You are on page 1of 1

63 Ay nagbabalang di na magluluwat

MGA HUDYAT NG BAGONG KABIHASNAN


64 At tayo sa digma’y muling magsisiklab;
(ni: Simon A. Mercado)
65 Maanong loobin ng Nasa Itaas
1 Kumislap ang isip ng pantas na malay 66 Na huwag na sanang dumating ang wakas!
2 At ang sandaigdig ay naliwanagan
3 Nagsipamulaklak ng dunong na yaman 67 Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto
4 Ang nangagpunyaging paham na isipan; 68 Cambodia’t Vietnam, nag-iipu0ipo;
5 At tayo’y nagising sa bagong kandungan 69 Ang hihip ng hangin kapag di nabago
6 Ng pagkakasulong ng sandaigdigan! 70 Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;
71 Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo
7 Natuklas ng dunong na kahanga-hanga 72 At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!
8 Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;
9 Tila niloob ng Poong Bathala 73 Nais na lagumin ng Maso at Karit
10 Na tayo’y matapos sa sariling nasa; 74 Kung magagawa lang, ang lupa at langit;
11 Nakapabingit na sa pagkariwari 75 Ang Agila naman sa pagpupumilit
12 Ang ating daigdig na lutang sa luha! 76 Na siyang mauna’y hindi matahimik;
77 Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis
13 Sa bagong liwanag ng pagkakasulong 78 Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?
14 Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;
15 Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong, 79 Wala pang sanggol sa kasalukuyan
16 Nalakbay ang langit sa bakal na ibon, 80 Sa pambobombang higit ang labis sa ingay,
17 Nasisid ang mga dagat na maalon 81 Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay
18 Ng taong palakang nagwagi sa layon! 82 Di makakahanda nais mang lumaban;
83 Dahil dito kaya dapat pagsikapan
19 Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas 84 Na mapagkasundo ang sangkatauhan!
20 Narating ang buwan ng bakal na limbas;
21 Noon naman unang sa buwa’y lumunsad 85 Hindi nga masamang ang tao’y
22 Ang dalawang bunying astronaut na tanyag; 86 Lalo kung may mithiing dakila at tapat,
23 Subalit hindi pa lubos na matiyak 87 Pagkat likas lamang sa taong maghangad
24 Kung ang buhay rito doo’y magluluwat. 88 Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,
89 Ngunit ang masama’y ang magpakapantas
25 Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog 90 Upang ang mabuting binuo’y iwasak!
26 Kapag may malaking bombang sinusubok,
27 Ang ehe ng mundo ay baka mahutok 91 Di dapat gumamit ng mga sandatang
28 At saka malihis sa kanyang pag-ikot 92 Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;
29 Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos 93 Idalangin nating magkaisa sana
30 Dahil sa paghinto ng kanyang inog! 94 Ang sangkatauhan sa mithi at pita;
95 Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata
31 Hindi lamang iyan, may panganib pa ring 96 Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!
32 Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,
33 Sa dalawa kayang malakas ay alin 97 Kapag nagkaroon ng lason sa tubig
34 Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin? 98 Gayon din ang hangin na dating malinis,
35 Mundo’y matatapos, dapat na tantuin, 99 Lahat ng may buhay sa Silong ng langit
36 Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil! 100 Ay matatapos nang parang panaginip;
101 Saka lamang naman magiging tahimik
37 May panganib pa rin sa bawat pagsubok 102 Kung dito’y wala nang mga manlulupig!
38 Ng bombang may lasong buga sa fall out;
39 Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot 103 Dahil dito kaya kinakailangan
40 Higit na mabangis sa alinmang salot; 104 Iwasan ang imbot at mga hidwaan;
41 Pag ito’y kumalat sa katakut-takot, 105 Pagsikapan nating tuparing lubusan
42 Walang mabubuhay sa buong sinukob! 106 Ang aral na tayo ay mangag-ibigan;
107 Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang
43 Sa ngayon, ang hanging ating nalilingahap 108 Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!
44 Ay may kahalo nang maruruming sangkap;
45 Kapag ito’y hindi nalunasan agad 109 Agawin sa kamay ng imbot at inggit
46 Ay sa lason tayo mapupuksang lahat; 110 Ang kapayapaan nitong sandaigdig;
47 Kung bakit ang tao’y habang umuunlad 111 Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit
48 Saka nalalapit na lalo sa wakas! 112 Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;
113 Ang Diyos ay gising, di ipinagkait
49 Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang 114 Ang Kanyang saklolo sa api at amis!
50 Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,
51 Sa dalawang pook na pinaghulugan 115 Kapag ang Ama nang Makapangyarihan
52 Ay napakaraming nakitlan ng buhay; 116 Ang siyang nagtatanggol sa aping kat’wiran,
53 Kung ang ibabagsak ay bombang pangunaw 117 Hindi maglalao’t ang sangkatauhan;
54 Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan! 118 Ay makakandong na ng kalwalhatian;
119 Saka ang ligalig na sandaigdigan
55 “Pag bombang awtom ang siyang ginamit 120 Ay mahihimbing na sa katahimikan.
56 Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,
57 Dahilan sa lakas na napakalabis
58 Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;
59 Huwag nawa sanang loobin ng Langit
60 Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!

61 Ang pag-uuganahan ng dalawang lakas


62 Na sa kalawakan ay magharing ganap,

You might also like