You are on page 1of 14

PALABUUAN NG

PANGUNGUSAP
SINTAKS
PALABUUAN NG PANGUNGUSAP
(SINTAKS)

Ang pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo


ng parirala, sugnay at pangungusap ay tinatawag na
sintaks.
PARIRALA
-Ito ang tawag sa lipon ng mga salita na walang paksa
at panaguri na ginagamit para makabuo ng
pangungusap.

Halimbawa:

sa dako roon
sa tabi ng daan
sa madilim na lugar
SUGNAY
Ang sugnay ay lipon din ng mga salita na maaring may diwa at maari ring
wala. Maari rin itong magkaroon ng paksa at pang-uri at maari ring wala.

MAY DALAWANG URI NG SUGNAY:


-Punong sugnay/malayang sugnay/sugnay na makapagiisa(payak na
pangungusap). Ito ang sugnay na may diwa.
Halimbawa:
Gumagamit ng mga piling salita ang pormal na sulatin
isang sining ang pagsusulat
-Pantulong na sugnay/di-malayang sugnay/sugnay na di makapag-iisa. Wala
itong diwa kung di isasama sa isang punong sugnay. Nagsisimula ito sa isang
pangatnig.
Halimbawa:
datapwat di naman kailangang maging matalinghaga
kung bagamat minamana, pinag-aaralan din
ANG PANGUNGUSAP
Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salitang may
simuno at panaguri at nagbibigay ng buong diwa o kaisipan.

SIMUNO- ang simuno ay tinatawag ding paksa ng


pangungusap. Paksa sapagkat ito ang pinag-uusapan.
PANAGURI- ang bahagi ng pangungusap na nagsasaad o
nagbibigay ng impormasyon tungkol sa paksa ng
pangungusap.
Halimbawa:
Nariyan na ang mga dayuhang panauhin
SIMUNO= ang mga dayuhang panauhin
PANAGURI-= Nariyan na
Ang simuno at panaguri ng isang pangungusap ay hindi na laging payak
o iisa –maari ang isang pangungusap ay magkaroon ng isa o mahigit
na simuno o isa o mahigit na panaguri.

a. Payak na simuno at payak na panaguri


Ang kultura ay isang manang sosyal ng tao.
b. Tambalang simuno at tambalang panaguri
Ang wika at panitikan ay sangkap at bahagi ng ating kultura.
c. Payak na simuno at tambalang panguri
Ang panitikan ay buhay at salamin ng ating nakaraan.
d. Tambalang simuno at payak na panguri
Ang dula at tula ay uri ng panitikan.
May dalawang kaayusan ang pagbuo ng mga pangungusap

a. Yaong nauuna ang panaguri kaysa simuno


-tinatawag din itong nasa karaniwang ayos
Bahagi ng ating kultura ang ating mga kaugalian.

b. Yaong nauuna ang simuno o paksa kaysa panaguri


-tinatawag itong di-karaniwang ayos
Ang ating mga kaugalian ay bahagi ng ating kultura.
Ang pangungusap ay may iba’t ibang uri ayon sa gamit o diwang ipinahahayag

a. PASALAYSAY O PATUROL – ito ang mga pangungusap na ginagamit upang


magpahayag ng katotohanan at tunay na kalagayan.
May sariling kultura tayong Pilipino.
b. PATANONG – ito ang mga pangungusap na ginagamit kung nais nating
kumuha ng mga impormasyon. May dalawang uri ng tanong. Yaong humihingi ng
sagot na oo at hindi lamang at yaong nangangailangan ng mahahabang sagot o
paliwanag.
Sasama ka ba?
Bakit hindi ka sasama?
c. PAUTOS O PAKIUSAP – ginagamit ang mga pangungusap na ito kung nais
na mag-utos o humingi ng pabor ng nagsasalita.
Pakisabi mo sa kanya na hindi na kami tutuloy.
d. PADAMDAM – nagpapahayag naman ang pangungusap na ito ng ano mang
uri ng damdamin – kalungkutan, kasiyahan, paghanag, atbp.
Naku naman!
Ayon naman sa kayarian o pagkabuo, ang mag pangungusap ay may – apat na uri.

a. PAYAK – kung ang pangungusap ay nagbibigay ng isang kaisipan lamang.


Huwaran sa kahinhinan ang dalagang Pilipina.
b. TAMBALAN – ang mga pangungusap na tamabalan ay yaong mga pangungusap
na binubuo ng dalawa o mahigit pang mga pangungusap na payak na pinag-ugnay
ng mga pangatnig.
Sa pamamagitan ng wika nakikilala natin ang sarili nating daigdig at
nagkakaroon tayo ng sariling pananaw sa mga nangyayari.
c. HUGNAYAN – ang hugnayang pangungusap ay binubuo naman ng isang punong
sugnay at isa o mahigit na pantulong na sugnay. Pinag-uugnay din ito ng mga
pangatnig. Para sa madaling pagbubuo ng hugnayang pangungusap, kailangang
bumuo muna ng isang payak na pangungusap na siyang magiging batayan ng mga
pantulong na sugnay.

Mabuhay ang ekonomiya ng ating bansa.


(ito ay isang payak na sugnay, dugtungan natin ng isang pantulong na sugnay…)

dahil sa napakarami nating utang

Ito ang mabubuo = Mabuhay ang ekonomiya ng ating bansa dahil sa


napakarami nating utang.
d. LANGKAPAN – kung ang pundasyon ng hugnayang pangungusap ay isang payak
na pangungusap o isang sugnay na makapag-iisa, ang pundasyon naman ng
langkapang pangungusap ay tambalang pangungusap o dalawang payak na
pangungusap na pinag-uugnay ng mga pangatnig.

Ang presyo ng mga bilihin ay patuloy na tumataas samantalang ang suweldo


ng mga manggagawa ay hindi nagbabago.
MGA KATANGIAN NG MALINAW AT MABISANG PANGUNGUSAP

1. KAISAHAN – may kaisahan ang pangungusap kung malinaw


na nagsasaad ng natatangi o pangunahing kaisipan.
MALI:
Sa ngayon ang mga kabataan sa pamayanan ay
lumalahok at nabibigyan nang pagkakataon sa mga proyektong
pampamayanan.

DAPAT:
Sa ngayon ang mga kabataan ay nabibigyan na ng
pagkakataong lumahok sa mga proyektong pampamayanan.
2. KAKIPILAN – nagkakaroon ng kakipilan ang mga pangungusap kung ang mga
salitang bumubuo nito ay maayos ang pagkasunod-sunod at magkakaugnay-
ugnay. Nawawala ang kakipilan dahil sa maling gamit ng panghalip na pamanggit.

MALI:
Ang nagbabayad na mamayanan ng buwis ay kapaki-pakinabang.

TAMA:
Ang mamayanang nagbabayad ng buwis ay kapaki-pakinabang.
3. PAGBIBIGAY-DIIN O EMPASIS – Kung ang pangungusap ay may kaisahan at
kakipilan na, naroon na rin ang pagbibigay-diin kaya lamang may isang panuntunang
sinusunod upang makapagbigay-diin. Upang makapgbigay-diin, ilagay sa unahan
ang mahahalagang pananalita at sa gitna o hulihan ang di-mahahalagang mga
salita.

WALANG EMPASIS:

Ipinahahayag sa radyo kahapon na hindi na kakandidato si FVR sa


susunod na halalan.

MAY EMPASIS:

Hindi na kakandidato si FVR sa susunod na halalan, ipinahayag kahapon


sa radyo.
SALAMAT PO

You might also like