P. 1
Timawa

Timawa

|Views: 24,728|Likes:
Published by api-3830277

More info:

Published by: api-3830277 on Nov 26, 2009
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

03/18/2014

pdf

text

original

Materyal para sa pelikula ang nobelang Timawa (1951) ni Agustin C. Fabian.

Nasabi ko ito dahil sa masalimuot nitong banghay, pakikipagsapalaran ng mga tauhan, at pabago-bagong kaligirang tinambalan ng kapana-panabik na paglalahad. Higit pa rito, pinapaksa ng nobela ang nagaganap ngayon sa Filipinas: ang kasalatan ng mga mediko, ang kabulukan ng alta sosyedad, ang prostitusyon ng sarili’t propesyon, at ang pagiibigan ng magkakaibang lahi. Tampok sa nobela ni Fabian ang pakikipagsapalaran ni Andres Talon sa Estados Unidos, na pumasok ng kung ano-anong trabaho, gaya ng upahang obrero sa California, Washington, at Oregon; manggagawa sa salmunan sa Alaska; tagalatag ng riles sa Nevada; at weyter sa ospital sa Chicago. Magsisikap makatapos ng medisina si Andres, ngunit daranas muna siya ng matinding diskriminasyon at pag-aaglahi sa mga puting Amerikano at sa mga kapuwa Filipinong nagmula sa alta sosyedad. Mamumuo sa loob ni Andres ang paghihiganti, at gagamitin ang talino at katusuhan upang gatasan ang mga mapagmataas na kababayang gaya nina Alfredo at Estrella. Magiging ganap na doktor si Andres, at darating ang sandali na sisiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Magsisilbi siya sa Medical Corps ng hukbong Amerikano, upang gantihan ng utang na loob ang nakamit niyang propesyon at nang makabalik saka pagsilbihan ang mga kababayan niyang dukha. Masasabak sa digmaan si Andres, tataas ang ranggo at aani ng papuri mula sa sandatahang lakas ng Amerika. Isang araw, masasabugan ang kanilang kampo, at inakala ng awtoridad na isa sa mga nasawing medikong kawal si Andres. Hindi itutuwid ni Andres ang gayong balita, at magtutungo sa Filipinas upang itago ang lihim niyang katauhan. Ngunit darating ang hukbong mediko sa Filipinas, at makikilala si Andres. Sisikat si Andres sa hanay ng mayayaman, aakitin ng mga dalaga, at magsisikap na magbigay ng libre at epektibong serbisyong medikal para sa mga dukha. Lumabis sa trabaho ang binata, at isang gabing dumalaw siya sa tahanan ni Lily—na isang puta at tanyag sa sirkulo ng mayayaman—ay nahilo at nabagok ang ulo sa sahig. Magkakaroon ng amnesia si Andres, at gagamitin ni Lily ang pagkakataon upang papaniwalaing siya at si Andres ay mag-asawa. Samantala, hahanapin siya ng kaniyang kasintahang Amerikana na si Alice. Si Alice ang pinadalhan ng kasulatan ni Andres na sakali’t masawi ito sa digmaan ay siya ang mamamahala ng salaping naipon ng binata upang maipagpatayo ng pagamutan para sa mga maralita. Magtutungo si Alice sa Filipinas, at gagawin ang nais ng kasintahan. Maraming matutulungang tao si Alice habang kabalikat sina Alredo, Bill, at Estrella. Magbabalik ang alaala ni Andres nang muling mabagok ito, at saklolohan ni Tandang Pedro. Mababatid din sa wakas ang panlilinlang ni Lily, at magkakabalikan sina Andres at Alice habang ipinahihiwatig ang paninirahan nila nang lubos dito sa Filipinas. Pambihira ang ganitong nobela dahil inuurirat nito ang usapin ng pag-aaglahi (racism) hindi lamang ng mga puting Amerikano bagkus ng mga Filipinong nagmula sa maykayang angkan. Ang deskriminasyon na matatamo ni Andres ay magmumula sa liblib na baryong pinaghaharian ng panginoong maylupang si Don Marcos. Iigting ito pagsapit

sa Estados Unidos, at aabot sa sukdol nang magbalik siya sa Filipinas pagkaraan ng digma. Kung babalikan ang kasaysayan, itinatag ang programang Apartheid sa Timog Africa noong 1949 at naganap ang madugong bakbakan sa Johannesburg laban sa Apartheid noong 1950. Sa Amerika, magkakagulo nang bugbugin ng mga Puti at pulis ang mga Itim na Amerikano sa Birmingham, Alabama, na ang sukdol ay ang pagkakadakip kay Martin Luther King at pagpapakalat ng may tatlong libong kawal noong 1963. Malalim ang ugat ng rasismo sa Amerika, at maiuugnay sa pang-aalipin sa mga Itim na Afrikano at sa mga baluktot na patakaran ng pamahalaang pinaghaharian ng Puti. Ilalatag sa nobela ni Fabian ang masalimuot na usapin ng prostitusyon at pagbawi ng dangal. Ang prostitusyon ay hindi lamang kakatawanin ni Lily, bagkus maging si Andres mismo na gagawin ang lahat upang makapiga ng salapi sa mga bulsa nina Alfredo, Estrella, at Lily at maibahagi iyon sa higit na nangangailangang maralita. Maituturing din na puta ang gaya nina Alfredo at Estrella, na pawang gagamitin ang salapi upang paikutin ang mga dukha at iba pang tao, alinsunod sa kanilang nais. Sa kabila ng lahat, aasa si Lily na maiaahon siya sa lusak sakali’t mapangasawa si Andres. Maghuhunos ang pagkatao nina Bill, Alfredo, at Estrella dahil sa leksiyong ibibigay ni Andres. At magbabago si Andres dahil kay Alice na magtuturo sa kaniya na paganahin ang damdamin imbes na isip lamang. Walang bida sa kumbensiyonal na pakahulugan ng “bida” sa nobela ni Fabian. Lahat ng tauhan ay may kahinaan, at nalulutas lamang ang kahinaan dahil may banggaan ng isip at loob ang mga tauhan. Ang naturang banggaan ay lumikha ng sintesis upang maituwid ang pagkakamali. Si Andres ang ultimong halimbawa, na ang isang tagapagligtas ay dumanas ng pagkatimawa mulang pagsilang hanggang pagkatigulang at nawalan ng gunita. Makaaahon lamang si Andres sa madilim na yugto sa tulong ng kaniyang mga kaibigan at ng gaya ni Tandang Pedro; at dahil nagmumula sa loob mismo ni Andres ang kapasiyang umahon sa karukhaang pangkatawan, pangkabuhayan, at pangkaisipan. Kung sisipatin naman ang bayan ni Andres, mababago lamang ang sistema ng gamutan sa naturang lugar nang dumating si Andres at magpasimula ng bagong sistema. Mababago rin ang diskriminasyon sa mga dukha nang ipagpatuloy ni Alice ang naiwan ni Andres. Sa panig ni Alice, matutuklasan niya na hindi sapat na gamutin ang pisikal na katawan. Kailangan ding gamutin ang masasamang kaugalian na bumabalot sa isip ng taumbayan. Makatutulong din ang hukbong mediko ng Amerika nang magtungo ito sa bayan para gamutin ang mahihina, maysakit, at sugatan. Ngunit ang sukdulan ng paggamot ay hindi lamang sa pisikal na antas. Ito ay ang pagbabago sa pananaw ng mga panginoong maylupang gaya ng mga magulang nina Estrella at Mercedes tungo sa mga dukhang magbubukid. Magiging tulay sa naturang pagbabago ng pananaw si Andres, na animo’y humuhugot ng alusyon sa himagsikang pinasimulan ng kaniyang tukayo at nagkataong supremo ng Katipunan. Mahalaga ring pansinin ang pagkakasal ng dalawang lahi. Magpapakasal sina Bill at Estrella, at ipahihiwatig ang muling pagbabalikan nina Andres at Alice. Sina Alice at Bill ang mga halimbawa ng pagbasag sa de-kahong pagtingin na ang mga Amerikano’y

sadyang tarantado at mapaniil. Kinakatawan nila ang mga tao na may puso kahit sa ibang tao na iba ang lahi at estado sa buhay. Ang pag-iisang dibdib naman nina Alfredo at Mercedes ay tila nagsasaad na kahit magkaiba ang kanilang kinamulatang gawi at asal ay magkakaayos ang magkasintahan sa mabuting usapan. Ipinakikita rin sa nobela ang pagiging alyado ng Filipinas at Amerika, na isa ring uri ng pagbibigkis ng lahi sa oras ng pandaigdigang digmaan. Ang konsepto ng “timawa” ay mauugat sa mga tala ni Juan de Isla (1565), na ipinakahulugang uring panlipunan na katumbas ng ”malayang tao.” Kabilang ng “timawa” ang “datu” na maykaya at ang “alipin” na siyang utusan ng mga datu. Sa pagaaral ni William Henry Scott at alinsunod sa mga tala ni Miguel de Loarca, ang “timawa” ay anak o salinlahi ng asawa o kabit ng datu, o kaya’y anak ng aliping inanakan ng datu. Walang karapatang makamana o magmana ang timawa, at tanging datu lamang ang may kapangyarihang gawin ito. Maglalaho ang uring panlipunan na kinakatawan ng timawa pagsapit ng kolonisasyon ng Espanyol, at ang nasabing taguri ay ilalapat pagkaraan sa mga tao na “dukha” sa ekonomiko, pisikal, at intelektuwal na antas. Nang lumaon, ginamit na mapanlibak na taguri ang “timawa” sa mga maralita, at kinargahan ng negatibong pahiwatig saka inalis ang pakahulugang may kaugnayan sa “kalayaan,” “laya,” at “paglaya.” Ang doble-karang konsepto ng “timawa” ang mahihinuhang kinasangkapan ni Fabian sa nobela, na hindi lamang tungkol sa karukhaan bagkus maging sa kalayaan ng tao sa sistemang mapaniil. Kailangang balikan ng bagong henerasyon ng mga mambabasa ang Timawa ni Fabian. Maraming Filipinong mediko, nars, at parmasyotiko ang nagtutungo sa ibayong dagat upang maghanapbuhay, at nauubos ang hanay nila sa Filipinas. Ang pag-alis nila sa Filipinas kung minsan ay ganap na paglagot sa ugnayan sa Filipinas, bagaman may ilang magbabalik upang dito magretiro at gugulin ang naipong pensiyon. Ang nobela ni Fabian ay paggunita sa kakayahan ng tao na makaahon sa madilim niyang nakaraan, papaghilumin ang sugat sa kalooban at isipan, o kaya’y sa gunita at lipunan. Ngunit hindi ito magagawa lamang ng isang tao. Kailangan ang pagtutulungan, at ang bisa ng pagbabayanihan ay isang susi upang mabuksan ang pinakamaringal at pinakamatayog sa puso ng tao anuman ang kaniyang lahi. Higit sa lahat, ang nobela ay isang mahabang paglalakbay, at ang nagbabalik ay maaaring hindi ang taong dating umalis, bagkus bagong tao na magpapatuloy sa naiwang tungkulin noong nakalipas na panahon.

PAMAGAT: ANG TIMAWA A. Layunin « « « « B. Maipaliwanag ng mabuti ang unang kabanata ng nobelang Timawa ni A.C. Fabian Matalakay sa pamamagitan ng isang malikhaing paraan ang kwento ng unang kabanata. Maipahatid ang magagandang katangian at aral ng nasabing nobela. Maipresenta ang tunay na isyung panlipunan na nakapaloob at nakaaapekto sa nobela.

Panimula Para sa panimula kami ay magpapakita ng ilang mga larawan na maaaring magpakita ng relasyon ng unang kabanata ng nobela sa kasalukuyan. Talambuhay ng may Akda

C.

Si Agustin Caralde Fabian (Agosto 15, 1901-1976) ay isa sa kinikilalang haligi ng panitikan ng Pilipinas. Sa Filipino man o sa Ingles, na higit na kilala ng mga mambabasa sa kanyang mga sagisag na Angel Fernandez, M.S. Martin, Felicisimo Correz, Augusto E. Fuentes, F. Bani, at Pilar Buendia. Sa mga kapwa manunulat, malimit na tinatawag siyang ”Ba Maltin.” Editor ng Lingguhang Graphic bago sumiklab ang Iklawang Digmaaang Pandaigdig, naging general manager siya ng Liwayway Publications Inc. pagkatapos ng digma hanggang sa kanyang pagretiro sa unang bahagi ng dekada sisenta. Ilan sa mga sinulat niyang nobela ay Timawa, Maria Marcedes, Sino Ako? Mga Dayupay, Basta Mayaman, Hindi Man Hanapin, Magbayad Ka! Ana Malaya, Ginoong Salapi at Limatik. Kabilang sa mahahalagang gawad na ipinagkaloob sa kanya ang Pro Patria, pampanguluhang gawad sa panahon ng Pangulong Carlos P. Garcia para sa namumukod na mga Filipino noong 1961. Gayundin ang Gawad Quezon sa Panitikan na kaloob ng Panitik ng Kababaihan noong 1971. Pamamaraan ng Pagtalakay: Magkakaroong ng isang game kung saan bubuuin ng napiling miyembro ang larawan ng awtor. Bawat bahagi ng larawang bubuuin ay maglalaman ng impormasyon tungkol sa awtor.

D.

Pagbubuod Tatalakayin naming ang kabuuan ng unang kabanata sa pamamagitan ng isang pagsasadula sa totoong mensahe at nilalaman ng kabanata 1 ng nobelang Timawa. Kabuuan ng Istrorya: Nagbukas ang unang kabanata sa pangkasalukuyang ginagawa o trabaho ng pangunahing tauhan na si Andres. Inilarawan din ditto sa mga unang bahagi ang mga taong kasalukuyang umiikot at gumaganap na mga tauhan sa pang-araw araw niyan buhay. Inilarawan din dito ang mga pinagdaanang hirap bago niya narating ang kasalikuyan niyang kalagayan. Sa kalagitnaan ng unang kabanata ngakaroon ng iba’t ibang tanong na lalong magpapaintindi sa ating magbabasa ang tunay na emosyon ng mga tauhan ng kwento lalong lalo na si Andres. Makikita at malalaman rin natin sa pamamagitan nito ang mga tunay na isyung panlipunan na nakapaloob sa istorya.

E.

Pagsusuri: Maaari ring ipakita ng grupo ang magagandang katangian ng mga tauhan tulad ni Andres na kahit mabigat ang pinagdaanan ay patuloy paring nag-sumikap para sa ikabubuti ng kaniyang buhay. Maipapakita rin dito ang kahalagahan ng edukasyon sa atin bilang mga mag-aaral at para kay Andres. Susuriin din nating mabuti ang mga pinagdaanang pagkakataon sa buhay ni Andres na maaaring magdala sa kanya sa paguugaling nabanggit at magbibigay ng magagandang aral na makakatulong sa ating maging masipag at huwag sayangin ang mga magagandang pagkakataong ibinigay sa atin.

Ang “Timawa” ay isang taong dukha, hamak. Siya ay kalimitan ay naninilbihan sa masalaping kapitbahay at maaring isang alilang kanin upang hindi lamang sumala sa oras ,at hindi malipasan ng gutom. Ngunit siya rin ang taong nakalaya sa pagpapaalipin dahil sa sariling pagpupunyagi. Si Andres , kung gayon ay hindi lamang ang binatang probinsyano na nagtagumpay sa buhay, kundi siya rin ang huwaran at maaaring maging huwaran at inspirasyon sa ating lahat. Ang paghamak kay Andres at sa kanyang Ama sa sariling nayon ay hindi nagging dahilan upang magmukmok siya at tanggapin na lamang ang katayuan niya sa buhay. Sa halip, iyon ang kanyang ginawang tungtungang- bato, at isinalin niya sa positibong kaparaanan ang kanyang kaapihan at nilabanan niya ang gayong kalagayan. May mga matatalinhagang mga pahayag na ginamit ang may akda na gustong magpakita at magpaliwanag sa atin ang tunay na loob na maaaring mailalaman ng mga talinhagang ito. Tulad ng “ang madalas mauntog ay matutong yumuko” , katulad ng mga pangyayaring pinagdaana ni Andres hindi lamang siya nasaktan at nagpatuloy, ngunit pinag-aralan niyang mabuti kung paano niya mararating ang kanyang mga pangarap upang hindi na muli malugmok at masaktan. Sa pamamagitan ng ganitong mga pagkakataon sa buhay, dapat maging isang aral ito sa ating lahat na huwag mawalan ng pag-asa at magpatuloy sa ating mga pangarap. Isa pa ring matalinhagang pahayag na ginamit sa unang kabanata ay ang “ Iyan ang tinatawag nanuuhaw at ayaw makiinom”. Makikita rito na bago dapat magdesisyon ang isang tao ay dapat niya muna itong pag-isipan ng mabuti upang hindi niya pagsissishan ito sa huli. F. Pag-uugnay sa Kasalukuyan

Tayong lahat ay pamilyar sa mga trabahong ibinibigay para sa mga Pilipino sa ibang bansa na may mataas na kita. Sino ba naman sa kasalukuyang panahon ang tatangi sa ganitong mga pagkakataon. Iniisip muna nila ang maaaring positibong epekto nito sa kanilang mga mahal sa buhay kahit mahirap ang kanilang trabaho sa ibang bansa. Isa pa rin sa maraming problema ng ating bansa ang mga pilipinong “underemployed” sila ang mga nakatapos ng isang kurso ngunit nagtatrabaho ng hindi ayos sa kanilang tinapos dahil sa kawalan ng mga

trabahong hahasa sa kanilang mga nalalaman. Maraming mga sakit sa lipunan ang makikita natin sa mga pahayag na ginamit at ipinakita upang tahasang maipaliwanag ng may akda ang tunay na mga pangyayari na hindi lamang nangyayari sa mga tauhan sa kwento pati na rin sa kasalukuyan tulad ng isang pangyayari sa kwento kung saan pinagsabihan ang mga magsasaka ng masasakit na salita kanilang among babae. Hindi na lamang siya nakuntento sa masasakit na sinabi niya kanilang mga tauhan kung hindi ay inihalintulad pa niya sila sa isang timawa. Makikita dito na ang hindi pantay na estado sa buhay ay hindi nagkakasundo at parating may naaagrabyado. Nariyan ang panlalait sa mga mahihirap at ang maling pagtingin sa sarili na maaaring makasakit Dinamdam ng ama ni Andres ang pangungutsang ito at isinumpa na kailanman na hindi na sila kakawawain at aalipustahin. Sa pamamagitan ng ganitong pangyayari sa kanilang buhay natutong tumayo sa Andres at patunayan na kaya niyang abutin ang anumang kanyang naisin sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.

G.

Pagkakapamagat

Maaaring pinamagatang “Timawa” ni A. C. Fabian ang nobela sapagkat nilarawan ng pangunahing tauhan ang kanyang sarili bilang isang hampaslupa na nagkakahulugan ng pagiging isang timawa. Ayon sa diksyunaryo ang Timawa ay nilarawan bilang isang mahirap na hindi nagkakaroon ng pagkakataong makuha lahat ang mga kinakailangang mga karapatan para sa kanilang buhay. Makikita rin natin ang pinagdaanang mahihirap at mabibigat na trabaho ni Andres kung saan yung mga may mababang kalidad ng edukasyon lamang ang nakakakuha. Wala nang pamagat ang higit na aangkop sa mensahe ng nobela maliban sa Timawa . Bagamat ipinangako ni Andres sa kanyang sarili na umalis akong si Andres at babalik akong si Andres, ipinakita ng nobela na ang Andres na bumalik ay hindi lang ang Andres na pisikal na umalis. Higit na makatuturang ipakahulugan na kaya niya sinabi ang gayon sapagkat ang nasa isip niya ay ang paglilingkod sa sarili niyang nayon.

Maaari ring ipakita ng grupo ang magagandang katangian ng mga tauhan tulad ni Andres na kahit mabigat ang pinagdaanan ay patuloy paring nag-sumikap para sa ikabubuti ng kaniyang buhay. Maipapakita rin dito ang kahalagahan ng edukasyon sa atin bilang mga mag-aaral at para kay Andres. Susuriin din nating mabuti ang mga pinagdaanang pagkakataon sa buhay ni Andres na maaaring magdala sa kanya sa paguugaling nabanggit at magbibigay ng magagandang aral na makakatulong sa ating maging masipag at huwag sayangin ang mga magagandang pagkakataong

ibinigay sa atin. Ang “Timawa” ay isang taong dukha, hamak. Siya ay kalimitan ay naninilbihan sa masalaping kapitbahay at maaring isang alilang kanin upang hindi lamang sumala sa oras ,at hindi malipasan ng gutom. Ngunit siya rin ang taong nakalaya sa pagpapaalipin dahil sa sariling pagpupunyagi. Si Andres , kung gayon ay hindi lamang ang binatang probinsyano na nagtagumpay sa buhay, kundi siya rin ang huwaran at maaaring maging huwaran at inspirasyon sa ating lahat. Ang paghamak kay Andres at sa kanyang Ama sa sariling nayon ay hindi nagging dahilan upang magmukmok siya at tanggapin na lamang ang katayuan niya sa buhay. Sa halip, iyon ang kanyang ginawang tungtungang- bato, at isinalin niya sa positibong kaparaanan ang kanyang kaapihan at nilabanan niya ang gayong kalagayan. May mga matatalinhagang mga pahayag na ginamit ang may akda na gustong magpakita at magpaliwanag sa atin ang tunay na loob na maaaring mailalaman ng mga talinhagang ito. Tulad ng “ang madalas mauntog ay matutong yumuko” , katulad ng mga pangyayaring pinagdaana ni Andres hindi lamang siya nasaktan at nagpatuloy, ngunit pinag-aralan niyang mabuti kung paano niya mararating ang kanyang mga pangarap upang hindi na muli malugmok at masaktan. Sa pamamagitan ng ganitong mga pagkakataon sa buhay, dapat maging isang aral ito sa ating lahat na huwag mawalan ng pag-asa at magpatuloy sa ating mga pangarap. Isa pa ring matalinhagang pahayag na ginamit sa unang kabanata ay ang “ Iyan ang tinatawag nanuuhaw at ayaw makiinom”. Makikita rito na bago dapat magdesisyon ang isang tao ay dapat niya muna itong pag-isipan ng mabuti upang hindi niya pagsissishan ito sa huli. F. Pag-uugnay sa Kasalukuyan

Tayong lahat ay pamilyar sa mga trabahong ibinibigay para sa mga Pilipino sa ibang bansa na may mataas na kita. Sino ba naman sa kasalukuyang panahon ang tatangi sa ganitong mga pagkakataon. Iniisip muna nila ang maaaring positibong epekto nito sa kanilang mga mahal sa buhay kahit mahirap ang kanilang trabaho sa ibang bansa. Isa pa rin sa maraming problema ng ating bansa ang mga pilipinong “underemployed” sila ang mga nakatapos ng isang kurso ngunit nagtatrabaho ng hindi ayos sa kanilang tinapos dahil sa kawalan ng mga trabahong hahasa sa kanilang mga nalalaman. Maraming mga sakit sa lipunan ang makikita natin sa mga pahayag na ginamit at ipinakita upang tahasang maipaliwanag ng may akda ang tunay na mga pangyayari na hindi lamang nangyayari sa mga tauhan sa kwento pati na rin sa kasalukuyan tulad ng isang pangyayari sa kwento kung saan pinagsabihan ang mga magsasaka ng masasakit na salita kanilang among babae. Hindi na lamang siya nakuntento sa masasakit na sinabi niya kanilang mga tauhan kung hindi ay inihalintulad pa niya sila sa isang timawa. Makikita dito na ang hindi pantay na estado sa buhay ay hindi nagkakasundo at parating may naaagrabyado. Nariyan ang panlalait sa mga mahihirap at ang maling pagtingin sa sarili na maaaring makasakit Dinamdam ng ama ni Andres ang pangungutsang ito at isinumpa na kailanman na hindi na

sila kakawawain at aalipustahin. Sa pamamagitan ng ganitong pangyayari sa kanilang buhay natutong tumayo sa Andres at patunayan na kaya niyang abutin ang anumang kanyang naisin sa pamamagitan ng sipag at tiyaga.

G.

Pagkakapamagat

Maaaring pinamagatang “Timawa” ni A. C. Fabian ang nobela sapagkat nilarawan ng pangunahing tauhan ang kanyang sarili bilang isang hampaslupa na nagkakahulugan ng pagiging isang timawa. Ayon sa diksyunaryo ang Timawa ay nilarawan bilang isang mahirap na hindi nagkakaroon ng pagkakataong makuha lahat ang mga kinakailangang mga karapatan para sa kanilang buhay. Makikita rin natin ang pinagdaanang mahihirap at mabibigat na trabaho ni Andres kung saan yung mga may mababang kalidad ng edukasyon lamang ang nakakakuha. Wala nang pamagat ang higit na aangkop sa mensahe ng nobela maliban sa Timawa . Bagamat ipinangako ni Andres sa kanyang sarili na umalis akong si Andres at babalik akong si Andres, ipinakita ng nobela na ang Andres na bumalik ay hindi lang ang Andres na pisikal na umalis. Higit na makatuturang ipakahulugan na kaya niya sinabi ang gayon sapagkat ang nasa isip niya ay ang paglilingkod sa sarili niyang nayon.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->