P. 1
Thesis (Filipino 2)

Thesis (Filipino 2)

4.21

|Views: 229,637|Likes:
Published by JM Gabison
Teenage Pregnancy

Feel free to comment. If ever, gamitin niyo ito sa projects nyo, wag sana ninyong i ASSUME that you MADE this! Pinagpaguran namin to. I'll sue you if ever.

PM me if you need help:
jmervs_4ever@yahoo.com (yahoomail)
JM Gabison (facebook)
Teenage Pregnancy

Feel free to comment. If ever, gamitin niyo ito sa projects nyo, wag sana ninyong i ASSUME that you MADE this! Pinagpaguran namin to. I'll sue you if ever.

PM me if you need help:
jmervs_4ever@yahoo.com (yahoomail)
JM Gabison (facebook)

More info:

Categories:Types, Research
Published by: JM Gabison on Nov 21, 2009
Copyright:Traditional Copyright: All rights reserved

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC or read online from Scribd
See more
See less

08/03/2015

Kabanata I

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

INTRODUKSYON

Ang makakilala ng isang prinsipe na magdadala sa isang paraisong malayo sa kaguluhan at problema at magmamahal ng tapat ay pangarap ng maraming kababaihan. Ngunit hindi ito nangyayari sa realidad. Sa halip, ang mga kababaihan ay dinadala sa mga mumurahing hotel, ibinabalandra sa mga malalaswang babasahin, at nininerbiyos na naghihintay sa kanilang “prince charming” na magbibigay sa kanila ng higit pa sa unang halik sa mga marurumi at tagong iskinita. Sa realidad, karamihan sa mga kababaihan ay inaabandona matapos mapagsawaan, nag-iisa sa pagharap sa marahas na buhay at kadalasan ay buntis. Ang isyu ng “teenage pregnancy” ay laganap na sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo. Kasalukuyan tayong nahaharap sa napakasakit na katotohanan na sa napakabatang edad, karamihan sa mga kabataan ay may sarili ng mga anak. Sa Pilipinas, ayon sa 1995 census, mga 1.8 milyong kalalakihan at 670,000 kababaihan na may edad 15-24 ang aktibo sa sex o pakikipagtalik. Ayon rin sa pag-aaral ni Dr. Corazon M. Raymundo, 20% ng maagang pakikipagtalik ay nangyayari sa hayskul. Ang mga kabataang ito ay sumusuong sa pakikipagtalik na walang ideya sa maaaring epekto nito tulad ng “teenage pregnancy” at pagkakaroon ng ”sexually transmitted diseases.” Sa

katunayan, sa mga kabataang aktibo sa sex, 74% ang hindi gumagamit ng kahit anong kontraseptib.

Ayon naman sa World Heath Organization, 21% ng mga Pilipinong kababaihan ang nabubuntis ng wala pang 19 anyos. Ayon rin sa POPCOM, ang mga batang ina ay bumubuo sa 30% ng lahat ng pagbubuntis, 17% ng mga kaso ng hinimuk na aborsyon (induced abortion), 12% ng normal na panganganak, 6% ng boluntaryong aborsyon,. Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, “Dito sa Pilipinas, napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay mga konserbatibong tao. Dahil dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa sekswalidad. Samakatuwid, naniniwala ako na ang pagtalakay sa usaping sekswal ay isa pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga gawa.”

LAYUNIN NG PAG-AARAAL

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon na makakalap ng impormasyon ukol sa mga epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kakababaihan na may edad 16-19 sa baranggay Tabunok sitio Nonoc. Ang mga impormasyong makakalap ay gagamitin para makabuo ng mga kongkretong impormasyon para maging aral na magmumulat sa mga mata ng kabataan sa mga hindi magagandang resulta ng sobrang kapusukan at pakikipagtalik ng walang basbas ng kasal.

Ang mga nasabing epekto ng “teenage pregnancy” ay hahatiin sa aspekto ng: 1. Pag-aaral 2. Kalagayang sosyal 3. Kinabukasan 4. Kalusugan

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa mga researcher. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga researcher ay makakalap ng impormasyon na makakatulong sa kanila sa kung papaano makaiiwas sa mga hindi magagandang epekto ng maagang pagbubuntis. Makakatulong rin ito sa pagsasakatuparan ng mga mananaliksik sa kanilang panlipunang tungkulin na tumulong sa kapwa. Sa tulong ng mga impormasyon ay maaaring makabuo ang mga mananaliksik ng realisasyon o aral na maaari nilang ipamahagi sa iba upang mabawasan, kundi man mapigilan, ang paglaganap ng “teenage pregnancy.”

Sa kabataan. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagmulat sa mata ng kabataan ukol sa masasamang epekto ng sobrang kapusukan at ng pakikipagtalik ng walang basbas ng kasal.

Sa mga magulang. Ang pananaliksik na ito ay maaaring makatulong sa mga magulang sa pagdisiplina ng kanilang mga anak. Makapagbibigay ito ng mga ideya kung paano nila papangaralan at didisiplinahin ang kanilang mga anak sa paraang hindi ito

magrerebelde at gagawa ng mga di kanais-nais na mga bagay at may mabibigat na kahihinatnan.

Sa simbahan. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, mapapalaganap lalo ang layunin ng simbahan na mabawasan, kundi man matigil na ang pagdami ng kaso ng maagang pagbubuntis. Sa tulong din nito, ang aral ng simbahan ukol sa maagang pakikipagtalik na siyang sanhi ng “teenage pregnancy” at ang aborsyon, na maaaring maging solusyon ng mga batang ina sa kanilang problema, ay lalong mapapalaganap sa mga kabataan.

Sa komunidad at pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa pamahalaan sa pagkontrol ng populasyon sa pamamagitan ng pagliit sa insidente ng “teenage pregnancy.” Ang mga datos na makokolekta ay maaaring magmulat sa kamalayan ng karamihan ukol sa maagang pagbubuntis at sa samu’t-saring epekto nito na kadalasan ay nakasasama.

Sa DOH at WHO. Makaktulong ang aming pag-aaral sa kampanya ng Department of Health at World Health Organization sa STD at AIDS na ilan lamang sa maaaring maging di kanais-nais na epekto ng maagang pakikipagtalik.

SAKLAW AT LIMITASYON Ang pag-aaral ay gagawin sa Baranggay ng Tabunok sitio Nonoc sa Talisay City na kung saan doon naninirahan ang 20 babae na aming mapapagtanungan. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paghahanap ng epekto ng “teenage pregnancy” sa mga kababaihan gulang 16 – 19 na kung saan deskriptibong pamamaraan ang gagamitin para makakuha ng mga impormasyon. Ang pananaliksik ay mangyayari sa buwan ng Pebrero hanggang Marso, sapat para makagawa ng sarbey hanggang sa makabuo ng kongklusyon.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA 1. gulang. 2. 3. Abortion – pagpapalaglag sa buhay na nasa sinapupunan. STD (sexually transmitted disease) – mga sakit na napapasa sa isang tao Teenage Pregnancy – ang pagbubuntis ng mga babae na wala pa sa tamang

patungo sa isa pang tao sa paraan ng pakikipagtalik. 4. WHO (World Health Organization) – isang ahensya ng Nagkakaisang Bansa

(UN) na tumutulong sa pagpapabuti sa kalagayan ng kalusugan 5. 6. Maternal – hinggil sa ina o paggiging ina. POPCOM (Population Commission) – isang ahensya ng gobyeno na

namamahala at tumutulong sa pagbuo ng mga patakarang may kinalaman sa populasyon. 7. Social Stigma – ang tawag sa pagkakaroon ng tatak ng “kahihiyan sa

lipunan.” 8. Gender role – bahaging ginagampanan o ang papel ng kasarian sa isang tao.

9. 10. 11. araw.

Nutritional deficiency – kakulangan ng karampatang kalusugan ng isang tao. Menarche – unang buwanang dalaw ng isang babae. Maternal Mortality Rate – ang bilang ng mga batang naipapanganak sa isang

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa Wikipedia Encyclopedia, ang teenage pregnancy sa Estados Unidos ay nangangahulugan na ang isang batang babae ay nagdadalang tao. Samantala, Sa Britanya naman, may legal na depenasyon kung saan ang isang babae ay sinasabing “maagang nagbubuntis” kung siya ay nabuntis bago sumapit ang kanyang ika-labinwalong kaarawan. Ang terminolohiyang ito, sa araw-araw na pananalita ay nagpapatungkol sa isang babae na wala pa sa legal na edad, na nagkaka-iba-iba sa iba’t-ibang parte ng mundo, na nabubuntis.1 Ayon pa rin sa Wikipedia, ang average na edad ng “menarche” (unang buwanang dalaw/regla) sa Estados Unidos ay 12.5 taong gulang, pero ito ay nag iiba-iba parin ayon sa etnisidad at timbang ng isang babae, at ang unang obyulasyon ay nanatiling hindi regular hanggang ilang buwan matapos ang “menarche.” Sa kasalukuyan, ang average na edad ng menarche ay patuloy na bumababa. At kahit na ang maagang pagkakaroon ng
1

http://www.wikipedia.com/teenagepregnancy_html

kakayahan na manganak ng isang babae ay isang dahilan ng maagang pagbubuntis, hindi pa rin dapat isawalang bahala ang iba pang mga salik na umaambag sa pagbubuntis ng isang dalaga.2 Sa isang pananaliksik ni Robertson et al, nagawa niyang alamin ang mga impormasyon na sumusuporta sa “teenage pregnancy” bilang isang isyung sosyal sa mga mayayamang bansa. Ito ay ang mga sumusunod: mababang lebel ng pinag-aralan, kahirapan, at ang hirap ng buhay ng mga anak ng mga dalagang ina. Kadalasan sa mga mayayamang bansa, ang “teenage pregnancy” ay nagdadala ng “social stigma” o ang kahihiyan sa lipunan sa karamihan ng mga komunidad at kultura. Sa mga dahilang ito, nagkaroon ng mga pag-aaral at kampanya na naglalayong alamin ang mga dahilan at limitahan ang numero ng maagang pagbubuntis. Sa ibang mga bansa at kultura, partikular sa mga hindi pa gaanong masaganang mga bansa, ang teenage pregnancy ay saklaw ng kasal at hindi nagdadala ng “social stigma.”3 May isang pag-aaral na ginawa ng Kaiser Family Foundation, sinabi na ang maagang pag-aasawa at ang mga tradisyunal na “gender roles” o ang bahaging ginagampanan ng kasarian sa isang tao ay kabilang sa mga importanteng salik na nakakaapekto sa dami ng mga babaeng maagang nagbubuntis. At sa mga sociedad na hindi karaniwan ang maagang pag-aasawa, ang maagang pagkakaroon ng karanasang sekswal at ang kakulangan sa paggamit ng mga kontraseptib ang mga dahilan. Ayon pa rin sa naturang pag-aaral, gumawa sila ng sarbey tungkol sa sekswal na gawain ng mga kabataan na kung saan 29% ng mga teenager ang nagsabing nahihikayat sila na
2 3

Ibid, D Robertson, R Andrews, P Buttner, G Byrnes, R Speare ‌ (2001) Teenage Pregnancy as a Social Stigma in Delhi, India, Journal of Maternal and Child Care, p. 33

makipagtalik, 33% ng mga kabataang aktibo sa aspetong sekswal ang nagsabing sila ay “nasa isang relasyon na kung saan sila at ang kanyang karelasyon ay gumagawa ng mga sekswal na gawain”, at 24% ang “gumawa ng gawain na sekswal na hindi naman nila talaga gustong gawin”. Ang pag-inom ng alkohol at ang paggamit ng ilang mga ipinagbabawal na gamot na nakakabawas sa mga inhibisyon ng isang tao ay isa marahil sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga hindi pinagplanuhang sekswal na gawain.4 Ayon kay Leonard Sax, isang doctor at manunulat tungkol sa sekswalidad, ang mga kadalagahan ay kadalasang lasing bago gumawa ng sekswal na aktibidad dahil ito ay “nakakatanggal ng hiya at sakit.”5 Ayon sa American Academy of Family Physicians and Obstetricians, ang “maternal” at “prenatal” na kalusugan ay nararapat na pagtuunan ng pansin lalo na sa mga dalagang nagdadalang-tao. Ang pandaigdigang insidente ng hindi napapanahong pagsilang ay mas mataas sa mga dalagang ina. Mayroong mga pananaliksik na nagsasabing ang mga dalaga na nagdadalang-tao ay karamihang hindi nakakatanggap ng “prenatal care” o ang karampatang pagaalaga bago manganak, at kadalasang nagpapakonsulta lamang sa mga huling buwan na ng pagbubuntis. Ang Guttmacher Institute ay nagbigay ng ulat na 1/3 ng mga nagbubuntis na dalaga ay hindi sapat ang tinatanggap na “prenatal care” at ang kanilang mga anak ay ang madalas na dumaranas ng iba’t ibang mga sakit, kumpara sa mga anak ng mga mas nakatatandang mga ina. Marami sa mga nagbubuntis na dalaga ay mas may posibilidad na makaranas ng mga “nutritional deficiencies” o kakulangan sa kalusugan dahil sa pagkain ng hindi sapat o hindi masusustansyang mga pagkain na karaniwan sa mga kabataang ito, kasali na ang
4 5

http://kaiserfamilyfoundation.gov.uk/ahandforteenagemoms_html Ibid.

mga ginagawang pagpapapayat sa pamamagitan ng pagdidyeta, hindi pagkain sa tamang oras, at iba pa.6 Ang hindi sapat na nutrisyon habang nagdadalang tao ay isa pang mas malaking problema sa mga nagbubuntis na kabataan sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa. Ang mga komplikasyon sa pagbubuntis ay nagreresulta sa pagkamatay ng estimadong 70,000 mga dalaga sa mga hindi gaanong masaganang mga bansa kada taon. Ang World Health Organization (WHO) ay nagsabing tinatayang doble ang tsansa ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis sa mga babaeng edad 15-19 kumpara sa mga babaeng edad 20-24. Ang “maternal mortality rate” na ito ay tinatayang mas mataas ng limang beses sa mga babae edad 10-14 kumpara sa mga edad 20 pataas.7 Ayon pa rin sa WHO, ang maging dalagang ina sa isang industriyalisadong bansa ay isang disadvantage dahil ito ay maaring makaapekto sa pag-aaral. Ang mga dalagang ina ay may mas malaking tsansa ng paghinto sa pag-aaral, lalo na sa hayskul. Gayon paman, napag-alaman sa ilang mga pag-aaral na itong mga batang ina ay tumigil na sa pag-aaral bago pa man sila mabuntis, at ang mga nag-aaral at nabuntis ay hindi rin malayo ang tsansa na makapagtapos tulad ng kanilang mga kaibigan. Isang pag-aaral noong 2001 ang nagsabing ang kababaihan na nagsilang ng sanggol sa kanilang kabataan ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya 10-12% ay kadalasang nagpupursige ng post-secondary na edukasyon 14-29% mas kadalasan sa mga babaeng naghintay magbuntis hanggang sa edad na 30.8
6

American Academy of Physicians and Obstetricians.(2003) Pregnancy Guidelines: Pregnancy and Maternal Health. Accesses at:
www.findarticles.com/cf_dls/m3225/6_67/article.jhtml
7 8

http://who.org/motherhood-teenage/research_html Ibid.

Ang mga batang ina ay maari ring makaranas ng paglayo sa sarili (alienation) mula sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Sa karagdagan, ang pagbubuntis ay maaaring magdulot ng mga problema sa isang batang relasyon. Sa katunayan, 60% ng mga batang ina ay wala nang lalakeng kapares sa oras na isilang nila ang kanilang anak. Ang kalungkutan at problemang pinansyal ay maaring magdulot sa isang batang ina na masangkot sa hindi kaaya-ayang mga relasyon.9 Sa kasamaang palad, ang maagang pagbubuntis ay may kaakibat na “social stigma”. Ang kahihiyang ito ay maaring makaapekto sa pakiramdam o tingin ng isang batang ina tungkol sa kanyang mga kakayahan sa pagiging ina, at pati na rin sa kanyang pagkatao. Ang mga negatibong pananaw (negative attitudes) na ito tungkol sa pagiging batang ina ay nagdudulot ng pagbaba ng tingin ng isang babae sa kanyang sarili.10 Kung ang maagang pagbubuntis ay mayroong masasamang epekto sa nagdadalang tao, mayroon din itong masasamang epekto sa sanggol. Ayon sa Kaiser Family Foundation, ang masamang epekto ng pagiging batang ina ay makikita o mapapansin sa psychosocial development ng sanggol. Ang pagkakaroon ng developmental disabilities at mga behavioral issues ay mas mataas sa mga batang isinilang ng mga batang ina. Isang pag-aaral ang nagmungkahi na ito ay dahil sa kadahilanang ang mga batang ina ay paminsan-minsan lamang ginigising ang pakiramdam (iniistimulate) ng kanilang mga sanggol sa pamamagitan ng paghawak, pagngiti, pakikipag-usap, at ang pagiging maselan sa pagkilala ng nga pangangailangan ng kanyang sanggol. Nakita sa karamihan ng mga anak ng mga batang ina ang hindi
9 10

Ibid. Ibid.

gaanong magandang pagganap sa paaralan. Marami sa kanila ay tipikal lamang, ang iba naman ay hindi nakakapagtapos ng sekondarya, mayroon ding mga bumabalik sa antas na hindi nila naipasa, at marami din ang nakakakuha ng mababang mga marka sa mga pagsusulit. Ang mga anak na babae ng mga batang ina ay malaki ang posibilidad na maging batang ina rin sa kanyang paglaki. Ang mga anak na lalaki naman ng isang batang ina ay kadalasang nagiging basagulero at sa ibang sitwasyon ay nakukulong pa.11 Sa Pilipinas, ang teenage pregnancy ay patuloy na tumataas at patuloy na nangangailangang pagtuunan ng pansin. Sa kasalukuyan, lalo pa ring tumataas ang bilang ng mga batang babae na nagiging ina at karamihan sa kanila ay hindi pa kasal. Ang mga nagbubuntis ng maaga ay mas maselan sa mga kundisyon tulad ng pagkamatay dahil sa pagbubuntis, at karamihan sa kanila ay sadyang hindi pa handa na harapin ang mga hamon ng pagiging isang ina. 12 Ang mga pangyayaring ito ay nagpapahiwatig na hindi sapat ang mga impormasyong ibinibigay sa publiko na napapatungkol sa teenage pregnancy at hindi sapat ang ibinibigay na prayoridad sa kalusugan ng mga nagbubuntis at mga ina. Tayo ngayon ay nahaharap sa nakakasilaw na katotohanan na sa napakamurang edad, marami sa mga batang babae ngayon ay mayroon nang mga anak. Ayon sa National Demographic and Survey (2003), isa sa apat na mga babae ay nagiging ina sa edad na 19, habang apat sa sampung babae 20-24 taong gulang ay nagkaroon na ng karanasang sekswal. 13

11

12

http://kaiserfamilyfoundation.gov.uk/ahandforteenagemoms_html Eileen Donnelly, Journal of Maternal and Child Health Nursing 1991, Vol. 8, Ibid.

No. 2, Pages 85-94
13

Dito sa kabataang populasyon na ito, ang mayorya ay hindi pa rin kasal 83.1% ay naglilive-in kasama ng kanilang mga kapares at 2.6% ang hindi magkasama. Ang dami o rate ng pagbubuntis ay tumataas mula 25% hanggang 50% sa panahong ang mga babae ay edad 20-24. Higit sa numero, ang teenage pregnancy ay isang rason ng pag-aalala dahil sa espesyal na role na ginagampanan ng mga kabataang babae sa sociedad. Samakatwid, ang mga masasmang epekto ay patuloy na dumarami at patuloy na lumalala. Masakit isipin, pero ang karamihan sa mga kabataan ngayon ay hindi alam ang gagawin kung sila ay napupunta sa mga sitwasyong tulad nito.14 Ayon kay Dr. Jean Marc Olive, representatib ng WHO sa Pilipinas, “Dito sa Pilipinas, napakahirap talakayin ang mga usapin sa sekswalidad dahil ang mga Pilipino ay mga konserbatibong tao. Dahil dito, nagkakaroon ng misinterpretasyon tungkol sa sekswalidad. Samakatwid, naniniwala ako na ang pagtatalakay sa usaping sekswal ay isa pa ring mabisang paraan upang ang kabataan ay maging responsable sa kanilang mga gawa.”15

Kabanata III

14 15

Ibid. htpp://who.org/philippineissuesonpregnancy_html

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Descriptive-status ang disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito. Ang pamamaraang ito ng pagsagot ng mga katanungan ay naglalayong sagutin ang mga tanong tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa kasalukuyan at mga kasalukuyang kondisyon. Ito ay isang paraan ng kwantitatibong deskripsyon na kung saan inaalam ang mga umiiral na kondisyon sa grupo ng mga usaping pinili para sa pag-aaral.

RESPONDENTE

Ayon sa tanggapan ng baranggay Tabunok, ang Sitio Nonoc ay ang may pinakamaraming insidente ng panganganak. Sabi nila na 1 sa bawat 5 na babae (1:5) ay may gulang na 16-19. Sa paghahambing na ito ay kukuha kami ng 20 na babae na nakaranas ng maagang pagbubuntis. Ang 20 na ito ang magsisilbing “representative sample” o kinatawan sa populasyon ng mga babaeng maagang nagbuntis. Ang mga babaeng ito ay napili dahil sila ay bukas sa pakikipanayam at sapat na sa gulang upang makapagbigay ng mga detalye ng kakailanganin o makakatulong para mabuo ang pagaaral. INSTUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pagaaral ay isang sarbey kwestyuner. Ang mga babae ay gagawing sabjek ng sarbey. Sila ay pasasagutin sa kwestyuner at pagkatapos ay magkakaroon ng pakikipanayam tungkol sa kanilang buhay-ina.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang analisis at ang pagsalin sa mga datos para maging pamilang na impormasyon (numerical data) ay gagamit ng “percentage” at “mean” upang makuha ang ninanais na detalye. Ang mga ito ay itutuos sa pamamagitan ng mga sumusunod:

A. Percentage
%= f × 100 n

Kung saan: % f n B. MEAN
x=

= kainaman (percentage) = dami ng mga sumagot sa tanong = kabuuang bilang ng mga babae

∑x
n

Kung saan:
x

= mean (katamtamang dami)

∑x

= kabuuang dami mga babaeng sumagot sa

particular na tanong n = kabuuang dami ng sagot

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->