P. 1
Dengue Fever

Dengue Fever

5.0

|Views: 25,939|Likes:
Published by maelenadan

More info:

Published by: maelenadan on Aug 05, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/19/2013

pdf

text

original

DENGUE FEVER Walang tao ang gustong magkasakit sapagkat sa panahong ito na hindi basta-basta ang pagkita

ng pera mas makabubuting umiwas sa sakit upang sa ibang bagay na lamang mailaan ang perang kinikita. Lalo na ngayong panahon ng tag-ualn, talagang napakaraming sakit ang maaaring dumapo sa isang tao. Isa sa mga dapat na iwasang sakit ay ang dengue fever. Ito ay delikadong sakit na kapag napabayaan ay maaaring ikamatay ng isang tao. MGA TERMINO Tanong: Ano ang dengue fever? Sagot: Ang dengue fever ay isang nakakahawang sakit na nagmumula sa dengue virus. Ang dengue virus na ito ay naisasalin o naililipat sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Tanong: Ano ang break-bone fever? Sagot: Ito ay isang klase ng dengue fever na ang mas kadalasang dinadapuan ay mga taong may edad na labing-lima (15) pataas. Ang mga simtomas ng break-bone fever ay:

Tanong: Ano ang dengue hemorrhagic fever? Sagot: Ito ay malalang klase ng dengue fever. Ang mga kalimitang nagkakaroon nito ay mga batang nasa edad na labing-apat (14) pababa ngunit ang mga matatanda ay may posibilidad ding magkaroon nito. Ang mga simtomas ng dengue hemorrhagic fever ay:

• • • • • • • •

Pagsusuka Pagkahilo Walang gana sa pagkain Pananakit ng ulo Mataas na lagnat Pananakit ng tiyan Pagdurugo ng ilong at gilagid Pagdumi nang maitim ang kulay dahil sa pagdurugo ng bituka

Tanong: Ano ang aedes aegypti at aedes albopictus? Sagot: Ang aedes aegypti at aedes albopictus ay mga lamok na nakakapagsalin ng dengue fever. Ang mga ganitong klase ng lamok ay nangangagat sa araw at maaari silang mabuhay sa loob at paligid ng bahay. Tanong: Ano ang WHO? Sagot: Ito ay ang World Health Organization na nagbibigay pansin sa pangkalahatang kalusugan sa buong mundo.

• • • • •

Biglaang pagtaas ng lagnat Giniginaw na pakiramdam o panginginig Pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan Pananakit ng ulo Pagkakaroon ng maliliit at mapupulang pantal

______________________________________________________________________ MGA DAPAT TANDAAN Tanong: Sino ang mga maaaring magkasakit ng dengue fever? Sagot: Maaaring magkasakit ng dengue fever ang isang tao na nakagat ng lamok na aedes aegypti o aedes albopictus na nakakagat na ng taong may sakit ng dengue fever. Tanong: Ano ang dapat gawin kung ang isang tao ay may sakit ng degue fever? Sagot: Ang taong may sakit ng dengue fever ay dapat:

• • • •

Pagpahingahin Malimit na painumin ng tubig upang hindi matuyuan ang katawan Paggawa ng paraan upang mapababa ang mataas na lagnat Huwag bibigyan ng aspirin

Tanong: Gaano katagal ang sakit na dengue fever? Sagot: Ang sakit na dengue fever ay maaaring tumagal nang hanggang sampung (10) araw ngunit ang pagpapagaling at pagpapalakas muli ng katawan ay umaabot ng dalawa (2) hanggang apat (4) na linggo.

Tanong: Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng dengue fever? Sagot: Maiiwasan ang pagkakaroon ng dengue fever sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ito: (Napagkunan: Infectious Disease Control Service)

• • • • •

Huwag mag-iimbak ng anumang bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig at pamugaran ng mga lamok sa loob at labas ng bahay tulad ng mga lata, bote at gulong ng sasakyan at panatilihing tuyo ang kapaligiran.

Hugasan at kuskusin mabuti ang mga plorera at iba pang pinaglalagyan ng tubig isang beses sa isang linggo. Takpan ang mga pinaglalagyan ng tubig upang maiwasan ang pagpasok at pangingitlog dito ng mga lamok. Tingnan at linisin nang regular ang mga alulod ng bahay upang maiwasan ang pag-iipon dito ng tubig-ulan. Gumamit ng kulambo habang natutulog sa araw o dili kaya'y lagyan ng "screen" ang mga bintana o pinto ng bahay. Ipagbigay-alam sa pinakamalapit na health center kung may pinaghihinalaang kaso ng dengue fever sa komunidad.

___________________________________________________________________________ DENGUE FEVER: MALAKING PROBLEMA Tanong: Bakit dapat pagtuunan ng pansin ang sakit na dengue fever? Sagot: Ang sakit na dengue fever ay dapat pagtuunan ng pansin sapagkat kung ang isang tao ay magkakaroon ng ganitong sakit ay siguradong matitigil ang pang-araw-araw niyang ginagawa, maaaring sa pagpasok sa eskuwelahan o kaya naman ay sa trabaho, sa kadahilanang hindi maiiwasan ang panghihina ng katawan. Ang isa pang dahilan kung bakit dapat itong pagtuunan ng pansin ay ang kawalan ng bakuna para sa sakit na ito. Tinatayang mga lima (5) hanggang sampung (10) taon pa bago makagawa ng bakuna para dito. Tanong: Patuloy ba sa pagdami ang nagkakasakit ng dengue fever? Sagot: Oo, lalong dumadami ang nagkakasakit ng dengue fever. Dahil na rin ito sa patuloy na pagdami ng mga taong pumupunta sa siyudad o lungsod kung saan karaniwan ay naiiwan lamang na nakakalat ang mga basura kung saan-saan. Gayundin naman ang kakulangan sa tubig kung kaya't hindi maiiwasan ng mga tao ang magipon nito na magiging dahilan naman upang pamuhayan ng mga lamok. Maaari ding ang mga insecticide na ginagamit pamatay ng mga lamok ay hindi na gaanong epektibo dahil nasasanay na ang mga lamok dito. Kung lalabas ng bansa at titignan ang buong mundo, talagang patuloy sa pagtaas ang mga nagkakasakit ng dengue fever. Kung noong 1970 ay siyam (9) na bansa lamang ang may epidemya ng dengue fever, ngayon ay umaabot na sa isang daan (100) ang mga bansa at teritoryong may epidemya nito. Noong 1950s ay 908 lamang na kaso ng dengue fever ang naipapaalam sa WHO ngunit nitong 1998 lamang ay umabot na sa 1.2 milyong kaso kung saan 15,000 ang namatay.

_______________________________________________________________________ MGA DAPAT GAWIN Tanong: Paano masusugpo ang sakit na dengue fever? Sagot: Makabubuting magsimula sa kanikanyang bahay sa pamamagitan ng pagsunod sa dapat gawin upang makaiwas sa pagdami ng mga lamok na nabanggit na nga kanina sa parte ng "Mga Dapat Tandaan." Sa pandaigdigang kapakanan naman, ang WHO ay nagkaroon ng pagpupulong noong Oktubre 1999 upang mapalakas ang implementasyon ng mga dapat gawin para sa pagsugpo sa dengue fever. Ang mga dapat gawin na ito ay makikita sa "Preventing dengue and dengue hemorrhagic fever, a fact sheet for municipal and community leaders." Puhunan ng bawat tao ang kanilang katawan sa pagharap sa pang-araw-araw na gawain kung kaya't dapat itong pangalagaan. Dapat ay

panatilihing malakas ang katawan upang hindi basta-basta dadapuan ng kahit na anong sakit.

Pesteng Lamok Ito A! Noong taong 1998 ay umabot sa 356, 554 and bilang ng mga tao na nagkaroon ng dengue sa buong Kanlurang Pasipiko. Sa Pilipinas naman ay umabot sa 35, 648 ang dami ng mga taong nakakuha ng dengue at 514 sa bilang na ito ang namatay dahil sa mapangwasak na sakit na ito. Taon-taun na lamang ay may nababalitaan tayong mga nasasawi dahil sa dengue at kadalasang mga bikitima pa ng sakit na ito ay mga batang wala man lamang laban. Mapangutya ang katotohanan sapagkat ang akala mo na maliit na kagat ng lamok lamang ay daan na pala patungo sa iyong kamatayan. ANO BA TALAGA ANG DENGUE? Ang dengue ay isang sakit na dulot ng arbovirus (arthropod-borne virus), isang bayrus na dala-dala ng mga lamok na tinatawag na Aedes aegypti. Ang dengue ay madalas na lumalaganap sa mga parte ng mundo na may mainit na klima tulad ng Africa, Asya, Pasipiko at Australia. Ang dengue ay naipapasa lamang sa ibang tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Ang vayrus na dala-dala ng Ae. aegypti ay mabilis na tumutungo sa iba't-ibang parte ng katawan at dumadaloy sa daanan ng dugo ng tao. Ang presensiya ng arbovirus sa dugo ng tao ay nagdudulot ng pamamaga at pagkasira ng mga blood vessels. Ang ibang parte ng katawan ay lumalaki katulad ng mga lymph nodes at ang mga tisyu naman sa atay ay namamatay. ANU-ANO ANG MGA SINTOMAS NG DENGUE?

Ang inisyal na panahon ng lagnat ay tumatagal ng dalawa hanggang tatlong araw. Matapos nito ay mabilis na bumababa ang lagnat at ang may sakit ay matinding pinagpapawisan. Matapos makaranas ng panandaliang pagkagaan ng katawan ay muling tataas ang temperatura ng katawan ng may sakit at dito na nagsisimulang lumabas ang mga rashes o petechiae. Ang petechiae ay nagsisimula sa kamay at binti at kumakalat sa dibdib, puson at likod. Ang palad at sakong ng paa ay biglang namamaga at namumula. DENGUE HEMORRHAGIC FEVER (DHR) Ang Dengue Hemorrhagic Fever ay masmalalang uri ng dengue at ito ay nakamamatay. Ang kadalasang sintomas ng sakit na ito ay ang pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, pananakit ng mga mata, pagdurugo ng ilong at gilagid, pagkakaroon ng petechiae sa katawan, pagsusuka (na ang kadlasang itsura ng suka ay tulad ng durog na kape), at pagtatae (na kadalasan ay sobrang itim ng kulay at may dugo). Ang pagsusuka ng dugo ay isang senyales na nagdudugo na ang tiyan ng may sakit. Ang pamamaga at pagkawasak ng mga blood vessels ay nakakabawas sa daloy ng dugo. Ang pagbaba ng daloy ng dugo ay tinatawag na shock. Ang DHR ay tinatawag din na Dengue Shock Syndrome. SI AEDES AEGYPTI AT SI AEDES ALBOPICTUS Ang Aedes aegypti at ang Aedes albopictus (nasa kanan) ay ang dalawang uri ng lamok na nagdadala ng dengue at DHF. Ang mga lamok na ito ay nangangagat lamang sa umaga. Ang mga ito ay nanganganak sa mga lugar na may malilinaw na tubig tulad ng mga paso, lata at mga lumang gulong. Mayroong mga kulay puting marka sa katawan ang mga lamok na ito. Ang karaniwang biktima ng mga lamok na ito ay mga batang may edad na 10 pababa. Ngunit maaari ring magkaroon ng dengue ang mga sanggol at mga matatanda. Kapag panahon ng tag-ulan ay hindi gaanong aktibo ang mga lamok na ito at madalas silang namamahay sa loob ng mga bahay-bahay kung kaya't masmataas ang bilang mga taong nagkakaroon ng dengue tuwing tag-ulan.

• • • • • • •

mataas na lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang siyam na araw pananakit ng ulo panlalamig pananakit ng katawan at mga kasukasuan pagkakaroon ng mga mapupulang pantal sa katawan o rashes na tinatawag na petechiae pamumula ng mata sobrang pagkahina ng katawan

ALAM NIYO BA? Ang dengue ay unang lumaganap noong mga taong 1779-1780 sa Asya, Aprika at Hilagang Amerika. Nang mga panahong ito, ang dengue ay hindi pa nakakamamatay. Ngunit matapos ang World War II ay

nagkaroon ng malawakang epidemiya ng dengue sa mundo. Unang lumaganap ang Dengue Hemorrhagic Fever sa Timog-Silangang Asya noong mga taong 1950 ngunit sa pagdating ng 1975 ay naging isa sa mga pangunahing sanhi na ang dengue sa pagpapa-ospital at pagkamatay ng maraming mga bata sa iba'tibang bansa.

AYON SA STATISTIKA . . . 356,554 Noong taong 1998, nagkaroon ng malawakang dengue epedemik na sumakop sa buong rehiyon ng Kanlurang Pasipiko. Umabot sa 356,554 ang bilang ng mga tao na nagkaroon ng dengue. Ang CFR (case-fatality rate) ng taong ito ay .41%. Ang ibig sabihin nito ay mga 1,462 mula sa 356,554 ang bilang ng mga taong namatay dahil sa dengue. Noong 1999 ay 64, 066 na lamang ang bilang mga biktima ng dengue. 109 mula sa nabanggit na bilang ang nasawi dahil sa dengue. Sa mga sumunod na taon, bumaba ang bilang ng mga biktima ng dengue ngunit may mga ibang bansa pa rin mula taong 1999-2000 ang mayroong CFR na higit pa sa 1%. Ito ay sanhi ng mabagal na pagpapasok sa ospital ng mga may sakit na dengue. SA PILIPINAS NAMAN … Ang taong 1998 ang may pinakamataas na bilang nga mga taong nagkaroon ng dengue. 514 mula sa bilang ng 35,648 ang namatay dahil sa pamosong dengue. Mabuti na lamang at bumaba ang bilang ng mga nagkasakit sa mga sumunod na taon. Ang pagbaba ng bilang ng mga nagka-dengue matapos ang 1998 ay maaaring dulot ng pagkamulat ng mga Pilipino sa sakit na ito ngunit nakakalungkot na medyo marami pa rin ang bilang ng mga namamatay dahil sa dengue. Sa taong 2001 (Hulyo), 7,697 na ang nagkaroon ng dengue at 67 katao mula sa bilang na ito ang namatay. Sa katapusan ng taon ay maaaring tumaas pa ang bilang na nabanggit. Mula sa ilustrasyon sa kanan ay makikita natin na ang dengue ay endemic na sa buong Pilipinas. Ibig sabihin nito ay ang arbovirus at ang Aedes aegypti ay natural na nananatili sa lahat ng parte ng ating bansa. Hindi tayo ligtas sa dengue. Mula Luzon hanggang Mindanao at Tawi-Tawi ay may biktima ng dengue. Hindi ito nakapagtataka sapagkat talagang mainit ang klima sa Pilipinas at mahaba ang panahon ng tag-ulan. Madalas pa ang pagbabaha sa ating bansa.

ANU-ANO ANG MGA PAMAMARAAN UPANG MAIWASAN ANG DENGUE? Wala talagang payak na paraan upang magamot ang dengue. Mainam na magpahinga nang mabuti at uminom ng maraming tubig and taong may sakit na dengue. Ang mga pasyenteng may DHR ay kadalasang ginagamot sa pamamagitan ng panunumbalik ng nawalang tubig sa kanilang katawan. Ang ibang mga pasyenteng may DHR naman ay sinasalinan ng dugo upang mapunan ang pagbaba ng daloy ng kanilang dugo. Ang dengue fever ay hindi biro. Marami na ang mga namatay dahil sa sakit na ito. Ang patuloy na paglaganap nito ay dulot na rin ng ating maruming kapaligiran at kakulangan sa mga pamamaraan ng pagkontrol sa dami ng mga lamok. Mabuting sundin natin ang mga pamamaraan o prevention tips upang maiiwasan ang dengue. Sabi nga nila, "An ounce of prevention is worth a pound of cure". Upang maiwasan ang dengue:

• • • • • • •

Tanggalin lahat ng mga kagamitan na maaaring pagmugaran ng mga lamok tulad ng mga lumang gulong, mga lata, mga bote at mga paso. Takpan lahat ng mga lalagyan ng tubig upang maiwasan ang pangingitlog ng mga lamok dito. Linisin ang mga gutter ng bubong upang matanggal ang mga naipong tubig na dulot na pag-ulan. Laging palitan ng malinis na tubig ang mga vase. Huwag hayaang mabara ang mga estero. Linising mabuti ang kapaligiran. Maglagay ng mosquito repellant at kung maaari ay magsuot ng mga longsleeved na mga damit. Kapag matutulog tayo ay maglagay tayo ng kulambo.

_________________________________________________________________________________ The doctor concluded that I have a systemic viral information or dengue fever. I thought that Dengue is from the bite of a female mosquito during daytime but that is called Dengue Hemorrhagic Fever. What I got is the dengue without the hemorrhage. He said that I had to watch out for bleeding in my mouth, nose and my wastes in the coming days. Thank God because I will need blood transfusion for the former. The doctor said that as a viral infection, once your body defenses go down you will most likely get it.

I have listed the things that I experienced during my encounter with the disease. Day 1: Fever with headache Day 2: Fever with headache and body pains Day 3: Fever with rashes, headache and body pains. I also got a diarrhea. Extreme thirst. Day 4: Very high fever, I topped the thermometer at 43 degrees Celsius. Loss of appetite Day 5: Fever was absent but the rashes are very visible Day 6 and 7: Rashes will continue to fade Some pointers I learned during those times are the following: 1. Drink plenty of water - Excess will be flushed out through peeing. I also learned that you need to drink water with Oresol or hydrite to replace the salts you excreted. Gatorade also helps. 2. Take paracetamol every 4 hours if you have fever. Stay away from Aspirin 3. Do not take anti diarrhea medicines 4. Monitor your temperature. 5. Lastly, drink plenty of water

_______________________________________________________________________ _Dengue Hemorrhagic Fever :: etiology
Spontaneous bleeding is a frequent complication in dengue patients and it is associated with increased mortality. In order to identify predictors of spontaneous hemorrhages in dengue, a systematic revision of literature was performed using the data base of PubMed. The available data has been obtained from cross sectional, cases and controls and retrospective cohort studies. In these studies, thrombocytopenia and alterations of coagulation mechanisms have been the variables more frequently associated to bleeding in dengue. Other manifestations like tourniquet test, changes of blood pressure, pleural effusion and hepatic alterations, among others, have also been suggested as potential predictors of spontaneous hemorrhages. In this article, available evidence is discussed and the author suggests evaluating these results in prospective cohort studies.

PATHOPHISIOLOGIC AND PROGNOSTIC ROLE OF CYTOKINES IN DHF dengue shock syndrome is a severe complication of dengue hemorrhagic fever (DHF), characterized by a massive increase in vascular permeability. Plasma cytokine concentrations were prospectively studied in 443 Vietnamese children with DHF, of whom 6 died. Shock was present in 188 children on admission to hospital, and in 71 children it developed later. Contrary to expectations, certain inflammatory markers (interleukin-6 and soluble intercellular adhesion molecule-1) were lower in the group with shock, and this may reflect the general loss of protein from the circulation due to capillary leakage. Only soluble tumor necrosis factor receptor (TNFR) levels showed a consistent positive relationship with disease severity. In patients with suspected DHF without shock, admission levels of sTNFR-75 in excess of 55 pg/mL predicted the subsequent development of shock, with a relative risk of 5.5 (95% confidence interval, 2.3-13.2). Large-scale release of soluble TNFR may be an early and specific marker of the endothelial changes that cause dengue shock syndrome. _________________________________________________________________________ How to Recognize, Prevent and Treat Dengue Fever and Dengue Hemorrhagic Fever

1.

Step 1 BE AWARE. Dengue fever is transmitted by the bite of mosquitoes (Aedis Aegypti mosquitoes). They usually bite people during the day. The illness is viral, with sudden onset of fever, severe headache, joint and muscle pain, rash, nausea and vomiting. Dengue fever can also start as or progress to dengue hemorrhagic fever, which is severe and sometimes fatal.

2.

Step 2 TAKE PREVENTIVE MEASURES. To prevent dengue fever, there is no immunization or medication that will prevent it. You should stay in well screened, air conditioned areas; wear long loose clothing; use insect repellents containing DEET; and use a permethrin spray for your clothing.

3.

Step 3 SEEK A DOCTOR'S ADVICE. Seek a doctor's advice if you get a fever after leaving an area where dengue fever occurs. To treat the fever and aches, use Acetomenophen (Tylenol) or paracetamol. Do not use aspirin, ibuprofen (Advil, Motrin) or other non-steroidal anti-inflammatory because these act as anticoagulants. This is a serious issue with hemorrhagic fever. It is also important to rest and drink a lot of fluids. If the fever is associated with a skin rash , abdominal pain, easy bruising or bleeding, see a doctor right away. Severe cases require hospitalization.

How to Treat Dengue Fever Dengue fever is an acute viral infection characterized by extreme fever, headaches, joint and muscle pain, nausea, vomiting and a rash. Most cases of dengue fever are relatively mild, 1. Step 1 Understand that the only treatment for dengue fever is resting and drinking plenty of fluids. Fluid replenishment is essential to prevent dehydration, which can be caused by vomiting. Extreme bouts of lethargy are also common with dengue, increasing the need for rest. 2. Step 2 Take acetaminophen to help with the muscle and joint pain. Aspirin and Ibuprofen should not be used, because they are anticoagulant (inhibit blood clotting). 3. Step 3 Stay away from mosquitoes when infected with dengue fever. The disease

but some can progress to dengue hemorrhagic fever, which is fatal in about 5 percent of cases. Since dengue fever often occurs while traveling, here are some things to keep in mind in case you come down with the disease while abroad.

is transmitted by mosquitoes, who carry the disease after biting an infected person, and so may transfer it to someone else after biting you. 4. Step 4 Seek immediate medical attention if dengue fever progresses into dengue hemorrhagic fever. Hemorrhagic fever is characterized by bleeding from the nose, mouth and gums due to leaking blood vessels. 5. Step 5 To treat dengue hemorrhagic fever, inter-venous fluids and often blood transfusions are needed. When left untreated, dengue hemorrhagic fever can lead to the collapsing of blood vessels and can be fataL

How to Treat Dengue

Dengue is an infection by the dengue virus. It is the most common arbovirus in the world and is transmitted by mosquitoes in the Aedes genus. The

dengue virus has four serotypes and previous exposure to one serotype may not provide protection from a different one. Dengue may be asymptomatic, result in a mild illness or develop into sometimes fatal dengue hemorrhagic fever. The following steps will show how to treat dengue. 1. Step 1

Provide supportive care for mild cases of dengue. Fever can be treated with acetaminophen but aspirin, corticosteroids and nonsteroidal anti-inflammatory drugs should be avoided. 2. Step 2 Monitor the patient's platelet count and hematocrit. Dehydration can be treated on an outpatient basis with an oral rehydration solution, fruit juice or water. adequate. If the hematocrit continues to rise, plasma expanders may be needed. Starch may be preferable and other choices include dextran 40 or 10 to 20 mg/kg of a 5 percent solution of albumin. Some patients may be hypersensitive to dextran. 5. Step 5 Administer a transfusion in patients with gastrointestinal or internal bleeding. Patients with coagulation difficulty may need fresh plasma. A rising hematocrit may indicate overhydration instead of internal bleeding

3.

Step 3 Observe the patient for progression into dengue hemorrhagic fever. These patients may require hydration with intravenous fluid in a hospital. Use isotonic fluids such as Ringer lactate. Administer 10 to 20 ml/kg over 20 minutes and repeat if needed.

4.

Step 4 Continue administering intravenous fluids until the hematocrit level is less than 40 percent and the intravascular volume is

Treatments for Dengue Fever Found in tropical areas of the world, dengue fever is a viral disease that is spread through the bite of an infected mosquito. There are four different virus strains associated with dengue fever and outbreaks are common. Dengue fever has a duration of only a few days and shows symptoms of high fever, severe headaches, muscle pain and spasms, nausea and a rash. There is no vaccine to protect travelers from this unfortunate affliction, but if you experience any symptoms after traveling to an area where dengue fever is present, you should seek immediate medical attention. Dengue fever is not fatal and is usually simply treated. 1. Step 1 Drink fluids. Keeping you body adequately hydrated is important. In the short time that dengue fever ravages your body, you will likely experience drastic changes of tempertaure, causing you to sweat or chill, as well as excessively vomit. Maintaining hydration during this time will give back to your body what it loses. Proper hydration may require fluids to be given intraveneously. 2. Step 2 Rest. Although it may be difficult to sleep soundly while dengue fever is running its course through your body, it is crucial that you get planty of rest. Medications that contain acetaminophen will be the most helpful in ridding your severe headaches and muscle pain, as well as provide you with a sleep aid. 3. Step 3

Monitor vitals. While infected with dengue fever, closely monitor your heart rate and blood pressure. It is important to do so at least every hour or two. Such drastic changes in temperature can cause your blood pressure to drop and your heart to beat too slow. 4. Step 4 Post-infection monitoring. Dengue fever will leave you fealing drained and tired. Your physician will probably recommend that your blood platelets be monitored to ensure that your immune system is properly restored.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->