P. 1
dekada'70 - pagsusuri

dekada'70 - pagsusuri

4.17

|Views: 27,431|Likes:
Published by kaguraYATO

More info:

Published by: kaguraYATO on Jan 10, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
See more
See less

01/18/2016

Dekada ‘70

PANIMULA
Para sa mga Pilipino, ang dekada ’70 ay hindi lamang panahon ng mga shaggy hair, bell-bottom jeans, platform shoes, at disco music. Ang dekada ’70 ay panahon ng magulong Batas Militar sa kasaysayan ng Pilipinsa. Sa taong 1970’s, ang republika ng Pilipinas ay nasa ilalim ng pamumuno ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos. Setyembre 21, 1972, idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar na nagdala sa Pilipinas sa kamay ng mga militar. Sa ilalim ng Batas Militar, nilimitahan ni Pangulong Marcos ang kalayaan sa pamamahayag habang kontrolado ng kaniyang mga galamay ang militar. Ang mga tumutuligsa sa kaniyang pamumuno sa ilalim ng batas militar ay kaniyang ikinulong, mapaopisyal man o hindi. Ito ang panahon ng rehimeng Marcos na punong-puno ng pagdurusa ng mga Pilipino sa kamay ng Batas Militar. At sa kabila nito, ito din ang panahon na kung saan nagsimulang umusbong ang kamalayan at pakikiisa ng bawat Pilipino na nagdala ng isang napakamakasaysayang 1986 EDSA People Power Revolution. Ang Dekada ’70 ay isang kwento ng pagmamahalan sa kabila ng pagkamuhi, pag-asa sa likod ng kalupitan, at bagong buhay sa gitna ng kamatayan. Ito ay isang kwento ng isang ina, at ang kaniyang kawalang posisyon sa lipunan at kwento kung paano siya nakipagsapalarang maghanap ng katayuan at pagkakakilanlan sa gitna ng isang lipunang hawak ng kalupitan. Ito ay kwento ng isang ina at kaniyang pamilya na naapektohan ng magulong kapaligiran. Isang kwento na kung saan siya ay naiipit sa pagitan ng batas at responsibilidad sa pamilya. Inilarawan ng Dekada ’70 ang pakikipagsapalaran ng isang normal na mamamayan sa pagitan ng tama at mali, sa ilalim ng pagkamuhi, kasakiman at corruption, at malaman niya na tanging kalayaan lamang ang lulutas sa lahat ng problema.

BUOD
Ang pelikula ay nakasentro sa panggitnang-uring pamilyang Bartolome, at sa kung papaano naapektuhan ng batas militar ang mga tunggalian at trahedyang naganap sa buhay nila. Katuwang ni Amanda ang inhinyerong asawa na si Julian Sr. sa pagpapalaki sa lima nilang anak na lalaki: ang panganay na si Jules na isang kabataang aktibista na sumapi sa rebeldeng New People's Army (NPA) at pagkatapos ay naging bilanggong pulitikal; si Gani na sa batang edad ay nakabuntis ng babae; si Em na isang manunulat na naghahanap ng pagkakakilanlan

sa sarili; si Jason na naging biktima ng salvaging at si Bingo na maaga pa'y nagmamasid na sa mga nangyayari. Sa Dekada '70, makikita ang tala ng mga aktuwal na kuwento ng panunupil at karahasan ng mga militar sa mga inosenteng sibilyang nasasangkot sa digmaan, mga paglabag sa karapatang pantao, iba't ibang mukha ng karukhaan at pagsasamantala sa aping mamamayan, at ang walang humpay na paglaban ng mamamayan sa diktadurya sa panahon ng batas militar. Nakakahiligan ni Amanda na kausapin ang sarili o mind-chatter hinggil sa papel niya sa asawa't mga anak at sa mga usaping bumabagabag sa kanya. Hindi tipikal na babae si Amanda, bagkus, isang tao na may likas na kamalayan sa mga pangyayaring kinasasangkutan ng mas malawak na bilang ng mamamayan (na unti-unti niyang natutuklasan) at di nagpapasupil sa limitasyon ng litanya ng asawa na, "Well honey, it's a man's world”. Si Jules naman, panganay na anak nina Amanda at Julian ay isang kabataang namulat ng mga kampanya laban sa tuition fee increase sa paaralan hanggang sa lumao'y piliin niyang lumahok sa sandatahang pakikibakang inilulunsad ng NPA. Ang katangian niya bilang isang rebolusyonaryong nakikibaka para palitan ang sistemang umiiral ay lubhang nakapukaw sa damdamin ni Amanda na minsa'y iginiit ang kalayaang magpasya ng sarili nyang buhay. At gaya ng maraming magulang, hindi naiintindihan ni Amanda ang anak sa mga ginagawa nito. Ngunit nang ipinahiwatig ni Jules sa ina na panahon na para mamili ang bawat tao sa panahong iyon. Kailangan daw mamili ng tao kung patuloy siyang magbibigay serbisyo habang naaapi o tutulong ba siya upang baguhin ang kalagayan ng lipunan nila noon. Dahil dito ay nakuha na ng mag-asawang unawain ang kanilang panganay na anak at kasabay din niyon ay ang pagsuporta nila sa bawat ginagawa ng anak. Ipinagmalaki din nina Amanda at Julian si Jules dahil sa tapang na ipinapakita ni Jules sa mga panahong iyon. Sa kailaliman ng gabi, may tumawag sa telepono ng mga Bartolome na siyang nagsabi na nahuli na daw ng mga pulis si Jules pati ang ilang kasama nito. Kinabukasan ay binisita ng mag-anak si Jules sa kulungan at nadatnan nila ito sa kaawa-awang kalagayan – pilay, puno ng mga sugat sa katawan – na siyang nagpatunay ng paghihirap na dinanas ni Jules sa kamay ng militar. Sa kabila ng ganoong kalagayan ni Jules, nagawa pa rin niyang maging masaya habang kinukwento niya ang mga pagpapahirap sa kaniya dahil wala sinuman sa kaniyang mga

kasamahan ang kaniyang itinuro o sinuplong. Ipinagmamalaki ni Julian si Jules dahil sa pagkakaroon niya ng matigas na paninindigan. Alas dos na ng umaga nang may tumawag sa bahay ng mga Bartolome at may sinabi na si Jason ay nasa kamay ng mga pulis. Agad namang hinanap ng mag-asawa ang anak sa iba’t ibang istasyon ng pulis. Sa isang istasyon, nalaman nilang doon nakulong si Jason sa salang pagdodroga ngunit pinauwi na din ito ng mga pulis. Hindi nahanap ng mag-asawa ang kanilang anak. Umuwing malunngkot si Emmanuel sa kanilang bahay, dala-dala ang balitang si Jason ay patay na. Una niyang sinabi kay Julian ang bagay na ito. Nagwala si Julian sa kaniyang narinig at nahimatay naman si Amanda. Pumunta sila sa lugar kung saan nakalagak ang bangkay ng kanilang anak. Si Jules, kasama ang mga pulis, ay nagpunta din upang magdalamhati. Napuno ng kalungkutan ang bahay ng mga Bartolome. At madalas mag-away sina Amanda at Julian. At handa nang makipaghiwalay si Amanda. Nag-aayos na siya ng kaniyang mga gamit nang biglang maantala ng balitang sinabi ni Bingo – laya na si Jules! Sa muling pagbabalik ni Jules, nagdesisyon sila ng kaniyang asawa na bumalik sa kilusan at ito naman ay iginalang nina Amanda at Julian. Sa pag-alis ng kanilang mga anak, nagpasalamat si Julian para sa lahat ng nagawa ni Amanda para sa kanilang pamilya. Naging maayos na muli ang kanilang pagsasama. Sa di-inaasahang pagkakatao'y nalasap ng buong pamilya ang dagok ng batas militar nang walang awang pinahirapan at pinatay si Jason ng mga di kilalang tao ilang oras matapos itong palayain ng PC dahil sa hinalang gumagamit ito ng marijuana. Sa kawalan ng pagkakakilanlan sa salarin, walang silang nagawa kundi ang tumangis sa kawalan ng hustisya. Ngunit kahit pa sumuong sa matitinding trahedya ang pamilyang Bartolome, nananatili pa rin silang buo sa kabila ng pagkakaiba-iba nila ng prinsipyo. Kahit hindi nagkakaintindihan sa mga diskursong pang-intelektuwal, di nawawala ang mahigpit na ugnayang emosyonal. Ika nga ng isang awit, "sa pagkakalayo ay may paglalapit din."

TAUHAN
Amanda Bartolome

Siya ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada '70 sa ilalim ng Batas Militar. Siya ay kumikilos bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian. Mapagmahal na ina at gustong magkaroon ng silbi bilang isang babae sa lipunan bilang paghingi na din ng katarungan sa lahat ng nangyari sa kanilang pamilya. Julian Bartolome Siya ang ama ng tahanan, ang batas sa tahanan. Hindi niya pinayagang magtrabaho si Amanda dahil ayon sa kaniya siya ang lalaki at ang mga lalaki ang dapat na nagtatrabaho sa pamilya. Sa kwento, makikita ang pagiging superyor ng karakter ni Julian. Nakaayon sa desisyon ni Julian ang mga bagay-bagay. Sa katapusan, lumabas ang malambot niyang katauhan na kabaligtaran ng pinakikita niya. Sa parteng iyon,nakitaan siya ng tunay na damdamin ng isang ama na punong-puno ng pagmamahal sa kaniyang mga anak. Hindi man niya ito maipakita ng direkta pero mahal niya talaga ang kaniyang pamilya. Jules Bartolome Siya ang panganay na anak nina Julian at Amanda. Siya ang may paninindigan, buo ang loob at tunay na makabayan. Siya na lumaki sa panahon ng Batas Mlitar ay naging mataas na opisyal ng New People’s Army. Matapos siyang isuplong ng isang tinuring na kaibigan at matapos din ang pagpapahriap sa kaniya, wala siyang isinumbong na kasamahan at nakikitaan siya dito na isa siyang tunay at tapat na kaibigan at kakampi. Ang kaniyang paninindigan ay nanatili pa rin hanggang sa huli, nang magdesisyon siyang muli na bumalik sa kilusan. Emmanuel Bartolome Siya ay sumunod sa yapak ni Jules ngunit hindi siya sumali sa anumang rebeldeng samahan. Nakikipaglaban siya sa gobyerno sa pamamagitan ng pagsulat. Napakarami na niyang naisulat na artikulo tungkol sa pakikibaka ng mga kabataan at ng ibang samahan laban sa Batas Militar. Pinakita niya ang pakikibaka sa mapayapang paraan tulad ng ginawa ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal Jason Bartolome Siya ay isang mabait at lagi ng gabi kung umuwing anak nina Amanda at Julian. Sa kwento siya ay naging biktima ng karahasan noong panahong iyon. Siya ay naging simbolo sa

pelikula ng mga biktima ng karahasan noong panahon ng Batas Militar at siya rin ang nagbigay daan upang sina Amanda at Julian ay mamulat sa tunay na nangyayari sa lipunan. Isagani Bartolome Siya ay isang halimbawa ng mapusok na kabataan. Sa kwento, siya’y naging isang sailor ngunit naging isa sa mga kabataang maagang nakapag-asawa. Sa kwento, nakita sa kaniyang mga tagpo ang mga masasamang epekt ng maagang pag-aasawa na natutuloy sa pagkasira ng ang pamilya. Ganoon man ang nangyari, hindi naman malungkot ang naging katapusan nilang mag-asawa. Naging magkaibigan na lamang sila ni Evelyn. Bingo Bartolome Siya ang bunso sa pamilya. Hindi man siya nagkaroon ng malaking katayuan sa kwento, siya naman ang laging tagasalo ng luha ng kaniyang ina. Siya lagi ang dumadamay sa lahat ng kalungkutang nadarama ng kaniyang inang si Amanda. Domeng Siya ay itinuring na kaibigan ni Jules ngunit isa palang kaaway. Siya ay kinupkop ng pamilya Bartolome nang buong pagtanggap at pagmamahal. Isa pala siyang espiya ula sa militar na nagbabantay sa bawat gawain ng grupo ni Jules. Kumakatawan siya sa mga traydor noong panahon ng Batas Militar.

TAGPUAN

And pelikula ay nagsimula sa kalagitnaan ng dekada ’60 na kung saan ang bawat mamamayan ay namumuhay pa ng maayos at naaayon sa kanilang kagustuhan. Nagagawa pa ng mga bata makipaglaro sa bawat isa sa labas ng kanilang mga bahay. Ngunit sa ganitong panahon ay nagkakaroon na din ng mga rally na siyang naging gabay para kay Jules na makita ang ginagawang pagpapahayag at pakikipaglaban ng kanilang nararamdaman na kita ng buong bayan. Ngunit nang maideklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar, ay nagsimula na ang tunay na takbo ng kwento. Sa panahong ito ay nasa kamay ng militar ang kapangyarihan. Sila ang nasusunod sa buong bansa. Sa pagkakadeklara din nito ay nalimitahan ang kalayaan ng pamamahayag at nagkaroon na din ng curfew sa buong bansa.

Kung sinuman ang mahuhuling gumagala sa gabi ay kadalasan ay nadadampot ng militar at ang iba naman ay nababawian na ng buhay sa kamay ng mga militar. Dahil nga sa ang kwento ay umiikot sa isang pamilya, naririyanang tahanan nila na kung saan ay naganap ang halos lahat ng mga pangyayari sa kwento. Dito ay kitang kita kung papaano gumagalaw ang isang pamilya sa kanilang pang-araw-araw na buhay sa panahon ng dekada ’70. Iba’t ibang emosyon na din ang bumalot sa tahanang ito – kasiyahan, kalungkutan, pagkamuhi, kawalan nga pag-asa at pagbabagong buhay na naipakita sa pagtakbo ng kwento. Nakita din sa pelikulang ito ang kulungan na kung saan ay pinatutunguhan ng mga Pilipinong tumataliwas sa pamahalaan noon. Sa kabila ng makakapal na rehas na bakal na nkasara sa bawat buhay ng mga bilanggo ay kitang kita din ang dilim at nagpapahiwatig ng kalupitan at kahirapang nararanasan ng mga bilanggo sa loob. Ngunit sa pagtatapos ng kwento ay nakita ang pagkakaroon ng noise barrage at rally sa mga lansangan ay nakitaan ito ng panibagong buhay, pag-asa at lakas sa bawat Pilipino na nkikipaglaban para sa kanilang kalayaan.

TEMA

Ang kahalagahan ng pamilya para sa ikabubuti ng isang mas malalaking komunidad, katulad ng sarili nating bansa at gampanan ang ating mga pananagutan para sa ating kalayaan. Ang tema ng palabas na ito ay ang mga problemang dumating sa magkakapatid, sa ama na humarap sa mga suliranin sa kanyang mga anak, sa ina na nagbigay ng kanyang pagmamahal ng buong puso sa pinakamahirap na problemang dumating sa kanila. Ang boses ng isang ina na naghahanap ng isang karanasang kakaiba sa pakikisalamuha sa mga tao, pagkakaroon ng silbi! Na gusting maunawaan kung sino sya bilang asawa, bilang ina at bilang isang babaing Pilipino. Ito’y madaling unawain para sa katulad nating mga ordinaryong manonood dahil nakatuon ito sa hirap na dinanas ng isang pamilya noong dekada sitenta. Madali nating naiuugnay ang ating sarili dahil mayroon din tayong pamilya na karamay nating sa lahat ng oras. Sa hirap o ginhawa man ay lagi silang nandyan para sa atin. Naiiba nga lang ang

sitwasyon ng pamilya Bartolome dahil sila ay nasa panahon ng Batas Militar pero ganu’n pa rin dahil sama-sama nilang pinaglalaban ang kanilang karapatang pantao sa panunungkulan noon ni Ferdinand Marcos sa bansa. Makikita nating ang pamilya nila ay makabayan at buo ang loob sa anumang problemang kinahaharap kaya naman sa kanilang pagkakaisa ay makakamit nila ang kalayaang hangad ng bawat isa bilang mamamayan ng bansa. Ang pagiging isa ng bawat pamilya ay makabubuo ng isang matatag na pundasyon para sa isang bansang walang kalayaan at kapayapaan.

MENSAHE

Sa pamilya hinuhubog ang mga mamamayan na magtatanggol sa bayan, kaya masasabing napakahalaga talaga ng papel na ginagampanan ng pamilya sa paghubog ng isang malayang lipunan. Ang papel ng magulang ay gabayan ang kanyang mga anak upang di maligaw ng landas ang mga ito, lalo na kung ang usapin ay tulad ng kalayaan at karapatang pantao na dapat nating bantayan nang sa ganoon ang bansa natin ay masabi nating may kapayapaan.

SINEMATOGRAPIYA
Ang “Dekada 70” ay isang palabas na tunay na makabayan. Sinasalamin nito ang mga taong tumatahak sa kanilang mga landas na may gusting patunayan. Ang mga tao sa likod nito ay may kakayahang makapagpalabas ng isang buhay na larawan ng isang pamilyang dumanas ng mga problema. Sa mga kasuotan at mga gamit dahil ito ay naganap noong mga 1970 naipakita ang mga kasuotan at mga gamit na talagang pang 1970. Dahil sa mainam ang pagkakagawa ng pelikula, nagiging background na lamang ang mga makatotohanang props at setting, at parang nanonood at nakikinig na lamang tayo sa mga masalimuot na pangyayari sa buhay at madalas ay madrama o nakatutuwang mga usapan ng isang pangkaraniwang pamilya noong dekada sitenta. Nakakalimutan nating si Vilma Santos talaga si Amanda Bartolome, si Christopher de Leon talaga ang asawa niyang si Julian, at napapaniwala tayong isang mataas na pinuno ng NPA talaga si Jules, at hindi ito si Piolo Pascual. May isang eksena sa gitna ng pelikula na simple ngunit puno ng simbolismo. Sa gabi ng unang araw ng pag-alis ni Jules upang sumali na sa NPA at mamundok, makikita natin si Amanda at Julian na nakaupo sa veranda ng kanilang bahay. Pinag-uusapan nila ang ginawa ng kanilang anak. Nagsisimula ang

eksena sa isang long shot, at mapapansin nating nasa ibabang bahagi ng screen ang isang mesang bubog kung saan nasasalamin ang baligtad na imahe ng mag-asawa. Ipinahihiwatig sa atin ng shot na ito na binabaligtad na ng mundo sa labas ang kanilang dati’s masayahin at tahimik na tahanan. Naibalik ng pelikula ang larawan ng dekada '70 sa mga eksena nitong nagpapakita ng mga demonstrasyon, protesta at rallies na tunay na nangyari noong panahon na iyon. Ang musika at tunog ay madalas na akma at nagpapaigting sa emosyong nais ipahatid ng pelikula.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->