P. 1
SIKOLOHIKA

SIKOLOHIKA

|Views: 1,207|Likes:
Published by api-19625897

More info:

Published by: api-19625897 on Nov 25, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/18/2014

pdf

text

original

SIKOLOHIYA

Abstrack
Maraming taong may kasiraan sa pag-iisip ang kadalasa’y pinangingilagan ng mga tao dahil ang alam nila ay nananakit ang mga ito. Tama rin naman ito dahil may mga kaso ng mental disorder na katulad nito. Subalit, dapat nating malaman na hindi lahat ay ganito. Hindi rin ito nakakahawa ngunit ito ay namamana. Maaari rin itong maging resulta ng mga di-kanais-nais na mga pangyayari sa kapaligiran.

Ang pag-aaral na ito na pinamagatang “Mental Disorder,” namamana o nakukuha sa kapaligiran ay binuo upang matugunan ang layunin nito na alamin kung alin ba talaga sa dalawa ang pinagmumulan ng sakit na ito. Kasama rin sa sinaliksik ng grupo ay ang mga salik at perspektibo ukol sa mental disorder. Ang mga lunas para dito ay tinalakay rin at binigyang kasagutan ng mga mananaliksik. Naging batayan ng pag-aaral na ito ang teorya ni Wrightsman tungkol sa mga posibleng dahilan ng mental disorder tulad ng genetic factor, bayokemikal na iregularidad, discernible family patterns at iba pa, sa kabuuan ay parehong ang heredity at kapaligiran ang tinutukoy.Itinuturing ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito bilang kontribusyon sa lipunan, para sa ikalalawak ng kanilang pang-unawa sa mga taong nakararanas ng ganitong karamdaman. Ang pag-iwas sa ganitong karamdaman ay possible rin na tulad ng

1

isinasagawa ng PMHA. Ang iba’t ibang pamamaraan ng paggamot dito ay iniisi-isa rin sa pag-aaral na ito. Ang mga mananaliksik ay sumipi ng ilang impormasyon mula sa kanilang iba’t ibang mapagkukunan tulad ng aklat at web site. Ang pag-aaral ay binibuo ng introduksyon, bakgrawnd ng pag-aaral, balangkas teyoretikal, paglalahad ng layunin at suliranin, kahalagahan ng pagaaral at sakop at delimitasyon ng pag-aaral para sa unang bahagi. Sa ikaliawang bahagi naman ay ang kaugnay na pag-aaral at ang pangangalap ng datos sa ikatlo. At sa huli naman ay ang natuklasan, kongklusyon at rekomendasyon. I. Panimulang Sandigan/Batayan ng Pag-aaral A. Layunin 1. Alamin kung ano ang mental disorder a. Kahulugan at mga sintomas nito b. Iba’t ibang uri nito c. Paraan ng pagdadayagnos sa taong may ganitong sakit 2. Alamin ang bagay tungkol sa pagkakaroon ng mental disorder a. Salik na nakaaapekto sa pagkakaroon nito b. Paano ito nalulunasan sa tulong medisina 2

c. Paano ito nalulunasan sa tulong ng mga tao sa kapaligiran 3. Alamin ang mga karaniwang nagkakaroon ng mental disorder a. Batay sa edad b Batay sa antas sa lipunan k. Batay sa kasarian 4. Alamin ang iba’t ibang prospektobo ukol sa mental disorder a. Ang mga prospektibo b. Tungkol saan ang bawat isa 5. Alamin kung paano ito maiiwaan a. Mga paraan para maiwasan ang ganitong sakit B. Suliranin 1. Ano ang mental disorder at ang mga sintomas nito? 2. Ano ang iba’t ibang uri/kategorya ng mental disorder? 3. Paano dinadayagnos ang ganitong sakit? 4. Nasa anong edad ang kadalasang nagkakaroon ng mental disorder?

3

5. Sa aling antas ng lipunan nabibilang ang mga kadalasang nagkakaroon nito? 6. Sino ang kadalasng magkaroon ng sakit sa pag-iisip, babae o lalaki? 7. Anu- ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagkakaroon ng mental disorder? 8. Paano nalulunasan ang mental disorder gamit ang medisina? 9. Paano nalulunasan ang mental disorder sa tulong ng mga taong nakapaligid sa kanya?

10. Anu-ano ang mga prospektibo ukol sa mental disorder? 11. Tungkol saan ang bawat isa? 12. Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng mental disorder? C. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay sinadya ng mga mananaliksik na mag-pokus lamang sa mga pangunahing klasipikasyon ng mental disorder. Bagama’t nagbigay ng pahapyaw na pagyalakay ay nagpokus lamang ito sa mismong mental disorder at hindi na pinalawak pa ang tungkol sa pangalawa at iba pang mas ispesikong klasipikasyon nito.

4

Tinalakay rin dito ang mga iba pang impormasyon tulad ng mga salik na nakaka-apekto sa pagkakaroon ng isang tao ng sakit sa pag-iisip at siyempre, ang mga lunas para dito. Kasama rin sa pag-aaral na ito ang ilang mga impormasyong nakuha nila mula sa Philippine Mental Health Association (PMHA), East Ave., QC. Ito ay upang maibigay ng mga mananaliksik ang mga pamamaraang aktwal na ginamit o ginagamit ng isang institusyong gumagamot ng ganitong karamdaman. Dahil sa maselan ang paksang ito, may mga institusyong hindi naglalabas ng ganitong mga impormasyon ukol sa kanilang mga pasyente at magbibigay naman sila ay pili limitado lamang. D. Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang magbahagi ng ilang impormasyon tungkol sa mga sakit sa pag-iisip. Nais ng mga mananaliksik na ipaalam sa mga tao na kahit sino ay maaaring magkaroon ng mental disorder. Ipinaliliwanag din ng akdang ito na ang mga sakit sa pag-iisip ay hindi nakakahawa. Mahalaga ang pagaaral na ito upang ipaalam sa lahat ang mga karaniwang sanhi ng mental disorder upang kahit na papaano ay maiwasan ito o kung hindi man ay magbigay babala sa tao ukol sa pagkakaroon ng mental disorder. Mahalaga din higit sa lahat ang pag-aaral na ito upang maipabatid sa lahat na ang mga may sakit sa pag-iisip ay dapat na unawain at hindi layuan dahil ito ay maaaring maging dahilan ng higit na pagkakasakit ng mga pasyente. Gayundin ay

5

maikalat sa lahat na ang mental disorder ay nagagamot at hindi ito dapat katakutan. E. Metodong Ginamit Sa pangangalap ng mga impormasyon ukol sa pag-aaral at mga datos para sa suliranin, sumipi ang grupo ng mga ilang impormasyon mula sa web at sa ilang aklat tungkol sa sikolohiya. Ang mga pagpapakahulugan ng ilang mga dalubhasa ay sinipi rin ng grupo upang mapunan ang impormasyong sasagot sa mga suliranin. Sinuri rin nila ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang aspektong tinatalakay at ang mga pagkakaugnay nito. Iniisa-isa ang mga datos na ito at isinaayos ng ayon sa pagkakasuno-sunod o kahilingan sa pag-aaral. F. Balangkas Teoretikal Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng (Theory on Causes of Mental Disorder) o Teorya ng Pinagmulan ng Mental Disorder ni Wrightsman. Nabanggit sa teoryang ito na ang mga posibleng dahilan ng mental disorder ay ang mga genetikong salik, iregularidad sa bayokemikal na proseso sa katawan, mga gawi na nakikita sa pamilya, personality o katangian ng pasyente o ng ina ng pasyente at iba pa. Ipinapaliwanag ng teoryang ito na ang pinalapangunahing salik ng pagkakaroon ng mental disorder ay ang pagmamana at ang mga pangyayaring nagbibigay ng presyur ay istres.

6

Samakatuwid, ang pagmamana at ang kapaligiran ay parehong may mahalagang papel na ginagampanan sa buhay ng tao na nag-aambag din para mahubog sa ating sarili ang ilang mga katangian o maging mga karamdaman.

Introduksyon
Maraming karamdaman ang umiiral sa ating bansa, karaniwa’y aspetong pisikal ang apektdo o di kaya nama’y ang mga organ sa loob ng ating katawan. Ilan sa mga kinakatakutan at iniiwasan natin ay tuberculosis, diabetis, tigdas, lalo na ang katulad ng AIDS, SARS at ang napapanahong Bird Flu. Halos lahat tayoay may sapat na kaalaman sa mga sakit na ito. Nalalaman natin ang mga pinagmumulan nito, ang maaring lunas sa mga ito at kung paano anjg tamang pagaalaga sa taong maysakit. Ngunit dapat rin nating malaman na hindi lamang ang loob at labas ng ating katawan ang dapat na pinag-iingatan.. dapat din nating bigyang pansin ang ating bahaging mental ng ating pagkatao/ ang atig utak o pagiisip. Kung hindi maayos ang kalagaan ng ating utak , maaapektuhan rin ang ang ating buong katawan at gayundin ang ating emosyon. “Mental disorder”, ito ang terminang gianagamit bilng pangtukoy sa kapansanang nakakaapekto sa mga ideya, mula sa simpleng pagkabahala hanggang sa sa malalang sitwasyon na nakakapinsala sa kakayahan ng taong may sakit nito. Bagamat alam natin ang kahulugan ng sakit na ito, karamihan sa atin ay walang sapat na kaalaman ukol ditto. Ibat-ibang konklusyon ang pinaiiral ng karamihan. Kinakakatakutan, iniiwasan at kung minsa’y kinukutya pa ang mga

7

may ganitong karamdaman. Gayundin, nagkakaroon ng mga pagtatalo ukol sa pinagmulan o sanhi ng sakit na ito. Sa pananaw ng iba , ang sakit na ito’y namamana ngunit para sa ibang tao, ito’y bunga ng mga di-kanais-nais na pangyayaring nararanasan o ang kanyang nakikita sa kapaligiran. Kung ang sanhi ng mga sakit na tio ay hindi natin maliwanag na malalaman, paano pa natin ito mabibigyan ng nararapat na lunas? Kaya sa pagaaral na ito, pinagsikapang ng mga riserter na mailahad ang mahahalagang impormasyon ukol sa sakit sa pagiisip nang sa gayon ay mabatid ang lahat ng kasagutan sa mga na naglalaro sa ating isipan ukol sa sakit na ito. A. Anxiety disorder/ pagkabalisa (Ansayti Disorder) Ito ay nangangahulugang sobra sobrang pangamba at takot. Ang mga taong may ganitong paguugaliay kadalasang nakaranas ng maraming pangamba sa buhay at walang kasiguraduhan sa mga nangyayari sa kanyangbuhay. Ang “phobia” ay nangangahulugang pagkatakot sa isang ispesipikong bagay, sitwasyon o aktibiti. Ang pagpapanik ay isang uri ng pagkabalisa kung saan ang tao ay nagiging padalo dalos at biglaan ng lang pagkatakot at ang palatandaan nito ay mabilis natibok ng puso at kahirapan sa paghinga. Ang nmga taong mayroon “obsessive – compulsive disorder” ay nakakaranas ng pagka obsess sa isang bagay, ideya o imaheo kaya naman ay nagkakaroon ng matindi hangarin na maisagawa ang isang gawain . kapag naman ang isang tao ay may “past

traumatic stress disorder” muling bumabalik sa isipan niya ang tromatikong

8

nangyayari sa kanya kapagsiya ay nasa katulad na sitwasyon at kasabay nito’y nakakaramdan\m siya ng kaba, pangamba o malubhang pagkatakot. B. Mood Disorder Ang mood disorder, tinatawg ding apektib disorder (affective disorder) ay lubhang nakakaapekto sa aspetng emosyonal ng buhay ng tao. Ang mga halimbawa nito ay deoresyon, mania o labis na pagkahilig sa isang bagay at Bipolar disorder o manic depressive illness. Ang mga sinomas ng depresyon aty pagkamalungkutin , lagging nawawalan ng pagasa at itinuturing ang sarili na walang kwenta. Ang pananakit ng katawan pagbabago-bago ng dami ng kinakain o apetayt, oras sa pagtulog at paminsan-minsang panghihina ay palantandaan dion ng depression kabaligtaran ng depresyon ay mania at sa kalagayang ito, ang ibidibidual ay nagbibigay ng labis na pagpapahalaga sa kanyang sarili, nagiging OA (over reacting) nakakaranas ng pagkainita, sobra eksayti at kaunting oras ng pagtulog. Ang bipol disorder naman ay pinaghalong mania at depresyon. Ito ang dahilan kung bakit nag iiba iba ang moon ng isang taong mayroon nito, mionsang sobrang masigla at minsan naman ay sobrang lungkot.

C.

“Schizophrehnia at paranoia”

9

Ang taong may Schizophrehnia ay tila napapalayo sa realidad. Ang sintomas nito ay kinabibilangan ng paghahalusunasyon, mga maling paniniwala, hindi maaayos na pagiisip at pagsasaslita mga kakaibang kilos at paguugali hindi pakikisama sa ibang tao at parang walang emosyon. Hindi rin nila

nagagampanman ng maayos ang kanilang tungkulin at nawawalan sila ng kakayahang maisagaw aang mga gawain sa lipunan at nawawalan sila ng kakayahang maisagaw ang mga gawain sa lipunan, sa trabaho o sa eskwelahan. D. Personaliti disorder Ang personality disorder ay isang sakit na nakakaapekto rin sa ating utak. Kung saan ang isang tao ay hindi nakagagawa ng maayos sa anumang aspeto. Dahil ilang mga persepyon sa kanilang sarili o maging sa ibang tao. Sila ang mga taong halos walang tiwala sa sarili, maiksi ang pasensya, madalas na masangkot sa gulo at maling emosyonal na pagtugon. E. Kognitib disorder Ang pagkabaliw ay maituturing na isang uri ng kognitb disoreder kung saan ang tuluyang nawawala ang maayos na pagiisip. Ang mga palatandaan nito ay mahinang memorya, kahirapan sa pagsasalita o di maayos na pakikipagusap, kahinaan sa abstrak na pagiisip at kawalan ng kakayaahng matukoy ang mga pamilyar na bagay. Ang mga ganitong sitwasyon ay karaniwang resulta ng maling paggamit o pagaabuso sa mga gamut o kaya naman ay paggamit ng lason. F. “Dissociative behavior” 10

Ang dissociative disorder ay kinabibilangan ng mga sakit na nakakaapekto sa persepsyon, kamalayan, mga akala at identidad ng isang tao. Nakahanay sa kategoryang ito ang amnesia na walang dulot sa pisikal ng katawan, “dissociative identity disorder” kung saan ang isang tao ay mayroong 2 o higit pang magkakaibang katauhan o karakter na naghahalinhinan “de personalization” pagkkkakaroon ng pakiramdam ng pagkakahiwalay o pagkalayo sa sariling katawan o pagiisip at “disssociative fugue” kung saan biglang nawawala ang memorya kasabay ng biglaang pagalis o paglayo sa bahay o trabaho. G. “Somatoform Disorder” Ang salitang ito ay nagmula sa salitang

Griyegong soama na ang ibigsabihin ay katawan. Ang somatoform disorder ay may mga pisikal na sintomas na hindi maipaliwanag sa pamamagitan ng medisina o kondisyong mediakl at ng iba pang sakit sa utak. Dahil ditto ipinalagay na lang ng mga pisiyan ng ang mga sintomas na ito’y sanhi ng problema sa spykolohiyang na aspeto. Ang halimbawa nito ay “conversion disorder” na tinatawag din na histerya kung saan ang isang tao’y maaring makaranas ng pag pagkabulag o pagkabingi pero (hindi naman matykoy ng pisisuan) wala naming kahit anong diprensya sa mga organ na apektado. Ang mga tao naming may “hypochondriasis” isa pang uri ng somatoform disorder, ay natatakot na ang simpleng sakit nila mauuwi sa malubhang sakit at pinagkakamalian nila na ang simpleng pisikal na sintomas ay ebidensya ng mga sakit na kinakatakutan. H. “Factitous Disorder”

11

Ang mga taong may factitous disorder ay guamagawa ng paraan para makapagprodyus o makapagpakita ng pekeng sintomas ng sakit para mabigyan ng medical na atensyon at pagaalaga. Halimbawa ang isang tao ay maaaring magsinungaling na kinakapos siya ng hininga para maadmit siya sa ostpital, magtatakang magpakamatay para makaagaw ng atensyon o kaya nama’y maglagay ng dugo sa ihi para masabing may sakit siya I. “Subtance-related disorder” Ang Subtance-related disorder ay sanhi ng pagaabuso sa droga, mga side effect ng medikasyon at eksosyun sa nakakalasong kemikal. Nabibilang sa kategoryang ito ang pagkasugapa sa alak ay sa bawal na gamut. Bilangh karagdagan ang paggamit ng mga gamut ng iba pang mental disorder tulad ng depresyon, ansayti at saykosis. Ang mga gamut na mauugnay sa substancesrelated disorder ay caffeine, nikotina, cocaine,heroin, ampetamina, hallucinogen at seduktib. J. “Organic mental disorder” Kabilang nito ang mga karamdamang na ang sikolohikal na sintomas ay direktang may kaugnayan sa pinsala sa utak o abnormalidad sa bayokemikal na kapaligiran maaring magresulta sa pagtanda, malalang karamdaman sa nervous system o pagkalason. (halimbawa, pagkalason sa “lead” o labis na pagkalulong sa alcohol.). K. “Psychosexual disorder” 12

Kabilang

ang

mga

problema

identidad

ng

kasarian,

paraan

ng

pakikipagtaliksekswal na layunin. Ang pagiging “homosexual” ay ikinokonsider bilang isang kapansanan kung saan ang isang indibidwal ay hindi marunong makuntento sa kanyang sariling kasarian at hinahangad na ito ay mabago o baguhin pa. L. Eating disorder Ang eating disorder ay sakit na nararanasan ng isang tao na lubhang nakaapekto sa taman pagkain niya. Ang mga taong may “anorexia nervosa” ay mga taong may malaking takot na madagdagan ang kanilang timbang at inaayawan din nila ang pagkain ng tama o maging panalitilin ang normal na bigat ng tao. Ang mga may “bulimia nevosa” naman ay ang paulit ulit na kumakain pero kasunod ay pamimilit sa sarili na mapasuka para mailabas ang kinain. Kung minsan ay ginagamit sila ng laxatives o dairetics at iba pang gamut para mapigilan ang pagtaas ng timbang. Ang eating disorder ay madalas na nararnasan ng mga batang kababaihan sa kanlurang asya ay mangilan ngilan naman sa ibang bansa pa ng asya. M. Impulse-control disorder Kadalasang hindi nakakaiwas sa mga bayolenteng pangyayari ang mga impulse central disorder dahil hindi nila makontorl ang kanilang sarili at ito’y itinuturing na sakit. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang sobrang pagkagalit o pagkamagagalitin, di mapigilang ng sakit sa pagiisip, tulad ng mania,

13

Schizophrenia at personality disorder ay ang mga sintomas ng kawalang kontrol sa sarili.

Pagkalat (prebalens)
Ang mental illness ay nakakaapekto sa tao ng anumang edad, lahi, kultura , at soso-ekonomikong grupo. Ang pagkalat ng mental illness ay nakabatay sa bilang ng taong nakaranas nito sa isang espesipikong panahon. A. Estados Unidos at Ang buong mundo Sa Estados Unidos tinatayang may 24% ng taong may edad 18 pataas o 44 milyong katao ang nakaranas ng mental illness o iba pang sakit sa pagiisip,

mayroong 2.6 na porsyento naman ng matatanda o 4.8 miyong tao ang nagdudusa sa mental illness tulad ng schizophrenia, bipolar disorder o iba pang uri ng depresyon o panic disorder. May karagdagang 2.8 porsyento o 5.2 milyong tao ang nakaranas ng mental illness na tuluyang sumira s akanilang pang araw-araw na pamumuhay. Hindi nabibilang sa mga ito ang mga taong walang tirahan, nakakulong , at nasa pagamutan. Ipinakita naman sa internasyonal na surbey na may 30% hanggang 40% ng tao sa isang populasyon ang nakaranas ng mental illness. Sa mga surbey na ito na ang pagkabalisa ay mas madalas maranasan kaysa depresyon. B. Sa mga Bata, Dalaga ,at Binata

14

Sayantipikong Pagtuklas Kagustuhang pumayat! Ang anorexia nervosa ay isang uri ng seryosong sakit na may kianalamn sa pagkain. Ang sakit na ito ay nakikita na ginugutom ang sarili ay nagiging pangkaraniwan na ngayon sa mga dalaga at may sakit. Ang ganitong sitwasyon ang siyang nagpapahirap sa tuluyang pagagamot ditto. Ang di maayos na pagkain (eating disorder) tulad ng anorexia nervosa at bulimia nervosa ay malimit mangyari sa mga dalaga. C. Sa Mga Nakatatanda: Sa mataas na bilang ng mga matatandang may edad 65 pataas , ang problema ng mental illness sa mga matatanda ay lalong tumaas. May estimasyon na 15% hanggang 25% ng matatanda ang may sintomas ng mental illness.

Dementia, kilala bilang pag aalinlangan(confusion), pag kawala ng memorya at kakulangan ng impormasyon (Disorientation), sa mga nakakatanda sa pagaaral ng mga residente ng Boston, Massachusetts Napag-alamang 10 porsyento ng matatandang may edad65 pataas ang may Azhaimer’s disease, pinakakilalang uring Dimentia. Natuklasan naman s China na 4.6 porsyento ng taong may edad 65 pataas ay may ganito ring sakit. May 1 hanggang dalawang porsyento lamang ng matatandang nasa komunidad (edad 65 pataas) ang nakararanas ng mental illness kaysa sa nasa ospital at iba pang

15

institusyon. Mas mataas ang bilang ng matatandang nasa pagamutan ang sumasailalim sa depresyon at mental illness. Kahit na karamihan sa matatanda ang nagpapagamot kaugnay ng sakit na ito, marami pa rin sa kanila ang hindi pa nadadala sa pagamutan, sa Estados Unidos, depresyon din ang pinakadahilan ng tangkang pagpapakamatay ng mga matatandang may edad 65 pataas. D. Sa Mga Mahihirap: Tulad ng sakit sa pisikal na pangangatawan, mataas din ang bilang ng mga taong mahihirap na nakararanas ng mental illness. Bumababa ang bilang ng mental illness tuwing tumataas ang lebel ng sahod at edukasyon. Sa isang nasyonal surbey noong 1994 sinasabing ang mga taong may mataas na sahod ay hindi gaanong nakararanas ng mental illness kaysa sa may mababang sahod. Ang kahirapan ay nakadaragdag sa dahilan ng pagkakaroon ng mental illness, sa kabuuan, ang pagkakaroon ng ganitong sakit ang siyang lalong nagpapahirap sa tao. E. Sa Mga Lalaki’t Babae Sa kabuuan ang pagkalat ng mental disorder sa lalki’t babe ay pareho lang. Subalit ang mga lalaki ay may mas mataas na porsyento pagdating sa antisocial personality disorder. Sa Esatdos Unidos, mas marami ng dalawang beses ang bilang ng mga babae, kaysa lalaki, ang nakararanas ng depresyon. Mas malalaki ang agwat ng bilang na ito sa iba pang mga bansa. F. Pagbabago ng Antas ng Mental Illness 16

Ang mental illness ay nagiging problema sa dalawang dahilan: Una, ang pagtaas ng ekspektasyon sa buhay ay nagpapataas din ng bilang ng matagalang sakit sa pag-iisip. Halimbawa, dahil sa mga taong nabubuhay pa rin sa nakaraan, marami sa kanila ang dumaranas ng dementia. Pangalawa, ilang pag-aaral ang nagpakita ng pagtaas ng bilang ng maysakit na depression sa buong mundo. Ang ilan sa mga rason nito ay maaaring ang pagbabagong ekonomiko, political at problemang sosyal pati na rin ang pagkabulabog sa Kultura. Kahit na kinukwestiyon ito ng iba, mabilis pa rin ang pagtaas ng bilang ng may mental illness. Ayon pa sa United Nations of High Commissioners for Refugees, ang bilang ng mga refugees ay lalong tumataas sa pagdaan ng panahon. Malalang mental disorder ang nagpapahirap sa buhay ng tao. Ang mga taong may mental disoder ay nakararanas ng mga sintomas na maaarng

makapagpababa sa kanila dahil hindi sila makapagtrabaho, makapag-aral, o mamuhay ng gaya ng ordinaryong tao. Ilan sa mga may sakit na ganito ay kinakailangang manatili sa ospital dahil hindi nila kayang alagaan ang sarili at maaaring mauwi sa pagkamatay. Ang sintomas ng pagkakaroon ng mental disorder ay maaaring makapagalala sa atin. Ang mga taong nagkaroon ng schizophrenia ay nakaririnig ng mga boses sa loob ng utak na nagsasabi ng hindi kanais-nais na bagay tungkol sa kanila o nag-uutos sa kanila na gawin ang isang bagay na kakaiba. Maaari silang makatranas ng Paranoia, ito ay ang paniniwala na lahat, kasama na ang malapit mong pamilya ay gusto kang mapahamak o masira.Ang mga taong nakararanas ng

17

depresyon ay naiisip na walang mangyayaring maganda sa kanila at patra sa kanila, ang buhay ay nakakadismaya at punaong lungkot at pasakit kaya sinasabing mabuti pang mamatay na lang sila. May mga taong mabilis magpanik(panic disorder), sila yung mga taong nakararanas ng mabilis na pagtibok ng puso, mabilis na paghinga at pag-aalala na nauuwi sa takot na nagiging dahilan ng di pag-alis ng bahay. Ang mga taong nakararanas ng obsesyon(mania), ay maaaring mahumaling sa sex o paggastos ng pera na sa huli ay maaaring maging sanhi ng pagdamdam sa nagawang mali, hiya at pagiging desperado. Ang iba pang mental disorder ay hindi sa lahat ng oras ay nakakapanghina o may kaakibat na problema sa buhay. Ang mga taong may personality disorder, kapansanan sa karakter bilang isang tao, ay nakararanas ng kalungkutan at pagiisa dahil sa kanilang personalidad sa pakikipagrelasyong sosyal. Ang mga taon may kapansanan sa pagkain(eating disorder), ay iniisip na ang timbang at itsura nila na nagtutulak sa kanila na iduwal ang pagkain o huwag na lang kumain. Ang ilan sa mga taong nakararanas ng trauma o matinding takot(post-traumatic disorder), ay nagiging magagalitin, nakakakita ng pangit na alaala at magulong konsentrasyon. Karanasan sa pagkakaroon ng mental disorder ay madalas iba, depende ito sa kultura at grupong sosyal na kinabibilangan ng tao. Halimbawa, halos lahat sa di kanluraning bansa, ang mga taong may depresyon ay nagsasabi ng mga pisikal na karamdaman gaya ng panghihina, kulang sa tulog, walang gana at iba pang

18

pisikal na sakit. Maging sa hilagang Amerika ay ito rin ang usapin. Ngunit sa U.S. at iba pang jkanluraning sosyedad and mga nakararanas ng depresyon. Ayon sa mga propesyunal, kailangan itrato ng maayos para mas maintidihan ang mga problemang sikolohikal gaya ng kalungkutan, pagkakaramdam, at kawalan ng pagasa. Sa tamang panggagamot, ang lahat ng taong may mental disorder ay makakarekober at maibabalik ang kanyang normal na buhay. Maging sa mga may matatagal nang sakit ay maaaring matuto at maging produktibo ang kanilang buhay.

Mga pag-uugali tungkol sa Mental Disorder
Karamihan sa lipunan na nagkakaroon ng mental disorder ay nagdadala ng tanda ng kahihiyan. Sinasabing ang pagdadala ng sariling sakit o problemang isinisisi kung bakit nagkakaroon ng mental disorder at sinasabi naman ng iba na sila ay biktima ng masamang kapalaran, sobrang relihiyoso at makasalanan o

pagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan. Sa ganitong mga panghuhusga, ang pamilya ay maaaring itago ang katotohanan na ang isa sa kanilang miyembro ay may mental disorder. Ang ibang pamilya ay maaaring itago o protektahan ang kanilang mga miyembro na may mental disorder. Ang pagtatago sa isang taong

19

may sakit ay mas makakatanggap ng epektibong pangangalaga at maaari nilang itakwil ang miyembro na may mental disorder. Kapag dumami ang ganitong klase ng tao sa lipunan, ang ganitong pag-uugali ay patungo sa kakulangan ng pondo para sa mental Sa na pegbeberbisyo ang at pagkakaroon ng ng kakulangaqn disoder sa ay

pangangalaga.

kasalukuyan,

pagkakaroon

mental

kadalasang ikinukulong o dinadala sa hindi disenten at hindi makataong ospital. Sa kabila noon, ang mga pag-uugali tungkol sa mental disorder ay nagkakaroon ng pag-unlad sa maraming lugar lalo na sa edukasyong pangkalusugan at

panghihimok sa mga taong may mental disorder.

PAGTATRATO
Ang pagkakaroon ng mental disorder ng isang tao ay madalas na nagbibigay ng kakaibang pagtrato mula sa lipunan. Karaniwan sa kanila ay nilalayuan at sinisisi sa kanilaqng taglay na sakit, kung hindi naman ay kinakaawaan bilang mga biktima ng masamang kapalaran, relihiyon at pang-aabuso. Ang mga ganitong sitwasyon ay nagtutulak para sa pamilya ng biktima na sila ay itago mula sa nakararami o hindi kaya ay ikaila na isa sa kanila. Ang porsiyento ng pagtrato at pangangalaga sa mga ito ay patuloy na tumataas. Halimbawa ng mga ito ay ang pagkulong, paghihiwalay at pagtatapon sa kanila sa mga hindi disenteng ospital. Ngunit sa pagtagal-tagtal ng panahon, ang pagkakaroon ng kaalaman sa tamang pangangalaga sa mga may mental disorder ay nabigyan ng dagdag na atensiyon sa ibat ibang lugar.

20

Ang pagkakaroon ng mental disorder ay may malaking kinalaman sa ating lipunan at ekonomiya. Ang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng depresyon sa mahigit 500 tao sa mundo, ang resulta nito ay malaki kumpara sa mga Chronic disis tulad ng diabetes at arthritis.

PAGGAMOT
Ang mga propesyunal sa mental na kalusugan ay gumagamit ng ibat ibang paraan sa paggamot sa mga taong may mental disorder. Ang 2 sa

pinakakaraniwang panggagamot ay ang “drug therapy” at “psychotherapy”. Sa “drug therapy”, ang tao ay regular na gumagamit o umiinom ng doses ng gamut na resetang medico upang mabawasan ang sintomas ng mental diorder. “Psychotherapy”, ay ang panggagamot na mental disorder na gumagamit ng berbal at di berbal na kumonikasyon sa pagitan ng pasyente at ng propesyunal. Ang tao ay maaaring makatanggap ng “psychotherapy” ng mag-isa o ng grupo. Ang uri ng panggagamot na ginagawa ay depende sa uri o antas ng kapansanan. Halimbawa, ang mga doctor ang kadalasang ginagamot ang “schizophrenia” sa pamamagitan ng gamot o drugs ngunit ang espesyal na uri ng “psychotherapy” ay mas epektibo sa panggagamot ng mga phobias. Sa ibang uri ng mental disorder, tulad ng depresyon, ang pinakaepektibong ay ang

kumbinasyon ng dalawa. Kahit na ang ibang uri ng pasyenteng may malalang sakit ay maaaring hindi na ganap na gumaling. Karamihan sa mga taong mas mental disorder ay maaaring mapabuti sa tulong paggamot at maaaring makabalik sa

21

normal nilang pamumuhay. Sa kabila ng mga epektibong panggagamot, halos 40% lamang ng mga taong may sakit sa pag-iisip ang humihingi ng tulong sa mga propesyunal. Ang ibat ibang propesyunal sa mental na kalusugan ay nagmumungkahi ng bibat ibang klase ng panggamot sa mental disorder. Kabilang dito ay ang mga saykayatris, saykologis, saykoterapus, saykayatrik workers at saykayatrik nurses.

A. Drug terapi Ang droga, na ipinakilala sa kalagitnaan ng 1950’s ay pinagaling ng mas mabilis ang mga taong nasa mental hospital at mabuhay ng normal. Magmula noon, ang pagpapayaman sa “psychopharmacology” ay nagpaunlad ng kahusayan ng gamot. Kadalasan ay napapagaan ng mga ito ang sintomas ng “schizophrenia”, depresiyon, ansayeti, at iba pang hindi kaayusan. Subalit maaari itong makagawa ng di kanais-nais na epekto. Ang mga droga na kinokontrol ang sintomas ng mental ilnes ay tinatawag na “psychotherapeutic drugs”. Ang mga kategorya nito ay “antupsychotic drugs”, “antianxiety drugs”, antidepressant drogs” at

“antimanic drugs”. Ang antipsychotic drugs, tinatawag ding “neuroleptics”, ay kinokontrol ang sintomas ng saykosis gaya ng halusinasyon, delusiyon at iba pa. Kaya din nilang

22

iwasan ang mga sintomas na ito na bumalik. Maaari rin itong magbibigay ng sayd epek gaya ng pagkatuyo ng bibig, malabong paningin, at “tardive dyskinesia”, isang permanenteng kondisyon na nakakagawa ng di makontyrol na paggalaw ng dila, bibig at labi. Ang antidepressant drugs, ay nakagagaan ng sintomas ng depresyon. Ang iba ay nakagagaan din ng iba pang disorder gaya ng “panic disorder” at “obsessive-compulsive disordet” Ito ay may 3 klase: “tricyclics, monamine oxidase inhibitors(MOA Inhibitors), at selective reuptake inhibitors(SSRI’s inhibitors)”. Ang sayd epek ng tricyclics ay ang pagkahila kapag tumatayo, malabong paningin, tuyot na bibig, paghihirap sa pagihi, pagdudumi at pagkaantok. Ang mga taong gumagamit ng MAO inhibitors ay maaari ring makaranas ng katulad na sayd epek at kailangang sumunod sa isang diet. Ang isang uri ng SSRI, fluoxetine(prozac) ay ang pinakagamiting antidepressant drugs. Ang antianxiety drugs, tinatawag ding “minor tranquilizers” ay binabawasan ang mataas na lebel ng pagkabalisa. Natutulungungan nito ang mga taong may panic disorder at iba pang anxiety disorder. Ang antimanic drugs ay nakakatulong sa pagkontrol ng kabaliwan. Isa sa pinakaepektibong antimanic drugs ay ang “lithium carbonate”, isang natural na mineral na asin. Ang mga sayd epeks ay ang “nausea”, pamamaligtad ng sikmura, vertigo at palagiang pagkauhaw at pagihi. At ang matagalang paggamit ng lithium ay makakasira ng bato.

23

B. Indibidwal na Saykoterapi

Sa “psychotherapy session A”, ang saykologis ay nakikinig sa kanyang kliyenyente sa oras ng sesyon. Ito ay maaaring maging epektibo sa paglunas ng mga mental disorder. Ito rin ay maaaring maging isang epektibong lunas sa mental ilnes. Di gaya ng “drug therapy”, wala itong pisikal na sayd epeks. Subalit maaaring makagawa ng saykologikal na pinsala kapag hindi maayos na naisagawa. Sa kabilang banda, ito ay mas matagal bago makalunas. At ang mga sesyon ay may kamahalan at matagalan. Dahil dito, ang mga terapis ay naglulunsad ng mga terapi na hindi matagal. Ang “psychotherapy” ay nagpapakita ng malawak na rango ng teknik at praktises. Ang ibang uri nito gaya ng “psychodynamic” at “humanistic” terapi, ay nakapokus sa pagtulong sa mga tao na maintindihan ang internal na motibasyon para sa kanilang problemadong kaugalian. Ang iba gaya ng beheybiyoral at kognitib terapi ay nakapokus sa kaugalian mismo at tinuturuan ang tao ng kakayahan upang maitama ito. Ang “psychodynamic therapy” ay isa sa pinakakilalang uri ng saykoterapi. Ang terapis ay nakapokus sa isang nakaraang karanasan ng pasyente na nagbibigay sa kanya ng panloob, hindi namamalayang kaguluhan at sinusubukang tulungan ang tao. Ang ibang terapis ay gumagamit ng hypnosis para malaman ang nakaligtaang memorya. Saykoanalisis, isang teknik na pina-unlad ni Freud, ay isang uri ng psychodynamic therapy. Dito, ang tao ay nakahiga sa isang higaan at

24

sinasabi ang anumang pumapasok sa kanyang isipan, iasang prosesong tinatawag na “free association”. Pinapakahulugan naman ito ng terapis kasama na ang panaginip at memorya. Ang yumanistik at eksistensiyal na terapi ay nilulunasan ang mental ilnes sa pamamagitan ng pagtulong sa tao na makamit ang personal growth at magkaroon ng halaga ang buhay. Ang pinakakilalang yumanistik terapi ay ang klayent-senterd terapi na pinaunlad ni Carl Rogers noong1950’s. ditto, hindi nagbibigay ng payo ang terapis subalit muling sinasambit ang mga sinabi ng pasyente sa hindi mapanghusgang paraan. At ang terapis ay nagbibigay sa tao na pgtanggap at ankondisyunal na empati. Ang eksistensiyal na terapi ay tinutulungan ang tao na kumprontahin ang mga basikong tanong tungkol sa kahulugan ng kanyang buhay at makita ang landas tungo sa pagkakatuklas ng kani kianiyang pagkakakilanalan. Ang mga saykoterapis ng beheybiyoral terapi ay tinutulungan ang tao na palitan ang abnormal na patern ng ugali sa pamamagitan ng pag-aaplay ng mga nakatayong prinsipyo sa pagkatuto. Ito ay nakakatulong sa mga phobias, obsesibkompulsib disorder atbp. Ang mithiin ng kognitib terapi ay malamn ang ayos na sinusundan ng irasyunal na pag-iisip na nagiging sanhi ng pagkilos ng tao nang abnormal. Ang terapis ay tinuturuan ang tao ng kasanayan upang makilala ng tao ang irasyunalidad ng kaisipan. Natututunan ng tao di kalaunan na kilalanin ang mga ibang tao, sitwasyon at ang kanyang sarili sa isang makatotohanang paraan at napapa-unlad ang kakayahang masagot ang anumang katanungan. Ginagamit ito 25

sa

paglunas

ng

depresyon,

panik

disorder

at

personality

disorder.Ang

rehabilitasyon program ay tinutulungan ang mga tao na may malalang mental ilnes na matutunang mabuhay ng independent. Tinuturuan sila sa paglilinis ng katawan, bahay atbp. Ang mga terapis ay kadalasang ginagamit ang play terapi sa paggagamot ng mga bata na may depresyon at iba pang disorder.

C. Mga Pang-grupo at Pampamilyang Terapi Isinasagawa ang terapi s Isang grupo sa pamamagitan ng pagtitipon ng mga tao para mapag-usapan ang kanilang mga problema sa ilalim ng pamamahala ng isang terapis. Sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa ibang tao ng kanilang karanasan at mga nararamdaman, natutuklasan ng mga miyembro ng grupo ang kanilang problema ay hindi naiiba, nakakatanggap din sila ng suporta at payo at higit sa lahat natututunan nila kung paano nila malalagpasan ang kanilang problema. Isang uri ng teraping isinasagawa sa grupo ay “Psychodrama” kung saan ang mga miyembro ay nagsasadula sa isang entablado ng mga pangyayaring nagpapakita ng problemang emosyonal na ang layunin ay maunawaan ang kanilang mga asal at gawi at mabigyan ng solusyon ang kanilang mga problema. Kung ikukumpara sa isahan o inbidwal na saykoterapi, mas mababa ang magagastos ng bawat isang tao sa pang-grupong terapi.

26

Ang pakikialam ngo pakikiisa ng pamilya sa mga programa ay makakatulong sa pamilya na matutunan kung paano pakisamahan ng maaayos at paano nila maaalagaan ang miyembro ng pamilya na may malalang mental disorder tulad ng schizophrenia. Dapat malaman ng mga miyembro ng pamilya kung paano

makokontrol ang sakit para matulungan ang maysakit na malunasan ang kanilang problema. Ang buong pamilya ay dapat nagbibigay ng suportang emosyunal sa maysakit at dapat na sila ay handa para harapin ang mga paninira at iba pang masamang sinasabi ng ibang tao.

D. “Electroconclusive Therapy” Electroconlusive therapy(EcT) ay isang uri ng panggagamot sa malalang depressiyon kung saan pinadadaluyan ng kuryente ang utak ng pasyente sa loob ng isa o dalawang Segundo para mabawasan o makontrol ang pagwawala. Ang gaitong uri ng panggagamot ay inuulit sa loob ng isang lingo. Sa di malamang dahilan, ang EcT ay nakpagpapagaling ng malalang depresyon na kahit sa paginom ng gamut at saykoterapi ay hindi nagawa. Ang uring ito ng panggagamot ay naging kontrobersiyal dahil sa may masamang epekto tulad ng pagkalito at pagkawala ng memorya. Bagaman ang nasabing masamang epekto ay

pangkaraniwang panandalian lamang. E. Psychosurgery

27

Antonio Egaz Moniz, isang portuges na neurologoist at siyang nakaimbeto ng labotomi, isang uri ng teknik sa pag-oopera kung saan sinisira ang tisyu ng frontal lobe ng utak. Ang proseso sy laganap na isinasagawa noong 1940’s at 1950’s na naging sanhi ng pagiging lantang gulay o nagkakaroon ng malakinh pagbabago sa personalidad at pag-uugali. Higit na naging kontrobersiyal sa EcT ang saykoserjeri, ang pagatatanggal o pagsira sa isang bahagi ng utak para mabawasan ang malalang sintomas ng

mental disorder. Ang pinakakilalang saykoserjeri ang labotomi. Ang saykoserjeri ay bihira ng isagawa dahil wala naming pagsasaliksik na nakapag patunay na ito ay epektibo at nagiging sanhi pa ito ng pagbabago ng personalidad at pag-uugali. F. Tritment Setings Ang mga walang tahanan ditto sa pilipinas ay may porsiyentong bahagi sa mga dumaranas ng malubhang mental disorder tulad ng schizophrenia. Ang kakulangan ng pagamutan sa ibat ibang bahagi ng bansa ang ay may kinalaman rin sa pagtaas ng bilang ng may mental disoder. Ang panggagamot sa mental disorder ay isinasagawa sa mga kaukulang mga lugar. Ang ospital ng mga may sakit sa pag-iisip, psychiatry ward sa mga pangkalahatang uri ng ospital ang gumagamot sa mga pasye nteng may malalang kaso at at nangangailangan ng tuloy tuloy na obserbasyon. Ang mga indibidwal na hindi nangangailangan ng lubusang atensiyon ay maaari nang gamutin sa gamutang pangkumonidad.

28

Ang mga taong may malubhang kondisyon ng mental disorder na nangangailangan ng mahabang gamutan ay inilalagay muna sa mag nursing homes kung saan mabibigyan ng puspusang atensiyon. Sa kasamaang palad, maraming mga lugar ang may kakulangan sa tritment center lalo na yung mga pangkumonidad.

* Mga Dahilan o Sanhi ng Pagkakaroon ng Mental Disorder*
Maraming tao na ang sumubok na makaunawa sa sanhi ng mental disorder sa loob ng libu-libong taon. Marami ng saykayatris ang nagdebate tungkol ditto at ang 2 perspektibo na pinakamatumeg ay ang bayolohikal na pananaw at saykolohikal na pananaw. Sa bayolohikal sinasabi na ang genes, hormones at iba pang mga prosesong nagaganap sa loob ng katawan ng tao ang pinagmumulan ng sakit. Samantala sa saykolohikal na perspektibo, mas pinaniniwalaan na ang mga sariling katangian ,mga karanasan at mga taong nakapaligid sa kanyang ginagalawan ang magiging sanhi ng sakit sa pag iisip. Ang 2 perspektibo at pinagbatayan ng mga pag-aaral ng ginawa ni Emil Kraepelin, isang Austrianong saykoanalista. Si Kraepelin ay naniniwala na ang mga saykayatrisang sakit ay maituturing o maiiklasipika rin na tulad ng mga pisikal na sakit. Sinasabi rin niya na ang batayan ng mga sanhi ng sakit sa pag iisip ay ang pisolohiya at bayokemestri ng utak ng tao. Ang sistema ng pag uuri niya samga sakit sa isip ay nagsilbing basehan ng mga pagsusuring ginawa at ang mga resultang inilabas. Sa kabilang dako naman, Si Freud ay naniniwala na ang

29

pinagmulan o sanhi ng sakit sa pag iisip ay ang mga hindi magagandang karanasan na natanim sa isipan mula pa sa pagkabata. Nahanap niya ang mga ebidensya sa ideyang ito sa pamamagitan ng pag ananalisa ng mga pangarap, mga sariling kagustuhan at uri ng pananalita. Ang debateng ito ay nagpatuloy hanggang huling bahagi ng ika 20 siglo. Sa simula ng taong 1960, ang bayolohikal na perspektibo ay naging dominante na sinuportahan ng napakaraming tuklas sa psychopharmacology, genetics, neurophysiology at mga pag aaral na ginawa tungkol sa utak. Nanatili ring mainfluwensya ang saykolohikal na perspektibo tulad sa saykadaynamikong, humanistiko, biheybyoral, kognitibo at sosyo-kultural. Karamihan sa mga propesyonal sa kasalukuyan ay pumapabor sa

kombinasyon ng 2 perspektibo at tinatanggap nila na ang bayolohiya at kapaligiran ng tao ay parehang may mahalagang papel sa pagkakaroon ng sakit sa pag iisip.

Scientific Discoveries
Ang Nyurobayologi ng Dispresyon Ang kemikal dispersion ay isang pinaka karaniwang uri ng sanhi ng sakit sa utak. Kahit na nga ba ang dispersion ay nagagamot ng saykoterapi, maraming mga sayantipiko ang naniniwala na may mga bayolohikal na dahilan para sa karamdamang ito.

30

Ang mga siyentista ay tinukoy ang mga nyurotransiter at mga kemikal substances na nakakapag ugnay sa mga selula ng uta, na sya namang komokontrol sa emosyon at pag uugali ng isang tao. Ito ay dopamine, sertonin, norepinephrine, gamma-animo butyric acid(GABA), at acetylcholine. Kahit na hindi pa natutukoy ang eksaktong mekanismong kasama dito, sinasabing ang sobra at kakulangan sa lebel ng mga nyurotransmiter na ito na inuugnay sa dispersion, anxiety at schezopheria. Ang pananaliksik sa genetics at schizophrenia ay mas malapit ang relasyon ng tao sa isang schizophrenia ay mas malaking panganib para sa taong ito na magkaroon ng sakit na ito. Halimbawa, ang mga bata na ang isa sa mga magulang nya ay may schizophrenia ay may 13 porsyentong tsanya ng magkaroon ng sakit na ito, habang ang batang 2 sa mga magulang ang mayroon ay may 46 na porsyentong tsansya naman. Ang mga pagunlad sa mga pamamaraan ng pagsasalarawan ng utask tulad ng magnetic resonans imeyging (MRI) at posisyon emisyon tomograpi (PET), ay isang makatulong sa mga siyentipiko sa lanilang pagaaral ng gampanin ng struktura ng utak sa sakit sa pag iisip. May mga ilang pag aaral na nagsasaad ng mga abnormalidad sa istraktura ng utak sa ilang kaso ng mga sakit na ito. Halimbawa may taong may schizophrenia na may namamagang ugat sa utak. Gayun paman, ito ay maraming resulta ng schizophrenia at hindi ang syan dahilan, at hindi lahat ng taong may ganitong karamdaman ay may ganitong abnormalidad.

31

Maraming klase ng medical na kondisyon ang nagiging sanhi ng sakt sa pag iisip. Ang pagkasira ng utak at mga atake ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng memorya, hindi maayos na konsentrasyon at pananalita, at mga hindi pang karaniwang pagbabago sa pag uugali. Ang tumor sa utak, kung pababayaang lumaki,ay maaring maging sanhi ng saykosis at pagbabago sa personalidad. Ang iba pang bayolohikal na paksa ng sakit sa pag iisip ay ang hormone imbalance, hindi sapat na diyeta, at impeksyon mula sa mga virus. Bayolohikal na Perspektibo Amg magnetic resonans imeyjing (MRI) ng isang normal o isang utak na may schizophrenia ay inilalabas ang struktura na pagkakaiba ng utak ng isang taong sapat ang gulang, kaliwa at utak ng isang taong may schizophrenia ay may mamayang bentrikels. Gayun pa man hindi lahat ng taong may ganitong karamdaman ay may ganitong abnormalidad. Ang saykayatris ay binigyang diin ang bayolohikal na basaehan bilang sanhi ng sakit sa utak, emenumungkahi ng mga pag aaral ang genetikong sanhi ng ilang sakit sa pag iisip tulad ng schizophrenia at bipolar disorder. Saykodaynamikong Perspektibo Si Sigmund Freud, isang Viennese nyurologist ng ika 19 siglo, ay bumuo ng teyorya ng personalidad at sistema ng saykoterapi na kilala ring saryboanlisis. Ayon sa teyoryang ito ang mga tao ay naiinpliwensyahan ng mga di namamalayang pwersa, tulad ng likas na sekswal at agresibong pwersa. 32

Sa saykodinamikong perspektibong pananaw ang sakit sa pag iisip sanhi ng mga di namamalayang at di maresolbang pagtatalo sa isip. Ayon kay Freud, ang mga pagtatanong ito na nagmumula sa pagkabata at maaring maging sanhi ng sakit sa pag iisip sa pamamagitan ng pagpigil sa balanseng pagsulong ng 3 sistema na binubuo ng yaman sayk: ang id,na binubuo ng likas na sekswal at agresib drayb; ang ego o ang gising na bahagi ng utak na namamagitan sa disadyang pangyayari at ng realidad; at ang super ego na syang kumukontrol sa primitibong bagbugso ng id at nagrerepresenta sa mabuting mithiin. Ang pagiging balisa ay nagugat sa signal na di sinasadyang panganib na ang pinag mulan ay matutuloy lamang sa pamamagitan ng matamang pagsusuri oa personalidad ng isang tao at ang buhay eksperyenoya niya. Makatao at Eksistensyal na perspektibo Ang makatao at eksistensyal na perspektibong tinuturing abnormal na pag uugali o kilos bilang resulta ng kabiguan ng tao na matatagpuan ang kahulugan ng buhay at matupad ang kanyang mga potensyal. Ang yumanistikong kagawaran ng sikolohiya ay ipinalalagay ang pang-kaisipang kalusugan at personal na pag unlad bilang natural na kondisyon ng buhay ng tao. Sa pananaw ni Carl Roger isang saykologist ang bawat isang nilalang ay itinataboy tungo sa pansariling

aktuwalisasyon, ang pagkakamit ng pinakamataaas ng potensyal. Ang sakit sa pag iisip ay nabubuo kapag ang mga pangyayari sa paligid ng isang tao ay makalahahadlang sa kanya tungo dito. Sa eksistensyal na perspektibong emosyonal na pagkabalisa ay resulta ng pagkabigo ng isang tao na kumilos ng

33

kapani-paniwala iyon ay ang kumulos ng maayon sa kanyang sariling layunin at pagpapahalaga sa halip na sa layunin at pagpapahalaga sa iba.

Pang gauring perspektibo Ang sikolohiya ay kailangang limitahan ang sarili nito sa pagaaral ng kapuna punang pag uugali sa halip na alamin ang nakatagong damdaming ng isang tao. Para sa pang gawing perspektibo ang sakit sa pag iisip ay isang matutunang pagtugon sa stimulang. Sa ganitong pananaw ang mga gantimpala at

kaparusahang makukuha ngtao sa kangyang kapaligiran ang siyang humuhubog sa kayang pag uugali. Halimbawa ang isang taong ay kasama ng isang matinding aksidente sa sasakyan ay maaaring magkaroon ng phobia sa mga sasakyan o salahat ng uri ng transportasyon. Kognitibong Perspektibo Sa kognitibong perspektibo ang sakit sa pag iisip ay resulta ng mga problema sa pagkatutu iyon ay mga problema sa kung paanong ang isang tao ay nagdadahilan, inuunawa ang mga pangyayari at sinusulusyunan ang mga problema. Ang ilan sa mga sakin na ito ay tulad ng depresyon, sakit na pagkabaslisa at ang diperensya sa personalidad ay resulta ng paraan ng pag iisip ng natutuhan sa pagkabata na hindi maaayon sa katotohanan. Halimbawa, ang mga taong may depresyon ay makikita ang kanilang sarili negatibong liwanag, pinalalaki ang kahalagahan ng maliiy na kapintasan kabiguan at inilalarawan ang 34

mga pag kilos ng iba sa mga negatibong paraanamaraan. Gayun paman, mananatiling Malabo kung ang mga uring ito ng mga kognitibong problema ay magiging sanhi nga ng sakit o nagreresulta ng sintomas ng mismong sakit

Sosyo-kultural na Perspektibo Sa perspektibong ito ang sakit sa pag iisip ay resulta ng sosyal, ekonomiki at cultural na salik ng buhay . ang ebedensya sa pananaw na eto ay nagmula sa pag aaral na nagpakita ng pagtaas ng panganib ng karamdaman sa pag iisip s amga taong nabubuhay s akahirapan. Dagdag pa nito ang insedente ng sakit sa pag iisip ay tumataas sa panahon ng may mataas na bilang ng kawalan ng trabaho. Ang pagpapalit ng populasyon ng mundo mula sa rural na lugar tungo sa mga syudad kasama ang kanilang pagkakakumpol kumpol, ingay, polusyon,pagkasira at sosyal na pagkakahiwalay ay sya ring magiging sanhi ng pagkakaroon ng mataas na bilang ng sakit sa pag-iisip. Bukod pa roon, ang mabilis na pagbabagong sosyal, na particular na nakaaapekto sa mga katutubo sa buong mundo, ay nagpapataas ng bilang ng pagpapatiwakal at pagka-sugapa sa alak. Ang mga repyugi at biktima ng mga sosyal disaster, gera, displacement, genocide, karahasan ay may mas mataas na pangaib na dulot na sakit sa pag iisip lalo na ang dipresyon, pagkabalisa, at post traumatic stress disorder. Mga Salik na nakakaapekto sa pagkakaroon ng mental disorder A. Predisposing factor 35

Ang paktor na ito ay may mga salik na naghahantad sa isang indibidwal para magkaroon ng sakit. Ang mga salik na ito ay maituturing na pinaka ugat ng pagkakaroon ng kasiraan sa pag iisip. Kabilang sa Kategoryang eto ang mga sumusunod: 1. Pagmamana/ heredity

Ang salik na ito ay binigyan ng sobra sobrang importansya bagamat ang impluwensya ng mga kapaligiran salikay maaaring makahigit dito. Para sa mga praktikal na layunin maaring sabihin na ang direktang pagmamana ay napakaimportante. Mas possible na ang resulta ng pagmamana ay higit pa sa ibang sakit kaysa pagmamana ng katulad na sakit. 2. Edad

Bagamat ang “behavior disorder “ ay madalas na nararanasan sa panahon ng kamusmusan bihira naman ito sa panahiong bago ang pagbibinata o pagdadalaga. Madalas na nararanasan ang mga sakit na ito ng mga tinedyer dahil sa mga emosyonal na problema kasama ang mga pagbabago sa katawan, sekswal at sosyal na maturidad. Sa pagsapit naman ng katandaan o tinatawag na senescent period, tumatass ang posibilidad sa pagkakaroon ng sakit sa pag iisip sanhi ng malubhang pagbabagong nagaganap sa loob ng utak. 3. Kasarian

36

Sa mga kababaihan ang posibilidad sa pagkarron ng saykosis ay mas mataas sa panahon ng kanyang panganganak at kapag tumigil na ang kanyang menstrasyon o kapag tumigil na ang kanyang reproduktibong tungkulin ng katawan. Sa panig naman na kakalalakihan ang insidente ng pagkakaroon ng asykosis ay karaniwang bunga ng pagkahantad sa mga alak at iba pang uri ng alcohol. 4. Pangkapaligirang paktor

Sa panahon ng kamusmusan, ang maagang pagtuturo sa kanila ng tamang pakikisalamuha ay mahalaga. Ang magandang asal at tamang gawi ay hindi likas ngunit ito’y maaaring makamit sa pamamagitan ng tamang

pagsasanay, pagtuturo at pagdidisiplina sa kanila habang mga bata pa ng madala nila sa pagtanda. Kinakailangan ng mga bata ang tunay na pagmamahal at sapat na pag-aaruga. Maaaring magkaroon ng problemang emosyonal ang isang bata kapag mayroong sumira sa seguridad na nararanasan niya sa bahay. Ang madalas na pag-aaway at di

pagkakaunawaan na mga magulang, hindi pantay-pantay na pagtrato sa mga anak, labis na pagbibigay ng luho, pagkabigo na makalaya sa ilalim ng otoridad at desisyon ng mga magulang at pagpapatupad ng sobrang paghihigpit at pagmamalupit at iba pang masasamang gawi sa kapaligiran ay nakaaapekto sa pag-iisip ng isang tao kaya’t kinakailangan na maiwasto ang mga pagkakamaling ito. 5. Trabaho/Hanapbuhay 37

Ang

hanapbuhay

ay

maaaring

direkta

o

hindi

direktang

paktor

sa

pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip. Direkta, kung ang mga manggagawa ay hantad sa mga nakalalasong epekto ng metal gaya ng lead, mercury, at arsenic. Hindi direkta, kapag ang isang indibidwal ay itinakda sa isang trabaho na hindi niya nalalaman. Ang mga taong may limitadong kaalaman ay hindi dapat pinipilit ang sarili sa posisyong higit o hindi makakaya ng kanyang kapasidad. Ang tindi ng paulit-ulit na kompetisyon ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng kapanatagan at tiwala sa sarili. Ang mga tao na limitado ang mental na kapasidad ay dapat na sinasanay sa naaangkop na gawain.

Exciting factor
Ito ang mga salik na nagpapalala sa sakit. Nabibilang dito ang mga sumusunod: 1. “Organic exciting causes”

Ang mga impeksiyon, lagnat at pagkapagod ay nagbubunga ng mga sintomas ng sakit sa pag-iisip. Sa mga medikal na pagsasanay, hindi na bago ang makatagpo ng mga simpleng pulmonya, trangkaso at iba pang malalalang pisikal na karamdaman na dagling nagpapakita ng mga sintomas ng sakit sa pag-iisip, kadalasan ay deliryum. Ang mga sintomas na ito ay pansamantalang makahihigit sa pisikal na karamdaman at ito’y nangangailangan ng nararapat na paggamot.

38

2.

“Intoxication”

May dalawang uri ang “intoxication”, ito ang endogenous at exogenous. Ang endogenous na pagkalason ay nagmumula sa loob ng katawan sanhi ng abnormal na sekresyon ng mga glandula at paglalabas ng mga lason sa katawan. Ang exogenous na pagkalason naman ay bunga ng mga bagay na wala sa loob ng ating katawan tulad ng alak, narkotiko, at ipinagbabawal na gamot. Kabilang din dito ang mga lasong nagmumula sa mga industriyal na lugar tulad ng lead, mercury, arsenic, usok, carbon monoxide, carbon disulfide at acetone. Itinuturing ng iba na ang malalang pagkalason ay siyang dahilan ng pagkaparalisa at ang mga sakit tulad ng tuberkolosis, artraytis, pananakit ng mga kasu-kasuan, anemia, at dayabetes ay maaaring magresulta ng sakit sa pag-iisip dahil nababawasan ang mga gawain ng mga may ganitong

karamdaman. Talamak na selebral at malubhang sakit sa nerbiyos ay grupo ng “etiologic” na paktor na kung saan kumikilos sa kawalan ng kaayusan ang central nervous, tissue, selyula at vessels. “Head Trauma” ay bihirang lumikha ng tiyak na saykosis ngayon, ito ay mayroong kasangkot na importanteng espesyalista na kung saan minsan ang mga matatanda ay bumibigkas tungkol sa disposisyunal na pagbabagong

39

naganap na gumising sa kaisipan at para sa mga bata ito ay ordinaryong sanhi ng pangkondisyon ng matinding abnormalities sa pag-uugali. Aspetong Emosyonal ay grupo na kabilang ang malaking uri ng sitwasyon sa buhay at konsensiya. Problemang Emosyonal ay ang pagsasama-sama ng kabiguan, di-

pagtanggap at inagawan ng mga mahal sa buhay, maraming paghihirap, kahihiyan sa pamilya, pagkabigo sa katuparan ng mga ambisyon, maliit na kahihiyan at sa kabila ng kahinaan ng ekonomiko. Istorikong Pananaw ng Sakit sa Pag-iisip a. Preliterayt na lipunan

“Trepanned skull trepanning”, ang paraan ng paglalagay ng butas sa ulo ng tao, ay kaunahang nakilala sa medical na operasyon. Ilang antropolohista ay naniniwala na ang trepanning ay isinasagawa sa mga taong maysakit sa pag-iisip para mapalayas ang mga masasamang ispirito sa kanyang ulo. Ebidensiya para sa trepanning, ang paraan ng pag-oopera sa paglalagay ng butas sa ulo ng tao, sa nakaraang 4,000-5,000 na taon. Ilang antropolohista ay nagbakasakali sa panahon ng bato sa lipunan ay nagsagawa ng trepanning sa mga tao na maysakit sa pag-iisip para mapalayas ang mga masasamang ispirito sa kanilang mga ulo. Sa kawalan

40

ng mga datos, gayunpaman, imposibleng malaman ang dahilan kung bakit isinasagawa ang operasyon. b. Sinaunang lipunan

Ang Griyegong pisisyan(physician) na si Hipocrates ay isa sa mga kaunahang humamon sa ideya na ang sakit ay isang parusa napadala mula sa Maykapal. Siya ay naniniwala na lahat ng sakit, kasama ang sakit sa pag-iisip ay mayroong naturang pinagmulan. Ang literature ng sinaunang griyego at Rome ay naglalaman ng mga ebidensiya na may paniniwala na ang mga ispirito o demonyo ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa pag-iisip. Sa ikalimang siglo(BC), ang griyegong nanalaysay na si Herodotus ay nagsulat ng tala tungkol sa haring nabaliw o nawala sa sarili dahil sa masamang ispiritu. Ang alamat ni Hercules ay ipinakikita kung paano nabaliw dahil sa sumpa, pinatay niya ang kanyang sariling anak. Ang romanong tumutula sina Virgil at Ovid ay inulit ang tema tungkol sa alamat ni Hercules. Ang unang sibilisasyon ng mga Babilonyan, tsinese, at ehipyano ay isa ring tumutukoy ng sakit sa pag-iisip ay isang sapi, at ginagamit sa isang eksorsismo. Minsan kabilang ito sa paghampas, pagpigil, at pagkagutom para mapaalis ang masamang ispirito sa kanilang biktima. Hindi lahat ng sinaunang iskolar ay sang-ayon sa teyorya ng sakit sa pagiisip. Ang Griyegong pisisyan na si Hipokrates ay naniniwala na ang lahat ng sakit kabilang ang sakit sa pag-iisip, ay mayroong natural na pinanggalingan.

41

Halimbawa, isinantabi ang umiiral na pang-unawa o ideya na ang ipelepsi ay may pinanggalingang dibino o sagrado, tumutukoy sa sakit sa utak. Tinukoy ni Hipokrates ang sakit sa pag-iisip sa mga kategorya na kasama ang pagkahibang, pagkalungkot, “phrenitis” o lagnat sa utak, at pinagtanggol din niya ang pagtrato sa tao ay kasama ang pagpapahinga, pagliligo, ehersisyo, at pagpapayat. Ang griyegong pilosoper na si Plato, kahit na sumang-ayon sa mga kababalaghang pananaw na sakit sa pag-iisip ay naniniwala na ang karanasan noong pagkabata ay humugis sa asal ng matanda, pinangungunahan ito ng modernong saykodaynamik na teyorya na humigit dalawang libong taon. c. Ang Kalagitnaang Panahon Ang kalagitnaang panahon sa Europa, mula sa pagkabagsak ng Roman emperor sa ikalimang siglo hanggang sa ika-labinglimang siglo, ay katapusan kung saan ang paniniwalang relihiyon particular na Kristiyano, ay pinangingibabawang konsepto sa sakit sa pag-iisip. Karamihan sa ating lipunan ay naniniwala na ang mga taong may sakit sa pag-iisip ay mga nahihibang sa mga masasaqmang ispirito o demonyo o inaakusahan silang isang mangkukulam at naimpluwensiyahan ng ibang mangkukulam. Sa halip ay tumanggap ng kalinga mula sa manggagamot, ang sakit sa pag-iisip ay magiging isang paksa sa relihiyong pagsisiyasat at marahas na trato. Sa kabilang banda, ilang mananalaysay ng medisina ay naglahad ng ebidensiya kahit na sa gitnang panahon maraming tao ang naniniwala na ang sakit sa pag-iisip ay mayroong basehan sa pisikal at sikolohikal na disorder,

42

tulad ng kawalan ng balanse sa “Four Bodily Humors”, kakulangan sa pagdidiyeta at hinagpis o kalungkutan. Ang hilagang Aprika, Espanyol, at ang gitnang silangan ay karaniwang idinadaos ang makataong saloobin tungo sa mga taong may sakit sa pag-iisip. Kahit na ang saykayatris ay nagdayagnos. Sa kbuuan ay sumangayon para sa mga pasyenteng may kaso ng “schizophrenia” ang kanilang dayagnos ay nagiiba iba sa mas pasyenteng mayroong sintomas ng schizophrenia at ibang mga karamdaman ay nakadepende rin kung ang saykaytirs ay british o amerikano. Ang peligro ng maling dayagnos ay tumatass kung ang propesyunal sa mental nakalusugan at ang pasyente ay galling sa ibat ibang cultural na grupo.

Diyagnosis
Masasabing walang mga blood test imaging techniques at iba pang mga pang laboratoryong pag aaral na makapagbibigay na tamang tamang resulta ng pag aanalisa sa askit sa pag iisip nangangahulugan nito na ang daiagnosis ng sakit sa pagiisip ay lagging interpretasyon lamang ng taga obserba batay sa pananalita, mga ideya, pag uugali o gawi at mga karanasan ng pasyente. Sa maraming bahagi nng mundo, ang taglay na sakit sa pag iisip ng isang tao ay nadedetermina sa pamamagitan ng pag iinterbyu sa taong may sakit para malaman ang sintomas. Ang mga karaniwang tawag sa propesyonal sa may mga sakit ay “May naririnig ka bang mga boses ng tao na hindi mo kasama?”, “nakakaramdam ka ba ng depresyon o pagkawala ng interes sa mga gawain?”,

43

nararanasan mo ba ang pagtaas o pagbaba ng dami ng kinakain mo?”, “natutulog ka ba ng mas mababang oras kaysa norma’?”, “mabilis ka bang naapektuhan ng bagay sa paligid mo?”. Ang sagot sa mga tanong na tio ay maaaring ibang tanong din. Pagkatapos nito, ang clinician ay mayroon na sapat na impormasyon para malaman kung ang pasyente ay mayroong sakit sa pag iisip at para makagawa ng dayagnosis. Ang proseso ng dayagnosis ay hindi simple gaya ng pagkakaalam

natin. Ang mga pasyente ay kadalasang nagkakaroon ng kahirapan sa pag aalala ng kanilang sintomas o karamdaman ng pagkatamlay tuwing pag uusapan ang kanilang pantasya, aspetong sekswal o ang paggamit ng alcohol at druga. Karamihan sa pasyente ay nakakaranas ng higit pa sa isang karamdaman na magkasabay. Halimbawa “despesyonat pag aagam agam” o “Schizophrenia” at “pa pag agam agam” a t mga pag detemina kung anong sintomas ang bumubuo sa pinakaproblema ay sadyang masalimuot. Karagdagan pa dito, ang ma sintomas ay maaaring hindi particular sa sakit sa pag iisip. Halimbawa ang tumor sa utak, malaria at inspekyon sa central nervous system ay makagagawa ng sintomas na kagaya sa sakit sa pag iisip. Isa pang problema sa pag dadayagnosis ay ang mga propesyonal sa pangangalaga sa mental na kalusugan ay nakakapaliwanag ng sintomas na kakaiba base sa kanilang personal o cultural napagkilos o may isang pag aaral ang nagswis sa pamamagitan ng 300 amerikanong at british na saykayatris na

44

nagpapakita ng “video tape “ng interbyu sa walong pasyente na may sakit sa pag iisip.

Konklusyon
Ang mental disorder na napag alamang ang teminong ginagamit bilng pagtukoy sa kapansanang nakakaapekto sa mga ideya, emosyon at pag uugali ng iasng tao na may malawak na uri mula sa simple hanggang sa nakakapinsala. Ang pagbibgay ng karapatang lunas para sa karamdamang ito ay makadepende sa dahilan ng pagkakaroon nito. Nakakatulong dito ang ibat ibang mga perspektibo na tulad ng saykodinamik, kognitibo, sosyokultural, bayolohikal, makatao at ekstensyal at iba apng gawing perspektibo. Ang bawat isa sa mga tio ay pinaliwanag ang mga posibleng pinagmulan nito at ang pinakamahusay na parran upang malunasaan ito. Parehong ang mental disorder ay mabubuhay sa kapaligiran at namamana. Ang taong may kapamilyang may ganitong karamdaman ay may malaki ang

posibilidad na magkaroon rin ng parehong karamdaman. Gayun paman ayon sa dalubhasa sa kasalukuyan mas malaki ang impluwensya ang nagagawa ng kapaligiran sa sakit na ito . ito ay dahil ang genes na namamana natin sa magulang ay hindi naman magdudulot ng mental disorder kung walang bagay sa kapaligiran ang magtutulak nito na lumabas. Tulad na rin ng bata may gene na pagiging matangkad pero kulang sa nutrisyon . sa kabilang banda ang isang taong walang taglay na genes ng pagkakaroon ng mental disorder ay hindi

45

nangangahulugan na ligtas na siya sa sakit. Ito ay sa kadahilanang maraming bagay na kanyang kapligiran ang maaaring magdulot sa kanya ng mental disorder. Ang kabiguan, matinding dipresyon, sobrang pagka sensitibo sa mga pagpuna at ekspektasyon ng iba ay ilan sa mga ito. Dagdag pa rito ay ang masamang epekto ng bawal ng gamot. Kaya nasa dugo man o wala, o nasa kapaligiran man , tamang pag iingat lamang ang kailangan. Bagama’t di tayo makakasigurong hindi tayo magkakaroon nito maari pa rin natin itong iwasan sa pamamagitan ng sapat na impormasyon hinggil dito.

Dagdag sa kahalagahan
Isa sa layunin ng mga mananaliksik sa pag aaral na ito ay ang maalis sa isip ng tao ang pag aakalang ang lahat ng uri na mental disorder ay malala at nakapipinsala at na lahat ng taong mayroon nito ay yung tinatawag nilangsira ulo o baliw. Mahalaga ang pag aaral na ito upang maipabatid sa mga mambabasa na kahit ang simpleng depresyon ay maituturing na rin na isang mental disorder.

Pagpapahayag ng mga Natuklasan
1. Ayon kay Morgan (1997), ang mga salitang behavior disorder, mental

disorder,abnormal behavior, at mental illness ay pare-pareho lang ang ibig sabihin. Ito ay tumutukoy sa pagiging persistently tense, dissatisfied, o ineffectual. Ang kondisyong ito ang pumipigil sa tao ng kumilos ng mahusay sa

46

lipunang ginagalawan nya. Ang sintomas sa ganitong sakit ay sinasabing mahirap matukoy dahil mahirap para sa isang tao ang madetermina ang pagkakaiba sa normal at hindi normal na pagkilos ng isang tao. Gayunpaman, kung ang hindi magandang gawi ng taong iyon nagpatuloy habang ito’y patindi ng patindi ay nangangahulugan na siya ay may mental disorder. Ang mga sintomas ayon kay Marx ay ang halusinasyon, delusyon, sobrang pagkabalisa, pagkilos ng iba sa karaniwan nyang ginagawa at iba pa. 2. Ang mental disorder ay nahahati sa iba’t ibang kategorya. Ito ay ang

organic mental disorder, substance use disorder, schizophrenic disorder, paranoid disorder, affective disorder, anxiety disorder, somatoform disorder, dissiciative disorder, psychosexual disorder, at personality disorder. 3. Di tulad ng ibang sakit walang blood tests, “imaging techniques” at iba

pang panglaborratoryong pagaaral ang makapagbibigay eksaktong pagaalisa sa sakop sa pag iisip. Ibig sabihin, ang dayagnosis ng sakit sa pag iisipay lagging interprasyon lamang ng taga obsera batay sa pananalita, ideya, paguugali o gawi at karanasan ng pasyente. ang malawakang pamamaraang gianagamit sa pagdayagnos ng sakit na ito ay ang pag ininterbyu sa taong may sakit. 4. Madalas itong nararanasan sa panahon ng kamusmusan, bihira naman ito pagsapit ng panahon

sa panahon bago ang pag bibinata o pagdadalaga. sa

katandaan o tinatawag na “sensant period”, tumataas ang posibilidad ng pagkakaroon.

47

5.

mayaman o mahirap ay nakakaranas ng ganitong sakit lalu na ang mga

hanap buhay ay hantad sa mga kemikal na tulad ng “lead” at arsenic. ang kaibahan nga lamang, ang kadalasang makikita mo sa mga mental ostipal ay yaong mga may kaya sa buhay dahil mayroong si lang sapat na panustos para sa kailang pasyente. 6. ayon sa Philippine mental health Association (PMHA) ay sa ibang pa

naming pag araral ay mga lalaking ang madalas magkaroon nito. 7. ang pagkakaroon ng mental disorder ay naapektuhan ng heredity, edad,

kasarian at mga paktor na tulad ng organic exciting causes, intoxication at head trauma na syang namang magpapalala nito. 8. ang mental disorder ay kapagmalala na ay binibigyan ng karapatang lunas

sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng gamut. ito ay sa tulong ng saykayatris na syang legal na makakagawa nito. sa ganito ring kaso, kadalasang ay sinadyang panatilihing sa loob ng ospital ang pasyente upang mas mamonitor nito ito ay mabigyan ng karagdagang terapi. 9. ang taong may mental ay mas nangangailangan ng pangunawa,

konsiderasyon ay pagmamahal ng mga taong malapit sa kanila. ang mga kaso ng mental disorder ng dina kinakaylangan pa ng gamut ay nadadaan na lamang sa terapi sa tulong pa rin ng mga saykayatris. 10. ang bayolohikal ng perspektibo na nagsasabi kung paano ang mental disorder ay namamana; ang saykodaynamikong perspektibo, na tinutokoy 48

ang mental disorder bilang sahin ng di mamalayang at di nareresolbahang pag tatalo sa isip; ang ebsistensyal na perspektibo na tinuturing ang sakit bilang resulta ng kabiguan ng tao na matagpuan ang kahulugan ng buhay upang gawing perspektibo na ang sakit sa pag-iisip ay isang natutunang pagtugon sa istimulay, kognitibong perspektibo na ang sakit sa pag-iisip ay resulta ng mga problema sa pagkatuto; sosyo-kultural sa perspektibo na kung saan ang sakit sa pag-iisip ay resulta ng sosyal, ekonomiks, at cultural na salik. 12. Ayon sa Philippine Mental Health Association (PMHA), may mga aktibidad na maaaring makatulong sa pag-iwas o pagpigil sa sakit sa pag-iisip. Kabilang dito ay ang pagsasagawa ng seminar para sa responsableng pagiging magulang, pagkakalat ng impormasyon tungkol sa bawal na gamot, retrit at iba pa. Makakatulong din ang pagtuturo kung paano panghahawakan an gating pangaraw-araw na problema at ang pag-unawa sa kinikilos o pag-uugali ng mga anak nila.

49

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->