You are on page 1of 5

Pamagat ng Pelikula: Anak

Pangalan ng Produksyon: Star Cinema

Pangalan ng Director: Rory B. Quintos

Tampok na mga Artista at ang kanilang karakter:

Vilma Santos -Josie Tess Dumpit - Norma

Claudine Barretto - Carla Cris Michelena - Arnel

Joel Torre- Rudy Hazel Ann Mendoza - Young


Carla
Baron Geisler - Michael
Daniel Morial - Young Michael
Sheila Mae Alvero- Daday
Gino Paul Guzman - Don Don
Amy Austria - Lyn
Jodi Sta. Maria - Bernadette
Cherry Pie Picache - Mercy
Odette Khan - Mrs. Madrid
Leandro Muñoz - Brian

Mga Katanungan

1. Ano ang ipinahihiwatig na ideya o kaisipan ng pamagat?


Ito ay isang Philippine film tungkol sa isang ina na nagbigay at
gumawa ng isang mas mabuting buhay para sa kanyang pamilya. ito
rin ay tumutukoy sa paghihirap ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa
ibang bansa.

2. Angkop ba o hindi ang pamagat ng istorya? ipaliwanag.


Angkop ang pamagat na Anak sa istorya dahil pinapakita nito
ang pagmamahal ng isang magulang sa anak. Sa maraming
pagkakataon, ang mga anak ay parating tinitaken for granted ang
kanilang mga magulang. Parati nilang iniisip ang sarili. Walang
pakialam kung ano ang mangyari sa magulang, basta lamang
nakukuha nila ang kailangan nila mula dito.
3. Ano ang puna mo sa iskrip ng pelikula? kapana-panabik ba?
ipaliwanag.
Nakita ko kung papano mahalin ng isang ina ang kanyang mga
anak. kapana-panabik ang bawat istorya dahil maraming mga eksena
ang nakakaiyak, minsan ay nakakatawa at minsan rin maraming
mapupulutan ng aral.
4. Makatotohanan ba ang paglalarawan sa mga tauhan? magbigay ng
halimbawa.
May ibang makatotohanan tulad nina Josie at Daday,
naramdaman ko talaga ang pagiging isang ina ni Josie sa katauhan ni
Vilma Santos, nahaplos niya ang aking puso sa kanyang
makatotohanag acting. Para bang siya mismo si Josie at para bang
nadanas niya ang nadanas ni Josie. Tunay na binigyang hustisya at
buhay ang tauhan ni V. Santos ang tauhang si Josie. Naramdaman ko si
Daday. Binigyang buhay niya ang isang bata na kahit matagal na hindi
nakita ang ina, ay mamahalin nito at pipiliting maging malapit sa ina.

5. Mahusay ba ang pagganap ng mga artista? ipaliwanag


Mahusay at walang pag-aalinlangan nilang ginampanan ang
iba’t-ibang karakter. binigyan nila ng tamang emosyon tulad na kung
paano magalit, umiyak at tumawa.

6. Ibigay ang tema ng pelikula. naipakita ba ang tema at ideya ng


pelikula? ipaliwanag
Ang pinakapaksa na nakita ko sa pelikula ay walang magulang
ang makakatiis sa anak o kaya naman ay gagawin lahat ng isang
magulang para sa kanyang anak. Una kay Michael, kahit siya ay
natanggal sa pagiging scholar, nagawa parin ito ni Josie na ito’y
intindihin at ipinagpatuloy sa pag-aaral. Lalo na nang si Michael ay
naglayas, napatawad na ni Josie si Michael bago paman ito humingi ng
tawad sa kanya. kitang-kita na kahit anong disappointment ang
ibinigay ni Michael kay Josie ay mahal at hindi kaya ni Josie na tiisin ito.
pangalawa ang sa kaso ni Carla. sa pagbalik pa lamang ni Josie sa
Pilipinas, pinapakita na walang pakialam si Carla. pati ng ipakita at
ibinigay ni Josie ang mga pasalubong niya kay Carla, hindi man niya
magawang kunin ito at magpasalamat sa ina. ang mga pagsuway niya
kay Josie, ang pagsagot niya dito, ang ilang beses niyang paglayas sa
bahay, na nagdulot ng sakit at kirot kay Josie, ang pinakamasakit sa
lahat ang hindi niya pagkilala kay Josie bilang ina. itong lahat ay
nagawang matiis ni Josie, kahit sobrang sakit ay nagagawa niyang
intindihin. napakita talaga kahit ano pa man ang gawin ng isang anak
sa kanyang magulang ay mamahalin at mamahalin niya ito hanggang
sa kamatayan.

7. Ang mga tauhan ba’y kumikilos at may pag-uugaling tulad ng


karaniwang nilikha? nagpakita ba ito ng kabutihan o kahinaan?
ipaliwanag.
Lahat ng karakter sa eksena ay nagpakita ng kanilang kabutihan
at kahinaan. tulad ni Josie, maraming kabutihan ang naidulot ni Josie sa
kanyang mga anak, kaibigan at kababayan. Ang naging kahinaan ni
Josie ay ang kanyang mga anak.

8. Wasto ba ang pagkasunod sunod ng mga pangyayari? ipaliwanag


Para sa akin ay maayos ang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari. Ang mga flashbacks ay hindi naging hadlang sa
magandang timeline ng istorya, dahil ipinakita ng maliwanag na ito ay
isang flashback. Ngunit, minsan ay may konting gulo sa flow ng kwento
dahil minsan ay mayroong unseen scenes ito ay mga senaryo na
kailangan nandoon upang hindi malito ang mga nanood. Ito ang mga
detalye ngunit sila ay wala sa pagkasunod-sunod ng pangyayari, kaya
sa nasa manonood na lamang ang desisyon kung ano nga ba ang
nangyari. Sa kabuuan, wasto naman ang pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari.

9. Kapani-paniwala bang nangyayari ang mga pangyayari sa mga


particular na tauhan? ipaliwanag
Oo, ang pagiging OFW ni Josie sa Hongkong- marami sa ating
mahal sa buhay ay mga OFW hindi lamang sa Honkong, ngunit sa iba
pang maraming bansa na maaring makapagbigay yaman sa
naghihikaos nating kababayan. Ang babae ang nagtatrabaho para sa
pamilya, tunay itong nangyayari. Pagmamaltrato ng mga dayuhang
employer kay Josie - madami na ring balita ang narinig natin ukol dito.
Minsan mas masahol pa nga ang ginagawa nila kaysa sa ginawa nila
kay Josie. Minsan pinagbubugbog, hindi pinapakain, hindi pinapasweldo
at iba pang makahayop na Gawain. Ito ay tunay na nangyayari sa
tunay na buhay. Pagkakaroon ng kalaguyo ni Lyn sa Hongkong-
Madalas nangyayari ang kasong ito, pero ito ay tunay sa ating buhay.
Dahil sa pangungulila nila sa minamahal, naghahanap sila ng kapalit
na magbibigay pagmamahal sa kanila. Ang pagkawala ng scholarship
ni Michael dahil sa pag-ibig. Bumababa ang kanilang marka dahil wala
nang inisip kung hindi ang pag-ibig. Pagrerebelde ni Carla sa ina- ang
palaging problema ngayon ng mga mayayaman ay kung paano
papaamuhin ang mga anak. Dahil sa puro trabaho na lamang ang
iniisip at wala nang oras para sa anak ay nagiging malayo ang loob nila
sa kanilan mga anak. At ang mga anak nila ay nagrerebelde upang
mapansin ng kanilang mga magulang. Ang pag-papaabort ni Carla-
madami sa mga kadalagahan ngayon ay nabubuntis sa murang edad,
dahil hindi nila kayang pangalagaan ang magiging anak nila, Ang
ginagawa nila ay pinapa-abort ito upang wala silang magiging
problema. Ang pagiging mabisyo ni Carla- sa panahon ngayon, kahit
ang mga babae ay nagkakaroon na ng mga bisyo kasing sahol ng sa
mga lalake. Ang mga kabataan sa Maynila ay maraming bisyo dahil sa
peer pressure at upang mapatay ang oras o kaya naman upang
takasan ang sari-sariling problema.

10. Maayos ba ang dayalog? ipinakikita ba sa pamamagitan ng pagsasalita


ang kanilang katauhan? ipaliwanag.

Maayos ang mga dayalog ng bawat karakter. naipadama nila sa


pamamagitan ng pagsasalita kung ano ang dapat at bagay na
emosyon ang gamitin sa bawat eksena at linya na kanilang binabasa.

Proyekto sa Filipino

Pagsusuring Pelikula
ANAK
ipinasa kay:

Gng. Ma. Rosella D. Saavedra

ipinasa ni:

Dione Lei Requina

petsa

November 3, 2009

You might also like