You are on page 1of 15

Wika

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo,


tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at
damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na
makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga
hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan
din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito,
nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang
pulutong ng mga tao.

Kahalagahan

Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng
sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa
pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at
pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.

Etimolohiya

Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula


naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe.
Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles -
nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na
nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong
kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon,
may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita.


(Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat,
mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw,
at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang
malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila
(piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-
gow, mula sa Ingles]) ang wika

Kasaysayan at teorya

Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit
ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang
nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing "ginaya
ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan." Halimbawa
ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal
na sapa. Dahil sa iba't ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga "tunog ng
kalikasan" na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo

Mga katangian
Ito ang mga karaniwang katangian ng wika: may balangkas, binubuo ng
makahulugang tunog, pinipili at isinasa-ayos, arbitraryo, nakabatay sa kultura,
ginagamit, kagila-gilagis, makapangyarihan, may antas, may pulitika, at
ginagamit araw-araw.

Mga antas
Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:

• Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan


sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang
pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino
• Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
• Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o
paaralan
• Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na
lugar o pook.
• Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang
ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na
nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
• Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Mga kagamitan
Ito ang pitong kagamitan ng wika:

• Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na


ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang
komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-
akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.
• Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling
maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang
anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o
nakikinig ang kahulugan nito.
• Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan
upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga
pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng
taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad
ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan
ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad
na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.
• Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw
ang usapan tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa
pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.

Kahulugan ng Wika

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay


dapat payabungin at pagyamanin sa salig na umiiral ng mga wika sa Pilipinas at
sa iba pang mga wika.

Malawak ang saklaw ng wika sapagkat bawat bagay na ginagawa ng tao ay


nagiging daan ang wika, upang magkaroon ito ng pagsasakatuparan. Bawat
indibidwal ay may sariling iksena o dati ng alam sa sariling wika.Batay sa mga
pananaliksik ng mga dalubhasa sa wika, iba-ibang kahulugan ang ipinahayag at
nabuo tungkol dito. Batay sa kahulugan ni Gleason, ang wika ay masistemang
balangkas ng mga sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo na
ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang
kultura.Ayon kay Sapiro, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng
isang kusang-loob na kaparaanan na lumikha ng tunog.

Kasaysayan ng Wikang Filipino

Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na


itunuturing na isang malayang bansa, ay may sariling wikang pambansa. Ito ay
ang Wikang Filipino.

Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang pambansa? Sang-ayon kay Dr.


Isidro Dyan, isang dalub-wika mula sa Malaya - Polinesya, "Malaking kahihiyan
para sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-
aangkin ng sariling wikang pambansa. Kailangang magkaroon ng wikang
pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili.

Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang


Pilipino na nagmula sa Tagalog na pagkaraa’y naging Filipino. Ang kasalukuyang
Filipino ay isang isyung naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na ang mga taga-
Cebu. Sabi ng mga Cebuano ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog
na sinasalita lamang ng mga taong nasa katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng
mga awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino ay hindi Tagalog kundi ‘sing
wikang nabuo at kinilalang "lingua franca" ng Kalakhang Maynila na lumaganap
na sa buong kapuluan.
Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay pinananahanan sa
kasalukuyan ng 60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 na iba’t ibang
wika. Kabilang sa mga pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilocano,
Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao. Pinaniniwalaang
ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang katutubong wika na
masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila ng pook
ngunit mayroon din namang naniniwala na ang wikang Tagalog ay ginagamit
hindi lamang ng mga katutubo sa pulo ng Luzon kundi sa iba pang mga pulo.

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap
ang Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga prayle na mag-aral ng iba’t ibang
wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa
ganitong paraan, nakapg-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil
sa pagkakasulat nila ng aklat gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas.

Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino


laban sa mag Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang diwa." Kaya nga’t pinili
nila ang Tagalog na siyang wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga
sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati na punung-puno sa damdaming
bayan. Kahit si Rizal at iba pang propagandista’y sumulat sa Kastila, batid nilang
ang wika’y malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.

Nang dumating ang mga Amerikano, biglang naunsyami ang mithiin ng mga
Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang
panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan
at sa tanggapan. Ito ang dahilan kung bakit simula noong pananakop ng mga
Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang pandaigdig,
hindi umunlad ang ating wika.

Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio Lopez,
Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging
masigasig sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Nagharap ng panukula si
Manuel Gillego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang Tagalog
subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles.

Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang tungo sa


pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging
Pangulong Manuel L. Quezon, ang tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang


Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala
ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating
Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon
noong Pebrero 8, 1935.
"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa
paglinang at paggamit ng pambansang wikang batay sa isa sa umiiral na
katutubong mga wika. Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles at
Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal."

Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang nagmula


sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng
puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na
Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y
nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng
dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong
Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Tagalog.

Ang sumusunod ay iba’t ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol


sa pagkasulong ng ating wika:

Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang


184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-
aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang
pambansa.

Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.


134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng


paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong
Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na


simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika
ng bansa.

Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon


Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa
Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19
tuwing taon.

Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni


Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7.
Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino
ang gagamitin.

Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang


nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay
panganlan sa Pilipino.
Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang
kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at
mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong


nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya
hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa
taong panuruan 1974--75.

Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng


Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa
pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang


rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz
Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng
pitak ang tungkol sa Wika:

Artikulo XIV - Wika

Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang,


ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas
at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa
nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit
ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang


opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas,
Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa
mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.

Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat


isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa


na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at
iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanitili.

Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at


nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng
Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon
din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan sa mga piling asignatura.

Wikang Filipino
Ang Filipino ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—
ang Inggles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987. Isa itong wikang
Awstronesyo at ang de facto na pamantayang bersyon ng wikang Tagalog,
bagaman de jure itong iba rito.
Kasaysayan at sariling katangian

Noong Nobyembre 13, 1937, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang


Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang
bagong pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga
sumusunod:[1]

1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang


pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at
pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng
Bisaya.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang
pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng
Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba
pang mga katutubong wikang Awstronesyo.
4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya
ng Pilipinas.
5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Noong 1961, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang
kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973
ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag
nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon
3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa
Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and formal
adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin,
nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa
matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit
ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino]
evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing
Philippine and other languages (emphasis added).” Tiniyak pa ng isang
resolusyon[2] ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at
pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang
sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. (emphasis added).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang
Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang
Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang
katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit
ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.

Mga naiibang pananaw at panukala

Bagaman naitakda na sa Saligang Batas at mga kaugnay na batas ang sariling


katangian ng Filipino, may nananatili pa ring mga alternatibong panukala sa kung
ano dapat ang maging katangian ng wikang Filipino. Gayumpaman, nararapat
itong maibukod sa mga nagdaraing lamang na, sa kasalukuyan, ang Filipino ay
de facto na iisa sa Tagalog at na ang pampublikong paggamit ng Filipino ay sa
katotohanan ang paggamit ng Tagal

Antas ng Wika

Ang wika at salitain ay nahahati sa apat na uri.

Una, ang balbal, na siyang pinakamababa.

Halimbawa ng balbal ay ang mga sumusunod: "epal (mapapel), iskapo (takas),


istokwa (layas), haybol (bahay)at bomalabs (malabo)".

Ikalawang uri naman ay ang lalawiganin. Kabilang sa antas na ito ay ang mga
salitain ng mga katutubo sa lalawigan. May temang lalawiganin sa kani kanilang
dila ang mga Kabiteño, Batangueno, Bicolano at iba pa. Aa paggamit ng mga
salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog, matibay na indikasyon ng
lalawiganing tema ang pagkakaroon ng punto O sa ingles ay accent.

Ang ikatlong uri naman ay ang Pambansa. Sa Pilipinas, laman pa rin ng


pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing ito ay
Filipino, samantalang ang iba naman ay may katwiran ding tawaging Tagalog
lamang ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. Kung mauunawaan na ang Filipino
at ang kaniyang alpabeto (Simpleng alpabeto) ay maunlad, at may mga hiram na
titik. Ang Filipino naman ay kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino
(tao) maging lalawiganin man, o balbal, mapa Tagalog man o banyaga. Sa
kadahilanang ito, ang Tagalog ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at
hindi ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at kasaysayan, ang Filipino pa
rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa.

Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang Pampanitikan. Sa apat na antas ng


wika, ito ang may pinakamayamang uri. Madalas ito ay ginagamitan ng mga
salitang may iba pang kahulugan. idioma, eskima, tayutay at iba't ibang tono,
tema at punto ay ginagamit sa pampanitikan. May isang eksperto sa wika ang
nagsabi na ang Panitikan ay "Kapatid na babae ng Kasaysayan", dahil ang
wikang pampanitikan ay makasaysayan at may kakayahang tumaliwas sa
kasaysayan dahil sa kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o hindi
totoo. Malayang magamit sa pagkatha ng dula, palabas, at iba pang likhang-
pampanitikan ay kadalasang nagaganap.

I. ANG EBOLUSYON NG WIKANG FILIPINO

Kung papaanong ang text message ay naipapadala mula sa


isang cellphone tungo sa isa pa ay misteryong sinasagot ng agham. Subalit sa
pasalitang pakikipagtalasasan, ang wika ang tagapagdala ng ideya tungo sa
mabisang pakikipag-ugnayan. Kung kaya, ang pagkakaroon ng isang
pambansang wika ay tulay upang ang isang bansa ay magkaisa at makamit ang
minimithing kaunlaran.
Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay
multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla
ng iisang mithiin na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t-
ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang midyum na Wikang Filipino.
Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa pagtatangkang baguhin
ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
Ang Baybayin na tinatawag ring Alibata ay malaon nang
ginagamit ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Kastila. Ayon
kay Jose Villa Panganiban (1994) ang alibata ay malaganap na ginagamit noong
1300 sa mga pulo ng Luzon at Kabisayaan samantalang Sanskrito ang
ginagamit sa Mindanao
at Sulu. Ang mga epiko ng mga Bisaya, Tagalog, Iluko, Ipugaw at
Bikol ay nasusulat sa alibata; samantalang ang mga epiko ng Magindanaw ay
nasusulat sa Sanskrito. Lumilitaw na bagamat hindi pa matatawag na bansa
ang ating mga lupain noong mga panahong iyon malinaw na may pundasyon
ng panitikan at kulturang umiiral na ginagabayan ng mga wika ng bawat
pangkat-etniko.
Sa artikulo ni Senador Blas Ople na lumabas sa pahayagang Kabayan
noong Ika-17 ng Agosto, 2001 ipinahayag niya na ang ebolusyon ng
pambansang
wika ay isa sa mga matatagumpay na kabanata sa kasaysayan ng bansa mula
nang ito ay ipanganak bilang kauna-unahang republikang konstitusyunal noong
1898.
Idinagdag naman ni Dr. Batnag sa kanyang artikulong may pamagat na
“Wikang Filipino: Kasangkapan sa Pagpapahayag ng Ideolohiyang Filipino” na
nalathala rin sa nabanggit na pahayagan na mahigit isang daang taon na ang
nakalilipas, sariling wika --- ang Tagalog, at di ang wika ng mga dayuhan ---- ang
ibinabandilang tagapagpahayag ng mga mithiin ng Himagsikang Pilipino at
naging opisyal na wika ng bagong tatag na Konstitusyon ng Malolos.
Noong Ika-13 ng Setyembre, 1936 nang sa bisa ng Commonwealth
Act No. 184 ay naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa. Naging kinatawaan
ng Surian sina:
Jaime C. de Veyra Bisaya-Samar-Leyte Tagapangulo
Lope K. Santos Tagalog Kagawad
Santiago Fonacier Ilokano Kagawad
Casimiro Perfecto Bicolano Kagawad
Felix B. Salas Hiligaynon Kagawad
Cecilio Lopez Tagalog Kagawad
Hadji Buto Moro Kagawad
Isidro Abad Bisaya-Cebu Kagawad
Zoilo Hilario Kapampangan Kagawad
Jose Zulueta Panggasinense Kagawad

Ang mga nabanggit na kasapi ng Surian ng Wikang Pambansa ang


nagsagawa ng pag-aaral upang makapili ng wikang magiging batayan ng
Wikang
Pambansa. Napagkasunduan nila na piliin ang Tagalog sapagkat;
1. ito ang gamit na wika sa Maynila na siyang sentro ng
pamahalaan
at kalakalan;
2. nagtataglay ang tagalog ng pinakamayamang talasalitaan at
panitikan;
3. madali itong mapag-aralan at maintindihan
4. pinakamalaganap itong ginagamit sa kapuluan
Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog
Pilipino / Filipino: Do they Differ sa bisa ng Executive Order No
134 na nilagdaan ni Pangulong
Quezon noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang
basehan ng pagbubuo ng Wikang Pambansa. Idinagdag niya na Starting in
1940, the Tagalog- based national language was taught in all public and private
schools. The language Pilipino was the Filipino National Language (in 1943) that
was based on Tagalog beginning in 1959 when Department order No. 7 was
passed by then Secretary Jose Romero of the Department of Education. The
same name (Pilipino) was also used for the official language, the language
for teaching and subject national language starting 1959. This stopped only
when Filipino was approved as the national language. Filipino was the name
used to call the national language in 1987 Constitution.

Ngunit ano ba ang pagkakaiba ng Pilipino sa Filipino? Ayon pa kay


Constantino: It was apparent that Pilipino was also Tagalog in concept and
structure and there was no Pilipino language before 1959. Also, there was no
Filipino language before 1973. Pilipino is different from Filipino even though both
became national languages because these are different concepts --- one was
based on only one language and the other on many languages in the
Philippines, including English and Spanish. Samakatuwid, teknikalidad sa
Saligang Batas ang naghihiwalay sa Pilipino at Filipino bukod pa sa ang Pilipino
ay wikang nakabatay lamang sa Tagalog bilang Pambansang Wika samantalang
ang Filipino ay ang kabuuang bunga ng ebolusyon ng wikang Pilipino kasama
ang pagbabago dulot ng impluwensiya ng wikang Kastila at Ingles.

Ayon naman sa aklat na Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga


Pilipino? (2000, Bob Ong ) hanggang ngayon ay mahirap pa ring resolbahin ang
isyu sa Wikang Pambansa dahil iba-iba pa rin ang sinasabi sa mga dyaryo,
magazine at libro ukol dito. Idinagdag pa sa aklat na si dating Governor Osmeña
ay nagpahayag na hindi patas kung pipiliting mag-Tagalog ang mga hindi-
Katagalugan. Pero ipinaliwanag din sa aklat na: sa dating ginawang survey sa
Ateneo de Manila University, 98% na ng mga Pilipino ang kayang umintindi ng
Tagalog, samantalang 51% lang ang nakakaintindi ng English. Patunay lamang
na malaganap na ang paggamit ng Filipino sa kasalukuyan sa ating
bansa.

Batay na rin sa Saligang Batas noong 1987, binago ng Surian ng


Wikang
Pambansa na kilala ngayon bilang Komisyon ng Wikang Pambansa ang ang
pagbabaybay ng mga pantig sa Wikang Filipino halaw sa alfabetong English.
Nagkaroon din ng mga pagtatalo ukol dito subalit sa kasalukuyan ang
Modernong Alfabetong Filipino ay binubuo 28 letra kasama ang Ñ na hango sa
Kastila at ang Ng na hago sa sinaunang Baybayin (Alibata).
Noong taong 2001 ay nagpalabas ang Komisyon ng Wikang Filipino ng
pamantayan sa wastong paggamit ng mga hiram na titik at pagsasalin ng mga
salita mula sa ibang dayuhang wika. Subalit taong 2007 nang muling ipahinto ng
bagong pamuuan ng KWF, ang pagpapalaganap ng mga pamantayang ito
sapagakat maging ang mga dalubwika sa iba’t-ibang pamantasan ay nagtatalo
pa ukol dito.

II. ANG WIKANG FILIPINO AT ANG ISYU NG GLOBALISASYON


Ayon kay Dr. Pamela Constantino (Kabayan, Marso 14, 2003) sa
artikulo niyang may pamagat na “Folklore at Wika” hindi na bago ang
globalisasyon sapagkat matagal na tayong nasa ilalim ng globalisasyon sa anyo
ng kolonisasyon, migrasyon at ekonomikong globalismo. Napailalaim na tayo sa
mga makapangyarihang bansa mula pa noong ika-16 na siglo hanggang sa
kasalukuyan. Ang ating mga kababayan ay nasa iba’t-ibang panig na
ng mundo at marami nang korporasyong multinasyonal ang matagal nang
nagpapatakbo ng negosyo sa ating bansa. Hindi na rin bago sa atin ang mga
terminong privatization, oil deregulation, IMF-Worldbank, CNN, Coke, Mc
Donald’s, import liberalization at iba pa.
Idinagdag pa niya mula pa sa pagpapalit ng siglo ay ginagamit na ang at
pangunahing midyum na ng edukasyon at opisyal na komunikasyon ang Ingles.
Kung kaya ano pa nga ba ang bago sa isyu ng globalisasyon at Wikang Filipino?
Bakit muling tinututulan ang deklarasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
na paigtingin ang pag-aaral ng English sa paaralan na nakasaad sa E.O 210?
Ayon sa Samahan ng mga Kolehiyo at Unibersidad sa Filipino (SANGFIL) sa
artikulong nalathala sa pahayagang Kabayan noong Pebrero 12, 2003, ang
hakbang na ito ng pangulo ay sumasalungat sa mga siyentipiko at makabagong
prinsipyo sa edukasyon partikular ang katotohanang mas mabilis matuto
mga bata sa ikalawang wika kapag literado na sila sa sariling wika. Naniniwala
ang SANGFIL na hindi makatutulong na hindi dapat sisihin sa Wikang Filipino
ang paghina ng kakayahan ng mga mag-aaral sa English.
Sa pahayagan ding Kabayan noong Pebrero 14, 2003 ay
nagpalabas ng manipesto ang Sentro sa kahusayan sa Filipino, Komisyon ng
Lalong Mataas na Edukasyon ng DLSU na nagsaaad na ang English ay hindi
solusyon sa problema ng edukasyon sa Pilipinas. Nakasaad sa manipesto na
matagal nang panahong ginagamit ang English bilang pangunahing
wikang panturo ngunit hanggang sa kasalukuyan ay nananatili pa rin ang
problema ng bansa sa ekonomiya at edukasyon. Dapat nating alalahanin na
ang sagot sa mga ganitong problema ay nakasalalay sa pagpapatibay ng
karunungan ng mamamayan at ito ay makakamit sa wikang Filipino. Ang
ganitong ideya ay pinatutunayan ng mga lokal at internasyunal ng mga riserts
(pananaliksik) na mas mabilis ang pagkatuto ng mga bata kapag sa sariling wika
nag-aral at ng mga bansang umuunlad na gamit ang sariling wika sa pagsasalin
ng kaalaman.

Nabanggit din sa manipesto na posibleng ang pahayag ni GMA ay


pagtalikod sa responsibilidad ng pamahalaan na bigyan ng pagkakataon ang
mamamayan na paunlarin ang buhay sa sariling bayan bagkos ay pinapag-aral
tayo ng Wikang English upang ipagtabuyan tayo sa ibang bansa. Isa itong
nakalulungkot na senaryo na habang tayo ang tambakan ng produkto ng iba’t-
ibang mga bansa, ang atin naming inieeksport sa kanila ay mga OFW’s upang
maiangat ang ekonomiya ng ating bansa.
Ganun pa man, upang makalangoy sa dikta ng globalisayon, hindi rin
naman dapat ipagwalang bahala ang pag-aaral ng English bilang universal na
wika. Ayon kay Satoko Iwasaki, isang guro sa Tokyo, Japan, batay sa
istatistiks noong 1996, ang wikang Chinese ay ginagamit ng 999 milyong tao,
487 milyon ang gumagamit ng English, 457 milyon ang gumagamit ng Hindu,
401 milyon ang nagsasalita ng Spanish at 280 milyon naman ang gumagamit ng
wikang Russian. Patunay ito nang paglaganap ng English.
Subalit, malinaw na dapat itanim sa isipan ng mga mag-aaral na ang
pag-aaral ng English ay bahagi ng pagtatangka nating matuto sa larangan ng
teknolohiya at hindi kailan man bilang bahagi ng pagpapailalaim sa
imperyalismong US. Ayon kay Paolo Freire sa aklat niyang A Pedagogy for
Liberation (1987), because of the political problem of power, you need to learn
how to command the dominant language, in order for you to survive in the
struggle to transform the society. Kung kaya ang pagbabago ng lipunan tungo
sa pag-unlad ng mamamayan ay nangangailangan ng pag-aaral ng English sa
antas na ang bansa ay makakasabay sa daloy ng mundo nang hindi nalilimot
ang sariling kultura at pagkatao.

III. WIKANG FILIPINO MULA ALIBATA HANGGANG TEXT MESSAGING


Batay sa teorya ni Aram Noam Chomsky (1928), lahat ng tao ay
may Language Acquisition Device (LAD. Idinagdag niya na everyone is born
with some sort of universal grammar in their brains------basic rules which are
similar across all languages. Ang sinaunang balarila na nakabatay sa Baybayin
ay may pamantayan ding sinusunod. Iyon nga lamang, hindi ito lumaganap dahil
sa kolonisasyon ng Kastila sa ating bansa. Kung kaya’t kung pagtatangkaang
muling pag-aralan nag Baybayin sa kasalukuyan, ang iniisip ng marami
na mahirap itong maunawaan ay isang kasinungalingan. Kahit ang mga pre-
schoolers sa kasalukuyan ay matututo nito kung agad tuturuan. Kung kaya, ang
pagkatuto ng wikang Filipino gamit ang alibata ay isang ambisyong sa tingin ng
iba ay hindi praktikal subalit posible. Sapagkat hindi ba magiging lubos ang
pagkakaroon natin ng sariling pagkakakilanlan sa wika kung muli nating
bubuhayin ang alibata? Sapagkat kahit si Rizal sa El Filibusterismo ay ginamit si
Simoun na nagpahayag ng mensaheng:
Anong lahi kayo sa kinabukasan? Isang bayang walang kaluluwa, isang
bayang walang kalayaan na lahat nang bagay ay hiram ultimong ang kasalanan
at kabiguan?
Marami na ang pagtatangka na buhayin ang alibata. Ayon kay
Bayani Mendoza De Leon, ang makabayang si Aurelio Alvero na kilala rin sa
tawag na Magtanggol Asa (pinatay si ng mga Hapon dahil sa kanyang sinulat) at
ang kasamang si Jose Sevilla ang bumuo noong 1940 ng SALITIKAN NG
WIKANG PAMBANSA. Noong 1972 ang iskultor na si Guillermo Tolentino ay
naglimbag ng kanyang akalta na Baybayin, a Syllabary. Noon namang 1978, si
Ricardo Mendoza sa kanyang aklat na Pinadaling Pag-aaral ng Katutubong
Abakadang Pilipino ay nagpaliwanag na dapat isama sa kurikulum ng edukasyon
ng Pilipinas ang pag-aaral ng alibata upang ang kasalukuyang Filipino ay
malinawan hinggil sa kanyang pagkatao.
Idinagdag pa ni de leon na sa isang artikulong Bathala and our
Baybayin na kasama sa publikasyon ng Union Espiritista Cristiana de Filipinas,
Inc, binigyang linaw ni Guillermo Tolentino ang bawat karakter sa alibata.
Sinimulan niya ang paliwanag sa salitang BATHALA kung saan ang BA,
isinusulat na ay simbolo kasarian ng babae, kung kaya ang unang pantig
sa salitang BABAE. Ang LA ay sagisag naman kasarian ng lalake habang
ang TA ay mula sa hitsura ng sinaunang martilyo na gamit sa paghampas o
pagdurog na bato. Ilan pa sa paglalarawan ni Guillermo
ang sumuasunod:
MA -isang sinaunang pana na tanging ang malakas
lamang
ang nakagagamit

KA -dalawang linya na itinaling bilang isa, basehan ng


salitang kasama, kaugnay, kakabit, kabiyak at
katipunan
WA - represents the turning back of the end of the thread
from a spool. It describes nihilistic impulse to turn
against oneself to yield to the dark forces of
destruction,
to deny life and existence. Hence it is found in such
words as WAKAS, WALA, WASAK and WATAK
NGA - nagpapakita ng ingay ng hayop tulad ng baka at
kalabaw na nag-iingay nang UNGA
DA - nagpapakita ng dalawang linya, tuwid o nakaliko na
repleksyon ng dinaanan ng tao o hayop. Kung kaya

ang salitang DAAN ay nagpapakita ng direksyon tulad


ng DOON, DITO, DIYAN at DULO.
Gaano man katumpak o kalihis ang paliwanag ni Guillermo Tolentino
tungkol sa alibata ay hindi maitatatwang tiyak na may pinagmulan ang bawat
naimbentong titik ng ating mna ninuno. Higit pa sana itong napagyaman at
napaunlad kung marami ang nagsikap at nagtangkang paunlarin ito. Ganun pa
man ay hindi pa huli ang lahat. may mga guro pa rin na nagsisikap na ituro ito sa
paaralan at maging sa internet ay may web site na nagpapaliwanag sa
epektibong paggamit ng alibata.
Hinggil naman sa text messaging, may malaking pagkakatulad ang
proseso ng paggamit nng salita sa cellphone at ang pagbabaybay gamit aang
alibata. Sa cellphone ang pagpapantig at pagpapaikli ng salita ay tulad rin sa
prinsipyo ng pagpapantig gamit ang Baybayin. Halimbawa, kung itatayp sa
cellphone ang pangungusap na PUPUNTA AKO SA BAHAY, tiyak na ganito ito
paiikliin sa PPUNTA AKO S BHY. Malinaw na ang texting at ang paggamit ng
alibata ay parehong nakabatay sa konsepto ng pagpapantig. Magiging
kumplikado ang lahat kung taglish ang pagtetext, halimabawa, PPUNTA ME SA
HAWS katumbas ng naunang halimbawa.
Hiwalay sa paksa ng Baybyin, nababahala ang mga lingguwista sa
tinatawag nilang pagkawasak ng balarila sa wikang English man o sa Filipino.
Kung tutuusin ay wala namang problema dito kung nagkakaunawaan naman ang
dalawang nagpapalitan ng text messages ngunit lumilitaw ang problema sa mga
estudyante kapag sila ay naatasang gumawa ng sulating pagsasanay sa Filipino.
Ang panghalip na niya ay nagiging nya at ang siya ay nagiging sya. Mas malala
pa ang pagkasira ng konsepto ng pamanahunan ng pandiwa at ang maling
paggamit ng pang-ugnay na nang na bunga na rin ng pagkasanay ng mga mag-
aaral sa pagpapaikli ng mensahe sa cellphone. Kung kaya ang panukala sa
ganitong sitwasyon ay mahigpit na pagwaswasto ng mga guro sa mga munti
mang
pagkakamali ng mga mag-aaral sa pagsulat nila ng mga pormal na komposisyon
upang matiyak na ang mga batas sa balarila ay naipatutupad. Sa ganitong
paraan ay mapipigil ang pagkasira ng mga panuntunan sa wika.
Kung talagang susuriin ay hindi naman talaga bago ang
texting ayon kay Dr. Isagani Cruz. Sa kanayang artikulong may pamagat na
ANG TXTNG BLNG TXTO na lumabas sa MALAY XVII (1) noong Agosto 2002,
ipinaliwanag niya na ang proseso ng texting ay walang ipinagkaiba sa
speedwriting noon pa mang unang panahon sa England. Ang nabago lang ay
ang teknolohiya ng paggamit ng speedwriting sa cellphone. Binigyang diin din ni
Dr. Cruz na maging sa Baybayin o Alibata ay may istruktura ng texting lalo pa sa
Bisayang alibatang pagbabaybay ng mga pagbating maayong aga, maayong
buntag, maupay na aga, daghang salamat na higit na mauunawaan pag binisita
ang web site ng (alibataatpandesal.com).
Anupa’t ang ebolusyon ng wikang Filipino mula sa alibata
patungong text messaging ay sadyang malinaw na masasalamin kung
pagtutuunan ng pansin. Kung kaya, kung patuloy na payayabungin ang paggamit
ng alibata, hindi kataka-takang balang araw ay magkaroon na ng espesyal na
cellphone na ang keypad ay may alibata o kaya naman ay computer na may
lengguwaheng gumgamit ng alibata. Ang kailangan lamang ay ating
pahalagahan ang paggamit nito at huwag isipin ang depinisyon ng praktikalidad
na nakabatay sa dikta ng dayuhan sa ating ekonomiya at kultura. Kung patuloy
na payayabungin ang Wikang Filipino at gagamitin ang Baybayin, ang susunod
na henerasyon
ang makikinabang sa pagpupunyaging maaaring pasimulan natin ngayon sa
kasalukuyan.

You might also like