P. 1
aklat

aklat

|Views: 21,006|Likes:
Published by iobib
cool
cool

More info:

Published by: iobib on Oct 11, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/16/2013

pdf

text

original

PANIMULANG LINGGWISTIKA

BSEd FILIPINO II 2009

PASASALAMAT Buong-puso naming pasasalamat kay Bb.Elsie V. Tillor, ang napakaaktibo naming guro sa Filipino Major 2 – Panimulang Linggwistika, sa kanyang paghikayat na isakatuparan ang aklat na ito. At gayundin sa aming mga magulang, kaibigan at sa Poong Maykapal na siyang nagbibigay lakas at inspirasyon na nakatulong nang sa pagkakabuo ng aklat na ito.

PANIMULA Isang pagmamalaki naming mga may-akda ang makatugon sa utos ng aming guro na si Bb. Elsie V. Tillor tungkol sa aming asignaturang Filipino Major 2 – Panimulang Linggwistika . Layunin naming makabahagi sa kinakailangan ng aming mga kapwa mag-aaral sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sinikap naming maipaloob sa aklat na ito ang iba’t ibang paksang panglinggwistika. Naniniwala kami sa pamamagitan ng pagsasanib ng makabagong balarila, ang kakayahang (1) bumasa, (2) umunawa, (3) magsalita at (4) sumulat ng mga mag-aaral ay madaling malilinang. Sinadya naming huwag maging saklaw ang pagtatalakay sa ilang paksa upang sa gayo’y maging daan naman ito ng mga mag-aaral na maatasan ang kanilang mga sarili ng wastong pananaliksik. Isa ring paghamon sa mga mag-aaral na gawing mabisa ang pagtatalakay sa mga paksang naririto upang maging kawili-wili at kapaki-pakinabang ang lahat ng nilalaman ng aklat na ito. BSEd – FILIPINO II 2009-2010

PAGTUTUKOY NG KAHULUGAN Denotasyon Ang tawag sa kahulugang galing sa diksyunaryo. Tinatawag din na aktwal na kahulugan. Halimbawa: Ibili mo nga ako ng balimbing sa palengke. Ang salitang balimbing sa pangungusap na ito ay nangangahulugang prutas. Konotasyon Ang tawag sa kahulugang iba sa kahulugang mababasa sa diksyunaryo. Kadalasan, ito ay nagbibigay ng matalinghagang kahulugan. Halimbawa: Huwag mong iboto ang ang pulitikong balimbing. Ang salitang balimbing ay sa pangungusap na ito ay nangangahulugang palipat-lipat o paiba-iba ang kinakampihan. Ang konotasyon ay maari ring tawaging:  Pahayag na Idyomatiko Pahayag na hindi literal ang kahulugan ng mga salita o di-tuwiran ang kahulugan. Halimbawa: magbanat ng buto (nagtatrabaho nang mabuti) hindi masikmura (hindi matanggap)  Patayutay na Pananalita Pahayag na sadyang lumilihis sa karaniwang paraan ng pagpapahayag nang ang pahayag ay magawang maganda at kaakit-akit. Halimbawa: kinakalawang na ang utak (mahina ang kakayahan) kamay na bakal (malupit na pakikitungo)  Eupemistikong Pananalita Pananalitang ipinapalit sa mga salitang maaaring makasakit ng damdamin. Halimbawa: binawian ng buhay (namatay) balat sibuyas (maramdamin)

 Makulay/Masining na Pananalita Pananalitang karaniwang ginagamit ng mga makata na may kakaiba ngunit maganda ang paglalarawan. Halimbawa: mala-makopang pisngi (kulay rosas ang pisngi) Ekstensyon Ito ay Tumutukoy sa lahat ng paksa maging isahan man o maramihan na nagtataglay ng mga katangiang isinasaad ng pangkalahatang kaisipan. Halimbawa:

PILIPINO

TSINO

ASYANO

MALAY

INDONESYO

MUSIKERO

RETRATISTA

ARTISTA

ISKULTOR

MANUNULAT

Ang salitang Asyano ay may mga ekstensyong “Pilipino”, “Tsino”, “Malay” at “Indonesyo”. Ang salitang artista ay may mga ekstensyong “musikero”, “retratista”, “manunulat” at “iskultor”.

Intensyon Pagpapakahulugan ng isipan ayon sa katotohanan.  Unang Intensyon Kaisipang inilalahad ang kalikasan o uri ng isang bagay sa kung ano ang malimit na makikita sa pisikal na katotohanan. Halimbawa: Ang mga penggwin ay hindi lumilipad. Ang leon ay isang mabangis na hayop.  Ikalawang Intensyon Kaisipang inilalahad ang ibang paraan ng pagpapakahulugan kung saan nauunawan ng isipan ang uri o kalikasan ng isang bagay ayon sa lohikal na katotohanan. Halimbawa: Ang puso ay punla ng pag-ibig. Ang ina ay ilaw ng tahanan. Komponensyal Analisis Tumutukoy sa paglalarawan ng kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng nabuong set ng sematikang katangian. Ipinapakita rito ang pagiging “meron”, “wala” at “kaibahan” ng katangian ng isang bagay. Tinatawag din itong feature analysis o contrast analysis. Halimbawa: tao (man) babae (woman) batang lalaki (boy) batang babae (girl) bata (child) = [ + lalaki ], [ + nasa hustong gulang na ] = [ - lalaki ], [+ nasa hustong gulang na ] = [ + lalaki ], [ - nasa hustong gulang na ] = [ - lalaki ], [- nasa hustong gulang na ] = [+/- lalaki], [- nasa hustong gulang na ]

Sa madaling sabi, ang salitang babae (girl) ay maaaring magkaroon ng tatlong semantikang katangian; tao (human), bata (young) at babae (female).

MGA PANDIWANG DI-KARANIWAN Pandiwang di-karaniwan ang tawag sa mga pandiwang nagkakaroon ng mga pagbabagong morpoponimeko o ito yong mga pandiwang hindi sumusunod sa pangkaraniwang tuntunin ng palapantigan at paglalapi. Paalala: Pagbabagong morpoponimeko ay tumutukoy sa pagbabago ng morpema na taglay ng kanyang kapaligiran, anumang pagbabagong mapapansin natin sa isang morpema ay bunga ng impluwensya ng kapaligiran. Anumang maliit na salitang ikakabit nito ay nakaimpluwensiya sa pagbabagong anyo ng morpema.

Pitong uri 1.) Maypalit – ito ay ang pagkakaroon ng pagpapalit ng titik sa loob ng pandiwa, ngunit hindi lang pagpapalit ang nagaganap dito, mayroon ring isa higit pang titik na nakakaltas. Halimbawa: Ang mga sumusunod na ponema ay nagpapalitan na di nagbabago ang kahulugan gaya ng: Salitang – ugat + panlapi Lakad + in = lakadin Sunod + in = Sunudin Tawa + han = tawahan Halili + han = halilihan Kuha + in = kukunin Di-karaniwang anyo ng pawatas lakarin sunurin tawanan halinhan kunin o

2.) Maykaltas ( Sunscope ) – ito ay nangangahulugangang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita . Ito ay magaganap kung ang huling ponemang patinig ng salitang – ugat na hinuhulapian ay nawawala.

 Narito ang ilang hal.ng mga pandiwang di – karaniwan na ma- pagkakaltas ng ponema o mga ponema Salitang – ugat + Panlapi Hali + an = halikan Bili + han = bilihan Palit + an = palitan Sara + han = sarahan Takip + an = takipan Buhos + an = buhusan Dumi + han = dumihan Di – karaniwang anyo ng pawatas halkan bilhan paltan sarhan takpan busan dumhan

3.) Maylipat (Metathesis) Ito ay paglilipat ng titk sa loob ng isang salita. Tinatawag din itong paglilipat. Makikita ito sa paglilipatan ng posisyon ng ponema. Ang mga salitang ugat na nagsisimula sa / I / at / y / na ginigitlapian ng / in / ay magkakaroon ng paglilipat ng posiston ng / n / at ng / I / at / y /. At mayroon din titik na nawawala. Halimbawa: Salitang – ugat + Panlapi Tanim + an = taniman Talab + an = talaban Silid + an = sidlan Atip + an = atipan Lagay + in = linagay ( l ) + in+ agay Yari + in -y + in + ari = yinari Yaya + in = yinaya Lipad + in = linipad Di – karaniwang anyo ng pawatas tamnan tablan sidlan aptan nilagay niyari niyaya nilipad

4.) Maypungos ( Apostrope ) – May nawawalang titik o pantig sa unahan na berb. Halimbawa: Magpadala Pakahigpitan Magpahanap Padala Higpitan Pahanap

5.) Maytulad ( Paragoge ) – May nawawalang titik sa hulihan ng pandiwa / berb.

Halimbawa: Halkan Takpan Buksan _

Halki Takpi buksi

6.) May paningit ( epenthesis ) – Mga pandiwa / berb na nagkakaroon ng paningit na titik na salita. Halimbawa: Kilalahin --Abalahin --Pagkakaisahan --Kilalahin Abalahin Pagkakaisahan

7.) May-angkop ( hypology ) – makikita ditto ang pag-iisa ng dalawang magkasunod na berb at nagkakaroon ng kaltas o palit sa anumang berb. Halimbawa: Tayo na – kana Hintay ka – teka Hayaan mo – namo Paalala: Sa talaan ng mga halimbawa na ibinigay sa itaas ay mapapansing nagaganap lamang sa mga pandiwang di Karaniwan ang mga pagbabagong morpoponemiko kung ito ay ginagamitan ng panlaping – an / - han Maging ito man ay nag – iisa o may kasamahang iba pang panlapi…

MORPOSINTAKS Ang pagpili ng wasto at angkop na salitang gagamitin sa isang pahayag na hindi lumilihis sa tunay na nakis ipahayag ng pangungusap. Ito ay ang paglakip ng tumpak na salita upang mas maging kaaya-aya at kaakit-akit pakinggan ang isang pahayag. Halimbawa: mataas-matangos Di-wasto: Mataas ang ilong ng pinsang kong Amerikano. Wasto: Matangos ang ilong ng pinsan kong Amerikano. mainit-maalinsangan Di-wasto: Ang silid nina Karen at Judy ay mainit. Wasto: Ang silid nina Karen at Judy ay maalinsangan. mataas-matangkad Di-wasto: Higit na mataas si Raul kaysa kay Robert. Wasto: Higit na matangkad si Raul kaysa kay Robert. matingkad-maliwaang Di-wasto: Lubhang matingkad ang mga ebidensiya ng abogado. Wasto: Lubhang maliwanag ang mga ebidensiya ng abogado. matalas-matalim Di-wasto: Ang batang si Lito ay matalim kung mag-isip. Wasto: Ang batang si Lito ay matalas kung mag-isip.

MGA PANURING PANG-URI Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing sa pangngalan at panghalip. Ipinakikita ang katangian o bilang ng isang bagay, tao, lunan o pangyayari. URI NG PANG-URI *Panlarawan Ito ang mga likas na pang-uri na iniuugnay sa mga pangngalan na nagpapahayag ng katangiang taglay ng salitang binibigyang turing. Halimbawa: 1. Malungkot si Adel sa nangyari sa kapatid. 2. Si Juan ay mapagsamantala at abusado. 3. Masayang-masaya si Inday nang dumating ang matandang si Allen. *Pamilang Ito ay nagpapahayag ng bilang o halaga, tiyak man o hindi ng mga pangngalan at panghalip Halimbawa: Tiyak 1. Tatlong baroto ang dala ni Matet. 2. Dalawang libo ang kinita nina Adel. Di-Tiyak 1. Pulutong ng mga kadete ang sumalubong. 2. Buwig ng saging ang pasalubong niya. URI NG PAMILANG *Pamilang Na Patakaran O Pamilang Na Kardinal Ito ang likas at basal na mga bilang na pinagbabatayan ng tawag ng iba’t ibang uri ng pagbibilang. Halimbawa: isa Labingwalo Dalawampu Tatlumpu’t isa apatnapu dalawang daan isang angaw pitong daan

*Pamilang Na Panunuran O Pamilang Na Ordinal Ito’y ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao, bagay atbp. May panlapi itong ika-, o pang- atbp. Halimbawa: Ikalima Ikasiyam Ikalabing-isa Ikaisang daan at isa panglima pansiyam panlabing-isa pang-isang daan at isa

KAILANAN NG PANG-URI *Isahan Ito ay ginagamit kung iisa lamang ang inilalarawan. Ang anyong isahan ay naipapakita sa paggamit ng panlaping pang-isa, tulad ng ma-, ka-, pang-,atbp, ng walang pag-uulit ng salitang-ugat o walang panandang mga, o iba pang salitang nagsasaad ng bilang na higit sa isa. Halimbawa: 1. Maligayang pamilya ang pamilyang malusog. 2. Kapalagayang-loob ko siya. *Dalawahan Ito ay ginagamit kung dalawa ang inilalarawan. Ginagamit ang mga panlaping magka-, magsing-, magkasing-, o sa paggamit ng pamilang na dalawa o ng salitang kapwa. Halimbawa: 1. Magkamukha ang magkapatid na Mike at Choy. 2. Kapwa dalubhasang mangingisda ang mga binatang iyon. *Maramihan Ito ay ginagamit kung higit sa dalawa ang inilalarawan. Ginagamit ang pantukoy na mga, sa pag-uulit ng pantig na -na- at –ka- sa mga panlaping magka- at magkasing-, o sa paggamit ng sallitang nagsasaad ng bilang na higit sa dalawa. Halimbawa: 1. Mga mapagkakatiwalaang kawaksi sa bahay ang mga iyan. 2. Magkakasimbilis ang mga kabayo na alaga niya.

KAYARIAN NG PANG-URI *Payak - ang pang-uri kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi. Halimbawa: 1. Mataba ang alaga naming baboy. 2. Ang bahay namin ay malapit sa punong Akasya. *Maylapi - ang pang-uri kung binubuo ng salitang –ugat na may panlapi. Panlaping makauri ang tawag sa mga panlaping ginagamit sa pagbubuo ng pang-uri. Pinakagamitin ang mga panlaping ka-, kay-, ma-, maka-, at mala-. Halimbawa: 1. Dahil sa pag-ibig niya sa kalikasan, masasabi kong siya ay makakalikasan. 2. Ang tiyan ng matanda ay malalobo sa laki. *Inuulit - salitang-ugat o salitang maylapi na may pag-uulit. Maaaring ganap o di-ganap ang pag-uulit. Halimbawa: Pag-uulit na Ganap Ang puti-puti ng damit ni Tolits. Pag-uulit na Di-Ganap Maliliit ang alaga kong pusa.

*Tambalan - ang pang-uri kung binubuo ng dalawang salitang pinag-isa. Ang mga ganitong uri ay maaaring may kahulugang karaniwan o patalinghaga. Halimbawa: Karaniwang kahulugan Biglang-yaman ang pamilya ko nang manalo si nanay sa lotto. Patalinghagang kahulugan Balat-sibuyas ang nakababata kong kapatid.

pang-

KAANTASAN NG PANG-URI *Lantay* - ito’y tuwirang nagbibiga-turing sa pangngalan o panghalip na inaabayan, at wala ng iba. Walang paghahambing na nangyari. Halimbawa: Maligayang lahat ang mga busero at mangangabog. *Pahambing -kung ang pang-uri ay nagtutulad sa dalawang tao o bagay, ang paghahambing ay maaaring magkatulad o di-magkatulad. A. Magkatulad – patas at walang lamangan; ginagamit ang magsing-, kasing, atbp. at mga salitang tulad, kawangis atbp. Halimbawa: Kasingganda ng birhen si Nora. B. Di-Magkatulad – maaaring palamang o pasahol. B.1. Palamang – nakahihigit ng katangian sa pinagtutularan. Halimbawa: Higit na marunong si Linda kaysa kay Nene. B.2. Pasahol – sahol o kulang o may kaliitan at kababaan sa pinagtutularan. Halimbawa: Di-lubhang mataas ang marka ko na gaya ng marka mo. *Pasukdol - nagpapahayag ng kataasang uri o katangiang namumukod sa lahat. Ginagamit ang panlaping napaka-, at pinaka-, pag-uulit ng salita at mga katagang ubod ng, labis, hari ng, at sukdulan ng. Halimbawa: Ubod ng yabang ang taong iyan.

PANDIWA (VERB) • • • Bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ang nagbibigay diwa sa isang pangungusap. Ito’y binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa tulad ng mga, um ,in, hin, an, han, mak, maki, ma, magsi, at iba pa.

Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan 1. PANDIWANG PALIPAT(transitive verb) Ang mga parirala ay nasa tuwirang layon at pinangungunahan ng pang-ukol na ng, sa at kay. Kapag ang pandiwa ay may tuwirang layon, ito ay pandiwang palipat Palipat Ang pandiwa kapag ito ay may tuwirang layon na tumatanggap ng kilos. Ang layong itoy pinangungunahan ng, mga, sa, sa mga, kay, at kinang. Ito ay may simuno at tuwirang layon. Mga halimbawa: 1. Bumili ng baging telebisyon ang nanay sa Makati. 2. Ang tubero ay nag-aayos ng tubo sa aming bahay. 3. Nakinig kay Elvis Presley ang mga bata bago sila sumayaw. 4. Naglinis ng kwarto si Delia. 2. PANDIWANG KATAWANIN (intransitive verb) Kung ang pandiwa’y hindi na kailangan ng tuwirang layon at nagtataglay ng kahulugang buo sa ganang sarili kaya’t hindi na kailangan ang tagatanggap ng kilos, ito ay tintawag na pandiwang katawanin. Katawanin Ang mga pandiwa kapag walang tuwirang layong tumatanggap ng kilos.ang pandiwa ay nakatatayong mag- isa. Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap Mga halimbawa: 1. Pareho silang naghahanap. 2. Nag-ipon sin sila. 3. Gumagawa sina Mang Ben at Mang Lino. 4.Ang masipag at determinado ay nagtatagumpay

ASPEKTO NG PANDIWA Perpektibo Nasimulan na at natapos na ang kilos. Halimbawa: Nagsaliksik ako tungkol sa AIDS. Imperpektibo Nasimulan na subalit hindi pa tapos ang kilos. Halimbawa: Nagsasaliksik ako tungkol sa AIDS. Kontemplatibo Hindi pa nasisimulan ang kilos . Halimbawa: Magsasaliksik ako tungkol sa AIDS.

MGA PANG- ANGKOP   Ay mga katagang nag-uuganay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ang katuturang pangkayarian nito.

Ang dalawang pang-angkop sa Filipino : 1. ang + na   2. ang – ng   nag simbolong (–) sa – ng ay nangangahulugang ang pang-angkop ay ikinakabit sa salitang inaangkupan. Ginagamit ito kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa tunog na patinig o sa ponemang /n/. ang simbolong (+) sa + na ay nangangahulugang ang pang-angkop na ay hindi ikinakabit sa salitang inaangkupan. na

Ginagamit ito kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa ponemang katinig maliban sa /n/.

Halimbawa: 1. 2. 3. May mga bagong alkaldeng hinirang ang Pangulo ng Bansa. Para sa matatag na ekonomiya ng bansa, kailangang maging higit na malaki ang produksyon ng pagkain. Dapat na magtanim pa ng mga halamang namumunga.

Mapapansing sa mga salitang kail;angang at halamang ay amy pagbabagong morpoponemikong naganap. Ang huling ponema, /n/, ng mga salitang ito ay naasimilang pangangkop na –ng.

TEMATIK NA TUNTUNIN (PAMPAKAY PAPEL) Ito ay semantikong relasyon sa pagitan ng isang tambalan at ng isang argumento ng isang pangungusap. Mga uri ng Tematik na Tuntunin:

1. AGENTS Isang kalahok na kung saan ang kahulagan ng pandiwa ay tumutukoy bilang paggawa o nagiging sanhi ng isang bagay. Halimbawa: Kinain ni Shira ang sorbetes. Sumulat si Lito ng liham para kay Lloyd.

2. EXPERIENCER Isang kalahok na nagbibigay kamalayan ng isang bagay. Halimbawa: Maraming tao ang takot sa ahas. Masaya si Rochie sa pagdating ni Kyle. 3. TEMA Isang kalahok na nagbibigay ng pagbabago sa kanyang posisyon o kondisyon, o bilang ng isang istado o posisyon. Halimbawa: Gustong ipadala ni Cecile ang sobre sa simbahan. Ang susing ito ang gagamiting pambukas ng pinto sa bahay.

4. PASYENTE Isang kalahok na kung saan ang isang bagay ay nangyari na at bilang maapektuhan na kung ano ang mangyayari sa mga ito. Halimbawa: Nahulog ang naglalakihang bato kung kaya’t nasira ang karsada. Nagkaroon ng malakas na ulan datapwa’t sinuspende ang klase.

5. INSTRUMENT Isang kalahok na ginagamit upang isagawa ang aksyon. Halimbawa:. Tumugtog si ng Torete gamit ang kanyang gitara. Sumakay si Joanna ng dyipney papuntang paaralan.

6. MAGING SANHI NGMindlessly gumaganap ng aksyon. Halimbawa: Nasira ng Avalanche ang lumang templo. Namatay lahat ng Kamatis dahil sa pagsulpot ng epidemya. 7. LOKASYON Saan nangyari ang aksyon. Halimbawa: Si Lovereign at Jehreign ay nag-aaral sa Cebu Normal University. Si Rose ay nagpunta sa palengke. 8. LAYUNIN Kung ano ang itinuturo ng aksyon. Halimbawa: Ang caravan ay patuloy na nagtungo sa malalayong lugar. Laging nakatingin sa malayo si Jan.

9. PINAGMULAN Kung saan buhat ang aksyon. Halimbawa: Ang libro ay ibenenta ng Rex bookstore. Ang rocket ay inilunsad ng Central Command.

PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO = tawag sa anumang pagbabago ng morpema na taglay ng kanyang kapaligiran. Ang anumang maliit na sa salitang ikakabit nito ay nakaimpluwensiya sa pagbabagong anyo ng morpema. 1. ASIMILASYON Nagbabago ang panlaping pang kapag kinakabitan ng mga salitang-ugat na nagsisimula sa letrang d,l,r,s,t, at ito’y magiging pan. Sa kabilang dako naman, ito ay magiging pam kapag ang ikinakabit sa mga salitang-ugat ay nagsisimula sa p at b. mananatiling pang ang panlaping ito kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa mga letrang hindi nabanggit. Ang pagbabagong nangyari sa salita ay tinatawag na asimilasyon. a. Asimilasyong Parsyal Ito ay mapapansin sa sa pagbabagong naganap sa isang morpema sanhi ng posisyong pinal na sinusundan ng mga salitang nagsisimula sa bigkas na pailong. Ang /n/ ng /pang/ ay nagging /m/ o /n/ at mangyayari ay manatili /n/ ayon sa kasunod na tunog. /pang/ + takas = pantakas /pang/ + lagay = panlagay /pang/ + babae = pambabae Mapapansin sa mga halimbawa sa itaas ang asimilasyong nangyari ay di-ganap o asimilasyong parsyal. Minsan lamang ang pagbabagong naganap. b. Asimilasyong Ganap Taglay ang asimilasyong ganap kung ang unang ponemang inuunlapian ay naasimilang ganap ng tunog ng panlapi. Mapapamnsin ito sa panlaping /pam/ na inuunlapian sa ponemang /p/ tulad ng patay o pasigla. Ang tunog na /p/ sa patay ay naasimila ng ponemang /m/ ng /pam/ kaya; sa halip na bigkasing pampatay ay nagging pamatay. Ito ay nagpapakita ng asimilasyong ganap. Ang mga salitang pantakot at pansukat ay mga parsyal samakatuwid, dalawang beses ang pag-aasimila sa asimilasyong ganap. /pang/ + takot = pantakot = PANAKOT /pang/ + sukat = pansukat = PANUKAT Hindi lahat ng mga salitang nagsisimula sa /p,b.s.t/ ay nagkakaroon ng asimilasyong ganap. Ang mga salitang-ugat na inuunlapian ay mananatili ang anyo nito gaya ng: pampalakas = hindi pamalakas pambarko = hindi pamarko 2.PAGPAPALIT NG PONEMA Ang mga sumusunod na mga ponema ay nagpapalitan na hindi nagbabago ang kahulugan gaya ng: /o/ at /u/ Bago + bago = bagung-bago Damo + damo = damung-damo /e/ at /i/ Putahe + ng Pan + lalaki = putahing-putahe/ putahi = panlalake/ panlalaki /d/ at /r/ ma + dami ma + damot = marami = maramot

/h/ at /n/ tawa + han = tawanan talo + han = talunan

3. METATESIS Ito ay paglilipat ng titik sa loob ng isang salita. Tinatawag din itong paglilipat. Makikita ito sa pagpapalitan ng posisyon ng ponem. Ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ at /y/ ginigitlapian ng posiyon ng /in/ ay magkaroon ng paglilipat ng pusisyon ng /n/ at ng /l/ at /y/. Lagay + in >l + in + agay > linagay = NILAGAY Yari + in > y + in + ari > yinari = NIYARI Tanim + an > taniman = TAMNAN 4. PAGKAKALTAS NG PONEMA Ito ay nangangahulugang pagkawala ng isang ponema o morpema sa isang salita. Ito ay magaganap kung ang huling ponema o morpema sa isang salita. Ito ay magaganap kung ang huling patinig ng salitang-ugat na hinuhunlapian ay nawawala. Dakip + in > dakipin Takip + an > takipan = DAKPIN = TAKPAN

5. PAGLILIPAT-DIIN Nagbabago ang diin sa pagbabago ng mga panlaping ginagamit. Maari itong malipat ng isa o dalawang pantig tungo sa huling pantig o isang pantig sa unahan ng salita. Ka+ ginhawa + an Ka + tapat + an = KAGINHAWAAN = KATAPATAN

6. PAGSUSUDLONG Nanganhulugan ito ng pagdaragdag ng isa pang morpema sa hulihan ng salitang-ugat. Ka + totoo + han + an Alala + han + in = KATOTOHANAN = ALALAHANIN

7. PAG-AANGKOP Sa pagbabagong ito, pinagsama ang dalawang salita upang makabuo ng isang bagong salita. Hindi maiiwasan na magkaroon ito ng pagkakaltas upang mapaikli ang anyo ng nabuong bagong salita. Hintay + ka Hayaan + mo SOURCE: Leyson, Godfrey M., et. al. 2008. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Sta. Ana, Manila: ACCORD Printing Press PANG-UGNAY = ito ay salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, Maaaring salita, dalawang parirala, o dalawang sugnay. = TEKA = HAMO

3 Ang Mga Pang-ugnay: 1. Pangatnig 2. Pang-angkop 3. Pang-ukol PANGATNIG = ito ang tawag sa kataga na nag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay. May 7 Uri Ng Pangatnig: 1. Pamukod 2. Panubali 3. Paninsay 4. Pananhi 5. Panapos 6. Panlinaw 7. Panimbang PAMUKOD = Ginagamit ito sa pagpili, pagtatakwil, pagbubukod o pagtanggi. [ o, ni man, maging ] ♥ Siya ba o ikaw ang tutulungan ko. ♥Gustuhin ko man, hindi pwede may lakad ako mamaya. PANUBALI = Nagsasabi ito ng pag-aalinlangan. Nangangailangan din ng paliwanag [ kung, kapag, pag, sakali, disin sana ] ♥ Kung uulan, hindi ako sasama. ♥ Sakaling may bayad, hindi nalang kami tutuloy. PANINSAY = Ginagamit ito kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawa [ ngunit, datapwat, kahiman, subalit, bagaman, samantala, kahit ] ♥ Gwapo nga siya subalit suplado naman. ♥ Kahit wala siyang pera, nalusutan nya ang kanyang mga problema. PANANHI = Nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran, para sa pagkanap ng kilos. Panagot sa tanong na BAKIT at nagbibigay ng katuwiran o kadahilanan. [ dahil sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari ] ♥ Namaos siya dahil sa pagkanta. ♥ Naghihirap sila ngayon sapagkat nasunug ang kanilang bahay. PANAPOS = Nagpapahuwatig ng nalalapit na katapusan sa pagsasalita [ upang, sa lahat ng ito, sa di kawasa, sa bagay na ito ] ♥ Hindi na siya nagsalita upang matapos ang lahat. ♥ Sa di kawasa ang pulong ay tinapos na.

PANLINAW = Ginagamit ito upang ipaliwang ang bahagi o kabuuan ng isang banggit. [ anupa’t, kung gayon, samakatuwid, kaya, sa kabilang dako ] ♥ Marami akong pera at bahay samakatuwid ako ay mayaman. ♥ Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli. PANIMBANG = Ginagamit sa pahayag ng karagdagang isipan [ at, saka, pati ] ♥ Wala na syang kaibigan at mapagkakatiwalaan. ♥ Maunlad na si Tom ngayon, may trabaho saka may sariling bahay na.

AILENE L. ARDIZA Source: Javier, Nora D.,et.al.1999. TIMBULAN II Batayang Aklat. Marikina City: FOUR J ARTS, INC.

Wika Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. Mga katangian ng wika: 1. may balangkas - Ako ay nag aaral sa de la sale college of saint benilde. (may masistemang ayos ang mga salita sa isang pangungusap) 2. binubuo ng makahulugang tunog - Gumagamit ang mga tao ng piling tunog upang magkaroon ng kahulugan ang wika. 3. pinipili at isinasa-ayos - Madali ang pag aaral kung ikaw ay matiyaga. 4. arbitraryo - Laging nagbabago ang wika ayon sa panahon. 5. nakabatay sa kultura - Tagalog ang isa sa pinaka ginagamit na wika ditto sa Pilipinas. 6. ginagamit - Ang wika ay parte ng pang araw-araw na buhay natin. 7. kagila-gilagis - Ang wika ay may kakayahan na umakit ng mga tao. 8. makapangyarihan - Ang wika ay nakaka-kontrol ng pagiisip ng isang indibidual. 9. may antas - Ang wika ay nahahati sa apat na uri. 10.may pulitika - Nakakahatak ng impluwensya ang pagsasalita.

10. Ginagamit araw-araw - lahat tayo ay gumagamit ng wika upang maipahay natin ang atin mga layunin araw-araw.

Linggwistika Ang linggwistika ay ang pag-aaral sa wika ng tao at tinatawag na isang linggwista ang mga dalubhasa dito. Maaaring isadiwa ang pag-aaral ng linggwistika sa tatlong malalaking aksis, isinisalarawan ang kanyang mga dulo ng sumusunod:

Synchronic at diachronic - Binabahala ng synchronic na pag-aaral ng wika ang kanyang anyo sa isang bigay na sandali samantala sinasakop ng diachronic na pag-aaral ang kasaysayan ng isang (grupo ng) wika at ang pagbabago ng kayarian sa palipas ng panahon. Teoretiko at nilapat - Binabahala ng linggwistikang teoretiko ang mga framework para isalarawan ang kanya-kanyang wika at teoriya tungkol sa unibersal na aspekto ng wika samantala ang nilalapat ng linggwistikang nilapat ang mga teoriyang ito sa ibang larangan. Kontekstwal at malaya - Binabahala ng linggwistikang kontekstwal kung papaano iangkop ang wika sa mundo: ang kanyang tungkulin sa lipunan, paano ito nakuha, paano ito nilikha at namataan. Binabahala naman ng malayang linggwistika ang wika para sa kanyang sariling kapakinabangan, maliban sa panlabas na kaugnay na wika.

MGA GAMIT NG WIKA Etnolinggwistiks • ay isang larangan ng wikang panganthropolohiya na pag-aaral ang relasyon sa pagitan ng mga wika at kultura, at ang paraan ng iba't-ibang grupo ng etniko mahalata ng mundo Isang kilalang (ngunit pinagtatalunan) ethnolinguistic na paksa ay ang Sapir-Whorf haka, na nagsasabing pang-unawa ay limitado lamang sa pamamagitan ng kung ano ang maaaring inilalarawan sa sariling wika. pag-aaral sa paraan sa pang-unawa at konseptong impluwensya ng wika, at ipakita kung paano ito naaayon sa iba't ibang kultura at lipunan. Ang isang halimbawa ay ang paraan ng malapad orientation ay ipinahayag sa iba't-ibang kultura (Bernd Heine 1997, Yi-Fu Tuan 1974).

http://en.wikipedia.org/wiki/Ethnolinguistics Sosyolinggwistiks • • ay ang pag-aaral ng epekto ng anumang aspeto ng lipunan, kabilang ang mga kultura kaugalian, inaasahan, at sa konteksto, sa wika na paraan ay ginamit. naiiba mula sa sosyolohiya ng mga wika na ang mga sentro ng sociolinguistics ay ang epekto ng lipunan sa mga wika, habang ang focus sa huli ay sa bisa ng wika sa ang lipunan. Ito rin ay pag-aaral kung paano ang wikang varieties sa pagitan ng mga grupo ay pinaghihiwalay ng mga tiyak na sosyal na variable, halimbawa, lahi, relihiyon, katayuan, kasarian, antas ng pag-aaral, edad, atbp, at kung paano binuo at malasakit sa mga tuntunin ay ginagamit upang bigyan ang mga tao ng lipunan o socioeconomic classes. Sociolinguistics ay ang sangay , na pinag-aaralan ang epekto ng lipunan sa mga wika nito sa mga tuntunin ng lahi, relihiyon, katayuan, kasarian, edukasyon, edad, atbp

http://en.wikipedia.org/wiki/Sociolinguistics Saykolinggwistiks • sikolohiya ng wika ay ang pag-aaral ng sikolohiya at neurobiological sa kadahilanan na paganahin ang mga tao para makakuha, gamitin, maunawaan at gumawa ng mga wika. Paunang forays sa psycholinguistics ay higit na pangpilosopo , dahil unangunadahil sa kakulangan ng datus sa kung paano ang utak ng tao ay gumagana Sa ngayon may mga pananaliksik sa paggamit ng biology, neuroscience, cognitive science, at impormasyon ng teorya sa pag-aaral kung paano ang utak ang proseso ng wika.

Psycholinguistics sumasaklaw sa proseso ng pag-unawa na gumawa ng mga posible sa pagbuo ng isang panggramatika at makahulugang pangungusap sa labas ng bokabularyo at panggramatika istruktura, pati na rin ang proseso na ito posible na maunawaan utterances, salita, text, etc. Developmental psycholinguistics pag-aaral ng kakayahan ng mga bata upang malaman ang wika . http://en.wikipedia.org/wiki/Psycholinguistics

Ang Morpema Ang morpema ay pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Ang salita ay binubuo ng pinagsama-samang pantig. Hindi lahat ng pinagsama-samang pantig ay makakabuo ng salita.Ang morpemang di-malaya ay tinatawag ding panlapi. Ang morpemang malaya ay tinatawag ding salitang ugat. Halimbawa: 1.Morpema di-malaya ma-, mag-, -um-, -in 2.Morpemang Malaya galing, sipag, linis, linaw, dilim, dasal 3.Morpemang Di-malaya + Salitang Ugat Unlaping nag- + salitang ugat = nagdasal Gitlaping –um- + salitang ugat = bumili Hulaping -in + salitang ugat = linisin

SINTAKS Ang pagaaral ng pagbubuo ng mga pangungusap o sentens ang tinatawag na sintaks.Dalawang uri ang pangungusap sa Filipino. 1. pagpapanaguri/pridekeyt at 2. di-pagpapanaguri/non-predikeyt A..Ang Pagpapanaguri Tinatawag na pagpapanaguri ang pangungusap na may simuno/sabjekt/tapik/paksa at panaguri/koment/predikeyt.Ang panaguriang nagsasaad ng tungkol sa simuno. Ang simuno Napag aralan na sa dakong una ng aklat una ng aklat na ang ay nagpapakilala sa simuno at ipinakita na rin ang mga panghalili sa nga panghalip panao at pamatlig. Maaring Pariralang nominal (pangngalan at panghalip),panguri,pandiwa,pangabay, ekstensyal, o pang-ukol ang simuno.Pinangunahan ito ng marker na ang Parirala ang tawag salipon ng mga salitang walang simuno't panaguri. a.) Pariralang Nominal Nagkaisa ang mga taong bayan Nagkaisa sina Juan b)Pariralang Panguri kailangan ang matalino Si haring Solomon ang matalino c)Pariralang Pang-ukol Awa ang nasa Diyos Gawa ang nasa tao d)Pariralang Eksistensyal Mabuti rin ang may sasakyan Mainam ang may sariling bahay e)Pariralang Pandiwa Madali ang magsalita Mahirap ang gumawa f)Pariralang Pangabay Paghandaan natin ang bukas Kalimutan natin ang kahapon (Itinuturi na ring parirala ang isang salita dahil sa pagbabalangkas ng mga pangungusap makikita ay pang-ilalim na istruktura noon sa hindi talagang iisang salita iyon.) B. Ang Panaguri

Maaring pariralang berbal o di-berbal ang panag-uri ng mga pangungusap. a.Pariralang Di-berbal Tinatawag na pariralang di-berbal ang mga pariralang pangngalan o panghalip, pang-uri, pangabay, pang-uk0ol at ekistensyal. 1)Pariralang Pangngalan Anawnser si Rey Langit Presidente si Gng.reyes 2)Pariralang Panghalip Ikaw ang may sala Ito ang katarungan 3)Pariralang Pang-uri Masinop si Deny. Sa kanila ang pangaral 4)Pariralang Pang-ukol Nasa tao ang gawa Sa kanila ang pangaral 5)Pariralang Pang-abay Patalikod ang lapit niya Patingkayad ang lapit niya. 6)Pariralang Ekestensyal Mayroon nga sila Wala na ang pag-asa ' nya. Sa pariralang berbal dapat talakayin ng muli abg tungkol sa pokus at komplemento ng paniwa Naiiba ang pandiwa dahil nababanghay ito, nababago ang anyo batay sa aspekto, depende sa pokus ang nagiging panlapi nito.Kabilang sa komplenton na pangungusap ang (1) aktor na siyang gumagawa ng kilos.(2) gol na siyang tumatanggap ng kilos (3) lokatib na siyang pook na pinangyarihan,(4)direksyunal na siyang pinag-uukulan, (5) benepaktib na siyang pinaglalaanan, (6) instrumental na siyang kagamitan sa pagsasakilos at (7) kawsatib na siyang kadahilanan ng kilos at (8) resiprokal.

PANG-UKOL Ang pang-ukol ay bahagi ng panalitang nagpapakilala ng kaugnayan ng isang pangngalan, o panghalip sa ibang salita sa loob ng pangungusap. Mga halimbawa na pang-ukol: sa kina ay nina ng ni kay 1. Ang lapis sa kahon ay akin. Sa unang pangungusap, ipinakikilala ng pang-ukol na sa ang kaugnayan ng lapis sa kahon. Ang kahon ay siyang layon ng pang-ukol na sa. 2. And damit ni Dora ay bago. Sa ikalawang pangungusap , ipinakikilala ng pang-ukol na ni ang kaugnayan ng damit ni Dora. Si Dora ay siyang layon ng pang-ukol na ni. 3. Ang piso kay Gil ay nawala. Sa ikatlong pangungusap, ipinakikilala ng pang-ukol na kay ang kaugnayan ng piso kay Gil. Si Gil ay siyang layon ng pang-ukol na kay. 4. Sila ay sumulat ng salaysay. Sa ikaapat na pangungusap, ipinakikilala na pang-ukol na ng ang kaugnayan ng sumulat ng salaysay. Ang salaysay ay siyang layon ng pang-ukol na ng. May mga pang-ukol na mahigit sa isa, ngunit karaniwang sinasamahan ng sa o ng sa at ng, gayon din, ng kay o sa at ni. Mga Halimbawa: ayon sa, ayon kay, ayon kina sa gilid ng laban sa, laban kay, laban kina sa likuran ng para sa, para kay, para kina sa tabi ng ukol sa, ukol kay, ukol kina sa tabi ng, sa tabi ni, sa tabi nina alinsunod sa, alinsunod kay hinggil sa, hinggil kay labag sa, sa kabila ng

ukol kay, ukol sa sa harap ng ayon kay, sa ibabaw ng PARIRALANG PANG-UKOL Ang pariralang pang-ukol ay binubuo ng pang-ukol at layon nito. Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip. Halimbawa: 1. Ang prutas ay inilagay sa ibabaw ng mesa ni Karen. Sa unang pangungusap, ang sa ibabaw ng mesa ang pariralang pang-ukol dito. At ang layon ng pang-ukol naman ay ang mesa. 2. Tinuruan kami ng aming magulang ng ayon sa kagandahang asal. Sa ikalawang pangungusap, ang ng ayon sa kagandahang asal ang pariralang pang-ukol dito. At ang layon ng pang-ukol naman ay ang kagandahang asal. 3. Bumili si Karen ng bagong damit.. Sa ikatlong pangungusap, ang ng bagong damit ang pariralang pang-ukol dito. At ang layon ng pang-ukol naman ay ang bagong damit. 4. Ang aming guro ay nagtatalumpati ng tungkol sa wika. Sa ikaapat na pangungusap, ang ng tungkol sa wika ang pariralang pang-ukol dito. At ang layon ng pang-ukol naman ay ang wika. 5. Hindi gumagawa ng labag sa batas ang aming pamilya. Sa ikalimang pangungusap, ang ng labag sa batas ang pariralang pang-ukol dito. At ang layon ng pang-ukol naman ay ang batas.

I. DEPINISYON NG KOMUNIKASYON Napakahalaga ng komunikasyon sa buhay bawat individual. Iba-iba ang pagpapakahulugan ng mga manunulat at mga dalubhasa sa pakikipagtalastasan o komunikasyon. Narito ang ilan sa kanila. • Ang salitang komunikasyon ay pagsasa-Filipino ng salitang Ingles na communication na hango sa salitang Latin na “communis” at nangangahulugang panlahat o para sa lath ng tao ang komunikasyon. Ito ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-uganayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan batay sa katuturan ni Webster. Ito ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinion, o inpormasyon sa pamamgitan ng pagsasalita, pagsusulat o pagsenyas ayon sa American College Dictionary nina Barnheart. Ito ay napiling pagtugon ng organismo sa anumang bagay na nangangailangan ng pagkilos o reaksyon ayon sa isang sikologo. Ito ay pakikibahagi ng tao sa mga Gawain at kalakaran ng buhay sa pamamagitan ng umiiral na mga tuntunin ayon sa mga dalubwika.

• • •

Samakatuwid, ang komunikasyon ay isang proseso ng pagbibigay at pagtanggap ng mga impormasyon, kaalaman, kaisipan, pati na ang saloobin, impresyon, kuro-kuro at damdamin. MGA URI NG PROSESONG PANGKOMUNIKASYON Ang komunikasyon ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaring berbal o di berbal. Saklaw ng proseso ng komunikasyon ang sumusunod na mga uri: A. Komunikasyong Intrapersonal • Ito ay komunikasyong nagaganap sa internal nating katauhan gaya ng pagbubulong sa sarili, pag-iisip, pag-aalala, at ibang pakiramdam. B. Kominikasyong Interpersonal • Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao at maliit na pangkat. Ito rin ang pinakakaraniwang uri ng komunikasyong nagaganap sa ating paligid. C. Komunikasyong Pangmadla o Pampubliko • Ito ay komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa o malaking pangkat ng mga tao gaya ng pagtatalumpati sa harap ng mga tao, panonod ng telebisyon o pelikula, pakikinig sa radio, pagbabasa ng magazine, aklat o dyaryo.

URI NG KOMUNIKASYON Madaling makikilala ang pagkakaiba ng dalawang uri ng komunikasyon. Ang komunikasyong berbal ay tumutukoy sa lahat ng uri ng nasusulat at sinasalita samantalang ang di-berbal naman au tumutugon sa lahat ng aspetong hindi ginagamitan ng salita. BERBAL

- ay ang paggamit ng wikang sinasalita o sinusulat. Ito ay ginagamitan ng mga tunog at
pingasama-samang mga salitang tao na nakapagpapalitan ng mga pahayag o pangungusap sa komunikasyon. Karaniwang ginagawa sa pag-uusap o dayalog, paglelektyur, pagtatalumpati, pagbabati, pag-aaway at iba pa. pagpapaliatan at pakikipag-uasp sa pamamgitan ng pasalitang pagpapahayag.

-

DI-BERBAL - ito ay maaring sa paggamitng galaw o kilos ng katawan, ekspresyon ng mukha gaya ngpagpangiti, pagsmangot, pagtango, pag-iling, pagngiwi; ang mga simbolo at senyas, paggalaw ng mga mata gaya ng pagkinda, pagmulagat; tunog; kulay; galaw ng mga kamayat iba pang paraang ginagamit upang maipahatid natin ang gusting maiparating. II. MAKRONG KASANAYAN SA PAGSULAT Katutran at Kahalagahan ng Pagsulat Makrong kasanayan sa pagsulat : - isang anyo o kasanayang komunikasyon. - ay isang kontinuwum ng mga Gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat sa isang banda at nang mas kompleks na Gawain ng paglikha sa kabilang dulo . - ay isang gawaing nag-uugat mula sa pagtamo ng kasanayan (skill –getting) hanngang ang mga kasanayang ito ay aktwal na magagamit (skill-using). - ito ay isang multidimensyonal na proseso. - Ito’y isang prosesong pangkaisipan na nangangailangan ng maingat na pagpili at pag-ayos ng kaisipan at karanasang naaayon sa layunin ng nagpapahayag. - Ito ay isang sistema para sa komunikasyog interpersonal na gumagamit na simbolo. PROSESO NG PAGSULAT Isang proseso ang pagsusulat at dalawa ang direksyon nito : una, upang tuklasin sa sarili ang kakayahang makapagpapahayag ng ideya dahil ito’y mekanikal lamang at basta lalabas ang

alam ng gustong sabihin, ikalawa, upang makabuo ng sulating naaayon sa pagkasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnayan ng mga kaisipan. Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot ditto ang manunulat sa pag-iisip, pagtatalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsusulat, pag-eedit at pagsulat muli sa nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat muli hanggang sa mabuo ang sulatin. Sa pagsulat natin ng teksto ay nagsisimula tayo sa isang blankong papel patungo sa isang kumpletong sulatin. Kaya lang, nagkakaroon tayo ng suliranin kung paano at saan kukuha ng mga kailangang impormasyon na siyang pupuno sa mga pahina. Sinasabi niyang mahirap ang magsulat at lalong mahirap ito kung hindi natin alam an gating isusulat. MGA YUGTO SA PROSESO NG PAGSULAT A. Bago Sumulat (Prewriting)

- ang prewriting ay isang istratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang
hakbang na isasagawa sa pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaring ginagawa nang isahan o nang pangkatan. Ang unang yugto ng pagsulat ay naisasagawa ayon sa sumusunod na paraan: a. Pumili ng paksa b. Alamin ang tiyak na layunin sa pagsulat at ang tiyak na babasa nito. B. Pagsulat ng Burador (Draft Writing)

- ito’y aktwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinaalang-alang ang maaaring
pagkakamali. C. Muling Pagsulat (Rewriting ) 1. Pagrebisa 2. Pag-eedit D. Panghuling Pagsulat - dito isinagawa ang maingat ng magpatnubay-wasto (proofread) kung kontento na sa nilalaman ng katha. Itama ang maling gramatika at gamit ng mga salita, pagmamalaking titik sa mga ngalang tangi, bantas at baybay. Mga Patnubay sa Huling Pagsulat a. tama ang baybay ng mga salita. Konsultahin ang diksyunaryo kung nagdududa.

b. tama ba ang kayarian ng mga pangungusap ? c. ang paggamit ng malaking titik sa mga pangangalang pantangi d. iasaalang-alang ang mga bantas. E. Paglalathala (Publishing) -ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na tagabasa. Kabilang sa Gawain ito ang mga sumusunod: • • • • • Pagbabasa sa klase ng kanilang sinulat Pakikinig sa pagbasa ng iba Paggawa ng isang buklet o album ng kalipunan ng mga sinulat Pagdidispley sa bulletin bord na mga naisulat na akda. Paglalathala ng mga napiling sulatinsa pahayagang pangkampus.

BIBLIOGAFI : Alcaraz, Cid V. et. al. 2005. Filipino I Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: Adriana Printing Co., Inc. Leyson, Lededica D. et. al. 2003. Komunikasyon sa Akademinkong Filipino. Manila: Accord Printing Press.

Kasaysayan Page history last edited by GREG 1 yr ago Mga Probisyong Pangwika sa Saligang-Batas

Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas.

Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino

Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino

Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang Kongreso ay gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang katutubo.”

Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit na silid sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid Blg. 326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura. Noong 1942, napunta naman ito sa Philippine Normal School (naging College at ngayo’y University) bago napalipat sa “radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong 1947 bago napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila.

Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tatag ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong 1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran) ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon.

Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong 1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, magugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t ibang tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek. 14-g).

Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling Watson, 1610 J.P. Laurel Street, San Miguel, Maynila.

Mga Naging Direktor/Tagapangulo Surian ng Wikang Pambansa, Linangan ng mga Wika sa Pilipinas at Komisyon sa Wikang Filipino

RICARDO MA. DURAN NOLASCO(2006-Kasalukuyan).

Guro, iskolar at linggwista. Nakatuon sa ang komitment sa multilinggwal na adhikain. Ang katwiran nito ay ibinatay sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga Pilipino. Ang kasalukuyang administrasyon ng KWF ay naniniwala sa napakalaking bentahe ng pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika sa halip na isang disbentahe. Ang natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang mamamayan sa daigdig ay hindi lang iisa ang alam na wika. Kinikilala ng KWF ang

kahalagahan ng mga wikang ginagamit ng mga Pilipino – ang katutubong wika para sa literasiya at edukasyon ng mga mamamayan, etnikong pangangailangan at pang-arawaraw na gamit; ang wikang pambansa para sa pambansang kamalayan, pagkakaunawaan, pakikipag-ugnayan at pagkakakilanlan; at ang mga wikang pang-ibayong dagat na tutugon sa pangangailangan ng wika ng malawak na komunikasyon (language of wider communication) at wika ng ugnayang pang-internasyonal.

Kaugnay ng bagong bisyon ng KWF, nagkaroon ito ng mga bagong programa at proyekto, tulad ng mga sumusunod: pinalalakas nito ang mga programa sa leksikograpiya; programa sa balarila ng Pilipinas; programa sa ponolohiya, ponetika at ortograpiya; pambansang programa sa pagsasalin; proyekto sa sa pagmamapa ng mga wika sa Pilipinas; proyekto sa bibliograpiya ng mga wika sa Pilipinas; programa para sa endangered languages; corpus ng mga wika sa Pilipinas. Sinisikap ng KWF na itayo ang Library at Archives of Philippine languages; napataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na pang-edukasyon; pinapaganda ang website; nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na makakuha ng mga research grants; nagtatayo ng mga language councils sa mga rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang pang-IT at pampananaliksik, at higit sa lahat sinisikap na magkaroon ng sarili tahanan at gusali ng wika.

NITA P. BUENAOBRA (1999-2006)

Guro at manunulat. Binigyang tuon ang pagpapatibay sa mga proyekto ng mga Panrehiyong Sentro sa Wikang Filipino (PSWF) sa bawat etnolinggwistikong rehiyon na nakabase sa isang pang-estadong unibersidad o kolehiyo. Binigyang pagpapahalaga at pansin ang mga rehiyunal na wika sa pamamagitan ng paghanda/pagbuo ng mga diksyunaryong traylinggwal.

PONCIANO B.P. PINEDA (1970-1999).

Manunulat, guro, linggwista at abogada. Tatlong rebolusyonaryong pagbabago ang ibinunsod ng SWP sa kanyang pangunguna: ang Edukasyong Bilinggwal noong 1974, ang wikang Filipino na ang nucleus ay Pilipino (na unang inlunsad noong 1983 at naging batayan ng probisyong pangwika ng Konstitusyon ng 1986) at ang Alpabetong Filipino na pinagtibay noong 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan.

JOSE VILLA PANGANIBAN (1955-1970) (1946-1947)

Makata, lexicographer at linggwista. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng wika. Nagdaos ng mga pasanayan sa korespondensya opisyal sa buong bansa. Binalikat ang pagsasalin at pananaliksik. Bunga nito ang paggamit ng wikang pambansa sa mga diploma, pasaporte, atb. Nailathala ang English- Tagalog Dictionary na sinimulan sa panahon ng panunungkulan ni Cirio H. Panganiban, at sinimulan ang talasalitaan ng walong pangunahing wika sa Pilipinas. Noong 1959, ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog ay tinawag na Pilipino.

CECILIO LOPEZ (1954-1955)

Iskolar at linggwista. Binigyang-diin ang linggwistika at pinasigla ang makabagong linggwistikong pag-aaral sa wikang pambansa at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas.

CIRIO H. PANGANIBAN (1948-1954)

Manunulat, makata, mandudula, abogado. lpinagpatuloy ang diksyunaryong pinasimulan ng kanyang sinundan. Pinasimulan ang paghahanda ng mga ispesyalisadong talasalitaan, tulad ng Legal Terms, Arithmetical and GeometrIcal Terms at iba pa. Binuong muli ang Lupong Sanggunian ng SWP.

JULIAN CRUZ BALMACEDA (1947-1948)

Mandudula, makata, nobelista. Nakapagpalimbag ng mga panayam at inumpisahan ang paggawa ng Diksiyunaryong Tagalog.

LOPE K. SANTOS (1941-1946) Makata, mandudula, nobelista, lider manggagawa at pulitiko. Pinasigla ang pagsusulat sa wikang pambansa. Nagdaos ng mga seminar at pasanayan sa paggamit ng wikang pambansa sa UP, PNU at iba pa. Ang mga dokumento at palatastasan ng pamahalaan ay isinalin at ang opisyal na Gazatte ay inilathala sa wikang pambansa.

JAIME C. DE VEYRA (1937-1941) Unang direktor at "tagapagtatag ng wikang pambansa." Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinag-aralan ang mga wika sa PIlipinas upang piliin ang isa sa mga ito na magiging batayan ng wikang pambansa. Napili ang Tagalog at naghanda ng gramatika at bokabularyo ng nasabing wika na inilathala noong 1940.

Ebolusyon ng Wikang Pambansa

Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito dalawang taon matapos itong mapagtibay.

Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang wikang opisyal.

Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin nang Pilipino upnag mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang pambansang Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon ng 1987 na nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi pinaghalu-halong sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may nukleyus, ang Pilipino o Tagalog.

Ebolusyon ng Alpabetong Filipino

Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan ang ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano. Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na binubuo ng 31 letra: a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ñ ng o p q r rr s t u v w x v z Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong Filipino at mga tuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na pagbabago, pagunlad at paglaganap ng wikang pambansa. Matapos ang seryengmga simposyum at sangguniang pulong na dinaluhan ng mga linggwista, edukador, guro, manunulat at iskolar ng wika, nabuo ang sumusunodna Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a b c d e f g h i j k I m n ñ ng o p q r s t u v w x y z

Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang patuloy na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino. Itinaguyod ng rebisyong ito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z. Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng walong dagdag na letra. Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti nito kasama ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwang salita. Gayunpaman, nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon at feedback mula sa mga guro, estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika sa 2001 rebisyon sa ispeling. Kaugnay nito, noong Oktubre 9, 2006 ang Kagawaran ng Edukasyon sa kahilingan ng KWF ay nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”. Noong Agosto, 2007, inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sa wika, superbisor sa Filipino at sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007 hanggang 2007. ang pinal na bersyon ng patnubay ay ipalalabas ng KWF bago matapos ang 2007.

Ponolohiya (Phonology) - Tatlong Salik sa Pagsasalita (Three factors in Speaking) 1. Enerhiya (Energy) - nilikhang presyon ng papalabas na hiningang galing sa baga (pressure created when exhaling) 2. Artikulador (Articulator) - nagpapakatal sa mga babagtingang pantinig (Vocal) 3. Resonador (Resonator) - nagmomodipika ng tunog. Ang bibig at guwang ng ilong ang itinuturing na resonador (modifies the sound. The mouth and nasal passageway are considered as resonators.) Ponolohiya ng Filipino PONEMA (Phoneme) - isang makabuluhang tunog. Ang Filipino ay may 20 ponema. 15 ang katinig at 5 ang patinig "katinig means consonant and patinig means vowel" Mga katinig: Panlabi (sounds produced by the lips) - B, P, M Pangipin (sounds produced by the teeth) - D, N, T Panggilagid (sounds produced by the gums) - L, R, S Pangngalangala (sounds produced by the throat) - K, G, Ng, W Pasutsot (sounds produced by exhaling) - H Mga Patinig: A, E, I, O, U Diptonggo (Dipthong) - alin man patinig na sinusundan ng malapatinig na w at y. Halimbawa (Example): aw, iw, ay, ey, iy, oy at uy. Halimbawang salita (Example word): bahaw, bahay, okoy, baliw Kayarian ng mga Salita [baguhin] Payak Ito ay ang salitang-ugat lamang. Halimbawa: basa, tulog, init [baguhin] Inuulit Ito ay kung inuulit ang kabuuan nito ang isa o higit pang patinig. Dalawa ang uri ng pag-uulit.

[baguhin] Pag-uulit na ganap Ito ay ang inuulit ang salitang-ugat. Halimbawa: araw-araw gabi-gabi [baguhin] Pag-uulit na di-ganap Ito ay ang inuulit ay bahagi lamang ng salita. Halimbawa: kakanta lalakad lulundag ] [baguhinMaylapi Ito ay binubuo ng salitang-ugat na may isa o higit pang panlapi. [baguhin] Unlapi ito naman ay ang mga salitang mayroong panlapi sa unahan ng salita. (ma-, ni-, etc.) [baguhin] Hulapi ito ay mga salita na dinadagdagan ng mga panlapi tulad ng ng -in,-an,-han.

Semantik na Relasyon na Kahulugan ng Salita at Pangungusap . Sa pangungusap, ang bawat salitang ginagamit ay may tiyak na kahulugan. Maaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit ng salita. Maraming salita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-uunawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil ditto, nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpakahulugan sa mensahe o pahayag. . Kapag maayos ang gamit ng salita sa isang pangungusap, mauunawaan ng tagapakinig at tagabasa kung ano ang ipakahulugan ng nagawang pangungusap. Dahil semantik na relasyon ng kahulugan ng salita at pangungusap ang pinag-uusapan, kailangang maipakita ang pagkakaugnay nila upang maipahayag o maibigay ang tamang diwa o kahulugan ng pangungusap. HALIMBAWA: 1. A. Hindi sumipot ang kausap ko kahapon. B. Hindi sumulpot ang kausap ko kahapon. . Mas makakabuti kung ang salitang sumipot ang gagamitin sapagkat ang salitang yaon ay mas angkop at mas magandang pakinggan at mas maiintindihan at mas maunawaan kung ano and dapat ipabatid. Dahil kung pagbabasihan natin ang kahulugan sa unang pangungusap, talagang naroroon ang diwa na wala talagang nakipagkita kaysa pangalawa na pwede naming magkaroon ng kahulugan na maaring nandyan subalit sa hindi sa pasulpot na paraan. REFERENCE: BATAYANG LINGGWISTIKA EDISYON 2005 Irma V. Ugot, Ed. D AKADEMIKONG FILIPINO SA EPEKTIBONG KOMUNIKASYON Bernales, Rolando A. e.al.2007 RETORIKA MASINING NA PAGPAPAHAYAG Bernales, Rolando A.

PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO Makapangyarihan ang isang ideya. Maaari nitong aguhin ang kasaysayan, gabayan o baguhin ang kapalaran ng mga tao at mga bansa. Ang mga ideyang nagkaroon ng gayong kapangyarihan ay hindi nananatili lamang sa isipan ng pinanggalingan niyon. Iyon ay mga ideyang nakarating sa isipan ng ibang tao at naging makapangyarihang tagapakilos. Ang mga ideyang nanatili sa isipan ng may likha niyon ay nanatiling inefektibo at kadalasang naglalaho na lamang kalaunan. Samakatuwid, upang maging lalong makapangyarihan ang mga ideya, kailangang maagapan ang mga ito ng isa pang kapangyarihan- ang kapangyarihan ng komunikasyon. Ayon kay Webster, ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Inilarawan naman nina Greene at Petty, sa aklat nilang Developing Language Skills ang komunikasyon bilang isang intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolong tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba. Mga Batayan sa matagumpay na Pagpapahayag • Kahandaan ng sarili • May tiyak na ideya o paksa • Lawak ng kaisipan sa paksa o ideyang nais ipahayag • Epektibo, kawili-wili at kaakit-akit URI NG PAGPAPAHAYAG 1. Imformativtumutukoy sa pagbibigay ng imformasyon tulad ng pag-uulat, pagpapaliwanag, paglalahad, pagtukoy sa mahaagang pangyayari, pagbibigay ng opinion o reaksyon at iba pa. Hal.Nasa loob ng pamilya ang interacting and interdependent personalities 2. Elisiting- tumutukoy sa paghingi ng sagot sa tanong. Hal. Kasi hindi iyunfair di ba? Ilan tayong men dito? 3. Imformativ at Elisiting/ Elisiting at Imformativ Nagpapahayag ng paghingi ng imformasyon at pagbigay ng imformasyon/pagbigay ng imformasyon at paghingi ng imformasyon Hal. Why calls Rizal being a prophet?Alam nyo naman ang

propeta noon at ngayon ay iba. 4. Direktiv ito ay nagpapahayag ng pag-uutos o pakikiusap. Hal. What? Pakiulit mo. 5. Expresiv- nagpapahayag ng positivo o negatibong saloobin gaya ng tuwa, galit, paghanga, pagsang-ayon, pagsalungat, pagbibiro at iba pa. Hal. He’s cute parang siyang si Rainer Castillo. 6. Kontak- nagpapakitya ng mga pahayag na nagpapahiwatig ng pagsisimula, pagpapanatili at pagwawakas ng isang usapan Hal. Actually, hindi naman siya ang gumawa noon. So, ganito ang gagawin natin. 7. Pag-uulit –nagpapahayag ng pagbibigay-diin o paglilinaw sa mensahe o pagtanggap sa mensahe Hal. Do you have any reactions? Me reaksyon ba? Narinig mo ba ako. Do you hear me? 8. Direktang Pahayag- ito ay tuwirang pagsipi o pagbigkas ng pahayag ng isang tao. Hal. Sabi na “ what men can do women can do.” Sabi nila, “there is something inside.” 9. Inferring- nagpapahayag ng pag-aalinlangan o hangaring nais mangyari sa hinaharap. Hal. Well, maybe he said it kasi nabigla lang siya. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral to help my family.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->