P. 1
Mga Pilipinong Tumulong

Mga Pilipinong Tumulong

2.0

|Views: 17,823|Likes:
Published by teacherden

More info:

Published by: teacherden on Jan 07, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/01/2013

pdf

text

original

MGA PILIPINONG TUMULONG/TUMUTULONG SA PAG-UNLAD NG BAYAN

Dr. Fe del Mundo (Agham)

] Edukasyong Nakamit Siya ay likas na matalino at masipag na mag-aral. Nagtapos siya sa Manila South High School na may honors (1926). Nakapasa siya sa entrance test sa Unibersidad ng Pilipinas kung kailan ang mga babae ay binibigyan lamang na 10% na kabuuang populasyon upang makapag-enrol. Sa dalawangdaang estudyanteng kumuha ng PreMedicine entrance test, siya ang nanguna sa lahat. Labing-tatlong dalaga lamang ang nakapasa at isa si Fe sa mga ito. Natapos niya ang Pre-Med sa loob lamang ng dalawang taon (1928). Sa UP College of Medicine, tanging siya ang nakakuha ng markang A, o ang katumbas nitong 1.0 sa Pediatrics (Panggagamot sa mga bata). Ito ang kanyang naging inspirasyon upang magpakadalubhasa sa gawaing ito. Natapos ni Dr. Fe ang kursong Doctor of Medicine (1933) bilang class valedictorian. Naipasa niya ang pambansang Medical board examination at nakamit ang Ikatlo (3rd place) sa pinakamataas. Dahil sa kanyang angking talino, biniyayaan siya ng Pangulo Manuel L. Quezon ng isang scholarship sa alinmang unibersidad sa Estados Unidos. Limang taon siyang nagpakadalubhasa sa Pediatrics sa Unibersidad ng Harvard. Tinapos niya ang kursong Master of Arts in Bacteriology sa Unibersidad ng Boston. Mga Bagay na Nagtulak Upang Tumulong sa Pagpapaunlad ng Bayan

Mga Ginawa para sa Pagpapaunlad ng Bayan Bilang pangunahing manggagamot ng mga bata, ipinagmamalaki ni Dr. Fe ang kanyang mga pananaliksik sa mga sakit na polio, rubella at varicella. Ang mga ito ang nagsilbing basehan sa pag-aaral at paggamit ng mga bakuna sa buong bansa. Ang kawalan ng mga kagamitan at laboratoryo sa Pilipinas hindi naging hadlang kay Dr. Fe upang patuloy na magsaliksik. Matiyaga niyang ipinadadala sa New York (para sa polio), sa London, (para sa tigdas), sa Switzerland (para sa rubella) at sa bansang Hapon (chicken pox) ang mga specimen. Sa kanyang pag-aaral sa libo-libong mga bata mula sa iba't ibang parte ng bansa (1941), napag-alaman niya na ang mga bata pala ay maaaring immune o higit na mahina ang panlaban (susceptible) sa ilang mga sakit. Ito ang naging panuntunan kung ilang taon ba dapat bigyan ng bakuna ang isang sanggol upang higit na magkabisa ito. May isang kaso na inakalang tipus (typhoid fever) ang kumalat na epidemya noong taon 1954. Dahil sa pagtitiyaga ni Dr. Fe, ito ay nadiskubre na dengue pala. Ito ang unang pagkakataong nakilala ang dengue sa Pilipinas. Pinag-aralan din ni Dr. Fe ang mga bakteryang nagiging sanhi ng pagtatae (bacteriological etiology ofdiarrheas) ng mga batang wala pang 5 taong gulang. Ito ang nagbukas ng daan sa paggamit ng microbials para huminto ang pagtatae. Hindi lamang panggagamot sa bata ang pinagdalubhasaan ni Dr. Fe. Pinag-aralan din niya kung paano maaaring mapaayos at lubusang mapakinabangan ang mga hilot sa panganganak at pangangalaga ng mga batang bagong silang. Pinangunahan din niya ang pagkakaroon ng mga botika sa barangay at mga sentrong pangangalaga para sa mga ina at bata (Mother and Child Health Care Centers). Tunay ngang napagyaman ni Dr. Fe del mundo ang gating bayan sa larangan ng siyensiya at agham. Ang kanyang dedikasyon at galing sa pananaliksik ay nakatulong upang masagip ang maraming buhay at mapanatili ang maayos na kalusugan ng lahat ng mamamayang Pilipino.

Vicente Manansala (Sining)

1910-1981 “Parang pagsamba ang pag-aral sa sining, - taimtim at mahigpit. At masikap”

Edukasyong Nakamit Isang taon siyang nag-trabaho sa Manila, nagpinta ng mga paskel sa sine (movie posters) noong 1925, bago siya pumasok noong sumunod na taon sa paaralan ng sining at katha (School of Fine Arts) ng University of the Philippines (UP) hanggang 1930. Pagkatapos, naghanap-buhay siya kung saan-saan at anumang gawain na kanyang nakita ay kanyang pinasukan. Nagpinta siya sa mga karatula (billboards) sa highway at mga lansangan. Nagpeon pa nuong ginagawa ang Ipo Dam. Naging taga-hugas siya ng pinggan sa Silver Palm, isang barkong English, nuong 1934. Lumahok din siya sa mga patimpalak sa paggguhit at noong 1949 , nabigyan siya ng pabuya (grant) ng United Nations (UNESCO) upang makapag-dalubhasa sa Canada nang 6 buwan. Sumunod na taon, 1950, nanalo ng unang gantimpala ang kanyang “Banaklaot” (“Fishermen”) sa unang

paligsahan ng Art Association of the Philippines. Nuon ding taon na iyon, siyam na buwan siyang pinapag-aral ng France sa Ecole de Beaux Arts ng University of Paris. Naging professor siya sa UST School of Fine Arts mula nuong 1951 hanggang 1958. Nuong 1960, binigyan siya ng pabuya ng United States upang mag-aral sa New York, at nuong 1970, mula Germany naman, upang mag-aral sa Zurich. Mga Bagay na Nagtulak Upang Tumulong sa Pagpapaunlad ng Bayan Lalong tumalas ang pakiramdam ni Manansala ukol sa pagpinta nang nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-aral sa ibang bansa. Doon sukdulang “nabuhay” ang kanyang pagpinta - natuto niyang damdamin ang pinipinta, at kilalanin ang damdamin sa mga larawan. Para daw lindol, nagimbal ang kanyang turing sa pagpinta. Hindi lamang pagsasa-ayos ng mga hugis at kulay, sabi niya, kundi baga tulad ng pagtanghal sa misa sa simbahan, ang pag-aalay ng damdamin. O ang pakiramdam ng pag-aalay. Naging inspirasyon niya sa paggawa ng mga obra ang mga nasaksihan niyang paghihirap. Alam niyang natastas man ang lipunan at kabuhayan, nanatiling matatag ang katauhan, at mahinahon ang pagsisikap ng Pilipino. Aninaw ito sa pagpinta niya sa mga “common tao” - tagpi-tagpi ang himas ng mga kulay subalit naglarawan na patuloy pa rin sa mga dating gawi - paglalako sa mga lansangan, pagpila upang bumili ng bigas, huntahan habang nagsasabong nang “kahig-kahig,” nagdarasal sa hapag bago kumain. Nanatiling tunay sa dukhang tao ang larawan ni Manansala. Maaaring dala ng kanyang karanasan, at ng sariling dangal, anumang anyo ang ipahid niya, laging tunay ang paglarawan niya sa mga Pilipinong maralita

Mga Ginawa para sa Pagpapaunlad ng Bayan

Kinilala siya sa kanyang “Banaklaot” (1950) Ang paghilig (style) niya sa binagong tanaw-buhay (neo-realism) na sumaklaw sa sining at likhaan ng Europa at America, dala ng salat at hirap ng buhay na laganap nuon matapos wasakin ng digmaan ang tiwasay at mahinahong daigdig ng mayamang Europa. Sa mga sining nuon, ang kabaguhan ng mahirap na buhay ay tinaglay sa tindi at pagkasukdulan ng mga katha - sa mga larawan, lalo na sa “Banaklaot,” ang nagbukol na mga bisig, hukot na mga balikat, naramdaman kung hindi nakita, ang banat ng mga litid, ang tagas ng pawis.

Fernando Amorsolo (Sining)

Ang Pintor ng Ginintuang Pilipino (1892-1972) “Mabilis magbago ang liwanag ng araw, at kailangang mabilis ka upang mahuli mo sa larawan ang damdamin nuong nagsimula ka...”

Edukasyong Nakamit Noong 1909, nag-aral si Amorsolo sa Liceo de Manila, kung saan kinilala ang galing niya sa pagguhit at pagpinta. Siya rin ay pumasok sa paaralan ng sining ng Unibersidad ng Pilipinas kung saan nagtuturo ang kanyang pinsan na si Fabian Dela Rosa. Habang nag-aaral, nakisukob siya sa isang upahan at upang kumita, sumali siya sa mga paligsahan at gumuhit ng mga larawaran gaya ng “Parusa ng Diyos,” ang unang nobela ni Severino Reyes. Nagdesinyo rin siya ng mga upuan para sa Bureau of Public Works, kung saan siya nakapasok bilang tagapag-guhit. Noong 1914, isa siya sa mga unang nagtapos sa UP kung saan siya nakatanggap ng medalya at parangal. Nuong 1916, nabigyan siya ng pabuya ni Enrique Zobel de Ayala upang mag-aral sa Escuela de San Fernando sa Madrid, España, at dumaan siya sa New York, sa America upang magsuri ng iba’t ibang hilig sa pagpinta. Nakahiligan niya ang pagpinta ng lipas nang maestro, si Diego de Velazquez, at iba pang dating bihasa sa Europa at America. Mga Bagay na Nagtulak Upang Tumulong sa Pagpapaunlad ng Bayan

Mga Ginawa para sa Pagpapaunlad ng Bayan Maraming ginawa si Amorsolo na iba-ibang klaseng dibuho, lalo na mga dibuho ng mga tao, tanawin, at mga makasaysayang pangyayari. Halos lahat ng mga gawa niya ay representasyon ng pinakamagandang mga aspeto ng Pilipinas at ipinapakita ang kanyang nasyonalismo.

Nuong 1924 natapos ni Amorsolo ang unang sikat niyang larawan, ang “Planting Rice,” natanyag sa buong kapuluan at America, at nalathala sa mga kalendaryo mga karatola at mga lathalang pang-turista. Sumikat siya at nagmistulang gigante ng pagpinta sa Pilipinas mula nuong 1930s hanggang 1950s nang gumihit siya ng marami, at iba’t ibang larawan ng mga tao, kalikasan at mga yugto ng kasaysayan ng Pilipinas. Umabot ang palabas ng kanyang mga guhit hanggang sa New York, sa America, at sa Belgium, sa Europa. Gumuhit din siya para sa mga aklat paaralan, mga nobela, mga disenyo para sa mga bahay kalakal at mga cartoon para sa mga pahayagan at magazine, tulad ng The Independent, Philippine Magazine, Telembang, Renacimiento Filipino at Excelsior Itinangi si Amorsolo dahil ‘nabihag’ niya ang uri ng liwanag sa Pilipinas. Gumamit pa siya ng paraang tinawag na ‘backlighting,’ - sa likuran ng tao inilagak ang araw kaya naguhit sila sa ginintuang liwanag. Naging favorito siya ng mga Amerkano na nais ipakita sa mga nasa America ang anyo ng kanilang sakop na kapuluan. Lagi din siyang nanatiling maprinsipyo gaano man kailangan niya ng pera: lahat ng kanyang mga ipininta ay orihinal; kapag may humingi sa kanya ng kopya ng nagawa na niyang dibuho, gumagawa siya ng bagong dibuho na magkahawig ngunit hindi simpleng kopya lamang. Siya’y nagsilbing ehemplo sa kapwa niya pintor at ipinakilala niya sa buong mundo ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng pagguhit.

Catalino “Lino” Ortiz Brocka (Sining-Pelikula)

(1939-1991)
“ winika..research "

Edukasyong Nakamit Mula sa kanyang pagkabata ay nagsimula na ang kanyang pagkahilig sa sining nang mag-aral siya at maging isa sa pinakamahusay pagdating sa pagtula sa kanilang lugar. Mula rito ay naisipan niyang bumuo ng isang organisasyon na aarte at magtatanghal sa kanilang komunidad. Ito ang nagging puhunan ni Lino upang makapasok sa mundo ng sining. Nang kumuha siya ng Batsilyer ng Sining sa Literaturang Ingles sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman, naging aktibo pa rin siya sa pag-arte sa pag-sali niya sa UP Dramatic Club. Ngunit nahirapan siyang makakuha ng mga gaganapin dahil na rin sa kanyang pagsasalita at sa punto at sa kanyang kaliitan. Kaya naman para manatili pa rin sa samahang ito, nagpaubaya na siya at pinili na lamang na asikasuhin ang pag-aayos sa pagtatanghalan at pati na rin ang pag-iilaw. Pagkatapos nito, naging misyonaryo siya sa Mormon sa loob ng dalawang taon at namalagi sa Hawaii. KULANG PA

Mga Bagay na Nagtulak Upang Tumulong sa Pagpapaunlad ng Bayan Ang kanyang pagtuligsa laban sa pagpapatigil sa malayang pagpapahayag ng kanilang ideya ang nagtulak sa kanya na dalhin pa hanggang sa lansangan at sumali sa panibagong samahan, ang Free the Artist Movement, na nang kalaunan ay mas nakilala bilang Concerned Artists of the Philippines (CAP). Bilang kritiko ng administrasyong Marcos, walang takot niyang ipinarinig ang kanyang boses at saloobin. Noong 1985, naaresto siya kasama ang kapwa direktor na si Behn Cervantes dahil sumali sila sa pagaaklas na ginawa ng mga drayber ng jeepney. Nang italaga naman siya ng dating Pangulong Corazon Aquino bilang miyembro ng 1986 Constitutional Convention, mas pinili niyang iwanan ito at sumama sa protesta laban sa naging desisyon ng Convention patungkol sa isyu ng land reform. Walang takot niyang iwinaksi ang mga hindi magandang pangyayari sa bansa sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula. KULANG

Mga Ginawa para sa Pagapaunlad ng Bayan Si Catalino Ortiz Brocka,na mas nakilala bilang Lino Brocka, ay isa sa mga pinakamahusay na direktor sa Pilipinas na pinarangalan at kinilala, maging sa ibang bansa. Tinalakay niya sa kanyang mga pelikula ang mga paksa na pilit iniiwasan sa lipunan. Ipinamalas niya rin ang pagiging diretso sa kanyang mga ideya at opinyon na malinaw ring matutunghayan sa kanyang mga pelikula. Kung kaya't hanggang ngayon ay patuloy na pinapanood at hinahangaan ng mga tao mula sa iba't ibang henerasyon dahil na rin sa mga sitwasyon at ideyang tumutugma sa kahit anong panahon dito sa bansa. Pinaunlad niya ang bayan sa paraan kung saan binuksan niya ang kaisipan ng mga mamayan tungo sa totoong mukha ng Pilipinas na nakatulong upang magising ang kanilang diwang makabayan. Nasama si Brocka sa Hall of Fame ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) noong 1990 matapos siyang mabigyan ng Gumapang Ka sa Lusak ng panlimang gawad bilang pinakamahusay na direktor. Nagkamit siya ng apat pang karangalan para sa Tubog sa Ginto; Tinimbang Ka Ngunit Kulang; Maynila, Sa mga Kuko ng Liwanag (1975); at Jaguar (1979). Ang Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) ay binigyan siya ng karangalan mula sa Urian bilang pinakamahusay na direktor para sa Jaguar. Nagkaroon siya ng dalawa pang karangalan bilang pinakamahusay na direktor mula sa Film Academy of the Philippines (FAP) para sa Bayan Ko: Kapit sa Patalim at

Gumapang Ka sa Lusak. Ilang taon mula ng kanyang pagpanaw sa isang aksidente noong 22 Mayo 1991 sa Lungsod Quezon, binigyan siya ng 1992 FAP Lifetime Achievement Award. Bukod pa rito ang postumong pagkilala sa kanya bilang isang National Artist for Film.

Dr. Julian Banzon (Agham)

(1908-1988) Pambansang Siyentipiko Edukasyong Nakamit Si Julian A. Banzon ay isang kilalang siyentipiko, iskolar, propesor at biyopisikal na kemist. Siya ay nagtapos ng titulong Batsilyer ng Agham sa Kemistri sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1939. Sa taon ring iyon ay agad siyang kinuha ng UP College of Agriculture bilang assistant instructor. Nagturo siya rito ng isang taon bago itinaas sa pagiging instructor sa kemistring pang-agrikultura sa parehong kolehiyo noong 1931. Bilang pensiyonado ng UP, ipinagpagtuloy niya ang pag-aaral sa paaralang gradwado sa Iowa State University sa Estados Unidos noong 1937 at nagtapos siya ng titulong doktor ng pilosopiya sa biyokemistri (maynor sa micro-biology) noong 1940. Ang kanyang disertasyon sa pagkadoktoral ay tungkol sa “fermentative utilization of cassava.”

Mga Bagay na Nagtulak Upang Tumulong sa Pagpapaunlad ng Bayan

Mga Ginawa para sa Pagpapaunlad ng Bayan

Naging bantog si Dr. Banzon sa larangan ng kemistri nang umani siya ng mga pagkilala sa mga mahahalaga niyang pag-aaral tungkol sa niyog sa Pilipinas at iba pang lehitimong sangkap bilang “panibagong mapagkukunan ng mga kemikal at gas.” Nanguna siya sa pag-aaral ng niyog at tubo na siyang mapagkukunan ng natural na gas na tinatawag na ethyl esters. Bukod doon, bumuo siya ng bago at siyentipikong paraan ng kemikal na pagkakatas sa labi ng mantikang galing sa niyog bilang kapalit ng prosesong pisikal na palagian ng ginagamit. Dahil sa natatanging galing ni Dr. Banzon, siya ay madalas naiimbitahan sa mga komperensyang pangsiyentipiko sa buong mundo. Noong 1960, sumama siya sa pulong ng lupon ng mga gobernador ng International Atomic Energy Agency at sa panlahatang komperensiya ng kapareho ring ahensiya na ginanap sa Vienna, Austria. Noong Oktubre nang sumunod na taon dumalo siya sa Ikaapat na Komperensiya ng Japan sa Radioisotopes na ginanap sa Kyoto, Japan. Dumalo din siya sa IAEA’s Study Group Meeting tungkol sa Utilization of Research Reactor na ginanap naman sa Bangkok, Thailand noong Disyembre 17-21, 1962. Bukod sa pagtuturo sa UP Los Baños, nagsilbi din si Dr. Banzon sa komite ng unibersidad sa agham agricultural at sa iba pang ad hoc committee. Miyembro din siya ng iba’t ibang organisasyon kasama na ang Society for the Advancement of Research, ang Sigma Xi ng Iowa State University, ang Radioisotopes Society of the Philippines, at ang Gamma Sigma Delta Honor Society of Agriculture (UP Los Baños Chapter) kung saan nanungkulan siya bilang pangulo. Naging tagapangulo din siya ng dibisyon ng kemika at agham parmasyutikal ng National Research Council of the Philippines at bilang miyembro ng lupon ng mga direktor ng Chemical Society of the Philippines mula 1972 hanggang 1973. Noong Hulyo 1986 ay ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino ang titulong Pambansang Siyentipiko dahil sa mahalaga niyang ambag sa larangan ng kemistri sa Pilipinas. Isang pagkilala na karapat-dapat niyang matanggap dahil sa paggamit niya ng kanyang angking galing at talino upang makatulong sa pagpapaunlad ng bayan.

Francisca Reyes-Aquino (Sining-Sayaw)
“Ang mga sayaw ay kumakatawan sa isang mahalagang parte ng buhay ng tao at ito ay ang larawan ng ating pambansang buhay at kultura. "

Edukasyong Nakamit Ang produkto ng pampublikong paaralan, ang kanyang unang bahagi ng pag-aaral ay natanggap sa Meisic Elementary School, Tondo Intermediate School at sa Manila High School sa Tondo, Manila. Natamo naman niya ang kanyang “High School Teacher's Certificate (H.S.T.C.) noong 1923 at ang kanyang Batsilyer sa Agham sa Edukasyon noong 1924 mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Nagkaroon din siya ng dalawang taon na pag-aaral sa Boston University bilang isang UP Fellow kung saan niya nakamit ang kanyang “Certificate in Physical Education”. Nagsimula siyang manaliksik ng mga katutubong sayaw noong 1921 at naglakbay sa mga malalayong baryo sa Hilaga at Gitnang Luzon. Patuloy siyang lumikom ng mga katutubong sayaw, kanta at laro para sa kanyang master thesis sa UP noong 1926 at matapos na rebisahin ito noong 1927, inilimbag niya ito na may titulong Philippine Folk Dances and Games.

Mga Bagay na Nagtulak Upang Tumulong sa Pagpapaunlad ng Bayan

Mga Ginawa para sa Pagpapaunlad ng Bayan Isang guro at nasyonalista, siya ang unang babaeng ginawaran ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining sa Sayaw sa bansa. Gumawa siya ng malawak at masusing pag-aaral ng mga katutubong sayaw sa Pilipinas at dahil dito, malaki ang naiambag niya sa pagsulong ng kultura ng Pilipino sa larangan ng pagsayaw.

Efren Penaflorida (Edukasyon)

Edukasyong Nakamit Si Efren Peñaflorida jr. ay nakatapos ang kanyang elementarya at mataas na paaralan sa pamamagitan ng pag-aaral sa tulong ng scholarship at pinansiyal na tulong, at nakatanggap ng ilang klase ng awards at parangal. Sa taon 2000, siya ay nagtapos mula sa San Sebastian College-Recoletos de Cavite na may degree sa computer technology, pagtanggap ng pinakamataas na honors. Siya pursued ng pangalawang kurso sa Cavite State University, sa pagtatapos cum laude sa 2006 na may degree sa Mataas na Edukasyon.

Mga Bagay na Nagtulak Upang Tumulong sa Pagpapaunlad ng Bayan

Mga Ginawa para sa Pagpapaunlad ng Bayan

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->