You are on page 1of 102

Republika ng Pilipinas

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas


KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Sta. Mesa, Maynila Tel. # 716-7832 to 45 loc. 229

__________________________________________________________________________________________

PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP,PUP AT PNU SA


KURIKULUM NG PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING
KINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNLAD NG WIKANG
FILIPINO

Tesis na iniharap sa mga dalubguro ng


Kagawaran ng Filipinolohiya
Kolehiyo ng mga Wika at Lingggwistika
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Bilang pagtugon sa kahingian sa kursong


Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya
sa asignaturang Pagsulat ng Tesis (FO 421)

Mga mananaliksik:

Peña, Romeo P.
Moreno, Grace A.
Gonzaga, Aiza R.
Castillo, Rolina B.
Balauro, Arnel C.
Omac, Oliver Glenn S.
Fellizar, Joy Zerlaine S.

Oktubre, 2007

i
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Sta. Mesa, Maynila Tel. # 716-7832 to 45 loc. 229

__________________________________________________________________________________________

PAGPAPAKILALA NG PANGKAT

Ang mga bumubuo sa pangkat na nagsagawa ng pag-aaral sa PANANAW


NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP, PUP AT PNU SA KURIKULUM NG
PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA
PAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO ay ang mga
sumusunod:

Peña, Romeo P.
Pinuno

Mga Kasapi:

Moreno, Grace A.
Gonzaga, Aiza R.
Castillo, Rolina B.
Balauro, Arnel C.
Omac, Oliver Glenn S.
Fellizar, Joy Zerlaine S.

ii
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Sta. Mesa, Maynila Tel. # 716-7832 to 45 loc. 229

__________________________________________________________________________________________

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na, PANANAW NG MGA PILING


MAG-AARAL SA UP, PUP AT PNU SA KURIKULUM NG PROGRAMANG
PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA PAGPAPANATILI
AT PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO ay iniharap at inihanda ng mga
mag-aaral ng AB Filipinolohiya minor sa Komunikasyong Pangmadla bilang
bahagi ng pagtupad sa kahingian sa asigmnaturang Pagsulat ng Tesis (FO
420).

LUPON NG TAGASULIT

Prof. Lolita K. Abueg


Punong Tagasulit

Prof. Emelinda C. Layos


Kagawad

Prof. Robert M. Baldago


Kagawad

Prof. Perla S. Carpio


Tagapayo/Tagapangulo, KF

Dr. Corazon P. San Juan


Dekana, KWL

iii
Republika ng Pilipinas
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
KOLEHIYO NG MGA WIKA AT LINGGWISTIKA
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Sta. Mesa, Maynila Tel. # 716-7832 to 45 loc. 229

__________________________________________________________________________________________

MARKA SA DEPENSANG ORAL

Ang pag-aral na ito na may pamagat na, PANANAW NG MGA PILING


MAG-AARAL SA UP, PUP AT PNU SA KURIKULUM NG PROGRAMANG
PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING KINALAMAN SA PAGPAPANATILI
AT PAGPAPAUNLAD NG WIKANG FILIPINO ay pinagtibay na Lupon sa
Pagsusulit na Oral.

Ang kaloob na antas ay: _________.

LUPON NG TAGASULIT

Prof. Lolita K. Abueg


Punong Tagasulit

Prof. Emelinda C. Layos


Kagawad

Prof. Robert M. Baldago


Kagawad

Prof. Perla S. Carpio


Tagapayo/Tagapangulo, KF

Dr. Corazon P. San Juan


Dekana, KWL

PASASALAMAT

iv
Buong pusong pinasasalamatan ng mga mananaliksik ang

PANGINOONG DIYOS na walang sawang sumusubaybay at gumagabay sa

bawat kasapi upang matapos ang pag-aaral na ito. Salamat sa ibinibigay

Mong karunungan, pag-ibig at pananampalataya sa bawat isa.

Pinasasalamatan din sina Prof. Lolita K. Abueg Prof. Emelinda C. Layos

at Prof. Robert M. Baldago na nagsilbing lupon ng tagasulit sa depensang

oral. Salamat sa pakikinig sa bunga ng aming pawis at salamat sa mga

kritisismo at mungkahi na malaki ang naitulong para ganap na maging

maayos ang aming pananaliksik.

Lubos ding pinasasalamatan si Prof. Perla S. Carpio, ang tagapayo na

nagsilbing ina at patuloy na kumalinga sa bawat problemang dumarating sa

mga mananaliksik. Salamat sa napakalawak na pag-unawa at matalinong

pag-iisip sa pangaraw-araw na gawain sa unibersidad.

Pinasasalamatan din si Dr. Corazon P. San Juan, ang dekana ng kolehiyo

na walang patid ang pagtulong upang maisakatuparan ang pagdedepensa ng

pananaliksik.

Taos puso ring pinasasalamatan si Dr. Virgilio S. Almario at Prof. Vina P.

Paz ng Unibersidad ng Pilipinas, Dr. Lydia B. Liwanag at Prof. Patrocinio V.

Villafuerte ng Pamantasang Normal ng Pilipinas sa pagpapahintulot na

makapagserbey sa inyong mga mag-aaral. Maraming salamat po sa inyong

mabubuting puso.

Maraming salamat muli kay Prof. Emelinda C. Layos na nagsilbing

unang ina ng mananaliksik, kay Prof. Ma. Victoria R. Apigo na nagsilbi ring

sandalan naming mananaliksik, kay Prof. William G. Cabaysa, sa aklatang

v
naging saksi ng malayang kaisipan at karunungan, kay Prof. Mary Joy A.

Castillo, sa pagtuturo ng maayos na paggawa ng mga liham at programa.

Pangalawa sa Lumikha, wagas na pagpapasalamat sa aming mga

magulang na nagsilbing tubig kapag kami’y nauuhaw, nagsilbing damit sa

aming kahubdan, kasing halaga ng hanging ating nalalanghap. Maraming

maraming salamat, ama, papa, tatay, ina, mama, nanay at sa mga kapatid

na mapagmahal at handang tumulong.

Maraming salamat sa mga kaibigan, kakilala at sa mga taong

nakasalamuha habang binubuo ang pananaliksik na ito.

At sa huli, salamat sa edukasyon at wika na nagsisilbing palamuti sa

ating katauhan at ang nagbabantayog sa karunungan.

MGA MAY-AKDA

PAGHAHANDOG

Iniaalay sa mga punong pinutol para gawing papel.

vi
Iniaaalay sa Panginoong Diyos at mga magulang.

Noong ako ay bata pa,nasa kupkop pa ni ama,

Batambata, walang malay,t anging anak nga ni ina,

Itinuro niya sa akin at kanyang sinabi:

Unahin mo sa lahat anak, pagtuklas ng kaalaman,

Ito’y pilitin mong matamo kahit gaano kamahal.

Kaalama’y pahalagahan at kanya kang itataas.

Bibigyan kang karangalan kapag siya’y isinakbat.

Siya’y korona sa ulo,s akdal ganda,anong inam,

At putong pa ng luwalhati sa buo mong katauhan.

Kawikain 4:3-4, 7-9

ABSTRAK

Pangalan ng Institusyon: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Address/Kinatatayuan: Sta. Mesa, Maynila

vii
PAMAGAT: PANANAW NG MGA PILING MAG-AARAL SA UP, PUP AT PNU SA
KURIKULUM NG PROGRAMANG PANGKOLEHIYO NA MAY MALAKING
KINALAMAN SA PAGPAPANATILI AT PAGPAPAUNALAD NG WIKANG FILIPINO

MAY-AKDA: ROMEO P. PENA, GRACE A. MORENO, AIZA R. GONZAGA, JOY


ZERLAINE S. FELLIZAR, ARNEL C. BALAURO, OLIVER GLENN S. OMAC AT
ROLINA B. CASTILLO

Kurso: Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya minor sa Komunikasyong


Pangmadla

Pondo: Personal at sa mga magulang

Petsang Nagsimula: Oktubre, 2006

Petsang Natapos: Oktubre, 2007

I. PANIMULA

Ang kurikulum ay isang bagay na napakahalaga sa isang programang

pangkolehiyo. Ito ay nagsisilbing talaan ng mga kurso o asignatura at ang

batayan at gabay ng mga guro at mag-aaral sa institusyong pang-edukasyon

Sa pagpili ng tatlong pangunahing pang-estadong unibersidad sa

Pilipinas tulad ng UP, PUP, at PNU, ihahain sa pag-aaral na ito kung bakit

napakalaki ng bahaging ginagampanan ng kurikulum ng programang

pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino kaugnay sa

pagpapanatili at papapaunlad ng wikang Filipino.

II. MGA LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na

katanungan:

viii
1. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad

ang kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

2. Anu-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa

tatlong piling unibersidad sa programang pangkolehiyo na may

malaking kinalaman sa wikang Filipino?

3. Anu- ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa

tatlong piling unibersidad sa kurikulum ng programang pangkolehiyo

na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

4. Sa anong paraan tumutugon para sa pangangailangan ng

kasalukuyang panahon ang mga sumusunod:

a. layunin ng programang pangkolehiyo na may malaking

kinalaman sa wikang Filipino.

b. mga kurso o asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng

programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa

wikang Filipino.

5. Paano umuugnay ang kurikulum ng programang pangkolehiyo

sa tatlong piling unibersidad sa Pangkalahatang Edukasyon na inihain

ng CHED?

6. Ano ang saloobin ng mag-aaral sa mga preperensyang

pangwika kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wiikang

Filipino na maaaring ihain ng kurikulum ng programang pangkolehiyo

na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

III. SAKLAW AT LIMITASYON

ix
Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga piling mag-aaral na may

kabuuang bilang na pitumpu’t lima(75) na kumukuha ng programang

pangkolehiyo na B,A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino

(UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU).

IV. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng deskriptibong pamamaraan.

Nagamit ang pamamaraang ito sapagkat inilarawan ang kasalukuyang

ginagamit na kurikulum ng UP, PUP, at PNU. Upang maisakatuparan ang pag-

aaral na ito ay kumunsulta ang mga mananaliksik sa iba’t ibang silid-aklatan

gaya sa Pambansang-Aklatan, Ninoy Aquino Learning Resource Center at

Silid-Aklatan ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika upang makapangalap

ng mahalagang datos na may kaugnayan sa pag-aaral. Kumuha rin ng

mahalagang impormasyon sa websayt ng tatlong piling pang-estadong

unibersidad. Humingi ng pahintulot sa pamamagitan ng pormal na liham ang

mga mananaliksik sa dekana at tagapangulo na nakasasakop sa mga

nabanggit na programang pangkolehiyo upang mapahintulutan na

makapagsarbey sa ilang piling mag-aaral namay bilang na dalawampu’t lima

(25) sa bawat unibersidad. May kabuuang pitumpu’t limang (75) binahaginan

ng talatanungan ng mga mananaliksik at maayos na ipinaliwanag ang

nilalaman nito sa mag-aaral.

V. BUOD NG NATUKLASAN AT KONGKLUSYON

Mga Natuklasan

x
1. Malaya ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong kanilang

kukunin pagtuntong nila sa kolehiyo.

2. Malaki ang pananalig ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP at PNU na

magiging daan ang programang pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A.

Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP;

at BSE major sa Filipino sa PNU sa pag-aangat sa kamalayan bilang tunay

na mamamayang Pilipino.

3. Higit na nakatuon ang mga nasabing programa pangkolehiyo sa

propesyon bilang tagahasik ng kaalaman sa mga paaralan o ang

tinatawag na guro.

4. Ang isang mag-aaral ay mapapabilang sa mga nabanggit na programang

pangkolehiyo ay malaki ang posibilidad na mapayabong ang kaniyang

pagmamahal sa wikang Filipino.

5. Pinakamabisang daan upang magkaroon ng kaalaman ang mag-aaral

tungkol sa nilalaman ng kurikulum ay ang pagbabahagi ng kopya nito.

6. Sa wika higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang

pangkolehiyo.

7. Intelektwal na pagkatuto ang higit na inihahain ng mga asignatura na

nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA

Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP;

at BSE major sa Filipino sa PNU.

8. Ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at korespondensya opisyal ay isa

sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang

Filipino.

xi
9. Ang pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang Filipino ay isa sa

epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang

Filipino.

10.Ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino

ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang

wikang Filipino.

11. Ang paggamit ng Filipino sa pagsulat ng mga sulating pampanitikan ay isa

sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang

wikang Filipino.

12. Ang pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin para lalong mabatid

ng maraming Pilipino isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili

at mapaunlad ang wikang Filipino.

13. ang pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ito ikinahihiya ay isa sa

epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang

Filipino.

14. ang pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang Filipino upang dumami

ang sanggunian ng mgs mag-aaral ay kailangan upang lalo pang

mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

15. ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati ay isa sa mabisang

paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

16. ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino ay isa sa epektibong paraan

upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

17. ang pagpapahayag ng kuru-kuro at saloobin gamit ang wikang Filipino ay

makatutulong upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang

Filipino.

xii
18. ang pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa

wikang Filipino ay isang daan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad

ang wikang Filipino.

19. ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon na wikang

Filipino ang midyum ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang

mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

Mga Kongklusyon

1. Ang pagpili ng mga mag-aaral sa programang pangkolehiyo na may

malaking kinalaman sa wikang Filipino.

Sa masusing pagsasarbey ng mga mananaliksik ay napag-

alaman na kaya pinili ng mga mag-aaral na pumasok o mapabilang

sa programang pangkolehiyo ay dahil ito ay kagustuhan nila.

Naging malaya ang mga mag-aaral ngayon sa pagpili ng kursong

kanilang kukunin na hindi kainakailangan ng impluwensiya ng

magulang at ng ibang tao. Sa kabilang banda, malaki rin ang

nagging bahagdan ng mga mag-aaral na napagsarhan o nawalan

ng pagkakataon sa gusto nilang kurso.

2. Sa pagsarbey, sa kabuuan, nagiging instrumento upang maiangat ang

kamalayan ng mag-aaral bilang isang Pilipino ang programang

pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino

sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU ay nagtala

ng pinakamaraming tugon na may bilang na 34 mag-aaral na may

katumbas na 45.33%

xiii
Nangangahulugan na may pinakamalaking gampanin ang

programang pangkolehiyo sa tatlong piling pang-estadong

unibersidad sa kalakhang Maynila sa pag-angat sa kamalayan

bilang tunay na mamamayang Pilipino at sa pagmamahal sa wikang

Filipino. Nangangahulugan din na higit pa sa hangarin na

makahanap agad ng magandang trabaho ang layunin nito at

naniniwala din ang mga mag-aaral na magiging dalubhasa sila sa

wikang Filipino sa pamamagitan bg mga nabanggit na programang

pangkolehiyo sa pamamagitan ng paghasik ng kaalaman o pagiging

guro.

3. Ang Pagkatuto – Napatunayan na sa wika talaga higit na nakasentro ang

mga nabanggit na programang pangkolehiyo dahil sa napakaraming

mag-aaral ang tumugon nito.

Naikintal ang pagkatutong intelektwal sa mga mag-aaral

ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa

wika.

4. Ang Pagtangkilik at Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Gawaing Pang-

unibersidad ng mga Mag-aaral na may Kinalaman sa Pagpapaunlad

Nito.

Tinatangkilik ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

panonood ng mga palatuntunang Filipino, pagbabasa ng iba’t

ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino, pagsasalita ng

wikang Filipino na hindi ikinahihiya, pagpapalimbag ng

maraming aklat sa wikang Filipino upang dumami ang

xiv
sanggunian ng mga mag-aaral at pagtangkilik sa pelikukang

Pilipino.

Gayundin, ginagamit ang wikang Filipino sa mga gawaing

pang-unibersidad gaya ng sa ulat at korespondensya opisyal,

pagsulat ng mga sulating pampanitikan, pagsasalin sa Filipino

ng mga banyagang sulatin, sa pagtatalumpati at sa

pagpapahayag ng mga kuru-kuro at saloobin. Samakatuwid, ang

mga mag-aaral na nasa ilalim ng programang pangkolehiyo na

may malaking kinalaman sa p-agpapaunlad ng wikang Filipino ay

patuloy sa paggawa ng mga epektibong paraan sa pagtangkilik

at paggamit ng wikang Filipino sa labas o sa loob ng unibersidad

upang lalong mapanatili at mapaunlad ito.

5. Ang Pagpapaunlad sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Aspetong

Sosyal

Ang pakikiisa sa mga kilos ang may kaugnayan sa

pagpapaunlad sa wikang Filipino at ang panonood at pakikinig sa mga

balita sa radio at telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay ilan lamang

sa mga epektibong paraan upang lalong mapanatili at mapaunlad ang

wikang Filipino sa aspetong sosyal.

VI. Rekomendasyon

1. Mas mainam kung ang maraming bilang Pilipinong mag-aaral ay kukuha

ng kursong naaayon sa kanilang kagustuhan na magiging daan sa

pagpapaunlad ng kanilang sarili.

xv
2. Dapat ipagpatuloy ang paghahain ng mga asignaturang mas

magpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral sa pangkasalukuyang

panahon lalo na sa kaso ng pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang

Filipino.

3. Higit na patatagin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng wikang

Filipino.

4. Higit na palaganapin ang mga pamamaraan at preperensyang pangwika

na lalong magtataguyodsa wikang Filipino.

5. Higit na pahalagahan ng mga mag-aaral ang mga Gawain na may

kinalaman sa wikang Filipino.

6. Dapat pag-ibayuhin ng mga programang pangkolehiyo na may malaking

kinalaman sa wikang Filipino ang pangunguna sa pagpapatatag at

pagpapayabong ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangang pang-

edukasyon.

7. Maging matulungin ang mga ahensyang pang-edukasyon at pangwika sa

patuloy na pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino upang lalong

maging malakas ang pwersa na gaganap sa usaping ito.

8. Pantilihing tiyak, malinaw, at umuugnay sa kasalukuyang

pangangailangan ng panahon ang mga programang may malaking

kinalaman sa wikang Filipino.

9. Ito na ang tamang pagkakataon upang paramihin ang mga programang

pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino na maaaring

kabilangan ng mga Pilipinong mag-aaral pagtuntong sa tersyarya.

xvi
10.Ang patuloy na pagdaragdag na makatutulong sa pagpapahusay ng

pananaliksik na ito ay tinatanggap ng mga mananaliksik upang lalo pang

tumibay ang kredibilidad nito.

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT SANLIGANG PANGKASAYSAYAN

PANIMULA

“Thought is the blossom; language the bud, action the fruit behind it.”

-Ralph Waldo Emerson

xvii
Malaki ang papel na ginagampanan ng wika sa pagbuo ng isang

pambansang identidad o kaakuhan, lalo na sa pagsabak sa proseso ng

globalisasyon. Mahalagang mabuo muna ang identidad ng isang ng bansa

para makasabay sa hamon ng kasalukuyang panahon.

Ayon kay Dr. Nita Buenaobra, malaki ang bahagi ng mga mamamayang

Pilipino sa pagtanggap sa Filipino bilang wikang umiiral sa bansa. Ang ibig

sabihin ng Filipino ngayon ay ang wikang nauunawaan ng lahat, simple,

madaling iakma o fleksibol at ekonomikal. Ang wikang Filipino ay isang isyung

sosyo-pulitikal, isang krusada na nangangailangan ng pag-unawa at atensyon

mula sa mamamayan at pinuno na nangunguna sa pagpapaunlad nito bilang

kaluluwa ng isang bansa (Medina, 2003:4).

Subalit sa Pilipinas, bunga ng globalisasyon, sa halip na paunlarin ang

sariling wika, bakit unti-unting humihina ang wikang Filipino? Sinabi ni Dr.

Galileo Zafra, sa larangan ng pananalita mahirap isipin na magkakaroon ng

isang wikang puro. Ang katotohanan, hihiram at hihiram ang tao mula sa

ibang wika at ito’y tinatanggap na sa kasalukuyan.

Sa mga bansang mauunlad, kahanga-hanga ang kanilang pagmamahal

sa kanilang wika. Sa bansang Hapon, ang mga pabatid sa trapiko ay nasa

wikang Nihongo. Halimabawa, ang tawag sa no right turn nila, usetsu kinshi,

no left turn, sasetsu kinshi, no parking, chuusa kinshi. Ang kanilang dahilan,

aralin mo ang wika namin kung nais mong alamin ang nais naming sabihin.

Nasa wika namin ang pag-unlad at wala sa iba. Sa Malaysia, ang mga pabatid

sa trapiko ay nasa wikang Bahasa Malaysia. Sa kanilang bilihan ng mga libro,

ang mga aklat ay nasa wika nila. Ang tawag sa Silicon Valley nila ay Cyber

Jaya at ang sentro ng kapangyarihan, ay Patra Jaya. Tayo, panay Ingles ang

xviii
titulo, no left turn, no right turn, dagdagan pa natin ng no swerving, no u-turn

at no jay-walking (Turgo, 2004).

Bilang mga mananaliksik, napakahalaga ng wikang Filipino. Sa

katunayan, malaki ang naitutulong ng sariling wika sa pagsusulong ng

kahusayang pang-akademya sa iba’t ibang paaralan at unibersidad dito sa

ating bansa, may mga programa na tumatalakay at nagtuturo ng

kahalagahan upang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

May mga programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa

wikang Filipino sa iba’t ibang unibersidad dito sa Piliipinas. Nakapalobb ang

kurikiulum sa mga programang ito na nagsisilbing talaan ng mga kurso o

asignatura at ang batayan at gabay ng mga guro at mag aaral. Sa pagbibigay

kahulugan ni John Kerr sa kurikulum ay ganito ang isinasaad:

Curriculum defines as all learning which is planned and guided by the


school, whether it is carried on in groups or individually inside or
outside the school (Kelly, 1983:10).

Ang ito ni John Kerr ay sinuportahan at pinalawig sa aklat ni John

Franklin Bobbitt na may pamagat na The Curriculum. Ayon kay Bobbitt:

The idea of curriculum has its roots in the Latin word for a race-course
and explained curriculum as the source of deeds and experiences in
which children become the adults that they should be, for success in
adult society. Curriculum must be understood as encompassing not
only those experiences that take place within schools, but the entire
scope of formative experience both within and outside of schools. This
includes experiences that are not planned or directed, as well as
experiences that are intentionally directed (in or out of school) for the
purposeful formation of adult members of society.

Dahil sa napakahalagang bagay ang kurikulum sa isang programa na

tumatalakay sa sariling wika, minarapat ng mga mananaliksik na pag aaralan

ito. Isinasaalang-alang din ang pagtukoy sa mga layunin ng kurikulum para sa

pagkatuto at pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa kinukuhang programa.

xix
Kasabay ang pagsisiyasat kung ito ay nakasasabay sa agos ng

kontemporaryong panahon. Kasangkot sa pananaliksik na ito ang pag-alam

kung nakatutugon ang bawat kursong nakapaloob sa kurikulum bilang tulay

upang mapanatili at lalo pang mapaunlad ang wikang Filipino. Gayundin kung

ito ay naaayon sa inilalabas na pamantayan ng Commission on Higher

Education (CHED).

Ayon sa ipinalabas ng Commission on Higher Education (CHED) Special

Order No. 42 Series of 2003 na may paksang Guidelines for the Formulation

Of Policies and Standards of Academic Programs Sec. 4, Par. e, kung saan ang

kurikulum ay dapat magtataglay ng:

Kurikulum deskripsyon: Kabilang dito ang:

o Kahalagahan at kaugnayan ng mga kurso

o Katiyakan at kahalagahan ng kurso na nakatala sa balangkas ng

kurikulum.

o Tiyak na paksang mapakikinabangan at makatutulong sa mga

mag-aaral at ibang suhestiyon o inihaing opsyon.

o Suhestiyon sa iba pang paksang maaaring maging alternatibo

na magpapalawak sa programa.

Sa pagpili ng tatlong pangunahing unibersidad sa Pilipinas tulad ng UP,

PUP, at PNU ihahain ng pag-aaral na ito kung bakit napakalaki ang bahaging

ginagampanan ng kurikulum sa programang pangkolehiyo na may malaking

kinalaman sa larangan ng Wikang Filipino.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

xx
Sa kasaysayan ng kurikulum, ang unang aklat na inilathala noong 1918

tungkol sa kurikulum ay nagpapaliwanag na ang kurikulum ay programa ng

mga gawain at mga karanasan kung saan ang mga bata ay lalaki at

matututo sa kung anong nararapat sa kanila sa ikauunlad ng lipunan (Bobbit,

1918).

Idinagdag pa ni Bobbit na ang mga nakukuhang karanasan sa loob at

labas ng paaralan ay nararapat na naiintindihan. Ang kurikulum ang nagiging

kaagapay ng mga mamamayan sa pakikihalubilo at pagkakaroon ng

gampanin sa lipunan. Nagkakaroon ng dalawang pormulasyon ayon sa

nakikita niyang suliranin: (1) Ang mga eksperto sa siyentipiko lamang ang

makagagawa ng disenyo sa paggawa ng mga kurikulum base sa katangian,

dunong at kasanayan na mayroon ang mag-aaral na kung saan ay

makakatulong pa sa pagpapaunlad nito. (2) Sa kanyang depenisyon na ang

kurikulum ay ang mga karanasan o aral na dapat niyang matutunan sa kung

anumang dapat maging siya, ang kurikulum ay nagiging tumpak ayon sa

pansariling kagustuhan ng isang mag-aaral depende sa realidad ng kanyang

karanasan.

Ang kurikulum ay kalipunan ng mga kurso at mga programa na

inihahain ng institusyon tulad ng paaralan at unibersidad. Sa Estados Unidos,

ang kurikulum ay binubuo ng mga indibidwal sa bawat estado o batay sa

pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ang pag-unlad ng kurikulum ay kahalintulad ng kasaysayan ng Pilipinas

kung saan naimpluwensyahan ng relihiyon, politika, ekonomiya at mga

isyung panlipunan.

xxi
Noong bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ay nauna

nang makarating ang mga taga-Arabia, India, tsina, Indo-Tsina at Borneo kung

saan sinasabing sila’y mga sibilisado at may sariling sistema ng pagsulat,

batas at moral sa kanilang pamamahala.

Ang mga Pilipino ay walang pormal na metodong pagtuturo. Ang

kanilang pagkatuto sa mga kaugalian, ideya at mga bagong kaalaman ay

hindi planado at walang

sinunod na sistema.

Samantalang sa pagdating ng mga Kastila, ay nagsimula nang

nagtatag ntg mga parochial convent schools. Ang kanilang madalas na pinag-

aaralan at binabasa ay mga Kartilya, ang Katon at ang Katesismo. Ang

sistema ng kanilang pagkatuto ay indibidwal na pagkakabisa.

Nagsimulang magkaroon ng mga pampublikong paaralan nang itatag

ito ng mga Amerikano. Ang kurikulum noon ay nakabase sa paniniwala at

tradisyon ng mga Amerikano. Tulad ng pagkakaroon ng mga babasahin

tungkol sa mg tanyag na personalidad sa Amerika at pagtuturo ng pagguhit

ng mga kabahayang may impluwensiya ng Amerika. Ingles din ang ginagamit

sa pagtuturo ng mga asignatura tulad ng Aritmetik, Heograpiya, Siyensya at

Ingles.

Ang kurikulum ay nananatiling hiwa-hiwalay na asignatura at sinunod

naman ay sistemang pagrupong pagtuturo.

Nagkaroon naman noong panahon ng Komonwelt ng mga Amerikanong

sundalong-guro na kung tawagin ay Thomasites. Ang kurikulum ay umuunlad

sa pagkakaroon ng kurso sa pagtatanim, pangangalakal, negosyo at domestic

science.

xxii
Binago ang kurikulum noong dumating ang mga Hapon na isinunod sa

kanilang kagustuhan sa pamamagitan ng pagtanggal sa wikang Ingles bilang

gamit sa pagtuturo sa halip ay ginamit ang Niponggo.

BALANGKAS TEORETIKAL

Naka-angkla ang pag-aaral na ito sa mga teoretikal na oryentasyon

tungkol sa kurikulum na inihain ng mga Amerikanong edukador at manunulat

na sina Lawrence Stenhouse, John Franklin Bobbit, Ralph W. Tyler at Hilda

Taba para lubos na maunawaan ang suliraning inilahad ng mananaliksik.

Sa aklat ni Bobbit na The Curriculum, tinalakay niya ang sentral na

teorya ng kurikulum. Nakasulat sa aklat niya na:

The central theory of curriculum is simple. Human life, however varied,


consists in the performance of specific activities. Education that
prepares for life is one that prepares definitely and adequately for
these specific activities. These will show the abilities, attitudes, habits,
appreciations and forms of knowledge that people (students) need.
These will be the objectives of he curriculum. They will be numerous,
definite and particularized. The curriculum will then be that series of
experiences which children and youth must have by way of obtaining
those objectives (1918:42).

Ayon kay Taba, Stenhouse at Tyler, may apat na gabay na sinusunod

ang pagbubuo at pagpaplano sa pagkatuto ng isang mag-aaral sa

pamamagitan ng pag-oorganisa ng kurikulum. Ang apat na gabay ay

maituturing na teorya at praktika ng kurikulum. Lubos na mauunawaan ang

mga gabay na teorya at praktika tungkol sa kurikulum sa pagkakategorya ni

Aristotle sa karunungan sa tatlong disiplina: teoretikal, produktibo at

praktikal. Ang mga gabay ay ang mga sumusunod:

xxiii
Kurikulum bilang kabuuan ng karunungan na dapat ibahagi.

Tumutukoy ito sa pagbabahagi sa mga mag-aaral ng mga paksang pag-

aaralan, metodo at konteksto sa epektibong proseso at pamamaraan.

Kurikulum bilang isang produkto. Ang gabay na ito ay nakabase sa

apat na pundamental na tanong ni Tyler na may kinalaman sa teorya at

praktika ng kurikulum na gamit sa edukasyon. Ang mga tanong ay ang

sumusunod:

1. Anong layuning pang-edukasyon ang gustong makamit?

2. Anong mga karanasang pang-edukasyon ang maibabahagi para

makamit ang mga layunin?

3. Paano maisasaayos ang mga karanasang pang-edukasyon sa

pagiging epektibo nito?

4. Paano madedetermina kung nakamit na ang mga layuning pang-

edukasyon?

Base sa mga inihain ni Tyler na mga tanong ay nabuo niya ang

konsepto sa pagtingin sa kabuuang pananaw sa kurikulum.

xxiv
PURPOSE

IDEAL
GRADUAT

MEANS ASSESSME
NT

Pigura 1. Kabuuang Pananaw sa Kurikulum

Kasangkot din dito ang mga epektibong pamamaraan at hakbang sa

pagbubuo ng kurikulum ayon kay Taba. Nakasaad ang mga sumusunod:

1. Pag-alam sa maaaring lamanin ng kurikulum

2. Pagbuo ng matibay na layunin ng kurikulum

3. Pagpili ng tiyak na lalamanin ng kurikulum

4. Pag-oorganisa ng lalamanin ng kurikulum

5. Pagbabatay sa mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum

6. Pag-oorganisa sa mga karanasan ng pagkatuto sa kurikulum

7. Pagsasagawa ng mga epektibong pamamaraan sa pagkatuto na

lalamanin ng kurikulum

Kurikulum bilang proseso. Ipinababatid nito na ang kurikulum ay

hindi lamang pisikal na bagay kundi ito ay ang interaksyon ng guro at mag-

aaral sa loob ng silid-aralan at ang kanilang pagpapalitan ng kaalaman. Sa

xxv
pamamagitan ng inihaing basehang prinsipyo sa pagpaplano ng mga kurso

sa kurikulum ni Stenhouse ay lubos na mauunawaan kung bakit ito naging

isang proseso.

A. Sa pagpaplano:

1. Prinsipyo sa pamimili ng nilalaman – Ano ang dapat matutunan at

maituro?

2. Prinsipyo sa pagpapa-unlad ng istratehiya sa pagtuturo – Paano ito

dapat matutunan at maituro?

3. Prinsipyo sa pagbuo ng desisyon tungkol sa mabisang daloy ng

pagtuturo at pagkatuto

4. Prinsipyo na kung saan ay aalamanin ang kahinaan at kalakasan ng

magtuturo at tuturuan gayundin kung paano nila tinatanggap ang

tatlong naunang prinsipyo.

B. Sa emperikal na pag-aaral:

1. Prinsipyo na kung saan ay aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng

mga mag-aaral

2. Prinsipyo na kung saan ay aalamin at pag-aaralan ang pag-unlad ng

mga guro

C. Sa relasyong pagpapatibay:

1. Prinsipyo na kung saan ay iaayon ang kurikulum sa iba’t ibang

sitwasyon ng paaralan, mag-aaral, kapaligiran at organisasyon

2. Prinsipyo sa pag-alam sa maaaring maging epekto ng kurikulum

kung may magkakaibang konteksto, paniniwala at pagkakaunawa

3. Prinsipyo sa magiging layunin ng kurikulum

xxvi
Kurikulum bilang praksis o pagganap. Isinasaad na ang kurikulum ay

mapapa unlad sa pamamagitan ng aksyon at repleksyon. Hindi lamang

simpleng plano ang kurikulum kundi ito’y nakaugnay na matibay sa aktibong

paglulunsad at pagsasagawa na ang sentro ay ang marapat at mabisang

aksyon ng implementasyon.

BALANGKAS KONSEPTWAL

Sa sanaysay ni Dr. Florentino H. Hornedo, Ang Wikang Filipino tungo sa

Intelektwalisasyon, higit na mababanaag ang doble-karang paggamit sa

wikang Filipino. Ayon sa kanya, dumadaan ang mga kabihasnan sa dalawang

antas ng pag-uunlad ng pag-iisip. Para sa pagpapahayag ng damdamin,

ninanasa o hangarin, ang Vital Thought o Diwang Buhay ang umiiral.

Ngunit sa antas ng pagpapahayag ng mapanimbang na pag-iisip o

pagmumuni-muning dulot ng mapanuring kamalayan, umiiral ang Reflexive

Thought o Diwang Malay. Kung gayon, magkakatotoo lamang ang puspusang

paggamit ng ating wika, kung itataas natin ito sa antas ng Diwang Malay. Ang

pagkakaroon ng isang laganap na Wikang Pambansa ay isang yaman at

mahalaga. Ngunit ang malawakang paggamit at pagpapayaman dito ay higit

na dapat bigyang tuon.

Sa pang-akademikong pamamaraan ng pagpapayaman sa wika, higit

na dapat pagtuunan ang mga programang may kinalaman dito. Sa

pamamagitan lamang ng edukasyon maitataas ang sinasabi ni Dr. Hornedo

na Diwang Malay.

Sa edukasyon, papasok na ang kurikulum na sinabi ni Bobbit, ito ay

ang paghahanda sa buhay dahil inihandang tiyak ang matututunang

xxvii
kaalaman, pag-uugali, abilidad at karanasan. Ang kurikulum ay isang

mabisang kasangkapan sa edukasyon. Inihahalintulad nga ni Stenhouse ang

kurikulum sa isang recipe sa pagluluto. Sabi niya na:

It can be criticized on nutritional or gastronomic grounds – does it


nourish the students and does it taste good? – And it can be criticized
on the grounds of practicality – we can’t get hold of six dozen larks’
tongues and the grocer can’t find any ground unicorn horn! A
curriculum, like the recipe for a dish, is first imagined as a possibility,
then the subject of experiment. The recipe publicly is in a sense a
report on the experiment. Similarly, a curriculum should be grounded
in practice. It is an attempt to describe the work observed in
classrooms that it is adequately communicated to teachers and others.
Finally, within limits, a recipe can varied according to taste. So can
curricula (1975:4-5).

Lubos na ipinabatid ni Stenhouse ang papel ng isang kurikulum. Mula

sa pagpaplano, pagsusuri, pagsasagawa, pasasanay, pagpapanatili at

hanggang sa mahusay na pagpapaunlad nito.

Matutunghayan sa susunod na pahina ang hulwarang konseptwal na

kung saan ibabatay ng mga mananaliksik ang daloy ng pagsusuri.

xxviii
Pagsasagawa at Pagpapa-
unlad ng mga Natutunan sa
Kurikulum ng Programa sa
Pagharap sa Aktwal na Buhay

Pagsasanay at pagpapanatili ng mga natutunan sa kurikulum


ng programa

Kabuuan na pag-aaral sa Wikang Filipino na nakapaloob sa kurikulum ng


Programang AB Filipino/ BSE Major in Filipino.

Kaalamang Pang-wika at Pang-literatura

Basikong Bahagi ng Panalita

magkahalong patinig at katinig.


Pag-usal ng ilang pantig,

Pigura 2. Hulwarang Konseptwal

xxix
Ang pananaliksik ay nakatuon sa kabuuang pagsusuri sa wikang

Filipino na nakapaloob sa kurikulum ng programang AB Filipino/BSE Major in

Filipino. Ang pagsusuri ay ibabatay sa unang bahagi ng pagkatuto patungo sa

pagpapaunlad nito.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa pag-aaral na ito na may paksang Pananaw ng mga Mag-aaral sa UP,

PUP at PNU sa Kurikulum ng Programang Pangkolehiyo na may Malaking

Kinalaman sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad na Wikang Filipino, ninais ng

mga mananaliksik na sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Bakit pinili ng mga mag-aaral sa tatlong piling unibersidad

ang kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

2. Anu-ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa

tatlong piling unibersidad sa programang pangkolehiyo na may

malaking kinalaman sa wikang Filipino?

3. Anu- ano ang pananaw at kaalaman ng mga mag-aaral sa

tatlong piling unibersidad sa kurikulum ng programang pangkolehiyo

na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

4. Sa anong paraan tumutugon para sa pangangailangan ng

kasalukuyang panahon ang mga sumusunod:

a. layunin ng programang pangkolehiyo na may malaking

kinalaman sa wikang Filipino.

b. mga kurso o asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng

programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa

wikang Filipino.

xxx
5. Paano umuugnay ang kurikulum ng programang pangkolehiyo

sa tatlong piling unibersidad sa kursong Pangkalahatang Edukasyon na

inihain ng CHED?

6. Ano ang saloobin ng mag-aaral sa mga preperensyang

pangwika kaugnay sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wiikang

Filipino na maaaring ihain ng kurikulum ng programang pangkolehiyo

na may malaking kinalaman sa wikang Filipino?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa Mga Guro at Mag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay ng sinumang guro at

mag-aaral ukol sa kahalagahan ng mahusay na kurikulum bilang instrumento

sa pag-unlad ng wika. Mahalaga ang gagampanan nito bilang pagmumulat sa

bawat guro at mag-aaral na Pilipino na kung ganap na tatanggapin ang

wikang Filipino ay tiyak na uunlad ang ating bansa.

Sa Paaralan

Malaki ang buting maidudulot sa paaralan lalo na sa unibersidad na ito

ang pananaliksik. Magsisilbing gabay ang pananaliksik na ito sa mga

maaaring pagbabago o pagpaplano sa pagbuo ng isang kurikulum na

umaagapay sa kasalukuyang panahon. Dapat lamang na maging mahusay

ang isang kurikulum ng isang programang tumatalakay at tumutugon sa

pangangailangan upang mapanatili ang wikang Filipino at pagpapaunlad pa

nito. Ang pagtatakda ng mahusay na kurikulum ay sumasailalim sa

kagalingan ng isang bansa tungo sa pagbuo ng identidad nito.

xxxi
Sa Pamahalaan

Lubos na makikinabang ang Commission on Higher Education (CHED)

sa pananaliksik na ito. Mabibigyan sila ng impormasyon tungkol sa paggawa

ng mahusay na pamantayan na gagawing batayan ng mga unibersidad sa

paggawa ng mahusay na kurikulum.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral ay kinasangkutan ng mga piling mag-aaral ng Taong-

Panuruan 2007-2008 na kumukuha ng kursong BA Filipino, BA Malikhaing

Pagsulat at BA Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in

Filipino (PNU).

Naging tagatugon ang dalawampu’t limang (25) mga mag-aaral na

kumukuha ng mga nabanggit kurso sa tatlong piling pang-estadong

unibersidad sa kalakhang Maynila, ito ang Unibersidad ng Pilipinas,

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at Pamantasang Normal ng Pilipinas.

Sa paksang usapin, saklaw ng pag-aaral ang pagsusuri sa kurikulum ng

bawat unibersidad at kung paano ito nagiging instrumento sa pagpapanatili

at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Tatalakayin din sa pag-aaral na ito kung

nakabatay sa pamantayang Pangkalahatan Edukayon ng Commission on

Higher Education (CHED) ang nilalaman ng kurikulum sa bawat unibersidad.

Bahagi rin nito ang pagsusuri kung nakatutugon ba sa mabilis na pagbabago

ng panahon ang mga inihaing kurso sa bawat kurikulum.

KATUTURAN NG TALAKAY

xxxii
Kurikulum- kabuuan ng mga sistematikong kurso sa loob ng isang

programang pangkolehiyo at nangangahulugan din ito na

kabuuang buhay ng kurso sa isang pamantasan.

Kurso- tumutukoy sa asignaturang itinuturo sa loob ng pamantasan o

unibersidad. Ang halimbawa nito ay Sining ng

Pakikipagtalastasan, Retorika, at Panimulang Linggwistika.

Teorya- isang uri ng kaisipang nagagamit na batayan o pamantayan,

nagbabago rin ang mga ito, hindi palagian.

Programang Pangkolehiyo- tumutukoy ito sa kursong pinili ng isang

mag-aaral kapag tumuntong na siya sa tersarya. Nakapaloob

ditto ang kurikulum na nagtataglay ng mga asignaturang ihahain

sa apat o higit oang taong aralan.

Pamantayan- tumutukoy sa mga tuntunin na dapat sundin at nagsisilbi

rin itong gabay para sa ikaaayos ng isang progama.

Intelektwalisasyon- prosesong isinasagawa upang matamo ang sariling

identidad o kaakuhan. Sa punto ng wika, sa pamamagitan ng

pagpapalaganap at paggamit nito sa pangaraw-araw na buhay

ay matatamo ang intelektwalisasyon.

Pagpapapanatili- tumutukoy sa patuloy na pagtangkilik o paggamit para

hindi tuluyang mawala, hindi kinalilimutang bigyang

pagpapahalaga o tuon.

Wika- binubuo ng kalipunan ng mga tunog na may sinusunod na

tuntunin at ginagamit sa paghahatid ng mensahe sa kapwa.

xxxiii
Pagpapaunlad- tumutukoy sa malawakang paggamit, pagpapatatag at

pagpapayaman. Kung sa kaso ng wik, ito’y nangangahulugang

paggamit ng wikang pambansa hindi lamang sa laangan ng

pakikipagtalastasan kund pati na rin sa larangang pang-

akademya.

Fleksibol- kakayahan ng wikang umangkop sa iba ang wika upang

madaling maunawaan ng nakararami.

Paksa- ang pinag-uusapan o ang tinatalakay.

Paglalahad- pagpapaliwanag tungo sa ikalilinaw ng isang usapin,

paraan o pagsasakatuparan ng isang layunin.

Paglalarawan- naglalayong bumuo nang malinaw na larawan sa isipan

ng mambabasa.

Istratehiya- piling pamamaraan o teknik na umaangkop sa isang

gawain.

Ugnayan- pakikisangkot sa isang gawain na kompleto ang mga

pangunahing impormasyon.

KABANATA 2

PAGLALAHAD NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang bahaging ito ay tumatalakay sa mga akdang pampanitikan na

binasa at kinalap mula sa mga aklat, tesis, lathalain, websayt, at mga artikulo

na may kinalaman sa pananaliksik.

xxxiv
MGA KAUGNAY NA BANYAGANG LITERATURA

Ang mababaw na pagpapakahulugan sa kurikulum ay sinasabing ito ay

serye lamang ng pagpaplano, ngunit ang malawak na pagpapakahulugan nito

ayon kay Daniel Lee at J. Gwynn Lee sa kanilang aklat na “Educational

Competencies and Curriculum Planning” na nailathala noong 1998, ang

kurikulum ay ang mga karanasan ng isang bata na kung saan maraming

paraan ng paggamit at pagpapaunlad nito sa impluwensiya ng paaralan.

Pagdating sa paaralan, dumadaan ito sa organisadong proseso at

replektibong paggabay, kaagapay ng pagbabagong pang-edukasyon sa lahat

ng aspeto ng buhay at pagtuntong sa hinaharap (98).

Inilahad naman ng isang edukador at manunulat na si James A.

Ragan sa “MEC Catalog of Curriculum Research and Development

Outputs” noong 1998, kung pag-uusapan ang kabihasnan ng kurikulum, ito

ay nangangahulugan na mga asignaturang itinuturo sa paaralan o mga

kursong pag-aaralan. Sa kasalukuyang panahon, ang terminong kurikulum ay

pinalawak at nangangahulugan na ito ng kabuuang buhay at programa ng

paaralan. Kasangkot dito ang lahat ng karanasan ng isang kabataan na kung

saan ito’y hinuhubog ng paaralan. Tumutukoy na rin ito sa resulta ng

impluwensiya ng mga tao sa komunidad o bansang kinamulatan ng kabataan

para maging produktibo at kasama na rin ang nananatiling kultura na

nakakaapekto sa kanya (8).

Sa pagpapakahulugan naman ni Ronald Krug, isa ring manunulat at

edukador sa kanyang aklat na may pamagat na “Study and Teaching in

Developmental Education” na nailimbag noong 1996, ang kurikulum ay

naglalaman ng mga araling inihahanda ng isang institusyong pang-

xxxv
edukasyon at nagbibigay ng pagkakataon sa mag-aaral na ang lahat ng

kanyang karanasan ay magbunga ng kaalaman at kahusayan para sa

ikauunlad niya. Ipinaliwanag niya na ang paraan ng pagkatuto, kabilang dito

ang pag-aaral sa loob ng silid-aralan, programang paggabay at pagpapayo,

serbisyo para sa komunidad at paaralan, silid-aklatan, at mga gawaing

madalas na tawaging “extra-curricular” (13-14).

MGA KAUGNAY NA BANYAGANG PAG-AARAL

Ayon sa tesis na ginawa ni Jeffs Smith na may pamagat na

“Curriculum Planning in Formal Education” noong 1999 na matatagpuan

sa websayt na http://www.infed.org/biblio/b-curric.html, isinasaad na ang

pagpaplanong pang-kurikulum ay isang gawain na hindi lamang ang eksperto

sa edukasyon ang kasangkot kundi pati na rin ang publiko na ang halimbawa

ay ang mag-aaral, kawani at ito’y ginagawa sa pamamaraang: (1)

malakihang pagpapaliwanag sa malalawak na isyung pang-edukasyon at (2)

ang maramihang pakikilahok ng bawat miyembro ng publiko sa pagkatuto

mula sa pagtuturo at sa paghahanda sa kakailanganin nito.

Samakatuwid, sa pag-aaral ni Smith, ang pagpaplanong pang-

kurikulum ay nagiging daan para maging organisado at nasa replektibong

pamamaraan ang bawat programa ng isang institusyong pang-edukasyon na

para sa kapakanan ng bawat indibidwal sa lipunang kanyang ginagalawan.

Sa pananaliksik naman na may pamagat na “Curriculum

Conceptualization in Education at Teachers Level” ni William B.

Stapp, pinuno ng Environmental Education Program ng University of

Michigan, noong 1996 na matatagpuan sa websayt na

xxxvi
http://en.wikipedia.org/wiki/Curriculum, binanggit niya na ang epektibong

edukasyon ay nakadepende sa mga sumusunod: kurikulum, tamang mga

aklat na sanggunian, “functional audio-visual aids”, sapat na pasilidad ng

paaralan at kaaya-ayang kapaligiran. Sa lahat ng nabanggit ang

pinakaimportante pa rin ang taong gaganap para maabot niya ang kanyang

minimithi. Ang tao ang gagamit at makikinabang sa mga pasilidad ng

paaralan at ang magbibigay katugunan sa mga “visual aid” at ito ang

mabisang naghuhulma sa buhay ng isang mag-aaral.

MGA KAUGNAY NA LOKAL NA LITERATURA

Sa isinulat ni Prof. Ramades M. Doctor na may pamagat na “Teacher

Education Curricula” na matatagpuan sa aklat na Philippine Extension

Service Review na nailimbag noong 1996. Tinalakay niya ang propesyon ng

pagtuturo na naaayon sa kurikulum ng edukasyon na kung saan dapat

mapaunlad ang pagkaunawa, kakayahan at pag-uugali ng mag-aaral. Ang

tagapagturo ay isa sa tagapagpaunlad ng programang pang-edukasyon at

pangwika (97).

Idinagdag pa niya na ang mga paaralan ay gumagamit ng iba’t ibang

pamamaraan para madaling matuto ang mga mag-aaral. Isa sa

pamamaraang ito ay ang kurikulum na nagiging instrumento sa pagsalin ng

pag-asa o inaasahang edukasyon sa kongkretong realidad. Para magawa na

ang kurikulum sa programang pang-edukasyon at pangwika ay maging

totoong epektibo, ang kailangan ay iagapay sa panahon ang sistema ng

edukasyon na kung saan nalilinang ang kaalaman, operasyunal na kakayahan

at pagpapatupad ng tanggap na pamamaraan. Sa bawat isa na nagbibigay ng

xxxvii
malikhaing mga karanasan at pagpapaunlad ng pag-iisip kasabay ang

paparating na bagong kaalaman sa pag-usad ng panahon (97-98).

Sa artikulo ni Dr. Cristeto Bonilla na, “A Framework on Education

Curriculum” na nailathala sa manwal ng Education and Culture Planning

Service noong 1996. Binanggit niya na ang ilang konsepto ng isang kurikulum

para sa wika at lipunan. Sinabi niya na ang kurikulum ay dapat magtaglay ng

sapat na nilalaman patungkol sa Agham Panlipunan at Humanidades na

napakahalaga sa Sosyo-Ekonomikong kalagayan ng Pilipinas. Ayon din sa

kanya, ang kurikulum ay dapat nakatuon sa kahalagahan ng pag-aaral ng

wika sa bawat guro bilang propesyon sa pagtuturo sa silid-aralan at sa bawat

estudyante upang madagdagan at mapalawig ang kaalaman tungkol sa

magiging epekto kung kontrolado at napapanatili ang sariling wika.

Binigyang diin naman ang mabisang katangian ng kurikulum at pagpapa-

unlad nito sa librong may pamagat na “Curriculum Development

System” na nailimbag noong 1992 na isinulat ni Dr. Jesus C. Palma na

nagtuturo sa Ateneo Graduate School of Education. Ayon sa aklat may limang

katangian ang kurikulum:

1. Sistematiko, tumutukoy sa kurikulum bilang isang sistema at kung

paano ito nagiging kasangkapan sa pagbuo ng edukasyon at ang

malaking nagagampanan nito sa paaralan

2. Kolaboratibo, ang pagiging sistematiko ng kurikulum ay

magagampanan sa aktibong partisipasyon ng mga sangkot sa pagbuo

at pagpapa-unlad para maabot ang hinahangad na kahusayan nito.

xxxviii
3. Dinamiko, ang kurikulum ay dapat sumasabay sa agos ng panahon na

magdadala sa institusyon ng mataas na uri ng kagalingang pang-

edukasyon.

4. Sabstansyal o mahalaga, ang kurikulum ay mahalaga sa sentral na

layunin ng pag-aaral at pagtuturo na umaayon sa itinatakdang Bisyon

at Misyon ng institusyong pang-edukasyon.

Dinagdag din sa aklat nina Dr. Tomas Quintin D. Andres at Dr.

Felizardo Y. Francisco na may pamagat na “Curriculum Development in

the Philippine Setting” na nailimbag noong 1989, na ang ubod ng

edukasyon ay ang kurikulum na nabuo mula sa malawak na repleksyon at

pag-aaral at habang tumatagal ay kailangang pag-ibayuhin ang

pagpapaunlad. Tinalakay rin sa aklat na ang pagpapaunlad ng kurikulum sa

kasaysayan ay karaniwan ng para sa limang hangarin: (1) hangaring pang-

relihiyon, (2) hangaring pang-pulitikal, (3) hangaring pang-yutilitaryan, (4)

hangaring pang-masang edukasyon, (5) hangarin para sa kagalingang pang-

edukasyon.

MGA KAUGNAY NA LOKAL NA PAG-AARAL

Sa tesis na “Kahandaan at Kaalaman sa Pagtuturo ng Filipino ayon

sa Binagong Kurikulum ng DepEd ng mga Mag-aaral sa Teachers

Education Institutions” ni Melanie M. Lorica noong Oktubre 2004 sa

Pamantasan ng Bikol, Lungsod ng Legazpi. Inilahad ang layunin nitong

malaman ang kalagayan ng wikang Filipino sa edukasyon at paano lalong

mapatataas ang kalidad ng pagtuturo nito. Nagbigay ito ng nga mungkahing

xxxix
gawain para mapaunlad ang kaalaman sa pagtuturo ng Filipino tulad ng

ganap na paggamit nito bilang instrumento sa pakikipagtalastasan.

Ang pag-aaral naman ni Cynthia A. Aragones na “Asyanong

Pagpapahalaga sa Bagong Kurikulum” noong Marso 2004 sa Pamantasan

ng Nueva Caceres, Lungsod ng Naga, na tumatalakay sa pagtukoy at

pagsusuri ng mga pagpapahalagang taglay ng mga Asyano patungkol sa

kurikilum. Kaugnay nito ang pagtukoy sa kahalagahan ng binagong kurikulum

sa Southern Luzon Polytechnic College at Judge Guillermo Eleazar Polytechnic

College, Tagkawayan, Quezon. Binanggit din ang mga Asyanong

pagpapahalaga na naaayon sa kurikulum thrusts: makabayan,

makakalikasan, at maka-Diyos.

Ang pag-aaral naman na ginawa ni Anita A. Gesta na may pamagat na

“Saloobin ng mga Mag-aaral sa Antas Tersyarya sa Lungsod ng

Surigao tungkol sa Filipino bilang Isang Kurso sa Kurikulum” noong

1996 sa Pamantasan ng Xavier. Inilahad dito ang saloobin ng mga mag-aaral

sa antas tersyarya tungkol sa Filipino bilang kurso sa kurikulum. Binanggit din

dito ang kahalagahan ng wikang Filipino pati ang kaasalan at kawilihan sa

Filipino ng mga mag-aaral at guro sa Filipino.

Lahat ng mga literatura at pag-aaral na tinalakay sa unahan ay may

malaking naitulong sa mga mananaliksik dahil sa pagkaka-ugnay o

pagkakaroon ng relasyon nito sa isinasagawang pag-aaral.

xl
KABANATA 3

MGA PAMAMARAAN GINAMIT AT PINAGKUNAN NG DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraang ginamit,

paghahanda ng instrumentong ginamit sa pag-aaral, mga hakbang na ginawa

sa paglikom ng mga datos, istratehiya sa pagpili ng mga kalahok,

paglalarawan sa mga kalahok, populasyon at magiging bilang ng kalahok at

estadistikang ginamit sa pagsusuri at pagpapakahulugan ng mga datos.

PAMAMARAANG GINAMIT

Gumamit ang mga mananaliksik ng diskriptibong pamamaraan ng

pananaliksik. Napili ang pamamaarang ito dahil makatugon ito sa pagtukoy

sa kung mahusay ang programang may malaking kinalaman sa Filipino sa

bawat unibersidad sa pamamagitan ng paglalarawan sa kasalukuyang

gagamit sa kurikulum nito. Ang pamamaraan ding ito ay tumugon sa layunin

xli
ng pag-aaral na masuri ang kurikulum ng tatlong piling unibersidad bilang

kasangkapan para mapanatili at mapaunlad pa ang wikang Filipino.

Ang naging tagatugon sa pananaliksik ay dalawampu’t limang (25)

mga mag-aaral mula sa una hanggang sa ikaapat na taon ng tatlong piling

unibersidad ( UP, PUP at PNU ) na kumukuha ng programang B,A. Filipino, B.A.

Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE

Major in Filipino (PNU) sa unang semestre ng taong- panuruan 2007-2008.

Sa kabuuan, nagkaroon ng pitumpu’t lima (75) mag-aaral na

tagatugon.

PARAAN NG PAGPILI NG MGA KALAHOK

Pinagsamang istratipayd random sampling at sistematikong sampling

ang ginamit sa paraan sa pagpili ng kalahok. Sa bawat unibersidad nagmula

ang dalawampung mag-aaral na tagatugon, kumuha ng representante sa una

hanggang sa ikaapat na taon at ang mga mag-aaral na ito ay ang mga

pangunahing opisyales na nahirang ng klase sa bawat taon. Pinili ang mga

pangunahing opisyales sa kaisipang sila ang tumatayong haligi o lider sa

klase na magiging mabisang tagatugon sa mga inihaing mga katanungan.

Naghanda rin ng talatanungan ang mga mananaliksik na naglalaman

ng ilang katanungan para sa impormal na panayam sa ilang dalubguro sa

bawat unibersidad.

DISKRIPSYON SA MGA KALAHOK

Ang mga mag-aaral sa tatlong piling pang-estadong unibersidad sa

kalakhang Maynila ang magsisilbing tagatugon ng pananaliksik. Napili ang

Unibersidad ng Pilipinas (UP, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) at

xlii
Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) sapagkat ayon sa resulta ng pag-

aaral na isinagawa ng Professional Regulation Commission (PRC) at ng

Commission on Higher Education (CHED) kabilang ang tatlong piling pang-

estadong unibersidad na ito sa kalakhang Maynila sa dalawampung (20)

nangungunang unibersidad na naghahain ng mataas na uri ng edukasyon at

sa loob ng sampung taon ay laging nangunguna sa mga Board Examination

sa lahat ng unibersidad at kolehiyo sa buong Pilipinas.

Ang pinagbatayan sa pagpili ng tatlong piling pang- estadong

unibersidad ay nagmula sa talaan ng mga nagungunang unibersidad sa

Pilipinas batay sa websayt na http://www.topuniversities.com.

Ang estadistikang ito ay resulta ng pag-aaral na isinagawa ng

Professional Regulation Commission (PRC) at ng Commission on Higher

Education (CHED) na base sa kabuuang marka ng mga pumapasa sa mga

kursong may Board Examination ng lahat ng pamantasan at kolehiyo sa

Pilipinas.

Ang pag-aaral ay isinasagawa kada sampung taon. Ang mga

sumusunod ay resulta ng unang pag-aaral mula taong 1992 hanggang 2002.

Labindalawang pamantasan/kolehiyo ay nagmula sa Luzon, dalawa sa

Visayas at anim sa Mindanao. Nakatala roon ang mga sumusunod na

pamantasan/kolehiyo:

1. Unibersidad ng Pilipinas (Diliman/Luzon)

2. Unibersidad ng Pilipinas (Los Baños/Luzon)

3. Unibersidad ng Pilipinas (Maynila/Luzon)

4. Unibersidad ng Silliman (Lungsod ng Dumaguete/Visayas)

5. Unibersidad ng Ateneo de Davao (Davao/Mindanao)

xliii
6. Unibersidad ng Ateneo de Manila (Maynila/Luzon)

7. Unibersidad ng Santo Tomas (Maynila/Luzon)

8. Pang-Estadong Unibersidad ng Mindanao

(Institusyong Panteknolohiya ng Iligan/Mindanao)

9. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (Maynila/Luzon)

10. Unibersidad ng Saint Louis (Lungsod ng Baguio/Luzon)

11. Unibersidad ng San Carlos (Lungsod ng Cebu/Visayas)

12. Unibersidad ng Xavier (Cagayan de Oro/Mindanao)

13. Pang-Estadong Unibersidad ng Mindanao (Main/Mindanao)

14. Kolehiyo ng Urios (Lungsod ng Butuan/Mindanao)

15. Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (Maynila/Luzon)

16. Unibersidad ng De La Salle (Maynila/Luzon)

17. Institusyong Panteknolohiya ng Mapua (Maynila/Luzon)

18. Unibersidad ng Adamson (Maynila/Luzon)

19. Pamantasang Normal ng Pilipinas (Maynila/Luzon)

20. Unibersidad ng Katimugang Pilipinas (Davao/Mindanao)

INSTRUMENTONG GINAMIT

Ang instrumentong ginamit sa pag-aaral na ito ay talatanungan. Ito ay

binuo ng mga mananaliksik pagkatapos ang masusing pag-aaral sa mga

suliranin at matapos makapagbasa ng mga kaugnay na literatura at pag-

aaral. Iniharap ito sa tagapayo upang maaprubahan at ipinasuri rin ito sa

mga dalubguro na may malawak at mahabang karanasan sa pagtuturo ng

mga asignaturang may kinalaman sa wikang Filipino.

xliv
Nagkaroon ng tatlong bahagi ang talatanungan. Ang unang bahagi ay

naglalaman ng mga tanong patungkol sa personal na datos ng mag-aaral.

Ang pangalawang bahagi naman ay naglalaman ng mga tanong na may

kinalaman sa pananaw ng mga mag-aaral sa kanilang kurso at kurikulum. At

ang huling bahagi ay naglalaman ng mga preperensyang pangwika na

makatutulong sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Lahat ng

mga tanong ay nakatulong upang bigyang tugon ang mga suliraning inihain

sa unang bahagi ng pananaliksik na ito.

Ang inihandang tanong sa huling bahagi ng talatanungan ay sasagutin

sa pamamagitan ng “five (5) point Lickert scale” tulad ng:

5 - lubos na sumasang-ayon (highly agree)

4 - sumasang-ayon (agree)

3 - hindi sigurado (not sure)

2 - hindi sumasang-ayon (disagree)

1 - lubos na hindi sumasang-ayon (highly disagree)

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Ang unang hakbang na isinagawa ng mga mananaliksik ay ang

pangangalap ng datos sa iba’t ibang silid-aklatan; Pambansang Aklatan,

Ninoy Aquino Learning Resource Center (NALRC), Silid-aklatan ng Kolehiyo ng

mga Wika at Linggwistika. Pangalawa ay ang paglikom ng datos at ang

paghingi ng pahintulot sa dekana at tagapangulo ng kolehiyo at kagawaran

na nakasasakop sa programang B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B,A.

Araling Pilipino (UP); AB Filipinolohiya (PUP); BSE Major in Filipino (PNU) ng

pormal na liham upang payagang makapagsagawa ng sarbey.

xlv
Ang mga mananaliksik mismo ang mamimigay ng mga talatanungan

sa mga tagatugon sa bawat unibersidad at humingi ng gabay sa ilang

dalubguro ng bawat unibersidad para sa ikaaayos ng pagsasarbey.

Lahat ng talatanungan ay tinipon sa itinakdang panahon maliban

lamang sa mga talatanungang mas maagang ipinamahagi ng mga

mananaliksik sa mga mag-aaral PUP na kaagad ding kinolekta matapos

nilang masagutan.

URI NG GAGAMITING ESTADISTIKA

Ginamit lamang ng simpleng estadistika ang mga mananaliksik upang

malinaw at madaling mabigyan ng pagsusuri at pagpapakahulugan ang mga

katanungan sa mga talatanungan. Ang porsiyento ng tugon ay hahanguin

batay sa pormulang nasa ibaba:

(f) bilang ng mga sumasagot


Bahagdan (%) = --------------------------------------------------- X100
(n) kabuuang bilang ng respndent

xlvi
KABANATA 4

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA

NAKALAP NA DATOS

Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga

mananaliksik na tumugon sa nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi ng

pananaliksik na ito. Tinugunan sa pamamagitan ng paghahain ng mga

impormasyong ibinase sa sarbey ang una hanggang ikalimang suliranin.

Samantala, ang kasagutan sa ikaanim na suliranin ay ibinase sa mga datos

na nakalap na ipinamahagi ng tatlong piling pang-estadong unibersidad

tungkol sa kanilang kurikulum, kasama na rin ang datos mula sa kanilang

websayt at ang mga sagot sa isinagawang impormal na pagtatanong.

Pananaw at Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Programang

Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino

Ilalahad ng talahanayan sa susunod na pahina ang distribusyon ng

tugon ng mga mag-aaral sa piling pang-estadong unibersidad sa tanong na:

Bakit mo pinili ang kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino? Ang

tanong na nagtukoy sa mga dahilan ng mag-aaral sa pagpili sa programang

pangkolehiyo na may kinalaman sa wikang Filipino tulad ng BA Filipino, BA

Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at

BSE major sa Filipino sa PNU.

xlvii
Mga Sangkot na Piling Unibersidad
Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % f % f % f %

sariling kagustuhan 18 72 11 44 23 92 52 69.33

Impluwensya ng 1 4 1 4 1 4 3 4
kaibigan

kagustuhan ng 1 4 1 4 1 4 3 4
magulang

wala ng ibang 5 20 12 48 0 0 17 22.67


kursong bakante

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 1- Mga Dahilan sa Pagpili ng mga Mag-aaral sa Programang Pangkolehiyo na may

Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Makikita sa Talahanayan 1 ang tugon ng mag-aaral sa tatlong piling

pang-estadong unibersidad kung bakit nila napili ang programang

pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino. Nangunguna

ang PNU sa may pinakamataas na bahagdan na tumugon sa unang opsyon

na may bilang na 23 mag-aaral o 92%, sumunod ang UP na may bilang na 18

mag-aaral o 72% at ang PUP na may bilang na 11 mag-aaral o 44%. Sa

pangalawa at pangatlong opsyon ay magkakatulad ang tatlong unibersidad

na may 1 mag-aaral na tumugon o 4%. Sa huling opsyon ang may

xlviii
pinakamataas na bilang na tumugon ay ang mga mag-aaral ng PUP na may

bilang na 12 o 48%, pangalawa ang UP na may bilang na 5 mag-aaral o 20%

at walang tumugon sa mga mag-aaral ng PNU.

Sa kabuuan, ang unang opsyon na, sariling kagustuhan ang pagpili sa

programang pangkolehiyo na may kinalaman sa wikang Filipino ay nagtala ng

pinakamaraming tugon na may bilang na 52 mag-aaral na may katumbas na

69.33%. Pumangalawa ang huling opsyon na, wala ng ibang kursong bakante

kaya napabilang sa programa pangkolehiyo na may bilang na 17 mag-aaral

na may katumbas na 22.67%. Sa huling posisyon ay magkatulad ang

pangalawang opsyon na, impluwensiya ng kaibigan at ang pangatlong

opsyon na, kagustuhan ng magulang kaya napabilang sa nasabing

programang pangkolehiyo na may bilang na 3 mag-aaral bawat opsyon na

may katumbas na 4%.

Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa unang opsyon na

kaya sila pumasok o napabilang sa programang may malaking kinalaman sa

wikang Filipino ay dahil ito’y kagustuhan nila. Nangangahulugan na malaya

na ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong kanilang kukunin

pagtuntong nila sa kolehiyo. Kakaunti na ang bahagdan ng mga mag-aaral na

naiimpluwesyan ng mga magulang o mga kaibigan sa pagpili ng programang

pangkolehiyo kung saan nais nila mapabilang. Ngunit malaki pa rin ang

bahagdan ng mga mag-aaral na napagsasarhan at nawawalan ng

pagkakataon mapabilang sa gusto nilang programang pangkolehiyo dahil

limitado lamang ang kinukuhang bilang na mag-aaral.

Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon

ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Ano ang pagkakaalam mo

xlix
sa iyong kurso? Ang tanong na ito ang nagtukoy kung may kaalaman ba ang

mga mag-aaral sa kinukuha nilang programang pangkolehiyo.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % f % F % f %
simpleng kurso
gamit ang wikang 2 8 0 0 0 0 2 2.67
Filipibo
may layuning
magpakadalubhasa 5 20 14 56 12 48 31 41.33
sa Filipino
tulay para
madaling 0 0 7 28 1 4 8 10.67
matanggap sa
trabaho
mag-aangat sa
kamalayan bilang 18 72 4 16 12 48 34 45.33
isang Piipino

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 2 – Pagkakaalam ng mga Mag-aaral sa Programang Pangkolehiyo na may

Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 2 nangunguna ang UP sa may pinakamataas na

bahagdan na tumugon sa unang opsyon na may bilang na 2 mag-aaral o 8%,

at wala namang mag-aaral na tumugon mula sa PUP at PNU. Sa pangalawang

opsyon nanguna ang PUP na may bilang na 14 na mag-aaral na may

katumbas na 56%, pumangalawa ang PNU na may bilang na 12 mag-aaral na

l
may katumbas na 48%, at ang panghuli ay ang UP na may bilang na 5 mag-

aaral na may katumbas na 20%. Sa pangatlong opsyon ay nanguna muli ang

PUP na may bilang na 7 mag-aaral na may katumbas na 28%, pangalawa ang

PNU na may bilang na 1 mag-aaral na may katumbas na 4%, samantalang sa

UP ay walang tumugon. Sa huling opsyon, ang may pinakamataas na bilang

na tumugon ay ang mga mag-aaral na mula sa UP na may bilang na 18 o

72%, pangalawa ang PNU na may bilang na 12 mag-aaral na may katumbas

na 48%, at ang huli ay ang PUP na may bilang na 4 na mag-aaral na may

katumbas na 16%.

Sa kabuuan, ang huling opsyon na, mag-aangat sa kamalayan bilang

isang Pilipino ang programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing

Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa

Filipino sa PNU ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 34

mag-aaral na may katumbas na 45.33%. Pumangalawa ang ikalawang opsyon

na, ang mga programang pangkolehiyo na nabanggit ay may layuning

magpakadalubhasa sa Filipino na may bilang na 31 mag-aaral na may

katumbas na 41.33%. Nasa ikatlong posisyon ang opsyon na, magiging tulay

ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo upang madaling

matanggap sa trabaho na may bilang na 8 mag-aaral na may katumbas na

10.67%. Nasa huling posisyon na may bilang lamang na 2 mag-aaral na may

katumbas na 2.67% tumugon sa unang opsyon na, simpleng kurso lamang

gamit ang wikang Filipino ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo.

Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa huling opsyon,

nangangahulugan lamang na malaki ang pananalig ng mga mag-aaral mula

sa UP, PUP at PNU na magiging daan ang programang pangkolehiyo na B.A.

li
Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino sa UP; AB

Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU sa pag-aangat sa

kamalayan bilang tunay na mamamayang Pilipino. Nangangahulugan din na

higit pa sa hangarin na makahanap agad ng magandang trabaho ang layunin

nito at naniniwala rin ang mga mag-aaral na magiging dalubhasa sila sa

wikang Filipino sa pamamagitan ng mga nabanggit na programang

pangkolehiyo.

Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon

ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Saang propesyon higit na

nakatuon ang iyong kurso? Ang tanong na ito ang nagtukoy sa pananaw ng

mga mag-aaral kung saang propesyon nakapokus ang kanilang programa.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % f % f % f %

manunulat 10 40 5 20 4 16 19 25.33

guro 11 44 11 44 14 56 36 48

Tagapagsalin 1 4 3 12 5 20 9 12

lii
mamamahayag/ 2 8 5 20 2 8 9 12
tapagbalita

iba pa 1 4 1 4 0 0 2 2.67

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 3– Propesyon Kung Saan Nakatuon ang Programang Pangkolehiyo na may

Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 3 nangunguna ang UP sa may pinakamataas na

bahagdan na tumugon sa unang opsyon na may bilang na 10 mag-aaral o

40%, pangalawa ang PUP na may bilang na 5 mag-aaral na may katumbas na

20% at ang huli ay ang PNU na may bilang na 4 na mag-aaral na may

katumbas na 16%. Sa pangalawang opsyon nanguna ang PNU na may bilang

na 14 na mag-aaral na may katumbas na 56%, samantalang magkatulad ang

bahagdan ng tumugon mula sa UP at PUP na may bilang na 11 mag-aaral na

may katumbas na 44% sa bawat unibersidad. Sa pangatlong opsyon ay

nanguna muli ang PNU na may bilang na 5 mag-aaral na may katumbas na

20%, pangalawa ang PUP na may bilang na 3 mag-aaral na may katumbas na

12%, samantalang sa UP ay 1 lamang ang tumugon na may katumbas na 4%.

Sa pang-apat na opsyon, ang may pinakamataas na bahagdan na tumugon

ay ang mga mag-aaral na mula sa PUP na may bilang na 5 o 20%,

samantalang magkatulad ang bahagdan ng tumugon mula sa UP at PNU na

may bilang na 2 mag-aaral na may katumbas na 8% sa bawat unibersidad.

liii
May dalawa (2) namang sumagot ng ibang propesyon na nagmula sa UP at

PUP.

Sa kabuuan, ang pangalawang opsyon na, pagiging guro ang higit na

binibigyang tuon ng programang pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A. Araling

Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; BSE major sa Filipino sa PNU at

maliban lamang sa B.A. Malikhaing Pagsulat ng UP na talagang nakasentro sa

pagiging guro, ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 36

mag-aaral na may katumbas na 48%. Pumangalawa ang unang opsyon na,

pagiging manunulat na may bilang na 19 mag-aaral na may katumbas na

25.33%. Samantalang magkatulad sa ikatlong posisyon ang mga opsyon na,

pagiging tagapasalin at pagiging mamamahayag/tagapagbalita na may

bilang na 9 mag-aaral na may katumbas na 12% sa bawat opsyon.

Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa pangalawang

opsyon, nangangahulugan lamang na higit na nakatuon ang mga nasabing

programa pangkolehiyo sa propesyon bilang tagahasik ng kaalaman sa mga

paaralan o ang tinatawag na guro. Hindi rin nalalayo sa propesyon bilang

manunulat ang mga magtatapos sa programang nabanggit. At may

pagkakataon din naman na maging tagapagsalin at

mamamahayag/tagapagbalita ang mga mag-aaral.

Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon

ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Bilang mag-aaral ng

kursong may malaking kinalaman sa wikang Filipino, anong damdamin ang

umuusbong habang lalong lumalalim ang iyong kaalaman sa wikang Filipino?

Ang tanong na ito ang nagtukoy sa kung anong damdamin ang kumikintal sa

liv
mga mag-aaral ng programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing

Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa

Filipino sa PNU.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % f % f % f %

pagmamalasakit sa 6 24 3 12 7 28 16 21.33
bayan

pagmamahal sa 14 56 16 64 10 40 40 53.33
sariling wika
pagpapahalaga sa
buhay bilang 5 20 5 20 8 32 18 24
Isang Pilipino
walang umusbong
na anumang 0 0 1 4 0 0 1 1.34
damdamin

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

lv
Talahanayan 4– Damdaming Umuusbong Habang Lalong Lumalalim ang Kaalaman sa

Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa Wikang Filipino

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 4 nangunguna ang PNU sa may pinakamataas na

bahagdan na tumugon sa unang opsyon na may bilang na 7 mag-aaral o

28%, pangalawa ang UP na may bilang na 6 mag-aaral na may katumbas na

24% at ang huli ay ang PUP na may bilang na 3 na mag-aaral na may

katumbas na 12%. Sa pangalawang opsyon nanguna ang PUP na may bilang

na 16 na mag-aaral na may katumbas na 64%, sumunod ang UP na may

bilang na 14 mag-aaral na may katumbas na 56%, at ang huli ay ang PNU na

may bilang na 10 mag-aaral na may katumbas na 40%. Sa pangatlong

opsyon ay nanguna ang PNU na may bilang na 8 mag-aaral na may katumbas

na 32%, samantalang magkatulad ang UP at PUP na may bilang na 5 mag-

aaral na may katumbas na 20% sa bawat unibersidad. Sa pang-apat na

opsyon, ang may pinakamataas na bahagdan na tumugon ay ang mga mag-

aaral na mula sa PUP na may bilang na 1 o 4%, samantalang magkatulad ang

UP at PNU na walang tumugon.

Sa kabuuan, ang pangalawang opsyon na, pagmamahal sa sariling

wika ang damdaming umuusbong ang may pinakamaraming tugon na may

bilang na 40 mag-aaral na may katumbas na 53.33%. Pumangalawa ang

pangatlong opsyon na, pagpapahalaga sa buhay bilang isang Pilipino ang

umuusbong na damdamin na may bilang na 18 mag-aaral na may katumbas

na 24%. Nasa pangatlo ang unang opsyon na, pagmamalasakit sa bayan ang

lvi
umuusbong na damdamin na may bilang na 16 mag-aaral na may katumbas

na 21.33%. At may isang (1) mag-aaral ang sumagot na walang umuusbong

na anumang damdamin.

Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa pangalawang

opsyon, nangangahulugan lamang na kung ang isang mag-aaral ay

mapapabilang sa mga nabanggit na programang pangkolehiyo ay malaki ang

posibilidad na mapayabong ang kaniyang pagmamahal sa wikang Filipino.

Hindi rin naman nawawala ang posibilidad na pahalagahan pang lalo ng mag-

aaral ang kaniyang buhay bilang isang Pilipino at ang patuloy na

pagmamalasakit sa bayan.

Pananaw at Kaalaman ng mga Mag-aaral sa Kurikulum ng

Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa

Wikang Filipino

Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon

ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Paano mo nalaman ang

nilalaman ng kurikulum ng iyong kurso? Ang tanong na ito ang nagtukoy sa

mga pamamaraan na naging tulay upang malaman ng mga mag-aaral ang

nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na BA Filipino, BA

Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at

BSE major sa Filipino sa PNU.

lvii
Mga Sangkot na Piling Unibersidad
Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % f % f % f %

nagpamahagi ng 10 40 10 40 10 40 30 40
kopya

nabanggit ng guro 4 16 3 12 4 16 11 14.67


sa klase
nabanggit sa
pangkalahatang 7 28 10 40 10 40 27 36
asembleya

nabanggit ng 4 16 2 8 1 4 7 9.33
kaibigan o kakilala

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 5 – Mga Pamamaraan na Naging Tulay Upang Malaman ng mga Mag -aaral ang

Nilalaman ng Kurikulum

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 5, sa unang opsyon ang UP, PUP at PNU ay

magkakatulad ang bahagdan na tumugon na may bilang na 10 mag-aaral na

may katumbas na 40% sa bawat unibersidad. Sa pangalawang opsyon

nanguna ang UP at PNU na may bilang na 4 na mag-aaral na may katumbas

na 16% bawat unibersidad, at ang huli ay ang PUP na may bilang na 3 mag-

aaral na may katumbas na 12%. Sa pangatlong opsyon naman ay nanguna

ang PUP at PNU na may bilang na 10 mag-aaral na may katumbas na 40%,

samantala ang UP ay may bilang na 7 mag-aaral na may katumbas na 28%.

Sa ikaapat na opsyon, ang may pinakamataas na bahagdan na tumugon ay

lviii
ang mga mag-aaral mula sa UP na may bilang na 4 o 16%, sumunod ang PUP

na may bilang na 2 na may katumbas na 8%, at nasa huli ang PNU na may

bilang na 1 na may katumbas na 4%.

Sa kabuuan, ang unang opsyon na, pagpapamahagi ng kopya ng

kurikulum ang may pinakamaraming tugon na may bilang na 30 mag-aaral na

may katumbas na 40%. Pumangalawa ang pangatlong opsyon na,

pagbabanggit sa pangkalahatang asembleya na may bilang na 27 mag-aaral

na may katumbas na 36%. Nasa pangatlo ang pangalawang opsyon na,

pagbabanggit ng guro sa klase na may bilang na 11 mag-aaral na may

katumbas na 14.67%. At nasa huli ang ikaapat na opsyon na, pagbabanggit

ng kaibigan o kakilala na may 7 mag-aaral na may katumbas na 9.33%.

Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa unang opsyon,

nangangahulugan lamang na pinakamabisang daan upang magkaroon ng

kaalaman ang mag-aaral tungkol sa nilalaman ng kurikulum ay ang

pagbabahagi ng kopya nito. Mabisa rin naman ang pagtalakay sa kurikulum

sa pangkalahatang asembleya at ang pagbabanggit ng nito ng mga guro sa

klase.

Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon

ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Sa iyong palagay, sa

anong larangan higit na nakatuon ang kurikulum ng iyong kurso? Ang tanong

na ito ang nagtukoy sa

lix
Mga Sangkot na Piling Unibersidad
Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % f % f % f %

wika 10 40 10 40 5 20 25 33.33

panitikan/literatura 12 48 5 20 3 12 20 26.67

linggwistika 1 4 5 20 4 16 10 13.33

komunikasyon 1 4 3 12 5 20 9 12

edukasyon 1 4 2 8 7 28 10 13.33

iba pa 0 0 0 0 1 4 1 1.34

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 6 – Larangan Kung Saan Higit na Nakatuon ang Kurikulum

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)

lx
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 6, magkatulad sa unang opsyon ang UP at PUP sa

bahagdan na tumugon na may bilang na 10 mag-aaral na may katumbas na

40% sa bawat unibersidad, at nasa huli ang PNU na may bilang na 5 mag-

aaral na may katumbas na 20%. Sa pangalawang opsyon nanguna ang UP na

may bilang na 12 na mag-aaral na may katumbas na 48%, pangalawa ang

PUP na may bilang na 5 mag-aaral na may katumbas na 20%, at ang huli ay

ang PNU na may bilang na 3 mag-aaral na may katumbas na 12%. Sa

pangatlong opsyon naman ay nanguna ang PUP na may bilang na 5 mag-

aaral na may katumbas na 20%, pangalawa ang PNU na may bilang na 4

mag-aaral na may katumbas na 16%, samantala nasa huli ang UP na may

bilang na 1. Sa ikaapat na opsyon, ang may pinakamataas na bahagdan na

tumugon ay ang mga mag-aaral mula sa PNU na may bilang na 5 o 20%,

sumunod ang PUP na may bilang na 3 na may katumbas na 12%, at nasa huli

ang UP na may bilang na 1 na may katumbas na 4%. Sa ikalimang opsyon,

nangunguna ang PNU na may bilang na 7 mag-aaral na may katumbas na

28%, nasa ikalawa naman ang PUP na may bilang na 2 mag-aaral na may

katumbas na 8% at nasa huli ang UP na mayroong isang (1) tumugon. May

isang (1) mag-aaral mula sa PNU ang sumagot ng iba pang larangan..

Sa kabuuan, ang unang opsyon na, wika ang may pinakamaraming

tugon na may bilang na 25 mag-aaral na may katumbas na 33.33%.

Sinundan ng pangalawang opsyon na, panitikan/literatura na may bilang na

20 mag-aaral na may katumbas na 26.67%. Sumunod dito ang ikatatlo at

ikalimang opsyon na, linggwistika at edukasyon na may bilang na 10 mag-

lxi
aaral na may katumbas na 13.33% sa bawat opsyon. At nasa ikaapat na

posisyon ang pang-apat na opsyon na, komunikasyon na may bilang 9 mag-

aaral na may katumbas na 12%.

Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa unang opsyon,

napatunayan nito na sa wika talaga higit na nakasentro ang mga nabanggit

na programang pangkolehiyo. Hindi rin naman namamatay ang panitikan na

kabuhol ng wika.

Ang susunod na talahanayan ay naglalahad ng distribusyon ng tugon

ng mga mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa tanong na: Anong aspeto ng

pagkatuto ang higit na nalilinang sa pag-aaral ng mga asignaturang kabilang

sa kurikulum ng kursong may kinalaman sa wikang Filipino?

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % f % f % f %

intelektwal na 10 40 10 40 8 32 28 37.33
pagkatuto

pisikal na 1 4 3 12 3 12 7 9.33
pagkatuto

emosyonal na 3 12 3 12 4 16 10 13.33
pagkatuto

moral na pagkatuto 4 16 5 20 5 20 14 18.67

sikolohikal na 7 28 4 16 4 16 15 20
pagkatuto

iba pa 0 0 0 0 1 4 1 1.34

lxii
kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100
unibersidad

Talahanayan 7 – Aspeto ng Pagkatuto na Nalilinang sa Pag-aaral ng mga Asignaturang Kabilang

sa Kurikulum

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 7, magkatulad sa unang opsyon ang UP at PUP sa

bahagdan na tumugon na may bilang na 10 mag-aaral na may katumbas na

40% sa bawat unibersidad, at nasa huli ang PNU na may bilang na 8 mag-

aaral na may katumbas na 32%. Sa pangalawang opsyon magkatulad naman

ang PUP at PNU na may bilang na 3 mag-aaral na may katumbas na 12%, huli

ang UP na may bilang na may bilang na 1 mag-aaral na may katumbas na

4%. Sa pangatlong opsyon ay nangunguna ang PNU na may bilang na 4 mag-

aaral na may katumbas na 16% at magkatulad naman ang UP at PUP na may

bilang na 3 mag-aaral na may katumbas na 12%. Sa ikaapat na opsyon, ang

may pinakamataas na bahagdan na tumugon ay ang mga mag-aaral mula sa

PNU at PUP na may bilang na 5 o 20% at sumunod ang UP na may bilang na 4

na may katumbas na 16%. Sa ikalimang opsyon, nangunguna ang UP na may

bilang na 7 mag-aaral na may katumbas na 28%at nasa huli naman ang PNU

at PUP na may bilang na 4 mag-aaral na may katumbas na 16%. Sa ikaanim

na opsyon, natatanging ang PNU lamang ang may sumagot, na may bilang

na isang (1) mag-aaral.

lxiii
Sa kabuuan, ang unang opsyon na, intelektwal na pagkatuto ang may

pinakamaraming tugon na may bilang na 28 mag-aaral na may katumbas na

37.33%. Sinundan ng ikalimang opsyon na, sikolohikal na pagkatuto na may

bilang na 15 mag-aaral na may katumbas na 20%. Sumunod dito ang ikaapat

na opsyon na, moral na pagkatuto na may bilang na 14 mag-aaral na may

katumbas na 18.67%. At nasa ikaapat na posisyon ang ikatatlong opsyon na,

emosyonal na pagkatuto na may bilang na 10 mag-aaral na may katumbas

na 13.33%. Nasa ikalimang posisyon ang ikalawang opsyon na, pisikal na

pagkatuto na may bilang na 7 mag-aaral na may katumbas na 9.33%. Nasa

huli ang ikaanim na opsyon na, iba pa na may bilang na isa(1).

Dahil sa napakaraming mag-aaral na tumugon sa unang opsyon,

nangangahulugan lamang na intelektwal na pagkatuto ang higit na inihahain

ng mga asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo

na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB

Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU.

Ang mga Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa

Wikang Filipino

UNIBERSIDAD NG PILIPINAS (UP) – Diliman

Tatlo ang programang pangkolehiyo sa UP ang may kinalaman sa

wikang Filipino na nasa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura, Departamento

ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Ito ay ang B.A. Filipino, B.A. Araling

Panlipunan (Philippine Studies), at B.A. Malikhaing Pagsulat.

lxiv
B.A. MALIKHAING PAGSULAT

Ang B.A. Malikhaing Pagsulat ay pang-apat na taong programang

magsisilbing daluyan ng pormal na kasanayang akademiko para sa mga

manunulat sa wikang pambansa. Nangagailangan ito ng 90 na yunit sa mga

pangunahing asignatura at 45 na yunit na kurso sa pangkalahatang

edukasyon.

Layon nito na mabigyan ang mga estudyante ng:

1. Masinsinang kasanayan sa mga batayang prinsipyo at pamamaraan sa

malikhaing pagsulat sa iba’t ibang anyo,

2. Kaalaman sa mga tradisyon pampanitikan ng Pilipinas at

3. Pag-unawa sa mga katangian ng Filipino bilang Kasangkapan para sa

malikhaing pamamahayag.

Ang programang ito ay may 42 yunit na kurso na nakatuon sa

malikhaing pagsulat gamit ang wikang Filipino tulad ng: Mga Palihan Gamit

ang Filipino sa mga Malikhaing Akda, Pagbsa at Pagsulat sa mga Wika ng

Pilipinas, Istilo sa Paggamit ng Wikang Pambansa, Pagsulat ng Tula sa Filpino,

Panulaang Filipino ng Pilipinas, Pagsasalin sa Filipino, Pagsulat ng Prosa sa

Filipino, Pamamahayag sa Filipino, Kasanayan sa Wika at Kamalayang Filipino

at Kasanayan sa Pagsulat sa Wikang Filipino.

Ang Pagtugon ng B.A. Malikhaing Pagsulat sa Pangangailangan sa

Kasalukuyang Panahon

Masasabing ang programang ito ay tumutugon sa pangangailangan sa

kasalukuyang panahon sapagkat ito’y naghahain ng kasanayang akademiko

para sa mga nais pumasok sa larangan ng pagsusulat. Batay sa layunin ng

lxv
programa, sa pamamagitan ng mga asisnatura ay masasanay ang mga mag-

aaral sa mga batayang prinsipyo at istilo sa pagsulat. Gayundin, matutukoy

ang katangian ng wikang pambansa na magiging mabisa para sa malikhaing

pamamahayag.

Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon ng mga

Asignatura o Kursong Nakapaloob sa Kurikulum ng B.A. Malikhaing Pagsulat

Ang mga kursong nakatuon sa wikang Filipino na nakapaloob sa

kurikulum ng B.A. Malikhaing Pagsulat ay masasabing tumutugon sa

pangangailangan sa kasalukuyang panahon. Halimbawa ang mga

asignaturang: Pagsulat ng Tula, Pagsulat ng Prosa, Pagsulat ng Drama at

Pagsulat ng Iskrip sa Telebisyon, Radyo at Pelikula, sinasanay sa

pamamagitan ng mga asignaturang ito ang mga mag-aaral na Pilipino sa

paggamit ng mga pundamental na konsepto, elemento at pamamaraang

Pilipino sa pagsulat ng mga akdang patuloy na magpapatingkad na mga

babasahin at panoorin nasa wikang Filipino.

B.A. FILIPINO

Ang B.A. Filipino ay pang-apat na taong programang mangangailangan

ng 96 yunit ng mga pangunahing asignatura at 45 yunit na kursong

pangkalahatang edukasyon.

Layon ng programang ito na mabigyan ang mga estudyante ng:

1. Kaalaman sa kasaysayan ng pag-unlad ng pambanssang wikang

Filipino at panitikan ng Pilipinas sa konteksto ng kalagayan at Lipunang

Pilipino;

lxvi
2. Pag-unawa sa kalikasan at gamit ng wika sa Lipunang Pilipino at sa

mga teorya at kritikal na lapt sa pag-aaral ng panitikan; at

3. Kasanayan sa kritikal na pagsusuri ng wika at panitikan ng Pilipinas.

Ang B.A. Filipino ay may pitong (7) kurso o asignatura na may

katumbas na 21 yunit na nakayuon o malaking kinalaman sa wikang Filipino,

ito ay ang; Pagbasa at Pagsulat sa mga Wika ng Pilipinas, Kasaysayan at Pag-

unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas, Mga Natatanging Diskurso sa Wika at

Lipunan, Istruktura ng Filipino, Mga Barayti at Baryasyon ng Filipino, Gramar

ng mga Wika ng Pilipinas, Leksokograpong Filipino, Mga Tunguhin at Tradisyon

sa Analisis ng Gramar na Filipino, Natatanging Suliranin sa Wika at Sikolohiya

ng Wikang Filipino.

Ang Pagtugon ng Layunin ng B.A. Filipino sa Pangangailangan sa

Kasalukuyang Panahon

Masasabing ang B.A.Filipino ay tumutugon sa pangangailangan sa

kasulukuyang panahon sapagkat nilalayon nito ang pagbibigay kaalaman sa

kasaysayan ng pag-uunlad ng pambansang wikang Filipino na mahalagang

mabatid ng lipunang Pilipino sa kasalukuyan upang matuto silang

pagyamanin ang sariling wika. Gayundin, sa pamamagitan ng programa ay

mauunawaan ng mga Pilipinong mag-aaral ang kalikasan at gamit ng wikang

Filipino sa lipunang Pilipino at mapahuhusay ang kanilang kahusayan sa

pagamit ng sariling wika sa iba’t ibang larangan.

lxvii
Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon ng mga

Asignatura o Kursong Nakapaloob sa Kurikulum ng B.A. Filipino

Ang mga kursong nakatuon sa wikang Filipino na nakapaloob sa

kurikulum ng B.A. Filipino ay masasabing tumutugon sa pangangailangan sa

kasalukuyang panahon. Halimbawa ang asignaturang, Mga Natatanging

Diskurso sa Wika at Lipunan, sinusuri nito ang ilang piling diskursong

pangwika sa lipunan sa konteksto ng lipunang Pilipino. Tinutukoy rin ang mga

teorya, konsepto at isyung pangwika, at ang kahalagahan at kaugnayan ng

mga ito sa akademiko at di-akademikong gawain at karanasan ng mga mag-

aaral na Pilipino. Sa asignaturang, Mga Barayti at Baryasyon ng Filipino,

isinasagawa naman ang komparatibong sarbey ng iba’t ibang rehiyonal at

sosyal na dayalekto ng Filipino. Mayroon ding isinasagawang sarbey sa mga

akdang panggramar ng mga wika sa Pilipinas sa ilalim ng asignaturang,

Gramar ng mga Wika ng Pilipinas. Tinutukoy naman ang mga perspektibo at

mga tunguhin sa pag-aanalisa ng istrukturang panglinggwistika ng wikang

pambansa sa kursong, Mga Tunguhin at Tradisyon sa Analisis ng Gramar na

Filipino. Sinusuri naman ang mga kasalukuyang natatanging suliranin sa wika

gaya ng suliranin sa lingua franca ng wikang pambansa, wikang panturo, at

wikang opisyal sa kursong, Natatanging Suliranin sa Wika. At patuloy na

tinatalakay ang mga simulain at pamamaraan sa pag-aaral sa wika sa

asignaturang, Sikolohiya ng Wikang Filipino.

B.A. Araling Pilipino (Philippine Studies)

lxviii
Natatangi ang B.A. Araling Pilipino sa pagsasanay ng estudyante sa

interdisiplinari na pag-aaral ng kultura at lipunang Pilipino. Pang-apat na

taong programa ito na nangangailangan ng 93 na yunit sa mga kursong

pangmajor at 45 na yunit sa kursong pangkalahatang edukasyon.

Nakaangkla ang programa sa mga susing kursong interdisiplinari at

mga sandigang kurso sa wika, panitikan at kasaysayan sapagkat itinuturing

ang mga ito ng tagapayo, makakapagdisenyo ang estudyante ng sariling

programang naaayon sa kanyang interes. Bukod sa mga susing kurso, pipili

ang estudyante ng alinmang dalawang disiplina mula sa Artes at Literatura,

Agham Panlipunan, Community Development, Economics, Fine Arts, Islamic

Studies, Mass Communication, Music at iba pa para bumuo ng 39 yunit ng

mga kursong pangmajor.

Panghuling kailanganin ang pagsulat ng isang tesis na gumagamit ng

interdisiplinaring lapit sa isang natatanging problema, aspeto, at isyu sa

lipunan at kulturang Pilipino.

May 15 yunit na kurso ang B.A. Araling Pilipino na nakasentro sa pag-

aaral nbg wikang Filipino. Ito ay ang: Mga Natatanging Diskurso sa Wika at

Lipunan, Pagbasa at Pagsulat sa mga Wika ng Pilipinas, Kasaysayan at Pag-

unlad ng Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kasanayan sa Wika at Kamalayang

Filipino at Kasanayan sa Pagsulat sa Wikang Filipino.

Ang Pagtugon ng B.A. Araling Pilipino sa Pangangailangan sa Kasalukuyang

Panahon

lxix
Hindi maikakaila mula sa datos na nakalap ng mga mananaliksik ,

tumutugon ang programang B.A. Araling Pilipino sa pangangailangan sa

kasalukuyang panahon sapagkat inihahain nito ang mga kursong pangwika,

pmapanitikan at pangkasaysayan na sinasabing magiging tulay upang

matanto ang kalinangang Pilipino at ang yamang pangkaisipan bilang lahing

Pilipino. Ipinapatalos ng programang ito na bilang Pilipino sa kasalukuyang

panahon ay kailangan nating magmalasakit at tumangkilik sa sariling wika,

tradisyon, kultura at panitikan natin.

Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kaslukuyang Panahon ng mga

Asignatura o Kursong Nakapaloob sa Kurikulum ng B.A. Araling Pilipino

Ang mga kursong nakatuon sa wikang Filipino na nakapaloob sa

kurikulum ng B.A. Araling Pilipino ay masasabing tumutugon sa

pangangailangan sa kasalukuyang panahon. Halimbawa ang asignaturang,

Mga Natatanging Diskurso sa Wika at Lipunan, sinusuri nito ang ilang piling

diskursong pangwika sa lipunan sa konteksto ng lipunang Pilipino. Tinutukoy

rin ang mga teorya, konsepto at isyung pangwika, at ang kahalagahan at

kaugnayan ng mga ito sa akademiko at di-akademikong gawain at karanasan

ng mga mag-aaral na Pilipino. Sa asignaturang Kasaysayan at Pag-unlad ng

Wikang Pambansa, tinutukoy ang mga naging kasaysayan ng wikang Filipino

at kung paano ito umuunalad na mahalagang malaman ng mga mag-aaral

ngayon. At patuloy namang sinasanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng

wikang Filipino at paghubog ng kamalayang Pilipino sa mga asignaturang,

Kasanayan sa Wika at Kamalayang Filipino at Kasanayan sa Pagsulat sa

lxx
Wikang Filipino na importante na magawa ng mga mag-aaral ngayon bilang

isang Pilipino.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS (PUP) – Sta. Mesa

AB FILIPINOLOHIYA

May isang programang pangkolehiyo sa PUP na may kinalaman sa

wikang Filipino na nasa ilalim ng Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika,

Kagawaran ng Filipinolohiya, ito ay ang AB Filipinolohiya.

Apat na taong programang pang-akademiko ang Batsilyer ng Artes sa

Filipinolohiya (ABF). Sinasaklaw ng kurso ang wika, komunikasyon, panitikan

at kultura o pambansang kabihasnan sa pangkalahatan. Pibnapanday nito

ang mga potensyal at talino ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga

karunungang makakamit sa Filipinolohiya. Nakatuon sa pagiging malikhain

(creativity) at sikahayan (scholarly works) ang lalim at lawak ng

pagpapakadalubhasa sa Filipinolohiya na napakahalaga sa propesyon.

Ang mga mag-aaral sa kursong AB Filipinolohiya ay kailangang

makatapos ng 155 yunit; 57 yunit para sa dalubhasa (bukod sa 9 ng yunit na

kahingian); 60ng yunit para sa pangkalahatang edukasyon (general

education), 12ng yunit ng sariling pili para sa dalubhasa (elective), at 14 na

yunit para sa NSTP At P.E. Inaasahang ang mga mag-aaral ay:

• Maging dalubhasa sa pagtatamo ng mga kagalingan/kasanayan

sa larangan ng komunikasyon, wika at literatura.

• Matututong magsalin sa wikang Filipino ng mga kagamitan sa

pag-aaral at pagtuturo mula sa ibang bansa.

lxxi
• Mapaghuhusay ang komunikasyong pasulat at pasalita para sa

pangangailangan ng mga paaralang bayan, pamantasan,

industriya, at institusyon.

• Makatulong sa pagpapalaganap ng makabuluhang karunungan

para sa kapakinabangan ng sambayananang Pilipino; at

• Mahahasa sa gawaing pananaliksik upang makapagbahagi ng

kaalaman at karunungan.

Sa pagsusuri ng mga mananaliksik ay napag-alaman na ang

programang ito ay may 75 yunit na kurso na nakatuon sa wikang Filipino. Ito

ay ang: Kayarian ng Wikang Filipino, Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang

Filipino, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Filipinolohiya sa Larangan ng

Pagtuturo, Filipinolohiya sa Larangan ng Komunikasyong Pangmadla,

Pamamahayag sa Filipinolohiya, Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina,

Retorika, Gramatikang Filipino, Pagsasaling Wika sa Filipino, Tula at Panulaang

Filipino, Maikling Kwento at Nobelang Filipino, Dula at Dulaang Pilipino,

Malikhaing Pagsulat sa Filipino, Mga Isyung Pangwika, Mga Dulog sa Pagtuturo

ng Filipino sa Kolehiyo, Antropolohiyang Filipino, Pagpaplanong Pangwika,

Pilosopiya ng Wika, Pulitika ng Wika, Sikolohiya ng Wika, Wika at Lipunan, at

Pagsulat ng Ulat at Korespondensya Opisyal.

Ang Pagtugon ng AB Filipinolohiya sa Pangangailangan sa Kasalukuyang

Panahon

Masasabing ang programang ito ay tumutugon sa pangangailangan sa

kasalukuyang panahon sapagkat inaasahan sa kursong Batsilyer ng Sining sa

Filipinolohiya (ABF) ay magkakamit ang karunungan sa wikang Filipino. Ito’y

lxxii
tulay sa pagpapataas sa pagkilala ng mga mag-aaral sa kanilang pagiging

Pilipino sa pamamagitan ng pakikisangkot sa pagtatatag ng isang lipunang

makabansa, malaya, maunlad, makatao at maka-Diyos sa panahon ng

sibilisasyong cyberspace.

Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon ng mga

Asignatura o Kursong Nakapaloob sa Kurikulum ng AB Filipinolohiya

Ang mga kursong nakatuon sa wikang Filipino na nakapaloob sa

kurikulum ng AB Filipinolohiya ay masasabing tumutugon sa pangangailangan

sa kasalukuyang panahon sapagkat ito’y magiging daan upang mapahusay

ang kakayahang pangkomunikatibo ng mga mag-aaral at magiging kaagapay

upang magkaroon sila ng mapanuri at malikhaing pag-iisip. Matutulungan din

ang mga mag-aaral na maiangkla ng mabisa ang kanilang kakayahan sa

pagtuturo ng wika, paggamit ng wika at pagpapayaman nito para sa

kapakanan ng bansang Pilipinas at upang makaagapay sa kompetisyong

global sa kasalukyan.

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS (PNU) – Taft

BSE major sa Filipino

May isang programang pangkolehiyo sa PNU na may kinalaman sa

wikang Filipino na nasa ilalim ng Kolehiyo ng mga Wika, Linggwistika at

Literatura, Departamento ng Filipino, ito ay ang BSE major sa Filipino.

Apat na taong programang pang-akademiko ang BSE major sa

Filipino na may mga layunin na:

lxxiii
• Mapaunlad ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga batayang

simulaing panlinggwistika ng wikang Filipino at sa mga teorya at

pamamaraan ng paggamit nito bilang midyum ng komunikasyon at

pagtuturo.

• Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa mabisang paggamit ng

Filipino sa iba’t ibang larangang akademiko at sa pagdukal ng mga

karunungan at paksaing nangangailangan ng mataas na antas ng pag-

iisip at pagpapahalaga.

• Mapasigla ang kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral sa paglahok

at pagsasagawa ng iba’t ibang gawaing pangwika at pampanitikan na

nangangailangan ng pagkamasining at pagkamalikhain.

Ang Pagtugon ng BSE major sa Filipino sa Pangangailangan sa Kasalukuyang

Panahon

Batay sa pagsusuri ng mga mananaliksik masasabing ang programang

ito ay tumutugon sa pangangailangan ng kasalukuyang panahon sapagkat

ayon sa mga layunin nito mapapaunlad ng mga mag-aaral ang mga batayang

simulain ng wikang Filipino at ang paggamit nito bilang midyum ng

komunikasyon at pagtuturo. Gayundin, malilinang ang kasanayan ng mag-

aaral sa mabisang paggamit ng Filipino sa pagdukal ng mga bagong

karunungan na kakailanganin sa susunod na panahon. At mapapataas ang

kakayahan at kawilihan ng mga Pilipinong mag-aaral sa mga gawaing may

kinalaman sa wikang Filipino nma nangangailangan ng mataas na pag-iisip at

pagpapahalaga.

lxxiv
Ang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa Kasalukuyang Panahon ng mga

Asignatura o Kursong Nakapaloob sa Kurikulum ng BSE major sa Filipino

Sa pagtungo sa PNU, sinubukang humingi ng mga mananaliksik ng

kopya ng kurikulum ng programang pangkolehiyo na BSE major sa Filipino

subalit tumanggi silang magbigay ng kopya nito. Ngunit nagkaroon ng

pagkakataon na kapanayamin ang tagapangulo ng departamento na

nakakasakop sa programang BSE major sa Filipino na si Prof. Patrocinio V.

Villafuerte. Sinabi niya na ang mga asignatura na nakapaloob sa kurikulum ng

nasabing programa ay kulang sa panitikan ngunit mayaman sa mga

asignaturang pangwika. Idinagdag din niya na walang kahandaan ang

pagkakabalangkas ng kurikulum at may mga asignatura ring itinuturo sa di

gradwadong mga programa na itinuturo rin sa gradwadong programa o

masteral na ang halimbawa ay ang mga asignaturang: Pagtataya sa Pagbasa

at Pagsulat at Panimula sa Pagsasaling Wika.

Ang Pagtugon ng Kurikulum ng Programang Pangkolehiyo na B.A.

Filipino, B.A. Araling Filipino at B.A. Malikhaing Pagsulat (UP); AB

Filipinolohiya (PUP); BSE major sa Filipino (PNU) sa Kursong

Pangkalahatang Edukasyon na Inihain ng CHED

Batay sa mga nasuring datos tungkol sa kurikulum ng tatlong piling

pang-estadong unibersidad ay nalaman na ang mga programang

pangkolehiyo ng UP na B.A. Filipino, B.A. Araling Filipino at B.A. Malikhaing

Pagsulat ay naghahain ng 45 yunit na kursong pangkalahatang edukasyon

ang bawat programa. Base naman sa datos mula sa PUP, naghahain ang

programang pangkolehiyong AB Filipinolohiya ng 60 yunit na kursong

lxxv
pangkalahatang edukasyon. Samantalang, sa PNU, ayon sa impormal na

pagtatanong sa tagapangulo ng Departamento ng Filipino na si Prof.

Patrocinio V. Villafuerte, sinusunod nila ang 63 yunit na kursong

pangkalahatang edukasyon ng CHED.

Samakatuwid, nangangahulugan na ang UP ay may kulang na 15 yunit

para sa kursong pangkalahatang edukasyon na inihain ng CHED. Gayundin

naman ang PUP na may kulang na 3 yunit, samantalang sumunod naman

ang PNU sa panukala mg CHED para sa bilang ng yunit ng mga kursong

pangkalahatang edukasyon.

Saloobin ng mga Mag-aaral sa mga Preperensyang Pangwika

Kaugnay sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng Wikang Filipino na

Maaaring Ihain ng mga Programang Pangkolehiyo na may Kinalaman

sa Wikang Filipino

Sa isinagawang pananaliksik ni Anita A. Gesta na may pamagat na,

“Saloobin ng mga Mag-aaral sa Antas Tersarya sa Lungsod ng Surigao

Tungkol sa Filipino bilang Isang Kurso sa Kurikulum” sa Pamantasan ng Xavier,

lalawigan ng Surigao noong 1996, naghain siya ng mga preperensyang

pangwika para sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng wikang Filipino. Dahil sa

naging matagumpay ang paghahain niyang iyon ay minarapat ng mga

mananaliksik na iangkop ang mga preperensyang pangwika na magagamit

ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa wikang Filipino.

At ang mga sumusunod na talahanayan ang naging resulta ng pag-agapay ng

mga mananaliksik sa mga haing preperensyang pangwika na hiningian ng

lxxvi
tugon sa tatlong piling pang-estadong unibersidad sa kalakhang Maynila (UP,

PUP at PNU).

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % F % F % f %

lubos na 15 60 11 44 20 80 46 61.33
sumasang-ayon

sumasang-ayon 7 28 11 44 3 12 21 28

hindi sigurado 3 12 3 12 2 8 8 10.67

hindi sumasang- 0 0 0 0 0 0 0 0
ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 8 – Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Ulat at Korespondensya Opisyal

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)

lxxvii
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 8, sa paggamit ng wikang Filipino sa mga liham at

korespondensya opisyal, ang bilang ng mga mag-aaral na lubos na

sumasang-ayon sa UP - 15 (60%), PUP - 11 (44%), PNU - 20 (80%). Ang mga

sumasang-ayon naman sa UP – 7 (28%), PUP – 11 (44%), PNU – 3 (12%). Ang

mga sumagot ng hindi sigurado sa UP – 3 (12%), PUP –3 (12%), PNU – 2 (8%).

Walang sumagot ng hindi sumasang-ayon at lubos na hindi sumasang-ayon.

Sa pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 46 (61.33%),

sumasang-ayon – 21 (28%), hindi sigurado – 8 (10.67%).

Samakatuwid, ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at

korespondensya opisyal ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang

mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % F % f % f %

lubos na 15 60 15 60 20 80 50 66.67
sumasang-ayon

sumasang-ayon 8 32 7 28 4 16 19 25.33

hindi sigurado 2 8 3 12 1 4 6 8

hindi sumasang- 0 0 0 0 0 0 0 0
ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

lxxviii
kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100
unibersidad

Talahanayan 9 - Pagtangkilik at Panonood ng mga Palatuntunang Filipino

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 9, sa pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang

Filipino, ang bilang ng mga mag-aaral na lubos na sumasang-ayon sa UP - 15

(60%), PUP - 15 (60%), PNU - 20 (80%). Ang mga sumasang-ayon naman sa

UP – 8 (32%), PUP – 7 (28%), PNU – 4 (16%). Ang mga sumagot ng hindi

sigurado sa UP – 2 (8%), PUP –3 (12%), PNU – 1 (4%). Walang sumagot ng

hindi sumasang-ayon at lubos na hindi sumasang-ayon. Sa pangkalahatang

kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 50 (66.67%), sumasang-ayon – 19

(25.33%), hindi sigurado – 6 (8%).

Samakatuwid, ang pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang

Filipino ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at

mapaunlad ang wikang Filipino.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % F % f % f %

lubos na 15 68 19 76 21 84 57 76
sumasang-ayon

sumasang-ayon 8 32 6 24 4 16 18 24

lxxix
Hindi sigurado 0 0 0 0 0 0 0 0

hindi sumasang- 0 0 0 0 0 0 0 0
ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 10- Pagbabasa ng Iba’t Ibang Babasahin na Nakasulat sa Wikang Filipino

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 10, sa pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na

nakasulat sa wikang Filipino, ang bilang ng mga mag-aaral na lubos na

sumasang-ayon sa UP - 15 (68%), PUP - 19 (76%), PNU - 21 (84%). Ang mga

sumasang-ayon naman sa UP – 8 (32%), PUP – 6 (24%), PNU – 4 (16%).

Walang sumagot ng hindi sigurado, hindi sumasang-ayon at lubos na hindi

sumasang-ayon. Sa pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 57

(76%), sumasang-ayon – 18 (24%).

Samakatuwid, ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat

sa wikang Filipino ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at

mapaunlad ang wikang Filipino.

lxxx
Mga Sangkot na Piling Unibersidad
Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
F % F % f % f %

lubos na 20 80 18 72 19 76 57 76
sumasang-ayon

sumasang-ayon 5 20 7 28 4 16 16 21.33

hindi sigurado 0 0 0 0 2 8 2 2.67

hindi sumasang- 0 0 0 0 0 0 0 0
ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 11 - Paggamit ng Filipino sa Pagsulat ng mga Sulating Pampanitikan,

Mga Artikulo at Balita

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 11, sa paggamit ng Filipino sa pagsulat ng mga

sulating pampanitikan, mga artikulo at balita, ang bilang ng mga mag-aaral

lxxxi
na lubos na sumasang-ayon sa UP - 20 (80%), PUP - 18 (72%), PNU - 19

(76%). Ang mga sumasang-ayon naman sa UP – 5 (20%), PUP – 7 (28%), PNU

– 4 (16%). Ang mga sumagot ng hindi sigurado sa PNU – 2 (8%). Walang

sumagot ng hindi sumasang-ayon at lubos na hindi sumasang-ayon. Sa

pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 57 (76%), sumasang-

ayon – 16 (21.33%), hindi sigurado – 2 (2.67%).

Samakatuwid, ang paggamit ng Filipino sa pagsulat ng mga sulating

pampanitikan ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at

mapaunlad ang wikang Filipino.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
F % F % f % f %

lubos na 16 64 14 56 19 76 49 65.33
sumasang-ayon

sumasang-ayon 6 24 8 32 4 16 18 24

hindi sigurado 3 12 3 12 2 8 8 10.67

hindi sumasang- 0 0 0 0 0 0 0 0
ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 12 - Pagsasalin sa Filipino ng mga Banyagang Sulatin para Lalong Mabatid ng

Maraming Pilipino

_____________________

Tala:

lxxxii
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 12, sa pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin

para lalong mabatid ng maraming Pilipino, ang bilang ng mga mag-aaral na

lubos na sumasang-ayon sa UP - 16 (64%), PUP - 14 (56%), PNU - 19 (76%).

Ang mga sumasang-ayon naman sa UP – 6 (24%), PUP – 8 (32%), PNU – 4

(16%). Ang mga sumagot ng hindi sigurado sa UP – 3 (12%), PUP –3 (12%),

PNU – 2 (8%). Walang sumagot ng hindi sumasang-ayon at lubos na hindi

sumasang-ayon. Sa pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 49

(65.33%), sumasang-ayon – 18 (24%), hindi sigurado – 8 (10.67%).

Samakatuwid, ang pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin

para lalong mabatid ng maraming Pilipino ay isa sa mabisang paraan upang

lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % F % f % f %

lubos na 23 92 23 93 22 88 68 90.67
sumasang-ayon

sumasang-ayon 2 8 2 8 3 12 7 9.33

Hindi sigurado 0 0 0 0 0 0 0 0

hindi sumasang- 0 0 0 0 0 0 0 0
ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

lxxxiii
Talahanayan 13 - Pagsasalita ng Wikang Filipino na Hindi Ito Ikinahihiya

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 13, sa pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ito

ikinahihiya, ang bilang ng mga mag-aaral na lubos na sumasang-ayon sa UP -

23 (92%), PUP - 23 (92%), PNU - 22 (88%). Ang mga sumasang-ayon naman

sa UP – 2 (8%), PUP – 2 (8%), PNU – 3 (12%). Walang sumagot ng hindi

sigurado, hindi sumasang-ayon at lubos na hindi sumasang-ayon. Sa

pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 68 (90.67%),

sumasang-ayon – 7 (9.33%).

Samakatuwid, ang pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ito

ikinahihiya ay isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at

mapaunlad ang wikang Filipino.

lxxxiv
Mga Sangkot na Piling Unibersidad
Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
F % F % f % f %

lubos na 18 72 14 56 19 76 51 68
sumasang-ayon

sumasang-ayon 5 20 8 32 4 16 17 22.66

hindi sigurado 2 8 3 12 0 0 5 6.67

hindi sumasang- 0 0 0 0 2 8 2 2.67


ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 14 - Pagpapalimbag ng Maraming Aklat sa Wikang Filipino Upang Dumami ang

Sanggunian ng mgs Mag-aaral

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 14, sa pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang

Filipino upang dumami ang sanggunian ng mgs mag-aaral, ang bilang ng mga

mag-aaral na lubos na sumasang-ayon sa UP - 18 (72%), PUP - 14 (56%), PNU

- 19 (76%). Ang mga sumasang-ayon naman sa UP – 5 (20%), PUP – 8 (32%),

PNU – 4 (16%). Ang mga sumagot ng hindi sigurado sa UP – 2 (8%), PUP –3

(12%). Ang sumagot ng hindi sumasang-ayon sa PNU – 2 (8%). Walang

sumagot ng lubos na hindi sumasang-ayon. Sa pangkalahatang kabuuan,

lxxxv
lubos na sumasang-ayon – 51 (68%), sumasang-ayon – 17 (22.66%), hindi

sigurado – 5 (6.67%), hindi sumasang-ayon – 2 (2.67%).

Samakatuwid, ang pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang

Filipino upang dumami ang sanggunian ng mgs mag-aaral ay kailangan

upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
F % f % f % f %

lubos na 23 92 20 80 20 80 63 84
sumasang-ayon

sumasang-ayon 2 8 5 20 4 16 11 14.67

hindi sigurado 0 0 0 0 0 0 0 0

hindi sumasang- 0 0 0 0 1 4 1 1.33


ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 15 - Paggamit ng Wikang Filipino sa Pagtatalumpati

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 15, sa paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati

ang bilang ng mga mag-aaral na lubos na sumasang-ayon sa UP - 23 (92%),

lxxxvi
PUP - 20 (80%), PNU - 20 (80%). Ang mga sumasang-ayon naman sa UP – 2

(8%), PUP – 5 (20%), PNU – 4 (16%). Ang mga sumagot ng hindi sumasang-

ayon sa PNU – 1 (4%). Walang sumagot ng hindi sigurado at lubos na hindi

sumasang-ayon. Sa pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 63

(84%), sumasang-ayon – 11 (14.67%), hindi sumasang-ayon – 1 (1.33%).

Samakatuwid, ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati ay

isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang

wikang Filipino.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % f % f % f %

lubos na 14 56 18 72 14 56 46 61.33
sumasang-ayon

sumasang-ayon 9 36 7 28 9 36 25 33.34

hindi sigurado 2 8 0 0 2 8 4 5.33

hindi sumasang- 0 0 0 0 0 0 0 0
ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 16 - Pagtangkilik sa mga Pelikulang Pilipino

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon

lxxxvii
% - bahagdan

Sa Talahanayan 16, sa pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino, ang

bilang ng mga mag-aaral na lubos na sumasang-ayon sa UP - 14 (56%), PUP -

18 (72%), PNU - 14 (56%). Ang mga sumasang-ayon naman sa UP – 9 (36%),

PUP – 7 (28%), PNU – 9 (36%). Ang mga sumagot ng hindi sigurado sa UP – 2

(8%), PNU – 2 (8%). Walang sumagot ng hindi sumasang-ayon at lubos na

hindi sumasang-ayon. Sa pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon

– 46 (61.33%), sumasang-ayon – 25 (33.34%), hindi sigurado – 4 (5.33%).

Samakatuwid, ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino ay isa sa

epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang

Filipino.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % F % f % f %

lxxxviii
lubos na 18 72 19 76 20 80 57 76
sumasang-ayon

sumasang-ayon 7 28 6 24 5 20 18 24

hindi sigurado 0 0 0 0 0 0 0 0

hindi sumasang- 0 0 0 0 0 0 0 0
ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 17 - Pagpapahayag ng Kuru-kuro at Saloobin Gamit ang Wikang Filipino

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 17, sa pagpapahayag ng kuru-kuro at saloobin gamit

ang wikang Filipino, ang bilang ng mga mag-aaral na lubos na sumasang-

ayon sa UP - 18 (72%), PUP - 19 (76%), PNU - 20 (80%). Ang mga sumasang-

ayon naman sa UP – 7 (28%), PUP – 6 (24%), PNU – 5 (20%). Walang sumagot

ng hindi sigurado, hindi sumasang-ayon at lubos na hindi sumasang-ayon. Sa

pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon – 57 (76%), sumasang-

ayon – 18 (24%).

Samakatuwid, ang pagpapahayag ng kuru-kuro at saloobin gamit ang

wikang Filipino ay makatutulong upang lalo pang mapanatili at mapaunlad

ang wikang Filipino.

lxxxix
Mga Sangkot na Piling Unibersidad
Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
F % F % f % f %

lubos na 9 36 17 68 20 80 46 61.3
sumasang-ayon 3

sumasang-ayon 11 44 7 28 3 12 21 28

hindi sigurado 1 4 1 4 0 0 2 2.67

hindi sumasang- 4 16 0 0 2 8 6 8
ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 18 - Pakikiisa sa mga Kilusang may Kaugnayan sa Pagpapaunlad sa Wikang

Filipino

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

Sa Talahanayan 18, sa pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan sa

pagpapaunlad sa wikang Filipino, ang bilang ng mga mag-aaral na lubos na

sumasang-ayon sa UP - 9 (36%), PUP - 17 (68%), PNU - 20 (80%). Ang mga

sumasang-ayon naman sa UP – 11 (44%), PUP – 7 (28%), PNU – 3 (12%). Ang

mga sumagot ng hindi sigurado sa UP – 1 (4%), PUP – 1 (4%). Ang mga

sumagot ng hindi sumasang-ayon sa UP – 4 (16%), PNU – 2 (8%). Walang

sumagot ng lubos na hindi sumasang-ayon. Sa pangkalahatang kabuuan,

xc
lubos na sumasang-ayon – 46 (61.33%), sumasang-ayon – 21 (28%), hindi

sigurado – 2 (2.67%), hindi sumasang-ayon – 6 (8%).

Samakatuwid, ang pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan sa

pagpapaunlad sa wikang Filipino ay isang daan upang lalo pang mapanatili at

mapaunlad ang wikang Filipino.

Mga Sangkot na Piling Unibersidad


Kabuuan
Opsyon sa
UP PUP PNU Pangkalahatan

Distribusyon ng Tugon
f % F % f % f %

lubos na 16 64 23 92 17 68 56 74.6
sumasang-ayon 7

sumasang-ayon 7 28 2 8 7 28 16 21.3
3

hindi sigurado 2 8 0 0 0 0 2 2.67

hindi sumasang- 0 0 0 0 1 4 1 1.33


ayon

lubos na hindi 0 0 0 0 0 0 0 0
sumasang-ayon

kabuuan sa bawat 25 100 25 100 25 100 75 100


unibersidad

Talahanayan 19 - Panonood at Pakikinig sa mga Balita sa Radyo at Telebisyon na Wikang

Filipino ang Midyum

_____________________

Tala:
UP – Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (B.A. Filipino, B.A. Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino)
PUP – Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas-Sta.Mesa (AB Filipinolohiya)
PNU – Pamantasang Normal ng Pilipinas-Taft (BSE Major sa Filipino)
f – dalas ng tugon (frequency) sa partikular na opsyon
% - bahagdan

xci
Sa Talahanayan 19, sa panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at

telebisyon na wikang Filipino ang midyum, ang bilang ng mga mag-aaral na

lubos na sumasang-ayon sa UP - 16 (64%), PUP - 23 (92%), PNU - 17 (68%).

Ang mga sumasang-ayon naman sa UP – 7 (28%), PUP – 2 (8%), PNU –7

(28%). Ang mga sumagot ng hindi sigurado sa UP – 2 (8%). Ang sumagot ng

hindi sumasang-ayon sa PNU – 1 (4%). Walang sumagot ng lubos na hindi

sumasang-ayon. Sa pangkalahatang kabuuan, lubos na sumasang-ayon –

56(74.67%), sumasang-ayon – 16 (21.33%), hindi sigurado – 2 (2.67%), hindi

sumasang-ayon -1 (1.33%).

Samakatuwid, ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at

telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay isa sa epektibong paraan upang

lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

KABANATA 5

PAGLALAGOM NG NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

MGA NATUKLASAN

xcii
Sa isinagawang masusing pag-aaral na may paksang “Pananaw ng

mga Piling Mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa Kurikulum ng

Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman sa

Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng Wikang Filipino”, natuklasan ng

mga mananaliksik ang mga sumusunod:

20.Malaya ang mga mag-aaral ngayon na makapamili ng kursong kanilang

kukunin pagtuntong nila sa kolehiyo.

21.Malaki ang pananalig ng mga mag-aaral mula sa UP, PUP at PNU na

magiging daan ang programang pangkolehiyo na B.A. Filipino, B.A.

Malikhaing Pagsulat at B.A. Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa

PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU sa pag-aangat sa kamalayan

bilang tunay na mamamayang Pilipino.

22.Higit na nakatuon ang mga nasabing programa pangkolehiyo sa

propesyon bilang tagahasik ng kaalaman sa mga paaralan o ang

tinatawag na guro.

23.Ang isang mag-aaral ay mapapabilang sa mga nabanggit na

programang pangkolehiyo ay malaki ang posibilidad na mapayabong

ang kaniyang pagmamahal sa wikang Filipino.

24.Pinakamabisang daan upang magkaroon ng kaalaman ang mag-aaral

tungkol sa nilalaman ng kurikulum ay ang pagbabahagi ng kopya nito.

25.Sa wika higit na nakasentro ang mga nabanggit na programang

pangkolehiyo.

26.Intelektwal na pagkatuto ang higit na inihahain ng mga asignatura na

nakapaloob sa kurikulum ng programang pangkolehiyo na BA Filipino,

xciii
BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa

PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU.

27.Ang paggamit ng wikang Filipino sa ulat at korespondensya opisyal ay

isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang

wikang Filipino.

28.Ang pagtangkilik at panonood ng mga palatuntunang Filipino ay isa sa

epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang

wikang Filipino.

29.Ang pagbabasa ng iba’t ibang babasahin na nakasulat sa wikang

Filipino ay isa sa mabisang paraan upang lalo pang mapanatili at

mapaunlad ang wikang Filipino.

30. Ang paggamit ng Filipino sa pagsulat ng mga sulating pampanitikan ay

isa sa epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad

ang wikang Filipino.

31. Ang pagsasalin sa Filipino ng mga banyagang sulatin para lalong

mabatid ng maraming Pilipino isa sa mabisang paraan upang lalo pang

mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

32. Ang pagsasalita ng wikang Filipino na hindi ito ikinahihiya ay isa sa

epektibong paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang

wikang Filipino.

33. Ang pagpapalimbag ng maraming aklat sa wikang Filipino upang

dumami ang sanggunian ng mgs mag-aaral ay kailangan upang lalo

pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

34. Ang paggamit ng wikang Filipino sa pagtatalumpati ay isa sa mabisang

paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

xciv
35. Ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino ay isa sa epektibong

paraan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

36. Ang pagpapahayag ng kuru-kuro at saloobin gamit ang wikang Filipino

ay makatutulong upang lalo pang mapanatili at mapaunlad ang wikang

Filipino.

37. Ang pakikiisa sa mga kilusang may kaugnayan sa pagpapaunlad sa

wikang Filipino ay isang daan upang lalo pang mapanatili at mapaunlad

ang wikang Filipino.

38. Ang panonood at pakikinig sa mga balita sa radyo at telebisyon na

wikang Filipino ang midyum ay isa sa epektibong paraan upang lalo

pang mapanatili at mapaunlad ang wikang Filipino.

KONGKLUSYON

Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik tungkol sa

paksang “Pananaw ng mga Piling Mag-aaral sa UP, PUP at PNU sa

Kurikulum ng Programang Pangkolehiyo na may Malaking Kinalaman

sa Pagpapanatili at Pagpapaunlad ng Wikang Filipino” ay nabuo ang

mga sumusunod na kongklusyon:

6. Ang pagpili ng mga mag-aaral sa programang pangkolehiyo na may

malaking kinalaman sa wikang Filipino.

Sa masusing pagsasarbey ng mga mananaliksik ay

napag-alaman na kaya pinili ng mga mag-aaral na pumasok o

xcv
mapabilang sa programang pangkolehiyo ay dahil ito ay

kagustuhan nila. Naging malaya ang mga mag-aaral ngayon sa

pagpili ng kursong kanilang kukunin na hindi kainakailangan ng

impluwensiya ng magulang at ng ibang tao. Sa kabilang banda,

malaki rin ang nagging bahagdan ng mga mag-aaral na

napagsarhan o nawalan ng pagkakataon sa gusto nilang kurso.

7. Sa pagsarbey, sa kabuuan, nagiging instrumento upang maiangat ang

kamalayan ng mag-aaral bilang isang Pilipino ang programang

pangkolehiyo na BA Filipino, BA Malikhaing Pagsulat at BA Araling

Pilipino sa UP; AB Filipinolohiya sa PUP; at BSE major sa Filipino sa PNU

ay nagtala ng pinakamaraming tugon na may bilang na 34 mag-aaral

na may katumbas na 45.33%

Nangangahulugan na may pinakamalaking gampanin ang

programang pangkolehiyo sa tatlong piling pang-estadong

unibersidad sa kalakhang Maynila sa pag-angat sa kamalayan

bilang tunay na mamamayang Pilipino at sa pagmamahal sa

wikang Filipino. Nangangahulugan din na higit pa sa hangarin na

makahanap agad ng magandang trabaho ang layunin nito at

naniniwala din ang mga mag-aaral na magiging dalubhasa sila

sa wikang Filipino sa pamamagitan bg mga nabanggit na

programang pangkolehiyo sa pamamagitan ng paghasik ng

kaalaman o pagiging guro.

8. Sa aspetong pagkatuto, napatunayan na sa wika talaga higit na

nakasentro ang mga nabanggit na programang pangkolehiyo dahil sa

napakaraming mag-aaral ang tumugon nito.

xcvi
Naikintal ang pagkatutong intelektwal sa mga mag-aaral

ng programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa

wika.

9. Ang Pagtangkilik at Paggamit ng Wikang Filipino sa mga Gawaing Pang-

unibersidad ng mga Mag-aaral na may Kinalaman sa Pagpapaunlad

Nito.

Tinatangkilik ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng

panonood ng mga palatuntunang Filipino, pagbabasa ng iba’t

ibang babasahin na nakasulat sa wikang Filipino, pagsasalita ng

wikang Filipino na hindi ikinahihiya, pagpapalimbag ng

maraming aklat sa wikang Filipino upang dumami ang

sanggunian ng mga mag-aaral at pagtangkilik sa pelikukang

Pilipino.

Gayundin, ginagamit ang wikang Filipino sa mga gawaing

pang-unibersidad gaya ng sa ulat at korespondensya opisyal,

pagsulat ng mga sulating pampanitikan, pagsasalin sa Filipino

ng mga banyagang sulatin, sa pagtatalumpati at sa

pagpapahayag ng mga kuru-kuro at saloobin. Samakatuwid, ang

mga mag-aaral na nasa ilalim ng programang pangkolehiyo na

may malaking kinalaman sa p-agpapaunlad ng wikang Filipino ay

patuloy sa paggawa ng mga epektibong paraan sa pagtangkilik

at paggamit ng wikang Filipino sa labas o sa loob ng unibersidad

upang lalong mapanatili at mapaunlad ito.

10.Ang Pagpapaunlad sa Wikang Filipino ng mga Mag-aaral sa Aspetong

Sosyal

xcvii
Ang pakikiisa sa mga kilos ang may kaugnayan sa

pagpapaunlad sa wikang Filipino at ang panonood at pakikinig sa mga

balita sa radio at telebisyon na wikang Filipino ang midyum ay ilan lamang

sa mga epektibong paraan upang lalong mapanatili at mapaunlad ang

wikang Filipino sa aspetong sosyal.

REKOMENDASYON

Matapos ang masusing pag-aaral, magalang na inihahayag ng mga

mananaliksik ang mga sumusunod na rekomendasyon na ibinatay sa

kongklusyon:

1. Mas mainam kung ang maraming bilang Pilipinong mag-aaral ay

kukuha ng kursong naaayon sa kanilang kagustuhan na

magiging daan sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.

2. Dapat ipagpatuloy ang paghahain ng mga asignaturang mas

magpapalawak sa kaalaman ng mga mag-aaral sa

pangkasalukuyang panahon lalo na sa kaso ng pagpapanatili at

pagpapaunlad ng wikang Filipino.

3. Higit na patatagin ang layunin at kahalagahan ng pag-aaral ng

wikang Filipino.

4. Higit na palaganapin ang mga pamamaraan at preperensyang

pangwika na lalong magtataguyodsa wikang Filipino.

xcviii
5. Higit na pahalagahan ng mga mag-aaral ang mga Gawain na

may kinalaman sa wikang Filipino.

6. Dapat pag-ibayuhin ng mga programang pangkolehiyo na may

malaking kinalaman sa wikang Filipino ang pangunguna sa

pagpapatatag at pagpapayabong ng wikang Filipino sa iba’t

ibang larangang pang-edukasyon.

7. Maging matulungin ang mga ahensyang pang-edukasyon at

pangwika sa patuloy na pagpapanatili at pagpapaunlad ng

wikang Filipino upang lalong maging malakas ang pwersa na

gaganap sa usaping ito.

8. Pantilihing tiyak, malinaw, at umuugnay sa kasalukuyang

pangangailangan ng panahon ang mga programang may

malaking kinalaman sa wikang Filipino.

9. Ito na ang tamang pagkakataon upang paramihin ang mga

programang pangkolehiyo na may malaking kinalaman sa

wikang Filipino na maaaring kabilangan ng mga Pilipinong mag-

aaral pagtuntong sa tersyarya.

10.Ang patuloy na pagdaragdag na makatutulong sa pagpapahusay

ng pananaliksik na ito ay tinatanggap ng mga mananaliksik

upang lalo pang tumibay ang kredibilidad nito.

xcix
TALASANGGUNIAN

Aklat

Andres, Tomas Quntin D. at Felizardo Y. Francisco. Curriculum Development in


the Philippine Setting. National Bookstore Inc. ECZ Enterprises,
Sta. Cruz, Manila.1989.
Auztero, Cecilia S., et.al. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina. Gold
Publishing Palace, Makati, Metro Manila. 2003.
Bobbit, John Franklin. The Curriculum. Allyn and Bacon, Inc. Boston. 1918.
Bonilla, Cristeto. A Framework on Education Curriculum. Education and
Culture Planning Service Manual. 1996.
Doctor, Ramades M. Teacher Education Curricula. Philippine Extension Service
Review. December, 1996.
Japanese For Busy People. Basic Japanese Level 1. Asia Dempa Research ang
Training Research Institute Foundation, Inc. 2005.
Kelly, Kathleen. Curriculum Design: A Handbook for Educators. Scott
Forseman Company, Illinois. 1983.
Krug, Ronald. Study and Teaching in Developmental Education. 1996.
Lachica, Veneranda S. Komunikasyon at Linggwistika. GMK Publishing House,
Sta.Cruz, Manila. 2002.
Lachica, Veneranda S., Perla S. Carpio, et.al. Lingas sa Akademikong
Komunikasyon. GMK Publishing House, Quezon City. 2006.
Lee, Daniel at J. Gwynn Lee. Educational Competencies and Curriculum
Planning. 1998.
Magandang Balita Biblia. Philippine Bible Society, Sta. Mesa, Manila. 1980.
Mag-atas, Rosario U., et.al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Booklore
Publishing Corp. Sta. Cruz, Manila. 2007.

c
Palma, Jesus C. Curriculum Development System. National Bookstore Inc. 24K
Printing Co., Inc. Valenzuela, Metro Manila. 1992.
Rogan. James A. MEC Catalog of Curriculum Research and Development
Outputs. 1998.
Santiago, Alfonso O. at Tiangco, Norma G. makabagng BAlarilang Filipino,
Binagong Edisyon. Rex Bookstore, Inc. Sampaloc, Manila. 2003.
Stenhouse, Lawrence. The Teacher and Curriculum Making Macmillian
Publishing Company, New York. 1981.
Taba, Hilda. Curriculum Development: Theory and Practice. Harcourt Brace
Jovanovich, New York. 1962.
Tyler, Ralph. Basic Principles of Curriculum and Introduction. University of
Chicago Press, Chicago. 1960.

Tesis

Aragones, Cynthia A. Asyanong Pagpapahalaga sa Bagong Kurikulum.


Pamantasan ng Nueva Caceres, Naga. 2004.
Carpio, Perla S. Katanggapan ng 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino ng Piling Mag-aaral sa Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas: Isang Pagsusuri. PUP, Manila. 2004.
Gesta, Anita A. saloobin ng mga Mag-aaral sa Antas Tersarya sa Lungsod ng
Surigao Tungkol sa Filipino bilang Isang Kurso sa Kurikulum.
Pamantasan ng Xavier, Surigao. 1996.
Lazaro, Ma. Lourdes Y., et al. kurikulum ng AB Filpinolohiya sa PUP sa Pananaw
ng mga MAg-aaral ng AB Filipinolohiya taong aralan 2004-2005.
PUP, Maynila. 2004.
Lorica, Melanie M. Kahandaan at Kaalaman sa Pagtuturo ng Filipino ayon sa
BInagong Kurikulum ng DepEd ng mga Mag-aaral sa Teachers
Education Institutions. Pamantasan ng Bikol, Legazpi. 2004.

Websayt

http://en.wikipedia.org/wiki/curriculum
http://www.ched.gov.ph/policies/1996.pdf
http://www.infed.org/biblio/b-curric.html
http://www.pnu.edu.ph
http://www.pup.edu.ph
http://www.topuniversities.com
http://www.upd.edu.ph

ci
http://www.wisdomquotes.com/cat_writingwriters.html

Mga Artikulo

Abeleda, Kakoi. Ang Wikang Filipino sa Kasalukuyan: Tungkulin at Suliranin.


Apigo, Ma. Victoria R. Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Bilang
Aktibong Tagapagsulong ng Wikang Filipino tungo sa Pagiging
Isang Pamantasang Umuugit sa Pagkapilipino. PUP. 2003.
Medina, Roy. Wikang Filipino: Mabisang Panturo. abs-cbnnews.com. 2003.
Ocampo, Nilo S. Onli in da Pilipins: Ang Reispeling Mula Ingles sa Paglilinang
sa Filipino. Unibersidad ng Pilipinas. 1998.
Turgo. Nelson. Kung Bakit Nagmura Ako ng Putang Ina sa Buwan ng Wika/ Ang
Diskurso ng Kapangyarihan/ Pulitika ng Tunggalian sa Filipino
Bilang Wikang Pambansa. 2004.

cii

You might also like