P. 1
Intro

Intro

|Views: 349|Likes:
Published by Rai

More info:

Published by: Rai on Nov 18, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/28/2012

pdf

text

original

Mula Bahay Kubo hanggang Bahay na Bato Introduksyon Upang makita nang mabuti ang impluwensiyang naidulot ng mga

Españyol sa istruktura at arkitektura ng mga kabahayan ng Pilipinanas, pinakamaiging tignan muna ang pagkakatayo ng Maynila. Ang lungsod ng Maynila ang nagging sentro ng pananankop ng España sa mahabang panahon. Ang pananakop sa Maynila ay nagsimula sa ekspidisyon ni Martin de Goiti sa utos ni Miguel Lopez de Legazpi (de Goiti). Ang saysay ng ekspedisyon ay ang paghahanap ng pagtatayuan ng Kapital ng bansa. Sa pagdating ni de Goiti sa Maynila ay kanyang nakasagupa si Rajah Sulayman. Ang pagkatalo ni Rajah Sulayman ang marka ang simula ng hispanisasyon ng Maynila. Isa sa mga pinakamakabuluhan sa perspektibo ng pagkalat ng impluwensiyang arkitektura ng epsañol ay ang Intramuros. Ito ay matatagpuan sa katimugan ng ilog Pasig. Sa kapanahunan ng pananakop ng español, ito ang itinuturing na Maynila. Ito ay itinayo upang maprotektahan ang mga makapangyarihang español, una mula sa mga katutubo at nang lumaon, mula sa mga naghihimagsik na tsino. Ang pagpaplano ng itamuros ay isinagawa ni Lopez de Legaspi na isinaayon sa plano ng trace italliane. Ang trace italliane ay isa sa malalaking intramuros sa bansa ng Italya. Ang intramuros ng Maynila ay binubuo ng 64 na ektarya ng lupa na kinapapaligiran ng pader na may kapal nang hanggang dalawang dangkal. Ang mga pader tumataas ng 22 talampakan na nagkukubli sa kalooban ng intramuros. () Mula 1565-1583 walng mga istrakturang bato itinayo ang mga Español. Nang dumating si Legazpi sa Maynila, nag taguyod siya ng himpilan mula sa kuta ni Sulayman. Ito’y kuleksyon lamang ng mga kubo gawa sa kawayan at nipa. Nanatiling kahoy ang lunsod hanggang sa pagdating ni Domingo de Salazar, OP; ang unang Obispo ng Maynila. Nasa kanyang pamumuno

natagpuan and nagsimula ang pagkayod ng bato mula sa Guadalupe. At noong 1583, sa pagpanaw ni Gobernador Heneral Ronquillo, na sunog ang Marangal at Matapat na Lungsod ng Maynila. Ang mga itinayong nang gusali matapos ay gawa na sa bato; pinaitin at inukit ng mga tsino mula sa mga plano ni Antonio Sedeño. (Javellana, 2008) Ang pagtatayo ng intramuros ay nakumpleto sa taong 1606. Ito ang nagsilibing sentro ng kapangyarihan at relihiyon ng pamahalaan Español sa buong Pilipinas. Ang ilan sa mga simbahan dito ay ang Manila Cathedral at ang simabahan ng San Agustin. Mayroom ding mga paaralan tulad ng Unibersidad ng Santo Tomas, Letran at ang Ateneo Municipal. Kilala rin ang Intramuros bilang tirahan ng mga mayayaman at mga maykapangyarihan. Ang pananahan ng mga Español. Wala na ang nipa at kawayan. Dito, sa bagong lungsod ng Maynila itinayo ang mga bagong tahanang yari sa bato.

ANG EBOLUSYON NG BAHAY Masasabi na sinsalamin rin ng tirahan ng tao ang kanyang paraan ng pamumuhay. Totoo iyan ngayon, at totoo rin ito dati. Tignan na lamang ang mga bahay ngayon, ginawa sa ilalim ng konsepto ng kamurahan at kakulangan ng espasyo, subalit kaialngan komportable pa rin. Tignan naman ang mga makalumang bahay ng kastilla, ginawa upang maipakita ang kapangyarihan, habang pinapansin pa rin ang kakailanganan ng bentilasyon, at proteksyon mula sa araw at ulan. Tinawag itong bahay na bato, na masasabing ang pagsasama ng bahay na kubo, at ng Europeong arkitektura. Ang bahay na kubo naman ay ang sinuang mga bahay na tinirahan ng mga Pilipino, at maikita rin na ginawa ito ayon sa kanilang semi-nomadikong kabuhayan. Ang ebolusyon ng istruktura ng bahay ng Pilipino ang tatalakayin sa parte na ito. Hahatiin ang talakayan ng bahay sa tatlong panahon: bago ang 1565, 1565-1810, at 1810-1896. Itong mga panahon na ito ang masabing mga puntong nagkaroon ng importanteng pagbabago sa paraan ng arkitektura.

I.

BAGO ANG 1565 Bahay kubo ang malimit na tinitirahan ng mga tao bago dumaitng ang mga espanyol. Sa

kakulangan nila ng teknolohiya at kaalaman sa arkitektura noon, masasabi na ingenious ang pagkakagawa ng bahay kubo. Magkapareha sa maraming bagay ang paraan ng paggawa ng bahay kubo kung ikukumpara sa paggawa ng isang basket. Tulad ng pagkakagawa sa basket, ang mga parte ng bahay kubo ay tinahi, tinali, at ikinabit sa isa’t isa upang magawa ang istukutura ng bahay. Kung titignan nga ang loob ng iang bahay kubo, magmumukha itong looban ng isang basket. Karaniwang gawa sa apat na kilo ang bubong ng bahay kubo, at kolektibong tinatawag ito na kilo mayor, na bumubuhat sa palupo. Upang hind imaging magalaw ang mga kilo, sinasamahan ito ng sikang, na nagko-cross sa mga kalagitnaan ng slope ng mga kilo, at ng kahab-an, na nagdidikit ng mga dulo ng kilo sa isa’t isa. Palatpat naman ang ginagamit bilang pangunahin supporta ng bubong, at rattan ang ginagamit na pangtali sa mga ito. Damong kogon, dahon ng tubo, at dahon ng nipa ang ilan sa mga ginagamit sa pagtakip nila ng bubong. Sunod naman sa bubong ang mga haligi ng bahay. Karaniwang rin makikita na may apat na haligi ang bahay kubo. Malilimit na ginagamit ang molave sa paggawa ng haligi, subalit kung wala ito, ginagamit rin ang mga kahoy ng ipil at bamboo. Upang maitayo ang haligi, gumagawa ng butas para dito tapos inilalagay sa butas at papaligirang ng mga bato para hindi tumumba. Kapag nailagay na ang mga haligi, sunod ng gagawin ang lapag ng bahay,na kung mapapansin ay elevated upang maiwasan ang init ng lupa at mga insekto. Unang ginagawa ang yawi, na nag sisilbing marka ng dulo ng lapag. Nakakabit ito mula sa isang haligi hanggang sa katabing haligi. Sunod na inilalagay sa yawi ang patukuran, na inilalagay sa yawi sa pakaliwang anggulo. Ito an ang bumubuo sa permineter ng bahay kubo. Inilalagay naman sa ibabaw nito ang soleras, na magbubuhat sa sahig. Tulad ng sa ibang parte ng bahay, rattan o kaya palatpat ang ginagamit na pangtali dito. Pagkatapos sa pagbuo ng sahig,

sumunod na ang pinaka huling parte ng bahay, ang pader. Sa tulong ng rattan at bamboo ikinakabit ang mga pader sa mga ulo nito, na initatayo ng mga posting yari sa bamboo. Bilang resulta, hindi nakakabit ang pader sa haligi. Ang mga pader mismo ay gawa sa iba’t ibang kalse ng mga sangkap, tulad ng nipa, bamboo, cogon, anahaw, at buko. Iba rin ang paraan ng pagkakagawa sa mga pader. Kung mapapansin, may bahid na ng espanyol ang mga terminong ginamit sa pagsalaysay ng pagkakagawa sa bahay kubo. Dahil ito sa pananatili ng bahay kubo bilang isang tirahan kahit sa pagdating ng mga kastilla, at kaya hindi maiwasan maiba sa tunay o naunang tawag sa mga parte ng bahay kubo. Malimit nga na makikita ang mga kubong ito sa mga barrio at tabing ilog kung saan palaging umaapaw ang tubig. Masasabing nagkaroon lamang ng pagaayos o pagrerefine sa istruktura ng bahay kubo, subalit nandito pa rin ang esensyal na mga prinsipyong sinunod ng mga sinaunang tao sa Pilipinas.Nag resulta ito ng pagdami ng klase ng bahay nang nagsimula ang pagsakop sa Pilipinas. Tulad ng sabi kanina, nanatili ang bahay na kubo, subalit lumaganap na rin ang bahay na bato bilang tirahan sa Pilipina, lalo na sa mga poblacion. II. 1565-1810 Ang panahon na ito ang masasabing simula ng transpormasyon ng Pilipinas o kung gustuhin maging mas wasto, ang transpormasyon patungo sa pagiging Plilipinas. Nagsimula ang pananakop ng kastilla sa pagdating ni Migiel Lopez de Legazpi. Nang dumating sila sa Maynilad, nakita nila ang isang lansangan na yari sa Madera y cana, o kahoy, bamboo at nipa. Nasakop nila Legazpi ang Maynilad, at pinalitan ang pangalan na ito bilang Maynila. Noong una, sinunod ng mga espanyol ang estilo ng arkitektura ng mga native, dahil alam nila ang klima at estado ng kapaligiran sa Maynila. Kahit nga ang mga sibahayn ay gawa rin sa kahoy, subalit dahil dito, nasunog ang buong siyudad ng maynila ng ilang oras lamang dahil sa sunog na nagsimula sa libing ni General Ronquillo noong 1583. Sa puntong ito, sinabi ng mga kastilla na

yari dapat sa bato ang buong siyudad at kung hindi gawa sa bato, huwag na lang gawin. Dito na nagsimula ang paglaganap ng Europeong arkitektura. Madali nagging yari sa purong bato ang Maynila, salamat sa tulong ng mga Tsino at minahan sa kabundukan ng Pilipinas. Talagang nagging maganda nga ang Maynila, masasabi nga na maaring nang maisama ang mga bahay sa mga mayayamang mediteranyong daungan tulad ng Seville, Valencia, at Barcelona. Mula sa bubong an yari sa nipa, naging yari an ito sa mga tiles na tinaguriang azotea. Bukod dito, nagkaroon rin ng paglalaganap ng mga patio at nakasabit na beranda na nagbibigay ng proteksyon mula sa araw sa mga naglalakad sa ilalim nito. Makikita naman sa loob bang isang napaka Espanyol sa inobasyon, ang isang nakalabas na hagdan. Hindi ito tulad ng sa midyebal na Europa, kung saan palaging nakatago ang hagdanan. Inilabas ng Espanyol ang hagdanan upang masmaipakita ang ganda ng suot ng mga bisita nila habang pumaparada paakyat ng bahay. Subalit hindi nagtagal, naguho ang mga bahay na ito dahil sa lindol noong 1645. Ang mga sumunod pang lindol noong 1658 at 1677 ang nag direkta sa patutunguan ng arkitektura ng Maynila. Nagkaroon ng transpormasyon ang bahay na bato. Lumiit sa dalawang palapag na lamang ang mga bahay, at hindi na bato ang ginagamit sa ikalawang palapag kung hindi kahoy. Ang mga patio at nakasabit na mga beranda ay naging mga maliliit na mga bintana na tinwag nilang ventanillas. Ang mga bubing ay yari azotea pa rin, subalit binigyan pansin rin ang alternatibo, ang hindi nasusununog na nipa. Bumalik na rin ang paggamit sa haligi, na talagang siguradong proteksyon mula sa lindol. Upang tumayo, pinagdikitdikit ang mga poste sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga kahoy na girders o viga, na inilagay ng pa-krus na angulo sa iba pang poste. Dahil kailangan supportahan ng mga viga ang ikalawang palapag, karaniwang halos kasing kapal na rin nito ang mga haligi, na mga isang pang tatlo ng metro ang kapal.

Mapapansin sa nagkaroon na ng pagsasama ng Plipino at Europeong arkitektura na nagbigay bunga sa panibagong klase ng bahay: ang bahay na bato. Tulad ng haligi sa mga kubo, molave rin ang karaniwaang o pinapagustong gamitin sapaggawa ng mga haligi sa bahay na bato. Kapag hindi makikita ang molave, ginagamit rin ang mga ibang kahoy tulad ng guijo, ipil, at narra. Bansalaguen naman ang ginagamit sa paggawa ng pako at wedges. Pagdating sa mga bato, malimit na ginagamit ang volcanic tuff, na mayroon lamang kakaunting clay at tubig sa komposisyon nito, at kaya lubos itong matibay. Bukod dito, ginamit rin ang mga puti ang pink na marble. Sa cebu at Iloilo naman, dahil sa dami ng kanilang mga coral reefs, nakakagawa sila ng mga kakaibang klase ng baton, na tinawag na tablilla. Ginagamit rin ang clay sa mga tiles ng bubong, na parang cones na hinati sa kalahati. Habang tumagal ang panahon, mas lumaganap ang bahay na bato, at naging dalisay na ang paraan ng pagkakagawa dito. III. 1810-1896 Sa panahong ito, wala nang naging pagbabago sa pundamental sa prinsipyo ng paggawa sa mga bahay na bato. Nagkaroon na lamang ng mga pagbabagong maging masmahusay ang paggawa sa mga bahay. Maestro ang tawag sa mga taong nagdidirekta sa paggawa ng bahay. Tulad ng karamihan ng tao noon, pati ang maestro ay wala masyadong pinagaralan, at ayon lamang sa mga nakikita at naririnig niya sa ibang maestro ang basehan ng kaalaman niya sa paggaawa ng bahay. Walang alam ang maestro sa mga kalkulasyon ng sukat, at kailangan na kagamitan para sa bahay, at nagdagdag pa ito sa tagal ng paggawa ng mga bahay. Lubos na madami din ang mga pagkakamali sa paggawa ng bahay dahil dito. Wala pang konsepto ng remodelling noon, kaya’t kailangan tiisin na lamang ng nagpagawa ng bahay ang pagkakamali ng maestro. Upang maayos naman ang sitwasyon na ito, gumawa ang Espanya ng isang paraaralang pang arkitektura,ang Escuela de Artes y Oficios, na gumagawa ng mga lisensyadong maestros de obras. Ang ganitong kalse ng maestro ay marunong nang gumawa ng bahay na

nakabatay sa mga kakluasyon. Bumlis na ang paggawa ng bahay, at lumiit na ang mga pagkakamali sa paggawa ng bahay. Bukod dito, nagkaroon din ng ilang pagbabago sa paggawa na nagbigay ng daan sa pagkakagawa ng mga bahay na magtatagal ng mahabang panahon. Mayroong mga pagbabago sa paraan ng pagalagay ng pundasyon ng bahay. Upang magkaroon ng proteksyon ang bahay mula sa mga lindol, inaasahan ng mga manggagawa ang lalim at bigat ng inilalagay nila na pundasyon upang hindi ito maging magalaw sa lindol. Karaniwang inaabot ng dalawa hangang tatlong metro ang laliim. Sa kasamaang palad, hindi nagtagal at naguho ang pundasyon noong lindol ng 1880. Mula dito, nagdesisyon na ang mga manggagawa na damihan ang mga nagdidikit na parte sa ginta ng isang haligi sa isa pang haligi. Nagresulta ito sa pagkakaroon ng madami, at manipis na mga bricks bilang pundasyon. Dinamihan ng mga arktiekto ang mga joints ng bahay upang maging stable ito. Makikita ang grabita, mga malilit na batong ilog, sa ilalim ng pundasyon. So loob naman ng pundasyon makikita ang mga soleras, na strips ng kahoy na nakadikit sa mga haligi na lalo pang nagpapatibay ito. Sumunod naman ang mga pagbabago sa protekson ng mga kahoy mula sa kabulukak kapag nadikit ito sa lime na nagmumula sa mga bato. Tulad ng sabi kanina, molave at ipil lamang talaga ang hindi nabubulok kapag idinikit sa bato, kaya’t hindi nagtagal, nagsimula nang kumonti ang mga kahoy na ito. Kapag walang molave o ipil na magagamit para sa kahoy, ginagamit na lamang ang kaunting mayroon sa mga kahoy na ito bilang panakip sa ibang kahoy na masmadaling mabulok. Bukod pa rito, pinipinturahan ng pitch, o brea na may nakahalong sebo. Ang lahat ng mga paraang ito ang lubos na nagpatagal sa buhay ng isang bahay na bato. ANG EPEKTO SA PAMUMUHAY PILIPINO Nagkaroon din ng pagbabago sa pamumuhay ng mga tao dulot ng pagbabago ng kanilang tirahan. Subalit kung tutuusin, hindi naman talaga ganap na nagbago ang tirahan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Nanatili pa rin ang mga bahay kubo sa ilang mga pamayanan sa

bansa kahit na mayroon nang bahay na bato ang ilang mga Pilipino. Mas nararapat pa ngang sabihin na ang pagbabagong naganap sa tirahan ng mga Filipino ay ganap na mapapansin lamang sa mga pamayanang reduccido sapagkat ang pamumuhay ng mga taong nakatira sa mga nasabing lugar ay labis na naapektuhan ng kolonisasyon ng mga mananakop. Gaya nga ng nabanggit na, nakatira ang mga katutubo sa mga bahay na gawa sa kahoy bago pa dumating ang mga Kastila. Ang bahay kubo ang pinakamagandang ehemplo ng nasabing mga bahay. Kadalasang makikita ang mga ito sa tabi ng dagat o ilog kung saan halos magkakaparehas silang lahat sa kanilang pamayanan (vol. 16, 117)Mayroong dalawang bahagi ang bahay na kubo, ang itaas na bahagi at ang nasa ibaba nito. Nakatira ang mga katutubo sa itaas na bahagi ng bahay kubo samantalang ginagamit naman ang ibabang bahagi pasa sa mga iba pang gawain ng pamilya tulad ng pag-aalaga ng manok at baboy (vol. 12, page 208). Ilan pang dahilan kung bakit tinitirahan ng tao ang nasa ibabang bahagi ay ang init na mula sa lupa at ang mga naglalakihang daga sa pamayanan (vol. 16, 117). Maliban sa hindi angkop tirahan ang ibabang bahagi ng bahay kubo, tumitira ang mga katutubo sa itaas na bahagi dahil mas maayos ang daloy ng hangin sa bahaging ito kaysa sa ibabang bahagi. Mula sa mga deskripsyon ng mga bahay kubo sa mga pamayanan ng mga katutubo, mapapansin na naisasalamin ng mga bahay na ito hindi lamang ang kanilang pamumuhay. Masasabi sa unang tingin pa lamang ng mga bahay na ito na ang mga nakatira dito’y nasa komunal pamayanan kung saan walang espesyalisasyon ang mga tao. Karamihan sa kanila’y magkakaparehas ng ginagawa tulad na lamang ng pag-aalaga ng mga hayop at pagtatanim ng tirahan. Kung mayroon mang naiibang bahay kubo sa pamayanang katutubo, madalang lamang ang mga ito at kakaunti lamang.

Maliban sa pamumuhay ng mga katutubo, naisasalamin din ng mga bahay kubo ang pamayanan ng mga katutubo. Dahil nga isa sa katangian ng mga katutubo ang pagtira sa itaas na bahagi ng bahay kubo sanhi ng maayus na sirkulasyon ng hangin, masasabi na hindi dikit-dikit ang mga bahay na ito sa isa’t isa sapagkat kung magkakatabi man ang mga ito’y mahirap mangyare na maayus ang daloy ng hangin sa mga nabanggit na tirahan. Mula dito, masasabi na kakaunti lamang ang mga miyembro sa mga katutubong pamayanan kung kaya’t maari silang hindi magdiki-dikitan. Isa ring pwedeng dahilan ng hindi pagkakadiki-dikit ng mga bahay kubo ay dahil mayroon silang ibang pinaggagamitan ng lupang nakapalibot sa mga bahay na ito. Maaaring ginagamit nila ang espasyong ito para sa kanilang kabuhayan tulad ng pagtatanim na ipapakita sa katutubong kantang “bahay kubo” kung saan nilalarawan dito ang iba’t ibang tanim na makikita sa palibot ng nasabing bahay. Nang dumating ang mga kastila, dinala nila ang kanilang karunungan sa pagtatayo ng mga bahay na yari lamang sa mga bato. Di kalaunan, napansin nilang hindi angkop ang mga nasabing bahay dahil sa mga madadalas na lindol sanhi ng heograpikal na lokasyon ng Pilipinas. Dahil dito, gumawa na lamang sila ng mga bahay na yari sa bato at kahoy at tinawag nga itong bahay na bato (Gardner). Bagaman ang bahay na bato ang tinuturing na makabagong bahay ng mga Pilipino noong panahong iyon, kailangan tandaan na hindi lahat ng Pilipino ang tumira sa mga bahay na tulad nito. Karamihan sa mga tumira dito ay mga taong nasa itaas na bahagi ng hirarkiya sa bansa tulad na lamang ng mga Kastila at ilang indio principal sa lipunan. Maliban dito, hindi lamang basta basta makikita ang mga bahay na bato sa kahit anong pamayanan noong panahon ng mga Kastila. Makikita lamang ang mga bahay na ito sa mga pueblo o kung hindi man ay sa mga pamayanan na mayroong malaking impluwensya ang mga Kastila.

Tulad ng bahay kubo, maaari din tayong makakuha ng ideya sa mga pamayanang Pilipino noong pananakop ng mga Kastila. Kung ikukumpara ang bahay na bahay kubo, mapapansin na mas bukas ang bahay kubo kaysa sa bahay na bato. Tila may pang seguridad na kadahilanan ang pagkakagawa ng mga bahay na ito kung kaya ganoon na lamang ang istruktura nito. Kung iuugnay ito sa mga pamayanan noong panahong iyon, masasabing mayroong matinding pangangailangan sa seguridad ang mga nakatira dito kung kaya hindi na lamang nagkumpyansa ang mga ito sa simpleng bahay kubo. Sanhi ito marahil ng matinding diskriminasyon at kaisipang hirarkikal noong mga panahong iyon dala ng matinding pagkakaiba-iba sa mga klaseng kinabibilangan ng mga kasapi ng pamayanan. Maliban dito, mayroon ding maling representasyon sa mga indio noong mga kapanahunang iyon tulad ng pagiging barbaro (vol. 51, page 89) kung kaya ganoon na lamang ang pagtingin nila sa kanilang seguridad. Isang pang katangian ng pamayanan noong panahon ng mga Kastila na maiuugnay sa istruktura ng mga bahay na bato ay ang pagusbong ng mga pueblo. Sa mga pueblo,mayroon nang espesyalisasyon ang mga tao. Mayroon nang rseponsibilidad ang bawat kasapi sa pamayanan. Halimbawa, ang mga mangangalakal ay makikita na lamang sa palengke at ang mga kasapi sa pamahalaan ay makikita na lamang sa kanilang opisina sa pueblo. Dahil dito, tila nagiging tirahan na lamang ang silbi ng mga bahay sa mga nasabing pamayanan. Di tulad sa bahay kubo, wala nang bahagi ang bahay na bato na pinaggagamitan para sa pag-aalaga ng hayop kasi nga naman hindi na komunal ang pamayanan kung kaya mayroon nang ibang kasapi ng pamayanan na gumagawa ng mga tungkuling ito para sa lahat ng kasapi. Maliban sa mga nabanggit, isa pang masasabing sanhi ng pagtira ng ilan sa mga mamamaya ng Pilipinas sa mga bahay na bato ay ang pagpapakilala sa bansa ng kulturang Europeo. At dahil nga naging modelo ang kulturang Europeo nung mga panahong iyon, ipinasok ito sa Pilipinas kung kaya naman kahit na hindi epektibo ang mga bahay na gawa sa purong bato

ay gumawa pa rin ng paraan ang mga mamamayan sa Pilipinas na kahit papano’y gayahin ito kung kaya naman naimbento ang mga bahay na bato. Ngayong nasuri na ang mga epekto ng pamumuhay ng mga tao noon sa istruktura ng kanilang bahay, suriin naman natin kung ano nga ba talaga ang nasa loob ng mga bahay na ito at tignan natin kung mayroon tayong makukuha mula sa mga ito. Makakatulong ditto ang puntong ginawa ni Augusto Villalon sa isa sa kanyang mga sanaysay ukol sa pagtingin ng mga Pilipino sa ideya ng espasyo. Ayon sa kanya, hindi malakas ang pagtingin ng mga Pilipino sa kanilang pribadong esasyo ‘di tulad ng mga taong nagmula sa mga bansang kanluranin. Sinabi din nya na ang mga Pilipino ay tulad ng ibang bansa sa Asya na sumusunod sa konsepto ng shared space at limited privacy. At makikita ang mga ito sa istruktura ng mga sinaunang bahay sa Pilipinas ayon sa kanya. Maliban sa mga nabanggit na, isa pang katangian ng mga bahay kubo ang pagiging isang malaking kuwarto lamang nito. Sa loob ng espayong ito’y naninirahan ang kadalasa’y tatlo o higit pang henerasyon ng bawat pamilya at pinaghahatian nila ang limitadong espayong ito para sa pang araw-araw na pangangailangan ng bawat isa tulad ng pagkain at ng pagtulog. Mapapansin na tila walang ibinibigay na privacy sa bawat miyembro ng mag-anak. Lahat ng miyembro ng pamilya’y naghahati-hati sa isang bubungan lamang. Sabi pa nga ni Villalon na isang kurtina lamang ang ginagamit kung mayroong miyembro ng pamilya ang gustong magkaroon ng pribadong panahon. Taliwas naman ang mga katangiang ito sa kulturang kanluranin. Kung ihahambing ang mga kanilang bahay sa mga Asyanong bahay, mapapansin na mayroong binibigay na importansya sa pagkakahiwa-hiwalay ng mga bahagi ng bahay kasi mayroong silang ideya na ang bahay ng isang tao ay ang kanyang kaharian (Villalon).

Nang magawa naman ang mga bahay na bato sanhi ng kanluraning impluwensya, napanatili pa rin sa mga ito konseptong tinalakay ni Villalon tungkol sa mga Pilipino. Sabi pa nga ni VIllalon na bagaman tila kuihang kuha na ng bahay na bato ang mga katangian ng mga kanluraning bahay, mayroon pa ring ibang bahagi dito kung saan makikita ang nabanggit kaninang katangian ng mga Pilipino. Nanatili pa rin ang konsepto ng pagsasama sama sa isang bubong ng buong mag-anak. Sa katunayan nga’y taglay pa hanggang ngayon ng karamihan sa mga pamilyang Pilipino ang katangiang ito.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->