Professional Documents
Culture Documents
Pagbasa
•
• Ano ang Pagbasa?
• Marami nang pag-aaral at
pananaliksik sa pagbasa. At marami
ring pagpapakahulugan na naging
bunga ng gawaing ito. Sinabi ni
Goodman na ang pagbasa ay isang
“psycholinguistic guessing game”
na kung saan ang nagbabasa ay
nagbubuong muli ng isang mensahe
o kaisipang hango sa tekstong binasa.
Kay Goodman, ang gawaing ito ng
pagbibigay kahulugan ay isang
patuloy na prosesong siklikal buhat sa
teksto, sariling paghahaka o paghula,
pagtataya, pagpapatunay,
• Sa ganitong pagpagpapakahulugan,
hindi na kailangan pang basahing
lahat ang teksto upang maunawaan
ito, lalo na kung higit na magaling
ang tagabasa sa paghula o
pagbigay ng haka. Kaya nga, ang
isang tagabasa na magaling sa
pagbibiga ng tamang prediksyon,
ay nakababasa nang higit na
mabilis kaysa iba dahil hindi niya
kailangang basahin nang isa-isa
ang bawat salita sa teksto.
•
Ilang Kabatiran sa mga Layunin at
Proseso sa Pagbasa
• Mahalaga sa pagbasa ang pag-
alam sa ilang mga tiyak na
kalakaran/konbesnyon sa
pagsulat
– Ang hagod ng mata sa pagbasa ay
magkakaiba-iba sa iba’t ibang wika.
Halimbawa, ang mga teksto sa Filipino
ay binabasa mula kaliwa pakanan,
samantalang ang tekstong Intsik ay
binabasa mula itaas-pababa mula sa
gawing kanan ng pahina. Ang mga
tekstong Arabic naman ay binabasa
mula kanan-pakaliwa. Kaya nga, hindi
dapat pagtakhan kung may batang
Nagkakaiba-iba rin ang paraan ng
paglalahd ng ideya o kaisipan sa iba’t
ibang wika. AngFilipino at Ingles ay may
alpabeto kung saan ang bawat letra at
kumbinasyon ng mga letra ay may tunog
at ang isang salita ay maaaring buuin sa
pagsasama ng mga letra na sa pagbasa
ay nakabubo ng tunog ng salita. Sa
kabilang dako, sa wikang Intsik, ang
bawat ideograph ay kumakatawan sa
kahulugan ng salita at hindi ng tunog
nito. Kaya nga, lahat ng Intsik ay
nakababasa at nakauunawa ng isang
sulat Intsik (ideograph) kung babasahin
ito nang tahimik. Ngunit magkakaroon ng
kaguluhan kung babasahin ito nang
malakas ng isang Cantonese para
maunawaan ito ng isang Hokkien. Ang
• Kahit may gumagamit ng parehong
alpabeto, ang letra-tunog na
korespondensya ay hindi palaging
magkatulad. Halimbawa, ang
karaniwang tunog ng /a/ sa Ingles
ay /æ/ gaya ng aplle. Sa Filipino,
ang tunog ng /a/ ay /a:/ gaya ng
ama. Maaaring pag-ugatan ito ng
pagkalito kapag parehong pinag-
aaralan ang dalawang wika.
• Ang tunay na pagbasa ay ang
pag-unawa sa mensahe na
nakapaloob sa isang teksto.
Ang pagpapatunog ng mga
salita ay isang bahagi lamang
ng proseso sa pagbasa.
• Kung ang isang pitong taong gulang
na bata ay nakababasa na ng
Filipino, magagawa niyang basahin
ang teksto A ngunit maaaring hindi
niya ito maunawaan dahil kulang
pa siya sa mga kaalaman na
mahalaga sa pag-unawa ng teksto.
• Bahagi ng pag-unawa ng teksto
ang pag-unawa sa wika kung
saan ito nasusulat.
• Ang kaalaman sa wika kung saan
nakasulat ang isang teksto ang
pangunahing kailanganin sa pagbasa.
Hindi sapat na nabibigkas ng tao ang
anumang nakalimbag sa teksto.
Kailangang mayroon siyang dating
kaalaman (prior knowledge) sa
wika kung saan ito naksulat upang
mabigyang kahulugan niya ito.
Maiintindihan mo kaya ang Teksto B
kung babasahin ito sa iyo nang
malaks. Bakit? Katulad ng pag-aaral
ng wika, ang pag-aaral ng pagbasa ay
isang habang-buhay ng proseso. Hindi
• Bahagi rin ng pagbasa ang
paggamit ng dating alam (tungkol
sa daigdig, sa paksang
tinatalakay, mga kalakaran atb.)
• Isang panuntunan na maaaring gamitin
sa pagpili ng tekstong babasahin ay
dapat itong makatulong sa
pagpapalawak ng ating kaalamano
kasanayan; nakapagbibigay ng
bagong perspektibo hinggil wsa
dating kaalaman, naglalaan ng
bagong impormasyon, nagbibigay ng
pagkakataon para sa intelekwal,
emosyonalat ispiritwal ng
debelopment, atb. Gayon pa man,
• Halimbawa, hindi magiging
makabuluhan sa isang taong
walang kamuwangan sa stock
exchange ang inilahad ng Teksto
H. Kaya nga, hindi mababasa ng
isang bataang tekstong ito. Maaari
niyang maisa-isang basahin nang
malakas ang lahat ng salita sa
teksto subalit wala siya ng mga
ipinalalagay na kaalaman upang
maunawaanat mailagay ito sa
tamaang pananw o perspektibo.
Ang pagbasaay pagpapakahulugan
• Ang pagbasa ay isang proseso ng
pag-iisip.
Hindi mapag-aalinlanganan na
ang pag-iisip ay mahalaga sa
pagbasa. Ang pagbasa ay
pagtatangka ng isang tagabasa na
maunawaan kung ano ang iniisip o
nais pakahulugan ng isang awtor.
Upang maisagawa ito, ang isang
tagabasa ay naghihinuha,
nanghuhula, nagbubuo ng
kongklusyon.
• Ang pagbasa ay isang prosesong
interaktibo.
Malinaw na may interaksyong naganap sa
kuwento. Sumasang-ayon ka ba sa
ikikilos ni Y? Bakit? Naniniwala ka ba sa
Tulungan ang mga mag-aaral na
magbasa nang may sapat na pag-
unawa.
• Ito’y nangangahulugan na hindi
dapat unawin ng mga –aaral ang
lahat ng mga binaggit sa teksto.
Ang dapat niyang unawain ay iyon
lamang tumutugon sa kanyang
layunin sa pagbabasa. Kung ipipilit
sa mag-aaral na dapat niyang
maunawaan ang kabuuan ng
teksto, maaaring humantong ito sa
kahinaan sa pagbasa na tinawag na
• Ito’y maaaring magbunga ng isang
kaisipan na mas mahalaga sa
kanilang pag-unawa ang pag-alam
sa kahulugan ng ilang “mahihirap
na salita” kaysa sa alam nilang
mga simpleng salita na bumubuo
sa teksto. Kaya nga, kung
nagtatanong ang isang bata sa
kahulugan ng ilang salita, itanong
kung kailangan niya ito para sa
kanyang layunin sa pagbabasa.
Tulungan ang mga mag-aaral na
magbasa nang may angkop na
bilis.
Hindi ito karaniwang dinidebelop ng