P. 1
WALANG PANGINOON - pagsusuri

WALANG PANGINOON - pagsusuri

5.0

|Views: 126,065|Likes:
Published by kaguraYATO

More info:

Published by: kaguraYATO on Jan 10, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
See more
See less

09/20/2015

PANIMULA

Napanood mo ba ang nakaraang kabanata ng palabas sa telebisyong May Bukas Pa, na pinagbibidahan ni Zaijian Jaradilla, ang Miracle Boy, kung saan si Donya Anita ang sinisisi sa pagkamatay ng isang magsasaka? Isa lang ang namatay sa insidenteng iyon ngunit halos lahat ng kamag-anak at mga magsasakang konektado sa namatay na si Mang Policarpio ay napuno ang sama ng loob kay Donya Anita. Dahil sa kasakiman ni Donya Anita, pinaalios niya ang mga tao sa lugar na iyon at sinabing siya ang legal na may-ari ng lupa. Ngunit, anong kinahantungan sa kontrabida ng mga magsasakang si Donya Anita? Si Donya Anita ngayon ay napakulong. Sa napakagaling na pagpapalanong paghihiganti ng magkapatid na Gonzalvo at Martin Policarpio, nagawa nilang ipakulong si Donya Anita sa kabila ng pagiging malapit at pagtuturing sa kanilang pamilya ni Donya Anita. Ang kwentong isinulat ni Deogracias Rosario na may pamagat na Walang Panginoon ay may pagkakatulad sa nabanggit na kabanata ng naturang palabas. Ang kuwento ni Deogracias A. Rosario, Walang Panginoon, ay umiikot sa isang maralitang pamilya at sa kanilang pakikipagtunggali sa mga mayayamang nagsasamantala sa kanila. Mababatid ang pagtatagisan ng dalawang puwersa, ang naghaharing uri na kinakatawan ni Don Teong at ng mababang uri na makikita sa tauhang si Marcos. Ang maikling kwentong ito ay nagpapakita ng katatagan at pagiging makatao. Lahat tayo’y ayaw maging alipin, kung kaya’t nararapat na walang sinuman ang dapat magpapa-alipin.

TALAMBUHAY NG MAY-AKDA DEOGRACIAS A. ROSARIO
Si Deogracias A. Rosario ay isinilang sa Tondo, Maynila noong Oktubre 17, 1894. Nagsimulang magsulat noong 1915 sa Ang Demokrasya. Taong 1917 naman ng magsimula siyang sumulat sa Taliba. Si Deogracias A. Rosario ay ang Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas,

DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa Ang Mithi, isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog. Naging manunulat siya ng Ang Democracia noong 1915 at nang kinalaunan ay nagsulat din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa tula at maiikling kwento. Sa Taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay naging patnugot. Nagsulat din siya para sa Photo News, Sampaguita at Lipang Kalabaw. Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa, si Rosario ay isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway. Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga manunulat. Kabilang dito ay ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga Dalubhasa at ang Akademya ng Wikang Tagalog. Naging Pangulo siya ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog na may mga prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H. Panganiban, at Jose Corazon de Jesus. Sa ginawang pagsusuri ni Dr. Genoveva Edroza Matute, guro at kwentista sa mga akda ni Deogracias A. Rosario ay ganito ang kanyang sinabi: "Kadalasang ginagamit niya (Deogracias A. Rosario) bilang pangunahing tauhan ang mga alagad ng sining, bohemyo at kabilang sa mataas na lipunan; maliban sa ilan, iniiwasan niyang gumamit ng mga tauhang galing sa masa; at paulit-ulit na lumilitaw sa kanyang mga akda ang mga tauhang galing sa ibang bansa, ngunit sa pagbabalik sa tinubuang lupa ay nagiging makawika at makabayan". Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon, Ang Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon, Dahil sa Pag-ibig, Ang Anak ng Kaniyang Asawa, Dalawang Larawan Ang Geisha, Mga Rodolfo Valentino at iba pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50 Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.

Gumawa rin siya ng mga salin tulad ng “Ang Puso ng Geisha” at “Ang Mapaghimagsik”. Nagsulat din si Rosario ng mga titik sa Tagalog ng ilang mga awit na binuo nina Nicanor Abelardo at Francisco Santiago. Kabilang sa mga kanta na ito ay ang “Mutya ng Pasig”, “Dignity of Labor” (tagalog na bersyon), “Cancion Filipino”, “Sakali Man”, “Alma Mater Commencement Exercise” at “The Piece of Night”. Pinaragalanan ni Teodoro A. Agoncillo ang kanyang akda na, “Mayroon Akong Isang Ibon”, bilang isa sa pitong pinakamagandang maikling kwento na naisulat sa panahon ng Amerikano, noong 1932. Isang taon matapos nito, siya ang idineklarang pinakamagaling na manunulat ng maikling kwento para sa akda niyang “Aloha”. Binawian ng buhay si Deogracias A. Rosario sa gulang na 42 noong Nobyembre 26, 1936.

BUOD
Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay galit kay Don Teong, kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito’y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari. iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang ahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hidni pa aman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitihan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan ang kaniyang paboritong alagang kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong nag hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin

ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw niya itong marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kaniyang matapang na kalabaw.

ni Don BANGHAY Teong) at may dalang latigo na tulad ng kay Don

Nakasuot ng pulinas, gora, at switer (tulad ng pananamit [ KAsukdulan ]
Teong, pinahirapan ni Marcos ang knaiyang kalabaw hanggang sa ito ay mahirapan. Nakita ng kalabaw si Don isang hapon at agad itong sinuwag ng kaniyang mga sungay.

[ Patindi nang Patinding Kawilihian ] Nakatanggap ang mag-inang
Marcos ng kautusan sa galing sa korte kung saan sila ay dapat nang umalis sa kanilang lupang sinasaka at tinitirhan. Ang kautusang iyon ay kanilang natanggap dahil sa kanilang kawalang kakayahan na bayadan ang buwis nito. Lalo nang nag-apoy ang galit ni Marcos kay Don Teong dahil alam niyang ito ay pakana na naman ng asenderong iyon.

Nang umagang handa nang umalis ang mag-ina sa kanilang tinitirhan, umalingasaw naman sa buong bayan ang balita tungkol sa pagkamatay ni Don Teong. Ikinagulat ito ng ina ni Marcos at ito naman ay kinatuwa ni Marcos.

[ KAKALASAn ]

Walang nahuling kriminal sa pagkakapatay sa mayamang si Don Teong dahila ang naging sanhi naman ng kaniyang pagkamatay ay isang kalabaw lamang. Hindi na naiinis si Marcos sa tuwing maririnig ang animas dahil naipaghiganti na siya ang kaniyang mga nawalang mahal sa buhay.

[ Katapusan ]

ayaw niyang marinig ang animas na naghuhudyat sa paggunita sa mga kaluluwang yumao na kabilang ang kaniyang ama at dalawang kapatid.

[ SIMULA Si Marcos ay naiinis dahil ]

PAGSUSURI
TAUHAN
MARCOS
Siya ang pangunahing tauhan sa kwento na punung-puno ng galit sa asenderong si Don Teong. Sa simula ng kwento, si Marcos ay nagdedeliryo habang naririnig ang tunog ng kampana ng simbahan tuwing ika-walo ng gabi. Sa bagay na iyon, naipakita ni Deogracias Rosario na marami na talaga ang mga paghihirap na nadanas ni Marcos at parang nagka-‘phobia’ na si Marcos dito. Napansin ko rin na madalas kausapin ni Marcos ang kaniyang sarili at bawat dayalogo niya sa kwento ay nagtatapos sa panandang-pandamdam. Naisip ko tuloy na laging pasigaw ang kaniyang mga linya. Ang mga linyang iyon ni Marcos para sa akin ay nakadagdag damdamin sa takbo ng kwento. Sa simula pa lang ng kwento ay galit na galita na agad si Marcos kay Don Teong. Siya ang taong may matinding pagsubok at masalimuot na karanasan sa buhay dahil lamang sa iisang taong nagdulot ng pagkamatay ng kayang ama at dalawang kapatid, karapatan at minamahal. Sa dami na nag kaniya mahal sa buhay na nawala, si Don Teong ang talagang sinisisi niya sa pagkawala nila, kya ganoon na lamang ang kaniyang pagkagalit sa asendero. Napuna kong may pagka-anti-social itong si Marcos. Sa mga ikinikilos niya, napansin kong si Marcos ay isang taong ang iniisip ay walang magandang bagay ang nasa mundo. May pagka-anti-social din siya, halimbawa noong inalok siya ng kaniyang ina na pumunta sa kubo ni Bastian pero di naman siya sumunod. Iyan ang mga katangian ni Marcos. Pero sa kabila ng mga katangian niyang ito ay nakaisip pa rin siya ng paraan kung paano siya makakapagiganti kay Don Teong, iyon ay ang paggamit niya sa kaniyang alagang kalabaw. Ayon sa aking pagsusuri, maganda ang pagkakatagpi-tagpi ng mga katangian kay Marcos. May kakaiba siyang katangian. Magaling ang naisip na paraan ni Marcos kung paano siya makakaganti kay Don Teong. Biruin niyo yun, sino ba naman ang makakaisip na gamitin ang alaga sa pagpatay? Ang karakter ni Marcos ay iisa mula sa simula hanggang sa huli ng kwento. Ang kaniyang gustong mangyari ay nakaharap niya sa bandang huli. Sa hulihan ng kwento, nang mamatay na ang kaniyang kaaway na si Don

Teong, nawala na ang kaniyang pagdedeliryo sa tunog ng kampana dahil alam niya sa sarili niya na ang wala na siyang dapat ipangamba pa dahil wala na si Don Teong sa landas nilang mag-ina. Ayon sa aking pagsusuri, si Marcos ang simisimbolo sa mga mabababang uri ng tao sa ating lipunan. Sila ang mga taong palagi na lang inaapi ng mga mataas na uri ng tao sa lipunan. Sila ang nasa baba ng tatsulok ng lipunan kung saan ang mga matatas ay ang palaging nasa tuktok ng tatsulok. Bumagay sa karakter ni Marcos ang awitin ng Bamboo ang ‘Tatsulok’ kung saan sabi sa isa sa mga linya nito: ‘habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, hindi matatapos ang gulo..’ Si Marcos ang natapos sa gulo na namamagitan sa mga taong nasa taas at baba ng tatsulok. Pra sa kaniya, walang panginoon, ibig sabihin, walang nararapat mag-astang hari o panginoon sa atin dahil ang bawat tao ay nararapat na maging pantaypantay.

DON TEONG
Si Don Teong ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay ng kaniyang ama, dalawang kapatid at ni Anita. Si Don Teong ay katulad di ng ibang karakter sa ibang kwento. Siya ang kontrabida. Aking sinuri ang kaniyang karakter at ito ang resulta ng aking pagsusuri. Si Don Teong ay mayamang asendero na wala nang iba pang hinangad kundi ang paglago at pagbunga ng kaniyang kayamanan. Siya daw ang dahilan kung bakit namatay ang anak nitong si Anita na kasintahan naman ni Marcos. Hindi niya pinahalagahan ang kaniyang anak kaya ang ginawa niya ay sinaktan ito hanggang sa mawalan ng hininga. Hindi niya matanggap na ang kaniyang anak ay nakikipagrelasyon sa mga mababang uri ng tao o mga mahihirap. Tulad ng mga napapanood natin sa telebisyon, ang bidang babae ay anak ng mayaman at ang bidang lalaki ay mahiap lamang (Yoon ang tinatawag na langit-lupang pag-iibigan) at ang gagawin naman ng mga magulang nga mayamang karakter ay paghihiwalayin silang dalawa. Si Don Teong ay hindi mabait na amo sa kaniyang mga tauhan. Sinabi nga ni Marcos na siya ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Ang kaniyang ama at dalawang kapatid ay matagal nang naninilbihan sa kanilang pamilya. Sa halip na sila ay panatilihin sa kanilang

trabaho, ang ginawa ni Don Teong ay tinangggal sila sa trabaho at dahil doon, namatay sa sama ng loob ang kaniyang dalawang kapatid at ama. Si Don Teong ay isang makapangyarihang tao. Pinagbabayad niya ng buwis sina Marcos kahit alam niyang hindi naman iyon sa kaniya at iyon ay kina Marcos. Sinasamantala niya ang pagiging mahirap nina Marcos upang sila ay patuloy na maghirap. Alam niyang walang kakayahan sina Marcos na ipagtanggol ang kanilang karapatan sa lupa kaya hinayaan niyang magbayad ng buwis ang pamilya ni Marcos. Ayon sa aking pagsusuri, si don Teong naman ang sumisimbolo sa mga taong matataas ang antas sa lipunan at sila ang mga taong nasa tuktok ng sinasabing tatsulok ng lipunan. Madalas sila ang mga taong nang-aapi sa mga nasa ibaba o mga mahihirap. Sila ay mga magagaling manamantala sa kahinaan ng mga mahihirap sa paligid nila.

INA NI MARCOS
Siya ina ni Marcos na palaging nagpapakalma sa galit na nararamdaman ng kaniyang anak para kay Don Teong. Tahimik lang ang ina ni Marcos. Siya ang palaging tagahupa ng galit ni Marcos kay don Teong. Alam na alam niya kung paano mag-isip ang kaniyang anak kaya ganoon na lamang siya kaalaga dito. Kahit na siya mismo ay may matinding galit kay Don Teong, wala siyang ginagawang paraan kung pano niya mapipigilan ang patuloy na sistemang ito. Hindi man siya gumawa ng paraan para ipaghiganti ang kaniyang asawa, alam niya sa sarili niya na Diyos na ang bahala sa pagpaparusa sa taong nagkamali sa kaniya. Siya ang taong sumisimbolo sa mga taong nasa ibaba ng tatsulok ngunit wlang ginagawang hakbang para maputol ang kaniyang paghihirap. Ang lahat ng bagay sa kaniya ay kaniyang tinatanggap dahil alam niyang wala siyang magagawa kundi ang tanggapin ang mga ito.

TAGPUAN
KABUKIRAN

Lupang tiniirahan nina Marcos at kaniyang ina na pilit inaangkin ni Don Teong. Tulad sa ibang kwento, ang kabukiran ay lupang sinasaka ng mga kadalasang magsasakang bida. Ayon sa aking pagsusuri, ang kabukirang ito ang kumakatawan sa ating bansa kung saan ang buhay ng mga mahihirap at mayayaman ay nagkakasalubong. Sa mga bagay na nangyayari sa ating bansa, mas naapektohan ang mga mahihirap at ang mga mayayaman naman ay hindi ganoon kaapektado.

TUNGGALIAN
TAO LABAN SA KAPWA
Kahit na ang mismong nakatalo at nakapatay kay Don Teong ay ang kalabaw, ang tunggalian pa rin sa kwentong ito ay ‘Tao laban sa Kapwa’. Sa simula pa lamang ng kwento alam na agad natin ang tunggalian sa pagitan nina Marcos at Don Teong. Upang makaganti si Marcos sa lahat ng masamang nagawa ni Don Teong nag-isip siya ng paraan kung paano niya patutumbahin ito na hindi siya napaparusahan. At yoon nga, naisip niyang gamitin ang kaniyang kalabaw at sa inaasahang nagawa ito ng maayos ng kalabaw.

URI NG KWENTO
PANGKATAUHAN
Ang kwento ay pangkatauhan dahil ang ugali at katangian ng mga tauhan ang nagbigay ganda sa kwento. Ang pagiging agresibo ni Marcos; pagiging mapang-api ni Don Teong; at pagiging matimpi ng ina ni Marcos. Ang mga ugali at katangian ng bawat tauhan ang nagpatakbo ng istorya. Ang lahat ay nagsimula sa pang-aapi ni Don Teong, hanggang sa magalit na talaga itong si Marcos at ang patuloy na pagtitimpi ng kaniyang ina.

KAKINTALAN
Bisa sa Isip – hindi ko lubos maisip kung paano yoon nangyari kay Don Teong dahil hindi naman ganoon kaliko ang sungay ng kalabaw para ito ay makapanuwag ng tao. Napakalakas naman ata ng kalabaw na iyon upang masuwag niya ang isang tao at nakayanan pa nitong sambutin ito gamit ang isa pang sungay. Bisa sa Damdamin – Ang bawat isa talaga sa atin ay mga nararamamang poot at galit sa ating mga puso na kinakailangang ilabas upang ang gumaan ang ating nararamdaman. Naramdaman ko kung ano ang nararamdaman ng isang taong nagpipigil ng kaniyang galit sa isang tao. Bisa sa Moral – Dapat tayong matutong magpatawad; kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo pa kayang mga tao. Ating iisipin ang magiging kalabasan ng ating mga desisyon at mga gagawin sa buhay.

SANGGUNIAN
http://tl.wikipedia.org/wiki/Deogracias_Rosario http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Deogracias_A._Rosario Filipinos in History. Vol III. Philippine Theater. Manila: National Historical Institute, 1996.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->