P. 1
Kasaysayan ng Pilipinas

Kasaysayan ng Pilipinas

5.0

|Views: 189,260|Likes:

More info:

Categories:Types, Research, History
Published by: nia coline macala mendoza on Jul 12, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/08/2015

pdf

text

original

y 1492, narating ni Cristobal Colon [Christopher Columbus] ang America,

pinagkamalan niyang India.

y

1494, kasunduan [treaty] sa Tordesillas, pinaghatian ng Portugal at Espanya

ang daigdig.

y 1511, sinakop ng mga Portugis ang lungsod ng Malacca, sa Malaysia. Isa sa

mga napalayas ay ang maharlikang pamilya ng binatang Mohamed

Kabungsuwan, na nagtayo ng kahariang Muslim sa Cotabato. Narating ni

Fernando Magallanes [Ferdinand Magellan] ang kapuluan ng Maluku

[Moluccas, the spice islands] sa Indonesia, matapos bagtasin ang Indian

Ocean, kasama ng mga Portugis na nagtayo ng himpilan at kalakal sa pulo

ng Ternate.

y 1521, Mar 17, narating ni Magallanes ang kapuluan ng Pilipinas matapos

bagtasin ang Pacific Ocean.

y 1521, Abr 27, napatay si Magallanes ng mga sandatahan ni Lapu-Lapu sa

pulo ng Mactan, sa Visayas.

y 1522, Sep 6, nakabalik sa Espanya si Sebastian del Cano, kasamahan ni

Magallanes, matapos umikot sa daigdig.

y 1524, unang pag-ani sa Pilipinas ng mais na dala ni Magallanes.

y 1526, dumating si Juan Garcia Loaysa mula Espanya, umiwas sa Mindanao

at nagtuloy sa Maluku.

y 1528, narating ang Surigao, sa Mindanao, ni Alvaro Saavedra de Ceron

mula Mexico; nagtuloy sa Maluku.

y

1543, narating ni Ruy Lopez de Villalobos ang Pilipinas mula Mexico;

bininyagan ang mga kapuluan sa Leyte, Visayas, ng Islas del Felipinas

bilang parangal kay Felipe 2, tagapagmana ng kaharian ng Espanya.

y

1553, naging hari ng Espanya si Felipe 2.

y 1565, narating ni Miguel Lopez de Legazpi ang Pilipinas mula Mexico,

kasama ng 5 frayleng Augustinian at sinakop ang Cebu. Natagpuan ang

estatwa ng Santo Nino na iniwan ni Magellan sa Cebu nuong 1521.

Tinuklas ni Fray Andres Urdaneta ang landas pabalik sa Mexico na

gagamitin sa galleon trade sa susunod na 240 taon.

y 1571, Mayo, sinakop ni Legazpi ang Manila. Sinimulang itayo ang

Intramuros.

y 1574, nilusob ang Manila ng mandarambong na Intsik, si Lim [a] Hong.

y

1576, namatay si Juan de Salcedo, apo ni Legazpi, matapos sakupin ang

maraming lalawigan ng Luzon.

y 1577, dumating ang mga unang frayleng Franciscan sa Pilipinas.

y

1578, hinirang na katedral ang simbahan sa Manila. Sinimulan ng mga

Espanyol ang pagsakop sa Mindanao laban sa mga Muslim. Tinalo nila, sa

pamumuno ni Capitan Rodriguez de Figueroa, si Sultan Panguian ng Sulu;

sinunog nila ang Jolo.

y 1579, nagapi ng mga Maguindanao ang pagsakop ng mga Espanyol na

inutos ni Governador Francisco de Sande.

y 1580, itinatag ang Alcayceria sa Binondo, sa kabila ng ilog Pasig, para sa

mga katolikong Intsik.

y 1581, dumating ang mga unang frayleng Dominican.

y 1580, naging hari ng Portugal si Felipe 2; natigil ang pagdarambong ng

Portugis sa Pilipinas.

y 1584, itinatag ang Audiencia Real [Royal Auditor] sa Manila upang supilin

ang anumang kalabisan ng governador at iba pang pinunong Espanyol sa

Pilipinas.

y 1587, bumalik sa Espanya si Alonso Sanchez upang hilingin ang pagbabago

ng palakad sa Pilipinas mula kay Felipe 2.

y 1590, sinimulan itayo ang makapal na batong pader ng Intramuros sa

Manila.

y 1593, inutos ng emperador ng Japan, si Hideyoshi, na sumuko ang Pilipinas.

y 1596, napatay ni Ubal, taga-Buayan, si Capitan Rodriguez de Figueroa nang

matalo ang lusob ng mga Espanyol sa mga Muslim ng Buayan, Cotabato, sa

Mindanao.

y 1598, dumating si Ignacio de Santibanez, unang arsobispo ng Manila.

y 1599, nilusob at sinunog ng mga Muslim ang mga baranggay at simbahan

sa dalampasigan ng Panay, Negros at Cebu. Maraming napatay at naalipin.

y 1603, nilipol ang mga Intsik sa Manila at paligid, libu-libo ang pinatay at

kinulong.

y 1604, itinatag ang unang ospital, simbahan at kumbento sa Los Banyos,

Laguna.

y 1606, dumating ang mga unang frayleng Recollect. Nagapi si Datu

Sirongan sa Buayan, Cotabato.

y

1609, nilathala ni Dr. Antonio de Morga sa Mexico ang aklat, Sucesos de

las Islas Filipinas [Historical Events in the Philippine Islands].

y 1611, itinatag ni frayle Miguel de Benavides ang paaralan ng Santo Tomas

sa Manila.

y

1616, sumabog ang bulkan Magayon [Mayon] sa Ybatan [Bicol]. Nag-

aklas ang mga Ilocano, pinamunuan ni Pedro Almazan.

y 1617, tinalo ng mga Espanyol, pinamunuan ni Juan Ronquillo, ang mga

barkong pandigma ng mga Dutch na lumusob sa Manila.

y

1621, nag-aklas sa Bohol si Tamblot laban sa Espanyol.

y 1624, ipinatapon ang lahat ng Espanyol mula sa Japan; ipinatigil ng mga

Espanyol ang kalakal ng mga Hapon sa Pilipinas.

y

1626, dumating ang estatwa ng Virgin de Antipolo sa Manila. Nagtatag ang

mga Espanyol ng daungan sa pulo ng Formosa [Taiwan ngayon].

y 1635, itinayo ni Juan de Chavez ang unang kuta ng Espanyol sa

Zamboanga, ang Fuerza Pilar, sa utos ni Gov Gen Juan Cerezo de

Salamanca; hindi nagtagal, natalo si Datu Tagal, nandarambong sa Visayas.

y 1637, tinalo ni Governador Hurtado de Corcuera ang mga Muslim, kasama

ang bata pang Sultan Kudarat, nang lusubin ng mga Espanyol ang Lamitan

at Ilian, sa Cotabato, Mindanao.

y 1638, sinakop ni Corcuera ang Jolo.

y 1640, napag-isa ng mga Muslim ang kanilang kaharian [sultanate] ng sultan

sa Cotabato matapos ang matagal na digmaan ng mga taga-Buayan at mga

Maguindanao. Humiwalay ang kaharian ng Portugal sa kaharian ng

Espanya. Nagapi ang pagsakop ng mga Espanyol sa Macao, China.

y 1641, pumutok ang bulkan Taal.

y

1642, itinigil ng mga Espanyol ang pagtatag ng simbahang katoliko sa

Japan.

y 1645, ginawang kolehiyo ang paaralan ng Santo Tomas sa Manila. Nagiba

ang Manila ng malaking lindol.

y 1647, sinakop ng mga Dutch ang Corregidor, nangulimbat sa Bataan,

pinatay ang 400 Pilipino sa Abucay. Itinaboy sila ng mga Pilipino,

pinamunuan ni Capitan Juan de Chaves.

y 1649, nag-aklas si µConde¶ Gumapos sa Zambales. Nag-aklas din si

Sumuroy sa Palapag, hilagang Samar.

y 1660, pinagpapatay ang mga Intsik sa Pilipinas. Nag-aklas ang mga

Kapampangan, pinamunuan ni Francisco Maniago. Nag-aklas din si ³Hari´

Andres Malong, nagtangkang magtatag ng kaharian sa Pangasinan.

y 1662, nagtangkang sakupin ang Manila ni Koxinga, lagalag na Intsik.

Pinagpapatay na naman ang mga Intsik sa Manila.

y 1663, napaurong ng mga Muslim ang mga Espanyol na umalis sa

Zamboanga at buong Mindanao; muling naging makapangyarihan si Sultan

Kudarat na nakipag-ugnay pa sa mga Dutch sa Indonesia.

y 1683 Marso 13, ipinatapon sa Mariveles, Bataan, si Felipe Pardo, arsobispo

ng Manila, ni Juan de Vargas, governador-general ng Pilipinas.

y 1684, ipinatapon sa Cavite si Valenzuela, pangunang ministro [Prime

Minister] ng mga Espanyol.

y

1700, pinayagan maging pari ang mga Pilipino; pinagbawalang maging

frayle.

y 1718, lumusob muli sa Mindanao ang mga Espanyol.

y 1719, nag-aklas ang mga frayle sa Intramuros, pinatay si Fernando

Bustamante, governador general ng Pilipinas, at ang kanyang anak na lalaki.

Nagtayo uli ng kuta, ang Fuerza Pilar, ang mga Espanyol sa Zamboanga.

y 1751, ipiniit sa Manila si Sultan Muhamad Alimudin ng Mindanao.

y 1754, sumabog ang bulkan Taal, nasalanta ang mga kabayanan ng Tanauan,

Taal, Sala at Lipa. Itinatag ang unang hukbo ng Espanyol sa Pilipinas.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->