You are on page 1of 2

TITSER

ni Liwayway Arceo

I. Simula
Mga Tauhan:

Amelita - Ang pangunahing tauhan ng nobela na nagpamalas ng kakaibang


katapangan sa pagpapahayag ng ibang desisyon sa kabila ng ibang plano na
nais ng ina para sa kanya.

Aling Rosa - Ang tuso at mapang aping ina ni Amelita.

Mauro - Katulad ring titser ni Amelita at hindi nagtagal sila ay nagging mag-asawa.
Siya ang inspirasyon ni Amelita noong naging guro niya ito upang pasukin
ang mundo ng pagtuturo. Si Mauro ay isang mabait na asawa at matulungin
sa kapwa. Mas priyoridad niya ang pamilya kaysa ibang bagay.

Osmundo- Isang mayamang binata na umiibig kay Amelita.

Mang Ambo – Maunawain na ama ni Amelita na mas nakakaintindi kaysa sa


kanyang ina.

Aling Idad – Ang ina ni Mauro na bukas loob na tinaggap si Amelita at itinuring para
na ring isang anak

Rosalida (Lida) – Ang matalino at mapagmahal na anak nina Mauro at Amelita.


Pinagmulan ng pangalan niya ang kanyang dalawang lola na sina Ida at
Rosa habang ang “L” naman ay hinuha kay Amelita.

Felisa, Norberto at Jose – Kapatid ni Amelita na ayon kay Aling Rosa sila daw ay
“may sinasabi”. Si Felisa ay isang OB-Gyne; Si Jose ay isang inhinyero
habang si Norberto naman ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Letty – Siya ang batang pinalaki sa layaw ng magulang at paboritong apo ni Aling
Rosa. Kung ikukumpara kay Lida, maituturing higit na nakakaangat si Letty
sa materyal na bagay subalit taglay naman ni Lida ang pinakamahalagang
bagay na nagbubuklod sa kanyang pamilya.

Mister Batac – Isang punong guro na ang maybahay ay kamag-anak ni Osmundo.

Enteng – Dating nakulong sa bilibid na tinulungan ni Osmundo na makaalis.


Inutusan siya ni Osmundo na patayin si Mauro subalit hindi niya ginawa
dahil utang niya sa kabaitan ni Mauro ang pagpapaaral sa anak.
Suliranin:

Tutol ang ina ni Amelita na si Aling Rosa sa pag kuha ni Amelita ng kursong
edukasyon at ayaw rin ni Aling Rosa kay Mauro dahil si Mauro ay isa lang daw na
tagapagturo sa paaralan na kakaramput lang isinisweldo at nais rin ipakasal ni Aling Rosa
ang kanyang anak na si Amelita kay Osmundo.

II. Gitna

Saglit na kasiglahan:

You might also like