P. 1
17297191-Kasaysayan-ng-Pilipinas

17297191-Kasaysayan-ng-Pilipinas

5.0

|Views: 18,483|Likes:
Published by esojnailuj

More info:

Published by: esojnailuj on Nov 22, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/03/2015

pdf

text

original

KASAYSAYAN NG PILIPINAS

(Unang Linggo) The Spaniards gathered 7,000 islands, gave the thing a name, and made themselves masters of the place. For 300 years, the natives resisted fiercely, singly at first, then in larger and larger groups. And lost each time. In typical islander fashion, it was no big deal. And then the Americans came. Iyan ang dati at lumang kasaysayan ng Pilipinas, naituro at sa kasawimpalad ay itinuturo pa sa lahat ng Pilipino. Laging English, laging nagsisimula sa pagdating ng mga Espanyol, laging tungkol sa mga dayuhan, laging walang katuturan sa mga katutubo. Laging laos, simula’t simula pa. Kahit gaanong tapat at taos-puso, hindi mahuhuli sa ibang wika ng ‘Once upon a time’ ang kalooban ng Pilipino, ang pag-unawa at pakikipag-isa ng damdamin sa mga tao ng nakaraan na, sa huling tuusan, ay ang buod at puso ng anumang kasaysayan. Kaya nang mabalita na Tagalog, o Pilipino, o Filipino (whichever) ang gagamitin na sa pagtuturo sa mga paaralan, masigla ang naging paghanap ng kasaysayan ng Pilipinas na sulat sa Tagalog, o Pilipino, o Filipino (alinman) dahil sa pag-asang mababasa na, sa wakas! ang karanasan ng bayan mula sa paningin ng katutubo, hindi sa wika (at damdamin) ng dayuhan. MAHIGIT 7,100 piraso ang Pilipinas, isang libo lamang ang may tao, kalahati ay ni walang pangalan, marami ang lulubog-lilitaw sa urong-sulong ng dagat, 46 piraso lamang ang malaki pa sa 100 kilometro cuadrado. Sa dadalawa, Luzon at Mindanao, nakatira ang 7 sa bawat 10 Pilipino. Bawat kasaysayan ay kinakailangang magsimula sa umpisa, kaya ang unang paksa sa kasaysayan ng Pilipinas ay kailangang iukol sa pinanggalingan ng kinalalagyan ng bayan. Mga Bakas Ng Lumipas (I) • • • • • • 26,000 - 24,000 SN, may tao na sa Pilipinas. 9,000 - 8,000 SN, nasa Pilipinas ang mga magdaragat [Austronesians]. 3,300 SN, nagsimulang humiwalay ang iba’t ibang wikang katutubo mula sa isang ninunong wika. 2,100 SN, nagsimulang mabuo ang wikang Tagalog, Visaya at Manobo mula sa humiwalay na mga wika. 600, nagsimula ang kalakal ng makalumang porselana mula China; 300 taon pa bago nagkalakal ng tunay na porselana. 1001, dumating sa China ang mga sugo [ambassadors] mula Butuan.

• • •

1200, nagsimulang maging tangi ang wikang Tausug mula sa wikang Butuan. 1380, unang dating ng mga muslim [Moro ang tawag ng mga Espanyol] upang magturo ng Islam sa Pilipinas, sa pulo ng Simunul, Tawi-Tawi, sa kanluran ng Mindanao. 1450, itinatag sa Sulu ni Abu Bakr ang unang kaharian [sultanate] ng Muslim.

Saan Mula Ang Lupa? ANG alikabok na tinatapakan, nasisinghot at nagpapadumi ng damit ay galing sa sahig ng dagat, nalukot paitaas nang mabundol ng sahig ng Pacific Ocean. Mula naman ang malalaking bahagi ng mga pulo sa bulwak ng mga bulkan sa mga butas at siwang ng tipak na lupa na lumulutang sa kumukulong bato. Dating akala, kasama ng Pilipinas ang Malaysia at Indonesia sa munting tipak na lupa na iniipit ng 3 naglalakihang tipak:

1. Sahig ng dagat Pacific, sa silangan; 2. Tipak ng Australia at India, sa timog at kanluran; at 3. Lupa ng China at Japan, sa hilaga.
Ngunit napagtanto nitong 1983 lamang na ang Pilipinas mismo ay 3 o higit pang magkakadikit na tipak na nagkikiskisan at umuusad sa 3 o higit pang makakasalungat na tungo. Bakit umuusad? Ang sapantaha ng mga nag-agham, batay sa mga katibayang nausisa mula nuong 1950s, ang kumukulong bato ang siyang nagpapalutang at nagpapagalaw sa iba't ibang lupain ng daigdig - animo'y takip ng palayok o caserola na itinutulak at pinaiiktad ng sumusubong sinaing. Ang nasukat na pinakamabilis na usad, hindi sa Pilipinas, ay 15 sentimetro o 6 pulgada sa santaon, ang pinakamabagal ay 2 sentimetro o kulang-kulang isang pulgada, santaon; karaniwang usad ay kasing bilis ng tubo ng kuko sa daliri, daw. Patuloy ang gitgitan ng mahigit 12 piraso na natuklasang bumubuo sa balat ng daigdig, pati na sahig ng mga dagat. Maraming lamat at butas dahil sa salyahan, at duon bumubulwak ang kumukulong bato na nakabalot sa buong daigdig sa ilalim ng mga tipak. Ang tipak ng Pacific Ocean ang kinikilalang pinakamapanganib sa kasalukuyan; tinawag na sinsing na apoy

[ring of fire] dahil sa dami ng bulkan at lindol sa paligid nito. Kasama ang Pilipinas sa sinsing, kasama sa pagsabog ng bulkan, kasama sa lindol.

Maikling Deskpripsyon ng Pilipinas ● Sukat: 300,400㎦ ● Bilang ng Pulo: 7,107 islands ● Populasyon : Humigit kumulang sa 87 Milyon (estimate: 2005) ● Kapal ng Tao : 295 katao gada 1 sq. km. ● Nakatira sa Kabayanan : 61% (2003) ● Nakatira sa Kabukiran : 39% (2003) ● Inaasahang mabubuhay ng : 69.9 taon (2005) ● Bilang ng sanggol na namamatay pagkasilang : 24 sa 1,000 pagsilang ● Pursyento ng maypinagaralan : 96% (2005) ● Lahing Pinagmulan : Malay race ● Uri ng Gobyerno: 6 na taong pamamahala sa ilalim ng isang Presidente ● Pambansang Salita: Filipino, Sinasalita ng karamihan - English ● Relihiyon : Katoliko (83%), Protestante (9%), Islam (5%), Iba pa (3%) ● Pangunahing Syudad : Manila, Baguio, Cebu, Davao ● Sistemang pang Edukasyon: 6 na taon sa elementarya, 4 na taon sa high school, 4 na taon sa kolehiyo ● Semestre : Unang semestre, simula Enero hanggang Octubre Ikalawang semestre, simula Nobyembre hanggang Marso Bakasyon: Simula Abril hanggang Mayo Ang Mga Naging Pangalan ng Arkipelago:

bayan bilang “Perla del mar de Oriente” (Mutyang Mahalaga sa Dagat Silangan). Ang pangalang Filipinas ay unang lumitaw sa isang mapa na nalimbag sa Venice nuong 1554 sa pangunguna ni Battista Ramusio, isang Italyanong heograpiko. Ang Kastilang salita na Filipinas ay nuong lumaon ay napalitan ng pangalang “Philippine Islands” sa panahon ng pamamalakad ng Kolonyang Amerika noong 1898. Napalitan ito ng pangalang “Republika ng Pilipinas” nuong kinilala ang kanyang kalayaan nuong 1946. Isang pangarap na palitan ang pangalan ng Pilipinas: Si Artemio Ricarte, isang Katipunang heneral, ay ninais palitan ang pangalan ng Pilipinas ng Rizaline Republic. Si Ferdinand Marcos ay nagmungkahi na gawing “Maharlika” (pangalan ng kanyang grupo na kumalaban sa mga hapon nuong Ikalawang Digmaang Pangdaigdig) ang pangalan ng Pilipinas.

-

-

-

-

Nuong panahon bago dumating ang mga Kastila, ang mga dayuhang Chino ay nakikipagkalakalan na sa Pilipinas. Nuong panahon ng pamumuno sa China ng pamilya Sung at Ming, taong 900 – 1300 AD, tinawag na “Mait” – (pulo ng ginto) ang ilang pulo ng Pilipinas, partikular na ang Mindoro. Nuong 1521, panahon ng pagdating ni Fernando Magallanes, pinangalanan niya ang mga kapuluan bilang “Islas de San Lazaro” (Mga Kapuluan ni San Lasaro) Ang pangalang Pilipinas ay nanggaling sa salitang Kastila na “Filipinas”, na ibinigay ng isang Kastilang manlalayag na si Ruy Lopez de Villalobos nuong 1543AD sa pagpaparangal sa nuon ay batang prinsipe ng Espana na si Prinsipe Felipe II. Nuong taong 1751, si Padre Juan J. Delgado, isang Hesuitang manunulat ng kasaysayan, ay tinawag ang Maynila na “Perlas ng Silangan” dahil sa ito ay naging isa sa mga sentro ng kalakalan sa Asya kahit nuong bago pa man dumating sa bansa ang mga kastila. Sa kanyang huling liham, nuong 1896, araw bago maisagawa ang hatol na kamatayan, tinawag ni Dr. Jose Rizal ang kanyang inang

Linguahe at Dialekto sa Pilipinas: Ayon sa pagsasaliksik ng isang Americanong linguistiko na si Richard Pitman, tinatayang nasa 55 uri ng katutubong linguahe at 142 dialekto ang matatagpuan sa Pilipinas. Lahat ng katutubong salita ay base sa Malay at Polinisyang salita. Ang pursyento ng mga pangunahing linguahe sa Pilipinas ay: 1. Cebuanos – Cebu, Western Leyte, Bohol, at Eastern Negros, Zamboanga at iba pa. (24.39%) region 7, 9, 10 at ilan sa 11 2. Tagalog – Central at Southern Tagalog Region (23.82%) 3. Ilocanos – Ilocos at La Union (11.14%) karamihan ay sa region 1 4. Ilonggos or Hiligaynon – Western Negros, Southern Mindoro, at Panay Island (9.99%) region 6 at ilan sa 11 5. Bicolanos – Bicol Region <Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, at Sorsogon> (6.96%) region 5 6. Waray-waray – Samar and Eastern Leyte (4.62%) region 8 7. Ibanags (Cagayanos) – Cagayan (3.80%) 8. Pampanguenos (Kapampangans) – Pampanga (3.43%) 9. Zambals – Zambales (2.70%) 10. Pangasinenses – Panggasinan (2.26%) 11. Iba pa – (6.89%) Ang Ingles ang isa sa pinaka gamit na salita sa Pilipinas lalo na sa larangan ng politika, edukasyon at komersyo. Sa katunayan, ang Pilipinas ang isa sa mga bansang hindi Ingles ang pananalita subalit isa sa pinaka gumagamit ng Ingles bilang salita.

Ang Pambansang Salita ng Pilipinas: Ipinahag at ipinatupad ni Presidente Manuel Quezon ang Tagalog nuong 1935 bilang pambansang salita ng Pilipinas sa pagaakalang ang pagiisa ng salita ay mahalagang aspeto sa pagunlad sa politika at ekonomiya. (Ikalawang Linggo) Ang Mapa ng Pilipinas: a. Ang mga Rehiyon (17 Rehiyon) b. Ang mga Probinsya (81 Probinsya) Ang Edukasyon sa Pilipinas: Ang mga Pilipino ay matindi ang pagmamahal sa edukasyon. Ang mga magulang sa Pilipinas ay talaga namang nagtatrabaho ng husay mapagaral lang ang kanilang mga anak. Sa Pilipinas, halos humigit kumulang sa 50 colegio, pribado man o pam-publiko. Ang colegio na may pinakamatandang kasaysayan sa Pilipinas ay ang Santo Tomas (UST) na itinatag nuong 1611, mas matanda pa sa Harvard University na itinatag nuong (1636) na sinasabing pinakamatandang eskwelahan sa kasaysayan ng Estados Unidos. Dahil sa mga eskwelahang itinatag sa Pilipinas, wala sa 10% sa kasalukuyang panahon ang bilang ng walang pinagaralan sa Pilipinas. Para sa Madaling pagpapatakbo ng bansang Pilipinas, hinati ito sa 16 na rehiyon at 79 na probinsya. Bawat probinsya ay pinamumunuan ng gobernador na inihahalal ng taong bayan para mamuno sa loob ng tatlong taon. Ang mga Rehiyon ay ang National Capital Region (NCR), na binubuo ng buong kamaynilaan; ang Cordillera Administrative Region (CAR), isang semiautonomous na rehiyon ng mga tribo sa kabundukan ng hilagang Luzon; at ang Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), na binubuo ng apat na probinsya sa Mindanao. Ang ARMM ay isang quasi self-governing region na binuo nuong 1989. Meron itong inihalal na legislative assembly at pinamumunuan ng gobernador na may kapangyarihang magpairal ng batas Ang Unang Tao ANG lawin, matapos awayin ang panginoon ng dagat, ay lumapag sa isang pulo upang magpahinga. Namataan niya ang isang malaki at matayog na punong kawayan. Pinagtutuka, at nabiyak ang kawayan. Lumabas mula sa biyas si Maganda at si Malakas, ang unang tao sa Pilipinas.

Ang mga tao na unang nagka-katawan upang mabuhay nang nakatayo maghapon, araw-araw at habang-buhay, ay tinawag na mga unang taong nakatindig [homo erectus], natuklasan sa 2 bahagi ng Asia at tinawag na taong Java [Java Man] at taong Peking [Peking Man]. Unang natuklasan ang bungo ng taong Java nuong 1861 malapit sa Trinil, sa Java, Indonesia, ni Eugene Dubois at inakalang 700,000 taon ang tanda. Pagkaraan ng 100 taon, nuong 1969, natuklasan ang isa pang bungo ng taong Java sa Sangiran naman, sa Java rin, at natantong 1.7 milyon taon ang tanda. Ang taong Peking ay inakalang kulang-kulang kalahating milyong taon ang tanda matapos natuklasan ang bungo sa China, malapit sa Beijing, ngunit hindi matiyak sapagkat nadurog ang bungo sa bombahan nuong nakaraang digmaan. [Nasabing babae daw ang bungo na natagpuan, kaya ang dapat daw itawag ay Peking Woman, hindi po biro.] May natuklasang butu-buto ng 3 tao sa kuweba sa Tabon [Tabon cave], sa Palawan, na nabuhay 24,000 taon SN. Sabi ng mga nag-agham sa ninuno [anthropologists] na sila ay taong kasalukuyan [homo sapiens] at hindi mga unang tao. Maaari daw na kauri sila ng mga unang katutubo o aborigines ng Australia, ang Koori na dumayo mula Asia 60,000 taon nakaraan, at ng Japan, ang Ainu na dumating duon 3 o 4 na libong taon [may nagsasabing 10,000 taon] SN. Ang katunayan ay may tao na sa Pilipinas 24,000 taon SN, kung hindi man higit na maaga pa. Ang katotohanan ay walang nakaaalam kung ano sila, maliban sa hindi sila Negrito.

Hindi ba Negrito ang unang tao sa Pilipinas? Malamang. Baka naman hindi, maaaring may ibang nauna. Ang pinakamatandang katibayan ay ang tao sa Tabon, kaya masasabing 'katunayan' na hindi Negrito ang unang tao sa Pilipinas. Ngunit hindi pa matiyak kung kailan dumating ang mga Negrito, kaya hindi pa masasabing 'katotohanan' ito. Ang mga gamit na bato na natuklasan sa Cagayan Valley ay maaaring ilang daan libong taon ang tanda. Negrito ba o hindi ang may gawa?

Ang dating sapantaha ay nakarating sa Pilipinas ang Negrito nuong huling tag-ginaw [Ice Age] 30,000 taon hanggang 18,000 taon SN, nang bumabaw ang dagat at nakalakad ang tao sa lupang lumitaw mula Vietnam, Indonesia at Malaysia. Iyon ang sapantaha dahil akala walang alam ang Negritong magbangka o maglakbay sa dagat. Maaaring totoo ang sapantaha, maaaring mali ang akala. Marunong gumawa ng bangka at sagwan ang mga aborigine sa New Guinea at Melanesia, gamit ay palakol at askarol na batong pinatulis, at marunong mamangka nang maghapon. Marunong din kaya ang mga Negrito na gamit din ay bato, at kailan natuto? Ang katotohanan ay walang may alam kung kailan o kung saan nanggaling ang Negrito. Kung tutuusin, walang patunay na may Negrito o nagkaroon kailan man ng Negrito sa Pilipinas, maliban sa nasa Pilipinas sila. Ngayon at noong matagal na. Walang patunay sapagkat mahirap matunton sa sukal ng gubat ang mga gamit nila, ang pamumuhay nilang palaboylaboy, walang bahay o pirmihang tirahan, o libingan ng patay. Sila ang pinaka-hindi-pinansin sa lahat ng tao sa daigdig; sa Pilipinas, iilan na lamang ang natitirang pangkatpangkat [walang tribo ang mga Negrito; angkan-angkan lamang ang pagsasama-sama nila]. Ang Aeta ng Zambales, Cagayan at Isabela, ang Agta, Arya, Ata at Ati ng Panay at Negros, ang Baluga, ang Batak ng Palawan at ang Mamanuwa ng Mindanao. Ngunit hindi pa nagtagal, sila ang pinakamadanak sa maraming pulo, gaya ng Panay [pinangalanan mula sa tawag nila sa isang halaman, ang aninipay] at ng Negros, pinangalan ng ganuon ng mga Espanyol dahil sa dami nila duon nuon. Magkakaiba ang kanilang gawi; ang mga Aeta ng Cagayan at Isabela ay mapusok, ang mga Batak ng Palawan ay kimi, maraming bulaklak sa kawatan at patagu-tago sa gubat. Malamang magkakahiwalay at magkakaibang panahon, daan-daan o libulibong taon ang pagitan, ang pagdating nila sa Pilipinas.

Ang kalakal naman ng Intsik, lalo na ang kanilang mga banga at mangkok, ang umakit sa mga taga-ibang pulo na magkalakal sa Mindoro, pati na marahil ang mga Hanuno, kaya masagana ang mga Mangyan hanggang dumating ang mga dayong Muslim na nagtaboy sa kanila sa bundok, gaya ng nangyari sa mga Negrito dati sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Walang sukat ang poot ng mga Espanyol nang matuklasan nilang mga Muslim ang ilang Hanuno nuong ika-16 sandaan taon [16th century] at pinuksa nila hanggang sa looban at bundukin ng Mindoro. Napasamang naapi at nalipol ang lahat ng mga Mangyan at Negrito sa matagal na digmaan. Ngayon, patuloy pa rin ang pagkaapi at pagtataboy sa mga Mangyan ng mga dayo mula sa Luzon at Visayas, at ang pagsira ng mga loggers sa kanilang mga kaingin at pananim sa bundok.

Sinasabing dinatnan ng mga Mangyan ang mga Negrito sa Mindoro 600 - 700 taon SN at, naitaboy man nila mula sa mga dalampasigan, hindi naman nila inapi at kuway nakipagkalakal pa, lalo na ang mga gintong iniluluwas ng mga Negrito mula sa bundok. Ang ginto ang naging batayan ng kalakal ng mga Mangyan sa mga nagpapabalik-balik na Intsik nuong kaharian ng Sung at ng Ming nuon ika-13 sandaang taon [13th century]. Hinayag ng mga Intsik ang kalakal sa pulo na tinawag nilang Mait, ang pulo ng ginto o Min-o-Lo.

Ilan sa mga Katutubong Grupo (Indigenous Groups) na matatagpuan sa Pilipinas Sa Apayao Sa Palawan 1. Apayao o Isneg 13. Tagbanuwa Sa Kalinga 14. Batak 2. Kalinga 15. Tagabato Sa Benquet at Mountain 16. Taut-bato Province 17. Molbog 3. Ifugao 18. Jama-Mapun 4. Igorot Sa Surigao del Norte 5. Ibaloy 19. Mamanuwa 6. Kankanay 20. Kalibugan 7. Bontok 21. Subanun 8. Benguet Sa Zamboanga del Sur Sa Isabela 22. Samal 9. Gadang Sa Maguindanao, Cotabato Sa Zambales at Sultan Kudarat 10. Negrito o Aeta 23. Manobo Sa Quezon 24. Tiruray 11. Ken-uy 25. Iranun Sa Mindoro 26. T’boli 12. Mangyan Sa Davao Oriental a. Alangan 27. Mandaya b. Bangon Sa Davao del Sur 28. Bagobo c. Batangan 29. B’laan d. Buhid Sa Basilan e. Iraya 30. Yakan f. Nauhan Sa mga pulo ng Sulu g. Ratagnon 31. Tausug h. Tagaydan 32. Buranun i. Hanuno Sa Karagatan ng Sulu

33. Badjao (Ikatlong Linggo) • 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. Labingisang Pinakamalalaking Isla sa Pilipinas Luzon Mindanao Panay Samar Negros Palawan Mindoro Leyte Cebu Bohol Masbate

3. Ang Chocolate Hills sa Bohol ay binubuo ng libong bulubundukin. Kapag tag-araw, simula Pebrero hanggang Mayo, nagkukulay chocolate ang mga bulubundukin habang natutuyo ang mga damo na tumubo dito. 4. Cagayan River na may haba na 513 km. ay ang pinaka mahabang ilog sa bansa. Dumadaloy ito mula sa bundok Caraballo malapit sa Nueva Ecija papuntang Babuyan Channel sa may hilagang Luzon. 5. San Juanico Strait – na matatagpuan sa pagitan ng Samar at Leyte ay tinuturing na pinaka makipot sa buong mundo. 6. Tubbataha Reef sa Tubbataha ay isang lugar sa Pilipinas na nakatamo ng pangalang “World Heritage Site.” Panahon ng Pakikipagugnayan: (900 AD-1300AD) – ito ay panahon ng pakikipagkalakalan ng mga tao sa Pilipinas sa mga karatig bansa Nuong panahon ng Pakikipagugnayan, ang pangunahing salita na ginagamit ay ang Malay. Kaya naman hindi katakatakang ang ilang salita sa Filipino ay may pagkakahawig sa salitang Malay lalot higit sa salitang tumutukoy sa Komersyo. Ang mga halimbawa nito ay: upa (payment), lako (peddle), gusali (hall), tunay (real), biyaya (grace), aral (learning), atsara (pickles), patis (brine-salty water), puto (native cake), kalan (stove), pinggan (plate), pagsamba (adoration) Ang mga kaugalian, produkto at ilang tradisyon ng mga Pilipino ay naimpluwensyahan din ng kulturang Hindu, tulad ng: 1. pagbibigay ng dowry 2. mga pamahiin tulad ng pagkain ng kambal na saging na maaaring magresulta sa kambal na anak, at ang paglilinis ng mukha ng pusa na nagpapahiwatig na may bisitang darating. 3. ang uri ng pananamit tulad ng putong at sarong na nahahalintulad sa puttee at sari ng mga Indian. 4. mga uri ng bulaklak tulad ng sampaguita at champaka 5. prutas tulad ng Indian mango at nangka 6. mga gulay tulad ng ampalaya, patola, at malunggay 7. Hindung mga salita tulad ng: Ama (father), nanay (mother), asawa (wife or husband), halaga (price), kalapati (dove), kuta (fort), sutla (silk), saksi (witness), tala (star), raha (king), sandata (weapon), maharlika (noble) Ang mga minanang salita naman sa mga Intsik ay may kinalaman sa pamilya tulad ng: - ate (big sister), kuya (big brother), suki (friend), gunting (scissors), hiya

• Tatlong mahahabang kabundukan na matatagpuan sa Luzon: 1. Kabundukan ng Sierra Madre – simula Appari hanggang Quezon, siya ang pinakamahabang kabundukan sa Pilipinas 2. Kabundukan ng Cordillera – simula Ilocos Norte hanggang La Union at Benguet 3. Kabundukan ng Caraballo – simula Nueva Vizcaya hanggang Nueva Ecija • 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. Humigit kumulang sa 50 Bulkan ang matatagpuan sa Pilipinas , ang pinaka aktibo ay ang mga sumusunod: Iraya sa Batanes Pinatubo sa Zambales Taal sa Batangas Banahaw sa Quezon Mayon sa Albay Bulusan sa Sorgoson Kanlaon sa Negros Hibok-hibok sa Camiguin Makaturing sa Lanao Apo sa Davao del Sur

• Bundok na may bukal ng mainit na tubig: 1. Mt. Makiling sa Laguna 2. Mt. Bulusan sa Sorsogon • Iba pang mahahalagang lugar sa Pilipinas: 1. Banaue Rice Terraces sa Ifugao 2. Baguio City sa Benguet

(Ikaapat na Linggo) • Mga Tradisyonal na Pampamayanang Pilipino sa Islam nanggaling ang sultanatong uri ng gobyerno, kasama sa mga titulong pangpulitika at maharlika ay ang: sultan (pinakamataas na pinuno) raja muda (tagapagmana) dayang (prinsesa) kali (hukom) ang sunod sa hanay ng mga pinuno at mamayan base sa kayamanan, impluwensya at pribilehiyo ay ang: datu o namumuno maharlika o pamilya ng namumuno timawa o pangkaraniwang mamamayan alipin o ang tagapaglingkod iba pang hanay sa lipunan ay binubuo ng: umalahokan – isang tagapagbalita anito – ninuno babaylan – pari na may mataas na antas mangkukulam – pari na may mababang antas

Ayaw din ng mga Visaya na sumamba sa Buddhism mula sa India na pinairal sa kaharian ng Sri Vijaya sa malaking pulo ng Sumatra, sa Indonesia, mula nuong 650 hanggang 1290 AD. Nuong kalawakan ng kanilang kaharian, sakop ng mga Vijaya ang buong Sumatra at ang kanluran ng katabing pulo ng Java, pati ang ibat-ibang bahagi ng Malaysia, timog Thailand, at ang kanlurang Borneo, matapos puksain ng kanilang malaking sandatahang dagat [navy] ang mga mandarambong at mga magdaragat sa mga pook na iyon. Pilit nilang pinadadaanan ang lahat ng barko at bangkang nagkakalakal sa Palembang, ang kanilang himpilan, upang magbayad ng buwis. Pilit din nilang pinasasamba ang mga sakop sa mapagpayapang Buddhism upang mapigil ang anumang damdaming mag-aaklas ng mga tao. Ang mga ayaw sumamba o magbayad ng buwis sa kalakal ay tumakas papuntang Visayas, malayo at hindi abot ng sandatahang dagat ng mga Vijaya. Nang mawasak ang Sri Vijaya ng mga taga-Indonesia sa Kediri, sa katabing pulo ng Java, nagkagulu-gulo at muling nagtakasan ang tao. Naiba, ang mga nagsitakas at nakarating din sa Visaya ay ang mga Vijaya naman na umiiwas sa pagsakop ng mga taga-Java, na nagtayo ng kanilang kaharian, ang Majapahit nuong 1292 hanggang 1478. Naging matumal ang pagsamba ng Buddhism ngunit ipinagpatuloy ng mga Majapahit ang paggamit ng mga hiram na gawi, salita at parangal mula sa India, gaya ng rajah at maharlika, upang maging katangi-tangi sa mga pangkaraniwang tao. Damdamin nilang nakakatulong ito sa pagpapatahimik sa mga nasakop na mga tagapulo, at sa pangingikil ng buwis na kinabubuhay nila. Patuloy na naglayasan ang mga ayaw pasakop at magbuwis, pami-pamilya, angkan-angkan at pangkat-pangkat, dala pa mandin ang mga hiram na gawi mula India. Sa 800 taon ng 2 kaharian ng Sri Vijaya at Majapahit, kumalat ang mga takas sa Visayas at ibang bahagi ng Pilipinas, nauso ang rajah-rajah at datu-datu. Inaangkin ng mga taga-Cebu na sila ang tunay na Visaya sapagkat "dalisay" daw ang salita nilang Sugbuanon o Cebuano, hindi nahaluan ng ibang wika gaya ng Waray na Cebuanong nahaluan ng Bicolano, at ng Ilonggo na Cebuanong hinaluan ng Tagalog. Inaangkin din nila na Cebu ang una at pangunahing pinuntahan ng mga takas mula Vijaya sapagkat sila ang pinakamatagal nang Visaya. Ang Bohol daw ay maraming may wika at gamit ng mga Bukidnon, at dati rin daw may mga Bukidnon sa Negros. Ang Panay naman daw ay sakop ng maraming Karay-as at Aklanon, mga tao na higit na matagal na sa Pilipinas kaysa sa mga Visaya. Malamang mula sa Indonesia ang mga nanirahan sa Ormoc, Leyte, pinatibayan ng mga gintong palamuti at alahas na natuklasan ng mga nag-agham [scientists] duon na hawig daw sa gawa-gawa sa Java bago umunlad ang kaharian ng Majapahit duon. Hawig din daw ang isang kuwintas sa mga alahas ng mga unang tao sa Batanes at sa Luzon, katibayan na nakipag-ugnay ang mga dayo sa mga katutubo duon.

1. 2. 3. 4.
-

1. 2. 3. 4.
-

5. 6. 7. 8.

Ang Islam ay dinala sa kapuluan ng mga mangangalakal na Indones. Ilang taon bago dumating ang mga kastila, ang Islam ay naitaguyod na sa kapuluan ng Sulu, at lumaganap sa Mindanao na umabot sa Maynila nuong 1565. Subalit kahit na ang Islam ay nakarating sa Luzon, ang pagsamba sa Anito ang sya paring ginagawa ng karamihang katutubo sa kapuluan. Ang mga migranteng Muslim na dumating sa Pilipinas ang syang nagpakilala ng pampulitikang konsepto ng mga teritoryong pinamumunuan ng isang raja o sultan na kung saan ay may kapangyarihan syang higit kaysa sa datu. Tinatayang nasa 500,000 ang mga taong naninirahan sa mga barangay sa buong kapuluan ng Pilipinas nuong panahon ng pagdating ng mga Kastila sa Pilipinas. Visaya: Mga Takas-Hari Lalaki: Pahaloka ko, Inday! Babaye: Halok lang sa uban! - Awit Cebuano AYAW magpahalik si Inday, sa iba na lang daw humalik!

Nakipagkalakal din sa mga Intsik at mga taga-Indonesia at taga-Malaysia ang mga Visaya. Marunong silang magmina at magpanday ng ginto at bakal, gumawa ng bangka, maghawi ng tela at magpalay kahit bahagya pa lamang kumakalat ang paggamit ng araro at kalabaw nang dumating ang mga Espanyol. Karaniwang 30 hanggang 100 pamilya lamang ang naninirahan sa isang baranggay; magkakalapit naman at magkaka-ugnay ang mga baranggay sa bawat pulo, at nagkakampikampihan kapag binubulabog ng mga dayuhan. Ngunit sila-sila rin ang nag-aawayaway, kahit na ang mga magka-baranggay; ang mga lalaki ay laging may dalang sandata, sibat at gulok, kahit na mangangapit-bahay lamang. Madalas ang nakawan, patayan at pag-aalipin ng mga tagapulo, magkakalapit man o magkakalayo, kaya ang sinumang malakas ay nagiging datu, rajah o pinuno ng baranggay. Walang kinikilalang hari ang mga Visaya nuong dumating ang mga Espanyol, bagaman at nagsisimula na ang ilan-ilang datu na magtayo ng pang-2 baranggay bilang bakasyunan o pandagdag sa pagkakakitaan. May ilan ding baranggay na lumaki kagaya ng Cebu nuong panahon ni Rajah Humabon na nagkakaroon ng daan-daang pamilya. Ngunit pangkaraniwang nagkakasama lamang ang maraming Visaya sa kalakal at paghahanap ng kita. Ang isa pang hiram na gawi ng mga Visaya mula India, sumidhi at lumaganap nang husto sa pagdating ng mga Muslim pagkatapos, ay ang pagkakaroon ng maraming alipin. Mindanao: Ang Mga Ayaw-Hari Ako'y ibigin mo, lalaking Matapang! Ang baril ko'y pito, ang sundang ko'y siyam - Awit, Leron-leron Sinta MARAMING pangkat sa Mindanao ay tumangging maging Muslim, nagtago, nakipagdigmaan, ayaw bitawan ang kanilang pananampalataya sa kanilang mga ninuno at ibat-ibang anyito, ayaw kilalanin ang mga sultan na ibig sumupil sa kanila. Sa pagkakahawig ng gawi nila sa maliliit na bara-baranggay, hiwahiwalay sa gubat, bundok at parang, makikilatis ang buhay ng mga Pilipino bago nagdatingan ang mga hari. Sinasapantaha na marami sa mga umayaw sa Islam ay galing sa Malaysia at Indonesia nang unang pumasok duon ang pagsampalataya ni Mohamed, lalo na sa maunlad na lungsod ng Malacca, sa Malaysia.

Mula Malaysia ang mga Tiruray, karaniwang nagsisiksikan ang ilang pamilya sa isang tahanan, madalas higit sa isa ang asawang babae, mahilig sa kabayo, gaya ng mga Tiboli. Mahigit 200 taon SN, isang lagalag mula sa France, si Pierre Sonnerat, ang nakapansin na hindi nila tinatali ang mga kabayo, hinahayaang lamang maglibotlibot. Kapag kailangan lamang nila hinuhuli at ginagamit; pagkatapos, pinawawalan muli. Bilang pang-aliw sa mga piging at ibang pagdiriwang, pinaglalaban nila ang mga kabayong lalaki, ngunit pinipigil agad at hindi pinababayaang magkasakitan o magkasugatan. Malaking pangkat-pangkat ang mga Tiruray, nagkakaingin at nangangahoy mula sa ibaba o timog ng Cotabato River hanggang sa mga gubat ng bulubundukin ng Cotabato. Tatlong magkakahiwalay na pangkat sila, batay sa kanilang mga tirahan. Ang mga taga-bundok ay mga pagano; ang iba ay nag-ugnay sa mga kalapit na Muslim ngunit, maliban sa pailan-ilan, hindi sila sumapi sa Islam. Ang mga babaing Tiboli ang pinakamakulay magdamit sa Pilipinas. Karaniwang pantaas nila ay maitim na asul na may burdang pula, dilaw at puti, may putong sa ulo ng hawing abaca na kung minsan ay malapad, o kaya ay maliit ngunit napapaligiran ng mga makukulay na suklay. Nagkikislapan ang mga kuwintas, hikaw at singsing sa mga bisig, daliri, binti at paa. Malalapad na sinturon na may palamuti at pangkawit na tanso, dala-dala ang kanilang nganga sa tansong sisidlan na sinasabit sa kanilang balikat. Tunay na tanyag ang kanilang anyo! Ang mga batang babae ay nagsisimulang maghikaw sa edad na 6 lamang, marami pang hikaw ang isinusuot nang sabay-sabay. Ang mga batang lalaki naman ay nagpapatato, o kaya ay nagpapalamuti sa katawan ng mga peklat na hinugis nang iba-iba. Nuong dati, kinikikil at iniitiman nila ang mga ipin. Bantog ang kanilang mga hawing tela. Kinukulayan nila ang mga sinulid na abaca bago hawiin, pinung-pino at kaakit-akit ang mga kathang kulay sa tela. Ang telang gagamitin sa kasal ay inaabot ng ilang buwan hawiin; may paniwalang mapalad ang telang ito, hindi ginugupit at baka malasin. Ginagamit pa uli sa panganganak at sa iba pang pagdiriwang. Kapag ipagbibili ang telang pinangkasal, kinakabitan o tinatalian muna ng sinsing na tanso nang hindi magalit ang mga espiritu. Ang mga datu ang tagapag-ayos ng kanilang mga awayaway, ang nagtuturo sa kanilang mga dating gawi at mga alituntunin sa buhay. Pinagkakasunduan ng mga magulang ang pag-aasawa ng mga anak; karaniwang mag-asawa ng higit sa isa ang mga mayaman. Nabubuhay sila sa

pagkakaingin, pangangahoy na may gamit na lason sa pana at patalim. Gaya ng karamihan sa mga taga-Mindanao, mahilig silang umawit at sumayaw. Kapag may namatay, binuburol nila sa loob ng inukang punong-kahoy at ipinaglalamay nang 2 linggo. Sa huling gabi ng lamay, buong magdamag papasanin ang kabaon at inilalakad paikut-ikot sa bahay, sinasaliwan ng tugtog ng mga musiko at panaghoy ng mga naulila, at ng mga salaysay at papuri sa buhay ng namatay. Pagsikat ng araw, itatali ang kabaong sa tuktok ng mataas na kawayanan; duon iiwan hanggang lubusang maagnas ang bangkay. Ang bahay ng namatay ay sinusunog upang mapilitang lumisan ang kaluluwa; kung manatiling paligid-ligid ang kaluluwa, kakainin ito ng mga masasamang espiritu. Kalapit, kaugnay at kahawig ng mga Tiboli ang mga Ubu sa look o lawa ng Sebu [Lake Sebu]. Magara rin silang manamit, masinop din silang maghawi ng tela at manahi ng mga gamit. Kaiba ang kanilang paniwala na kapag natapos gawin ang anumang gamit o tela, nagkakaroon ng kaluluwa o espiritu ang mga ito at ayaw na nilang ipagbili. Dinaig din nila ang mga Tiboli sa pagpapanday ng tanso at bakal. Ayaw mag-Muslim, ngunit panay ang gaya sa mga Muslim ng mga Bagobo, bantog na mga panday ng tanso, sandata at bitbitang bakal. Sakop nila ang timog Davao at Cotabato, lagpas sa bundok Apo hanggang Pulangi River. Lubhang makulay ang kanilang mga damit na, gaya ng mga Tiboli, ay hawi sa abaca, bordado at pinalamutian ng mga bakal, batu-bato, at kabibing makukulay. Ang mga kumpol ng mga Bagobo, ang mga malaya at mga alipin, ay pinamumunuan ng mga datu, naghahatol at nagpapataw ng parusa ukol sa mga batas at dating gawi, katulung-tulong ng mga matatanda. Ang mga magigiting nila ay tinatawag na magani [bayani sa Tagalog], karaniwang mga lalaking nakapatay na ng ilang tao at may karapatan nang magsuot ng pulang damit. Hawig sa mga taga-India, marami silang sinasambang gimokod [bathala] at mga kaluluwang tinatawag na mabalian [anyito]. Kasunduan ang pag-aasawa nila; ang mga magulang ng lalaki ang pumipili ng mapapangasawa, at nakikipagtawaran sa bayad sa mga magulang ng babae. Bilang kapalit, nang hindi naman sabihing ipinagbili nila ang kanilang anak na babae, ang mga magulang ay nagbibigay ng handog na kala-kalahati ang halaga ng ibinigay ng mga magulang ng lalaki. Dagdag pa, gawi na magsilbi ang lalaki sa pamilya ng babae bago at pagkaraan ng kasal. Mayroon silang dating ginagawang pagdiriwang, kung nanalo sa digmaan o gumaling sa sakit o kulam - ibinibilad nila ang pugot na ulo ng mga kaaway at pumapatay sila ng alipin bilang handog at pasasalamat sa mga anyito. Pagkatapos,

ilalahad ng mga magiting ang kanilang mga tagumpay; at lahat sila ay aawit at tutula ng mga kasaysayan ng kanilang mga ninuno, habang nag-iinuman ng lambanog. Ang mga Subanon ang mga "taga-ilog" ng Mindanao, naninirahan sa kanlurang Lanao. Bantog ang kanilang mga gawang banga, tapayan at palayok. Sa kabila, sa bulubundukin ng silangang Lanao, ay mga Bukidnon, malalaking pangkat ng mga mandirigma, mapusok at ayaw pasupil. Ang mga katabi-tabi nila ay mandirigma rin, ang mga Mandaya, mga Manobo at mga Bilaan. Mahilig ang mga Bukidnon sa pagdiriwang na tinawag nilang kaamulan. Nagdiriwang sila sa mga kasalan, at pagkatapos ng ani. Ginagawa rin tuwing nagkakasama ang mga magkakalapit na pangkat o baranggay upang maiwasan ang pagdidigmaan. Halos lahat ng pagkakataon, nagdiriwang sila, lalo na sa pagpuputong sa datu. Sayawan ang kanilang pagdiriwang, tugtugan ng mga tansong gong, may paligsahan ng mga bugtong at tula. Sa Davao, ang mga Mandaya at mga Mansaka ay magkalapit at magka-ugnay sa wika at gawi. Kapwa nagkakaingin sa mga gulod at bundok, nangangahoy ng mga baboy-damo at usa, gamit ang sibat at mga aso. Gumagamit sila ng lason at lambat sa pangingisda. Maliliit at hiwa-hiwalay ang kanilang mga baranggay, ilan-ilang pamilya lamang bawat isa, pinamumunuan ng bagani [bayani], isang mandirigmang nakapatay na ng 10 tao o higit pa. Tinatayo nila ang mga kubo nila sa matatayog na puno, madalas sa gilid ng bangin upang mahirap lusubin at madaling ipagtanggol. Mahilig sila sa mga estatwa ng kanilang mga anyito. Kapag may nagkakasakit, tinatawag nila ang baylan, matandang babaing nagdarasal, sumasayaw at nag-aalay sa mga espiritu upang maalis ang sakit o kulam. Kapag may namatay, 2 araw ang lamay bago ilibing sa gubat ang bangkay, balot sa banig; pagkatapos, susunugin ang bahay ng namatay. Pinagkakasunduan ng mga magulang ang kasal ng kanilang mga anak habang bata pa ang mga ito. Bantog ang hawing tela sa abaca ng mga Mandaya, itinuturo sa mga anak na babae ng kanilang ina. Makulay at maraming palamuti ang damit ng babae at lalaki. Dating kinikikil at iniitim ang mga ngipin. Inaahit na makitid ang mga kilay. Sinasamba ng mga Manobo o Kulaman ang bundok ng Apo, kalat-kalat sila mula sa timog Cotabato at Davao hanggang Agusan at Surigao del Sur. Sila ay nagkakaingin, nangingisda at nangangahoy, naghahawi ng tela at mga supot at buslo, at gumagawa ng mga palayok at paso.

Kamag-anakan ng mga Manobo sa Cotabato ang mga Ata, na may 2 pangkat naman, ang mga Talaingod sa gubat-gubat ng Davao, at ang mga Matigsalug. Nagkakaingin sila ng gabi, at tulad ng mga Hawayano, mahilig sila sa taro. Makukulay ang kanilang damit, ang mga babae ay nagsusuot ng mga sinsing sa braso at binti. Ang mga Bilaan ay may ilang pangkat--ang mga Tagalakad sa gubat-gubat sa tuktok ng mga bundok, ang mga Buluan sa tabi-tabi ng Buluan Lake, at ang mga Biraan. Silang lahat ay namumuhay sa kaingin, nangingisda, nangangahoy at nagaalaga ng baboy at manok. Ang Mga Unang Hari Kung ayaw lumapit ng bundok kay Mohammed Si Mohammed ang lalapit sa bundok! - sinabi raw ni Mohammed TOTOO man o hindi ang Maragtas, kung may 10 datu ngang tumakas mula Borneo, bago pa sila nag-ati-atihan sa Panay, nakarating na sa Pilipinas ang mga Arabe. Ang mga una ay hindi pa Muslim, nagkakalakal lamang, ngunit bandang 1300, nagkaroon na ng daungan sa Jolo ang mga Muslims, Arabe, Malay at mga taga-Indonesia, sabay sa pagbagsak ng kaharian ng Majapahit sa Java. Mula Malaysia at Indonesia, hindi sa Arabia, ang Islam na pumasok sa Pilipinas nuong 1350, nang nagkaroon ng sultan o hari sa lungsod ng Malacca sa Malaysia. Mabilis ang paglawak ng Islam sa mga pulu-pulo, ang isang dahilan ay ang paggamit ng kanyon. Ang mga kahariang Muslim ay sa mga kapwa Muslim lamang naglalako ng kanyon. Sa Malacca nanggaling si Makdum [ama sa wikang Arabe], ang unang nagturo ng Islam sa Sulu. Duon siya namalagi hanggang mamatay nuong 1380, at nalibing sa Tawi-Tawi. Siya ang kinikilala ng mga Tausug na simula ng kanilang kasaysayan sa Sulu. Ipinagpatuloy ang pagtuturo ng Islam sa Sulu ni Rajah Bagginda, mula naman sa Sumatra, Indonesia. Napangasawa ng anak niya si Abu Bakr, isang lagalag mula Arabia na, nang mamatay si Rajah Bagginda nuong 1450, ay hinirang ang sarili niya bilang sultan ng Sulu. Siya ang unang hari sa Pilipinas.

Gumaya sa kanya si Mohamed Kabungsuwan, isang maharlikang tumakas mula sa Malaysia nang sakupin ng mga Portugis ang Malacca nuong 1511. Pagkarating sa tinatawag ngayong Malabang nuong bandang 1515, pinangasawa niya ang mga anak na babae ng ilang datu sa gitnaang Mindanao, pati na ang mga Iranun at mga Maranao. Isa sa mga napangasawa ay si Putri Tunoma, prinsesa sa Cotabato, at duon itinayo ni Kabungsuwan ang kanyang kaharian ng mga nakararaming Maguindanao. Siya ang pang-2 hari sa Pilipinas. Siya ang nakaluklok sa Mindanao nang dumating sa Pilipinas ang mga unang Espanyol, sina Ferdinand Magellan, nuong 1521. Isa sa mga anak niya kay Angintabu, princesa naman ng mga Iranun, si Saripada Makaalang, ang sultan ng malawak na kaharian sa kalagitnaan ng Mindanao nuong 1543 nang dumating ang isa pang pangkat ng mga Espanyol, sina Ruy Lopez de Villalobos, ang nagpangalan sa Pilipinas. Pagkasakop ng mga Espanyol sa kalakihan ng Visayas at Luzon, nuong panahon na ni Miguel Lopez de Legazpi, tinangka nilang simulan ang pagsakop sa timog Pilipinas ngunit napasama sila sa labu-labo ng mga Tausug, mga Maguindanao at ang mga Iranun at mga Maranao ng Buayan. Nagdigmaan pa ang mga tagaBuayan laban sa mga Maguindanao nuong 1619 hanggang 1621 bago naging pangunahing sultan si Kudarat, kilala ng mga Espanyol sa pangalang Corralat at ng mga Dutch bilang Guserat. Sa kanyang 50-taon paghahari mula nuong 1619 hanggang 1671, naging makapangyarihan ang kaharian ng mga Maguindanao, umabot mula sa Davao hanggang Dapitan, sa hilagang dalampasigan ng Zamboanga. Sa pamumuno ng mga sultan o hari sa Pilipinas, naging malakas at magilas ang mga Muslim sa Mindanao at sa ilang pulo ng Visayas. Nagsisimulang dumanak ang mga Muslim sa Luzon nang dumating ang mga sundalong Espanyol ni Legazpi nuong 1565; malamang naakit o nadaig nila ang buong kapuluan kung hindi sila sinupil ng mga Espanyol. Ang mga Muslim ang unang nagpasok ng maraming kanyon sa Pilipinas. Ang mga unang Muslim, at unang "naghari" sa Mindanao ang mga Tausug, ang mga tao ng usug o agos [ng dagat]. Nagkakalakal, nagpupuslit [smuggling], nang-aalipin [slave trading], mapusok, pala-away, mga tunay na lalaki. Sa tingin nila sa sarili, nakatataas sila sa lahat ng tao sa Mindanao. May 3 sapinan ang kanilang lipunan, ang maharlika, ang karaniwang mamamayan, at ang mga alipin. Lubha nilang ikinararangal ang kanilang pangalan, ayaw mabahiran ng anumang pintas lalo na ng pagkaduwag. Kumpol-kumpol ang mga magkakapit-bahay sa mga dalampsigan; sa looban, kalat at magkakahiwalay ang mga bahay. Ang mga bahay nila ay karaniwang nakasampa sa mga tukod na puno, 2 tao ang taas ng sahig mula lupa, at may batalan papuntang likuran o kusina. Upang makapasok ang araw sa umaga, hanggang maaari ay inihaharap nila sa silangan ang pintuan ng bahay sapagkat karaniwang walang

durungawan ang mga bahay, mga siwang lamang ang nasa mga dingding. Para daw madaling maipagtanggol, at para maikubli ang kanilang mga dalaga. Malaki ang mga sala nila, mahilig silang magkabisita. Isang dingding sa sala ay karaniwang buo at duon nakasalansan ang kanilang mga banig at kutsong kapok na gamit sa pagtulog. Madalas may taklob na nakasabit sa kisami. Mahilig magnga-nga at magbihis ng magara ang mga Tausug, lalo na kung may pagdiriwang - may nakasulsi pang gintoginto sa damit. Ang mga babae ay nagsusuot ng pantalong maluwag, tinatawag na sawal [salawal sa Tagalog] at balot ng patadyong na maaaring gamiting balabal, kumot o kung kinakailangan, duyan. Ang mga lalaki ay nagpapantalon ng makipot, tinatawag na salway kuput [makipot na salawal] na hanggang binti lamang ang haba. May balot na malaking panyo sa ulo, ang putong, na maaaring gamiting sisidlan o supot. Ang tinitignan nilang kayamanan ay ginto at alahas. Karaniwang nagmamana ng mga alahas ang mga babae; alahas din ang inaasahang handog ng mga lalaki sa kanilang asawa paminsan-minsan. Ang mga lalaki ay mapagmahal sa kanilang mga sandata, lalo na ang mga baril. Ang mga Maguindanao ang sumunod na naging Muslim, at sumunod naging "hari", mga taga-Central Plains ng Cotabato. Sila ang pinakamalaking tribo sa Mindanao, mga magsasaka at mangingisda, naging mga mandirigma at makapangyarihan sila dati sa buong kapuluan. Kulang-kulang 100 taon pagkarating ng mga Espanyol sa Pilipinas, ginapi at pinalayas nila ang mga Espanyol sa Zamboanga at sa buong Mindanao nuong 1663, sa pamumuno ni Sultan Kudarat. Nakipag-ugnay at nakipagkalakal pa sila sa mga taga-Holland, ang mga Dutch na sumasakop nuon sa Maluku [Moluccas, Spice Islands] at kalakihan ng Indonesia. Ang mga Maranao sa paligid ng Lanao Lake ang pinakahuling naging Muslim. Bantog sa kanilang magagandang ukit sa kahoy, nag-aaway-away sila-sila. Kalapit sa mga Maguindanao, maraming pinaghawig ang 2 tribo; mahilig din sila kapwa sa awit at sayawang sinasaliwan sa mga gong.Kahit na sila ang huling naging Muslim, masugid ang mga Maranao sa pagsampalataya. Ayaw nilang makipag-ugnay sa mga hindi Muslim; makaluma sila at magalang, away pasaling, umabot man sa patayan. Ang mga Maranao ay may kapangkat, ang mga Iranun o Ilanun sa hilagang libis sa baybayin ng Illana. Inaangkin nila na mga takas sila, o ang mga pinuno man lamang nila, mula sa mga kaharian ng Sri Vijaya at Majapahit sa Indonesia. Bagaman naging mga Muslim, patuloy na ginamit ng kanilang mga pinuno ang parangal na rajah mula sa India sa halip ng sultan na mula sa Arabia. Nasalaysay na dati silang naninirahan sa Misamis Oriental, napilitang lumikas nang sumabog ang

bulkang Hibok-hibok sa pulo ng Camiguin. May kasabay pa raw na dambuhalang alon [tsunami or tidal wave]. Ang sabi, ang iba sa mga Iranun ay humiwalay at sa Lanao nagtuloy. Sa mga naging Muslim, ang mga Samal ang pinakahirap, sunudsunuran sa ibang tribo sa paligid. Kumpol-kumpol sila sa mga kubong nakapatong sa mga tukod na nakatarak sa dalampasigan ng dagat o tabing ilog. Isda at gulay lamang ang kinakain nila; madumi ang tingin nila sa karne ng mga hayop sa lupa. Madalas silang makihalo sa mga espiritista at naniniwala sila sa mga bathala at diwani ng mga ilog, batu-bato at malalaking punung-kahoy. Kaugnay sila ng mga Badjao, ang mga palaboy ng dagat. Sukdulang naninirahan sa kanilang mga bangka o vinta, umaahon lamang sila sa lupa upang mailibing pagkamatay. Sa pulo ng Basilan naninirahan ang munting tribo ng mga Yakan, nagsasaka at nagpapastol ng hayop, naghahawi ng tela at banig. Tahimik at malumay, hindi gaanong makulay ang kanilang mga damit. Kagawi at malamang kauri nilang malapit ang mga Tagapulong Magdaragat [Polynesians] na sumakop sa Hawaii at iba pang pulu-pulo ng Pacific Ocean. Nagtatanim sila sa mga gulod at gilid ng bundok ng kamote, gabi, buko at gulay. Magkakalayo ang kanilang bahay-bahay na karaniwang malapit sa simbahan ng mga Muslim [mosque] gayung matumal ang kanilang pananampalataya, nahaluan ng dati nilang pagsamba sa anyito at mga kaluluwa sa pali-paligid. Inaangkin na mga Muslim din daw si Rajah Suliman, ang huling katutubong pinuno sa Manila na sinakop ng mga Espanyol. May ilang kanyon si Suliman, pahiwatig na sinusulsulan siya ng mga Muslim na sumasarili nuon sa mga kanyon sa kapuluan. Ngunit walang ulat ang mga Espanyol na Muslim ang mga taga-Manila na dinatnan nila. Masugid ang mga Espanyol sa pagtuus sa mga Muslim, kaya mahirap paniwalaang hindi nila napansin kung Muslim sina Suliman. Ang nababakas lamang sa mga lumang ulat ng Espanyol ay bagong salta sina Suliman at hindi pa nagtatagal ang pagsakop ng pangkat niya sa Manila nang dumating ang mga Espanyol. Ang mga katutubo sa paligid ng Manila nuon ay nagtangkang kumampi sa mga Espanyol dahil nais nilang gapiin sina Suliman. Pahiwatig ito na hindi nagkaroon ng sapat na panahon si Suliman na pagbuuin at patatagin ang kapangyarihan niya sa pali-paligid.

Mga Bakas Ng Lumipas (II) • • • 1492, narating ni Cristobal Colon [Christopher Columbus] ang America, pinagkamalan niyang India. 1494, kasunduan [treaty] sa Tordesillas, pinaghatian ng Portugal at Espanya ang daigdig. 1511, sinakop ng mga Portugis ang lungsod ng Malacca, sa Malaysia. Isa sa mga napalayas ay ang maharlikang pamilya ng binatang Mohamed Kabungsuwan, na nagtayo ng kahariang Muslim sa Cotabato. Narating ni Fernando Magallanes [Ferdinand Magellan] ang kapuluan ng Maluku [Moluccas, the spice islands] sa Indonesia, matapos bagtasin ang Indian Ocean, kasama ng mga Portugis na nagtayo ng himpilan at kalakal sa pulo ng Ternate. 1521, Mar 17, narating ni Magallanes ang kapuluan ng Pilipinas matapos bagtasin ang Pacific Ocean. 1521, Abr 27, napatay si Magallanes ng mga sandatahan ni Lapu-Lapu sa pulo ng Mactan, sa Visayas. 1522, Sep 6, nakabalik sa Espanya si Sebastian del Cano, kasamahan ni Magallanes, matapos umikot sa daigdig. 1524, unang pag-ani sa Pilipinas ng mais na dala ni Magallanes. 1526, dumating si Juan Garcia Loaysa mula Espanya, umiwas sa Mindanao at nagtuloy sa Maluku. 1528, narating ang Surigao, sa Mindanao, ni Alvaro Saavedra de Ceron mula Mexico; nagtuloy sa Maluku. 1543, narating ni Ruy Lopez de Villalobos ang Pilipinas mula Mexico; bininyagan ang mga kapuluan sa Leyte, Visayas, ng Islas del Felipinas bilang parangal kay Felipe 2, tagapagmana ng kaharian ng Espanya. 1553, naging hari ng Espanya si Felipe 2. 1565, narating ni Miguel Lopez de Legazpi ang Pilipinas mula Mexico, kasama ng 5 frayleng Augustinian at sinakop ang Cebu. Natagpuan ang estatwa ng Santo Nino na iniwan ni Magellan sa Cebu nuong 1521. Tinuklas ni Fray Andres Urdaneta ang landas pabalik sa Mexico na gagamitin sa galleon trade sa susunod na 240 taon. 1571, Mayo, sinakop ni Legazpi ang Manila. Sinimulang itayo ang Intramuros. 1574, nilusob ang Manila ng mandarambong na Intsik, si Lim [a] Hong. 1576, namatay si Juan de Salcedo, apo ni Legazpi, matapos sakupin ang maraming lalawigan ng Luzon. 1577, dumating ang mga unang frayleng Franciscan sa Pilipinas. 1578, hinirang na katedral ang simbahan sa Manila. Sinimulan ng mga Espanyol ang pagsakop sa Mindanao laban sa mga Muslim. Tinalo nila, sa pamumuno ni Capitan Rodriguez de Figueroa, si Sultan Panguian ng Sulu; sinunog nila ang Jolo.

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

• • • • • • • • •

• • • • •

1579, nagapi ng mga Maguindanao ang pagsakop ng mga Espanyol na inutos ni Governador Francisco de Sande. 1580, itinatag ang Alcayceria sa Binondo, sa kabila ng ilog Pasig, para sa mga katolikong Intsik. 1581, dumating ang mga unang frayleng Dominican. 1580, naging hari ng Portugal si Felipe 2; natigil ang pagdarambong ng Portugis sa Pilipinas. 1584, itinatag ang Audiencia Real [Royal Auditor] sa Manila upang supilin ang anumang kalabisan ng governador at iba pang pinunong Espanyol sa Pilipinas. 1587, bumalik sa Espanya si Alonso Sanchez upang hilingin ang pagbabago ng palakad sa Pilipinas mula kay Felipe 2. 1590, sinimulan itayo ang makapal na batong pader ng Intramuros sa Manila. 1593, inutos ng emperador ng Japan, si Hideyoshi, na sumuko ang Pilipinas. 1596, napatay ni Ubal, taga-Buayan, si Capitan Rodriguez de Figueroa nang matalo ang lusob ng mga Espanyol sa mga Muslim ng Buayan, Cotabato, sa Mindanao. 1598, dumating si Ignacio de Santibanez, unang arsobispo ng Manila. 1599, nilusob at sinunog ng mga Muslim ang mga baranggay at simbahan sa dalampasigan ng Panay, Negros at Cebu. Maraming napatay at naalipin. 1603, nilipol ang mga Intsik sa Manila at paligid, libu-libo ang pinatay at kinulong. 1604, itinatag ang unang ospital, simbahan at kumbento sa Los Banyos, Laguna. 1606, dumating ang mga unang frayleng Recollect. Nagapi si Datu Sirongan sa Buayan, Cotabato. 1609, nilathala ni Dr. Antonio de Morga sa Mexico ang aklat, Sucesos de las Islas Filipinas [Historical Events in the Philippine Islands]. 1611, itinatag ni frayle Miguel de Benavides ang paaralan ng Santo Tomas sa Manila. 1616, sumabog ang bulkan Magayon [Mayon] sa Ybatan [Bicol]. Nagaklas ang mga Ilocano, pinamunuan ni Pedro Almazan. 1617, tinalo ng mga Espanyol, pinamunuan ni Juan Ronquillo, ang mga barkong pandigma ng mga Dutch na lumusob sa Manila. 1621, nag-aklas sa Bohol si Tamblot laban sa Espanyol. 1624, ipinatapon ang lahat ng Espanyol mula sa Japan; ipinatigil ng mga Espanyol ang kalakal ng mga Hapon sa Pilipinas. 1626, dumating ang estatwa ng Virgin de Antipolo sa Manila. Nagtatag ang mga Espanyol ng daungan sa pulo ng Formosa [Taiwan ngayon]. 1635, itinayo ni Juan de Chavez ang unang kuta ng Espanyol sa Zamboanga, ang Fuerza Pilar, sa utos ni Gov Gen Juan Cerezo de Salamanca; hindi nagtagal, natalo si Datu Tagal, nandarambong sa Visayas.

• • •

• • • • • • • • • • • • • • •

1637, tinalo ni Governador Hurtado de Corcuera ang mga Muslim, kasama ang bata pang Sultan Kudarat, nang lusubin ng mga Espanyol ang Lamitan at Ilian, sa Cotabato, Mindanao. 1638, sinakop ni Corcuera ang Jolo. 1640, napag-isa ng mga Muslim ang kanilang kaharian [sultanate] ng sultan sa Cotabato matapos ang matagal na digmaan ng mga taga-Buayan at mga Maguindanao. Humiwalay ang kaharian ng Portugal sa kaharian ng Espanya. Nagapi ang pagsakop ng mga Espanyol sa Macao, China. 1641, pumutok ang bulkan Taal. 1642, itinigil ng mga Espanyol ang pagtatag ng simbahang katoliko sa Japan. 1645, ginawang kolehiyo ang paaralan ng Santo Tomas sa Manila. Nagiba ang Manila ng malaking lindol. 1647, sinakop ng mga Dutch ang Corregidor, nangulimbat sa Bataan, pinatay ang 400 Pilipino sa Abucay. Itinaboy sila ng mga Pilipino, pinamunuan ni Capitan Juan de Chaves. 1649, nag-aklas si ‘Conde’ Gumapos sa Zambales. Nag-aklas din si Sumuroy sa Palapag, hilagang Samar. 1660, pinagpapatay ang mga Intsik sa Pilipinas. Nag-aklas ang mga Kapampangan, pinamunuan ni Francisco Maniago. Nag-aklas din si “Hari” Andres Malong, nagtangkang magtatag ng kaharian sa Pangasinan. 1662, nagtangkang sakupin ang Manila ni Koxinga, lagalag na Intsik. Pinagpapatay na naman ang mga Intsik sa Manila. 1663, napaurong ng mga Muslim ang mga Espanyol na umalis sa Zamboanga at buong Mindanao; muling naging makapangyarihan si Sultan Kudarat na nakipag-ugnay pa sa mga Dutch sa Indonesia. 1683 Marso 13, ipinatapon sa Mariveles, Bataan, si Felipe Pardo, arsobispo ng Manila, ni Juan de Vargas, governador-general ng Pilipinas. 1684, ipinatapon sa Cavite si Valenzuela, pangunang ministro [Prime Minister] ng mga Espanyol. 1700, pinayagan maging pari ang mga Pilipino; pinagbawalang maging frayle. 1718, lumusob muli sa Mindanao ang mga Espanyol. 1719, nag-aklas ang mga frayle sa Intramuros, pinatay si Fernando Bustamante, governador general ng Pilipinas, at ang kanyang anak na lalaki. Nagtayo uli ng kuta, ang Fuerza Pilar, ang mga Espanyol sa Zamboanga. 1751, ipiniit sa Manila si Sultan Muhamad Alimudin ng Mindanao. 1754, sumabog ang bulkan Taal, nasalanta ang mga kabayanan ng Tanauan, Taal, Sala at Lipa. Itinatag ang unang hukbo ng Espanyol sa Pilipinas.

(Ikalimang Linggo) Spices: Bulabog Mula Sa Malayo MAHIGIT 400 taon SN, nilusob ng mga Espanyol ang Pilipinas. Bakit?! Hindi sinasadya, naligaw lang, naghahanap lang ng panghalo sa ulam, - ni hindi alam na mayroon palang Pilipinas! Ang sadyang hinahanap nila nuon una ay ang mga pulu-pulo sa Indonesia, ang Maluku [Moluccas, the Spice Islands], na naging bantog bilang kaisa-isang tinubuan ng spices, mga panghalo at pampalasa sa pagkain na inasam nuon, at inaasam hanggang ngayon sa Europa, lalo na ang nutmeg, cloves [clavos sa Espanyol] at ang tinawag nilang kayu manis [cinnamon o matamis (manis) na kahoy (kayu)]. Nagpapabango at nagpapasarap ng pagkain. Ang mga anak-anakan [descendants] kasi ng mga magdaragat na lumikas sa Maluku nuong araw ay naglayag pabalik-balik sa India at sa pulo ng Madagascar, sa tabi ng Africa. Nagkalakal ang mga taga-Maluku ng spices kapalit sa mga salamin, tanso, mga sinsing, kuwintas, damit at iba pa. Isang balikan at mayaman habang buhay ang lahat ng naglayag, kaya lakas loob nilang tinawid ang lawak at panganib ng dagat ng India [Indian Ocean], kahit na 5 taon bago nakakabalik sa Maluku. Karamihan ng mga spices na dala sa India ay nauubos duon; ang mga dala sa Madagascar ang natikman ng mga taga-Europa. Mula duon, dala-dala ng mga Arabe at Afrikano ang mga spices papunta sa Rhapta, sa Somalia, tapos tuloy sa Muza, Yemen, bago dinadala sa baybayin ng Red Sea sa Arabia papunta sa Mediterranean Sea at sa mga bayan ng Europa. Hayag ni Pliny the Elder, manalaysay [historian] ng ancient Rome nuong bandang 2040 taon SN, na ang cinnamon na nilalako ng mga taga-Ethiopia ay binibili lamang nila sa mga kalapit, na bumibili naman sa mga magdaragat na palaging tumatawid sa Indian Ocean.

Tinatawid ang mga malalawak na dagat sakay sa mga balsang walang gabay o sagwan, o anumang tulong sa paglalakbay maliban sa kanilang tapang at buong kalooban. Naglalayag sila kapag tag-ginaw, nang humaharabas ang hangin mula silangan at tuloy-tuloy silang nakakarating. Halos 5 taon bago sila nakakabalik sa pinanggalingan, at marami sa kanila ang namamatay sa paglalakbay. At ano ba't para lamang sa hilig ng mga babae nila sa alahas at moda. Ngunit bago pa sumikat ang ancient Rome, nagkalakal na ang mga magdaragat sa iba't ibang lugar sa kanluran. May natagpuang cloves sa Terga, Syria, na bandang 3,700 taon na ang tanda. Sa ancient Egypt din nuong bandang 3,500 taon SN, nabanggit ang cinnamon nuong reyna pa duon si Hatshepsut, ang tanging babaing naging Paraoh. Pati sa mga lumang kasulatan ng mga Hudyo, nuong 2,700 taon SN, nang nakatayo pa ang Templo sa Jerusalem, kahalo ang cinnamon, at baka na rin ang pandan [lemon grass] sa mahal na langis na ginagamit sa Templo. Ang mga Hudyo ang nagpangalan ng quinamon na nahiram naman sa English na cinnamon. Kung ilang daang taon nahirati ang mga taga-Europa sa lasa at bango ng mga spices, kaya lubha silang naunsiyami nang sakupin ng mga Muslim ang Middle East at hilagang Africa nuong bandang 700, at naipit ang daloy ng spices mula Maluku. Lalo nang naputol ang daloy nang sakupin ng mga Muslim sa Turkey ang Constantinople [Istanbul ang tawag ngayon] nuong 1453. Ang 2 mayaman at magkaribal na lungsod sa Italia lamang, ang Genoa at Venice, ang pinayagan ng mga Muslim na bumili ng mga spices at iba pang bilihin sa Arabia at sa Middle East. Sinarili ng 2 ang napakaunting kalakal sa Mediterranean Sea at nagmahalan ang seda [silk] at lahat ng mga bagay mula sa Asia. Lumagpas ng 30 patong ang halaga ng spices sa Europa, pang-mayaman na lamang ang pampalasa ng pagkain duon. Samantala, sa dulong kanluran ng Europa, ang magkatabing kaharian ng Portugal at Espanya ay kapwa naghirap sa gilid ng Atlantic Ocean. Barado mula sa ugnayan sa buong Europa dahil sa mapagkamkam na mga taga-France at mga taga-Italia, at dahil sa matagal na pagsakop sa kanila ng mga Muslim, hindi sila nakapagkalakal at kumita nang mainam. Naisipan ng mga Portugis, sa pamumuno ni Principe Enrique [Prince Henry, the navigator], na mag-aral ng paglalayag upang makapagkalakal sila sa iba't ibang bayang nararating sa Atlantic Ocean. Yumaman ang Portugal, nasarili ang ginto at iba pang kalakal sa kanlurang Africa, at palayo nang palayo ang naabot ng kanilang mga barko hanggang nuong 1488, nabagtas ni Bartolome Diaz ang buong pampangin ng Africa hanggang dulong timog. Duon, nuong Pasko ng 1500, naikot ni Vasco De Gama ang lusutang tinawag niyang Cabo da Boa Esperanza [Cape of Good Hope] papuntang Asia. Lalong yumaman ang mga Portugis nang marating at magkalakal sa India. Nagtayo sila ng mga kuta sa Africa at India upang hadlangan ang ibang mga taga-Europa na nais ding humakot ng spices at iba pang kalakal mula Asia.

Hagad ang mga Espanyol, nais magpayaman din kahit na upahan nila ang sinumang payag maglayag para sa Espanya. Una nilang pinundaran si Cristobal Colon [Christopher Columbus], taga-Italya na balak, upang makaiwas sa mga sandatahang Portugis sa Africa at dahil paniwala niyang bilog ang daigdig, maglayag pakanluran at bagtasin ang Atlantic Ocean at datnan ang Asia at India mula sa kabilang panig. Wala nuong nakaaalam na may America palang nakaharang duon. Akala ni Columbus, India ang tinumbok niya nuong 1492, tinawag niyang indio ang mga taong natagpuan niya. Hanggang ngayon tuloy, indian pa rin ang tawag sa mga katutubong Amerkano [native Americans], kahit na wala silang anumang kaugnayan sa India. Sumugod din ang mga Portugis sa America, sinakop ang Brazil. Nagsasalpukan na ang 2 magkapit-kaharian nang umawat si Papa Julio Dos [Pope Julius II] at pinagkasundo sa Tordesillas [Treaty of Tordesillas] nuong 1494 na hatiin ang daigdig. Ang lahat ng lupaing "natuklasan" sa bandang silangan ay angkin ng Portugal, at sa bandang kanluran ay sakop naman ng Espanya. Lintik ang galit ng ibang mga taga-Europa France, England, [Dutch] Netherlands at Italya - na nais ding magkalakal sa Asia at India. At huwag ka, patuloy na nagsasalpukan ang mga Portugis at Espanyol kapag nagsasalubong sa karagatan. Mula sa Goa, ang kanilang himpilan sa India, narating ng mga Portugis ang kaharian ng Malacca, sa Malaysia [malapit sa Singapore] nuong 1510 at nalaman kung saan ang Maluku [Moluccas, Spice Islands] na tanging pinanggagalingan ng mga spices. Hindi nag-isang taon, nuong 1511, sinakop ni Alfonso de Albuquerque ang Malacca, na ginawa nilang malaking kuta, Porta de Santiago [Port of St. James]. Sa sumunod na taon, 1512, natagpuan at sinakop ng mga Portugis ang Maluku. Ang laking ligaya nila nang makitang tumutubo nang ligaw ang cinnamon, cloves at iba pang spices sa mga pulu-pulo ng Maluku, hindi ginagamit, ni hindi pinapansin ng mga tagaruon. [Gaya ng mga Pilipino, ang mga taga-Indonesia ay hindi mahilig kahit hanggang ngayon sa lasa ng cinnamon at cloves. Nalalasap lamang ang mga ito sa mga lutong Amerkano at Espanyol; ang nutmeg ay karaniwang gamit ng mga tagaIndia naman. Ipinagbibili lamang ng mga tagaIndonesia ang cinnamon, hindi nila ginagamit. At ang cloves, ni wala silang pangalan kundi kretek, ang tunog nito kapag nasusunog. Hinahalo kasi nila sa

bantog na sigarilyo, rokok kretek [clove cigarettes], at kapag sinindihan, ang tunog ng putok ng cloves ay tek-krek-tek! Hindi na mamahalin ang spices ngayon dahil naitanim na sa India, Africa at mga pulo-pulo sa Caribbean at South America. Ang pinakamahal na spice ngayon ay ang saffron, hibla ng bulaklak na hinihimay isa-isa at nagpapasarap sa lahat ng lutuin, lalo na sa arroz valenciana at paella. Abot sa 25,000 piso ang isang kilo ng saffron. Saan tumutubo ang saffron? Sa Espanya, at ilan pang pook lamang. Panghuli: Isa sa mga sundalong Portugis na lumusob sa Malacca nuong 1511, at dumayo sa Maluku nuong 1512, ay isang magiting na binata, nagngangalang Fernao de Magalhaes. Sa Espanya, nang lumikas siya duon, ang pangalan niya ay Fernando Magallanes [sa English, Ferdinand Magellan]. Mga Barkong ginamit nina Magallanes: 1. San Antonio – Juan de Cartagena ang Capitan 2. Trinidad – Fernando Magallanes and Capitan 3. Conception – Gaspar de Quesada and Capitan 4. Victoria – Luiz de Mendoza ang Capitan 5. Santiago – Juan Serrano and Capitan Ang Espedisyon ni Magallanes 1. San Lucar de Barameda, Espanya Nuong Setyembre 20, 1519, Si Magallanes, kasama ang may 250 tauhan lulan ng limang barko (ang Trinidad, Conception, Santiago, San Antonio, at Victoria) ay umalis ng Espanya at naglayag papuntang kanluran. Kasama at panauhin ang isang tagamasid [observer], si Antonio Pigafetta na nagtala araw-araw ng buong paglalakbay mula, at pabalik sa Espanya. 2. Mga Isla ng Canary Unang sinapit nina Magallanes ang Isla ng Canary nuong Setyembre 26, 1519. 3. Pernambuco, Brazil Tinawid nila ang karagatan ng Atlantiko, at nuong Nobyembre 29,1519 narating nila ang Pernambuco, Brazil. 4. Rio de Janiero, Brazil Nuong Disyembre 13, 1519, pinangalan ni Magallanes ang ‘Rio de Janiero’ bilang Santa Lucia dahil lumapag sila rito nuong kapiestahan ng santa. Duon, nakipagpalitan sila ng produkto sa mga katutubong Indian para sa pagkain. 5. Rio de la Plata Narating nila ang lugar na ito nuong Pebrero 1520. Nagsisimula nang lumamig sa parting ito ng mundo. 6. Puerto San Julian Sa lugar na ito nagtago sina Magallanes sa bagyo nuong Marso 1520. Sa panahong ito rin nagsimulang magplano ang ibang Kapitan na huwag nang magpatuloy at bumalik na lamang sa Espanya.

7. Rio Santa Cruz Agosto ng 1520, nagdagdag sila ng pagkain sa lugar na ito. 8. Ilang mga insidente Nawasak ng malakas na bagyo ang barkong Santiago. Ang San Antonio, sa pangunguna ni Esteban Gomez ay lumikas nuong gabi ng Nobyembre 20, 1520 at nagbalik sa Espanya. 9. Kipot ni Magallanes Pinangalanan ni Magallanes bilang Kipot ng mga Santo, lumusot sila rito at narating ang karagatan ng Pacifico nuong Nobyembre 28, 1520. 10. Guam Pagkatapos ng 98 araw sa Pacifico, narating nila ang mga Isla ng Guam na tinwag ni Magallanes bilang “Islas Ladrones” (Isla ng mga Magnanakaw) nuong Marso 6, 1521. 11. Isla ng

Suluan sa Samar Nuong Marso 16 o 17, 1521, narating nila ang Samar at pinangalanan itong "Islas de San Lazaro," sa karangalan ng kapiestahan ni San Lazaro. 12. Maliit na Isla ng Homonhon Matatagpuan sa may Golpo ng Leyte, dito sila bumaba at ginamot ang mga may sakit. 13. Masao,Butuan, Agusan del Norte Lumapag nuong Huwebes Santo, Marso 18, nakaniig ni Magallanes si Raja Kolambu, nagkasundo silang magsandugo (kasi kasi or blood compact ceremony) nuong Marso 29, 1521. 14. Ang Unang MIsa Nuong Linggo ng Pagkabuhay Marso 31 1521, isang misa ang tinanghal sa Masao sa panguguna ni Padre Pedro de Valderrama. Isang malaking krus na yari sa kahoy ang itinayo sa may burol, at sa pagkakataong ito, pinangalan ni Magallanes ang buong kapuluan bilang "Islas de San Lazaro." 15. Cebu Si Magellanes at Raha Kolambu, kasama ang kanilang mga tauhan ay pumunta at nakalapag sa Cebu nuong Abril 7, 1521. Tinanggap ang kanilang pagdating nina Rajah Homabon at ng kanyang asawa na si Lisabeta. Ang dalawa ay bininyagan sa pagkakatoliko, Carlos at Juana bilang

mga bagong pangalan, at binigyan ng imahen ng batang Jesus (Sto. Nino) bilang regalo. 16. Mactan Dalawa ang Datu sa Mactan, si Zula na tumangkilik kay Magallanes, at si Lapu-lapu na hindi tumangkilik. Para ipakita ang kanyang bangis, sinugod ni Magallanes ang Mactan nuong Abril 27, 1521, subalit napipilan siya, sampu ng kanyang tauhan ng pangkat ni Lapu-lapu at napatay pa sa enkwentro. 17. Ang Pagpatay sa natitira pang mga Espanyol Nuong Mayo 1 1521, ang nalalabing tauhan ni Magallanes ay tinangkang pagpapatayin ng mga Cebuano habang nakikipag-piging kay Raha Humabon. Napilitan silang tumakas sakay ng barkong Trinidad at Vicrtoria. Hindi na nila nadala pa ang barkong Conception dahil kulang na sila sa tauhan para patakbuhin pa ito, kaya sinunog na lamang nila ito. 18. Tidore Moluccas Nuong Nobyembre 8, 1521, narating nila ang Tidore kung saan nakabili sila ng mga sangkap para sa pagluluto (spices). Sakay ng Victoria, sa pangunguna ni Juan Sebastian del Cano, nagtuloy sila ng paglalakbay hanggang sa makabalik sa Espanya. 19. Pagbabalik sa Espanya Ang Victoria, sa panguguna ni Juan Sebastian del Cano nuong Setyembre 6 1522, kasama ang 18 tauhan ay naikot ang mundo sa tagal na 2 taon, 11 buwan, at 16 na araw. Mga Espedisyon Pagkatapos ni Magallanes: Mga espedisyon sa Pilipinas na hindi naging matagumpay: 1st: Pinamunuan ni Kapitan Garcia de Loaysa nuong 1525 kasama ang 450 katao lulan ng 7 barko (hindi nakarating sa Pilipinas) 2nd: Pinamunuan ni Sebastian Cabot nuong 1526 kasama ang 250 katao lulan ng 4 na barko (hindi nakarating sa Pilipinas) 3rd: Pinamunuan ni Alvero Saavedra Ceron nuong 1527 kasama ang 110 katao lulan ng 3 barko. Ang barkong Florida lamang ang nakarating sa Pilipinas sa may Surigao. 4th: Pinamunuan ni Ruy Lopez de Villalobos nuong 1542 kasama ang 400 katao lulan ng 6 na barko. Narating nila ang baybayin ng Banganga sa may Silangang bahagi ng Mindanao nuong Pebrero 2, 1543. Narating din ng ilan sa kanila ang isla ng Leyte. Pinangalanan nila ang kapuluan ng Felipina bilang pag pupugay sa kanilang susunod na hari sa Espanya na si Prinsipe Filipe II. (Ikaanim na Linggo) Legazpi: Magalang, Maraming Kanyon Bawat isa, naghiwa sa bisig o dibdib at nagpatak ng dugo sa tubig o tuba. Pinaghati-hati ang halo sa lahat, at walang lilisan hanggang hindi nauubos ang madugong inumin. - Miguel de Legazpi, tungkol sa kasi-kasi HINIRANG na pinuno si Andres Urdaneta, nakabalik uli sa Mexico at naging frayleng Augustinian matapos ng ilang taong pagkulong ng mga Portuguese nuong kasama siya ni Juan Loaysa sa paglakbay sa Pilipinas nuong 1525. Subalit tumanggi si Urdaneta at tinanggap na lamang na siya ang maging pangunahing piloto ng paglalakbay sapagkat alam na niya kung paano magpunta sa Pilipinas. Higit pa, paniwala niya na may paraang makabalik sa Mexico mula Pilipinas, kailangan kung magpapabalik-balik sa Mexico at Pilipinas. Hinirang ni Urdaneta at itinanghal ang isang matandang kawani, si Miguel Lopez de Legazpi, at siya, pagkaraan ng 6 taon paghahanda sa Mexico, ang namuno sa 4 barkong naglayag nuong Noviembre 20, 1564, ang San Pedro, San Pablo, San Juan at San Lucas. Kasama niya ang kanyang apo, si Felipe de Salcedo, si Urdaneta at 4 frayleng Augustinian at 380 tauhan. Sa gitna ng Pacific Ocean nuong Enero 9, 1565, nadaanan nila ang isang pulong tinawag nilang Isla delos Barbados dahil may balbas ang mga nakatira. Narating nila ang Guam pagkaraan ng isang buwan, at inangkin ni Legazpi ang mga pulu-pulo sa ngalan ng Espanya. Nuong Febrero 13, 1565, natapos ang tahimik sa Pilipinas nang namataan nila Legazpi ang Samar. Hindi sila nakadaong sapagkat ipinagtabuyan sila ng mga Waray-waray duon. Pati na sa Limasawa, Camiguin at Butuan, Mindanao, sinagupa sila ng mga tagapulo. Sumunod si Legazpi sa utos ni Felipe 2, hari ng Espanya, na huwag digmain ang mga Pilipino kundi kaibiganin at binyagan; kaya sa Bohol sila nagtuloy.

Duon, nakadambong ang mga Espanyol ng isang barkong nagkalakal mula Borneo at nadakip nila ang isang Muslim na marinero [navigator] na umamin na nagkakalakal duon ang mga taga-Borneo, taga-Maluku ng Indonesia, mga tagaMalacca ng Malaysia, at iba pang barko mula China at India. Ang marinero rin ang naghayag kung bakit inaway sina Legazpi ng lahat ng mga tagapulo. Ilang taon pagkaalis ng pangkat ni Ferdinand Magellan nuong 1520, at ilang ulit pagkatapos, may mga dumating na Espanyol daw sila at nakipagkaibigan, tapos sinunog ang mga baranggay, inabuso, pinatay o inalipin ang mga tagapulo. Walang 2 taong nakaraan, ang hayag, nalusob ang Bohol at kulang-kulang sanlibong Boholano ang nasalanta at nadukot. Hintay muna: Kung galit ang lahat ng tagapulo sa mga Espanyol, paano nakadaong sina Legazpi sa Bohol? Kung walang tao duon, wala ring pagkain, bakit sila dumaong? At kung may tao, bakit hindi sila kinalaban at itinaboy, ganung katatapos lang silang dambungin ng mga Espanyol? Totoong kaunti lamang, wala pang 400 ang mga Espanyol, marami pa sa kanila ang nanghina sa gutom at maysakit, at kayang-kaya silang ipagtabuyan ng mga tagapulo. Ang pagdambong sa barkong nagkakalakal na inulat ng mga Espanyol ay maaaring pagyayabang lamang; nadaig nila ang mga nasa barko dahil kusang hindi lumaban. Si Jose Rizal ang naghayag kung paano at bakit nakadaong nang matiwasay sina Legazpi sa Bohol. Isinulat ni Rizal nuong Abril 5, 1896, habang siya ay nakatapon [exiled] sa Dapitan, Mindanao, sa kanyang kaibigan, si Fernando [Ferdinand] Blumentritt ng Austria, bayan sa tabi ng Germany. Ang sulat niya: Si Lagubayan ang pangunahing tao o datu ng Bohol, Baclayon, Mansasan, Dawis at sa gulod ng Mindanao, ng Dapitan na pinaruonan niya, kasama ng 800 pami-pamilyang alalay niya dahil sa kataksilang tinamasa ng kanyang kapatid, si Donya Ilison sa kamay ng mga katutubo. Mula dito naghiganti si Lagubayan at kinatakutan ng mga katutubo, at siya ang naging panginoon ng mga Subano. Nang dumating ang mga Espanyol, pinaalis niya ang mga sugo [ambassadors] ng Ternate, isa sa mga pulo ng Maluku o [Moluccas, Spice Islands], na sakop nuon ng mga Portuguese, karibal ng mga Espanyol. Nagpasiya siya na ang mga Espanyol na lamang ang kakaibiganin niya. Kaya binigyan ni Lagubayan sina Legazpi ng mga gabay [guides] na nagdala sa kanila kay Catunas, ang iniwan ni Lagubayan upang mamahala sa Bohol. At si Catunas ang naghatid kina Legazpi sa Cebu na pinagtayuan ng mga Espanyol ng una nilang kuta.

Sabi patabi: Si Catunas na tinuran sa liham ni Rizal ay maniwaring si Raja Sikatuna ng mga lumang salaysay. Sinasabi ngayon na dapat si Raja Katuna ang tawag sa kanya ngunit batay sa sulat ni Rizal, hindi siya raja o datu, at ang parangal sa kanya ay Ka na gamit pang panggalang hanggang ngayon sa mga lalawigan. Kaya ang tunay niyang pangalan ay Ka Tunas, na nagsilbi kay Datu o Raja Lagubayan. Ang Lagubayan sa Visaya ay 'malaking lupain' o 'malawak na sakop o ari-arian', ngunit ito ay kaibang paksa na. May ulat din na Tunas ay tuksong palayaw lamang dahil naglalaho siya tuwing may labanan, ngunit ito ay hindi napatibayan sa ibang ulat at, kung anuman, ay kaiba nang paksa rin. Ipinaliwanag ni Rizal na ang tawag sa Dapitan ng mga katutubo ay Ilihan, maaaring pahiwatig na tirahan ni Ilison, ang kapatid ni Lagubayan. Sabi pa niya, ang ibig sabihin ng Dapit sa wikang Bisaya ay anyayahan, at ang kahulugan ng Dapitan ay ang purok na pinag-anyayahan ng 800 pami-pamilya ng mga Boholano. Bilang patibay sa salaysay, inulat ni Rizal na ang lahat nang ito ay nakalahad sa kasulatang nilagdaan at nilagyan ng selyo nuong Julio 7, 1718, ni Fernando Manuel de Bustillo Bustamante y Rueda, ang pinaslang na governador-general sa Manila. Ang kasulatan ay binili ni Rizal mula sa anak-anakan ni Lagubayan, na nuon ay sadlak na sa pagdarahop, at ipinatago sa Museo Biblioteca de Manila nang hindi mawala sa kanyang dukhang kubo sa Dapitan. Hinayag ni Rizal na tunay, hindi huwad ang kasulatan. Mabalik kay Legazpi: Ipinasundo niya sa marinero ang mga pinuno ng Bohol, at hinarap at nakipagkasi-kasi siya sa mga alumpihit na Ka Tunas [si Raja Sikatuna, o si Raja Katuna o si Catunas, alinman] at kasamang Raja Gala, kapwa malungkot sa pagdating ng mga Espanyol. Mga inyo! Tunas, Portuguese galing sa Maluku, hindi mga Espanyol gaya namin, ang mga nagsamantala sa ang pilit ni Legazpi. Ewan, ang sabi naman ni Ka magkakamukha kayong lahat, pati ang damit at sandata, magkakahawig. Nagpatuloy makipagkaibigan si Legazpi; nagpatuloy din ang mga Espanyol sa pagmamasid sa pali-paligid, lalo na't gipit sila sa pagkain - may 380 sundalo at marinerong

kasama ni Legazpi at malalakas kumain lahat. Namataan ng kanyang tauhan ang mayamang baranggay ng Cebu sa katabing pulo. Cebu, sa tingin ng mga Espanyol, ang mga unang binyagan, ang mga pumatay kina Magellan, ang mga nagtatwa ng kanilang pagka-catholico, ang mga talipandas. Nilusob ni Legazpi ang Cebu nuong Abril 25, 1565. Hindi na pagkakaibigan ang sadya, pinagkakanyon niya ang baranggay na pinamumunuon na ni Raja Tupas, anak ni Humabon, ang dating kaibigan ni Magellan. Takbuhan patakas ang mga taga-Cebu at dumaong ang sandatahang Espanyol, sinunog ang mga kubu-kubo. Natagpuan nila ang estatwa ng Santo Nino na handog ni Magellan sa asawa ni Humabon. Milagro! palatas ni Legazpi; madaling nag-utos na magtayo ng capilla na magbabahay sa Santo Nino. Matatag na ang pagsakop ng Cebu, at tapos na ang capilla nuong Junio 1, 1565, nang magbalikan ang mga nagugutom na taga-Cebu at sumuko sa Espanyol, kasama si Raja Tupas at pamilya niya. Sinimulan silang binyagan nina Frayle Urdaneta. Nang naghukay ang mga Espanyol upang itayo ang kanilang malaking kuta, Fuerza de San Pedro, natagpuan nila ang labi ng malaking cross na itinayo duon ni Magellan at sinunog nina Humabon, at ito ay ibinahay sa capilla kasama ng Santo Nino. Ginamit ni Frayle Urdaneta ang isang barko pabalik sa Mexico nuong Julio, 1565, kasama si Felipe de Salcedo. Ang landas na nilayag nila, sa hilaga ng Pacific Ocean, malapit sa Japan, ang batay ng galleon trade, kalakal ng Pilipinas at Mexico sa susunod na 200 taon. Nang dumaong si Urdaneta sa Acapulco nuong Octobre 3, 1565, silang dalawa ni Salcedo na lamang ang nakatayo pa, ang mga kasama nila ay pulos gulapay na sa sakit at gutom; 14 na mga kasama ang namatay na. Nagtuloy si Urdaneta sa Espanya upang maglahad at, pagkabalik sa Mexico, isinulat ang paglakbay niya kasama ni Loaysa, at ang paglakbay kasama ni Legazpi. Sa Cebu, samantala, unti-unting ginugutom ang mga Espanyol; hindi kaya ng pulo na sustentuhan ang dami ng tao duon. Nuong 1567, 2 taon pagkalisan ni Urdaneta, dumating sa Cebu ang tulong na hiniling ni Legazpi mula sa Mexico. Kasama ng mga dagdag na sundalo ay ang 18 taong apo ni Legazpi, si Juan de Salcedo, pumalit sa kapwa apo, si Felipe de Salcedo, bilang pinuno ng 100 sundalong kasama. Natiyak ng mga Espanyol na kaunti rin ang pagkain sa Bohol at sa Isla delos Negros, kaya lumipat sila nuong 1569 sa pulo ng Panay. Sa tabi ng ilog Banica, nagtayo sila ng isa pang kuta, tinawag nilang Capiz, pangalan ng kabibe o tulya duon at ngayon ay ngalan ng isa sa mga lalawigan sa pulo. Ngunit Panay man ay salat sa bigas dahil sa peste ng mga tipaklong, ilang taon nang sinasalanta ang mga palayan. Narinig nila na mayamang lungsod ang Manila sa malawak na pulo ng Luzon. Hindi nag-isang taon, pinalikas ni Legazpi ang kanyang kanang-kamay, si Martin de Goiti, upang usisain ito at ang iba pang mga pulo sa

paligid. Sakay sa mga barkong bagong dating mula Mexico, ang San Miguel at La Tortuga, lumunsad si Goiti nuong Mayo 8, 1570, kasama ang 90 sundalo, 20 marino, si Capitan Salcedo at ang tagapagtala [notario], si Hernando Riquel. Sumabay sa kanila ang 15 bangkang pandagat [paraw] ng mga taga-Panay at mga taga-Cebu na ibig sumali sa anumang mangyayari at bumahagi sa anumang makukurakot. Narating pagkaraan ng 2 araw ang mga pulo ng Calamian [Calamianes Islands] na nasa pagitan ng Mindoro at Palawan; una ang bunduking Sibuyan, balitang may mga minahan ng ginto, ngunit hindi nakipag-usap kahit kanino, tumuloy sa pulo ng Banton, sa timog ng Marinduque, tirahan ng ilan-ilang Espanyol na nakarating duon kasama ng mga tagapulo. Maraming tao sa Banton at maraming kambing, inilalako sa mga kalapit. Narating at dumaong sa pulo ng Mindoro, bantog nuon bilang Munting Luzon. Sakop ng mga Muslim ang lahat ng baybay at daungan. Sa looban, napag-alaman na patago-tago ang maraming mga hubad, ang Chichimecos [Mangyan ang tawag sa kanila ngayon]. Nabalita rin na sa kalapit na ilog, tawag ay Bato [Baco, ang pangalan ngayon, malapit sa Calapan], may nakadaong na 2 barko ng mga Sangley [tawag sa Intsik ng mga taga-Mindoro] ngunit, dahil sa masamang panahon, hindi agad narating ng mga pinadalang paraw sa pamumuno ni Salcedo. Kinabukasan, biglang sagsag magkasabay ang 2 barko ng mga Intsik, nagpapaputok ng mga culverin [maliit na kanyon], binabayo ang mga tambol, labas lahat ng espada at naghihiyawan ang mga Intsik ng digmaan. Wala si Salcedo, ngunit naagap na sumagupa ang mga Espanyol, sakay sa maliliit na paraw, at binaril ang mga Intsik ng kanilang mga de sabog [arquebus]. Napatay ang 20 Intsik at nagkubli ang 80 natira; sinampa ng mga Espanyol ang 2 barko, dinakip ang mga Intsik at sinunggaban ang maraming kalakal na natagpuan. Naasar si Salcedo nang makita ang ginawa ng mga Espanyol. Lalong galit ang sumunod na Goiti, nais sanang makipagkaibigan gaya ng utos ni Legazpi, at hindi makipag-away. Sinita niya ang mga Intsik, Hindi dapat lumusob! Inutos niyang kumpunihin ang mga sira ng 2 barko. Ibinalik ang isang barko sa mga Intsik upang makauwi sa China, ang pang-2 ay ipinabalik kay Legazpi sa Panay, sakay lahat ng nakamkam sa mga Intsik. Inutos ni Goiti sa mga taga-ilog Bato na ipunin ang kanilang mga ginto at hahakutin ng mga Espanyol pagbalik. Hangos ang buong pangkat sa baranggay ng Mindoro, nabalitaang nag-ipon ang mga Muslim duon ng mga culverin, pana, palaso at mga sandata upang makipaglaban. Gigil ang mga Espanyol makipagsagupaan! Mahigit 4 metro ang kapal ng pader na

batong napaligid sa kuta ng baranggay. Sangkatutak na mandirigmang Muslim at maraming culverin sa tuktok ng gulod sa loob ng kuta. Napuna ni Goiti na marami sa mga mandirigma ang kunway ayaw makipagdigmaan. Inutos niyang mamalagi sa malayo ang kanyang mga sundalo at, kasama lamang si Salcedo, ang tagapagtalang si Riquel, isang tagapagsalita at ilang kawal, lumapit sa kuta si Goiti at nakipagusap. Alumpihit pa rin ang maraming Muslim, at gigil na ang mga sundalong Espanyol. Inutos ni Goiti na magparada at magpakitang gilas ang mga Espanyol, sabay sa paputok ng mga kanyon ng kaniyang 2 barko. Gimbal ang mga Muslim, nagtakbuhan sa gulud-gulod ang mga mamamayan ng baranggay, tangay ang kanilang mga pamilya at ari-arian. Nangako ang mga pinuno ng Muslim na magbabayad sila ng ginto at, sa loob ng 5 araw, 200 tael [sukat ng Intsik, higitkulang sa 1.5 onsa] na ginto ang tinanggap ng mga Espanyol. Dahil sa mga kuwento ng yaman ng Manila, nainip si Goiti at inutos sa mga taga-Mindoro na ihanda ang 200 pang tael ng ginto sa pagbalik niya. Lumusong sila sa Luzon, dumaong ang mga barko sa baranggay ng Balayan. Tapos, pinasok ni Salcedo at ng mga paraw, kasunod ang mga taga-Balayan sa kanilang mga bangka, ang katabing ilog hanggang sa baranggay at lawa ng Bombon [tinatawag ngayong kabayanan ng Taal at Taal Lake]. Nang makita ng mga taga-Balayan na walang tao sa Bombon, umuwi sila matapos punuin ang kanilang mga bangka ng mga ari-arian ng mga tagaBombon. Patuloy si Salcedo sa paghanap sa mga taga-Bombon. Natambangan at nasugatan siya sa binti ng panang may lason ngunit nagamot naman. Pagka-daong nila sa pampang, natagpuan ang mga taga-Bombon sa isang bukid, naghihiyawan at walang tigil ng pagpana sa mga Espanyol. Hinati ni Salcedo ang kanyang mga sundalo at lumusob sa magkabila ng mga tagaBombon; nagtakbuhan naman ang mga ito, mahigit 40 ang napatay. Sa loob ng Bombon, pinakawalan ni Salcedo ang 2 Intsik na natagpuang nakagapos at duguan; nakita rin ang bangkay ng ilan-ilang Intsik, ang iba ay nagdurugo pa. Nagkakalakal sa Bombon ang 2 barkong Intsik, ang hayag, nang marinig nilang may mga Espanyol sa Mindoro. Pupunta sana sila, ngunit pinigilan sila ng mga tagaBombon. Nag-away na; nagpaputok ng culverin ang mga Intsik at napatay ang isang pinuno ng Bombon. Dinumog sila ng mga taga-baranggay at isa-isang pinahirapan hanggang mamatay, maliban sa 2 natagpuang buhay pa. Pagkaraan ng 3 - 4 araw sa Balayan, naglayag muli papuntang Manila sina Goiti. Sumabit ang 8 bangka ng mga taga-Balayan, nais maghiganti sa mga taga-Tulayan,

isang baranggay na madaraanan. Ninakaw daw kasi ang kanilang kalakal mula Manila nuong minsan napadpad sila ng bagyo sa Tulayan, pinugutan pa ang 2 sa kanila at isinabit ang mga ulo. May nakita nga ang mga Espanyol na mga ulo ng tao, nakatusok sa sibat, ngunit nakipagkaibigan ang mga taga-Tulayan at nangakong magbabayad ng buwis kaya ipinagbawal ni Goiti ang paghihiganti ng mga tagaBalayan. Kaming mga Espanyol ang maghuhusga ng mga away ninyo, utos niya. Habang abala si Goiti sa Tulayan, hinarang ng mga Espanyol at ng mga kasamang tagapulo, sakay sa mga paraw, ang mga nakasalubong na tapaque [maliit na bangka, hindi pandagat] galing sa Manila. Ninakaw ang mga bigas at tuyong isda. Lumaban ang iba, nasugatan ang 2 Espanyol at napatay ang isang kasama nilang tagapulo. Nadakip ang isa sa mga naka-tapaque. Nagsiklab si Goiti nang malaman, Wala nang maglilimayon mula ngayon! Dito kayong lahat sa nakikita ko! Kinabukasan, pasok sila sa Manila Bay, kasama ang 2 Cebuano, si Mahomet at ang kapatid, kapwa dating taga-Manila. Sa payo nila, hindi nagtuloy sa Manila kundi dumaong muna sa may kalayuan [malamang sa Sangley Point, Cavite, dating daungan ng mga barkong lumalaot sa Manila] at naghintay ng pasintabi ni Raja Suliman. Nakita ng mga Espanyol na punung-puno ng mga bangka, tao-tao at barabaranggay ang pampang hanggang Manila. Naghintay nang 3 araw sina Goiti matapos nagpa-Manila ang 3 magpapasintabi: ang kapatid ni Mahomet, na may asawa daw sa Manila, ang nadakip na naka-tapaque, at isang tagasalitang marunong mag-Arabe na Kafir [hindi Muslim na taga-India]. Kasama ng kapatid ni Mahomet pagbalik ang isang tio ni Raja Suliman na nagsabing nais ni Suliman makipagkaibigan sa mga Espanyol. Nuon din, naglayag sina Goiti pa-Manila; pinauna nila ang tio ni Suliman upang ipaalam ang pagdalaw. Maraming bangka na lumapit kina Goiti, umaangal na hinamig ni Suliman ang lahat ng kanilang yaman at maraming pinatay sa kanila ngunit walang kibo si Goiti. Mataas na ang araw nang dumaong sila pampang ng ilog Pasig, sa labas ng Manila. Karimot na lumapit ang mga Intsik mula sa 4 barkong nakadaong din duon, nagkalalako ng alak, seda, manok at bigas. Nagsumbong na kinuha raw ng mga taga-Manila nang walang bayad ang pinakamamahalin nilang kalakal. Wala pa ring kibo si Goiti. Napapaligiran ang Manila ng matayog na bakod ng mga tinulisang punung-kahoy. Nakahilera sa tabing-ilog ang sandakmang sandatahan ni Suliman, may mga kanyon sa bukana ng baranggay. Ang daming tao! Hanga ang mga mandirigma sa mga arquebus ng Espanyol. Sa pampang nagkita si Goiti at si Raja Matanda; sumunod ang kanyang nakababatang pamangkin, si Suliman. Nagpalitan sila ng talumpati: kapwa sila makapangyarihan, kapwa sila magtatanggol ng kanilang karangalan, kapwa sila mapayapa, at iba pa, bago nagbalikan sa barko ang mga Espanyol at umuwi sina Suliman at Matanda. Nuong hapon, nagpaalam si Mahomet, nakitulog sa mga kamag-anak sa Manila. Napansin ng mga Espanyol na parami nang parami ang mga mandirigma sa Manila; panay ang dating ng

mga bangka, puno ng mga sandatahan. At sa pagdami, bumabangis ang turing sa kanila ng mga mandirigma. Pagbalik kinabukasan, kasama ni Mahomet ang tio ni Suliman na sumundo sa kanila sa Cavite: Nabalita daw na hihingan ng buwis ang Manila; dahil dito, hindi na maaaring pumasok sa ilog Pasig ang mga Espanyol! Huwag paniwalaan ang sabi-sabi, sagot ni Goiti. Mag-uusap kami uli at magkakasundo. Pagkaalis ng tio, nagpasiya si Goiti na kausapin si Suliman nang harapan at, kasama ang 2 tagapagsalita, pumasok sa Manila. Pinaligiran sila ng mga mandirigma at pinaghintay sa kubo [maliit na bahay ang hayag ng Espanyol, malamang tanggapan lamang o hintayan ng mga bisita] ni Suliman na hangos dumating. Pati na si Matanda. Silang tatlo ay nagcasi-casi; nangako si Suliman na padadalhan ng pagkain ang mga Espanyol, ngunit may tangka siyang lihim na puksain ang mga Espanyol. Nuong hapong iyon, nang tangkang magkalakal sa Manila ang tagapagtala, si Riquel, sinaway ni Mahomet at pinabalik sa barko, may pasabi: Upang ipagdiwang ang kasunduan nuong umaga, magpaparada at pagpapakitang gilas ang lahat ng mga taga-Manila pati na sa dagat. Huwag daw mabahala, papuputukin ang lahat ng kanyon ng Manila! Sa bangka pabalik sa barko, nagsumbong ng mga nagsasagwan, balak daw ng mga mandirigma na upakan ang mga Espanyol sa susunod na pag-ulan, nang mababasa at hindi magagamit ng mga Espanyol ang kanilang mga arquebus. Natunugan ang lihim ni Suliman nang ibalita ni Riquel ang pasabi at sumbong, at naalaala ang bangis at tirya ng mga mandirigma sa mga sundalong Espanyol. Dumating pa si Mahomet, may dagdag na pasabi mula kay Suliman: Balak lusubin sa dagat ang mga Espanyol ni Lakan Dula, puno ng bara-baranggay sa kabila ng ilog Pasig. Inanyayahan daw si Suliman na sumapi ngunit tumanggi. Pinasabi ni Suliman na, dahil dito, maghahandang makipag-digmaan ang mga taga-Manila at, paglusob ni Lakan Dula, susugod din sila upang tulungan ang mga kaibigan nilang Espanyol. Nagpasalamat si Goiti sa babala. Handa kaming lumaban! Kung hindi madilim na, susugurin na namin si Lakan Dula, ang sagot niya kay Suliman. Nuong gabing iyon, lahat ng Espanyol ay natulog nakasandata; lahat ng sabit na tagapulo ay sa pampang pinatulog. Mga Espanyol lamang ang maaaring pumasok sa mga barko. Mataas na ang araw kinabukasan nang maaninaw ang maraming sasakyan sa dagat, papalapit. Baka ito na ang salakay, isip ni Goiti, at nagpadala ng isang paraw upang mag-usisa. Ngunit nang malapit nang kaunti, mga tapaque lamang pala! Baka nakawan uli ng mga nasa paraw, inutos ni Goiti na magpaputok ng kanyon upang pabalikin ang paraw. Sumagot ang 3 kanyon ng mga taga-Manila, akala umpisa na ang salpukan. Haging ang 2 putok, ang isa ay tumama, butas ang gilid ng barko! Sa isang iglap, nilusob ng mga Espanyol at mga kasamahang tagapulo ang kuta ng Manila, winalat ang bakod na kahoy, sinunggaban ang 13 kanyon duon at pinagkakanyon ang mga mandirigma! Inutos ni Goiti na sunugin ang Manila dahil napakalaki nito upang

sakuping lahat, at baka magkahiwa-hiwalay ang kanyang mga sundalo. Tumalilis si Suliman at ang mga kasamahan. Tupok na ang Manila nang bumagsak ang inaasahang ulan. Maraming nakurakot ang lahat, lalo na sa malaking bahay ni Suliman at katabing imbakan [bodega], puno ng bakal, tanso, porselana, bulak, kumot, at kasko ng alak. Ang mga kama at gamit bahay lamang, sabi ng mga nakakita, ay tumbas ng 5 libong piraso ng pilak. Bakit nakipagdigmaan kayo, mayroon nang casi-casi? tanong ng Espanyol sa mga nadakip na taga-Manila. Si Suliman ang may kagagawan!, ang sagot, laging sinasalungat ang tio, si Raja Matanda. Malupit talaga ang pag-iisip! Siya raw ang nag-utos magpaputok ng kanyon. Pagkaraan ng 2 araw, lumunsad sina Goiti, kasama ang 4 barkong Intsik na nagtuloy sa Mindoro. Dumaan si Goiti sa mga baranggay na nangakong magdadagdag ng buwis na ginto, ngunit wala ni isang lumitaw. Dahil sa papaiba na ang ihip ng hangin, napilitang bumalik agad sa Panay nang hindi mabalam ng ilang buwan sa malayo. Sa sumunod na taon, nuong Abril 20, 1571, si Legazpi na mismo ang nagtungo sa Manila, dala ang buong sandatahan, 27 barko sakay ang 230 arquebusiers at si frayle Diego de Herrera, padre provincial ng mga Augustinian, bagong dating mula Mexico. Ilang linggo sila sa Mindoro bago tumuloy sa Luzon. Sinunog ng mga tagaManila ang kanilang mga bahay nang mamataan nilang papalapit ang malaking sandatahan Espanyol, tapos tumakas sila sa kabila ng ilog Pasig, sa purok ni Lakan Dula. Alas-2 ng hapon na nang dumaong si Legazpi sa Manila. May ilan-ilang bahay pang nakatayo, hindi lahat ay nasunog. Dumating naka-bangka si Lakan Dula, upang makipagtawaran para kina Raja Matanda at Raja Suliman. Nang mapaniwala ni Legazpi na hindi parurusahan at walang maghihiganti kay Suliman, sumuko na ang mga taga-Manila at pumayag mapasa-ilalim sa mga Espanyol. Dito inilipat ni Legazpi nuong May 18, 1571, ang pamahalaan niya bilang governador habang buhay [adelantado] ng Pilipinas, ayon sa kasunduan nila ni Felipe 2, hari ng Espanya. Malawak ang mga bukirin at palayan ng Central Luzon kaya natiyak niyang hindi na magkukulang ang pagkain para sa kanyang mga tauhan. Dito rin namatay ang matandang Legazpi pagkaraan ng isang taon, nuong Agosto 20, 1572, habang pinapalitan ang bakod na kahoy ng batong pader sa paligid ng Manila na, hindi nagtagal, tinawag na Intramuros [sa pagitan ng mga pader]. SA MGA sumunod na taon, ang mga kasalukuyang lalawigan ng Bulacan, Pampanga at bahagi ng Tarlac na tinawag nuong La Gran Pampanga ay sinakop ni Martin Goiti, mayamang encomendero na. Ang apo ni Legazpi, si Juan de Salcedo, ang pinakahuling conquistador, ang sumakop sa tinawag nilang Ilocos na binuo ng tinatawag ngayong Ilocos, Pangasinan at bahagi ng Zambales. Si Salcedo rin ang sumakop sa Cagayan, sa dulong hilaga ng Luzon, at sa timog, sa mga tinatawag ngayong Laguna, Tayabas at Bicol. Kakampi nina Goiti at Salcedo ang

ilang daang mandirigma mula sa Cebu, Negros at Panay. Nang bandang huli, kasama na rin ang mga Kapampangan at ang mga taga-Cavite. Kasunod ng mga conquistador, madalas kasabay pa, ang mga frayle na nagkanyakanya sa buong Pilipinas. Ang mga Augustinian ang umari sa Batangas, Bulacan, Pampanga, Ilocos, Cebu at Panay. Ang mga Franciscan ang kumuha sa Bicol, Tayabas at malalaking piraso ng Laguna. Napasa sa mga Jesuit ang Cavite, Marinduque, Samar, Leyte, Bohol, Negros at ilang piraso ng Mindanao. Ang mga Dominican naman ang humawak sa Bataan, Pangasinan at ang buong Cagayan Valley. Napunta sa mga Recollect ang Romblon, Palawan at ibang purok sa Luzon na hindi nakuha na ng ibang mga frayle. Mga Orden ng Romano Katoliko Katulad sa Amerika, ang mga dumating sa Pilipinas na orden ng Romano Katoliko na tumulong para sa konbersyon ng mga Pilipino ay ang mga Agustino (1565), Franciskano (1577), Hesuita (1581), Dominikano (1587), Recolleto (1606), and Benedikto (1895). Sa pagsunod sa patakaran ng patronato real ng Simbahang Katoliko, ang pamahalaang Espanya ang umako ng mga gastusin para sa pagpapalaganap ng mabuting balita, binabayaran ang mga prayle at sinusuportahan sa kanilang mga pagmimisyon. Nagkaroon ang mga prayle ng malaking impluwensya hindi lamang sa simbahan kundi maging sa pamahalaan. Sa kalaunan ang mga orden ng simbahan ay nagkamal ng maraming mga lupain sa biyaya ng mga mayayamang Espanyol (the principalía, or “principal ones”), at nabigyan rin sila ng karapatang pagtrabahuhin ang mga katutubo sa kanilang mga lupain. Mga Eskwelahang naitatag nuong Panahon ng Espanyol: Kahit nuong simula ng ika 19 na siglo, ang salitang espanyol ay hindi pa rin alam salitain ng maraming mga katutubo. Pinilit ipakita ng mga Espanyol ang kanilang pagiging mataas kaysa sa mga indio sa pamamagitan ng antas ng edukasyon at sa uri ng salitang ginagamit. Ang mataas na paaralan ay bukas lamang sa mga Espanyol at Pilipino (tawag sa mga espanyol na ipinanganak sa Pilipinas). Binuksan lamang sa mga meztizo at mga indio ang mataas na paaralan nuong 1863. Ang mga Hesuita ang unang nagtatag ng paaralan sa Pilipinas. Tinawag itong Colegio de Manila na natatag nuong 1589. Napalitan ito ng pangalan bilang Colegio de San Ignacio. Nuong 1621, ginawa itong universidad ni Papa Gregorio XV. Subalit naipasara ito nuong 1768 nuong napalayas sa Pilipinas ang mga Hesuita. Itinatag din nila nuong 1601 ang Colegio de San Jose. Pagbalik nila sa Pilipinas nuong1859, itinatag nila ang Ateneo de Manila, ang unang eskwelahan na tumanggap ng mga indio at meztizo. Ang mga Dominikano naman sa pangunguna ni Padre Miguel de Benavides, ang ikatlong arsobispo ng Maynila nuong 1611 ay itinatag ang Colegio de Nuestra

Senora del Santissimo Rosario, na pinangalanang Universidad de Santo Tomas nuong 1645 ni Papa Innocencio X. Itinatag din nga mga Dominikano ang Colegio de San Juan de Letran nuong 1620 para pangalagaan ang mga naulilang Espanyol Ang kauna-unahang Colegio para sa mga kababaihan ay ang Colegio de Santa Potenciana nuong 1594. Isinara ito pagkalipas ng dalwang taon at inilipat ang mga magaaral sa Colegio de Santa Isabel na itinatag nuong 1596 (pinaka matandang eskwelahan na umiiral sa Pilipinas). Ang Santa Catalina (1696) at Santa Rosa (1750) ay mga eskwelahan din na itinatag para sa mga babae. Iba pang halimbawa ng mga eskwelahan na itinatag na nuong panahon ng Amerikano: University of the Philippines (1908), Adamson University (1932), the University of the East (1946), Far Eastern University (1928), Feati University (1946), at ang Unibersidad ng Santo Tomás (1611), na lahat ay nasa Maynila. Ang ilan pa ay ang Bicol University (1969) sa Legaspi; University of Mindanao (1946) sa Davao; Saint Louis University (1911) sa Baguio; at Southwestern University (1946) sa Cebu. Nuong Agosto 22, 1677, ipinag-utos ni Carlos 2, hari nuon sa Espanya, na turuan at gawing pari ang sinumang katutubo na magnais. Isa sa mga paaralang nakakatupad nito ay ang kolehiyo ng Santo Tomas, na may seminaryo para sa mga nag-aaral ng pagpapari. Sa kahilingan ng kolehiyo, hinirang ito nuong 1680 ni Carlos 2 sa pagkalinga ng kaharian, at inutos niya kay Felipe Pardo, arsobispo ng Manila, na tangkilikin ang pagiging pari ng mga tagapulo. Ngunit masidhi ang pagka-makalahi [racism] ng maraming frayle sa Pilipinas at laban sa pagpapari ng mga indio. Isa na sa kanila si Pardo, na sumagot nuong Junio 6, 1680, sa utos ni Carlos 2, at pinintasan ang kakayahan at pagkatao ng mga indio: Walang tiyagang mag-aral ng religion ang mga indio, lalong hirap matuto dahil sa kanilang mga bisyo, mga masamang gawi at mga maling akala. Kaya kailangan silang ituring na mga mistulang bata, kahit na iyong mga 50 - 60 anyos na. Pati na ang mga anak ng Espanyol, ang nagpalaki kasi ang mga inang indio, o mga aliping babae, mali ang natutunan at hindi angkop maging mga pari. Pulos tamad kasi, medyo binabae at lahat ay itinuturing na biro lamang. Kung gagawing pari, magiging masamang tutularan ng mga sumasamba. Ang dapat mangyari, ipadala rito ang mga matimtimang Espanyol na masugid sa pagligtas ng kaluluwa. Nuong 1700, sa utos ng hari, nagsimulang papasukin ang mga katutubo at mga mestizo sa mga seminaryo at paaralan ng pagpapari. Ngunit nanaig ang mga frayle sa pagpigil sa mga katutubong maging frayle, kaya pulos Espanyol lamang ang lahat ng frayle sa Pilipinas, na nakipag-agawan sa mga paroco [parishes], laban sa mga pari na kinabibilangan ng mga katutubo at mga mestizo. Bakit kinalaban ang pagpapari ng mga katutubo at mestizo? Bakit nag-agawan sa mga paroco? Bakit ang hari pa ang nag-utos sa pagpapari, nakikialam lang 'ba?

Lagi nang ma-politica ang bigayan ng mga paroco na, batay sa gawi ng feudalism, ay kapangyarihan, karangalan at yaman ng sinumang magkamit. Naging mainit ang agawan sa Pilipinas sapagkat naging luklukan [throne] ang paroco ng lahat ng kapangyarihan sa baranggay, nayon o kabayanan. Karaniwan, ang frayle, nag-iisang Espanyol sa buong pook, ang mistulang 'hari' ng libu-libong katutubo sa paroco. Damdamin ng mga frayle, na pulos Espanyol, na hindi dapat magkaroon ng ganuong uri ng kapangyarihan ang mga katutubo at mestizo, makakabawas sa pagkamataas ng Espanyol, lalo na ng frayle, sa kapuluan. Ang pagbawas sa kapangyarihan ng frayle ang nasa ni Carlos 2 nang nag-utos siya nuong 1677. Gawi sa Europa na pailalim ang pari sa obispo [o arsobispo] na sumasagot naman sa hari na siyang nagpapasiya sa lawak ng sakop ng obispo [diocese], kaya madaling mapasunod ng kaharian. Sa Espanya, tawag sa pari ay sacerdote [secular priest] dahil hindi sila kasapi ng matimtimang lipunan [religious society]. Samantala, ang mga frayle ay pailalim sa superior ng kanilang kumbento, na pailalim naman sa provincial ng kanilang 'lalawigan', na pailalim naman sa pinuno [director general, general of the order] ng kanilang matimtimang lipunan. Ang pinuno ay sumasagot sa Papa sa Roma, na siyang nagpapasiya tungkol sa pagbuo o paglansag ng lipunan ng frayle. Kaya mahirap pasunurin ng kaharian ang mga frayle, lalo na't madalas magka-digmaan ng hari ang Papa dahil sa mga sakop na lupain sa Italya, at sa buong Europa na.

Sangley: Intsik
Ang mga mestizong Intsik sa ibang bayan sa timog silangang Asia ay itinuring na tangi at kakaibang uri ng Intsik, ngunit sa Pilipinas, itinuring silang tangi at kakaibang uri ng Pilipino - Edgar Vickberg, historian, US Library of Congress Putoseko sa tindahan, kung ayaw kang magpautang, uubusin ka ng langgam - awit, Sit-si-rit-sit INTSIK ang tawag sa kanila ng mga Pilipino, hindi na matunton kung saan nagmula ang pangalan. Ang nais nilang tawag sa mga sarili ay Chinoy, mula sa pinagkabit na Chinese at Pinoy. Nuong panahon ng Espanyol, ang tawag sa kanila ay Sangley, mula sa seng li o maglalako sa wika ng mga taga-Xiamen [Amoy dati], isang lungsod sa Guandong [dating Canton], sa China. Dito nanggaling ang pangalang Sangley Point ng daungan sa Cavite ng mga barkong nagkalakal sa Manila daan-daang taon bago dumating ang Espanyol. Padalaw-dalaw lamang muna nuong panahon ng kaharian ng Tang [Tang dynasty] sa China nuong taong 618 hanggang 987. Dumalas at naging palagian ang balik-balik nuong 1127 - 1279 nang naghari ang mga Sung [Sung dynasty], pinatibayan ng mga porselanang banga at tapayang nahukay sa lumang libingan sa Santa Ana, Manila, at sa Calatagan, Batangas kamakailan. Patuloy ang pagkalakal nuong mga kaharian ng mga Yuan [umpisa sa apo ni Genghis Khan, si Kublai Khan] nuong 1279 - 1368 at ng mga Ming nuong 1368 1644. Giliw nuon ng mga tagapulo ang mga porselana, gamit sa bahay at sa pagkain, at ataol sa paglilibing ng mga kamag-anak, at ang seda [silk], tanso, salamin, at sariwang pancit ng mga Intsik. Kapalit ang mga kalakal ng mga katutubo, ginto, perlas, pagong, mamahaling kahoy na narra, kamagong at iba pa, at ang giliw naman ng Intsik, ang pagkit [wax] at hibe. Binanggit ang kalakal sa mga lumang kasulatan sa China; tinawag na Liu Sung o Luzon ang mga pulo sa ibaba o timog ng China, at Ma-it ang Manila, Cavite, Batangas at pulo ng Mindoro. Lumago ang kalakal mula Lingayen, Pangasinan, hanggang Mindanao, Borneo at Melaka, sa Malaysia. Dumalaw pa raw sa China ang ilang magdaragat mula Butuan sa Mindanao nuong panahon ng Sung. Nuong 1372 - 1424, ang mga datu naman ng Ma-it ang pabalikbalik na bumabati sa mga emperador ng mga Ming. Sa buong China, ang mga taga-Guandong at mga taga-Fujian [dating Fookien] lamang ang nagkagawi ng pagdaragat, kaya sila ang karamihan sa mga Intsik na

dumayo sa Pilipinas, lalo na pagkarating nuong 1571 ni Miguel de Legazpi, ang Espanyol na sumakop sa Manila. Sadyang inakit sila ni Legazpi at ng mga sumunod na governador sa Manila upang pagyamanin ang kalakal ng China at Pilipinas, na madaling pinalitan ng balikan mula China at Mexico na pinadaan sa Manila at tinawag na galleon trade. Dahil sa pasok ng pilak mula Mexico, dumagsa ang mga taga-Guandong at mga taga-Fujian, at hindi lamang nagkalakal, mandin nanirahan na at naging mga naglalako, kargador, karpintero, mason, magsasaka at artisan sa mga simbahan at kumbentong itinatayo ng mga Espanyol sa Manila at pali-paligid. Kaya nuong 1603, 38 taon lamang pagkarating ni Legazpi, mayroon nang mahigit 30,000 Intsik ang nabilang sa Manila at mga kalapit na pook, kahit na ipinatapon ng mga Espanyol ang 12,000 Intsik nuong 1596. Dinaig nila sa dami ang mga Espanyol na, upang hindi matabunan, ipinagbawal ang pagtira ng mga Intsik sa loob ng Intramuros. Pinagbayad din ang bawat isa ng buwis. Nagsisikan sila sa Parian [dating tawag ng mga taga-Manila sa palengke o malaking talipapa] sa labas, kinatatayuan ngayon ng city hall ng Manila, hanggang sa ilog Pasig, ang kauna-unahang squatters area at Chinatown sa Pilipinas. Sa lupit ng turing sa kanila, naghimagsik ang 6,000 Intsik sa Parian nuong 1603, sinunog ang mga baranggay ng mga katutubo sa paligid ng Intramuros at sinugod ang Intramuros mismo. Maraming Espanyol na pinatay, pinugutan ng ulo. Pagdating ng malaking sandatahang Espanyol mula sa Visayas at Mindanao, katulong ang mga taga-Manila, nilipol ang mga Intsik at sinunog ang Parian. Mahigit 20,000 Intsik ang pinatay bago natapos ang himagsikan. Kahit na malawak ang pinsala, nagpatuloy ang galleon trade at pagkaraan lamang ng 1 taon, nuong 1604, nagsimula uling dumami ang mga Intsik sa Pilipinas. Sa bawat purok at nayong pasukin ng mga Espanyol, sumunod ang mga Intsik upang magkalakal o maging manggagawa. Sa bawat simbahang itayo ng mga frayle, may tindahang itinayo ang mga Intsik. Sa bawat lansangang ipagawa sa kabayanan upang mag-ugnay sa Manila, tinahak pabalik-balik ng mga Intsik, bitbit at pasan-pasan, tulak kariton ang mga paninda at bilihin. Walang 50 taon pagkarating ni Legazpi, naging pangkaraniwan nang makita ang Intsik sa bawat sulok ng mga lupaing sinakop ng Espanyol. At sila ang ginamit na bilihan ng mga kailangan ng lahat, Espanyol, frayle at katutubo, na ayaw nang lumuwas sa kabayanan o sa Manila. Hindi nagtagal, walang 100 taon mula nang dumating si Legazpi, namakyaw na ang mga Intsik ng bigas, palay at mga pananim at prutas, nagpundar na ng mga imbakan [bodega] at gilingan ng palay at mais. Nagpautang, naningil, nag-ilit, sila ang naging paluwagan [bank, financier], mga tagapagluwas [middlemen] at mga tagapagtayo

ng kalakal [enterpreneurs] sa bara-baranggay. Sa kalakihan ng sanpuluan, naging 3 bahagi ang paghanapang-buhay [economy]: • • • Ang maka-Europa at maka-kabayanang rangya ng mga Espanyol, nakapako sa Manila at malalaking lungsod Ang kahig-tukang pamumuhay ng mga katutubo, ayaw mawalay sa kanilang giliw na nayon at baranggay Ang kalakal at pananalapi ng mga Intsik na nag-ugnay - at naghiwalay - sa magkabilang pamumuhay ng mga sumakop at ng mga sinakop.

Isa sa mga kabayanang dinanak ng mga Intsik kasunod sa mga frayle ay ang, sa una, munting baranggay ng Pagsanjan, katabi ng Lumban, sa Laguna. Walong Intsik at 2 Hapon, pulos binata, pulos binyagang katoliko, agad nanirahan duon pagkatapos pa lamang itatag ni frayle Juan de la Plasencia, Jesuit na misyonaryo at manalaysay [historian]. Galak ang 10 dayuhan sa katayuan ng bagong baranggay sa dugtong ng 2 ilog, mainam sa kalakal, at nagtayo sila ng tindahan at nagpundar ng paglalako ng nga-nga [betel nut]. Lahat sina Alfonso at Diego Changco, Mateo Caco, Jose Jegote, Juan Juco, Diego at Marcos Suico at Eugenio Vinco ay nag-asawa ng mga Pilipina mula sa mga katabing baranggay ng Longos, Paete, Pakil, Cavinti at Santa Cruz. Lumago ang kanilang kalakal at hindi nagtagal, dumating ang iba pang mga Intsik na nag-asawa rin ng mga Pilipina at nagkalakal din. Dumating din ang mga naging kapit-bahay nila mula sa mga kabayanan sa paligid, hanggang sa naging kabayanan at bantog ang Pagsanjan, pinagyaman ng mga mestizong Intsik na anakanakan ng mga unang 10 binata. Nuong 1750, sinimulan ang paghigpit sa mga Intsik. Pinagbawal na ang pagpasok mula China; ang mga nandirito na, pinagbawalang magkalakal o manirahan sa mga lalawigan at mga purok sa looban ng pulu-pulo. Pinagbawalan din nuong 1755 ang mga hindi-binyagang Intsik na sumali sa kalakal ng galleon trade, sa mga Espanyol napunta lahat ng kita. Nuong 1766, pinalayas nang tuluyan ang mga hindi-binyagang Intsik. Madaling baling sila sa palusot, karamihan ay mga hampas-lupang binata na simula't simula pa ay wala nang balak bumalik sa China. Marami ang nag-asawa ng mga Pilipina at naging mistulang Pilipino na, gaya ng 10 taga-Pagsanjan, nagpabinyag at naging katoliko. Nang kinakainitan ang mga hindibinyagan, nagkaroon sila at ang kanilang mga anak-anakan ng pagkakataong pumalit sa kalakal at pananalapi na sinarili dati ng mga Intsik. Sila, ang libu-libong mestizo, ang naging pang-3 bahagi ng hanapang-buhay sa Pilipinas. Kahit na nuong itigil ang pagpapalayas nuong 1788, bihirang Intsik ang pinayagang makalayo, pinagkumpulkumpol na lamang sila sa Binondo at Santa Cruz, sa tabi ng ilog Pasig, at nasa kabilang panig ng Intramuros. Sa panahon ito, bandang 1800, ang mga frayle ang pinakamayaman sa Pilipinas at mga may-ari ng mga pinakamalawak na lupain. Sila rin, matapos palayasin ang mga

Intsik, ang pinakamalakas magpa-utang sa mga magbubukid na, dahil walang pagasang makaahon sa utang, ay unti-unting nagapos sa lupang sinasaka, gaya ng mga serfs nuong panahon ng feudalism sa Europa. Sa pagdami, at pagsidhi ng hirap ng mga may-utang, unti-unti silang nawalan ng tiwala, nagsimulang mapoot sa mga frayle at hindi nagtagal, pati sa simbahan at sa pamahalaan sa Manila. Samantala sa pagkasangkot ng Espanya sa digmaan, kasabay sa pagdanak sa Pilipinas ng mga patapon ng Central at South America, pinutol ng bagong layang Mexico nuong 1820 ang galleon trade at natigil ang pagpasok ng pilak ng Mexico sa Pilipinas, ang tanging paghanapang-buhay at tustos sa pamahalaan ng Manila, na napilitang pasanin ng naghihirap nang kaharian sa Madrid. Duon nuong 1839, napagpasiyahan na kailangan palaguin ang kalakal sa Pilipinas upang mabayaran ang pamamahala sa kapuluan at ang patuloy na digmaan laban sa mga Muslim sa Mindanao at Sulu. Itinigil ang 81 taong paghigpit sa Intsik, hinayaan nang manirahan at maghanapbuhay sa alin mang pook sa Pilipinas. Dumami uli ang mga lumikas mula sa China. Inutos nuong 1844 ng Madrid na itigil ng mga alcalde mayor ng mga lalawigan ang kanilang pansariling pagkalakal dahil hadlang ito sa paglago ng kalakal sa kapuluan. Nakita ng mga Intsik ang malaking pagkakataon - nasok sila sa lahat ng lalawigan at hinamig ang lahat ng kalakal na dating sinarili ng mga pinunong Espanyol. Lalong dumami ang dumating mula sa China. Pagkaraan lamang ng 5 taon, umabot 6,000 ang mga Intsik sa paligid ng Manila nuong 1849. Buhos na ang pasok ng mga Intsik at nuong 1866, mahigit 66,000 ang nabilang at kalahati, mahigit 30,000 ay naglipana na sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas. Nahamig nilang muli, at napalawak pa, ang mga kalakal at pananalaping inangkin ng mga mestizong Intsik nuong napaghigpitan sila. Nasarili o nasakop nila ang ilang mahahalagang gawain pakyawan, pagbodega, pagluwas at pagtitingi ng bigas at mga kakanin. Ang mga mestizong Intsik, nang maramdaman ang pagdumog ng mga Intsik at mga patapong Espanyol, ay umalis sa pagkalakal at inasikaso na lamang ang pag-ari at pagpa-upa ng lupa, nagpundar ng pautangan o lumipat sa mga bago at lumalawak na gawaing dalubhasa [professions] sa medisina, batasan [law], pharmaceutica [chemistry] at pamamahala ng mga pabrika at kalakal [commercial and industrial management]. Ang mga kalakal na pinagkuwartahan ng pamahalaan ay mga pananim [agricultural products] - tabako, abaka, asukal, copra at iba pa - na nagsulsol sa mga frayle na pag-ibayuhin ang pagkalkal ng pag-aari ng lupa sa buong kapuluan. Masigla silang sinalihan nuong bandang 1850 ng mga mestizong Intsik, at ng mga familia ng mga Pilipino na may kapit sa mga frayle at mga mestizong Intsik. Lumaganap ang walang puknat na nakawan ng lupa [rampant land-grabbing] at lalong nawalan ng ari ang mga katutubong magsasaka, libu-libo ang napilitang umalis sa mga bukirin at naghanap-buhay sa mga kabayanan at mga lungsod. Ang mga naiwan, ang mga kasama at sacada, ay lalong nabaon sa utang at, pati nang

mga familia at kamag-anak, ay naging mistulang alipin ng mga may-ari ng lupa, ng mga cacique at mga haciendero. Hintay muna: Paano nasunggaban ang mga lupa? Mga pari, nag-landgrabbing? Ang pag-aari ng lupa, nuong dumating ang mga Espanyol, ay nasa baranggay o nayon. Bagaman may kani-kaniyang tahanan at taniman ang bawat tao, ang tinuring lamang na 'ari' ay ang ani o ang mga bunga ng sariling pagpapawis. Batay ito sa dating gawi ng mga magdaragat na ninuno ng mga tao sa Pilipinas. Ari nila ang mga nahuling isda, hindi nila ari ang dagat. Hawak nila at ipinagtanggol ang mga bahagi ng dagat na malapit sa baranggay o nayon, ngunit ang pag-aari nila ay angkinan lamang, maaaring ipaggamit o ipaupa sa iba paminsan-minsan, ngunit hindi maaaring ipagbili. Marami pang lupain sa Mindanao ang itinuturing nang ganito ng mga Muslim, kaya nagkadigmaan tuwing ilitin ng pamahalaan sa hindi pagbayad ng buwis o ariin ng mga "nakabiling" katoliko. Nuong panahon ng mga frayle, sila ang nagtala ng mga pag-aari sa paroco, karamihan ay lupa, upang mabuwisan. Sa tinagal ng panahon, nalista nila sa sariling pangalan, o sa pangalan ng mga anak nila, ang mga lupaing walang may-ari o nailit sa hindi pagbayad ng buwis. Sa maraming baranggay, lubusang ninakaw na lamang ng mga frayle ang mga taniman, inilagay nila sa sariling pangalan nang walang pasubali, kaya maraming magsasaka ang biglang naging mga kasama o sacada na lamang sa mga bukid na minana mula pa sa mga ninuno. Isa ito sa mga pinakamalaking dahilan ng Himagsikan nuong 1896. Nang tumagal na rito ang mga bagong saltang Intsik, sila at ang kanilang mga mestizong anak-anakan ay gumaya na rin sa pagpo-professional, pag-ari at pagpaupa ng lupa at pagpapautang. Nagsiksikan ang mga mestizong Intsik sa mga paaralan at kolehiyo, at libu-libo ang naging mga de campanilla, dumami ang mga naging professional. Marami ang nagpatuloy ng pag-aral at pagdalubhasa sa Europa, kung saan nila namasdan na hindi sila kailangang maging utusan ng mga Espanyol, na sila ay maaaring makapantay ng mga puti. Sa pagbalik ng mga educado, pumasok sa Pilipinas ang mga narinig at natutunan tungkol sa pantayan ng mga mamamayan, ng pakikibahagi ng lahat sa kapangyarihan, ng pagsali sa pamamahala ng bayan. At umiral sa Manila at iba pang lungsod ng kapuluan mula nuong 1860 ang pagnasa, hindi ng kalayaan at democracia - matagal pa bago makusa ang mga iyon - kundi ng pagbuti ng turing ng mga Espanyol sa mga katutubo. Kaya nuong 1860, pagkaraan ng halos 300 taon, ang pag-ari ng lupa, ang pagiging educado at de campanilla at, higit sa lahat, ang pagkakaroon ng yaman ay nagtutok sa libu-libong mestizong sangley sa bingit ng politica, ng paghangad na makabahagi sa kapangyarihan ng bayan. Kapangyarihang walang balak ang Espanyol na ipamigay.

(Ikapitong Linggo)
Ang Maharlika At Ang Ilustrado May payneta pa siya, oy! May suklay pa mandin, oy! Haharap sa altar at mananalamin At saka lalakad nang pakendeng-kendeng -- Awit, Paruparong Bukid SI Felipe 2, hari ng Espanya, ang nag-utos nuong Pebrero 8, 1597, na panatiliin sa tungkulin ang mga maharlika kapag nagpabinyag. Namana ng mga anak-anak nila ang tungkulin ng pagsilbi sa mga frayle at utusan ng mga Espanyol. Sila ang naging mga utusan, taga-manman, taga-sumbong, tagapamahala at taga-parusa ng mga galit, ng mga lumalabag sa utos. Bilang mga capitan del barrio, mga cabeza de barangay , at mga governadorcillo, unti-unti silang nakakupit ng kapangyarihan hanggang nuong bandang 1800, nakaipon sila ng sapat upang matanghal na mga principales o pangunahing mamamayan sa kabayanan. Sa ganitong katayuan, madali silang nakapagsamantala nang naging magulo at labu-labo ang agawan sa kapangyarihan at nakagawan ng lupa ng mga frayle at iba pang mga Espanyol. Sila ay nagpalawak din ng mga lupain. Matumal nuong simula, nang maging tagapagsilbi lamang sila ng mga frayle, malaking pagbagsak matapos ng daan-daang taong naghari-harian sila sa mga mandirigma bilang mga datu at rajah, nilibak pa man sila ng mga pinunong Espanyol sa Manila. Nang unang naupo si Miguel Lopez de Legazpi bilang governador nuong 1571, nag-alok si Lakan Dula at iba pang maharlika ng tulong, pasusukuin ang mga karatig baranggay, ngunit tinanggihan sila at pinagsabihan pa, na hindi naman nila magagampanan ang inaalok nila, na hindi naman sila sinusunod na ng mga tao. Totoo naman, wala ngang nakinig kina Lakan Dula sapagkat bagong salta sila sa Manila at sa mata ng marami, mga mananakop na dayuhan din sila tulad ng mga Espanyol. Wala rin silang pananggalang sa masugid na pagkamakalahi [racism] ng mga Espanyol na nagsadlak sa kanila sa pagiging indio, at sa kalupitan ng mga encomiendero na panay ang hamig ng ginto at yaman. Nakatulong ang mga frayle, at ang pananatili nila sa katungkulan bilang pinuno ng baranggay. Bahagya lamang nagbuti ang kalagayan nila nang maging kapamilya nila ang mga frayle at ang mga anak-pari dahil karaniwang nag-utos-utos din ang mga ito sa kanila, at ang pagdamay at pakikisama ng mga kanayon lamang ang naging ginhawa nila sa nagdaang 200 taon.

Dumating ang pagkakataon nila nuong 1750 nang simulang paghigpitan ang mga Intsik. Ginamit nila ang mga pamanang katungkulan at munting kapangyarihan sa bara-baranggay upang maka-ugnay at maka-pamilya ang mga masalaping sangley at mga mestizong Intsik, - sa kasalan at compadrehan sa mga binyag at kumpil, sa pagtulong sa pagbili ng lupa at pasimula ng pagkalakal sa nayon. Ang mga principales ay nagsimulang maging masalapi, at handa sila nang maganap ang sunud-sunod na mga pangyayari sa Pilipinas pagkasimula ng ika-19 sandaang taon [19th century]. • • • Tumiwalag ang Mexico mula sa pagsakop ng Espanya nuong 1819 at naghayag sa sumunod na taon ng pagkapag-sasarili [independence]. Itinigil ang galleon trade. Ang kahuli-hulihang barko mula Acapulco, Mexico, ay dumaong sa Manila nuong 1815. Naglaho na ang taon-taong tustos na pilak sa lipunan at pamahalaan ng Espanyol sa Intramuros. Masigasig na pinalago ng Espanya ang kalakal panlabas [exports] sa Pilipinas upang maiwasan ang pagkalugi ng pamahalaan sa Manila at pagtigil ng pagsakop sa Mindanao. Agad lumaganap ang pagtanim at paglako ng mga aning pangkalakal [farm products] gaya ng abaca, tabako, copra at asukal. Mabilis lumawak ang mga bukirin - at ang agawan ng lupa - sa buong kapuluan. Upang maakit ang pasok ng salapi sa Pilipinas, itinigil ang pagpigil sa kalakal ng ibang bansa at "binuksan" ang iba't ibang lungsod Zamboanga nuong 1831, Manila nuong 1834, Iloilo nuong 1855 at Cebu nuong 1863. Isinara ng pamahalaan ang 1,000 monasteryo at ipinagbili ang kanilang mga lupain sa Espanya nuong 1835. Pinatay ang mga frayle at mongha na lumaban. Marami ang napalayas at nagpuntahan sa Pilipinas. Ang mga frayle sa Pilipinas ay hindi na pinayagang bumalik sa Espanya. Itinigil ang pagsara sa gabi ng mga pintuan ng Intramuros, at hinayaan nang "bukas" ang Manila araw at gabi simula nuong 1852. Nagbalik sa Pilipinas ang mga ipinatapong frayleng Jesuit nuong 1859 at itinatag nila ang Ateneo sa Manila, ang unang paaralang tumanggap ng mga katutubo at mga mestizo. Buhos ang tustos ng mga anak ng mayamang mestizo at principales kaya gumaya agad ang ibang paaralan at dumami ang mga katutubo at mga mestizong Intsik na educado. Nabuksan ang Suez Canal sa Egypt nuong 1869. Nagsimula rin ang paggamit ng mga barkong dimakina [steamships]. Napamura, napabilis at napadali ang lakbayan sa Europa. Nagdatingan ang iba't ibang taga-Europa upang magkalakal sa Manila, Cebu at iba pang lungsod. Higit katuturan,

nagpuntahan sa Europa ang mga katutubo at mga mestizong Intsik na educado upang ipagpatuloy ang pagdadalubhasa. Sa pagpasok ng bagong salapi at paglawak ng kalakal sa buong kapuluan, dumami ang mga mayamang mestizo at principales at sila ay naging kapansin-pansin at kinainggitan. Ang mga mapaglibak na Espanyol sa Pilipinas ay nagsimulang maging malupit at mapagparusa, lalo na't naging siksikan ang agawan ng mga lupain, ng mga paroco at ng mga katungkulan sa pamahalaan sa Pilipinas sa pagdanak ng mga patapon mula sa Central at South America. Nakisiksik na rin ang maraming takas mula sa gulo at paghihirap sa Espanya, pati na ang mga frayle na napalayas nang sarahan ang mga monasteryo duon. Naghari ang suhol, lagay at kapit sa lumalaking pamahalaan, at simbahan, sa Pilipinas. Abala sa sariling mga suliranin, bahagya lamang napag-ukulan ng pansin ng Madrid ang Manila, lalo na nang itigil nuong 1837 ang pagdalo ng mga kinatawan [deputados] mula Pilipinas sa batasan o cortez ng Espanya. Bahagya ring nakinabang ang Espanya sa paglawak ng kalakal sa Pilipinas dahil sinarili ng mga Espanyol duon na inggit din, at balisa, sa unti-unting pagyaman ng mga principales at mga mestizo. Hintay muna: Ano ang pinag-abalahang mga suliranin sa Espanya? Bakit hindi napansin ang mga nangyayari sa Pilipinas? Una na, kasangkot ang mga nasa pamahalaan ng Pilipinas at ang mga frayle [pati ilang obispo] sa dumi [graft and corruption] ng pamamalakad kaya sadyang inilihim sa Madrid ang mga pangyayari, o ang sanhi ng mga suliranin sa kapuluan. Ang mga nasa Espanya naman ay gulung-gulo sa himagsikan laban sa France, sa pagbalik ni Fernando 7 bilang panibagong hari, sa himagsikan at pagtiwalag ng mga sakop [colonies] sa Central at South America, sa pag-usig ni Fernando 7 ng mga Espanyol na makabago at ayaw maging matimtiman, sa pagkalugi ng paghanapangbuhay at paghihikahos [economic decline, poverty] sa Espanya, sa digmaang sumunod sa pagkamatay ni Fernando 7 nuong 1833, sa kudeyta [coup d'etat] ng mga general ng hukbong Espanyol na sumunod sa digmaan, sa contra kudeyta, tapos, himagsikan uli...sunud-sunod ang mga suliranin sa Espanya nuon. Sa Pilipinas, ang mga Espanyol lamang ang nagdambulan. Puwera ang mga katutubo at mga mestizong Intsik; ang pag-unlad ng kapangyarihan ay itinangi ng mga Espanyol sa mga Espanyol lamang. Nang umungol ang angal ng mga principales, pinag-ibayo ng mga Espanyol at mga frayle ang paglibak at pagmalupit sa mga katutubo at mga mestizo upang tumahimik at manatiling aba. Nang ayaw tumahan, muhi at parusa ang ginamit, ngunit huli na. Nang buksan ang mga paaralan sa mga katutubo at mga mestizo, nabuklat ang mga aklat ng karanasan ng mga tao sa ibang bayan. Nang 'buksan' ang Pilipinas sa kalakal ng ibang bansa, hindi lamang hasang dunong sa kalakal ang dala ng mga dayuhan na pumasok sa kapuluan, pati na mga maunlad na pag-iisip at babasahin mula Europa at America. Nang buksan ang Suez Canal at nagtungo ng Europa, hindi lamang pagdalubhasa

ang natagpuan kundi ang pantayan ng mga mamamayan sa ilalim ng mapagtangkilik na pamahalaan, hindi ng hari, hindi ng pari, kundi ng mga karaniwang tao. Huli na upang ipinid muli ang mga nabuksan. Nagsimula nilang tawagin ang mga sariling ilustrado [the enlightened], ang mga nasinagan ng mga bagong kalayaan, isa na ang karapatan ng mamamayan na makibahagi sa pamahalaan. Halo sa pagiging pinakamataas sa lipunan ng mga katutubo, ang pag-aari nila ng lupa at pagiging mga mayaman at educado, hindi na indio ang tingin sa sarili, mga mamamayan na at hindi mga "nasakop", hindi na nila naatim na hindi magkamit ng karagdagang kapangyarihan. Hindi pa nila inisip, nuong bago mag-1880, na pumiglas sa Espanya. Kabaligtaran, ninasa ng marami na maging higit na malapit, maging lubusang bahagi na, hindi lamang sakop, ng Espanya. Unsiyami sa patuloy na paglibak ng mga Espanyol sa Pilipinas, hindi naiwasan ang dapat asahang pagbaling nila sa politica. Sa pagnasang maging kapantay ng mga Espanyol, ang ilan, gaya ni Jose Rizal, ay nagsimula nang tumawag sa mga sarili ng Pilipino upang ipahiwatig ang kanilang pagiging kapantay ng mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas. NABAON ang mga timawa. Sa pagsigla sa politica ng mga ilustrado, sa paglaganap ng kalampag na ipagbuti ang turing sa mga katutubo, lalo namang sumidhi ang pagpigil at pagmalupit ng mga Espanyol sa Pilipinas, lalo na ng mga frayle, upang hindi mabawasan ang kanilang mga lupain, yaman at kapangyarihan. Sa mga dukha unang nabuhos ang kanilang lupit. Nang buksan ang mga paaralan sa mga katutubo at mga mestizo, lalong naging hamak ang mga hampas-lupa sa pataasan sa lipunan. Walang na ngang pangtustos makapag-aral, dinagdagan pa ang kanilang mga pasanin nang simulan silang pagbayarin taon-taon ng buwis sa cedula nuong 1884. Baon sa utang sa mga cacique at mga haciendero, lubusang nawalan sila ng pag-asang makaahon sa paghihirap. Nawalan pa sila ng kakampi. Pamana sa mga anak-anakan ng mga magiting, kasama ng kanilang pagiging pinakamataas sa lipunan, ang pagtangkilik pag-aruga sa mga taga-baranggay. Nang maging maharlika ang mga magiting nuong panahon ng mga mandirigma, nabawasan ang pagtangkilik na ito sa

at

paghangad ng mga datu at rajah na magkaroon ng maraming alipin. Nang dumating ang mga Espanyol at gawing mga utusan ang mga maharlika, naging napakababa ang mga taga-baranggay, naging utusan ng mga utusan. Gayunman, mahigit 200 taon namuhay nang tahimik ang mga timawa dahil kasama-sama nila sa baranggay at nayon ang mga principales at natutungo nila tuwing kinakailangan. Naglaho ang ugnayang ito nang nauso ang pagkurakot at pagyaman ng mga pinuno sa dambulan ng lupa at ari-arian nuong pagkaraan ng 1850, at lumuwas na sa Manila at mga lungsod ang mga maylupa upang bumahagi sa lumalagong pakikipagkalakal sa mga taga-Europa. Kagaya ng mga Espanyol at mga frayle, naging mababa na rin ang tingin ng mga principales sa mga magbubukid. Naging bantog ang mga mapuputi at makikinis ang balat. Naging pintas ang maging maitim ang balat, ang magpawis sa paghahanap-buhay, ang magka-kalyo sa kamay. Naging kagalang-galang ang magsapatos, katawa-tawa ang magbakya, kahiya-hiya ang nakayapak. Nauso ang umiwas sa mahirap na laging maraming hiling na nakakabawas sa salapi, at sa pamumuhay sa lungsod at kabayanan, ng mayaman. Simula nuong 1860 hanggang 1890, patuloy na naiwang nag-iisa sa pagkaapi ang mga dukha sa bukid at nayon, lalo na sa mga dampa sa Gitnaang Luzon, at sa mga barung-barong ng mga squatters sa Tondo at Caloocan, sa gilid ng Manila. Natuto ang mga timawang magtulungan at magdamayan sila-sila, kilalaning magkakahawig ang kanilang kalagayan at kapakanan. Nang lumaganap ang mga adhika ng mga ilustrado na ipagbuti ang turing sa katutubo, natuto rin ang mga timawa na magsama-sama at magka-isa. Ngunit kakaiba sa mga ilustrado, wala silang pagmamahal sa Espanya at walang nasang manatiling kasa-kasama ng mga Espanyol. Kaya nuong 1890, handa na ang mga timawa na makibaka nang sabaysabay sa ikabubuti ng mga sarili. Mga Bakas Ng Lumipas (I) • • • • • • 1754, sinimulan ni Dagohoy ang paghimagsik sa Bohol, tumagal hanggang 1829. 1754 Marso 3, nakipagkasunduan si Sultan Muhamad Alimudin sa mga Espanyol. 1755, ipinatapon sa labas ng Pilipinas ang mahigit 2,000 Intsik mula Manila. 1762, sinakop ang Manila ng mga British hanggang Abril 1764. Nag-aklas si Juan de la Cruz Palaris sa Pangasinan laban sa pagbuwis ng mga Espanyol. Sa 2 taon, lumaganap ang aklasan hanggang Ilocos. 1763, naghimagsik si Diego Silang sa Ilocos. Ibinalik ng mga British si Sultan Alimudin sa kanyang kaharian sa Mindanao. 1767, ipinadakip ni Simon de Anda, pansamantalang governador, ang mga frayle Augustinian sa Pampanga na ayaw pumailalim sa pamamahala ng obispo.

• • • • • • • • • • • •

• • • • • • • • •

1768, ipinag-utos ng Espanya ang pagpalayas sa mga frayleng Jesuit. Ipinag-utos din ng Papa sa Roma sa sumunod na taon. 1770, ipinatapon ang mga frayleng Jesuit. Hinirang ng Madrid na governador general ng Pilipinas si Simon de Anda y Salazar. 1774, inutos ng Madrid na ibigay sa mga Pilipino at mestizong pari ang mga paroco na hawak ng mga frayle, na pulos mga Espanyol. 1775, ibinalik ang mga frayleng Augustinian sa Pampanga matapos sumuko sa pamamahala ng obispo. 1776, binawi ng Madrid ang utos na mga Pilipino at mestizong pari lamang ang mamuno sa mga paroco. Nagsimula ang himagsikan sa America laban sa mga British. 1781, sinarili ng pamahalaan sa Manila ang pagtanim at pagkalakal ng tabako, pinamunuan ni Jose Basco. 1783, nagwagi ang mga Amerkano sa himagsikan, sumuko at umurong ang British mula America. 1785 Marso 10, itinatag ni Carlos 3, hari ng Espanya, ang Real Compania de Filipinas upang paunlarin ang mga kalakal sa Pilipinas. 1788, nag-aklas ang mga Ilocano, pinamunuan ni Ambaristo, laban sa pagsarili ng kalakal ng tabako. 1803, binili ng America ang malaking lupain ng Louisiana; nagsimula ang paglawak ng America papuntang Pacific Ocean. 1807, sinarili ng pamahalaan sa Manila ang kalakal ng basi. Nag-aklas ang mga Ilocano, pinamunuan ni Pedro Mateo. 1808, sinakop ang Espanya ng France, pinamunuan ni Napoleon Bonaparte. Hinirang na hari ang kapatid, si Joseph Bonaparte. Naghimagsik ang mga Espanyol at nagtatag ng pamahalaan sa Cadiz. Naghimagsik sa America ang mga sakop ng Espanya. 1810, isinali ang mga Pilipino sa pambansang batasan [cortez] ng Espanya. 1811, lumisan ng Cavite ang kahuli-hulihang galleon papuntang Acapulco, sa Mexico. 1812 Enero 6, ipinanganak si ‘Tandang Sora’ Melchora Aquino, ina ng Katipunan. 1814, sa tulong ng Britain, napalayas ang mga Frances sa Espanya. Hinirang na hari si Ferdinand 7. 1815, lumisan sa Acapulco, Mexico ang kahuli-hulihang galleon papuntang Manila. 1817, nagwagi ang himagsikan sa Argentina at nakalaya mula sa Espanya. 1818, hinati ang Ilocos, ginawang Ilocos Norte at Ilocos Sur. 1819, tumiwalag ang Mexico mula sa Espanya. 1820, naghayag ang Mexico ng pagkapag-sasarili [independence]. Inutos ni Hari Ferdinand 7 sa pamahalaan sa Cadiz na sakupin uli ang mga bayan sa America. Tumanggi ang Cadiz at nagsimula ang himagsikan sa Espanya laban kay Ferdinand. Nalugi at nagsara ang Real Compania de Filipinas. Napalayas ang libu-libong Espanyol at mestizo mula sa America, puntahan

• • •

• • • • • • •

• • • • •

• • •

sa Pilipinas at sinarili ang kalakal at pamahalaan. Lumaganap ang pagpababa ng mga katutubong Pilipino. Octobre 9, pinagpapatay ng mga Pilipino ang mga dayuhan sa Manila at Cavite nang ipamalita ng mga Espanyol na ang mga dayuhan ang sanhi ng cholera na pumatay sa libulibong Pilipino. 1821, inagaw ng America ang Florida mula sa Espanyol. 1822, itinatag ang unang pahayagan sa Manila, ang El Filantropo. 1823, sa tulong ng France, ginapi ni Hari Ferdinand 7 ang himagsikan sa Espanya. Nakalaya na ang lahat ng sakop ng Espanya, maliban sa Cuba, Puerto Rico, Pilipinas, Guam at ilang lupain sa Africa. Junio, nag-aklas sa Manila si Andres Novales, mestizong Mexicano sa hukbo ng Espanya, laban sa paglibak ng mga Espanyol. 1826, ipinag-utos na mga frayle lamang ang mamuno sa mga paroco sa Pilipinas. Ibinaba ang mga Pilipino at mestizong pari sa pagka-kura [curate] na lamang. Deciembre 17, ipinanganak si Graciano Lopez-Jaena. 1829, nasugpo ng mga Espanyol ang himagsikan ni Dagohoy sa Bohol. Pinatawad ang libu-libong kasapi na namuhay nang tahimik mula nuon. 1830, binuksan ang unang bangko sa Pilipinas. 1831, binuksan ang Zamboanga sa kalakal ng buong mundo. 1833, naging reyna ng Espanya si Isabela 2. 1834, binuksan ang Manila sa kalakal ng buong daigdig. 1835, nag-aklas sa Cavite si Feliciano Paran. Sa Espanya, ipinag-utos na wasakin lahat ng mahigit 1,000 monasteryo at ipinagbili ang mga lupain. Pinatay ang mga mongha at frayle na lumaban; ang mga pari at mga Jesuits ay pinaghanap at dinakip. Ang mga frayle sa Pilipinas ay hindi na pinayagang makabalik pa sa Espanya. 1837, ipinagbawal ang pagdalo ng mga Pilipino sa pambansang batasan [cortez] ng Espanya. 1839, pinayagan ang mga Intsik na manirahan at magkalakal nang husto sa buong Pilipinas. Dumami ang mga Intsik sa kapuluan. 1841, nag-aklas si Apolinario dela Cruz, “hari ng mga Tagalog,” at ang Confradia de San Jose. 1843, pinayagan nang magtindahan ang mga Intsik kapantay ng mga Espanyol. 1844, ipinagbawal ang pagkalakal ng mga pinuno ng mga lalawigan [alcalde mayor] na sinasarili ang kalakal. Lumawak ang kalakal ng mga Intsik sa buong kapuluan. Lumusob ang hukbong Espanyol, pinamunuan ni Claveria, laban sa mga Muslim sa Mindanao. Pinagbawalan ang mga Intsik na pumasok sa mga lalawigan at looban ng mga pulo. 1847, sinakop ng mga Espanyol ang Davao, sa Mindanao. 1848, sinakop ng America ang California sa pagkatalo ng Mexico sa digmaan. Nasa kabilang gilid na ng Pacific Ocean ang mga Amerkano. 1850 Agosto 30, ipinanganak si Marcelo H del Pilar.

• • • • • • • • •

• • •

• • •

1851, sinakop ng mga Espanyol, pinamunuan ni Antonio de Urbiztondo, ang Sulu. 1852, nagbukas ang Banco Espanol-Filipino. Sinimulang iwanang bukas ang Manila [Intramuros] araw at gabi. 1853 Peb 21, ipinanganak si Felix Resurreccion Hidalgo sa Binondo, Manila. 1854, nag-aklas si Cuesta. 1855, binuksan ang Iloilo sa kalakal ng buong mundo. 1857, itinatag ang pagawaan ng salapi sa Manila. 1859, nagbalikan ang mga frayleng Jesuit sa Pilipinas. Itinatag ang Ateneo de Manila, ang unang paaralang tumanggap ng mga Pilipino at mga mestizo. 1860 Mayo 8, ipinanganak si Gregorio Aglipay. Mayo 22, ipinanganak si Julio Nakpil. Nagsimula ang digmaan ng mga kapwa mamamayan [civil war] sa America dahil sa pag-alipin sa mga Negro. 1861, ipinag-utos na palitan ng frayle ang lahat nang paroco sa Manila na hawak ng Pilipino at mestizong pari. Sinakop ng mga Espanyol ang Cotabato at iba pang lupain sa Mindanao habang nag-aaway duon ang mga Maguindanao at mga taga-Buayan. Enero 28, ipinanganak si Julian Felipe. Junio 19, ipinanganak si Jose Rizal. 1862 Nob 30, ipinanganak si Andres Bonifacio. 1863, binuksan ang Cebu sa kalakal ng buong mundo. Lumindol sa Manila, nasira ang katedral, maraming nasaktan. 1864, nanawagan si Padre Jose Burgos na gawing kapantay ng mga frayle ang turing sa mga Pilipino at mestizong pari; kasama ni Burgos na nanawagan sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora. Julio 23, ipinanganak si Apolinario Mabini sa Tanauan, Batangas. Nagwagi sa America ang mga laban sa pag-alipin ng mga Negro. 1868, nagkudeyta ang hukbong Espanyol at pinalayas si Reyna Isabela 2. Dumating sa Manila ang mga kinatawan ng mga ‘reforma’ ng “maluwalhating himagsikan” [glorious revolution] sa Espanya. Nagsimula ang himagsikan sa Cuba sa “sigaw sa Yara” [grito de Yara] ni Carlos Manuel de Cespedes, nahalal na pangulo ng Republika ng Cuba. Nagsimula ang himagsikan sa Puerto Rico, sa “sigaw sa Lares” [grito de Lares], nagtatag ng ‘junta’ ng himagsikan. Okt 13, ipinanganak si ‘Nay Isa’ Teresa Magbanua sa Pototan, Iloilo. 1869, binuksan ang Suez Canal sa kalakal dagat ng buong mundo. Dumami ang mga taga-Europa na nagkalakal sa Pilipinas. Tumanggi ang America na tulungan ang himagsikan sa Cuba. 1870, nag-aklas sa Cavite si Eduardo Camerino laban sa mga frayle. 1872, nag-aklas sa Cavite si Sarhento La Madrid at 200 sundalo ng hukbong Espanyol; ginapi ni Governador Rafael de Izquierdo. Peb 17, binitay ang 3 Pilipinong pari, Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora, sa Bagumbayan, Manila.

Kapampangan ang sarili nilang mga bahay at sumumpang ipaglalaban nila ang kanilang mga karapatan. Pinuno nila si Francisco Maniago ngunit wala silang nagawa nang tumangging sumapi ang pinuno ng Arayat, si Juan Macapagal, sa pakana ni governador Manrique de Lara. Mga Unang Aklasan Lintik lamang ang walang ganti -- Matandang wikain PARANG nag-iipong bagyo na ipinahiwatig ng kulog at kidlat, ang papalapit na himagsikan ay pinangunahan ng maraming aklasan. Dalawa ang nakapagtayo ng malayang pamahalaan sa Pilipinas; ang isa ay tumagal nang 85 taon bago nasupil. Nuong 1585, 11 taon lamang pagkamatay ni Miguel de Legazpi, nagtangka nang maghimagsik sa Pampanga, ngunit ipinagkanulo ng isang babae. Pagkaraan ng 2 taon, nagsapakat sina Felipe Salonga, puno ng Polo, Esteban Tasi, puno ng kabayanan ng Bulacan, at ang mga pinuno ng Tondo, sina Misilo at Ta-is. Humingi pa ng tulong sa Borneo ngunit napigil ng mga Espanyol. Sa sumunod na taon, nagaklas naman ang mga Ilocano sa pamumuno ni Dingras. Sa Cagayan naman naghimagsikan nuong 1596 ang mga punong baranggay sa pamumuno ni Magalat at ng kanyang kapatid. Umarkila ng mga mamamatay-tao si Francisco Tello, governador general ng Pilipinas, na pumatay kay Magalat. Sumunod nag-aklas ang mga Igorot nuong 1601; gaya ng mga Muslim sa Sulu, kailan man ay hindi sila nagawang binyagan ng mga Espanyol. Nag-aklas muli sa Ilocos nuong 1616, sa pumumuno ni Pedro Almazan. Ang mga Gaddang ang sumunod naghimagsik. Isang matandang binyagan, si Bancao ang nag-aklas sa Leyte, upang bumalik ang mga Waray-waray sa pagsamba sa mga anyito gaya nang dating gawi; nagapi ang kanyang pangkat nang lusubin ng alkalde mayor [provincial governor] ng Cebu, kasama ang 40 bangka ng mga mandirigmang Cebuano. Pati ang mga Intsik sa Parian, sa labas ng Intramuros, ay nag-aklas dahil sa lupit ng turing sa kanila. Mahigit 12,000 Intsik nuong 1603 ang sumugod sa Manila at gumapi sa mga sundalong Espanyol na nanawagan ng tulong mula mga katutubo. Pinagpapatay ng mga ito ang mga Intsik at napuksa ang aklasan. Nuong 1621, isang babaylan sa pulo ng Bohol ang humikayat sa mahigit 2,000 Boholano na wakasan ang pagka-api sa kamay ng mga Espanyol. Ipinangako ni Tamblot, ang babaylan, na tutulungan sila ng mga ninuno at ng mga diwata. Itinaon nila ang aklasan sa kapistahan ni San Javier nang lahat ng frayleng Jesuit ay nasa Cebu upang magdiwang. Sugod uli ang sanlibong mandirigmang Cebuano at 50 sundalong Espanyol sa utos ni Don Juan de Alcarazo at pinuksa si Tamblot nuong araw ng bagong taon ng 1622. Si Pedro Ladia, isang taga-Borneo, ang nagsabing apo-apo siya ni Lakan Dula, ang nanawagan sa mga taga-Malolos na hirangin siyang Hari ng mga Tagalog nuong 1643. Ngunit nadakip siya ng mga Espanyol at pinatay sa Manila. Sumiklab sa Pampanga nuong 1660 nang sunugin ng mga Nuong 1744 nagsimula ang pinakamahabang aklasan sa Pilipinas, tumagal ng 85 taon, nang nautusan ang isang pulis, si Sagarino Sendrijas, na dakpin ang isang taga-Bohol na umalis sa kanyang pagka-katoliko. Si Sagarino ang napatay sa pagdakip. Dinala ng kapatid niya, si Francisco 'Dagohoy' Sendrijas, ang bangkay sa nag-utos na frayle, si Gaspar Morales ng mga Jesuits, ngunit tumanggi itong ilibing ang kapatid sa cementerio dahil napatay sa duelo, na labag daw sa utos ng simbahan. Sumumpa si Dagohoy na maghihiganti. Nagtayo siya ng malayang pamahalaan sa bundok-bundok ng Bohol, ang kauna-unahang pamahalaan ng Pilipino mula nang dumating ang mga Espanyol nuong 1565. Mahigit 3,000 Boholano ang namundok at sumapi sa kanya. Pinatay ni Dogohoy si Frayle Morales. Napatay din ang isa pang frayle, si Giuseppe Lamberti, ng mga kakampi ni Dagohoy. Umabot sa 20,000 ang mga sumapi sa kanya nang mabantog na siya ay may "galing" at tinawag siyang Dagohoy mula sa wikang "dagon sa hoyohoy" [anting-anting sa hangin, nakatatalon sa kabilang bundok]. Ilang ulit niyang tinalo ang mga sandatahang Espanyol; naitaboy niya ang mga kampo ng sundalo sa Loboc, Jagna, Talibon at Dauis na itinayo ng mga Espanyol upang lupigin siya. Tuloy pa rin ang aklasan pagkamatay niya, sa pamumuno ng anak, si Handog, at ng kapatid, si Iwag. Nuong Mayo 1827, sa utos ni governador Mariano Ricafort, ang pang-21 governador na lumusob kay Dagohoy, nagpadala ng mahigit 2,000 sundalo at Cebuano si Jose Lazaro Cairo, alkalde-mayor ng Cebu, upang puksain ang aklasan. Ilang ulit silang nanalo sa sagupaan ngunit patuloy ang aklasan. Nuong Abril sa sumunod na taon, nagpadala uli ng kanyon at sundalo sa pamumuno ni Kapitan Manuel Sanz. Mahigit isang taon naglabanan bago nagapi ang aklasan nuong Agosto 31, 1829. Mahigit na 19,000 sa mga naghimagsik ang bumaba sa bundok at nagbalikan sa mga kabayanan ng Batuanan, Cabulao, Catigbian at Vilar. Si Diego Silang ang naghimagsik sa Ilocos nuong Disyembre 1762. Napalayas niya ang mga Espanyol mula Vigan, Ilocos Sur, at tinalo niya ang mga sandatahang Espanyol na paulit-ulit nagtangkang lupigin siya. Nagtayo siya ng malayaang pamahalaan, ang pang-2 pamahalaan ng katutubo sa Pilipinas [nakatayo pa nuon ang malayang pamahalaan ni Dagohoy sa Bohol]. Nakipag-ugnay at kinilala ang pamahalaan niya ng sandatahang Britain, na nuon

ay sumasakop sa Manila, dahil sa digmaan ng Espanya at Britain sa Europa [sevenyear war, 1756-1763]. Napatay siya nuong Mayo 1763 ng isang mamatay-taong inarkila ng mga Espanyol. Ipinagpatuloy ng kanyang viuda, si Maria Josefa Gabriela Silang, at ng tio, si Nicolas Carino, ang paghihimagsik ngunit nagapi sa sagupaan sa Kabugao. Tumakbo sila sa Abra at nagbuo ng sandatahang lumusob sa Vigan uli ngunit natalo; binitay si Gabriela nuong Septiyembre 30, 1763. Sa Ilocos pa rin, nang simulan ng mga Espanyol ang sunud-sunod na sarilinan ng kalakal [monopolies], sunud-sunod din ang aklasan. Nuong 1788, namuno si Ambaristo laban sa sarilinan ng kalakal na tabako na itinayo ni Jose Basco y Vargos nuong 1781. Nuong 1807, si Pedro Mateo ang nag-aklas laban naman sa sarilinan ng alak na basi. Nuong 1814, nagligalig si Hernando Sarrat upang maging kapantay ng mga Pilipino ang mga Espanyol sa Pilipinas. Dahil sa maraming aklasan sa Ilocos, pinaghati ang Ilocos Norte at Ilocos Sur nuong 1818 upang higit na madaling supilin ang mga maligalig. Sukdulan na ang baba ng tingin ng mga frayle sa Pilipino nuong ipanganak si Apolinario dela Cruz sa Lukban, Tayabas, nuong 1815. Espanyol lahat ng frayle, hindi pinayagan simula't simula pa na sumali ang mga Pilipino o mestizo sa kanilang matimtimang lipunan [religious order]. Matagal nang nais ng kaharian sa Madrid na mga katutubo ang humawak ng mga paroco sa Pilipinas, upang mabawasan ang lumalagong kapangyarihan at lupain ng mga frayle. Utos ng Hari sa Madrid nuong 1774 na ibigay sa mga katutubong pari ang mga paroco na hawag ng mga frayle. Naglagay ang pamahalaan ng mga katutubo at mestizong pari sa ibat ibang paroco ngunit hindi sumuko ang frayle, pagkaraan lamang ng 2 taon, nuong 1776, napatigil nila ang utos ng hari. Saka, ginawang pari o sacerdote lamang ang mga katutubo o mestizong nais sumapi sa simbahan, hindi maaaring maging frayle. Hindi lamang ito, nuong kapanahunan ni Dela Cruz, hinadlangan pa nila ang pagiging pari ng mga katutubo o mestizo, upang mabawasan ang karibal nila sa paghawak ng mga paroco. Kaya nang lumaking matimtiman si Dela Cruz at paulit-ulit nagtangkang mag-pari, lagi siyang nilibak ng mga frayle. Nagtiyaga na lamang si Dela Cruz na maging tagapaglinis at utusan sa ospital ng San Juan de Dios sa Manila, ngunit nang sumapi siya sa kapatid-samahan ng mga mapagdasal [lay brotherhood] ng Cofradia de San Juan de Dios, sinisante siya at napilitang bumalik sa Lukban. Duon, itinatag niya at 19 kasama nuong 1832 ang sariling kapatid-samahan, ang Cofradia de San Jose, para sa mga katutubo o mestizo lamang, walang Espanyol. Sa loob ng 8 taon, libu-libo ang naging kasapi nila sa Tayabas, Batangas, Laguna at Tondo. Sa payo ng mga kasaping abogado, hiniling niyang kilalanin ang samahan ng obispo sa Nueva Caceres, Camarines, at pagkatapos sa Audiencia Real sa Manila, ngunit tinanggihan nang kalabanin siya ng mga frayleng Franciscan at ni Manuel Sancho, ang frayle sa Lukban. Inutos ni Marcelino de Oraa, ang governador general, na lansagin ang samahan. Dinakip at pinahirapan ng mga sundalo ng Espanyol ang mga kasaping taga-Majayjay, sa Laguna. Napilitang tumakas si Dela Cruz at ang libu-libong kasapi sa Inlaying Isabang, malapit sa Sariaya, at duon, hinayag niyang ililikas ng Diyos ang mga katutubo mula sa pang-aapi ng mga Espanyol. Nuong Octobre 23, 1841, nilusob sila ni Joaquin Ortega, governador ng Tayabas, kasama ng mga frayle at mga sundalong Espanyol. Lumaban at nagwagi sina Dela Cruz, tinulungan ng mga Negrito, napatay

pa nila si Ortega. Nagpadala ng higit na maraming Espanyol si Governador Oraa, kasama ng ilan daang sundalong Kapampangan. Umurong sina Dela Cruz sa Alitao, sa paanan ng bundok Banahaw. Duon sila nagapi ng mga Espanyol nuong Nobyembre 1 1841. Mahigit 500 sa samahan ang pinagpapatay, pati mga babae at mga bata. Nahuli si Dela Cruz at pinugutan ng ulo sa plaza ng kabayanan ng Tayabas nuong Nobyembre 4, 1841. Ibinitin ang ulo sa harap ng bahay niya sa Lukban. Libu-libo sa mga kasapi ng Cofradia ang tumakas sa mga bundok ng Banahaw at San Cristobal at naging mga taga-bundok o remontado mula nuon. Dumanak sila at nagbara-baranggay, lalo na ang mga nasa Banahaw, at naging bantog bilang mga relihiyoso. Ngayon, dinadayo ng maraming sumasamba, at tinatawag na silang mga colorum. Ngunit nuong panahon ni Dela Cruz, patuloy ang paglibak ng mga frayle sa mga Pilipino. Alam nilang nais ng kaharian sa Madrid na kunin ang pinakamalalaking lupain sa Pilipinas, na ari nuon ng mga frayle, upang gamitin sa gastos ng pamahalaan sa Manila. Umabot sa paghataw nila ng sinumang katutubo na nagsasalita ng Espanyol. Ayon kay Apolinario Mabini, nais ng mga frayle na matuto lamang ang mga indio ng dasal at buhay ng mga santo ngunit hindi dapat matuto ng Espanyol, at kapag natuto, mauunawaan na nila ang mga utos at batas ng pamahalaan, at hindi na nila kailangan pang sumangguni sa mga frayle. Ipinaghiganti si Dela Cruz ni Sarhento Samaniego at ng mga taga-Tayabas na sundalo ng sandatahang Espanyol, nakadestino malapit sa Manila. Nilusob at sinakop nila ang Fuerza Santiago nuong Enero 20, 1843, ngunit nagapi ng mga Espanyol at binitay kinabukasan. Isang tauhan ni Dela Cruz, si Januario Labios, ay nag-aklas sa Tayabas sa panig ng mga magsasaka. Nasugpo sa dahas si Dela Cruz at Samaniego, ngunit hindi nagapi ng pananakot ang masidhing pagnanasa ng madlang makaingos sa tuluyan at sumisidhing pagmamalupit at pang-aapi. Sa panahong maaaring ipiit ang sinumang ayaw lumuhod at humalik sa kamay ng frayle, nang ang sinumang magsalita laban sa Espanyol ay maaaring bitayin sa Bagumbayan, marami at panay ang tumakas sa pinakaliblib na natagpuan nila, gaya ng mga colorum, o nagtulisan nang tuluyan at namuhay sa pandarambong. Sa mga lalawigan paligid ng Manila, nagsimulang naglipana ang mga tulisan, ilang pook sa Laguna ang tinawag na villas delos ladrones - takot, hawak ang gulok at walang tiwala ang mga tao sa sinumang nakasalubong na hindi kilala. Itinatag nuong 1868 ang Guardia Civil, mga masunuring Pilipinong ginawang pulis, pinamunuan ng mga Espanyol; hinimpil sa bawat lalawigan at malalaking kabayanan. Kasabay ang pagdami ng mga carcel. Sa Bilibid ipiniit ang mga nahatulan nang mahaba; ginamit na lagakan ang Fuerza Santiago ng mga bibitayin sa Bagumbayan. Hindi nakaligtas sa pansin ng mga Espanyol na ang aklasan ni

Dela Cruz ang pinakamalawak, sinapian ng libu-libong tao mula sa iba't ibang purok ng Luzon, at nagsimula ito sa mga matimtiman. Kinalimutan muna ng mga Espanyol at ng mga frayle ang kanilang labanan at nagkaisa sa pagsugpo sa nakikitang paghamon sa kanilang kapangyarihan. Lalong nag-init ang tingin sa mga katutubo o mestizong pari. Nuong 1861, ipinag-utos ng pamahalaan na ibalik sa mga frayle ang lahat ng paroco sa Manila na hawak ng katutubo o mestizong pari. Lagablab ang labu-labo, agawan sa mga paroco. Nuong 1864, naglabas ang mestizong Padre Jose Burgos ng isang matigas na panawagan [manifesto] na gawing pantay ang pagturing sa mga pari at frayleng katutubo, mestizo at Espanyol. Sa mga sumanib sa kanyang kampanya ay 2 pang mestizong pari, sina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora. Nang mag-aklas ang 200 sundalong katutubo sa Cavite nuong Enero 20, 1872, sa pamumuno ng isang mestizong Espanyol, si Sarhento La Madrid, at patayin ang kanilang mga pinunong Espanyol, ginamit itong dahilan upang dakpin at bitayin ang 3 mestizong pari. Nuong Pebrero 15, 1872, sa harap ng buong Manila, ginarote sila sa Bagumbayan, unti-unting sinakal ng bakal sa leeg hanggang mamatay. Sinadyang malupit ang pagpatay upang matigil ang kalampag at takutin ang sinumang nais umangal sa pamamahala ng Espanyol. Ngunit ang kabaligtaran ang nangyari. Gimbal ang buong Pilipinas sa pagpaslang hindi lamang sa iisa kundi sa 3 pari, na walang kasalanan at nagnais lamang makapantay ng mga Espanyol, gaya ng nais ng nakararaming tao. Kaya sa halip na masindak, maraming nag-alab loob muli, gaya nang nangyari nuong panahon ni Dela Cruz. Naghintay lamang ng may isa muling magtayo ng watawat at maghayag ng paglikas ng Pilipino sa kaapihan. At hindi gaya ng panahon ni Dela Cruz, kadamdamin nila ngayon ang mga ilustrado. Ngayon, hindi gaya ng nakaraan, hindi na nila tatanggapin ang taguring indio ng mga Espanyol. Mula ngayon, sa kauna-unahang panahon, sila na ang tatawaging Pilipino. Mga pag-aalsa ng Mamamayang Pilipino at mga Pinagmulan ng Kamalayang Makabayan 1. Pag-aalsa ni Lakandula at Sulayman (1574), Dahilan: Ang pagbabago sa polisiyang ipinatupad ni Legazpi 2. Ang unang pag-aalsa sa Pampanga (1585), Dahilan: Pangaabuso ng mga Encomendero 3. Ang sabwatan sa Tondo (1587-88), Dahilan: Para ibalik ang dating kalayaan 4. Ang pag-aalsa ni Magalat sa Cagayan (1596), Dahilan: Tributo

5. Ang pag-aalsa ng mga Igorot (1601), Dahilan Cause: Pagtanggi sa Relihiyong Kristiano 6. Ang pag-aalsa ng mga Iraya sa Hilagang Isabela sa Cagayan Valley (1621), Dahilan: Pagmamalabis ng mga Kastilang opisyal 7. Ang pag-aalsa ni Tamblot sa Bohol (1621-22), Dahilan: Ang kagustuhang bumalik sa katutubong relihiyon 8. Ang pag-aalsa ni Bankaw sa Leyte (1622), Dahilan: Ang kagustuhang bumalik sa katutubong relihiyon 9. Ang pag-aalsa ni Ladia (1643), Dahilan: Ang pagmamalabis ng mga Espanyol 10. Ang pag-aalsa sa Dabao (1650), Dahilan: Ang pagtanggi sa kautusang pagpapadala ng mga karpintero sa pagawaan ng barko sa Cavite 11. Ang pag-aalsa ni Sumoroy sa Samar (1649-50), Dahilan: Pwersahang pagpapatrabaho 12. Ang pag-aalsa ni Maniago sa Pampanga (1660), Dahilan: Ang palagiang pagpapadala ng mga kalalakihan para magputol ng kahoy sa kabundukan 13. Ang pag-aalsa ni Andres Malong sa Pangasinan (1660-61), Dahilan: Pagmamalabis ng mga Espanyol at ang kagustuhang mamuno 14. Ang pag-aalsa ni Gumapos (1661), Dahilan: para ipagtatuloy ang sinimulan ni Andres Malong 15. Ang pag-aalsa ni Almazan (1660), Dahilan: para sa pansariling ambisyon 16. Ang pag-aalsa ni Tapar sa Panay (1663), Dahilan: para magtatag ng bagong relihiyon sa tulong ng mga katutubo 17. Ang pag-aalsa ni Dagohoy sa Bohol (1744-1829), Dahilan: Ang pagtanggi ng simbahan na bigyan ng maayos na liRefusal to Give His Brother a Christian Burial 18. Ang pag-aalsa ni Diego Silang (1762-63), Dahilan: His Imprisonment, Abusive Government Officials, Heavy Taxation 19. Ang pag-aalsa ni Palaris (1762-65), Dahilan: Tribute, Spain’s Loss of Prestige Due to the British Occupation of Manila 20. Ang pag-aalsa para sa Alak na Basi (1807), Dahilan: Wine Monopoly of 1786 21. Ang pag-aalsa par depensahan ang Konstitusyong Espanyol (1815), Dahilan: Abolition of the Liberal Spanish Constitution 22. Ang pag-aalsa ng magkapatid na Bayot (1822), Dahilan: Feeling of Distrust between the Peninsulares and the Creoles 23. Ang pag-aalsa pangrelihiyon ni Hermano Pule (1840-41), Dahilan: Religious Freedom 24. Ang Digmaang Muslim-Kristiano (1578-1898) Polo – ang pwersahang pagpapatrabaho sa mga indiong kalalakihan na may edad 16-60 taong gulang. Nagsisilbi sila sa gobyerno o simbahan sa loob ng 40 araw taon-taon. Nuong 1884, ginawa na lamang itong 15 araw.

Ang Tributo - nagkakahalaga ng 8 reales (1 peso) sa pera o ano mang kagamitan, itinaas sa 12 reales (1.50 pesos) nuong 1851. At nuong 1884, pinalitan ang sistemang ito ng tinatawag na cedula. (Ikawalong Linggo) Kilusang Reporma o Propaganda: Pinagmulan ng Kamalayang Makabayan

1. Paglaganap ng Kaisipang Malaya – when Spain gradually exposed the
Philippines to international commerce in the late 18th and early 19th centuries, liberal ideas from Europe filtered in. The thoughts of Montesquieu, Rousseau, Voltaire. Locke, Jefferson and other political philosophers were made known through books and periodical brought into the country by men from foreign ports.

privileges of the arsenal workers and engineer corps regarding exemption from tribute and force labor. About 200 Filipino soldiers and dock workers in the province of Cavite mutinied and killed their Spanish officers under the leadership of Sergeant Lamadrid. The rebellion was quickly suppressed. Lamadrid was executed at Bagumbayan. Accused of alleged conspiracy in the rebellion were Father Mariano Gomez, Jose Burgos, and Jacinto Zamora. They were sentence to death by garrote on February 17, 1872. The Spaniards succeeded in uniting the Filipinos in a common spirit to oppose colonial authority. Between 1872 and 1892, national consciousness was growing among Filipinos who had settled in Europe. The execution of GOM-BUR-ZA eventually hastened the growth of Filipino nationalism. Ang Propaganda:

2. Pagdaramdam laban sa mga Principales - there was a mounting
dissatisfaction against the principales (or the political and social aristocracy, which includes the prominent landowning and propertied citizens), accommodated as intermediaries of the Spanish government from the inception of its colonial rule.

3. Pagbabago sa Kultura – with the implementation of a new educational
system, qualified Filipinos were able to pursue higher education. They were able to see the repressive colonial policies of Spain after being enlightened with liberal ideas; thus, giving birth to a new breed of Filipinos – the ilustrados (enlightened ones).

4. Hindi pantay na pagtingin sa Lahi – the Spaniards commonly regarded
the Filipino natives as belonging to the “inferior race” and haughtily called as the indios. The preconceived notion of the Spanish colonizers that the natives could not rise beyond their “limited intelligence” instigated the enlightened Filipinos to struggle for equality.

Nuong 1872, matapos ipahuli ng pamahalaan ang daan-daang ilustrado at katutubong pari, lalot higit ang pagpatay sa tatlong pari na sina Gomez, Burgos at Zamora, pinagigting nitong lalo ang kamalayang makabayan at ang paghingi ng pagbabago sa bansa. Ang mga Pilipinong liberal na ipinatapon sa Uropa at mga ilustrado na nagaaral sa mga unibersidad sa Uropa ay nagtatag ng kilusang propaganda. Pinangunahan ito ng tatlong matatalinong Pilipino na sina Graciano López Jaena, M. H. del Pilar, at José Rizal. Pangalan ng mga Magigiting na Propagandista:

1. Graciano Lopez Jaena (1856-1896) – Nuong 1874, sinulat niya ang satirong
2. Fray Botod na nagbubulgar ng kasakiman, katamaran, at kalaswaan ng mga prayle. Marcelo H. del Pilar (1850-1896) – isang abogado at magaling na manunulat. Sinulat nya ang mga sumusunod: a. Dasalan at Tocsohan b. Pasyong Dapat Ipag-alab ng Taong Babasa c. Ang Kadakilaan ng Dyos d. Caiingat Cayo e. Dupluhan f. Sagot ng Espana sa Hibik ng Pilipino g. La Soberania Monacal h. La Frailocracia Filipina

5. Pagtatalo para sa Sekularisasyon ng Simbahan – the return of the Jesuits
in1859 as well as the policy of desecularization directly affected the native seculars. The secularization controversy transformed into a Filipinization issue since the secular priests were mostly Filipinos. The effort to secularize the parishes in a way heightened the nationalist feeling of the people. Some of the strong proponents of the secularization movement of parishes were Archbishop Gregorio Meliton Martinez and Father Jose Burgos. Pagaaklas sa Cavite nuong 1872: Pagpatay sa Gomburza) – when Rafael de Izquierdo replaced Governor de la Torre in 1871, he abolished the

6.

-

Ginamit niya ang mga Pen name o alyas na: Dolores Manapat, Piping Dilat, Siling Labuyo, Kupang, Haitalaga, Patos, Carmelo D.A. Murgas, L.O. Crame at Plaridel. 3. Jose Rizal (1861-1896) – isang doctor na nagmula sa bayan ng Calamba Laguna. Sinulat niya ang: a. Noli Me Tangere (1886) b. El Felibusterismo (1891) c. Filipinas Dentro de Cien Anos (Ang Pilipinas sa Loob ng Isang Daang Taon) d. La Indolencia de los Filipinos (Ang Katamaran ng mga Pilipino) e. Sucesos de las Islas Filipinas [Kasaysayan ng Sanpuluang Filipinas], - Itinatag niya ang samahang La Liga Filipina noong Hulyo 3, 1892. - Ginamit nya ang mga alyas na: Dimas Alang at Laong Laan 4. Gregorio Sanciangco – nalathala sa Madrid Espana and kanyang aklat na El Progreso de Filipinas nooong 1881 na tumutukoy sa mga pagkukulang ng Pamahalaang kolonyal. 5. Jose Maria Panganiban (1863-1890)– nagsulat siya ng mga artikulo sa La Solidaridad, sa ilalim ng alyas na Jomapa at J.M.P. 6. Pedro A. Paterno (1858-1911) – isang magaling na abogado. 7. Mariano Ponce (1863-1918) – habang nasa Espanya, sumali sya sa kilusang propaganda at naging isa sa nanguna sa pagtatatag ng La Solidaridad. Ginamit niya sa kanyang mga sinulat ang mga alyas na Naning, Kalipulako, or Tigbalang. 8. Antonio Luna (1866-1899) – mahusay sumulat ng mga sanaysay, at ginamit ang alyas na Taga-ilog. 9. Juan Luna (1857-1899) – isang magaling na pintor, at kilala sa kanyang obra na Spoliarium. 10. Isabelo de los Reyes (1864-1938) – katulad ng ibang progagandista, nagalit sa kanya ang mga prayle at mga nanunungkulan sa pamahalaan sa walang habas niyang pagbubunyag ng katiwalian sa simbahan at pamahalaan. 11. Pedro Serrano Laktaw – naging guro ni Prinsipe Alfonso de Bourbon na naging Haring Alfonso XIII ng Espanya). 12. Felix Resurreccion Hidalgo – kinilala sa kanyang obrang Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho (Christian Virgins Exposed to the Rabble). 13. Galicano Apacible – naging pangulo ng La Solidaridad nuong araw na itinatag ito nuong Disyembre 31, 1888. Mga Organisasyon ng Kilusang Propaganda 1. Circulo Hispano-Filipino – itinatag nuong 1882 ni Juan Atayde, isang Espanyol na ipinanganak sa Maynila.

2.

3. 4. 5. 6. 7.

La Solidaridad - itinatag nuong Disyembre 31, 1888 sa Barcelona. Naging pangulo nito si Galicano Apacible at ikalawang pangulo naman si Graciano Lopez Jaena. May pahayagan ito na tinawag ding “La Solidaridad” na sinimulan nuong Pebrero 15 1889 sa Barcelona bilang patnugot nito si Graciano Lopez Jaena. Asociacion Hispano-Filipina – itinatag nuong 1889 ni Propesor Miguel Morayta, propesor ni Rizal sa Unibersidad de Madrid. Logia Revolucion – unang samahang masonarya na pawang mga pilipino ang kasapi na natatag nuong 1889 ni Graciano Lopez Jaena sa Barcelona. Lodge Solidaridad – itinatag nuong 1890 nina M. H. del Pilar at Julio Lorente sa Madrid. Lodge Nilad – itinatag nuong Enero 6, 1892 ni Pedro Serrano Laktaw sa Manila. La Liga Filipina – itinatag nuong Hulyo 3, 1892 ni Jose Rizal sa Manila. Naging pangulo nito si Ambrosio Salvador.

Ang mga Propagandista at ang Kilusan sa Europa: Lagablab ang politica ng protesta ng mga ilustrado sa Barcelona, Espanya, at nahawa si Rizal, bumulwak ang tinitimping pagkasuklam sa pang-aapi sa katutubo, namasdan niya mula pa nuong pagkabata. Sumapi siya sa mga mason [freemasons] at nagsimulang sumulat sa protestang pahayagan, La Solidaridad nina Graciano Lopez Jaena, taga-Iloilo, at Marcelo H del Pilar, ng Bulacan. Ang mga frayleng Franciscan, Augustinian, Recollect at Dominican ang sinisi ni Rizal sa pagkasadlak ng Pilipinas, at nanawagan sa 'Inang Espanya' na: • • • • • Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas Isali ang Pilipinas sa Cortez, ang batasan ng Espanya Palitan ang mga frayle ng mga Pilipinong pari Maging malayang magsalita ang mga Pilipino Magpantay ang Pilipino at Espanyol sa harap ng batas

Nagpatuloy sa pagdadalubhasa si Rizal sa France, Germany at Austria. Nuong 1886, timigil sa Belgium at sinulat niya ang Noli Me Tangere, nobelang nagbulgar ng kalabisan ng mga frayle. Ipinagbawal ng mga Espanyol ang pagbasa ngunit maraming aklat ang napalusot at nabantog sa Manila. Isa sa mga patagong bumili ng Noli si Bonifacio, at isinama niya sa munting aklatang tinipon nilang 3 magkaibigan sa kanilang hanap-buhayan. Sina Jacinto at Valenzuela ay takaw din sa pagbasa at nagkasundo silang magsusyo ng mga aklat. Dinala ni Valenzuela ang mga aklat ng medisina niya; mga aklat ng batas at abogasya ang abuloy ni Jacinto, ang pinagaralan niya dati sa San Juan de Letran at sa Santo Tomas. Ang mga dinagdag ni Bonifacio maliban sa Noli, ay ilang limbag ng La Solidaridad, ang bibliya, isang nobelang French, ang Les Miserables, at ilang aklat sa English, Lives of the Presidents of the United States, History of the French Revolution, at Religion Within the Reach of All. Mahapding panghihinayang ni Bonifacio na hindi siya

nakapagtapos ng pag-aaral; tinuruan ang sarili ng English, German at French, at nagbasa ng maraming aklat upang palawakin ang kanyang pag-iisip. Nuong 1887, bumalik sa Pilipinas si Rizal pagkaraan ng 5 taon sa Europa ngunit madaling umalis muli sa payo ni governador general Eulogio Despujol, isang mason din, dahil sa galit ng mga frayle sa mga isinulat niya. Nagdaan ng Japan at America, bumalik si Rizal sa Europa at, sa London, England, tinapos ang pagsulat ng kanyang mga kuru-kuro at sapantaha sa Sucesos de las Islas Filipinas [Kasaysayan ng Sanpuluang Filipinas], tungkol sa nakalipas na kaugnayan ng mga tao sa Pilipinas, Malaysia at Indonesia, mula sa mga ulat nuong 1609 ni Antonio de Morga, isang archaelogist o tagapag-aral ng mga unang tao, tungkol sa mga gawi at pagsamba ng mga Tagapulong Timog nuong bago dumating ang mga Espanyol. Sinulat din ni Rizal nuong 1891 ang pang-2 niyang nobela, El Filibusterismo [Ang Subersibo], karugtong ng Noli, at higit na palaban kung hindi tunay na mapaghimagsik. Muling ipinagbawal ang pagbasa, muling pinuslit ang mga aklat, muling bumili si Bonifacio at isinama sa kanyang aklatan, at muling kumalat ang Fili sa kapuluan. At muling napuot ang mga frayle. Inilit ng mga frayle ang haciendang inuupahan ng pamilya ni Rizal, sinunog ang kanilang bahay sa Calamba, at tuluyang pinalayas na. Bulag na ang ina ni Rizal. Tumakas ang mag-anak papuntang Hongkong at duon sumagsag si Rizal nuong Noviembre 20, 1891. Sa dunong at galing bilang manggagamot, mabilis siyang nakapagpatayo ng clinica, naging bantog sa mga taga-Hongkong at natustusan ang buong pamilya. Isinulat niya kay Ferdinand Blumentritt, kaibigang Aleman na nais pumigil sa pagbalik niya sa Pilipinas, na pati nang ama at mga kapatid niya ay nasa Hongkong na rin at mapayapang namumuhay. Ang mga magulang niya, sabi sa sulat, ay nais nang manatili sa Hongkong habang buhay sapagkat higit pa sa kayang pagtiisan ang naging buhay na nila sa Pilipinas. Gayun pa man, alumpihit na magpasa-Manila si Rizal, nasaring sa isinulat ng isang tagahanga duon tungkol sa mga nananawagan nang walang panganib sa Europa habang araw-araw nanganganib ang buhay ng mga nananawagan sa Manila. Pagkaraan ng 6 buwan lamang, sa hilakbot ng kanyang familia, bumalik sa Pilipinas si Rizal nuong Junio 26, 1892 , naniwalang duon at hindi sa Europa higit na mabisa manawagan. Itinatag niya nuong Julio 6 ang samahang Liga Filipina upang • • • Pagkaisahin ang lahat ng tao Mapayapang pilitin ang pamahalaang itigil ang pag-api Pag-aralan at pairalin ang pagbubuti ng bayan.

Si Bonifacio at libu-libo pa, marami ay ilustrado, ang sumapi sa Liga ngunit hindi nagtagal, dinakip si Rizal, dinala sa Malacanang at, upang hindi mabitay, ipinatapon ni Governador Despujol sa Dapitan [ngayon ay lungsod sa Zamboanga del Norte, sa Mindanao] nuong Julio 17, 1892. Gimbal at sindak ang buong Manila, dahil naging sagisag na si Rizal ng pagtawag ng ikabubuti ng mga Pilipino. Nuong gabi ng Julio 27, 1892, nagpulong nang lihim sa bahay ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga [ngayon, Claro M. Recto Avenue], sa Tondo, sina Bonifacio at ilang kaibigan, Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Valentin Diaz. Nagkasundong itatag ang lihim na Kataastaasan, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan, upang tuparin ang 3 adhikain: • • • Magkamit ng kalayaan mula Espanya Gawing pantay ang mga mayaman at mahirap Magtulungan sila-sila sa mga panahon ng paghihirap, sakit at kamatayan Inilagda ang kanilang mga pangalan sa sariling dugo, nagbigay ng 25 sentimos na paunang-bayad at nangakong magbubuwis ng 12 sentimos buwanbuwan. At manghihikayat ng iba pang nais sumapi. Upang hindi mabuska ng mga Espanyol, pumili sila ng mga palayaw na gagamitin sa halip ng tunay na pangalan. Nawasak ang Liga Filipina bago nakapagsimula. Nalugi ang La Solidaridad nuong 1895, at sumunod na taon, namatay sa dalita at sakit sina Marcelo del Pilar at Graciano Lopez Jaena sa Barcelona. Antal na ang mapayapang pag-adhika ng mga ilustrado. Simula nang gabing iyon, dugo ng mga timawa na ang mananawagan.

At kampanya talaga ang ginawa niya - lakbay sa lalawigan, talumpating Tagalog, hindi Espanyol, sa lahat ng nais makinig, tagpuan sa mga kilalang taong makakapaghikayat ng iba pa sa mga adhikain: Magkaisa, Magkasama-sama nang maayos, at Maging makibayan, Mapayapa sa gabay ng Inang Espanya!

Listahan ng mga kilalang Katipunero: • • • • • • • • • • • • • Emilio Aguinaldo Melchora Aquino Andrés Bonifacio Gregoria de Jesús Gregorio del Pilar Licerio Gerónimo Emilio Jacinto Mariano Llanera Vicente Lukban Antonio Luna Miguel Malvar Macario Sakay Saturnino Echavez

(Ikasiyam na Linggo) Ang Impluwensya ng Kilusang Propaganda Ang Katipunan at ang Cuerpo de Compromisarios ay mga samahang nagmula sa La Liga Filipina. Ang nagtatag ng Katipunan na sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa and Teodoro Plata ay pawang mga kasapi sa La Liga at pawang mga naimpluwensyahan ng Kilusang Propaganda sa Espanya. Ang Katipunan Ang Katipunan ay isang lihim na samahan na itinatag nina Bonifacio, Diwa, at Plata nuong Hulyo 7, 1892 sa may bahay sa Calle Azcarrage (ngayon ay Claro M. Recto Avenue) sa Tondo Manila na dinaluhan nina Deodato Arellano, Valentin Diaz at Jose Dizon. Layunin ng samahan na patalsikin ang Kolonyang Espanya sa Pilipinas. Ang buong pangalan ng Katipunan ay Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (sa ingles ay: Supreme and Venerable Society of the Sons of the People). Ang pagsali sa Katipunan ay nangangailangan ng pagpirma gamit ang sariling dugo. Tatlo ang antas ng kasapi sa samahan. Ang una ay tinatawag na katipun, na nagsosoot ng itim na mascara at gumagamit ng password na Anak ng Bayan. Ang ikalawang antas ay ang kawal, na nagsosoot ng berde na mascara at gumagamit ng password na Gomburza. Ang ikatlo at pinakamataas na antas ay ang bayani, na nagsosoot ng pulang mascara na gumagamit ng password na Rizal. Ang mga Dokumento at Pahayagan ng Katipunan:

Libu-libo na ang mga naging kasapi sa lihim pa ring Katipunan, tantiyang umabot na sa 30,000 sa sangpuluan, karamihan ay mga manggagawa sa Manila at mga magsasaka sa gitnaang Luzon. Ang unang supremo, si Deodato Arellano, ay pinalitan nuong 1893 ni Roman Basa ngunit hindi niya nagampanan, kaya si Bonifacio ang naging punong tagapagpaganap. Katulong niya si Jacinto bilang kalihim at fiscal. Silang dalawa rin, katulong si Pio Valenzuela, ang mga patnugot ng una at kaisa-isang lathala ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan na nagpalaganap ng mga adhikain ng napipintong himagsikan at naghikayat sa mga taong sumapi. Sa Kalayaan unang nabunyag ang pagka-utak ng Katipunan ni Jacinto. Dukha ring gaya ni Bonifacio ipinanganak si Emilio Jacinto sa Trozo, Tondo, nuong Deciembre 15, 1875, kina Mariano Jacinto at Josefa Dizon, isang hilot. Nang maulila sa ama, napilitan siyang makitira sa tio, si Don Jose Dizon upang makapag-aral sa San Juan de Letran. Labag sa kagustuhan ng ina at tio, itinigil niya ang pagkuha ng abogacia sa Universidad de Santo Tomas upang sumapi sa Katipunan, nang 19 taon gulang pa lamang. Ang mga sinulat niya sa Kartila sa palayaw na Pingkian [swordfight] at sa Kalayaan bilang Dimasilaw, ang humuli ng kalooban ng mga tao: Ipagtanggol mo ang inaapi, makibaka sa umaapi. Ang may mataas na kalooban, inuuna ang puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri. Huwag sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan. Ang halaga ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagka-pare na kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa. Wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang

1. Ang Kartilla, isang dokumento na inihanda ni Emilio Jacinto na naglalaman 2. 3.
ng 13 aral na kinakailangang tangkilikin ng mga miembro ng Katipunan. Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan, sampung utos na sinulat ni Bonifacio na dapat sundin ng mga katipunero. Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan, sa ilalim ng pangangasiwa ni Emilio Jacinto, layon ng pahayagang ito na ipakalat ang mga idealismo ng Katipunan. Isang beses lamang nalathala ito nuong Enero ng 1896, subalit nagpukaw ito sa napakaraming mamamayang Pilipino na magkaisa laban sa pamahalaang Espanya. Isa sa nilalaman ng pahayagan ay ang sanaysay na sinulat ni Bonifacio, ito ay pinamagatang “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog.”

pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpa-aapi't di nakikiapi; yaong marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan. Nuong 1896, pakiramdam ni Bonifacio na may sapat na lakas na ang Katipunan upang simulan ang himagsikan, ngunit wala silang mga baril; kailangan din nila ang malaki, lihim at ligtas na himpilan upang imbakan ng mga gamit at pagkain, pagkumpulin at turuan ang mga Katipunero sa pakikipaglaban. Minsan nuong 1896, nagtungo si Bonifacio at si Guillermo Masangkay sa Montalban upang sipatin ang mga gulod at cueva, pati na ang cueva ni Bernardo Carpio sa bundok Tapusi, sa San Mateo, Morong [lalawigan ng Rizal ngayon], ngunit wala silang nagawa na tungkol duon sapagkat, handa o hindi, nagsimula na ang himagsikan. Sa dami ng mga kasapi, nangyari ang dapat asahang mangyayari - nabulgar ang Katipunan. Patago, inimprenta nila ang Kartilya at Kalayaan sa El Diario de Manila, kasabwat ang mga Katipunero duon. Ang isa, si Teodoro Patino ay nangumpisal kay Mariano Gil, frayleng Augustinian, tungkol sa mga balak ng Katipunan, at kung sinu-sino ang kilala niyang Katipunero. Hangos nagsumbong ang frayle at nuong Agosto 19, 1896, sinimulan ng Guardia Civil ang magdamag at maghapong halughugan at dakipan sa Manila. Umabot nang 4,000 ang pinahirapan at binitay sa Bagumbayan, kasama ang karamihan ng mga ilustrado na dating kasapi sa wasak nang La Liga Filipina. Kaskas tumakas palabas ng Manila si Bonifacio, Jacinto at mga pinuno ng Katipunan. Ang isang hindi nakatakbo ay si Rizal. Sakay siya sa barko papuntang digmaan sa Cuba, nakalayag na mula Manila nang abutin ng balita ng himagsikan sa Manila, at ng utos na dakpin siya. Ibinalik sa Manila, nilitis kunwari ng sandatahang Espanyol at, sa utos ni Camilo de Polavieja, ang bagong dating na governador general, hinatulan siyang mabitay sa Bagumbayan pagkaraan ng 3 araw, sa ika-8 ng umaga ng Deciembre 30, 1896. Ang Rebolusyon: MAY 1,000 katipunero ang nagkita-kita nuong Agosto 23, 1896, sa gubat-gubat ng Balintawak, Caloocan. Upang hindi matutop ng mga umaaligid na Guardia Civil at mga sundalong Espanyol, tumuloy sina Bonifacio sa munting tindahan at tahanan ni 'Tandang Sora' Melchora Aquino sa kalapit na Pugad Lawin at duon nagpulong kung ano ang gagawin. Nagkaisa na, nabisto na rin lamang ang Katipunan, simulan na nila ang himagsikan at, bibitayin na rin lamang sila, lumaban na sila hanggang sa 'huling patak ng dugo'. Mabuhay ang Pilipinas! hiyawan ng mga katipunero, sabay sa pagpunit ng kanilang mga cedula. Mabuhay ang Himagsikan! Mabuhay ang Katipunan!. Pagkatapos ng sigaw-sigaw, lumapit si Bonifacio kay Jacinto, Ano na'ng gagawin natin ngayon? Iminungkahi ni Jacinto na kailangan nila ng sandata, lusubin agad nila

at agawin ang mga baril ng mga bantay na sundalong Espanyol sa El Deposito, imbakan ng tubig para sa Manila sa San Juan del Monte [ngayon ay Pinaglabanan, San Juan, sa Metro Manila]. Nuong Agosto 30, pinamunuan nilang dalawa ang 800 Katipunerong sumalakay sa bandang 100 lamang na mga Espanyol at mga Pilipinong sundalo duon, kayat masugid na umurong at nagkulong sa El Deposito. Bitbit ang mga nakurakot na sandata, buong loob na lumusob ang mga Katipunero papuntang Manila ngunit sa Caloocan pa lamang, nakasalubong na nila ang hukbong Espanyol na humahangos pasaklolo sa El Deposito. Tumalbog hanggang Mandaluyong ang mga Katipunero sa sagupaan, mahigit 150 ang napatay at bandang 200 ang nahuli, marami ay binitay sa Bagumbayan. Bagama't talo, ang labanan sa San Juan at Caloocan ay nagpasiklab ng himagsikan sa buong gitnaan at timog Luzon. Sa mga sumunod na araw, nilusob ng mga Katipunero ang mga Espanyol at Guardia Civil sa Marikina, Pasig, San Mateo, Pateros at Taguig. Nuong araw ng Pinaglabanan, hinayag ng governador general, si Ramon Blanco, na panahon ng digmaan [state of war] na sa mga lalawigan ng Manila, Batangas, Bulacan, Laguna, Cavite, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac. Ang mga Ilocano at mga Bicolano, takot na baka masakop ng mga Tagalog, ay bumitin at naghintay ng kung anuman ang mangyayari. Kinabukasan ng Pinaglabanan, Agosto 31, 1896, inupakan ang mga Espanyol sa Noveleta at ang munisipyo ng General Trias [dating San Francisco de Malabon], kapwa sa Cavite, ng mga katipunero ng pangkat ng Magdiwang habang ang pangkat ng Magdalo ay sumalakay at sumakop sa himpilan ng mga sundalong Espanyol sa Kawit [dating Cavite del Viejo, Old Cavite] sa pamumuno ni Candido Tirona. Nuong Septiembre 2, 1892, ang mga Katipunero ni 'Capitan Miyong' Emilio Aguinaldo ay nagtangkang tambangan ang mga saklolong sandatahang Espanyol sa Bacoor ngunit napa-urong sila. Sa Imus, kinabukasan, muling sumagupa ang mga Katipunero at tinalo nila ang sandatahang Espanyol ni General Ernesto de Aguirre. Itinanghal na bayani si Aguinaldo nang umuwi sa Kawit, hindi na lamang siya si Capitan Miyong ng Kawit, siya na ay si General Miyong ng Katipunan. Maaga napahilig sa politica at kapangyarihan si Aguinaldo, pang-7 anak ng mga mestizong Intsik na Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy nang ipanganak nuong Marso 22, 1869. Bantog, capitan municipal sa Kawit ang ama nang mamatay nuong 1878. Itinigil ni Aguinaldo ang pag-aral sa San Juan de Letran at ilang ulit naging cabeza de barangay sa Binakayan bago nahalal nuong Enero 1, 1895 na capitan municipal ng Kawit, tulad ng ama. Naging mason siya nuong araw ding iyon at, nuong sumunod na Marso, sinamahan siya ng kaibigang Santiago Alvarez sa Tondo at sa harap ni Bonifacio, sumapi sa Katipunan sa palayaw na Magdalo, ang santo ng Kawit. Bilang capitan, mabilis niyang napalago ang pangkat at, hiwatig ng kanyang ambisyon, ihiniwalay nuong simula't simula pa sa ibang pangkat ng mga Katipunero sa Cavite, at hindi nagtagal, mula na rin sa Katipunan ni Bonifacio. Marami sa pangkat niya, ni hindi alam kung ano ang Katipunan at kung sino si Bonifacio dahil sa malaking paglilihim ng mga katipunero mula pa nuong 1892. Sumama lamang sa paghihimagsik at Magdalo ang tawag sa mga sarili.

Ginawang General ng Katipunan sa Laguna ni Bonifacio ang mahal at matalik niyang kaibigan, si Emilio Jacinto. Hindi nila kayang pasukin ang Manila, at may ilan-ilang himpilan ng mga sandatahan Espanyol ang nanatiling lumalaban, ngunit madaling nasakop ang mga kabayanan sa Gitnaang Luzon dahil sa kakulangan ng mga sandatahang Espanyol. Nuong 1896, higit lamang 5,000 lahat-lahat ang mga Espanyol sa buong Pilipinas, karamihan ay mga frayle, mga opisyal sa Manila, at mga di-sandatahang nagkakalakal lamang. May 7,000 sundalo sa hukbong Espanyol, ngunit mahigit lamang 1,000 ang Espanyol, ang iba ay mga katutubo. Karamihan pa ng mga sundalo ay nasa Mindanao at nakikipagbaka sa mga Muslim. Nagsimula silang ibarko pabalik sa Manila. Samantala, nagtatag ng kani-kaniyang pamahalaan ang mga naghimagsik sa Luzon. Sa San Isidro, Nueva Ecija, nagbuo ng sandatahan si Mariano Llanera, 41-anyos na taga-Cabiao, nuong Septiembre 2, 1896, at maagap sinapian ng mga magsasaka ng Nueva Ecija, Pampanga at Bulacan. Sa Binakayan, Cavite, naganap ang pinakamalaking tagumpany ni Aguinaldo nuong Nobyembre 10, 1896, nang talunin niya ang isang pangkat ng sandatahang Espanyol sa kanyang dating baranggay at lubusang patalsikin mula sa Cavite. Sa Kawit hinayag ni Aguinaldo ang himpilan ng himagsikan niya, at dahil mahusay sa politica, nagsimulang nagpadala ng mga utos sa iba't ibang pangkat ng mga katipunero sa timog Luzon sa ilalim ng kanyang sagisag, hindi ng Katipunan. Si Bonifacio, walang kaalaman sa politica o sa digmaan, ay unti-unting natakpan ng matagumpay na Aguinaldo. Wala ring kaalaman sa digmaan si Governador Blanco kaya pinalitan ng malupit na General Camilo Polavieja, tanghal na berdugo ng nag-aalab na himagsikan sa Cuba, nuong Deciembre 1896 at nag-utos na bitayin lahat ng kasangkot sa himagsikan, pati na si Jose Rizal at lahat ng kasapi ng Liga Filipina. Nawalan na ng pag-asa si Rizal sa piitan ng Fuerza Santiago sa Intramuros. Sinulat ang kanyang Huling Paalam at, upang mapakasalan sa simbahan ang nagmimighating Josephine Bracken, ang kanyang Pagbawi [retraction] ng mga sinulat laban sa mga frayle. Nuong madalingaraw ng Deciembre 30, 1896, nagkumpisal at nagkomunyon si Rizal at nang isa-5 ng umaga, ikinasal sila ni Josephine ni Victor Balaguer, frayleng Jesuit at padre ng mga guwardiya sa piitan. Ibinigay ni Rizal kay Josephine ang lamparang pinagtaguan niya ng Huling Paalam at dinala na siya ng mga sundalo kahit bandang alas-6 lamang ng umaga. Maaga nang isang oras, ika-7 lamang ng umaga, nang dumating si Rizal sa Bagumbayan, punung-puno ng mga nagpalakpakang mga Espanyol at tahimik, nagdurusang mga Pilipino. Binaril siya agad kaysa maghintay, sa takot na lumusob ang mga Katipunero at sagipin si Rizal. Kasama sa nagmasid ang 2 kapatid, kapwa katipunero, sina Paciano at Trinidad. Si Paciano ang nagpayo kina Bonifacio na huwag nang magtangkang iligtas si Rizal at masasalanta lamang sila ng libu-libong sundalong Espanyol na dumating na mula sa Mindanao, sa Cuba at sa Espanya. Sa isang lihim na libingan sa cementerio ng Paco ibinaon ang bangkay ni Rizal, upang hindi hukayin at nakawin. Pagkatapos, nagtungo sina Josephine, Paciano at Trinidad sa mga katipunero sa General Trias. Nakatagpo nila si Bonifacio, galing sa

naunsiyaming pulong ng mga Magdiwang at mga Magdalo sa Imus upang tapusin ang pagkakaribal nila. Hiniram ni Bonifacio kay Josephine ang Huling Paalam nang ilang araw upang isa-Tagalog niya, katulong si Diego Mojica, isang makata ng Cavite. Sa hiling ni Josephine, naglingkod sila sa ospital ng mga katipunero sa hacienda ng Tejeros, sa tabi ng General Trias. Sa Cavite rin ang tungo ng kulangkulang 30,000 sundalong Espanyol na naipon ni General Polavieja at sa walang puknat na labanang tumagal nang halos 2 buwan, unti-unting naagaw nilang muli ang baha-bahagi ng lalawigan. Isa sa nakapagpahina sa mga katipunero sa Cavite ay ang pagkakaribal, at hindi pagtutulungan ng mga Magdiwang at mga Magdalo. Dahil sa sunud-sunod na pagkatalo ng mga manghihimagsik, tumawag uli ng pulong si Bonifacio upang pagniigin ang 2 pangkat; kaya nuong Marso 22, 1897, nagtagpo muli ang matataas na pinuno ng Katipunan sa convention ng Tejeros. Maysakit at hindi nakadalo si Emilio Jacinto kaya ang nakasama lamang ni Bonifacio ay ang asawa, si Gregoria de Jesus, kamag-anak ng pinuno ng mga Magdiwang, at ang 2 kapatid niyang Procopio at Ciriaco. Isa sa mga saksi si Josephine Bracken nang imungkahi ng mga Magdalo sa Tejeros convention na magtayo ng pamahalaang himagsikan upang ipalit sa Katipunan. Kahit na nasa Kawit si Aguinaldo dahil sa papalapit na hukbo ni General Polavieja, nahalal siyang pangulo. Si Mariano Trias [pangalan niya ang ipinalit sa San Francisco de Malabon] ang naging pang-2 pangulo, at si Bonifacio ang hinirang na pang-3, Kalihim Panglooban [secretary of the interior]. 'Hindi siya abogado!' Sinalungat si Bonifacio ni Daniel Tirona, ang alagad ni Aguinaldo. Nagpanting ang hapdi ng kalooban ni Bonifacio sa hindi niya pagtatapos ng pag-aaral, isinigaw na siya pa rin ang Supremo ng Katipunan, pinawalang-bisa ang buong convention at nagpunta sa Naic upang bumuo ng sariling pamahalaan at sandatahan. Inutos ni Aguinaldo kina Pio del Pilar at Mariano Noriel na iwanan si Bonifacio at sagupain ang papalapit na sandatahang Espanyol upang walang kasamang sandatahan sina Bonifacio papuntang Indang, dala ang kasulatang nilagdaan ng 40 pinuno ng Katipunan na kampi sa kanya. Balak ni Bonifacio na tumuloy sa Batangas, alam niyang sasaniban siya ng mga katipunero duon. Ngunit dumating mula Montalban si Aguinaldo at inutos na dakpin si Bonifacio, wala siyang balak na hayaang makalabas ng Cavite si Bonifacio. Nuong Abril 26, 1897, tinambangan ng mga sandatahan ni Agapito Bonzon ang pangkat at sa labanan, napatay si Ciriaco Bonifacio. Nabaril sa kaliwang bisig si Bonifacio, at sinaksak sa leeg ni Jose Ignacio Paua, Intsik na bayaw ni Aguinaldo. Ang asawa ni Bonifacio, si Gregoria de Jesus, ay iginapos sa isang punong-kahoy at ginahasa ni Bonzon. Kinaladkad sa himpilan ni Aguinaldo sa Naic ang sugatang Supremo at nuong Mayo 8, 1897, hinatulang bitayin. Sa gulod ng

Nagpatong sa bulubundukin ng Maragondon, pinatay ang 34 taong Bonifacio at ang kapatid na Procopio ni Lazaro Makapagal at ng kanyang mga sundalo, sa utos ni Mariano Noriel, nuong Mayo 10, 1897. Nuong araw na iyon nagsimulang pumanaw ang Katipunan, ang pagdilim ng maningning na sikat ng araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan [ -- Emilio Jacinto, Kartilya ng Katipunan ] Sa mga sumunod na araw, hinalughog ni Gregoria ang guong Maragondon sa paghanap sa libingan ng kanyang asawa hanggang sa magdugo ang kanyang mga paa subalit hindi na natagpuan kahit kailan ang itinagong bangkay ni Bonifacio. Nakita ng mga magsasaka at manggagawa ng Manila at paligid na pataksil na pinatay ang nagmalasakit at katulad nilang timawa ng pangkat ng mga principales na hindi pa nagtatagal ay katulong ng mga Espanyol na nagbuwis at nagpa-trabaho sa kanila nang walang bayad. At nawalan sila ng gana. Libu-libo ang umuwi, marami rin ang hindi na sumapi. Mula nuon, wala nang tagumpay na nakamit ang Himagsikan. Tuluyang natalo at napalayas si Aguinaldo nang sakupin ang buong Cavite ng mga sandatahan ni General Primo de Rivera, pumalit kay General Polavieja, na nagbitiw ng tungkulin. Napilitang tumalilis si Aguinaldo, una sa Talisay upang magtago sa tabi ni Miguel Malvar, matapang na general ng Katipunan sa Batangas. Pagkatapos, tumakbo siya sa bundok ng Puray, malapit sa Montalban, ang himpilan ni Bonifacio nuong hindi pa niya pinapatay, upang maipagtanggol naman siya ng mga sandatahan ni Mariano Llanera. Paulit-ulit silang tinalo ng mga Espanyol ngunit, dahil sa kakulangan ng sundalo at walang karagdagang tulong mula Espanya, hindi kaya ni General Rivera na wasakin ang Himagsikan. Nang bigyan niya ng 400,000 pesos si Aguinaldo, sumuko ito at nagpatapon sa Hongkong kasama ng 34 niyang alalay. Napilitan ding tumakas mula Cavite sina Josephine Bracken at magkapatid na Trinidad at Paciano Rizal, tumawid ng bunduking Maragondon papuntang Laguna de Bay gayung duguan na ang mga paa ng nakayapak na Josephine. Tinulungan silang makapuslit sa Manila ni Venancio Cueto, isang pinuno ng Katipunan, at naisakay si Josephine sa isang barko papuntang Hongkong. Duon namalagi ang biyuda ni Rizal hanggang Deciembre 15, 1898, nang napangasawa niya ang isang Pilipinong nagkakalakal, si Vicente Abad. Bumalik ang mag-asawa sa Manila, kasama ang anak nila, si Dolores. Nagturo ng English si Josephine, at isa sa mga naturuan niya ang binatang taga-Cebu, si Sergio Osmena, bayani ng Pilipinas nuong panahon ng Amerikano. Tahimik na yumao si Josephine, ang dayuhang giliw ni Rizal, nuong Marso 15, 1902, ng tuberculosis sa lalamunan. Nalibing siya sa Happy Valley cemetery sa Hongkong. Lumaki at nakapag-asawa si Dolores at nag-iwan ng mga anak na apelyido ay Mina. Gaya ng ama, si Vicente Abad, ipinilit niya hanggang sa kahuli-hulihan, na anak siya ni Abad, hindi ni Rizal. Deciembre, 1896. Pinalitan si General Blanco ni General Polavieja, na may dalang 2,000 sundalo mula sa Espanya. Mabilis dumating ang iba pang karagdagan mula sa

Espanya hanggang umabot sa 28,000 ang mga sundalo ni General Polavieja. Nagkasagupaan nang 52 araw na walang patid sa Cavite at napatakbo ang mga Pilipino. Sa timog ng Manila nalipat ang bakbakan. Nuong nagbabakbakan pa sa Cavite, isang mestizong nagngangalang Llanera ang nakapag-ipon ng ilang libong katipunero sa mga lalawigan ng Pampanga at Bulacan. Napaglabanan niya ang lahat na sandatahang Espanyol na sumugod. Duon nagtungo si Aguinaldo, dala-dala ang nawatak na sandatahang aklasan mula Cavite. Kara-rakang lumaganap ang aklasan sa mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Nueva Ecija, Tarlac at Ilocos. Samantala, nagbitiw ng tungulin si General Polavieja dahil sa nanghihina sa siya. Pinalitan siya ni General Primo de Rivera. July 1897. Nagpahayag ang Katipunan ng kanilang mga inaasam: • • • • Ipatapon ang mga frayle [friars] at ibalik sa mga tao ang mga lupang kinamkam nila. Ibigay ang mga katayuang hinahawakan ng mga frayle sa mga paring paroco [sacerdote o secular priests] Kalayaan mula sa Espanya, gaya nang ibinigay sa Cuba, sa pamamahala, sa pagsamba at sa pagbabalita [political, religious and press freedoms]. Pantay na bayad sa Pilipino at Espanyol na namamasukan sa pamahalaan. Ibalik sa mga may-ari o sa mga angkop na kabayanan ang mga lupaing kinakam ng mga frayle; sakaling hindi matagpuan ang mga may-ari, hatihatiin at ipagbili ng pamahalaan ang mga lupa sa halagang kayang bayaran ng lahat sa 4 na taong pagbabayad. Pati na rin ang mga lupang hawak ng pamahalaan. Itigil ang pagpapatapon ng mga mamamayan at ano pa mang pagmamalupit sa mga Pilipino; pagpantayin ang tayo ng lahat sa batas, Pilipino o hindi.

Patuloy ang bakbakang walang hanggan. Araw-araw, nakikita ng Governador na kahit hindi magwagi ang mga Katipuneros, makakatagal sila nang hindi napupuksa. Napilitang makipag-usap si General Rivera. Ginamit niya ang isang Pilipino, si Pedro Paterno, upang makipagniig kina Aguinaldo. Deciembre 14, 1897. Pinirmahan ang Kasunduan sa Biac-na-bato [Pact of Biacna-bato] matapos ang 4 - 5 buwang tawaran nina Emilio Aguinaldo at iba pang pinuno ng Katipunan, at ni Paterno, bilang abogado ni General Rivera. Deciembre 27, 1897. Sumuko ang mga katipunero at isinauli ang kanilang mga armas. Si Aguinaldo at 34 ng kanyang mga alalay ay nagtungo sa Hongkong, dala ang paunang bayad, ika-5 bahagi, sa salaping ipinangako sa kanila ng Espanyol. Wala na silang tinanggap na salapi pagkatapos. Hindi pa matiyak ngayon kung ano ang pinagkasunduan sa Biac-na-bato. Umangal ang mga Katipunero na hindi tumupad ang mga Espanyol sa mga pangako ng pagpapaigi ng turing sa mga Pilipino at kapatawaran sa lahat ng katipunerong sumuko. Ngunit hindi nila ipinakita ang anumang kasulatan ng kasunduan. Ipinipilit ng mga Espanyol na ang bayad na salapi lamang ang ipinangako nila sa mga pinuno ng Katipunan. Malamang na may

mga ipinangako nga ang mga Espanyol. Malamang din na may mga inayunan sina Aguinaldo na ikinahihiya nilang ilahad ngayon. Kaya ang magkabilang panig ay kapwa ayaw magpakita ng kasulatan o copia ng kasunduan. Samantala, patuloy ang pakyawang pagparusa ng mga Espanyol sa mga katipunero at mga kakampi. MARAMI ang naghimagsik sa pagsuko nina Aguinaldo matapos tumanggap ng 400,000 pisong bayad sa Biac-na-bato at pagbakasyon sa Hongkong. Ang ibang pinuno ng Katipunan ay patuloy nanawagan ng himagsikan, gaya ni Emilio Jacinto sa Laguna at ni Feliciano Jhocson na tumangging sumama sa Hongkong at, sa halip, pumuslit sa Pugad-baboy, sa Caloocan, upang ipagpatuloy ang pakikibaka. Patuloy ring nakibaka sina Francisco Makabulos, bayani mula sa La Paz, Tarlac, at si Luciano San Miguel. Nagtatag ng pangkat ng Katipunan sa Tarlac si Makabulos matapos sumabog ang Himagsikan sa Manila. Tumanggi siya sa pagsukong atas ng kasunduan sa Biac-na-bato, sa halip, nagtatag pa ng sariling pamahalaan sa Gitnaang Luzon [Central Luzon] at nagpairal ng Kasulatan ng Katauhan ng Bayan, tinawag ngayong Makabulos Constitution, nuong Abril 17, 1898. Isa sa mga pinuno ng Magdiwang sa Cavite si Luciano San Miguel, karibal ng mga Magdalo ni Aguinaldo. Hindi niya pinansin ang Biac-na-bato at patuloy na lumaban sa Espanyol. Nuon lamang umalis na sina Aguinaldo nagsimulang mag-ipon ng tao at armas ang mga taga-Ilocos at mga taga-Cebu. Dalawang angkan ng mga Ilocano, ang mga Abaya at mga Guirnalda, ang nagtatag ng kanilang Katipunan, ang Espiritu de Candon, at sumakop sa Candon, Ilocos Sur, nuong March 25, 1898, at natatag ng Republica ng Candon, pinamunuan ni Fernando Guirnalda. Dumating ang mga sundalong Espanyol pagkaraan ng 3 araw at dinakip ng mga naghimagsik. Binitay ang mga pinuno, maliban lamang sa magkapatid na Guirnalda at si Federico Isabelo Abaya, tumakas at namundok. Sa Cebu, humingi ng tulong mula sa Luzon sina Candido Padilla, Teofisto Cavan at Alejandro Climaco matapos nilang itatag ang kanilang kilusan. Ang ipinadala ay si Pantaleon Villegas, matapang at hindi magkasing-laki ang mga mata.

The flags shown in this article are the official flags recognized during the Philippine Centennial celebration in 1998. These flags are often erroneously included in the "evolution of the Philippine Flag"; these flags are properly called "flags of the Revolution". While many of the depicted symbols and layouts on some of the flags have inspired the national flag, there is no direct relationship. Katipunan flags With the establishment of the Katipunan, Andres Bonifacio requested his wife, Gregoria de Jesus, to create a flag for the society. De Jesus devised a simple red flag bearing the society's acronym, KKK, in white and arranged horizontally at the center. This was the first official flag of the society.

Some members of the Katipunan used other variations. One variaton has the three Ks arranged in the form of a triangle. Some others used a red flag with only one K.

Flags of the Philippine Revolution During the Philippine Revolution, various flags were used by the Katipunan secret society and its various factions, and later, after the Katipunan had been dissolved, the Philippine Army and its Civil Government. Other flags were the personal battle standards of different military zone commanders operating around Manila.

When the revolution heated up, the Magdiwang faction of the Katipunan, which operated in Cavite under Gen. Santiago Alvarez, adopted a flag consisting of a red banner with white sun, at the center of which is a white baybayin (the ancient Tagalog script) letter ka. The sun initially had an indefinite number of rays and was later standardized to eight rays, to represent the eight provinces that Spain first placed under martial law (Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Bulacan, Pampanga, Tarlac, and Nueva Ecija). This eight-rayed sun was later used in the national flag of the Philippines. The flag is actually incorrectly placed on this page. It is flipped horizontally. The Magdalo faction of the Katipunan, which also operated in Cavite under Gen. Emilio Aguinaldo, used a flag similar to the Magdiwang faction's. It features a white sun with a red baybayin letter ka. This emblem has recently been revived by a breakaway faction of army officers calling themselves the Magdalo Group. These officers rebelled against the government of Gloria Macapagal-Arroyo at the behest of Senator Gregorio Honasan (see Oakwood Mutiny). Personal flags Andres Bonifacio, the Supremo of the Katipunan, had a personal flag which depicts a white sun with an indefinite number of rays on a field of red. Below the sun are three white Ks arranged horizontally. This flag was first unveiled on August 23, 1896 during the Cry of Pugadlawin where the assembled Katipuneros tore their cedulas (poll tax certificates) in defiance of Spanish authority. The flag was used later during the Battle of San Juan del Monte on August 30, 1896, the first major battle of the Philippine Revolution. General Mariano Llanera who fought in the provinces of Bulacan, Tarlac, Pampanga, and Nueva Ecija used a black flag with a white K on the left and a white skull-and-bones on the right. Bonifacio referred to the flag as Bungo ni Llanera (Llanera's Skull).

General Pio del Pilar, the hero of Makati, used a red banner which has a white equilateral triangle on the mast with a K at each corner. At the center of the triangle was a mountain with the sun rising behind it. The flag was called Bandila ng Matagumpay (Flag Of Victors) and was first used on July 11, 1895. The flag was also one of the first to depict an eight-rayed sun. General Gregorio del Pilar, referred to as ang batang General ("the young General") for his youth, used a tricolor banner with a blue triangle at the mast and a red stripe at the top of the flag and a black stripe at the bottom. Del Pilar patterned his flag after that of Cuba's, which then was also revolting against Spain. First Official Flag At the Naic Assembly of March 17, 1897, the Katipunan military leaders decided to adopt a flag with a new design. This new flag was red and depicted a white sun with eight rays and a face. This flag became the first official flag of the Filipinos. The flag was used for less than a year because the Filipinos signed a truce with Spanish authorities (see Pact of Biak-na-Bato) on December 14 to 15, 1897.

(Ikasampung Linggo) Ang Pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas Matagal nang ayaw ng America na makialam ang mga taga-Europa sa North o South America kaya tuwang-tuwa sila nang mag-aklasan ang mga tagaroon at kumalas mula sa Espanya nuong 1810 - 1820. Ang nalabi lamang na sakop pa ay ang Puerto Rico at Cuba. Nang simulan ni Jose Marti ang himagsikan sa Cuba nuong 1895, nais ng America na tumulong, lalo na nang nakita nila ang lupit ng mga Espanyol sa mga taga-Cuba. Gaya sa Pilipinas, maraming tao ang pinahirapan at binitay. Walang nakitang pasubali ang America, ngunit nagpadala pa rin sila ng ilang barkong pandigma sa Cuba upang 'magmasid'. Nagkaroon ng dahilan ang America nuong Febrero 15, 1897, nang sumabog at lumubog ang kanilang barkong pandigma, ang USS Maine habang nakadaong sa Havana, capitollo ng Cuba. Pinaratangan nila ang Espanya at inutusang umalis na sa Cuba. Tumanggi ang Madrid at hindi nagtagal, naghayag ng digmaan laban sa America. Kinabukasan, Abril 25, 1898, naghayag din ang batasan [Congress] ng America ng digmaan laban sa Espanya. Libu-libong sundalong Amerkano ang lumusob sa Cuba, sa pangunguna ni Theodore Roosevelt, pinuno ng mga Amerkanong nais sumakop ng iba't ibang lupain sa South America at Asia. Nagkaroon ng suliranin si William McKinley, pangulo ng America nuon. Hati sa 2 ang sandatahang dagat ng Espanya. Ang isa ay nasa Atlantic Ocean, malapit sa Cuba. Inutusan niya ang sandatahang dagat ng America sa Atlantic Ocean na wasakin ito. Winasak naman! Ang pang-2 sandatahang dagat ng Espanya ay nasa Pacific Ocean, malapit sa Manila, at ito naman, 2 araw pagkahayag ng America ng digmaan laban sa Espanya, ang inutos niyang salakayin ng pang-2 sandatahang dagat ng America, nakadaong nuon sa Hongkong. Kaya nuong Abril 27, 1898, walang sabi-sabi, tahimik na naglayag ang 6 barkong pandigma ng America, pinangungunahan ni Commodore George Dewey, upang salakayin ang mga Espanyol sa Manila. SI EMILIO AGUINALDO at si George Dewey ay nagkakilala nang nagbakasyon sa Hongkong si Aguinaldo nuong Deciembre 27, 1897, pagkatapos siyang bayaran ng mga Espanyol sa Biac-na-bato, ngunit hindi sila naging magkaibigan sapagkat bihira nakikipag-kaibigan si Dewey. Matanda na, nag-retiro na dapat at umalis na sa US Navy kung hindi inabutan ng utos ni William McKinley, president ng America, na palubugin ang sandatahang dagat ng Espanya sa Manila. Walang pasintabi kay Aguinaldo, na nasa Singapore nuong Mayo 1, 1898 - vacacion grande talaga - nang

durugin ni Dewey ang 7 luma at karag-karag na barkong pandigma ni Admiral Patricio Montojo sa harap ng Cavite sa Manila Bay. Nasugatan si Montojo at isa sa 2 anak niyang kasama sa labanan, si Eugenio Montojo. Dahil sa pagkatalo niya sa Manila Bay, sinuspindi si Montojo ng hari ng Espanya nuong Septiembre 1898, at nilitis siya ng hukumang militar [court martial] sa Madrid. Ikinulong siya matapos mahatulan nuong Marso 1899, ngunit ipinagtanggol siya ni Dewey, ang tumalo sa kanya sa Manila Bay. Pinawalan din si Montojo, sinisante na lamang mula sa tungkulin. Namatay ang 75-anyos na Montojo sa Madrid, Espanya, nuong Septiembre 30, 1917, salat sa gantimpala para sa pagtulong niya, bilang pinuno ng sandatahang dagat ng Espanyol sa Pilipinas, sa pagpuksa sa mga naghimagsik nuong 1896 - 1898. Sa loob ng 7 oras, tinapos ng mga Amerkano ang 333 taong pagsakop ng Espanya sa Pilipinas, 1565 - 1898. Nang tumahimik ang mga kanyon ni George Dewey nuong hapon ng Mayo 1, 1898, alam lahat ng mga Espanyol na wala na silang laban - wala nang barkong makakarating mula Espanya o Cuba upang tumulong o magdala ng gamit digmaan, o ng pagkain man lamang. Ni wala silang barkong masasakyan upang tumakas pabalik sa Espanya. Takbuhan at nagsiksikan lahat ng 30,000 sundalong Espanyol sa Intramuros at nagmakaawa kay Dewey na sila, ang mga Amerkano, ang sumakop sa Manila sa halip ng galit na mga Pilipinong pinahihirapan at pinapatay nila nang dumating si Dewey. Wala akong magagawa hanggang hindi dumarating ang mga sundalo namin, ang sagot ni Dewey. Ipinasundo niya si Aguinaldo sa Singapore at dumating ito sakay sa USS McCullock, kasama ang 34 alalay, nuong Mayo 19 at, pagkadaong sa Cavite, mabilis na itinatag muli ang Pamahalaang Himagsikan nuong Mayo 24, 1898, at hinirang ang sarili niyang dictador na naman. Binigyan ni Dewey si Aguinaldo ng isang lantsa, galing sa lumubog na punong barko ni Montojo, ang Cristina, at mga baril na halungkat mula sa mga pinalubog na barkong Espanyol. Walang hinala si Aguinaldo na kinabukasan lamang ng pagdidictador niyang muli, mahigit 10,000 sundalong Amerkano ang nagsimulang bumarko sa San Francisco, California, sa pamumuno ni General Thomas Anderson, upang sakupin ang Pilipinas. Magkakaroon na ng sundalo si Dewey. Nabuhayan ng loob muli ang mga naghihimagsik. Marami sa Luzon at Visayas ang nagsimulang lusubin ang mga Espanyol at mga guardia civil na iniwang bigla ng sandatahang Espanyol na nagtatago na sa Intramuros. Ang mga Espanyol na kayang umalis, ang mayaman at mga mataas na opisyal, ay lumisan na. Ang karamihan ay tumuloy sa Zamboanga, madaling nakasakay ng barko pa-Malaysia, nuon ay sakop ng English at hindi kalaban.

Sa loob ng Intramuros, ngatog ang mga Espanyol at ang mga kakamping Pilipino. Si Pedro Paterno, ang kasapakat sa suhulan sa Biac-na-bato, ay naglabas nuong Mayo 31, 1898, ng isang manifesto ng pangako na pagbubutihin na ng mga Espanyol ang pagturing sa mga Pilipino at hinikayat ang mga Pilipinong tulungan ang Espanya, 'ang ating kakampi' sa digmaan laban sa America. Ang kasabwat niya sa Biac-nabato, si Governador-General Primo de Rivera, ay nakaalis nuon pang Abril 10, 1898, 3 linggo lamang bago naglabanan sa Manila Bay. Pinalitan siya ng sawingpalad na General Basilio Agustin na walang nagawa matapos matalo si Montojo kung hindi humingi ng tulong mula sa mga Pilipino. Katuwang si Bernardino Nozaleda, arsobispo ng Manila, inalok si Aguinaldo ng isang milyon piso at pangakong susuwelduhan pa nang palagian kung sasanib sa pamahalaan ng Espanyol sa Manila. Payo ng kanyang mga alalay na tanggapin ang malaking salapi, ngunit tumanggi si Aguinaldo, abala nuon sa pagtitipon ng mga kabayanan sa Luzon at Visayas sa ilalim ng kanyang pamahalaan. Nakapag-ipon ang mga naghihimagsik ng kulang-kulang 30,000 sandatahan sa paligid ng Manila, bagamang kaunti lamang ang may baril. Karaniwang itak at sibat na kawayan lamang ang sandata kaya hindi nila napasok ang Intramuros nang walang tulong mula sa mga kanyon ni Dewey. Dinaan na lamang sa pagsigaw-sigaw na tatagain sa leeg ang lahat ng Espanyol na makita nila pagkapasok sa Intramuros, bantang pinaniwalaan ng mga Espanyol. At ng mga Amerkano. Nuong Junio 12, 1898, hinayag ni Aguinaldo ang pagkapag-sasarili [independence] ng Pilipinas sa kanyang bahay sa Kawit, Cavite. Tumangging dumalo si Dewey ngunit isang coronel ng US Army, si LM Johnson, ang naparuon at nagmasid. Sinundan ni Aguinaldo ang pahayag sa sumunod na 2 linggo ng balak na pagtatag ng pamahalaan sa mga purok na napalaya na mula sa mga Espanyol, pagpupulong ng mga kinatawan ng mga lalawigan sa isang Congreso ng Himagsikan sa Malolos, Bulacan. Nuong Junio 23, 1898, hinayag ni Aguinaldo na hindi na siya dictador at isang Republica ang gagawing pamahalaan sa Pilipinas. Ngunit naubusan na siya ng panahon. Nuong Junio 30, 1898, dumaong ang libu-libong sundalong Amerkano ni General Anderson mula sa San Francisco. Sumulat si Aguinaldo kay Anderson, umangal sa pagdaong ng mga Amerkano nang walang pahintulot. Hindi siya pinansin at sumunod pa ang kulang-kulang 9,000 sundalong Amerkano, nang dumating si General Wesley Merritt nuong Julio 25, 1898, upang pamunuan ang pagsakop sa Manila. May mga sundalo na si Dewey. Panahon na ng Amerkano. Mabilis na pumaligid sa Manila ang mga Amerkano, naghukay ng kanilang paglalabanan, at nagkalat ng kanilang mga kanyon, upang walang Pilipinong makapasok sa Manila. Nanawagan si Aguinaldo nuong Agosto 6, 1898, sa mga pinuno ng ibang bansa na kilalanin ang kaniyang pamahalaan. Walang pumansin.

Sumulat ang mga Espanyol mula sa Manila kay Dewey at Merritt, hindi na raw kailangang dumanak pa ang dugo. Nagkasundo sila nuong Agosto12, nagbarilan nang kaunti nuong Agosto 13, upang hindi mapahiya ang mga Espanyol bago sumuko, at pumasok sa Manila ang mga sundalo ni Merritt nuong Agosto 14. Binantayang walang makapasok na Pilipinong kampi kay Aguinaldo. Kahit na mga alalay ni Aguinaldo. Kahit na si Aguinaldo. Dinaya man o hindi ang mga naghihimagsik ng mga Amerkano, tunay na pahele-hele ang turing ng pamahalaan ng America sa Washington DC dahil marami man ang nais sumakop sa Pilipinas, marami rin ang laban sa pagsakop kahit saan o kahit kangino. Karamihan sa mga laban ay ang mga pinuno at kasapi ng mga simbahan sa America, at napilitan si President McKinley ipagliwanag sa kanila kung bakit nilusob at sinakop ng mga sundalong America ang Manila. Hayag ni McKinley sa mga preachers at pinuno ng mga simbahan nuong 1898: Ang tutuo, hindi ko nais ang Pilipinas, at nang napasa-atin, parang handog ng langit, hindi ko malaman ang gagawin ko sa kanila. Nang mag-umpisa ang digmaan laban sa Espanya, si Dewey ay nasa Hongkong at inutusan kong pumunta sa Manila at napilitan siya; sapagkat kung matalo, wala siyang madadaungan sa parte ng daigdig duon, at kung manalo ang mga Don [mga Espanyol] malamang tumawid sila ng Pacific Ocean at lapastanganin ang Oregon at California . Kaya kinailangang wasakin niya ang sandatahang dagat ng Espanyol, at nagawa naman niya! Ngunit hanggang duon na lamang ang mga balak ko nuon. Nang matapos at natanto ko na napasakamay natin ang Pilipinas, inaamin kong hindi ko alam ang gagawin sa kanila. Humingi ako ng payo sa lahat -- Democrats at pati na Republicans -- ngunit walang naitulong. Naisip ko kunin ang Manila lamang; o baka Luzon lamang; pagkatapos, naisip kong maaari ring ilan-ilang pulo lamang ang kunin. Hindi ako nahihiyang sabihin sa inyo, mga ginoo, na ilang gabi akong lumuhod at nagdasal sa Maykapal at humingi ng payo at liwanag. At isang gabi, nasaisip ko - hindi ko alam kung paano ngunit nasaisip ko:

1. Hindi natin maaaring ibalik ang Pilipinas sa Espanyol.
Kaduwagan at laban sa karangalan ang gawin ito.

2. Hindi natin maaaring ibigay ang Pilipinas sa France o sa Germany 3.
- ang mga karibal natin sa kalakal sa Asia - hindi mahusay na kalakal ito at makakasira ng tiwala. Hindi natin maaaring iwanan na lamang ang Pilipinas - hindi sila handang mamahala sa sarili nila - at madali silang magkakagulo

4.

at magkaka-abusong masahol pa kaysa sa mga ginawa ng Espanyol. Wala tayong ibang magagawa kung hindi kupkupin silang lahat at turuan; pangalagaan, pangaralan at gawing mga Kristiyano at, sa biyaya ng Diyos, gawin ang lahat nang ating kaya upang mapagbuti natin sila, silang kapwa natin na pinagpahirapan para sagipin ni Jesus Christ.

ang Pilipinas na binili ng America ng 20 milyong dolyar mula sa Espanya. Ang 3 kapuluan ang sakop ng kasunduang tinawag na Treaty of Paris. Nagtangkang dumalo si Felipe Agoncillo bilang sugo ng Pilipinas sa lagdaan ng kasunduan nuong Deciembre 10, 1898, ngunit hindi siya pinapasok. Ipinag-utos ni McKinley na sakupin agad ang buong Pilipinas. Maliban sa Manila, patuloy ang paglusob ng mga Pilipino at pagpalaya sa buong kapuluan. Nuong Noviembre 6, 1898, sumuko sa kanila ang mga Espanyol sa Negros. Nuong Deciembre 23, 1898, isinuko ni General Diego de los Rios, ang naiwan at kahuli-hulihang governador ng Pilipinas, ang pulo ng Iloilo. Sa lungsod ng Iloilo, katatapos pa lamang mag-Pasko at magdiwang sa pagsuko ng mga Espanyol ang mga pinuno ng himagsikan sa Panay, sina General Martin Delgado at Coronel Quintin Salas nuong Deciembre 28, 1898, nang biglang sumulpot ang mga sundalong Amerkano at si General Marcus Miller at nagtangkang dumaong. Hindi! ang sagot ng mga Ilonggo, at mabilis na naghukay ng paglalabanan, may 10 kilometro ang haba, sa harap ng Guimaras Strait at sa harap ng mga kanyon ng sandatahang Amerkano. Nagbakbakan sila hanggang Febrero, 1899, nang masupil ang karamihan ng mga naghihimagsik at sinakop ng mga Amerkano ang kalakihan ng Panay. Sa mga bahaging malaya pa, patuloy nakibaka si Salas sa kabayanan ng Cabatuan hanggang Septiembre, 1899, nang dumugin sila ng maraming Amerkano. Sumuko ang karamihan ng mga Ilonggo, ngunit namundok si Salas at ilang pang kasama, at nag-guerrilla hanggang naiwan na lang siyang nag-iisa. Sumuko siya sa mga Amerkano nuong Octobre, 1901, ang kanyang ika-31 kaarawan, at ipinatapon siya. Nagtungo siya sa Manila nuong 1908 at nag-abogado nuong 1912. Nang payagan, bumalik siya sa Iloilo at duon siya namatay ng tuberculosis nuong Enero 24, 1917. Ang kaisa-isa niyang anak, si Rosario, ay nag-abogado rin, ang pinakaunang babaing abogado sa Iloilo. Nagbalik sa Bohol si Bernabe Reyes, isang taga-Dauis, malapit sa Tagbilaran, may kasulatan mula kay Aguinaldo upang magbuo ng pansamantalang pamahalaan sa Bohol, isasapi pagkatapos sa pamahalaan ng Pilipinas. Lumigid siya sa pulo, at sa harap ng mga pinuno ng mga baranggay at purok, nahalal siyang presidente o governador ng Bohol. Mapayapang namuhay ang buong Bohol hanggang dumating ang sandatahang Amerkano nuong Marso 14, 1899, sa pangunguna ni Major Henry Hale. Dahil walang sandata o sundalo, napilitang sumuko nang walang laban si Reyes. Samantala, sa Malolos, Bulacan, itinatag ang unang Republica ng Pilipinas nuong Enero 1899, hinirang na Pangulo si Aguinaldo at pinairal ang Kasulatan ng Katauhan ng Bayan [constitution]. Inirapang lahat ng mga Amerkano, patuloy na nag-ipon ng mga sundalo at sandata sa Manila, at paghanda sa paglusob sa mga Pilipino. Nuong gabi ng Febrero 4, 1899, binaril at pinatay ni William Grayson, sundalong Amerkano, ang 2 o 3 Pilipinong naghihimagsik na nagtangkang tumawid sa tulay ng

Matapos nito, nakatulog ako nang mahimbing at kinabukasan, ipinatawag ko ang chief engineer ng War Department at inutos ko na ilagay ang Pilipinas sa mapa ng America; at duon sila lalagi habang ako ang Pangulo! Maaaring salitang politica lamang ang pagdarasal sa gabi ni Mckinley, ano ba't mga relihiyoso ang kaharap niya kaya dinagdagan pa ng gagawing Kristiyano ang mga Pilipino nang matuwa naman. Katunayan, sinabi niya ang tunay na harangin ng America: Ayaw maiwan sa agawan ng mga taga-Europa, lalo na ng Germany, sa kalakal sa Asia, ngunit China ang talagang tukoy niya, dahil ito na lamang ang nalalabing lupaing maaaring lapain at sakupin [Ganito nga ang ginawa ng mga taga-Europa sa China sa sumunod na 30 taon]. Sakop na ng English ang India at Malaysia, sakop ng France ang Indochina [Cambodia, Laos at Vietnam]; sa Dutch Netherlands naman ang Indonesia. Aali-aligid ang gutom na Germany; hindi sakuna na dumaong sa Manila Bay ang kanilang mga barkong pandigma, sa pamumuno ni Admiral Otto von Diederichs, nuong Junio, 1898, ilang linggo lamang matapos ang labanan sa Manila Bay. Isa sila sa mga tinutukoy ni Aguinaldo nang manawagang kilalanin ang kanyang pamahalaan nuong Agosto 6. Ngunit ang balak ng Germany ay sumakop, hindi magpalaya, ng ibang bayan, kaya hindi pinansin. Anuman ang nais ng karamihan sa mga Amerkano, napilitan silang lusubin ang mga sakop ng Espanya nang maghayag ang Madrid ng digmaan nuong Abril 24, 1898. Nawasak nila ang sandatahang dagat ng Espanya sa Santiago Bay at napasuko ang mga Espanyol sa Cuba nuong Julio 17, 1898. Sumunod na Octobre, nagsimulang magtawaran ang mga Espanyol at mga Amerkano sa Paris, France. Inalok ng Espanya ngunit ayaw tanggapin ng America ang Cuba, may utang na 400 milyon dolyar ito at walang Amerkanong payag na sakupin pagkatapos ng digmaan upang palayain ito. Kaya napilitang maging malaya [free] ang Cuba, subalit baon sa utang at watak-watak, hindi naging makapag-sarili [independent], ngunit mahaba at ibang salaysay na iyon. Ang tinanggap lamang ay Puerto Rico, nais gawing daungan sa Carribean Sea ng sandatahang dagat ng America [United States Navy], ang Marianas Islands, nais din ng US Navy na daungan sa gitna ng Pacific Ocean, at

Santa Mesa, sa labas ng Manila. Nagalit ang mga kasamahan at bumaril din ang mga Pilipino. Nagsimula na ang digmaan, hayag ng alalay ni General Elwell Otis, kapalit ni General Merritt bilang pinuno ng mga sundalong Amerkano. Sugurin ang mga Pilipino ayon sa ating napagpasyahan, ang sagot ni Otis. Masiklab ang bakbakan ngunit dehado ang mga Pilipino. May 3,000 patay silang iniwan nang umurong mula sa paligid ng Manila dahil sa dami ng baril at kanyon ng mga Amerkano. Nagsasayawan nuon sina Aguinaldo at mga alalay, ipinagdiriwang ang bagong pamahalaan, nang dumating sa Malolos ang balita ng labanan. Agad nagpasugo si Aguinaldo kay Otis na itigil ang barilan at simulan ang usapan. Huli na, ang sagot ni Otis, Tignan na lamang natin kung saan makakarating 'to.

(Ikalabingisang Linggo)
Si Aguinaldo At Si Mabini ...hinatulan ko siya na di nakiming magpapaslang upang angkinin at sarilinin ang Himagsikan... Sukdulan ang mga kasalanan niya, ang Maykapal man ay nagpasiyang hindi siya karapatdapat... Ang tanging pag-asa ni Aguinaldo ay ang mamatay na ipinaglalaban ang kalayaan ng Bayan... -- Apolinario Mabini, sa Himagsikan Ng Pilipinas ANG UTAK ng Himagsikan ay isang guro, tahimik at nag-iisa, laging nagmumunimuni. Ipinanganak na dukha si Apolinario Mabini nuong Julio 23, 1864 kina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan, sa Talaga, Tanauan, Batangas. Nais ng ina na mag-pari siya, ngunit abogasya ang tinapos sa San Juan de Letran at sa Universidad de Santo Tomas nuong 1894 upang ipagtanggol ang mga naaaping dukha. Nilagnat at nalumpo naman siya nuong 1896; kaya nang dakpin siya ng mga Espanyol nuong Julio 1897 bilang kasapi sa La Liga Filipina ni Jose Rizal, hindi siya binitay gaya ng ibang mga kasapi at napilitang pakawalan nang nakita ang kanyang kapansanan. Nuong Julio 1898 inilathala niya Ang Tunay na 10 Utos [The True Decalogue], na sinulat niyang katulad sa 10 utos ng Diyos ng simbahang katoliko ngunit naglaman ng kanyang adhika, paunlarin ang pag-iisip at gawi ng mga tao upang magkaroon ng sabay na himagsikan o pagbabago sa Pilipinas at sa kalooban ng mga Pilipino. Tigatig sa mga adhika ni Mabini ang mga principales at ilustrado na kakampi ni Aguinaldo, ngunit naging kilala siya sa mga pangkaraniwang mamamayan at maghihimagsik. Higit sa lahat, hayag ni Mabini, magsigasig kayong magpalaya ng bayan sapagkat kayo lamang ang may tunay na pagtingin sa kanyang pagunlad at maging marangal, sapagkat ang kalayaan ng bayan ay kalayaan para sa inyo, ang kanyang pagbuti ay inyong kasaganahan. Mahina ang katawan, nagpapahinga si Mabini sa Los Banyos nang ipatawag ni Emilio Aguinaldo nuong 1898; mahigit sandaang tao ang nagbuhat sa kanyang nakaduyan papuntang Kawit, Cavite. Walang paniwala si Aguinaldo nang makita ang payat at lumpong Mabini, hindi gaya nang inasahan niyang matikas at matipunong manunulat. Ngunit napahanga siya nang magsalita si Mabini, tahimik at matatag, lalo na nang sabihin ni Mabini na kinalaban niya ang kasunduan ni Aguinaldo sa Biac-na-bato sapagkat alam niya nuong pang unang nilagdaan Deciembre 1897 na hindi matutupad. At ngayon, sinalungat ni Mabini ang balak ni

Aguinaldo na ihayag ang pagkapag-sasarili [independence] ng Pilipinas. Unahin ang pagbuo ng pamahalaan, sabi ni Mabini, at kailangang handa nang magsilbi sa bayan bago pa ihayag ang pagkapag-sasarili. Kailangan ko ang pananalig ng mga tao, sagot ni Aguinaldo, at sa pahayag ng kalayaan lamang sila mapapaniwala sa himagsikan at sa ating pamahalaan. Napasang-ayon si Mabini at itinuloy ni Aguinaldo ang balak na ihayag nuong Junio 12, 1898, ang pagkapag-sasarili [independence]. Naging malaki ang tiwala niya kay Mabini at ginawa niyang punong tagapagpayo. Dito nagsimula ang pagiging Utak ng Himagsikan ni Mabini -- napagtibay niya ang bagong pamahalaan ng Pilipinas sa Malolos at hinirang siyang presidente ng cabinete ni Aguinaldo nuong Enero 2, 1899. Siya ang nagpayo kay Aguinaldo na tapusin ang pagiging dictador at gawing pansuguan [representational] o republica ang pamahalaan. Bilang pangunahing ministro [prime minister] sa pulong ng himagsikan sa simbahang Barasoain sa Malolos, Bulacan, siya ang nag-asikaso ng pag-ayos at pagsasama-sama ng mga kabayanan sa bawat purok at lalawigan. Pinamunuan niya ang pagsulat ng Kasulatan ng Katauhan ng Bayan [Malolos Constitution] na pinairal nuong Enero 1899. Sa pagsulat nito naganap ang pinakamasidhing pagtatalo nila ni Aguinaldo, hanggang umabot sa pagbitiw ni Mabini at ng buong cabinete nuong Deciembre 26, 1898. Ayaw bitawan ni Aguinaldo ang hangaring maging hari, kahit pagkatapos niyang ihayag ang katapusan ng kanyang pagiging dictador nuong Junio 23, 1898. Sabay sa pahayag na 'yon, sinabi niyang tagapagpayo lamang, hindi batasan, ang congreso ng Malolos. Ipinilit ni Mabini na ang congreso ang susulat ng mga batas na magpapairal ng pamahalaan sa buong bayan. Nanaig si Mabini at, matapos mahirang na Pangulo si Aguinaldo nuong Enero 1, 1899, binuo ni Aguinaldo kinabukasan ang kanyang cabinete, at si Mabini uli ang hinirang na presidente nito. At republica ang itinatag sa Malolos na unang pamahalaan ng Pilipinas, hindi pamahalaan ng isang tao lamang, nuong Enero 23, 1899. Samantala, patuloy ang pagkalupig ng mga Filipino. Nuong Febrero 22, 1899, sinakop ng mga Amerkano ang Cebu at Iloilo; madaling sumuko ang buong pulo ng Panay. Sumunod na buwan, Marso, sinakop naman ang pulo ng Bohol. Katapusan ng buwang iyon, nuong Marso 31, 1899, nilusob at sinakop ng mga Amerkano ang Malolos mismo. Takbuhan ang mga pinuno ng bagong pamahalaan matapos sunugin ang simbahan ng Barasoain nang hindi mabahiran ng mga Amerkano. Sa Tarlac muna inilipat ang capitollo, tapos sa Nueva Ecija; sa sumunod na 2 taon, napilitan si Aguinaldo na paglipat-lipatin ang himpilan ng bayan habang patuloy na umuurong palayo sa sumusugod na sandatahang Amerkano.

Si Mabini, bilang pangunang ministro [prime minister] at kalihim panlabas [secretary of foreign affairs] ay nagtungo sa Manila upang makipagtawaran sa mga Amerkano. Kinausap si Jacob Schurman, puno ng bagong dating na Philippine Commission, binuo ni McKinley nuong Enero 20, 1899, bago pa nagsimula ang digmaan, upang pamahalaan ang pagsakop sa Pilipinas. Alok ni Schurman, ayon sa utos ni McKinley, na papayagang magtatag ng pamahalaang pansarili [self government] ang mga Pilipino, sa ilalim ng America. Ito ang unang nasa ng mga tao bago naghimagsik laban sa Espanya, ngunit dimdim ni Mabini na huli na--lubusang kalayaan na lamang ang tatanggapin ngayon ng mga naghihimagsik. Humingi siya ng panahon kay Schurman upang kausapin sina Aguinaldo, at hinirang na itigil muna ang labanan simula Abril 28, 1899, habang pinag-uusapan ang alok ni Schurman. Tumanggi ang mga Amerkano, na mabilis at patuloy na nagtatagumpay sa mga sagupaan, at walang nagawa si Mabini kundi umalis nang walang kasunduan. Naghayag siya nuong Abril 15, 1899, ng manifesto na nagtatwa ng karapatan ni McKinley at ni Schurman na sumakop at mamahala sa Pilipinas, at naghikayat sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang paglaban sa mga Amerkano. Kinalaban ng mga Pilipino ang mga Amerkano kinabukasan sa Majayjay, Laguna, ngunit natalo, at napatay si Emilio Jacinto, ang katuwang ni Bonifacio sa Katipunan. Sa kanyang pagyao, 2 na ang pumanaw na pag-asa ng Pilipinas makalaya; 2 na lamang ang nalalabi, at isa rito, si Mabini ay unti-unti nang nawalan ng tiwala kay Aguinaldo. Si Aguinaldo man ay nawalan na ng tiwala kay Mabini, at nakinig na sa mga bulong at pintas ng mga naiingit sa dakilang lumpo. Pinasugo niya nuong Abril 28, 1899 si Pedro Paterno, ang kasapakat niya sa suhulan ng Biac-na-bato, upang makipagtawaran tungkol sa pagtigil ng labanan, ngunit tumanggi si General Otis. Pagkaraan ng 3 araw, nagpasugo uli si Aguinaldo nuong Mayo 2, 1899, at kinausap nina Major Manuel Arguelles at Tenyente Jose Bernal si General Otis, ngunit tumanggi na naman ito. Pagkaraan ng 5 araw, lubusan nang sinisante ni Aguinaldo si Mabini nuong Mayo 7, 1899, at nagbuo ng panibagong cabinete sa ilalim ni Pedro Paterno upang makiusap sa mga Amerkano. Ngunit hindi maulit ni Paterno ang tagumpay niya sa Biac-na-bato, pilit kasi ng mga Amerkano na isuko muna ng mga Pilipino ang mga sandata bago magusapan. Kaya walang nagawa si Paterno kundi maghayag ng manifesto, gaya ni Mabini, ng hikayat sa mga tao na ipagpatuloy ang paglaban sa mga Amerkano.

Walang pinag-aralan at walang pagkatao, ang sulat ni Mabini tungkol kay Aguinaldo. Lubusan nang nawalan ng tiwala kay Aguinaldo si Mabini nang dakpin siya ng mga Amerkano nuong Septiembre 10, 1899. Sa piitan lagpas nang isang taon, sinulat niya ang Pagtayog at Katapusan ng Republica ng Pilipinas. Pagkalaya nuong Septiembre 23, 1900, nagsulat siya para sa mga pahayagan sa Nagtahan, Batangas, patuloy nanawagan para sa ikabubuti ng mga Pilipino at ng digmaan. Kaya ipinatapon siya ng mga Amerkano sa Guam nuong Enero 5, 1901, at nakabalik lamang nuong Febrero 26, 1903, matapos sumumpang kakampi na sa America. Pinayo niya sa mga Pilipino na magniig at tumulong sa mga Amerkano sa pamamahala, at sa inaasam na pagpalaya, ng bayan. Walang 3 buwan pagkabalik sa Pilipinas, namatay si Mabini sa lumaganap na cholera epidemic nuong Mayo 13, 1903. Isa na lamang ang nalalabing pag-asa ng bayang makalaya. Ayaw Na Ng Bayan Maraming taga-Manila, taga-Laguna at mga taga-Batangas na nakikipagbaka sa Cavite ang nawalan ng gana sa Himagsikan dahil sa karumaldumal na pagpatay kay Bonifacio, nawalan ng pag-asa at nagsi-uwian. Kaya madaling nagapi at nasakop ang Cavite at napilitan ang tinaguriang 'pamahalaan ng Himagsikan' na tumakas at magtago sa bundok-bundok ng Biac-na-Bato sa Bulacan... -- Apolinario Mabini, sa La Revolucion Filipinas SIMULA'T SIMULA pa ng pagsiklab ng Himagsikan, milyon-milyong Pilipino na ang hindi pumansin, sadyang umayaw o lubusang kumampi sa Espanyol at lumaban sa Katipunan. Sinadya o hindi, nasarili ng mga Tagalog ang pakikibaka, at lalong nadiin ang pag-angkin sa mga panulat, gaya ng mga hayag ni Andres Bonifacio sa Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, at ni Emilio Aguinaldo sa Simula ng Pamahalaang Tagalog at sa Mabuhay ang mga Tagalog! na panting sa tenga ng mga hindi-Tagalog. Ang iba, gaya ng mga Kapampangan, kahit malapit sa Manila, ay hindi nakatikim ng pagkaaping dinanas ng mga Tagalog - pagnakaw ng mga lupa at bukid at sapilitang pagsisilbi sa Espanyol nang walang bayad. Maraming Kapampangan nuon ay kawani sa pamahalaan o sundalo sa sandatahang Espanyol, tumatanggap ng sueldo at nakakataas kahit papaano sa kalagayan ng pangkaraniwang Tagalog. Ang sakmalan ng lupa sa Pampanga at Tarlac ay nangyari pagkatapos ng Himagsikan, hindi nuong panahon ng Espanyol. Ang mga Ilocano, mga Bicolano at mga Visaya naman ay may likas na hinala sa mga Tagalog at, gaya ng mga taga-Albay na kumampi sa mga

Espanyol, sindak na baka matatag ang isang kaharian ng mga Tagalog na pipilit sa kanilang pumailalim sa Tagalog o maging Tagalog na rin. Hintay muna: Hindi ba kasama ang Pampanga at Tarlac sa mga lalawigang unang naghimagsik laban sa Espanyol? Nasa mga silahis ng araw sa watawat ng Pilipinas sila, hindi ba? Naging mainit ang agawan ng silahis ng araw sa watawat o bandila ng Pilipinas. Ang pinakahuli ay ang lalawigan ng Zambales na naghimagsik halos kasabay ng ibang lalawigan nuong 1896. Tinanggihan ng Centennial Commission nuong 1998 dahil ang official daw ay ang lista ng 8 lalawigan ni General Ramon Blanco, governador nuon, sa paghayag ng pamahalaang pandigma [martial law] sa Pilipinas nuong Agosto 30, 1896: Manila, Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac. Ang ginamit na batayan ng Zambales ay ang 8 lalawigang nilista ni General Camilo Polavieja, ang pumalit kay Blanco bilang governador, sa pahayag nuong Deciembre 24, 1896. Napalitan ng Zambales ang Tarlac: Manila, Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Zambales. Iba rin ang mga lalawigan sa pahayag ni Aguinaldo ng Pagkapag-sasarili [independence] nuong Junio 12, 1898. Nawala ang Tarlac at Zambales, nasali ang Bataan: Manila, Laguna, Cavite, Batangas, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija at Bataan. Sa pahayag ni Aguinaldo, ang kulay ng watawat, pula, puti at bughaw [azul o blue] ay ginaya mula sa watawat ng America, bilang parangal sa 'kakampi at katulong ng Himagsikan'. Tungkol sa Pampanga at Tarlac: Ang mga Kapampangan na ang umaamin na nakahiligan sila ng mga Espanyol at palagiang sinapi sa kanilang sandatahan at kawanihang pamahalaan. Sabi pa, umunti ang dating nakararaming Kapampangan sa

Luzon dahil sa mahigit 300 taon ng pagsugod, dala ng mga Espanyol, sa iba't ibang pulo, lalo na sa digmaan laban sa mga Muslim sa Mindanao. Marami raw ang mga nasalanta, higit na marami ang hindi na nagbalik sa Pampanga at Tarlac, at nanirahan na lamang sa mga pulong pinagdalhan. Karamihan sa mga inarkila ng mga Espanyol ay sa Manila nadestino, at hindi maipagkakaila na maraming mga Kapampangan ay naging mga taga-Manila na. Hindi rin maipagkakaila na maraming Kapampangan sa sandatahang Espanyol. Isa sa mga pinakahuling malaking pakikibaka nila ay ang pagpuksa sa daan-daang kasapi ng Cofradia de San Jose sa bundok ng Banahaw nuong 1841. Nuong sumiklab ang Himagsikan ng Katipunan, Kapampangan ang karamihan sa 6,000 Pilipinong sundalo sa sandatahang Espanyol sa Manila at Mindanao na ayaw nang pagkatiwalaan ni General Ramon Blanco, ang governador nuon. Ang mga sundalong Espanyol na lamang ang pinanglaban, ang mga Pilipino [Kapampangan] ay inalisan ng armas at sinisante. Marami marahil sa mga napilitang bumalik sa Pampanga at Tarlac ay sumapi sa pag-aklas ni General Francisco Makabulos at naging malaking bahagi ng pagpalaya sa Tarlac, ngunit matanda na ang Himagsikan nang mangyari ito, hindi sa simula. Sa unang 2 taon, 1896 at 1897, halos lahat ng sagupaan ng mga Pilipino at mga Espanyol ay nangyari sa mga paligid ng Manila at, mayroon mang ilan-ilang Ilocano, Cebuano o Kapampangan, ang Himagsikan nuon ay likas at lubusang Tagalog. Lumawak lamang sa Visaya at ibang lalawigan ang Himagsikan nuong napatay na si Andres Bonifacio dahil • • • Ang mga kakilala nilang mga principales ang nagdala at namahala na sa Himagsikan, gaya ni Leandro Fullon ng Antique Nasuklam ang marami nang tumanggap ng lagay sina Aguinaldo at iniwan ang Himagsikan sa Biac-na-bato, gaya ni Arcadio Maxilom ng Cebu Naglayasan ang mga takot na Espanyol at walang naiwang pamahalaan sa pulo maliban sa mga binuo ng mga katutubo, gaya nang nangyari kay Bernabe Reyes ng Bohol.

ilang buwan sa Manila mismo nuong 1897. Pagkapatay kay Bonifacio, nang malagas ng mga Espanyol ang mga alalay ng mga principales, walang tinanggap na tulong si Aguinaldo sa mga tao, kahit na sa Cavite mismo, gayung patuloy na lumaban sa Espanyol sina Emilio Jacinto sa Laguna, at si Luciano San Miguel sa Cavite. Kaya napilitan si Aguinaldo na makisukob sa mga sandatahan ni, una, Miguel Malvar ng Batangas at, sunod, kay Mariano Llanera sa Bulacan at Nueva Ecija, bago tuluyang nagpasuhol at nagpatapon mula sa Biac-na-bato. Lalong pumanglaw ang tingin ng tao sa Himagsikan nang bumalik mula Hongkong si Aguinaldo at itinanghal ang sariling dictador ng Pilipinas sa hayag niya ng pagkapag-sasarili [independence] nuong Junio 12, 1898. Pulos mga don ang sumaksi at lumagda sa pahayag, - ang mga don na kumaladkad sa mga tao na magsilbi para sa mga frayle nang walang bayad, ang mga tumulong magnakaw ng mga lupa at pagaari ng mga katutubo. Sa pahayag ni Aguinaldo walang pangako gaya ng ginawa ni Bonifacio ng • • • • Pagbuti ng mga tao Pagbalik ng lupa ng mga magsasaka Pagbawas ng buwis, at Pagtigil ng pa-trabaho nang walang bayad.

Kaya wala ring sumapi kay Aguinaldo maliban sa mga alalay ng mga don. Hindi man alam ng mga Amerkano na mga principales at mga batakan lamang nila ang 30,000 Pilipinong nakapaligid sa Manila nuong Febrero 4, 1899, madali nilang natuklasan pagkatapos nilang tastasin ang mga ito sa walang puknat na labanan. Walang hukbo sa likuran ng mga sandatahan, walang kakampi ang mga kalaban sa pali-paligid ng Intramuros na madaling nalinis ng mga Amerkano. Pagkatapos, higit pa ang lakad at takbuhan kaysa sa labanan hanggang masakop nila ang Malolos nuong Marso 31, 1899. Sumunod na buwan, 4 araw na naglabanan sa Calumpit, Bulacan, simula nuong Abril 24, 1899. Pagkatalo at pagka-urong ng mga sandatahang Pilipino, wala na kundi katahimikan. Natuklasan ng mga Amerkano na, kahit na sa paligid ng Manila, ang dating pugad ng ngitngit ng Katipunan, walang namuhi sa kanila, walang tumaga sa likod, dumura sa nilakaran, umirap man lamang o kahit nagsalita nang mataras. Nakipagkaibigan sa kanila ang mga pangkaraniwang mamamayan! Walang paki ang mga timawa kung wakwakin ng mga Amerkano ang sandatahan ng mga principales. Ang tanging naka-antal sa pagsakop ng mga Amerkano sa Luzon ay ang tag-ulan, nang nagputik ang mga lansangan at umapaw ang mga ilog. Nang matapos

Gayun pa man, marami ang mga wala pa ring tiwala sa mga Tagalog, gaya ng mga taga-Panay na nagtatag ng Federacion delos Visayas dahil nais sumapi lamang, at hindi pumailalim, sa pamahalaan ng mga taga-Luzon. Napalawak man ang Himagsikan pagkapatay kay Bonifacio, ito rin naman ang nagpaunti ng mga lumalaban sa Espanyol dahil sa pagka-unsiyami ng mga timawa na nawalan ng gana nang sarilinin ng mga principales at ng mga alalay nila ang Himagsikan. Naglaho ang malasakit ng mga tao-tao sa mga naghihimagsik. Nuong buhay pa si Bonifacio, nakakapuslit pa ang mga katipunero labas-pasok sa Manila sa tulong ng mga tao-tao, gaya ni Josephine Bracken; pati na ang mag-asawang Bonifacio ay binigyan ng babala at tinulungang makatakas pa-Balintawak. Ang mga sugatang katipunero ay ginagamot at itinatago sa mga naghahanap na Espanyol ng mga mamamayang gaya ni Tandang Sora. Ang asawa ni Bonifacio, si Gregoria de Jesus, ay naitago nang

ang ulan nuong Octobre 1899, sinimulan ng mga Amerkano ang walang patid na pagsakop at hindi mabilang na pagwasak ng takbo nang takbong hukbo ng mga naghihimagsik, hanggang napilitan si Aguinaldo nuong Noviembre 1899, pagkaraan ng isang buwan lamang, na tuluyang pagpira-pirasuhin ang nalalabi niyang sandatahan at pagbundoking bilang mga guerrilla na lamang. Nakaabot na sa Bayambang, Pangasinan, nuon ang pagkaripas niya. Tapos, tumakbo uli si Aguinaldo at nakatakas lamang nang nakipaghamok hanggang napatay si Gregorio del Pilar at ang kanyang pangkat sa Lagusang Tirad [Tirad Pass] sa timog ng Candon, Ilocos Sur, nuong Deciembre 2, 1899. Sumunod na buwan, nuong Enero 15, 1900, muling nakapuslit si Aguinaldo dahil lamang sa pakipagbaka ni Manuel Tinio at ng kanyang pangkat ng mga taga-Nueva Ecija, sa Monte Bimmuaya, Ilocos Sur. Lumusot sa Abra, tuloy sa Cordillera si Aguinaldo at mula nuon, wala nang sapat na kakampi upang makipagsagupaan pa sa humahabol na mga Amerkano, na tinutulungan pa ng ilan daang Pilipino sa pamumuno ni Januario Galut. Sa libu-libong tao na nadaanan ni Aguinaldo, walang nagtanggol sa kanya. Nagtago na lamang ang maliit na pangkat niya sa gubat-gubat ng Isabela. Ayaw na ng tao kay Aguinaldo.

(Ikalabingisang Linggo) Koboys En Indios The only good indian is a dead indian. - Gen. Phil Sheridan, US Army Shit happens. - Kasabihan sa California HINDI lamang sa larangan ng sandata napipilan ang mga Pilipino. Nuong Deciembre 1900, hindi pa nahuhuli si Aguinaldo, nagsama-sama na ang mga mestizong Espanyol, napag-iwanan ng mga lumikas na mga Espanyol, upang puksain ang mga Pilipino sa politica. Nuong Febrero 2, 1901, itinatag nina Trinidad Pardo de Tavera, Pedro Paterno, Cayetano Arellano at Benito Legarda ang Partido Federal upang maghikayat na isama na sa America ang Pilipinas, gaya nang ginawa ng America sa Hawaii nuong 1898. Tuwang-tuwa sa kanila si William Howard Taft, ang politico na pumalit kay General Arthur MacArthur bilang governador ng Pilipinas nuong 1901. Matapos niyang iutos nuong Enero 7, 1901 na itapon sa Guam sina Apolinario Mabini, Artemio Ricarte at iba pang ayaw kumampi sa mga Amerkano, magiliw niyang ginamit sina Pardo de Tavera, Arellano at Legarda, 'my Brown Americans', upang ipakita na makakapagtatag ng pamahalaan ang mga Pilipino sa ilalim ng America, ayon sa tuntunin [policy] ni Pangulo McKinley ng America. Bilang paghahanda, ginawa ni Taft na lubusang civilian na ang mga tagapamahala sa Pilipinas nuong Julio 4, 1901, tinanggal sa tungkulin ang mga sundalong Amerkano na nanunungkulan sa kapuluan. Pagkaraan ng 2 linggo, itinatatag naman ni Taft ang Philippine Constabulary upang ipakitang mga Pilipino na ang magpupulis sa Pilipino. Ngunit talbog si Taft dahil, hindi niya napansin, hindi Pilipino ang turing ng mga tao kina Pardo de Tavera, Arellano at Legarda. Maging silang 3, ang turing sa mga sarili ay Espanyol, hindi Pilipino. Ang hangarin nga nila, sa kanilang Partido Federal, ay mamuno ang mga maka-Espanyol at ipagkait sa mga Pilipino ang kalayaan at pagkakaroon ng sariling pamahalaan. Isa pang hindi alam o hindi winari ni Taft, ang PC ay panibagong guardia civil lamang, na gaya nuong panahon ng Espanyol ay walang ginawa kung hindi lumupig

sa mga tao. Kaya hindi agad pinansin ang mga hamuki ni Taft, at nagpatuloy ang tingi-tinging pakikibaka sa iba't ibang panig ng Pilipinas bagamang wala nang pagasang manalo, at iilan-ilan na lamang ang nalalabing lumalaban. Madaling ibinalik sa pakikibaka sa iba't ibang lalawigan ang mga Philippine Scouts upang makatulong sa PC at sa hukbong Amerkano dahil sila ang pinakamahusay tumunton at sumupil sa mga nakikibaka, gaya ni Federico Isabelo Abaya, isa sa mga nagpatalsik sa mga Espanyol sa Ilocos Sur. Siya ang nagbuo at namuno ng sandatahang Igorot na kasama-sama ni Antonio Luna sa paglusob sa Caloocan nuong Febrero 1899. Nag-guerrilla si Abaya at patuloy na nakipagsalpukan sa mga Amerkano hanggang sa mapatay siya nuong Mayo 3, 1900. Sa Bohol, bagama't isinuko ang buong pulo sa mga Amerkano ni Bernabe Reyes, naghimagsik si Pedro Samson dahil hindi maatim na pailalim sa mga Amerkano. Mahigit 2,000 sandatahan ang naipon niya, may kasamang Waray-waray mula sa Leyte at Samar, at ilang Ilonggo mula sa Panay. Nuong Marso 10, 1901, isang pangkat niyang pinamunuan ni Capitan Gregorio Casenas ang natambangan ng mga Amerkano sa Lonoy, Jagna, Bohol. Walang pinayagang sumuko, pinatay ng mga Amerkano ang lahat ng 406 Pilipinong kasama sa pangkat sa tinawag na Lonoy massacre. Maraming nagalit sa akin dahil sa Pilipinas,' sabi minsan ni Pangulo McKinley ng America, 'ngunit wala akong sala, hindi ko kagagawan 'yon.' Binaril si McKinley ng isang sira ang ulo, si Leon Czolgosz, nuong Septiembre 6, 1901, sa Buffalo, New York, at namatay pagkaraan ng isang linggo. Pinalitan siya ni Theodore Roosevelt, bayani ng paglusob sa Cuba at naging ika-26th Pangulo ng America. Binitay si Czolgolz nuong Octobre 29, 1901. Kamamatay pa lamang ni McKinley nang maraming babae ang nagsimba nuong gabi ng Septiembre 27, 1901, sa kabayanan ng Balangiga, Samar. May dalang mga kabaong ang mga matipunong babae na nagkulong sa simbahan. Nang sitahin ng isang sargento ng 74 sundalong Amerkano ng 9th US Infantry Regiment, na destino duon, nakita ang bangkay ng isang bata sa loob ng kabaong. 'El Colera!', ang pahayag ng isang babae, kaya hinayaan ng sargento. Madaling-araw kinabukasan, sinamahan ni Pedro Sanchez, pulis ng Balangiga, ang 80 tagapaglinis ng kabayanan. Sa ika-6:30 ng umaga, inagaw ni Sanchez ang baril ng bantay na Amerkano at pinukpok sa ulo. Nagpaputok si Sanchez, at tumaginting ang kampana ng simbahan. Sugod mula sa simbahan ang mga sandatahang Pilipino, ang mga nagbalatkayong mga babae, hawak-

hawak ang mga itak na naipuslit sa loob ng mga kabaong. Pinagtataga nila ang 73 sundalong Amerkano na inabutang nag-aalmusal sa kanilang mga tolda [tents]. May 48 ang napatay at 22 ang nasugatan bago nakapagtanggol ang mga Amerkano at pinagbabaril ang mga Pilipino; mahigit 200 ang nabaril nilang Pilipino bago nakaurong sa himpilan ng mga Amerkano sa katabing nayon ng Basey. Ang paglusob sa Balangiga ay pakana ni Pedro Abayan, presidente municipal o mayor ng Balangiga, sa tulong ng mga tauhan ni Vicente Lukban, pinuno ng mga naghimagsik sa Samar. Inanyayahan ni Abaya ang mga Amerkano, kunyari upang ipagtanggol ang kabayanan sa pandarambong ng mga Muslim at mga tulisan. Bilang ganti, dinurog ang Balangiga ng mga sandatahan ni General Jake Smith, at ipinag-utos niyang patayin ang lahat ng lalaki sa Samar na may edad na 10 taon o higit pa. No prisoners! ang habilin niya kay Major Littleton Waller, sunugin at patayin silang lahat! Sa loob ng 2 linggo, 39 taga-Samar ang pinatay ng pangkat ni Waller, at mahigit 250 bahay-bahay ang sinunog. Hindi na nabilang ang pinatay ng iba pang pangkat ng mga Amerkanong pinasugod ni General Smith upang maghiganti sa Samar. Dahil sa kalupitan, nilitis si General Smith sa America at pinaalis sa hukbo. Ngunit lawak ang pagmamalupit sa buong kapuluan. Ginamit ng mga Amerkano ang mga PC at Philippine Scouts upang pahirapan ang mga tao hanggang ibunyag ang pinagtataguan ng mga naghimagsik o ng kanilang mga sandata. Marami ring mga baranggay at kabayanan sa Luzon at Mindanao ang winarak at sinunog, hinakot ang mga naninirahan sa ibang pook, winarak at sinunog ang mga palayan at babuyan. Sa ika-3 taon ng digmaan, lumaganap na ang pagkamuhi ng Amerkano sa mga Pilipino. At ng Pilipino sa mga Amerkano. Gimbal sa kalupitan ng mga kapwa, ilang sundalong Amerkano ang tumakas at nakitago sa mga Pilipino. Sa Ilocos Sur, naitala pa ang kanilang mga pangalan, sina William Hyer, John Wagner, Edward Walpole, Harry Dennis at si John Allance, dahil namarati sila duon kahit na pagkatapos ng digmaan at nag-alisan na ang mga sundalong Amerkano. Nag-asawa at nagpamilya na sila sa Ilocos at Manila. Ngunit hindi lamang mga Amerkano ang nagmalupit sa mga Pilipino. Pati na ang mga namundok na sandatahang Pilipino ay nagparusa sa mga mamamayang ayaw tumulong lumaban sa mga Amerikano. Binitay ng mga Amerkano sa Ilocos Sur si Francisco Celedonio nuong Agosto 30, 1901, bilang isang kriminal dahil sa pagpatay niya kina Basilio Noriega Sison, presidente municipal o mayor ng

Cabugao, at ang kanyang manugang, si Benigno Sison y Suller, dahil sa pagkampi ng mga ito sa mga Amerkano. Ipinadukot at pinapatay din ni Miguel Malvar, pinuno ng mga namundok sa Batangas at Tayabas, ang sinumang kumampi sa mga Amerkano, o sinumang ayaw tumulong sa mga naghihimagsik. Inihayag niya nuong Julio 31, 1901, 4 buwan matapos kumampi si Aguinaldo sa mga Amerkano, na siya na, si Malvar, ang panibagong supremo ng Katipunan. Ngunit hapo na ang mga Pilipino sa kalupitan mula sa magkabilang panig. At unti-unti nang naaakit ang marami sa anyaya ng Amerkano na magtayo ang mga tao ng sarili nilang pamahalaan. Si Malvar man ay umamin ng pagkatalo at walang isang taon mula ng pahayag niya nang pagiging supremo, sumuko siya sa mga Amerkano nuong Abril 16, 1902. Sumuko na rin si Arcadio Maxilom sa Cebu nuong Octobre 1901. Sa Bohol, sumuko naman si Pedro Samson nuong Pasko ng 1901. Nang madakip si Vicente Lukban sa Samar nuong Pebrero 27, 1902, wala nang naiwang namumundok pa maliban sa mga tulisan at mga mandarambong, na sinarili nang puksain ng PC. Kaya naihayag ni President Roosevelt ng America nuong Julio 4, 1902, ang katapusan ng digmaan sa Pilipinas. Hinayag din niya ang kapatawaran [amnesty] sa lahat ng sumuko at namuhay nang mapayapa. Umabot sa 125,000 sundalong Amerkano ang napalaban sa halos 4 taong digmaan, mahigit 4,200 ang napatay, kulang-kulang 3,400 ang sugatan. Mahigit 600 milyong dolyar ang nagastos ng America sa pagsakop sa kapuluang binili ng 20 milyon dolyar lamang mula sa Espanya nuong 1898. Sa mga Pilipino, mahigit 34,000 ang napaslang na sandatahan at halos 200,000 ang nasalantang mamamayan sa labanan, gutom o sakit na umiral dahil sa digmaan. Marami ang namatay sa cholera na lumaganap nuong 1901 ] hanggang 1903; kabilang dito si Apolinario Mabini sa Nagtahan, nuong Mayo 13, 1903. Nuong Mayo 1902, sinimulan ng mga Amerkano ang puspusang paglupig sa mga Muslim sa Mindanao dahil sa mga galaw ng mga ito ng pagkalas mula sa Pilipinas at malamang, sa takot ng mga Amerkano, pagsapi sa mga British na sumasakop sa Malaysia nuon. Libu-libong Pilipino scouts ang kasama ng hukbong Amerkano na sumugod sa mga kuta ng mga Muslim sa Binadayan at Pandapatan sa Lanao. Sa mga sumunod na buwan, lumawak ang sagupaan sa Mindanao. Maligayang bati! sulat ni Andrew Carnegie, makapangyarihang millionario sa America at isa sa mga tutol sa pagsakop sa Pilipinas, matapos ibalita ni Pangulo Roosevelt ang katapusan ng digmaan sa Pilipinas, sa pagtatapos ng pag-sibilisa sa mga Pilipino. Nasabing may 8,000 sa kanila ang ginawang lubusang sibilisado at ipinadala sa kabilang-buhay!

Isang Bayan, Isang Wika: English Sukdulang lupigin natin sila nang agad matapos ang digmaan, at maging kaibigan natin silang muli - General Ulysses S. Grant, nuong US Civil War, 1860 - 1864 NAGPAPANIBAGONG buhay o lagalag, nagka-catechismo o naghahanap-buhay, anumang tangka, 540 Amerikanong guro at ang kanilang mga pamilya ang naglayag mula San Francisco, California, upang magturo sa Pilipinas. Nagkusa sila sa Civil Service Commission [sangunian ng kawanihang bayan] at sumakay sa barkong panghakot ng sandatahan Amerikano [US Army transport], pinangalanang Thomas, dating panglikas ng baka na tinawag na Minnewaska. Sila ang pumalit sa mga sundalong umuwi na sa America. Nauna sa kanila ang 46 Amerikanong sakay sa barkong Sheridan ngunit sila ang pinamalaking pangkat nang dumaong sila sa Manila nuong Agosto 23, 1901, pagkatapos ng isang buwang paglalakbay, at madali silang binansagang Thomasites, ang mga taga-Thomas. Pagkaraan ng isang taon, humigit sa 1,000 ang mga Amerikanong nagtuturo sa iba't ibang lalawigan ng Pilipinas. At nagpapakasakit. Hindi nag-2 taon, 27 Thomasites ang namatay sa sakit o pinaslang ng mga tulisan. Ang bayad pa sa kanila ay pesos ng Mexico, na nuon ay laging bumababa ang halaga. Dahil sa layo sa Manila, madalas huli ang kanilang sahod, wala silang makuhang gamit. Naidadaos nila sa tulong ng mga tagaruon. Kapag walang paaralan, inaanyayahan silang magturo sa mga munisipyo. Binibigyan at pinauutang sila ng pagkain ng mga tindahan at ng mga nagkakalakal. Pati ang mga bayad sa multa at iba pang kita ng nayon o ng kabayanan ay ibinigay sa kanila upang gamitin sa paaralan. May mga kumalaban din sa kanila: Ang mga pari na naghihinala na nagtuturo sila ng pagsamba ng Protestante. Ang mga dating guro rin ay maktol sa kakaibang gawi ng pagtuturo. Nuong panahon ng Espanyol, nagbabasa ng malakas at sabay-sabay ang mga bata, hindi inuunawa ang binabasa, sadyang kinakabesa na lamang. Ang mga Thomasites ang nagturo sa mga Pilipino kung paano mag-aral - magbasa ng tahimik at pagkatapos, isalaysay sa isa't isa ang nabasa [recitation] at pag-usapan ang paksa [discussion]. Ang pag-unawa ay higit na mahalaga kaysa pag-memoria. Ito hanggang ngayon ang turo sa mga bata sa paaralan.

Sila ang nagturo sa mga Pilipino na igalang na muli ang pagbabatak ng buto, pagkatapos ng mahigit 300 taon paglibak ng mga Espanyol sa pagpapatulo ng pawis, nang isama nila sa pag-aaral ang pagtanim sa bakuran [gardening]. Sila ang nagsimulang magbuklod sa iba't ibang pangkat nang gawin nilang iisa, English, ang wika sa paaralan. May isang munting salaysay: Nang ipakita ng gurong Thomasite ang larawan ng isang kalabaw, magkakaibang pangalan ang isinagot ng mga bata, mga galing sa Pangasinan, sa Ilocos, sa Pampanga at sa Benguet. Kaya ang itinuro ng guro ay iisa lamang ang pangalan nito - KERebaw [carabao, ang dinig at bigkas ng Amerikano sa 'kalabaw']. At sa kanilang pagtuturo, sa kanilang pakikitungo sa tao, mula sa kanilang kuru-kuro, natutunan ng Pilipino kung ano ang maging malaya, kung paano mag-isip, magsalita at maging mamamayan. Ang pinamalaking nagawa nila ay simulan ang pagtuturo sa mga Pilipino na maging guro rin. Pagkaraan ng 12 taon, nuong 1913, mahigit 7 libong Pilipino na ang naging guro, kulang pa sa 700 ang mga natitirang Amerikanong guro. Pagkaraan ng 10 taon pa, mahigit 300 na lamang ang mga Amerikano, at mahigit 24,000 ang gurong Pilipino. At nuon ding 1923, mahigit 6,000 na ang mga paaralang may hardin ng halaman at gulay. Nuong panahon ng Espanyol, wala. Sila at ang itinayong Normal School, paaralan ng mga magiging guro sa mga mababang paaralan [elementary schools], ang nagbago sa Pilipinas, mula sa pagiging isa sa pinakabobong bayan. Mahigit 300 taon, ayaw turuan ng mga Espanyol maliban sa pagbasa ng dasal at buhay ng mga santo. Ngayon, pagkaraan ng mahigit 3 anakan-anakan [generations], ang Pilipinas ay isa sa mga may pinakamaraming marunong bumasa at sumulat, 9 sa bawat 10 tao, sa buong daigdig. At 3 sa bawat 5 Pilipino ay marunong ng English. Ngunit sa Manila nuong 1902, mga Amerkano lamang ang marunong mag-English, pulos Espanyol pa ang wika ng mga principalia na nagsimulang dumanak sa lungsod upang mag-politica - wala nang ibang landas na matatahak upang maging malaya sapagkat lubusang supil na ang sandatahang Pilipino. Kinalampag nila si governador William Taft na payagan silang magtatag ng Partido Independencia ngunit panay ang tanggi nito dahil sa salitang 'independencia'. Nuong 1902, ipinasa ng batasan ng America [United States Congress] ang Philippine Organic Act na • • • Nagbigay sa mga Pilipino ng mga karapatang nakatakda sa Bill of Rights at tinatamasa ng mga Amerkano Nagtatag ng Philippine Assembly na bubuoin ng mga kinatawang ihahalal sa Hulyo 1907 Inalis ang simbahan mula sa pamahalaan

'kalayaan' sa pangalan at adhika, ngunit ang mga Pilipino naman ang tumanggi. Kaya nasarili ng Partido Federal ang politica sa Manila, at nagsimulang maniwala sina Pardo de Tavera, Arellano at Legarda na sikat sila. Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino nang nahirang na kalihim ng digmaan ng America [US Secretary of War] si Taft at lumisan ito nuong Enero 1904. Upang makalusot kay Luke Wright, ang pumalit na governador ng Pilipinas, binago ng mga maka-kalayaan ang pangalan ng kanilang sapian, naging Partido Nacionalista [Nationalist Party] nang iharap nila sa Philippine Commission upang makamit ang kinakailangang pagsang-ayon nito. Tinangkilik pa rin nila ang mga adhikang 'kalayaan sa pinakamadaling panahon' at 'pang-sarili at makapag-isang pamahalaan ng Pilipinas'. Napayagan silang itatag ang Partido Nacionalista nuong 1906, tamang-tama at nagkaroon sila ng isang taon upang kumampanya para sa halalan nuong 1907 ng mga magiging kinatawan sa kauna-unahang Philippine Assembly. Karumal-dumal ang pagkatalo ng Partido Federal nina Pardo de Tavera, Arellano at Legarda, tinabunan sila ng mga kandidato ng Partido Nacionalista. Kaya pulos Pilipino ang mga kinatawang nagpulong nuong Octobre 16, 1907, nang buksan ang Philippine Assembly upang sumulat ng mga batas sa Pilipinas. Isa sa mga saksi sa pagbubukas si William Taft, kalihim ng digmaan ng America, nagbalik upang makita ang pagbubuo ng Assembly. Binago ng mga talunang Pardo de Tavera, Arellano at Legarda ang kanilang Partido Federal, ginawang Partido Progressivo Nacional [Progressive National Party]. Ginawa ring kalayaan na at hindi pagsama sa America ang kanilang kampanya, ngunit tabingi pa rin. Kaya nakipagsanib sila sa Partido Democrata Nacional [National Democratic Party] nuong 1917 upang maging Democratic Party of the Philippines. Tinalo pa rin ng mga Nacionalista sa halalan. Nuong 1916, inilabas ng batasan ng America [US Congress] ang batas na tinawag na Jones Law na nangakong bibigyan ng kalayaan ang Pilipinas kapag nakapagtatag ang mga Pilipino ng matibay at mapayapang pamahalaan. Nagkatotoo rin, sa wakas, ang mga adhika ni Apolinario Mabini, 13 taon pagkaraan ng kanyang kamatayan. Ipinayo niya nuong pang 1902 sa lahat ng nais makinig, at sa mga Amerkano na pulos ayaw makinig, na lubusang kalayaan lamang ang tatanggapin ng mga Pilipino, at lubusang kalayaan lamang ang mapapairal ng mga Amerkano dahil ito ang tanging karanasan nila. Ipinayo rin ni Mabini sa mga pinuno ng mga Pilipino na makipagkasundo sa mga Amerkano at tumulong sa pamamahala ng kapuluan sapagkat sa ganitong paraan lamang makakamit ang kalayaan ng bayan.

Dahil sa napipintong kauna-unahang halalan sa Pilipinas, pumayag na rin si Taft nuong 1902 na magtatag ng sapian ang mga Pilipinong makabayan, kung aalisin ang

'Hell Run By Filipinos' Nanaisin ko pa sa infierno na palakad ng Pilipino kaysa sa langit sa ilalim ng Amerkano! -- Manuel Luis Quezon IKINULONG si Manuel Quezon dahil sa pagpatay sa sumukong sundalong Amerkano nuong digmaan ng Pilipino laban sa pagsakop ng America. Laban si Quezon sa Katipunan, hindi niya pinansin ang Himagsikan nuong 1896 at nagpatuloy sa pag-aaral ng abogasya. Ngunit tumigil siya at sumanib sa hukbong Pilipino nuong 1899 upang labanan ang pagsakop ng mga Amerkano. Mapusok si Quezon, anak ng mestizong Espanyol na dating sundalo ng sandatahang Espanyol, si Lucio Quezon, at ng mestiza ring Maria Dolores Molina ng Baler, Tayabas [lalawigan ng Quezon ngayon]. Gaya ng libu-libong sandatahang Pilipino, nahuli si Quezon ng mga Amerkano at napiit sa paratang na pagpatay. Pagkaraan ng 6 buwan, pinawalan din siya dahil sa kawalan ng sapat na katibayan laban sa kanya, at nagbalik si Quezon sa Universidad de Santo Tomas at nagtapos, naging abogado. Naging fiscal sa Mindoro, bago naging governador sa Tayabas nuong 1905. Naging governador din ang ka-eskuwela ni Quezon sa paaralan ng abogasya sa UST, si Sergio Osmena, sa lalawigan ng Cebu pagkatapos nilang magtapos magkasabay nuong 1903. Magkasabay din silang tumigil sa pag-aaral at sumapi sa hukbong Pilipino upang labanan ang mga Amerkano. Hindi rin sumapi si Osmena sa Katipunan at nagtayo na lamang ng pahayagan, ang El Nuevo Dia [The New Day, o Ang Bagong Araw], sa paniwalang mapagbubuti ang bayan sa mapayapang paraan, gaya ng paniwala ni Jose Rizal. Bagaman at sumama siya sa paglaban sa Amerkano, labag sa kalooban ni Osmena ang gumamit ng dahas kaya naging mensahero na lamang siya sa himpilan ni Emilio Aguinaldo. Halos magkasing-edad sila ni Quezon, bata lamang ng isang buwan si Osmena nang ipanganak nuong Septiembre 9, 1878, sa Cebu sa mestizong pamilya rin. Naging magkaibigan silang dalawa at, dahil kapwa mahilig sa umaalsang politica nuon, naging matalik na magkakampi. Si Osmena, katulong si Quezon, ang nagtatag ng Partido Nacionalista nuong 1906, at nagbuklod sa mga principalia na nagsusumigi nuong magkatungkulan sa pamahalaang binubuo sa ilalim ng mga Amerkano. Kapwa rin silang nahalal sa Philippine Assembly nuong 1907 at dahil sa pumumuno nila sa Partido Nacionalista ay naging makapangyarihan duon. Naging sugo ng Pilipinas sa America si Quezon bilang resident commissioner mula nuong 1909, habang pinuno naman si Osmena ng Partido.

Nuong 1904, nagsisimula pa lamang sina Quezon at Osmena sa pagiging abogado nang makilala nila ang batang tenyente, si Douglas MacArthur, anak ni General Arthur MacArthur, dating governador ng Pilipinas. Katatapos din ni MacArthur nuon sa West Point at kadi-destino pa lamang sa Pilipinas nang magkita sila sa US Army-Navy Club at nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigang matalik sa tanang buhay nilang tatlo, pagkakaibigan nakapaghugis ng kasaysayan ng Pilipinas sapagkat hindi nagtagal, silang 3 ay naging pinuno ng bayan nang mahirang si MacArthur na pinuno ng Philippine Department ng sandatahan ng America. Nagtagumpay ang 7 taong kampanya ni Quezon sa Washington DC nang ipasa ng batasan ng America [US Congress] ang Jones Law nuong 1916, na nagtatag ng Senado ng Pilipinas upang palitan ang Philippine Commission bilang pangunang bahagi ng Batasang Pilipinas [Philippine Congress] samantalang ang Philippine Assembly ang naging pang-2 bahagi ng Batasang Pilipinas, sa bagong pangalang House of Representatives [Pulungan ng mga Kinatawan]. Mabilis na nagbalik si Quezon at nahalal na senador, at nahirang na pinuno ng Senado habang si Osmena ang naging pinuno naman ng House of Representatives bilang Speaker, hanggang siya man ay nahalal na senador nuong 1922. Sa wakas, nagbunga ang pag-amuki ng mga Pilipino nang ipasa ng US Congress nuong 1934 ang Tydings McDuffie Act, nagbigay ng kalayaan sa Pilipinas sa loob ng 10 taon, at bilang paghanda, nagtatag ng pamahalaang Commonwealth. Nanalo sa halalan nuong 1935 ang magkatuwang na Quezon at Osmena, tinalo sina Emilio Aguinaldo at Gregorio Aglipay. Naging unang pangulo ng Commonwealth si Quezon at Pangalawa [vice president] si Osmena. Nuong 1929, hiniling nilang 2 sa Washington DC na maging governador ng Pilipinas ang kaibigan nilang Douglas MacArthur, kapalit ni Henry Stimson na pabalik na sa America, ngunit sa halip, ginawang pinuno ng Hukbong America [US Army chief of staff] si MacArthur nuong 1930. Nang matapos siya ng tungkulin nuong 1935, hinirang siya nina Quezon at Osmena upang bumuo ng sandatahan ng Pilipinas [Philippine armed forces] sa harap ng lumalaking panganib ng digmaan laban sa Hapon. Silang 3 magkaibigan muli ang namuno sa Pilipinas mula nuon, maliban sa pagka-asaran nila nuong 1938 nang natanto ni Quezon na walang sapat na panahon si MacArthur upang makapagbuo ng hukbo. Lihim siyang tumalilis sa Tokyo, Japan, upang makiusap na huwag isangkot ang Pilipinas sa darating na sagupaan ng Japan at America. Hindi siya pinansin ng mga Hapon at, pagbalik sa Manila, nakipagkasundo muli kina MacArthur at Osmena upang madaliin ang pagbuo ng sandatahan. Ang America man ay nakadama ng papalapit na paglusob ng Japan, at ibinalik sa tungkulin si MacArthur bilang puno ng USAFFE [US Armed Forces Far East] nuong 1941. Iyong taon din, hahalal muli sina Quezon at Osmena bilang pangulo at pangalawa ng Commonwealth, at silang 3 ang nag-abang sa pagdating ng mga kaaway.

(Ikalabintatlong Linggo)
Saling-Pusa: Panahon Ng Hapon Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa - awit makabayan, Bayan Ko Nais kong malaman ng lahat, kapag natagpuan ang iyong bangkay, na ipinaglaban mo ang aking bayan - Manuel Quezon, nang ibigay ang singsing kay General Douglas MacArthur bago pumunta sa America mula Corregidor MATAGAL inabangan, ngunit napakagimbal din nang walang babalang lumusob ang mga Hapon sa Pilipinas nuong Deciembre 8, 1941. Binomba at sinalanta ang mga eroplanong pandigma sa Clark air base sa Pampanga; lumusong ang mga sundalo, pinamunuan ni General Masaharu Homma, sa White Beach sa Lingayen, Pangasinan, at iba pang pook sa Luzon at sabaysabay tumulak papuntang Manila. Tangkang duon paurungin, ipitin at durugin ang mga nagtatanggol, nang madaling matapos ang pagsakop sa Pilipinas. Mahigit isang buwan lamang ang itinakda ng mga Hapon upang sakupin ang Pilipinas. Sa kahilingan ng pamahalaan ni Manuel Quezon na hindi madurog ang Manila, hinayo niGeneral Douglas MacArthur ang kanyang sandatahan, 64,000 Filipino at 16,000 Amerkano, sa gubat at bundukin ng Bataan at sa pulo ng Corregidor, higit na mainam pagtanggulan. Duon sinagupa ang sulong marahas ng bandang 65,000 sundalong Hapon. Bagaman at nakalamang ang mga nagtanggol, karamihan sa kanila ay mga baguhan, mga binatilyong bahagya lamang naturuang mandigma, kulang pa sila sa mga baril, bala, pagkain at gamot. Nuong 1936 lamang sinimulan ng pamahalaan ang hukbong sandatahan ng Pilipinas at dahan-dahan pa ang ginawang pagbuo, pinilas lamang ang ilang pangkat mula sa PC [Philippine Constabulary ] na sanay lamang sa pagsupil sa mga

tagabukid at walang alam sa digmaan, at dinagdagan ng mga bagong sundalo, na lalong walang alam sa digmaan. Ang mga Hapon, sa kabilang dako, ay mga beterano ng mahigit 5 taong matagumpay na digmaan sa Manchuria at hilagang China. Isa pang nakapilantod sa mga nagtanggol ay ang maling pakana ng mga Amerkano: Hahadlangan nila ang mga Hapon nang ilang linggo, sapat na panahon lamang upang makarating ang tulong na hukbo mula sa America. Ngunit dinurog ng mga Hapon ang sandatahang dagat ng America sa Pearl Harbor, Hawaii, bago pa nilusob ang Pilipinas, kaya walang tulong na hukbo o gamit na nakarating sa Bataan o Corregidor. Walang isang buwan pagkasimula ng digmaan, sinakop ng mga Hapon ang walang labang Manila nuong Enero 2, 1942. Hinakot at iniligtas sa America sina Pangulong Quezon, Sergio Osmena, ang Pangalawa, at ang kanilang mga pamilya. Si General MacArthur din ay inutusan ni Franklin Roosevelt, pangulo ng America, na lumikas sa Australia nuong Marso 11, 1942, upang pamunuan ang pagtanggol sa Australia at pag-ipon duon ng sapat na lakas upang balikan at gapiin ang mga Hapon. Samantala, ang mga naiwang gutom, sugatan, maysakit at nanlulumong nagtanggol sa Bataan at Corregidor, mga lubusang ulilang putok sa buho - "walang ama, walang ina, walang Uncle Sam" - ay nakipagpalitan ng dugo at buhay sa mga Hapon, ngunit sa kawalang ng tulong at karagdagang sandata, nadaig din: Ang Bataan nuong Abril 9, at nuong Mayo 6, 1942, isinuko na rin ang Corregidor ni General Jonathan Wainwright, ang iniwan ni MacArthur upang mamuno sa Bataan. Habang lumalaban pa ang mga nasa Corregidor, sinimulan ng mga Hapon nuong Abril 9, 1942 ang karumaldumal na death march, pinalakad nang 90 kilometro mula sa Mariveles, Bataan, ang 70,000 sumukong Pilipino at Amerkano hanggang San Fernando, Pampanga. Duon sila isinakay sa tren hanggang Capas, Tarlac, tapos naglakad muli nang 13 kilometro hanggang Camp O'Donnell, kung saan sila ipiniit. Sa tanang lakbay, hindi sila pinakain. Pinaggugulpi, ninakawan, ang mga humandusay at hindi na nakalakad, binayoneta at binaril, kaya 54,000 lamang ang nakarating sa Camp O'Donnell, - may 10,000 ang napatay, at bandang 4,000 lamang ang nakapuslit, sa tulong ng mga taga-nayon na nadaanan, at nagtago sa mga gubat at bundok. Maraming sundalo, Pilipino at Amerkano, ang tumangging sumuko sa mga Hapon at nag-guerrilla, nakipagtira-at-taguan sa Kempetai, ang pulis militar

ng Hapon, at sa Makapili, mga Pilipinong kumampi sa mga Hapon, nag-ispiya at nakipaglaban sa mga guerrilla sa bundok at gubat sa buong Pilipinas. Sa Manila at ibang mga lungsod, marami ring Pilipino ang nakipag-ayos sa mga mananakop; may ilan-ilan pang yumaman nuong panahon ng Hapon. Nuong Oktobre 14, 1943, itinatag ang Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon, pinamunuan ni Jose Laurel bilang Pangulo. Ngunit laking hirap ang dinanas ng mga tao sa kapangahasan ng mga Hapon, at kinamuhian ng mga tao ang pamahalaan ni Laurel. Marami ang sumanib sa mga guerrilla at hindi nagtagal, nagkaroon ng ugnayan sa pamamagitan ng radio at paggamit ng mga sugo at ispiya, ang sandatahang Amerkano sa Australia at mga guerrilla sa iba't ibang sulok ng kapuluan. Kahit gaanong kanipis ang ugnayan, at walang naitulong laban sa pagmalupit ng mga Hapon, nakapagpatibay naman ng loob ng mga tao sa pananalig na magbabalik ang mga Amerkano at magkakaroon ng ginhawa at katahimikan muli sa Pilipinas. Ang panahon ng Hapon, 1941-1945, ay mapusok, madugo, malupit at nakakatakot ngunit napakaikli upang magkaroon ng matagalang bisa o pagbabago sa buhay ng Pilipino. Lumantad muli sina Emilio Aguinaldo at Artemio Ricarte na hindi pinansin nuong panahon ng Amerkano, upang tumulong sa pamahalaan ni Laurel. Iniladlad pa nila ang watawat ng Pilipinas na ipinagbawal ng mga Amerkano. Ngunit hindi rin sila pinansin ng mga Pilipino na, maliban sa mga collaborators, ay balisa sa paglaban sa mga Hapon, o paghanap ng makakain, sapagkat hinahamig ng mga Hapon ang lahat ng palay sa sanpuluan para sa kanilang mga sundalo, sa tulong ni Manuel Roxas, ang kalihim ng bigasan sa pamahalaan ni Laurel. Ang mga collaborator lamang na tulad nila ang nagtamasa ng husto nuon. Nagtamasa rin, ngunit bahagya lamang, ang mga manunulat sa Tagalog na nagsamantala sa pagbawal ng Hapon sa paggamit ng English. Tinangka nilang palawakin, sa pagtangkilik ng mga Hapon, ang paggamit ng Tagalog sa mga paaralan at sa mga kasulatan ng bayan. Ngunit naantal ang kanilang gana nang nagturo ng Niponggo o wikang Hapon sa mga paaralan. Wala kahit katiting na napala ang Pilipinas sa panahon ng Hapon maliban sa (1) pagpatibay ng damdamin ng tao na hiwalay sila sa pamahalaan, at (2) natutong maging marahas ang mga magsasaka at mga hampas-lupa [farm workers]. Maliban sa Bataan at Corregidor, sinakop ng mga Hapon ang buong Luzon sa loob lamang ng isang buwan ng walang pitagang pagpatay, paggahasa, pagnakaw at pagwasak sa bawat madaanan. Namundok o nagtago sa gubat-gubat ang mga hamak, takbuhan sa Manila at mga lungsod ang mga mayaman. Ngunit sa patuloy na karahasan at pagsakop ng mga dayuhan, napilitan silang lahat na mag-iba ng tangka. Marami sa mga mayaman, mga taga-lungsod at mga educado ay sumanib at sumipsip sa mga Hapon, naging mga collaborator. Ang mga hampas-lupa ay lumaban.

Nang pumasok ang mga Hapon nuong Deciembre 1941, namundok ang maliit na pangkat ng mga komunista, pinamunuan ni Crisanto Evangelista ng PKP o Partido Komunista ng Pilipinas, at nanawagan sa mga tao na tulungan silang sugpuin ang mga dayuhan. Sa bundok ng Arayat at putikan [swamp] ng katabing Candaba, bumuo sila ng mga guerilla mula sa mga namundok ding mamamayan. Upang magkasandata, ninakawan nila ang mga munisipyo at mga hacienda, tinambangan nila ang mga pulis at PC [Philippine Constabulary], pati maliliit na pangkat ng mga sumusugod na sundalong Hapon. Nabantog ang mga komunista at tiningala ng mga tao bilang kaisa-isang tagapagtanggol laban sa mga Hapon, dahil ang hukbong Amerkano at Pilipino ay napako nuon sa Bataan at Corregidor. Ngunit pagkaraan lamang ng isang buwan, nuong Enero 1942, nahuli si Evangelista ng mga Hapon at, nang tumangging maging collaborator, pinatay siya. Nuong Marso 29, 1942, sa gubat sa paanan ng bundok Arayat, sa gilid ng mga lalawigang Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac, nagbuklod ang mga komunista at ang higit na maraming mga socialista upang buoin ang Hukbalahap o Hukbong Bayan Laban sa Hapon at hinirang si Luis Taruc, pinuno mula sa San Luis, Pampanga, bilang supremo. Mula sa 500 sandatahan lamang, dumami ang mga sumapi sa kanila, sa sariling kusa o sapilitan, at dumami ang mga sandata mula sa mga napulot sa mga pinagdaanan ng labanan ng mga hukbong Amerkano at Hapon, o kinamkam sa patuloy na pagtambang sa mga pulis at PC na kumampi na sa mga Hapon. Sa simula, natanggol lamang sila sa mga sarili, ngunit hindi nagtagal, naging hukbo silang lawak sa buong Luzon; nakapagtatag pa sila ng sariling pamahalaan sa ilang purok na napalaya nila. Hintay muna: Ang pulis at ang PC ay kumampi sa mga Hapon? Hindi ba sila lumaban man lang? Maliban sa ilang namundok at sumapi sa Hukbalahap, taimtim na sumunod ang mga pulis at PC sa lahat ng utos ng Hapon, mula pa nuong unang pasok ng Hapon. Walang natala na lumaban sila kahit minsan. Hindi lamang sila, pati na ang mga bantay o civilian guards [hawig ang gawi sa mga guardia civil nuong panahon ng Espanyol, kaya lamang hindi pamahalaan ang nagpasuweldo] na inarkila ng mga haciendero upang magmanman sa kanilang mga lupain ay kumampi sa Hapon. Mayroon ding mga karaniwang mamamayan na, sa anumang dahilan, ay pumanig sa mga dayuhan at tinaguriang mga Makapili. Tulung-tulong silang lahat sa pagtiktik at pagpuksa sa mga Huk at mga guerrilla. Nuong Septiyembre 1942, sumugod ang hukbong Hapon sa bundok Arayat upang puksain ang mga Huk, ngunit ilan lamang ang napatay, at binaling ng mga Hapon ang galit sa malupit na pag-usig ng mga mamamayan ng Luzon. Lalong dumami ang namundok at sumapi sa Huk, at pagkaraan lamang ng 2 buwan, umabot ng 5,000 ang mga sandatahang Huk. Sinimulan muli nilang lusubin ang mga garrison ng PC at mga Hapon upang nakawin ang mga sandata, gamit at pagkain. Maraming naakit sa kanilang tapang at dahas, at nadoble ang mga kasapi nilang namundok , umabot ng

10,000 nuong Marso 1943. Nuong buwang iyon lumusob uli ang mga Hapon, - 5,000 sundalo, pulis, PC at Makapili - sa 1,500 Huk sa hilaga ng Pampanga. Sa 10 araw na madugong labanan, 100 Huk at ilang mataas na pinuno ang napipilan at nahuli ng mga Hapon, ngunit karamihan ay nakatalilis. Lalong lumaganap ang pagtangkilik ng mga tao at lumawak ang mga lupaing hinawakan o pinamahalaan ng mga Huk sa Luzon. Nakapagtayo pa sila ng Stalin University sa mga bundok ng Sierra Madre. Ang mga "guro" ay ang mga komunistang sundalo mula sa China, mga beterano sa paglaban sa mga Hapon. Hintay muna uli: Bakit hindi lumaban ang mga mayaman? Bakit sila nagcollaborator? Bakit hindi sila pinahirapan ng mga Hapon? Maagang nagkaunawaan at nagtulungan ang mga Hapon at mga collaborator. Nakitungo ang mga Pilipino, ipinagamit pa ang mga pangasiwaan ng pamahalaan upang mabilis na masakop at mabisang mapamahalaan ang Pilipinas. Kaya kaunti lamang na Hapon ang nahimpil sa Pilipinas, maliban sa mga lumaban sa Huk at mga guerrilla. Ang karamihan ng mga sundalo ay nagpatuloy makibaka sa mga Amerkano at mga Australyano sa bandang Australia at sa maraming pulo sa dagat silangan [Pacific Ocean]. Bilang kapalit, hindi naman sinansala ng mga Hapon ang mga collaborator, binigyan pa ng kaunting kapangyarihan upang tumulong sa pamamahala ng kalakal at pagsingil ng mga buwis. May mga collaborator na yumaman pa sa kurakot at paglako ng mga kailangan ng Hapon. Hintay muna pa: Bakit hindi tumulad sa kanila ang mga tagabukid at nakitungo na rin sa mga Hapon? Kung tutuusin, sapagkat hindi sila binigyan ng pagkakataon. Kinailangang dumaklot ng mga kailangan ang mga Hapon, gaya ng palay na pagkain ng milyon-milyong sundalong nakadestino sa mga bayan at pulong sinakop nila. Kaya hindi nila ginalaw ang mga bukirin ng mga haciendero upang patuloy na matamnan, at tinulungan pang bantayan upang hindi manakaw ang mga palay o masira ang mga ani. Hindi naiwasan na may maghirap dahil sa pagsakop at pagdaklot, at ang mga tagabukid at mga manggagawa - ang mga pinakawalang kapangyarihan sa buong kapuluan - ang pinili ng mga Hapon. Kaya ang mga kaawa-awa ay walang nabalingang magtanggol o maghiganti kundi ang mga tulad nilang sawimpalad na sumanib o tumulong sa mga Huk at sa mga guerrilla. Sa 3 mahabang taon, nakipagbaka sila - tinambangan ang mga patrol at mga convoy, nilusob ang mga himpilan at munisipyo sa mga ilang na kabayanan, dinukot at pinatay ang mga Makapili at sinumang collaborator na natiktikan nila. Sa hinaba ng panahon, naging bihasa sila at makapangyarihang hukbo. Sa ilang pook sa mga bundok at gubat ng Luzon at Visayas na lubusang "napalaya" nila, naalis ang lahat ng sundalong Hapon, PC at mga collaborator, at ang mga Huk ang naging pamahalaan.

Hintay muna na naman: Ano naman ang nangyari sa mga guerrilla? Hindi ba sila ang mahigpit na katunggali ng mga Hapon? Maraming pangkat ng mga Pilipino at Amerkano, nakatakas sa Bataan, Corregidor at iba pang pulupulo ang lumaban bilang guerrilla. Ngunit bandang 1943, sa utos ni General MacArthur, tumahimik sila at nag-imbak ng lakas at gamit. Sa pagtanggol na lamang sa sarili sila lumaban sa mga Hapon. Nangyari na mga Huk lamang ang lumusob sa mga Hapon. Pagkaraan lamang ng mahigit isang taon, nuong 1944, nang malapit nang bumalik ang mga Amerkano, sa utos uli ni MacArthur, muli silang sumabak upang mabawasan ang mga Hapon sa Pilipinas. Iyon man ay paunti-unti lamang. Nabunyag pagkatapos ng digmaan na daigkaramihan sa mga guerrilla ang nagbansag sa mga sariling USAFFE [US Armed Forces Far East] kahit hindi tunay, at mga sundalong kanin lamang. Nilibak sila nang husto ng mga tao nuon. Panay kasi ang hakot ng bigas at pagkain mula sa mga tagabukid ngunit ayaw lumaban o sumalungat sa pagmalupit ng mga Hapon. Naging kasabihan na kapag may nawalang kalabaw o baboy na ang mga ito ay na-USAFFE, o kinuha ng mga tuliSAFFE [pinagduktong na tulisan at USAFFE]. Nais ni MacArthur, nabunyag din pagkatapos ng digmaan, na maging layunin ng mga guerrilla ang pagtulong lamang sa pagbalik ng mga Amerkano, at hindi ang pagtanggol sa mga mamamayang sakop at pinagmalupitan ng mga Hapon. At ayaw ni MacArthur na maging mga bayani ang mga Huk, na sa tingin niya ay mga komunista na kailangan pang supilin pagkatapos ng digmaan. Inilihim niya ito at inutos lamang na itigil ang paglaban, kaya nangyari pa kung minsan, ang mga guerrilla ang tumambang at sumalungat sa mga Huk upang mapigil ang paglusob nila sa mga Hapon. Hindi alam ng mga Huk ang balak at paniwala ni MacArthur kaya sila, gaya ng karamihan ng mga mamamayan, ay taimtim na naghintay sa pagbalik ng mga Amerkano at pagpuksa sa mga malupit na mga Hapon, at sa ipinangakong kalayaan ng Pilipinas pagkaraan ng digmaan. At ang mga Huk ay umasa na kikilalanin din ang paghihirap pagpapakasakit nila sa pakibaka sa mga kaaway. Sa wakas, sa pagbalik ni MacArthur.

at

'I Shall Return!' Iyong pangkat na 'yon, ako ang pinuno nila, kailangang mahabol ko sila, kailangang malaman ko kung saan sila pupunta, kung ano ang gagawin nila, para mapangunahan ko sila, maakay ko sila duon! Humahangos na taga-Paris, nuong French Revolution What are we in power for?! Sagot ng isang nanunungkulan sa pamahalaan sa paratang ng graft and corruption NAGTAYO si Manuel Quezon ng pansamantalang pamahalaan ng Pilipinas sa America upang hintayin ang muling paglaya ng bayan mula sa pagsakop ng mga Hapon. Nang mamatay siya sa tuberculosis nuong Agosto 1944, pumalit bilang Pangulo si Sergio Osmena, ang Pangalawa [vice president] sa naantal na pamahalaan ng Commonwealth. Kasama si Osmena nang dumaong si General Douglas MacArthur at sandatahang Amerkano ng dagat silangan [Pacific Ocean ] nuong Octobre 20, 1944 sa Leyte, upang simulan ang pagpapalayas sa mga Hapon. Itinatag muli ni Osmena ang pamahalaan ng Pilipinas sa Tacloban, punong lungsod [capital] ng Leyte nuong Octobre 23, 1944. Inabot nang 3 buwan bago nakarating sa Luzon ang mga Amerkano, nang lumusong sa San Fabian, Lingayen Gulf, Pangasinan, nuong Enero 1945 at nakibaka sa mga Hapon papuntang Manila. Ibinuhos ng mga Hapon ang kanilang poot at kawalang pag-asang makaligtas pabalik sa Japan sa walang labang mga mamamayan, lalo na sa Manila at mga paligid. Libu-libong tao ang nasalanta at nadurog halos ang buong lungsod sa madugong bakbakan sa Manila, na nasakop muli ng mga Amerkano, sa tulong ng mga guerrilla at mga karaniwang mamamayan, nuong Febrero 1945. Nakipagsagupaan muli sa Bataan at Corregidor ang mga Amerkano laban sa mga Hapon ngunit nagkabaligtad ang kanilang katayuan - ang mga Hapon naman ngayon ang walang pag-asang makatanggap ng tulong at karagdagang sandata mula sa labas. Tuluyang nagapi ang mga ito nuong katapusan ng Junio, 1945, at ipinahiwatig ni General MacArthur ang pagkatupad ng kanyang sumpang "Ako ay magbabalik!", nang ihayag nuong Julio 5, 1945, na napalaya na ang buong Pilipinas. Sa Mindanao at ilan-ilang pulo, nagpatuloy ang ang bakbakan hanggang sa pagsuko ng Japan nuong Septiembre 1945. Mahigit 1 milyon Pilipino ang namatay sa digmaan, kulang-kulang kalahating milyong Hapon ang napuksa sa Pilipinas, ngunit higit ang tinamasang dalamhati ng kapuluan. Nang muling magpulong nuong Junio 9, 1945 ang Batasang Bayan [Philippine Congress] mula nang mahalal nuong 1941, mabibigat ang mga suliraning namulagat sa mga kinatawan - wasak ang kalakihan ng lungsod, naglaho ang yaman-bayan [treasury], nagbabakbakan ang kani-kanilang pangkat ng mga mamamayan at madugo ang panggugulo ng mga naglipanang sandatahan at tulisan. Danak ang karahasan at sunggaban, nakawan at patayan, paggahasa at pagkawalang kapwa-tao.

Samantala, nag-aklas ang Hukbalahap. Nang lumusong ang mga sundalong Amerkano sa Luzon nuong 1945, maraming kabayanan ang dinatnan nilang malaya na at walang nagtanggol na mga Hapon. Ang sumalubong sa kanila, may paypayan pa ng mga watawat ng America, tugtog ng mga musiko at matitikas na talumpati, ay ang mga Huk na, sa maraming kabayanan, ay sumingit lamang matapos umalis ang mga sundalong Hapon at nagkunwaring sila ang lumaban at nagpalaya ng kabayanan. Gayun man, ang mga Huk ang tumulong sa pagluwas ng mga Amerkano papuntang Manila, at pagkatapos, sa pagtunton sa mga pangkat ng mga Hapon na namundok at nag-guerrilla sa iba't ibang bahagi ng Luzon. Pinuri sila ng mga Amerkano sa pahayag nuong Deciembre 20, 1945, na malaki ang naitulong ng mga Huk sa paglaban sa mga Hapon, at maraming sundalong Amerkano ang nailigtas sa kamatayan dahil sa kanila. Hangad ng mga Huk na kilalanin at gantimpalaan sila ng America. Ipinakulong sila ni MacArthur. Gaya ng mga principales at mayayamang kaibigan niya, walang tiwala si MacArthur sa mga Huk at inutusan niya ang mga espiya ng hukbong Amerkano , ang CIC [US army counter intelligence corps] at ang pinagbuo muling PC [Philippine Constabulary] na ibalik sa kapangyarihan ang mga dating pinuno ng pamahalaang Commonwealth, kahit na ang mga ito ang tumulong sa mga Hapon, at paalisin ang mga tao na inilagay ng mga Huk sa mga kabayanan ng Gitnaang Luzon, kahit na ang mga lumaban sa Hapon. Simula nuong pang Enero 1945, pinagdadakip na ng CIC at PC ang mga pinuno ng Huk sa pagiging subersibo, pati na ang supremo, si Luis Taruc. Nuong sumunod na buwan, Pebrero 1945, sinimulang patayin ang maraming Huk. Isa sa pinakamadugong pinaslang ay ang mahigit 100 Huk ng Pangkat 77 na pauwi matapos mag-demo sa Manila. Pagdaan sa Malolos, Bulacan, hinarang sila ng mga sundalong Pilipino at pinatay sa utos ni Coronel Adonias Maclang, sa sulsol ng mga Amerkanong pinuno ng CIC duon. Pagkatapos, hinirang ng mga Amerkano si Maclang na alkalde ng Malolos. Hintay muna: Tapos na ang digmaan, bakit aklas pa nang aklas, hindi na lang tumahimik at naghanap-buhay ang mga Huk?

Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon. Pagkatalo ng mga Hapon, nagbalikan ang mga maylupa (landowners) at humingi ng bayad-upa mula sa mga magsasaka para sa 3 taong sakop ng Hapon ang Pilipinas. Hiningi rin ang bahagi nila sa ani nuong 3 taong nakaraan. Gaya ng dapat asahan, walang naibayad ang mga hampas-lupa [tillers of the earth] na naghirap din at nagutom pa dahil sa pagdakma ng mga palay ng mga Hapon [at ng mga guerrilla at mga Huk na rin] nuong digmaan. Ngayon, niligalig at pinahirapan sila ng mga security guards, pulis at PC na binayaran at pinalusob ng mga maylupa. Dahil ibinalik ng mga Amerkano sa pamahalaan at hukuman ang mga mayaman at maylupa, walang napagkublihan ang mga dukha kundi ang mga Huk. O sila na mismo ang naging Huk na rin. Hindi gaya nuong bago nagdigmaan, nagkasandata na ang mga hampas-lupa at marami sa mga guards, pulis at PC ang napaslang. Sa patuloy na pagligalig ng mga mayaman at maylupa sa mga magsasaka, maaaring sabihin na sila ang pinakamabisang kakampi ng mga Huk sa pagpapalawak ng aklasan sa Pilipinas, gaya nang kalupitan ng mga Espanyol ang nagpasimula at nagpalawak ng Katipunan nuong panahon ni Andres Bonifacio. Nang kumalampag nuong Septiembre 1945 ang libu-libong hampas-lupa na lumuwas sa Manila [pati na ang Pangkat 77], pinakawalan sina Taruc. Nilansag nila ang Hukbalahap at nagbuo ng panibagong kampihan, ang DA o Damayan ng mga Taong Bayan [Democratic Alliance] upang makipaghalalan bilang kinatawan sa Batasan [congress] ng unang Republica nuong 1946. Mabilis silang sinapian ng PKM o Pambansang Kaisahan ng mga Magbubukid [National Peasants Union] ang dati, at unang samahan ng mga magsasaka sa Nueva Ecija nuong 1924, ang KPMP o Kapisanang Pambansa ng mga Magbubukid sa Pilipinas [National Peasants Party], na itinatag muli dahil sa patuloy na pag-usig ng mga may lupa. Nabaling ang pagdakip at pagpatay sa mga kasapi ng DA-PKM nang nagsimulang kumampanya ang mga kandidato nuong Deciembre 1945, at lubhang sumidhi hanggang napilitan si Taruc na tumelegrama nuong Enero 16, 1946 kay Harry Truman, pangulo ng America, na ipatupad sa CIC at PC ang utos niya [ni Truman] na gawing mapayapa ang halalan sa Pilipinas. Nanalo ang 6 kandidato ng DA-PKM sa halalan nuong Abril 1946, kasama si Luis Taruc, bilang kinatawan sa Batasan ng bagong Republica ng Pilipinas.

(Ikalabingapat na Linggo)
Si Roxas At Ang Mga Collaborators ...Julio 4, 1946, sinimulan ang Republica ng Pilipinas at naging unang Pangulo si Manuel Roxas. Durog-durog ang Manila... Napakaraming Pilipino ang walang sapat na pagkain nuong araw na iyon. Kahindik-hindik ang precio ng bigas - Robert Aura Smith, Philippine Freedom, 1946-1958, Columbia University Press, New York, 1958 Nasiwalat ang cancer na kumalat sa bayan. Natunghayan ng mga tao kung paano ginamit ang pamahalaan upang magpayaman...ang pagmamalabis ng mga kamag-anak at iba't ibang anomalia, ang pagkagutom at kawalang-wala ng mga tao... Julio 4, 1946 ay tinalikuran na ng mga Pilipino bilang araw ng paglaya - David Joel Steinberg, The Philippines, A Singular and a Plural Place, Westview Press, Colorado, 2000 KASAMANG lumaban sa Bataan at Corregidor si Manuel Roxas nang lumusob sa Pilipinas ang mga Hapon nuong 1942. Tumakas siya nang magwagi ang mga Hapon ngunit nabihag siya ng mga ito sa Mindanao at, matapos tanggapin ang alok na maglingkod sa pamahalaan sa ilalim ng Japan, ibinalik siya sa Manila upang maging Kalihim ng Palay at Bigas [Minister of Rice] sa pamahalaan ni Jose Laurel sa ilalim ng mga Hapon nuong 1943-1944. Ang mga tinawag na collaborators. Tangi at mahalaga ang tungkulin ni Roxas at naubos ang kanin sa Pilipinas dahil sa hakot para sa libu-libong sundalong Hapon na patuloy na sumasakop sa mga pulo ng Timog Silangan nuong mga taon na iyon. Taimtim na nanungkulan si Roxas, tumulong hindi lamang sa paghakot ng bigas kundi pati sa pagtanggol sa mga palayan at bodega laban sa mga Huk at mga guerrilla na tumatangay sa bigas o sumisira sa mga bukirin na pinagkukunan ng mga Hapon. Bagabag si Manuel Quezon, pangulo ng Commonwealth at ng pansamantalang pamahalaan ng Pilipinas sa America. Ilang ulit siyang nakiusap sa mga Amerkano na sagipin si Roxas mula sa Pilipinas kung maaari ngunit walang nagawa, namatay sa tubercolosis si Quezon nuong Enero 1944 at pinalitan ng kanyang Pangalawa (vice

president), si Sergio Osmena, at patuloy na naglingkod si Roxas sa mga Hapon hanggang pagbalik ng mga Amerkano at pagpalaya muli sa Pilipinas nuong Octobre 1944 hanggang Marso 1945. Agad ipinabilanggo ni General Douglas MacArthur sina Laurel, Claro Recto at iba pang mga collaborator subalit pinalaya niya si Roxas at hinayag na nag-espiya ito para sa mga Amerkano nuong panahon ng Hapon. Ipinagpilitan niya, sa angal ng mga guerrilla at mga lumaban sa Hapon, na sa pagligid-ligid ni Roxas sa buong Pilipinas, nakaniig niya ang iba't ibang pangkat ng mga guerrilla at nakapagpahatid ng mga palatas sa hukbong Amerkano sa Australia. Pinakawalan din ni MacArthur at ibinalik sa kanilang tungkulin ang mga dating pinuno ng mga lalawigan at pamahalaan nuong bago magpanahon ng Hapon. Sa lawak ng paghihirap ng mga tao at pagkawalang makakain, naging maalab ang salungat ng mga Huk, guerrilla at iba pang lumaban sa mga Hapon, sa pagbalik ng mga dating pinuno, marami ay naglingkod at nagpayaman sa ilalim ng mga Hapon. Bagaman at binantayan at ipinagtanggol ng mga Amerkano ang mga mayaman at 'matataas,' maraming Makapili at iba pang 'maliliit' na collaborator ang pinarusahan at pinatay sa mga lalawigan. Lumawak din ang paghihiganti at pagnanakaw sa mga yumaman nuong digmaan. Sa hirap at gulo ng panahong tinawag na Liberation, hindi nakatulong ang pagkulo ng politica nang kumalas ang isang pangkat mula sa Partido Nacionalista [Nacionalista Party] at hinamon si Osmena sa ngalan ng kanilang bagong Partido Liberal [Liberal Party]. Nuong Enero 1946, hinirang ng bagong pangkat na tumakbong pagka-pangulo si Roxas. Hindi kumampanya si Osmena sa halalan nuong 1946 sa paniwalang alam na ng lahat kung anu-ano ang nailingkod niya sa bayan. Matanda at mahina na ang katawan ng 68-anyos na Osmena nuon. Malamang din na maraming nagdamdam nang lumisan sila ni Quezon at iniwan ang mga tao na walang muwang sa lupit ng mga Hapon. Kahit ano pa man, natalo si Osmena sa halalan nuong Abril 1946 at si Roxas ang naging unang pangulo ng Republica nang matuloy ang Pagkapagsasarili ng Pilipinas [Philippine Independence] nuong Julio 4, 1946. Tumanggi si Roxas na humingi ng tawad, ipagpaumanhin ang kanyang pagiging collaborator, at lubusang kabaligtaran, tinangkilik niya ang mga kapwang kumampi [at ang karamihan ng mga yumaman] sa mga Hapon, ginawa niyang tagapamahala ng mga tulong mula sa America [US foreign aid] at ng bayad-pinsala [war reparations] mula sa Japan. Ang mga dating collaborator ay nagkamkam at nagpatuloy ng pagpayaman sa mga sarili. Ginamit din ni Roxas ang kanyang tungkulin upang salangin ang tangka ng America, sa sulsol ni Harold Ickes, kalihim panloob [secretary of the interior] ng America, na parusahan ang mga collaborators. Binawasan ni Roxas at ng kanyang mga kakampi sa pinulong muling Batasan [Commonwealth Legislature] nuong Agosto 1945 ang mungkahi ni Osmena na bumuo ng tanging hukuman upang usigin ang mga collaborator. Dahil naging maliit

at dukha ang hukuman, tumagal ang paglitis ng mga nasakdal hanggang, nuong Enero 1948, pinatawad at pinakawalan silang lahat ni Roxas bilang pangulo sa isang general amnesty. Nasupil ni Roxas si Osmena at ang mga Nacionalista at napipilan niya ang mga mapaghiganting Amerkano ngunit hindi niya napatahimik ang mga hampas-lupa sa Gitnaang Luzon sa kanilang kalampag laban sa mga collaborator. Nagwagi sa halalan nuong Abril 1946 si Luis Taruc at 5 pang kasapi sa DA-PKM [Democratic Alliance-Pambansang Kaisahan ng mga Magbubukid] ngunit, sa utos ni Roxas, ang bagong halal na pangulo, hindi sila pinapasok sa Batasan nang hirangin ang Republica nuong Julio 4, 1946. Sa labu-labong sumunod, mahigit 2,000 kasapi ng DA-PKM ang napatay o 'naglaho' sa Gitnaang Luzon. Hinukay na muli ng mga hampas-lupa ang mga itinagong sandata sa mga bara-baranggay, ngunit naantal ang aklasan habang nag-uusap pa ang mga pinuno ng DA-PKM at ang mga sugo ni Roxas. Kulang-kulang sa 2 buwan, nuong Agosto 24, 1946, sumabog ang labanan. Paluwas sa Manila si Juan Feleo, bayani ng digmaan at pinuno ng PKM, nuong araw na iyon upang makipagusap sa mga pinuno ng pamahalaan. Kasama niya ang asawa at 5 kapanalig sa PKM, at hatid-hatid sila [under escort] ng military police ng hukbong sandatahan [Philippine Army] nang 'naglaho' sila. Ihinayag ng naghatid na military police na na-kidnap sila Feleo. Natagpuan ang kanilang mga bangkay sa ilog ng Pampanga pagkaraan ng 2 linggo. Pugot ang ulo ni Feleo. Kalat-kalat ang labanan sa paligid ng bundok ng Arayat at sa malawak na putikan ng Candaba. Inabot ng isang taon bago napagbuo muli nina Taruc ang mga sandatahan duon nuong Junio 1847 sa panibagong bansag na HMB o Hukbong Mapagpalaya ng Bayan [Peoples Liberation Army]. Sampal sa kanyang pamahalaan bago pa man siya nagsimula, palit-palitang pagkausap at pagsupil ang tinunton ni Roxas sa pagturing sa mga Huk. Nagtatag siya ng Kinatawan Ng Pagsasaka [Agrarian Commission] na nagbatas na 7 bahagi ng ani ang laan sa mga magsasaka at 3 lamang sa may lupa, tulad ng matunog ngunit hindi natupad na palabas ni Manuel Quezon, pangulo ng Commonwealth nuong bago nagpanahon ng Hapon. Kontra-mando, hiningi ng mga Huk na ibalik sa Batasan ang mga nanalong kinatawan ng DA-KPM, at lansagin ang military police at kapatawaran [amnesty] sa lahat ng Huk. Ayaw din ng mga Huk isuko ang kanilang mga sandata. Mando, ipinagbawal ni Roxas ang mga Huk bilang mga subersibo at inutos sa sandatahang bayan [Philippine armed forces] na sugpuin nang puspusan ang mga ito.

Kasalukuyang pumupuksa si Roxas nang atakihin siya sa puso at namatay nuong Abril 1948.

Si Quirino At Ang Minimum Wage Sa maraming paratang ng katiwalian ng mga nasa pamahalaan, wala ni isang nagbahid sa karangalan o bait ni Quirino. Inamin ng lahat na siya ay mabuting tao, kabutihang sinamantala ng mga pusakal na nakapaligid sa kanya. Ang gapang ng corruption ay nagsimula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas, maliban na lamang kay Quirino. - Robert Aura Smith, Philippine Freedom 1946-1958, Columbia University Press, New York, 1958 NAGING Pangulo ng Pilipinas ang kanyang Pangalawa (vice president), si Elpidio Quirino ng Vigan, Ilocos Sur, nang mamatay si Manuel Roxas nuong 1948. Tanyag at iginagalang si Quirino nuon, batikang politico kahit masasabing may pagka-makaluma (conservative). Kaiba kay Roxas na laging nasa harapan, nagsisigasig si Quirino sa loob, at kasama, ng kanyang pangkat at mga kabig. Nakalaban niya si Jose Laurel, ang nagsilbing Pangulo nuong panahon ng Hapon, sa magulo at madugong halalan nuong Noviembre 1949. Nagwagi si Quirino, at nabunyag na makapayapa [pacifist] pala siya nang taimtim niyang tinangkang pagbuklod-buklurin ang mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan. Nakipagkasundo rin siya ng kapayapaan [peace treaty] sa Japan, gayung siya ay ikinulong at pinahirapan nuong panahon ng Hapon, at ang kanyang asawa, si Alma Syquia, at 3 anak niya ay pinatay ng mga Hapon. Marami siyang nahikayat at kung malaganap pa man din ang karahasan, ito'y untiunting nabawasan at nagsimulang tumahimik ang kalakihan ng bayan, maliban sa 2 ang sugod ng mga Huk sa Luzon, at ang pusok ng mga Muslim sa kanlurang Mindanao. Sa 5 taon niyang pamamahala, iba't ibang paraan at pakana ang pinairal niya upang mapatahimik ang bayan at umunlad ang buhay ng mga mamamayan. Siya ang nagpasimula ng takdang arawang kita [minimum daily wage] para sa mga manggagawa at sa mga kawani ng pamahalaan. Umutang siya ng 200 milyon dolyar mula sa America upang pundaran ang ACCFA, pautangan ng mga magsasaka, sinabayan ng pagtatag niya ng mga bangko sa lalawigan upang mapundaran ang mga tagaroon. Isinugo niya ang kanyang kapatid, si Antonio Quirino, upang makipagkasundo kay Luis Taruc. Inalok niya nuong Junio 21, 1948 ng kapatawaran [amnesty] ngunit tumanggi ang mga Huk na isuko ang kanilang mga sandata. Nagpatuloy ang sagupaan sa Gitnaang Luzon.

Mabuti man ang pagkatao, kahit mahusay ang damdamin at mga tangka ni Quirino, nadaig siya ng mga alalay at kakampi sa politica, ang mga gahaman at walang pitagang nagnakaw sa pamahalaan na pinakawalan at binigyan ng kapangyarihan ni Roxas. Sa pamahalaan ni Quirino nagsimula ang masaklap na gawi sa Pilipinas ang bawat pamunuan [administration] ay nawawatak, walang pangulo ang muling nahahalal dahil sa kagagawan ng kanilang mga kawatan at katulong sa politica. Sa English, graft and corruption ang tawag, latay pa sa likod ng bayan hanggang ngayon. Sukdulang kakatwa na si Quirino, ang mapagpayapa, na kusa at handang pagbigyan ang mga Huk, ang naging sanhi ng pinakamasidhing lusong ng mga tagabukid nuong 1950 nang umabot sa 15,000 ang mga nag-aklas. Ang patayan, mga karahasan at pandarayang naganap nuong 1949 nang mahalal muling pangulo si Quirino ang nag-udyok sa maraming magsasaka na tumulong o sumanib sa mga Huk. Biglang nadagdagan ang 10,000 Huk na nakikipagbaka sa Gitnaang Luzon, kumalat pa sa hilaga at timog Luzon, maniwaring sa Visayas din - nagkaroon duon ng mga "komite" upang maghikayat at magturo sa mga nais mag-Huk. Nang nagpahinga na mula sa politica si Quirino, kinalimutan ang ginawa niyang pagpaunlad ng buhay ng mga tao; inalaala lamang ang paglaganap ng graft and corruption sa kanyang pamahalaan. Ang mapagpayapa, kinalimutan ang kanyang pagbuklod ng mga nag-aaway na pangkat-pangkat sa buong kapuluan; inalaala lamang ang pag-alsa ng mga Huk sa Luzon. Sa maraming kabutihang ipinamana ni Quirino sa bayan, isa lamang ang tanging inamin at inaalaala pa hanggang ngayon, ang paghirang at matapat na pagtangkilik niya, hanggang sa kahuli-hulihan, sa naging pambato laban sa mga Huk, si Ramon Magsaysay, ang tumalo sa kanya sa halalan nuong 1953. Huks: Kangino Ang Lupa? Tumuhutuhud makaysed a tachi Malaking ginhawa kapag nakatapos ng dapat gawin - Sawikaing Ivatan, sa Batanes Para ano ang kalayaan kung ang mga alipin ngayon ay magiging diktador at mapag-api bukas? - Jose Rizal, sa El Filibusterismo NAMUTLA ang mga taga-Manila, nalimot ang paratang sa mga collaborator, ang dugo at dahas ng kararaang halalan, pati ang pagnanakaw ng mga sugapa sa pamahalaan ay bahagya lamang napansin, natakpan nang yumanig ang lupa sa yabag ng palapit nang mga sandatahang sasakop sa Manila.

Sindak: Sumusugod ang mga Huk. Ang ipinagbawal na PKP o Partido Komunista ng Pilipinas ay muling lumitaw at naghayag ng, Himagsikan! Sumumpa silang tutulungan ang mga Huk, ang bubuwag sa pamahalaan at sasakop sa Pilipinas. Nuong Agosto 26, 1950, magkasabay nilusob ng daan-daang Huk ang 2 panig ng Luzon. Winasak ng 500 Huk ang Camp Makabulos sa Tarlac, pinatay ang 23 sundalo, pati ang mga pinuno, pinawalan ang 17 Huk na nakakulong duon, at sinunog ang buong campo. Nuong araw ding iyon, 300 Huk naman ang sumakop sa kabayanan ng Santa Cruz, sa Laguna, pinatay ang 3 pulis, dinambong ang lahat ng nakita bago tumakas sa mga nakaw na sasakyan ng pamahalaan. Sa Tayabas, tinambangan ni Alexander Viernes alias Kumander Stalin at 200 Huk ang motorcade ni Aurora Aragon, biyuda ni Pangulo Manuel Quezon, nuong Abril 1949. Pinatay ang biyuda at anak na babae. Gimbal ang buong Pilipinas. Kalakasan ng Huk nuon at walang sundalong nakatalo sa mahigit 15,000 sandatahan at 100,000 kakamping naglipana hindi lamang sa Gitnaang Luzon kundi pati timog Luzon at ilang bahagi ng Visayas at Mindanao. Nang nakipag-usap si Pangulo Elpidio Quirino at nag-alok ng payapa at kapatawaran sa lahat ng Huk, nagpahelehele si Luis Taruc, supremo ng Huk, humiling ng mga alam niyang hindi kayang ibigay ni Quirino, at ginamit ang panahon upang magpalakas at mag-imbak ng mga gagamitin sa pagsakop sa Manila. Pati sa halalan nuong 1949, kinampihan ng Huk si Quirino at hinikayat ang mga tao sa Luzon na huwag irapan ang halalan at ihalal si Quirino. Nanaig sila laban sa mga sangganong nagtangkang pumilit sa mga taong ihalal si Jose Laurel bilang pangulo. Maliit lamang ang panalo ni Quirino kaya maaaring sabihin na kung hindi sa Huk, malamang si Laurel ang naging pangulo nuong 1950. Ang lakas at dahas na ipinakita ng mga Huk ang nagdagdag amuki sa marami na kumampi na sa kanila, bilang pinakamakapangyarihan pangkat sa bayan. Tiyak na tiyak na sa tagumpay si Jesus Lava, punong pampolitica [political commissar] ng CPP o Communist Party of the Philippines, itinakda niya ang pagsakop sa Manila sa 1951, taon maaga kaysa dating balak. Hinikayat niya si Taruc na papasukin nang unti-unti ang mga sandatahan sa Manila upang simulan ang paggulo sa pamahalaan at pag-adhika sa mga taga-Manila, patakarang ayon sa turo ng mga komunista sa Russia. Tumanggi si Taruc, pinahirati ang mga Huk sa mga lalawigan sa paligid ng lungsod, gaya ng taktika naman ng mga komunistang Intsik na nanalo sa China

nuong 1949. Nuong Enero 1950, naghiwalay ang CPP at Huk. Mula nuon, sa pinakamatayog na tindig ng mga Huk, tuluy-tuloy silang bumagsak hanggang nuong Mayo 1954, sumuko na si Taruc at ikinulong. Bagaman at nalupig ang sandatahan ng Huk, nanatili ang mga lapastangang cacique at haciendero at muling bubulwak ang ligalig sa Gitnaang Luzon sa mga darating na taon. Hintay muna: Bakit biglang-biglang natalo ang mga Huk? Marami at patung-patong na dahilan, dala ng sunud-sunod at sabay-sabay na mga pangyayari: • Hindik ang mga tao sa pagpaslang kay Aurora Quezon nuong Abril 1949. Hindi masukat ang pinsalang nagawa ng kalapastanganan. Madadahilanan ang pagpatay sa pulis, PC at mga civilian guard na nang-api, ngunit walang katwirang patayin ang magiting at makataong biyuda. Si Taruc mismo ay napilitang ipagkanulo ang pagtambang, hindi raw niya alam. Huli na, nawala na ang pagkakataong makahikayat ng mga kakampi na hindi magsasaka. Marami ring magsasaka ang nagdalawang loob na, at untiunting naglaho ang mga balita at babala ng mga tao na ginagamit ng mga Huk upang maiwasan ang mga sundalo. Nadakip si Jesus Lava at mga pinuno ng komunista nuong Oktobre 1950. Kahit na hiwalay na sa Huk, malaking tulong ang pag-abala at pagsalakay ng mga komunista sa pamahalaan at mga sundalo. Kahit marami pa sila nuon, naiwan nang nag-iisa ang mga Huk sa labanan. Sumabog ang digmaan sa Korea nuong Hunyo 1950, at napaurong ng mga komunista ang hukbong Amerkano duon sa isang maliit na pirasong lupa. Sa pagsigasig na huwag masalanta ang hukbo sa Korea, binuhos ng America ang gamit, sandata at salapi sa pag-usig sa mga komunista sa Korea at iba pang bayan, pati Pilipinas. Milyon-milyon ang nakamit ng hukbong Pilipino upang sugpuin ang mga Huk. Hindi maiging naturuan ng Huk ang mga sandatahan. Marami ang nagsamantala at nagpahirap sa mga tao. Marami pang nagmistulang magnanakaw, tulisan at mandarambong. Nuong bandang huli, naging pangkaraniwang mamamatay tao, magnanakaw at manggagahasa na lamang ang mga Huk. Nawalan ng saysay, sa tingin ng mga tao, ang pakikibaka dahil sa kanilang kalabisan. Maraming tao ang bumaligtad nang lubusan at kumalaban na sa kanila. Isa sa mga kumalaban ang mga Negrito sa mga gubat ng Zambales at bundukin ng Sierra Madre, 2 mainam pagtaguan at pagtanggulan, dahil sa paglibak at pagligalig sa kanila ng mga Huk. Kaya walang natakbuhan kundi ang bundok ng Arayat at ang putikan ng Candaba nang nagsimulang mapipilan ang mga Huk ng mga napagbuti at naging bihasang mga sundalo. Hindi nagtagal, naging mistulang kulungan ang Arayat at Candaba nang napaligiran ito ng hukbong bayan. At sa loob ng mga kulungan, walang

2 •

pahinga ang sapilitang tago at takbo ng mga Huk dahil sa walang tigil na paglusob ng mga sundalo, hanggang natalo na sila sa pagod at gutom. Ang dalisay at makataong pakitungo ng pamahalaan ni Quirino. Gayong hindi nalunasan ang mahapding kasakmalan ng mga may-lupa at mga mayaman, hindi naman nangimi si Quirino na ibigay ang kaya sa ikabubuti ng mga hampa-lupa. Isa na rito ang pagtangkilik, sa harap ng ngawa at balakid ng mga haciendero sa pamahalaan, sa mga makapagbagong mungkahi ng pambato laban sa Huk. Ang pambato at daig pinakamabisang pangsupil ng Huk, si Ramon Magsaysay.

lumaking mahirap at salat sa pagkain, at 1932 na nang nakapagtapos sa Jose Rizal College ng pagkakalakal [commerce]. Dahil mahina ang natapos, ang tanging hanapbuhay na nakita niya ay mekaniko sa Try Transportation Bus Company sa Manila, ngunit ilang taon lamang, siya na ang tagapangasiwa [general manager] duon. Hanggang lumusob ang mga Hapon. Nagbitiw siya ng tungkulin at kasama ng Philippine 31st Infantry Division nakipagbaka sa Bataan at, nang matalo, namundok at sumama sa mga guerrilla ng USAFFE. Matapang at magiting, nataas siyang capitan, major at pinuno ng 10,000 guerrilla sa buong Zambales - naghayag pa ang mga Hapon ng 100,000 pisong gantimpala sa sinumang pumatay sa kanya. Sa pagbalik ng mga Amerkano, itinanghal si Magsaysay na governador ng Zambales ni General Douglas MacArthur nuong Pebrero 1945. Ayaw ko, mga mayaman lamang ang tinatangkilik ninyo, ang tanggi ni Magsaysay sa gulat na Manuel Roxas nang alukin siyang sumapi sa Liberal Party upang kumandidato bilang kinatawan ng Zambales sa halalan ng Batasang Bayan [Philippine Congress] ng unang Republika ng Pilipinas nuong 1946. Nahikayat rin siya nang iharap sa kanya ang amuki, nilagdaan ng 11,000 taga-Zambales, na sa pamahalaan niya ipaglaban ang kapakanan ng mga hampas-lupa [tillers of the earth]. Nahalal na kinatawan ng Zambales nuong 1946 at 1949, nahirang siya sa Batasan bilang pinuno ng pulong sa tanggulang bayan [chairman, committee on national defense] dahil sa karanasan niya nuong digmaan. Nuon niya naipalipat ang PC [Philippine Constabulary] sa ilalim ng hukbong bayan [Philippine army] upang maturuan at pamunuan ng mga tunay na sundalo. Nuon din, Abril 1950, nagtungo siya sa Washington DC, sa America, at matapos kausapin sina General George Marshall, ang kalihim ng tanggulan [secretary of defense] at Harry Truman, pangulo ng America, nakautang siya ng 10 milyon dolyar pambayad sa Pilipinas ng suweldo ng mga sundalo at gantimpala ng mga nagsuplong laban sa Huk. Ako ang magpapatakbo, walang makikialam! hamon ni Magsaysay kay Pangulo Elpidio Quirino, na gipit na gipit na sa pagsulong ng mga Huk, at humirang sa kaniyang kalihim ng tanggulang bayan [secretary of national defense] nuong Septiyembre 1950. Pagkaraan ng ilang araw lamang, tinanong nang lihim si Magsaysay ng ilang mataas na pinuno ng hukbo kung kampi siyang itiwalag si Quirino sa isang kudeyta [coup d'etat]. Bigyan n'yo ko ng 3 buwan, kung wala pa akong nagawa, bahala na kayo, ang sagot ni Magsaysay, pahiwatig na alam na niya ang gagawin laban sa mga Huk. At pahiwatig na may taning siya sa sarili, 3 buwan, upang puksain ang mga Huk. Puspusan niyang nilinis ang sandatahang bayan [Philippine armed forces]. Unang araw bilang kalihim ng tanggulan, sinisante niya ang mga pinunong pusakal, ang mga walang muwang at ang mga bayaran ng mga mayaman, pati ang pinakapuno ng

'Magsaysay Is My Guy!' He who has less in life should have more in law [Ang magkamit nang kulang sa buhay ay dapat makatanggap nang higit sa batas ] - Ramon Magsaysay Nagpunta ako rito upang patayin ka. Ngayon, payagan mo sana akong magtrabaho para sa 'yo - 'Manila Boy' Tomas Santiago, bodyguard ni Luis Taruc, sumuko matapos ng 1 oras na pagkausap kay Magsaysay Sa kasaysayan ng Pilipinas, 3 lamang ang dukha na namuno sa bayan. Halos magkasabay ang 2 nauna: Si Andres Bonifacio, ang kinitil ng mga taksil, at si Apolinario Mabini, ang dakilang dininig lamang pagkamatay. Sa sumunod na labu-labong agawan ng mga Pilipino sa kapangyarihan at katungkulan sa pamahalaan, may 50 taon ang lumipas bago nagkaroon muli ng isang pinunong dukha, si Ramon Magsaysay, ang sumagip sa bayan mula sa digmaan ng mga magkabayan [civil war], ang 'tao' ng mga tao [man of the people]. Ipinanganak nuong 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fiero sa Iba, Zambales, sa gilid ng Luzon, natutunan niya sa ama kung ano ang tunay na matuwid at kung paano maging marangal. Natanggal ang ama bilang guro sa paaralan nang tumanggi siyang "ipasang awa" ang anak ng school superintendent. Napilitang lumipat sa kabayanan ng Castillejas, nagkarpintero at nagpanday na lamang ang ama. Lumaking kasamasama ng mga pawisan, matigas ang panindigan sa isip ni Magsaysay, at ang pagunawa sa mga dukha. Sa paaralan ng mga manggagawa [trade school], Zambales Academy, nagtapos ng high school, naputol ang pag-aaral niya nuong 1927 sa University of the Philippines dahil mahina ang katawan, karaniwan sa mga

hukbo [armed forces chief of staff] at ang pinuno ng PC. Pinalayas din ang mga sundalo at pinunong 'malapit' sa mga Huk, at ang mga alinlangang lumaban. Itinaas niya bilang pinuno ng hukbo ang mga marunong, ang mga handang kumilos at lumaban. Ginamit niya ang nautang sa America nuong 1950, umutang uli ng 10 milyon dolyar pa nuong 1951, upang itaas ang sahod ng lahat sa hukbo. Ginawang piso ang 30 sentimos na arawang suweldo ng karaniwang sundalo, nang matigil ang gawi ng mga itong magnakaw mula sa mga mamamayan ng pagkain at gamit para sa mga pamilya. Sumasabog ang digmaan sa Korea nuong 1950 laban sa mga komunista ni Kim Il Sung; katatapos lamang magwagi ang mga komunista ni Mao Tse Tung sa China. Sinamantala ni Magsaysay ang tuntunin ng America na supilin ang mga komunista sa Asia. Mahigit 240 pinuno ng hukbo ang ipinadala niya sa America upang mag-aral ng mga makabagong taktika sa pagsusundalo. Kulang-kulang 50 milyon dolyar ang ibinigay ng America upang makapagbuo 16 bagong batalyon ng mga sundalo, at nagkaroon si Magsaysay ng sapat na lakas, 26 batalyon, mahigit 8,000 sundalo, upang makipagpukpukan sa mga Huk. Mahigit 30 eroplano, dose-dosenang tangke at maraming kanyon, daan-daang sasakyan, libu-libong baril at machine gun at 15 milyong bala ang ipinadala ng America kay Magsaysay simula nuong 1951. Pagsilbihan n'yo, ipagtanggol n'yo ang mga tao! Pinalikas ni Magsaysay ang mga sundalo, nagkukubli nuong una sa mga garrison at kampo habang gumagala ang mga Huk sa buong kapatagan, at pinahalubilo sa mga tao sa mga baranggay at kabayanan. Hindi lamang laban sa mga Huk, kundi laban din sa mga sangganong at mga civilian guard na nagmamalupit sa mga tao! ang utos ni Magsaysay sa mga sundalo. Pinarusahan niya ang mga sundalong palalo sa mga tagabukid. Inutos niya sa mga abogado ng hukbo na tulungan nang walang bayad ang mga magsasaka sa hablahan laban sa mga may lupa. Ginamit ni Magsaysay ang karanasan niya sa 3 taong pagiging guerrilla nuong panahon ng Hapon, alam niya na ang lakas ng sandatahan ay nasa tulong at pagtangkilik ng mga tao. Sabihin n'yo sa 'kin kung may magpangahas sa inyo, kung ayaw kayong tulungan laban sa Huk, tumelagrama kayo, walang bayad, ako na ang bahala! ang pangako ni Magsaysay sa mga taong nakausap sa araw-araw na pagtahak at pag-usisa sa mga lalawigan. Sa maraming baranggay, siya ang kaunaunahang pinuno ng pamahalaan na nakarating at kumausap sa mga tao. Marami ang nagpasalamat sa pagtigil niya ng mga sapilitang evacuation at marahas na pagkulong ng mga tagabukid sa mga pacification village, sa tangkang ihiwalay at putulin ang pagtulong ng mga tao sa mga Huk. Mas malupit pa kaysa sa mga Hapon, ang sumbong kay Magsaysay ng mga tao. Lumipas ang taning ni Magsaysay. Dati-rati, takbong patakas sa gubat ang mga tao pagdating ng mga sundalo o PC. Pagkaraan ng 3 buwan, sinasalubong ng mga tao, pati ng mga bata, at binabati ang mga sundalong dumating. Hindi naganap ang balak na kudeyta ng mga pinuno ng hukbo.

Sa larangan, binigyan niya ng mga camera ang bawat pangkat ng hukbong tumutugis sa mga Huk. Lahat ng napuksang Huk ay kinunan ng larawan, natunton ang wastong bilang ng mga sandatahang Huk. Sa halip ng malalaking batalyon, mga maliliit na pangkat ng mga sundalo ang pinaligid at pinapasok sa putikan ng Candaba at bundok ng Arayat, nang walang tigil upang hindi makapagpahinga at makapag-isip ang mga Huk. Nuong Disyembre 23, 1950, ginawa niyang pinuno ng PC ang mga pinunong sundalo ng hukbo. Tinuruan ang mga PC at tinuring na mga sundalo na rin. Ginamit ni Magsaysay ang hukbo upang magtayo ng mga paaralan at mga health center sa mga baranggay, naglatag ng mga lansangan, naghukay at nagtayo ng libu-libong poso, tinawag na liberty wells, upang magkaroon ng malinis na tubig ang mga tagabukid, sa maraming baranggay, sa kauna-unahang panahon. Binigyan niya ng lupa ang mga sumukong Huk. Itinatag ni Magsaysay nuong Disyembre 1950 ang EDCOR [Economic Development Corps] sa ilalim ng hukbo upang ibahay ang mga dating Huk sa mga bukirin, 6 - 9 hektarya bawat pamilya, malayo sa Gitnaang Luzon. Sinimulan ang unang baranggay ng EDCOR sa Kapatagan, Mindanao, nuong Pebrero 1951 at, pagkaraan ng 3 buwan, hinatid ni Magsaysay ang unang pangkat ng mga sumukong Huk sa kanilang bagong tahanan, may mga paaralan, health centers, mga lansangan, mga poso ng tubig, may koryente pa - nagka-ilaw ang maraming tagabukid sa kaunaunahang panahon. Pinautang ang mga sumuko upang mabili nila ang lupang sinasaka, at binayaran ang utang mula sa ani sa bukid. Mabilis na nagtagumpay ang tuntunin, kaya isa pang baranggay ang itinayo sa Mindanao, pagkatapos, 2 pa sa Luzon, malayo sa Pampanga, upang bahayan ng libu-libong mga Huk sa sumuko upang makasama sa EDCOR. Libu-libo pang mga taga-Gitnaang Luzon na hindi Huk ang lumikas, namasahe ng mga sarili, upang sumali sa tuntunin at magkalupa sa tabi ng mga baranggay ng EDCOR. Nuong 1955, nang matapos ang pagtatayo ng EDCOR, mahigit 5,000 magbubukid o 1,200 pamilya mula sa Gitnaang Luzon ang nakalipat sa sarili nilang bukid. Nakuba ang himagsikan ng Huk. Sa kanyang tagumpay, maraming naging kaaway si Magsaysay, lalo na sa Batasan [Congress] na pinagharian ng mga mayaman. Pati na si Quirino, ang humirang at matapat na tumangkilik sa kanyang mga tuntunin, ay naging karibal na niya, kaya nuong Pebrero 1953, napilitan siyang magbitiw sa tungkulin at tumiwalag mula sa Liberal Party. Katuwang ang bihasang politico, si Carlos Garcia ng Bohol, nanalo si Magsaysay sa halalan nuong 1953 at naging pangulo ng Pilipinas nuong 1954, ang tanging pangulo na tinawag ng mga tao sa kanyang palayaw, Monching. Nagpatuloy siya ng pagtangkilik sa mga common tao, binuksan niya ang Malacanang Palace upang kahit sinong nakabakya lamang ay maaaring pumasok at kausapin ang kanilang pangulo. Itinatag niya ang NARIC [National Rice Corporation] upang pamahalaan ang pag-imbak, kalakal at presyo ng bigas upang makayanang bilihin ng kahit pinakadukhang Pilipino. Itinatag din niya ang Namarco [National Marketing Corporation] upang makabili ang mga tao ng murang delata,

gaya ng gatas, karne-norte, atbp. Pinalawak din ni Magsaysay ang SWA [Social Welfare Administration] upang tulungan ang mga dukhang dumadagsa sa mga squatters area sa Manila nuon. Nagpatuloy ang pagkabantog ni Magsaysay sa madla at malamang nahalal siya muling pangulo nuong 1958 kung hindi siya namatay sa pagbagsak ng eroplano niya, ang Mount Pinatubo, sa bundok ng Manunggal, sa Cebu, nuong madaling-araw ng Marso 17, 1957. Garcia: Austerity At Pilipino Muna NARARAPAT lamang, lamang, maaaring kapalaran, o marahil dahil sa isunusukat ng mga magiting ang sarili sa mga dapat tupdin. Kahit ano pa man, nakabuti na ang 2 sumunod na pangulo kay Ramon Magsaysay ay kapwa masinop at maalam tungkol sa paghanapang-buhay [economy] ng bayan. Sunud-sunod ang mapait na kapalaran ng kapuluan maraming napatay at nadurog ang Manila sa digmaan laban sa Japan, nagkagulo-gulo sa paghimagsik ng mga Huk, sinundan pa ng paglustay ng salaping bayan at pagkaligmok sa utang sa America na ginawa ni Magsaysay upang mahimok ang mga taong kampihan ang pamahalaan laban sa Huk. Nang matapos manungkulan sina Carlos Garcia at Diosdado Macapagal, hindi man mayaman, malakas naman ang hanapang-buhay [economy] ng Pilipinas, at maliban sa Japan, panguna sa buong Asia sa pagkain at kaunlaran. Tahimik at mahinahon si Carlos Garcia, ipinanganak sa Talibon, Bohol, nuong Noviembre 4, 1896, nang kasalukuyang kumakalat parang apoy sa buong pulo ang balita ng kasasabog na himagsikan ng Katipunan sa Manila. Kapwa Boholano ang mga magulang, sina Policronio Garcia at Ambrosia Polestico, at gaya ng karamihan sa Bohol, ay hindi nasindak o nabalisa sa bali-balita ng labanan na malaganap na gumugulo sa katabing pulo ng Cebu nuon. Lumaking politico si Garcia. Nuong panahon ng Amerkano, 2 ulit siyang naging governador ng Bohol bago nahalal na kinatawan ng Batasan Bayan [congressman] sa unang Republika ng Pilipinas nuong 1946, katulad at kasabay ni Magsaysay. Nahalal siyang senador nuong 1950, at nagbuo ng sariling sapian [political party] kahiwalay sa Nacionalista Party at Liberal Party na bantog nuon, ngunit nayaya siyang sumapi sa Nacionalista at naging katuwang ni Magsaysay sa halalan nuong 1953. Bilang Pangalawa [vice president] ni Magsaysay, namasdan ni Garcia ang paglustay ng milyon-milyong salapi, tulong [aid] galing sa America at bayad-pinsala [war reparations] mula Japan, sa pagbili ng bigas at pagkain mula sa ibang bansa, na

dapat sana ay ginamit sa pagpundar ng mga industria. Ngunit bantog at makatao ang ginawa ni Magsaysay at hindi sumalungat si Garcia. Nang pumanaw si Magsaysay nuong Marso 1957, nahirang na pangulo si Garcia, at sa halalan nuong sumunod na Noviembre, nahalal siyang pangulo ng Pilipinas. Sinimulan niyang lunasan ang mga kalabisan at pagkukulang na laganap nuon. Inadhika niya ang alituntunin ng Pilipino Muna [Filipino First] sa pamahalaan upang mabawasan ang pamamayani ng mga Amerkano sa Pilipinas dala ng malapit na kampihan ni Magsaysay at ng America nuong himagsikan ng mga Huk, at upang mabuhay ang paggalang ng mga Pilipino sa sarili. Dala rin nito, sinulsulan niya ang paglalakbay ng Bayanihan Dance Troupe at iba pang pangkat ng sayaw Pilipino sa America at marami pang bansa upang ipakita, lalo na sa mga Pilipino mismo, ang ganda at yaman ng mga gawi at katauhan ng mga tagapulo. Nanawagan pa si Garcia sa bayan na magtipid at maging masinop, sundin ang austerity program niya nang masansala ang paggasta ng salapi ng bayan at makapag-imbak para sa kinabukasan. Hindi sumunod ang bayan. Naging giliw ang Bayanihan Dance Troupe ngunit hindi pinansin ng mga tao ang Filipino First sa malaganap na pagtangkilik ng mga imported at ng mga made in USA na naging pahiwatig ng kataasan sa lipunan [status symbol] sa Pilipinas. Dahil naman sa maliit lamang ang panalo niya sa halalan, natanto siyang mahina sa politica at inirapan ang mga mungkahi ni Garcia sa Batasan [congress] ng mga kinatawan na mayaman at walang nakitang dahilang magtipid sa patuloy nilang pagkurakot sa salapi ng bayan. Ang mga karaniwang mamamayan naman ay walang sapat na kinita upang magtipid nang kasing laki ng inadhika ni Garcia. Gayung kasing linis ni Magsaysay, kapwa ayaw gumamit ng salapi ng bayan sa halalan o sa sarili, namayani pa mandin sa pamahalaan ni Garcia ang kabulukan [graft and corruption] na nagsimula pa nuong panahon ni Magsaysay sa ilalim ng NARIC, NaMarCo, SWA at iba pang naglakihang pundar ng pamahalaan. Naging eskandalo ang walang puknat at malawak na pagnanakaw ng hindi masupil na mga kawani at pinuno ng pamahalaan. Natalo si Garcia sa halalan nuong Noviembre 14, 1961, nang tumanggi siyang gamitin ang kapangyarihan at salapi ng pamahalaan upang mahalal muli, at sa paratang ng graft and corruption na dumanak sa kanyang pamamahala. Saglit siyang nabalik sa politica bilang pangulo ng constitutional convention nuong 1971 ngunit inatake siya sa puso at namatay nuong Junio 14, 1971.

Ang Kahuli-hulihang Maginoo Bakit napakalawak ng pagitan ng mga mayaman sa mga mahirap? Kung ang buod ng buhay ay katarungan, bakit nag-iiwan ng maraming pagkain sa pinggan sa mga handaan samantalang may mga taong nagbubungkal sa basurahan upang makapulot ng kapirasong makakain? ... Ang lakas ng bansa ay nakasalalay sa mabuting kalagayan ng 'common tao' - Diosdado Macapagal, Pangulo 1962-1965 MARANGAL kahit dukha, ipinanganak si Diosdado Macapagal sa baranggay ng San Nicolas, sa Lubao, Pampanga, sa mga matimtimang magulang, sina Urbano Macapagal at Romana Pangan, nuong Septiembre 28, 1910. Naging balakid ang pagka-pobre sa kanyang pagiging valedictorian bagaman at siya ang pangunahin sa mataas na paaralan (high school). Tinantiya ng mga guro na wala siyang magiging kinabukasan dahil walang yaman, at ibinaba ng isang guro ang kanyang grado upang iba ang maging valedictorian. Hindi makatarungan ang ginawa mo sa akin! Nagsiklab si Macapagal at hinarap ang guro. Ngunit may katarungang nangingibabaw at naghahatol sa ating lahat, pati na sa iyo! Ginamit na dahilan ni Macapagal ang pagiging dukha upang mag-aral nang maigi, at nagtapos ng pagka-doctor ng batas (civil law) at ng paghanapang-buhay (economics). Nahalal siyang kinatawan (congressman) ng Pampanga sa Batasang Bayan nuong 1950 hanggang 1957. Sa isa niyang saysay, nuong kinatawan na siya, may isang Kapampangan na humarap sa kanya at humingi ng tawad, at ng trabaho. Walang iba kundi ang guro na nagbaba ng grado niya sa high school. Nahalal si Macapagal bilang Pangalawa (vice president) ni Carlos Garcia nuong 1958-1961, at nuong Noviembre 1961, bilang Pangulo ng Pilipinas. Ikinarangal ni Macapagal ang kanyang pagiging dukha, 'poor boy from Lubao' ang palatak niya sa sarili, at iminungkahi sa bayan ang simple living o pamumuhay ng walang rangya bilang lunas sa bulok ng graft and corruption na laganap sa Pilipinas nuong una siyang nanungkulan. Nanawagan siya sa mga pinuno ng pamahalaan na huwag magpayaman sa pagnanakaw sa bayan. Upang makatulong sa mga mahirap, itinatag niya ang EEA o Emergency Employment Agency na nagbigay sa libu-libong tagalungsod ng arawang hanapbuhay sa paglinis ng mga lansangan at iba pang gawaing pambayan. Upang lunasan

ang mga lumalaking suliranin sa paghanapang-buhay ng bayan (national economy), ipinatigil niya ang paghigpit sa palitan ng salapi ( foreign exchange controls ) nang maging malaya ang halaga ng piso tumbas sa dolyar. Naging doble ang palitan, 4 piso sa bawat dolyar, maigi sa mga kalakal palabas (exports), kumita ng higit na maraming piso, at naka-antal sa kalakal papasok (imports) dahil nagmahal bigla ang halaga ng mga imported at mga made in USA na bilihin. Kahit ayaw magpayaman sa sarili, hindi naman napipilan ni Macapagal ang mga kakampi sa politica at mga alalay niya sa pamahalaan sa pagkurakot sa salapi ng bayan, at mayabong pa rin ang graft and corruption nang matalo siya sa pagiging pangulo muli nuong halalan ng Noviembre 1965. Siya ang nahirang na pangulo ng constitutional convention nang namatay si Carlos Garcia nuong 1971. Sa kanyang paglisan sa Malacanan matapos ng halalan nuong 1965, itinanghal na siya ang huling maginoong pangulo (the last of the gentlemen Presidents).

(Ikalabinlimang Linggo)
Patayan Sa New Society Hindi ito government by law, ito'y government by outlaw! - Tsuper ng jeepney, matapos kikilan ng pulis SA HALALAN nuong 1935, nang mahalal sina Manuel Quezon at Sergio Osmena bilang pinuno ng Commonwealth, nahalal din si Julio Nalundasan bilang kinatawan ng Ilocos Norte sa Philippine Assembly; tinalo niya ang ama ni Ferdinand Marcos, si Mariano, na dati ring kinatawan ng Assembly. Panganay na anak, si Ferdinand ay asintado at kapitan ng rifle and pistol team sa University of the Philippines nuon. Binaril at napatay si Nalundasan habang nagsisipilyo ng ngipin isang gabi sa harap ng bintana ng kanyang bahay. Dinakip at nilitis ang mag-amang Marcos, pati na ang 2 kapatid ng matandang Marcos. Hinatulan si Ferdinand Marcos ni Judge Roman Cruz, ng Laoag provincial court nuong 1939 na makulong dahil sa pagpatay kay Nalundasan. Nasa piitan si Ferdinand nang makapasa sa bar examinations at naging abogado at, sa harap ng Philippine Supreme Court na pinamunuan ni Jose Laurel, matagumpay siyang nangatwiran at pinalaya nuong 1940. Tatlong halalan ang pinagtagumpayan ni Ferdinand upang maging congressman at senador. Ang ika-4 na tagumpay nuong 1965 ang pinakamarumi at pinakamagastos - mahigit 15 milyon piso ang nilustay, pati ang mga alahas at sinsing pangkasal ng asawa, si Imelda Romualdez, ay isinanla upang maitustos sa kampanya upang maging pangulo ng Pilipinas si Ferdinand. Marahas, higit na marumi at higit na magastos ang halalan nuong 1969 nang naging pangulo muli si Ferdinand. Nuong Septiembre1972, pinigil niya ang paghalal sa 1973 ng kapalit bilang pangulo; naghayag siya ng martial law. Dictador na ng Pilipinas si Ferdinand. Isa sa mahigit 30,000 dinakip at ipinakulong ni Ferdinand ay ang kahawig niya sa pagkawalang hunos dili, si Benigno Aquino, sumisikat na senador at malamang pumalit sa kanya sa naantal na halalan ng 1973. Hinatulang mabitay si Benigno ng mga sundalo ni Ferdinand, ngunit mangingibabaw

ang alingasngas kaya ipiniit na lamang siya nang 7 taon hanggang nagkasakit sa puso at, sa hikayat ni Jimmy Carter, pangulo ng America, ipinadala siya sa Texas, sa America, upang ma-operahan nuong Mayo 1980. Dinalaw siya ni Imelda, asawa ni Ferdinand, upang pagbawalang huwag nang bumalik sa Pilipinas at papatayin siya ng mga "comunista" o ng iba pang mga pangkat. Pinag-usapan din nila kung ano ang magiging kinabukasan ng pamahalaan sa Pilipinas kapag wala na si Ferdinand. Nanahimik sa America si Benigno nang 3 taon habang nakikinig sa mga ulat ng untiunti at lumalaganap na galit ng mga tao sa Pilipinas, at ng paghina ng katawan at pagkakasakit ni Ferdinand - palagian na sa Malacanan ang mga doctor at mga nurse upang gamutin si Ferdinand araw at gabi - hanggang nuong Hulyo 1983, kumalat na agaw-buhay na, hindi tinanggap ng katawan ang kapalit na bato [kidney transplant rejection]. Labag sa payo ng asawa, si Corazon Cojuangco, nagpakana si Benigno na pumuslit sa Manila at angkinin ang pagka-pangulo ng Pilipinas. Mahigit isang libong kakampi ni Benigno ang nagkumpol sa Manila International Airport nuong Agosto 21, 1983, upang sumalubong kay Benigno na balak, matapos mapaligiran ng mga alalay, ay sumugod patungong Mendiola at matapos salihan ng inaasahang 5 o 6 libong mga taga-Manila, sakupin ang Malacanan at ang pamahalaan. Walang malay-tao si Ferdinand sa Malacanan dahil sa sakit, kaya si Imelda lamang at ang dating tsuper ni Ferdinand, si Fabian Ver, na nuon ay pinuno na ng buong sandatahang bayan [Philippine armed forces], ang sumansala sa balak ni Benigno. Malayo sa mga sumalubong, sa tagong bahagi ng airport pinalapag ang eroplanong sinakyan ni Benigno galing sa Taiwan at, matapos siyang dakpin at ibaba ng mga sundalo, binaril sa ulo at napatay si Benigno. Bangkay ng isang "comunista" daw, si Rolando Galman, nakahandusay sa tabi ni Benigno, ang pinaratangan ng mga sundalo ngunit hinayag nuong Octobre 1984 ni Corazon Agrava, kaibigan ni Ferdinand at hukom [judge] na nag-usisa sa pagpaslang, na pakana ng mga sundalo ang pagbaril at, nuong Septiembre 28, 1990, nilitis at hinatulan si General Luther Custodio at 15 pang sundalo ng airport security sa pagpatay kay Benigno. Pinawalang sala si Fabian Ver at 25 pang kasapakat sa pakitang-taong paglilitis nuong Deciembre 2, 1985 ng Sandigang Bayan [National Bulwark, a special court], gawa-gawang tagapaghatol ni Ferdinand, ngunit taimtim ang paniwala ng madla, at napahayag sa Congress ng America, na si Imelda at si Ver ang nagnasa na mapatay si Benigno. Masuwerte o sakdal tigas ng loob, maaaring sa bisa ng walang tigil na dalubhasang paggamot, natauhan at nabuhayan si Ferdinand pagkatapos mapatay si Benigno ngunit sukdulan na ang pagkawala ng tiwala ng karamihan sa kanyang pamahalaan; kahit ang mga kaibigan niya sa pamahalaan ni Ronald Reagan, pangulo ng America, ay gimbal sa pagkitil kay Benigno na paniwala nilang nagiging sanhi ng pagdami ng mga comunista at iba pang kilusang nais bumuwag kay Ferdinand.

Hintay muna: Ano 'yong New Society? Ang Bagong Lipunan [New Society] ang itinatag na pangkat pampolitica [political party] ni Ferdinand upang panalunin ang mga kakampi sa pakutsi-kutsing halalan sa Pilipinas nuong mahigit 20 taong dictador siya. Inakala ng marami pagkaraan ng ilang buwan lamang nuong 1973 na ang New Society ay binubuo ng mga blue ladies ni Imelda na laging nasa society pages ng mga pahayagan [kaya raw new society pages ang tawag]. Ngunit bago pa nag-martial law, panay nang sinabi ni Ferdinand na kailangang pairalin ang 'bagong lipunan' na walang colonial mentality o pagsipsip sa mga Amerkano at mababaw-isip na paggaya sa anumang gawi na sumikat o nauso sa America. Bagong lipunan daw na babawas din sa utang na loob na sanhi ng pangkat-pangkatan at "kaniya-kaniya" sa politica at balakid sa pag-iisa ng mga tao. Kailangan ding samahan ng pagpapakasakit ng bawat isa, para sa ikabuti ng nakararami, upang umunlad gaya ng Taiwan at South Korea. Daw. Hintay muna: Wala bang kabutihang nagawa si Marcos? Nuong unang naging Pangulo, nagpagawa ng maraming kalsada, tulay at paaralan si Ferdinand. Sa kanyang politikang palay [politics of rice] din, naalis ang pagtatago ng bigas ng mga may bodega upang pataasin ang presyo. Sa pagtangkilik niya sa IRRI [International Rice Research Institute] ng Los Banyos, Laguna, napalawak ang paggamit ng miracle rice at naparami ang aning bigas. Ang mga ito ay nakabawas sa taunang pagbili ng bigas mula sa ibang bayan at nakapagbaba ng halaga ng bigas. Pinalaki niya ang hukbong sandatahan at itinaas ang katayuan at sahod ng mga sundalo. Lahat-lahat ay nakatulong sa pagkahalal niya bilang pangulo muli nuong 1969. Nuong bagong iral ng martial law, karamihan ng mga tao ay sang-ayon sa pagsupil ni Ferdinand sa pagpuslit ng mga droga, heroine at opium, at sa nakatureteng kalampag ng mga demo at mga riot sa Manila. Umunti din ang nakawan dahil natakot ang mga pusakal na barilin na lamang sila ng mga sundalo sa halip na dakpin ng mga pulis. Bago pa rin ang martial law nuong Septiembre at Octobre, 1972, nang iutos ni Ferdinand ang munti ngunit pinakamabisang land reform na ginanap sa Pilipinas simula nuong unang dating pa ng mga Espanyol. Binili ang mga hacienda at malalaking palayan sa Gitnaang Luzon, pinaghati-hati sa 3 or 5 hektarya at ipinagbili sa mga magsasaka at mga kasama nang hornalan [payment in installments], patakpatak ang bayad sa loob ng 15 taon. Ang mga magbubukid sa maliliit na palayan, kulang sa 7 hektarya ang sukat, ay ginawang taga-upa, pirmis ang bayad na upa, hindi bahagi ng ani, kaya may pagkakataong kumita ng malaki ang mga ito kapag malaki ang naging ani. Mabisang land reform sapagkat nawatak ang malalaking

lupaing sanhi ng pagkakabaon sa utang at paghihimagsik ng mga tao. Munting land reform sapagkat sa Gitnaang Luzon lamang ginawa, at mga palayan at maisan lamang ang mga lupaing isinaayos, hindi kasali ang mga hacienda ng tubo [asukal], saging, pinya at ibang pananim. Munti, sapagkat ang pagpapairal ng land reform ay mabagal, nahaluan ng pagkurakot [graft and corruption] at piling-pili, ang mga kalaban niyang maylupa lamang ang inalisan ng lupa. Munti, sapagkat 6 lamang sa bawat 100 magsasaka ang nagtamasa ng biyaya at naging may-ari ng kanilang sinasaka. Maliban sa munting land reform nuong 1972, hindi nagtagal at maliit ang mga kabutihang nagawa ni Ferdinand kung iwawangis sa kurakot, - may ulat na abot sa 10 bilyon dolyar, - at karahasang umiral nuong pangulo, at nuong dictador siya. Kailangang ibalik ang democracia o magtatagumpay ang mga comunista sa Pilipinas! ang sabi ng mga pinuno ng America sa Washington DC, kasaliw ng kalampag ng mga pinuno ng Batasan [Congress] ng America, at tunay at malawak na democracia, hindi ang pakutsi-kutsing halalan ng mga kinatawan ng tutang congreso ni Marcos! Napilitan ngunit tuso pa rin, kahit mahina na ang katawan. Habang nakikipagpanayam nuong Noviembre 3, 1985 kay David Brinkley sa harap ng television sa America, hinayag ni Ferdinand ang biglaang halalan [snap election] sa loob ng 75 araw, sa Enero 17, 1986 sana, tapos napaliban sa Febrero 7, 1986. Sa ganitong paraan, napatila ni Marcos ang kalampag ng mga Amerkano. Paniwala din niya na walang sapat na panahon ang mga magiging kalaban upang magkampanya at magipon ng mga boto sa loob ng 3 buwan. Malaki rin ang tiwala niyang manalo sa tulong ng mga galamay sa pamahalaan at mga pahayagan. Ngunit tuso man daw at may sakit, hindi natantiya ni Ferdinand ang sidhi ng paniwala ng mga Amerkano sa democracy - nagpadala ng maraming tagapagmasid at mga kinatawan ng US Congress upang manmanan ang anumang alingasnas sa kampanya, halalan at bilangan ng boto. Hindi rin natantiya ni Ferdinand ang unos ng kinatakutan niyang alingawngaw na pinawalan ng kanyang mga kakampi nang paslangin si Benigno; hindi niya natantiya ang tibay at dami ng kanyang mga kalaban, hindi niya natantiya ang kawalang-tiwala sa kanya ng mga karaniwang mamamayan ng Pilipinas, at ng America. Higit sa lahat, hindi niya natantiya si Cory. PANGKARANIWANG maybahay ang turing sa sarili, walang nag-akala na magiging pinakakilala si 'Cory' Corazon Cojuangco sa mayamang angkan ng mga Ko Hwan-ko ng Tarlac. Ipinanganak nuong 1933 at lumaki sa layaw, tahimik, relihiyosa at mataas ang pinag-aralan sa mga convento sa America, tiyak ng lahat,

pati na ng sarili, na hindi siya kailan man magiging pinuno, kahit na nuong mapangasawa si Benigno, na simula't simula pa ay nagnasa nang maging pangulo ng Pilipinas. Ngunit nagbago ang pag-iisip ng lahat mula nang paslangin si Benigno. Ang paghimagsik ng bayan sa kapaslangan, ano pa't hindi dinakip o pinarusahan ang mga pumaslang, ay nasalamin sa damdamin at pasiya ni Cory na labanan si Ferdinand sa snap election. Lahat ng laban kay Ferdinand ay dumayo sa bantayog ng tahimik at magiting na viuda. Pati si 'Doy' Salvador Laurel, senador na nais maging pangulo rin, ay pumayag na kumandidato bilang Pangalawa [vice president] ni Cory, sa amuki ni Cardinal Jaime Sin, arsobispo ng Manila, upang mapalakas ang presidential ticket giliw ng mga mamamayan si Cory ngunit wala siyang kaalaman sa politica, samantalang matipuno ang pangkat pampolitica ni Laurel, ang UNIDO, ngunit payat ang pagtangkilik sa kanya ng mga mamamayan. Ang hindi kapani-paniwalang pagtuwang nina Aquino-Laurel ang nagkamit nuong Febrero 7, 1986, ng kaunaunahang pagkatalo ni Ferdinand sa ika-6 at kahuli-hulihan niyang halalan. [Hindi itunuturing na halalan ang mga ipinaganap niya nuong dictador siya.] Ngunit tuso at matibay ang kalooban, ninakaw ni Ferdinand ang tagumpay sa bilangan ng boto sa COMELEC [Commission on Elections] sa pamamagitan ng halu-halong pananakot, pananakit, suhulan at dayaan ng kanyang mga kampon at siya ang hinirang na pangulo muli ng tinawag na National Assembly nuong Febrero 15, 1986. Sakdal ang angal ng mga mamamayan, ni Cardinal Sin at ng mga kinatawan ng US Congress, ngunit hawak pa rin ni Ferdinand ang hukbo at pamahalaan, at maaaring nabinbin ang pagsupil sa kanyang pagka-dictador kung hindi sa pagbubuklod ng mga pangyayari sa lumang lansangang hindi man lamang binigyan ng maayos na pangalan nang ilatag ng mga Amerikano ilanpung taon sa nakaraan upang pag-ugnayin ang mga kabayanan sa paligid ng Manila at ginawang shortcut mula sa airport hanggang Camp Crame at sa katapat na Camp Aguinaldo na kapwa naging sangkalan ng pagwatak sa kaharian ni Ferdinand nuong mahalagang mga araw ng Febrero 1986. EDSA: Lakas Ng Bayan Arava u mayet an namaes u ryes Walang malakas na tao sa harap ng delubyo - Sawikain ng Ivatan sa Batanes Ang pagkamatay ni Ninoy ay pagkabuhay muli ng ating bayan - 'Cory' Corazon Aquino KABABATA ni Emilio Jacinto si Epifanio de los Santos y Cristobal, ipinanganak nuong Abril 7, 1871, at lumaking ilustrado gaya ni Apolinario

Mabini ngunit naglakbay siya sa iba't ibang bayan at nagpatuloy ng pagdalubhasa sa halip na sumali sa Himagsikan o sa digmaan laban sa America kaya 2 ulit man siyang naging governador ng Nueva Ecija at nakilalang manalaysay [historian] at tagakatha ng himig [musician composer], wala siyang kapansin-pansing naidulot sa magulo at madugong kabanata ng kasaysayan ng Pilipinas nuong kapanahunan niya bago siya pumanaw nuong Abril 18, 1928. Wala ring pumansin o nagpangalan man lamang sa maalikabok at ilang na service road sa hilaga ng Manila na bumagtas mula Caloocan hanggang Paranaque, 54 kilometro ang haba kaya Highway 54 ang palayaw ng mga Amerkanong naglatag ng lansangan. Nuon lamang paunlarin ng angkan ng mga Araneta ang Cubao binigyan ng Batasan [congress] ng Pilipinas ang mahabang lansangan ng mahabang pangalan ng hindi kilalang dating governador ng Nueva Ecija. Kaya mula 1959, ang bihirang gamiting lansangan ay nagkaroon ng mahirap bigkasing pangalan ng Epifanio delos Santos Avenue. Sa madaling sabi, EDSA. Duon tumakas ang 2 ministro ni Ferdinand Marcos, kasama ng 300 sundalo, Sabado ng hapon nuong Febrero 22, 1986 upang magbitiw ng tungkulin, magkubli mula sa parusa ni Fabian Ver, kanang-kamay ni Ferdinand, at manawagan sa hukbo ng Pilipinas na kumampi sa kanilang pagtiwalag sa pagdidictador sa Malacanan. Matimtiman na nagsilbi kay Ferdinand si Juan Ponce Enrile, kalihim ng tanggulan [minister of defense] na nakahimpil sa Camp Aguinaldo, at si General Fidel Ramos, pinuno ng PC [Philippine Constabulary] na himpil naman sa katapat na Camp Crame, hanggang mausog sila ni Ver at ng mga alalay nito at natanaw nilang wala silang kinabukasan sa pagpapatuloy ng kaharian ni Ferdinand at, sa tingin ni Enrile, hindi siya iiwanang buhay ni Ver. Matapos manawagan sa mga sundalo na kampihan sila, hiniling nila kay Ferdinand na magbitiw na bilang pangulo ng Pilipinas. Madaling nakita ng mga kakampi ni 'Cory' Corazon Quino' at 'Doy' Salvador Laurel, ang mga tumalo kay Ferdinand sa kararaang halalan, na ito ang pinakamabisang panlaban sa dahas at pusok na ginagamit ni Ferdinand upang manatili sa Malacanan. Sumugod nuong hatinggabing iyon si Agapito Aquino, kapatid ni Benigno, sa Radio Veritas ng simbahang katoliko at nanawagan sa mga tao na kumampi at ipagtanggol sina Enrile at Ramos sa inaasahang paglusob ng mga sandatahan ni Ver. Pagkaraan ng ilang oras, si Cardinal Jaime Sin man ay nanawagan na rin sa lahat na sumugod sa EDSA, ang mga pari, madre at mga relihiyoso sa Metro Manila, paligiran ang 2 campo at harangin ang mga lulusob. Inutusan niya ang mga mongha sa mga kumbento na manalangin nang walang tigil, huwag kumain bilang panata, hanggang magtagumpay sina Cory at Doy.

Hintay muna pa: Bakit natakot si Enrile na patayin siya ni Ver? Bakit sumama sa kanyang mag-aklas si General Ramos? Nuong 1981, hinirang ni Ferdinand si Ver na pinuno ng sandatahang bayan [AFP or Armed Forces of the Philippines], nilaktawan si General Ramos. Pagkaraan ng isang taon, nuong Hulyo, 1982, nadinig ni Enrile na balak ni Ver na alisin siya sa katungkulan. Kasapakat ni Coronel Gregorio Honasan at ilan pang batang pinuno ng sandatahan, itinatag ni Enrile ang RAM [Reform AFP Movement] at nagsimulang mag-imbak ng mga sandata at maghikayat ng mga kakamping sundalo upang labanan si Ver. Natunugan ito ni Ver at naging mainit ang ugnayan nila at si Ferdinand lamang ang pumigil ng sugapaan nila. Pagkaraan ng isa pang taon, nuong Hulyo 1983, nagbitiw sa katungkulan si Ramos at si Enrile ngunit tinanggihan ni Ferdinand. Nagbuo na rin ng pangkat si Ramos, ang Special Action Force, at sumapi sa RAM, ang pangkat ni Enrile, upang magsanay sa labanan. Nang nag-agaw buhay si Ferdinand pagkatapos ng pang-2 operasyon [renal transplant surgery], nagsimulang umamin si Enrile na nais niyang maging pangulo ng Pilipinas kapag hindi na interesado si Ferdinand. Nuong Febrero 1985, nagsimulang sumanib sa RAM ang mga matataas na pinuno ng hukbong Pilipino. Pagkaraan ng 6 buwan, nabunyag ang balak ni Ver na dakpin ang mga pinuno ng pangkat. Nagsimulang magbalak ang RAM ng kudeyta [coup d'etat] upang alisin si Ferdinand sa Malacanan, gaganapin sa Febrero 23, 1986 pagkatapos manalo si Ferdinand sa snap election.. Natunugan ito ni Ver at nuong Febrero 14, pinulong ni Ferdinand ang mga pinuno ng sandatahan upang pag-usapan ang pagdakip sa mga pinuno ng RAM at ang pag-alis kay Enrile. Nuong Febrero 18, 1986, nadinig ni Enrile na pinakakalat na ni Ver ang mga sundalo niya paligid sa Manila. Nagtago na si Enrile at si Ramos. Gaya ng inasahan ng libu-libong nagbabantay sa EDSA, pinalusob ni Ver ang mga tangke nuong Febrero 23, 1986 upang lipulin ang mga tiwalag sa Camp Crame at Camp Aguinaldo. Pinaligiran ng malalaking kanyon at pinalusob din ang mga helicopter gunships upang masingganin [machine-gun] ang 2 campo. Pinasabog ang transmitter ng Radio Veritas upang matigil ang patuloy at kaisa-isang nagsasahimpapawid ng harapan sa EDSA, ngunit napalitan agad ng hindi natuntong Radio Bandido, at nagpatuloy ang pagdagsa ng mga tao sa EDSA. Ang libu-libo ay

naging ilanpong libo, at naging daan-daang libo, matanda, bata, mayaman, mahirap, babae, lalaki, relihiyoso, walang-Diyos, sikat, dukha, humarap, lumuhod, humarang sa mga tangke, sa mga truck, nanawagan sa mga sundalo, nanawagan sa radyo, nanawagan sa diyos, nanawagan ng pagkain, ng panalangin, ng awit at himala. At tumirik ang mga tangke. Ayaw magpaputok ng mga kanyon. Lumapag ang mga helicopter gunship sa Camp Crame at tahimik na sumuko kina Enrile at Ramos. Tumanggi ang Philippine air force sa utos ni Ver na bombahin at masingganin ang Camp Crame. Dumaong sa bunganga ng ilog Pasig ang mga barkong pandigma ng Philippine navy at tumawag kina Ramos at Enrile, handa na silang kanyunin ang Malacanan anumang oras nila iutos. Handang makipagdigmaan laban sa mga tiwalag, tumanggi ang mga sundalo, piloto at marinero na lipulin ang mga mamamayang dumanak sa EDSA. Sagot sa mga panalangin, dumating ang himala. At naglaho ang kapangyarihan ni Ferdinand. Lunes, Febrero 25, 1986, ipinatawag ni George Schultz, kalihim panlabas ng America [US secretary of state], ang ambassador ng Pilipinas sa Washington DC upang ipasabing magkakaroon ng digmaan ng mga magkabayan [civil war] sa Pilipinas kung hindi magbitiw si Ferdinand. Ito rin ang hinayag ng US ambassador sa Manila kay Ferdinand mismo kasabay ng pasabi sa Washington DC. Pinayuhan din si Ferdinand ng ilang makapangyarihang senador sa US Congress na oras na upang bumitaw, at bumitaw nang malinis. Nagpasabi rin si Ronald Reagan, pangulo ng America, na tutulungan si Ferdinand, ang kanyang pamilya at mga alalay na lumisan nang mapayapa sa Pilipinas at manirahan sa America. Martes ng umaga, Febrero 25, 1986, halos buong hukbo ng Pilipinas ay tumiwalag na, at nagpasimulang panata ng tungkulin [inaugural oath of office] si Cory at Doy sa harap ng mga pinuno ng pamahalaang bansa [national government] bilang pangulo at pangalawang-pangulo ng Pilipinas. Sa Malacanan naman, hinirang na pangulo muli si Ferdinand ng mga kakampi nuong umaga rin iyon. Ngunit kinahapunan, nagsimulang kumapal ang mga galit na tao sa labas ng Malacanan, napigilan lamang ng mga sandatahang presidential guard ni Ver. Naging kulungan na ang palasyo ni Ferdinand. Tuso man at matibay ang kalooban, hindi na masulsihan ang kanyang pamahalaan na, animo'y basahang basa, pinagwatak-watak ng mga taong pinagharian niya nang mahigit 20 taon. Nuong gabing iyon, tinawagan ni Ferdinand si Enrile, na nangakong mapayapa silang makakaalis, at sinundo ng mga helicopter mula sa US embassy si Ferdinand at mahigit 100 niyang pamilya at mga alalay, dinala sa Clark airbase sa Pampanga. Nais ni Ferdinand na tumigil nang ilang araw sa bayan niya sa Laoag, Ilocos Sur, ngunit tumanggi si Cory at baka bumuo duon ng sariling niyang hukbo si Ferdinand, kaya kinabukasan ng madaling-araw, inilipad si Ferdinand at pangkat sa Hawaii kung saan siya namatay pagkaraan ng 3 taon, nuong Septiembre 28, 1989.

(Ikalabinganim na Linggo) Ang Mga Sawi Kay Cory Ang kauna-unahang hangarin ay hindi rangya o pakinabang kundi democracia, - ang karapatan ng bawat Pilipino at sinilangan ng ating lahi - 'Cory' Corazon Aquino, nuong Noviembre 1988 Ang paggalang sa mga karapatan ng tao ang puso ng ating himagsikan, ang tanging dahilang matayog pa ang itinatag nating democracia...Ang pagkahalimaw ng mga said sa kapangyarihan at ng mga baliw sa mapagsakop na paniniwala ay nananatili pa, balot sa uniforme ng sundalo o sa camiseta ng comunista - 'Cory' Corazon Aquino, nuong Deciembre 1988 BUNYI ang lahat nang pumasok si Cory Aquino sa Malacanan, matapos itong laspagin ng mga usyoso at mga kawatan - hinakot pati ang mga halaman! - at nagsimulang nakipagpatintero sa kanyang mga alalay at mga kakampi. Panguna sina Juan Ponce Enrile at Fidel Ramos, kapwa nagtaya ng buhay, at si Doy Laurel din, na nagkimkim ng ambisyon. Patintero rin sa sanbayanan, pinangunahan ng laksang nagbantay at humarap sa panganib sa EDSA, sinundan ng milyon-milyong taong bumoto sa kanya na umaasa ng luwalhati at ginhawa at, sa likuran, ang mga sundalo ng hukbong sandatahan na, hindi man unang kampi sa kanya, ang nagpapatotoo ng kanyang tagumpay nang tumiwalag mula kay Ferdinand. And of course, ang mga Amerkano. Lahat ay tumulong, lahat ay umaasa, lahat ay naghihintay. Salu-salungat ang kanilang mga hangarin at labis ang dami ng kanilang mga pangangailangan kaya - dapat asahan at alituntunin sa politica: Lahat ay laging sawi - madaling kumupas ang papel ng karaniwang maybahay na walang karanasan sa politica o pamamahala. Unang nasawi sina Enrile, nanatiling pinuno ng tanggulan bayan [secretary of national defense], at Laurel, naging kalihim panglabas [secretary of foreign affairs], kapwa tangkang madaliang iluklok si Cory sa trono ng superstar ng Pilipinas, pagkatapos si Enrile [sa isip ni Enrile] o si Laurel [sa isip ni Laurel] ang magpapalakad sa pamahalaan. Tumanggi si Cory na tumawag ng halalan uli sa loob ng ilang buwan at inihayag na magpa-pangulo siya sa takdang 6 taon. Nagmaktol ang 2, kapwa lumayo sa Malacanan at kapwa tumigil sa pagpanggap ng mga tungkulin, kapwa sinisante at kapwa pinalitan ni Cory. Kapwa nakipagsapakat sa kung sinu-sinong mga sundalo upang maghari sa pamamagitan ng kudeyta sapagkat kapwa alam na tatalunin sila ni Cory, magkasapi o magkahiwalay, kahit gaanong naging katamlay ang mga tao kay Cory, sa anuman at kailan mang halalan. Maliban sa sunud-sunod na kudeyta, kapwa tapos na.

Sumunod nasawi si Ramos, na gaya ng karamihan sa mga sundalong nakipagdigmaan ng mahigit 15 taon sa mga Muslim sa Mindanao at sa mga komunista sa Luzon at Visayas, ay labag sa tangka ni Cory na makipagpayapa sa naghihimagsik laban sa pamahalaan. Ngunit tapat at maginoong sundalo, hindi tumiwalag si Ramos at nanatiling kampi kay Cory - mabuti na lamang at kung hindi, tumaob si Cory sa walang sawang pagku-kudeyta nuong mga sumunod na araw. Hindi gaanong nasawi ang mga Amerkano, paniwala na wala namang alam at walang magagawa si Cory. Ngayon, marami, Amerkano at Pilipino, ang lingon sa paghanga kay Cory, ngunit nuong unang 2 - 3 taon, ang tingin ng mga Amerkano sa biyuda ay pasensiya na lang at wala nang iba. Baon sa utang ang Pilipinas nuong 1986, umabot ng 28 bilyong dolyar, at minungkahi ng cabinete at mga pinuno ng paghanapangbuhay [economy] na gamitin ang salapi upang paunlarin ang kalakal, mga pagawaan [manufacturing] at iba pang pagkakakitaan sa bayan. Kalimutan na muna nang mga 2 taon ang pagbayad ng utang, sabi nila, tutal alam naman ng mga nagpautang na nanakawin lamang ni Ferdinand at ng mga kasama niya. Tumanggi si Cory at ipinagpatuloy ang nakalulumpong pagbayad ng utang - kalakihan ay sa mga Amerkano. Ang kasawian ng mga sundalo ng hukbo ay huwad, walang nawala sa kanila kung hindi ang kapangyarihang maghari sa Pilipinas, kapangyarihan na ayaw ng mga tao at labag sa atas ng Kasulatan ng Katauhan ng Bayan [constitution] ngunit kapangyarihan na, sa 20 taon ng martial law, ay naging ugali na hindi nila mabali. Sunod sila sa sinumang nagmungkahi na sakupin nila ang pamahalaan at nauso ang kudeyta sa Manila. God Save The Queen ang una, tinangka ng mga sundalo nuong Nobyembre 1986 dahil nakipagpayapa si Cory sa mga kasapi ng New Peoples Army o sandatahan ng mga komunista sa Gitnaang Luzon. Naunsiyami ang kudeyta ngunit napilitan si Cory na alisin sa kanyang Cabinet ang mga leftist at maka-komunista na kinaasaran ng mga sundalo, kasama sina Joker Arroyo, matagal na niyang kakampi, si Teodoro Locsin, kilalang mahilig sa socialist politics, at Jaime Ongpin, ang kanyang kalihim ng pagpundar [secretary of finance]. Nagkudeyta muli nuong Enero 1987 nang nakipagpayapa si Cory sa mga Muslim ng Mindanao, at lagdaan ang kasunduan ng Moro National Liberation Front. Unti-unti, sa bawat kudeyta, nausog si Cory palayo sa tangkang isapi o ibalik sa kabuoan ng bayan ang mga nakalas o napag-iwanan dahil sa pagkadukha o kaibahan ng adhikain sa buhay. Hanggang umabot sa kudeyta nuong Disyembre 1, 1989 ng bandang 3,000 sundalong pinamunuan ni Gregorio Honasan ang lumusob sa Camp Crame, Camp Aguinaldo, Fort Bonifacio sa Nueva Ecija at sa himpilan ng sandatahang dagat sa Cavite. Pati Malacanan binomba ng eroplano, at napilitan si Cory na humingi ng tulong sa US air force. Mabilis at madiin na inihayag ng pamahalaan ng America ang pagpanig nila kay Cory, sa pulong ng mga

pinuno ng hukbong Pilipinas na tinawag sa US embassy sa Manila. Pati ang mga umutak sa mga kudeyta ay binalaan, sinimulang usisain ang mga ari-arian sa America at iba pang bayan kung nanggaling sa pagkurakot sa mga tulong [US aid] na inalay ng America sa Pilipinas, ginawang panakot ang paglitis at pagpiit sa America. Kaginsa-ginsa, biglang nalaos ang kudeyta-kudeyta sa Manila. Walang lumabas ng bahay upang ipagtanggol si Cory. Ang daan-daan libong tao na nagtaya ng buhay upang ipaglaban siya sa EDSA ay maniwaring naglaho nang lubusan. Ang sagad na nasawi kay Cory ay ang mga sawing-palad. May ilang libong mga magsasaka at mangingisdang nanaghoy papunta sa Macalanang nuong Enero 22, 1987, pinamunuan ng KMP o Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, ang mabilis na pinagbabaril ng mga sundalong bantay sa paanan ng tulay sa Mendiola. Mahigit 90 ang tinamaan ng bala, 19 ang napatay. Nagtampo ang karamihan at umingos, kahit na nang nakisaliw si Cory sa mga magsasakang nanaghoy kinabukasan sa Malacanan. Hintay muna: Bakit nagtampo ang mga tao? Bakit walang nagtanggol kay Cory? Paniwala nilang tinalikuran ni Cory ang mga pangako nang unang maging Pangulo na susugpuin ang pagkurakot sa pamahalaan, palalawakin ang kalayaan ng mga tao, at higit sa lahat, lulunasan ang paghihirap ng mga dukha. May paratang pa na ibinalik ni Cory, anak ng haciendero, ang mga mayaman at may lupa sa kapangyarihan at sila ay naghahari na naman sa pamahalaan. Sa amuki ng kapatid, si Jose Cojuangco, pinagbutas-butas ng Batasang Bayan ang batas ng Pangkalahatang Pagsasaayos ng mga Sakahan [Comprehensive Agrarian Reform Law o sa madaling sabi, CARP] kaya naging goyo-goyo lamang ang batas na nilagdaan ni Cory nuong Hunyo 10, 1988, 6 buwan matapos patayin ang 13 magsasaka sa Mendiola sa harap ng Malacanan. Pati na ang kalayaan ng mga hampas-lupa [tillers of the earth] ay makitid pa rin, kung mayroon mang mga karapatan ang mga walang kapangyarihan sa mga lalawigan. Nuong 1987, pinagpapatay ng mga sundalo ang 17 taga-nayon, pati 6 na musmos at 2 hukluban, sa Lupao, Nueva Ecija. Walang inusig sa mga pumatay. Tahimik na nakaraos si Cory sa pagiging pangulo, na sinimulang sintaas ng langit sa paghahangad ng karamihan at natapos singlalim ng dagat sa walang nangyari paris din ng dati na pagtamlay ng mga tao. Maraming pagkakamali at pagkukulang ang maybahay na naging pangulo at malamang matagal na panahon pa bago kilalanin ng mga mamamayang hindi pa ipinanganganak ngayon ang pagkabayaning ginampanan niya nuong Himagsikan ng 1986 at sa pamamahala niya sa sumunod na 6 taon. Sa araw-araw na gulo at taon-taong kabalisaan, madaling nalimutan ng madlang kahalubilo sa mga pangyayari na, sa harap ng panganib at magkakasalungat na hiyaw-hiyawan, napaganap ni Cory ang 2 dahilan hinahangaan siya ngayon sa

America at sa damdamin ng mga Pilipinong nakakaunawa. Napagtayog ni Cory ang democracy, at pinamunuan niya ang pagtagumpay ng nasa ng mga tao na maging malaya: Wala nang hari sa Pilipinas.

Pagbabalik Ng Magiting Palakasin ang kapangyarihan ng mga tao at uunlad ang bayan, magpapantayan sa lipunan at magkakaisa ang mga mamamayan. - Fidel Ramos, Pangulo ng Pilipinas, 1992-1998 IPINANGANAK nuong Marso 18, 1928, sa Lingayen, Pangasinan. Ama si Narciso Ramos, abogado, 5 ulit kinatawan sa Batasang Bayan [Philippin Congress] at dating kalihim panlabas [secretary of foreign affairs] ng Pilipinas. Ina si Angela Valdez, guro, taga-Batac, Ilocos Norte. Nag-aral sa America, sa West Point Military Academy sa New York nuong 1950, nagtapos ng civil engineering sa University of Illinois nuong 1951. Lumaban bilang tenyente ng hukbo sa digmaan sa Korea nuong 1952. Namuno sa mga sundalong Pilipino ng Civic Action Group sa digmaan sa Vietnam nuong 1966 hanggang 1968. Pinuno ng PC [Philippine Constabulary] hanggang Pebrero 1986. Ministro ng Tanggulang Bayan hanggang 1992. Pangulo ng Pilipinas, 1992 hanggang 1998. Bago pa nahirang na pangulo nuong Hunyo 30, 1992, natupad na niya ang pinakamalaking tungkulin niya sa bayan. Naiwasan ang digmaan at nanatiling malaya ang Pilipinas. Gaya ngunit higit sa mga magiting ng baranggay nuong panahon ng mga magdaragat, si Fidel Ramos ay isang magiting ng bayan. Sa kanyang walang maliw na pagtangkilik kay Pangulo Cory Aquino nagapi ang paghahari ng mga nag-kudeyta-kudeyta nang walang puknat, at nanaig ang pamahalaan ng mga tao. Sa kanyang mahinahong paraan, hindi naganap ang digmaan ng mga magkabayan [civil war] na malamang hangad ng mga nais maging diktador gaya ni Ferdinand. Sapat na iyon upang tanghalin siyang bayani. Ang iba pang nagawa ni Ramos bilang pangulo ay dagdag na lamang. Tinangkilik niya si Ernesto Garilao bilang kalihim ng Pagsasaayos ng Pagsasaka [secretary of land reform] nuong 1992, na nagbahagi ng kulang-kulang 2 milyon hektarya ng lupa sa mga magbubukid. Bagama't hindi ganap, napakalaki naman ang natupad ni Garilao kung ihahambing sa 848,518 hektaryang ipinamahagi sa

pamumuno ni Cory Aquino, na hinaluan pa ng pandaraya ng kapatid, si Jose Cojuangco. Si Garilao din ang nagsulsol sa mga samahan ng mga magsasaka na makisali sa pangangasiwa ng bahagian ng lupa hindi lamang upang mapadali ang pagbabahagi, kundi upang maganap ang pagmumudmod. Hindi masabi nang tuluyan ni Garilao, ngunit sa dami, yaman at kapangyarihan ng mga kalaban ng land reform sa Pilipinas, ang mga nangangasiwa ng pagsasaayos ng sakahan ay nangangailangan ng tulong, hindi ng sumbat. Nakipagpayapa si Ramos sa MNLF [Moro National Liberation Front] matapos ng 24 taong pag-aaklas nito sa Mindanao, bagama't nagpatuloy ng paglaban ang katuwang na pangkat na MILF [Moro Islamic Liberation Front] sa Basilan at Sulu. Inis din ang ibang pinuno sa pamahalaan dahil sa unti-unting pagbigay ng sarilinang pamamahala [autonomy] sa mga lalawigan ng mga Muslim. Ang pag-unlad ng paghanapang-buhay [economy] ng Pilipinas na inasam nuon pang namumuno si Aquino at nagsimula nuong 1992, lalo na nuong 1994 - 1995, sa pagharap ni Ramos sa mga suliranin ng koryente at tubig, pagsupil sa pagkurakot sa pamahalaan at pagpapasok ng pundar mula sa ibang bayan [foreign investments]. Ngunit gaya ng kasunduan sa Mindanao, hindi ganap ang bisa, at nadamay ang Pilipinas sa pagbagsak ng paghanapang-buhay sa buong Asia nuong 1997 bagaman at hindi kasing sidhi ng dinanas ng mga katabing bayan. Erap Para Sa Mahirap Tawagin n'yo akong bobo, ngunit huwag n'yo akong tawaging 'corrupt'! - Joseph Ejercito Estrada, Pangulo ng Pilipinas nuong 2001 LAKI sa Tondo kung saan siya ipinanganak nuong Abril 18, 1937, natagpuan ni 'Erap' Joseph Ejercito Estrada ang papel niya sa buhay sa pelikula, bilang isang matipunong hampas-lupa, nakikipagbakbakan hanggang makatagpo ng marangal na pamumuhay sa gitna ng marahas at walang-awang lipunan. Mahusay na artista, naging bantog at mayaman si Estrada kahit na tutol ang mga magulang sa kakulangan ng dangal ng kanyang hanap-buhay. Nuong lamang 1969, nang mahalal si Estrada na alkalde ng San Juan, Rizal, nabawi ang kalooban ng mga magulang. Sa gulat ng marami, mahusay at bantog na alkalde si Estrada, at sa 16 taong panunungkulan, napahanga niya ang lahat sa dami at galing ng kanyang mga nagawa sa San Juan. Naputol lamang ang kanyang pamumuno duon nuong Pebrero 1986 nang naghimagsik ang mga taga-Manila sa EDSA laban kay Ferdinand Marcos, na kakampi ni Estrada. Napasama siya sa mga itiniwalag ng bagong pamahalaan ni Pangulo Cory Aquino, ngunit nabalik siya sa politica nang nahalal siya sa sumunod na taon bilang senador ng Batasang

Bayan [Philippine Congress]. Nagpatuloy ang bagong buhay niya sa politica nang manalo siya bilang Pangalawa [vice president] nuong 1992 nang naging Pangulo si Fidel Ramos. Kinalaban siya ng pambato ni Ramos, si Jose de Venecia, sa sumunod na halalan ngunit sa kanyang palatok sa madla ng 'Erap Para Sa Mahirap', at sa tulong ng mga dating kakampi niya sa pamahalaan ni Ferdinand, nanalo si Estrada. Nuong 1998, hinirang siyang pangulo ng Pilipinas, ang pinakamalaking papel na maaari niyang gampanan sa buhay. Ang hirap lang, hindi nagampanan. Sa kanyang pagkahirang nagsimula, mula sa pinakamatayog na tagumpay niya, natupad ang pinakamasakit na bagsak ni Estrada. Marahil, dahil napahaba nang husto ang paggantimpala sa sarili, o maaaring nawaglit sa isip ang mga alituntunin na naghatid sa kanya sa Malacanang. Nakalimutan niya ang maraming pelikula niyang nilabasan, nalimot niya ang daan-daang papel ng pakikibaka na ginampanan, nalimot niya ang pamumuhay nang marangal. Nalimot niya na marahas at walang-awa ang lipunan. Agad kumalat ang balita ng midnight cabinet, lasingan sa hatinggabi sa Malacanang kasama ang mga kaibigan, inuman ng imported na alak, 1,000 piso ang halaga ng bawat bote. Kumalat ang bulungan ng suhulan at walang tigil na pagkurakot sa pamahalaan. Sitsit-sitsit din ang bahay para sa isa sa mga querida , mahigit 1 milyon piso ang halaga. Pinabayaan, hindi pinansin, walang tiyaga sa panunungkulan, hindi kaya o ayaw magtrabaho, nawalan ng tuntunin ang pamahalaan ni Estrada. Sinabayan pa naman ng pagbagal ng kalakal at paghanapang-buhay [economy] sa Pilipinas at buong Asia kaya nainis at nabalisa ang mga nagkakalakal at mga nagpupundar [financiers], ang mga bangko at kawanihan ng pananalapi [financial institutions] sa patuloy na pagkalugi sa Pilipinas, lalo na sa Makati. Nakasama ng mga inis at ng mga balisa ang 3 pang pangkat na galit sa pagiging pangulo ni Estrada, at sa loob ng 2 taon lamang, naglinaw ang opposition:

1. Mga inis at balisang nagkakalakal at nagsasalapi [financiers] na nalulugi sa
Makati , hindi nakasali o nausog ng mga alalay ni Estrada.

2. Simbahang katoliko. Nuong kampanya pa lamang, ipinagmalaki na ni
Estrada ang dami ng kanyang mga querida, ang kanyang mga anak sa labas, mga eskandalong tangi at hinangaan, pahiwatig ng pagkalalaki, ngunit itinuring ng simbahan na sampal sa mga utos ng simbahan at pagyurak sa pag-aamuki ng mga pari sa mga sumasamba.

3. Mga old guard politico, lalo na ang mga pinuno ng unang EDSA na
nagpabagsak kay Marcos. Tinalo na nga ang isa sa kanila, si Jose de Venecia, sa halalan nuong 1998, may insulto pa si Estrada tuwing tututol sila sa mga balak, Ako ang nahalal na pangulo, hindi kayo!. Ang mga pahayagan at media, maiglap na ikinakalat sa buong kapuluan ang anumang bulong at sumbong laban kay Estrada o sa kanyang mga kaibigan at tauhan. Ilang ulit, naghiganti si Estrada sa ilang pahayagan, nilibak niya ang sinuman sa media na pumintas sa kanyang pamamahala.

habang pangulo ng Pilipinas nang sumali siya sa pagkakalakal ng lupa ng pamilya niya Tahimik ang pagdinig ng mga tao sa mga hayag ni Singson, ngunit nagimbal ang buong kapuluan sa testigo ni Edgardo Espiritu, dating kalihim ng pananalapi [secretary of finance] at tauhan ni Estrada sa Malacanang, na katuwang [partner] si Estrada ni Dante Tan sa BW Resources Company, na inuusig ng Securities and Exchange Commission dahil sa pandaraya sa stock market . Sabi daw ni Estrada kay Espiritu na malaki ang kinikita niya sa BW Resources. Kaya ayaw daw ituloy ang pag-usig sa compania. Lalong naniwala ang maraming tao na may mga kasalanan si Estrada nang tumestigo si Clarissa Ocampo, vice president ng Equitable-PCI Bank na lumagda si Estrada sa pangalang Jose Velarde sa mga dokumento ng 10 milyon pisong pautang. Nuong Disyembre 20, 2000, nagbitiw ng tungkulin si George Go bilang pangulo ng PCI Bank. Kasama sa mga dokumento mula sa PCI ay isang sobre [envelop] na nais buksan ng 10 kinatawan ng Batasan [House representatives] na tagapag-usig [prosecutor] sa impeachment. Magpapatunay daw na mahigit 63 milyon dolyar ang naipon ni Jose Velarde sa iba't ibang deposito sa PCI. Hindi tinukoy sa mga paratang! ang tutol ng mga senador na nagtatanggol kay Estrada sa impeachment. Sa botohan kung bubuksan ang sobre, 11 senador ang kumampi kay Estrada na walang kinalaman sa impeachment ang mga dokumento, samantalang 10 senador lamang ang bumoto na isali ang mga dokumento sa paglitis kay Estrada. Nanatiling nakasara ang sobre at, nuong Enero 16, 2001, nilisan ni Senador 'Nene' Aquilino Pimentel, pinuno ng Senado, ang paglilitis sapagkat maliwanag na hindi makakamit ang boto ng 15 senador na kailangan upang maalis sa pagkaPangulo si Estrada. Sumunod na araw, lumisan na rin ang 10 kinatawan ng Batasan na umuusig, pinamunuan ni Joker Arroyo. Sumama sila sa libu-libong tao na nagsimulang magkumpulan sa dambana [shrine] ng EDSA upang manawagan kay Estrada na umalis na sa Malacanang.

4.

Sinuman ang nais maging pinuno ng bayan ay laging luhod sa mga pangkat na ito, kahit na si Ferdinand nuong una, ngunit hindi lamang sila inirapan, hinamon pa at ginapi ni Estrada. Sumubo ang baho nuong Oktobre 9, 2000, nang naghayag si 'Chavit' Luis Singson, governador ng Ilocos Sur at kainuman ni Estrada, na "nilagyan" niya si Estrada ng 8 milyon dolyar na suhol mula sa mga nagpapasugal ng jueteng, at mahigit 2 milyong dolyar na kurakot mula sa buwis sa tabako. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Pagkaraan ng 5 araw, nagbitiw ang Pangalawa [vice president] ni Estrada, si Gloria Macapagal Arroyo, sa tungkulin bilang kalihim ng Social Welfare and Development at sumama sa opposition. Wala pang 10 araw pagkahayag ni Governador Singson, nuong Oktobre 18, 2000, sinimulang usisain ng house of representatives ng Batasang Bayan [Philippine Congress] ang mga ulat ng suhol at pagkaltas sa buwis. Sa kalagitnaan ng pag-uusisa, nuong Nobyembre 2, 2000, tumiwalag ang maraming kinatawan [congressmen] at mga pinuno ng Batasan mula sa pangkat pampolitica ni Estrada, ang PMP o Pwersa ng Masang Pilipino [Power of the Filipino Masses] at nagbitiw sa tungkulin ang 6 kasapi sa kanyang cabinete. Isang buwan lamang mula nang magsuplong si Singson, nuong Nobyembre 13, 2000, naglabas ang mga kinatawan ng Batasan ng impeachment o paratang kay Estrada upang alisin siya mula sa pagka-pangulo. Nagsimula nuong Disyembre 7, 2000, ang paglitis kay Estrada ng mga senador sa Batasang Bayan, sa pamumuno ni Hilario Davide Jr., punong hukom ng Philippine Supreme Court sa mga paratang na:

1. Tumanggap daw si Estrada ng 8.5 milyon suhol mula sa mga nagpapasugal 2. Kumarakot daw si Estrada ng 2.7 milyon mula sa buwis sa tabako. 3. 4.
Hinuwad pa raw ang pahayag niya ng kita, upang makadaya sa pagbayad ng pansariling buwis Hinadlangan daw ni Estrada ang pag-usig sa kaibigan niya ng Securities and Exchange Commission sa salang pandaraya sa stock market Bawal sa Kasulatan ng Katauhan ng Bayan [constitution] ang magpayaman habang nanunungkulan, ngunit nagpayaman daw si Estrada

EDSA Na Naman! Erap's ouster is the people's will but Gloria is not the people's choice [Pasiya ng tao na alisin si Estrada ngunit hindi si Gloria ang kanilang nasa] - Karatula ng Sanlakas sa EDSA 2 Sana naman, wala nang EDSA Tres - Pangulo Cory Aquino, bulong kay Cardinal Jaime Sin nuong EDSA 2, Enero 20, 2001 NAPAG-ALAMAN nuong paglilitis sa Senado [impeachment] na kalahati lamang ng mga mamamayan ang sang-ayon na alisin si Joseph Ejercito Estrada mula sa pagka-pangulo ng Pilipinas kaya sinimulan ng opposition nuong Enero 17, 2001, ang araw-araw at gabi-gabing panawagan ng libu-libong mga taga-Metro Manila sa dambana ng EDSA, pinamunuan ng 2 dating pangulo, sina Cory Aquino at Fidel Ramos, ni Gloria Macapagal Arroyo, pang-2 pangulo [vice president], at ni Cardinal Jaime Sin, na nagsulsol sa mga tao, "Keep up the good work!" Nagwagi si Estrada sa Senado, barado na ang impeachment nuong Enero 16, 2001, ngunit, gaya ng nangyari kay Ferdinand Marcos, ang dati niyang kakampi, naging madulas ang lubusang tagumpay. Sa sumunod na 4 araw, maghapon at magdamag naglamay sa Malacanang si Estrada at mga kakampi kung ano ang dapat gawin upang masaway ang EDSA 2, ngunit gaya ng kanyang pamumuno sa pamahalaan, walang nagawa kundi napuyat. Samantala, panay ang sali sa kumpulan sa EDSA 2 ng mga pinuno ng pamahalaan na sunud-sunod nagbitiw ng tungkulin at nanawagang magbitiw na rin si Estrada. Umiral ang damdamin na walang tigil nang nawawarak ang pamahalaan ni Estrada, hanggang nuong Enero 19, 2001, ipinaalam ni General Angel Reyes, pinuno ng sandatahang bayan [chief of staff, Philippine armed forces], kay Estrada na kampi na ang hukbo sa opposition. Kailangan nang umalis si Estrada mula sa Malacanang. Kasama ang pamilya, alsa balutan si Estrada kinabukasan, Enero 20, 2001, matapos niyang lagdaan ang pagbibitiw na isinulat ng opposition para sa kanya. Pagkapananghali nuong araw na iyon, nagpanata ng tungkulin [oath of office] sa harap ni Hilario Davide Jr., punong hukom ng Philippine Supreme Court, si Gloria Macapagal Arroyo bilang kapalit na pangulo ng Pilipinas. Nanaig muli ang lakas ng bayan [people's power].

Subalit bayani pa rin ng mga mahirap si Estrada at, napatunayan man o hindi ang mga paratang sa kanya, marami ang naniwala na inalis lamang siya sa Malacanang dahil hindi niya sinunod ang mga kagustuhan ng mga mayaman, dahil patuloy niyang tinangkilik ang mga dukha. Bilang ganti, hindi nagtagal, ipinakita sa buong kapuluan na, may sala o wala, tinatangkilik pa rin ng madla si Estrada. Gloria Macapagal Arroyo: EDSA 2, EDSA 3... Ngunit ako ang Pangulo ng EDSA dos at EDSA tres... kaya ako narito, unang-unang humihingi ng tulong n'yo - Gloria Macapagal Arroyo, sa harap ng Kabataang Makabayan PINAKABANTOG na Pangalawa [vice president], 13 milyong boto ang tinanggap ni Gloria Macapagal Arroyo nuong halalan ng 1998, nang nahalal na pangulo si Joseph Estrada. Ipinanganak kina dating Pangulo Diosdado Macapagal ng Lubao, Pampanga, at Dr. Evangelina Macaraeg ng Binalonan, Pangasinan, nuong Abril 5, 1947, lumaking sanay sa politica si Gloria. Nanalo siyang senador sa kanyang unang pagkandidato nuong 1992 at tumanggap ng 16 milyong boto nang nahalal muling senador nuong 1995. Nuong pang-2 pagsi-senador unang naungkat ang pagkandidato niya sa pagkapangulo ng Pilipinas. Sa pag-usisa ng Asia Research Organization [Gallup] nuong Mayo, 1996, natantiya na tatalunin siya ni Estrada, Pangalawa nuon ni Pangulo Fidel Ramos, sa napipintong halalan ng 1998 kung tatakbo rin sina Senador Miriam Defensor Santiago at Senador Edgardo Angara. Sa usisa ring iyon, lumitaw na tatalunin ni Gloria si Estrada, kung hindi tatakbo sina Defensor at Angara. Nakatutukso, at maaaring nasa isip ni Gloria sa tanang pagkandidato at pagkahalal niya bilang Pangalawa nuong 1998 nang naging pangulo si Estrada, sa tanang panunungkulan niya bilang kalihim ng Social Welfare and Development sa pamahalaan ni Estrada, sa tanang pagbitiw niya ng tungkulin nuong Oktobre 12, 2000 at pagsama sa opposition sa kalampagan ng EDSA 2 nuong Enero 2001. Mano-mano, kaya niyang talunin si Estrada. May mga ulat na nagsamantala lamang si Gloria at sumabit-sabit lamang kina Cory Aquino, Fidel Ramos at Cardinal Jaime Sin upang mapansin bilang pampalit kay Estrada. Totoong hindi lubhang sumikat si Gloria nuong mga unang araw ng kalampagan muli sa dambana ng EDSA 2. Ang mga bantog nuon, maliban kina Aquino, Ramos at Sin, ay sina Hilario Davilde, punong hukom ng Philippine Supreme Court, si Joker Arroyo , kinatawan ng Batasang Bayan, at si Senador

'Nene' Aquilino Pimentel Jr., ang mga umusig kay Estrada sa paglilitis sa Senado [impeachment]. Ngunit maaaring nagkubli lamang si Gloria nuong mga unang araw, kaunting delicadeza, sapagkat may mga ibang ulat na si Gloria ang nagbuo ng pangkat-pangkat na lumaban kay Estrada sa EDSA 2. Mga ulat na higit kapanipaniwala, batay sa mga pangyayari nuong mga huling araw nito, nang si Gloria na ang nagmando sa mga parit-paritong pinuno ng mga nananawagan, sa mga tagamedia na naghayag ng mga nangyayari, sa mga sugong nakipagtawaran kina Estrada sa Malacanang. Siya ang nakipagkasunduan sa mga pinuno ng hukbong sandatahan [Philippine armed forces], ang huling tumiwalag na siyang nagpabagsak sa pamahalaan ni Estrada. Siya ang nagpasiya kung kailan ihaharap kay Estrada ang sulat ng pagbibitiw na isinulat para sa kanya ng opposition. Kung siya nga ang pinuno, o kahit isa lamang sa mga utak ng EDSA 2, dapat kilalanin na taginting siya sa politica, dapat magpugay sa husay niya sa pamamahala ng mga pangyayari. Dapat ding aminin, kung gayon nga, na matagal pa bago nangyari ang EDSA 2, matagal pa bago unang nagsumbong si Governador Luis Singson ng Ilocos Sur, marami nang kinausap si Gloria tungkol sa pagtanggal kay Estrada. Suriin, sa pag-antal ng paglilitis sa Senado, nawalan ng pagkakataon si Estrada na ipagtanggol ang sarili sa hukuman ng madla. At sa ingay ng EDSA 2, hindi rin nagkaroon ng pagkakataon na sumalungat ang mga tao sa kabilang panig, ang mga hampas-lupang tumangkilik kay Estrada sa kabila ng lahat nang nasabi at paratang sa kanya. Napakalinis ang pagpapaalis, napakawalang pigil ang sunud-sunod na tiwalag, napakaganap ang pagkatalo ni Estrada, napiit pa at nililitis muli, upang mapaniwalaan na ang lahat ay basta nangyari lamang o pinamahalaan ng marami. Totoo o hindi, mano-mano, kaya niyang talunin si Estrada. Nanaig man si Gloria, hindi rin naalis sa pagtatangi ng mga mahirap si Estrada, at makapangyarihan pa ang mga kakampi ni Estrada sa politica. Samantala, ang mga pangkat na nagkampihan sa EDSA 2 ay matamlay sa pagtangkilik kay Gloria, marami pa ang nagtampo nang, sa halip na maglinis sa pamahalaan, ibinalik niya sa kapangyarihan ang mga dating pinuno, waring bayad sa pagtulong sa pagtiwalag kay Estrada. Sa magkatuwang na mga dahilang ito, ang dapat asahang mangyari ay nangyari, nuong Abril 24, 2001, wala pang 100 araw pangulo si Gloria, nang dakpin si Estrada sa paratang ng pagdambong sa yaman ng bayan. Naghimagsik kinabukasan ang mga dukha ng Manila. Inaapi si Erap! Bagsak na, sinisipa pa!

Hindi na matiyak ngayon kung nauna ang mga kusang lumusong sa dambana ng EDSA upang umatungal o sumunod lamang sila sa mga inarkila ng mga alalay ni Estrada upang maghiyawan duon. Kahit sino ang nauna, kumapal ang mga tao sa EDSA at simbilis ng kidlat na sumali ang mga kalaban at mga napag-iwanan ng bagong pamahalaan ni Gloria. Nang nagpatuloy sa mga sunod na araw ang paghakot ng mga arkilado, ang paglusong nang kusa ng mga tao, ang pagsaliw ng mga naunsiyaming politico, nabuo, habang tanaw ng media na naghayag ng mga panawagan at atungal, ang kinatakutan ng dating Pangulo Cory Aquino, ang EDSA 3. Binale wala nuong una ng simbahang katoliko at ng mga pinuno at madla ng EDSA 1 at EDSA 2 ang mga naganap nuong Abril 25 - Abril 30, 2001, sa akalang matitigil kapag naubusan ang mga galamay ni Estrada ng salaping pang-arkila ng mga hinahakot na tao, ngunit nuong Mayo 1, 2001, sa udyok ng 2 senador, si Juan Ponce Enrile at si Miriam Defensor Santiago, lumusob ang ilang libong tao mula sa EDSA papuntang Malacanang. Kalahating araw nagsira ng mga nadaanang ari-arian, nanggulo sa mga lansangan, ginulpi ang mga taga-media na sumubaybay sa kaguluhan. Nayanig ang Metro Manila, iba nang mukha ang namasdan. Hindi na panggugulo na lamang ng mga arkilado, hindi na basta-basta agawan sa kapangyarihan ni Gloria at ni Estrada. Ito na ba ang aklasan ng mga mahirap, ang sukdulang haribas ng poot sa pagiging aba sa lipunan, sa kawalang pag-asa sa kinabukasan. Kalahating araw na lumaganap ang sindak sa mga nagkubli sa loob ng kanilang mga bahay, baka masunog ang lungsod, ang kanilang mga tahanan, baka maglaho ang kanilang trabaho, nang bigla at maganang sinagupa ng mga pulis at sundalo ang mga nanggulo, sinupil at pinatigil, pinaurong mula Mendiola at pinakalat pauwi. Walang napala ang mga dukha, nakapiit pa rin at inuusig si Estrada, ngunit nabalik ang katahimikan sa Metro Manila at naghari muli ang kalagayang gaya-nang-datiwalang-nangyayari dahil maagap na sinapo ni Gloria ang kanyang pamahalaan. Ipinadakip niya ang mga politico na matagal nang lumalabag sa batas. Inutos niya sa Kagawaran ng Paggawa at Lingkuran [DOLE, Department of Labor ang Employment] na ipagbawal na ang pag-arkila ng mga casual worker nang matigil ang pagsasamantala sa mga maghahanap-buhay at mawasto na ang kanilang sahod. Ipinangako rin ni Gloria na itutulak niya ang pag-sasaayos ng mga sakahan [land reform] pati na ang mga hacienda ng pamilya niya. Sa sunud-sunod na sigasig, maiglap na nakamit ni Gloria ang tiwala ng tao sa kanyang pamumuno sa pamahalaan ng bayan. Marami ang nagulat, sapagkat ilan-ilan lamang ang nakakaalam na dapat asahan ang mga nangyari, na likas ang kanyang kakayahan. Siya man o hindi ang namahala sa pagpabagsak kay Estrada nuong EDSA 2, tiyak naman na siya ang nagwagi sa EDSA 3. Ngayon, sana naman wala nang EDSA 4...

Mga Pangulo ng Pilipinas Unang Republica (Pamahalaang Mapanghimagsik / Panahong ang Pilipinas ay Sakop pa ng Espanya) Emilio F. Aguinaldo

Taon ng Panunungkulan: Nobyembre 15, 1935 - Agusto 1, 1944 (Namatay sa U.S.) Bise Presidente: Sergio Osmena Sr. (1936-1944) Kapanganakan: Agusto 19, 1878 Lugar: Baler, Tayabas Kamatayan: Agusto 1, 1944 Maikling Deskripsyon: Unang Presidente ng Pilipinas nuong panahon ng Commonwealth. Isang magaling na politiko, binabansagan siya sa tawag na “Ang Kastila.” Siya ang unang naging Presidente ng Senado. Ikalawang Republica (Pamahalaan sa Ilam ng mga Hapon) Jose P. Laurel

Unang Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: Hunyo 12, 1898 - Abril 1, 1901 Bise Presidente: Mariano Trias (1899) Kapanganakan: Marso 22, 1869 Lugar: Kawit, Cavite Kamatayan: Pebrero 6, 1964 Maikling Deskripsyon: Presidente ng Unang Republika ng Pilipinas. Isang pinuno na nakipaglaban sa mga Kastila at sa mga Americano para makamit natin ang ating kalayaan Panahon ng Commonwealth (Panahon ng Amerikano) Manuel L. Quezon Sergio S. Osmena Sr.

Ikatlong Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: Octubre 14, 1943 - Agusto 17, 1945 Bise Presidente: Wala Kapanganakan: Marso 9, 1891 Lugar: Tanauan, Batangas Kamatayan: Nobyembre 6, 1959 Maikling Deskripsyon: Siya ang Presidente nuong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng mga Hapon nuong ikalawang digmaang pandaigdig.

Ikalawang Presidente ng Pilipinas Ikaapat na Presidente ng Pilipinas

Taon ng Panunungkulan: Agusto 1, 1944 - Mayo 28, 1946 Bise Presidente: Wala Kapanganakan: Setyembre 9, 1878 Lugar: Cebu City, Cebu Kamatayan: Oktubre 19, 1961 Maikling Deskripsyon: Ikalawang Presidente ng Pilipinas noong panahon ng Commonwealth. Siya ang nagtatag ng Partido Nacionalista. Pinakamatanda sa mga naging presidente ng Pilipinas, sa gulang na 67. Ikatlong Republica (Kalayaan sa mga Amerikano) Manuel A. Roxas

Ikaanim na Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: Abril 17, 1948 - Disyembre 30, 1953 Bise Presidente: Fernando Lopez (1949-1953) Kapanganakan: Nobyembre 16, 1890 Lugar: Vigan, Ilocos Sur Kamatayan: Pebrero 29, 1956 Maikling Deskripsyon: Ikalawang Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Isang magaling na politiko at abogado, ang isa sa mga nagawa niya ay ang bigyan ng amnistiya ang mga miyembro ng Hukbalahap. Ramon F. Magsaysay Jr.

Ikalimang Presidente ng Pilipinas Ikapitong Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: Mayo 28, 1946 - Abril 15, 1948 Bise Presidente: Elpidio Quirino (1946-1948) Kapanganakan: Enero 1, 1892 Lugar: Roxas City, Capiz Kamatayan: Abril 15, 1948 Maikling Deskripsyon: Ikatlo at huling Presidente ng Pilipinas sa panahon ng Commonwealth (Mayo 28 - Hulyo 4 1946) at Unang Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas (Hulyo 4, 1946 – Abril 15, 1948). Isang magaling na abogado at politiko na nanungkulan lamang ng may dalawang taon dahil sa hindi inaasahang pagkamatay dahil sa atake sa puso. Elpidio R. Quirino Taon ng Panunungkulan: December 30, 1953 - March 17, 1957 (Died in a airplane crash) Bise Presidente: Carlos Garcia (1953-1957) Kapanganakan: August 31, 1907 Lugar: Iba, Zambales Kamatayan: March 17, 1957 Maikling Deskripsyon: Ikatlong Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Kinilala dalhil sa matagumpay na pagpuksa sa Hukbalahap, isang kilusang komunista. Idolo ng masa at tagapagtanggol ng kalayaan. Carlos P. Garcia

Ikawalong Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: March 23, 1957 - December 30, 1961(Assumed the remaining term and re-elected) Bise Presidente: Diosdado Macapagal (1957-1961) Kapanganakan: November 4, 1896 Lugar: Talibon, Bohol Kamatayan: June 14, 1971 Maikling Deskripsyon: Ikaapat na Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Kilala sa kanyang mga programang pangkabuhayan. Nakipagugnayan sya sa mga kalapit bansa natin dito sa Asya para sa kalakalan. Diosdado P. Macapagal

Ikasampung Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: December 30, 1965 - February 25, 1986 (The first to win 2 presidential terms) Bise Presidente: Fernando Lopez (1965-1972), Arturo Tolentino (1986) Prime Minister: Prime Minister Cesar E. A. Virata (1981-1986) Kapanganakan: September 11, 1917 Lugar: Sarrat, Ilocos Norte Kamatayan: September 28, 1989 Maikling Deskripsyon: Ikaanim at huling Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas (Disyembre 30, 1965- Disyembre 30, 1973) at nagiisang Presidente ng Ikaapat na Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1981 - Pebrero 25,1986). Isang abogado at politiko na nanungkulan ng mahabang panahon sa ilalim ng batas militar, at napababa lamang sa pwesto sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon.

Ikalimang Republica (Sa ilalim ng Bagong Constitusyon (Ang People’s Power)
Ikasiyam na Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: December 30, 1961 - December 30, 1965 Bise Presidente: Emmanuel N. Pelaez (1961-1965) Kapanganakan: September 28, 1910 Lugar: Lubao, Pampanga Kamatayan: April 21, 1997 Maikling Deskripsyon: Ikalimang Presidente ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Isang magaling na abogado, politiko, at ekonomista, siya ay ipinanganak sa isang mahirap na pamilya ngunit umangat sa lipunan dahil sa kanyang sipag, tiyaga, at katalinuhan.

Corazon C. Aquino

Ikaapat na Republica (Batas Militar, Ang Bagong Republica at ang Parliamentaryong Gobyerno) Ferdinand E. Marcos

Ikalabingisang Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: February 25, 1986 - June 30, 1992 Bise Presidente: Salvador H. Laurel (1986-1992) Kapanganakan: January 25, 1933 Lugar: Manila Kamatayan: Still Living Maikling Deskripsyon: Unang Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Siya ang unang babaeng presidente ng Pilipinas. Minana niya sa kanyang asawa ang pangunguna sa pagsalungat kay Ferdinand Marcos.

Fidel V. Ramos

Gloria Macapagal-Arroyo

Ikalabingdalawang Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: June 30, 1992 - June 30, 1998 Bise Presidente: Joseph Estrada (1992-1998) Kapanganakan: March 18, 1928 Lugar: Lingayen, Pangasinan Kamatayan: Still Living Maikling Deskripsyon: Ikalawang Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Ang kanyang programa ay nakasentro sa tinatawag na ‘Philippine 2000,’ na naglalayong iangat ang Pilipinas sa pagiging industriyang bansa sa taong 2000. Joseph E. Estrada

Ikalabingapat na Presidente ng Pilipinas Taon ng Panunungkulan: January 20, 2001 - Present Bise Presidente: Teofisto Guingona (2001-2004), Noli de Castro (2004-Present) Kapanganakan: April 5, 1947 Lugar: San Juan, Metro Manila Kamatayan: Still Living Maikling Deskripsyon: Ikaapat na Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Siya ay anak ng dating presidente, Diosdado Macapagal, at pangalawang babae na naging Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon.

Ikalabingtatlong Presidente ng Pilipinas
Taon ng Panunungkulan: June 30, 1998 - January 20, 2001 (Deposed by "People Power") Bise Presidente: Gloria Macapagal-Arroyo (1998-2001) Kapanganakan: April 19, 1937 Lugar: Tondo, Manila Kamatayan: Still Living Maikling Deskripsyon: Ikatlong Presidente ng Ikalimang Republika ng Pilipinas. Isang aktor at director sa pelikula na naging politico. Siya ay bumaba sa pwesto dahil sa nawalang tiwala sa kanya ng publiko matapos na sya ay maparatangan sa salang korapsyon.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->