirso na 3 [does that
mean there are three kids or only one threeyearold kid?] , Umaasa sila na babalik baling
araw si Tirso. Sinabi ni Lino na gumawa na raw ng paraan ni Bidong upang makausap si
Didang. Binigyan ni Lino ng 50 piso si Bidong upang maumpisahan niya ang kanyang
panunuyo. [I’m getting confused with all these pairings].

Chapter 11
Nasabi ni Bidong na mataba raw ang lupa kaya’t malamang ay marami raw silang
maaani. Nasabi rin niya na kapag marami na raw silang ani ay ang gobyerno na mismo
ang lalapit sa kanila at lalagyan pa sila ng karatula. Nasabi ni Lno na may mga katusuhan
talaga ang mga tao sa gobyerno. Sinabi rin ni Lino na pagkatapos ng mga 2-3 taon ay
ipapaayos niya ang kanilang kubo at patatayuan pa niya si Bidong ng sariling kubo
kasama si Huli at sa kanya naman si Didang. Sinabi naman ni Bidong n asana ay nagging
abogado na lamang si Lino para si Mis Sanchez ang kanyang magiging katipan dahil iba
siya sa mga babae. Si Ms Sanchez raw ay kakaiba dahil mahal na mahal nito so Ernesto.
Huwag raw niya hahayaan na matulad si Ernesto kay Bidong na malupit ang kanang
pangalawang ina. Dumalaw is Lino kila Didang at itinanong king may halaga nga ba ito
sa kanya. Sinabi ni Didang na mayroon mga itong halaga dito ngunit kailangan panito na
malaman ang kahapon niya. Tinanong ni Lino kung may ipagbilin si Didang at sinabi
naman niya na iuwi daw ang Pinyahan sa kanila [huh?]. Dahil dito naalala ni Lino si Ms
Sanchez dahil sinabi rin niya ito. Nang hindi pa nakalalayo si Lino ay biglang nahilo si
Didang at umiyak. Nagtaka si Aling Huwana at sinabi ni Didang na hindi raw niya
natupad ang pangako nito sa sarili na hindi na magmamahal muli. Natatakot siya na baka
mawala si Lino kapag ipinagtapat na niya ang totoo para malaman kung tapat nga ito sa
kanyang pag-ibig dahil mahal nga niya ito.

Chapter 12 – Munting Sabwatan


Sabado ng umaga ay nagtungo si Lino sa Pinyahan sapagkat kaarawan ni Ms. Sancehz.
Nais sana ni Lino tumulong sa paghahanda kung kaya’t inagahan niya talaga ang
pagpunta roon. Ngunit isang munting salu-salo lang pala ang magaganap kasama ng ilang
kaibigan ni Ms. Sanchez at mga kamag-anak. Napag-isipan na lamang ni Lino na
magtungo sa kumbento upang dalawin si Padre Amando. Naabutan ni Lino si Ligon sa
kumbento at doon sinabi sa kanya na mabigat at mukhang may problema si Padre
Amando kung kaya’t mas makakabuti kung sa bahay na lamang nila Ms. Sanchez niya
kamustahin. Nalungkot si Lino at umalis ngunit imbis na kina Ms. Sanchez na tumuloy
kaagad ay kina Manang Ambrosia ito pumunta. Samantala, unti-unti nang napupuno ang
bahay nila Ms. Sanchez ng mga panauhin. Nang pamansin ng isang grupo ng kababaihan
si Linong dumating ay nagsipuntahan ang mga ito sa isang silid na walang tao. Dito
pinagusapan nila na hindi karapat-dapat si Lino sa pagmamahal ni Ms. Sanchez. Ang
karapat-dapat para kay Ms. Sanchez ay si Koronel Roda. Napag-usapan nila na kung
talagang may utang na loob si Lino kina Ms. Sanchez, Aling Basiliaat Padre Amandoay
siya na mismo ang lalayo kay Ms. Sanchez. Nagbalak ang apat na kababaihan upang
iparamdam kay Lino na hindi siya nararapat kay Ms. Sanchez. Binalak nila na ipaipasabi
na lang sa asawa ni Ligon na malapit rin jay Lino upanng hindi ito masaktan.
Pansamantala, ang balak nila hindi pansinin si Lino at ituring wala siya sa salu-salo
upang maramdaman nito na hindi siya nararapat doon. Napansin agadni Lino ang
ginagawang paghamak sa kanya kung kaya’t napagdesisyunan niya na umalis na kaagad.
Hindi na siya nagpaalam kay Ms. Sanchez upang hindo ito maabala at tatakas na lang
sana ngunit nakasalubong niya sina Padre Amando sa tarangkahan. Nagpalusot si Lino na
naiwan niya ang kanyang aramas na walang lisensya sa ibabaw ng kanyang baul [what’s
an aramas in the first place?]. Maaring madisgrasya ito kung hindi niya agad ito
babalikan. Kapani-panilwala na ang istorya ni Lino kung hindi lang niya sinabi na dadaan
pa siya ng kumbento upang kina Padre na magpapalam [magpapaalam?]. Nagduda sa
kanya ang Padre ngunit hinayaan na rin niyang makaalis si Lino.

Chapter 14 – Suyuan sa Saluysoy


Pagbalik ni Lino sa Maruhat ay naabutan niya roon ang kanyang kaibigan na si Albino.
May balitang dala nito mula kay Don Tito at sinabi na hindi masaya ang Don na siya na
ang nagmamay-ari ng lupa at siya ay magiging balakid sa mga plano ni Don Tito sa
pagpapagawa ng patubig para sa asyenda. [vague] Sinabi ni Lino na hindi niya maiiwan
ang lupang iyon sapagkat iyon ay pinagkaloob ni Padre Amando at balak niya ito
palaguin. Sinabi ni Albino na siya man ay gusting umalis sa poder [pader?] ni Don Tito at
hindi lang magawa dahil inaalalang mga bakang inaalagaan nito. Sinabi rin ni Albino na
ang tunay na pakay niya kay Lino ay na ialok siya ng Don na siya na ang mamahala ng
asyenda nila dito sa Maruhat o kaya maging lider ng bodyguard ng anak ni Don Tito na
tatakbo sa halalan. Ayaw ni Lino tanggapin ang kahit na anuman doon sa alok sapagkat
gusto niyang mamuhay ng tahimik. Sinabi ni Albino na ang sasabihin niya sa Don ay na
hahanapin niya ng iba. Tumutol dito si Lino sapagkat wala naman siyang balak na
hanapan ng bodyguard ang anak ng Don ngunit ipinaliwanag ni Albino na dapat niya
itong gawin upang hindi pagtangkaan ang buhay niya. Ipinaliwanag ni Albino na dapat
numa sila makipaglaro sa Don upang hindi sila guluhin nito. Samantala, habang nag-
uusap ang dalawa, si Bidong ay nagpunta sa saluysoy upang paliguan ang baka. Nakita
niya si Huli na nagiigib ng tubig. Inisip ni Bidong na ito na ang kanyang pagkakataon
upang makausap niya si Huli. Pinapitan niya ito at nagpakilala at tinanong kung bakit ito
umiiyak. Sinabi ni Huli na masama na ang kalagayan ng kanyang ama at sila rin ay
pinapaalis sa kanilang lupa ni Don Tito. Inalok ni Bidong si Huli na tanggapin na ang
limampung piso niya mula kay Lino ngunit tinanggihanito ng dalaga. Sinabi rin ni
Bidong na maari silang lumipat sa lupain nila Lino na hindi naman malayo sa lupa nila
dati. Hindi ito mapapagpasiyahan ni Huli kung kaya’t hindi rin ito nakasagot. Bago
umalis is Huli ay ipinagtapat ni Bidong na iniibig niya ang dalaga at tinanong niya kung
siya rin ba ay iniibig ng dalaga. Ang naisagot lamang ng dalaga ay hindi na dapat iyon
sinasabi pa na lubhang ikinagalak naman ni Bidong.

Chapter 15 – Naligaw na Landas


Mas nauna si Bidong ng kaunti kay Lino sa kanilang kubo nang maratnan niya ito na
nakamasid sa labas at pasipot-sipot pa na akala mo’y tumama sa huweteng. Biniro siya ni
Lino na mambalato [huh?] naman ngunit hindi naman pala siya nanalo. Tinanong niya
kay Lino kung ano kaya ang nararamdaman sa kanya ni Huli sapagkat nang tinanong niya
ito ay hindi siya sinagot ng diretso. Ipinaliwanag ni Lino na ganun talaga ang mga
dalagang Pilipina. Sumaya si Bidong at ipinagpaalam din niya kung maaari bang makitira
sa kanila si Huli kung sakali mang paalisin sila sa kanilang tinitirahan ni Don Tito.
Walang alinlangan na tinaggap ito ni Lino. Hwebes ikapito ng gabi – ito ang oras na
isasalaysay na ni Didang ang kanyang buong kahapon. Dito rin niya malalaman kung si
Didang nga ang babae para sa kanya. Sa salas ng munting tahanan ni Aling Huwana,
ikinwento ni Didang ang pinagmulan ng kanyang ama at ina. Sa Maynila na siya
bininyagan at natapos ng primarya. Pagkatapos ay napilitan na silang lumipat sa bayan ng
kanyang ama sa baliwag. Naging kasawian nila ang pagkakaroon ng amang manununggal
at ang pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na ina na nagturo sa kanya kung paano
maging matapang. Nag-asawa muli ang kanyang ama na si Tiya Nona ngunit din a nito
mapigil ang pananakit sa kanya. Naisip ni Didang na umalis na sa Baliwag ngunit hindi
man lang siya hinanap ng kanyang ama. Sa Maynila, nagkaroon siya ng iba’t ibang
trabaho at kasamahan. Pati pagiging katulong ay pinasok niya ngunit hindi siya masaya.
Sa kagandahang taglay ni Didang, hindi maiwasan na mapatingin sa kanya ang kanyang
mag-amo na siya naming pinaseselosan ng asawa. Natiyempuhan ni Didang ang isang
trabaho sa isang Filipinang Mestisa. Mas pinili niya ito bilang amo dahil inakala niya na
mas mabait sila kaysa sa mga among Intsik. Siya ay si donya Geronima Villarte y
Salumbides o Donya Memay. Itinuring siyang parang anak nito at hindi isang utusan.
Aniya pinagarap daw niya na magkaroon ng anak kahit na isa dahilan sa hindi nakapag-
asawa ang Donya. Nakilala ni Didang doon ang iba pang utusan na sina Vilma na isang
pipi at di naman bingi, Tiyang at ang kanyang anak na si Sayas. Ipinakilala din ng Donya
ang kanyang mga pamangkin na sina Bun, chic, Lor at Pinay, at ipinakilala si Didang sa
kanilang mundong ginagalawan.

Chapter 16 – Binyag ng Buhay


Madalas na Makita sa bahay ni Didang ang isang ahente ng mga alahas na kinakausap ng
Donya at kung minsan ay sa silid pa sila nag-uusap. Akala ni Didang na kailangan
maging sikreto dahil sa pagkakaalam niya’y bawal ang usura. Napapansin din niya ang
pagkaawa na tingin ni Vilma sa kanya na hindi pa niya maintindihan. Minsan ay lumabas
ang sina Donya Memay, si Didang at ang apat na pamangkin at nagyaya na
magpapahangin lamang sa may Luneta. Pagkarating ay huminto ang sinasakyan sa likod
ng Manila Hotel. May sinalubong ng yakap at halik si Lor na isang lalaki doon na
naghatid sa kanila sa lantsang de-motor papunta sa malaking bapor. Doon ay sinalubong
sila ng mga Amerikano at isang mestisong bumbay. Ang kapitan ng bapor ay si Ric na
napaghalata na ni Didang na karelasyon ng Donya. Ipinakilala si Didang doon.
Nakakaintindi naman si didang ng Inggles ngunit hirap na magsalita dala na rin siguro ng
karalitaan. Sa bulwagan nagkaroon sila ng sau-salo at may drinks pang kasama.
Ipinakilala sa kanila si Mr. Bob Evans na halatang patitipuhan si Didang [newword?].Sa
dami ng nainom, nayaya siyang sumayaw. Hindi na nakatanggi si Didang sapagkat
medyo nahihilo na siya. Naramdaman niyang unti-unting nawawakan siya ng malay.
Nagising siya ng kinaumagahan na walang saplot na damit at nakahiga sa kama. Sinabi
ng apat na ayos lang yan sapagkat dumadaan ang lahat ng tao diyan. Doon nalaman ni
Didang na pawing pagbabalat-kayo lamang ang nakikita niya sa mga tao sa bahay.
Ipinagtapat din ito sa kanya ni Chic. Sinabi ni Lino na maaring ang pagkapipi ni Vilma ay
dahil doon.

Chapter 17
Hatinggabi noon at naubos na halos higupin ni Didang at Lino ang tig-isang tasa nila ng
kape. Nang muli silang magharap ay ipinagpatuloy ni Didang ang kanyang kasaysayan
kay Lino. Ikinwento niya ang panghihikayat sa kanya ni Chic, isang kaibigan na sumama
sa Pinay, Bun at Lor upang maging mga hostess sa tatlong nightclub ni Ric, na isang
kapitan din ng barko. Inilahad ni Lina ang maaring maging karanasan nito roon.
Maraming payo at mga kasabihan ang sinabi ni Chic kay Didang upang lalo itong
mahikayat maging isang hostess. Ayon kay Chic, maari siyang masawi sa kanyang
pagiging hostess ngunit ang ikasasawi niya ay naka-depende sa kanya pagkat ang
kasawian ay gaya rin ng anumang kasawian maari mong kabuliran [newword?] saanman.
Ani Chic, sa kabilang dako ay baka naman hindi kasawian, kundi kapalaran pangam ang
maaring matagpuan ni Didang sapagkat siya’y maganda kaya’t mahahaling sa kanya ang
mga taong mayayayaman. Binulag din ni Chic si Didang sa mga materyalistikong bagay
na maaari nitong mabili kung makaipn na siya ng pera – at ang mga bagay na iyon ang
nakapanghikayat kay Didang na tanggapin ang trabaho. Nagsimulang magtrabaho si
Didang sa nightclub at naranasan niya ang buhay ng isang hostess. Tumagal siya ng
mahigit isang taon sa isang nightclub sa Dewey Boulevard na pag-aari ni Ric. Kumita
siya ng mahigit tatlong libong piso at nakuha niya ang kahat ng kaniyang gustushin.
Nagpasiyang umuwi is Didang at dinalahilan ang pagkakaroon ng isang ‘Todos Los
Santos’ upang madalaw ang libingan ng kanyang ina sa Baliwag, ang kanyang lalawigan.
Pagkauwi’y nabalitaan niyang wala na ang kaniyang ama roon at maging ang kanyang
maybahay. Madalas daw kasi mag-away ang dalawa kaya’t naghiwalay. Di knalaunan ay
namatay ang kanyang ama dahil sa isang sugat na hindi gumaling. Nanirahan na lamang
si Didang sa isang kaibigan at mabilis siyang nagging popular sa mga tao roon dahil sa
mga pinagpapautang niya. Naging ninang siya sa mga sunud-sunod na kasalan at ang
ilang pinautang ay hindi na nagbabayad kaya’t minabuti na lamang niya na umalis na
lamang doon at tumungo muli sa Maynila, kanila Maring na isang matalik na kaibigan at
kasama sa trabaho noon. Nakipagkuwentuhan ang dalawa at nalaman ni Didang na si
Maring ay nadali ng isang Intsik at nagkaanak. Tinulungan niyang makapasok si Didang
sa tindahang pag-aari ng Intsik na ama ng anak ni Miring. Mabilis napasok sa trabaho si
Didang at may magandang suweldo.

Chapter 18
Tatlong magkakasunod na putok ng baril ang narinig ni Didang at Lino. Pawang sa lugar
nila Lino naggaling ang mga putok kaya’t mabilis na sumakay si Lino sa kanyang kabayo
at mabilis na pinatakbo ito. Pagkarating ay hinanap kaagad si Bidong na nakasabi na mga
taong may galit sa kanilang dalawa ang mga nagpaputok ng baril. Buti na lamang na
nakapunta si Bidong sa kanilang dugout. Nagkakwentuhan ang dalawa at napagpasiyahan
na si Bidong ay pupunta sa Pinyahan upang siya ng maghatid ng mga nahuli nitong pugo
[vague]. Si Lino naman ay pupunta kaila Aling Barang upang ialok parte ng kanilang
lupa upang doon itayo muli ang tahanan sapagkat pinaalis sila ni Don Tito sa kanilang
lupain. Ikinagalak ito ni Bidong sapagkat mas malalapit siya kay Huli. Nagpasalamat ng
marami si Aling Baring kahit na hindi pa ito sumasang-ayon sapagkat ipapaalam pa niya
iyon sa kanyang asawa. Nagbalik si Lino kay Bidong dahil siya muli ay tutungo sa bahay
ni Didang. Pinaalalahanan ni Lino na patayin ni Bidong ang ilaw kapag siya ay nakalabas
na.

Chapter 19
Nang dumating si Lino sa tahanan ni Didang ay pinagminindal muna ito ang bisita bago
muling isalaysay ang kasaysayan ng kaniyang buhay. Ipinagpatuloy na ni Didang ang
kanyang kasaysayan sa tindahan ni Chan Lee, ang may-ari. Nasabi niyang noong mga
nakailang araw sa pagtratrabaho ay pinadadalhan siya ni Chan Lee ng mga mamahaling
bagay. Simula noon ay pamahal ng pamahal ang mga binigay nito kay Didang. Isang
araw ay pauwi na siya ng ipatawag ito sa kaniyang opisina. Nagpasama si Didang ng
isang ka-trabaho ngunit ayaw nitong sumama kaya’t mag-isa itong umakyat. Nakita ni
Didang na may kainan sa isang sulok ng opisina na pang-dalawahan lamang. Sinabi ni
Chan Lee na gusto lamang niya na may makasamang babae sa araw na iyon dahil
ginugunita niya ang relasyon niya sa una niyang kasintahan. Kumain si Didang kahit na
busog pa ito at siya’y nasarapan. Sumunod ay ipinainom siya ng alak ngunit tinanggihan
niya ito kaya’t pinalitan ng tsaa. Inimon niya iyon at nakadama ng kakaiba sa anyang
katawan. Ninais niyang makalabas ng pintuan ngunit hindi siya makalabas at
napagsamantalahan na ni Chan Lee. Linulong siya sa sa silid na iyon ng mga 2 linggo,
estema ni Didang. Sinundo siya ni Miring at Mentang at siya’y inuwi. Nais magsumbong
ni Didang ngunit pakiramdam niyang walang maniniwala sapagkat walang nakakita sa
kanya. Hindi nalauna’y [is this a word?] nalaman niyang siya’y nagdadalantao at kasabay
nito’y may balitang dala si Ka Nga na umalis papuntang Amerika sa Chan Lee at hindi
nagsabi kung kalian babalik. Iniwanan na laman ito ng sobre na naglalaman ng limang
libong piso. Napagdesisyunan ni Didang na bubuhayin niya ang bata sa kanyang
sinapupunanat aalis sa lugar na iyon at hindi na babalik. Sumakay ng bus na waking
katiyakan kung saan pupunta. Napunta siya sa bandang Luzon at nakitira sa isang
kakilalang nakilala niya sa bus. Siya si Flora na may tatlo pang kapatid. Ikinwento niya
maging ang buhay ng mga iyon at sinabing nakitira siya sa bunsong kapatid na si
Lumeng, na may asawang tsuper. Sinasabing sila ang pinakamayaman sa magkakapatid.
Dun na niya ipinanganak ang kanyang anak na babae na napakaganda. Ngunit ilang
buwan lamang ay kinuha na siya ng Diyos kahit na ibinibigay niya lahat ng kanyang
pagmamahal dito. Ginawa niyang ninang si Lumeng kaya’t mag-kumare at kumpadre ang
kanilang turingan. Isang araw ay narinig ni Didang ang pag-uusap ng kanyang kumpadre
at si Lumeng. Narinig niyang gusto siya makasalo ng hepe sa trabaho ng kanyang
kumpadre at hindi raw ito makatanggi dahil sakanya nakasalalay ang kinabukasan nilang
mag-anak. Nagpaalam kinaumagahan si Didang kay Lumeng at sinabing babalik ito ng
Maynila kahit hindi naman. Sumakay siya ng bus paibaba at makarating sa Nayon ng
Maruhat, kung nasaan siya ngayon. Doon niya nakilala si Tiya Huwana na kumupkop sa
kanya dahil mag-isa rin ito sa buhay. Nagkakilala sila ni Lino nang isang araw
pagkatapos magpunta sa Pinyahan ay bumaba siya ni Tiya Huwana sa tapat ng tahanan
nito. Mula sa pangyayari sa buhay ni Didang na iyon ay nalalaman na lahat ni Lino. Sa
kabila ng kasaysayan ni Didang ay tinanggap pa rin ni Lino si Didang at handing ibigay
ang lahat ng kanyang pagmamahal. Binigyanpa ng kaunting palugit ni Didang si Lino
upang mag-isip sa magiging desisyon nito dahil akala nito’y naaawa lamang ito sa kanya.
Dapat ay ipagtatapat na ni Lino ang tungkol naman sa kanyang buhay ngunit tila alam na
lahat nito ni Didang at handa siyang tanggapin hung ano o sino man si Lino.

Chapter 20 – Mga Kasunduan


Madaling araw na ng makaraiting si Didang at si Lino sa kubo. Nagpalakad-lakad lamang
sila sakay ng kabayo. Sila ay nagkwekwentuhan tungkol sa mga nangyari kay Didang sa
kanyang pagpunta sa Maynila. Ikinwento rin niya ang mga masasaya at mga
masasalimuot na mga pangyayayari sa kanyang pagpunta roon.

Chapter 21 – Bidong
Sa kabanatang ito, inutusan ni Benigno Sityar si Bidong na patayin si Lino dahil sa mga
lupain na binigay sa kanya ni Amando. Noong una, inaya ni Benigno si Lino para maging
bodyguard niya ngunit humindi si Lino’t pinasa niya ang hikayat na ito kay Bidong. Sa
mga panahong ito, nangngampanya siya para maging gobernador ng kanilang lugar.

Chapter 22-25
Bago umalis sina Salina, Mina at Beba sa tahanan ni Ms. Sanchez, naipasya ng dalaga
nadumalaw sa gabi sa babo [what?] at ulila ng yumaong Gabriel Manalastas ng Maruhat.
Nagpasama si Miss Sanchez kay Ignacio at sinalubong sila ng isang may-bahay ng
malayong kamag-anak ni Manalastas. Nakatawag ng pansinsi Huli kay Ms. Sanchez sa
lubhang pagkaliksa [again, huh?] nito. Kinausap ni Ms Sanchez si Huli at nagabot ng
isang sobre at nakiusap kung pwede sila dumalaw sa Pinyahan pagkatapos ng parasal.
Nasabi ni Huli na si Lino ang gumagastos salahat para sa kanila at matagal na rin nila
itong di nakikita simula pa nung libing ng ama. Tinanong din ni Ms Sanchez kung nasan
si Bidong at nasabi ni Huli na di naraw nila ito nakikita sapagkat takot ito sa ina at
nagtanggi raw itong maging bodyguard ni Sityar ngunit gusto na niya magkaroon ng
sarining hanapbuhay. Nagtaka si Ms Sanchez kung bakit napalapit ang loob ni Lino kay
Don Tito at baka ipagdamdam ng kanilang pari. Naratnan ni Ms Sanchez sa Amando at
naibalita ang pagdalaw nito sa balaw ng yumaong kapitbahay ni Lino sa Maruhat at
ibinalita rin ang mga nasabi ni Huli. Nagdamdam si Aling Basilia kay Lino sa nabalitaan
dahil bakit ang sarili niyang anak ay di mabisita. Naisip ni Ms Sanchez na pagpaaralin
sina sina erni at Ernesto sa Maynila upang magkolehiyo dahil may matinding hinanakit si
Ernesto sa ama niya. Nasabi ni Amando na may nahahalata siya kay Abogado Ligon dahil
tuwing nasasabi niya ang di pagdalaw ni Lino ay iniilasan [iniiwasan?] ang mga mata
niya at naisip niya na balang araw, maaari niyang maanyayahan si Ligon sa isang
confecionarion [what?] at doon masasabi niya ang lahat. Nasabi ni Amando na may
kumalat raw na balita sa Maruhat na di umano’y nagpadala raw siya ng malaking
halagang panlimos sa mga dukha na ipinamudmod daw ni Bidong dahil hindi naman daw
ito totoo. [again, things are very messy]. Binabalak lang daw niya iyon gawin ngunit di
pa niya nagagawa at wala siyang balak na salawin si Don Tito at si Lino lang ang
makakapagpaliwanag sa kanya. Naalala ni Ms Sanchez na may palatuntunan sa Aogsto
19 sa kaarawan ng yumaong pangulong Quezon sa bibigkas si Ernesto ng malaking
talumpati sa wikang tagalong at naisip na kung dalhin si Lino ng sulat na paanyahan ay
dumalo kaya ito upang marinig ang kanyang anak? Dito magkakausap rin si Pari Amando
at Lino. Sa tahanan ni Don Tito sa tanggapan ng brain trust na lihim na tinaguriang
Camara Negra ng Benog for Government Movement. Nasabi ni Benog kay Bidong na
kung gagawin niya ang lahat ng nais ni Benog ay bibigyan niya ito ng mahiwagang susi
na mahihingan niya ng lahat ng kanyang ibig at galing raw ang susi na ito sa Amerika at
kapag nahawak niya ito, makukuha ang lahat ng kailangan at parang lampara ni Aladdin,
ngunit nagtaka si Biding sa susing ito at nasabi ni Benog na ang susing ito ay salapi dahil
ang salapi ang nakapagbibili ng lahat ng nais ng tao. Nasabi ni Benog na pag nanalo siya
bilang gobernador ng bayan ay gagawin niyang…[I omitted this part because it simply
made no sense…] . Tinanong ni Bidong kung ano talaga ang iuutos ni Benog sa kanya at
ito naman ay kanyang ibinulong at binigyan ng 24 oras upang mag-isip at pumanig ito.
Dumating naman si Luisito ng brain trust na may dalang limang sandatahang lalaki sa
tanggapan ni Benog. Nasabi rito ni Benog na binigyan niya si Bidongng 24 hrs at
ipinahanda kay Luisito ang plano at nasabi na di dapat mangyari ang anumang mangyari
kundi sa Pinyahan at pinaputol sa kanya ang anumang pagtatalastasan kaninoman dahil
mapanganib na malaman ni Lino ang kanilang pinag-uusapan at sumang-ayon naman si
Luisito.

Chapter 26
Dinala bigla si Bidong sa isang silid na may rehas na bintana na bakal at mayroong
siyang dalawang kasambilang tagabantay. Nagbalik si Benog at si Luisito sa tanggapan
ng Brain Trust. Nadatnan nila si Pedrito at Abundio doon. Sinabi ni Abundio kay Benog
na malapit na ang halalan at kailangan na nila ng plataporma. Pinag-usapan din nila ang
kanilang mga plano para sa halalan. Hindi sila seryoso sa kanilang mga plano at ang
gusto lamang nila ay ang manalo. Magtakipsilim na nang dumating si Ms. Sanchez sa
kanilang tahanan mila sa paaralan. Kasama niya sina Erni at Ernesto. Naratnan din nila si
Aling Ambrosia na maghahatid ng labada. Si Aling Basilia at si Ignacia ay di pa
dumadating. Si Ms Sanchez at si Aling Ambrosia ay walang tigil saa pagkukuwentuhan.
Bago umalis ay may iniabot si Ms Sanchez kay Aling Ambrosia na liham na may
pangalang G. Lino Rivera sa labas. Ang liham na ito ay para kay Luring. Nakasaad sa
sulat ang isang liham ng pag-iimbita dahil magtatalumpati daw si Ernesto sa wikang
tagalong. Si Albino ang nagdala ng sulat na it kay Lino. Nag-uusap din sila tungkol dito
ngunit agad na din umalis si Albino. Nang magpapahinga si Ms Sanchez, tila balisa siya
at di makatulog. Nasa isip niya si Didang at ang paglayo ni Lino. Sinabi niya sa sarili na
tiyak na di rin matitiis ni Lino na huwag makita si Ernesto sa palatuntunan sa Biernes ng
hapon. Hatinggabi na ng nakatulog si Ms Sanchez at matamlay ang kanyang paggising sa
umaga.

Chapter 27
Patuloy ang pagkatamlay ni Ms Sanchez ng umagang iyon. Ngunit gumaan ang loob niya
kapag naiisip niya si Huli na talaga naming isang magiliw na bata. Ayon sa kanya,
importante ang paganyaya sa imbitasyon ni Ms Sanchez sa kanya. Nag-alala din siya na
baka sumama ang loob ni Didang sa hindi niya pagpunta sa hindi niyang minindal. Hindi
din natahimik ang kalooban ni Lino dahil sa pagtakas ni Bidong na sadyang kahina-
hinala. Napagpasiyahan niya na dapat niyang unahin ang kapakanan ni Bidong sapagkat
buhay at hindi puso ang nakataya dito. Magiika-apat na ng hapon ng makarating si Lino
sa Linggo ng Wika. Maraming tao doon at lahat sila ay nag-uusap. Matapos ang ilang
oras, duamting na ang oras ng pagpapakilala kay Ernesto. Nabuhayan ang kanyang loob
na malaman niya na naroon ang kanyang ma. Napatuloy na siya sa kanyang talumpati na
talaga namang pinalakpakan ng mga tao. Sa kabilang dako, si Lino ay iniisip pa rin si
Bidong. Nakarinig siya ng isang putok ng baril na pagkaraan ay sinundan pa. Kinabahan
siya at agad bumaba ng kabayo. Nakita niya ang bangkay ni Lino.

Chapters 30-31
Nakatanaw sina Lino at albino sa malaking liwanag sa dako ng bukid ni Lino sa Maruhat.
Madaling tumakbo ang dalawa at nakita nila na nasunog na ang mga kubo nila pati na rin
ang kay Huli. Tumigil sila sa may dalawang kilometrong layo mula sa mga kubo. Iniwan
ni Lino si Albino sa isang tabi at binigyan niya ito ng baril. Siguradong-sigurado siya na
doon dadaan ang kanilang mga kalaban. Muling nangabayo so Lino hanggang nakita niya
ang kanyang kalabaw na may nakasakay na isang lalaki. Pinaputukan ito ni Lino at nakita
niyang nahulog ito. May tatlong lalaki pang dumating at sila’y binaril din ni Lino.
Narinig din niyang nagpaputok si Albino. Mamaya ay dumating na rin si Albino sa
kanyang tabi. Nilapitan niya ang lalaki at tinapatan siya ng flashlight. Ngunit sinabi ni
Albino na mas ligtas kung maghihintay silo ng umaga.Nang sumunod na umaga,
dumating si Albino kasama ang pangulo ng Maruhat. Muli nila nilapitan ang lalaking
nahulog mula sa kalabaw ni Lino. Ito ay namukhaan ng kanilang pangulo at sinabi naang
lalaking iyon ay ang pinuno ng Hukbalahap. Ipiinaliwanag ng kanilang pangulo na
matagal na nilang sinusubukan hulihin ito ngunit hindi nila magawa. Mamaya ay
dumating sina Amando at Ligon. Agad naman silang nilapitan nina Albino at Lino.
Sumama sila kay Ligon at kanilang tinalakay ang mga kaso ng Hukbalahap. Sinabi ng
abogado na walang kaso na ipapataw kina Lino at Albino at silaay pinasasalamatan ng
maraming tao sa pagpatay ng mga Hukbalahap.Mahigit na isang lingo bago dumating
muli sina Lino at Albino sa Maruhat. Kasabay nito ang balita na nabawasan ng isang
kagawad si Benigno Sityar, pagka’t may apat na araw nang patay si Luisito dahil ito raw
ay naubusan ng dugo.Nang pumunta si Lino kay Aling Barang, nabalitaan nito na may
sakit si Ms. Sanchez. Napatungo si Lino ng saglit. At kanyang nakita si Huli na anak ni
Aling barang na nagmumuni-muni. Nag-usap silang dalawa. Ipinaliwanag ni Lino na
mahalaga si Huli kay Bidong na siyang kasintahan ng dalaga. Ipinakiusap ni Huli kay
Lino na lagging dalawin si Ms. Sanchez. May-may’y umalis na ang mag-ina upang
pumunta sa Pinyahan at alagaan ang may sakit na dalaga.Matapos ng pagpaalam si Lino,
pinuntahan naman niya si Aling Huwana, ina ni Didang. Malayo pa lang ay nakita na siya
ni Lino. Kanyang sinabi na umalis si Didang noong umagamatapos na hintayin si Lino ng
pagkatagal-tagal. Agad-agad naman itong sinundan ni Lino patungo sa may
bayan.Samantalang sa Pinyahan, palubha na ng palubha ang sitwasyon ni Ms Sanchez.
Ayaw niyang kumain, magpatulong kung kanino lang, tumanggap ng bisita o
magpagamot. Tuluyan na siyang nawawalan ng pag-asa.Isang araw dumating si Amando
sa bahay niya. Ito ay dahil napagpasiyahan nila na kunin si Ernesto at dalhin sa isang
kolehiyo sa Maynila. Noong una ay ayaw pumayag si Erestina ngunit siya ay pinilit ni
Ernesto kung kaya’t pumayag na siya. Nang ihatid ni Padre Amando ang mga bata sa
Maynila, nagdala siya ng isang mahusay na doctor sa Pnyahan. Napansin ng doctor na
ayaw magpagaling si Ms Sanchez. Natuklas niya ang sakit: coronary thrombosis at
angina pectoris. Nagulat si Padre Amando sa kanyang narinig. Agad niyang pinuntahan si
Ligon at ipinakiusap na hanapin si Lino. Ilang araw niyang hinanap si Lino hanggang
matagpuan niya itong nagtratrabaho sa Grace Park sa may Kalookan. Ipinaliwanag ni
Lino ang pagkawala ni Didang at ng ilang araw niya itong hinanap. Nailibot na niya ang
buong Maynila hanggang sa Dewey Boulevard, sa Pasay, sa Polo, sa Quezon City.
Ipinaliwanag naman ng abogado ang nangyari kay Ms Sanchez. Tumungo silang dalawa
sa Pinyahan. Pagkarating nila sa kumbento, nakita nila si Felix na isang sacristan. Sinabi
ni Felix na si Padre Amando ay nasa bahay ni Ms Sanchez. Nang nakita ni Felix na
madumi si Lino, pinahiram niya ito ng damit at agad-agad silang pumunta sa bahay ni Ms
Sanchez.Laking tuwa ni Amando nang dumating si Lino. Inutusan niya itong pumasok sa
kuwarto ni Ms Sanchez. Nag-usap silang matagal ni Lino. Sila’y humingi ng patawad sa
isa’t isa, sa lahat ng kakulangan na hindi nila naibigay, o sa mga salitang hindi nila
nasabi. Sila’y nagpasalamat din sa maraming pangyayari na nakaukit sa kanilang mga
puso. At pagpatong ng ika-walo ng gabi ibinigay ni Ms Sanchez ang huling hibla ng
kanyang buhay.
ISMONG PAMPANITIKAN

REALISTIKO

• Ang mga kaganapan ay nangyayari sa tunay na buhay.

• Naipakita sa nobela ang patuloy na pakikipaglaban ng tao sa mga pagsubok


ng buhay

• Si Lino simbolo lamang ng tunay na mga mamamayang humihingi ng


katarungan at pagkakapantay-pantay noong panahong iyon.

HUMANISTIKO

• Maituturing din ang nobela na isang humanistikong nobela dahil ipinakita


rito ang kahalagahan at kahusayan ng tao.

• Sa pamamagitan ni Pari Amando, binigyang-diin ang paggalang sa


karapatang pang-tao at implimentasyon ng mga ito.

• Tinuligsa ng may-akda ang diskriminasyon sa mga mahihirap sa


pamamagitan ng pagpapakita ng masasamang gawain ng mga taong sakim
na tulad nina Don Tito at Dr. Benigno Sityar.

SOSYOLOHIKAL
• Mahalaga para sa isang tao ang magkaroon ng mga kaibigan. Ipinakita sa
nobela ang matibay na relasyon nina Bidong at Lino at kung paano nito
nabago ang kanilang mga buhay.

• Masasabi ring may mga tao pa ring likas na mabuti. Ang mga taong tulad ni
Lino, na handang tumulong sa iba, kahit na sa hindi kakilala, ay maituturing
na isang magandang huwaran para sa lahat.

GAMIT NG WIKA

• Ang nobelang “Daluyong” ay may mga wikang Pambansa, Panglalawigan,


Pampanitikan, at Pabalbal.

• Pambansa - Gumamit ng mga salita at diyalogong karaniwang ginagamit ng


mga mamamayan at madaling intindihin

• Panglalawigan - Dahil sa lalawigan naganap ang buong nobela, gumamit ang


mga tauhan ng ilang salitang ginagamit lamang sa mga lalawigan ng
Pilipinas. Ang mga salitang ito ang minsan pang nagsisilbing
pagkakakilanlan ng isang partikular na lugar sa Pilipinas.

• Pampanitikan – Pinalalim ng may-akda ang nobela sa pamamagitan ng


paggamit ng malalalim na salita at kaisipang mas nakapagbigay ng kulay sa
kwento.

• Pabalbal – Gumamit din ang ilang tauhan, tulad nina Dr. Benog at Bidong,
ng ilang salitang madalas na ring gamitin ng mga karaniwang tao.
MGA TAUHAN

• Lino Rivera
• Ama ni Ernesto, matalik na kaibigan ni Bidong
• Binigyan ng kapirasong lupa ni Padre Echevarria
• May prinsipyo at paninindigan
• Magaling makisalamuha sa iba at laging handang tumulong sa
nangangailangan
• Tumatanaw ng utang ng loob sa mga taong naging parte ng kanyang
buhay (Ms. Sanchez, Pari Amando)
• Lihim na umiibig kay Ms. Sanchez
• Itinuturing na kaaway ng kampo nina Don Tito

• Ms. Loreto Sanchez

- Nag-iisang anak ni Aling Basilia, pamangkin ni Padre

• Amando

• May pagtingin kay Lino


• Maganda, matalino, at mapagkumbaba
• Itinuturing na ina nina Ernesto at Ernestina
• Namatay dahil sa labis na kalungkutan

• Bidong
• Estrangherong itinuring ni Lino na isang kapatid.
• Iniibig si Huli
• Mabuting kaibigan- tinanggihan niya ang utos ni Don Tito at Benog
na ipahamak si Lino

Tapat sa kaibigan at masipag


• Don Tito
• Ang nagmamay-ari ng karamihan sa mga lupa ng Maruhat
• Nais niyang makuha ang lupa ni Lino sa Maruhat upang magamit
niya para sa kanyang bakahan.
• Sakim at mapang-abuso sa mahihina

• Dr. Benigno Sityar/ Benog


• Anak ni Don Tito
• Nakapag-aral sa Amerika ng Medisina at nais makapasok sa pulitika
• May colonial mentality

• Pari Amado Echevarria

- Kura Paroko ng Pinyahan

- Matulungin – binigyan niya si Lino ng pagkakataong

magkaroon ng mas magandang buhay

- May malasakit sa mga kasama sa kanyang asyenda

- Representasyon ng Simbahan sa nobela

• Didang

- Dating taga-Maynila na kinupkop ni Aling Huwana

- Iniibig si Lino

- Biktima ng pang-aabuso at pagmamalupit

- Mapagtiis at may busilak na kalooban

• Ernesto

- Nag-iisang anak ni Lino

- Mapagmahal at mauunawaing anak

• Huli

- Anak nina Aling Barang at Mang Abeng


- Sinsabing sila ay naghirap dahil sa pag-aaral ng

kaniyang nakatatandang kapatid.

- Iniibig ni Bidong

- Mapagmahal na anak at mapagtiis

- Simbolo ng isang mahinhin at mabuting dalagang Pilipina

• Aling Barang

- Ina ni Huli

- Hindi hinahayaang makipagkita si Huli kay Bidong

- Madasalin at marunong tumanaw ng utang na loob

- May pagtatangi para sa anak na lalaking si Tirso

• Aling Basilia

- Ina ni Ms. Sanchez

- Itinuring si Lino na sariling kapamilya

- May mabuting kalooban

• Aling Huwana

- Ang kumupkop kay Didang

- Relihiyosa at mabait

• Albino

- Mabuting kaibigan ni Lino

- Nagtrabaho sa bakahan ni Don Tito

- Nagsilbing mata at tainga ni Lino sa mga plano at

pangyayari sa tahanan ng mga Sityar


• Abogado Marcelo Ligon

- Nakakatulong ni Pari Amando sa mga gawain sa kumbento

- Kumausap kay Lino upang iwasan si Ms. Sanchez

- Naghanap kay Lino upang anyayahan itong bumalik sa

Pinyahan at pagalingin si Ms. Sanchez

• Ernestina

- Batang kinupkop na rin ni Ms. Sanchez

- Ulilang lubos na

- Kalaro ni Ernesto

- Mabait at mapagmahal na bata


MGA TAGPUAN

• Maruhat

• dito naganap ang karamihan sa mga pangyayari sa nobela.

• narito ang lupang natanggap ni Lino

• sinasabi na ang kalakhan ng Maruhat ay dating pagmamay-ari ng nuno ni


Huli at inagaw lamang ni Don Tito

• ayon kay Bidong, ito ang pook kung saan makakatagpo ng maraming
magagandang dalaga

• Nayon ng Pinyahan, sa bayan ng X

- dito nakatira sina Ms. Sanchez at Padre Amando

- dito nagwakas ang kwento (Pagkamatay ni Ms. Sanchez)

- sa simabahan nito nagpamisa si Pari Amando at pagkatapos ay pinapirma na


ang kanyang mga kasama ng kasunduan

- may mahigit-kumulang tatlong oras na biyahe patungong Maruhat


• Kumbento

- dito madalas na naglalagi sina Pari Amando at Abogado Ligon, dala ng kanilang
trabaho

- dito nagpupunta si Lino tuwing araw ng Linggo upang pag-usapan nila ni Pari
Amando ang ilang bagay tungkol sa relihiyon, paksang-aralin, at iba pa

- dito unang dinala ni Lino ang bangkay ni Bidong matapos ang awtopsiya upang
mabasbasan na ni Pari Amando

• sa tahanan nina Ms. Sanchez

• Dito tumitira si Ernesto, kasama si Ms. Sanchez

• Dito rin madalas na pumupunta si Lino pagkatapos niyang dumaan sa


kumbento

• Pinagdausan ng pagdiriwang ng kaarawan ni Ms. Sanchez, kung saan


ipinahiwatig nina Mina, Salina, at Beba (mga kaibigan ni Ms. Sanchez), ang
kanilang pangmamaliit kay Lino

• Pangsamantalang namalagi rito ang mag-inang Barang at Huli matapos


mamatay si Mang Abeng

• Tahanan ni Aling Huwana

- Dito tumira si Didang, matapos siyang kupkupin ni Aling Huwana


- Madalas dalawin ni Lino si Didang dito upang sila’y makapag-usap at mas
magkakilala

- Hindi malayo mula sa tinutuluyang kubo at bukid ni Lino

Tahanan nina Don Tito

• Kung saan madalas na namamalagi si Albino

• Dito nagpupulong ang mga miyembro ng brain trust ni Benog upang pag-
usapan ang kanilang mga plano para sa eleksyon

• Pansamantalang tinirahan ni Bidong noong siya’y ibigay ni Lino kay Don


Tito upang maging badigard ni Benog
PAKSANG-DIWA

• Ang mga “daluyong” sa buhay ay mga pagsubok lamang na naglalayong


patibayin ang loob at bigyan ng aral ang isang tao.

• Ang tunay na pag-ibig ay laging handang magsakripisyo at magparaya.

• Pagsisikap at determinasyon ang mga susi upang mapaunlad ang buhay ng


isang tao.

• Ang pagkatao ng isang tao ay nahuhubog din ng kanyang relasyon sa


kanyang pamilya at mga kaibigan.

You might also like