You are on page 1of 13

Mga Halamang Gamot

Mula sa pananaw ng mga


katutubong manggagamot
( manghihilot at manunuob)
SABILA
• Mainam na gamut sa mga
paso (burns) na gaya ng
tilamsik ng mantika
• ginagamit bilang pampalago
ng buhok, pampakinis ng kutis,
gamot sa sugat
• Kunin ang katas ng dahon at
ipahid sa balat na natilamsikan
ng mantika; gamitin din ang
katas para ikuskos sa anit at
mukha.
• Maaari ring gamitin ang katas
ng dahon bilang gamot sa
sugat.
DAHON/TALBOS NG BAYABAS
• Ginagamit na panlanggas ng
sugat,
• pampaligo ng mga bagong
panganak;
• tsaa para sa mga nagtatae.
• Ipanlanggas ang maligamgam
o pinalamig na tubig sa sugat,
galis, bakokang, minsan o
dalawang beses maghapon.
Ilaga o pakuluan ang dahon.
Gamitin ang pinagpakuluang
tubig.
OREGANO
• Mabuti ang
pinalambot na
sariwang dahon sa
nasunog o paso,
• Kagat ng alupihan at
sakit ng ulo.
• Kung ilalaga naman
ang dahon, mabuting
gamot sa sakit ng
tiyan. Nakalilinis din
ito ng balat.
BANABA
• Mainam na pampaligo ang
pinakuluang balat o dahon sa
bagong panganak.
• Kung gagawing tsaa at
dadalisayin ang pinakuluang
dahon, mainam na gawing
agua tiempo (tubig) para sa
mga may balisawsaw, sakit sa
bato at pantog.
• Ang puno ng banaba ay
mabuti ring gamut sa mga
sakit na diabetes at alta
presyon.
SAMBONG
• Mainam na gamot sa
mataas ang lagnat
• Mahusay ding
pampababa ng
presyon
• Mainam ding
panglanggas sa
nagnaknak na sugat
GUMAMELA ( HIBISCUS)
• Mabuting gamut sa pigsa.
Kailangang dikdikin ang buko
ng bulaklak na hinaluan ng
kaunting asin at ihilot o itapal
sa namamagang pigsa.
• Palitan ang tapal araw-araw
hanggang sa mahinog ang
pigsa.
• Mababawasan din ang kirot
ng pigsa sa pagtatapal nito.
• Para sa mga bukol, dikdikin
ang buko ng bulaklak at itapal.
• Mainam ding gugo ang katas
ng dahon nito.
AMPALAYA
• Ito ay mabuti para sa mga
taong may diabetes. Malaki
ang maitutulong ng paglaga sa
dahon nito at pag-inom ng isa
hanggang tatlong beses
maghapon. Kailangang inumin
ito kalahating oras bago
kumain.
• Mainam din ito para sa mga
babaing kapanganganak
lamang. Ito ay
nakapagpapalakas sa kanila.
• Samantala, isang kutsarita
naman ng pinaglagaan ay
mainam para sa mga sanggol
para hindi sila maging sakitin.
TALAMPUNAY/KALAMPUNAY
• Mabisa ang tuyong dahon
nito sa pagpapabuti ng
mga may sakit na
asthma.
• Mabuti din ito para sa
mga maga sa katawan.
• Kailangang dikdikin
lamang ang sariwang
dahon nito.
• Kung pakukuluan ang
dahon, mabuti ito para sa
mga sakit sa tainga.
TSITSIRIKA
• Mabisa ito bilang
natural na gamot sa
diabetes.
• Ang pinaglagaan nito
ay gamot din sa sakit
sa ngipin at ganoon
din sa pabalik-balik
na karamdamang
may kulani.
KAIMITO/STAR APPLE
• Gamot sa di-
mapagkatulog
• Mabisa ring
pangontra sa sakit sa
gulugod ang bunga
nito
• Mabisang
pampababa ng dugo
ang madagtang
bunga nito
IBA PANG HALAMAN AT
PRUTAS
• Mabisang pantapal
para sa mga may lula
• Ginagamit din itong
pampaliit ng bukol
( bunga ng
pagkakaumpog o
pagkakabato at
pantagal ng maga
( mula sa kagat ng
insekto)
DALANGHITA/DALANDAN
• Ang bunga ay
mahusay na
pangontra sa sipon at
kabag
• Ang mga dahon
kapag dinurog o
dinikdik ay maaring
pantapal sa batang
may tuspirina

You might also like