You are on page 1of 7

Unang Kasaysayan

Mapa ng Timog-Silangang Asya

Mag-asawang Tagalog na mga maharlika

Mga Negrito, Indones at Malay ang mga prinsipal na mamamayan ng Pilipinas.[1] Naganap pa ang iba
pang migrasyon sa pamamagitan ng pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.[1]

Naging laganap ang sosyal at pulitikal na organisasyon ng populasyon sa mga pulo. Ang mga
magsasaka lamang ng Hilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo.[1] Ang simpleng
yunit ng pamahalaan ay ang barangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu. Sa isang
barangay, ang mga sosyal na dibisyon ay ang mga maharlika, kung saan kasama ang datu; ang mga
timawa; at ang mga alipin. Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa;
ang mga timawang nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang mga
bihag ng digmaan.[1]

Dinala ang Islam ng mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Indonesia.[2] Noong ika-16
dantaon, matatag na ang Islam sa Sulu at lumaganap ito mula sa Mindanao; nakarating ito sa
Maynila noong 1565.[1] Kahit kumalat ang Islam sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anito ang
relihiyon ng karamihan sa mga pulo ng Pilipinas. Dinala ng mga Muslim ang pulitikal na konsepto ng
mga estadong pinamunuan ng mga raha at sultan. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng
mga magsasaka ng Hilagang Luzon ng teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar.[1] Nang
makarating ang mga Kastila noong ika-16 dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao
ay nanirahan sa mga panirahang barangay.[1]
Pamumuno ng Espanya (1521-1898)

Pangunahing lathalain: Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng Pamumuno ng Espanya

Mga unang expedisyon ng Espanya

Fernando de Magallanes na nakarating sa Pilipinas noong 1521.

Estatwa ni Lapu-Lapu na nakatayo sa lugar kung saan napatay daw si Magallanes noong 1521.

Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Español na
pinamunuan ng Portuges na si Fernando de Magallanes noong Marso 16, 1521. Pumalaot si
Magallanes sa pulo ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de
San Lazaro.[3]

Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na
sandugo kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang
magkasama. Sa ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa
silang "magkapatid sa dugo", isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang-bisa na kasunduan.
Nakumbinsi pa ni Magellan na maging Kristiyano.[3] Nagawa niya itong gawin kay Humabon ng Cebu
dahil sa Kristiyanismo, ginagalang ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang nag-enganyo sa
konbersyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala
na silang magagawang mabuti sa tribu. Ang mga kabataan ang nag-uutos sa mga matanda.
Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagwagi si Magallanes
laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong kultura na nagpapahalaga sa
dignidad ng tao.

Ngunit, napatay si Magallanes ng pangkat ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya.


Hinamon ni Magallanes si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga
Europeo. May tatlong dahilan kung bakit natalo si Magallanes laban kay Lapu-Lapu. 1) Hindi siya
nagpadala ng tauhan upang suriin ang lugar, 2) binalaan niya ang kalaban na siya aatake at 3)
pumayag siyang mas maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.
Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas.
Noong 1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at
pinagalang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at
Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong arkipelago.

Kolonya ng Espanya

Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong 1565 nang makarating ang ekspedisyon
na pinmunuan ni Miguel Lopez de Legazpi sa Cebu mula sa Mexico. Ang pamumuno ng mga
Espanyol ay naitatag sa mga maliliit na malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang
sentralisado.[4] Matapos ang anim na taon, nang matalo ang isang Muslim na datu, itinatag ni Legazpi
ang isang kabisera sa Maynila, na nagbigay ng pangunahing daungan sa Look ng Maynila, isang
malaking populasyon at malapit sa mga kapatagan ng Gitnang Luzon.[5] Naging sentro ng
pamahalaang kolonyal ang Maynila, pati na rin ang aktibidad na pang-militar, pang-relihiyon at pang-
komersyal.

Naglayag ang mga bantog na galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Dinala nila ang pilak
at ilang mahahalagang metal mula sa Bagong Mundo sa Maynila upang bumili ng mga pampalasa
mula sa Moluccas at ang porselana, ivory, lacquerware at seda mula sa Tsina at Timog-silangang
Asya. Bagama't ginamit ang mga ito sa Mexico, karamihan sa mga kalakal ang dinala sa Espanya,
upang ipagbili sa Europa.

Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya hanggang 1821, nang makamit ng Mexico ang
kalayaan.[6]

Ang pananakop sa kapuluaan ay nagtagumpay nang walang pakikipaglaban (maliban sa mga


Muslim).[5] Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu.
Bilang sagot sa pag-atake ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila
ang mga lugar sa Luzon at Bisayas na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga
Kastila ng mga kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang
sa gitna ng ika-19 siglo.

Magkaugnay ang Simbahan at Estado noong panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado
ang mga establishimentong pang-relihiyon.[5] Isa sa mga naging layunin ng Espanya sa
kolonyalisasyon ng Pilipinas ay ang pagbibinyag ng mga tribu sa Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng
relihiyon ay naganap dahil sa kawalan ng ibang maayos na relihiyon, maliban sa Islam, na laganap sa
Timog. Ang mga seremonya ng simbahan ay naging bantog, na naging dahilan upang mapasama ang
iba't ibang pista sa tradisyong Pilipino.[5]

Watawat ng Nueva Espanya

Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga Muslim sa Mindanao
at mga tribu sa Hilagang Luzon (tulad ng mga Ifugao ng Kordilyera at ang mga Mangyan ng
Mindoro.[5]

Ang mga Kastila ay nagtayo ng tradisyonal na organisasyon ng barangay sa pamamagitan ng mga


pinunong lokal sa mababang antas ng pamamahala. Ang istilong ito na di-direktang pamamahala ang
nagdulot ng pagbubuo ng mataas na antas ng mga Pilipino na tinatawag na principalia, na naging
mayaman, mataas ang respeto at iba pang mga prihibelyo. Ito ay nagpakita ng isang sistemang
oligarkiya sa lokal na pamamahala. Ilan sa mga pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng Espanya
ang pagpapalit ng ideya ng pagmamay-ari ng lupa sa konsepto ng pribadong pagmamay-ari at ang
pagbibigay ng titulo sa mga kasapi ng principalia.[5]

Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang maubos ang salapi ng
pamahalaan dahil sa digmaan laban sa mga Dutch at sa pakikipag-laban sa mga Muslim.[5] Ang kita
ng pamahalaang kolonyal ay nanggaling sa kalakalang galyon.[5]

Pagbagsak ng pamumuno ng Espanya

Ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas ay sandaling naputol noong 1792 nang salakayin ng mga
Ingles ang Maynila na naging sanhi ng pagpasok ng Espanya sa Digmaan ng Pitong Taon. Ang
Kasunduan sa Paris ng 1763 ang nagbalik sa pamamahala ng mga Kastila at nilisan ng mga Ingles
ang bansa noong 1764. Ang sandaling pananakop ng mga Ingles ang nagpahina sa kapangyarihan
ng Espanya at nagdulot ng mga rebelyon at mga demanda para sa kalayaan.[7]

Noong 1871, itinatag ni Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas ang Economic Society of Friends
of the Country. Noong panahong iyon, ang Pilipinas ay direktang pinamamahalaan ng Espanya. Ang
mga kaganapan sa loob at labas ng bansa ay nakatulong sa pagdadala ng mga bagong kaisipan sa
Pilipinas. Ang pagbubukas ng Kanal Suez noong 1869 ay nagpaikli ng panahon ng paglalayag
patungong Espanya. Naging sanhi ito ng pagdami ng mga illustrado na naging kasama ng mga
creoles, isang mataas na antas ng mga Pilipino, sapagkat maraming mga kabataang Pilipino ang
nakapag-aral sa Europa. Itinatag ng mga illustrado ang Kilusang Propaganda noong 1882.

Naging layunin ng Kilusang Propaganda ang pagbabalik ng representasyon ng Pilipinas sa Kongreso


ng Espanya (Spanish Cortes), ilang reporma at hindi nagtagal, ang kalayaan ng bansa. Si José Rizal,
ang pinakamatalino at pinakaradikal na illustrado noong panahong iyon, ang nagsulat ng mga
nobelang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo, na naging inspirasyon upang matamo ang
kalayaan.[4] Noong 1892, itinatag ni Andrés Bonifacio ang Kataastaasang, Kagalanggalangang
Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) na naging layunin ang pagkakamit ng kalayaan sa
pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga Kastila. Si Bonifacio ang naging supremo (pinuno) nito.

Unang watawat ng mga rebolusyonaryong Pilipino

Nagsimula ang rebolusyon noong 1896. Napagkamalan si Rizal na siya ang nagpasimula ng
rebolusyon na naging sanhi ng kanyang pagkamatay noong Disyembre 30, 1896. Ang Katipunan sa
Cavite ay nahati sa dalawa, ang Magdiwang na pinamunuan ni Mariano Alvarez (kamag-anak ni
Bonifacio sa pamamagitan ng kasal, at ang Magdalo, na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Ang alitan
sa pagitan ni Bonifacio at Aguinaldo ang nagdulot sa pagpatay kay Bonifacio ng mga sundalo ni
Aguinaldo noong Mayo 10, 1897. Sumang-ayon si Aguinaldo sa mga kondisyon ng Kasunduan sa
Biak-na-Bato at siya at ang kanyang mga kasamang rebolusonaryo ay ipinatapon sa Hong Kong.
Sesyon ng kongreso ng Unang Republika ng Pilipinas

Nagsimula ang Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898 nang pasabugin ang USS Maine at
lumubog sa daungan ng Havana, na ipinadala sa Cuba upang mabuo ng isang mapayapang
resolusyon sa pagitan ng mga ambisyon ng Cuba na maging malaya at ang kolonyalismo ng
Espanya. Matapos matalo ni Commodore George Dewey ang mga Espanyol sa Maynila, inimbitahan
niya na bumalik si Aguinaldo sa Pilipins, na ginawa niya noong Mayo 19, 1898. Nang nakarating ang
mga sundalong Amerikano sa Pilipinas, nakuha na ng mga Pilipino ang kontrol sa buong Luzon,
maliban sa Intramuros. Noong Hulyo 12, 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas sa
Kawit, Cavite, na nagtatag ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng unang demokratikong
konstitusyon ng Asya.[4]

Kasabay nito, dumating ang mga sundalong German at idineklarang kung hindi kukunin ng Estados
Unidos ang Pilipinas bilang isang kolonya, kukunin ito ng Germany. Nakuha ng mga Amerikano ang
lungsod mula sa mga Espanyol sa Labanan ng Maynila. Ang labanang ito ang nagtapos sa pakikipag-
usapan ng mga Pilipino at Amerikano, dahil sa pagpigil sa mga sundalong Pilipino sa pagpasok sa
lungsod ng Maynila, isang kilos na tinutulan ng mga Pilipino.[8] Nagpadala ng mga komisyoner ang
Espanya at Estados Unidos upang pag-usapan ang mga kondisyon ng Kasunduan sa Paris na
nagtapos sa Digmaang Espanyol-Amerikano. Si Felipe Agoncillo, ang representatibo ng Pilipinas ay
tinanggal sa mga sesyon dahil ang pamahalaang rebolusyonaryo ay hindi kinilala ng ibang mga
bansa.[8] Kahit mayroong mga pagtututol, nagdesisyon ang Estados Unidos na hindi isasauli ang
Pilipinas sa Espanya, at hindi rin pumayag na kunin ng Germany ang Pilipinas. Maliban sa Guam at
Puerto Rico, napilitan din ang Espanya na ibigay ang Pilipinas sa Estados Unidos bilang kapalit sa
US$ 20,000,000.00, na sinasabi ng Estados Unidos na "regalo" nila sa Espanya.[9] Nagrebelde ang
Unang Republika ng Pilipinas laban sa okupasyon ng Estados Unidos, na nagdulot ng pagsiklab ng
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1913).

Panahong kolonyal ng Amerikano (1898-1946)


Isang karikaturang pulitikal noong 1898 na ipinapakita si McKinley, pangulo ng Estados Unidos
kasama ang isang "mabangis" na bata. Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa Espanya sa
paghagis ng bata sa bangin.
Pangunahing lathalain: Pananakop ng Amerika sa Pilipinas

Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang
labanan ang mga Kastila.[10] Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga
Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar.[11] Ngunit, dumistansya
ang Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang
mga Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas.[11] Nagwakas ang relasyon ng dalawang
bansa at tumaas ang tensyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga
pulo.[11]

Digmaang Pilipino-Amerikano

Pangunahing artikulo: Digmaang Pilipino-Amerikano

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero 4, 1899, matapos patayin ng dalawang
Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.[12] Naging mas magastos at mas
marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano.[4] Humigit-kumulang
126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin
ang 16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang
tiyak na bilang ng mga kasapi.[12] Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa
kagutuman at sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.[12]

Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa
mga Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang
gerilya.[12] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang reblousyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano
noong Marso 31, 1899 ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang
kabisera sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo,
ay pinatay noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang
mga sundalo sa mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya
sa bawat sonang militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit
sa pagitan ng mga Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[12]

Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Marso 23, 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya
ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat
ng katapusan ng digmaan.[12] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng
Pilipinas, lalo na sa Mindanao, hanggang noong 1913.[13]

Kolonya ng Estados Unidos

Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa
malayang pamamahala.[14] Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William
Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur
MacArthur, Jr. Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan
na itinatag ng Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong
kapangyarihang tagapamahala. Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga
sangay ng pamahalaan, kasama na rin ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal.
Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang
kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi naglaon ay ginampanan rin nito ang mga
responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos. Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng
Pilipinas noong 1907 bilang ang mababang kapulungan, samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang
mataas na kapulungan.
Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga
administrasyon.[4] Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay
ang karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si
Woodrow Wilson noong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng
Pilipinas. Ang Batas Jones, na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1916, ay naging
batayan ng pagtatag ng isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal na
Senado ng Pilipinas.

Naganap noong dekada 1920 ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga
gobernador-heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan
ang kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na
makamit kaagad ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Ipinadala sa Washington D.C. ang ilang mga
misyong pang-kalayaan. Itinatag ang serbisyong sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.

Ang pulitika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan ng
Partido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng
kasarinlan, naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito.[15] Pinamunuan
ito ni Manuel L. Quezon, na naging pangulo ng Senado mula noong 1916 hanggang 1935.

You might also like