You are on page 1of 12

Aralin 1 - Kay Selya

Ang araling ito ay nagsasalaysay at naglalarawan ng isang dalisay na pag ibig. Ito’y

tungkol sa unang pag-ibig ng may-akda na si Francisco “Balagtas” Baltazar kay Maria Asuncion

Rivera na tinawag niyang Selya.

Iniisip ng may-akda ang mga masasayang nangyari sa kanila ni Selya, gaya ng walang

hanggang pagmamahalan nila sa isa’t isa, ang larawan ni Selya na guhit sa sintang pinsel na ito

raw ay inilimbag ng kanyang puso’t panimdim na kahit kalian ay hindi mananakaw sa kanya at

ang mga masasayang pangyayari sa ilog Beata. Nang matauhan siya sa kanyang pag-iisip

napaiyak siya dahil sa labis na kalungkutan. Marami siyang tanong sa kanyang sarili na si Selya

lamang ang makakasagot nito at naisip rin niya ang mga masasayang nimfas sa ilog ng Bai at

ang mga sirena na ang mga tinig ay magaganda. Sinabi ni Francisco na kahit sumakabilang

buhay na siya hinahangad parin niya na ang tapat na pag-ibig ay tumagal. Tinagurian niyang

M.A.R. at tinawag na Selya ang kanyang unang pag-ibig.

Aralin 2 - Puno ng Salita

Ang araling ito ay naglalarawan ng isang gubat at ng isang binatang lalaki na nakagapos

sa isang puno.

Inilarawan ang gubat bilang isang madilim dahil hindi makapasok ang sinag ng araw

dahil sa mga malalaking puno gaya ng higera at sipres. Ang mga baging naman na namimilipit

sa sanga ng kahoy ay puno ng tinik, may bulo ang mga bunga nito na nagbibigay-sakit kapag

itoy kinain. Ang mga bulaklak sa nagtayong kahoy ay nakikiayon sa nakakahilong mabahong

amoy ng gubat at karamihan sa mga hayop na gumagala rito ay syerpente at tigre na may

masasamang loob. Ang gubat na ito ay malapit sa pinto ng Aberno Reyno na pinamumunuan ni

Pluto na inilarawan bilang isang masungit at ang kanyang mga nasasakupang lupain ay

dinidiligan niya ng tubig na galing sa ilog Kosito na makamandag ang tubig.


Sa gitna ng malungkot na gubat ay may isang lalaking nakatali sa puno, inilarawan siya

bilang isang binatang lalaki na maayos ang tindig kahit nakatali na ang kamay, paa’t liig,

makinis ang kanyang balat, at ang kanyang pilik-mata’t kilay ay parang isang arko.

Aralin 3 - Kaliluha’y Hari

Ang araling ito ay naglalarawan ng kaguluhan na nangyari sa Albanya at kung ano ang

naramdaman ni Florante sa mga pangyayaring ito.

Sa gubat na kinalalagyan ni Florante ay walang nakatirang nimfas o harpyas na

mahihingian niya ng tulong, kaya naman kinausap ni Florante ang Diyos sa pamamagitan ng

padadasal. Ang kanyang mga hinaing ay tungkol sa mga taong masasama at mabubuti ang

loob na nakatira sa Albanya at tungkol sa ibang bandila na iwinawagayway sa Albanya.

Tinanong niya ang Diyos kung bakit ang mga masasamang tao ang nakakaranas ng tagumpay

at ang mga mabubuting tao naman ang nakakaranas ng kamalasan. Sa galit ni Florante nasisi

niya ang Diyos sa lahat ng mga nangyayari sa Albanya, kung bakit raw ito pinababayaang

mangyari. Alam niya na ang nais ni Konde Adlofo ay ang korona ni Haring Linseo at sabugan ng

sama ang Albanya. Kaya naman hiniling ni Florante mula sa makapangyarihang kamay ng

Diyos na itapon ang kanyang galit sa mga taong may masasamang loob na nakatira sa Albanya

at natanong rin niya kung bakit raw bingi ang kalangitan sa anyang mga sinasabi at kung bakit

hindi siya makaranas ng tagumpay sa buhay.

Aralin 4 - Ang Panibugo

Ang araling ito ay tungkol sa pagseselos ni Florante kay Konde Adolfo dahil nasa sinapupunan

ni Konde Adolfo si Laura.

Sinabi ni Florante sa Diyos na kung gusto niya talaga na siya’y magdusa may hihilingin

lamang siyang isang bagay, at iyon ay ipaalala kay Laura na may Florante pang nagmamahal

sa kanya na nasa gitna ng sakit at pagdurusa. Si Laura na lamang ang tanging taong natitira

kay Florante ngunit sa kasamaang palad nasa ibang kandungan na ito. Nahimatay si Florante

dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno ng sakit at
pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak na maaawa ito. Ang

gubat na madilim at malungkot ay nasasabugan ng libu-libong mga sakit at pagdurusa, na

inuulit pa niyang sabihin at isinisigaw na bakit raw nagtaksil si Laura sa kanya na tapat naman

ang kanyang hangarin at sumumpa raw si Laura sa harap ng langit na hindi magtataksil sa

kanyang pag-ibig kaya ibinigay rin niya ang kanyang pag-ibig dahil wala sa isip niya na

pagtataksilan siya ni Laura.

Aralin 5 - Halina, Laura Ko


Ang araling ito ay tungkol sa pangungulila ni Florante kay Laura! Ang sabi ni Florante ay
katiwala at kasintahan siya ni Laura, hindi raw niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang
maraming luha na inalay nito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Florante
ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura. Kapag umaalis o inuutusan si Florante ni
Haring Linseo na pumunta sa ibang siyudad ay umiiyak si Laura, kapag tinatahi ni Laura ang
plumahe ni Florante ay parang korales ang kanyang mga daliri, takot si Laura na masugatan si
Florante sa pakikipaglaban, ang baluti’t koleto ay hindi pinapayagan ni Laura na madampi’t
malapit sa katawan ni Florante hangga’t hindi niya nasisigurong wala na itong kalawang,
pinahihiyasan ni Laura ang turbante ni Florante ng perlas, topasyo’t maningning na rubi, kapag
hindi pa dumadating si Florante galing sa ibang siyudad o kahit saan ay hindi mapalagay si
Laura dahil akala ni Laura na nasugatan siya at kung may galos lang si Florante sa balat ay
labis na ang pag-aalala ni Laura rito at hindi naniniwala si Laura sa isang bagay kapag hindi pa
niya ito nasusuri.
Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya’y nakatali sa puno. Si
Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay Florante ngunit nasa ibang kandungan na
ito at ang kanyang lungkot ay umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding
pagseselos at sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.

Aralin 6 - Ang Pagdating ni Aladin sa Gubat


Ang araling ito ay naglalarawan ng isang lalaking gerero na pumunta sa gubat upang
makalimutan ang masasakit na nangyari tungkol sa kanyang pag-ibig.
Nang dumating ang isang gererong lalaki sa gubat na nakasuot ng putong na turbante
na kahanga-hanga at ito ang pananamit ng mga Moro sa siyudad ng Persya. Huminto siya sa
kanyang paglalakad at tumingin siya sa kanyang paligid upang humanap ng mapapahingahan
at may nakita siyang isang bubong ng kahoy. Umupo siya sa puno ng isang kahoy at doon
siya’y umiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang
kanyang noo sa kanan. Tumagilid siya, nagwalang-bahala, tumigil siya sa kanyang pag-iyak at
sinabi niya na ang tuwa na nararamdaman niya tungkol kay Flerida ay wala na dahil inagaw na
ito ng kanyang ama. Ang sabi pa niya kung hindi raw ang kanyang ama ang umagaw kay
Flerida malamang nakikipaglaban na siya ngayon upang ipaglaban ang kanyang mahal ngunit
sa di sinasadyang pagkakataon ang ama niya ang umagaw kaya dapat niya itong igalang at
inihambing pa siya kay Marte. Sinabi rin niya na talagang makapangyarihan ang pag-ibig dahil
kahit anong panganib ang makakaharap, ito’y hahamakin para lamang sa minamahal.

Aralin 7 - Duke Briseo: Amang Mapagmahal


Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano walang awang pinatay ang ama ni
Florante at narinig ito ng gerero habang isinasalaysay niya ito.
Nang makarinig ang gerero ng iyak ni Florante, siya’y namangha kaya naman sinundan
niya kung saan nanggagaling ang boses ng nagsasalita at dumating siya sa pinanggagalingan
ng boses at narinig niya si Florante na umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-
pirasong pinatay ang kanyang ama ni Konde Adolfo. Ang sabi pa ni Florante ang mga kaibigan
ng kanyang ama ay nahati sa dalawang parte, may kumampi sa masama at may kumampi sa
mabuti ngunit walang magawa ang mga kaibigan niyang hindi bumaliktad sa kanya dahil
mapaparusahan lamang sila kapag lumapit sa pira-pirasong katawan ng kanyang ama at hindi
man lamang siya nabigyan ng maayos na libing at sabi pa ni Florante na ninanais pa ng
kanyang ama na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan at ng hindi mahulog sa
kamay ni Konde Adolfo na higit pa sa halimaw ang ugali. Para kay Florante, si Duke Briseo ay
isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan parin ng kanyang
anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na
kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.

Aralin 8 - Ang Morong Nakikinig

Ang araling ito ay tungkol sa isang gererong naghahanap ng tunay na kalinga at

pagmamahal ng isang ama.

Nang mapakinggan ni Aladin ang mga daing ni Florante ay agad niyang naisip ang

kanyang ama at hindi niya napigilang umiyak. Parang ikinukumpara ni Aladin ang kanyang ama

sa ama ni Florante kung paano ito mag aruga ng isang anak. Ang ama ni Aladin ay kilala niya

bilang isang sakim at makasariling ama. Inagaw nito ang kanyang kasintahan at nais ng

kanyang ama na lumubog siya sa dusa at siya’y mamatay. Namatay ang kanyang ina ng siya’y
isinilang kaya naman ang kanyang ama nalang ang nagpalaki sa kanya, ngunit ang pagpapalaki

nitoay pawing dusa at sakit ang kanyang nararamdaman.

Aralin 9 - O, Laura
Nang matauhan si Aladin sa kanyang pag-iisip sa kanyang ama, narinig niya ang muling
pananambitan ni Florante at ito’y tungkol kay Laura. Nagpapaalam siya at sinabi niyang kahit
siya’y sumakabilang buhay na mamahalin niya parin si Laura. Hindi pa natapos ni Florante ang
pangungusap na ito ay may dalawang leon ng papunta sa kanya at ng nasa harapan na niya
ito, ito’y tumigil at mukhang naawa sa kanyang kalagayan. Nagpaalam si Florante sa Albanyang
pinaglingkuran niya na ngayon ay pinamamayanan na ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan.
Bata pa lamang si Florante nais na niyang paglingkuran ang bayan ng Albanya. Sa kabila ng
lahat ng ito nagpapasalamat parin si Florante dahil sa Albanya niya nakilala ang kanyang
magiging kasintahan ngunit sa di inaasahan si Laura ay nagtaksil sa kanya.
Nasa harapan na ni Florante ang papatay sa kanya at mamamatay raw siya na hindi
kapiling si Laura at iyon ang pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Umiyak si
Florante dahil hindi na niya nakayanan ang sakit na kanyang nararamdaman, narinig ng gerero
ang lahat ng pananambitan ni Florante na nakakatakot kaya naman tinunton ni Aladin kung
nasaan nanggagaling ang boses na kanyang naririnig. Nang malapit na si Aladin kung saan
nandoon si Florante ay nakita niya ang matibay na pagkakatali nito sa puno at bigla siyang
umiyak dahil sa awa. Nais ng silain ng mga leon si Florante ngunit naabutan ito ni Aladin at
inusig niya ng taga ang dalawang mababangis na leon at namatay ito.

Aralin 10 - Ang Pakikipaglaban ni Aladin sa Dalawang Leon


Nang magtagumpay si Aladin sa pagpatay sa dalawang leon, kinalagan niya kaagad si
Florante at siya’y umiiyak habang kinakalagan niya ito. Nakita ni Aladin ang dugo na nunukal sa
gitgit dahil sa pagkakatali nito sa puno. Ang ginawa ni Aladin ay inalalyan niya si Florante upang
maiupo at kinalong niya ito. Sa pagtitig ni Aladin kay Florante habang ito’y natutulog, si Florante
ay biglang gumising at hinahanap si Laura at bumalik ito sa pagkakatulog. Natakot si Aladin na
sagutin si Florante kaya pinabayaan niya na lamang ito. Nang muling gumising si Florante
nakita niya ang isang lalaki na nakadamit pang Moro at siya’y nabigla, nais sana niyang ilayo
ang kanyang katawan kay Aladin ngunit hindi niya ito nagawa dahil mahina pa siya. Sinabi niya
kay Florante na ang baya’t sekta nila ay magkaaway ngunit sa pangyayaring ito ay dapat silang
maging magkaibigan at sinabi rin niya na siya ay tao lamang na sumusunod rin s autos o batas
ng langit kaya naman tinulungan niya si Florante. Nagbuntung-hininga si Florante at sinisi niya
si Aladin kung bakit siya nito kinalag sa puno hindi sana ngayon ay payapa na ang kanyang
buhay sa loob ng tiyan ng leon dahil mas hinahangad pa ni Florante na mamatay na lamang
siya kaya. Hindi napigilan ni Aladin ang umiyak sa mga pinagsasabi ni Florante.
Aralin 11
Ang Pag-aaruga ni Aladin kay Florante
Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano inalagaan ni Aladin si Florante hanggang
sa ito’y gumaling at ikinuwento ni Florante ang kanyang pagkabata.
Nang mapansin ni Aladin na gumagabi na sa gubat humanap siya ng lugar upang doon
alagaan si Florante at sa unang hinintuan niyang dako ay may nakita siyang isang malapad at
makinis na bato at doon niya hiniga si Florante. Kumuha siya ng kanyang kunting baon upang
kumain at inalok niya si Florante nito, sa una ito’y umayaw ngunit hindi naglaon ito’y tinanggap
rin. Naluwag-luwagan ang kanilang paghihinagpis at nabawasan ang pagkagutom. Nakatulog si
Florante sa sinapupunan ni Aladin at hindi natulog si Aladin dahil siya’y natatakot na baka
makagat si Florante ng mga masasamang hayop na gumagala sa gubat at kapag nagigising si
Florante parang natatakot si Aladin baka may masama ng nangyari rito. Nang magmamadaling-
araw ay nahimbing at munting napayapa sa dalang mga problema hanggang nagumaga ay
walang binitawang hinagpis at daing si Florante. Lumakas na muli ang katawan ni Florante at
dahil sa tuwa ni Aladin ay napayakap siya kay Florante. Tinanong ni Aladin si Florante tungkol
sa buhay niya at sinabi ni Florante na ang buhay niya ay puno ng dusa at sakit! Sinabi niya kay
Aladin na sana sa Krotona na lamang siya lumaki at hindi nalang sa Albanya, ang ama raw
niyang si Duke Briseo ay ang tanungan ni Haring Linseo sa anumang bagay at ito ang
pangalawang puno sa sangkaharian, mabait ang kanyang ama at sa katapangan ay siya ang
pang-ulo sa siyudad ng Albanya. Ang sabi ni Florante walang mahahalagang nangyari sa
kanyang buhay ng siya’y musmos pa lamang, sabi ng kanyang ina ng siya raw ay natutulog sa
bahay nila na malapit sa bundok pumasok ang isang ibong pang-amoy ay abot hanggang
tatlong legwas sa patay na hayop, mabuti nalang at dumating ang pinsan ng kanyang ina na si
Menalipo at pinana niya ang ibon at ito’y namatay. Nang si Florante ay naglalaro sa salas may
isang alko na kinuha ang kupidong diyamante sa dibdib niya at ng tumuntong siya sa siyam na
taon, parati siyang naglalaro sa burol dahil parati siyang namamana ng ibon. Sa tuwing umaga
bago lumalabas ang masayang sinag ng araw ang kanyang libangan ay sa tabi ng gubat a
hanggang sa tingal-in ng ang sinag ng araw na hindi matitigan ay sinasagap niya ang
kaligayahang handog ng hindi maramot na parang.

Aralin 12

Kabataan ni Florante

Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na ginagawa ni Florante ng siya’y bata pa
lamang.
Nakatira si Florante sa Krotona na isang malayang bata na nagagawa kung ano ang
gusto niyang gawin, gaya ng, mamana ng mga ibon o pumatay ng mga hayop. Ang sabi niya
kay Aladin kapag may nakita raw siyang hayop na tinitingala niyang malapit sa bundok, bigla
raw niyang ibibinit ang pana sa busog sa minsang tudla niya ay pilit na matutuhog at kapag
napatay na niya ay mag-uunahang makarampot ang kanyang mga kasama at kapag
nakakapatay raw siya ay halos hindi masukat ang kanyang kaligayahan. Natutunan niya sa
kanyang ama na hindi nararapat palakihin ang isang bata na laki sa layaw at puro kaligayahan
ang natatamasa dahil kapag dumating ang panahon na darating sa kanyang buhay ang
kasawian at kalungkutan ay hindi niya ito malulutas dahil siya’y nasanay sa kaligayahan. Sa
lagay na ito ipinadala siya ng kanyang ama sa Atenas at ito ang dahilan ng pag-iyak ng
kanyang ina. Sa Atenas ang nagging maestro niya ay si Antenor, lahi ng mga Pitako, ito’y
mabait at marunong na isang maestro.
Aralin 13
Nahubdan ng Balatkayo

Isang buwan na hindi kumain si Florante at parating umiiyak simula ng siya’y ipinadala
ng kanyang ama sa Atenas at hindi nagtagal napayapa siya dahil sa pag-aliw ng kanyang
maestrong si Antenor. May nadatnan siyang isang batang madlang nag-aaral at iyon ay si
Adolfo ang anak ng isang marangal na si Konde Sileno. Labing dalawang taon na si Adolfo’t si
Florante naman ay labing isa pa lamang. Kilala si Adolfo bilang isang mahinhin ang kanyang
ugali ay hindi magaslaw, kung lumakad ito’y laging patungo at mabinining mangusap at walang
katalo, lapastanganin man siya ay hindi siya nabubuyo. Siya ang huwaran ng kanyang mga
kaklase sa kabaitan. Sinabi rin ni Florante na ang katalasan ng kanyang maestrong si Antenor
ay hindi mabatid ang lalim na lihim ni Adolfo at sinabi rin ni Florante na ang sabi ng kanyang
ama na ang bait na hindi paimbabaw ito’y namumunga ng kaligayahan. Sa madaling salita
mabigat ang loob ni lorante kay Adolfo at alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Adolfo
sa kanya.
Isang araw natarok ang kaalaman ni Florante ang lalim ng pilosopiya, natutunanrin niya
ang astrolohiya at ang matimatika. Ang pagkatuto raw niya ay parang isang himala si Adolfo raw
ay naiwan sa gitna at ang maingay na tagapamalita sa buong Atenas ay gumagala-gala. Siya
na ang usap-usapan mapabata man o mapatanda ay nakatalastas ng pangalan ni Florante.
Nahalata si Adolfo na nagbabalatkayo lamang ng dumating ang araw ng pagkakatuwaan ng
mga mag-aaral na nagbibinata, iba’t iang laro ang kanilang nisipan at sinukat nila ang galling sa
sayawan na naaayon sa musika’t awit na mapakikinggan. May laro ring buno’t arnis na
kinaitaan ito ng kanilang liksi’t karunungan.
Aralin 14
Nasalag ang Dagok
Ang araling ito ay tungkol sa ipinalabas na trahedya nina Florante. Si Florante ay
gaganap bilang si Etyokles ang magiging kapatid ni Polinese at anak nina Edipo at Yokasta at si
Adolfo naman ay gaganap bilang si Polinese ang anak nina Edipo at Yokasta at kapatid ni
Etyokles. Nang isinasadula na nila ang kwento, iba ang mga pinagsasabi ni Adolfo sa kanya ay
wala ito sa orihinal. Sinabihan siya ni Adolfo na inagaw raw niya ang kapurihan na dapat ay
nasa kanya at sinabi rin niya na dapat lng mamatay si Florante kaya inilabas ni Adolfo ang
knyang dalang patalim at balak saksakin si Florante, sa kanyang kakailag iya’y natumba buti
nalang t nailigts siya ni Menandro, ang kanyang kaibigan. Pagkatapos ng pangyayaring ito hindi
na nila nakita si Adolfo. Naging Isang taon pa ang pamamalagi niya sa Atenas at pinadalhan
siya ng sulat ng kanyang ama upang ipaalam na namatay ang kanyang ina. Labis ang sakit na
naramdaman ni Florante, dalawang oras siyang nawalan ng malay ng mabasa niya ang liham
na ipinadala ng kanyang ama. Nang siya’y magkamalay naisip niya agad ang sakit at ang
kanyang dalawang mata’y hindi mapigil sa pag-iyak at sabi pa niya na noong malaman niya na
namatay ang kanyang ina ay pakiramdam niya pasan niya ang buong sandaigdigan at nag-iisa
lamang siya sa gitna ng lumbay kaya naman ang ginawa ng kanyang maestroy inaliw siya nito
Aralin 15
Ang mga Habilin ni Antenor kay Florante

Ang araling ito ay tungkol sa mga habilin ni Anteno kay Florante papunta sa Albanya.
Dalawang buwang hindi nakatikim ng ligaya’t aliw si Florante sa Atenas simula ng
malaman niyang namatay ang kanyang ina. Dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama at
ng sabi rito ay pauuwiin na siya sa Albanya at nagpaalam siya sa kanyang maestrong si
Antenor. May hinabilin sa kanya si Antenor bago siya umalis. Dapat raw siyang mag-ingat sa
handa na patibong ni Adolfo at kung ang isalubong raw kay florante ay masayang mukha , mas
lalo raw siyang mag-ingat at wag magpapahalata na alam ang nasa ni Adolfo upang
makapaghanda siya sa araw ng digma. Hindi niya napigilan ang umiyak ay niyakap siya nito ng
mahigpit at ang huling tagubilin ng kayang maestro sa kanya ay dapat raw niyang tiisin ang mga
problemang naghihintay sa kanyang pagdating sa Albanya. Naghiwalay sila ng kaniyang mga
kaklase at si Menandro ay labis ang pagdaralita kaya naman ng magyakapann ang dalawang
magkaibigan ay hindi na nila binitawan ang isa’t isa kaya tinulutan na lamang ni Antenor na
sumama si Menandro kay Florante patungo sa Albanya at silay umalis na. Nang makaraling na
sila sa Albanya sinalubong siya ng kanyang ama at nagbatian silang dalawa, nadagdagan ang
sakit na naramdaman ni Florante dahil sa kalagayan ng kanyang ama.

Aralin 16
Ang Heneral ng Hukbo
Nagpadala ng sulat ang lolo ni Florante na ang Krotona ay kinubkob ng mga Moro na
pinamumunuan ni Heneral Osmalik ng Persya, ayon sa balita ay pangalawa ito ng prinsipeng
kilala sa buong mundo. Si Aladin na hinahangaang kababayan ni Florante. Napangiti si Aladin at
sinabi niya na bihira lang raw ang totoong pagbaybay ng balita at kung magkatotoo raw ito ay
marami ang dagdag, madalas raw kilala ang isang tao na matapang kung ang kalaban ay takot
sa kanya at sinabi rin ni Aladin na katulad lang sila ng nararamdaman ni Florante ng sakit
tungkol sa kanilang pag-ibig. Singot siya ni Florante na hindi nararapat matulad ang isnag
gerero sa tulad niyang api at sa kaaway may hindi niya raw ito ninanais sa laki raw ng dusa na
kanyang natatamasa.

Humarap si Duke Briseo kay Haring Linseo upang ipakilala ang kanyang anak na si
Florante at ng makilala niya ito namangha ang hari at niyakap niya si Florante. Ginawa siyang
heneral sa isang hukbo na dadalo sa bayan ng Krotona na sinakop ng mga Moro. Kahit labag
sa kalooban ng kanyang ama ay pumayag na lamang ito at siya’y walang sagot na naisabi
kundi yakapin na lamang ang kanyang magiging kapalaran sa bayan ng Albanya.
Aralin 17
Patay o Himala

Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paano sila nagkakilala ni Laura. Nagkakilala sila

ni Laura ng siya’y inimbitahan ni Haring Linseo sa palasyo tungkol sa hukbo na kanyang

pamumunuan. Nakilala niya ang isang napakagandang dilag roon at nagkwentuhan sila sa

kanilang mga buhay. Sinabi ni Florante na kung hindi siya inimbitahan ni Haring Linseo na

pumunta sa palasyo hindi niya makikilala si Laura at hindi siya masasaktan. Hindi niya akalain

na pagtataksilan siya ni Laura at naisip niya na kung gaano ka kataas ang pagkadakila ito rin

ang paglagapak kung mararapa, sinabi rin niya na inagaw raw ni Aladin ang isang gawain na

nararapat ang ina niya ang gumawa ngunit sa kadahilanang sawi siya sa lahat ng bagay.

Namatay ang kanyang ina na sa kaunting panahon lamang niya ito nakapiling at pinagtaksilan

siya ng kanyang pinakamamahal na babaeng si Laura. Tatlong araw na pinigingan ng hari ng

palasyo real si Florante.

Aralin 18
Perlas sa Mata’y Nunukal

Sa araling ito natikman ni Florante ang lalong dalamhati at ito’y higit pa raw sa naunang

dalitang tiniis at pinasinungalingan niya ng lahat ng sakit dahilan lamang sa pag-ibig.

Kinabukasan bago umalis ang hukbo ni Florante papuntang Krotona nakausap niya si Laura at
sinabihan niya ito ng mga matatamis na salita nag buntong-hininga, luha at himutok ang

matinding naramdaman ni Florante. Kahit hindi siya sinagot ni Laura ng matamis na oo may

mababaon parin siya sa kanyang pakikipaglaban ang hiyang perlas na sa mata’y tumulo.

Dumating na ang araw ng pag-alis ni Florante papuntang Krotona at maraming tanong ang nais

ni Florante na masagot bago siya umalis tungkol kay Laura.

Dumating na ang hukbo ni Florante sa bayan ng Krotona at doon naglaban ang

dalawang kampo at ito’y umabot ng limang oras hanggang sa mapagod si Heneral Osmalik at

ng mapatay ni Florante si Heneral Osmalik ay parang nagluksa ang langit.

Aralin 19
Krotona’y Nagdiwang

Nang matalo ni Florante si Heneral Osmalik pumunta sila sa palsyo real at doon

sinalubong sila ng kanyang lolo at mga mamamayan ng Krotona. Malaki ang pasasalamat ng

mga mamamayan kay Florante dahil ang bayan raw nila ngayon ay muling nabuksan at ballot

na balot ito ng kaligayahan. Nagsiakyat sila Florante sa palasyo real upang magpahinga.

Tatlong araw na hindi natulog ang mga tao sa Krotona dahil sa kanilang hindi mapantayang

ligaya. Sa ligaya raw nila ng kanyang nunong hari nakipagitan roon ang pagkamatay ng

kanyang ina ay naungkat muli, kaya dn naniwala ang batang loob ni Florante na sa mundo’y

walang lubos na katuwaan dahil sa minsang ligayang nararamdaman may mga problema parin

ang mapagdadaanan. Limang buwang nanatili si Florante sa Krotona at nagpilit bumalik sa

Albanya. Sa kanilang paglalakad parang hindi siya mapalagay, parang nais na niyang

makarating agad sa Albanya.

Aralin 20
O, Sintang Florante

Nang dumating ang hukbo ni Florante sa bayan ng Albanya, nakita nila ang pulutong ng
mga Moro. May nakita siyang isang binibini na nasa kamay ng mga Moro at ito’y nakagapos at
pakiramdam nila ito’y pupugutan ng ulo. Ang puso ni Florante ay lalung naipit ng lumbay dahil
nangangamba siya na ito’y si Laura. Hindi niya napigilan ang kanyang galit na nararamdaman
at agad nilang nilusob ang mga Moro ang ibang Moro ay tumakbo kaya ng wala na siyang
mapagbubuntungang galit inalis niya ang takip sa mukha ng isang binibini at tama nga ang
kanyang hinala na ito’y si Laura. Kaya raw ito pupugutan ng ulo dahil hindi tinanggap ni Laura
ang pag-ibig na alay ni Emir, kaya ng magtangkang gahasain ni Emir si Laura ay sinampal niya
ito. Kinalag niya ang gapos na lubid sa kamay ni Laura at nahihiya pa siyang madampian ang
magandang balat nito. Dito nakatanggap ng lunas ng pag-ibig si Florante ng titigan siya ni Laura
at banggitin ang kanyang pangalan. Nang malaman niyang ang Haring Linseo at ang kanyang
ama ay nasa kulungan agad siyang pumunta sa bilangguan ng reyno at nakita niya roon si
Haring Linseo, ang kanyang ama at si Adolfo. Hindi masukat ang kaligayahan ng Hari at ng
kanyang ama sa kanyang natamong tagumpay habang si Adolfo naman ay nagdadalamhati sa
tagumpay na nakamit ni Florante. Ang pangimbulo ni Adolfo kay Florante ay lalung lumala ng
tawagin si Floranteng tagapagligtas ng siyudad ng Krotona at ipinagdiwang pa ito ng matataas
na hari sa palasyo real.

Aralin 21
Silu-Silong Sakit

Hindi dumating ng ilang buwan ang kasiyahan na natatamasa ng Albanya dahil may isang

dumating na isang hukbong maninira na taga-Turkiya. Ang panganib at pag-iiyakan ay bumalik

sa bayan ng Albanya lalung-lalo na kay Laura na natatakot na baka mapahamak si Florante. Sa

kadahilanang inutusan siya ni Haring Linseo at siya ang napiling maging pinuno ng hukbo, hindi

niya ito dapat suwayin. Natalo ni Florante ang hukbo ni Miramolin sa Etolya at nakatanggap ng

sulat si Aldin na galling sa kanyang ama na siya’y pinapabalik kaagad sa ALbanya. Gabi na ng

dumating si Florante sa Albanya at pumasok kaagad siya sa Reyno at nahulog siya sa patibong

na inihanda ni Adolfo. Nalaman rin ni Florante na pinatay ni Adolfo si haring Linseo at ang

kanyang ama at ang pinakamasakit pa nito ay ikakasal na si Laura kay Adolfo. Sa

pagkabilanggo niya ng labingwalong araw naiinip si Florante sa kanyang kamatayan at gabi na


noong dinala siya sa gubat at iginapos siya sa isang napakalaking puno upang doon ay

makagat ng mga gumagalang hayop.

Aralin 22
Kawawang Aladin

Pagkatapos magsalaysay ni Florante, si Aladin naman ang nagkuwento tungkol sa

kanyang buhay. Sinabi niyang ang kanyang sariling ama ang nakaagaw niya sa pag-ibig kay

Flerida. Binalak siyang papugutan ng ulo ng kanyang ama dahil sa pag-iwan sa hukbo habang

nakikipagdigma sa Albanya. Pumayag si Flerida na pakasal kay Sultan Ali-Adab upang hindi

mapatay si Aladin kung kaya’t pinaalis na lamang siya ng kaharian at hindi na maaaring bumalik

sa Persya.

Aralin 23

Hatinggabing Kadiliman
Habang nag-uusap sina Florante at Aladin ay may narinig silang dalawang babaing nag-
uusap. Nakita nilang sina Laura at Flerida pala ang naririnig nilang nag-uusap. Nalaman nilang
si Flerida ay tumakas sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit gerero dahil hindi niya maatim na
pakasalan ang ama ng kanyang tunay na iniibig. Samantalang si Laura naman ay hindi
tinanggap ang alok na pagmamahal ni Adolfo kaya’t dinala siya nito sa gubat upang
pagsamantalahan subalit dumating si Flerida at siya’y iniligtas.
Naging maligaya ang apat lalo na si Florante dahil napag-alaman nitong hindi nagtaksil
sa kanya si Laura. Lalo silang natuwa nang dumating si Menandro at ibinalita na nabawi na nila
ang Albanya.
Umuwi ang apat sa Albanya na maligayang-maligaya. Nagpabinyag sina Aladin at
Flerida sa Kristiyanismo at nagpakasal. Maging sina Florante at laura ay pinag-isang dibdib at
sila’y naging hari at reyna ng Albanya. Muling nagbalik sina Aladin at Flerida sa Persya at
namuno sa kanilang kaharian.

~wakas ng awit~

You might also like