You are on page 1of 10

Kabanata:1

HANDAAN
Isang handaan ang ipinag-anyaya ni DON Santiago de los
Santos (kapitan Tiago) bago matapos ang oktubre. Sapagkat
kilalang galante. Agad-agad itong lumaganp sa lahat ng
dako ng Maynila bagaman naganp lamang noong hapon ang
pangungumbida.

Ang magarang tahanan na nakatayo sa tabi ng Wawang


Binundo ay maningning at masaya sa tugtog ng orkestra.
Ang mga panauhin ay tinanggap ng matandang pinsang
babae ni Kapitan Tiago na si Isabel. Magkakahiwalay ang
umpukan ng mga babae sa lalaki at kapuna-puna ring
maingay sa pag-uusap ang huli.

Isa sa mga pangkat ng panauhing ng lalong maingay ay ang


grupo nila Pari Damaso, Pari Sibyla, Tinyente Guevarra, G.Laruja
at isang binatang may mapulang buhok na iilang araw pa
lamang ng kararating buhat sa España. Pinagtatalunan ng
mga ito ang ukol sa kapabayaan ng mga Indio na nauwi sa
mainitang pagtatalo.

Namagitan ang pagtatalo kina Pari Damaso at Tinyente


Guevarra na naging dahilan para mausisa ang pagkakaalis
ni Pari Damaso sa San Diego. Sa huli, ipinahayag ng
tinyente na nabatid ang Kapitan Heneral ang kaso ng
pagpapahukay ni Pari Damaso sa pagpapahukay sa libing ng
isang marangal na mamamayan sa San Diego na wala
namang naging kasalanan maliban sa hindi
pangungumpisal. Ito umano ang dahilan kung bakit
napalipat sa ibang bayan ang Kura na may dalawangpung
taon ding namalagi sa San Diego.

Humupa nag pagtatalo sa pamamagitan ni Pari Sibyla. Unti-


unti namang dumadating ang iba pang panauhin na
nakisama sa umpukan nila.

1
Kabanata:2

SI CRISOSTOMO IBARRA
Dumating si Kapitan Tiago na kasama si Crisostomo Ibarra.
Nang ipakilala niya ito sa mga panauhin, namangha ang
lahat: Namutla si Pari Damaso, nag-alis ng salamn si Pari
Sibyla at lumapit si Tinyente Guevarra para ito kilalaning
mabuti.

Napahiya si Ibarra ng lapitan niya si Pari Damaso sapagkat


bukod sa hindi nito iniabot ang kamay sa nakikipag kamay
na binata’y itinanggi pa nitong kaibigan niya si Don Rafael
Ibarra. Bahagyang napawi ang
pag-aalala ni Ibarra nang magpakilala ang tinyente at
purihin nito ang kaniyang ama.

Naiwang walang kakilala sa bulwagan si Ibarra kayat


ipinakilala niya ang kaniyang sarili na tulad ng isang
kaugaliang Aleman na natutuhan niya sa Europa. Kimin di
nag paunlak ang mga kababaihan, ngunit ang mga lalaki’y
nagpakilala. Kabilang sa mga nakilala ng binata ang isang
makata na tumigil na sa pagsusulat. Nakilala rin niya si
Kapitan Tinong na nag-imbita ng isang pananghalian sa
bahay nito sa Tundo kinabukasan. Magalang itong
tinanggihan ng binata sa pagsasabing tutungo siya sa San
Diego kinabukasan.

2
Kabanata:3

ANG HAPUNAN
Nagpananghalian si Pari Damaso at Pari Sibyla sa kabisera
nangg dumulong ang mga panauhin sa hapunan.
Nagparunggitan ang dalawa na hindi man lamang na
alalang imbitahing sumalo si Kapitan Tiago na tinawag
naman ni Ibarra kahit na wala nang silya.

Nang ihain ang tinola, mga parting walang laman ang


napunta kay Padre Damaso. Nagdabog siya dahil dito at
agad isinulong ang kaniyang pinggan matapos humigop ng
kaunting sabaw.

Nagkaroon ng masiglang usapan ukol sa pag lalakbay ni


Ibarra. Lahat ay nagtatanong ukol sa bansang higit na
kinagiliwan ng binata. Sinagot niya na para sa kaniya, ang
kalayaan ay kagipitan ng bayan ay laging may kinalaman sa
kaginhawaan at kagapitan nito.

Pagkarinig nito’y ininsulto siya ni Pari Damaso. Nagtimpi


ang binata at magalang na nag pukol lamang ng magandang
sagot sa pari. Kapag kuwa’y agad siyang nag paalam
bagaman pinipigil ni Kapitan Tiago na nag sabing darating
si Maria Clara at ang bagong Kura sa San Diego.

3
Kabanata:4

EREHE AT PILIBUSTERO
NAglakad si Ibarra nang walang direksyon. Namangha siya
sa pananatlit ng maraming pook dating ayos. Sa
pagbubulay-bulay niya’y nilapitan siya ni Tinyente
Guevarra. Hiniling niya dito na isalaysay kung paano
namatay sa bilangguan ang kaniyang ama.

Lumitaw na ang mga lihim na may kaaway ni Don Rafael


ang nagging sanhi ng kasawian nito. Lumantad ang mga
kaaway nang masangkot ang don sa di sinasadyang pag
kamatay ng isang artilyero na nakaaway nito sa
pagtatanggol sa isang batang sinasaktan. Nabilanggo ang
don sa loob ng may isang taon dahil sa pag babagu-bago ng
mga sakdal sa kaniya at dahil na rin sa pag-iiba-iba ng mga
may-hawak ng katungkulan sa gobyerno. Labis itong
nanghina sa pilitan at kung kailan pa makakalaya na’y saka
namatay.

Ayon sa tinyente, nasaksihan niya mismo ang


pagkakamatay ng matanda. Si Ibarra ay pinag bilinan
niyang mag-ingat matapos na kamayan at magpaalam.

4
Kabanata:5

TALA SA GABING MADILIM


Pagdating sa tinuluyang silid sa Fonda de Lala, agad na
naupo sa isang silyang nakaharap sa bintana si Ibarra. Wala
sa maaliwalas at masayang tahanang nasa ibayo ng ilog ang
tanaw niya gayoong naroon si Maria Clara at kapwa
tinatanaw ng may paghanga at pangimbulo ng mga
panauhin.

Wala sa pagtitipong iyon ang-isip ng binata sapagkat


nangungunita niya ang marawal na kalagayan ng kaniyang
ama samantalang siya’y nasa malayong bayan. Sinusurot
siya ng nakahahambal na pangitain ng kaniyang ama
samantalang nagdurusa sa kapanglawan at karamdaman sa
bilngguan. Naririnig niya halos ang paulit-ulit na pagtawag
nito sa kaniyang pangalan.

Nahimbiong siya sa matinding pagod nang dakong hating


gabi. Sa pag himlay ng lahat, tanging ang batang
Pransiskano lamang ang gisin, alipin wari ng kung anong
alalahanin.

5
Kabanata:6

SI KAPITAN TIAGO

Itinuring na isa sa mga pinakamayaman sa Bundok si


Kapitan Tiago. Kasunduan niya ang Diyos dahil nagagawa
niyang bilhin ang kabanalan: mag oamisa o mag padasal
para sa kaniya, bukod sa donasyong anumang oras na
hingin sa kaniya’y kaya niyang ibigay.

Kasundo niya ang pamahalaan sapagkat wala siyang tutol


sa anumang pataw o buwis. Masunurin siya sa batas at sa
lahat ng opisyal. Hindi rin siya nakalilimot na mag regalo sa
mga ito sa mga tanging araw ng kapanganakan o kapistahan
nito. At higit sa lahat, hindi siya nag babasa ng mga aklat o
babasahing galing sa España.

Hindi siya pinag-aral ng ama dahil sa kakuriputan nito.


Namasukan siya bilang katulong sa isang Dominiko na nag
tiyagang turuan siya hanggang matuto. Napangasawa niya
si Doña Pia Alba na nakatulong niya sa hanap buhay
hanggang lumayo ang kayamanan nila.

Walang naging anak ang mga-asawa sa loob ng anim na


taon. Sa payo ni Pari Damaso. Namintakasi ito sa mga
birhen sa Ubando hanggang sa makapaglihi. Namatay ito
matapos makapanganak ng isang napakagandang batabg
babae na walang minanang katangian kay Kapitan Tiago
kundi ang maliliit na tainga.

Giliw na giliw ang kapitan sa anak na lumaki sa pagpapala


ni Tiya Isabel at ina amang si Pari Damaso. Nang mag
katorse na ito. Itinira sa Beateryo ng Sta. Catalina sa kabila
ng pagtutol. Masaki tang loob nitong nag paalam sa
kaniyang ninong at kababatang si Crisostomo Ibarra. Ilang
taon pagkaraan, tumanggap ang mag kababata ng pasabing
sila’y ikakasal sapagkat naniniwala ang kanilang mga
magulang na nagmamahalan sila.

6
Kabanata:7

SUYUAN SA ASOTEA

Maagang nagsimba kinabukasan ang mag-aleng sina Maria


Clara at Tiya Isabel. Nagyaya agad-agad ang dalaga sa pag-
uwi matapos ang misa sa kasabikang makita si Ibarra.

Pagkaalmusal, nagkani-kanilang gawain ang mga anak.


Napag-usapan ang pamamaalam ni Maria sa Beateryo at
ang pagbabakasyon sa San Diego. Nang dumating si Ibarra
ay tarantang pumasok sa sili-dalangitan ang dalaga, bagay
na ikinatawa ng mag pinsang Tiago at Isabel.

Ang pag-uusap ng magkasintahan sa Asotea ay tigib ng mga


gunita ng kamustahan. Mga tuyong dahon ng sambong kay
Ibarra at isang sulat naman ng pamamaalam kay Maria.

Nabalisa si Ibarra nang basahin ni Maria ang liham at


nabanggit doon ang kanyang ama. Nagpaalam siyang dali-
dali upang makadalaw sa libing ng ama dahil kinabukasa’y
araw ng mga patay. Mabigat man ang loob ng dalaga’y
pinalakad niya ang kasintahan.

7
Buod: Kabanata 1-7

NOLI
METANGE
RE
NI: JOSE RIZAL

8
PROYEKT
O
SA
FILIPINO
III
9
Jeraldine Romans
III-Elm Tree
Mrs.Del Rosario

10

You might also like