You are on page 1of 62

Filipino 11

Students” Teacher”

•Jerson Balassu MS. Arcely Ramos

•Jovy Covita
•Norie Leabres
•April Calub
•Ma.helen Fernandez
•FitzGerald Acoba
•Vanessa Suratos
Morpolohiya
• Ang morpolohiya ay isang disiplina ng
linggwistika na nag-aaral ng kayarian ng mga
salita.

• Ang morpolohiya ay pag-aaral ng mga morpema


ng isang wika. Ito ay sistema ng pagsasama-sama
ng mga morpema sa pagbuo ng mga salitang
isang wika.
Ang morpema ang pinakamaliit na bahagi ng wika na
nagtataglay ng sariling kahulugan. Hindi ito dapat ipagkamali sa pantig
na likha ng mga salita kung isinusulat o ang bawat saltik ng dila kapag
binibigkas. Maraming mga pantig ang walang kahulugan sa sarili kaya
hindi maaaring tawaging morpema. Ang morpema ay maaaring isang
salita o bahagi lamang ng isang salita.

Tatlong anyo ng morpema :


1. Morpemang salitang-ugat - ito ay binubuo ng salitang
walang kasamang pan-
lapi. Ito ay mga salitang payak. Tinatawag din itong
malayang morpema. Halimbawa : ilog, bahay, araw, lupa,
bandila

2. Morpemang binubuo ng isang ponema - makikita sa mga


sumusunod na halimbawa : doktor - doktora, abogado - abogada
3. Morpemang panlapi - ito ay may taglay na kahulugan sa sarili.
Ngunit tina- tawag ang ganitong morpema na di-malayang morpema.
Hindi sila makakatayo sa kanilang sarili. kinakailangan pa itong
samahan ng isang malayang morpema upang magkaroon ng ganap na
kahulugan.
Iba - ibang pusisyon ang kinalalagyan ng panlapi sa salita kaya may
iba - ibang uri din ng panlapi ayon sa pusisyon nila sa loob ng salita.

Unlapi - kapag inilalagay sa unahan ng salita. Halimbawa : magbasa,


umibig, paalis, makahuli
Gitlapi - kapag nakalagay sa loob ng salita. Halimbawa : sumayaw,
lumakad, sinagot, ginawa
Hulapi - kapag nakalagay sa hulihan ng salita. Halimbawa : ibigin,
sulatan, sabihan, gabihin
Kabilaan - kapag ang isang pares ng panlapi ay nakalagay sa unahan
at ang isa ay nasa hulihan ng salita. Halimbawa : mag-awitan, paalisin,
kaibigan, kadalagahan
Laguhan - kapag makikita ang mga panlapi sa unahan, gitna at hulihan
ng salita. Halimbawa : magdinuguan, pagsumikapan, ipagsumigawan
Kayarian ng salita
May apat na kayarian ng mga salita. Ito ang mga sumusunod:

1. payak - salitang-ugat
2. maylapi - salitang-ugat at may panlapi
3. inuulit - kapag ang salitang-ugat ay inuulit
4. tambalang-salita - dalawang magkaibang salitang pinagsama upang
makabuo ng bagong kahulugan
Mga halimbawa ng tambalang salita at mga kahulugan nito

1. Ingat-yaman - tresyurera o tresyurero, tagapag-ingat ng salapi o


ari-arian ng isang tao o organisasyon
2. Matapobre - mapagmataas, malupit, mapangmata sa mga
mahihirap
3. Patay-gutom - timawa, palaging gutom, matakaw
4. Hampaslupa - mahirap, pobre, pulubi
5. Akyat-bahay - magnanakaw, mang-uumit sa bahay ng iba
6. Boses-palaka - pangit kumanta, sintunado o wala sa tono
7. Ningas-kugon - sinisimulan ang isang Gawain ngunit hindi
tinatapos
8. Nakaw-tingin - pag-sulyap sa isang tao na hindi niya nalalaman
9. Agaw-pansin - madaling makakuha ng pansin o atensyon,
takaw-pansin, agaw-eksena
10. Sirang-plaka - paulit-ulit ang sinasabi
Pagbabagong Morpoponemiko
- pagbabagong nagaganap sa morpema (S.U. at Pantig)
- mga nakapaligid sa ponema

Uri:
1)Asimilasyon
a) Parsyal – pagbabagong naganap sa NG ng morpermang NANG
Hal.
M(p,b)---- Pang+paaralan = Pampaaralan
N(D,l,r,s,t) ----- Pang+taksil = Pantaksil
NG(pantig, atbp.) ---- Pang+gabi = Panggabi

b)Ganap – tinatanggal ang unag titik ng S.U.


Hal.
Pang+palo = Pamalo
Pang+tali = Panali

2) Pagkakaltas ng Ponema – ang patinig ng huling pantig ng


S.U. ay nawawala
Hal.
Takip+an = Takipan = Takpan
Sara+han = Sarahan = SarhaN
3) Pagpapalit ng Ponema – titik ay nagbabago sa pagbuo ng
salita
a) D-R
Hal.
Ma+dunong = Marunong Ma+dumi = Marumi
Tawid+an = tawiran Lapad+an = laparan
b) O-U
Hal.
Dugo+an = duguan
Ano(x2) = Anu-ano
c) H-N
Hal.
Tawa+han = tawanan

4) Metatesis – kapag ang S.U. nagsisimula sa L o’ Y at


gigitpapian ng in ang L o’ Y ng S.U. at ang in ay magpapalit
Hal.
In+lipad = nilipad
In+yaya = niyaya
Ang mga pantig ay maaring pagsamasamahin upang makabuo ng mga
morpema. Ang morpema ay ang isang kombinasyon ng ponema na may
kahulugan. Ang mga ponema ay walang kahulogan. Sila ay mga
representasyon lamang ng mga tunog. Ngunit kung silay pagsamasamahin,
silay makakabuo ng isang konstruksyon na makahulogan. Ang
morpolohiya ay tumatalakay sa mga proseso at mga alituntunin sa
pagbubuo ng mga salita sa isang wika.
Isa sa mga proseso sa pagbubuo ng mga salita sa Filipino ay ang paglalapi
(affixation). May tatlong uri ng panlapi sa Filipino: unlapi-, -gitlapi-, at
hulapi-. Sa isang salitang ugat ay maaring mabuo ang 50 o mas mahigit
pang salita dahil sa paglalapi. Halimbawa, ang salitang ugat na "bili" ay
maaring magbigay ng sumusunod na mga salita: ibili, ibibili,, ibinili, ipagbili,
ipinagbili, binili, binibili, bilhin, bibilhin, bumili, bumibili, atbp.
Isa pang proseso ay ang tinatawag na compounding. Ito ay ang
pagtatambal ng dalawang salita upang ang tambalang iyon ay
magkaroon ng bagong kahulogan. Halimbawa, sampay-bakod, akyat-
bahay, bantay-salakay, ligaw-tingin, kapit-patalim, akyat-panaog,
dagdag-bawas, atbp.
Ang blending naman ay ang pagsamasama ng mga parti ng dalawa o
higit pang mga salita upang mabuo ang isang salita na may bagong
kahulogan. Halimbawa: ang tapsilog ay galing sa tapa, sinangag at
itlog; ang iskargu, sa isda, karne, at gulay; ang brenda, sa brain
damage; ang tradpol o trapo, sa traditional politician; ang altanghap, sa
almusal, tanghalian, at hapunan. Ang mga ito ay iilan lamang sa mga
proseso sa pagbubuo ng mga salita sa wika.
Pansinin naman natin ngayon ang tatlong alituntunin sa morpolohiya: ang
paglalapi, metatesis at ang deletion o ang pagtatanggal ng ponema.

Hanayan 4 Halimbawa ng mga proseso sa morpolohiya

Paglalapi Deletion Metatesis

(6) silid > silid + -an > silidan > sildan > sidlan

(7) bili > bili + -han> bilihan > bilhan

Ipinapakita sa (6) kung paano naging "sidlan" ang salitang ugat na "silid" --itoy
nilapian ng hulaping -an at ang nabuong salitang "silidan" ay tinanggalan ng
isang ponema (ang huling patinig sa salitang ugat), at makikita ang pagpalit ng
pwesto ng mga ponemang / d / at / l /. Pinapakita naman sa (7) ang paglalapi at
deletion..
Sintaks.
Ang sintaks ay ang kombinasyon nga mga salita upang makakabuo ng mga prase
at ang pagsasamasama ng mga praseng ito upang makakabuo ng pangungusap o
sentens. Ito ay may dalawang bahagi, linear at hierarchical. Upang mas
maintindihan ito, tingnan ang mga halimbawa sa ibaba
Hanayan 5 Halimbawa ng Linear na kaayusan ng pangungusap
Pangungusap Panaguri Simuno
(8) Maganda ang dalaga. > Maganda ang dalaga
(9) Tumakbo ang pulis. > Tumakbo ang pulis
(10) Bumili ng masarap na Bumili ng masarap ang mabait na pulis.
pansit ang mabait na pulis > na pansit

(11) Nagpatayo ng magarang Nagpatayo ng ang mayor


bahay ang mayor > magarang bahay

Ang linear na kaayusan sa mga sentens sa itaas ay Panaguri + Simuno.


Tawagin nating PV ang ating Panaguri (Praseng Verbo) at PN (Praseng Noun)
naman ang ating Simuno. Samakatuwid, ang linear na kaayusan ay maisulat sa
ganitong pormula:
P.1 S ----> PV + PN
na ang ibig sabihin ay ang S [sentens o pangungusap] ay maaring ipahayag
bilang kabuuan ng Praseng Verbo at Praseng Noun.
Tunghayan naman natin ang hierarchical na kaayusan sa mga sentens
bilang 8 hanggang 11. Ang kaayusang ito ay may kinalaman sa mga
salitang bumubuo sa mga prase. Ang mga salitang ito ay tinatawag na
constituent.

Ang PV sa bilang 8 at 9 ay binubuo ng tig-iisang salita lamang—maganda


(adjective) at tumakbo (verb). Samantalang ang sa 10 at 11 ay binubuo ng
mga prase na may pandiwa o verb (PV)--bumili at nagpatayo—at ng
obheto (object) ng verb na pawang mga praseng noun (PN). Ang mga PV
natin ay maaring isulat bilang ganito:

P.2
PV ---> PRASENG AJDECTIVE/
VERBO/
VERBO + PN

Ang Praseng Noun naman ay binubuo ng isang marker o pananda at


ng isang noun o pangngalan. Kaya ang praseng ito ay maaring isulat
sa pormulang:

P.3 PN ---> M + N
Tunghayan naman natin ang ating simuno o PN na binubuo ng marker na
"ang" at ng isang noun, sa bilang (11), may adjective ang noun.
Samakatuwid, ang PN ay maaring isulat bilang:

P.4 PN --> M + ADJ + N

Ang PN ay maaring mabuo sa pamamagitan ng isang maker ng noun, ng


adjective na maaring opsiyonal, at ng isang obligatori noun. Ang mga opsyonal
na komponenet ng prase ay nilalagay sa loob ng parentesis.
Ngayon maari na nating pagsamasamahin ang mga pormula natin na
naglalarawan sa kabuuan ng mga constituent ng ating sentens. Sa paggawa
natin nito ay mailarawan na rin natin ang hierarchical na kaayusan ng sintaks sa
sentens na ito.

P.1 S ----> PV + PN
P.2 PV ---> PAdj / V + PN
P.3 PN ---> M + (PAdj + linker) + N
(Ang linker ay ginagamit sa pag-uugnay ng adjective sa noun
sa praeng ito.) Upang maipakita ang hierarchy ay maari
tayong gumawa ng syntactic tree para sa sentens

Ang PN na nasa sanga ng S ay ang simuno ng sentens; habang ang PN


sa sanga ng PV ay ang object ng verbo.
Dayakronikong Linggwistiks
Ang pag-aaral ng mga pagbabago sa isang wika sa loob ng maraming
taon ay ang paksa ng diachronic o historical linguistics. Samakatuwid,
tinitingnan ng mga historical linguist ang ebolusyon ng isang wika.
Binabakas nila ang mga kapamilyang wika nito batay sa mga katangian
na komon sa kanilang ponolohiya, istruktura at leksikon. Ang mga
magkapamilyang wika ay tinataya nilang nanggaling sa isang wika
lamang na tinaguriang proto-language . Ang orihinal na wika na ito ay
kanilang magawan ng reconstruction sa pamamagitan nga mga salita na
galing sa mga daughter languages nito na magkasinghulugan at, humigit
kumulang, magkasingtunog. Ang mga salitang ito ay tinatawag na
cognate sets.

Isa sa mga dahilan sa pagbabago ng wika ay ang panghihiram


o borrowing. Ang pagkakalayo at pagkawala ng ugnayan ng
mga nagsasalita ng isang wika ay isa pang dahilan kung bakit
nagbabago ang isang wika. May mga aspetong sosyal din na
naging dahilan sa pagbabago ng wika tulad ng katayuan sa
lipunan, relihiyon, o sa kinabibilangang lahi.
.. Pangngalan
Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na
tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at
pangyayari. Maaari din na ipakilala ng pangngalan ang isang
kaisipan o konsepto[1] Sa linggwistika, kasapi ang pangngalan
sa isang malawak, bukas na leksikong kategorya na kung
saan ang mga kasapi nito ay nagiging pangunahing salita sa
isang simuno ng isang sugnay, bagay sa isang pandiwa, o
bagay sa isang pang-ukol.[1]
Mga nilalaman
•1 Pagkahati-hati ng pangngalan
o1.1 Uri ng pangngalan
o1.2 Ayon sa katuturan
o1.3 Ayon sa kasarian
o1.4 Ang Kailanan ng Pangalan
o1.5 Ayon sa kalikasan
o1.6 Ayon sa kaanyuan
o1.7 Ayon sa katungkulan
•2 Mga sanggunian
Pagkahati-hati ng pangngalan

Maaaring mahimay ang pangngalan


nang ayon sa kaurian, katuturan,
kasarian, kailanan, kaanyuan,
kalikasan, at katungkulan.[2]
Uri ng pangngalan
Nauukol ang pangngalan ayon sa kaurian sa pagpapangalan sa
tao, bagay o pangyayari. Maaari itong pambalana o pantangi.
Pantangi - mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na
tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar,
kathang-isip, o pangyayari na ibinubukod sa kauri nito. Tinitiyak
ng pangngalang pantangi na hindi maipagkamali ang tinutukoy sa
iba. Halimbawa: Jose Rizal, Luneta, Gloria Macapagal-Arroyo,
Bathala
Pambalana - mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na
tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay,
lugar, pangyayari at iba pa. Kasama rin ang kabuuan ng mga
basal na salita. Halimbawa: bayani, aso, katamisan ,pagdiriwang
Ayon sa katuturan

•Naayon sa sakop o uri ng katuturan ang mga pangalan. Maaari itong


tahas, basal, hango, lansak o patalinghaga.
•Tahas - pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam
(paningin, pandinig, panlasa, pakiramdam at pang-amoy) at may
katangiang pisikal. Halimbawa: tubig, bundok, pagkain
•Basal - pangngalang tumutukoy sa mga kaisipan o konsepto na hindi
nararanasan ng limang pandamdam at walang pisikal na katangian.
Nasa anyong payak ang lahat ng pangngalan basal. Halimbawa: wika,
yaman, buhay
•Lansak - pangngalang tumutukoy sa isang kalipunan o karamihan.
Maaaring maylapi ito o wala. Halimbawa: madla, sangkatauhan,
kapuluan
•Hango - pangngalang nakabatay sa isang salitang basal. Halimbawa:
kaisipan, salawikain, katapangan
•Patalinghaga - pangalang hindi tuwirang patungkol sa bagay na
pinangangalanan sa halip inihahambing lamang sa bagay na kamukha o
katulad lamang. Halimbawa: buwaya (imbis na kurakot), langit (imbis na
ligaya), kababuyan (imbis na kasalaulaan)
Ayon sa kasarian

Masasabing walang partikular na babae o lalaki sa mga pangngalan. Ngunit


matutukoy ang kasarian ng pangngalan kapag nilalagyan ng salitang "lalaki" o "babae"
bago o pagkatapos ng salitang kinauukulan. Halimbawa: batang babae, batang lalaki,
lalaking aso, babaing pusa
Mayroon din namang mga salitang hindi na kailangan lagyan ng mga salitang "lalaki"
o "babae" kung likas na matutukoy ang kasarian ng isang pangngalan. Kadalasang
matutukoy din ang kasarian sa pangalan o palayaw. Halimbawa, kadalasang lalaki
ang mga pangalang tunog "o" at babae naman kapag tunog "a". Tingnan ang
sumusunod na mga halimbawa:

•Panlalaki - pari, hari, tatay, kuya, manong, tandang (lalaking manok), kalaykan
(lalaking kalabaw)
•Pambabae - madre, reyna, nanay, ate, libay (usang babae), dumalaga (hindi pa
nanganganak na babaing hayop)
•Di tiyak - tumutukoy sa ngalang maaring babae o lalaki
•Walang Kasarian - ngalang tumutukoy sa bagay na walang buhay
Ang Kailanan ng Pangalan
Tungkol naman sa bilang kung isahan, maramihan, o lansakan ang kailanan ng
pangngalan.

•Isahan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na si, ni, o kay kapag mga tao
ang tinutukoy, at ang, ng (nang), o sa kapag mga pangngalang pambalana.
Ginagamit din ang pamilang isang o sang, sam, at son na mga hangong salita
nito. Halimbawa: Ang burol ay isang anyong lupa.
•Maramihan - pangngalang gumagamit ng pantukoy na sina, nina, kina, at ang
mga (manga, ng mga, sa mga) at gumagamit din ng mga pamilang nagmula sa
dalawa. Halimbawa: Sina Roberto at Rowena ang bumato sa mga ibong
lumilipad.
•Lansakan - pangngalan na pinagsama-sama ang mga bagay na
magkakatulad. Kadalasang may magkabilang panlapi itong "ka" at "an" o "han".
Halimbawa: kabahayan, kabukiran, Kabisayaan
Ayon sa kalikasan
Maaaring iuri ang pangngalan sa kalikasan o pinagmulan
nito.

•Likas - pangngalang taal na sa sarili nito at kadalasang


hango sa kalikasan. Halimbawa: apoy, lindol, ligaya
•Likha - pangangalang hinango ng mga dalubhasa dahil sa
pangangailangan. Maaaring bagong likha at lumang salita
na may bagong kahulugan ang pangngalan na ito.
Halimbawa: agham, talatinigan, sining
•Ligaw - pangngalang hiniram o hinango mula sa mga
salitang banyaga. Halimbawa: demokrasya, relihiyon,
butones
Ayon sa kaanyuan
Tungkol paglalapi ang kaanyuan ng pangngalan.

•Payak - pangngalang hindi inuulit, walang panlapi, o katambal.


Halimbawa: talumpati, watawat, ligalig
•Maylapi - pangngalang binubuo ng salitang-ugat na may panlapi
sa unahan, gitna, hulihan o magkabila. Halimbawa: sinigang,
inihaw, tindahan, palakasan
•Inuulit - pangngalang inuulit na maaaring may panlapi o salitang-
ugat lamang. Halimbawa: tau-tauhan, bagay-bagay, bali-balita
•Tambalan - pangngalang binubuo ng dalawang salitang magkaiba
na pinagsasama upang maging isa at may gitling sa pagitan nito.
Halimbawa: kisap-mata, bahay-kubo, bantay-salakay
Ayon sa katungkulan
Sa karaniwang katungkulan sa pangungusap, nagiging simuno o layunin ang
isang pangngalan. Subalit maaaring gumanap din ang pangngalan bilang pagka-
pandiwa, pagka-pandiwari, pagka-pang-uri, pagka-pang-abay at iba pa sa tulong
ng ilang panlapi o pananalita.
Nasa sumusunod ang ilang mga halimbawa:
•Pangngalang malapang-uri - nagbibigay ng tiyak na kaurian kapag pinagsama
sa kapuwa pangngalan. Halimbawa: Andres Bonifacio, Kay Huseng Batute,
dalagang anak, baboy-ramo
•Pangngalang malapandiwa - gumaganap bilang isang pandiwa na nagsisimula
sa "pa", "pag", "pang", "paki" o mga iba't ibang anyo nito at may kasamang "an"
o "han". Halimbawa: Ang pahayag (ipinahayag) ng Senador ay mahalaga sa
bayan.
•Pangngalang malapandiwari - kung ang pagganap ay alangang pandiwa at
alangang pang-uri. Matitiyak kung malapandiwari ang pangngalan sa
pagtatanong ng "ano ang...?" Halimbawa: Ano ang dala (dinala) mo? Ang dala
ko ay...
•Pangngalang malapang-abay - kadalasang nauukol sa panahon na bahagi ng
isang araw o gabi. Halimbawa: Nilalagnat sa hapon ang may tuberkolosis.
Ang Panghalip ay ang salitang panghahalili o pamalit sa pangngalan. Ito ay
tinatawag na Pronoun sa wikang Ingles.
Uri ng Panghalip
Panao
ang tawag sa panghalip na pamalit o panghalili sa pangngalang tao. Ang
panghalip na panao ay ipinapalit sa taong nagsasalita, kinakausap at pinag-
uusapan. Ito ay maaring isahan o maramihan

Isahan Dalawahan Maramihan


Panauhan
Una ako, ko, akin, kata kita, amin, natin, atin tayo, kami, naming, atin
Ikalawa iyo, mo, ka, ikaw kayo, inyo, ninyo kayo, inyo, ninyo
Ikatlo kaniya, siya, niya nila, sila, kanila nila, sila, kanila

Kung saan ang:


•Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita.
•Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap.
•Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan.
Pamatlig
panghalip na ipinapalit o ihinahalili sa pangngalang bagay o lugar na itinuturo.
Halimbawa, Ang ito, iyan at iyon ay mga panghalip na pamatlig na pambagay
Ang dito, diyan at doon ay mga panghalip na pamatlig na panlunan.

Ginagamit ang:

Ito – kung hawak o malapit sa nagsasalita ang bagay na itinuturo


Iyan – kung hawak o malapit sa kinakausap ang bagay na itinuturo
Iyon – kung ang itinuturong bagay ay malayo sa nag-uusap
Dito – kung ang lugar na itinuturo ay malapit sa nagsasalita
Diyan – kung malapit sa kinakausap ang lugar na itinuturo.
Doon –kung ang lugar na itinuturo ay malayo sa nag-uusap
Ang dito, diyan at doon ay nagiging rito, riyan at roon kung ang
nauunang salita ay nagtatapos sa patinig sa mala-patinig na w at y.

Halimbawa: parke roon; bahay rito

Kinalalagyan Paturol Paari Patulad Pahimaton

Malapit sa nagsasalita ito,ire,dito nito, nire ganito,ganire eto, heto

Malapit sa kausap iyan niyan ganyan hayan, ayan

Malayo sa kausap iyon niyon ganoon hayun, ayun


Panaklaw

Ito ay nagsasaad ng dami o kalahatan.


anuman, kaninuman, lahat, bawat-isa, alinman, sinuman, pulos, madla, iba
Nakahilig na panitik

Panghalip na kaukulan

Palagyo

Ito ay kapag ginagamit ang panghalip bilang simuno.

Halimbawa: Panauhan Una Ikalawa Ikatlo


Ako ang magluluto. Unang Panauhan ako kata kami
Ikaw ang Ikalawang Panauhan ka ikaw kayo
magluluto.
Siya ang magluluto. Ikatlong Panauhan siya sila
Paari
-Ito ay nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay.
akin, ko, amin, atin,
Unang naming, natin
Panauhan
Ikalawang mo, iyo, ninyo, inyo
Panauhan
Ikatlong niya, kaniya, nila,
Panauhan kanila

Halimbawa:
(Pauna) Ang inyong damit ay nalabhan na.
(Pahuli) Ang damit mo ay nalabhan na.

Palayon
Ito ay ginagamit bilang layon ng pang-ukol at sumusunod sa pandiwang nasa
tinig ng balintiyak.
Halimbawa:
Si Jenny ay nakasakay ko.
Pinakain nila ang mga tuta.
Mga Gamit ng Panghalip

Simuno o Paksa ng pangungusap

Halimbawa:
Ikaw ay magaling.
Ang mga damit na ito ay para sa iyo.
Panaguri ng Pangungusap

Halimbawa:
Ang pera ay kanya.
Ang bola ay kanila.
Panuring Pangngalan

Halimbawa:
Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda.

Ginagamit bilang Pantawag


Halimbawa:
Ikaw, umalis ka na.
Kayo, hindi ba kayo
sasama?
Bilang Kaganapang Pansimuno
Halimbawa:

Tayo ay kakain na.


Iyan ang gagawin mo.
Bilang Layon ng Pang-ukol
Halimbawa:

Nagluluto si Diane para sa inyo.


Para sa kanila ito.

Tagaganap ng Pandiwa sa Balintiyak na Ayos


Halimbawa:
Inabutan niya sila ng pagkain.
Ang Pandiwa ay ang salitang nagpapahiwatig ng kilos, gawa o
kalagayan. Ito ay tinatawag na Verb sa wikang Ingles.

Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan

Katawanin

Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.


Halimbawa:
Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay.
Palipat

Ito ay may simuno at tuwirang layon.


Halimbawa:
Naglinis ng kwarto si Delia.
Mga Aspekto ng Pandiwa

Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo
Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.

Halimbawa:
Nagdeposito ng pera sa bangko si Jean b. Albutra

Pangkasalukuyan/Imperpektibo
Ito ay ang pagkilos ay nasimulan na pero hindi pa tapos.
Halimbawa:
Natutunaw ang yelo sa baso.
Panghinaharap/Gaganapin o kontemplatibo
Ito ay ang kilos ay mangyayari pa lamang.
Halimbawa:
Kakain si Nicco Pintac sa carinderia.
Tinig ng Pandiwa

Tahasan

Ito ay ginaganap ng simuno ang isinasaad na pandiwa.


Halimbawa:
Si Andres Bonifacio ang nagtatag ng Katipunan noong 1892.
Balintiyak

Ito ay hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.


Halimbawa:
Ang pagtatatag ng kalipunan ay pinasimulan ni Andres Bonifacio.
Kailanan ng Pandiwa

Isahan

Ito ay kapag ang pandiwa ay nasa payak na anyo.

Halimbawa:
Ang aso ay nagbabantay ng bahay tuwing gabi.

Maramihan
Ito ay marami ang simuno at kilos na isinasaad.
Halimbawa:
Ang mga aso ay nagsisipagbantay ng bahay tuwing gabi.
Panlaping Banghayin

Ito ay ang panlaping nagbabanghay sa sarili samantalang hindi


nagbabago ang salitang-ugat.
isa, maki, magka, maging, magsa, suma

Nyutral Naganap Nagaganap Magaganap

magbigay nagbigay nagbibigay magbibigay

magsagawa nagsagawa nagsasagawa magsasagawa


Panlaping Makabanghay

Ito ay kapwa nababanghay ang panlapi at salitang-ugat na nilalapian.

Um Ma i, in, o hin Ka-an Ma-an

mag Maka An o han mang Ma-in

Pa-an Pag-an Pag-in

Nyutral Naganap Nagaganap Magaganap


lumilipad lumipad lumilipad lilipad
tumatakbo tumakbo tumatakbo tatakbo
Mga Uri ng Pandiwang Di-Karaniwan

Maykaltas
Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa salita.
Kunin (kuhanin), damhin (damahin), bathin (bati-hin)

Maylipat
Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.
Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)

Maypalit
Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.
Hagkan (halikan), datnan (datingan), tawanan (tawahan)

Maypungos
Ito ay kapag may nabawas na titik sa unahan ng salita.
magpasabi (pasabi)
Pagkakaisa ng Simuno at Pandiwa
Ang simunong nasa kailanang isahan ay nangangailangan ng pandiwang
isahan din.
Halimbawa:
Si Tonio ay naglalakbay sa kahabaan ng Edsa.
Ang simunong nasa kailanang maramihan ay humihingi ng pandiwang
maramihan din.
Halimbawa:
Si Tonio at Juan ay nagsipagtapos sa kolehiyo.

Pokus ng Pandiwa
Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa simuno.
Aktor-pokus-nagtuturo na ang tagaganap o aktor ang siyang simuno ng
pangungusap. ang mga panlaping ito ay nasa aktor-pokus- um-, mag-, ma-,
mang-, maka-, makapag-, maki-, at magpa-.
Halimbawa:
Nagsayaw ng limbo rock ang mga kalahok sa paligsahan sa programang Eat
Bulaga.
Layon
Ang paksa ng pangungusap ay ang layon.
Halimbawa:
Ang basura ay ipinatapon niya sa basurahan.

Ganapan
Ang lugar o pook ang ganapan ng kilos.
Halimbawa:
Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng gulay.

Tagatanggap
Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos.
Halimbawa:
Ipagsasalok mo ng suka ang bisita para inumin nila..

Gamit
Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos.
Halimbawa:
Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.
Sanhi

Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.


Halimbawa:
Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.

Direksyon

Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.


Halimbawa:
Ang Chocolate Hills ay pinuntahan nila.
Kaganapan ng Pandiwa
Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa panag-uri.

Kaganapang Tagaganap
Ito ay ang bahagi ng panaguri ang gumaganap ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Ang unang anibersaryo ng kanilang kasal ay ipinagdiwang ng mag-asawang Leny
at Ariel.

Kaganapan sa Layon
Ito ay kung ano ang bagay na tinutukoy ng pandiwa.
Halimbawa:
Sumasayaw ng tinikling ang mga naga nayon.

Kaganapang Tagatanggap

Ito ay kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa.


Halimbawa:
Nagluto si Nida ng Spaghetti para sa kanyang mga anak.
Kaganapang Ganapan
Ito ay nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Nag-aararo sa bukid ang ama ni Ryna Angelica
Kaganapang Kagamitan
Ito ay kung anong bagay o instrumento ang ginagamit upang
magawa ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Ang lamesa ay pinunasan ni Jonathan ng basahang tuyo .
Kaganapang Direksyon
Ito ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa,
Halimbawa:
Ang mga panauhin naming balikbayan ay ipinasyal namin sa Luneta
.
Mga Gamit ng Pangngalang Pandiwa
Ang pangngalang-pandiwa ay binubuo ng panlaping pag- at salitang
ugat.
pag + sukat = pagsukat
pag + tulong = pagtulong
Bilang Simuno ng Pangungusap

Halimbawa:
Ang pagtulong sa kapwa ay pinagpapala.

Tuwirang Layon sa Pandiwa

Halimbawa:
Si Bitoy ay mahilig sa paglalaro.
Bilang Kaganapang Pansimuno

Halimbawa:
Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.
Bilang Di-tuwirang Layon

Halimbawa:
Si Andrew ay magtatayo ng paaralan ukol sa pagtuturo ng Ingles.
Ang Pang-uri ay ang salitang naglalarawan sa pangngalan at
panghalip. Ito ay tinatawag na Adjective sa wikang Ingles.

Uri ng Pang-uri

Panlarawan

Ito ay naglalarawan ng katangian ukol sa laki, kulay, hugis o


kalagayan ng pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
•malapalasyong bahay
•pulang mansanas
•bilugang mukha
•matayog na pangarap
•matuling kabayo
•mainit na panahon
Pamilang
Ito ay nagsasaad ng bilang ng pangngalan o panghalip.
Patakaran o Kardinal
Ito ay gamit sa bilang o dami
Halimbawa:
lima, anim, sandaan, sanlibo
Panunuran
Ito ay isang mais na kinain ni john lloyd.
Halimbawa:
una, ikalima/ika-5, pangalawa, ikasiyam/ika-9
Pamahagi
Ito ay pamilang na bahagi ng isang buo o mahigit sa isang buo.
Halimbawa:
kalahati (½)
bahagdan (1/100)
kaapat (¼)
Pamilang
Ito ay iniuukol sa dalawa o higit pang tao o bagay.
Halimbawa:
tig-apat na piso
tig-aanim na mansanas
Kailanan ng Pang-uri
Isahan
Ito ay ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan.
Halimbawa:
Kaibigan ko siya.

Dalawahan
Ito ay ginagamit kung dalawa ang inilalarawan.
Halimbawa:
Magkasimpangit ang magkaibigan.

Maramihan
Ito ay ginagamit sa tatlo o higit pa.
Halimbawa:
Magkakaibigan silang tatlo.
Magkakasimbilis sila sa pagtakbo.
Kaanyuan ng Pang-uri
Payak
Ito ay kapag ang anyo ng pang-uri ay salitang ugat.
Halimbawa:
•basang trapo
•sariwang gatas
•puting sapin

Maylapi
Ito ay pang-uring likas na may panlaping ma, maka at iba pa.
Halimbawa:
•masikip na daan
•makataong asal

Inuulit
Ito ay ang pang-uri ay inuulit bilang pagbigay diin.
Halimbawa:
•libu-libong salapi
•sabi-sabi ng mga tao
Tambalan

Ito ay binubuo ng dalawang salita.

Halimbawa:
•balat-sibuyas
•kapit-tuko
•tulog-mantika
Kaantasan ng Pang-uri

Lantay
Ito ay kung tinutukoy ang katangiang sarili ng pangngalan o panghalip na tinuturingan.
Halimbawa:
•mayamang lahi
•masipag na ama
Pahambing

Ito ay para sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay o pangyayari.

Magkatulad

Ito ay kung nagtataglay ng magkatulad na katangian, kagamitan ng


panlaping: sing, kasing at magkasing
Halimbawa:
•kasingpalad
•singganda
•magkasinggaling
Kung ang pang-uring uulapian ay nagsisiumula sa d, l, o, r, s, t ay
alisin ang titik g sa palaping: sing, kasing, masing at magkasing.
Halimbawa:
Ang lupa nila Ding ay kasinlaki ng kina Dang.

Kung ang pang-uring uunlapian ay nagsisimula sa b, p, alisin ang titik


n sa panlapi palitan ng m.
Di-magkatulad
Ito ay kung hindi magkapantay sa katangian, gumamit sa salitang di-
gaano, higit o lalo bago ang pang-uri at sinusundan ng: tulad, gaya
o kaysa.
Pasukdol
Ito ay ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa
karamihan o sa laha t. Gamitin ang sumusunod na paraan:
Pag-uulit ng pang-uri na inuugnay ng, na at nang.

Halimbawa:
•pabait nang pabait
•mababaw na mababaw
•pamura nang pamura
•Paggamit ng panlaping nag, napaka, pinaka, an at han.
Ang Pang-abay ay ang salitang naglalarawan o tumuturing
sa pandiwa, panguri, o isa pang pang-abay. Ito ay tinatawag na Adverb
sa wikang Ingles.

Uri ng Pang-abay
Pang-abay na Kataga o Ingklitik
Ito ay nagsasad sa unang salita ng kayariang kinabibilangan (kasi sana
pa na tuloy pala)
Halimbawa:
Nagluluto pa sila hanggang ngayon.
Nasarapan sa luto tuloy si Ging2x.

Pang-abay na Salita o Parirala


Pamaraan
Ito ay nagsasaad ng kilos na sumasagot sa tanong na paano.
Halimbawa:
Madali niyang naluto ang pansit.
tahimik siyang nauupo
Panggaano
Ito ay nagsasaad sa dami o sukat na isinasaad ng pandiwa at sumasagot sa
tanong na: gaano?
malimit marami kaunti sapat kapos
madalang bahagya kainaman lamang kulang

Halimbawa:
Madalang niyang ginagamit ang kotse.
Malimit kaming manood ng sine.

Pang-agam
Ito ay kapag nagbabadya ng pag-aalinlangan.
Halimbawa:
Siguro hindi makakarating si Eron.
Marahil ay may pasok ngayon.
Pamanahon

Ito ay nagsasaad ng panahon o oras at sumasagot sa tanong na: kailan?


agad kagabi pa
maaga matagal na
Halimbawa:
Naglaro sina Ging2x at Cesar kagabi.
Matagal silang natapos sa paglaro ng chess.

Pananggi

Ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagsalungat.


huwag ayaw aywan
hindi 'di
Halimbawa:
Huwag kang aalis ngayon.
Hindi kaaya-aya ang palabas.
Panang-ayon
Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon.
opo talaga tunay walang-duda

Halimbawa:
Ang sunog ay talaga namang nakakatakot.
Walang-duda na maganda siya.

Panlunan
ang panlunan ay nagsasaad ng pagkaganap. Sumasagot sa tanong na SAAN?

Pananong
Ito ay nagtatanong ukol sa panahon, lunan at kailanan ng pandiwa, pang-uri o
kapwa pang-abay.

Halimbawa:
Saan tayo magtatagpo?
Kailan tayo aalis?
Kundisyunal
Ito ay nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Maraming turista ang pupunta rito kapag nawala na ang mga terorista.

Pang-abay na Kusatibo
Ito ay nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Nasagasaan ang dalawang matanda dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng driber.

Hambingan ng Pang-abay
Ang mga antas ng paghahambing ng pang-abay at pang-uri ay magkatulad.

Lantay
Ito ay payak o karaniwan ang anyo ng pang-abay.
Halimbawa:
Si Jiann Jaramilo ay mahusay magluto ng adobo.
Pahambing
Ito ay gumagamit ng salitang lalo o higit bago ang pang-abay at sinusundan
pagkatapos ng kaysa.
Halimbawa:
Si Carlo ay higit na mahusay magluto ng adobo kaysa kay Gina.

Pasukdol
Ito ay gumagamit ng panlaping pinaka sa lantay na antas ng pang-abay.
Halimbawa:
Si Lara ang pinakamahusay magluto ng adobo sa magkakapatid.
Mga Gamit ng Pang-abay
Pariralang pang-abay
Halimbawa:
Nag-eensayo siya nang mabuti
Ayoko nang kumain.

Pariralang pang-abay na kaganapang pansimuno


Halimbawa:
Ang aming guro ay mahusay magturo.

Sugnay na pang-abay
Halimbawa:
Nakita ni Kate ang aso nang lumabas siya ng bakuran.
Wastong Gamit ng "NG"
Nagpapapahiwatig ng pagmamay-ari o kaukulang paari.
Halimbawa:
ina ng bata
takip ng bote
Ginagamit bilang pantukoy.
Wastong Gamit ng "NANG“
Katumbas ng "noong"

Halimbawa:
Nang ako'y bumalik, siya'y nakaalis na.
Natuwa ang nanay nang malamang iskolar ang anak niya.
Ginagamit bilang pang-ugnay sa pandiwa at pang-abay.
Halimbawa:
Nagsalita nang matatas ang bata.
Ginagamit sa pagitan ng dalawang salitang inuulit.
tulog nang tulog Halimbawa:
tawa ng tawa
Sayonara”

You might also like