You are on page 1of 19

Humanidades

(Humanities)
Ang Mg a Ara li ng Na uuk ol Sa
Tao
O
Mg a Ara li ng Pan tao
Humanidades
tumutukoy sa mga sining na biswal katulad ng musika,
arkitektura, pintura, eskultura, teatro o dula at
panitikan.

ay mga disiplinang akademiko na nag-aaral sa mga


kundisyong humano, na ginagamitan ng mga metodo ng:
 malawakang pagsusuri (kritiko)
pagpuna (analitiko)
pagbabakasali (ispekulatibo)
Ilan Sa Mga Halimbawa Ng
Mga Disiplina Na May
Kaugnayan Sa Humanidades:
Ang pag-aaral ng mga:
✍ Sinauna at makabagong mga wika
✍ Pampanitikan
✍ Kasaysayan
✍ Pilosopiya
✍ Pananampalataya
✍ Biswal na sining (napagmamasdang sining)
✍ Mga sining na isinasagawa
(performing arts, kung saan kasama
ang musika)
Ilan Sa Mga Halimbawa Ng
Mga Disiplina Na May
Kaugnayan Sa Humanidades:
Karagdagan dito ang mga paksang paminsan-minsan
nauugnay sa mga araling pantao: tulad ng
antropolohiya, at mga pag-aaral pampook (area studies)
Tinatawag na mga humanista ang mga dalubhasang nag-
aaral ng mga araling pantao.
Sa sining, kasama rito ang pagpipinta at paglililok, maging
ang mga pagtatanghal sa teatro, mga sayaw,
pampanitikan, at sining pangwika.
Musika
Isang sining ito na pinagsama-sama at inaayos ang mga tunog ng iba’t
ibang tono upang makalikha ng isang katha sa musika na mang-
aliw. Kung wala naman sa tamang tono ang musika o napakalakas
ang tugtog nito na nakasasakit sa tainga, bigo ang layunin nitong
makapag-bigay aliw. Bilang isang sining, ang kagandahan nito’y
nakasalalay sa mga tunog. Ang musika’y isa sa mahahalagang
sining ng ating kabihasnan. Kaugnay ito ng damdamin at may
katangiang makaimpluwensya nang tuwiran sa tao.
Ang tugtugin o musika, kadalasan na isang sining/libangan, ay isang
kabuuang panlipunang katotohanan na nagkaiiba ang mga
kahulugan ayon sa kapanahunan at kultura.
Paglalahad
Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na
naglalayong magbigay linaw ang isang konsepto o
kaisipan, bagay o paninidigan upang lubos na
maunawaan ng nikikinig o bumabasa.
Uri ng Paglalahad
✍ Pagbibigay Katuturan
✍ Pagsunod sa Panuto/Pamamaraan
✍ Pangulong Tudling/Editoryal
✍ Sanaysay
✍ Balita
✍ Pitak
✍ Tala
✍ Ulat
Pagsasalaysay
ang layunin nito'y magkuwento ng isang pangyayari o kawil
ng mga pangyayari.
Uri ng

Pagsasalaysay
Maikling kwento
✍ Anekdota
✍ Tula
✍ Alamat
✍ Epiko
✍ Kwentong bayan
Sayaw
Ang sayaw ay pangkalahatang tumutukoy sa lahat ng
galaw ng tao na ginagamit bilang isang anyo ng
pagpapahayag ng saloobin o tinatanghal sa isang
tagpuang panlipunan, espirituwal, at pangganap.
Tinatawag na koreograpiya ang sining ng paggawa ng
sayaw.
Sayaw
Depende ang mga kahulugan na kung ano ang binubuo ng
sayaw sa panlipunan, kultural, artistiko, maka-banal na
konsiderasyon at sinasakop nito mula sa may tungkuling
galaw (katulad ng sayaw na pantao o folk dance)
hanggang sa may code, mga pamamaraan ng virtuoso
katulad ng ballet.
Sa palakasan, may nilalaman na disiplinang sayaw ang
himnasya at figure skating .
Samantala kadalasang hinahambing ang mga sayaw sa
sining marsiyal na 'Kata'.
Uri ng Sayaw
✍ Pandango sa ilaw
✍ Tinikling
✍ Cariñosa
✍ Balitaw
✍ Rigodon
✍ Sayaw sa bangko
✍ Binasuan
✍ Maglalatik
✍ Kuratsa
✍ Pantomina
✍ Singkil
✍ Kappa malong-malong
✍ Pandanggo oasiwas
Teatro
Ang teatro ay ang sangay ng gumaganap na sining na
may kinalaman sa pag-arte ng mga kuwento sa harap ng
mga nakikinig na ginagamit ang magkahalong salita,
galaw, musika, sayaw, tunog at panooring kahanga-
hanga.
Karagdagan pa sa mga pamantayang istilo ng diyalogo,
kinukuha ng teatro ang iba pang anyo tulad ng opera,
ballet, mime, klasikong sayaw ng mga Indyan at opera
ng mga Instik.
Arkitektura
Ang arkitektura ay isang bahagi ng sining na biswal na
nakikita ng mga tao.
Ang biswal na sining ay hindi lamang ang may kinalaman
sa eskultura at pagpipinta kundi sinasaklaw din nito ang
mga damit at pantahanang kasangkapan.
Saklaw rin nito ang mga palamuti at mga kapangkapang
inilalagay sa mga pook dalanginan, tahanan, paaralan at
iba’t ibang gusali.
Sa pamamagitan ng nilikhang sining ng mga eskultor at
pintor, naipahahayag nila ang kanilang adhikain,
pangarap, pag-asa at pangamba sa panahon ng
pamamalagi nila sa daigdig.
Larangan ng
Pintura
Sa larangan ng pintura ay kinilala at hinangaan sa iba’t
ibang panig ng daigdig ang likhang sining na “Spolarium”
ni Juan Luna na nagtamo ng unang gantimpala sa
timpalak sa sining ng pintura sa Madrid.
Ang kasama niyang hinandugan ng talumpati ni Jose Rizal
ay si Felix Resurreccion Hidalgo y Padilla na nagtamo rin
ng gantimpala sa naturang timpalak sa kanyang likhang
sining na “Mga Dalagang Kristiyanang Itinambad Sa
Nagkakagulong Mga Tao”.
Las Virgenes Cristianas Expuestas Al Populacho
(The Christian Virgins Exposed to the Populace)
Marami Pong Salamat sa
Inyong Pakikinig...

You might also like