P. 1
Sino Ang Allah 2nd Edition

Sino Ang Allah 2nd Edition

|Views: 932|Likes:
Published by kbgreat14471

More info:

Published by: kbgreat14471 on Jan 16, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

06/06/2012

pdf

text

original

Sino Ang Allâh?

(Ikalawang Edisyon)

Inihanda ni:

Fouad H. Ajhory
Isinalin sa Wikang Tagalog ni:

Mohammad B. Mendoza

This book with other languages Such as Arabic, French, Spanish, English are available on the NET in: www.islam-message.com

192

___________________________________
Technic for printing and editor assistance : Mr. Muhammad A. A. Seleem (Rabee)

192

Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin. Ang lahat ng pasasalamat at papuri ay sa Allâh lamang – ang Panginoon ng mga daigdig. Nawa'y ang kapayapaan at pagpapala ng Allâh ay mapasa kay Propeta Muhammad , ang pinakamabuting huwaran sa lahat ng mga nilikha, sa kanyang Pamilya, sa kanyang mga Kasamahan at sa lahat ng tumatahak sa matuwid na landas hanggang sa Araw ng Paghuhukom.

Paunang Salita
Kinikilala ng Allâh na ang Islam ang siyang tunay na relihiyon at hindi ang Kristiyanismo ni hindi ang Hudaismo – mga pangalang kathang-isip lamang ng mga tagasunod nina Moises at Hesus. Kumatha sila ng ganitong mga katawagan pagkaraang mamatay ni Moises at matapos iangat ng Allâh si Hesus (sumakanila nawa ang kapayapaan) sa kalangitan. Wala isa man sa kanila ang tumanggap ng mga ganitong katawagan sa panahon ng kanilang pananatili rito sa mundo. Tinawag ng Allâh (Kaluwalhatian sa Kanya) ang mga pamayanang ito na mga "Hudyo at Kristiyano" at Siya ay nagsabi sa Banal na Qur'an: Ang mga Hudyo ay nagsabing ang mga Kristiyano ay walang sinusunod na tamang relihiyon; at ang mga Kristiyano ay nagsabing ang mga Hudyo ay walang sinusunod na tamang relihiyon; gayong kapwa nila binibigkas ang Kasulatan. (AlBaqarah–2:113)

Ang Allâh ang Siyang humirang sa Islam bilang tunay na relihiyon mula pa nang Kanyang ipadala si Adan sa lupa at nagpatuloy ito sa mga sumunod pang mga Propeta hanggang dumating ang huling Propeta na si Muhammad . Ang kanilang relihiyon ay Islam katulad ng ipinahayag ng Allâh sa Banal na Qur'an:

192

Hindi isang Hudyo si Abraham at hindi rin isang Kristiyano. Bagkus, isang Muslim (kumikilala at sumasamba sa nagiisang Diyos – ang Allâh) at hindi siya kabilang sa mga Al Mushrikun (mga nagtatambal sa pagsamba sa Allâh). (AlImran-3:67)

Lahat sila ay mga Muslim. Maaaring magtanong ang sinuman: Bakit Muslim silang lahat? Ang kasagutan ay sadyang payak, sapagka’t ang Allâh ay Nag-Iisa at Siya ay may natatanging relihiyon – ito ang Islam. Siya ang Panginoong lumikha sa buong sangkatauhan. Sa dahilang Siya ay Iisa, hindi Siya hihirang ng iba't ibang relihiyon o pananampalataya. Kinikilala ng Allâh na ang Islam ang tunay na relihiyon katulad ng Kanyang ipinahayag: At sinumang maghangad ng anumang pananampalataya bukod sa Islam, magkagayon, hindi ito tatanggapin sa kanya magpakailanman, at sa Huling Araw kabilang siya sa mga talunan. (Al-Imran-3:85) Maliban sa pananampalatayang Islam, wala ng ibang makapagpapaliwanag sa tao tungkol sa tunay na pangyayari hinggil sa Hudaismo at Kristiyanismo. Ang Tawrat (Torah) ay ang ipinadalang mensahe kay Propeta Moises, ang Sabor (Psalmo) ay kay Propeta David, ang Injeel (Ebanghelyo) ay kay Propeta Hesus – ang anak ni Maria (nawa’y sumakanilang lahat ang kapayapaan), at ang panghuling mensahe ay ang Banal na Qur'an na mananatili hanggang sa Araw ng Paghuhukom na ipinadala sa huling Propeta na si Muhammad . Ang Allâh ay Siyang nagpahayag na ang Islam ang tunay na relihiyon. Magkagayon, kung tinutukoy namin ang mga Hudyo at Kristiyano sa aklat na ito, hindi namin sila tinatawag para yakapin ang bagong relihiyon. Hindi kami nagbibigay ng alinlangan sa mga orihinal na kasulatan: ang Tawrat (Torah) at

192

Injeel (Ebanghelyo), sapagka’t tayo ay magkakasama sa iisang relihiyon at sa Iisang Panginoon – ang Allâh. Tunghayan natin ang Kanyang ipinahayag sa Banal na Qur'an: …at sabihin (sa kanila): "Kami ay naniniwala sa mga ipinahayag sa amin at sa mga ipinahayag sa inyo; Ang aming Ilah (Diyos) at ang inyong Ilah (Diyos) ay Iisa (Allâh) at sa Kanya kami sumusuko (bilang mga Muslim). (Al-Ankabut-29:46) Pinagtibay ng Allâh ang gayunding kahulugan sa mga sumusunod na talata: Sabihin: Makikipagtalo ba kayo sa amin tungkol sa Allâh, gayong Siya ang aming Panginoon at inyong Panginoon? At kami ay bibiyayaan ayon sa aming mga gawa at kayo ay ayon sa inyong mga gawa. At Siya lamang ang sinasamba namin. O sasabihin ba ninyong mga Hudyo o Kristiyano sina Ibrahim (Abraham), Ismail (Ismael), Ishaq (Isaac), Ya'qub (Jacob), at Al-Asbat (ang mga supling ng labindalawang anak ni Ya'qub)?" Sabihin: Higit ba kayong nakababatid o ang Allâh? At sino pa ba ang higit na di-makatarungan kaysa sa isang nagkukubli ng Kapahayagan na kanyang tinanggap mula sa Diyos? At hindi lingid sa Allâh ang inyong mga gawa. (AlBaqarah-2:139-140)

Amin lamang silang tinatanong: Nasaan na ang orihinal na Torah at Ebanghelyo ayon sa pagkakapahayag kina Moises at Hesus? Ito ba ang Lumang Tipan at ang Bagong Tipan na may pagkarami-rami at magkakaibang sumulat na nag-aangkin ng iba’t ibang pahayag at maging ang mga salungat na mga palapalagay at paniniwala? Katunayan, ang mga Aklat na ito ay bunga lamang ng kanilang mga sariling panulat at nagtataglay ng mga kuwentong isinalaysay ng mga naunang tao bilang bahagi ng kanilang maling kaalaman. Walang malinaw na katibayan na ang mga ito ay hinango mula sa orihinal na Torah at Ebanghelyo.

192

Amin ding inihaharap ang katanungang ito: Saan ninyo kinuha ang mga ito? Ang Allâh na Siyang may tangan ng Kapangyarihan at Kamaharlikaan ay nagsabi hinggil sa bagay na ito sa Banal na Qur'an: Kaya kasawian sa kanilang sumulat ng mga Aklat sa sariling kamay at pagkatapos ay nagsasabi: ‘Ito ay galing sa Allâh,’upang ito'y ipagbili sa hamak na halaga! Kasawian sa kanila sa anumang isinulat sa sarili nilang kamay at kasawian sa kanila sa anumang kikitain nila rito. (Al-Baqarah-2:79) Alinsunod sa kahulugan nito, si Sheikh Ahmad Deedat – isang pantas na Muslim ay nagsabi: "Ang ilan sa inyo ay nagsabing ang Propeta ng Islam ay nag-utos sa atin na igalang ang Ebanghelyo na siyang katotohanan, subali't aling Ebanghelyo? Ang aklat na iniutos ng ating Propeta na nararapat nating igalang ay ang Ebanghelyo ni Hesus. Subali’t nasaan na ang Ebanghelyo ni Hesus? Ang kasalukuyang Bibliya o higit na tamang tawaging ‘mga Bibliya’ ay walang isa mang Ebanghelyo si Hesus! Si Propeta Muhammad ay nag-utos sa ating igalang kung ano ang ipinahayag ng Allâh kay Hesus, subali't hindi yaong mga Ebanghelyong sinulat nina Mateo, Markus, Lukas at Juan na matatagpuan sa mga Bibliya. Lahat ng Kristiyano sa buong mundo ay hindi makapagkakaila sa katotohanang libu-libo mula sa kanilang mga kasamahan kada buwan ang lumilisan sa paniniwala sa konsepto ng pagkapako (Crucifiction) at konsepto ng tatlong persona (Trinity) upang yakapin ang pananampalatayang Islam. Sa kabilang banda, walang isa mang Muslim ang tumalikod sa kanyang pananampalataya upang yakapin ang Kristiyanismo. Personal kong sinuri ang daan-daang kasaysayan ng mga kalalakihan at kababaihang Kristiyano na yumakap sa Islam at

192

naglahad ng kanilang mga kuwento kung bakit at paano nila ito nagawa. Lahat sila ay may iba’t ibang karanasan tungo sa nagkakaisang pahayag: "Dati kaming pumupunta sa simbahan upang dumalo sa misa tuwing araw ng Linggo bagama't lubos kaming hindi sumasang-ayon sa mga hindi maintindihang salaysay ng pari mula sa Bibliya. Bukod pa rito, ang kanilang sinasabing si Hesus ay anak ng Diyos at ang Diyos na nahahati sa tatlong katauhan ay hindi kasiya-siya sa aming mga kaisipan. Kaya tinalikuran namin ang kabuuan ng doktrinang ito. Gayundin naman kapag nais naming magtanong tungkol dito, kami ay hindi pinahihintulutang mag-usisa sa aming mga obispo at mga pari tungkol sa alinmang mga di-maliwanag na konsepto ng aming dating pananampalataya. Kaya naman, kung ang isa sa amin ay walang pakundangan sa ministro ng simbahan at mangahas na magtanong ng ilan sa mga nakalilitong mga konseptong ito, hindi siya kailanman makatatanggap ng anumang malinaw na kasagutan. Bagkus siya’y sasagutin ng higit na may kalabuan at nakapag-aalinlangan. O kaya nama'y kadalasang nakatatanggap kami ng ganitong mga kasagutan: "Ang mga ganitong katanungan ay hindi dapat buksan ng sinumang mananampalataya, kung hindi’y mawawalan siya ng karapatan sa pagpapatawad na iniaalay ng Diyos Ama sa lahat ng makasalanan sa sangkatauhan." Dahil dito, lalo lamang nadaragdagan ang aming pagkalito at pag-aalinlangan na nagtulak sa amin upang lalo naming kasuklaman ang doktrinang ito." Akin ding nabasa ang testimonya ng ilang mga pari at misyonaryo na yumakap sa pananampalatayang Islam na nagpahayag ng ganito: "Kami ay nananawagan sa mga tagaAprika at Timog-Silangang Asya upang tanggapin ang Kristiyanismo, kahit na kami mismo sa aming mga sarili ay hindi kumbinsido sa mga sinasabi namin tungkol kay Hesus bilang anak ng Diyos at ang doktrina ng tatlong persona (Trinity). Ito ay itinuturing naming mga pamahiin na sadyang hindi kaakit-akit sa

192

isang may katinuan sa pag-iisip." Sinabi ng Allâh sa Banal na Qur'an: Sabihin: Nasa Allâh ang ganap na katibayan at katuwiran, (ang Kaisahan ng Allâh, ang pagpapadala ng mga Sugo at mga Banal na Aklat sa sangkatauhan); kung ninais lamang Niya, katotohanang iginabay Niya sana kayong lahat. (AlAn'am-6:149)

Batay dito, tinatawagan ko ang bawa’t Kristiyano na harapin ang kanyang konsensiya at sentido-kumon at magkaroon ng makatotohanang pag-uusisa na may katapatan, matuwid na layunin at malayo sa anumang emosyon at di-makatuwirang pagkapanatiko. Maging makatotohanan at tanungin ninyo ang inyong mga sarili: "Kayo ba’y tunay na sumasang-ayon sa doktrina ng pagkakapako ni Hesus sa krus at sa konsepto ng tatlong persona ng Diyos (Trinity)? Sumasang-ayon ba kayo sa kanilang mga sinasabi na si Hesus ay anak ng Diyos na nagmula sa sinapupunan ni Maria? O kaya’y si Hesus at ang Diyos Ama ay iisa?" Subali’t bago ninyo ito sagutin, ipinapayo ko sa bawa’t isa sa inyo na basahin ang Banal na Qur'an na isinalin sa sariling wika. Ang mahimalang Aklat na ito (Qur'an) ay nananatili at patuloy na mananatiling pinakamahusay na patnubay sa buong sangkatauhan tungo sa tamang landas ng pagkamakatuwiran, kapayapaan at kaligtasan. Ang pinakapunto sa pamimintas ng mga Kristiyano at ang kanilang pagbatikos laban sa Islam, lalo na sa panahong ito pagkatapos ng nakapanlulumong pangyayari noong Setyembre 11 sa New York at Washington, dagdad pa ang giyera sa Afghanistan at ang patuloy na kaguluhan sa nasasakupang lupain sa Palestine ay umiikot sa tatlong mahahalagang usapin. Ang Jihad (pakikipaglaban sa landas ng Allâh), ang hinggil sa terorismo at ang katayuan ng mga kababaihan sa Islam. Nais kong magbigay ng maikling paliwanag sa mga usaping ito.

192

Una: Ito ay sadyang taliwas sa maling haka-haka ng mga Kristiyano sa Kanluran. Ang Jihad sa Islam ay hindi nangangahulugan ng pag-uutos sa mga Muslim na lisanin ang kanilang tahanan upang makipaglaban o patayin yaong mga walang kinikilalang Diyos at yaong mga sumasamba sa mga diyus-diyosan saan man sila matagpuan kung hindi nila tatanggapin ang Islam. Bagkus, ang Jihad ay batay sa isang pangunahing alituntunin na ipinayahag ng Allâh sa Banal na Qur'an: Walang sapilitan sa relihiyon. Katotohanan, ang tamang daan ay maliwanag (at kaiba) sa maling landas. Sinuman ang di-maniwala sa mga diyusdiyosan at maniwala sa Allâh, siya ay tumangan sa pinakamapagkakatiwalaang hawakan na kailanma'y hindi mababali. Ang Allâh – ang Nakaririnig ng lahat, ang Lubos na Maalam. (Al-Baqarah-2:256) At kung ninais ng inyong Panginoon, silang lahat sa mundong ito ay nanampalataya ng magkakasama. Kaya pipilitin mo ba (O Muhammad ) ang buong sangkatauhan hanggang sa sila ay manampalataya? Wala sa sinuman ang maniniwala maliban sa kapahintulutan ng Allâh at Kanyang igagawad ang galit sa mga gumagawa ng walang katuturan. (Yunos-10:99-100) Bilang karagdagan, ang Jihad ay hindi lamang isang pakikipaglaban. Sakop nito ang masusing pagsisikap upang ilayo ang sarili sa kasamaan, ang pagpapakita ng pagtitiis sa panahon ng kapighatian, pagsasagawa ng mga pagsamba, ang pagiging matimtiman sa pagsuko at pagsunod sa Allâh at manawagan para sa landas ng Allâh na Siyang may tangan ng Kapangyarihan at Kamaharlikaan. Hinggil sa huling nabanggit, ito ay may mga natatanging kondisyon at batayan. Ang Allâh ay nagsabi: Mag-anyaya (O Muhammad ) sa Landas ng iyong Panginoon ng may tamang kaalaman at matuwid na

192

pagpapayo, at makipagtalakayan sa kanila sa higit na mabuting paraan. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay ganap na nakababatid kung sino ang nawala sa Kanyang Landas. At Siya ang ganap na nakaaalam kung sino ang mga napatnubayan. (An-Nahl-16:125) Bilang panghuli, ang Jihad ay ang pakikipaglaban sa mga lumalabag maging siya man ay hindi naniniwala sa Diyos o sumasamba sa maraming mga diyus-diyosan, o yaong mga mapagkunwari at yaong mga gumagawa ng katiwalian sa mundong ito. Nilinaw ng Allâh sa Kanyang mga talata ang hinggil sa pakikipaglaban na nakapaloob sa Jihad. Nararapat lamang na ito'y naaayon sa mga itinakdang pamantayan na Kanyang ipinahayag sa Banal na Qur'an upang labanan ang anumang paninikil at panunupil sa mga karapatan at pagsalakay ng mga kalaban. Ilan sa mga talatang ito ang nagpapatunay: At makipaglaban sa landas ng Allâh sa mga nakikipaglaban sa inyo, subali’t huwag lumabag sa hangganan. Katotohanan, hindi mahal ng Allâh ang mga lumalabag. (Al-Baqarah-2:190) …kaya sinumang lumabag sa ipinagbabawal ng laban sa inyo, lumabag din laban sa kanya. At matakot sa Allâh, at laging tandaan na ang Allâh ay para sa mga makatarungan. (AlBaqarah-2:194)

Ang Allâh na Siyang may tangan ng Kapangyarihan at Kamaharlikaan ay nagpaliwanag ng mga makabuluhang dahilan kung bakit kailangan ang Jihad upang makipaglaban tungo sa Kanyang landas kung sakali mang may magtaboy sa atin mula sa ating mga tahanan o 'di kaya’y may kumamkam sa ating mga lupain katulad ng ginagawa ngayon ng mga Israelitas sa lupain ng mga Muslim sa Palistine. Sa ganitong kalagayan, ang pakikipaglaban ay pinahihintulutan sa atin. Bilang patunay ang Allâh ay nagsabi:

192

Ang pakikipaglaban ay pinahihintulutan sa mga mananampalataya laban sa mga hindi mananampalataya sapagka’t sila’y ginawan ng mali. Katiyakan, ang Allâh ay May Tiyak na Kakayahan na ipagkaloob sa mga nananampalataya ang tagumpay sa mga ipinagtabuyan sa kanilang mga tahanan ng hindi makatarungan, dahil lamang sa sila’y nagsabing ‘Ang aming Panginoon ay ang Allâh’. (AlHajj-22:39-40)

Pagkaraan nito, ipinahayag ng Allâh sa atin kung paano tayo makikitungo ng may kabaitan at katarungan sa mga Hudyo at Kristiyano na hindi nakikipaglaban sa atin at yaong mga hindi nagpapalayas sa atin mula sa ating mga tahanan at Siya ay nagsabi: Hindi ipinagbabawal sa inyo ng Allâh ang makitungo ng may katarungan at may kabaitan doon sa mga hindi nakikipaglaban sa inyo dahil sa relihiyon, at ni hindi kayo ipinagtatabuyan mula sa inyong mga tahanan. Katotohanan, mahal ng Allâh yaong mga makatarungan sa pakikitungo. (AlMumtahanah-60:8)

Subali’t kung sila ay nagnanais ng kapayapaan, magnais din kayo nito at magtiwala sa Allâh. Katotohanan, Siya ang Nakaririnig at Nakaaalam ng Lahat. (Al-Anfal-8:61) Pagkaraa’y ipinaliwanag sa atin ng Allâh (Kaluwalhatian sa Kanya) kung kailan tayo nararapat makipaglaban sa mga dimananampalataya na sama-samang nakikipaglaban sa atin, nagtataboy sa atin mula sa ating mga tirahan at sa lahat ng mga tumutulong sa kanila, hayag man o hindi. Ito ay tunay na nangyayari sa kasalukyan sa pagtulong ng Estados Unidos ng Amerika sa walang humpay na pagbibigay ng suporta sa tagaIsrael laban sa mga Muslim, ang Allâh ay nagsabi:

192

…at makipaglaban sa mga hindi mananampalataya ng magkakasama katulad ng kanilang pakikipaglaban sa inyo ng magkakasama. (Al-Taubah-9:36) Sa pangwakas, inutusan tayo ng Allâh na huwag makipaglaban maliban lamang kung kinakailangan bilang pagtatanggol sa ating mga kapakanan. Bukod pa rito, ang pagtawag ng Jihad at ang pakikipaglaban ay hindi likas na katangian ng pamayanang Muslim. Napipilitan lamang tayong gawin ang mga bagay na ito kung kinakailangan tulad ng ipinahayag ng Allâh – ang Makapangyarihan: Ang Jihad (pakikipaglaban para sa landas ng Allâh) ay ipinagutos sa inyo bagama't hindi ninyo ito ninanais. Maaaring may bagay na hindi ninyo nais subali’t ito ay makabubuti sa inyo, at maaaring may bagay na nais ninyo na makasasama naman sa inyo. Batid ito ng Allâh subali’t hindi ninyo ito nalalaman.
(Al-Baqarah-2:216)

Pangalawa: Ang paratang na terorismo. Ang Islam ay hindi pananampalataya ng pakikipaglaban o terorismo katulad ng walang katotohanang ipinahahayag ng mga Taga-kanluran. Ito ay isang relihiyong may kalakip na panawagan sa pagmamahal, kapayapaan at pagpaparaya sa mundong ito. Marami ang nagkakamali ng pang-unawa sa talatang ito ng Banal na Qur'an kung saan ang Allâh ay nagsabi: At maging handa laban sa kanilang lahat sa abot ng inyong makakaya, kasama na rito ang mga gamit sa digmaan (tanke,eroplano,missiles atbp.) upang bigyan ng babala ang kaaway ng Allâh at ang inyong mga kaaway. (Al-Anfal-8:60) Hindi ito paanyaya upang maghasik ng terorismo. Sa katunayan, ito ay isang panawagan upang magkaroon ng kapayapaan at maiwasang masangkot sa anumang sagupaang magdudulot ng madugong pakikipaglaban at digmaan. Nang utusan tayo ng

192

Allâh na maging handa sa anumang digmaan, hindi ito nangangahulugan ng isang paghahanda sa isang aktuwal na labanan. Ipinag-utos Niya sa ating ihanda ang ating hukbong pandigmaan, magsanay at mag-ipon ng mga pinakabagong sandata at ipagmarangya upang makita at marinig ng mga kaaway na nagnanais mang-agaw ng ating mga lupain at karangalan. Ito ay upang magkaroon sila ng takot sa kanilang mga puso at mag-atubili sa kanilang pagsalakay, magkagayo’y maiwasan nilang magsimula ng digmaan. Ito ba’y panawagan sa kapayapaan o panawagan sa terorismo at pagpatay? Hayaang magmuni-muni tungkol dito yaong mga taong nagtataglay ng sapat na talino at pag-iisip! Ikatlo: Ang kalagayan ng mga kababaihan sa Islam. Aming ipinaliwanag at binigyang-linaw sa aklat na ito kung paanong ang Islam, kahit noong sa simula pa lamang, 1,425 taon na ang nakalipas at hanggang sa kasalukuyan ay dinakila at itinaas ang katayuan ng kababaihan sa panahong sila’y inaalipusta, na sila’y maaaring manahin datapuwa’t hindi maaaring magmana at sa panahong pinapaslang sila sa pagkasilang pa lamang sa takot na mawalan ng dangal. Subali't nang muling ipahayag ang Islam sa pamamagitan ng huling Propetang si Muhammad , itinakdang lahat ang kanilang karapatan at inilayo sila sa anumang panganib at pang-aabuso. Sa paglipas ng maraming taon, ang kababaihan ay namuhay ng may paggalang at dangal sa ilalim ng pangangalaga ng Islam at sa batas na hinango sa Banal na Qur'an. Sila ay malayang namumuhay ng ligtas at payapa sa kanilang mga tahanan at nasisiyahan sa buhay kapiling ng kanilang asawa’t mga anak. Maligayang kapiling ang pamilya, nasisiyahan sa pag-aayos ng bahay at pagluluto. Marangal ang pananamit na nagpapanatili ng kanilang dangal at inilalayo ang kanilang mga sarili sa mga taong mapagsamantala. Ang katayuang ito ng kababaihan sa Islam ay nagpatuloy hanggang sa dahan-dahang maglaho dulot ng impluwensiyang hatid ng Tagakanluran. Ang dating marangal at disenteng pamumuhay ay untiunting naglaho at ang materyalismong pamumuhay ay naghari

192

laban sa espirituwal na pamumuhay. Tinatawagan ng mga Tagakanluran ang mga kababaihan na magpakasaya sa pagiging malaya at sa pagkakaroon ng pantay na katayuan sa buhay. Kapalit nito’y ang pagtalikod sa kanilang kalinisan at karangalan at naghahangad na maging pantay ng katayuan sa kalalakihan. Ito ay sadyang imposibleng maganap dahil sa naiibang katayuan na ipinagkaloob ng Allâh sa pagitan ng lalaki at babae sa kapwa pisikal at kaisipang aspeto na naging sanhi upang marating ng bawa’t isa sa kanila ang pinakamaligayang antas sa bahaging gagampanan sa lipunan ayon sa ipinag-utos ng Dakilang Lumikha. Nalinlang ng mga Taga-kanluran ang ating kababaihan sa pagsasabing: "Ano ang kaibahan ninyo sa kalalakihan? Halina't maging malaya at lumantad. Hingin ang inyong kalayaan at pagkakapantay sa kanila. Maghimagsik laban sa inyong matagal na pagkabilanggo. Lisanin ang inyong mga tahanan at maghanapbuhay. Tanggalin ninyo ang mga belo sa ulo at hayaang nakalugay ang inyong buhok. Iwanan ninyo ang mahahabang kasuotan at ipakita ang inyong mga binti at hita. Itanghal ang inyong mga naggagandahang dibdib sa nais makakita at pakawalan ang sarili sa makalumang tanikalang sumisiil sa inyong kalayaan." Sinabi pa sa kanila: "Lumabas at makisalamuha sa kalalakihan at alamin ang iba't ibang sangay ng makabagong agham sa pagpapalaki ng anak at pamamahala sa inyong mga tahanan." Subali't natutunan nilang lahat ito maliban lamang sa tamang paraan ng pagpapalaki sa kanilang mga anak at ang paghahanda ng pagkain sa kanyang asawa at mainam na pamamahala ng kanilang tahanan. Ang naging bunga ng ganitong pamumuhay ay pagkasira ng tahanan at naglaho ang magandang ugnayan ng pamilya. Ang mga bata ay napabayaan at nangaligaw ng landas. Naragdagan ng pagmamalaki ang dati'y matapat na pakikitungo ng ginang sa kanyang asawa at kung minsa’y nilalayasan niya ito. Iniisip ng ginang na may sarili na siyang karera at propesyong kahalintulad

192

ng kanyang asawa at siya’y gumugugol din sa gastusin sa kanilang bahay. Ang mga bagay na ito ang naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan na kalimitang humahantong sa paghihiwalay. Napipilitang mamuhay ang ginang na mag-isa at walang asawa sa buong buhay niya. Alin ngayon ang dapat piliin? Ang manatili sa tamang pamamaraan ng pamumuhay na itinuturo sa pananampalatayang Islam o kaya'y ang pagsunod sa mapanirang panawagan ng mga Taga-kanluran. Ito ang pangkaraniwang nagaganap ngayon sa mga bansang kanilang nasasakupan. Nasaan ang dignidad ng mga kababaihan sa kanilang pamayanan? Ito ba ang tamang paraan upang ipagbunyi ang kanilang mga karapatan. Ano ang kahihinatnan ng ganitong sistema ng pamumuhay? Kayo na ang humatol. Ang lahat ng pasasalamat at papuri ay sa Allâh lamang – ang Panginoon ng mga daigdig. Nawa'y ang kapayapaan at pagpapala ng Allâh ay mapasa kay Muhammad , ang pinakamahusay na huwaran sa sangkatauhan, sa kanyang Pamilya, sa kanyang mga Kasamahan at sa lahat ng tumatahak sa matuwid na landas hanggang sa Araw ng Pagsusulit. Ameen. Ameen. Ameen.

192

Sino ang Allâh?

Sino ang Allâh?
Mga ginigiliw na kapatid, nawa'y ang kapayapaan ay mapasa ating lahat na iginabay ng Allâh sa matuwid na landas at sa Kanyang hinango mula sa kadiliman tungo sa liwanag ng

192

pananampalataya. Halina’t kapwa natin tanggapin ang sinag ng banal na liwanag ng pananampalatayang binanggit ng Allâh sa Banal na Qur'an: Ang Allâh ay ang liwanag ng mga kalangitan at ng kalupaan. Ang pagkakatulad ng Kanyang liwanag ay wari bagang may isang madilim na hukay na sa loob nito’y may isang lampara. Ang lampara ay nasa loob ng isang salamin, ang salamin ay parang isang bituing nagniningning. Sinisindihan mula sa pinagpalang puno, isang puno ng oliba, wala ito sa silangan o maging sa kanluran, na ang langis nito ay halos namumula sa pagliyab kahit na walang apoy na dumaiti rito. Liwanag pagkaraan ng liwanag! Iginagabay ng Allâh ang Kanyang nais. At ang Allâh ay nagbigay ng halimbawa sa tao sa pamamagitan ng Parabula at ang Allâh ay lubos na nakaaalam sa lahat ng bagay. (An-Nur-24:35) Samahan ninyo ako upang mapayapa nating simulan ang pagkilala sa Allâh – ang Dakilang Tagapaglikha, sa ating abang pagsisikap upang kilalanin Siya. Anuman ang ating sabihin o 'di kaya'y ilarawan, kailanma’y hindi natin maibibigay ng sapat ang mga katangiang sadyang nararapat para sa Kanya. Bilang patunay, ang Allâh na Siyang may hawak ng Kapangyarihan at Kamaharlikaan ay nagsabi sa Banal na Qur'an: At sila'y hindi nagbigay ng tamang pagpapahalaga sa Allâh katulad ng nararapat para sa Kanya. At sa Araw ng Paghuhukom, ang buong mundo ay dadakmain ng Kanyang Kamay. At ang mga kalangitan ay gugulong sa Kanyang kanang Kamay. Kaluwalhatian sa Kanya at Siya ay higit na Mataas sa lahat na kanilang iniuugnay bilang katambal sa Kanya. (Al-Zumar-39:67)

192

Halina't ating tuklasin ang napakalawak na kaalaman hinggil sa ating Panginoon. Iwasan nating magtalo-talo sapagka’t Siya ang Lubos na Makapangyarihan tulad ng Kanyang sinabi: Siya ang nagpamalas sa inyo ng kidlat bilang isang takot sa mga manlalakbay at isang pag-asa sa mga naghihintay ng ulan. At Siya ang nagpasimula ng mabibigat na ulap na may dalang tubig-ulan. At ang kulog ay dumadakila at pumupuri sa Kanya, gayundin ang mga anghel dahil sa takot sa Kanya. Ipinadadala Niya ang kulog at kidlat at pinatatamaan Niya ang sinumang Kanyang nais. Gayunpaman, sila (mga hindi nananampalataya) ay nagtatalo tungkol sa Allâh. At Siya ay Makapangyarihan sa lakas at Mahigpit sa parusa. (Ar-Ra'd13:12-13)

Upang maiwasan natin ang di-pagkakasundo sa ating pagsisikap na makilala ang Allâh, simulan nating tantuin ang Kanyang paglikha sa mga kalangitan, sa kalupaan at maging sa ating mga sarili upang mabatid natin kung sino ang Dakilang Lumikha. Tunghayan natin ang Kanyang sinabi: Katotohanan! Sa pagkakalikha ng mga kalangitan at ng kalupaan at sa pagsasalitan ng gabi at araw, katiyakang mayroong mga Tanda para sa mga taong may pang-unawa. Yaong laging gumugunita sa Allâh (sa kanilang panalangin) habang nakatayo, nakaupo at nakahilig sa kanilang tagiliran at nagmumuni-muni tungkol sa pagkakalikha ng mga kalangitan at kalupaan na nagsasabi: Aming Panginoon! Hindi Mo nilikha ang lahat ng ito ng walang kadahilanan. Luwalhatiin Ka (O Allâh)! Iligtas Mo kami sa Apoy ng Impiyerno. (Al-Imran-3:190-191) Magkagayunman, ang ilan sa atin ay hindi man lamang nagsikap na makilala Siya, ni hindi nagbigay pitagan sa Kanya. Maaaring ang iba’y itinuturing na hindi mahalaga ang usaping ito subali’t sila’y nagkakamali. Kaya naman, alamin natin kung gaano nga ba Kadakila ang ating Panginoon! Gaano kataas ang Kanyang

192

katayuan! Minsan, kapag ang isa sa atin ay nasa harapan ng isang hari o 'di kaya'y ng isang pangulo ng alinmang bansa, nagpapakita tayo ng lahat ng tanda ng paggalang at kahinahunan at taus-pusong namimitagan sa pagharap sa kanila. Mapapansin ding ibinababa ang paningin sa paglapit ng malumanay sa kanila, halos binibilang ang mga hakbang upang hindi gaanong mapalapit sa kanya. At kapag hinarap na siya ng hari o ng pangulo, bahagyang manginginig ang kanyang mga tuhod hatid ng takot at pangamba. Hindi mo ba nakitang sa Allâh nagpapatirapa ang sinumang nasa mga kalangitan at nasa kalupaan at maging ang araw, ang buwan, ang mga bituin, ang mga bundok, ang mga puno at ang mga nilikhang may buhay at marami (rin naman) sa sangkatauhan. Subali’t marami rin (sa tao) na ang parusa ay karapat-dapat. At sinumang dulutan ng kahihiyan ng Allâh, walang sinumang makapagbibigay ng dangal sa kanya. Katiyakan, ginagawa ng Allâh ang anumang Kanyang nais.
(Al-Hajj-22:18)

Sa kabilang dako, kapag ang isang tao'y haharap sa Allâh sa kanyang pagdarasal, isinasagawa niya ito na walang takot at pangamba, samantalang siya’y humaharap sa kanyang Dakilang Lumikha – ang Hari ng sanlibutan na nagmamay-ari at may likha ng buong sandaigdigan. Ang lahat ng hari sa mundo, ang lahat ng anghel sa kalangitan, maging ang lahat ng nilikhang hindi nakikita (Jinns), ang sangkatauhan, mga hayop, halaman, at lahat ng nilikhang may buhay ay nagpapatirapa ng may pagsuko at kababaang loob sa harap ng Allâh. Ang nasabing tao sa kanyang pagdarasal ay magalaw, tumitingala at gumagala ang paningin sa kanan at sa kaliwa, inaayos ang pananamit o 'di kaya’y inuunat ang mga buto ng mga daliri sa kamay. At kapag siya'y humihikab, hindi man lamang niya tinatakpan ang kanyang bibig upang ikubli ang kanyang paghikab gayong siya’y nasa harapan ng kanyang Dakilang Lumikha. Kung natapos na siya sa kanyang pagdarasal (Salaah), siya'y dali-daling umaalis na tila

192

baga nagiginhawahan sa pag-alpas mula rito. Lahat ng ito ay nangyayari sapagka’t hindi niya batid o 'di kaya'y hindi niya pinahahalagahan ang Kadakilaan ng kanyang Tagapaglikha. Sadyang marami sa mga tao ang mangmang tungkol sa Kamaharlikaan, Kadakilaan at Kapangyarihan ng Allâh! Bakit nga ba natin nakaligtaan ang Kadakilaan ng ating Panginoon? Bakit tila wala ng halaga sa atin ang Kanyang Kaluwalhatian? Ang Allâh – ang Dakilang Lumikha ay nagpahayag sa Banal na Qur'an: Ano ang nangyayari sa inyo, na tila baga hindi kayo takot sa Kanyang parusa at hindi kayo umaasa sa biyaya na nagmumula sa Allâh o hindi kayo naniniwala sa Kanyang kaisahan. (Nuh-71:13) Ating simulan ang paglalakbay na ito tungo sa kaalaman tungkol sa Allâh sa pamamagitan ng pagmumuni-muni sa mga pambihirang kaganapang nagbibigay ng tanda sa pagkakaroon ng Diyos at upang ating kilalanin ang Kanyang Kamaharlikaan at ang Kanyang hindi mapapantayang Kapangyarihan. Sino sa atin ang nakaranas mag-alaga ng tupa sa bukid o kaya’y sa likod bahay at nakasaksi ng isang inahing tupa na nagsisilang ng kanyang supling? Makikitang buhay na buhay na iniluluwal ang beserong tupa na animo'y bulag, tatayo, urong-sulong at pasuray-suray at pilit na inihahakbang ang mga paa. Saan siya patungo? Pupunta siya sa kanyang ina. Hinahanap ng kanyang bibig ang suso ng inahing tupa at kapagdaka’y sisimulan na niyang namnamin ang masustansiyang gatas ng kanyang ina ng buong pananabik. Maaaring ang mga katanungang ito ang sasagi sa ating mga isipan, lalung-lalo na sa mga taong nagnanais magkaroon ng malinaw at malawak na pang-unawa:

192

Sino ang nagbigay ng gabay sa tupang ito sa paghahanap ng suso ng kanyang ina pagkaraan lamang ng ilang sandali matapos na siya ay isilang? Papaano niya nalaman na ang susong ito ay nauukol sa kanya at papaano niya nalamang naririto ang gatas ng kanyang ina? Natutunan ba niya ito o siya ba'y sinanay na noong siya ay nasa loob pa lamang ng sinapupunan ng inahing tupa?

Ang sagot: Ito ang kapangyarihan ng ating Dakilang Lumikha at ang kalikasang Kanyang itinakda sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Isa pang pangyayari sa ating kapaligiran ay ang tungkol sa bubuyog. Sa paglabas pa lamang ng bubuyog mula sa pagiging uod at sa sandaling lumakas na ang kanyang mga pakpak, siya’y magmamadaling lilipad kasama ng kawan ng bubuyog upang magsagawa ng saray ng pulot na sadyang kamangha-mangha ang mahusay na pagkakaayos, pagkakahanay at ang magandang pagkakasunod-sunod. Ang kawan ng bubuyog ay lilipad ng daan-daang milya upang mag-ipon ng nektar mula sa libu-libong bulaklak. Sa kanilang pagbabalik, ang nektar na nasa kanilang tiyan ay magiging pulot-pukyutan na may iba't ibang kulay. Inilalagak nila ang pulot-pukyutan sa bawa’t sisidlan sa kanilang bahay. Lahat ng ito ay nagkakaroon ng kaganapan sa pamamagitan ng pagpapala ng Allâh – ang Lubos na Maalam. Bagama't hindi tuwirang nakikinabang ang bubuyog sa pulotpukyutan, kanilang ginugugol ang buong buhay nila sa paggawa nito sapagka’t batid nila na sila’y alipin ng Allâh simula pa sa kanilang pagiging uod. Samantalang ang mga taong tuwirang nakikinabang sa masustansiyang pagkaing ito ay kadalasang hindi man lamang nagpasasalamat sa Allâh. Tunghayan natin ang nakasaad sa Banal na Qur'an:

192

At ang inyong Panginoon ang nagbigay inspirasyon sa bubuyog. "Ituring ninyo para sa inyong mga sarili ang mga bundok bilang tahanan (bahay) at mula sa mga punong kahoy at sa anumang kanilang itinayo. At magsikain kayo mula sa lahat ng prutas at sundin ang daan ng inyong Panginoon na inilaan para sa inyo." Mayroong isang inuming lalabas mula sa kanilang mga tiyan na magkakaiba ang kulay, kung saan dito ay may gamot o lunas para sa mga tao. Katotohanan, ito ay isang tanda sa mga taong mayroong pang-unawa. (An-Nahl16:68-69)

• •

Paanong ang isang bubuyog ay natutong gumawa ng saray ng pulot sa maayos at pantay-pantay na sukat? Sino ang tumulong sa kanila upang ang masaganang pulot-pukyutan ay mailagay sa pambihirang sisidlan, matapos nilang ipunin ang mga ito mula sa mga bulaklak? Ganito ang di-matatawarang Kadakilaan ng ating Lumikha na Siyang nagturo at nag-ayos ng mga bagay na iyon, ayon sa Kanyang kagustuhan para sa Kanyang mga nilikha.

Sa iba pang mga kaganapan: Makikita natin ang kagandahan ng mga bagay dito sa sanlibutan na nilikha ng ating Dakilang Lumikha sa iba't ibang anyo at kabigha-bighaning mga kulay. Masdan ang sari-saring uri at kulay ng mga bulaklak na nagpapahiwatig sa kadakilaan ng Allâh. Mababasa natin sa Banal na Qur'an: Hindi ba Siya (ang nakahihigit sa inyong mga diyus-diyosan) ang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at nagpadala sa inyo ng tubig-ulan mula sa himpapawid upang pasibulin Namin ang mga kahanga-hangang halamanang puno ng

192

ganda at galak? Wala sa inyong kakayahan ang makapagpatubo ng kanilang mga puno. Mayroon pa bang diyos maliban sa Allâh? Subali’t may mga taong nagbibigaykatambal pa sa Kanya! (An-Naml-27:60) Masdan ninyo ang pabo real (peacock) kapag kanilang ibinubuka ang kanilang mga pakpak at balahibo sa kanilang buntot. Makikita rito ang napakagandang sining na nagtataglay ng pinakamagagandang kulay na sadyang kaaya-aya ang pagkakatugma. Ganito kabigha-bighani ang tanawin na inyong mapagmamasdan sa sandaling itambad nang matagal ng pabo real ang kanyang itinatagong dakilang sining. Tunghayan din natin ang malalaking paru-parong nakukulayan ang mga pakpak ng iba't ibang matitingkad na kulay na mahusay ang pagkakadisenyo. Dito natin makikita ang kagila-gilalas na sining na ipininta mismo ng Kamay ng ating Dakilang Lumikha. Magagawa ba ng mga sinaunang pintor at maging ng kasalukuyang mga pintor ang ganitong magagadang tanawin kahit magtulong-tulong pa sila sa isa’t isa? Madalas nating nababasa sa mga pahayagan ang pagtatanghal sa mga ipinintang larawan ng mga sinaunang pintor na nagkakahalaga ng milyonmilyong dolyar. Halos abot-langit ang kanilang mga papuri sa mga ito. Nakakalungkot isiping nakaligtaan nilang purihin ang gumihit sa mga kaakit-akit at likas na sining na nakapalibot sa kanilang kapaligiran na ginawa mismo ng ating Dakilang Lumikha! Sa ibang pang mga kaganapan: At sa kalupaan ay may mga tanda sa mga taong may tiyak na pananampalataya. At gayundin (may mga tanda) sa inyong mga sarili. Hindi mo ba ito nakikita? (Adh-Dhariyat-51:20-21) Ito ay mga tanda at patunay sa pananatili ng Allâh at ng Kanyang paghahari mula sa kaliit-liitang detalye nitong napakalawak na sanlibutang kinapapalooban ng kalupaan at kalangitan. Ang sanlibutan ay kinabibilangan ng maraming galaxy, bawa’t isa

192

nito ay may sariling araw, mga planeta at mga buwan katulad ng ating ginagalawang solar system. Sinabi ng Allâh na ang pagkakalikha nitong kalupaan at kalangitan ay nakakahigit kaysa sa pagkakalikha Niya sa ating mga sarili. Tunay na ang Allâh – ang Kaluwalhatian ay sa Kanya lamang, ang nagturo at naggabay sa atin tungo sa pinakamabilis na paraan upang makilala natin kung sino Siya at malaman ang Kanyang kadakilaan at kakayahang lumikha. Masdang mabuti ang Kanyang pagkakalikha sa atin! Kung lilimiin lamang natin ang napakadetalyadong pagkakalikha ng Allâh sa pisikal nating pangangatawan, madarama natin ang magpakumbaba sa Kanya. Ating matutunghayan sa Banal na Qur'an: O sangkatauhan! Ano ang dahilan ng inyong pagpapabaya tungkol sa inyong Panginoon – ang Mapagpala? Na lumikha sa inyo, hinubog kayo ng ganap at binigyan ng karapat-dapat na sukat. Binuo Niya kayo sa anumang anyong nais Niya. (AlInfitar-82:6-8)

Dapat nating mabatid ang paraan ng pagkakalikha sa ating mga sarili. Wariin natin ang kahalagahan at ginagampanan ng bawa’t bahagi ng ating katawan na patuloy sa pagganap mula sa ating pagsilang hanggang sa araw na ito ng ating buhay. Kung ating gagawin ang ganitong pagninilay-nilay, makikita natin ang maraming himala at kamangha-manghang mga kaganapan. Ang higit na kahanga-hanga ay kung papaano nilikha ng Allâh ang lahat ng bahagi ng ating katawan habang tayo’y bilig (fetus) pa lamang sa sinapupunan ng ating ina. Ating matutunghayan mula sa Banal na Qur'an ang patunay: …Siya ang lumikha sa inyo sa sinapupunan ng inyong ina: paulit-ulit na paglikha sa loob ng tatlong lambong ng kadiliman. Ganyan ang Allâh – ang inyong Panginoon. Sa Kanya ang lahat ng kaharian. Walang tunay na diyos na dapat

192

sambahin maliban sa Kanya. Magkagayon, bakit kayo tumalikod? (Az-Zumar-39:6) Ang tatlong lambong ng kadiliman ayon sa pagkakatuklas ng makabagong agham ay: Una, ang tinatawag na placenta, na naglalaman ng punlay sa simula pa lamang, pagkatapos ay naging namuong bagay at nagkaroon ng buto hanggang sa maging ganap na sanggol. Ang pangalawang lambong ay ang sinapupunan ng ina. At ang pangatlong lambong ay ang mismong balat ng tiyan ng ina. Paano nabuo ang selula (cell) mula sa punlay? Paano ito nagpatuloy lumago sa loob ng tatlong lambong na bumabalot dito hanggang magkaroon ng buto, ulo, tainga, mata, ilong, bibig, dila, utak, puso, sikmura, baga, atay, bato, kamay at binti? Dapat nating isaalang-alang kung papaano nabuo ang ilan sa mga nabanggit na bahagi ng ating katawan at papaano sila gumagalaw. Kung titingnan natin ang ating mga mata halimbawa, ito'y maituturing na isang masalimuot na bahaging nabuo sa loob ng sinapupunan. Ang bilig (fetus) sa sinapupunan ng ina ay kumakain sa pamamagitan ng dugo ng kanyang ina. Ang dugong ito ay naging maliliit na optical bundles sa loob ng retina ng mata na kinapapalooban ng milyong optical cones na nag-uugnay sa utak upang maghatid ng anumang nakatambad sa mata. Nakikita ng mata ang liwanag, inilalarawan ang hugis, sukat at kulay ng anumang nakita nito. Pagkaraa’y inaanyuan ng mata ang lahat ng ito sa isang malinaw na larawan sa paraang hindi mapapantayan ng alinmang pinakamahusay na kamerang pang-telebisyon sa kasalukuyan. Kahit tipunin pa ang mga dalubhasang manggagamot sa mata sa buong mundo at pag-isahin ang kanilang nalalaman at gamitin ang mahuhusay at makabagong kagamitang pangmata, hindi sila kailanman makagagawa ng isang kamerang pang-telebisyon na may kakayahang taglay ng mata ng tao na nilikha ng Allâh.

192

Maaaring magulat ang sinuman na ang mata ay nilikha ng Allâh sa loob ng tatlong lambong ng kadiliman na nabanggit sa itaas. Gayunpaman, nilikha ng Allâh ang mata na sadyang akma sa liwanag. Kung papaano likas na lumuluwag ang pupil ng mata kapag natatambad sa dilim at lumiliit ito kapag natatambad sa liwanag. Sa kaalamang ating nabasa, wala na tayong masasabi pa maliban sa ang Kaluwalhatian ay sa Allâh lamang – ang Dakilang Tagapaglikha! Siya (Allâh) rin ang lumikha ng baga at nagpahintulot sa paghinga ng sanggol habang ito ay nasa sinapupunan pa lamang ng kanyang ina, kahit pa sa mga sandaling yaon ay hindi niya kailangang huminga o 'di kaya’y mag-ensayong huminga. Batid ng Allâh (ang Dakilang Lumikha) na kailangan ng sanggol ang sistema sa paghinga sa kanyang paglabas. Sapagka't sa sandaling siya ay isilang, mapaliligiran siya ng hangin. Bagama't hindi niya nagamit ang sistemang ito nang siya ay nasa sinapupunan pa lamang, kailangan niyang huminga sa ngayon upang hindi siya mamatay. Ilan lamang ito sa mga di-mabilang na himala ng Allâh na makikita mismo sa pagkakalikha sa Kanyang mga nilalang. Idagdag pa natin dito ang pag-andar ng paningin sa sandaling makakita ng liwanag. Gayundin ang pag-andar ng kanyang pandinig sa sandaling mapalapit sa anumang tunog o ingay. Pinagkalooban ng Allâh ang sanggol ng kumpletong bahagi ng katawan na kailangan niya habang siya ay nasa sinapupunan pa lamang kahit hindi niya kailangan ang mga ito sa mga panahong yaon. Batid ng Allâh na kakailanganin ng bata ang mga masalimuot na bahaging ito ng katawan na may tamang pangangailangan sa kanyang sarili sa sandali ng kanyang pagsilang. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagpahayag sa Banal na Qur'an: Lubos Niya kayong kilala nang likhain Niya kayo mula sa alabok at habang kayo ay bilig pa lamang sa sinapupunan ng inyong ina. (An-Najm-53:32)

192

Pahalagahan din natin ang puso ng tao at ang patuloy na pagtibok nito. Sadyang makapangyarihan ang Allâh! Ang tibok ng puso ng tao ay tumutulong sa pagdaloy ng dugo sa buong bahagi ng katawan nito. Ito ay tumitibok ng 70 beses bawa't minuto ng walang patid habang nabubuhay ang isang tao. Kung ang isang tao ay umabot sa pitumpung taong gulang, nangangahulugang ang pintig ng kanyang puso ay aabot sa 2,575,440,000 sa buong buhay niya. Ito ay patuloy na pumipintig ng walang patid. Ang puso ang bumobomba sa dugo patungo sa mga daluyang ugat na may sukat na libu-libong milya ang haba. Kahit ang makabagong agham sa kasalukuyan ay hindi pa nakatutuklas ng isang tulad nito na maaaring ihambing sa nilikha ng Allâh – ang Tagapagsimula sa lahat ng bagay. Kapag ating titingnan at isasaalang-alang kung papaano nabuo at gumagalaw ang utak ng tao, makikita natin ang isang himala at patuloy na mamamangha sa dakilang mga Tanda ng Allâh na lumikha ng isang partikular na bahagi ng katawan ng tao. Ang utak ng tao ay kinabibilangan ng maraming bahagi. Ang isang bahagi ng memorya ay nauukol sa pag-iisip at pagpapasiya, may bahagi rin sa pamamahala at pagsasaayos sa bawa't pagkilos sa bahagi ng katawan. Isa ring bahagi para sa pagsasalin ng limang uri ng pandamdam na naghahatid sa utak katulad ng tunog mula sa tainga, paningin mula sa mata, pang-amoy mula sa ilong, panlasa mula sa dila at pandama mula sa balat. Ang utak ng tao ay binubuo ng bilyon-bilyong selula na hindi namamatay kailanman. Hindi tulad ng ibang bahagi sa katawan na kung saan ang kanilang mga selula ay patuloy na napapalitan at nagbabago. Ang utak ay may pirmihang mga selula na hindi nasisira at hindi namamatay maliban lamang kung may sakit ang tao na maaaring sumira sa mga selulang ito. Minsan ang mga selula ng utak ay kumukupas kapag ang tao ay umabot na sa katandaan. Karaniwang nangyayari ito sa bahagi ng memorya. Kaya naman dahan-dahang humihina ang memorya ng tao hanggang sa tuluyan na itong mawala. Ito ang tinatawag na sakit sa

192

pagkalimot (zahaimer disease). Ipinaliwanag ng Allâh sa talatang ito ang dahilan: At nilikha kayo ng Allâh, pagkaraa’y kukunin Niya kayo sa pamamagitan ng kamatayan. At kabilang sa inyo ay ibabalik sa pagkainutil, na wala silang nalalaman matapos magkaroon ng kaalaman. Katotohanan, ang Allâh – ang Lubos na Maalam, ang Ganap na Makapangyarihan. (An-Nahl-16:70) At muling nagsaib ang Allâh: O sangkatauhan! Kung kayo ay nag-aalala sa Pagkabuhay na Muli, magkagayo’y dapat tandaan ang katotohanang nilikha Namin kayo mula sa alabok, pagkaraa’y mula sa Nuftah (isang patak na punlay), pagkatapos mula sa namuong dugo at naging munting laman, ang iba’y nagkahugis at ang iba’y hindi – upang ipakita Namin sa inyo ito ng maliwanag (ang Kapangyarihan at Kakayahang gawin ang anumang nais ng Allâh). At pinapangyari Namin ang sinumang Aming nais na manatili sa sinapupunan sa itinakdang panahon at inilabas Namin kayo bilang mga sanggol at pinalago upang umabot sa kahustuhang gulang. At kabilang sa inyo ang maagang namamatay at ang iba’y umabot sa kahabag-habag na katandaan na walang nalalaman makaraang magkaroon ng kaalaman. At masdan ang tigang na lupa, nagpadala Kami ng ulan at nagkabuhay muli at ito’y nayanig at umusbong ang lahat ng magagandang uri ng pananim. (Al-Hajj-22:5) Sinumang tao ang magkaroon ng karamdaman sa selula ng utak, mawawala lahat ang kanyang kaalaman at malilimutan niya ang nakaraan. Isa sa pinakamahusay na nagdisenyo ng computer sa buong mundo na nagsagawa ng masusing pag-aaral tungkol sa isang computer memory ay ang Pentagon Complex. Sa loob lamang ng isang sandali, ang kanilang computer program ay nakapagtatala

192

ng milyong data sa matimatika. Subali’t kanilang napag-alaman na ang memorya nito ay hindi man lamang nakaabot kahit sa ikaapat na antas ng memorya ng tao na may pangkaraniwang talino. Kung ang tao ay aabot sa 40 taong gulang, madali para sa kanya ang maglahad ng mga nangyari sa kanyang buhay noong siya ay bata pa sa loob lamang ng ilang segundo. Higit pa rito ay maisasalarawan niyang mabuti ang lahat ng mga tagpo sa nangyari kasama na rito ang mga tao at lugar na naging bahagi ng karanasang iyon kahit 30 taon na ang nakalipas. Sa kasalukuyan ba’y may isang computer set na nakapagtala sa memorya nito ng milyong files ng video recorded information na naganap makalipas ang sampung taon? Sa loob ba lamang ng isang segundo ay kayang patakbuhin ng computer set na ito at makapagtala ng isang sitwasyon na nakalagak dito pagkaraan ng apatnapung taon? Hindi! Sapagka't ang isang computer set ay hindi makagagawa nito dahil nangangailangan pa ito ng proper symbols at keys bago magtala ng pagkilos sa memory chip nito. Ang isang bagay na hindi kayang gawin ng isang computer set ay ang magpatakbo ng dalawang kaganapan sa iisang pagkakataon na kasing bilis ng memorya ng utak ng tao. Hindi rin ito makapagbibigay ng tamang desisyon na katulad ng pagiisip ng tao. Ang computer set kailanman ay hindi makagagawa ng isang electronic at mechanical devise na kayang isagawa ng isipan ng isang tao. Ang talino at galing ng tao ang siyang ginagamit upang ang mga makinang ito ay mabuo at maging kapaki-pakinabang. Ang mga makinang ito ay hindi nakadarama ng anumang pandamdam na katulad ng sa ating katawan. Kapag taglamig, ang isang computer set ay hindi nangangailangan ng anumang bagay upang magbigay-init dito. Samantalang ang utak ng tao ay kaagad kumikilos upang maramdaman ito ayon sa pangangailangan ng kanyang katawan. Sa mga palatandaang ito, wala na tayong magagawa kundi sumuko sa Kapangyarihan at Kadakilaan ng Dakilang Lumikha – ang Allâh. Ang Kanyang kadakilaan ay makikita sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Kaluwalhatian sa Inyo O Allâh. Ang Inyong Kapangyarihan at

192

Kadakilaan ay sadyang malayo sa mga kasinungalingan ng mga taong hindi nananampalataya. Hindi natin kayang ilahad dito ang lahat ng mga himala, ang lakas, ang kahalagahan at ang kapakinabangan ng iba pang bahagi ng ating katawan. Matutunghayan natin sa Banal na Qur'an: At Kanyang ibinigay sa inyo ang lahat ng inyong kailangan. At kung inyong bibilangin ang mga biyaya ng Allâh, hindi ninyo ito mabibilang lahat. Katotohanan, ang tao'y kadalasang hindi makatuwiran at walang pasasalamat sa Allâh. (Ibrahim-14:34) Talakayin naman natin ang iba pang bagay na nagpapatunay kung gaano kalawak ang kakayahan ng Allâh na sadyang malayo sa kakayahang nagagawa ng Kanyang mga nilikha. Sa kasalukuyan, maraming bagay ang natuklasan ng tao sa pamamagitan ng makabagong agham. Ang iba’y nagawa pang pumunta sa ibang planeta sa kalawakan. Inakala nilang sila ay may sapat na kaalaman dahil sa kanilang mga nagawa. Ang iba nama'y nakalimot sa katotohanang ang lahat ng ito ay nasa pahintulot lamang ng Allâh – ang Lubos na Maalam at ang Ganap na Makapangyarihan. Siya ang nagbigay ng kakayahan, lakas at talino upang maisagawa nila ang lahat ng ito. Sa halip na sila ay magpasalamat sa Allâh, iniisip nilang ang lahat ng kakayahang kanilang tinatamasa ay likas sa kanilang mga sarili na may kalakip na pagmamalaki. Dahil dito ang Allâh ay nagsabi sa Banal na Qur'an: Tungkol sa kaalaman, kayo (sangkatauhan) ay nabigyan ng kaunti lamang. (Al-Isra-17:85) Pag-usapan natin ang isa sa mga imbensiyon ng tao sa kasalukuyan. Isa sa pinakahuling kagamitang natuklasan ng tao ay makikita sa eroplanong pangmilitar. Ito ang double radar na pinagagana ng computer. Nagbibigay ito ng kakayahan sa isang eroplano habang pumapailanlang na maghatid ng radar waves mula sa isang land-base air defence radar. Ang huli nama’y

192

kayang pabalikin ang radar waves at guluhin ito upang iligaw ang radar ng mga kalaban. Kapag ang piloto ay nakakita ng papalapit na guided missile sa kanyang aircraft, kaya niyang gamitin ang kanyang radar upang iwasan at pasabugin ang naturang missile. May kakayahan din ang aircraft na itong magbago ng iba't ibang direksyon ayon sa bilis at kapasidad na nakadisenyo rito. Kaya rin nilang magbuo ng ibang aircraft na may iba't ibang modelo na may makabagong teknolohiya. Sa ganitong kalagayan, inakala nila sa kanilang pagkakatuklas ng makabagong kagamitang ito na naabot na nila ang pinakamataas na antas sa kaalamang pangteknolohiya. Tingnan natin kung ano ang sinabi ng Makapangyarihang Allâh bilang paghamon sa tao sa kanilang paniniwalang naabot na nila ang kahusayan sa paggawa ng makabagong kagamitan at sa kanilang pagmamalaki hinggil sa mga bagay na ito. Pinili ng Allâh bilang isang halimbawa ang pinakamaliit at pinakamahina sa Kanyang mga nilikha – ang langaw. Ilalahad natin ang katangian at kakayahang ibinigay ng Allâh sa langaw at ihambing natin ito sa mga katangian ng mga makabagong kagamitang pang-teknolohiya na ginawa ng tao katulad ng isang eroplanong pandigmaan. Sa isang banda, kung ating aalamin ang sukat ng mga ito, ang eroplano ay sadyang napakalaki kung ihahambing sa napakaliit na langaw. Subalit bago tayo magpatuloy, ating bigyang-daan ang sinabi ng Allâh sa Banal na Qur'an: O sangkatauhan! Ang isang halimbawa ay nailahad na, kaya makinig na mabuti: Katotohanan, lahat ng tinatawag ninyo maliban sa Allâh ay hindi kailanman makalilikha ng isang langaw, kahit magsama-sama pa sila hinggil dito. At kung ang langaw ay dadagit ng anumang bagay sa kanila, wala silang kakayahang mabawi ito mula sa langaw. Sadyang mahina (kapwa) ang naghahanap at ang hinahanap. Hindi nila pinahalagahan ang Allâh ng tamang pagpapahalaga.

192

Katotohanan, ang Allâh ay Makapangyarihan at Dakila sa Kapangyarihan. (Al-Hajj-22:73-74) Kaluwalhatian sa ating Dakilang Lumikha, sa Kanyang kahusayan sa pagbibigay ng ganitong halimbawa bilang hamon sa mga taong mapagmataas sa pamamagitan ng ilang mga kataga na maaaring ipaliwanag sa maraming aklat. Maaaring ang ilang mambabasa ay magtataka kung bakit ginamit ng Allâh ang isang abang langaw upang hamunin ang tao, kahit marami pang higit na maliliit na insekto kaysa sa mga ito. Ang mga insektong ito ay sadyang maliliit na hindi kayang makita ng mata ng tao. Magkagayunma’y nilikha sila ng Allâh na may kaluluwa, katawan, ulo, mata, kamay at mga paa upang makalakad at ang ilan ay nilagyan ng pakpak upang makalipad. Ang langaw ay nagtataglay ng naiibang katangiang maaaring ikumpara sa naimbento ng tao, maliban sa kaluluwa nito. Ang kaluluwa ay nagmula sa Kautusan ng Allâh na nagsabi: At tinatanong ka nila (O Muhammad ) tungkol sa Ruh (kaluluwa). Sabihin! Ang kaluluwa ay isa sa mga bagay na ang kaalaman dito’y nasa aking Panginoon lamang. Tungkol sa kaalaman, kayo (sangkatauhan) ay nabigyan ng kaunti lamang. (Al-Isra-17:85) Sa ating paghahambing, dapat nating isaalang-alang ang sukat ng bawa’t isa. Nabanggit natin na ang eroplanong pandigmaan ay maraming kakayahan. Isa na rito ang radar at ang kakayahan nitong magpaikot-ikot sa iba't ibang direksyon sa mabilis na paraan. Hindi ba't kaya ring gawin ito ng langaw? Sadyang marami pang kakayahan ang langaw na iginawad ng Allâh na hindi makikita sa isang eroplano. Ipagpalagay nating nakaupo ka sa isang silid na gawa sa salamin (transparent glass) at may isang langaw sa loob nito. Kapag ang langaw ay dumapo sa iyong damit o sa iyong kamay, bubugawin mo ito upang lumayo. Sa isang iglap, ang langaw ay dagliang lilipad palayo at maaaring dumapo sa alinmang bahagi ng silid.

192

Maaaring lumipad sa kanang bahagi o sa kaliwa. Kung ito'y iyong hahabulin dahil sa iyong pagkainis, kaya nitong magpaikot-ikot at magpalipat-lipat ng lugar saan mang bahagi ng silid na iyon. Ang mga paa nito’y laging nakababa katulad ng mga gulong ng eroplano upang panatilihin ang kanyang posisyon at ang ulo nama'y nakaharap katulad ng harapang bahagi ng eroplano, kung saan matatagpuan ang kabina ng piloto. Ang likurang bahagi ng katawan ng langaw ay katulad ng buntot ng eroplanong matatagpuan sa likurang bahagi nito at mayroong dalawang pakpak sa magkabilang gilid upang mapanatiling pantay ang paglapag. Kung isasaalang-alang natin ang silid na gawa sa salamin na napaglalagusan ng paningin, makikita mula rito ang anumang bagay na nasa labas. Sa bilis ng paglipad ng langaw, maaari itong dumapo sa alinmang bagay na nasa labas. Bagama't napakabilis ng paglipad nito, hindi siya nababangga, bagkus, dadapo siya sa salamin na may katiyakan at hindi nagkakamali sa pagkalkula. Maaari tayong magtanong kung papaanong nangyayari ito? Bakit hindi man lamang nababangga ang ulo ng langaw sa salamin bagama't sadyang napakabilis ng paglipad nito patungo roon? Sa kanyang pagdapo’y laging nakahanda ang kanyang mga paa katulad ng isang space craft kapag lumalapag sa buwan. Ang kaibahan lamang nila, kapag ang eroplano ay lalapag sa buwan, kailangan nitong bawasan ang pagbulusok at iikot ng ilang beses upang ang ibabang bahagi nito ang maunang lumapag. Ito ay isinasagawa ng maraming metro ang pagitan upang maging malumanay at maging ligtas sa paglapag. Bagama't ginagawa rin ng langaw ang naturang sistema sa paglapag, ito ay sa loob lamang ng 1/500 na bahagi bawa't segundo. Luwalhatiin ang Allâh – ang Dakilang Tagapaglikha. Ang isa pang katanungan ay papaanong nalaman ng langaw na may nakaharang na salamin sa pagitan nito at sa mga bagay na nakikita sa labas ng silid! Ito ang malaking kaibahan ng radar na

192

gawa ng tao kung ihahambing sa radar na gawa ng Allâh para sa langaw. Sino ang naglagay ng di-mapapantayang bilis ng radar sa ulo ng maliit na langaw na tuwirang binabalewala ng tao? Walang iba kundi ang Allâh – ang Tagapaglikha, ang Tagapagsimula (ng lahat ng bagay) na Siya ring lumikha sa tao mula sa alabok. Sadyang kay layo ng Allâh sa mga di-nananampalataya sa Kanya. Ang iba pang bagay na dapat paghambingin sa pagitan ng langaw at eroplanong pandigmaan ay ang kakayahan nitong umikot ng mabilis. Nabanggit sa itaas na ang tao ay may abilidad na makapagpalipad ng eroplano na maaaring pumaitaas, pumaibaba, kaliwa't kanan, gayundin ang kakayahang umikot nito. Ang sasakyang ito ay maaari lamang magpalit ng direksyon sa tamang anggulo upang makaiwas sa missile mula sa kalaban na humahabol ng malapitan sa dagliang oras. Sa ganitong sitwasyon ang piloto ay maaaring magpalit ng direksyon. Isang halimbawa kung ang eroplano ay papuntang silangan, madali sa piloto nito ang bumalik papuntang kanluran. Ang pinakabagong sasakyang katulad nito ay maaaring magpalit ng direksyon sa loob ng pitong (7) segundo lamang, subali't hindi magagawang umikot sa sukat na tatlumpung antas (30 degrees). Samantalang ang langaw ay may kakayahang gawin ito sa loob lamang ng 1/250 bahagi ng isang segundo at maaari itong pumihit na hindi hihigit sa pitong antas (7 degrees). Ating makikitang kapag binugaw natin ang langaw na nakadapo sa gilid ng pinggang may pagkain, ang langaw ay dagliang lilipad ng humigit kumulang sa tatlong metro ang layo. At kapagdaka'y pipihit ito at dadapong muli sa pagkain. Ito ay nagaganap ng napakabilis at maaring isipin na sila ay may dalawang ulo na nakalilipad sa magkaibang direksyon sa iisang panahon. Katulad ng tren na hindi na kailangan pang umikot upang bumalik dahil ito ay may dalawang kabina ng nagmamaneho, isa sa unahan at isa sa kabilang dulo.

192

Sa narating ng tao sa larangan ng makabagong agham at sa iginawad na kaalaman ng Allâh sa kanila upang makabuo halimbawa ng isang eroplano, maaari ba nila itong ikumpara sa kakayahan ng langaw na nilikha ng Allâh sa pamamagitan ng Kanyang Katalinuhan at Kapangyarihan? Ang kasagutan ay maliwanag na “Hindi”. Pag-usapan naman natin ang malaking agwat ng kanilang sukat. Ang sukat ng eroplano ay bilyong beses ang laki kumpara sa langaw. Gayunpaman, inilagay ng Allâh ang lahat ng kakayahang lihim at himala sa langaw na ito. Kaya naman hinamon ng Allâh ang sangkatauhan sa pamamagitan ng isang maliit na langaw mula sa Kanyang mga nilikha. Walang sinumang dalubhasa sa larangan ng makabagong agham ang may kakayahang harapin ang hamong ito kahit magsama-sama pa sila sa pagsisikap. Katohohanan, tanging ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan. Ipagpatuloy natin ang ating pagsisikap na makilala ang Allâh – ang Dakilang Tagapaglikha, ang Tagapagsimula (ng lahat ng bagay) na hindi binibigyan ng tama at makatarungang pagpapahalaga ng sangkatauhan. Magsimula tayo mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na nilikha ng Allâh. Simulan natin sa maliliit na bagay tungo sa pinakamalalaking bagay na makikita sa buong kalawakan. Gaano man kalaki o kadakila ang anumang nilikha ng Allâh, hindi pa rin ito makahihigit sa Kanya. Ang Allâh ay nagsabi: Ang pagkakalikha sa mga kalangitan at sa kalupaan ay tunay na may kahigitan sa pagkakalikha sa sangkatauhan, subali’t karamihan sa tao ay hindi ito nalalaman. (Ghafir-40:57) Ayon sa sinabi ng Allâh, nilikha tayo sa putik mula sa pinaghalong tubig at alabok. Kapwa napapalooban ang mga ito ng atomo, gayundin ang hangin ay napapalooban nito. Kaya

192

naman ang buong sanlibutan ay ginawa sa di-mabilang na dami ng maliliit na atomo. Tanong: Ano nga ba ang atomo? Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nakakita ng atomo sa pamamagitan ng mata lamang. Dahil sa sobrang liit nito, maging ang pinakamalaking mikroskopyo na naimbento ng tao ay hindi rin nagamit upang ito ay makita ng tuwiran. Hanggang sa nagsagawa ng maraming pananaliksik ang tao hinggil sa atomo at naipaliwanag ang kaayusan nito. Ito ay ginawa upang mailarawang mabuti kung ano ang atomo. Dagdag pa rito, unang nagpasabog ng atomic bomb ang Amerika sa Hiroshima, Japan noong nakaraang ikalawang digmaang pandaigdig. Pagkaraan ng lahat ng ito, napag-alaman ng tao na ang atomo ay hindi lamang pala ang pinakamaliit na nilikha ng Allâh dito sa sanlibutan. Ang atomo ay isang malinaw at napakaliit na bagay katulad ng maliit na bolang kristal na animo’y bula ng sabon. Sa loob nito ay may mga higit na maliliit na bagay na umiikot sa ehe (axis) at sa iba’t ibang landas o ligiran sa palibot ng nucleus na nakalagak sa gitna ng atomo. Ang mga bagay na umiikot na ito ay tinawag na mga positive electric charges na nagmula sa mga elementong kemikal. Ang tawag ng mga siyentipiko sa mga ito ay neutrons at protons. Sa palibot ng nucleus ay may iba pang negative electronic bodies. Ang tawag ng mga dalubhasa sa mga ito ay electrons. Ang lahat ng ito habang umiikot sa palibot ng nucleus ay may kanya-kanyang ligirang magkakalayo sa bawa’t isa na sadyang kagila-gilalas kung isasaalang-alang ang kanilang maliliit na sukat. Sa ganitong kalagayan, ang atomo ay isang maliit na larawan ng solar system na sadyang kahanga-hanga ang kaayusan na kinabibilangan ng kapwa disiplina at pagtutugmatugma at walang anumang nangyayaring salpukan. Karamihan sa bula ng atomo ay walang hangin katulad ng solar system.

192

Ang atomo at ang higit na maliit na bagay na nasa gitna nito (nucleus) ay natuklasan ng mga siyentipikong Amerikano at Aleman limampung (50) taon na ang nakaraan. Subali’t bago pa man ito natuklasan sa larangan ng agham, binanggit na ito ni Propeta Muhammad mahigit 1,400 taon na ang nakalipas bagama't siya ay hindi marunong bumasa at sumulat. At sa panahon ding iyon ay wala pang mga dalubhasa at mga kagamitan sa pagtuklas ng mga ganitong bagay. Subali't si Propeta Muhammad ay tumanggap ng ganitong kapahayagan mula sa Allâh na ating matutunghayan sa Banal na Qur'an: Alinman ang iyong pinagkakaabalahan (O Muhammad ) at anumang bahagi ng Qur'an ang iyong binabasa at anumang inyong ginagawa (mabuti man o masama), Kami ang saksi rito habang ginagawa ninyo ito. At walang maitatago sa inyong Panginoon kahit kasinliit lamang ito ng atomo sa kalupaan o sa kalangitan. Higit mang maliit o malaki kaysa rito ay nasusulat sa Maliwanag na Talaan. (Yunos-10:61) Kaluwalhatian sa Allâh – ang ating Panginoon na Siyang nagturo sa atin tungkol sa atomo. Gayundin, ang mas maliit kaysa rito na matatagpuan sa loob mismo nito na umiikot ayon sa tama at maayos na paraan. Kaluwalhatian sa Allâh – ang Tagapamahala ng malawak na sanlibutan na kung saan ang mga pinakamaliliit na bagay ay matatagpuan. Tunghayan natin sa pamamagitan ng mikroskopyo kung ano ang maaaring makita sa isang patak na tubig na nagmula sa isang maruming lugar. Makikita natin doon ang maliliit na mga selula at ibang mga bagay na may buhay na gumagalaw at nagpaparami ng milyon-milyong beses sa napakaikling panahon. Kung atin lamang bibigyang-pansin ang maliliit na bagay na ito na ating nakikita na umiikot sa kanyakanyang itinalagang mga ligiran at itataas natin ang ating paningin sa kalangitan na kung saan ay napalilibutan ng iba't ibang nilikha ng Allâh katulad ng mga naglalakihang bituin, kalawakan at mga planeta na umiinog sa isang mahimala at dimapapantayang kaayusan, magkakaroon tayo ng lubos na pang-

192

unawa sa Kanyang Kapangyarihan na Siyang lumikha at namamahala sa lahat ng bagay. Ayon sa ating sariling kaalaman, ang daigdig ay bilog na pinaninirahan ng bilyon-bilyong tao, mga nilikhang di-nakikita, mga hayop, mga halaman, mga isda at mga ibon. Ang mundong nasa ating paningin ay tila walang hangganan. Ito ay napapalooban ng iba't ibang nilikha ng Allâh tulad ng mga bundok, mga karagatan, mga disyerto, mga kapatagan, mga hardin at mga ilog. At kung ito ay ating ihahambing sa pitong kalangitan, ito ay katulad lamang ng isang patak ng tubig sa isang malawak na karagatan. Upang mapagtanto natin kung gaano ang agwat ng layo ng mundo kung ikukumpara sa kalawakan, dapat nating isaalang-alang ang mga sumusunod na halimbawa. Ipagpalagay natin na ang kalawakan ay isang sport stadium at ang mundong ating ginagalawan ay katulad ng isang atomo na lumulutang-lutang sa loob nito. O sangkatauhan, inyong pagmasdan ang bahagi ng mundong inyong ginagalawan kumpara sa mga kaharian sa mga kalupaan at mga kalangitan. Naisip mo bang ito ang tahanan para sa iyong kaligayahan tulad ng mga palasyo, mga hardin at milyonmilyong salapi? Tunghayan natin ang isang Hadith (winika ng Propeta ): Kung ang makamundong buhay ay kasing sukat lamang ng pakpak ng lamok sa paningin ng Allâh, hindi Niya pahihintulutan ang mga hindi mananampalataya na makainom ng kahit kaunting tubig mula rito. Sa katunayan, ang mundo (earth) ay isa sa mga planetang nilikha ng Allâh na nakalutang sa kalawakan. Ito ay umiikot sa araw na may tiyak na daanan katulad ng iba pang walong mga planeta. Ang lahat ng siyam na planetang ito ang tinatawag na solar system. Ang sukat ng araw ay higit sa milyong beses ang laki kumpara sa mundo. Ang pagitan o layo ng araw sa mundo ay umabot sa 149 milyong kilometro. Ang higit na kataka-taka sa solar system ay isa lamang ito sa libu-libo o milyon-milyong

192

mga solar system na nilikha ng Allâh. Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa tinatawag na galaxy. Subali’t ang kamanghamanghang bagay na ito ay hindi dito natatapos. Sapagka't ang ating galaxy ay hindi isang natatanging uri sa sanlibutan. Mayroon pang milyong mga galaxy katulad ng sa atin at ang bawa’t isa rito ay napapalooban ng milyon-milyong iba pang mga solar system. Magkagayunman, wala tayong sapat na kaalaman tungkol sa mga galaxy at sa mga naninirahan doon dahil sadyang napakalayo ng bawa’t isa na hindi kayang abutin ng kaalaman ng tao. Ito ay lumampas na sa mga konseptong pangsukat na ginagamit ng tao sa kasalukuyan. Sa paghahangad ng mga siyentipiko na sukatin ang pagitan ng mga ito sa isa’t isa, napagkasunduang nilang gamitin ang isang sistema ng pangsukat na tinawag nilang light-year. Subali't ano nga bang ibig ipakahulugan ng katagang light-year? Batid nating ang taon ng Hijri ay ang taon ng paglikas ng mga Muslim mula sa Makkah papuntang Madinah at tinawag na lunar calendar. Alam din natin ang mga taon pagkaraan ni Kristo, ito naman ang tinawag na solar calendar. Subali’t ano nga ba ang light-year? Ang mga dalubhasa ay naghangad na malaman ang bilang ng kilometro sa pagitan ng malayong kinalalagyan ng mga galaxy, bituin, at planeta. Subali’t napag-alaman nilang mahirap basahin o isulat ang mga numerong naitala dahil sa napakarami nito. Upang ipaalam sa atin ang pagitan ng ating solar system sa iba pang tulad nito sa loob ng ating galaxy na tinatawag naman nilang milky way, sinimulan nilang sukatin ito sa pamamagitan ng bilis ng sinag ng araw (sunray) na aabot sa itinalagang lugar. Napag-alamang ang sinag na ito ay umabot sa 300,000 kilometro bawa’t segundo. Mula sa segundo, nakalkula nila kung ilan ang katumbas na minuto, oras, araw, buwan at ang panghuli ay taon. Ito ngayon ang tinawag nilang light-year. Ang saklaw na layo ng sinag sa paraang ito ng pansukat ay umabot sa 9,331 bilyong kilometro. Sa mga nabanggit na impormasyon sa itaas, sadyang

192

mahirap abutin ng ating kaisipin gaaano man tayo katalino. Ano pa nga kaya kung susukatin natin ang pagitan ng iba’t ibang galaxy? Marahil aabot ito sa libu-libo o kaya'y milyon-milyong bilang ng light-years. Sa katunayan, ang lahat ng ito ay hindi naging mahirap para sa ating Tagapaglikha. Siya ang nagsimula ng lahat ng bagay gaano man ang agwat ng mga ito sa isa't isa. Ang Allâh – ang Lubos na Maalam ay nagsabi sa Banal na Qur'an: Aming ginawa ang kalangitan ng may Lakas. Katotohanan! Kami ay may kakayahang palawigin ang kalawakang ito. (AdhDhariyat-51:47)

Gaano man kalawak ang lahat ng ito at gaano man kalayo ang agwat ng mga ito, tanging ang Allâh lamang ang nakababatid. At ang lahat ng ito ay matatagpuan sa Kamay ng Makapangyarihang Tagapaglikha sa Araw ng Paghuhukom. At sila'y hindi nagbigay ng tamang pagpapahalaga sa Allâh katulad ng nararapat para sa Kanya. At sa Araw ng Paghuhukom, ang buong mundo ay dadakmain ng Kanyang Kamay. At ang mga kalangitan ay gugulong sa Kanyang kanang Kamay. Kaluwalhatian sa Kanya at Siya ay higit na Mataas sa lahat na kanilang iniuugnay bilang katambal sa Kanya. (Al-Zumar-39:67) Sinabi pa ng Allâh: At alalahanin ang Araw na Aming bibilutin ang kalangitan katulad ng pagbalumbon ng nasusulat na Talaan. Kung paano Namin sinimulan ang unang paglikha, Amin itong uulitin. (AnAnbiya-21:104)

Ito ay nangangahulugan na sa Araw ng Paghuhukom ang buong kalawakan ay magiging katulad na lamang ng isang ibinalumbon na papel sa Kamay ng Allâh. Iyon ang araw na si Anghel Gabriel

192

at ang lahat ng mga anghel ay titindig ng nakahanay. Hindi sila magsasalita maliban sa sinumang pahintulutan ng Allâh sa kanila. Sasabihin lamang nila kung ano ang tama at matuwid. Ang lahat ng mukha ay magpapakumbaba sa harap ng Allâh – ang Laging Buhay, ang Tagapanustos, ang Tagapamahala ng lahat ng nilikha. Sa Araw na iyon ang lahat ng tinig ay magpapakaaba sa harap ng Allâh at ganito ang magiging katanungan: "Kanino nabibilang ang Kaharian sa Araw na ito?" At ang kasagutan ay magmumula sa lahat ng dako: "Ito ay nabibilang sa Allâh – ang Nag-iisa, ang Walang Katulad." Ngayon ay ating talakayin ang isang usaping nagbibigay ng palaisipan sa tao – ang tungkol sa napakalawak na vacuum (kawalan ng hangin) na nakapaligid sa sandaigdigan kasama na rito ang ating mundo, ang buong kalawakan at ang anumang nasa kanilang pagitan. Sa walang hanggang vacuum na ito lumulutang at umiikot nang napakabilis ang bilyon-bilyong mga galaxy, mga bituin at mga planeta. Sa kanilang paggalaw, ang mga planeta at iba pang mga lumulutang na bagay ay inihambing sa pirapirasong bagay na lumilipad galing sa isang sumambulat na bato. Kung ang kalawakang nakapaligid sa batong ito ay walang hanggan, ang mga pira-pirasong bagay na nagmula rito ay mananatiling lulutang-lutang sa landas na iyon magpakailanman. Subali't mayroon pa ring magtatanong. Saan? Hanggang kailan? At Kailan at saan tutungo ang pira-pirasong bagay na ito at ang mga atomo. Kailan hihinto sa pagkalat at paglawak ang mga ito? Ganito ang nagaganap simula nang likhain ng Allâh ang daigdig at mga kalangitan. Nang mga sandaling iyon, ang mga bituin, mga galaxy at mga planeta ay isang buong kumpol lamang. Pinangyari lamang ng Allâh na sumabog ang isang buong kumpol na ito. Nagbunga ito ng pagkalat ng bilyon-bilyong mga planeta at bituin sa kalawakan. Pagkaraan nito ay nagkatipon ang ilan sa kanila at nagbuo ng mga galaxy na may kanya-kanyang araw, mga planeta at mga bituin. At magpapatuloy ang mga ito sa pagdami sa kalawakan ng napakabilis tungo sa hangganang

192

itinakda ng Allâh – ang tanging Nakababatid ng Lahat. Napagalaman ng mga astronaut na kung magtatapon ng isang bagay (solid body) sa kalawakan na kung saan walang nagtatala ng bigat o timbang at wala ring hangin, ang bagay na ito ay mananatiling palutang-lutang lamang at lalayo sa pinagmulang puwersa ng nagtapon sa kalawakan. Hindi ito katulad sa ating mundo na napapalooban ng hangin, gas at iba pang sangkap na pumipigil sa patuloy na pagkilos ng anumang bagay. Ang patunay sa mga kaganapang ito ay ipinahayag ng Allâh kay Propeta Muhammad , mahigit sa 1,400 taon na ang nakalipas. Ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan ay nagsabi: Hindi ba batid ng mga di-nananampalataya na ang mga kalangitan at ang sanlibutan ay magkarugtong sa iisang piraso at Aming pinaghiwalay? At ginawa Namin ang lahat ng may buhay mula sa tubig. Hindi ba sila maniniwala sa kabila nito?
(An-Anbiya-21:30)

Atin ding mababasa sa Banal na Qur'an: Aming ginawa ang kalangitan ng may lakas. Katotohanan! Kami ang may kakayahang palawigin ang kalawakang ito. At Aming inilatag na malapad ang daigdig at kay husay ng paglatag Namin! (Adh-Dhariyat-51:47-48) Sa mga usaping naipaliwanag sa itaas, nananatili pa rin ang isang napakalaki at napakahalagang katanungan na nagbibigay ng palaisipan sa tao. Gaano man katalino ang isang tao o gaano man kataas ang kanyang pinag-aralan, kailanman, hindi niya kayang unawain ang Pambihirang Kaalaman ng Ating Tagapaglikha. Ako, bilang may akda ng aklat na ito ay nakatitiyak na gaano man katalino ang tao, sasabog ang kanyang utak bago niya malutas ang mga katanungan hinggil dito. Katulad ng nabanggit sa simula ng aklat na ito, huwag nating pagtalunan ang tungkol sa Allâh, sapagka't Siya ang Ganap na Makapangyarihan at

192

walang sinumang maihamhambing sa Kanya. Sa isang talata ay Kanyang sinabi: …gayunpaman sila’y nagtatalo tungkol sa Allâh. At Siya ang Makapangyarihan sa Lakas at Mahigpit sa Parusa. (Ar-Ra'd13:13)

Kaya naman, sapat na lamang sa atin ang magtanong subali’t huwag tayong maghanap ng kasagutan sapagka’t sadyang mahirap sa atin na sagutin ang mga ito. Tayo ay nagtatanong lamang bilang pag-amin sa ating mga sarili na hindi natin kayang abutin ang Kadakilaan at Katalinuhan ng Allâh – ang Dakilang Lumikha, kung saan tayo ay hindi nagbibigay ng karampatang pagpapahalaga. Bago pa tayo maghain ng iba pang mga katanungan, magbibigay tayo ng mga batayan upang ihanda ang mga mambabasa na maunawaan ang kahalagahan nito. Sa mga nabanggit sa itaas, ang pinakamaliit na nilikha ng Makapangyarihang Allâh ay ang atomo at sumunod dito ay nucleus at electrons na makikitang umiikot sa loob nito. Pagkaraa’y tinalakay din natin ang tungkol sa mundo kung saan tayo naninirahan at ipinalalagay natin itong napakalawak na nagtataglay ng mga karagatan, mga bundok, mga kapatagan, mga disyerto, mga gusali, mga kagubatan at mga ilog. Pagkaraa’y napag-alaman din natin na ang mundo, kasama na ang mga nilalaman nito ay kasing-sukat lamang ng isang atomo kung ihahambing sa sukat ng kalawakang nagtataglay ng mga planeta, mga bituin at mga galaxy na magkahiwalay sa isa’t isa. Magbibigay tayo ng isang teoryang tila baga imposibleng mangyari. Magkagayunma’y sikapin nating suriing mabuti ang napakalaking katanungang ating kinakaharap. Isipin nating tayo ay naglalakbay lulan ng isang rocket na pinatatakbo ng nukliyar at maari tayong itagos sa pitong kalangitan at daanan ang lahat ng nakapaloob dito tulad ng mga galaxy, mga bituin at mga planeta at ating matuklasan ang hangganan ng sanlibutan. Subali't sadyang ang kalawakan ay kalawakan. Kapag ito ay may

192

katapusan, maliwanag lamang na ang hangganang yaon ay may naiibang elemento na maaaring naiiba ang anyo. Atin ding ipagpalagay na ang rocket na ito ay naglalakbay ng bilyonbilyong light-years sa kalawakan. Kung gayon, tayo ay patuloy na maglalakbay ng walang katiyakang hangganan at maaaring ito ang maging dahilan upang ito ay huwag ng ipagpatuloy. Halimbawang naabot natin ang ating minimithi at nalaman natin na ang buong kalawakan ay napalilibutan ng dingding na bakal. Sa sandaling matuklasan natin ang hangganang ito, kaagad nating tatanunging muli ang ating mga sarili: "Ano kaya ang nasa likod nitong dingding na bakal?"

Ito ba ay isa na namang kalawakang walang hangin? O ito kaya ay puno ng tubig na ang layo nito ay bilyong light-years? Ano naman kaya ang naroroon pagkatapos ng hangganan ng tubig? Ito kaya ay panibagong kalawakan na napalilibutan ng dingding na bakal? Malaya tayong magtanong ng paulit-ulit subali’t wala tayong katiyakan sa anumang maaaring kasagutan. Hindi natin kailanman mabibigyan ng kasagutan kung ano ang hangganan ng sanlibutan. Ang mga katanungan ay magpapatuloy sapagka’t ang dulo ng anumang bagay ay nararapat na may kasunod kahit ano pa ang kabuuan nito, ito man ay kalawakan, tubig, hangin, o bakal. Ang alituntuning ito ay napatunayan din sa batas ng Agham. May makapagsasabi ba sa sinumang nilikha na ang sanlibutan at ang buong kaharian ng Allâh ay walang katapusan o hangganan?

Sa kabila ng lahat ng ito, sa utos ng Allâh, sinamahan ni Anghel Gabriel si Propeta Muhammad sa paglalakbay gamit ang isang kabayong lumilipad at binagtas nila ang buong kalawakan. Sa pamamagitan ni Anghel Gabreil, ang Propeta ay umakyat sa pitong kalangitan at sa pinakamataas na Paraiso at pagkaraa’y muli siyang bumalik sa daigdig. Ang tagal ng kabuuang

192

paglalakbay (ang tinatawag na Israá at Miraj) ay umabot lamang ng isang buong magdamag. Kaluwalhatian sa Allâh! Ang Panginoon ng Mataas na Luklukan. Minsa'y nababasa nating ang mga di-nananampalataya (atheist) ay naghahangad na magpunla ng alinlangan sa puso ng mga Muslim tungkol sa Banal na Qur'an sa pamamagitan ng kanilang pagtatanong ng ganitong uri ng mga katanungan: "Kung ang lawak ng Paraiso ay kasing lapad ng mga kalangitan at ng kalupaan katulad ng sinasabi sa Banal na Qur'an, magkagayo’y nasaan ang kinalalagyan ng Apoy ng Impiyerno?" Ang ating kasagutan: "Kasawian sa inyong mga hindi nananampalataya! Ang walang katapusan at malawak na sanlibutan ng Allâh ay hindi lamang sapat para sa isang Paraiso na ang lapad ay sakop ang mga kalangitan at kalupaan, bagkus ito ay sapat pa rin upang lagyan ng bilyong magkakatulad na Paraiso. Ito ay sadyang malawak upang paglagakan ng maraming Impiyerno bilang inyong huling hantungan sapagka’t ang sanlibutan ay walang hangganan." Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Ako’y sumusumpa sa Allâh na Siyang may hawak ng aking kaluluwa; Ang pitong kalangitan at ang pitong kalupaan kung ihahambing sa Kursi (patungan ng paa ng Allâh) ay katumbas lamang ng isang singsing na inihagis sa disyerto at ang sukat ng Kursi kung ihahambing sa Arsh (Trono ng Allâh) ay kasing-sukat ng singsing kung ihahambing sa disyerto." Ang Hadith na ito (winika ng Propeta ) ay nagbibigay-linaw kung gaano kalaki ang Kursi ng Allâh kung ikukumpara sa mga daigdig at mga kalangitan kahit pa man din sadyang napakalawak ng mga sukat nito, sila ay katumbas lamang ng isang maliit na singsing sa disyerto. Gayundin ang sukat ng Kursi kung ihahambing sa sukat ng Kanyang Arsh (Trono). Ating mababasa sa Banal na Qur'an:

192

…Ang Kanyang Kursi (patungan ng paa) ay abot ang mga kalangitan at ang kalupaan at hindi Siya nakadarama ng kapaguran sa pangangalaga at pagpapanatili sa kanila. Sapagka’t Siya ang Kataas-taasan, ang Dakila. (Al Baqarah2:255)

Dumako naman tayo sa ibang aspeto ng Kapangyarihan at Kadakilaan ng Allâh – ang Dakilang Tagapaglikha. Katunayan, walang maihahalintulad sa Kanya. Siya ang Nakaririnig at Nakakikita ng lahat ng Kanyang mga nilikha. Bilang patunay ating tunghayan sa Banal na Qur'an: Siya ang Allâh, maliban sa Kanya’y walang tunay na Diyos na dapat sambahin. Ang Hari, ang Banal, ang Nag-iisang Malaya sa anumang pagkukulang, ang Nagbibigay ng Kapanatagan, ang Tagamasid sa lahat ng Kanyang mga nilikha, ang Makapangyarihan, ang di-Mapaglalabanan, ang Kataastaasan. Luwalhati sa Allâh! Higit Siyang mataas sa lahat ng iniuugnay at itinatambal sa Kanya. (Al-Hashr- 59:23) Ang paghahari ay may malawak na kahulugan. Ito ay hindi lamang pagsawata, bagkus sakop nito ang kaalaman at pangingibabaw sa lahat ng bagay. Kasama rito ang pamamahala, ang pagpapanatili, ang pagbibigay-sigla, ang pagbalangkas at pangangalaga sa anumang bagay. Ang Allâh ay lumikha ng di-mabilang na bagay dito sa sanlibutan, katulad ng mga atomo, anghel, mga nilikhang dinakikita, sangkatauhan, hayop, ibon, isda, insekto, ahas, puno, halaman, daigdig, bundok, karagatan, ilog, ulap, hangin, ulan, butil ng buhangin, alabok, planeta, bituin at galaxy. Bilyonbilyon ang bilang ng nilikha ng Allâh sa mga ito. At pinamamahalaan ng Allâh ang lahat ng ito. Pinangangalagaan Niya ang bawa’t atomo na lumulutang-lutang sa Kanyang Kaharian. Talos din ng Allâh ang bawa’t kilos ng bawa’t kaluluwang Kanyang nilikha. Luwalhatiin ang Allâh! Sakop ng

192

Kanyang Kaalaman ang lahat ng Kanyang nilalang. Kanyang nakikita, naririnig at dinidinig ang panalangin ng mga may pighati. Sabay-sabay Niyang naririnig ang bilyon-bilyong panalanging iniuukol sa Kanya na maaari Niyang dinggin o ditanggapin. Ating mababasa sa Banal na Qur'an: Hindi ba Niya nalalaman ang sinumang Kanyang nilikha? At Siya ang Mabait at Mapitagan (sa Kanyang mga alipin) at may Kamalayan (sa lahat ng bagay). (Al-Mulk-67:14) At nasa Kanya ang mga susi ng Al-Ghaib (ang lahat na dinakikita), walang nakababatid sa mga ito maliban sa Kanya. At batid Niya ang anumang nasa lupa at nasa dagat. Walang dahong malalaglag na hindi Niya batid. Walang isa mang butil sa kadiliman ng kalupaan at gayundin walang anumang bagay na sariwa o tuyo na hindi nakatala sa isang Maliwanag na Talaan. (Al-An'am-6:59) Nalalaman ng Allâh ang damdamin ng bawa’t isa sa Kanyang mga nilikha. Higit Siyang malapit sa atin kaysa sa ating mga sarili. Ang Allâh ay nagsabi: At katotohanang nilikha Namin ang tao at batid Namin ang ibinubulong ng kanyang sarili sa kanya. At higit Kaming malapit sa kanya kaysa kanyang punong daluyang-ugat. (Qaf50:16)

Nakikita at naririnig ng Allâh ang panalangin ng lahat na sumasamba sa Kanya sa loob ng sagradong Masjid sa Makkah. Kaalinsabay nito’y nakikita at naririnig din Niya ang panalangin ng bilyon-bilyong nilikha saan mang dako ng daigdig. Siya ay nagsabi: At kapag ang Aking mga alipin ay nagtatanong sa iyo (O Muhammad ) tungkol sa Akin, iyong sabihin: Katotohanan, Ako ay malapit sa kanila sa Aking Kaalaman. Aking

192

tinutugunan ang pagsusumamo ng tumatawag sa Akin ng walang tagapamagitan. Kaya hayaan silang tumalima sa Akin at maniwala sa Akin upang sila'y mapatnubayan. (Al-Baqarah
2:186)

Ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan ay muling nagsabi: …At Siya ay kasama ninyo (sa Kanyang Kaalaman) saan man kayo naroon. (Al-Hadid-57:4) Habang pinangangaralan at pinaaalalahanan ang kanyang anak, ang matalinong si Luqman ay nagsabi ayon sa nakasulat sa Banal na Qur'an: O aking anak! Kung mayroon mang bagay na kasing sukat ng butil ng mustasa, kahit ito ay nasa loob ng bato, o sa mga kalangitan, o sa kalupaan, ilalabas ito ng Allâh. Katiyakan, ang Allâh ay Dalubhasa sa paglalabas ng butil na yaon at may Kamalayan sa kinaroroonan nito. (Luqman-31:16) Isang katanungan ang mabubuo sa ating isipan upang makita natin kung gaano kadakila ang Allâh at kung gaano kalayo sa pagiging payak ang tungkol sa Kanya. May kakayahan ba ang isang pinakamatalino at pinakamatalas na tao na makinig, magisip at sumagot ng sabay sa dalawang taong kumakausap sa kanya? Katiyakang ni isa’y walang makagagawa nito katulad ng sinabi ng Allâh sa Banal na Qur'an: Hindi ginawa ng Allâh sa isang tao ang dalawang puso sa kanyang katawan. (Al-Ahzab-33:4) Ang Paghahari ng Allâh at ang Kanyang Kaalaman ay sakop maging ang bawa’t butil ng buhangin sa mga disyerto, bawa’t patak ng tubig sa karagatan, bawa’t dahon ng mga puno at butil ng mais. Batid din ng Allâh ang bilang ng atomo na nakalutang sa kalawakan. Batid din Niya ang anumang nasa isipan ng mga

192

Jinns at tao, ang kanilang mga hinagap, binabalak, sabwatan at alaala. Batid ng ating Panginoon ang nakaraan, ang nagaganap sa kasalukuyan at lahat ng anumang magaganap sa hinaharap, maging ang lahat ng mangyayari bago dumating ang katapusan ng mundo. Bilang panghuli, nais kong sabihin na ang aming paniniwala sa Kadakilaan at Kapangyarihan ng ating Lumikha ay batay sa aming pananalig sa Kanya. Maraming naniniwala sa Allâh at nang kanilang natikman ang tamis ng paniniwalang ito, namayani ang paniniwalang ito sa kanilang mga puso at isipan. Lalo pang naging marubdob ang kanilang pananampalataya sa pagmamasid nila sa mahimalang kapaligiran at pandaigdigang kaganapan, bagama't hindi maabot ng kaisipan ng tao ang Katalinuhan ng Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan! Ang mundong ating ginagalawan ay puno ng mga nakamamanghang bagay at ito ay nagpapakita ng napakahusay na antas na may katiyakan at kagalingan. Tanggapin man natin o hindi, lahat ng bagay na matatagpuan sa sandaigdigan ay patunay sa pananatili ng Allâh sa Kapangyarihan, sa Kaluwalhatian at sa Paghahari. Sa ating pagmamasid sa kaayusan ng sandaigdigan, pinagmamasdan lamang natin ang bakas ng Kadakilaan at Kapangyarihan ng Allâh. Sa ating kasalukuyang panahon, ang mga natuklasan at imbensiyon sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya sa pangkalahatan ay nakatulong upang maragdagan ang ating pangunawa sa ilang mga kaganapan na nakapaloob sa masalimuot na sandaigdigan. Ang pang-unawang ito ay naaayon sa Banal na Qur'an na ipinayahag sa hindi nakapag-aral na Propeta mahigit na labing-apat na siglo na ang nakalipas. Tunghayan natin bilang patunay ang sinabi ng Allâh sa Banal na Qur'an: "Aming ipakikita sa kanila ang Aming mga Tanda sa sandaigdigan, gayundin sa kanilang mga sarili hanggang sa maging malinaw sa kanila na (ang Allâh) ay Katotohanan. Hindi pa ba sapat ang tungkol sa inyong Panginoon na Siyang Saksi sa lahat ng bagay?" (Fussilat-41:53)

192

O Allâh – aming Panginoon, sapat na po sa amin na Kayo ang Saksi sa lahat ng bagay. Kaluwalhatian sa Inyo – ang Dakilang Lumikha. Sadyang kay Dakila at kay Taas ng Allâh! Subali't marami sa Inyong mga nilikha ang tila bulag at hindi napahahalagahan ang Inyong Kadakilaan. Sa kabila ng Inyong taglay na Katangian at Kapangyarihan, Lakas, Kadakilaan at Kamaharlikaan, itinakda pa rin Ninyo sa amin na maging Mahabagin. O aming Panginoon, nawa'y maging malapit Kayo sa amin, sa Inyong mga alipin, upang malasap namin ang kaligayahan dito sa mundo at sa kabilang buhay. Hindi ninais ng Allâh na tayo ay maparusahan sa Apoy ng Impiyerno sa Araw ng Paghuhukom. Kaya naman nagpadala Siya ng mga Sugo upang igabay tayo sa tuwid na landas tungo sa walang hanggang kasaganaan at tagumpay. Subali't kadalasa’y nagiging suwail kami sa Inyo at nagpapakita kami ng kawalang-utang na loob sa mga biyayang aming tinatamasa. Sa mga panahong yaon, nawa'y iginawad po Ninyo sa amin ang Inyong Kapatawaran at Kabutihang-loob tungo sa pagsisisi sa aming mga pagkakasala. Ito ay sa dahilang ang Inyong pagmamahal sa amin ay tunay na marubdob at hindi Ninyo ninais na kami ay maparusahan. Sa tuwinang kami ay nagkakasala at pagkaraa’y nagsisi at humingi ng Inyong kapatawaran, nasusumpungan namin Kayo na lagi ng nagdudulot ng Kapatawaran at Habag. Katotohanang hindi Ninyo kailangan ang anumang bagay mula sa amin sapagka’t Kayo, O Allâh – ang Mapagpala at ang Tagapanustos. Gayundin, Kayo, O Allâh ang walang humpay na nagbibigay ng aming mga pangangailangan. Bukod pa rito’y ipinaubaya Ninyo sa amin ang lahat ng nasa mga kalangitan at kalupaan bilang kaginhawahan sa aming buhay. Ang lahat ng Inyong pagpapala, lingid man o hayag ay sadyang walang hanggan at hindi mabilang. Gayunpaman, ang mga tao, tulad ng Inyong paglalarawan sa kanila sa Banal na Qur'an ay walang pasasalamat at dimakatarungan. Ang tao’y sadyang walang utang na loob sa mga di-mabilang na biyayang Inyong ibinibigay. Dahil sa Inyong Habag, hinihintay pa rin Ninyo ang aming pagsisisi at Inyong

192

ipinapataw sa amin ang Inyong kapatawaran gaano man karami ang aming mga pagkakasala. Nabanggit sa isang Hadith (winika ng Propeta ): "Sinuman sa inyo ang magsisi at humingi ng tawad sa Allâh, ang Allâh ay higit na maligaya kaysa sa isang taong naglalakbay sa disyerto na lulan ng isang kamelyo na may dala ng kanyang pagkain at inumin. Nakawala ang kamelyo na dala pati ang kanyang pagkain at inumin. Sinikap niyang hanapin ito subali’t siya'y nabigo hanggang sa nawalan na siya ng pag-asang makita pa niya ito. Siya ay sumilong sa lilim ng isang puno upang magpahinga. Habang siya ay nakaupo, nakita niya ang kamelyo na nakatayo sa kanyang tabi. Kaya sinunggaban niya ang tali ng kamelyo at sa matinding kasiyahan, nagkamali-mali niyang sinabi ang: O Allâh! Ikaw ay aking alipin at ako ay Inyong panginoon!" Sa isa pang Hadith ni Propeta Muhammad , ang Allâh ay nagsabi: "Ibinibigay Ko ang inaasahan ng Aking alipin at Ako’y kasama niya saan man niya Ako maalaala. Kung maalaala niya Ako sa kanyang sarili, aalalahanin Ko rin siya sa Aking sarili. At kung maalaala niya Ako sa pagtitipon, aalalahanin Ko rin siya sa higit na mahusay na pagtitipon. At kung isang dangkal ang paglapit niya sa Akin, lalapitan Ko siya ng isang hakbang. At kung palakad siyang lalapit sa Akin, magmamadali Akong lalapit sa kanya." Ang lahat ng papuri ay sa Allâh lamang. Nawa’y igawad po Ninyo sa amin ang Inyong habag at biyaya. Kaluwalhatian sa Inyo, O Allâh! Ipinakita po Ninyo sa amin ang mga Tanda upang makilala namin Kayo at upang matanggap namin ang Inyong pagpapala, kahit sadyang di-sapat ang aming pasasalamat sa Inyo. Kami ay naging suwail sa Inyo. Sadyang hindi kami makatarungan sa aming mga sarili sa hindi namin pagbibigay sa Inyo ng tamang paggalang. Sadyang kay tigas ng aming mga puso at hindi kami marunong magpakumbaba sa Inyong Kadakilaan at Kapangyarihan. Marahil, naging parang bato ang aming mga puso sa katigasan. Katotohanan, may mga batong

192

pinanggagalingan ng umaagos na batis at may mga batong nalalansag upang dumaloy ang tubig mula rito at katotohanang may mga batong bumabagsak dahil sa takot sa Allâh. Bilang pangwakas, tayo’y manalangin sa Allâh – ang Dakilang Tagapaglikha, ang Makapangyarihan: O Allâh, nawa’y palambutin po Ninyo ang aming mga puso at kami'y maging mapagpakumbaba sa Inyong harapan. Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allâh lamang – ang Mapagpala at Tagapanustos ng mga daigdig. Nawa'y ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allâh, na nagbigay ng gabay sa amin sa Tamang Landas ay igawad kay Propeta Muhammad , sa kanyang Pamilya, sa kanyang mga Kasamahan at sa lahat ng kanyang mga tagasunod na tumatahak sa tamang landas. Ameen. Ameen. Ameen.

Ang Mensahe sa Angkan ng Kasulatan
192

Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin.

Ang Mensahe sa Angkan ng Kasulatan
Ang lahat ng pasasalamat at papuri ay sa Allâh lamang – ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha. Nawa'y ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa kay Muhammad (Ang Dakilang Sugo ng Allâh), sa kanyang pamilya at sa lahat ng kanyang mga tagasunod. O Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano). Halina kayo sa isang salita (talakayan) na makatarungan sa pagitan namin at sa inyo. Ang ating Panginoon – ang Nag-iisa, ang Natatangi, ang may Kasapatan, Siya ay hindi nagkaanak at hindi ipinanganak, Kaluwalhatian sa Kanya, ay nagsabi sa Banal na Qur'an:

192

At huwag kayong makipagtalakayan sa mga Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) maliban sa paraan na may mabuting pananalita at magandang asal, at anyayahan sila sa Islamikong Kaisahan mula sa Kanyang mga talata maliban lamang sa kanila na gumawa ng masama, at sabihin sa kanila: "Kami ay naniniwala sa anumang ipinahayag sa amin at sa mga ipinahayag sa inyo, ang aming Ilah (Diyos) at ang inyong Ilah (Diyos) ay Iisa (Allâh) at sa Kanya kami sumusuko bilang mga Muslim. (AlAnkabut-29:46)

Ito ay isang mensahe ng pagmamahal para sa mga Kristiyano – ang Angkan ng Kasulatan. Aking sisimulan kung papaano sinabi ng Allâh ang Kanyang Kapahayagan sa Kanyang Propeta sa Banal na Qur'an: Sabihin O Muhammad : O Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano). Halina kayo sa isang salita (talakayan) na makatarungan sa pagitan namin at sa inyo na huwag tayong sumamba (sa iba) maliban sa Allâh. (Al-Imran-3:64) O Angkan ng Kasulatan, kami ay naririto upang ipabatid sa inyo sa paraang mabuti, tapat, magaan at sa malinaw na paraang malayo sa anumang di-pagkakaunawaan at kapinsalaan. Ang aming payo ay ipinararating sa bawa't isa sa inyo na may kalakip na mabuting hangarin, kaisipan at malambot na puso na malayo sa anumang pananakot at udyok ni Satanas. Bukal ito mula sa aming mga pusong ipinararating sa inyo. Subukan nating isangguni sa pamamagitan ng mga salitang may matuwid na pagpapasiya sa pagitan namin at sa pagitan ninyo upang tayo ay magkaroon ng pagkakaunawaan na walang namamagitang poot, hinanakit, panatismo, o paganismo at diskriminasyon sa bawa't lahi. Lahat tayo ay nagmula sa iisang tao – kay Adan na nilikha ng Allâh mula sa alabok. Kaya't huwag pangibabawan ng pagmamatigas at pagmamalaki habang nakasandal sa kamalian, sapagka't ang katotohanan, tayong lahat ay muling magbabalik sa alabok na ating pinagmulan. Ang Panimula: Sa simula, tayo ay nagkakaisa sa katotohanan mula pa noong mga nagdaang taon, at tayong lahat ay naniniwala sa Islam at tinanggap ang Nag-iisang Diyos ng walang katambal katulad ng

192

nabanggit sa panalangin ng Ama ng lahat ng mga Propeta at Sugo ng Allâh na si Abraham, at ng kanyang unang anak na si Ismael, (sumakanila nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allâh), na kanilang sinabi: Aming Panginoon! At gawin Mo kaming masunurin (Muslim) sa Iyo at mula sa aming mga supling upang magkaroon ng isang Pamayanang sumusuko sa Iyo, at ipakita sa amin ang aming Manasik (lahat ng pamamaraan, ritwal at tungkulin sa (pagsasagawa ng Hajj at Umra) at tanggapin ang aming pagsisisi. Tunay, Ikaw ang Nag-iisang tumatanggap ng pagsisisi, ang Mahabagin. (Al-Baqarah-2:128) Ito ay nakapaloob sa magkasunod na mga talata (Ayat) mula sa Surah Al-Baqarah na nagpahayag tungkol sa pangalawang anak ni Abraham na si Isaac at sa anak ni Isaac na si Jacob. Tunghayan natin ang pahayag ng Allâh sa Banal na Qur'an: At sino ang tumalikod papalayo mula sa pananampalataya ni Abraham, maliban sa kanya na pinasasama at dinungisan ang sarili? Tunay, pinili Namin siya (Abraham) sa daigdig na ito at katotohanan, sa Kabilang Buhay siya ay mabibilang sa mga matutuwid. Nang ang kanyang Panginoon ay nagsabi sa kanya: "Sumuko (maging Muslim)!" Siya ay sumagot: "Isinuko ko ang aking sarili (bilang Muslim) sa Panginoon ng Alamin (sangkatauhan, Jinns at lahat ng nilikha)." At ito (pagsuko sa Allâh – Islam) ay ipinag-utos ni Abraham sa kanyang mga anak at kay Jacob, (na nagsabi): "O aking mga anak! Pinili ng Allâh para sa inyo ang tunay na pananampalataya, kaya't huwag mamatay maliban sa kayo ay nasa Pananampalatayang Islam bilang mga Muslim." O kayo ba ay saksi nang dumating ang kamatayan kay Jacob? Nang kanyang sabihin sa kanyang mga anak: "Ano ang inyong sasambahin kapag ako ay wala na?" Sila ay nagsabi: "Aming sasambahin ang iyong Ilah (Diyos), ang Ilah (Diyos) ng iyong amang sina Abraham, Ismael at Isaac. Ang nag-iisang Ilah (Diyos) at sa Kanya kami ay sumusuko (sa Islam)." (Al-Baqarah2:130-133)

Ang tanging dahilan sa pagkakaroon ng siwang sa pagitan ng aming paniniwala at ng inyong iba't ibang paniniwala ay ang panawagan ng isinumpang si Satanas na ang tanging layunin ay mailigaw ang ibang tao mula sa matuwid na landas ng Allâh, na nabanggit sa Surah Al-A'raf ng Banal na Qur'an: Katotohanan na kayo ay Aming nilikha at pagkaraan kayo ay Aming binigyan ng hubog (marangal na hubog ng tao), at

192

pagkaraan, Aming sinabi sa mga anghel, “Kayo ay magpatirapa ng inyong mga sarili kay Adan” at sila ay nagpatirapa nguni't hindi si Iblis (si Satanas), siya ay tumangging mapabilang sa hanay ng mga nagpatirapa ng kanilang mga sarili. (Ang Allâh ay) Nagsabi: “Ano ang pumipigil sa iyo (O Iblis) at (bakit) ikaw ay hindi nagpatirapa, nang ikaw ay Aking pag-utusan?” Siya (Iblis) ay sumagot: “Ako ay nakahihigit sa kanya (kay Adan), ako ay Iyong nilikha mula sa Apoy, samantalang siya ay Iyong nilikha mula sa putik (lamang).” (Ang Allâh ay) Nagsabi: “O (Iblis) ikaw ay bumaba mula rito (sa Paraiso), hindi (marapat) para sa iyo na ikaw ay maging mapagmataas dito. Kaya, ikaw ay lumayas sapagka't ikaw ay nabibilang sa mga hinamak.” (Si Iblis ay) nagsabi: “Idulot Mo sa akin ang (sandaling) palugit hanggang sa (pagsapit ng) Araw na sila (mga tao) ay ibabangon (sa Araw ng Pagkabuhay na Muli).” Ang Allâh ay nagsabi:“Ikaw ay kabilang sa mga binigyan ng sandaling palugit.” Si Iblis ay nagsabi: "Sapagka't ako ay Iyong hinayaang maligaw, katiyakan ako ay maghihintay na nakaabang laban sa kanila (sa mga tao) sa Iyong matuwid na landas. At pagkatapos ako ay darating sa kanila mula sa kanilang harapan at sa kanilang likuran, mula sa kanilang kanan at mula sa kanilang kaliwa at hindi Mo matatagpuan ang karamihan sa kanila na magpasalamat.” (Al-Araf-7:11-17) Ang mga kasaysayang naganap ang nagpapatotoo na tunay at malinaw ang lahat ng mensahe tulad ng Tawrat (Torah ni Moises), Injeel (Ebanghelyo ni Hesus) at Banal na Qur'an na ipinahayag kay Muhammad . Higit ang Banal na Qur'an na kung saan ang Allâh ay nagsabi na pangangalagaan Niya ito sa anumang pagkasira o katiwalian hanggang sa pagsapit ng Araw ng Paghuhukom. Sa paglipas ng mga taon, ang mga mananalaysay na mga Hudyo, Kristiyano at mga Muslim ay nakapagtala ng mga kasaysayan na nagsasabing ang mga anak ni Abraham ay mga Propeta at Sugo (sumakanila nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allâh) ng Allâh. Noong si Abraham ay matanda na, siya ay nagkaroon ng unang anak mula sa kanyang asawang si Hagar at pinangalanan niya itong Ismael. Si Hagar ay ipinagkaloob ng isang hari ng Ehipto kay Sarah. Pagkaraan ng ilang taon, si Abraham ay biniyayaan ng Allâh ng isa pang anak mula kay Sarah (na pinangalanan naman nilang Isaac) kahit sila ay matatanda na at wala ng palatandaan na sila ay magkakaroon pa ng anak. Subali't ang Allâh ay nagpadala ng magandang balita na magkakaroon sila ng anak, na magsisilang

192

ng kanyang mga apo na sina Jacob at Israel (sumakanila nawa ang kapayapaan). Sa Kautusan ng Allâh at sanhi ng panibugho ni Sarah kay Hagar, nagsilang din siya (Sarah) ng kanyang anak na pinangalanan nilang Isaac. Dinala ni Abraham ang kanyang anak na si Ismael at asawang si Hagar sa Makkah na kung saan matatagpuan ang Kaaba (tahanan ng pagsamba sa Allâh) sa kasalukuyan. Ito ay isang disyertong pook na nasisikatan ng matinding init ng araw na walang tubig, mga puno at halamang nabubuhay. Iniwan doon ni Abraham ang kanyang mag-ina at bumalik sa banal na lugar na (Ashaam – ngayon ay tinatawag na Palestine). Bago niya tuluyang nilisan ang naturang pook siya ay nanalangin sa Allâh ng kanyang bantog na panalangin na nakatala sa Banal na Qur'an: O Aming Panginoon! Hinayaan ko ang ilan sa aking mga anak na manirahan sa lambak na walang pananim, sa Iyong Sagradong Tahanan [Kaaba (tahanan ng pagsamba sa Allâh)] sa pamamagitan ng Iyong Utos upang sa gayon, O Aming Panginoon, sila ay magsipag-alay ng taimtim na pagdarasal. Kaya't Inyong gawaran ang puso ng ibang tao na may pagmamahal tungo sa kanila, at (O Allâh) Inyong pagkalooban sila ng mga bungang kahoy upang sila ay (matutong) magbigay ng pasasalamat. (Ibrahim-14:37) Dininig ng Allâh ang panalangin ni Abraham at ang tubig (Zamzam) ay bumukal at umagos mula sa paanan ni Ismael habang siya ay umiiyak sanhi ng matinding uhaw at gutom. Ang bukal na ito (Zamzam) ay nagbigay ng masaganang inumin na tumutulong sa mga tao libong taon na ang nakararaan. Ang tubig sa bukal na ito, kailanman ay hindi natuyo o nabawasan bagkus ito ay patuloy na nadaragdagan sa kabila ng pagdami ng mga taong umiinom at naghuhugas mula sa bukal na ito. Sa kasalukuyan ay umaabot sa tatlong milyong katao (3,000,000) sa loob ng ilang araw ang nakikinabang sa tubig na ito tuwing sasapit ang panahon ng paglalakbay (Hajj Pilgrims) sa bawa't taon. Ang tubig ay patuloy na dumadaloy ng walang patid, nagpapatunay na ito ay isang biyaya mula sa Allâh para sa angkan ni Abraham at sa buong sangkatauhan. Ang unang Pamayanang Muslim ay nagsimula sa lahi ni Abraham na nanirahang malapit sa Kaaba na nagtaguyod sa kanyang relihiyong Islam. Ang kanilang Propeta ay ang anak niyang si Ismael na nagsalit-salitan ang lahi hanggang sa mga sumunod pang henerasyon pagkaraan ng libo-libong mga taon.

192

Dito nagmula ang tribu ng Quraish at dumating ang panahon na isinilang ang huling Propeta na si Muhammad . Tungkol sa buhay ni Propeta Jacob, ang anak ni Isaac na tinaguriang Isreal na nanirahan sa tila mala-disyertong pook sa Ashaam na ngayon ay tinatawag na Palestine ay nagkaroon ng 12 anak. Ang isa rito ay ang pinakabata nilang kapatid na si Joseph (Propeta Yusuf). Noong sila ay mga bata pa, ang kanyang 11 kapatid ay nagbalak na ilayo siya sa kanilang amang si Jacob. Nagkasundo silang isasama si Joseph upang maglaro at maglibang, subali't bukod pa rito ay may balak silang ihuhulog ito sa isang balon at iiwanan. Pagbalik nila sa kanilang ama (Jacob), isinalaysay nila ang isang napagkasunduang pangyayari na di-umano ay nakain siya (Joseph) ng isang mabangis na hayop. Sa kabutihang palad, may isang pangkat ng manlalakbay buhat sa Yemen at Hejaz patungong Ehipto ang dumaan sa nasabing balon upang kumuha ng tubig. Nakita nila si Joseph at isinama sa kanilang paglalakbay at pagsapit sa Ehipto, siya ay ipinagbili sa isang ministro. Doon siya (Joseph) pinalaki at itinuring na kanilang sariling anak. Si Joseph ay sumibol na isang binatang makisig at ang kanyang kakisigang taglay ay sadyang naiiba. Minsang nag-anyaya ng mga kaibigang babae ang asawa ng ministro sa kanilang palasyo, at lahat sila ay namangha nang kanilang makita si Joseph sa taglay nitong kakisigan. Sila ay nakatulala habag nakatitig kay Joseph habang sila ay naghihiwa ng prutas at hindi nila namalayan na nahiwa na nila ang kanilang mga daliri. Ito ay nakasaad sa Banal na Qur'an: At sila ay nagsabi: Sadyang ang Allâh ay Ganap! Ito (si Joseph) ay hindi tao! Ito ay walang anupaman maliban sa isang marangal na anghel! (Yusuf-12:31) Ang sumunod pang mga kasaysayan ay batid ng mga Muslim, Hudyo at Kristiyano na may kaunting pagkakaiba. Sa paglipas ng panahon, si Joseph ay nahirang bilang punong ministro ng Ehipto at sa bandang huli, sama-sama sila ng kanyang magulang

192

at mga kapatid na nanirahan doon. Sila ay namalagi roon bilang mga natatanging mamamayan sa loob ng maraming taon. Patuloy silang namumuhay at sumusunod ayon sa relihiyong iniwan ng kanilang ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob na sumasamba lamang sa Nag-iisang Diyos (Allâh). Kami ay sumasamba sa Allâh – ang Nag-iisa. Subali't nang kanilang makaligtaan ang pananampalataya ng kanilang mga ninuno at makalimutan ang mga kautusan mula sa Allâh, pansamantala silang pinabayaan ng Allâh mula sa Kanyang pangangalaga at habag. Ang kinasapitan, sila ay pinagsamantalahan at ginawang mga alipin ng pamunuan ng Paraon at ng mga mamamayan ng Ehipto, itinalaga sila sa pinakamababang antas ng pamumuhay. Ipinapatay nila (ng mga taga Ehipto) ang kanilang mga kalalakihan at pinanatiling buhay ang mga kababaihan upang magsilbing mga alipin. Nagsimula lamagng mabago ang kanilang kalagayan sa buhay nang si Moises ay isilang. Ang Allâh ay nagsabi sa Banal na Qur'an: At alalahanin nang Amin kayong iligtas mula sa angkan ng Paraon na nagpahirap sa inyo ng nakapanghihilakbot na parusa, kanilang pinagpapatay ang inyong mga anak na lalake at hinayaang mabuhay ang inyong kababaihan. At dito ninyo naranasan ang napakalaking pagsubok mula sa inyong Panginoon.
(Al-Baqarah-2:49)

Sa panahon na ang mga Israelitas ay dumaranas ng pang-aapi at pahirap mula sa mga taga Ehipto, si Moises ay isinilang sa isang napakahirap na kalagayan na naitala sa tatlong mga kapahayagan (Torah, Ebanghelyo, at sa Banal Qur'an) na may bahagyang pagkakaiba sanhi ng mga pagbabagong isinagawa ng mga Rabbi (Hudyo) at Obispo (Kristiyano) na matutunghayan sa Luma at Bagong Tipan. Si Moises (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay tumakas mula Ehipto patungong Sinai at doon siya nakapagasawa. Pagbalik niya sa Ehipto, sa bundok ng Attor, tumanggap siya ng kapahayagan mula sa Allâh at hinirang siya ng Allâh bilang Kanyang Sugo. Siya at ang kanyang kapatid na si Aaron ay ipinadala ng Allâh sa Paraon ng Ehipto upang anyayahan na yakapin ang Pananampalatayang Islam, subali't ang diktador ng Paraon ay tumangging tanggapin ito, bagkus ay itinakwil niya

192

ang katotohanan tungkol sa Allâh. Kaya't si Moises at lahat ng mga Israelitas ay lumisan mula sa Ehipto at nagtungo ng Sinai. Sila ay binubuo ng 12 tribu. Bawa't tribu ay pinamumunuan ng isa sa mga angkan ni Jacob na sina Joseph at ng kanyang mga kapatid. Sa Sinai, sa pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, may mga pangyayaring naging dahilan ng paghihirap ng mga Israelitas sanhi ng kanilang paulit-ulit na pagsuway sa kanilang Propetang si Moises (sumakanya nawa ang kapayapaan), hanggang ang kanilang paglalakbay ay umabot sa bayan ng Palestine. Dumating ang iba't ibang Propeta sa kanila, ang ilan sa mga ito ay nabanggit sa Banal na Qur'an, tulad nina David, Solomon, Job, Jacob, Jonah, Zachariya at Juan at iba pang mga hindi nabanggit. Hanggang sa dumating ang kapanganakan ni Hesus na anak ni Birheng Maria – ang Propetang ipinadala ng Allâh sa Angkan ng Israel. Pagkaraan ng kamatayan ni Moises, ang Angkan ng Israel ay nanirahan sa ilang bahagi ng Arab Peninsula na umabot hanggang Hejaz at Yemen. Ang mga kamalian at suliranin ng mga Israelitas ay inilarawan ayon sa mga sumusunod:

1. Ang kanilang puspusang pagsuway kay Moises na naging sanhi ng poot ng Allâh na ipinahayag sa Banal na Qur'an: At alalahanin nang Aming itakda para kay Moises ang apatnapung (40) gabi, sa kanyang pagkawala kayo ay kumuha ng biserong baka upang sambahin. Kayo ay naging Zalimun (mga sumasamba sa diyus-diyosan at gumagawa ng kasamaan). (Al-Baqarah-2:51) At alalahanin nang inyong sabihin: 'O Moises! Kailanman ay hindi kami maniniwala sa iyo hangga't hindi namin nakikita ang Allâh ng hayagan.' Subali't kayo ay tinamaan ng kulog at kidlat habang kayo ay nakatanaw. (Al-Baqarah-2:55) At katotohanan, batid ninyo ang mga lumabag sa inyo tungkol sa Sabbath (Sabado). Kami ay nagsabi sa kanila: "Kayo ay maging unggoy, kinasuklaman at itinakwil! (Al-Baqarah-2:65)

192

Silang mga nagmula sa Angkan ng Israel na hindi sumasampalataya ay isinumpa ng Allâh sa pamamagitan ng dila ni David, at ni Hesus, na anak ni Maria. Iyan ay sa dahilang sila ay sumuway sa Allâh at sa Kanyang mga Sugo at patuloy na lumabag nang higit pa sa hangganan. Sila ay nahirati na hindi nagbabawal sa isa't isa ng Al Munkar (kamalian, kasamaan, kasalanan, pagsamba sa mga diyus-diyosan, kawalan nang pananalig atbp) na kanilang ginawa. Tunay na kalapastanganan ang kanilang ginawa. (AlMaidah-5:78-79)

2. Ang kanilang paglapastangan sa Torah ang naging sanhi upang sila ay maging mapaghangad at maging sakim sa mundong ibabaw, ito ay binanggit ng Allâh sa Banal na Qur'an: Umaasa ba kayo (mga mananampalataya) na sila ay maniniwala sa inyong pananampalataya sa kabila ng katotohanang may pangkat sa kanila na dating nakaririnig ng Salita ng Allâh (Torah) at pagkatapos sadya nilang pinalitan ito pagkaraang ito ay kanilang maunawaan?
(Al-Baqarah-2:75)

Kaya't kasawian sa kanila na sumusulat ng Aklat sa kanilang sariling kamay at pagkatapos ay nagsasabi: "Ito ay nagmula sa Allâh" upang ipagbili sa murang halaga! Kasawian sa kanila sa anumang isinulat ng kanilang sariling kamay at kasawian sa kanila sa anumang bungang kanilang nakamtan mula rito. (AlBaqarah-2:79)

3. Ang pagpatay nila sa kanilang propeta na inilahad ng Allâh sa Banal na Qur'an: At alalahanin nang inyong sabihin: "O Moises! Hindi namin matiis ang isang uri ng pagkain, kaya't idalangin mo sa iyong Panginoon na ilabas sa amin ang anumang tumutubo mula sa lupa, ang mga damo nito, mga okra, bawang, lentilyas at sibuyas nito," Siya (si Moises) ay nagsabi: "Ipagpapalit ba ninyo ang higit na mabuti sa mababang uri? Humayo kayo sa anumang bayan at matatagpuan ninyo ang inyong hinahanap!" Sila ay nabalot ng kahihiyan at 192

kahirapan at inilapit sa kanilang mga sarili ang sumpa ng Allâh. Iyan ay sanhi ng kawalan nila ng paniniwala sa Ayat (mga tanda, patunay, katibayan, aral, at pahayag) ng Allâh at pinagpapatay nila ang mga Sugo ng Allâh na walang katarungan. Iyan ay dahil sa kanilang pagsuway at patuloy na paglabag sa mga hangganan. (Al-Baqarah-2:61) At katotohanan, Aming ibinigay kay Moises ang Aklat at sinundan Namin siya ng sunodsunod na mga Sugo. At ibinigay Namin kay Hesus, anak ni Maria ang malinaw na Tanda, at inalalayan Namin siya sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (ang Anghel Gabriel). Hindi nga ba kapag may dumating na Sugo sa inyo na hindi ninyo kinalulugdan, kayo ay nagmamalaki? Ang iba ay inyong itinatakwil at ang iba ay inyong pinapatay! Sila ay nagsasabi: "Ang aming mga puso ay nabalot (na hindi nakaririnig at nakauunawa sa Salita ng Allâh)." Walang pagsala! Isinumpa sila ng Allâh dahil sa kawalan nila ng pananampalataya. Sadyang kaunti lamang ang kanilang paniniwala. (Al-Baqarah-2:87-88)

4. Ang kanilang pag-angkin na sila ay natatangi at hinirang ng Allâh at sila ay mga anak ng Allâh at Kanyang pinakamamahal na nilikha sa lahat ng tao. Ayon pa sa kanilang paniniwala, nilikha ng Allâh ang Paraiso para sa kanilang kapakanan at sa kapakanan ng mga Kristiyano na susunod sa kanila. Kahit na sila ay naitadhana ng masadlak sa Impiyerno dahil sa kanilang pagiging suwail sa Allâh. Sa kanilang paningin, ang mga hindi Hudyo at Kristiyano ay maituturing na mababang uri ng alipin o tagapaglingkod lamang. Gayundin, ayon sa kanilang paniwala, bilang mga Hudyo, sila ay pinahihintulutan diumanong pumatay at mangamkam ng salapi ng hindi Hudyo at Kristiyano sa pamamagitan ng pagnanakaw at pandaraya. Inilarawan ng Allâh ang kanilang mga pagnanasa at pinawalang-bisa ito ayon sa Kanyang sinabi sa Banal na Qur'an: At kapwa sila nagsabi (ang mga Hudyo at Kristiyano): "Kami ang mga anak ng Allâh at Kanyang minamahal." Sabihin: "Kung gayon, bakit kayo ay Kanyang pinarurusahan sa 192

inyong mga kasalanan?" Datapuwa't kayo ay mga tao lamang na kabilang sa Kanyang mga nilikha, pinatatawad Niya ang Kanyang maibigan at pinarurusahan Niya ang Kanyang naisin. At sa Allâh ang pagmamay-ari ng kapamahalaan sa kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito at sa Kanya ang lahat ay magbabalik. (Al-Maidah-5:18) Sabihin (sa kanila): "Kung bukod-tanging para sa inyo lamang nakalaan ang tahanan na pangako ng Allâh sa kabilang buhay (katulad ng inyong pag-aangkin) at hindi sa kaninuman sa sangkatauhan, samakatuwid maghangad ng kamatayan kung kayo ay nagsasabi ng tapat. Subali't sila ay hindi maghahangad ng kamatayan dahil sa mga ginawa ng kanilang mga kamay na ipinadala ng nauna para sa kanila (kasamaang ginawa ng kanilang mga kamay). At batid ng Allâh ang mga Zalimun (sumasamba sa diyus-diyosan at gumagawa ng kasamaan). (Al-Baqarah-2:94-95) Ito ang naging bunga sa labis na kasamaang ginawa ng Angkan ng Israel na umani ng poot at sumpa mula sa Allâh na mananatili hanggang sa Araw ng Pagbabangong Muli kahit na sila ay mula sa Angkan ng mga Propeta ng Allâh na nagmula sa lahi ni Abraham (sumakanya nawa ang kapayapaan). Yaon lamang mga nagsisi mula sa kanilang mga kasalanan at nananatili sa kanilang pananampalataya at gumagawa ng mabuti ang tunay na magkakamit ng Kapatawaran ng Allâh – ang Mapagpatawad, ang Mapagpala. Ito ay malinaw na nasusulat sa Banal na Qur'an: Katotohanan, silang ikinukubli ang malinaw na patunay, katibayan at patnubay na Aming ibinaba pagkaraang Aming bigyang-linaw ito sa mga Angkan ng Kasulatan, sila yaong isinumpa ng Allâh at sila yaong isinumpa ng mga manunumpa. Maliban yaong nagsisi at gumawa ng mabubuting gawain at hayagang ipinahayag ang katotohanan na kanilang itinago. Sa kanila, Aking tatanggapin ang kanilang pagsisisi. At Ako ang tumatanggap ng Pagsisisi, ang Maawain. Katotohanan, yaong di-nananampalataya at namatay habang sila ay nasa kawalan ng pananampalataya, nasa kanila ang Sumpa ng Allâh at pinagsamang sumpa ng

192

mga anghel at ng sangkatauhan. Sila ay mananatili sa ilalim ng sumpa sa Impiyerno, ang kanilang parusa ay hindi magiging magaan at sila ay hindi matitighaw. At ang inyong Diyos ay ang Nag-Iisang Diyos, La ilaha illah huwa (walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya), ang Mahabagin, ang Maawain. (Al-Baqarah-2:159-163) Ang pangunahing dahilan sa kabila ng hindi pagiging makatarungan ng Angkan ng Israel ay ang hindi nila pagtanggap sa mensahe ni Muhammad , ang Propetang isinugo sa buong sanlibutan (ng Jinns at tao), gayundin ang hindi nila pagtanggap sa Banal na Qur'an sa kabila ng katotohanan na sila at ang kanilang mga sarili ay naging saksi sa mga patunay na nagmula sa mga kapahayagan ng Allâh – ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha (Muslim, Hudyo, Kristiyano at maging ang mga nilikhang lingid sa ating kaalaman). Ang karagdagang dahilan ay ang pagtatambal nila sa pagsamba sa Allâh na binanggit ng Allâh sa Banal na Qur'an: At ang mga Hudyo ay nagsabi: Si Uzair (Ezra) ay anak ng Allâh at ang mga Kristiyano ay nagsasabi: Ang Mesiyas (si Hesus) ay anak ng Allâh. Ito ang sinasabi ng kanilang mga bibig. Sila ay nagsisigaya sa mga sinasabi ng mga hindi nananampalataya noong panahong sinauna. Ang sumpa ng Allâh ay mapapasakanila, paano silang naligaw nang malayo sa Katotohanan! (At-Taubah-9:30) Ang mga Kristiyano ay nagsasabi na ang Allâh ay kabahagi (o kasalo) sa konsepto ng tatlong persona sa iisang diyos at Siya (ang Allâh) di-umano ay nagkaanak, at ang ama at ang anak ay kabahagi sa kabanalan ni Anghel Gabriel at ng Banal na Espiritu. Lahat ng maling haka-hakang ito ay sadyang malayo sa katuwirang kanilang isinagawa pagkaraang si Hesus, ang anak ni Birheng Maria (sumakanila nawa ang kapayapaan) ay itaas sa kalangitan. Katiyakan, lahat ng Hudyo at Kristiyano ay hindi magsisitigil sa maling paniniwalang ito hangga't hindi nila tinatanggap na ang Allâh ay Nag-iisa at walang katambal, at si Muhammad ay Kanyang Huling Sugo, gayundin na ang Banal na Qur'an ay Aklat para sa lahat ng nilikha sa sanlibutan. Sino si Muhammad ? Ano ang Banal na Qur'an? Ang Pinagpalang Aklat na ipinahayag ng Makapangyarihang Allâh?

192

Si Muhammad ay isinilang sa Makkah mula sa pinagpipitagang angkan ng mga Quraish na nagmula sa lipi ni Ismael na anak ni Abraham (sumakanila nawa ang kapayapaan). Si Muhammad ay isinilang noong "Taon ng mga Elepante" (570 A.D.). Ito ay isa sa pinakamakatotohanang kaganapan sa larangan ng kasaysayan na naitala hanggang sa kasalukuyan. Ito ay pinatunayan ayon sa mga bakas na nakita sa dinaanan ng mga Kasamahan ng Elepante magpahangga ngayon na kinikilala ng lahat ng tribu ng mga Arabo na nagmula sa Yemen, dumaan sa Bundok ng Tihama at umabot sa Taif hanggang marating ang pinakamataas na bahagi ng Makkah. Ang kasaysayang ito ay naitala sa lahat ng pang-akademyang kasaysayan maging sa encyclopedia sa loob ng maraming siglo hanggang sa kasalukuyan. Kaya't walang dahilan upang ang mga di-Muslim ay makipagtalo o hindi tanggapin ito. Para sa aming mga Muslim, aming napag-alaman at kami ay may sapat na katibayan sapagka't bilang aming pagpapatunay, ito ay nasusulat sa Banal na Qur'an, ang nag-iisang aklat na nananatili sa orihinal na kapahayagan magpahanggang sa kasalukuyan. Ang aming batayan sa pagbibigay-linaw sa kaganapang ito ay ang banal na pook na kung saan ay nakatayo ang Kaaba (direksiyon sa pagdarasal ng mga Muslim) na hanggang sa kasalukuyan ay matatagpuan sa Makkah. Ang pook na ito ay pinili ng Allâh upang maging direksiyon sa pagsasagawa ng anumang pagdarasal (Salaah) ng mga Muslim. Bawa't taon ay dito nagtutungo ang bawa't Muslim saan mang panig ng mundo nagmula upang magsagawa ng paglalakbay (Hajj-Umrah) na kahalintulad ng ginawang paglalakbay nina Propeta Abraham at Propeta Ismael na nagpapatunay sa mensahe at katotohanan ng pagiging tunay na Propeta ni Muhammad . Tunghayan natin ang maikling salaysay sa kaganapang ito na tinawag na "Taon ng mga Elepante" na nagpakita ng mga Tanda ng Kapangyarihan ng Allâh. Mga Elepante ni Abraha: Sa kalagitnaan ng ika-60 siglo pagkaraan ng panahon ni Propeta Hesus, ang hari ng Abyssinia (ngayon ay Ethiopia) ay nagpadala ng maraming sundalo upang tulungan at suportahan ang mga Kristiyano sa Yemen na nagnanais mamuno sa bansang iyon. Pinili niya ang kanyang ministro at tagapayong si Aryat upang mamuno sa misyon at hinirang niya si Abraha Al-Ashram bilang pinuno ng mga sundalong kanyang ipadadala sa Yemen.

192

Pagkaraan ng matagumpay na pag-atakeng iyon at matapos mapatatag ang sitwasyon para sa panig ng mga Abyssinian sa bansang Yemen, sinundan ito ng isang coup d' atat na pinamunuan ni Abraha laban sa prinsipe ng Abyssinia na si Aryat at si Abraha ang nagpalakad at namuno sa bansang Yemen. Sa panahon ding iyon ang nakararami sa mamamayan ng Yemen ay yumayakap sa pananampalatayang Kristiyanismo, kabilang rito ay mga Hudyo at ang iba ay ang mga sumasamba sa mga bato, rebolto at mga puno. Sa kanyang pamumuno, sinimulang palawakin ni Abraha ang larangan ng kalakalan sa Yemen at binalak baguhin ang destinasyon ng mga kalakal na nagmumula sa India na tumutuloy sa Arab Peninsula, gayundin ang mga kalakal na nagmumula sa Ashaam patungong dalampasigan ng Aden at Oman. Pinalawig din niya (Abraha) ang pagpapalaganap ng pananampalatayang Kristiyanismo sa mga Bedouin (mga Arabong naninirahan sa disyerto). Subali't hindi naging madali para sa kanya ang pagsasakatuparan nito sapagka't lahat ng mga negosyanteng nagmumula sa India at Ashaam ay patuloy na dumadaan at humihinto sa Makkah kung saan naroon ang Kaaba na pinaniniwalaang banal na lugar. Tinawag nila itong Sagradong Lugar at umaasa sa mga biyaya bilang tugon sa panalangin ni Abraham noong dalhin niya ang kanyang asawang si Hagar at anak na si Ismael sa lugar na ito. Ganito ang panalangin ni Abraham sa Dakilang Allâh: O Aming Panginoon! Hinayaan ko ang ilan sa aking mga anak na manirahan sa lambak na walang pananim, sa Iyong Sagradong Tahanan [Kaaba (tahanan ng pagsamba sa Allâh)] sa pamamagitan ng Iyong Utos upang sa gayon, O Aming Panginoon, sila ay magsipag-alay ng pagdarasal ng mahinusay (Obligadong Dasal). Kaya't Inyong gawaran ang puso ng ibang tao na may pagmamahal tungo sa kanila, at (O Allâh) Inyong pagkalooban sila ng mga bungang kahoy upang sila ay magbigay ng pasasalamat.
(Ibrahim-14:37)

Nang panahong iyon, ang tribung Quraish ang nangungunang angkan sa Makkah na siyang nakikinabang sa mga kinikita mula sa mga manlalakbay na dumadaan upang manalangin sa tinaguriang Sagradong Dalanginan ayon sa Banal na Qur'an: Isang dakilang Biyaya at Pangangalaga mula sa Allâh para sa pagiging bihasa ng mga Angkan ng Quraish. At Aming hinayaan ang mga sasakyan (ng mga Quraish) na maglakbay ng ligtas sa tag-lamig

192

patungong timog at sa tag-init patungong hilaga nang walang anumang pangamba. Kaya't hayaan silang sumamba sa Allâh – ang Panginoon ng Tahanang (Kaaba) ito. Siya (ang Allâh) na nagkaloob sa kanila ng pagkain laban sa pagkagutom at nagbigay katiwasayan laban sa pagkatakot. (Quraish-106:1-4) Si Abraha at ang kanyang pamunuan ay nagbuo ng planong magtayo ng malaking simbahan na maaaring pag-usapan ng mga Taga-kanluran na aabot hanggang sa mga Taga-silangan. Upang sa ganitong katayuan ay mahikayat nila ang mga mangangalakal na magtungo sa kanilang lugar upang doon isagawa ang kanilang mga panawagan o panalangin. Kaya't ang pagpapatayo nito ay kaagad isinagawa, tinawag nila itong Al-Quelleas. Kumuha siya (Abraha) ng libo-libong manggagawa (mga taga Yemen) upang simulan ang pambihirang simbahang nabanggit sa panahong iyon na may kakaibang anyo. Matapos ang matagumpay na kunstruksyon, sinimulan niyang magpadala ng mga sugo sa iba't ibang lugar upang magpahayag ng Kristiyanismo kabilang na rito ang Arab Peninsula hanggang sa mga karatig pook tulad ng Iraq, Ashaam, Najd, Hijaz at Tihama at nag-anyaya sa mga mamamayan na dumalaw sa Al-Quelleas upang makatanggap diumano ng pagpapala. Subali't wala itong naging pagtugon mula sa mga Arabo at Bedouins na patuloy na dumaraan at nananatili sa Makkah habang sila ay naglalakbay at kung sila ay magbabalik patungo sa kanilang pinagmulang bayan. Sa ganitong kalagayan, si Abraha ay nagalit at tinipon niya ang kanyang mga tagapayo at sundalo at napagkasunduang bumuo ng malaking hukbo upang pigilan ang iba't ibang tribu tulad ng mga Arabo, mga taga Tihama at Hijaz sa pagdaan sa Makkah. Gayundin, siya ay nagbalak puntahan ang Makkah upang wasakin ang Kaaba at hakutin ang mga bato pabalik sa Yemen upang ang angkan ng Quraish ay hindi na makapagtayong muli ng Kaaba. Tiniyak pa ng kanyang mga tagapayo ang hindi pagkakaisa ng malalaking angkan na naninirahan sa rehiyon na iyon upang maging madali para sa kanila ang pagwasak ng Kaaba. Sinimulan ni Abraha ang paghahanda ng kanyang sundalo na nagtataglay ng iba't ibang mga kagamitang pandigma na karaniwang ginagamit sa panahong iyon. Ang kanyang pangkat ay pinangungunahan ng mga malahiganteng elepante upang takutin ang sinumang kanilang maaaring makasalubong sa kanilang paglalakbay. Kasama sa plano sa kanilang paglalakbay

192

na ang sinumang maging banta sa kanilang pag-atake ay makararanas ng kasawain. Nang marating nila ang mga naunang tribu at magapi ang mga ito ay sinimulan nilang kamkamin ang mga ari-arian at kanilang pinagpapatay ang mga kalalakihan samantalang ang mga kababaihan at mga kabataan ay kanilang ginawang bihag. Inutusan niya ang kanyang mga sundalo na kamkamin ang lahat ng mapakikinabangan tulad ng mga hayop, pananim at mga sakahan. Ang marahas na mga kaganapang iyon sa mga naunang tribung dinaanan ng pangkat ni Abraha ay nakarating sa mga pinuno (Sheikhs) ng mga sumunod pang mga angkan. Dahil sa takot na maaaring mangyari sa kanila ang sinapit ng mga naunang tribu, pinaghandaan nila at itinalaga ang kanilang mga sarili na maging masunurin na lamang sa maaaring ipag-utos sa kanila ng pangkat ni Abraha. Dagdag pang handa silang igabay ang grupong ito sa mas malapit na daanan patungong Makkah. Nang sapitin ng grupo ni Abraha ang kapatagan sa bandang silangang bahagi ng mataas na lugar ng Makkah, nagpahinga sila at inatasan niya ang kanyang pangunahing tauhan na maglibot at pag-aralan ang lugar. Sa pagbabalik ng mga sundalong kanyang inutusan, sila ay may dalang mga kamelyo, tupa at mga baka na kanilang nakulimbat. Kabilang sa mga hayop na ito ay ang 200 kamelyo na pag-aari ni Abdul-Mottalib bin Hashim, ang lolo ni Propeta Muhammad na siyang namumuno sa tribung Quraish. Matapos mapag-alaman ni Abdul-Mottalib ang insidenteng iyon, nagpadala siya ng kanyang kinatawan upang hingin ang pahintulot ni Abraha na makipag-usap sa kanya. Inakala ni Abraha na kaya nais makipag-usap sa kanya ni Abdul-Mottalib ay upang makipagkasundo ayon sa hangarin niyang wasakin ang Kaaba. Subali't nang silang dalawa ay magkita, napag-alaman niya (Abraha) na si Abdul-Mottalib ang pinuno ng tribung Quraish na naninirahan sa Makkah. Sinabi niya: "Ako (Abraha) ay nagpunta rito hindi upang makipag-away. Nagpunta ako rito upang wasakin ang tahanan na inyong ginawang banal at niluluwalhati. Kung kayo ay magiging sagabal sa aking layunin, makikipaglaban ako sa inyo at tinitiyak kong hindi kayo makakakita ng anumang paraan upang ipagtanggol ang inyong mga sarili laban sa akin." Subali't ang naging kasagutan ni Abdul-Mottalib ay ganito: "O Hari ng Yemen, ninais kong makipagkita sa inyo upang ibalik ninyo sa akin ang aking mga kamelyo." Magkahalong pagtataka at pagtatanong ang naisagot ni Abraha. "Hindi ba't ikaw ang pinuno ng mga taong ito? Ipinaaalam ko sa iyong nagpunta ako rito upang sirain ang

192

Kaaba na tinawag ninyong Tahanan ng Allâh at lugar ng Kanyang mga pagpapala. Hindi ka ba mamamagitan dito? Tanging ang iyong mga kamelyo lamang ba ang nais mo?" Yaon ang magkakasunod na katanungan na namutawi sa mga labi ni Abraha na may halong pagkagulat. Ipinaabot ni Abdul-Mottalib ang kanyang kasagutan ng ganito: "Ako ang nagmamay-ari ng mga kamelyong iyan. Ang tungkol sa Kaaba, tanging ang Allâh lamang ang makapipigil nito." Ganito naman ang ibang pagkakapahayag: "Ako ang nagmamayari ng mga kamelyong iyan at ang tungkol sa Kaaba, tanging ang Allâh lamang ang makapangangalaga nito." Sa pagpapatuloy ng mga di-inaasahang mga payahag ni Abdul-Mottalib, inutusan na lamang ni Abraha ang kanyang mga tauhan na ibalik ang mga kamelyo sa may-ari nito, dagdag pang ipatutupad niya ang kanyang planong pagwasak sa Kaaba kahit na sinuman ang maghangad na pumigil sa kanya. Makalipas ang ilang araw, ang mga sundalo ni Abraha ay handa na upang isagawa ang pagsalakay. Ipinag-utos niyang simulan ang pagpasok sa Makkah. Inilagay niya sa unahan ng kanyang hukbo ang mga elepante at nagbigay ng babala upang lumusob, subali't ang nasabing mga elepante ay nagsiluhod at ayaw kumilos. Kahit anong gawin ng mga sundalo upang palakarin ang mga naturang elepante ay ayaw humakbang patungo sa direksiyon ng Makkah. Subali't kapag ihaharap ang mga ito sa direksiyon ng Yemen, mabilis silang nagsisitakbo, gayundin kung ihaharap sila patungong hilaga at silangan. Subali't kung muling ihaharap ang mga ito sa direksiyon ng Makkah sila ay hindi lumalakad bagkus ay nagsisiluhod. Dahil sa hindi pagkilos ng mga elepante, minabuti ni Abraha na iwan ang mga ito at magpatuloy sa kanilang pagsalakay. Subali't bago pa sila nakakilos muli, napansin nila ang madilim na lambong sa kalangitan na nagmumula sa karagatan sa kanlurang bahagi ng Makkah. Inakala nilang ang kaganapang iyon ay tanda ng malakas na ulan na biyaya mula sa kanilang diyos. Laking gulat na lamang nila nang malamang ang mga ito ay maliliit na bato at ang kadilimang iyon ay likha ng milyong grupo ng mga ibon. Bawa't isa ay may dalang tig-tatlong maliliit na bato sa kanilang tuka at mga kuko na kasinglalaki ng buto ng beans. Tinawag silang ibong Abbabiil sa Banal na Qur'an na nagmistulang makapal na ulap na siyang nagpadilim sa kalangitan. Kanilang inihulog ang mga bitbit na bato sa mga sundalong kasama ni Abraha. Nang sila ay tamaan ng maliliit na batong iyon, ang kanilang balat at laman ay nangatanggal at nangalaglag sa lupa

192

na kitang-kita ng kanilang mga mata katulad ng mga dahong sinalanta at nilamon ng mga hayop at pagkaraa'y ibinuga ang mga nalabi. Ang naging bunga ng mga batong iyon sa kanilang balat sa katawan ay kawangis ng mapaminsalang atomic bomb na inilaglag ng mga Amerikano sa Hiroshima, Japan noong nakaraang ikalawang digmaang pandaigdig. Ang pagluwa (emisyon) at init na sanhi ng nukliyar na ito ang naging sanhi nang pagkasunog ng kanilang balat na naging sanhi ng kanilang kamatayan. Sa magkatulad na mga pangyayari, si Abraha at ang kanyang mga sundalo ay nalipol. Ang ilan sa kanila ay nagsikap na tumakas pabalik ng Yemen, subali't inabutan din sila ng kamatayan sa kanilang paglalakbay. Ang nakapangingilabot na kaganapang ito ay binanggit ng Allâh at naitala sa Banal na Qur'an: Hindi mo ba napagmasdan (O Muhammad ) kung paanong pinakitunguhan ng iyong Panginoon (Allâh) ang hukbong may kasamang Elepante. Hindi baga ginawa Niyang bigo ang kanilang tangka na wasakin ang Kaaba. At Siya ay nagpadala ng mga kawan ng ibon laban sa kanila. Na nagpukol sa kanila ng mga batong yari sa hinurnong putik. At ginawa silang tila sinalantang mga dayami. (Al-Fil-105:1-5) Ang kapanganakan ni Propeta Muhammad Pagkalipas ng ilang buwan matapos ang pangyayaring iyon, si Propeta Muhammad ay isinilang sa banal na lungsod ng Makkah. Ang kanyang ama ay namatay dalawang buwan bago siya isilang. Siya ay naging ulilang lubos, pagkaraang ang kanyang ina ay mamatay sa gulang niyang anim na taon. Siya ay inalagaan ng kanyang lolong si Abdul-Mottalib, ang pinuno at lider ng tribung Quraish, ang bantog na angkan sa Makkah sa panahong iyon. Sa gulang niyang walo ay pumanaw na rin ang kanyang lolo at si Muhammad ay naiwan sa pangangalaga ng kanyang tiyuhin na si Abu-Talib. Si Propeta Muhammad ay naging pastol ng tupa noong kanyang kabataan. At sa edad niyang dalawamput-lima ay nakapag asawa siya ng isang negosyanteng balo na si Khadija na tinaguriang isa sa Ina ng Mananampalataya (kalugdan nawa siya ng Allâh) at sa gulang na

192

apatnapu, si Propeta Muhammad Sugo ng Allâh.

ay hinirang bilang huling

Siya ay hindi nakapag-aral, ni hindi marunong bumasa at sumulat. Kahit minsan hindi siya nakinig sa anumang tula at sa mga nagtuturo nito. At kailanma'y hindi nabalitaang naging kaugnay ng mga ito. Subali't siya ay kilala sa pagiging magalang, mahiyain at may mabuting pag-uugali. Tinawag din siyang makatotohanan at mapagkakatiwalaang tao ng mga nakakakilala sa kanya sapagka't kahit minsan ay hindi siya nagsinungaling. Kung minsan ipinagkakatiwala sa kanya ng kanyang mga kapitbahay ang kanilang mga ari-arian kung sila ay maglalakbay at naibabalik niya ito ng walang bawas. Hindi siya nakikisalamuha sa mga taong nagtataglay ng masamang ugali at hindi siya nagtitigil sa mga lansangan noong kanyang kabataan. Ito ang ilan sa kanyang mga katangian bago pa man siya hirangin ng Allâh bilang panghuling propeta. Unang tumanggap si Propeta Muhammad ng kapahayagan mula kay Anghel Gabriel sa gulang na apatnapu habang siya ay nasa isang yungib (Bundok ng Liwanag). Iniutos sa kanya ni Anghel Gabriel na bigkasin ang unang talata sa Banal na Qur'an: Ipahayag! Sa Ngalan ng iyong Panginoon na lumikha sa tao mula sa namumuong bagay. (Al-Alaq-96:1-2) Si Muhammad ay inatasan upang ipahayag sa mga tao ang panawagan ng Allâh bilang isang Sugo. Ipinadala si Propeta Muhammad upang maging daan sa landas ng Allâh at upang ipahayag ang mga katangian ng ating Panginoon sa lahat ng Kanyang mga nilikha sa buong sanlibutan. Ipinagpatuloy niya ang pagpapalaganap ng Islam sa kanyang mga kasamahan sa Makkah sa kabila ng mga pahirap mula sa mga ito. Pinaghinalaan siya ng mga taga Makkah na naghahangad lamang na mamuno di-umano sa kanilang lungsod. Kaya't minsan, si Utbah bin Rabeea na tinaguriang Abu Al-Waleed ay kusang loob na lumapit sa kanya upang makipag-usap. At kanyang sinabi: "O anak ng aking kapatid, kung nais mo lamang ng salapi kaya mo ito ginagawa, lilikum kami ng maraming salapi hanggang ikaw ay maging isang mayamang tulad namin. Kung nais mong maging pinuno ay gagawaran ka namin ng karapatang sumangguni muna sa iyo sa anumang pagpapasiya na aming ipatutupad. At kung hangad mong maging hari sa bansang ito ay aming ipagkakaloob ito sa iyo." Subali't sinagot lamang siya ng Sugo ng Allâh ng mga talata buhat sa Banal na Qur'an na sadyang ikinagulat ni Abu Al-Waleed. Wala siyang nagawa

192

kundi ang bumalik na lamang sa kanyang mga kasamahan. Pagkaraan ay kanyang pinuntahan ang amain ni Muhammad na si Abu Talib upang makipag-usap tungkol sa lumalaganap na pananampalatayang isinusulong ni Propeta Muhammad . Alam mo ba ang ginawa (sabi ni Abu Al-Waleed kay Abu-Talib) ng iyong pamangkin (Muhammad )? Minaliit niya ang mga diyos ng ating mga ninuno. Ipinababatid namin ito sa iyo upang bigyan ng babala ang iyong pamangkin na itigil niya ang kanyang mga ginagawa kundi ay ipapapatay namin siya. Subali't nang kausapin siya (Muhammad ) ng kanyang tiyuhing si Abu-Talib ay ganito ang kanyang naging kasagutan: "O aking amain, ako'y sumusumpa sa Allâh. Kahit kunin nila ang araw at ilagay sa aking kanang kamay at ang buwan sa aking kaliwa upang iwanan ko ito, hindi ko ito gagawin hanggang hindi itaas ng Allâh ang mga tao, o di kaya ay ikamatay ko ito." Ang sitwasyong tulad nito na naitala ng mga manunulat ng kasaysayan ay nagpapatunay lamang sa pagiging matapat ni Propeta Muhammad sa utos ng Allâh sa kanya. Ayon pa kay Anghel Gabriel, sinabi ng Allâh sa kanya na maaari siyang gawing hari ng lahat ng mga Propeta (sumakanila nawa ang kapayapaan) tulad nila Solomon at David kung kanyang nanaisin. Subali't tinanggihan niya ito bagkus ay kanyang sinabing mas hahangarin niya na maging lingkod at alipin ng Allâh. Dagdag pa ni Anghel Gabriel na maaaring gawin ng Allâh ang buhangin na nasasakupan ng Makkah na maging ginto, subali't ito ay kanyang tinanggihan at nagsabing: "Hindi, aking Panginoon. Mas nanaisin kong magutom ng isang araw at mabusog sa susunod na araw. At sa araw na ako'y nagugutom, ako ay mananalangin at magpupuri sa Iyo at magpapasalamat ako kapag ako ay busog na." Ang Mensahe ni Muhammad Ang mensahe ni Propeta Muhammad para sa sangkatauhan ay ipaabot ang Mensahe ng kanyang Panginoon – ang Allâh upang hanguin ang mga tao mula sa kadiliman sanhi ng kanilang maling pagsamba sa mga diyus-diyosan at akayin sa liwanag na nagtuturo sa pagsamba sa Nag-iisang Panginoon, ang Allâh – ang Tunay at ang Nag-Iisa, ang walang Katambal o kasama sa pagiging isang diyos, upang mailigtas ang sinumang nagnanais maligtas laban sa naglalagablab na Apoy ng Impiyerno.

192

Ang pagiging Propeta ni Muhammad at bilang panghuli sa lahat ng Sugo ng Allâh ay nabanggit sa Torah at Ebanghelyo bago ito baguhin ng mga Rabbi ng mga Hudyo at Obispo ng mga Kristiyano daang taon na ang nakalipas. Sa kabila ng mga pagbabagong naganap sa mga naunang kasulatan, nananatili pa rin ang bakas na nagpapatunay sa pagdating ni Propeta Muhammad bilang panghuling Propeta ng Allâh. Ito ang dahilan upang ating pagtuunan ng pansin at alamin ang kalagayan at pagbabago sa orihinal na anyo ng Ebanghelyo ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ayon sa salaysay ng mga iskolar ng Kristiyano, ang orihinal na Ebanghelyo ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nawala pagkatapos (si Hesus) na maitaas ng Makapangyarihang Allâh sa kalangitan. Pagkatapos ay natuklasan ang 70 mga aklat na iba-iba ang sumulat at bawa't isa ay magkakasalungat ang nilalaman. Karagdagan pa rito ang pag-amin ng kanilang mga pantas na ang isa sa mga Ebanghelyong ito ay naisulat pagkaraan ng panahon ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) at ito ay nailimbag sa tulong ng kanyang mga apostoles. Ang nilalaman ng mga aklat na ito ay pawang mga kathang-isip lamang, hindi kapanipaniwala at hindi makatotohanang mga salaysay na mahirap tanggapin dahil sa kawalan ng orihinal na batayan kung saan nagmula. Ang Ebanghelyo ni Hesus na naitala ng kanyang mga apostol ay nasusulat sa salitang Griego. At alam natin na ang wika o salitang ginamit ni Hesus ay Aramaiko kaya't papaanong mangyayari na ang orihinal na Ebanghelyo ay nasa wikang Griego na kailanma'y hindi katulad ng wikang ginamit ni Hesus. Sa kasalukuyan ay hindi na matatagpuan ang orihinal na aklat na ito saan mang panig ng mundo. Ang mga iskolar na Kristiyano at mga pangunahing Obispo at lider ng simbahan ay nagsagawa ng kauna-unahang pagtitipon sa lungsod ng Neyqia (325 A.D.) na tinawag nilang (Neyqia First Ecumenical Synod). Sa kanilang pagtitipon, kanilang pinag-usapan ang tungkol sa apat na Ebanghelyo na isinulat nina Mateo, Lukas, Juan at Markus. Ang mga pangalang nabanggit ang tumatayo bilang may-akda ng naturang mga aklat na kakikitaan ng pagsasalungatan sa mga pangunahing usapin na kanilang inilarawan. Ang pagtitipong iyon ay nasundan pa ng iba't ibang pagpupulong tulad ng tanyag na pagtitipon na tinawag na (Constantinople First Synod 381 A.D.), (Ephese 431 A.D.), (Chalcedoine 451 A.D.), at ang (Constantinople Second 869 A.D.). Pag-usapan natin sa bandang huli ang mahahalagang bagay na napagkasundaan ng mga iskolar ng Kristiyano ayon sa pagkakasunod-sunod. Babanggitin din natin dito ang mga pagkakapahayag ng pagiging propeta ni Propeta Muhammad na matutunghayan sa Torah sa kabila ng

192

hindi ganap na kabuuan ng aklat na ito. Subali't bago natin ilahad ang tungkol sa Ebanghelyo ayon kay Barnabas na pinasisinungalingan o itinakwil ng mga iskolar na Kristiyano, tunghayan natin ang patunay sa sinabi ng Allâh mula sa Banal na Qur'an: At alalahanin nang si Hesus, ang anak ni Maria ay nagsabi: "O Angkan ng Israel! Ako ay Sugo ng Allâh para sa inyo, na nagpapatotoo sa Torah (mga batas) na ipinadala sa inyo na nauna pa sa akin, at magbibigay sa inyo ng magandang balita na isang Sugo ang darating pagkaraan ko na ang pangalan ay Ahmad (ang pangalawang pangalan ni Propeta Muhammad (Ahmad) sa literal na kahulugan). Ang isang magpupuri sa Allâh ng higit pa sa iba. Nguni't nang siya (Ahmad) ay dumating sa kanila ng may malinaw na mga katibayan, sila ay nagsipagsabi: "Ito ay isang maliwanag na salamangka!" Sino baga ang higit na gumagawa ng malaking kamalian maliban sa kanya na kumakatha ng kasinungalingan laban sa Allâh, samantalang siya ay inaanyayahan sa Islam? At ang Allâh ay hindi namamatnubay sa Zalimun (mga sumasamba sa diyusdiyosan at gumagawa ng kamalian). Kanilang hinahangad na mawala ang Liwanag ng Allâh (ang Pananampalatayang Islam, ang Banal na Qur'an, at si Propeta Muhammad ), sa pamamagitan ng kanilang mga bibig. Nguni't ang Allâh ang Siyang magdadala ng Kanyang Liwanag tungo sa kaganapan, kahit na ang mga hindi sumasampalataya ay namumuhi rito.
(As-Saff-61:6-8)

Ang Ebanghelyo ayon kay Barnabas ay hindi nangangahulugan na ito ang sinabi ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan), gayundin ang nakasaad sa Torah ng walang pag-aalinlangan. Ang aklat na ito ay naglalaman ng magkakaibang kapahayagan sanhi ng paulit-ulit na pagsasalin mula sa orihinal na aklat. Hindi naiwasang magkaroon ng pagbabago mula sa nag-iisang orihinal na kopya na siyang ipinahayag kay Hesus na tuluyan ng naglaho. Sino si Barnabas? Si Barnabas ay isa sa 12 disipulo ni Hesus na nagpatuloy sa pagpapalaganap ng mga katuruan ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) upang magbigay-babala at paghandaan ang pagdating ng Araw ng Pagbabangong Muli. Nakuha niya ang tiwala ni Hesus upang ipahayag ang tamang katuruan sa iba't

192

ibang lungsod at pamayanan batay sa kanyang mga turo tungkol sa Monotismo tulad ng pananampalataya nina Abraham, Ismael, Isaac (at ang labindalawang anak ni Jacob) Moises, Hesus at Muhammad . Ang Ebanghelyo ayon kay Barnabas na nagtala ng kasaysayan ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay hindi katulad ng apat na Ebanghelyo nina Mateo, Markus, Lukas at Juan. Ang Ebanghelyo ayon kay Barnabas ay kinilala bilang isa sa pinakamalapit ayon sa pagkakapahayag ng mga pangyayari at kaganapan na hindi matutunghayan sa ibang Ebanghelyo. Ang ilan sa mga ito ay pinatunayan ng Banal na Qur'an kung saan malinaw na nakasaad dito kung ano ang mga bagay na pinahihintulutan at kung alin ang mga bagay na ipinagbabawal Maging ang tunay na katayuan ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) bilang isang Sugo at Alipin ng Allâh. Nakatala rin sa aklat na ito ang pagkakahirang kay Propeta Muhammad bilang Huling Sugo ng Allâh para sa buong sanlibutan at si Hesus ay Sugo ng Allâh, ni hindi siya isang diyos o kaya'y anak ng diyos. Makaraang kanilang mapag-alaman na ang aklat na ito ay makasisira sa mga isinulat nina Mateo, Markus, Lukas at Juan; at sa katotohanan na si Hesus ay isang tao lamang at walang kabahagi sa pagkapanginoon, hindi nila ito tinanggap at kanilang itinago pansamantala. Hanggang sa dumating si Gelasius (Papa ng Roma 492 A.D.) at pamunuan ang liderato ng Kristiyanismo at kanyang ipag-utos na kumpiskahin ang lahat ng sipi nito upang sunugin. Subali't siya ay nagtago ng kanyang personal na kopya sa Vatican. Ipinag-utos din ng Papa na alisin ang pangalan ni Barnabas sa mga talaan ng apostoles na sumulat ng isang aklat na makasisira sa kasaysayan ng Kristiyanismo. Nguni't sa mismong aklat na sinulat ni Mateo ay mababasa pa rin na kabilang sa 12 disipulo ni Kristo ang pangalang Barnabas tulad nina Tomas at Peter. Subali't anumang paraan ang kanilang gawin upang bawasan o palitan ang mga pangalan ng mga disipulo ni Hesus ay mananatili itong hayag lalo na ang pangalang Barnabas na hindi maaaring itanggi ng mga manunulat ng kasaysayan. Sa kalagitnaan ng ika-60 siglo sa pamamagitan ng isang liham ni Papa Urbano, napag-alaman ni Fram Rhino (isang monghe) ang tungkol sa Ebanghelyong isinulat ni Barnabas. Nagsaliksik siya (Fram Rhino) tungkol sa nasabing aklat at nagkaroon siya ng pagkakataong matagpuan ito matapos na siya ay mapalapit kay Pope Sixte-V (1585 A.D).

192

Ang sipi ng aklat na isinulat ni Barnabas na itinago ni Pope Gelasius sa silid-aklatan ng Vatican na pinaglumaan na ng panahon ay matatagpuan pa rin doon. Dahil sa pagiging malapit na magkaibigan nina Fram Rhino at Sixte, pinahintulutan siya ng huli na makapagsaliksik sa nasabing pribadong silid-aklatan. Sa kanyang paghahanap ay natagpuan niya ang sipi ng nasabing aklat na nakalimbag sa salitang Italyano. Sa kanyang patuloy na pananaliksik, makaraang kanyang mabasa ang Ebanghelyo ayon kay Barnabas, napag-alaman niya na si Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay isa lamang tao at Sugo ng Allâh, batay sa naturang aklat. Ang mga katagang ito ay mababasa sa talata bilang 220. Ang mga panlilinlang na ito ay natigil lamang ng dumating ang huling sugo ng Allâh na si Propeta Muhammad . Pinatunayan niya ang mga kasinungalingang ipinahayag na sadyang labag at hindi naaayon sa batas ng ating Panginoon. Nasusulat din sa Ebanghelyong ito na ang Allâh – ang Makapangyarihan, ang Panginoon ng lahat ng mga nilikha (lingid man o hayag) at ang Lumikha ng langit at lupa. Nakatala rin dito kung sino sa dalawang anak ni Propeta Abraham ang inialay at napalitan ng isang tupa. Ang anak na inialay ay walang iba kundi si Ismael at hindi si Isaac na pawang mga anak ni Abraham. Pinabulaanan din ng aklat na ito ang pagkakapako sa krus ni Hesus, bagkus ay ginawa ng Allâh ang mukha ng disipulong si Hudas Al-Askharyuti at inihawig kay Hesus at siyang naipako sa krus. Ang Banal na Qur'an ay nagpahayag tungkol sa pangyayaring ito: At sa kanilang pagsasabi ng may pagmamalaki: "Tunay, aming napatay ang Mesiyas – si Hesus na anak ni Maria, ang Sugo ng Allâh." Subali't siya ay hindi nila napatay, gayundin naman, siya ay hindi nila naipako sa krus, datapuwa't ang lumitaw sa kanila ay kahawig lamang ni Hesus na inilagay sa isang tao at napatay nila ang taong ito at silang nagtatalo rito ay puno ng alinlangan. Wala silang tiyak na kaalaman tungkol dito at wala silang sinusunod maliban sa haka-haka. Sapagka't katotohanang siya (si Hesus na anak ni Maria) ay hindi nila napatay. Datapuwa't siya ay itinaas (Hesus) (kasama ang kanyang katawan at kaluluwa) ng Allâh sa Kanyang piling (at si Hesus ay nasa kalangitan ngayon). At ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan. At walang sinuman sa Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), ang maliliban o mangyayari na hindi maniwala sa kanya (kay Hesus, ang anak ni Maria, bilang isang Sugo lamang ng Allâh at isang tao) bago

192

dumating ang kanyang kamatayan at sa Araw ng Muling Pagkabuhay, siya (si Hesus) ay magiging saksi laban sa kanila. (An-Nisa-4:157-159) Pagkaraang matuklasan ni Fram Rhino ang tungkol sa aklat ni Barnabas, siya ay naniwala na ang Banal na Qur'an ay kapahayagang mula sa Allâh at si Propeta Muhammad ay Kanyang Sugo. Sinimulan niyang ipamahagi ang aklat na sinulat ni Barnabas matapos niya itong mailabas mula sa piitan kung saan itinago ng matagal na panahon ng dating Papa sa likod ng makapal na bakod ng Vatican. Pagkaraan nito ay isa pang sipi ng aklat ang natagpuan ng mga Espanyol na nakalimbag sa salitang Italyano noong mga unang taon ng ika-18 siglo. Si Dr. Charles Francis Boto, isang obispo na sumulat ng kanyang sariling aklat na pinamagatang The Missing Years of Jesus Christ Discovered ay nagsabi na ang simbahan ng Kristiyano noong unang panahon ay nagbawas sa Ebanghelyo na isinulat ni Barnabas, kung saan ito ay tumutugma sa dokumentong natagpuan kamakailan sa Dead Sea na may kaugnayan sa orihinal na aklat ni Barnabas. Ito ay natagpuan sa loob ng isang banga na nakabaon malapit sa dalampasigan ng Dead Sea. Ang pamahalaang Jordan ang kasalukuyang nag-iingat ng mga dokumentong nabanggit na natunghayan ni Dr. D. F. Olbrite, isa sa mga haligi at tagapamahala ng mga kasulatan. Pinatunayan niyang ang mga dokumentong natuklasan ay orihinal at walang pag-aalinlangan. Bukod pa rito, isa pang Obispo na kinilalang si A. Powell Davis, isang pinuno ng Church of All Saints sa Washington ang nagpatunay ayon sa kanyang sariling aklat na pinamagatan Dead Sea Manuscript, pinatunayan niya na ang Dead Sea Manuscript ang pinakamakatotohanan at pinakamahalagang pagkakatuklas sa nagdaang mga siglo. Ang nilalaman ng aklat na ito ang maaaring magpabago sa kasalukuyang konsepto ng Ebanghelyo kung saan nakasaad dito na si Hesus ay isang Sugo at mayroon pang isang propetang darating pagkaraan niya. Ang Allâh ang Siyang nagpadala ng Liwanag mula sa kanilang mga dila at kamay. Siya – Luwalhatiin ang Allâh, ay nagsabi sa Banal na Qur'an: At ang mga Hudyo ay nagsabi: "Si Uzair (Ezra) ay anak ng Allâh at ang mga Kristiyano ay nagsabi: Ang Mesiyas ay anak ng Allâh. Iyan ang sinasabi ng kanilang mga bibig, sila ay nagsisigaya sa mga sinasabi ng mga hindi nananampalataya noong unang panahon. Ang sumpa ng Allâh ay mapapasa

192

kanila, paano silang napaligaw nang malayo sa katotohanan! Sila (mga Hudyo at Kristiyano) ay tumangkilik sa kanilang mga rabbi at kanilang mga monghe (pari) bilang kanilang panginoon maliban sa Allâh sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila sa mga bagay na kanilang pinahintulutan at ipinagbawal, ayon sa kanilang sariling kagustuhan na hindi naman ipinag-utos ng Allâh at itinuring din nilang Panginoon ang Mesiyas, ang anak ni Maria, samantalang sila (mga Hudyo at Kristiyano) ay pinag-utusan sa Torah at Ebanghelyo na sumamba lamang sa Nag-iisang Diyos (Allâh), La ilaha illa Huwa (walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya). Ang Kaluwalhatian ay sa Kanya lamang, higit Siyang Dakila sa lahat ng katambal na itinataguri sa pagsamba sa Kanya. Sila (ang mga hindi sumasampalataya, ang mga Hudyo at Kristiyano) ay nagnanais na pawiin ang Liwanag ng Allâh na siyang dahilan ng pagkasugo kay Muhammad , at ang paniniwala sa Kaisahan ng Allâh, sa pamamagitan ng kanilang bibig. Datapuwa't ang Allâh ay hindi nagpapahintulot nito, maliban ang Kanyang Liwanag ay maging ganap, kahit na ang Kafirun (mga hindi sumasampalataya) ay mamuhi (rito). Siya (Allâh) ang nagpadala sa Kanyang Sugo (Muhammad ) na may Patnubay at Tunay na Pananampalataya (Islam), upang gawin Niya itong dakila at mas higit sa lahat ng pananampalataya (relihiyon) kahit na ang Mushrikun (mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ng Allâh, atbp) ay namumuhi rito. (At-Taubah-9:30-33) Ang mga sumusunod ay mga patunay mula sa Torah tungkol sa pagdating ng huling Propeta na si Muhammad sa kabila ng pagiging kulang nito dahil sa walang pasubaling pag-aalis ng ilang mahahalagang nilalaman mula rito ng mga Hudyo at Kristiyano sa Lumang Tipan. Ang Allâh ay nagsabing ang ilan sa mga ito ay naiwan upang maging patunay laban sa kanila sa Araw ng Paghuhukom.

Sa Torah: Kabanata-18 mula sa aklat ng Deuteronomy, si Moises (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nagsabi: Ang Panginoon ay nagsabi sa akin: "Kung ano ang kanilang kahilingan ito ay mabuti. Aking aangatin ang Propeta na tulad mo para sa kanila mula sa mga Israelitas. Ilalagay ko ang Aking mga salita sa kanyang bibig at siya ay mangungusap sa kanila ayon sa Aking kagustuhan. Ako ang mananagot kahit kanino sa sinumang hindi magpapahalaga sa mga salita ng

192

Propetang magpapahayag sa Aking pangalan." Sa aklat na sinulat ni Boshra Zakhari Mikahil na pinamagatang Muhammad, the Messenger of Allâh, As Announced by the Gospel, hindi si Yusha ayon sa sinabi ng rabbi ng mga Hudyo at hindi si Hesus ayon sa paliwanag ng mga mananampalatayang Kristiyano. Ang patunay ay ang parirala na nagsasabing tulad mo si Yusha ay hindi katulad ni Moises sapagka't hindi siya tumanggap ng kapahayagan mula sa Allâh. Sa isang banda, si Hesus ay hindi rin katulad ni Moises sapagka't siya ay isinilang ng walang ama.

Sa Torah: Kabanata-32 mula sa aklat ng Exception (11), ang Allâh ay nagsabi: "At Ako ay naging mapanibugho sa mga sinasamba nilang diyos na hindi makapagbibigay ng anumang tulong kaya ginawa Ko silang mapanibughuin at isang bansang mabagal matuto." Ang nais ng Allâh para sa mga Hudyo ay ipinarating Niya nang ipadala Niya si Propeta Muhammad na matutunghayan sa Banal na Qur'an: Siya (Allâh) ang nagpadala sa hindi nakapag-aral na Sugo (Muhammad ) mula sa kanilang lipon upang bigkasin sa kanila ang Kanyang mga Talata, dalisayin sila (mula sa kawalan ng pananalig at pagsamba sa mga diyus-diyosan) at upang patnubayan sila ng Aklat (itong Qur'an, Batas Islamiko) at ang Al-Hikma (AsSunnah – tamang pamamaraan, katuruan, gawaing pagsamba ni Propeta Muhammad ). At katotohanan, silang mga nauna ay nasa lantad na kamalian. (AlJumu'ah-62:2)

Sa Torah: Kabanata-11 mula sa aklat ng Genesis (13), ang Allâh ay nagsabi kay Abraham: "At gagawin Ko ang anak ng isang alipin na maging dakilang pamayanan, sapagka't siya ay nagmula sa iyong saling-lahi. Ito ay nakasaad sa panalangin ni Abraham na mababasa sa Banal na Qur'an: Aming Panginoon! At gawin Mo kaming masunurin (Muslim) sa Inyo at mula sa aming mga supling (na magkaroon ng) isang Pamayanang susuko sa Inyo, at ipakita sa amin ang aming Manasik (lahat ng pamamaraan at tungkulin sa (pagsasagawa ng Hajj at Umra) at tanggapin ang aming pagsisisi. Tunay, Ikaw ang Nag-iisang tumatanggap ng pagsisisi, ang

192

Mahabagin. Aming Panginoon! Ipinadala Ninyo sa kanila ang isang Sugo mula sa kanila (katunayan dininig ng Allâh ang kanilang panalangin sa pamamagitan ng pagpapadala kay Muhammad ), na siyang bibigkas sa kanila ng Iyong mga Talata (kapahayagan, aral, katibayan atbp) at magtuturo sa kanila ng Kasulatan (ang Qur'an) at Al-Hikma (AsSunnah – tamang pamamaraan, katuruan, gawaing pagsamba ni Propeta Muhammad ), at Inyong dalisayin sila, sapagka't Kayo lamang ang Pinakamataas sa Kapangyarihan – ang Lubos na Maalam. (Al-Baqarah-2:128-129) Ang pamayanang nagmula sa anak ni Abraham ay ang pamayanan ni Propeta Muhammad . Sila angmga inapo ni Ismael na anak ni Hagar.

Sa aklat ni Juan, si Hesus ay nagsabi: (Kung ako'y mahal mo, sundin mo ang aking mga ipinag-uutos. At ako ay mananalangin sa aking Panginoon at Siya ay magpapadala ng isa pang Sugo) 14,15/16 Juan. Sinabi pa ni Hesus: (Ang Banal na Espiritu na ipinadala ng Panginoon sa aking pangalan ay magtuturo ng lahat ng bagay at magpapaalala ng lahat ng aking sinabi sa inyo.) 14/26 Juan. At sinabi rin niya: (Ito ay para sa inyong kapakanan na ako ay lilisan ng malayo. Sapagka't kung hindi ako lalayo, ang Sugong ito ay hindi makararating sa inyo. Samantalang kung ako ay aalis, akin siyang ipadadala sa inyo. At sa kanyang pagdating, patutunayan niyang ang sanlibutan ay makasalanan sang-ayon sa mga kasalanan at mga kabutihan at sa paghuhukom.) 16,7/8 Juan. At kanyang sinabi: (Subali't kung siya, ang Espiritu ng Katotohanan ay dumating, igagabay ka niya sa katotohanan. Siya ay hindi magsasalita ayon sa kanyang kakayahan, bagkus kung ano lamang ang kanyang narinig at sasabihin sa iyo kung ano ang darating. At pupurihin niya ako).16,13/14 Juan.

Naunawaan natin mula sa mga tinuran ni Hesus na ang Allâh ay magtatalaga ng panibagong nilikha pagkaraan niya (Hesus) na gaganap katulad ng kanyang ginawa, kung saan binanggit ni

192

Juan na isang propeta ang tatalima sa mga salita ng Allâh at magpapahayag sa mga tao. Lahat ng ito ay nagpapatunay na walang iba kundi ang huling Propeta at Sugong si Muhammad . Matapos nating matunghayan ang mga patunay mula sa Torah at Ebanghelyo na nagpapahayag sa pagdating ni Propeta Muhammad , pag-usapan naman natin ang tungkol sa kanya, gayundin ang kanyang mga himala. Ang Banal na Qur'an ay ipinadala sa kanya upang maging gabay at mabisang patnubay sa mga mananampalataya. Napag-aralan natin ang mga kasaysayan ng mga propetang ipinadala ng Allâh – ang Makapangyarihan, upang maging gabay sa tuwid na landas. Siya (ang Allâh) ang nagbigay ng mga tanda sa kanilang mga kamay sa magkakasunod na mga kadahilanan. Una, kapag ito ay nasaksihan ng mga tao, magkakaroon sila ng katiyakan sa mensahe at upang patunayan na ang mga himalang iyon ay nagmula sa Diyos na Makapangyarihan na may kasapatang gumawa ng anumang bagay. Pangalawa, ito ang magpapatibay sa kanila sa pagharap sa anumang pagsubok at balakid na maaaring mangyari. Ang mga susunod na matutunghayan ay pawang mga nangyari sa mga propeta sa kapahintulutan ng Allâh. Ito ay pagbibigay linaw lamang at hindi paghahambing ayon sa kanilang mga nagawa sa kanilang magkakaibang panahon. Ang himalang naitala ni Noah ay ang tungkol sa malaking Arko na ipinag-utos ng Allâh na kanyang gawin bilang paghahanda sa pagdating ng malaking baha. Ang kay Abraham ay ang pagkakatapon sa kanya sa malaking apoy na ginawang malamig para sa kanya ng Allâh upang hindi makapinsala sa kanyang sarili. Ang kay Lut ay ang pagpapadala ng Allâh ng salot sa kanilang bayan kasabay ng pag-ulan ng mga bato at pagbalibaligtarin ang kanilang lungsod na lumamon sa kanila, pagkaraang siya ay suwayin ng kanyang nasasakupan na sumamba sa Nag-iisang Diyos (ang Allâh) at ang pagiging talamak ng mga ito sa mga bisyo at pagpapatuloy sa ipinagbabawal na gawain seksuwal (sodomy). Ang bayan ni Saleh (Thamud) na uminom mula sa babaeng kamelyo na ipinagbawal sa kanila ng Allâh. Kanilang pinatay ang babaeng kamelyo, pagkaraan nito sila ay nakarinig ng nakatutulig na mga sigaw at ingay at sila ay nagpatirapa sa kanilang mga tahanan bago sumapit ang umaga. Ito ang naging dahilan ng kanilang kamatayan. Si Moises ay pinadalhan ng siyam na malinaw na

192

mga tanda para sa Paraon at sa kanyang mga tauhan. Ginawa ng Allâh ang hangin upang tumalima sa mga utos ni Solomon. Upang mapakilos niya ang hangin patungong kanluran at patungong silangan ng bawa't buwan. Ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan ay gumawa para sa kay Solomom ng font molten brass upang ang mga Jinns (nilikhang lingid sa ating kaalaman) ay makagawa ng mga sasakyang nagmula sa karagatan. Tinuruan din si Solomon na makipag-usap sa mga ibon at iba't ibang hayop. Si Hesus ay nagwika noong siya ay nasa duyan pa lamang, bumuhay ng mga patay, nagpadilat ng mga bulag at nagpalakad ng mga pilay sa kapahintulutan ng Allâh. Gayundin, ang pagtanggap niya ng hapag kainan na puno ng pagkain na bumaba mula sa kalangitan. Ano ang himala ni Propeta Muhammad Sa unang bahagi ng kanyang buhay mula sa kanyang kapanganakan hanggang sa siya ay makaabot sa gulang na 40, si Propeta Muhammad ay hindi nakapag-aral. Hindi siya marunong bumasa o sumulat. Kahit minsan ay hindi siya nakagawa ng isang tula. Hindi rin siya nakisalamuha sa mga maalam, mga dalubhasa sa larangan ng agham, mga tagapagsalaysay at sa mga manunula upang matuto mula sa kanila. Lahat ng ito ay batid at pinag-usapan ng mga tagaMakkah na naitala ng mga manunulat ng kasaysayan. Ang Banal na Qur'an at ang Dakilang Himala: Ito ang katanungan: Paanong ang isang taong walang sapat na kaalaman ay makalilikha ng isang aklat at tatawaging Banal na Qur'an na nailimbag sa klasikong salitang Arabik? Ang Banal na Qur'an ay rebelasyon at kapahayagan mula sa Allâh. Kapag atin itong babasahin, masasabi nating ito ay nilikha ng isang dalubhasang manunulat. Magugulat ka sa naiibang paraan kung paano ito isinulat ng tagapagsalaysay mula sa indayog at himig, maging ang kahulugan na makaakit sa mambabasa at kung paanong ito ay ipinahayag at hindi nagbago mula noon hanggang sa ngayon. Matapos nating alamin at pag-aralan ang iba't ibang sangay ng usaping pang-agham, pangpanitikan, pangangatuwiran, maging ang iba't ibang wika, sining at batas, malinaw na ang lahat ng ito ay nakikiisa upang ang Banal na Qur'an ay tawaging isang

192

mahusay na panitikan. Ang maayos na pagkapahayag nito ay nangibabaw sa lahat ng uri ng mga tula at salaysay. Si AlWaleed Ibnul-Mughirah, isa sa mga bantog at mahusay na manunulat mula sa angkan ng Quraish ay nagsabing ang mga talata sa Banal na Qur'an na binigkas ni Propeta Muhammad ay isang pambihirang katha. Matapos niya itong marinig, siya ay sumumpa sa ngalan ng Allâh na kailanman ay hindi pa siya nakarinig ng ganitong uri ng komposisyon na maaring magmula sa tao o sa mga Jinns, at kanya ipinamalita sa lahat ng kanyang kasamahan sa lugar ng Bani Makhzoun. Dagdag pa niya, ito ay isang pambihirang obra mula sa simula hanggang wakas. Inihalintulad niya ito sa isang punong nagtataglay ng mayabong na sanga at mayamang ugat. Ito ay isang sining na wala ng mas hihigit pa. Bilang patunay, ang Allâh ay nagsabi sa Banal na Qur'an: Sabihin! Kung ang sangkatauhan at mga Jinns ay magsama-sama upang gumawa ng katulad nitong Qur'an, sila ay hindi makagagawa ng katulad nito, kahit na sila ay magtulungan sa isa't isa. (Al-Isra-17:88) Sa panahong ang Banal na Qur'an ay ipinahayag, ang mga Arabo ay mahilig sa paglikha ng panitikan, tula at mga salaysay. Nagdaraos sila ng paligsahan sa kanilang taunang pagtitipon na tinaguriang Okaz kung saan ang mga tanyag na manunula at tagapagsalaysay ay nagsisilbing hurado sa labanan. Ang tulang magwawagi ay isusulat sa ginto at isasabit sa kurtina ng Kaaba sa Makkah. Tinawag sila (the seven moallakat) bilang pitong mga tula na nakasabit sa kurtina ng Kaaba. Kaya't silang lahat ay namangha nang ang Banal na Qur'an ay kanilang marinig mula sa isang tao na hindi nakapag-aral. Tinanggap nila ito bilang isang himala at pangyayari na kailanma'y hindi nila sinalungat. Marami sa kanila ang naniwala rito. Tinawag ng Allâh si Propeta Muhammad sa Banal na Qur'an ng ganito: At maging ikaw (O Muhammad ) ay hindi pa nakabasa ng anumang Aklat na nauna rito (Qur'an), gayundin naman ikaw ay hindi sumulat ng anumang aklat sa iyong kanang kamay. Sa gayong pangyayari, katotohanan, ang mga tagasunod ng kasinungalingan ay nag-aalinlangan sa Qur'an. (Al-Ankabut29:48)

Ang Banal na Qur'an na ipinahayag kay Propeta Muhammad sa nakalipas na 1,400 taon ay hindi lamang isang himala. Ito ay nagsilbi ring patunay sa kanyang pagiging propeta, at hindi lamang iyon, ito rin ay naglalaman ng mga kakaibang katangian

192

na tumatalakay tungkol sa mga mahahalagang impormasyon sa iba't ibang aspeto ng agham, tulad ng Kanyang sinabi: Wala kaming nakaligtaan sa Aklat. (Al-Anam-6:38) Sinumang makabasa at makaunawa nito, Muslim man o hindi ay magsasabing: "Kakaiba at uniko ang nilalaman ng Banal na Qur'an na hindi maaaring likhain ng sinumang tao o nilikhang lingid sa ating kaalaman." Ito ay malinaw na salita ng Dakilang Allâh at anumang kasinungalingan ay hindi makapangyayari ayon na rin sa Kanyang sinabi sa Banal na Qur'an: Katotohanan! Sila na nagtakwil sa Paalaala (Qur'an) nang ito ay dumating sa kanila ay tatanggap ng parusa. At katiyakan, ito ay isang Kapuri-puri at Kagalang-galang na Aklat sapagka't ito ay kapahayagan ng Allâh at Kanyang pangangalagaan sa anumang pagbabago at kamalian. Ang kasinungalingan ay hindi makikiisa rito (Qur'an), maging sa harapan o likuran nito. Ito ay ipinadala ng Isang Tigib ng Karunungan, ang Karapat-dapat sa lahat ng Pagpupuri. (Fussilat-41:41-42) Kaya ako ay nananawagan sa aking mga kapatid na Kristiyano at Hudyo na naghahangad ng katotohanan upang pag-aralan at alamin ang mga salita ng ating Tagapaglikha sa Banal na Qur'an. Subali't ipinapayong huwag basahin ito na may namamagitan sa inyo at hayaang maging bukas ang inyong mga puso at isipan, at kayo ang humatol sa katotohanang inyong maaaring matuklasan. Ang mga katagang ito ay aking ipinaaabot sa inyo upang magsilbing gabay at nawa'y inyong maunawaan at makamtam ang tunay na katotohanan. Iyan ang Allâh, ang inyong Panginoon sa katotohanan. Kaya't pagkaraan ng katotohanan, ano pa ba ang mayroon maliban sa pagkaligaw. Magkagayon bakit nga ba kayo nagsitalikod? (Yunus-12:
32)

Ang Banal na Qur'an ay matatagpuan saan mang panig ng daigdig. Ang nilalaman nito ay isinalin sa pinakamalapit na kahulugan sa iba't ibang wika. At sinumang nagnanais magkaroon ng sipi nito, maaaring sumulat o makipag-ugnayan sa mga sumusunod na tangggapan: • The Cooperative Office for Propagation and Guidance

192

P.O. Box: 20824, Riyadh 11465 K.S.A. Tel. No: +966 1 4030251; +966 1 4030142 Fax: +966 1 4059387 • Jeddah D'awah Center P.O. Box: 6897, Jeddah 21452 K.S.A. Tel. No: +966 2 6829898 Tanging sa Allâh lamang ang walang hanggang tagumpay kapag Kanyang pahihintulutan. Siya ang Ganap na Makapangyarihan – ang Lubos na Maalam. Sa mga susunod na paksa ng aklat na ito, ating bigyang-tanaw ang ilan sa walang hanggang pagpapala na naitala sa Banal na Qur'an kung saan ang mensahe ay sadyang malinaw na tumatalakay sa katotohanang hatid nito na naisulat ng buong ningning at liwanag. Sinumang naghahanap ng Aklat ng Allâh upang ito ay pag-aralan ay maaaring sumangguni sa alinmang tanggapan na naglalathala nito na sinulat ng mga paham na Muslim na matutunghayan sa iba't ibang silid-aklatan na nakalimbag sa iba't ibang salita. Tunghayan natin ang ilan sa mga di-mapapantayang himala ng Pinagpalang Qur'an: 1. Mga himala sa pangkalahatang aspeto ng agham at mga nilikha.

2. Mga himala na tumatalakay sa metaphysics at sa hinaharap. 3. Mga himala na nagpapahayag ng iba't ibang kasaysayan at talambuhay ng mga propeta. 4. Mga himala hinggil sa pamayanan, pamumuhay at saligang batas. 5. Mga himala na nauukol sa sistemang pang-ekonomiya.

192

Una: Ang mga kaganapang matutunghayan sa Banal na Qur'an tungkol sa pangkalahatang aspeto ng agham na aking binanggit sa bahagi ng aklat na ito na pinamagatang: "Sino ang Allâh" kung saan aking binigyang-pansin ang tungkol sa bubuyog, ang pagkakalikha ng tao mula sa sinapupunan ng kanyang ina, ang tungkulin ng bawa't bahagi ng ating katawan kung ihahambing sa makabagong antas ng agham. At gayundin ang hamon ng Allâh sa sangkatauhan na gumawa ng kahit isang langaw lamang at kabilang dito ang pagkakalikha sa napakalawak na kalangitan at kalupaan. Ang pagkakalikha sa mga kalangitan at sa sandaigdigan ay mas nakahihigit pa sa pagkakalikha Niya sa sangkatauhan at sa mga bagay na hindi nalalaman ng mga nilikha. (Ghafir-40:
57)

Atin ding napag-usapan ang tungkol sa atomo at mas maliit pang nilikha na nasa loob nito. Nabanggit natin na ang atomo at nucleus ay natuklasan ng isang German at American scientist 50 taon na ang nakalipas. Subali't bago ito natuklasan, ito ay naipahayag na sa isang hindi nakapag-aral na Propeta na sa kanyang panahon ay wala pang makabagong kagamitan na maaaring gamitin upang tuklasin ang mga bagay na ito. Ito ang patunay mula sa Banal na Qur'an tungkol sa atomo at ibang bagay na mas maliit pa rito: At ikaw (O Muhammad ) ay hindi gumawa ng anumang bagay o bumigkas ng anumang bahagi ng Banal na Qur'an o maging kayo (O sangkatauhan) ay gumawa ng anumang gawaing mabuti o masama maliban sa Kami ay saksi rito nang ito ay inyong ginawa. At walang anuman ang nalilingid sa inyong Panginoon, kasingbigat man ito ng atomo o kasingliit man ito ng langgam dito sa kalupaan o sa kalangitan. Walang anumang maliit pa riyan o mas malaki pa riyan maliban sa ito ay naisulat sa Malinaw na Talaan. (Yunus-10:61) Katotohanan ang Kaluwalhatian ay sa Allâh lamang, ang nagpahayag sa atin tungkol sa atomo at ang mas maliliit na bagay na makikitang umiikot sa loob nito na kung tawagin ay nucleus. Noong nakaraang siglo, mayroong isang grupo ng mga dalubhasang lulan ng isang barko na nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa tubig-dagat. Naglagay sila ng tubo na may nakataling kapsulang metal sa dulo at inihulog sa pusod ng dagat upang kumuha ng tubig na mapag-aaralan tungkol sa mga bagay na nabubuhay sa ilalim nito (micro aquatic creatures) ayon sa iba't

192

ibang lalim. Kanilang napag-alaman na ang malakas na pag-agos ng tubig at ang mabilis na daloy nito sa ilalim ng karagatan ay tila baga dumadaloy sa loob ng isang daanan (tunnel). Napagalaman nila ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang radar observation devices na mas kilala sa tawag na sonar. Subali't ang hindi inaasahan ng mga dalubhasang nagsasagawa ng pag-aaral na yaon ay nang matuklasan nilang ang tubig-alat na dumadaloy sa ilalim ng dagat ay may kabahaging tubig-ilog na dumadaloy sa magkahiwalay na daanan. Bago pa man natuklasan ang dalawang daluyan ng tubig sa ilalim ng dagat, ito ay naitala na sa Banal na Qur'an, libong taon na ang nakararaan. Ito ay bahagi ng mga kapahayagang ipinadala kay Propeta Muhammad . Binanggit ng Allâh ang bagay na ito sa tatlong magkakaibang bahagi ng Banal na Qur'an, ang una: At Siya ang nagpahintulot na maging malaya ang dalawang dagat (dalawang uri ng tubig), ito ay naiinom at matamis, at yaong (isa naman) ay maalat at mapait; at Siya ang nagtakda ng isang harang at ganap na partisyon sa kanilang pagitan.
(Al-Furqan-25:53)

Ang pangalawa - Kung saan ang higit na malinaw at hindi mapag-aalinlanganan ay sinabi Niya: Na sa pagitan nila ay may isang harang at sila ay hindi magkasanib (sa isa't isa). Kaya't alin sa mga Biyayang ito ng inyong Panginoon ang inyong itinatatwa. (Ar-Rahman-55:20-21) Ang Pangatlo - At sa ikatlo ang Dakilang Allâh ay muling nagsabi: Hindi baga Siya (higit na mainam sa inyong mga diyos), Siya na gumawa sa kalupaan na matatag upang maging tahanan, at naglagay ng mga ilog sa gitna nito, at nagtayo ng matatag na mga kabundukan, at nagtakda ng mga harang sa pagitan ng dalawang dagat (ang maalat at manamis-namis na tubig)? Mayroon pa bang ibang ilah (diyos) maliban sa Allâh? Wala, datapuwa't karamihan sa kanila ay hindi nakauunawa. (AlNaml-27:61)

Magkagayon, bakit kayo ay nag-aatubiling alamin ang katotohanan at tanggaping ang Banal na Qur'an ay kapahayagan na nagmula sa Allâh na may katiyakang ito ay nagmula sa Kanya at nagtatatwa sa anumang kasinungalingan. Sa nakalipas na mga taon hanggang umabot sa nakaraang 50 taon, ang mga dalubhasa sa larangan ng medisina ay hindi batid

192

kung papaanong nabubuo ang embryo sa sinapupunan ng isang ina maliban sa mga haka-haka lamang tungkol sa katotohanan nito. Ganito ang sitwasyon bago natuklasan ang mga kagamitan (radioactive at sonar apparatus) na makatutulong sa pagsubaybay kung papaanong ang embryo ay namumuo mula sa spermatic cord at pumapasok sa ovum na naging munting laman na nagkaroon ng hugis at buto at iba pang bahagi hanggang maging isang ganap na sanggol. Subali't bago natuklasan ng bagong teknolohiya ang bagay na ito, ito ay naipahayag na sa Banal na Qur'an: At katotohanang nilikha Namin ang tao (si Adan) mula sa putik. Pagkatapos ay nilikha Namin (ang anak ni Adan) bilang isang Nutfah (magkahalong patak ng semilya ng babae at lalaki) at inilagak sa ligtas na himlayan (sinapupunan ng babae). Pagkatapos ay ginawa Namin ang Nutfah na isang piraso (isang pirasong namuong dugo) at pagkatapos ay ginawa Namin ang namuong dugo na isang maliit na laman, at pagkatapos ay binalutan Namin ang mga buto ng laman, at pagkatapos ay inilabas Namin siya bilang isang nilikha. Kaya't Luwalhatiin ang Allâh – ang Dakilang Tagapaglikha. (Al-Mu'minun-23:12-14) Sinabi pa ng Dakilang Allâh – ang Matayog: Nilikha Niya kayo sa sinapupunan ng inyong ina, nilikha pagkaraang nilikha sa tatlong lambong ng kadiliman. (AzZumar-39:6)

Makalipas ang 1,400 taon mula nang ipahayag ang Banal na Qur'an ay napag-alaman din natin kung papaanong ang isang sanggol ay nabuo sa sinapupunan ng kanyang ina. Pagkaraan ng ikalawang digmaang pandaigdig, nasaksihan ng mga dalubhasa ang bagong kaganapan magmula ng maipakilala ang bagong teknolohiya na nag-uugnay sa astronomical centres na nagmamasid sa pagkilos ng mga bituin at planeta sa kalawakan. Gayundin ang kakayahan ng tao na magtungo sa kalawakan at magtalaga ng mga satellites equipment na may kaakibat na bagong mga instrumento na pinatatakbo ng electromagnetic vibration, radio waves at thermal light commulative na sumusukat sa pagitan ng mga galaxy at mga bituin, at kung papaanong ang kalawakang ito ay nilikha ng Allâh. Sila ay nagkaisa na ang lahat ng ito ay nagmula sa tinatawag na blazing mass, bilyong taon na ang nakalipas. Pagkaraang ito (blazing mass) ay sumabog, ito ay naging maliliit

192

na piraso at nagmistulang mga bula na kumalat sa buong kalawakan. Tinawag nila itong 'the big bang'. Ang sumunod ay ang pagkahiwa-hiwalay ng mga ito na naging mga galaxy, nebula, planeta, at bituin na nakikita sa kasalukuyan sa pamamagitan ng paggamit ng teleskopyo. Ang walang katapusang pag-ikot ng mga ito ay magpapatuloy hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ang mga bagay na ito ay batid na noon pa mang panahon ng kamangmangan, sapagka't ito ay naipahayag na kay Propeta Muhammad at bilang patunay ganito ang nakasaad sa Banal na Qur'an: Batid ba ng mga hindi mananampalataya na ang mga kalangitan at ang kalupaan ay magkakabit bilang iisang piraso, pagkatapos ay Amin itong pinaghiwalay? At ginawa Namin ang lahat ng may buhay mula sa tubig. Hindi ba sila naniniwala? (An-Anbiya-21:30) Ang tungkol sa patuloy na pag-ikot ng mga bagay na nakapaloob sa buong kalawakan maging ang lawak nito ay pinatunayan ng Allâh sa Banal na Qur'an: Sa pamamagitan ng Kamay, Aming ginawa ang kalangitan. Katiyakan, Kami ang may kakayahang magpalawak ng kalakhang lawak nito. (Adh-Dhariyat-51:47) Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito, maaaring balikan ang ilang bahagi ng kabanatang "Sino ang Allâh"? Makalipas ang mahigit 100 taon, natuklasan ng tao ang paggawa ng eroplano at nagawang pumailanlang sa kalawakan at napagmasdan ang buong sandaigdigan. Napag-alaman din nating habang tumataas ang nararating ng tao, bumababa naman ang antas ng oxygen gayundin ang lakas ng hangin. Kaya't ang tao ay nahihirapang sumagap ng hangin upang maging madali ang kanyang paghinga. Ating tunghayan mula sa Banal na Qur'an ang pahayag ng Allâh kay Propeta Muhammad tungkol dito. Ang Allâh na Siyang nagbibigay ng gabay sa sinumang Kanyang naisin. Ipinaalam Niya sa atin ang daranasing hirap at makadarama ng pagkapahiya ang mga nangaligaw ng landas. Tunghayan natin ang Kanyang patunay: At sinuman ang naisin ng Allâh na patnubayan, Kanyang bubuksan ang dibdib nito sa pananampalatayang Islam, at kung sinuman ang Kanyang nais iligaw, ginagawa Niya ang dibdib nito na nakapinid at napakasikip, na wari bang siya ay umaakyat sa langit. (Al-An'am-6:125)

192

Maraming Muslim ang nagtatanong kung ano ang tunay na dahilan sa likod ng pagbabawal ng Allâh sa mga tao upang iwasan ang pagkain ng patay na hayop, dugo at laman ng baboy na nasusulat sa Banal na Qur'an: Sabihin (O Muhammad ): Hindi ako nakatagpo sa ipinahayag sa akin ng anumang bagay na ipinagbawal kainin ng sinumang nagnanais kumain nito, maliban na lamang kung ito ay Maitah (patay na hayop), o dugong lumabas (sa pagkatay nito), o laman (karne) ng baboy, sapagka't ang katotohanan ito ay marumi, o walang kabanalan (hindi nararapat) ang laman (ng hayop) na kinatay bilang sakripisyo (alay) sa iba (pang diyus-diyosan) maliban sa Allâh, (o yaong mga kinatay para sa santo o kinatay na ang Pangalan ng Allâh ay hindi nabanggit). Subali't sinuman ang napilitan dahil sa matinding pangangailangan ng walang kusang pagsuway at hindi nagmalabis sa hangganan ng paglabag ay katiyakang ang inyong Panginoon ay Lagi ng Nagpapatawad – ang Maawain. (Al-An'am-6:145) Sa pag-aaral na isinagawa ng mga dalubhasa sa usaping pangkalusugan at pangkaramdaman pagkaraan ng mahigit 14 na siglo matapos ipahayag ang Banal na Qur'an, kanilang natuklasan ang mga sumusunod:

1. Patay na hayop: Ito ang mga hayop at ibon na namatay sa natural na kamatayan. Hindi kasama sa nabanggit ang mga isda na namatay pagkaraang umahon mula sa tubig. Napag-alaman ng mga dalubhasa na anumang hayop ang namatay at ang dugo nito ay hindi dumaloy mula sa kanyang katawan, ito ay nag-iimbak ng iba't ibang uri ng baktirya na sana ay nailabas kasama ng dumi. Pagkaraang mamatay ang alinmang hayop, ang baktirya nito ay mabilis na nabubuhay at kumakalat at nananalaytay sa pamamagitan ng iba't ibang ugat na dinadaluyan ng dugo sa buong katawan. Kaya't kapag ang tao ay kumain ng laman ng karne na galing dito, siya ay maaaring makakuha ng anumang uri ng karamdamang makapipinsala sa kanyang kalusugan. 2. Dugong tumagas: Pinatunayan ng mga dalubhasa na ang dugong tumagas mula sa katawan ng hayop ay

192

mabilis na lumilikha ng iba't ibang baktirya na nagiging dahilan upang ang dugong ito ay makapaminsala at maaaring maghatid ng anumang uri ng sakit.

3. Laman ng baboy: Natuklasan ng mga dalubhasa na ang katawan ng baboy ay natural na tirahan ng tinatawag na tapeworm dahil sa pagiging marumi ng mga kinakain nito. Ang mga taga-Europa ang madalas na biktima ng karamdamang ito dahil sa kanilang palagiang pagkain ng karne ng maruming hayop (baboy) na ito. Napatunayan din na karamihan sa mga kumakain ng karne ng baboy ay biktima ng sakit na nagiging sanhi ng iba't ibang karamdaman na siyang nagiging dahilan ng kamatayan. Ito ay ang sakit na mas kilala sa katawagang Topkyna at Trashitor. Sa panghuli, tayo ay nahaharap sa pangkaraniwang katanungan: Ito bang mga bagay na ito ay naipahayag sa Banal na Qur'an sa pamamagitan ng isang hindi nakapagaral na nilikha na pinili ng Allâh bilang Sugo at namuhay sa nakalipas na 14 na siglo?
Ikalawa: Ang mga nakatala sa Banal na Qur'an tungkol sa mga natuklasan ng tao sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya ay patunay lamang sa katotohanan na mababasa natin mula sa Banal na Qur'an, at patuloy na magaganap sa mga darating pang mga henerasyon, ayon sa pahayag ng Allâh: Ipakikita Namin sa kanila ang Aming mga tanda sa kalawakan at sa kanilang mga sarili, hanggang sa maging malinaw sa kanila na ang Qur'an na ito ay katotohanan. Hindi pa ba sapat ang lahat ng ito tungkol sa inyong Panginoon na Tagamasid sa lahat ng Kanyang nilikha?
(Fussilat-41:53)

Sa panahon ng paglikas ni Propeta Muhammad (Hijra) patungo sa Al-Madinah Al-Minawara, ang mga Romanong Kristiyano ay naging malapit sa puso ng mga Muslim ng higit kumpara sa mga paganong nagmula sa Persia at mas kilala sa tawag na "Angkan ng Kasulatan." Ang mga Muslim ay patuloy na umaasa na darating ang araw na madaragdagan ang bilang ng mga Kristiyanong yayakap sa pananampalatayang Islam, magbuhat nang simulan ni Propeta Muhammad ang pagpapalaganap ng Islam. Binanggit ng Allâh sa Banal na Qur'an ang nararapat at tamang paraan ng pakikitungo sa kanila:

192

Katotohanan, inyong matatagpuan mula sa kalipunan ng mga Hudyo at Mushrikun ang may masidhing poot sa mga Mananampalataya (mga Muslim) at inyong matatagpuan yaong mga taong may pinakamalapit sa pagmamahal sa mga Mananampalataya (mga Muslim), silang mga nagsasabing “Kami ay mga Kristiyano.” Sapagka't kabilang sa kanila ay mga pari at monghe at sila ay hindi (palalo) mapagmalaki. At kapag sila (bilang tunay na mga Kristiyano) ay nakarinig ng anumang ipinahayag mula sa Sugo (Muhammad ), inyong makikita ang labis na pagtulo ng luha sa kanilang mga mata sanhi ng katotohanan na kanilang natunghayan. Sila ay magsasabi: “Aming Panginoon” Kami ay nananampalataya; kaya itala Ninyo kami bilang mga saksi. (Al-Ma'idah-5:82-83) Ilang taon bago lumikas si Propeta Muhammad patungong AlMadinah Al-Minawara sa pagitan ng taong 611 A.D. at 628 A.D., ang mga paganong Persians na kilala sa tawag na (the Empire of the Sassanidae) ay nagwagi laban sa mga Romano at kanilang nasakop ang Antioch at Jerusalem sa taong 614 A.D. na nasundan ng kanilang pagsakop sa Ehipto noong taong 619 A.D. Ang mga nabanggit na pamayanan ay pinamumunuan ng mga Romano sa pangunguna ni Alexander D' Great. Isang taon makalipas ang paglikas mula Makkah patungong Al-Madinah ni Propeta Muhammad , ang mga Muslim ay nabahala sapagka't ang mga paganong Persians ay nakapagtala ng panalo laban sa mga Kristiyano na nagmula sa Angkan ng Kasulatan. Pagkaraan nito, ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan ay nagpadala ng mga Tanda kay Propeta Muhammad tungkol sa nalalapit na pagwawagi ng mga Romano laban sa mga Persians sa susunod na mga taon (humigit kumulang sampung taon) na matutunghayan sa Banal na Qur'an: Ang mga Romano ay nalupig. Sa malapit na lupain ng Syria, Iraq, Jordan at Palestine, at sila matapos ang kanilang pagkatalo ay magiging matagumpay. Sa loob ng tatlo hanggang siyam na taon. Ang kapasiyahan ng gayong bagay bago matapos ang gayong mga pangyayari ay nasa Allâh lamang, bago dumating ang oras ng pagkagapi ng mga Romano sa kamay ng mga Persians at matapos ang pagkagapi ng mga Persians sa kamay ng mga Romano. At sa Araw na yaon, ang mga sumasampalataya (ang mga Muslim) ay

192

magagalak sa tagumpay na iginawad ng Allâh sa mga Romano laban sa mga Persians. Sa pamamagitan ng tulong ng Allâh, Siya ang nagkakaloob ng tagumpay sa sinumang Kanyang maibigan at Siya ang Mataas sa Kapangyarihan, ang Maawain. (Ar-Rum-30:2-5) Ang talatang ito ay ipinahayag kay Propeta Muhammad noong unang taon ng (Hijra) 622 A.D. Pagkalipas ng pitong taon (629 A.D.), si Hercules na dating hari ng mga Romano at ang kanyang mga sundalo ay nagwagi laban sa Emperor ng Sassanidae (mga Persians) at pinalayas silang lahat sa mga bansang kanilang nasasakupan kabilang na rito ang Ehipto at Jerusalem. Kaya't ang mga mananampalataya ay nagalak sa pagkapanalo ng Allâh. Ito ang mga karagdagang pangyayari sa simula nang pagpapalaganap ng Islam (Da'wah) ni Propeta Muhammad . Siya ay binantayan ng kanyang mga kasamahan upang matiyak na ligtas laban sa mga di-mapagkakatiwalaang tao hanggang ipahayag ng Allâh ang talatang ito sa kanya: O Sugo (Muhammad )! Ipahayag mo ang Kapahayagan na ipinadala sa iyo mula sa iyong Panginoon. At kung ito ay hindi mo gagawin, hindi mo naiparating ang Kanyang Kapahayagan. Ang Allâh ang mangangalaga sa iyo laban sa sangkatauhan. Katotohanan, ang Allâh ay hindi namamatnubay sa mga taong hindi nananampalataya. (AlMa'idah-5:67)

Si Assayeda A'isha, tinaguriang isa sa Ina ng Mananampalataya (nawa'y kalugdan siya ng Allâh), ay nagsabi: (Si Propeta Muhammad ay binantayan hanggang ang talatang ito ay ipahayag sa kanya: [Pangangalagaan ka ng Allâh laban sa sangkatauhan] (mga mapanganib). Dagdag pa niya (A'isha): At kanyang sinabi sa kanila (sa mga kasamahan ni Propeta ); Iwanan ninyo ako sapagka't ang Allâh – ang Kaluwalhatian ay sa Kanya lamang, ang magbabantay sa akin. Pagkaraan ay iniwan nila si Propeta Muhammad at siya ay namatay ng ligtas at payapa sa kanyang higaan. Ang Allâh ang kanyang nagsilbing tagapangalaga laban sa masasamang loob mula sa mga di-mananampalataya na nagtangka sa kanyang buhay ng maraming pagkakataon. Silang lahat ay hindi nagtagumpay bago pa man ipahayag ang talatang ito. Isa na rito ang plano ng lider ng Quraish na ipapatay siya bago sumapit ang gabi ng kanyang paglikas patungong Al-Madinah Al-Minawara.

192

Ang planong iyon ay ipinarating sa kanya ni Anghel Gabriel (sumakanya nawa ang kapayapaan). Nang gabi ring iyon, ang mga nagbabalak pumatay sa kanya ay maagang dumating at pinalibutan ang kanyang tirahan, subali't inatasan ng Propeta ang kanyang pinsan na si Ali Ibn Abi Talib na humiga sa kanyang kama. Pagkatapos, si Propeta Muhammad at si Abu Bakr ay lumabas ng kanyang bahay. Hindi sila napansin ng mga nakaantabay sa labas ng kanyang bahay sapagka't pinalabo ng Allâh ang kanilang mga mata upang hindi nila makita ang paglabas ni Propeta Muhammad . Nilagyan ni Propeta Muhammad ng alabok ang kanyang kamay at hinaplos niya ang bawa't ulo ng mga nag-aabang sa kanya upang hindi siya makita at nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang sapitin nila ang yungib ng Thour pababa ng Makkah sa bandang gilid ng Yemen. Matapos na kanilang lisanin ang kanyang tahanan, may dumaan na isang taga-Makkah at nakita ang mga taong nagaabang sa labas ng tahanan ni Propeta Muhammad at nagtanong kung ano ang kanilang ginagawa roon. Sinabi nilang inaabangan nila si Propeta Muhammad upang patayin. Sumagot ang taong dumating, kanina ko pa nakitang naglalakad si Muhammad kasama si Abu Bakr. Labis ang kanilang pagkagulat nang malamang dumaan na pala sa kanilang harapan ang Propeta ng Allâh at nilagyan nito ng buhangin ang kanilang mga ulo. Upang makatiyak na wala na nga ang Propeta , kanilang pinasok ang loob ng bahay at laking gulat nila nang kanilang mabatid na si Ali at hindi ang Propeta ang nakahiga sa higaan. Saka pa lamang nila napatunayang nakaalis na nga si Propeta Muhammad at ang kasama nitong si Abu Bakr. Dahil hindi sila naniniwala sa nangyari, inisip na lamang nila itong isang himala na isinagawa ng isang salamangkero. Samantala, ipinagpatuloy nila ang pagtugis at kanilang sinundan ang mga bakas ng dinaanan nina Propeta Muhammad at Abu Bakr upang ipagpatuloy ang kanilang layunin. Ang mga bakas na kanilang nasundan ay huminto sa bukana ng yungib ng Thour. Ang pangyayaring ito ay inilahad ng Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan sa Banal na Qur'an: Kung siya (Muhammad ) ay hindi ninyo tutulungan ito ay hindi mahalaga, sapagka't ang katotohanan siya ay tinulungan ng Allâh. Nang ang mga hindi sumasampalataya ay magtaboy sa kanya sa labas; ang pangalawa sa dalawa, nang si Muhammad at Abu Bakr ay nasa loob ng yungib, at kanyang (Muhammad ) sinabi sa kanyang kasama (Abu Bakr): Huwag kang matakot, katotohanan ang Allâh ay nananatili sa atin. At ibinaba ng Allâh ang Kanyang Sakinah

192

(kapanatagan, kahinahunan, kapayapaan atbp.) sa kanya at Kanyang pinalakas ang puwersa sa tulong ng mga anghel na hindi ninyo nakikita, at ginawa Niya ang mga salita ng mga hindi nananampalataya na pinakamababa (walang halaga), datapuwa't ang Salita ng Allâh ang higit na naging mataas (tampok), at ang Allâh – ang Makapangyarihan, ang Tigib ng Kaalaman. (At-Taubah-9:40) Ang yungib ng Thour ay matatagpuan pa rin hanggang sa kasalukuyan ng sinumang magnais masaksihan ito. Ako ay nagpapasalamat sa Allâh sapagka't nagkaroon ako ng pagkakataong marating ang yungib na ito. Ito ay matatagpuan sa tuktok ng Bundok ng Thour. Ang butas ng yungib ay humigit kumulang 60 hanggang 70 sentimetro at kung sinuman ang maghangad pumasok sa loob nito ay kinakailangang gumapang upang makapasok. Ang sukat ng loob nito ay humigit kumulang isang metro-kudrado at sinuman ang nasa loob ay hindi maaaring tumayo. Hanggang tatlong katao lamang ang maaaring manatili sa loob ng yungib. Ito ang yungib kung saan si Propeta Muhammad at si Abu Bakr Asseddeeq ay nanatili ng tatlong araw matapos iwasan ang mga humahabol sa kanila na nagmula sa Makkah. Balikan natin ang ilang pangyayari. Si Abu Bakr ay gumamit ng mga sanga ng puno upang pawiin ang mga bakas na naiwan nila sa harap ng yungib. Makaraang si Propeta Muhammad at si Abu Bakr ay makapasok sa loob nito, nagpadala ang Allâh ng malaking bahay ng gagamba sa mismong bunganga ng yungib. Gayundin, naglagay ang Allâh ng isang kalapati na nangingitlog sa pugad sa bandang harapan ng butas nito. Ito ay isang patunay sa Ganap na Kapangyarihan ng Allâh at ang Kanyang kakayahang gumawa ng anumang bagay na Kanyang naisin. Pagsapit ng mga humahabol sa unahang bahagi ng yungib, nakita nila ang ilang bakas na naiwan. Subali't hanggang doon na lamang ang marka ng mga ito. Nang kanilang pagmasdang mabuti ang bunganga ng yungib, nakita nila ang malaking bahay ng gagamba na nakaharang sa bunganga nito at ang kalapating nagpapahinga sa kanyang pugad. Kanilang inakala na ang bahay ng gagamba na nakaharang dito ay matagal ng nakasabit. Kaya't hindi nila inasahang ang kanilang hinahabol ay maaaring nakapasok sa loob nito. Sa pagkakataong iyon wala silang nagawa kundi lisanin ang pook na may pagkadismaya sa mga nangyari. Ito ay ilan lamang sa malinaw na mga Tanda ng Kapangyarihan ng Allâh na ipinagkaloob sa Kanyang Propeta .

192

Iniligtas Niya ang Kanyang Sugo mula sa mga hindi mananampalataya na ating matutunghayan sa Banal na Qur'an: At gunitain nang ang mga hindi sumasampalataya ay nagbalak laban sa iyo (O Muhammad ) upang ikaw ay ipiit, o ikaw ay patayin, o ikaw ay kanilang maitaboy mula sa iyong tahanan sa Makkah; sila ay nagbabalak at ang Allâh ay nagbabalak din, at ang Allâh ang pinakamagaling sa lahat ng mga nagbabalak. (Al-Anfal-8:30) Tunghayan natin bilang karagdagang patunay ang isa pang kaganapan makaraang hindi magtagumpay ang naghahangad sa buhay ng Propeta sa unang pagkakataon. Ito ay nangyari bago ipahayag ang talata na pangangalagaan siya ng Allâh. Matapos mabigo ang planong pagpatay ng mga taga-Makkah kay Muhammad , sila ay nagpatuloy sa paglalakbay patungong AlMadinah Al-Minawara. Sa isang banda, ang mga lider sa Makkah ay nagbigay ng malaking halaga bilang pabuya sa sinumang makapagbabalik sa Makkah kina Muhammad at Abu Bakr buhay man o patay, upang sila ang magsagawa ng planong iyon. Ang isa sa naghangad upang isakatuparan ang pagpatay ay si Suraqa Ibn Malik na nagmula sa Bani Medlej. Ang taong ito ay kilala bilang isang malakas na lalaki at may pambihirang kakayahan sa pagtudla gamit ang sibat gaano man ang layo ng asinta nito. Ayon kay Suraqa: Narinig ko ang tungkol sa malaking pabuya na naghihintay sa sinumang makapapatay kay Muhammad at sa aking paghahangad na makakuha ng malaking halaga, sinimulan kong kumalap ng mga impormasyon tungkol sa kanya at sa kanyang kasama. Una kong napagalamang malapit na sila sa baybayin ng Yathrib. Tinungo ko ang nasabing lugar gamit ang aking kabayo upang sila ay sundan. Nang malapit na ako sa kanila, kitang-kita ng dalawa kong mata kung papaanong ang aking kabayo ay madapa at bumagsak sa lupa. Pagkaraan, muli kong pinatayo ang aking kabayo at pinalo upang tumakbo papalapit sa kanila, subali't ang kanyang dalawang binti ay lumubog sa buhanginan hanggang tuhod. Naganap ito ng maraming beses habang si Muhammad at ang kanyang kasama ay nakamasid lamang sa akin na para bang hindi alintana ang mga nangyayari. Nasabi ko sa aking sarili na si Muhammad ay may kakaibang katangian kung saan ang lahat nang kaganapan sa kanyang sarili ay pawang mga tanda at pagpapala sa kanya ng Allâh – ang Makapangyarihan. Nilapitan ko siya at humingi ako ng tawad sa kanya at pinatawad niya ako. Humingi rin ako ng sulat mula sa kanya upang maging ligtas ang aking paglalakbay patungong Yathrib. Inutusan ni Muhammad

192

si Abu Bakr na isulat ang kanyang sinasabi bilang garantiya sa aking kaligtasan sa paglalakbay. Bago ko nilisan ang pook na iyon, isinuot sa akin ni Muhammad ang isang pulseras na diumano ay pag-aari ni Khosrau. Sa aking pakikipagkitang muli sa mga lider ng tribung Quraish na naninirahan sa Makkah, aking isinalaysay ang mga nangyari. Lumipas ang maraming araw at taon at patuloy na lumaganap ang Islam mula sa Al-Madinah na umabot hanggang sa ibang bahagi ng daigdig. Hanggang si Suraqa ay nakarating sa Al-Madinah ng ligtas at nang maglaon ay yumakap sa pananampalatayang Islam. Hindi nagtagal si Propeta Muhammad ay namatay at bilang unang kalipa si Abu Bakr Asseddeeq (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) ang nagpatuloy sa pagpapalaganap ng Pananampalatayang Islam. Bago pumanaw si Abu Bakr ay naisalaysay niya kay Omar IbnulKhattab ang kuwento tungkol sa sulat mula kay Propeta Muhammad para kay Suraqa at ang pulseras ng Khosrau na kanyang isinuot sa braso nito. Si Omar Ibnul-Khattab ang pumalit bilang pangalawang Kalipa ng Islam pagkaraan ng kamatayan ni Abu Bakr. Sa mga sumunod na pangyayari, ang mga Muslim ay nagwagi laban sa mga taga-Levant at Persia at ang kanilang pangkat ay nagbalik na maraming dalang mahahalagang bagay mula sa digmaan, kabilang dito ang korona ng Khosrau at kanyang pulseras na gawa sa purong ginto na napalilibutan ng mamahaling bato. Matapos mabatid ni Omar Ibnul-Khattab na kasama sa mga labi ng digmaan ang pulseras na ito, siya ay umiyak at inutusan ang kanyang tauhan upang ipatawag si Suraqa Ibn Malik. Pagdating ni Suraqa, kinuha ni Omar ang pulseras at isinuot niya ito sa kanyang braso at sinabing ginawa ko ito sapagka't napag-alaman kong si Propeta Muhammad ay nagsagawa nito at muling naganap ang pagkakasuot nito sa braso ni Suraqa. Ating balikan ang kuwento ni Suraqa at ang pangako ni Propeta Muhammad . Ang brasong ito ay mapapaikutan ng pulseras ni Khosrau, ginawa ito ni Propeta Muhammad habang nananatiling mapanganib ang kanyang sitwasyon magmula nang kanyang simulan ang pagpapalaganap ng Islam at ang ilan sa kanyang dating mga kasamahan ay naghahangad na patayin siya. Kanya itong sinabi nang si Suraqa ay nagnanais na patayin siya at hindi pa yumayakap sa Islam. Sa sumunod pang mga araw, patuloy na nakaranas si Propeta Muhammad ng maraming mga pagsubok at balakid sa kanyang buhay. Isang halimbawa, ang plano ni Suraqa nang pagtangkaan niya ang buhay ng Propeta . Matapos mabigo si Suraqa sa pagpatay sa Propeta , ipinagkaloob sa kanya ng huli ang pulseras ni Khosrau upang

192

ipadama ang wagas na layunin ng kanyang pagpapalaganap ng Islam (Da'wah) at umaasang sa bandang huli ay tatanggapin niya (Suraqa) ang pananampalatayang Islam. Ang pulseras na ito ay pag-aari ng dating hari ng Persia (Khosrau) na siyang namumuno ng halos kalahating bahagi ng mundo sa panahong iyon. Lahat ng nakaalam sa pagbibigay ni Propeta Muhammad ng pulseras ni Khosrau kay Suraqa na taga-Makkah ay nagwikang si Propeta Muhammad ay nasisiraan ng bait. Paanong isusuot ni Propeta Muhammad kay Suraqa ang pulseras ni Khosrau samantalang siya (Muhammad ) ay isang pangkaraniwang tao lamang na nagugutom at halos hindi makahanap ng isang tinapay upang maibsan ang kanyang gutom. Kanila ring sinabi na si Propeta Muhammad ay nababaliw, subali't ang katotohanan, si Propeta Muhammad ay hindi isang baliw bagkus isang Sugo na ipinadala ng Allâh – ang Lumikha ng sanlibutan at Siyang tagapamahala ng lahat at nagbigay ng kaharian kay Khosrau na maaari Niyang bawiin anumang pagkakataon na Kanyang naisin. Sa Banal na Qur'an, ang Allâh ay nagsabi: Sabihin (O Muhammad ): O Allâh! Ang nag-aangkin ng (Kapamahalaan) Kaharian, Kayo ang nagkakaloob ng (kapamahalaan) kaharian sa sinumang Inyong maibigan, at kayo ang bumabawi ng (kapamahalaan) kaharian sa sinumang Inyong maibigan, at Kayo ang naggagawad ng karangalan sa sinumang Inyong pagkalooban, at Kayo ang humahawak sa Inyong maibigan. Nasa sa Inyong mga kamay ang mabuti. Katotohanang Kayo ay may kakayahang gawin ang lahat ng bagay. (Al-Imran-3:26) Si Propeta Muhammad ay hindi isang masamang tao. Katunayan, ang Allâh ay nagpahayag sa kanya ng mga bagay na maaaring mangyari at mga balita sa hinaharap tulad ng Kanyang ipinahayag sa mga naunang Sugo. Tunghayan natin ang sinabi ng Allâh: Siya lamang ang Lubos na Nakababatid ng Al-Ghaib (mga bagay na lingid sa ating kaalaman) at hindi Niya ipinahahayag kaninuman ang Kanyang Al-Ghaib (mga bagay na lingid sa ating kaalaman). Maliban sa isang Sugo sa sangkatauhan na Kanyang hinirang, Siya ang nagpapahayag kaninuman na Kanyang nais at nagtatalaga Siya ng pangkat ng tagapagbantay (mga anghel) upang manguna sa kanyang harapan at kanyang likuran. (Al-Jinn-72:26-27)

192

Matapos ipayahag ang mga talatang nagpapatunay ng pagkalinga sa kanya (Muhammad ) ng Allâh, marami pang mga pagtatangka sa kanyang buhay ang kanyang naranasan, subali't wala isa man sa kanila ang nakapinsala sa kanya. Isa na rito ay ang planong pagpatay sa kanya ng isang Hudyo mula sa maliit na bayan ng Khaibar na sakop ng Al-Madinah. Nakatanggap siya ng pagkain mula sa isang babaeng Hudyo, subali't hindi tinikman ni Propeta Muhammad ang pagkain na sadyang nilagyan ng lason pagkaraang sabihin sa kanya ni Anghel Gabriel (sumakanya nawa ang kapayapaan) ang tungkol dito. Isa pang pagtatangka sa kanyang buhay ang naganap habang siya ay namamahinga sa ilalim ng isang puno nang isang lalaki ang lumapit mula sa kanyang likuran at kinuha ang kanyang espada na nakasabit sa puno at tinanong siya kung sino pa ang makapagliligtas sa kanya sa ganoong pagkakataon. Si Propeta Muhammad ay sumagot: "Tanging ang Allâh lamang", kapagdaka'y nahulog ang espada mula sa kamay ng lalaki. Sa isang Hadith (winika ng Propeta ) na inulat ni Anas: Isang babaeng Hudyo ang nagpadala ng pagkain (tupang may lason) sa Propeta ng Allâh at tumikim lamang siya ng isang hiwa mula rito. At kanya itong ipinatawag at tinanong kung bakit niya iyon ginawa. Sinabi ng babae "gusto kitang patayin." Pagkatapos sinabi ni Muhammad : hindi ito ipinahintulot ng Allâh. Katotohanan, ang pangako ng Allâh na pangangalagaan siya ay natupad, kahit nabibilang siya sa pinakamapanganib na nilikha sa kanyang panahon. Ang tatlong Kalipa ng Islam na sina Omar, Othman at Ali ay pinatay sa pamamagitan ng pataksil na pagpatay (assassination). Gayundin ang ilang hari at emperor ay pinatay habang sila ay nasa loob ng kanilang mga kaharian na napalilibutan ng mga matataas na bakod at matatatag na rehas at binabantayan ng mga armadong sundalo. Ang ilan sa mga palatandaan na naitala sa mga kapahayagan ng Allâh para sa Kanyang mga propeta, mas higit para kay Propeta Muhammad ay matutunghayan ayon sa sinabi ng Allâh sa Banal na Qur'an: Katotohanan, Kami, at Kami ang nagpadala ng mga panalangin (Dhikr - Banal na Qur'an) at katiyakan, Amin itong pangangalagaan mula sa anumang katiwalian (pagkasira). (Al-Hijr-15:9)

192

Ito ay malinaw na pangangalagaan ng Allâh ang Banal na Qur'an sa anumang pagkasira, pagbabawas, pagpapalit at pagdaragdag sa dalang mensahe nito hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Nang ipahayag ang Banal na Qur'an kay Propeta Muhammad , napag-alaman niya sa pamamagitan ng Allâh na ang mga Hudyo at Kristiyano ay binago ang tunay na nilalaman ng Torah at Ebanghelyo. Ayon sa mga salaysay ng mga dalubhasa sa kasaysayan ng Angkan ng Kasulatan na yumakap sa pananampalatayang Islam, nabatid niya (Muhammad ) ang walang patumanggang pagbabago na isinagawa sa Torah at sa Ebanghelyo na pinatunayan ng Banal na Qur'an. Pagkaraan ng mahigit 1,400 na taon, ang Banal na Qur'an ay nananatiling kilala at tanyag sa buong mundo bilang isang Aklat na nananatiling malayo sa anumang pagbabago sa kabuuang anyo nito kung paanong ito ay ipinahayag ng Allâh sa Kanyang huling Sugo na si Propeta Muhammad . Katunayan, ito ay matatagpuan saan mang panig ng mundo at sinuman ang magnais na alamin ang bilang ng mga kabanata, talata, at bilang ng mga titik nito, matutunghayan na ito ay nananatiling buo at walang anumang pagkukulang. Sa paglipas ng mga taon, maraming tao na may negatibong pagtingin sa Islam ang nagtangka na ito ay baguhin, sirain o di kaya ay palitan ang orihinal na anyo, subali't kailanma'y hindi sila nagtagumpay. Ang mga hangaring iyon ay pinatunayan hindi lamang ng iisa kundi ng maraming mga Iskolar ng Islam. Maging sa panahon ng makabagong teknolohiya, makikita natin ang mga nagbabalak sumira nito sa pamamagitan ng paglalathala sa mga internet screen ng maling mga impormasyon tungkol sa tunay na katuruan ng Islam. Sa katunayan ang salita ng Allâh ay mananatili at ang patunay nito ay ang Kanyang sinabi sa Banal na Qur'an: Katotohanan, Kami, at Kami ang nagpadala ng mga panalangin (Dhikr-Banal na Qur'an) at katiyakan, Amin itong pangangalagaan mula sa anumang katiwalian (pagkasira). (AlHijr-15:9)

Ang mensaheng dala ng Banal na Qur'an ay namamalagi sa puso ng bawa't Muslim. Ipinagkaloob ng Allâh na maging madali para sa sinumang pagkalooban Niya ng kakayahang isaulo ang buong Aklat na ito saan mang panig ng daigdig. Makikita natin ang ilang bata na nasa 10 taong gulang pa lamang na pinagkalooban ng Allâh na maisaulo ang kabuuan ng Banal na Qur'an. Hindi katulad ng Torah at Ebanghelyo na ipinadala kay Moises at Hesus (sumakanila nawa ang kapayapaan) na binago ng

192

kanilang mga tagasunod mula sa orihinal na pagkakapahayag nito pagkaraan ng kanilang pamamalagi rito sa mundo. Sa kasalukuyan, ito ay naisalin ng maraming beses na magkakaiba ang nilalaman, patunay na ang mga bagong-saling aklat na ito ay hindi ang orihinal na Torah at Ebanghelyo na ipinadala sa kanila. Maghain tayo ng ilang mga katanungan na nangangailangan ng matapat na kasagutan tungkol sa mga aklat na ipinadala sa ating mga kapatid na Kristiyano:

Nasaan ang orihinal na Ebanghelyo ni Hesus? Ito ba ang aklat na sinulat nina Mateo, Markus, Lukas at Juan. O 'di kaya ay ang aklat ni Barnabas na pilit itinago subali't pinahintulutan ng Allâh na malantad at makarating sa kaalaman ng sangkatauhan. Mayroong apat na Ebanghelyo sa kasalukuyan ang hayag sa inyo, subali't ito ay kakikitaan ng mga pagkakaiba at pagsasalungatan sa sariling kahulugan at konsepto!

Kailangan natin ng makatuwirang kasagutan sa mga sumusunod na katanungan.

Nasaan ang tunay na Ebanghelyo ni Hesus sa kasalukuyang panahon? Ito ba ang aklat na kinapapalooban ng iba't ibang ebanghelyo na umabot sa 70 beses na pagkakasalin?

Ang pagsasalungatan sa mga nilalaman at konsepto nito ay maliwanag na batayan sa pagbibigay katiyakan na hindi ito ang tunay na Ebanghelyo na ipinahayag kay Hesus? Sa Ebanghelyo ni Hesus na mababasa natin sa kasalukuyan, mababatid nating ito ay likha na lamang ng mga taong gumawa nang maraming kamalian para sa pansariling kapakanan. Narito ang aming Panginoon at inyong Panginoon, ang Nag-iisa – ang Natatangi, na nagpadala sa inyo ng Banal na Qur'an at nagsabi: O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano)! Ngayon ay dumating sa inyo ang Aming Sugo (Muhammad ) na nagpapaliwanag sa inyo ng mabuting bagay na inyong ikinubli mula sa Kasulatan at ipinagwalang bahala. Katotohanang dumating sa inyo mula sa Allâh ang isang liwanag (Propeta Muhammad ) at isang Aklat (ang Qur'an). Dito ang Allâh ay namamatnubay sa mga naghahanap ng mabuting bagay tungo sa kapayapaan, at sila ay Kanyang iniaahon mula sa kadiliman tungo sa liwanag sa sinumang Kanyang naisin at

192

iginagabay sa tuwid na landas (kaisahan ng pagsamba sa Islam). (Al-Ma'idah-5:15-16) Sinabi pa ng Dakilang Allâh: O Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano): "Bakit ninyo binahiran ang katotohanan ng kasinungalingan at nagtatago sa katotohanan gayong ito ay inyong nalalaman?" (Al-Imran-3:71) Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay muling nagpahayag sa inyo: Kayo ba (na mga matatapat na sumasampalataya) ay umaasa na sila ay maniniwala sa inyong relihiyon, kahit na ang ilang pangkat sa kanilang lipon (ang Hudyo na maalam) ay palaging nakaririnig ng Salita ng Allâh (ang Torah – mga batas), at sila ay tahasang nagbago nito, matapos na ito ay kanilang maunawaan? (Al-Baqarah-2:75) Nasaan ang inyong mabubuti at makatuwirang kaisipan? Na nakauunawa sa kaibahan at pagitan ng tama at mali, at ang katotohanan sa kabila ng kasinungalingan? • Nasaan ang pang-unawa ng mga nilikhang katulad ninyo na may mabuting pag-iisip?

Ito ay mga karagdagang usapin na nabanggit sa Banal na Qur'an at pinatunayan sa mga nagdaang araw, taon at siglo. Ipinadala ng Allâh ang mensaheng ito sa pamamagitan ng Banal na Qur'an para sa mga kasamahan ni Propeta Muhammad : Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong lahat, subali't siya ay Sugo ng Allâh at panghuli sa mga Propeta. At ang Allâh – ang Lubos na Maalam sa lahat ng bagay. (AlAnzab-33:40)

Tanggapin natin ang sinabi ng Allâh sa talatang ito na si Propeta Muhammad ay panghuli sa lahat ng mga propeta. Ito ay malinaw sa mga kapahayagang nauna tulad ng Torah at Ebanghelyo. Bilang isang Sugo at Propeta ng Allâh na nagmula kay Abraham hanggang kay Hesus na anak ni Maria (sumakanila nawa ang kapayapaan) at ipinadala ng Allâh na may pagitan sa bawa't isa. At kung minsan ay higit pa sa dalawang sugo sa iisang panahon para sa isang pamayanan o bansa, at bilang

192

patunay, tunghayan natin ang binanggit ng Dakilang Allâh sa Banal na Qur'an: At iyong ilantad sa kanila ang isang paghahambing (ang kasaysayan) ng mga naninirahan sa bayan ng Antioch nang may dumating sa kanilang mga Sugo. Nang Aming ipinadala ang dalawang Sugo kapwa sila itinakwil, kaya't Aming ipinadala ang pangatlo, at nagsabi: Katotohanang kami ay ipinadala sa inyo bilang mga Sugo. (Ya-Sin-36:13-14) Si Propeta Lut ay ipinadala kasabay ni Propeta Abraham (sumakanila nawa ang kapayapaan) sa iisang panahon. Pagkaraan nang kamatayan ni Propeta Muhammad , wala ng iba pang Sugo ang ipinadala ng Allâh maliban lamang sa mga nagpapakilala na pawang mga huwad at bulaang propeta. Ang isa sa mga palatandaan ay ang tungkol sa pagkalunod ng Paraon ng Ehipto at ang pananatili ng kanyang katawan ng walang pagbabago hanggang sa kasalukuyan. Ito ay isang malinaw na halimbawa para sa lahat ng tao. Ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur'an: At dinala Namin ang mga Angkan ng Kasulatan na taga-Israel sa kabilang ibayo ng dagat habang si Paraon at kanyang mga kasamahan ay tumatanaw sa kanila na may galit at pang-aapi hanggang dumating ang sandaling sila ay malunod at siya ay nagsabi: "Ako ay sumusumpang walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya (Allâh), na siyang sinasamba ng Angkan ng Israel, at ako ay isa sa mga Muslim (sumusuko, sumusunod, at tumatalima sa Allâh)." Ngayon ikaw ay naniniwala bagama't noon ikaw ay nagtatwa sa katotohanan at ikaw ay isa sa Mufsidun (makasalanan, tampalasan, atbp). Kaya't sa araw na ito ay Aming pananatilihin ang iyong patay na katawan mula sa dagat upang ikaw ay maging Tanda sa mga tao na isisilang pagkatapos mo! Katotohanan, marami sa sangkatauhan ang hindi sumusunod sa Aming Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan atbp). (Yunos-10:90-92) Ang kasaysayan tungkol sa pagkalunod ng Paraon ng Ehipto ay naitala sa iba't ibang salaysay. May nagsabing nalunod kasama ang kanyang mga sundalo, may nagsabing kasama niya si Ramis

192

III at mayroong nagsabing kasama niya si Minbitah. Alinman ang totoo sa mga nasabing kasaysayan, iisa lamang ang may katiyakan na sinuman sa panahon na ipinadala ang kapahayagan kay Propeta Muhammad ay walang nakaaalam tungkol sa katawan ni Paraon na hindi ito magbabago, hindi mabubulok at mananatili sa orihinal na anyo at magsisilbing tanda ng Allâh sa mga susunod na henerasyon: "At sa araw na ito Aming itataas ang iyong patay na katawan mula sa dagat upang ika'y maging babala sa mga susunod sa iyo." (Yunos-10:92) Sa panahong ang talatang ito ay ipahayag, ang mga katawan nina Ramis, Minbitah at iba pang mga Paraon ay maaaring nabubuhay pa noong si Moises at Angkan ng Israel ay lumisan mula sa Ehipto. Ang mga katawang ito ay nakalagak ngayon at ginawang Mummies sa Wadi Al-Milouk sa Thebes sa kabilang pangpang ng Ilog-Nile na matatagpuan sa kabila ng Lungsod ng Luxor. Sa katuparan ng sinabi ng ating Panginoon (Allâh): …Upang ika'y maging babala sa mga susunod sa iyo." (Yunos10:90-92)

Upang maging babala para sa sangkatauhan, natuklasan ang mga katawang ito na pawang mga mummies bago matapos ang ika-19 na siglo. Kung ang mga nalunod na Paraon ay sina Ramis at Minbitah, sabay silang masasaksihang nakalagak sa Hall of Royal Mummies sa loob ng Museo ng Ehipto sa may Tahrir Square sa Cairo. Ang katawan ng Paraon ay natunghayan ng libo-libong tao na maaaring kapulutan ng aral para sa kanilang mga sarili tungkol sa kanilang kahihinatnan. Ang katawang ito ay walang anumang tanda ng pagbabago bilang patunay sa sinabi ng Allâh sa Banal ng Qur'an: "At sa araw na ito Aming itataas ang iyong patay na katawan mula sa dagat upang ika'y maging babala sa mga susunod sa iyo." (Yunos-10:92) Ikatlo: Ang makasaysayang himala ng Banal na Qur'an. Ito ay ang paglalahad ng mga kasaysayan ng lahat ng Propeta at mga naunang nilikha na nagmula sa kauna-unahang tao sa mundong ito na sina Adan at Eba. Ang Banal na Qur'an ay tumatalakay din sa pagpapadala ng mga Sugo at Propeta na nagmula kina

192

Noah, Moises, Solomon, David at Hesus na anak ni Maria (sumakanila nawa ang kapayapaan) gayundin ang ginawa ng mga Hudyo at Kristiyano makalipas ang kani-kanilang panahon. Lahat ng kasaysayang ipinahayag ng Allâh sa isang hindi nakapag-aral na Propeta ay batay sa ilang nabanggit na kaganapan sa Torah at Ebanghelyo sa kasaysayan ng mga Hudyo at Kristiyano. Katotohanan, tanging ang Banal na Qur'an na lamang ang pinakamakatotohanang Aklat mula sa Kalangitan ang makapagpapatunay ng iba't ibang pangyayari sa kanilang kasaysayan. Ikaapat: Mga himala sa mga samahang pangkumunidad, mga kriminal at mga alituntunin at batas. Ang Banal na Qur'an ang tumatayo bilang isang organisasyon na kumakatawan sa pantay at makatarungang paghuhusga at maluwag sa anumang patakaran at pagkakataon. Ito ay angkop sa lahat ng rehiyon at panahon hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Hindi baga ang Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya, ang lumikha ng iba't ibang pamayanan at tanging nakababatid kung alin ang mabuti at kung alin ang masama para sa kanila? Ang Allâh – ang Kataas-taasan ay nagsabi: Katotohan, ang Inyong Panginoon ay Tigib ng Kapatawaran. Nababatid ng Allâh ang lahat para sa inyo nang kayo ay lalangin Niya sa mundong ito mula kay Adan at habang kayo ay bilig (fetus) pa lamang sa sinapupunan ng inyong ina. (AnNajm-53:32)

Maraming mga kilalang Kristiyano ang nagpapatupad ng mga batas at alituntunin mula sa Banal na Qur'an at sapat na ang Allâh bilang tagapagpatunay. Ilan lamang ang mga pahayag na ito buhat sa kanila:

1. Isang dalubhasang mambabatas (Santilla) ang sumulat sa kanyang aklat tungkol sa (Islamic Fiqh) batas at mga alituntunin ng Islam. Kasama rito ang pagpapatupad ng batas na naaangkop sa pangangailangan ng tao sa lahat ng panahon. 2. Isang dalubhasang mambabatas na Kristiyano na nagmula sa Salem Al-Baz, Lebanon, ang nagsabi: "Ako ay naniniwala na kung ating ipatutupad ang isang solusyon tungo sa ikabubuti ng suliranin ng tao sa pakikipagkasundo at sa pantay na pakikipagtalakayan, pagsasabatas at pagpapatupad sa mga kasunduan, ito ay 192

makatutulong sa ating pamayanan." Ang lahat ng ito ay matutunghayan sa batas at alituntuning ipinatutupad ng Islam.

3. Isang tagapagturo ng pandaigdigang batas mula sa Harvard University (Hotkin) ang sumulat sa kanyang aklat na pinamagatang The Spirit of World Policy na ipinalabas noong taong 1932. Ayon sa kanya: "Aking nasumpungan ang tamang landas ng pamumuhay pagkaraang aking tanggapin ng bukal sa aking puso at pag-aralan ang tungkol sa Batas ng Islam (Shari'a) na naglalaman ng matatag na panuntunang kinakailangan upang maitaas ang antas ng batas-panlipunan. 4. Sa isang pagtitipon ng mga mambabatas na ginanap sa Vienna noong 1927, Si Ginoong Shira, pangulo ng samahan ng mga mambabatas sa Unibersidad ng Austria ay nagpatunay na ang pag-uugali at pagiging makatao ni Muhammad ay maituturing na dangal ng buong sanlibutan. Sa kabila ng walang pormal na edukasyon ni Muhammad , kanyang naipatupad ng pantay at makatarungan ang mga batas na ipinahayag sa kanya ng Allâh sa Banal na Qur'an na ipatutupad hanggang sa Araw ng Paghuhukom. 5. Ang kilala at tanyag na mambabatas na si Kihlar (isang Aleman) ay nagsabi: "Kaming mga mambabatas ng Germany ang unang sumang-ayon na idagdag sa artikulo ng German Civil Law noong 1787 na tumutukoy sa hangganan sa teorya ng opresyon o ang kahalagahan ng sinabing 'iwasan ang makapipinsala sa iyong sarili, gayundin naman sa iba' matapos na aking mabasa ang winika ni Muhammad. Aking sinabi: "Makabubuti para sa batas ng Germany na tigilan ang pagmamalabis laban sa teoryang opresyon at ibahagi na lamang ang nilalaman ng sinabi ng Propeta na nagtatag ng Batas Islamiko sampung dekada na ang nakaraan na maaaring ipatupad sa Germany. 6. Sa isang pagtitipon na tumalakay sa pandaigdigang batas na ginanap sa Hague noong 1932. Isang dalubhasa sa pagtuturo (Lambear) sa pandaigdigang batas tungkol sa agham ang nagsabing tinatanggap niya ang kabuuang alituntunin at batas ng Islam (Islamic-Shari'a).

192

7. Ang pagkakaroon ng Batas Islamiko (Shari'a) bilang isang mahalagang batayan sa pagpapatupad ng batas ay isa sa resolusyon na isinulong ng pangdaigdigang pagpupulong ng mga mambabatas na ginanap sa Hague noong 1937. Ito ang Banal na Qur'an, ang ating Saligang Batas, isang kapahayagan mula sa Allâh na tigib ng kaalaman at pang-unawa. Ito ang binigyang-linaw ng Propeta , ang Aklat na walang hangganan ang kaakibat na katotohanan ayon sa mga dalubhasa. Maraming taon na ang nagdaan, marami na rin ang nagbago at natuklasang mga bagay na dati'y lingid sa ating kaalaman ang naipahayag na, higit sa larangan ng agham na umabot sa mataas na antas ng malawak na usapin tungkol sa larangan ng astronomy, geology, geography, atonomical at electronics. Mahigit 14 na siglo na ang nagdaan matapos ipahayag ang Banal na Qur'an, kung saan ang mga himalang naitala ay nagpapatunay sa dalang mensaheng angkop at sang-ayon sa lahat ng panahon: Hindi magtatagal at Aming ipakikita sa kanila ang Aming mga Tanda sa buong sanlibutan at sa kanilang mga sarili hanggang ito ay maging malinaw sa kanila na ito (Qur'an) ang katotohanan. Hindi pa ba sapat na ang inyong Panginoon ang saksi sa lahat ng bagay? (Fusillat-41:53)
Ikalima: Maraming himala mula sa Banal na Qur'an ang tumatalakay tungkol sa pangkabuhayan ang natagpuan sa mga talata nito at nagbigay-linaw na ang Banal na Qur'an at ang Islam ay hindi lamang karaniwang mga kataga o mga kasabihan, o di kaya ay paraan lamang ng pagsamba. Bagkus, ang Islam ay sandigan nang malinaw na alituntunin na tumatalakay sa tamang paraan ng pamumuhay at pamunuang karapat-dapat sundin. Lahat ng ito ay tinalakay sa Aklat ng Allâh na naaangkop sa pangkalahatang aspeto ng pamumuhay ng mga nilikha, saan mang panig ng mundo at sumasakop sa anumang pagkakataon sa lahat ng panahon. Ipinagbawal ng ating Panginoon sa Banal na Qur'an ang tungkol sa patubuan, at Kanyang sinabi: O kayong mga sumasampalataya! "Huwag kayong magkamal ng Riba (kinita sa patubuan mula sa salapi at pautang) ng dalawang beses at paulit-ulit, datapuwa't katakutan ang Allâh upang kayo ay maging matagumpay.” (Al-Imran-3:130)

192

Sinabi pa ng Allâh: O kayong mga mananampalataya! Matakot sa Allâh, at alisin (o iwaksi) ang anumang nalalabing Riba (kinita sa patubuan mula sa pera at pautang). Kung kayo ay tunay na mananampalataya. At kung hindi ninyo ito gagawin, magsipaghanda sa isang digmaan mula sa Allâh at Kanyang Sugo. Subali't kung kayo ay nagsisi, makakamit ninyo ang inyong puhunan. Makitungo nang may katarungan at kayo ay pakikitunguhan ng makatarungan. At kung ang may utang ay nasa kagipitan, bigyan siya ng palugit hanggang maluwag sa kanya ang pagbabayad. Subali't kung kayo ay nagbigay ng patawad sa pagkakautang bilang kawanggawa, ito ay higit na mabuti sa inyo kung inyo lamang nababatid. At matakot sa pagdating ng takdang Araw na kayong lahat ay ibabalik sa Allâh. At bawa't tao ay babayaran ayon sa kanyang pinagsumikapan. At walang sinumang pakikitunguhan ng di-makatarungan. (Al-Baqarah-2:278-281) Sa iba pang talata: Silang lumalamon ng Riba (kinita sa patubuan mula sa pera at pautang) ay hindi titindig sa Araw ng Paghuhukom maliban lamang sa katulad ng isang pinapalo ni Satanas tungo sa kabaliwan. Sa dahilang sila ay nagsasabi: Ang pangangalakal ay katulad ng Riba (kinita sa patubuan mula sa salapi at pautang), samantalang pinahihintulutan ng Allâh ang pangangalakal at ipinagbabawal ang Riba. Kaya't sinumang tumanggap ng babala mula sa kanyang Rabb (Panginoon) at tumigil sa paglamon sa Riba ay hindi maparurusahan sa kanilang nakaraan. Ang kanyang kalagayan ay sa Allâh (ang paghusga). Subali't sinuman ang bumalik sa Riba, sila ay mananahan sa Apoy – at doon sila mananatili magpakailanman. (Al-Baqarah-2:275) Sa pamamagitan ng mga talatang ito na tumatalakay tungkol sa masamang bunga ng patubuan, nilinaw ng Allâh ang kahihinatnan ng mga taong gumagawa ng di-makatarungang bagay na katulad ng pangangalakal na binigyang-laya sa ilalim ng Batas ng Islam mula sa sosyalismo at hindi pantay na pangangapital at dominasyon sa kalakalan tungo sa matatag na pananampalataya sa Allâh. Batay sa Islamikong pamamaraan ng pangangalakal, ang mga mananampalataya ay inaatasang maglagak at kumita mula sa kanyang salapi ayon sa pamamaraan

192

na hindi makasasama sa iba, magiging balakid sa pamumuhay ng bawa't tao at pag-ikot ng kabuhayan sa malawakang aspeto ng pangangalakal. Ang Allâh ay nagsabi: …Upang ito ay hindi maging isang kayamanang nagpapasalin-salin at ginagamit ng mga mayayaman sa inyong lipon. (Al-Hasr-59:7) Ang patubuan ay isinasagawa ng ilang hindi makatarungang tao ayon sa maruming pamamaraan ng hanapbuhay na sumasalamin sa pansariling adhikain tungo sa masaganang pamumuhay na magdudulot sa kanila ng kasawian sa Araw ng Paghuhukom. Ang sistemang kumakatawan sa patubuan ay nakasisira sa ekonomiya. Karamihan sa mga ekonomistang nagmula sa Germany ay nangangamba sa suliraning maidudulot nito, isa na rito si Schakt, kilala bilang isang mahusay at dating tagapamahala ng German Reich Bank. Sa isang pag-aaral na ginanap sa Damascus noong 1953 ay kanyang sinabi: "Ang kabuuang bilang na kinikita ng mga nagpapautang sa ganitong uri ng hanapbuhay ay napupunta lamang sa iilan, at palagiang ang mga mangungutang ang nagiging talunan." Ang gawaing ito ay patunay lamang sa kasalukuyang kalagayan sa pananalapi saan mang panig ng daigdig na pinamumuhunanan ng iilang mga kapitalista. Samantala, ang ilang nagmamay-ari ng mga pagawaan, mga manggagawa at maliliit na mamumuhunan na umuutang mula sa mga bangko sa paraan ng pagpapatubo ay nabibilang din sa ganitong sitwasyon bilang mga biktima ng ganitong uri ng hanapbuhay. Mahalagang ating bigyang-pansin na ang Islam ay naglatag ng patakaran na maaaring makatulong sa suliraning pananalapi na makatutulong sa pamayanan na nangangailangan ng Zakat (kawanggawa na may katumbas na halaga bilang tungkulin ng isang Muslim). Ito ay kumakatawan bilang haligi ng pangekonomiyang paksa sa Islam na may pinakamahusay na paraan tungo sa mainam na pangangasiwa, may kalayaan, may dignidad at makatao sa buong sanlibutan, Muslim man o hindi. Ang Zakat bilang ikatlong haligi ng Islam ay ipinatutupad upang gawing batayan sa pamamahagi ng yaman sa sinumang nangangailangan. Ito ay isang paraan kung papaano ipatutupad ng marangal ang buwis. Ito ay may kabuuang halaga na dalawa't kalahating bahagi (2.5%) sa kabuuang salaping naipon sa loob ng isang taon. Ito ay isinasagawa lamang ng sinumang may kakayahang magbigay matapos bayarang lahat ang pananagutan

192

tulad halimbawa ng pagkain, pananamit at lahat ng mga gastusin sa tahanan at buong pamilya. Ang ilan sa mga talata na nagpapatunay na ito (Zakat) ay tungkulin ng isang Muslim ay matutunghayan sa Banal na Qur'an: At mag-alay ng Salaah (pagdarasal), at magbigay ng Zakat (kawanggawa na may katumbas na halaga bilang tungkulin ng isang Muslim), at anumang mabuting gawa na pauna ninyong ipinadala para sa inyong sarili ay inyong matatagpuan sa Allâh. Katiyakan, ang Allâh ay lubos na nakakikita ng lahat ng inyong ginagawa. (Al-Baqarah-2:110) Ang pagsusugal, pagmamalabis at pagnanakaw ay hindi pinahihintulutan sa Islam. Gayundin naman ang pandaraya, panlilinlang, pagsisinungaling at hindi pagtupad sa kasunduan na magtutulak upang gumawa ng di-makatarungang bagay. Bilang patunay mula sa Banal na Qur'an, ipinagbabawal ang anumang kinita sa pamamagitan ng pagsusugal: O kayong mananampalataya! Ang mga nakalalasing (lahat ng uri ng inuming may alkohol), at sugal, ang Al-Ansab at Al-Azlam (paggamit ng busog at palaso upang hanapin ang suwerte) ay kasuklam-suklam na gawain ni Satanas. Kaya't talikuran ang lahat ng kasuklam-suklam na bagay upang kayo ay maging matagumpay. Si Satanas ay naghahangad lamang na pasiglahin ang galit sa pagitan ninyo sa pamamagitan ng mga nakalalasing na inumin at pagsusugal, at humahadlang sa inyo sa pag-alala sa Allâh at sa pagdarasal. Kaya't hindi ba kayo magsisitigil? (AlMaidah-5:90-91)

Ang mga talatang ito ang nagpapatunay sa pagbabawal sa pandaraya, panloloko, pagsisinungaling at hindi pagtupad sa mga kasunduan: O kayong Mananampalataya! Huwag ninyong kainin ang mga ari-arian ng bawa’t isa sa inyo ng hindi makatarungan maliban lamang na ito ay isang kalakalan sa pagitan ninyo na may pahintulot sa isa’t isa. At huwag ninyong patayin ang inyong mga sarili o di kaya ay magpatayan sa isa’t isa. Katiyakan, ang Allâh ay Maawain sa inyo. (Al-Nisa-4:29) Pinananatili rin ng Banal na Qur'an ang pagiging makatarungan sa larangan ng pakikipag-ugnayan sa anumang uri ng pangangalakal. Ang Dakilang Allâh ay nagsabi:

192

At ang kalangitan ay Kanyang itinaas ng matayog at Kanyang itinakda ang Timbangan. Upang kayo ay hindi magmalabis sa inyong hangganan (sukat). At panatilihin ang bigat ng may katarungan at huwag ninyong hayaang magkulang ang timbangan. (ArRahman-55:7-9)

Sinabi pa ng Dakilang Allâh: …Kaya't magbigay ng tamang sukat at hustong timbang at huwag ipahamak sa kamalian ang mga tao sa kanilang mga gawain at huwag gumawa ng kabuktutan sa kalupaan matapos na ito ay maitalaga sa inyo, at iyan ay higit na mainam para sa inyo kung kayo ay naniniwala. (Al-Araf-7:85) Itinuro rin sa atin ang pag-iwas sa pagiging sakim at pagmamalabis sa paggugol ng salapi para sa ating sarili at pamilya. Gayundin ay ipinag-utos sa atin na huwag nating patayin ang ating mga anak sa pangambang sila ay magutom. Ang Allâh ay nangako na Kanyang ipagkakaloob ang lahat ng kailangan ng Kanyang nilikha. Siya ay nagsabi: At ibigay sa malapit na kamag-anak ang nararapat para sa kanila at sa (Miskin) mga mahihirap at sa mga naglalakbay na naubusan ng panggastos. At huwag ninyong gugulin ang inyong kayamanan sa walang kabuluhan. Katotohanan, ang mapaglustay ay mga kapatid ni Satanas, at si Satanas ay lagi ng walang utang na loob sa kanyang Panginoon. At kung ikaw (O Muhammad ) ay tumalikod sa kanila (kamag-anak, mahihirap, manlalakbay, kung saan Aming ipinag-utos sa iyo na ibigay ang kanilang karapatan, subali't kung ikaw ay walang salapi sa panahon ng kanilang pangangailangan), at ikaw ay naghihintay ng habag mula sa iyong Panginoon na iyong inaasam, magkagayon, ikaw ay mangusap sa kanila ng mabanayad (ang Allâh ay magkakaloob sa akin, at ako ay magbibigay sa inyo). At huwag hayaan ang iyong kamay na nakatali na katulad ng isang kuripot sa iyong leeg, gayundin, huwag mo itong iunat ng labis na tulad ng mapaglustay upang ikaw ay mabigyan ng sisi at malagay sa matinding kahirapan. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang nagpaparami sa ikabubuhay ng sinumang Kanyang maibigan at Siya ang nagbabawas sa sinumang Kanyang naisin. Katotohanan, Siya ang Laging Nakababatid – ang Ganap na Nakamasid sa Kanyang mga alipin. At huwag ninyong patayin ang inyong mga anak dahil sa pangamba sa kahirapan. Kami ang

192

nagkakaloob sa kanila at sa inyo. Katotohanan, ang pagpatay sa kanila ay isang malaking kasalanan. (Al-Isra'-17:26-31) Sinabi pa ng Dakilang Allâh: …Datapuwa't magbayad kayo ng nararapat dito (ang Zakat, ayon sa kautusan ng Allâh 1/10th o 1/20th) sa araw ng pag-ani at huwag maglustay. Katotohanan, hindi Siya nasisiyahan sa maluluho. (Al-An'am-6:141) Ang pagsalungat sa makatarungan at walang pagkakamaling mga Batas ng Islam tungkol sa sistemang pangkabuhayan, ang buong mundo sa kasalukuyan ay nakikipaglaban sa sistemang ito na napatunayang tiwali maging sa mga pananalita ng mga gumagawa nito. Ang pamunuang Kumunismo, isang halimbawa sa ganitong pamamalakad, ang mga mamamayan ang siyang naghahanapbuhay para sa kanilang pamahalaan at tumatanggap lamang ng maliit na bahagi para sa kanilang pangangailangan. Habang ang ilang mga pinuno ang nagtatamasa at namumuhay ng masagana. Ang naging bunga ng bulok na sistemang ito ay siyang naging sanhi ng pagbagsak at pagkakahiwa-hiwalay ng pamahalaang Kumunismo sa bansang Union Soviet. Sa kasalukuyan ay umiiral din ang sistemang Sosyalismo kung saan ang interes ng pamahalaan o bansa ay mas nakahihigit kaysa sa kapakanan ng bawa't mamamayan, at ang sistemang Kapitalismo na may kalayaan na magkaroon ng sariling pag-aari ang bawa't isa na walang pagbabawal na ipinatutupad maging ito man ay mabuti o masamang paraan. Ang lahat ng sistemang ito ay maliwanag na sumasalungat sa pinaiiral na Batas ng Islam na nagpapalaya sa bawa't tao mula sa Sosyalismo, Kumunismo at pang-aabuso mula sa Kapitalismo at nagtutulak sa mga Muslim na tanggapin ang pagpapalayang ipinagkaloob sa kanila ng Makapangyarihang Allâh. Katunayan, ang damdamin ng isang tunay at matapat na Muslim ay tigib ng pananampalataya, kung saan siya ay naniniwala na tanging ang Dakilang Allâh lamang ang nagbigay-buhay at ang lahat ng pangangailangan ng bawa't isa. Hindi kailanman nangangamba laban sa kahirapan at naniniwala na sa Kabilang Buhay ay may naghihintay na masaganang pagpapala. Sa kabila ng aming mga nabanggit tungkol sa mahusay na paguugali ni Propeta Muhammad , gayundin ang nilalaman ng Banal na Qur'an, ang Islam ay patuloy pa ring tampulan ng mga pagtuligsa mula sa mga Taga-silangan na walang hinangad kundi makipagtalo sa mga usapin na lubhang salat sa anumang kaalaman. Sila ay nagsisikap na wasakin ang magandang

192

reputasyon ng Sugo ng Allâh sa pamamagitan ng nakalalason at mahahalay na mga paratang na walang sapat na batayan maliban lamang sa mga sariling haka-haka at patuloy na binabatikos ang nilalaman ng Pinagpalang Qur'an tulad ng sinabi ng Allâh: At kabilang sa mga taong nakikipagtalo tungkol sa Allâh ay walang kaalaman o patnubay sa isang Aklat na nagbibigay liwanag mula sa Allâh at taas ang kanyang leeg sa kapalaluan (na malayo sa landas ng Allâh) at inaakay ang iba ng malayo sa pagkakaligaw mula sa landas ng Allâh. Sa kanya ay mayroong kahihiyan sa buhay sa mundong ito, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay Aming ipalalasap sa kanya ang parusa ng naglalagablab na Apoy. (Al-Hajj-22:8-9) Ang isa sa mahalagang paksa na nagdulot ng malaking bahagi sa talakayang ito mula sa mga taong naghahangad na siraan si Propeta Muhammad , ay ang pagkakaroon niya ng siyam na asawa sa iisang pagkakataon. Ang mga taong ito ay paulit-ulit na pinag-uusapan at binabatikos ang bagay na ito, bagama't ang pag-aasawang ito ni Propeta Muhammad ay naganap sa edad niyang 50, pagkaraan ng kamatayan ng kanyang kauna-unahang asawa na si Assayeda Khadija (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) at sa simula ng kanyang pagpapalaganap ng Islam. At sa gitna ng pakikipagdigmaan at sa panahon ng pananalasa ng kanyang mga kaaway at sa sinasabi ng mga mapanirang tao laban sa pinagpipitagang Sugo ng Allâh. Upang pasinungalingan ang sinasabi ng mga Taga-silangan, aking babanggitin ang ilan sa mga kalagayan at dahilan na naitala ng mga manunulat ng kasaysayan upang iparating ang mga karapatan ng Propeta na binigyan ng sapat na katarungan at ipinagkaloob sa kanya ng Allâh bilang Kanyang Sugo , bilang patunay ang Allâh ay nagsabi: At katotohanan, ikaw (O Muhammad ) ay nasa ipinagkakapuring antas ng kagandahang asal. (Al-Qalam-68:4) 1. Ang unang naging asawa ni Propeta Muhammad makalipas ang kamatayan ni Khadija ay si Assayeda Sawda Bint Zuma'a (nawa'y kalugdan siya ng Allâh). Si Assayeda Sawda ay napangasawa ni Propeta Muhammad noong siya ay matanda na. Wala siyang taglay na

192

kagandahan sa kanyang sarili at hindi tanyag sa lipunan. Siya (Assayeda Sawda Bint Zuma'a) ay nagtungo kasama ng kanyang asawang si Assakran Ibn Amr Al-Aamerie sa Abyssinia pagkaraang tanggapin nila ang Islam. Nang mabatid ng ibang mga Muslim ang pagyakap ni Omar Ibnul-Khattab sa Islam, nakaramdam sila ng kapayapaan sa kanilang relihiyon at nagpasyang bumalik sa kanilang lugar sa Makkah. Kabilang sila sa mga bumalik sa Makkah buhat sa Abyssinia. Pagkaraan ng ilang araw matapos marating ang Makkah, si Assakran Ibn Amr AlAamerie (dating asawa ni Sawda) ay pumanaw at naiwan si Assayeda Sawda na nangangamba laban sa maaaring gawin sa kanya ng kanyang ama na isang dimananampalataya. Nang mga panahong iyon, si Propeta Muhammad ay walang asawa sapagka't kamamatay pa lamang ng kanyang asawang si Khadija. Minabuti niyang pakasalan si Assayeda Sawda na naiwan ng asawa na kasalukuyang nalalagay sa masamang sitwasyon dahil sa kanyang mga magulang na di-mananampalataya at upang makaiwas sa anumang masamang mangyayari. Dahil sa kanyang katayuan sa buhay, wala ng maaaring mapangasawa si Assayeda Sawda dahil na rin sa kanyang katandaan at pagiging isang mahirap. 2. Ang ikalawang naging asawa ay si Assayeda A'isha Bint Abu Bakr Asseddiq (nawa'y kalugdan siya ng Allâh). Batid natin ang kaugnayan ni Abu Bakr kay Propeta Muhammad . Kabalikat niya ito sa pagpapalaganap ng Islam at nangako sa Allâh na tutulungan ang Propeta sa anumang maaaring mangyari. Bago niyakap ni Abu Bakr at ng kanyang pamilya ang Islam, si A'isha ay may dating katipan na nagngangalang Jubair Ibnul-Mot'am Ibn Udai na isang di-mananampalataya. Isang kahiyahiyang sitwasyon ang kinakaharap ni Abu Bakr sa pagkakaroon ng kanyang anak na si A'isha ng isang katipan na di-mananampalataya. Nang mga panahong iyon, si Propeta Muhammad ay nangangailangan ng isang bata at birheng babae upang mapangasawa, sapagka't ang kanyang naunang pinakasalan na si Assayeda Sawda ay matanda na. Bilang pagbibigay-pugay sa pagiging mabuting magkaibigan nila ni Abu Bakr, ipinaabot ni Propeta Muhammad kay Abu Bakr ang kanyang layunin na pakasalan si A'isha upang maibsan ang kahiya-hiyang

192

katayuan ng huli sa pagkakaroon ng anak na may katipan na isang di-mananampalataya. Ang alok ni Propeta Muhammad ay ikinagalak ni Abu Bakr. Makaraang mabatid ang hangarin ni Propeta Muhammad sa kanyang anak, si Abu Bakr ay nagtungo sa bahay ni AlMot'am bin Udai upang wakasan ang dating kasunduan sa pagitan ng kanyang anak na si A'isha at sa kanilang anak na si Jubair, subali't hindi niya ito inabutan. Ang kanyang nakausap ay ang asawa nitong si Umm Jubair na nagsabing mas makabubuting hindi matuloy ang pakikipagtipan ng kanyang anak na si Jubair kay A'isha sapagka't magbubunga lamang ito ng paghihimagsik sa kalooban ng kanilang anak dahil sa pagiging isang Muslimah ni A'isha. Ikinatuwa naman ito ni Propeta Muhammad at kanyang pinakasalan si A'isha, dalawang taon pagkaraan ng kanilang paglikas mula sa Makkah patungong Al-Madinah. Matapos ang pagpapakasal ni Propeta Muhammad kay A'isha (sa edad niyang 10 taong gulang), umani sila ng iba't ibang puna dahil sa pagiging bata pa di-umano ni A'isha. Marami sa mga kababaihan ang mas maagang nagdadalaga kung ihahambing sa mga kalalakihan, at isa si A'isha sa mga ito na nagtataglay ng isang ganap na babae sa kanyang pangangatawan sa murang edad. Sa mga nagdaang taon, nasaksihan natin sa pahayagan ang larawan ng isang 9 na taong gulang na babae na nagmula sa Malaysia habang tangan-tangan ang kanyang bagong silang na sanggol. Sumunod sa pahagang ito, inilathala rin ang larawan ng isang 20 taong gulang na lola mula sa Latin America na hawak-hawak ang kanyang apong lalaki. 3. Ang kanyang ikatlong asawa ay si Assayeda Hafsa Bint Omar Ibnul-Khattab (nawa'y kalugdan siya ng Allâh). Walang makapagsasabing pinakasalan ng Propeta si Hafsa dahil sa taglay nitong kagandahan sapagka't si Hafsa ay hindi isang magandang babae. Si Hafsa ay naiwan ng kanyang asawang si Khunais ibn Huzafah matapos masawi sa labanang naganap sa Bundok ng Badr. Sinikap ni Omar Ibnul-Khattab na maihanap ng mapapangasawa ang kanyang balong anak na si Hafsa. Una niyang nilapitan si Abu Bakr, subali't magalang na tumanggi ang huli sa kanyang alok. Gayundin ang nangyari nang kanyang kausapin si Uthman ibn Affan.

192

Nakaramdam si Omar ng labis na kalungkutan sa kanyang sarili sanhi nang patuloy na pagtanggi ng kanyang mga kasamahan at sa kabiguang maihanap ng mapapangasawa ang kanyang anak. Nilapitan niya si Propeta Muhammad upang idulog ang hinagpis na nararamdaman. Ganon na lamang ang naging lungkot ng Propeta matapos ang dalawang pangunahing tauhan ng Islam ay tumanggi sa kanyang pakiusap. Kaya't minabuti ni Propeta Muhammad na magpahayag ng kanyang pagnanais na pakasalan si Hafza upang mabawasan ang lungkot na nararamdaman ni Omar. Si Propeta Muhammad ay higit na mainam kung ihahambing kina Abu Bakr at Uthman. Pagkaraan nito, ang pangalan ni Hafza ay pinarangalan ng Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan bilang isa sa Ina ng Mananampalataya. 4. Ang ikaapat na asawa ni Propeta Muhammad ay si Assayeda Zainab Bint Jahsh (nawa'y kalugdan siya ng Allâh). Ito ang kasalan na pinagtangkaang bahiran ang reputasyon ni Propeta Muhammad at inakusahan siya bilang isang taong may masidhi at makahayop na pagnanasang seksuwal sa kababaihan. Ito ay nagmula sa mga kaaway ng Islam na sumasalungat sa kanyang matayog at dakilang adhikain sa pagpapalaganap ng Islam. Sila ay gumawa ng iba't ibang paksa na isinalaysay ng mga di-mapagkakatiwalaang manunulat. Ang di-makatotohanang salaysay na ito ay sadyang hindi akma o angkop sa katangian ng isang dakilang Propeta na inilarawan ng Allâh na Kanyang sinabi sa Banal na Qur'an: At katotohanan, ikaw (O Muhammad ) ay nasa ipinagkakapuring antas ng (huwaran) kagandahang asal. (Al-Qalam:68-4) Ang tunay na pangyayari sa kanyang pagpapakasal kay Assayeda Zainab Bint Jahsh ay naisulat ng ganito: Una, si Zainab ay pinsan ni Propeta Muhammad . Siya ay anak ng kanyang tiyahin na si Umaina Bint AbdulMottalib. Lumaki si Zainab na malapit sa Propeta at batid niya ang taglay na kagandahan at mabuting paguugali na naging dahilan upang ipakasal siya sa ampon ni Propeta Muhammad na si Zaid Bin Haritha. Dahil sa iginagalang nila si Propeta Muhammad , walang sinuman sa kanila ang humadlang at masayang tinanggap ng kanyang pamilya ang panukalang ito. Gayunpaman,

192

ang kaalaman mula sa Allâh ay nananatili sa Kanyang mga batas na matutunghayan sa Banal na Aklat na ipinadala kay Propeta Muhammad . Sa panahon ng kasalang iyon, ang mga kilalang tao sa Makkah, lalo na ang mga Quraish ay may sinusunod na kaugalian tungkol sa pag-iisang dibdib sa pagitan ng isang amo at alipin kahit ang dating alipin ay malaya na. Gaano man ang yaman ng isang malayang babae, siya ay hindi pinahihintulutang magpakasal sa isang dating alipin. Subali't ipinahayag ang mga Batas ng Islam upang ipatupad ang batas ng pagkakapantay-pantay ng lahat at tuluyang wakasan ang diskriminasyon sa bawa't tao. Ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur'an: …Katotohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng Allâh ay yaong sumasampalataya ng may At-Taqwa (may takot at labis na nagmamahal sa Allâh). Katotohanan, ang Allâh ay Tigib ng Karunungan – ang Ganap na Nakababatid ng lahat ng bagay. (Al-Hujurat-49:13) Hangad ng Allâh na tanggalin ang di-makatarungang tradisyon at kaugalian bago dumating ang Islam. Ang Islam ay ipinahayag upang wasakin ang lahat ng bagay na namamagitan sa kalagayan ng tao. Ang unang kaganapan ay nangyari kay Zainab Bint Jahsh, ang pinsan ni Propeta Muhammad na nagmula sa isang kilalang angkan ng Quraish. Ito ay naganap din kay Zaid Ibn Haritha, isang dating alipin ni Propeta Muhammad subali't binigyan niya ito ng kalayaan at itinuring na sariling anak na nanirahan sa kanyang tahanan. Ang katuparan ng kapahayagang ito ay ang pagpapakasal ni Propeta Muhammad kina Zainab at dating alipin na si Zaid. Si Propeta Muhammad ay nagtungo sa kapatid ni Zainab na si Abdullah Bin Jahsh upang ipabatid ang planong pagpapakasal ni Zaid kay Zainab. Pagkaraang mabatid ang alok ni Propeta Muhammad nakaramdam sila ng kahihiyan sa kanilang sarili at sumang-ayon na lamang sa dahilang si Propeta Muhammad mismo ang namagitan sa alok na pagpapakasal ni Zaid kay Zainab. Inakala nilang mula sa marangal na angkan ng mga Quraish o 'di kaya ay mula sa Ansar ang magiging asawa

192

ni Zainab. Subali't paano nila matatanggihan ang alok ni Propeta Muhammad na walang sama ng loob na maaaring mamuo sa puso nito. Ang Allâh ay nagpadala ng talatang ito sa Kanyang Sugo : Hindi nararapat sa isang mananampalataya, lalaki man o babae, na kung ang isang bagay ay napagpasiyahan na ng Allâh at ng Kanyang Sugo, at nagkaroon pa kayo ng ibang pamimilian sa kanilang pasya, at kung sinuman ang sumuway sa Allâh at sa Kanyang Sugo, katotohanang siya ay naligaw ng malayo. (Al-Anzab-33:36) Dahil sa ipinadalang Banal na Kapahayagan, natapos ang argumento tungkol dito at sa huli, walang nagawa si Zainab kundi ang sumunod na lamang sa utos ng Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan at sa Kanyang Propeta . Sa kabila ng pagpapakasal ni Zainab kay Zaid, nandoon pa rin ang pagtutol sa kanyang sarili. Nagpakasal lamang siya kay Zaid upang kalugdan siya ng Allâh. Ipinagkaloob niya ang kanyang sarili, subali't hindi ang kanyang puso at kaluluwa. Ang kanyang damdamin ay nananatiling hindi tumutugon upang siya ay maging isang mabuting asawa. Pagkaraan ng maikling panahon ng kanilang pagsasama, si Zaid ay nakaranas ng iba't ibang sitwasyon na naghatid ng pasakit sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Kaugnay nito, si Zaid ay patuloy na dumaraing kay Propeta Muhammad tungkol sa kanyang kalagayan sa piling ni Zainab. Sa ganitong kalagayan, dumating ang pangalawang bahagi sa maselang katayuan ni Propeta Muhammad . Ang mabigat na suliranin ay tungkol sa naganap na kasalan nina Zaid at Zainab, at ang kautusan ng Allâh na ipinahayag sa kanya sa pamamagitan ni Anghel Gabriel. Ang mensahe ay nag-uutos na kailangang pakasalan ni Propeta Muhammad si Zainab upang putulin ang paniniwala na hindi makatarungan na pakasalan ang isang diborsyada ng kanyang ampon. Sa kalagayang iyon, si Propeta Muhammad ay nalagay sa isang hindi mainam na katayuan. Ang Propeta ay likas na mahiyain kaya't wala siyang lakas ng loob upang ito ay ipaalam kay Zaid (ang kanyang ampon at dating alipin) na ang babaeng kanyang pinakasalan ay magiging asawa ng Propeta sa bandang huli. Sa bawa't pagkakataon na lalapit si Zaid sa Propeta upang hingin ang layang

192

makipaghiwalay sa kanyang asawang si Zainab, lagi niyang sinasabing manatili sa pakikisama sa kanyang asawa at matakot sa Allâh. Kahit naipahayag na ang talatang ito na isang maliwanag na utos mula sa Allâh para sa lahat ng tao, at upang pawiin ang kahihiyan ng Propeta , ito ang kapahayagan na ipinadala sa kanya: At alalahanin! Nang iyong sabihin sa kanya (Zaid ibn Haritah, ang pinalayang alipin ng Propeta) na nakatanggap ng biyaya (liwanag) mula sa Allâh sa pamamagitan ng pagbibigay ng patnubay sa kanya sa Islam at ng iyong paglingap (O Muhammad, sa kanya): "Panatilihin mo sa iyo (sa pagkakaroon ng kasal) ang iyong asawa (Zainab), at pangambahan mo ang Allâh." Datapuwa't ikinubli mo (Muhammad ) sa iyong puso ang bagay na ipinaalam na ng Allâh sa iyo na siya [Zainab] ay Kanyang ipagkakaloob sa iyo bilang asawa, ang bagay na nais maging lantad sa Allâh; pinangambahan mo (Muhammad ) ang mga tao (na magsabing si Muhammad ay ikakasal sa diborsyadang asawa ng kanyang alipin), datapuwa't higit na tama na ikaw ay mangamba sa Allâh. At nang pawalang saysay niya (Zaid) ang kasal niya sa pamamagitan ng diborsyo sa kanya (Zainab) ay Aming pinagsama kayo (Muhammad at Zainab) sa isang kasal upang sa gayon, sa darating na panahon, ay wala ng sagabal sa mga sumasampalataya tungkol sa mga bagay ng kanilang pag-aasawa sa naging asawa ng kanilang mga ampong lalaki, kung ang huli (mga ampong lalaki) ay magpawalang saysay ng kanilang kasal o makipagdiborsyo sa kanila. At ang ipinag-utos ng Allâh ay dapat matupad. Hindi kasalanan ng isang Propeta ang anumang bagay na pinahintulutan ng Allâh sa kanya. Ito ang Pamamaraan ng Allâh sa mga tao (mga Propeta ) sa mga panahong lumipas. At ang Pag-uutos ng Allâh ay isang Kautusan na naitakda na. Ito ang kinagisnan ng mga nangangaral ng Mensahe ng Allâh at nangangamba sa Kanya, at walang kinatatakutan maliban sa Allâh. At sapat na ang Allâh upang tawagin ang mga tao para magsulit. (Al-Ahzab33:37-39)

Matapos ipahayag ni Propeta Muhammad ang mga talatang ito sa kanyang mga kasamahan, at kanilang maunawaang mabuti, ang mga talatang ito ang nagpahintulot kay Zaid na hiwalayan si Zainab.

192

Pagkaraan, si Zainab ay pinarangalan ng Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan sa pagpapakasal niya sa Propeta . Naging dahilan ito upang si Zainab ay magmalaki sa ibang asawa ng Propeta . Kanyang sinasabi pagkaminsan na siya ay pinakasalan ng Propeta sa pamamagitan ng kapahayagan mula sa Allâh. Sa ibang salaysay ni Muhammad Ibn Abdullah Ibn Jahsh, na kanyang pamangkin: Isang araw habang si Zainab at A'isha ay nagpapaligsahan kung sino ang mas mahusay sa kanilang dalawa, nabanggit ni Zainab na siya ay pinakasalan ng Propeta dahil sa kautusan ng Allâh at sinabi naman ni A'isha na ang kanyang pagiging inosente sa bagay na iyon ay nagmula sa itaas na kapwa nila sinang-ayunan. 5. Ang kanyang ikalimang asawa ay si Ramlah Bint Abi Sofyan (nawa'y kalugdan siya ng Allâh), kilala siya bilang Umm Habibah. Ang kasaysayan ng kanyang pagpapakasal sa Propeta ay nagbunga ng bagong imahe kung paano ang Propeta ay nakiramay sa kabiguang dinanas at tumulong upang maitaas ang dignidad ng babaeng ito (Umm Habibah). Si Umm Habibah ay anak ni Abi Sofyan, isa sa kilalang pinuno ng mga di-mananampalataya na tumutuligsa kay Propeta Muhammad sa pagpapalaganap ng Islam. Sa kabila ng pagtutol ng kanyang ama sa Islam, tinalikdan niya ang kanyang ama (Abi Sofyan) at tinanggap ang pananampalatayang ito. At siya ay sumama sa kanyang asawang si Ubaidullah ibn Jahsh kasama ng ibang mga Muslim na nagtungo sa Abysinnia. Malaki ang naging bahagi ng kasawian sa kanyang sarili pagkaraan na ang kanyang asawa ay yumakap sa Kristiyanismo pagsapit nila sa Abysennia. Ito ay naging malaking dagok kay Umm Habibah makaraang ang kanyang asawa ay matukso ng demonyo at magpasyang sumanib sa Kristiyanismo sa bansang Abysinnia, matapos nilang tanggapin ang pananampalatayang Islam. Ito ang naging dahilan upang siya ay mapilitang makipaghiwalay sa dati niyang asawa. Hindi niya magawang bumalik sa Makkah mula sa Abysinnia sa pangamba sa kanyang malupit na ama at mga kamag-anak, sapagka't hindi naging maganda ang kinasapitan ng kanyang buhay. Lahat ng ito ay nakarating sa Propeta ng Allâh, at upang ipaabot ang kanyang tulong sa mabuting paraan sa isang tulad niyang

192

iniwan ang buong pamilya upang itaguyod ang Islam at upang maiangat ang kanyang dangal, ipinadala ni Propeta Muhammad si Annagashi sa Hari ng Abysinnia upang iparating ang kanyang mungkahi na tumayo bilang kinatawan sa kanyang pagpapakasal kay Umm Habibah. Inasikasong mabuti ni Annagashi ang kasal at nagbigay ng Mahar (bilang handog sa kasal) na nagkakahalaga ng 400 dinar. Pagkaraan ng pangyayaring iyon, si Propeta Muhammad ay naging malapit sa puso ni Abi Sofyan at nagbunga ito ng magandang ugnayan sa pagitan ng pamilya ni Abi Sofyan at ni Propeta Muhammad sa mga sumunod na pagkakataon. Kaugnay ng ganitong sitwasyon, sino ang makapagsasabing pinakasalan lamang ni Propeta Muhammad si Umm Habibah upang maibsan ang kanyang pagnanasang seksuwal? Kayong may tamang pag-iisip ang siyang humatol. 6. Ang kanyang ikaanim na asawa ay si Assayeda Umm Salama, (nawa'y kalugdan siya ng Allâh). Ang kanyang pangalan ay Hind Bint Zadel-Rakb Abu Umayya Abdullah Al Makhzumy. Siya ang kauna-unahang Muslimah na nagtungo sa Abysinnia at doon nagsilang ng kanyang anak na si Salama. Siya rin ang kaunaunahang Muslimah na nagtungo sa Al Madinah. Ang kanyang unang asawa ay si Abdullah ibn Abdul-Asad Ibnul Mughira na pinsan at kinakapatid ni Propeta Muhammad . Siya ay isa sa mga nanguna sa Islam na nagtungo sa Al Madinah bago pa man ang paglikas ng Propeta . Si Umm Salama ay nakaranas ng maraming hirap at pagsubok sa ilalim ng pananampalatayang Islam. Ito ay naitala sa aklat na isinulat ni Ibn Hisham. Si Umm Salama ay nagsabi: "Nang si Abu Salama ay magpasyang magtungo sa Al Madinah, isinakay niya ako at ang aking anak na si Salama sa isang kamelyo. Subali't nang ito ay makita ng isang tauhan ni Bany Al Mughira, lumapit ito sa amin at tinanggal niya ang tali mula sa kamelyo at ako ay inagaw sa aking asawa. Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nina Bany Al Mughira at Banu Abdul-Asad at sa huli ay naisama ni Banu Abdul-Asad ang aking anak. Ang aking asawa ay mag-isang lumikas patungong Al Madinah at ako nama'y

192

ikinulong ng aking mga kamag-anak. Ako ay napahiwalay sa aking asawa't anak nang matagal na panahon. Tuwing hapon araw-araw, ako ay nagpupunta sa Al-Abtah, isang karatig pook ng Makkah patungong Al-Madinah, nauupo ako doon at umiiyak. Umabot halos ng isang taon na ganoon ang aking kalagayan hanggang isang araw, isang tauhan ng aking pinsan na si BanelMughira ang nakakita sa akin habang ako ay umiiyak at kanyang sinabi kay Banel-Mughira: "Bakit hindi mo payagan ang babaeng ito na umalis? Ipinagkait mo na sa kanya ang kanyang anak!" Sa bandang huli ay pinahintulutan ako ni Banu Abdul-Asad at kanyang ibinalik sa akin ang aking anak at sumakay kami ng kamelyo upang sundan ang aking asawa na nagtungo sa Al Madinah. Ako'y nag-iisa lamang at sa ngalan ng Allâh, wala akong nakilalang dumanas ng ganitong pagsubok maliban sa akin. Nasundan ni Umm Salama ang kanyang asawa at magkasama silang nanirahan doon, hanggang sa doon na abutan ng kamatayan si Abu Salama. Si Abu Salama ay isa sa mga malapit sa puso ng Propeta . Siya ay namatay habang nakapatong sa dibdib ng Propeta na labis na ikinalungkot ng huli. Naulila ni Abu Salama ang kanyang matandang asawa na nagdanas ng napakaraming mga pagsubok sa buhay na wala ng maaaring kumalinga. Ang Propeta ay sadyang may kagandahang loob at kabaitan sa kanyang mga kasamahan. Ang kanyang pagiging maginoo at mapitagan ay lubos niyang ipinadama pagkaraan ng kamatayan ni Abu Salama. Kahit si Umm Salama ay matanda na, sina Abu Bakr at Omar Ibnul-Khattab ay nag-alok ng kasal sa kanya, subali't magalang niya itong tinanggihan (ni Umm Salama) sa dahilang siya ay matanda na. Hindi naglaon ay dinalaw siya ng Propeta upang ipaabot ang pakikiramay sa pagpanaw ng kanyang asawa at kanyang pinayuhan (si Umm Salama): "Hingin mo mula sa Allâh na sa kabila ng mga pasakit sa iyong buhay ay magkaroon ka ng masaganang pagpapala." Matapos niya itong marinig ay kanyang sinabi: "At sino pa ang mas hihigit kay Abu Salama, Sugo ng Allâh?" Pagkarinig nito, ang Propeta ay nag-alok ng kasal sa kanya at sinabing tanging ang Propeta lamang ang mas nakahihigit kay Abu Salama.

192

Sino ang maaaring magsinungaling. May mga nagsabing kaya pinakasalan ng Propeta ang babaeng iyon ay dahil lamang sa seksuwal na hangarin at nabighani sa kagandahang taglay nito? Katotohanan, malayo sila sa anumang kanilang ipinaparatang sa Propeta ng Allâh, sapagka't siya ang tunay na hindi mapag-aalinlanganan ang kabutihang loob at mabuting pag-uugali. 7. Ang ikapito ay si Asseyada Maymouna Bint Al Harith (nawa'y kalugdan siya ng Allâh). Ang salaysay ng kanyang pagpapakasal kay Propeta Muhammad ay isa sa pinakamakulay sa lahat. Pagkaraan ng tinawag na Hudaybiyya Reconcilliation pitong taon makaraan ng kanilang paglikas, napagkasunduan nina Propeta Muhammad at ng mga Muslim na magtungo sa Makkah upang magsagawa ng Umrah sa kauna-unahang pagkakataon. Kaakibat sa mga napagkasunduan ay ang pansamantalang paglisan ng mga kalalakihang dimananampalataya sa Makkah sa loob ng tatlong araw hangga't hindi natatapos ng mga Muslim ang kanilang isasagawang ritwal. Nagkaroon ng pagkakataon si Propeta Muhammad at ang mga Muslim na maipakita ang kanilang lakas at bilang na katudad ng isinasagawang parada sa hanay ng militar sa kasalukuyan. Maayos silang nakahanay habang kanilang binabagtas ang daan papasok ng Makkah habang masaya at sabay-sabay na nag-aawitan. Ang kanilang himig ay umaalingawngaw sa lahat ng kabundukang kanilang dinaraanan habang si Propeta Muhammad ay nasa gitna ng pangunahing hanay ng malaking pangkat. Ang mga kababaihan sa Makkah ay nakamasid lamang mula sa kanilang mga bintana habang nasisiyahan sa kanilang napagmamasdang pagdating ng pangkat ni Propeta Muhammad . Ang iba ay lumabas mula sa kanilang mga tahanan upang matunghayan ang pambihirang parada na dumarating. Isa sa mga kababaihang iyon ay si Maymouna bint Al Harith. Kapatid siya ng asawa ng dalawang tiyuhin ni Propeta Muhammad na sina Al 'Abbas at Hamza, mga anak ni Abdel-Mottalib. Habang siya ay lulan ng isang kamelyo, siya ay tumigil upang mapagmasdan ang kahangahangang pagtitipong iyon. Natanaw niya si Propeta Muhammad na napalilibutan ng kanyang mga kasamahan na kakikitaan ng di-mapasusubaliang

192

katapatan at pagmamahal mula sa hanay ng kanyang pangkat. Nabighani siya sa pinagpalang mukha nito na kumikinang sanhi ng wagas na pananampalataya. Nabihag ang kanyang damdamin sa paghanga sa Propeta , kahit nasa 60 taong gulang na ang huli sa mga panahong iyon. Kaya't siya ay nagpasyang magpahayag ng pagmamahal sa Allâh at sa Kanyang Propeta . Ang kanyang mga salita ay nagbigay-daan sa kanyang pagtalikod sa hindi makatarungang pamamalakad ng Angkan ng Quraish. Siya ay nagsabing ang kamelyo at alinman dito sa daigdig ay para sa Allâh at sa Kanyang Propeta . Ipinagtapat niya kay Al 'Abbas ibn AbdelMottalib (kanyang bayaw) na nais niyang ipagkaloob ang kanyang sarili sa Propeta subali't nag-aalala siya kung tatanggapin ng huli ang kanyang alok. Makaraang kanyang mabatid ang alok ng isang babaeng handang ipagkaloob ang sarili sa kanya at sa pagsamba sa Allâh, walang nagawa si Propeta Muhammad kundi tanggapin ang isang nilikha na nagmamahal ng lubos sa Allâh at sa Kanyang Propeta . 8. Ang ikawalong asawa ay si Asseyada Safiyya Bint Hayey Bin Akhtab (nawa'y kalugdan siya ng Allâh). Ang kanyang ama ay si Hayey Bin Akhtab na pinuno ng Tribung Bani An-Nadeer at pawang mga Hudyo na naninirahan sa Al Madinah. Ang kanyang dating asawa ay si Kinanah Ibn Al Rabee', ang pinuno ng kuta Al Qumos, ang pinakamakapangyarihang kuta sa Khaibar. Ang kanyang ama at dating asawa ay kilala bilang salinlahi nina Propeta Harun at Propeta Moises (sumakanila nawa ang kapayapaan). Ang kanyang pakikipag-isang dibdib kay Propeta Muhammad ay naganap matapos ang labanan sa pagitan ng Al-Ahzab. Sa labanang nabanggit, ang mga Muslim ay naghukay bilang kanilang pansamantalang kublihan sa kanilang pakikipaglaban sa mga dimananampalataya na nagmula sa mga Quraish at Bedouins, at ang mga Hudyo na taga Bani Quraidah ay tumulong laban sa mga Muslim. Nais nilang masakop ang mga Muslim sa loob at labas ng Al Madinah. Subali't ang Allâh ay nagpadala ng hangin at mga sundalong hindi nakikita mula sa mga anghel upang makipaglaban sa panig ng mga Muslim na nagtala ng kanilang tagumpay sa nasabing labanan. Pagkaraan ng

192

sagupaang iyon, ang Propeta ay nakatanggap ng kapahayagan mula sa Allâh na nag-uutos na tapusin na ang pakikipagkasundo sa mga taga-Bani Quraidah dahil sa kanilang pagtalikod sa kasunduan. Kaagad namang si Propeta Muhammad at ang kanyang mga sundalo ay sumalakay sa Bani Quraidah upang tuluyan ng sakupin ang kanilang pamayanan sa mahabang panahon na halos ikamatay ng lahat ng mga Hudyo dulot ng kahirapan. Sila ay sumangguni kay Sa'd ibn Mu'az bilang kanilang hukom at kanilang ipinatupad ang hatol. Ang hatol ni Sa'd ay patayin ang mga kalalakihan, gawing alipin ang mga kababaihan at mga bata at paghatian ang lahat ng labi ng digmaan para sa lahat ng mga Muslim. Isa sa mga napatay ay si Hayen ibn Al Akhtab, ang pinuno ng Bani An-Naadeer. Ang kanyang anak na si Safiyya ay isa sa mga babaeng naging alipin mula sa Khaibar. Sa panahong iyon, si Propeta Muhammad ay halos nasa 60 taong gulang na. Nang iharap ang lahat ng babaeng bihag kay Propeta Muhammad , napag-alaman niyang si Safiyya ay anak ng dating pinuno ng mga Hudyo. Hindi minarapat ni Propeta Muhammad na makaranas si Safiyya ng kahirapan pagkaraan ng masaganang pamumuhay sa piling ng kanyang pamilya. Kaya't pinalaya niya ito buhat sa pagiging alipin at kanya itong pinakasalan. Bilang isang Hudyo at kabilang sa mga babaeng dating bihag, maraming pagkakataon na si Safiyya ay nililibak ng ibang mga asawa ni Propeta Muhammad na nagmula sa lahing Arabo. Nang mabatid ni Propeta Muhammad ang kalagayan ni Safiyya, ipinaalam niya sa kanila kung sino ang pinakamahusay na Muslim. Lumapit si Safiyya kay Propeta Muhammad upang idaing ang panlilibak sa kanya nina A'isha at Hafsa sa pang-iinsulto sa kanya bilang isang Hudyo, pinayuhan niya itong sagutin ng ganito: "Bakit hindi mo sabihin kay A'isha at kay Hafsa, paano kayo makahihigit sa akin samantalang ang aking asawa ay si Muhammad, ang aking ama ay si Harun at ang aking tiyuhin ay si Moises?" (silang lahat ay mga Propeta). 9. Ang ikasiyam na asawa ay si Asseyeda Juwairiyya Bint El-Harith, anak ng dating pinuno ng Banil-Mustaliq. Siya ay napangasawa ni Propeta Muhammad pagkaraan ng limang (5) taon matapos ang paglikas ng mga Muslim patungong Al Madinah. Sa taon ding iyon,

192

nakatanggap si Propeta Muhammad ng balita tungkol sa planong pagsalakay na isasagawa ng tribung BanilMustaliq. Kaya't minabuti ni Propeta Muhammad ang biglaang pagsalakay sa kanilang mga tahanan bago pa sila maunahan. Si Propeta Muhammad at ang kanyang mga sundalo ay kaagad na sumalakay at nagapi ang mga kalaban. Pagkaraan ng labanan, ang mga babaeng bihag kabilang na si Juwairiyya Bint El-Harith ay binayaran ni Thabit Ibn Qais sa pamamagitan ng isang kasunduan bilang kapalit ng kanyang paglaya. Subali't naging mahirap para kay Juwairiyya ang paglikom ng salapi upang kanyang ipantubos kay Thabit Ibn Qais kapalit ng kanyang kalayaan. Kaya't siya ay nagtungo sa bahay ni Propeta Muhammad upang humingi ng tulong. Habang siya ay nakatayo sa harap ng pintuan ng bahay ni A'isha, siya ay nagsabi, "O Sugo ng Allâh! Ako ay anak ni Al Harith Ibn abi Dirar, ang dating pinuno ng tribung Banil-Mustaliq. Ako ay nasa gipit na kalagayan sa kasalukuyan matapos bayaran ni Thabit Bin Qais ang aking kalayaan. Ako ay pumarito upang hingin ang inyong tulong. Nang marinig ni Propeta Muhammad ang kanyang tinig na lubhang napakalungkot habang naghihintay ng kanyang tulong upang muling bumangon at tumayo sa kanyang sariling mga paa pagkaraan ng kanyang sinapit bilang dating anak ng isang pinuno, ninais ni Propeta Muhammad na muling ibalik ang kanyang dignidad at ibalik ito sa mga taong malalapit sa kanya na maaaring yumakap sa Islam ng may sariling pagkukusa sa hinaharap. Pagkaraang gawing malaya at pakasalan ni Propeta Muhammad si Jawairiyya, lahat ng kanyang kasamahan ay sumunod. Nag-unahan silang magpalaya ng kanilang mga alipin bilang paggalang sa ginawa ni Propeta Muhammad . Ito ang naging daan upang sumibol ang magandang ugnayan sa pagitan ng mga taga-Bani-Mustaliq at ng mga Muslim, at sa huli, sila ay naging matatag na tagapagtanggol ng mga Muslim sa pananampalatayang Islam. Sila ang mga naging asawa ni Propeta Muhammad , kaakibat ang maikling salaysay tungkol sa kanila. Maliwanag na hindi sila pinakasalan ni Propeta Muhammad dahil sa seksuwal na pagnanasa lamang tulad ng mga maling haka-haka at paratang sa

192

kanya. Ang katotohanan, pinakasalan sila ni Propeta Muhammad upang sila ay sagipin mula sa pagdadalamhati at kapighatian pagkaraan ng kamatayan ng kanilang mga asawa at upang parangalan muli pagkaraan ng kasawian at mga pagsubok na naging dahilan ng kanilang pagyakap sa Islam. Ang iba ay upang maging halimbawa sa mga batas na ipinag-utos ng Allâh para sa mga Muslim tulad nang nangyari kay Zainab Bint Jahsh. Sila ang mga naging asawa ni Propeta Muhammad . Sila ay dumadaing sa ikli ng panahon na kanilang ginugol at hirap na dinanas kahit batid nilang sila ay nakapangasawa ng kagalanggalang na Propeta ng Allâh – ang Makapangyarihan. Kung ninais lamang ni Propeta Muhammad ang marangyang buhay, sana'y tinanggap niya ang alok sa kanya ng Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan, na gagawing ginto at pilak ang bundok ng Tohama at ang lahat ng buhangin sa Makkah. Subali't pinili ni Propeta Muhammad ang maging alipin at Sugo ng Allâh, at namuhay sila ng kanyang mga asawa na tigib ng kahirapan at tinalikuran ang masaganang pamumuhay. Ang lahat ng kanyang mga asawa ay pawang nasiyahan sa kanilang pamumuhay sa piling ng Propeta , bagama't sila ay naging salat sa yaman hanggang sa dumating ang kamatayan kay Propeta Muhammad . Nanatili silang nakikitungo sa kanya sa kabila ng paghahati-hati ng kinita mula sa labanan. Ipinamamahagi ni Propeta Muhammad ang lahat ng kinita sa mga mandirigmang Muslim, gayundin sa mga kapus-palad sa Al Madinah at hindi siya naglalaan para sa kanyang sarili at sa kanyang mga asawa. Inakala nilang sila ay higit na may karapatan sa labi ng digmaan kaysa sa mga Muslim, hanggang ang mga sumunod na talata ay ipinahayag ng Allâh kay Propeta Muhammad . Ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan ay nagsabi: O Propeta (Muhammad )! Sabihin mo sa iyong mga asawa: "Kung inyong hinahangad ang buhay sa mundong ito, at ang kinang nito, kung gayon, kayo ay pumarito! Akin kayong bibigyan ng inyong ikaliligaya at ikabubuhay, at kayo ay lalaya sa pamamagitan ng mabuting paraan (diborsyo). Datapuwa't kung hinahanap ninyo ang Allâh at Kanyang Sugo, at ang Tahanan sa Kabilang Buhay, kung gayon, katotohanan, ang Allâh ay naghanda sa Al-Muhsinun (mga gumagawa ng kabutihan) sa karamihan mula sa inyo ng isang malaking gantimpala. (Al-Ahzab-33:28-29) Pagkaraang mailathala ang kapahayagang ito, silang lahat ay higit na nagmahal sa Allâh at sa Kanyang Propeta , at sa

192

kanilang magiging tahanan sa Kabilang Buhay. Nagtiis na lamang sila sa hirap ng buhay at umasang kanilang makakamtan ang Pagpapala ng Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan sa Araw ng Pagsusulit. Ang masamang pag-uugali na iniaakibat sa Propeta ng Allâh na nagmula sa mga kalaban ng Islam ay pawang mga kasinungalingan lamang at walang sapat na batayan. Inakusahan nilang ang kilos at pag-uugali ni Propeta Muhammad ay kinapapalooban ng seksuwal na pagnanasa na sadyang malayo sa kanilang mga kasinungalingan at haka-haka! Ang dakilang Propeta ay inilarawan ng Allâh bilang isa sa nagtataglay ng pinakamabuting asal. Ang Propeta , kung kanya lamang ninais ay may pagkakataon siyang maging isang emperor o isang hari, subali't pinili niya ang maging isang dukha na pagkaminsa'y natutulog ng gutom dahil sa kawalan ng kahit isang pirasong tinapay na matagpuan sa alinman sa kanyang mga tahanan para pawiin ang gutom at lagi niyang sinasabi: "O Allâh! Wala ng iba pang buhay maliban sa Kabilang Buhay." Paanong ang taong ito ay masasabing puno ng pagnanasa sa kababaihan? At kanyang sinabi, "Ako ay nilikha upang aking mahalin ang kababaihan, ang pabango at ang kapayapaan sa aking mga mata ay mga panalangin." Katotohanan, minahal ng Propeta ang kanyang mga asawa at tinangkilik sila ng pantay-pantay. Wala siyang naging kalaguyo o naging kerida maliban kung ano lamang ang ginawang sapat sa kanya ng Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan. Dapat nating bigyang-pansin ang nakasaad sa Bibliya tungkol kay Propeta Solomon sa pagkakaroon niya ng 700 na asawa at 300 bihag na babae, samantalang si Propeta David ay nagkaroon ng 99 na asawa, (sumakanila nawa ang kapayapaan). Ang lahat ng ito ay nagmula sa kapahintulutan ng Allâh – ang Makapangyarihan. Maging sa kapanahunan ni Propeta Muhammad , ang mga haring Hudyo at Kristiyano ay bumibili ng mga babae sa kanilang mga palasyo upang magpaligaya sa kanila. Sila ay mayroong di-mabilang na mga kaulayaw na nagtatanghal ng malalaswang panoorin na dinadaluhan ng kanilang mga tagasunod at ministro. Sa mga kasayahang tulad nito, sila ay hubad na nagtatanghal habang naglalasing at nagsasagawa ng mga malalaswang panoorin sa harap ng bawa't isa ng walang anumang nararamdamang kahihiyan. Ang mga kahalayan at kalaswaang isinasagawa ng mga haring Hudyo at Kristiyano sa kanilang panahon, kailanma'y hindi tinuligsa ng mga kalaban ng Islam. Sadyang kahiya-hiya at

192

nakasisirang-puri ang kanilang mga kasinungalingan at mga ipinaparatang! Hindi nila tuwirang maisawalat ang kanilang mga kasinungalingan, maliban lamang sa isang Propeta na kinilala bilang isang mabuting halimbawa na nagtataglay ng mataas na moralidad at kagandahang-asal. Karagdagan pa rito, ang pakikitungo ng Propeta sa kanyang mga kasamahan at sa mga tao ay nagpapatunay na siya ay tunay na Sugo ng Allâh – ang Makapangyarihan, isang propeta na hindi naghangad ng kaharian o kaya'y pamamahala. Hindi rin niya ninais na makilala ng mas higit sa kanyang mga kasamahan. Hindi rin siya pumili ng maayos na upuan o lugar kapag sila ay nagtitipun-tipon. Hindi rin niya hinangad na kapag siya ay dumarating, ang mga tao ay tatayo, at kung ang kanyang mga kasamahan ay nagpupuri sa kanya, ito ang kanyang sinasabi: "Huwag ninyo akong purihin katulad ng pagpuri ng mga Kristiyano kay Hesus na anak ni Maria…" Nang dumating ang kamatayan ng kanyang anak na si Ibrahim, ang araw ay nagdilim. Ang mga tao ay nagsabi; ang dahilan ng pagdilim ay ang kamatayan ni Ibrahim. Nang marinig ito ng Propeta , siya ay nagsabi, "Ang araw at ang buwan ay pawang mga Tanda ng Allâh at hindi dumidilim ang mga ito ng dahil sa kamatayan ninuman." Higit sa lahat, isinasagawa ng Propeta ang pagpupuri at pananalangin sa Allâh tuwing gabi, gayundin sa araw na kung minsan sa haba ng kanyang pagdarasal ay sumasakit ang kanyang mga paa. Kanya ring ipinamamahagi sa kawanggawa ang anumang bagay na nasa kanyang pag-aari. Nang siya ay mamatay, ang kanyang espadang ginamit sa pakikipaglaban ay naisangla pa sa isang Hudyo upang makabili ng pagkain para sa kanyang pamilya. Minsan nakita siya ni Omar Ibnul-Khattab na nakahiga sa isang sira-sira at lumang banig. Pagkakita sa kanya ni Omar, siya ay lumuha. Tinanong siya ni Propeta Muhammad kung bakit, sumagot si Omar, sabi niya; paanong si Ceasar at ang hari ng Persia ay natutulog sa telang seda at malambot na kutson, samantalang ikaw, na isang Sugo ng Allâh ay natutulog sa karaniwang banig na nagiging sanhi pagkaminsan sa pagsakit ng iyong tagiliran? Si Propeta Muhammad ay nagsabi, "Oh Omar! Hindi ka ba nasisiyahan na sila ay mayroon sa mundong ito, at tayong mga Muslim ay mayroon sa Kabilang Buhay? Sinabi ni A'isha (nawa'y kalugdan siya ng Allâh), na ang Propeta kung minsan ay siyang nag-aayos ng kanyang tsinelas, nagsusulsi ng kanyang mga damit at gumagawa ng pangkaraniwang gawain na ginagawa ng mga nakararaming kalalakihan sa kanilang mga tahanan. Katulad ng ibang

192

pangkaraniwang tao, siya ang nag-aayos ng kanyang bihisan at ginagatasan niya ang sariling hayop at inaasikaso ang sarili. Isang araw habang siya at ang kanyang mga kasamahan ay naglalakbay, kanyang inutusan ang isa sa kanila na magkatay ng isang tupa upang kanilang kainin. Isa sa kanyang mga kasamahan ang nagkusang-loob na magkatay, isa naman ang nagsabing siya na ang magbabalat at ang paghuli ay nagsabing siya naman ang magluluto. Sa pagkakataon iyon, tumayo si Propeta Muhammad at nagwikang siya na ang kukuha ng kahoy na panggatong. Makaraang marinig ng kanyang mga kasamahan ang kanyang tinuran, sila ay nagsabi: "O Sugo ng Allâh! Kami na lamang ang gagawa ng lahat ng ito. Ang Propeta ay sumagot: "Batid kong hindi ninyo nais para sa akin ang gumawa ng anumang bagay, subali't kinamumuhian ko ang aking sarili na maiba ako sa inyo. At ang Allâh ay namumuhi sa Kanyang alipin na binibigyang kaibahan ang sarili sa kanyang kapwa." Ano ang mga bagay na iniisip ng kaaway ng Islam na pawang mga kasinungalingan lamang laban sa isang dakilang Propeta na nakapagtayo ng isang malawak na pamayanan na umabot sa mahigit isang bilyong Muslim sa kasalukuyan. Mayroon pa ba siyang panahon para sa kanyang sariling pagnanasa. Si Propeta Muhammad ay wala halos natitirang oras para mag-isip ng seksuwal na pagnanasa at sa anupamang bagay, sapagka't lagi siyang abala sa Jihad (pakikipaglaban para sa landas ng Allâh). Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapagpahinga kahit minsan magmula ng kanyang simulan ang panawagan sa pagpapalaganap ng Islam hanggang sa abutan siya ng kanyang kamatayan. Palagi siyang nakikipaglaban sa mga hindi mananampalataya at ipinatutupad niya kung ano ang kabutihan at ipinagbabawal niya ang kasamaan. Pinagkakaisa niya ang lahat ng Muslim at itinuturo niya kung ano ang nilalaman ng Banal na Qur'an at mga kapahayagang hinango sa Batas ng Islam. Habang isinasagawa niya ang lahat ng ito, patuloy ang kanyang pagsamba sa Allâh sa araw at gabi. Nakaatang sa kanyang mga balikat ang walang hanggang tungkulin. Siya si Propeta Muhammad . Ito ang kanyang naging buhay at pag-uugali. At upang mabatid natin ng lubusan ang mga karagdagang detalye tungkol sa pinagpipitagang Propeta ng Allâh, tunghayan natin ang kabanatang pinamagatang asetisismo sa aklat na ito. Kalungkutan para sa mga humahabi ng mga kasinungalingan.

192

Bago natin tuluyang wakasan ang bahaging ito na ang tanging hangarin ay maipabatid at maipaliwanag lamang ang mga katangian ni Propeta Muhammad at ang Mensaheng nagmula sa Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan, nais kong idagdag ang binanggit ng ilang dalubhasang Kristiyano na nagpahayag ng kanilang mga papuri sa katauhan ng butihing Propeta at tungkol sa Relihiyong Islam.

Sa isang aklat na pinamagatang "Heroes" na isinulat ni Thomas Carlyr (isang British Philosopher), siya ay nagsabi: "Si Muhammad ay hindi isang alipin ng kanyang pangsariling pagnanasa tulad ng maling paratang ng kanyang mga kaaway. Tayo ay maaaring magkamali sa pagsasabing siya ay isang mahalay na lalaki at ang tanging hangarin lamang niya ay ang kanyang seksuwal na pagnanasa. Sadyang napakalayo niya sa anumang bagay na sa kanya ay iniaakibat. Kanyang tinalikuran ang mga makamundong bagay at palagiang kumikilos ng karaniwan sa kanyang tahanan, sa pagkain, sa inumin, mga kasuotan at sa lahat ng kanyang mga ginagawa. Ang kanilang karaniwang pagkain ay tinapay at tubig lamang at pagkaminsa'y buwan ang lumilipas bago maapuyan ang kanilang kalan." Kanya ring sinabi: "Tunay na kahiya-hiya para sa isang sibilisadong mamamayan sa kasalukuyang panahon ang makinig at maniwala sa mga haka-haka ng mga taong nag-aakalang ang Islam ay isang hindi tunay na relihiyon at si Muhammad ay naliligaw ng landas." Ito rin ang tamang pagkakataon upang ating labanan ang walang kabuluhan at kahiya-hiyang mga pagbibintang laban sa isang Propeta ng Allâh. Ang Mensahe ng dakilang Propeta ay isang panawagan upang mapanatili ang tamang gabay tungo sa liwanag para sa milyong mga nilikha sa loob ng 14 na siglong nagdaan. Hindi pa ba kapani-paniwala ang Mensaheng ito na pinaniniwalaan ng milyon-milyong mga nilikha na inabot na ng kanilang kamatayan kung ito nga ba ay pawang mga kasinungalingan lamang? Ang isang sinungaling na tao kailanman ay hindi makagagawa ng isang bahay na yari sa laryo (batong pinatuyo sa araw o kaya'y sa apoy), kaya't paanong ang isang tao ay makapagtatayo ng isang tahanan (Islam) na nananatili pagkaraan ng maraming dekada na kinatatampukan ng mga pinagpalang nilikha

192

na umabot sa bilyon ang bilang na nagpamalas ng dimapapantayang kabutihang asal at mataas na antas ng moralidad sa sangkatauhan.

Isang dalubhasa (British) na kinilalang si Bosworht Smith ang sumulat ng kanyang aklat na tinawag niyang "Muhammad and Muhammadism". Sinabi niya rito: "Ang tanging himala na walang katapusan ayon kay Muhammad ay ang Banal na Qur'an at ang katotohanang nilalaman nito. Kung ating bibigyang-pansin ang mga kaganapan sa mga taon ng kanyang pamamalagi sa mundong ito, at kung paano ang kanyang mga kasamahan ay tuwirang gumagalang sa kanya, at kung ating ihahambing sa mga Papa ng simbahan at mga banal na mga santo, mapapatunayan natin na ang pinakatampok sa himala ni Propeta Muhammad ay ang hindi niya pag-ako sa mga himalang kanyang ipinahayag na nasaksihan ng kanyang mga kasamahan. Mayroon pa bang patunay na hihigit pa kaysa sa kanyang pagiging makatotohanan? Mula sa simula hanggang sa kanyang kamatayan, patuloy niyang sinasabing siya ay Propeta ng Allâh. Sa aking palagay ang ganitong uri ng pilosopiya at maging ang mga tunay na Kristiyano ay malayang tatanggap nito sa mga susunod na panahon." Isang kilalang Aleman na manunulat na si August Kunt, ang unang naging tagapuna at tagasalungat sa katuruan ng Islam. Nang minsan ay may nagtanong sa kanya: "Paano ka nakapagsasalita ng isang bagay na laban sa Islam, gayong wala kang alam tungkol dito?" Kanyang sinabi: "Sisikapin kong malaman ang tungkol sa Islam at sinimulan niyang magbasa ng aklat ng isang German Orientalists." Pagkatapos mabasa ay nagbalik at nagsabing: "Hindi ko akalaing mayroong isang karapatdapat na relihiyon na ang mga kapahayagan noon ay mangyayari sa kasalukuyang panahon. At hindi ko inaasahang may isang relihiyong maiuugnay sa mga bagay na hindi lamang angkop sa isang pananampalataya maliban sa Islam. Sa Islam kailanman ay hindi inalis ang kahalagahan ng katuwiran. Sa kabilang banda, ang Islam ay tumutulong sa kaalaman, pagbabago, sistema at agham." Si Maurice Bucaille, isang French na manunulat ang naglimbag ng kanyang aklat na pinamagatang "The

192

Qur'an, The Torah and The Bible": "Ang maling paghuhusga ng Taga-kanluran tungkol sa Islam ay malinaw na pawang paninira lamang, walang sapat na kaalaman at walang paggalang sa tunay na katangian nito. Kami ay namamangha kapag aming nababasa ang maling sinusulat ng mga Taga-kanluran na puno ng kasinungalingan tungkol sa Islam kahit pa ito ay isinulat ng mga dalubhasa. Ang paglalathala ng mga maling paratang na iyon ang naging sanhi ng pagkasira ng imahe ng Qur'an at ng Islam." Taong 1970 nang maglabas ang kalihim ng Vatican ng isang dokumento na naglalaman kung papaano makapagsasagawa ng pakikipagtalakayan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano. Ang nilalaman ng nasabing dokumento ay ganito:

1. Nararapat baguhin ang pakikitungo ng mga Kristiyano laban sa mga Muslim at buksan ang kaisipan laban sa naunang paghuhusga ng mga kritiko sa Islam. 2. Una sa lahat, kailangan nating pahalagahan ang unti-unting pagbabago ng kaisipan ng aming mga kapatid na Kristiyano. 3. Kinakailangan ding kalimutan ang mga naunang paghuhusga at mga hindi makatarungang kasinungalingan laban sa Islam. 4. At tanggapin ang maling paratang ng mga Kristiyanong nagmula sa kanluran laban sa mga Muslim. Dito sa apat na nabanggit, pinasisinungalingan ng mga Kristiyano ang kanilang maling pala-palagay laban sa Islam na nakapaloob sa 150 na pahina ng dokumentong ipinalabas at ipinamahagi hinggil sa tunay na diwa at katotohanan ng Islam. Winakasan ni Bucaille ang dokumentong nagmula sa Vatican sa kanyang huling pahayag: "Ako ay lubusang nakatitiyak na ang pagtatanggol ng Vatican sa Islam ay sadyang kataka-taka para sa mga Muslim, Hudyo man o Kristiyano. Ito ay malinaw na isang pagpapahayag ng katiyakan at bukas ang isipan na sumasalungat sa isang makalumang asal. Subali't iilan lamang sa mga Taga-

192

kanluran ang nakababatid ng tungkol sa bagong paguugali ng mga matataas na namamahala sa simbahang Katoliko."

Siya si Roget Garoudi, isang (French Philosopher). Siya ay dating kilalang hari ng Universal Pioneer of Philosophy. Ayon sa kanyang pahayag, napag-alaman niyang siya ay walang halaga pagkaraang kanyang mapag-aralan ang Islam at mabasa ang Banal na Qur'an. Dahil dito, buong katapatan niyang tinanggap na siya at ang kanyang sarili ay nasa hangganan ng kanyang pagiisip sa mga panahong iyon at paglaon siya ay yumakap sa Islam. Tinawag niya ang kanyang sarili bilang Raja' (Pag-asa) sapagka't dating isa siya sa masugid na tagapagtanggol ng siyentipikong Socialism at Marxism. Subali't nagwakas ang lahat ng iyon nang kanyang mabatid ang pag-asa at daan tungo sa Islam. Kaya't pinili niya ang kanyang pangalan na maging Raja' Garoudi. Si Mohammad Asad ay ilan lamang sa mga naging tagapagtanggol ng Islam. Siya ay isang mamamahayag na nagmula sa Austria na yumakap sa Islam at naging isang matapat na Muslim. Ginugol niya ang kanyang magagandang araw sa kanyang buhay katulad ng mga Arabong naninirahan sa desyerto sa paglalakbay sa mga disyerto ng Arab Peninsula kasama ang mga Bedouins. Sa kanyang aklat na pinamagatang: "The Path to Islam" na nailathala sa iba't ibang salita tulad ng Arabic, English, French, Dutch, Swedish, German at Urdu, ay kanyang sinabi: "Pinahahalagahan ng Islam ang mga gawaing pangkultura na nagbunga ng pinakamahusay na nakatayuan sa buong panahon sa kasaysayan ng tao. Gayundin, ang Islam ay sumasang-ayon sa pagsasabing "Oo" sa kapangyarihan ng katuwiran at "Hindi" tungo sa di-malinaw na kahulugan. "Oo" sa gawain, "Hindi" sa dipaggalaw. "Oo" sa buhay, "Hindi" sa pagpatay sa katawan para maging katanggap-tanggap ang kaluluwa. Ang lahat ng ito ay hindi kataka-taka pagkaraang ang Islam ay nagpatuloy sa paglaganap hanggang sa buong Arab Peninsula. Ito ay nag-aanyaya para sa mga bagong tagasunod at mga taong nagmamadali na yakapin ang Islam ng sabay-sabay na nagmula pa sa Sirya na umabot sa Hilagang bahagi ng Aprika. Kabilang na rito ang mga taga-Espanya pagkaraan na kanilang mabatid sa kanilang

192

mga sarili sa harap ng relihiyong nagtatatwa sa konsepto ng unang orihinal na kasalanan at nagbibigay halaga sa panloob na kahalagahan ng makamundong paraan ng pamumuhay. Sa ganoong kadahilanan, sila ay yumakap sa bagong pananampalatayang ito na sama-sama at nagsabing ang lahat ng tao ay nagmula sa Allâh – ang Makapangyarihan. Ito ay salungat sa alegasyon ng pagsuko sa pamamagitan ng matalim na espada at tunay na pagpapaliwanag sa tagumpay ng Islam sa mga naunang kasaysayan. Pinabulaanan nito ang mga hakahakang lumaganap lamang ang Islam sa pamamagitan ng paggamit ng espada at marahas na pakikibaka. Ang mga Muslim ay hindi naging dahilan upang maging matagumpay ang Islam, bagkus ang Islam ang pangunahing dahilan sa likod ng tagumpay ng mga dakilang Muslim.

Ang salaysay na ito ay hinango sa isang panayam na isinagawa ng mamamahayag ng Asharq Al-Awsat, ang pahayagang Arabik sa Bern, Switzerland na inilathala noong 2/4/2001 ng Propesor na si Dr. Young Stausy Launtinburg, pinuno ng silid-akalatan at pag-iingat at dating propesor ng militar sa Kagawaran ng mga Kaanib ng Swiss. Ito ang kanyang naging kasagutan sa mga katanungan sa isang panayam: "Sa iyong pag-aaral sa Islam, inakala mo bang ang Islam ay banta sa Tagakanluran?" "Hindi kailanman". "Sapagka't ang Islam ay panawagan sa isang malaya at tahimik na pamumuhay. Kinikilala nito ang ibang relihiyon, katulad ng Kristiyanismo at Hudaismo. Bukod doon, si Kristo at si Birheng Maria ay binigyan ng mataas na katayuan sa Banal na Qur'an gayundin ang Hudaismo at maging si Propeta Moises (sumakanila nawa ang kapayapaan). Katotohanan, ang Islam ang pinakamabilis na relihiyong lumaganap mula sa Tsina na umabot hanggang sa Europa sa nakalipas na isandaang taon. At hindi ito lumaganap sa pamamagitan ng pananakot, paninira at pamumuksa."

Sa kasaysayan ng Islam, hindi kabahagi rito ang walang katuturang mga digmaan at pananalasa laban sa mga taong walang kakayahan, halimbawa, ang naganap sa mga Indian sa Amerika. Sa halip, ang Islam ay kumakalinga sa mga walang kakayahan sa maayos na pamamaraan at ipinatutupad ang

192

pagbabayad ng kanilang obligasyon ng naaayon sa kanilang kakayahan. Ang Islam, kailanman, ay hindi nagpatupad ng anumang bagay sa pamamagitan ng lakas o pananakot. Bagkus, ito ay ipinalaganap sa malayang pamamahayag sa pamamaraan ng mabuting halimbawa, pang-unawa, pag-iisang dibdib at mabuting talakayan. Ang Islam ay nakapagtala ng mainam na sibilisasyon sa Andalusia. Ang kabihasnang ito ay nagkaroon ng malaking bunga sa pagbangong muli ng sibilisasyon sa Europa sa pangkalahatan. Kasabay nito ang mga Taga-kanluran ay nagtamasa ng maraming bagay mula sa Islam, kabilang na ang tungkol sa pilosopiya, medisina, kemistri, matimatika, at higit sa lahat sa pagtuklas ng agham. Sa ilalim ng pamumuno ng Islam, ang mga Muslim, Kristiyano at mga Hudyo ay nanatili sa Espanya. Katunayan, ang Islam ay walang pinanghahawakan upang maging banta sa kanluran, bagkus ay nakatulong pa ito sa pagpapayaman sa kahalagahan ng kanilang sibilisasyon. Ito ay karagdagang usapin na kalimitang tinatalakay ng mga kalaban ng Islam na hindi nakauunawa sa kaalaman at batas na ipinatutupad ng Allâh – ang Makapangyarihan. Ang usaping ito ay may kaugnayan sa pag-aasawa ng isang Muslim hanggang apat sa iisang pagkakataon. Ito ang usaping matagal ng pinagtatalunan na umabot na ng ilang dekada, subali't magpahangga ngayon ay hindi pa rin lubos na nauunawaan. Maraming mga taon ang mabilis na lumipas at natapos na ang una at pangalawang digmaang pandaigdig. At pagkaraan ng mga digmaang ito, sampung milyong kababaihan ang naiwan ng kanilang mga asawa sa bansang Germany at Austria. Ayon sa ulat, umabot sa isa bawa't sampung lalaki (1/10) ang dami ng kababaihan. Pagkaraan nito, napag-alaman nilang ang kanilang pananaw sa buhay ay isang pagkakamali ayon sa kanilang mga kinikilalang mga dalubhasa. Ayon sa kasaysayang naitala, ito ay naghatid ng masamang bunga sa kanilang pamayanan na nararanasan hanggang sa kasalukuyan. Gayunpaman, patuloy nilang ipinararating ang kanilang pagtuligsa sa Islam sa usapin ng pagkakaroon ng apat na asawa ng kalalakihan. Sila ay nagsasabing ang kababaihan sa Islam ay pawang mga alipin. Subali't kung bibigyan ng masusing pag-aaral at uunawaing mabuti ang katayuan ng kanilang mga sarili, kung saan, ang kababaihan ay humahantong sa mababang uri na nagtutulak upang sila ay maging kalaguyo na lamang o di kaya ay maging isang masamang babae na lumalaboy sa mga lansangan upang mapunan ang kanilang pangangailangang seksuwal at

192

ipinagbibili ang kanilang mga hubad na katawan. Hindi lamang iyon sapagka't pagkaminsan sila ay humahantong sa kandungan ng hindi nila tunay na asawa. Ito ang kinasadlakan ng kanilang pamumuhay at katiyakang ito ay hindi aral na nagmula sa Islam. Tulad ng unang nabanggit, ito ay usaping matagal ng pinagtatalunan na nagtataglay ng magkakaibang pananaw na ating bibigyang-linaw sa mga sumusunod na talata: Una: Bago isugo si Propeta Muhammad ng Allâh – ang Makapangyarihan at bago ipahayag ang Banal na Qur'an, ang mga kababaihan sa panahon na wala pa ang Islam ay walang halaga. Wala silang karapatan na magmana. Kinaugalian ng mga tao ang pagpatay sa kanilang mga anak na babae sa pamamagitan ng paglilibing ng buhay. Sapagka't kanilang iniisip na ang anak na babaeng isinilang ng nauna sa anak na lalaki ay tampulan ng kahihiyan at magdadala ng kamalasan sa kanilang buhay. Ito ay ipinaliwanag sa Banal na Qur'an. Ang Allâh ay nagsabi: At kung ang balita ng pagsilang ng isang batang babae ay ipinarating sa sinuman sa kanila, ang kanyang mukha ay nagiging madilim at ang kanyang kalooban ay napupuspos ng pangamba. Ikinukubli niya ang kanyang sarili sa mga tao dahilan sa kasamaan ng balita sa kanya. Kanya bang pananatilihin ang batang babae na hindi nagbigay dangal sa kanya, o siya ba ay ililibing niya sa lupa? Katotohanan, kasamaan ang kanilang pasya. (An-Nahl-16:58-59) Dumating ang Islam upang dakilain at itaas ang antas ng kababaihan sa isang pamantayang itinalaga ng Allâh – ang Dakilang Tagapaglika na naitala sa Banal na Qur'an: "Ang kalalakihan ang tagapamahala ng kababaihan." Ang Allâh ay nagbigay ng karapatan at katangian sa mga kalalakihan upang magtaguyod sa kababaihan. Sadyang ang kababaihan ay nilikhang mahihina, hindi sila nakararamdam ng kaligtasan maliban lamang na sila ay nasa piling ng kanyang asawa. Gayunpaman, ipinag-utos ng Allâh – ang Makapangyarihan na maging makatarungan at maawain at tangkilikin ng may mataas na paggalang ang kanilang mga asawa. Kanyang ipinag-utos na pangalagaan ang kababaihan ng walang pagtatangi bilang sariling pag-aari. Ipinagbabawal sa Islam ang paglilibing ng buhay sa mga batang babae at (ang Al-Mota'ah) pansamantalang pag-aasawa at pagpapawalang-halaga sa kalagayan ng babae upang magkaroon ng karapatan sa pananalapi at mana. Kaugnay

192

nito, ipinagbawal sa Banal na Qur'an ang pangangalunya at pagaasawa ng mas higit sa isa kung hindi rin lamang sila mabibigyan ng pantay at makatarungang pamumuhay. Ang Allâh ay nagsabi: …Nguni’t kung kayo ay nangangamba na hindi ninyo kaya silang pakitunguhan ng makatarungan, magkagayo’y isa lamang…(An-Nisa-4:3) Sapagka't ang Islam sa simula pa lamang ay isang makataong mensahe at habag na nagmula sa Allâh – ang Panginoon ng Sandaigdigan. Ang pagkakaroon ng maraming asawa ay hindi isang tungkulin na kailangang sundin ng sinumang Muslim. Ito ay pinahihintulatan lamang kapag ang isang Muslim ay nahaharap sa mga ganoong pagkakataon o pangyayari. Ang pakikipagdiborsyo o ang pakikipaghiwalay ay pinahihintulutan ng dalawang beses sa kanila at ang lalaki ay maaaring magpatuloy sa pakikisama sa kanyang asawa sa pamamagitan ng mabuting pakikitungo o kaya ay pahintulutan niyang (asawa) umalis sa makatarungang pamamaraan. Ito ay pagbibigay ng dangal at paggalang sa mga babae sa lahat ng pagkakataon. Lahat ng ito ay magkakatulad, ayon sa sinabi ni Propeta Muhammad , ang diborsyo ay pinahihintulutan bagama't ito ay hindi kalugod-lugod. "Ang kinamumuhian ng Allâh ay ang diborsyo". Sapat ng sabihin na ito ang pinakahuling paraan upang malunasan ang suliraning kinakaharap ng mag-asawa. Pangalawa: Katotohanan, pinahihintulutan sa Islam ang isang lalaki na mag-asawa hanggang apat na babae, ayon sa sinabi ng Allâh: …mag-asawa ng kababaihang inyong napupusuan, dalawa, o tatlo, o apat… (An-Nisa-4:3) Subali't ito ay ipatutupad lamang sa pansarili at panlipunang pangangailangan upang tugunan ang walang hanggang kaalaman ng Allâh para sa Kanyang mga nilikha (lalaki at babae). Ito ay paglilinaw na ang pagpapakasal ng higit sa isa ay mas mainam kaysa sa isang hindi hayag na pangangalunya. Karagdagan pa rito, ito ay nakababawas ng bilang ng kababaihang tumatanda at kababaihan walang asawa na isang suliranin sa Europa at Amerika sa kasalukuyan. Nagtutulak ito upang sila ay maging kakaiba at sila ay humahantong na lamang sa pagbebenta ng kanilang sarili. Kaya ang mga kababaihan ay kalimitang nahuhulog sa pang-aabuso ng nakararami. Silang mga hindi nagbago ng pamumuhay sa buong buhay nila ay dumaranas ng

192

kalungkutan at karamdaman sa pag-iisip. Sanhi ng walang asawa at dala ng kalungkutan sa pag-iisa, sila ay nagiging suliranin ng kanilang lipunan at ang ilan sa mga ito ay humahantong sa pagpapatiwakal upang mapawi ang kanilang paghihirap at ang hindi mapigilang pagtaas ng bilang ng mga batang tinaguriang anak sa labas at walang kinikilalang ama. Ang antas ng bilang ay magkaiba mula sa isang bansa kaysa sa isa na umaabot sa 20 % hanggang 40 %. Sa isang banda, ang ganitong bilang o antas ay nalalapit sa 0 % sa mga Islamikong bansa na nagbibigay pahintulot sa pagkakaroon ng maraming asawa. Ang malubhang sitwasyon sa kanlurang pamayanan ay ang pagwawalang bahala ng mga tao sa kahalagahan ng usaping ito. Kalimitan ang mga lalaki ay walang katiyakan upang ipagtapat na ang mga batang isinilang ng kanilang mga asawa ay kanilang sariling anak o hindi. Silang mga bumabatikos sa Islam ay pawang mga taong walang kaalaman sa anumang kadahilanan at kahalagahan nito upang hindi ipatupad ang batas ng Islam ayon sa mga sumusunod:

A. Ang kalalakihan ay namatay sa digmaan at ang kababaihan ay humigit ang bilang laban sa bilang ng mga kalalakihan na naganap sa Germany pagkaraan ng ikalawang digmaang pandaigdig kung saan ang bilang ng kalalakihan ay isa kung ihahambing sa sampung kababaihan (1/10). Ang kinasadlakan ng siyam na kababaihan na walang asawa ay batid na. Kapag ang bilang ng kalalakihan ay lumiliit dahil sa digmaan o anumang makabuluhang kadahilanan, lumiliit din ang bilang ng populasyon ng tao. Ang pagkakaroon ng maraming asawa ang tamang solusyon. Ang kilalang British Sociologist na si Herbert Spencer ay sumulat sa kanyang aklat na pinamagatang "The Fundamental of Sociology" ng ganito: "Kapag ang digmaan ay sumiklab sa nasabing mga bansa at napatay ang mga kalalakihan sa oras ng labanan at mayroong asawa ang bawa't isa sa mga ito, katiyakang magkakaroon sa pagbaba ang bilang ng batang isisilang. Ang bilang ng kamatayan ay mas tataas ng higit sa bilang ng mga isisilang. Magkagayon, kung ang dalawang bansa ay pantay sa ganitong mga kalagayan, maliban sa ang isa ay pinahihintulutang magpakasal ng higit sa isa at ang isa ay hindi pahintulutan at sila ay parehong nagtungo sa digmaan, ang huli ay may pagkakataong magtagumpay. Sapagka't may mga pagkakataon pang magkaroon ng mga bagong 192

sanggol na isisilang mula sa kanilang mga kababaihan. Ang kasagutan, maaaring ang isang pamayanan na kung saan ang kalalakihan ay nag-asawa ng isa lamang ay mahigitan ng bansang nagpapahintulot na magparami ng asawa. Idagdag pa natin na ang pagtaas ng bilang ng kababaihang walang asawa ay magiging dahilan ng pagdami ng mahihirap."

B. Kapag ang babae ay dumanas ng isang sakit na walang katiyakan sa kanyang paggaling, kinakailangan bang iwanan ng lalaki ang kanyang asawa sa buong buhay niya, o di-kaya'y hiwalayan na lamang at humanap ng iba? Ang mga ganitong mga tagpo ay kalimitang nagaganap sa mga bansang Amerika at Europa. Ang kasagutan sa naturang katanungan ay nagbibigay-linaw sa Ganap na Karunungan ng Dakilang Tagapaglikha na nagpapahintulot sa Kanyang nilikha na mag-asawa ng higit sa isa. Sa Islam kapag ang lalaki at babae ay namuhay ng maraming taon at may matatag na ugnayan sa isa't isa at ang babae ay nagkaroon ng isang sakit na walang katiyakan sa paggaling na maaaring humadlang upang ang lalaki ay magpaligaya sa kanya, sa ganitong kalagayan, kung siya ay kanyang hihiwalayan, ito ay pagpapakita lamang ng kawalan ng habag at pagmamahal, pagkaraan ng mahabang panahon ng pagsasama. Nasaan ang makataong konsensya. Sa ganoong katayuan ang babae ay wala ng kakayahang maghanapbuhay para sa sarili pagkaraan ng diborsyo. Karagdagan pa rito, wala ng maaaring pang magpakasal sa kanya upang alagaan ang kanyang kalagayan. Kaya malinaw na hindi makatarungang hiwalayan sa ganoong kalagayan ng isang babae. Subali't hindi rin magiging mainam na pigilan ang lalaki na makapag-asawang muli at alisin ang karapatang magkaroon ng sariling anak na maaaring magtulak sa kanya sa pakikiapid na nangyayari sa Europa, Amerika at ibang mga bansa na hindi ipinatutupad ang Batas ng Islam. C. Minsan, pagkatapos ang kasalan, natutuklasan ng lalaki na ang kanyang asawa ay baog o may sakit na pumipigil upang magkaroon ng anak. Ang kasong ito ay mas masalimuot kaysa sa mga nauna. Natutuklasan din na ang babae ay hindi na magkakaanak kailanman. Ating tanggapin na gaano man ang pag-ibig ng lalaki sa kanyang asawa, nangangailangan pa rin siya ng kanyang

192

sariling anak. Sa kanluran, ang mag-asawang tulad nila ay nagkakasundong maghiwalay na lamang at ang lalaki ay maaaring magpakasal sa iba. At ang babae ay maghihintay na lamang ng kanyang kapalaran na hindi tiyak kung saan dadalhin ng ihip ng hangin sa kamay ng mga kalalakihang nagnanais lamang magpasasa sa kanyang katawan sa hindi tamang paraan at sa paraan ng pangangalunya. Sa Islam, kalimitan, pinananatili ng lalaki ang kanyang asawa sa kanyang tahanan ng may dignidad at dangal at maaari siyang mag-asawang muli na mayroong kapahintulutan ng kanyang maybahay, upang magkaroon ng anak na siyang maghahatid ng saya sa loob ng kanilang tahanan. Sa inyong sariling palagay, alin ang mas mainam? Ang batas sa kanluran o 'di kaya ang batas na ipinatupad ng Allâh – ang Ganap na Nakaaalam para sa Kanyang mga nilikha?

D. Kadalasan, ang kakayahang pangkalusugan at minanang kalikasan ng isang lalaki ay nagdudulot sa kanya ng masidhing pagnanasang seksuwal. At kung minsan, ang isang asawa ay hindi sapat upang mapunan ang kanyang pagnanasa sapagka't hindi niya makakayang bigyan ng kasiyahan ang pagnanasa ng kanyang asawa at kung gagawin niya ito, maaari siyang masaktan o makaranas ng pagdurusa at sakit. Sa kalagayang ito, hindi ba higit na mainam sa isang lalaki na magkaroon ng isang babae upang kanyang pakasalan? O hahayaan na lamang na humantong sa isang ipinagbabawal na pakikipagtalik na magtutulak sa kanya sa gawaing pakikiapid na itinuturing na malaking kasalan? Sagutin ninyo ito, o kayong mga tumutuligsa sa Islam. Isang German Philospher na si Schaubenhaur ang nagsabi: "Kung ating babalikan ang mga pinagmulan at katotohanan ng mga bagay-bagay, ating mapapagpasyahang walang sapat na dahilan upang pigilan ang isang lalaki sa pag-aasawang muli kung ang babae ay mayroong talamak na sakit o kung siya ay baog o 'di kaya nama'y umabot na sa katandaan." Dagdag pa niya, "Sino ba sa atin ang nagtakda para sa iisang asawa lamang?" "Hindi natin mapasisinungalingan na halos lahat sa atin sa panahong ito ay mayroong mas higit na karelasyon kaysa sa iisang babae lamang?" Kaya dagdag pa niya, "hindi ba ito ang tamang panahon upang ating isaalang-alang ang pagkakaroon ng maraming asawa

192

bilang mabuting solusyon sa pagliit ng bilang ng mga kababaihan?" Sa lungsod ng London lamang, ang dangal ng may 80 libong kababaihang nagbebenta ng kanilang katawan ang nagsakripisyo ng kanilang dangal laban sa usapin ng iisang asawa lamang. At ito ang kinasadlakan ng kababaihan sa bansang Europa na naniniwala sa kanilang mga kasinungalingan.

E. Sadyang likas sa isang lalaki na ang kanyang kakayahang seksuwal ay hindi kumukupas sa pagdaan ng panahon, 'di tulad ng mga lalaki, ang mga babae ay pinaglilipasan ng kanilang pagnanasang seksuwal sa pagitan ng gulang na 40 hanggang 50 taon. Upang matugunan ang pangangailangang ito, ang lalaki ay kinakailangan magpakasal sa ibang babae, subali't nararapat lamang na mapanatili ang kanyang unang asawa na naging bahagi ng buong-buhay niya. Ito ay higit na mabuti kaysa magkaroon ng kalaguyo (kabit), o 'di kaya ay maghanap ng babaeng nagbebenta ng aliw at iwanan ang unang asawa na katulad ng bulok na sistemang umiiral sa ibang pamayanan na naiiwang biktima ng kahirapan at kasawian ang mga kababaihan. Kaya ang kinasapitan ng lipunan iyon ay malugmok na lamang sa labis na katiwalian at ang pagkalat ng mapaminsalang sakit tulad ng AIDS na magpahanggang sa kasalukuyan ay wala pang natutuklasang lunas. F. May mga pagkakataong ang hanapbuhay ng isang lalaki ay nangangailangan ng paglalakbay. Ang kanyang asawa sa isang banda, ay hindi maaaring sumama sa kanya sapagka't abala sa pag-aalaga ng kanilang supling at bukod pa sa kanyang maselang kalagayan. Nararapat bang ang lalaki ay magkaroon ng kalaguyo at maghanap ng babaeng mababa ang lipad na maaaring magdala ng malubhang sakit na makahahawa pa sa kanyang asawa? O 'di kaya ay mag-asawa na lamang ng higit sa isa upang mapangalagaan ang kanyang sarili laban sa paggawa ng kasalanan? Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ang Islam ay nagpapahintulot sa isang lalaki na mag-asawa ng higit sa isang babae. Marami pang sapat na kadahilanan subali't hindi sapat ang puwang sa aklat na ito upang ating ilahad. Sa ganitong kalagayan, hindi ko malilimutang banggitin ang pagkakaroon ng maraming asawa na pinahihintulutan sa Luma at

192

Bagong Tipan bagama't ang mga ito ay binago na. Gayunpaman, ang mga binagong bersyon sa aklat na ito ay walang nakatala tungkol sa pagbabawal na magkaroon ng maraming asawa. Sa mga naunang panahon, ang pagkakaroon ng maraming asawa ay pangkaraniwan na lamang sa Europa. Kahit sa ngayon, ang pagkakaroon ng maraming asawa ay nangyayari hindi lamang sa mga Muslim. Ito ay pangkaraniwan na rin lamang sa mga bansang Aprika, India, Tsina, at Japan. Ang pagkakaroon ng maraming asawa sa kasalukuyan ay nangyayari na rin sa mga pamayanang Kristiyano. Ating wakasan ang usapang ito sa pamamagitan ng pagpapatunay ng isang bantog na sociologist na si Justaf Lobon, na nagsabing: "Ang pagkakaroon ng maraming asawa na pinahihintulutan sa Islam ay isa sa pinakamabuting paraan na nag-aangat ng moralidad ng pamayanan at nakatutulong sa pagbubuklod ng pamilya. Ang batas ng Islam ay naglalayong ang mga Muslimah (babaeng Muslim) ay maging maligaya at umani ng paggalang mula sa lalaki na hindi matatagpuan kung ihahambing sa mga kababaihang naninirahan sa kanlurang pamayanan." Idinagdag pa niya: "Wala akong makitang sapat na dahilan kung bakit ang mga taga-Europa ay nanghuhusga sa pagkakaroon ng maraming asawa na nabahiran ng pagkukunwari at mga kasinungalingan na mas kinasisiyahan ng mga Taga-kanluran. Personal kong natuklasan ang iba't ibang dahilan kung bakit mas kinatigan ko ang ganitong paraan kumpara sa iba. Kaya't hindi kataka-takang ang mga Taga-silangan na nagtutungo sa ating mga bayan at lungsod ay namamangha sa harap ng ating makatarungang paghuhusga sa paraan na kanilang tinatanggap." Si Hesus – ang Dakilang Propeta ng Allâh: Pagkaraan naming banggitin ang pagpapahayag ng Islam at ang pagpapadala kay Propeta Muhammad bilang huling Sugo at ng Banal na Qur'an, bilang isa sa dakilang himala na ipinahayag ng Dakilang Allâh, tinalakay din natin ang Kagandahang Asal at mabuting pag-uugali ni Propeta Muhammad . Kabilang dito ang mga patunay na siya ay tunay na Propeta ng Dakilang Allâh sa kawing ng mga Propetang dumating sa sanlibutan. Atin ding ipinaliwanag kung papaanong hindi tinatanggap ng mga dalubhasang Muslim ang mga kasinungalingan na ipinalaganap ng mga kaaway ng Islam at kung papaano sila natalo at nagbunga ng kahihiyan ang kanilang mga maling paratang laban kay Muhammad , ang dakilang Propeta ng Allâh.

192

Ating talakayin ang isang maselan nguni't mahalagang bagay na namamagitan sa mga Muslim at sa mga Angkan ng Kasulatan. Ito ay may kaugnayan sa totoong katayuan ni Propeta Hesus – ang anak ni Birheng Maria (sumakanila nawa ang kapayapaan). Kayong mga Angkan ng Kasulatan (Kristiyano) ay nananangan ng maling palagay na si Hesus ay diyos o anak ng diyos o isa sa tatlo sa konsepto ng tatlong "Persona sa Iisang Diyos" (na tinatawag na Doktrina Trinidad) na inyong pinaniniwalaan. Ang Dakilang Allâh ay tunay na malayo sa anumang kasinungalingan ng inyong ibinibintang. Makabubuting simulan natin sa pamamagitan ng mga salita ng Allâh – ang Kataas-taasan, ang tungkol sa usaping ito. Ating basahin at bigyang-daan ang tamang kahulugan ng sumusunod na mga talata mula sa Banal na Qur'an. Nawa'y gabayan kayo (Angkan ng Kasulatan) ng Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya, sa tamang landas! Ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan ay nagsabi: O kayong mga napagkalooban ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano)! Maniwala sa Aming mga ipinahayag kay Muhammad na nagpapatunay sa kasulatang nasa inyo bago Namin katkatin ang inyong mga mukha at ipihit patalikod ang mga ito, o isumpa sila katulad ng pagkakasumpa Namin sa mga angkan ng Sabbat. At ang Kautusan ng Allâh ay laging naipatutupad. Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allâh ang pagtatambal ng iba sa Kanya (sa pagsamba), at pinatatawad Niya maliban dito (sa pagtatambal) ang (ibang kasalanan ng) sinumang Kanyang nais. At sinumang magtambal ng iba sa pagsamba sa Allâh, tunay na siya ay lumikha ng isang napakalaking kasalanan.
(An-Nisa-4:47-48)

Dagdag pa ng Dakilang Allâh: O Angkan ng Kasulatan! Huwag lumabis sa hangganan ng inyong pananampalataya at huwag magsabi ng anuman tungkol sa Allâh maliban sa katotohanan. Ang Mesiyas - Issa (Hesus), anak ni Maryam (Maria), ay hindi hihigit sa isang Sugo ng Allâh at ang Kanyang Salita (Mangyari, at nangyari nga!) na Kanyang ipinagkaloob kay Maryam (Maria) at ang kaluluwang nilikha Niya. Kaya maniwala sa Allâh at sa Kanyang mga Sugo. Huwag sabihin ang: “Tatlo (Trinidad)!” Tumigil kayo! Higit na mainam ito para sa inyo. Dahil ang Allâh ay ang tanging Iisang Ilah (Diyos), sadyang Siya ay napakabanal upang magkaroon ng anak. (Dapat tandaan) sa

192

Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa mga kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At ang Allâh ay Lubos na may Kasapatan bilang Tagapamahala sa lahat ng kaganapan. (AnNisa-4:171)

Sinabi pa ng Allâh: Katotohanan, ang mga di-sumasampalataya ay yaong nagsasabi na ang Allâh ay ang Mesiyas, ang anak ni Maria. Sabihin, (O Muhammad ) "Sino ba ang may pinakamaliit na kapangyarihan laban sa Allâh, kung Kanyang nais wasakin ang Mesiyas, ang anak ni Maria, ang kanyang ina, at lahat ng nasa kalupaan ng magkakasama? At sa Allâh ang pagmamayari at pamamahala ng kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito." Lumilikha Siya ng Kanyang naisin. At ang Allâh ay Makagagawa ng anumang bagay. (Al-Ma'idah-5:17) Karagdagan pa sa sinabi ng Dakilang Allâh: Katotohanan, hindi sumasampalataya ang mga nagsasabi: "Ang Allâh ay isa sa tatlo (Trinidad)." Datapuwa't wala ng iba pang Diyos maliban sa Nag-iisang Diyos (Allâh), wala ng iba pang karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya. At kung sila ay hindi titigil sa kanilang sinasabi, katotohanan, ang isang masidhing kaparusahan ay sasapit sa mga hindi sumasampalataya sa kanilang lipon. (Al-Ma'idah-5:73) Ating bigyang-linaw sa simula ng mensaheng ito kung ano ang tinuran ng Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan sa Banal na Qur'an: Sabihin (O Muhammad ) O Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano): Halina sa salita na makatarungan sa pagitan namin at sa inyo, na tayo ay huwag sumamba maliban sa Allâh (lamang). (Al-Imran-3:64) Ang ilan sa inyo ay nagsabing ang Allâh ay nakapaloob sa tatlong katauhan: ang ama, ang anak, at espiritu santo. Ito ay maling paniniwala at hindi tinatanggap na nagkaroon ng kapantay ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan. Inyo bang iniisip na ang tatlong persona ay nagsama-sama upang likhain ang kagila-gilalas at pambihirang kalawakan na pinamamahalaan nilang lahat. Tahasang pinasisinungalingan ng Banal na Qur'an ang konseptong iyan. Sadyang malinaw at matatagpuan ang maraming patunay mula sa Banal na Qur'an sapagka't ang Allâh ay nagsabi:

192

Hindi nagkaanak ng lalaki ang Allâh at wala ring iba pang diyos na kasama Niya, sapagka't kung mayroon ngang maraming diyos, bawa't diyos ay kukunin kung ano ang kanyang nilikha, at ang iba pang diyos ay magtatangkang pangibabawan ang iba pang mga diyos! Kaluwalhatian sa Allâh, higit Siyang mataas kaysa sa sinumang iniaakibat (iniuugnay) sa Kanya bilang kasama Niya! (Al-Mu'minun-23:91) Dagdag pa ng Allâh: Sabihin (O Muhammad ) sa kanila at sa mga pagano at sa mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, atbp: Kung tunay nga na mayroon pang ibang diyos na katambal Niya na tulad ng kanilang sinasabi, kung gayon, katiyakang sila ay hahanap ng isang landas patungo sa Panginoon ng Trono (humahanap ng Kanyang Pagkalugod at pagiging malapit sa Kanya). Luwalhati sa Kanya – ang Dakila. Siya ay higit na Mataas sa malaking kasinungaling na kanilang sinasabi! At mga hakahaka at salita na may ibang diyos na katambal ang Allâh, datapuwa't Siya ang Allâh, ang Tangi at Nag-iisa, ang Panginoon na may Sapat na Kakayahan na sinasandigan ng lahat ng mga nilalang, hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak, at walang sinuman ang sa Kanya ay makakatulad. (Al-Isra-17:42-43) Tungkulin ng bawa't isa na tiyaking mabuti ang kahulugan ng mga talatang ito. Sapagka't sa simula ng kasaysayan at magpahanggang sa kasalukuyan, ito ay nakapaligid na sa atin. Mayroon pa bang nakahihigit maliban sa Allâh na nangusap sa atin sa Banal na Qur'an at nagsasabi o nagkukunwari na siya ay diyos kasama ng Allâh? O siya kaya ay katambal ng Allâh sa kaharian ng langit at lupa? Katunayan, wala tayong makikita o maririnig na ganoong mga pahayag. Kung mayroong katambal ang Allâh, sila ay hindi mananahimik pagkaraang kanilang marinig ang hamon ng Allâh sa kanila sa Banal na Qur'an. Katiyakang ilalantad nila ang kanilang mga sarili upang ipamalas ang kanilang mga himala at magpapadala ng kasulatan sa mga tao upang mabasa. Karagdagan pa rito, hahanapin ng bawa't isa sa kanila ang daan patungo sa Banal na Trono (Kapamahalaan at Kapangyarihan) at mag-uunahan sa kanilang pagkapanginoon o magdedeklara ng labanan sa isa't isa at ating matutunghayan ang pinakatampok na digmaang katulad ng sinabi sa (Greek Iliad) kung saan ito ay hidwaan ng mga hindi kapani-paniwalang mga diyos na nagtataglay ng nakagigimbal at mapaminsalang digmaan. Kung ganoon, ang kaharian sa mga kalangitan ay magmimistulang arena ng pambihirang sagupaan ng mga

192

Panginoon sapagka't silang lahat ay maghahangad na mangibabaw sa bawa't isa. Ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur'an: Kung magkaroon man dito sa kalangitan at sa kalupaan ng iba pang mga diyos maliban sa Allâh, kung gayon, katotohanang sila ay kapwa mawawasak. Luwalhatiin ang Allâh, ang Panginoon ng Trono, higit Siyang Mataas sa lahat ng mga (kasamahang) itinatambal nila sa Kanya! (An-Anbiya-21:22) Bukod pa sa ating mga sinabi, ang pambihirang mga katangian at akmang-akmang pagkakaayos ng kalawakan na hindi matutularan ay sapat na upang maging matibay na batayan na mayroong Nag-iisang Tagapaglikha at Tagapamahala ng lahat ng ito. Kung mayroong mas nakahihigit sa isang Tagapaglikha at Tagapamahala, ang kalawakan ay mawawala sa maayos na pamamalakad at mapapalitan ito ng malawak na kaguluhan. Kaluwalhatian sa Allâh – ang Nag-iisa at Tanging Hari sa Kanyang Kaharian na walang katunggali. Siya ang Nag-iisang Tagapaglikha ng lahat ng bagay maging ito man ay lingid o hayag. Ang iba sa inyo ay nagsabing si Hesus ay anak ng Allâh. Ito ay higit na hindi tinatanggap na paratang kung ihahambing sa mga nauna! Bakit? Sapagka't kung ating tatanggapin ang maling haka-hakang ito na nagmula sa inyo na si Hesus ay anak ng Allâh, ito ay magbubunsod na ang bagay na nauukol sa pagiging diyos ay usaping pangpamilya lamang. Sapagka't malinaw na bago pa man magkaroon ng anak, ang ama ay kinakailangang magkaroon ng asawa at kung mayroong asawa, bago siya magsilang ng sanggol o anak ay kinakailangan nilang magtalik tulad ng karaniwang tao at mga hayop! Ang asawa ng diyos ay maaaring tawaging diyosa, katulad ng diyos ng kasarian na maaaring magkaroon ng anak na lalaki at babae. Karagdagan pa rito, kinakailangan niyang (ang asawang babae) magkaroon ng mga magulang, mga kapatid, at mga kamag-anak na kapwa niya diyos, "bakit hindi?" kung siya ay totoong may anak! Siya ay anak ng diyos kaya kailangang siya ay makasal katulad ng kanyang ama na isa ring diyos. Kailangan niyang makapagasawa ng isang diyosa, sapagka't hindi tamang ang diyos ay makapag-asawa ng tao. Nararapat din na siya ay mag-asawa ng pinsan o kahit sinong babaeng kanyang kamag-anak. Nangangahulugan ito ayon sa ating tinuran kani-kanina lamang na ang kahalagahan ng paksang nauukol sa pagiging Diyos ay pangpamilya lamang. Dahil sa mga nabanggit, ang anak ng diyos

192

ay maaaring maglunsad ng coup 'd atat upang agawan ng kapangyarihan ang amang diyos…(bakit hindi?). Sa simula pa lamang, kayong mga Angkan ng Kasulatan ay nagsasabing si Hesus (na batid nating siya ay isang anyong tao) ay nagsabi: Siya ay anak ng diyos ama, maliwanag na ang kanilang lahi ay katulad ng anyo at pagkakakilanlan tulad ng sa atin. Hindi makatarungan na ang Allâh ay ihalintulad sa inyong mga hakahaka dahil lamang sa maling paniniwala. Siya ang Dakilang Tagapaglikha ng langit at lupa, Kaluwalhatian sa Kanya, ang Nag-iisa, ang may Sapat na Kakayahan at Nag-iisang Panginoon, hindi Siya ipinanganak, at hindi Siya nagkaanak, at walang maihahambing o maihahalintulad sa Kanya. At Siya ay Ganap na Mataas sa lahat ng itinatambal sa Kanya. …Walang anuman ang katulad Niya, at Siya ang Lubos na Nakaririnig, ang Lubos na Nakakakita. (Ash-Shura-42:11) Sinabi pa ng Allâh: Datapuwa't sila ay nag-akibat ng Jinns (nilikhang lingid sa ating kaalaman) bilang katambal sa pagsamba sa Allâh, bagama't Siya ang lumikha sa kanila (Jinns), at sila ay nagturing ng kasinungalingan na walang sapat na kaalaman (na mga anak na lalaki at mga babae) sa Kanya (Allâh). Luwalhati sa Kanya! Siya ay higit na mataas sa lahat ng kanilang itinatambal sa Kanya. Siya ang Pinagmulan ng mga kalangitan at kalupaan. Paano Siya nagkaroon ng anak gayong Siya ay walang asawa? Siya ang lumikha ng lahat ng bagay at Siya ang Ganap na Nakaaalam ng lahat ng bagay. (Al-An'am-6:100-101) Ating bigyang-pansin ang salita ng Allâh sa talata bilang 75 ng Kabanatang Al-Ma'idah: Ang Mesiyas (Hesus) na anak ni Maria ay hindi hihigit pa sa isang Sugo, maraming mga Sugo ang pumanaw na nauna sa kanya. Ang kanyang ina (Maria) ay isang Siddiqah (siya ay naniniwala sa mga salita ng Allâh at sa Kanyang mga Aklat: tunghayan ang Kabanata 66:12). Sila ay kapwa kumakain ng pagkain (tulad ng ibang tao, subali't ang Allâh ay hindi kumakain). Pagmasdan kung paano Namin ginawa ang Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) na maliwanag sa kanila, magkagayunman, inyong

192

pagmasdan kung paano sila naligaw ng malayo sa (katotohanan). (Al-Ma'idah-5:75) Marami sa atin ang nagkaroon ng pagkakataong matunghayan ang talatang ito mula sa Banal na Qur'an, subali't hindi natin pinahalagahan ang tunay na kahulugan nito "Lahat sila ay kumain ng pagkain" kahit na ang malinaw na kahulugan nito ay nabanggit sa mga kinikilalang aklat. Sa kabanatang ito, ating bigyang-linaw ang kahulugan ng ilang salita mula sa Allâh upang ipabatid ang Kanyang kakayahan at magbigay ng ilang halimbawa sa maikling salita na naglalahad ng mga katangiang maaaring iugnay sa Dakilang (Ilah) Maykapal. Ang lahat ng Papuri ay sa Allâh lamang – ang Ganap na Makapangyarihan. Ang Allâh ay naglahad ng patunay sa talatang nabanggit tungkol kay Hesus at sa kanyang inang si Maria (sumakanila nawa ang kapayapaan) bilang mga nilikha at hindi mga diyos na siyang pinanghahawakan o pinaniniwalaan ng iba sa inyo. Ang Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya, ay nagturo sa atin sa pamamagitan ng Banal na Qur'an at pamamaraan ng Propeta na Siya ay (Allâh) lumikha ng mga anghel mula sa liwanag at mga nilikhang hindi nakikita (Jinns) mula sa apoy na walang usok, at lumikha Siya ng tao mula sa alabok. Lahat ng nilikha ng Allâh ay nagpapakita ng sari-sariling asal, kilos at galaw na naaayon sa kung saan Niya tayo nilikha at namumuhay sa mundong ito ng pansamantala lamang. Ang Allâh – ang Dakila ay nagtalaga sa ating pinagmulang si Adan at sa lahat ng kanyang mga inapo kung gaano at kung hanggang kailan tayo mananatili sa mundong ito batay sa ipinagkaloob Niya sa atin. Ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan ay nagsabi: Mula sa alabok kayo ay Aming nilikha, at dito, kayo ay Aming muling ibabalik, at mula rin dito, kayo ay Aming bubuhaying muli. (Ta-Ha-20:55) Ito ang makatuwiran at matalinong dahilan ng Allâh upang pigilin ang anak ni Adan sa pagmamataas, pagmamalaki at kapalaluan. Sapagka't ang tao ay binigyan ng karapatang mamili sa mundong ito kung ano ang kanyang dapat tahakin. Sinuman ay maaaring gumawa ng kabutihan ayon sa kanyang nais tungo sa tuwid na landas o 'di kaya'y sa maling daan na may pagmamalaki at kapalaluan. Tayong lahat ay nagmula sa alabok, katunayan, doon din tayo magbabalik. Kaya't wala tayong karapatang magmalaki at maging suwail.

192

Tungkol sa mga anghel, ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: At sa Allâh ay nagpapatirapa ang lahat ng anumang nasa kalangitan at nasa kalupaan, ang lahat ng may buhay at gumagalaw na nilikha, at ang mga anghel, at sila ay hindi mga palalo (sinasamba nila ang kanilang Panginoon [Allâh] ng may pagpapakumbaba). Pinangangambahan nila ang kanilang Panginoon na nasa itaas, at sila ay tumatalima sa anumang sa kanila ay ipinag-utos. (An-Nahl-16:49-50) Tungkol sa mga anghel, sila ang mga nilikha ng Allâh na walang ibang tungkulin kundi ang tumalima lamang sa mga ipinag-uutos Niya at hindi sila nagmamalaki. Hindi sila nilikha ng Allâh na kumakain na katulad ng tao. Hindi sila kailangang paalalahanan sapagka't sila ay nilikha lamang sa ganoong katayuan. Ito ay malinaw sa kasaysayan ng mga anghel na dumalaw kay Abraham (sumakanya nawa ang kapayapaan). Nagpakita sila kay Abraham sa anyo ng isang tao. Dahil nais ni Abraham na mapaglingkuran ang kanyang panauhin, nag-utos siyang magkatay ng isang matabang biserong baka. Hindi tumanggi ang mga anghel sa ipinag-utos ni Abraham, subali't nang ihain ang pagkain sa kanila, sila ay hindi kumain. Kaya't natakot si Abraham. Subali't hindi siya sa mga anghel natakot. Batid ni Abraham na sila ay mga anghel at siya ay nag-iisip kung ano ang mahalagang bagay na dala ng mga ito para sa kanya. Ito ay ipinaliwanag na mabuti sa talatang ito mula sa Banal na Qur'an: Nakarating na ba sa iyo ang kasaysayan ng marangal na Panauhin ni Abraham (ang tatlong anghel: si Gabriel at dalawang iba pa)? Pagmasdan, nang sila ay tumambad sa kanyang harapan at nagsabi: "Kapayapaan!" Siya ay sumagot: "Kapayapaan!" at kanyang sinabi: "Kayo ay mga taong hindi ko kilala." At siya ay naglabas ng isang inihaw na biserong baka (karamihan sa mga alaga ni Abraham ay baka). At inihain niya ito sa kanilang harapan at nagsabi: "Hindi ba kayo kakain?" At nang sila ay hindi kumain, siya ay nakadama ng pagkatakot sa kanila. Sila ay nagsabi: "Huwag kang matakot." Nang mapansin ng mga anghel ang pangamba sa mukha ni Abraham, sila ay nagpakilala na mga Sugo ng Allâh na may dalang magandang balita na magkakaroon siya ng isang anak na lalaki na may karunungan tungkol sa

192

Allâh at sa Kanyang Kaisahan, sa Kanyang Relihiyon at sa Islam. (Adh-Dhariya-51:24-28) Ito ang dahilan kung bakit ang Allâh – ang Pinakamataas ay nagpaliwanag na si Hesus at ang kanyang inang si Maria ay: "Lahat sila ay kumain ng pagkain". Ang nais ipakahulugan ng Allâh – ang Makapangyarihan, kung sila ay mga diyos tulad ng sinasabi ng angkan ng kasulatan, sila ay hindi nararapat kumain at malayo rin sila sa tawag ng kalikasan, kung saan ang mga anghel na pawang mga alipin ng Allâh, kailanman ay hindi kumain. Kaya nararapat lamang na ang mga diyos ay mas mataas ang mga katangian kung ihahambing sa mga anghel. Sinasabi ninyong si Hesus ay Diyos? Mayroon ba sa inyong makapagsasabing ang diyos ay kumakain, pagkaraan nito ay magtutungo sa palikuran upang doon ibuhos ang tawag ng kalikasan? O mga Angkan ng Kasulatan, ano ang mga bagay na ito na hindi ninyo maunawaan at sadyang walang katuturan? Ano nga ba ang mga di-makatuwirang paniniwalang tulad nito na kahit ang mga musmos na bata ay hindi naniniwala? Paanong ang mga haka-hakang ito ay tinanggap ng mga mahuhusay na siyentipiko nang mga nagdaan at kasalukuyan panahon, gayundin ang matatalinong tao na nagmula sa kanila? Paano kayo naniwala sa mga maling paratang na ito, na tunay at walang sapat na batayan na kahit ang mga hayop at mga tao ay hindi naniniwala. Kayong mga Angkan ng Kasulatan, kung ang inyong paniniwala sa konseptong nagsasabing ang (Trinidad) katauhan ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay batay sa nasirang Bibliya at sa Lumang Tipan (Tawrat), mayroon ng naunang mensahe sa paksang ito na aming kinuha sa iba't ibang Ebanghelyo. Kabilang dito ang Ebanghelyo ayon kay Barnabas, na itinatakwil ang inyong mga alegasyon. Kung inyong sasabihin na hindi namin tinatanggap ito sa kabila ng mga napapanaligang Ebanghelyo ni Barnabas na natuklasan sa dalampasigan ng Dead Sea. Ang dokumentong ito ay nabasa at sinang-ayunan ng paring si Dr. Charles Francis Potou at Dr. D. F. Aulbright na isa sa haligi ng Lumang Bibliya (Ebanghelyo). Tinanggap din ito ng paring si Paul Davis, pinuno ng "All Saint's Church" sa Washington. Kung mayroong magsasabi mula sa Angkan ng Kasulatan na hindi nila tinatanggap ang Ebanghelyo ayon kay Barnabas, aking ipawawalang saysay ang inyong paniniwala sa pamamagitan ng pagpili ng talata mula sa kilalang Ebanghelyo sa kasalukuyan Ang Ebanghelyo ayon kay Juan na inyong tinatanggap. Gagamitin ko ring batayan ang salita at kuro-kuro ng mga

192

dalubhasang Kristiyano sa buong kasaysayan ng Kristiyanismo. Magsimula tayo sa Ebanghelyo ayon kay Juan!

1/15: Ayon kay Juan, si Hesus ay nagsabi: Katotohanan, aking sasabihin sa'yo: (makikita mo ang kalangitan na nakabukas at ang mga angel ng Diyos ay tataas at bababa sa Anak ng Tao). Dito ay malinaw na tinanggap ni Hesus na siya ay anak ng tao at hindi anak ng Diyos o kabahagi ng tatlong Persona sa Isang diyos (Doktrina Trinidad). 4:6 Kanyang sinabi: (…kaya't si Hesus ay napagod mula sa paglalakbay…). Hindi kapani-paniwalang ang Diyos na Siyang lumikha sa pamamagitan ng Kanyang Lakas sa langit at lupa at lahat ng nasa pagitan nito ay napapagod. 4:34 (Si Hesus ay nagsabi sa kanila, ang aking pagkain ay upang sundin ang nag-utos sa akin, at tapusin ang kanyang gawain). Dito ay pinatunayan ni Hesus na siya ay Sugo ng Allâh – ang Makapangyarihan at siya ay sumunod sa Kanyang kagustuhan upang tuparin ang mensahe ng Allâh na ipinag-utos sa kanya. 4:44 (…at si Hesus ay nagpatotoo sa kanyang sarili na ang propeta ay walang dangal sa kanyang sariling bansa). Ito ay patunay na siya ay isa lamang Propeta ng Allâh at kabilang sa lahat ng mga Propeta, kung saan sila ay hindi pinarangalan ng kanilang mga bansa sa panahon ng kanilang Pagpapalaganap. 4:19 Isang babae ang nagsabi sa kanya: (Ginoo, aking nakita na ikaw ay propeta, "alam kong ang Mesiyas ay darating" (na tatawaging Kristo): "kung kailan man siya darating, kanyang ipahahayag sa amin ang lahat ng bagay." Si Hesus ay sumagot sa kanya," Ako, na mismong nagsasalita sa iyo, ako nga iyon). Malinaw na siya ay Propeta at siya ang Mesiyas na nabanggit sa Lumang Tipan. Katulad ng nabanggit, ang Mesiyas ay nangangahulugan ng Sugo mula sa Diyos na nagbuhat sa anak ng tao. 5:44 Si Hesus ay nagsabi: (Paano ka maniniwala, kung ikaw ay tumatanggap ng papuri mula sa iba at hindi ka naghahangad ng papuri na nagmula sa nagiisang Diyos?). Dito ay malinaw na sinabi ni Hesus na

192

walang ibang diyos maliban sa Tunay na Diyos, ang Tangi at Nag-iisa na walang anak o kabahagi sa kaharian. Gayundin, kanyang itinatwa ang (Tatlong Persona sa Isang Diyos [Trinidad]).

8:26 Dagdag pa ni Hesus: (…Siyang nagpadala sa akin ay makatotohanan at ang mga bagay na aking narinig mula sa Kanya ang aking ipinamalita sa inyo). Binigyang-linaw ni Hesus na siya ay hindi iba maliban lamang sa isang Sugo ng Allâh na pumarito sa mundo upang ipahayag ang anumang ipinag-utos sa kanya ng Allâh. 13:16 Si Hesus ay nagsabi: (ang alipin ay hindi nakahihigit sa kanyang Panginoon, o kaya'y ang ipinadala bilang Sugo ay nakahihigit sa nagpadala sa kanya). Wala ng kailangan pang ipaliwanag sa walang kasing-linaw na mga kapahayagang ito.

Kaugnay nito, si Girgis Zuwain Al-Fetohi – na nagmula sa Lebanon, ay nagsabing ang mga Shirintos at Epison at ang kanilang grupo habang kanilang pinag-aaralan ang Kristiyanismo ay nagpatunay na si Hesus ay hindi isang diyos o di kaya ay isang anak ng diyos, at siya ay hindi kilala bago pa man siya isilang ni Birhing Maria. Sinabi pa niya kung bakit ang mga arsobispo na nagmula sa Asya at iba pang mga arsobispo na nagsama-sama sa pagtitipon noong 96 A.D. sa Saint Jonh's ay nagtanong kung bakit si Hesus ay hindi diyos, kanyang pinaunlakan at binigyan ng kasagutan ang kanilang mga kahilingan. Sa taon din iyon, kung kailan pinagsama-sama at tinipon ni Juan ang nilalaman ng kanyang Ebanghelyo na sadyang nakalilito. Mayroong nagsasabing ito ay isinulat noon taong 65 A.D. Ang iba naman ay nagsasabing taong 96 A.D. at ang iba naman ay taong 98 A.D. Maraming mga iskolar na Kristiyano ang nagtatwa sa kasalukuyang Ebanghelyo na isinulat ni Juan na isang disipolo ni Hesus. Ang Stadlin na iniulat ng kanyang kaibigan na si Catlick Herald ay nagsabi sa pahina 205 ng ikapitong bilang na inilathala noong 1884 ng ganito: "Lahat ng nakapaloob sa Ebanghelyo ayon kay Juan ay isinulat ng isang mag-aaral na nagmula sa paaralan ng Alexandria." Si Bertschneider ay nagsabi: "Ang Ebanghelyo ni Juan at lahat ng titik nito ay hindi kanyang sariling panulat bagkus ito ay isinulat ng ibang tao noong unang

192

mga taon ng ikalawang siglo. Kanya lamang ibinahagi ang pangalang Juan upang maging kapansin-pansin ito sa mga tao." Sa isang banda, si Crutis ay nagsabi: "Ang Ebanghelyong ito ay mayroong 20 kabanata. Pagkaraan nito, pinamahalaan ng Simbahan ng Afas ang unang 20 kabanata pagkaraan ng kamatayan ni Juan at upang mapatunayan ang kabanalan ni Hesus ay inalis nila ang pala-palagay na si Hesus ay isang tao lamang." Sadyang malinaw na ang apat na Ebanghelyo na matutunghayan sa kasalukuyan ay malaki ang kaibahan kung ihahambing sa bawa't isa. Ang ilan dito ay nagpapahayag ng mga pangyayari na pinasisinungalingan naman ng isa. Ang pagsasalungatan ng bawa't isa sa mga Ebanghelyong ito ay tunay at sadyang malawak at napakalinaw. Maraming mga halimbawa at palatandaan ang lantarang makikita sa pagsasalungatan na hindi maaaring mailahad lahat dahil sa lubhang dami at mas mainam na maglahad na lamang ng iilan. Maraming aklat ang sinulat ng mahuhusay na manunulat na mga Muslim at Kristiyano ang tumatalakay sa salungatan at pagkakaiba ng nilalaman ng mga Ebanghelyong ito, nangunguna na rito ang tanyag at kilalang iskolar na si Ahmad Deedat. Lahat ng mga nakasisira at kathang-isip lamang na ibinahagi ng mga Kristiyano sa kanilang mga Bibliya kaugnay ng tunay na mga katangian ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) kung siya nga ba ay diyos, o 'di kaya ay anak ng diyos, o may kabahagi sa Trinidad, ay pawang mga gawa-gawa lamang sa nakaraang sangguniang pagtitipon na ginanap sa Nicea 325 A.D. Sa konsehong ito, kanilang itinalaga ang mga bagay na pinahihintulutan at ipinagbabawal ng walang anumang batayan mula sa Bibliya o saan mang maaaring pagkunan ng kaalaman. Ito ay pawang mga kuro-kuro na nagmula sa bawa't isa na dumalo sa pagtitipong iyon na pinagtibay ng ibang mga kasamahan at kapagdaka'y ipinatupad. Sa naunang pagtitipon na ginanap sa Nicea noong 325 A.D., pagkaraang baguhin o palitan ang nilalaman ng mahigit 70 magkakaibang Ebanghelyo na ang bawa't isa ay may pagkakaiba tulad ng ating unang nagbanggit. Kanila itong binawasan hanggang sa umabot sa apat na Ebanghelyo na lamang. Kanilang iniakibat ang pangalan ng mga disipolong sina Mateo, Markus, Lukas at Juan. At ang kinahantungan, malinaw na ang bawa't Ebanghelyo ay magkakaiba ang paksa at ang nilalaman ay sadyang kahinahinala. Kanila ring pinagtibay sa pagtitipong iyon ang mga sumusunod na pahayag:

192

1. Kanilang sinabi: "Kami ay naniniwala sa Isang Diyos (ang Ama) ang Ganap na Makapangyarihan, na Siyang lumikha sa langit at lupa at sa lahat ng bagay na nakikita at lingid sa ating kaalaman." 2. At pagkaraan ay sinimulan nilang magpahayag ng malayang pagsasalungatan at imahinasyon. Sila ay nagsabi: "Kami ay naniniwala sa iisang diyos, siya si Kristo Hesus, ang nagiisang anak ng Diyos, ang isinilang at walang hanggan. Ang diyos na nagmula sa diyos, ang liwanag na nagmula sa liwanag. Ang pinakadiyos na nagmula sa tunay na diyos. Isinilang subali't hindi nilikha, nabibilang sa katawan ng Diyos. Dahil sa kanya ang lahat ay nilikha, ang aming Tagapagligtas bilang tao na ipinadala mula sa kalangitan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu. Si Birheng Maria ang nagsilang sa kanya at sumibol bilang tao. Para sa ating kapakanan, siya ay naipako sa krus, pinahirapan at pagkaraan ay namatay at inilibing. Pagkaraan ng tatlong araw, siya ay bumangon muli upang tuparin ang nabanggit sa Banal na Aklat. Pagkaraan ay umakyat sa langit at naluklok sa kanang bahagi ng Diyos at siya ay muling magbabalik upang pangunahan ang mga nabubuhay at ang patay, at sa kanyang Kaharian ay walang magiging hangganan." 3. Pagkaraan nito, mas higit pa silang napalayo sa pagkaligaw sa pagsalungat at sa anumang bagay na ibinubulong sa kanila ni Satanas upang kanilang sabihin: "Kami ay naniniwala sa Banal na Espiritu, sa Panginoon, na nagbigay-buhay, na nagbuklod mula sa dalawa, ang Ama at ang Anak at siya na itinuring na banal upang sambahin ang Ama at ang Anak." Hindi natin batid kung saan nagmula ang mga bagay na sadyang hindi kapani-paniwala at ang mga usaping ito. Kung ano ang pinagkunan ng mga ito upang kanilang maitalaga? Sapagka't ang lahat ng ebanghelyo at banal na aklat na nagmula sa kanila ay sadyang puno ng kamalian at kasinungalingan, at naglalaman ng hindi malinaw na kahulugan na mga patotoo sa kanilang maling paniniwala. Sa unang konseho na itinatag ni Constantinople na idinaos noong 381 A.D., kanilang napagkasunduan na ang Banal na Espiritung si Gabriel ay isa ring Diyos na kabahagi ng tatlong katauhan ng diyos (Trinity).

192

Sa unang konseho na itinanghal ni Ephasus noong 431 A.D., kanilang napagkasunduan na si Hesus ay may dalawang katayuan, ang pagiging diyos at ang pagiging tao. Sa konseho ni Chalcedon na ginanap noong 451 A.D., napagpasyahan nilang si Kristo Hesus ay may dalawang katayuan at dalawang kalooban. Sa ganitong kalagayan, ang lahat ng mga naganap na konseho o pagtitipong tulad nito ay nagpatuloy mula sa isa at hanggang sa isa pa. Ipinagpatuloy nila ang pagtataas at pagtuklas ng mga dipangkaraniwang mga haka-haka, konsepto, at paniniwala. Sa ganito ring paraan nila ipinagbawal at pinahintulutan ang mga bagay na hindi kailanman nabanggit sa Luma o sa Bagong Tipan. Ito ay batay sa kanilang paniniwala na ipinagkaloob sa kanila ni Satanas upang tuluyan silang ilayo mula sa habag ng Allâh – ang Makapangyarihan. At kanilang panghawakan ang pagtatambal sa Kanya. Maaari nating itanong sa kanila kung saan nila kinuha ang mga huwad na paniniwalang tulad nito? Higit na mainam kung ating bibigyang-halaga sa pamamagitan ng mga halimbawang ito kung ano ang nagtulak sa kanila upang magkaroon ng iba't ibang panukala at pagpapahalaga sa doktrinang Kristiyanismo na nagmula sa kanilang mga sarili. Sila ay may mga usaping hindi nila napagkakasunduan at iba't ibang palagay hanggang sa ang kanilang mga simbahan ay magkawatak-watak at nahati mula sa mga Taga-silangan at Taga-kanluran. Ito ang kinahinatnan nang matapos ang kanilang pangrelihiyong konseho na idinaos sa Constantinopole noong 869 A.D., dito rin nagmula ang Eastern Greek Church, na mula noon ay pinamunuan ng Patriarch of Constantinopole gayundin ang Western Latin Chruch na pinamunuan ng dating Santo Papa ng Roma na mas kilala bilang Papa ng Vatican sa kasalukuyan. Ang sanhi ng kanilang paghihiwalay ay sadyang walang mahalagang mga dahilan upang magpatuloy ang kanilang dimalinaw na pananampalataya. Marami mula sa kanila ang nagsasabing: "Ang Taga-silangang simbahan ay nananangan sa kanilang pananampalataya na ang Banal na Espiritu ay nagmula sa Diyos Ama, samantalang ang mga Taga-kanlurang simbahan ay naninindigang ang Banal na Espiritu ay nagmula sa dalawa, sa Ama at sa Anak. Ang iba sa kanila'y nagsasabing isa ito sa Trinidad, subali't ang iba naman ay nagsasabing ang Trinidad ay isa rito. Tulad din ito ng mga naunang pala-palagay at mga usapin na pawang salat sa pang-unawa at walang katuturang mga bagay. Ito ay binigyang-linaw ng Allâh sa Banal na Qur'an:

192

Hindi ba Siya higit na mainam sa inyong tinatawag na mga diyos, Siya na nagpasimula ng paglikha, at matapos ito, ito ay Kanyang uulitin, at Siya ang nagkakaloob sa inyo ng lahat ng bagay mula sa kalangitan at kalupaan? Mayroon pa bang ibang diyos maliban sa Allâh? Sabihin: "Dalhin ninyo ang inyong mga katibayan kung kayo ay nagsasabi ng katotohanan." (An-Naml-27:64) Sinabi pa ng Allâh: At sila ay nagsabi: Ang Mahabagin (Allâh) ay nagkaanak ng isang lalaki (supling o anak, na katulad ng sinasabi ng mga Hudyo na si Ezra ay anak na lalaki ng Allâh; at ang mga Kristiyano ay nagsasabi na Siya ay nagkaanak ng lalaki (si Hesus), ang mga paganong Arabo ay nagsasabi ng Siya ay nagkaanak ng mga babae). Katotohanan, kayo ay gumawa ng isang kakila-kilabot at masamang bagay. Na ang kalangitan ay halos mapunit, at ang kalupaan ay magkabiyak-biyak, at ang kabundukan ay malansag sa pagguho dahil sa pagtatambal nila ng isang anak na lalaki (supling o anak na lalaki) sa Allâh (ang Mahabagin). Datapuwa't hindi naaangkop para sa Allâh na Siya ay magkaanak ng anak na lalaki. Walang anuman sa kalangitan at sa kalupaan maliban na nagmula sa Allâh bilang isang alipin. Katotohanang batid Niya ang bawa't isa sa kanila, at sila ay bilang ng lahat sa tamang bilang. At ang bawa't isa sa kanila ay paroroon sa Kanya na nag-iisa sa Araw ng Paghuhukom na walang anumang kawaksi, tagapangalaga o tagapagtanggol. (Maryam-19:88-95) Ang mga monghe at paring Kristiyano mula sa silangan at kanlurang mga simbahan ay nagkahiwalay sa isa't isa dahil sa mga usaping di-makatuwiran at walang halagang mga hakahaka. Sanhi ng mga ideyang ito, ang mga Kristiyano (Angkan ng Kasulatan) ay nangaligaw mula noon hanggang sa ngayon maliban sa kanilang pinagkalooban ng Habag mula sa Allâh – ang Makapangyarihan. Mula sa di-magkakatulad na pananaw ng mga Taga-silangan at Taga-kanlurang mga simbahan lumitaw ang magkakaiba at pagkara-raming sekta ng Kristiyanismo: 1. Ang Orthodox na nagmula sa bandang Silangan ay naniniwalang si Hesus ay nagtataglay ng isang katangian bilang Anak ng Diyos na naghatid sa kanya dito sa lupa

192

upang ipako sa krus at tubusin ang kasalanan ng mga Kristiyano.

2. Ang mga Protestante ang nagtaguyod ng Anglican Church. Itinakwil nila ang mga Taga-kanlurang simbahan upang magkamit ng karapatang maging malaya. 3. Ang mga Katoliko, sila ang kaanib ng mga simbahan ng Roma at Papa ng Vatican. Naniniwala silang si Kristo ay mayroong dalawang likas na pagkatao at pagkadiyos na may dalawang kalooban. 4. Ang mga Maronite, sila ang mga kaanib ng "John the Maron". Sila ay nagsasabing si Hesus ay mayroong dalawang kalagayan (pagkatao at pagkadiyos) subali't may iisang kalooban, at ang dalawang likas na yaon ay kanilang pinagsama sa iisang katauhan 5. At ang mga Jacobean ay naniniwala na si Hesus ay mayroong pinagsamang likas ng isang diyos at likas ng tao sa iisang katauhan. Malinaw na ang lahat ng mga ideyang ito, haka-haka at paniniwala ay pawang sumasalungat sa isa't isa. Ang bawa't doktrinang ito ay maliwanag na hindi tumutugma sa ibang doktrina at sa bandang huli ay tinagurian nilang sila ay mga disumasampalataya. Lahat ng ito ay nakapagtala ng malaking kamalian at hindi katanggap-tanggap na paniniwala sa mga taong nagtataglay ng malinaw na pag-iisip at malinis na damdamin. Sa kabila ng iba't ibang palagay at kuro-kuro sa tunay na katayuan ni Hesus marami pa rin sa mga Kristiyano ang namamagitan sa kanila upang pabulaanan ang pagkamatay at pagkapako ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan), sila ay nabibilang sa mga sekta ng mga Saterynosions, Carboucrations, Marcunions, Barcekalionions at Paulisions. Lahat ng ito ay nabanggit sa kanilang kasaysayan na tinawag na (Mousyhim) at patuloy na nagtuturo sa Anglican School of Theology. Kanilang binigyanglinaw na ang naipako ay katiyakang hindi si Kristo Hesus. Kanila ring sinasabi: "Si Hesus ay may katiyakang hindi nahulog sa kamay ng mga umuusig sa kanya. Bagkus siya ay itinaas sa kalangitan." Ang ibang sektang nabanggit sa itaas ay nagsabi rin ng mga ganitong palagay mula sa kanilang di-mabilang na mga parabula sa apat na Ebanghelyo: "Pagkaraang si Kristo Hesus ay madakip at bago nila maipako, ang ilan sa kanila ay lumampas sa kanya habang ang kanyang mga kamay at binti ay nakatali at dinuraan ang kanyang mukha at sinampal ang kanyang mga

192

pisngi." Mayroon ba sa inyo ang maniniwala hinggil sa mga tinurang ito tungkol sa isang dakilang Sugo ng Allâh? Kahit pa sinasabi nilang siya ay anak ng diyos. Pahihintulan kaya ng kanyang amang diyos ang kanyang anak na mainsulto sa napakasamang paraan at duraan na lamang ang kanyang mukha ng walang pakundangan? Sadyang nakapagtataka! Si Peter Quarmag ay nagsabi sa kanyang aklat na pinamagatang: "Moroug Al Ahkbar Fi Tragim Al Abrar", na sa wikang tagalong ay may kahulugan na "Ang Larangan Ng Mga Balita Sa Talambuhay Ng Mga Banal na Tao" na inilathala sa Lebanon noong 1810 A.D. Sa kanyang maikling pananalita kanyang sinabing si Markus ay isang Leviticus Jews at mag-aaral ni Peter. Sinulat niya ang kanyang Ebanghelyo bilang kasagutan sa kahilingan ng mga taga Romania. Siya ay nagtakwil sa kabanalan ni Kristo Hesus, subali't siya ay pinatay sa loob ng kulungan sa lungsod ng Alexandria noong 68 A.D. Ang manunulat na si Herr Arnst De Bons na nagmula sa bansang Germany, ay nagsabi sa kanyang aklat na pinamagatang "Islam, the True Christianity" na matutunghayan natin sa pahina 142 na nagsasaad ng ganito (ang bunga ng lahat ng bagay tungkol sa pagkakapako at sakripisyo ni Hesus ay pawang mga kasinungalingan at kathang-isip lamang ng Paring si Pablo at tulad ng iba na hindi nabuhay sa panahon ni Hesus at kailanman ay hindi nakita si Hesus, at sila ay hindi mula sa orihinal na Kristiyano). Sa unang bahagi ng kanyang aklat na "The History of Christianity" ay kanyang sinabi: "Ang pagpapatupad ng hatol sa kamatayan at pagkakapako kay Hesus di-umano ay dapithapon. Kaya't ang paligid ay nababalot ng dilim na naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon na mapalitan si Kristo ng isa mula sa mga bilanggo sa Jerusalem na naghihintay na lamang ng kanilang hatol. Ito ang ibang palagay ng ilang lupon ng mga Kristiyano na pinatunayan sa Banal na Qur'an". Sa unang kabanata ng Ebanghelyo ni Barnabas, mababasa ang ganito: Sa mga huling taon, isang birheng nagngangalang Maria na nagmula sa lahi ni David, sa tribu ng Judah, ang dinalaw ng anghel na si Gabriel na nagmula sa Diyos. Ang birheng ito na namumuhay nang may kabanalan at walang anumang pagkakamali, bilang isang inosente na isinasagawa ang pagdarasal at pag-aayuno. Isang araw habang siya ay nag-iisa, lumapit sa kanya si anghel Gabriel at nagbigay-galang, pagkaraa'y nagsabi: "Sumaiyo nawa ang Panginoon" O Maria!

192

Siya (Maria) ay natakot pagkakita niya kay anghel Gabriel, subali't siya ay pinayapa ng anghel at nagsabing: "Huwag matakot, Maria, sapagka't ikaw ay napagkalooban ng pagpapala mula sa Diyos, na humirang sa iyo upang maging ina ng propetang Kanyang isusugo sa Angkan ng Israel upang sa gayon, sila ay mamuhay ayon sa kanyang batas ng may katotohanan sa kanilang puso." Ang birhen ay sumagot: "Papaanong ako ay magkakaroon ng anak samantalang walang lalaki ang sumaling sa akin?" Ang anghel ay muling sumagot: "O Maria, ang Allâh ay lumikha ng isang tao na walang sinumang pinagmulan at Siya ay may kakayahang lumikhang muli ng isang tao na walang sinumang pagmumulan, sapagka't walang imposibleng bagay ang hindi Niya maaaring gawin." Malinaw ang nilalamang ito ng Ebanghelyo ni Barnabas kung saan ay may pagkakatulad sa nilalaman ng Banal na Qur'an na mababasa mula sa talata 16-21 ng Kabanata Maryam, kung saan ang Allâh ay nagsabi: At banggitin sa Aklat (sa Qur'an), O Muhammad ang kasaysayan ni Maria, nang siya ay lumayo sa kanyang pamilya upang mapag-isa sa isang lugar sa bandang silangan. Siya ay naglagay ng harang upang pangalagaan ang sarili sa kanila; at Aming isinugo sa kanya ang Aming Ruh (ang Anghel na si Gabriel), at siya ay tumambad sa harap niya sa anyo ng isang ganap na tao. Siya (Maria) ay nagsabi: "Katotohanang ako ay humihingi ng kaligtasan mula sa Mahabagin (Allâh) laban sa iyo, kung ikaw ay may takot sa Allâh." Ang Anghel ay nagpahayag: "Ako ay isa lamang Sugo mula sa iyong Panginoon, upang ibalita sa iyo ang handog ng isang matuwid na anak na lalaki." Siya (Maria) ay nagsabi: "Papaano ako magkakaroon ng anak na lalaki gayong wala pang lalaki ang nakasaling sa akin, gayundin, ako ay isang malinis na babae?" Siya (Gabriel) ay nagpahayag: "Mangyari nga at ito ay naganap" ang iyong Panginoon ay nagwika: "Ito ay magaan sa Akin (Allâh): At nais Naming italaga siya bilang isang Tanda sa sangkatauhan at isang Habag mula sa Amin (Allâh), at ito ay isang bagay na napagpasyahan na sa pamamagitan ng kautusan ng Allâh. (Maryam-19:16-21) Hinggil sa kung ano ang sinabi ni Lukas sa kanyang Ebanghelyo na siyang sinabi di-umano ni Gabriel kay Maria: "Ang iyong isisilang ay tatawaging anak ng Diyos" subali't tanging si Lukas lamang ang sumulat ng ganitong konsepto. Hindi ito nabanggit sa alinmang Ebanghelyo mula kina Mateo, Juan at Markus. Isa ito sa patunay na hindi sila nagkakatulad ng palagay sa totoong katayuan ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa

192

kanilang isinulat na Ebanghelyo. Dagdag pa rito, lahat sila ay walang matibay na pinagkunan ng mga impormasyon ayon sa kanilang paniniwala. Sa isang banda, ang apat na Ebanghelyong ito ay tunay na napakalayo kung ihahambing sa Lumang Tipan na binago ng mga Hudyo. Ang mga Hudyo at Kristiyano ay magkatulad ang sinasabi. Ang Kristiyano ay nagsabing ang mga Hudyo ay nagkamali ganon din naman ang mga Hudyo ay nagsabing ang mga Kristiyano ay nagkamali. Lahat sila ay nagtatatwa sa kanilang opinion at paniniwala. Ito ay mababasang lahat sa Banal na Qur'an kung saan ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: Ang mga Hudyo ay nagsasabing ang mga Kristiyano ay walang sinusunod na tamang relihiyon; gayundin ang mga Kristiyano ay nagsasabing ang mga Hudyo ay walang sinusunod na tamang relihiyon gayong kapwa nila binibigkas ang mga Kasulatan. Gayundin ang pagpaparatang ng mga walang kaalaman (mga pagano). Hahatulan sila ng Allâh tungkol sa kanilang pinagtatalunan sa Araw ng Paghuhukom. (Al-Baqarah2:113)

Pagkaminsan, sila rin ay nagtataka, "Paanong ang isang tao na isinilang na walang ama ay walang kabanalan?" Ang Allâh ay nagbigay ng kasagutan sa katanungang ito: Ang Dakilang Tagapaglikha ay nagsabi sa Banal na Qur'an: Katotohanan, ang kahalintulad ni Issa (Hesus) sa paningin ng Allâh ay tulad ni Adan. Kanyang nilikha si Adan mula sa alabok, at Kanyang sinabi sa kanya: "Mangyari! - at naganap nga." (Al-Imran-3:59) Alinsunod sa kahulugan nito, si Sheikh Ahmad Deedat, isang kilalang paham na Muslim ay nagsabi: "Ang ilan sa inyo ay nagsabing ang Propeta ng Islam ay nag-utos sa atin na igalang ang Ebanghelyo, subali't aling Ebanghelyo?" Ang aklat na iniutos ng ating Propeta na igalang natin ay ang Ebanghelyo ni Hesus. Subali’t nasaan na ang Ebanghelyo ni Hesus? Ang kasalukuyang Bibliya o higit na tamang tawaging ‘mga Bibliya’ ay walang isa mang Ebanghelyo ni Hesus! Si Propeta Muhammad ay nag-utos sa ating igalang kung ano ang ipinahayag ng Allâh kay Hesus, hindi yaong Ebanghelyo nina Mateo, Markus, Lukas at Juan. Kung inyong sinasabing si Hesus ay isang diyos, magkagayun, magpakita kayo ng kahit isang talata na nagmula sa inyong

192

Bibliya kung saan si Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay nagsabing: "Ako ay diyos" o 'di kaya ay nagsabing "Sambahin ako". Dagdag pa ni Deedat, ang Diyos sa tatlong persona (Doktrina Trinidad), na ang ilang mga Kristiyano ay nagsasabing ang Diyos ay ang Ama, ang anak at Espiritu Santo, at naniniwalang ang Diyos ay ang Ama, ang anak at Espiritu Santo ay iisang diyos, subali't kailanman ay hindi nila inisip na sila ay tatlong diyos, bagkus ay tatlo sa iisang Diyos. Subali't nais kong malaman ninyo, O kayong mga nakauunawa. Tama ba kung ating sasabihin: "Ito ay isang tao, ito ay isa pang tao, at ito ang ikatlo at pagkatapos ay ating sasabihing ang tatlong ito ay hindi tatlong tao, bagkus sila ay isa lamang? Makatuwiran ba kung ating sasabihing: "Ang tatlong ito ay iisa?" Katunayan kung atin lamang aalamin kung sino ang tatlong ito na sadyang magkakaiba ay malalaman natin ang kaibahan nila sa isa't isa. Bawa't isa sa inyo ay may kanyang sariling pag-iisip upang mapagtanto ang pagkakaiba ng mga katangian ng bawa't taong ito. Meron silang pagkakaiba sa konseptong pangkaisipan sa isa't isa, Ang ama, ang anak at espiritu santo. Kapag kayong mga Kristiyano ang nagsasabi: "Sa ngalan ng Ama" katiyakan, alam ninyo kung sino Siya. Kapag Pasko, inyong ipinapalagay na siya ay isang matandang lalaki na may puting balbas at kapag inyong sinabi: "Sa ngalan ng anak", katiyakan magkakaroon ka ng sariling palagay para sa kanya, at maaari mong mailarawan na isa siyang makisig at batang lalaki na may kulay gintong buhok at kulay asul na mga mata. Paano ang tatlong magkakaibang taong ito na nagtataglay ng iba't ibang kaisipan at katangian ay mabubuo sa iisang katauhan? Hindi natin maaaring tanggapin ang tatlong konsepto ng diyos (Trinidad), kung saan ay hindi nabanggit ni Propeta Hesus – na anak ni Maria ang tungkol dito at hindi lamang kaming mga Muslim ang nagsasabi ng mga bagay na ito. Maging ang mga iskolar ng Kristiyanismo ay nagtanggal ng mga tanda at simbolong ito mula sa ikapitong pangungusap ng kabanata-5 sa unang aklat na sinulat ni Juan, pagkaraan ng nabanggit na ikapitong pangungusap, sa kasalukuyang bagong edisyon ng Bibliya ito ay naglalaman lamang ng apat na salita na nagsasabing: (Mayroong tatlong mga saksi) at ito ay nangangahulugan ng (Ang Ama, ang Salita at Espiritu Santo, at sila ay iisa). Ang pariralang ito ay naglalaman ng tanda o simbolo ng tatlong katauhan ng diyos sa pananampalatayang

192

Kristiyanismo na nagsasabing: "Na yaong sumasaksi sa mga kalangitan ay tatlo, ang Ama, ang Salita at ang Espiritu Santo. Ang tatlong ito ay Iisa." Maging ang kanilang mga iskolar ay pinabulaanan ang mga katagang ito na nagpasyang alisin at ituring na ito ay gawa-gawa lamang. Ang tanong ay ganito: Bakit tinanggal ng mga Kristiyano ang isang pangungusap na sumusuporta sa Doktrina Trinidad sa Bibliya? Ang kasagutan: Kanila itong ginawa sapagka't ito ay mga salita ng pari noong ikaanim na siglo A.D. Ito ay sinulat bilang tala-ibaba lamang. Subali't yaong mga naglimbag ng Bibliya ay isinama ang mga tala-ibabang ito bilang bahagi ng paksa ng Bibliya na umaayon sa kanilang sariling kagustuhan. Ang paniniwala sa tatlong katauhan ng diyos (Trinidad), at ang pagkakapantay sa Allâh ng usapin tungkol sa anak ng Allâh ay walang iba kundi isang malaking kasinungalingan laban sa Allâh. Ang Allâh ay hindi nangangailangan ng anupaman, gayundin, ay hindi Niya kailangan ang isang anak upang panatilihin ang Kanyang Kaharian at magpatuloy sa Kanyang mga sinimulan. Ang Allâh ay hindi nangangailangan ng isang anak upang pumalit pagkaraan ng Kanyang kamatayan. Hindi ito pahihintulutan ng Allâh. Tanging ang Allâh lamang at walang sinuman ang maaaring magbigay ng palagay na Siya ay lilikha ng isang panibagong nilikha upang maging kaagapay sa Kanyang Kaharian. Si Hesus ay nagsabi sa Aklat ni Juan 5:30: "Ako ay walang kakayahang gawin ang isang bagay mula sa aking sariling kakayanan." Kung nais nilang sabihing si Hesus ay anak ng Allâh, paano natin tatanggapin na si Hesus ay may kaluluwa at katawan na kasama ng Allâh bilang Kanyang anak bago pa ang pagkalikha sa simula, at ang diyos Ama ay nagsabi: O aking anak magtungo ka sa unang taon ng kapanganakan ni Kristo na isisilang ni Birhing Maria sa kanyang sinapupunan. Ito ay sadyang kamangha-mangha? Papaano mo iisiping si Hesus ay nabubuhay na kasama ng Allâh bago pa ang pagkakalikha? Siya ba ay nasa kanyang katawan at kaluluwa? O 'di kaya siya ay naroon at sumususo? O 'di kaya naman siya ay naroroon bilang isang batang naglalaro? O 'di kaya nama'y isang binatang mayroong iba't ibang pag-ibig? O siya kaya ay isang ganap na tao bago siya ipinadala ng Allâh dito sa sanlibutan na lumabas mula sa sinapupunan ni Maria bilang isang sanggol? Maaari ba nating isipin na ang bagong silang na bata at walang sariling kakayahan na umiiyak pagsilang niya sa mundong ito ay Diyos? At tayo ay maaaring magtaka: Sino ang nasa sinapupunan ni Maria: Siya ba

192

ay si Propeta Hesus o 'di kaya ay si Hesus, ang Diyos? Bakit hindi natin kayang tanggapin ang katotohanan? Kung si Hesus ay anak ng Allâh, ang Allâh ay sadyang malayo sa kanilang mga kasinungalingan laban sa Kanya. Maaari niyang ipadala sa mas higit na paraang marangal si Hesus tulad ng pagpapadala Niya kay Adan noon, o mas higit pa sa paraan ng pagpapadala Niya kay Adan, gayundin sa pagpapadala Niya kay Gabriel, sa Espiritu Santo at sa mga anghel na ipinadala Niya sa daigdig. Sa pangwakas, sila ay naniniwalang si Kristo na itinuring nilang diyos na nagkatawang tao ay napako sa krus at namatay upang sila ay tubusin sa kanilang mga kasalanan. Kanilang iniisip na ang nag-iisang tao ay maaaring magpasan ng lahat ng kasalanan ng tao. Ito ang aking katanungan sa inyo: "Ang Allâh ba sa inyong palagay ay maaaring mamatay? Hindi ba't kayo ay nagsabing ang Allâh ay walang hangganan at hindi maaaring pumanaw? Pagkatapos ay inyong sasabihin na ang diyos ay namatay at naipako sa krus? Kung ang Allâh ay namatay, ano kaya ang nangyari sa Kanyang mga nilikha at sino kaya ang mamamahala sa buong sanlibutan." Bago ko tuluyang wakasan ang kabanatang ito, nais kong ipaabot sa Angkan ng Kasulatan ang tungkol sa ilang kaganapan na naitala ng ilang mamamahayag na nagmula sa bansang India sa ika-2 bahagi ng ika-19 na siglo A.D. Ang pangunahing tauhan ng pangyayaring ito ay walang iba kundi ang tanyag na si Sheikh Rahamat-ullah Bin Khalil-Ullah Al-Hindi. Siya ay kilala bilang isang mahusay na tagapagtaguyod ng Islam noong panahon ng pamamalagi ng mga British sa India at kasalukuyang ang mga Protestanteng Kristiyano ang nangingibabaw sa larangan ng pananampalataya sa naturang bansa. Sinikap nilang kumbinsihin ang lahat ng sekta ng pananampalataya, kabilang na ang mga Muslim upang yakapin ang Kristiyanismo. Ang pinuno ng Misyonaryo sa India nang panahon iyon ay ang Paring si Pfander na sumulat ng isang aklat na pinamagatang "Ang Tunay na Batayan" kung saan kanyang tinatawagan ang mga Muslim na lisanin ang Islam at yakapin ang Kristiyanismo. Wala isa mang Iskolar na Muslim mula sa India ang nakipag-usap sa mga misyonaryo. Sapagka't sila ay nawalan ng lakas ng loob at halos nais na nilang iwanan ang pagiging mga Muslim at yakapin ang Kristiyanismo. Si Sheikh Rahmat-Ullah ay nabahala sa ganitong kalagayan ng mga Muslim sa India ng mga panahong iyon. Kaya't kanyang pinagpasyahang pag-aralan ang kanilang mga aklat, ang Luma at Bagong Tipan, hanggang maabot niya ang

192

mga namamagitan at gawa-gawa lamang na mga konseptong kanilang iniambag sa kanilang mga aklat. Ipinakalat niya sa buong India ang kanyang natuklasan at hinamon ang Paring si Pfander sa isang talakayan na tinanggap kaagad ng huli. Sa pagaakala ng kanyang katiyakang pagkapanalo. Si Pfander ay nagmungkahi ng tatlong magkakasunod na pagkakataon upang isagawa ang naturang talakayan at kanyang hiniling ang pagdalo ng mga tanyag na pulitiko, mga dalubhasa sa larangan ng agham, mga mamamahayag, gayundin ang maraming bilang ng mamamayan sa India upang magsilbing saksi. Malugod na tinanggap ni Sheikh Rahmat-Ullah ang mga kondisyon ni Pfander at sa kanyang sariling panukala ay sinabi niyang sinuman ang hindi makatugon sa anumang katanungan na ihahain sa talakayan ay iiwan ang kanyang relihiyon at aanib sa huli na kaagad namang tinanggap ni Pfander. Hindi nangangahulugang iiwan ni Sheikh Rarmat-Ullah (nawa'y payapain ng Allâh ang kanyang kaluluwa) ang kanyang relihiyong Islam, bagkus inilahad niya ang ganitong kondisyon sapagka't mataas ang kanyang katiyakan na ang mga patunay na kanyang dala-dala na nagmula sa aklat ng Allâh at sa mga winika ni Propeta Muhammad ang kanyang magiging pambihirang sandata ng katotohanan. Sa kabilang banda, naniniwala siyang ang dala-dala ni Pfander ay mga di-mapagbabatayang aklat na lubos ang pagkasira at hindi katanggap-tanggap maging ang konseptong pangkaisipan at payak na pangangatuwirang taglay. Ang unang talakayan ay ginanap noong ika-10 ng Abril, 1854 sa distrito ng Akbar Abad sa lungsod ng Agra. Marami ang mga dumalo kabilang na si Dr. Muhammad Wazeer Khan upang suportahan si Sheikh Rahmat-Ullah at ang paring si Fernische upang suportahan naman si Pfander. Maraming iba pa ang nagsidalo, isa na rito ay ang pinuno ng Divan, isang tagapayo mula sa Tanggapan ng Pananalapi, ang pangalawang gobernador ng lungsod ng Nabaras, si Sheikh Qamar Al Islam – isang Imam ng Great Mosque ng Agra, si Khadem Ali Khan – punong tagapatnugot ng "Vanguard News" at ilan sa mga kilalang pinuno ng naturang bansa. Pagkaraan ng unang talakayan, isinulat ni Ali Khan ang naging resulta ng unang debate. Sinabi niyang tinanggap ni Pfander ang ilang mga pagbabago sa Bibliya sa loob ng pito o walong pagkakataon.

192

Walang masabi si Pfander tungkol dito, bagkus kanyang nasabi na lamang na mayroong bahagyang pagbabago sa aklat na hindi naman makakaapekto sa Kabanalan ng Aklat na ito. Samantala, sumagot si Sheikh Rahmat-Ullah sa ganoon ding kapahayagan: "Kapag ang isang dokumento bagama't ito ay hindi ganoong kahalaga, ay napatunayang nasira o nabago, ito ay maituturing na wala ng halaga at hindi na mapapanaligan. Paano pa kaya ang Aklat ng Diyos? Iyong tinanggap na may mga pagbabago at pagkakamali sa inyong aklat ng may walong iba't ibang kalagayan at pagkatapos ay pinaniniwalaan mo pa rin ito at inaanyayahan mo pa ang mga tao na sumunod sa bagay na ito?" Ang pangalawang bahagi ng talakayan ay naganap noong ika-11 ng Abril, 1854. Napag-alamang mas maraming pari ang dumalo. Sila ay mga kasamahan ni Pfander makaraang maipahayag sa buong India na may isang Iskolar ng Islam ang naglagay sa isang tanyag na paring Kristiyano sa kahiya-hiyang sitwasyon makaraang banggitin ng huli ang mga pagbabagong naganap sa kanilang Bibliya. Ilan sa mga paring ito ay sina William Klein, Harvy at marami pang iba. Naiulat din na kaya sila dumalo sa debateng iyon ay upang makipagtalo lamang na pawang mga salat sa anumang katibayan. Subali't hindi naging dahilan iyon upang pigilan ang pag-amin ni Pfander tungkol sa pagkasira ng Bibliya na naging dahilan upang sila ay lumisan ng talunan sa naganap na talakayan. Pagkaraang kanilang mapagkasunduan ang ikatlo at huling talakayan, si Pfander ay hindi na dumating bagkus ay nagpadala na lamang ng isang liham na humihingi ng paumanhin sanhi ng hindi niya pagdalo. Subali't si Dr. Muhammad Wazeer ay nagpadala ng sulat kay Pfander na naglalaman ng ganito: "Kailangan mong dumating upang sagutin ang mga katanungan ni Sheikh Rahmat-Ullah at pagkatapos ay iyong itapon na lamang ang iyong Bibliyang sadyang hindi na mapagbabatayan at tigilan mo na rin ang pananawagan sa mamamayan ng India upang yakapin ang inyong huwad na relihiyon." Dahil dito, kumalat sa mga pahayagan ang pangunahing dahilan kung bakit si Pfander ay hindi dumalo, sa pangambang kapag siya ay natalo sa talakayang iyon ay mapilitan siyang yumakap sa Islam upang tuparin ang kanilang kasunduang sinumang matatalo ay tatalikod sa kanyang pinanghahawakang relihiyon at yayakap sa huli. Katiyakan, siya ay hindi nakatalaga upang maging isang mananampalataya tulad ng binanggit ng Allâh – ang Makapangyarihan sa Banal na Qur'an:

192

Katotohanan ikaw (O Muhammad ) ay hindi nagbibigay ng gabay sa iyong nais, bagkus ang Allâh ang gumagabay sa sinumang Kanyang naisin. At Siya ang nakaaalam kung sino ang kanyang ginabayan. (Al-Qasas-28:56) Ito ang salaysay ng karanasan ni Sheikh Rahmat-Ullah sa India. Nagpapatunay lamang ito sa mga kasinungalingan ng mga Kristiyano laban sa Allâh – ang Pinakamataas. Sadyang ang Allâh ay malayo sa anumang mga kasinungalingan na kanilang sinasabi! Sa sunud-sunod na mga eskandalo ng mga paring Kristiyano, ating tunghayan ang isang pangyayaring naganap sa isang sikat na mamamahayag ng Kristiyanismo at kung ano ang naisulat sa tanyag na American "Time" Magazine na inilathala noong ika-7 ng Marso, 1988 tungkol sa ilang misyonaryong pari na nagtatanghal ng programang pang-telebisyon na ipinalalabas sa buong Estados Unidos. Bawa't isa sa mga misyonaryong ito ay mayroong tagasunod na umabot sa milyon ang bilang at naniniwala sa kanilang mga sinasabi tungkol sa Bibliya. Ang "Time" at "Washington Post" ay nagpasabog ng mga eskandalo laban sa grupo ng mga paring nanghihingi ng donasyon sa bawa't Kristiyanong kanilang nasasakupan na umabot sa sampung milyong mga kaanib at nakaipon ng kayamanan na umabot sa mahigit sampung milyong dolyares. Ginugugol ng mga misyonaryong ito ang salaping kanilang nalikom bilang panustos sa kanilang sarili, sa mga asawa at mga kamag-anak. Mayroon din silang mga palasyo, mga sasakyang panghimpapawid at magagarang mga sasakyan. Hindi pa rito natatapos ang paglustay ng mga salaping kanilang nalikom, ginagamit din nila ito sa kanilang pangseksuwal na mga gawain at mga ipinagbabawal na relasyon sa mga babaeng nagbebenta ng aliw. Naisip ba natin na kung ang mga eskandalong ito ay nailathala sa mga babasahin at pahayagang Arabo, bilang palatandaan ng Kristiyanismo kung saan ang mga Kristiyano ay nagtuturing sa kanilang mabubuting halimbawa, tayo ay makatitiyak sa kanilang walang hanggang pagtutol at tutuligsain ang mga pahayagang ito tulad ng nangyari sa Ehipto noong huling bahagi ng Hunyo, 2001. Kanilang pinatunayan ang mga artikulong ito sa pamamagitan ng mga positibong katibayan tulad ng paglalahad sa katotohanan ng isang kilalang misyonaryong pari.

192

Ibinunyag ng Time Magazine ang tungkol sa isang kilalang misyonaryo na si James Baker at ang kanyang asawang si Tay May sa isang kasindak-sindak na pinamagatang: "Ang Mundo ng Panlilinlang, Pandaraya, Panggagaway, Pangunguwalta sa pamamagitan ng pananakot, pagnanakaw, kasinungalingan at pagkukunwari. Ang daigdig ng eskandalong Seksuwal, Panggagahasa at Prostitusyon ng mga misyonaryong pari, kung saan ang kanilang mga pangalan ay mas higit na tanyag kaysa sa mga sikat na artistang pampelikula at telebisyon sa Amerika." Maraming mga kalalakihan at kababaihan ang nalason ang mga isipan na humigit sampung milyon ang bilang na nagkakaloob sa kanila ng malaking kayamanan sa Stock Exchange na hindi bababa sa dalawang bilyong dolyares kada taon. Si James Baker at ang kanyang asawa ay nagsimulang gumanap bilang mga misyonaryo sa pamamagitan ng isang palatuntunan sa telebisyon matapos na kanyang iwan ang C.B.N. TV network. Si Timmy na hinango sa pangalan Tay May, ay lumalabas sa programa sa telebisyon na nakasuot ng sexy swimming costume habang nakaupo sa gilid ng kanyang asawa habang nagsasalita sa harap ng maraming tagapakinig. Kanyang sinasabing: "Kailangan nating maging kaakit-akit sa harap ng mga tagapakinig at bukod dito ang pagsusuot ng mga seksing kasuotan at paglalagay ng maraming make-up habang nangangaral ay hindi maituturing na isang kasalanan." Nguni't dumating ang mahalagang papel na ginampanan ng misyonaryong si Jimmy Swaggart sa kanyang pagpapasabog ng eskandalo laban kay Baker at sa asawa nito, na naging dahilan upang magbitiw sa naturang samahan. Mainam na ating banggitin na si Swaggart ay dating kasamahan ni Baker sa kanyang programa. Nagkahiwalay lamang sila pagkaraang magkaroon ng pagtatalo hinggil sa hatian ng kayamanan na umaabot sa milyong dolyares ang halaga na kanilang nalikom mula sa mga donasyon. Naramdaman ni Baker na si Swaggart ay magiging banta sa kanya dahil sa taglay nitong karisma sa manonood kaya naman tinanggal niya kaagad ito sa kanyang programa. Kaugnay nito, sinimulan ni Jimmy Swaggart ang pagbabayad sa mga pribadong ahensya upang tiktikan at tuklasin ang mga kabulukan ni Baker at ng kanyang asawa. Sa huli, pagkaraang kanyang makalap ang mga nakakahiyang pangyayari sa buhay ng mag-asawang James at Tay May Baker, kanyang ibinunyag ang lahat ng ito upang sirain ang reputasyon ng mag-asawa. Ito ang naging dahilan upang si Timmy Baker ay lumabas sa

192

telebisyon na humihingi ng paumanhin at nagsasabing siya ay tinukso lamang ng Demonyo upang gawin ang kanyang mga kasalanan at inamin niya na siya ay isang "drug-addict". Kanyang sinabi na ang demonyo ang nagtulak sa kanya upang gawin ang mga bagay na iyon pagkaraang magkaroon si Baker ng isang relasyon sa isang babae na kinilalang si Jessica Han – dating kalihim ni Baker sa simbahan. Sinulsulan pa ni Swaggart si Han na idemanda si Baker at sabihing isa siyang dating birhen bago siya inabuso. Dagdag pa ni Han sa kanyang sinabi: "Tinukso niya (Baker) ako at binigyan niya ako ng inuming nakapagpapawala ng malay na nagdulot sa akin upang mawalan ako ng ulirat at nang magbalik ang katinuan sa aking pag-iisip, ako ay maihahambing na lamang sa isang niluray na hamburger na wala ng maaaring magnais upang kainin ito sanhi ng paglapastangang kanyang ginawa sa akin." Makaraang maghain ng demanda ni Han laban kay Baker, inalok ng huli ang biktima ng malaking halaga upang manahimik na lamang. Subali't hindi ito nakatulong sa tuluyang pananahimik sa usapin sapagka't lumaganap na ang masamang balita sa daanlibong mga tagasunod ng mag-asawa na dating naniniwala na sila ay malilinis at mapagkakatiwalaang mga lingkod ng diyos. Makaraang ipalabas ang paninirang-puring ito na kaagad lumaganap sa buong kapuluan, si Baker at ang kanyang asawang si Tay May ay lumantad sa isang lingguhang pagtitipon ng mga mamamahayag at sa isang programang pang-telebisyon na umiiyak at luhaan sa dahilan ng pagkakumpiska ng kanilang missionary foundation T.V. net, kasama rito ang malawak na mga lupaing nagkakahalaga ng milyong dolyares. Naganap ito makaraang sila ay akusahan bilang mga mangingikil at kinilala na mapag-aksaya at bulagsak sa yaman at mga taong nagmamayari ng mga palasyo na kung saan ang mga kasangkapan ay nababalutan ng ginto at mamahaling bato na matatagpuan sa California at Florida. Sa isang panayam sa telebisyon, si Baker ay nagsabi: "Si Swaggart ay nagsagawa ng paninirang nabanggit upang isulong ang kanyang layunin laban sa kanya (Baker) upang makamtan ang 129 milyong dolyares na taunang kinikita ng naturang "missionary foundation". Ang mariing tugon ni Swaggart kay Baker sa mga akusasyon ng huli ay ganito: "Panahon na upang linisin ang sariling tahanan mula sa kaloob-looban nito, at ang mga ginawa ni Baker at ng kanyang asawa ay lubhang kahiya-hiya at katawa-tawa na

192

makababawas ng dangal sa hanay ng mga misyonaryo at kinakailangang wakasan upang huwag ng pamarisan." Inihambing ni Swaggart ang kanyang dating kaibigan sa isang uri ng sakit na walang lunas na nakapaloob sa katawan ni Kristo. Gayunpaman, ang sunud-sunod na mga eskandalong tulad nito ay nagpatuloy sa samahan ng mga pari. At hindi roon natapos ang mga eskandalong naganap, maging si J. Swaggart ay humantong sa ganoong kahiya-hiyang sitwasyon. Si Swaggart na nagturing kina Baker at sa kanyang asawa bilang isang uri ng sakit na walang lunas sa katawan ni Kristo ay humantong din sa ganoong kalagayan. Sa di-inaasahang pangyayari ng daan-libong mga manonood ng C.B.N. T.V. cables na sumasakop sa buong kapuluan ng Estados Unidos, ang Paring si Swaggart ay nakita ring umiiyak at luhaan habang nagpapahayag ng kanyang mga kasalanan sa loob ng kanyang simbahan. Ito ay pagkaraang si Swaggart ay maiskandalo at mailathala ang kanyang mga larawan sa lahat ng lugar habang nakikipagtalik sa isang kilalang babaeng nagbebenta ng aliw na si Debora Murphy. Siya (Murphy) ay nakahiga habang walang saplot sa katawan sa harapan ni Swaggart. Binayaran ni Swaggart ng malaking halaga si Murphy upang magmistulang abnormal sa kanyang mga ginawa habang nagpapakita ng mga malalaswang pagkilos ng hubo't hubad. Kung ano ang ginawa ni Swaggart kay Baker ay ganon din ang nangyari kay Swaggart. Kung noong una ay hinanapan niya ng kamalian si Baker at ang asawa nito sa pamamagitan ng mga larawan at impormasyon, gayundin ang ginawa ng isang paring si Marpin Gurman, na tinanggal ni Swaggart sa kanyang trabaho sa TV channel. Kanya ring hinanapan ng mga kamalian si Swaggart. Kumuha rin siya ng pribadong tagasubaybay upang alamin ang mga maling ginagawa niya na humantong sa pagkakatuklas ng mga larawan at video tapes. Bago niya inilabas ang mga vidoe tapes na 'yun, sinubukan niyang kuwaltahan si Swaggart sa isang maruming paraan subali't hindi siya binayaran ni Swaggart. Kaya inilabas niya ang mga larawan at video tapes sa mga pahayagan at telebisyon. Laking gulat ni Swaggart makaraang kanyang matunghayan ang lahat ng kanyang mga kawalanghiyaan at hindi maubos ang paghingi niya ng tawad sa kanyang mga ginawa. Habang siya ay nakatayo sa harapan ng kanyang mga tagapanood at humingi ng tawad sa kanyang Panginoon. Mapayapa siya habang nakasuot ng kupas na terno at marahang bumibigkas ng isang himig sa madamdaming pamamaraan: "Hindi ko sinasabing ito ay isang kasalanan o

192

kasinungalingan, bagkus ito ay itinuturing kong isang pagsisisi sa aking kakulangan. Hindi ko sinisisi ang sinuman sa inyo, bagkus sinisisi ko ang aking sarili." Kanya itong sinasabi habang luhaan at gumagatol pa ang kanyang boses. At kanya pang sinabi: "Aking Tagapagligtas, ako ay nakagawa ng mga kamalian at ako ay humihingi sa Iyo ng patak ng iyong dugo mula sa krus upang linisin ang nangangalawang kong kaluluwa at gawin mo itong tulad ng isang dagat ng kapatawaran." Masdan ang larawan ni Swaggart sa "Time" habang umiiyak at nangungumpisal sa kanyang kasalanan!

192

192

Pagkatapos ng kanyang di-makatotohanan at makabagbag damdaming pagsisisi, ang paring si Swaggart ay tumakas gamit ang kanyang marangyang sasakyan upang magkanlong sa kanyang malawak na bukirin na namumutiktik sa kasaganaan. Sa oras ng kanyang pag-amin, hindi siya (Swaggart) naglahad ng anumang kasalanang kanyang nagawa. Sa kasalukuyan, batid ng buong sanlibutan ang lahat ng kanyang masasamang gawaing seksuwal na kanyang kinasangkutan sa pagitan ng mga babaeng nagbebenta ng aliw sa ilang mumurahing hotel. Ito ang taong nagpakadalubhasa upang ibunyag at sumpain ang maling gawain at kasalanan ng iba. Ito rin ang taong nangangaral sa milyonmilyong Kristiyano at nagtuturo sa kanila tungkol sa kagandahang asal at tamang pag-uugali. Ilan lamang ang mga ito sa eskandalong naganap sa pagitan ng mga misyonaryong pari, na kung saan inilarawan ni Kristo Hesus sa kanilang di-umano ay Banal na Bibliya, at nagsabing: "Mga anak na mapanlinlang na kakikitaan mo ng kabutihan kapag humaharap sa tao, subali't ang kalooban ay puno ng kasinungalingan at pagmamalabis." Paano mo tatalakayin ang tungkol sa mabubuting gawain kung ikaw mismo ang lumalabag dito at ikaw ay isang sinungaling? Ang iba pang mga kaganapan kaugnay ng mga katiwalian ng kanilang mga pinuno na nag-aangkin nang walang hanggang kabutihan ay nailathala sa pahayagang 'La Republica' sa Roma na kinasangkutan ng mga iskandalo ng mismong mga paring Kristiyano. Isang manggagamot at lingkod ng simbahan na kinilalang si Mora Odonohy ay nagsabing mismong ang Vatican ay tumanggap sa katotohanan na ilan sa kanilang mga misyonaryong pari ang puwersahang nakikipagtalik sa mga kakabaihang naglilingkod ng kanilang simbahan. At kalimitang dinadaan sa dahas ang pakikipagtalik at sapilitang nagsasagawa ng mga "abortion". Ang ulat na ito ayon sa Vatican ay pangyayaring naganap lamang sa iilang mga lugar sa buong mundo na umabot sa 23 mga bansa, kabilang na rito ang Estados Unidos, Brazil, Pilipinas, India, Ireland at Italy. Ang artikulong isinulat ng mamamahayag na si Marco Polity, isang manunulat ng pahayagang 'La Republica' ng Vatican ay nagsabi: "Ang ulat na isinumite ni Odonohy para sa pinuno ng Vatican Archbishop Council na si Cardinal Martinez Somalo noong Pebrero taong 1995 ay nilagdaan ng iba pang mga kababaihang naglilingkod sa simbahan." Nagpapatunay ito sa ilang mga kasong kinasasangkutan ng ilang pari na tuwirang

192

nag-uutos sa mga kababaihan upang sumailalim sa proseso ng "abortion" na humahantung kung minsan sa kamatayan, at pagkaraan ay pinamumunuan ang misa sa paglilibing. May mga pagkakataon ding ang mga kababaihang ito ay sapilitang pinaiinom ng mga contraceptive tablets. Karagdagan pa rito, may mga kaso ring tulad nito ang nakapagtala na 20 kababaihan ang sabay-sabay na nagdalantao sa loob ng isang relihiyosong lugar. Sa iba pang bahagi ng aklat na ito, ating basahin ang dalawang salaysay ng mga Kristiyanong yumakap sa pananampalatayang Islam makaraang kanilang mabatid ang tunay at wagas na katotohanang taglay ng pananampalatayang Islam. Una, ang kasaysayan ng ating Kapatid na si Abdullah Lawrence Marwan. Isinalaysay niya ang kanyang kuwento sa isang pahayagan sa Al Madinah. Heto at ating tunghayan ang kanyang salaysay.

192

Ang pagbabalik-tanaw ng Amerikanong si Abdullah Lawrence sa kanyang pagyakap sa Islam. Marami sa mga taong isinilang sa mga Islamikong bansa ang hindi nag-akala sa aking ilalahad na kuwento. Sa buong buhay

192

ko, kailanma'y hindi ako nakarinig ng Al-Adhan, ang panawagan sa pagdarasal sa Islam o di kaya'y ang bumigkas ng Islamikong pagbating Assalamu – Alaikum. Ang ginintuang pagbating ito kapag aking naririnig ay dagliang nagpapaalala sa akin ng pagpapala mula sa Allâh – ang Makapangyarihan, na Siyang humirang sa akin at nagbigay ng gabay tungo sa landas ng Tamang Relihiyon. Si Dr. Marwan ay pinuno ng eyes section sa Maghraby Eyes Center sa Al Madinah Al Minawwara. Isinalaysay niya ang kanyang kuwento sa isang pahayagan, tunghayan natin. Marami sa aking mga kaibigan ang nagtatanong kung paano ko niyakap ang Islam? Kalimitang ang aking tugon ay nahahati sa dalawang kasagutan, isang maikli at isang mahaba. Ang aking maikli at payak na kasagutan ay ipinahahayag ko ng ganito: "Walang sinuman ang magagabayan sa Islam kung walang Gabay at Habag na nagmula sa Allâh." Kapag nakita ko ang isang tao na nag-aral ng Islam at hindi niya ito tinanggap, ito ang naghahatid sa akin upang magkaroon ako ng mahabang kasagutan. Sampung taon na ang nakararaan ng nagkaroon ako ng anak na babae na naghihirap sa sakit na congenital deformation. Mayroon siyang kaunting kulang sa bahagi ng ugat na daluyan ng dugo at hangin sa kanyang puso. Makaraan ang masusing pagsusuri, ang grupo ng manggagamot na bumubuo ng pangkat na nagsagawa ng pagsusuri ay nagpasyang ilagak ang aking anak sa Intensive Care Unit upang magsagawa ng malawakan pang pagsusuri. Kanilang napag-alaman na ang pangunahing ugat na dinadaluyan ng dugo at hangin para sa buong katawan ng aking anak ay hindi sapat upang tustusan ang pangangailangan nito. Ang ibabang bahagi ng kanyang katawan ay nagkulay matingkad na asul at nagmistulang namamatay na. Nang aking marinig ang resulta ng kanilang pagsusuri, nakadama ako ng kalungkutan sa aking puso at bilang isang manggagamot, batid ko kung ano ang ibig nilang ipakahulugan. Ang pinakamamahal kong anak na ilang araw pa lamang na naisisilang ay nangangailangan na ng isang operasyon sa kanyang puso. Pagkatapos nito ay kailangan pang ipagpatuloy ang obserbasyon sa magiging resulta ng operasyon kada taon upang makatiyak sa kanyang kaligtasan na maaaring kanyang ikamatay sa huli. Nang aking matanggap ang resulta sa isinagawang pagsusuring medikal, may naramdaman akong isang bagay na namatay sa aking sarili, ito ay ang pagmamalaki. (Ang lahat ng pasasalamat ay para sa Allâh lamang – ang Makapangyarihan). Akala ko

192

noon, kaya kong gawing mag-isa ang lahat ng responsibilidad maging anuman ito. Ako ay naging matagumpay sa lahat ng bagay at inasahan ko na kaya kong lampasan ang lahat ng balakid na maaaring humarang sa aking daraanan ng buong lakas sa buong buhay ko. Subali't kapag dumating na ang pagkakataon na masasaksihan ng aking dalawang mata ang kanyang kamatayan at walang sinuman ang makatutulong sa kanya, aking napagtanto sa kauna-unahang pagkakataon ng aking buhay na wala pala akong kakayahan upang gawin ang lahat ng bagay. Hindi nagtagal at ako ay nagtungo sa isang silid sa loob ng ospital na ginagamit ng mga Muslim sa kanilang pagdarasal. Sa loob ng silid na ito ay walang mga larawan, mga rebulto at krus na makikita, at doon ako ay nagdasal, isang makatotohanang pagdarasal. Dagdag pa ni Dr. Marwan: "Habang ako ay nagdarasal, ako ay naniniwala na ang Allâh ay Laging Buhay. Subali't bago naganap ang insidenteng iyon, ang Salita ng Allâh ay sadyang lingid sa akin at wala akong kaalaman tungkol dito. Ako ay nagsumamo sa Allâh na sana ay sagipin Niya ang aking anak at gabayan Niya ako sa Tamang Landas tungo sa Tunay na Relihiyon, at ako ay nangakong sisikapin kong sumunod at tumalima sa Kanya. Umiiyak ako at walang pag-aalinlangan na ang Allâh ay nakamasid at nakikinig sa aking mga panalangin. Ako rin ay naniniwala na ang Allâh – ang Makapangyarihan ang tanging makatutulong sa aking panambitan." Isang himala ang nangyari. Ang aking panalangin ay tinugon ng Allâh sapagka't nang ako ay bumalik sa Intensive Care Unit, aking napag-alaman mula sa mga manggagamot habang sila ay namamangha sa nangyari at sabihin sa akin na ang aking anak ay nasa maayos nang kalagayan. Dagdag pa nila, matapos ang panibagong pagsusuri, kanilang natuklasang hindi na siya nangangailangan pa ng anumang operasyon at maging ang anumang gamot ay hindi na rin niya kailangan. Sa oras ding iyon, nanumbalik ang likas na kulay ng kanyang katawan. Ang mga manggagamot ay nakakuha ng photos films ng kanyang puso bago at pagkatapos ng di-inaasahang pagbabago, at lahat sila ay namangha sa naganap, hindi nila inakala ang himala ay nagmula sa Allâh. Ang mabuting kalusugan ng aking anak ay nananatili hanggang sa kasalukuyan (Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allâh lamang). Bago naganap ang pangyayaring ito, ako ay namumuhay sa kawalan ng pananampalataya at nagtatakwil sa Panginoon. Kalimitan ay hindi ako dumadalaw sa mga simbahan, maliban lamang kung nais kong makipagtalo sa mga Pari na huwag ng

192

palawigin pa ang pag-aalinlangan ng mga Kristiyano sa turo ng kanilang simbahan. Pagkaraan ng pangyayaring iyon sa aking anak, sinikap kong maging tapat sa aking pangako sa Allâh. Sinimulan kong hanapin ang katotohanan tungkol sa Diyos – ang Diyos na Siyang tumugon sa aking pagsusumamo at nagpagaling sa aking anak. Sinimulan kong pag-aralan ang lahat ng pananampalataya mula sa Budaismo, Hinduismo, Hudaismo at Kristiyanismo. Dumalo ako sa iba't ibang mga pagtitipon ng simbahan. Akin pang natatandaan nang pag-aralan ko ang Hudaismo, hindi ko maintindihan kung bakit si Hesus ay hindi nila matanggap bilang isang Propeta na ipinadala ng Allâh. Nang pag-aralan ko naman ang Kristiyanismo hindi ko malaman kung sino ang huling sugo na nakasaad sa Bibliya. Gayundin ay walang sinuman ang makapagpaliwanag sa akin kung papaanong sila ay naniwala sa konsepto ng tatlong katauhan ng diyos (Trinidad)? Bakit kanilang iniisip na si Hesus ay naipako sa krus at isa siyang anak ng Diyos? Ang panghuli ay kung papaano sila naniniwala sa maraming kakatwang bagay at maling doktrina na matatagpuan sa katuruan ng kanilang pananampalataya at sa kanilang mga bibliya. Kailanman ay hindi ako naging isang Kristiyano at hindi ko pinaniniwalaan ang kanilang mga ideolohiya. Ganon pa rin ang aking pagkabahala sa aking sarili pagkaraan nang tatlong taong patuloy na pananaliksik sa iba't ibang relihiyon na mayroong maraming bilang ng mga tagasunod sa kasalukuyan. At dumating ang pagkakataon na nakatanggap ako ng ilang impormasyon tungkol sa Islam mula sa aking kapatid na naunang yumakap sa pananampalatayang ito (Lahat ng pasasalamat ay sa Allâh lamang). Nang sabihin niya sa akin sa telepono na siya ay kasapi na sa Islam, una, naisip ko kagad na baka siya ay nasisiraan lamang ng ulo. Sa kabila noon pinadalhan pa rin niya ako ng Banal na Qur'an na salin sa wikang Ingles at mga kahulugan ng nilalaman nito, gayundin ang talambuhay ni Propeta Muhammad . Nang aking mabasa ang aklat, ako ay nagkaroon ng katiyakang si Muhammad ang panghuli sa mga naunang sugo na siyang aking hinahanap sa lahat ng mga relihiyon. Dito na nagsimula ang aking pagiging isang Muslim.

192

Si Abdullah Lawrence ay nagpatuloy: "Aking napag-alaman na sa Amerika, walang sinumang Amerikanong iniwan ang Kristiyanismo at yumakap sa Islam na hindi nakaranas ng masidhing pasakit. Pagkaraang aking ipahayag ang bago kong relihiyon, ako ay hiniwalayan ng aking asawa. Karagdagan pa rito, ayon sa batas ng mga Kristiyano sa Amerika ng mga panahong iyon, kinuha ng aking asawa ang aking bahay, kotse, at lahat ng aking ari-arian. Maging ang aking mga anak at ang aking kayamanan ay kanyang nakuha sa pamamagitan ng isang hatol mula sa korte at ako ay napilitang magbayad ng 5 taong suportang pananalapi para sa kanya at 15 taon para sa aking mga anak. Hindi rin ako pinahihintulutang makita ang aking anak, maliban sa layong hindi bababa sa 100 piye bilang hatol ng hukuman." Sa panahong iyon, ganoon ang patakaran sa bansang Amerika laban sa sinumang Amerikanong yumakap sa pananampalatayang Islam. Ang aking mga magulang ay nagbigay sa aking asawa ng lahat ng tulong na kanyang kakailanganin upang maisaayos ang aming diborsyo at nagbayad sila ng mahigit 35,000 dolyares. Sa bandang huli ay binalaan pa ako at ang aking kapatid na huwag silang dadalawin, tatawagan o magpapadala ng anumang pagbati sa pamamagitang ng koreo. Bakit? Sapagka't ako at ang aking kapatid ay pawang mga Muslim. Subali't maluwag sa loob kong tinanggap ang lahat ng iyon at batid kong kapag ang isang nilikha ay iniwan ang isang bagay para lamang sa Allâh, pupunan Niya ito ng mas higit pa. Nawalan ako ng isang asawang hindi mananampalataya at mga anak subali't ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagkaloob sa akin ng isang dalisay na asawang Muslim at nagsilang ng isang anak na lalaki. Nawala ang aking dating pamilya at mga kaibigan, ngayon ay pinagkalooban naman ako ng Allâh ng higit pa sa kanila, sila ang mga kapatid kong Muslim dito sa piling lungsod ng Al Madinah (ang lungsod ng Propeta ). Sa kabila ng pagkawala sa akin ng aking mga ari-arian, ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagkaloob sa akin ng pinakadakilang kayamanan na hindi maaaring pantayan ng anumang bagay – at ito ang Relihiyong Islam. (Lahat ng papuri ay sa Allâh lamang). Ating tunghayan ang isa pang kuwento ng ating kapatid na Amerikanang si Hayat Collins na isinalaysay sa isang pahayagan ng Saudi Arabia na "Al Nukba"

192

Ako'y lumaki sa isang relihiyoso at Kristiyanong pamilya. Ang mga Amerikano nang panahong iyon ay mas relihiyoso kung ihamabaing sa kasalukuyan. Kalimitan sa bawa't pamilya, isang halimbawa, ay nagtutungo sa simbahan tuwing araw ng Linggo. Ang aking mga magulang ay masugid na naninilbihan sa simbahan at kalimitang mga pari ang aming panauhin sa aming tahanan. Ang aking Ina ay palagiang nagbibigay ng mga aralin sa Sunday School at gayundin naman ako bilang kanyang katulong. Maaaring sabihin na ako ay isang relihiyosa kung ihahambing sa ibang kabataan bagama’t hindi ko natatandaan ang ilang mga detalye tungkol dito. Minsan sa aking kaarawan, binigyan ako ng aking tiyahin ng ebanghelyo bilang regalo at ang aking kapatid na babae ay nagbigay naman ng manika. Sa iba pang pagkakataon, humingi ako ng isang aklat tungkol sa mga panalangin sa aking ama at madalas ko itong binabasa sa loob ng maraming taon. Sa unang antas ng aking pag-aaral, kumuha ako ng isang kurso ng pag-aaral sa Bibliya sa loob ng dalawang taon. Mula noon hanggang ngayon, binabasa ko pa rin ang ilang bahagi ng Bibliya subali't hindi ko ito maintindihang mabuti. Sa panahon ng aming pag-aaral sa Bibliya (Luma at Bagong Tipan), ito ay naging mahirap para sa aming maunawaan sapagka't hindi pangkaraniwan ang mga nilalaman nito na nakapagdududa at kung minsan ay nakalilito sa aming isipan. Isang halimbawa, ang Bibliya ay nagtuturo sa amin ng tinatawag na "orihinal na kasalanan", na ang ibig sabihin ba'y ang lahat ng bata ay isinilang na makasalanan? Mayroon akong isang kapatid na lalaki at lubos ang aking kaalaman na ang sanggol na ito ay walang kasalanan. Sa Bibliya ay may mga hindi pangkaraniwan at hindi angkop na mga kuwento tungkol kay Propeta David (sumakanya nawa ang kapayapaan). Isang halimbawa, hindi ko maintindihan kung papaanong ang isang Propeta ng Allâh ay kumilos sa ganoong paraan na binanggit sa Bibliya? Maraming mga bagay ang naging palaisipan sa akin tungkol sa Bibliya, subali't ako ay nangangambang magtanong sapagka't nais ko na tawagin nila akong isang mabuting bata. Subali't may isang batang lalaki ang nagtanong at salamat sa Diyos sa patuloy niyang pagtatanong. Ang pinakatampok na usapin ay ang konsepto ng Trinidad (tatlong persona sa iisang Diyos). Hindi ko ito lubos na maintindihan. Paanong ang diyos ay kasama sa tatlong bahagi at ang isa rito ay tao?

192

Pinag-aralan ko rin ang mga alamat ng Griyego at Romano sa paaralan at inakala kong ang ideya ng Trinidad at ang mga taong naging mga santo ay kahawig ng maraming kaisipang Griyego at Romano hinggil sa 'di umano’y tinatawag na Diyos. Kanilang itinuturo na marami ang Diyos, at bawa't isa ay may nakatalagang tungkulin sa bawa't anyo ng buhay. (Aming hinihingi ang kapatawaran mula sa Allâh). Ang batang lalaking ito ay nagpatuloy sa pag-usisa ng kung anuanong mga katanungan tungkol sa Trinidad, at sa huli ay nakatanggap siya ng kasagutang hindi siya nakumbinsing tulad ko. Sa huli ay pinayuhan na lamang siya ng aming guro sa Teolohiya ng Michigan University na magdasal at manumbalik sa pananampalataya na akin ding isinagawa. Sa ikalawang antas ng aking pag-aaral, lihim kong pinangarap na maging isang madre, dahil ako ay nahihikayat na magdasal sa mga natatanging pagkakataon. Nais ko ang isang uri ng buhay na buong pusong naglilingkod sa Diyos at ang magsuot ng mga kasuotan na naglalarawan ng isang relihiyosong pamumuhay. Isa sa naging sagabal upang matupad ko ang aking hangarin ay ang sekta ng aking pananampalataya, sapagka't ako ay hindi isang Katoliko at kami ay naninirahan sa isang bayan sa gitnangkanluran na ang Katoliko ay hindi gaanong tanggap ng ilan. Karagdagan pa rito, ang aking pagiging Protestante ang nagbigay ng dahilan upang hindi ko tanggapin ang pagiging pagano at nagkaroon ako ng pag-aalinlangan na ang isang patay na santo ay maaaring makatulong sa akin. Hanggang umabot ako sa kolehiyo ay patuloy ko pa rin itong pinag-iisipan at ipinagdarasal. Karamihan sa mga mag-aaral ay pinag-uusapan at pinagtatalunan ang tungkol sa relihiyon. At marami akong naririnig na iba't ibang pananaw tungkol sa paksang ito. Tulad ni Yusuf Islam, nag-aral din ako ng tinatawag na Oriental Religions, tulad ng Budhism, Kunfischism at Hinduism, nguni't ang lahat ng ito ay hindi nakatulong sa akin. Hanggang sa makilala ko ang isang Muslim mula sa Libya na nagbigay sa akin ng ilang impormasyon tungkol sa Islam at sa Banal na Qur'an. Kanyang sinabi na ang Islam ang bago at pinakamodernong bersyon ng Banal na Relihiyon. Sa aking sariling palagay tungkol sa kalagayan ng Aprika at Gitnang Silangan nang mga panahon na iyon, wala akong makitang

192

palatandaan upang tawagin ang Islam na isang bago at modernong pananampalataya. Minsan, inanyayahan namin siya (Muslim) na sumamang magsimba sa aming simbahan. Kanyang sinabi na sadyang kahanga-hanga ang pamamaraan ng aming pagdarasal, subali't sa bandang huli siya ay nagtanong: "Sino ang nagtalaga ng ganitong pamamaraan sa inyong pagdarasal? Sino ang nagsabi sa inyo kung kailan kayo tatayo, yuyuko at luluhod? Sino ang nagturo sa inyo na magdasal ng ganito?" Ikinuwento ko sa kanya ang kasaysayang pinagmulan ng unang simbahan. Subali't kung minsan ay nakakaramdam ako ng galit sa kanya sanhi ng kanyang kakaibang mga puna, nguni't sa bandang huli ay aking napag-isipan kung ang tao nga bang nagtalaga sa ganitong pamamaraan ng aming pagdarasal ay may karapatang gawin ito? Paano nila nalaman na ang pamamaraan ng pagdarasal ay katulad nito? Mayroon ba silang banal na utos o matibay na batayan tungkol dito? Batid ko sa aking sarili na maraming katuruan sa Kristiyanismo ang hindi ko pinaniniwalaan, nguni't patuloy pa rin ang aking pagpunta sa simbahan. Kapag sa aking palagay ay mayroon silang binibigkas na ilang bahagi ng kanilang doktrina na kinapapalooban ng paglapastangan sa Diyos tulad ng kautusang ipinalabas ng Niqia Economical Council in Minor Asia 325 A.D., hindi ko na lamang ito binibigkas at nagsimula akong makaramdam ng kakaibang damdamin sa loob ng aming simbahan. Hanggang dumating sa akin ang isang malagim na pangyayari nang ang aking malapit na kaibigan ay dumulog sa Pari ng aming simbahan upang kumunsulta hinggil sa kanyang problema sa pag-aasawa. Sinamantala ng paring ito ang sakit na kanyang nararamdaman at ang kanyang di-maayos na kalagayang pangkaisipan. Dinala siya ng pari sa isang hotel at doon siya inakit at pinagsamantalahan. Noong una, hindi ko pinag-aaralan ang tungkulin ng isang lalaki sa kanyang relihiyon sa buhay ng isang Kristiyano o kaya'y aking binigyan ng kaukulang pansin. Subali't pagkaraan ng pangyayaring iyon ay kinailangan ko ng gawin ang magmatyag. Karamihan sa mga Kristiyano ay naniniwalang ang kapatawaran ay makakamtan sa pamamagitan ng pangungumunyon at dapat na pangunahan ng isang Pari o isang itinalagang tao ng isang

192

relihiyon. Paano kung wala ang pari, wala bang makakamit na kapatawaran? Patuloy pa rin ang aking pagdalaw sa simbahan at kung minsan ay nauupo ako, nagmamasid at nagmumuni-muni sa mga kalalakihan ng aming relihiyon. Wala silang pagkakaiba sa kongregasyon kundi man ay baka ang ilan sa kanila ay mas higit pang masama. Papaanong sa pamamagitan ng isang tao, maging sino pa man siya, ay makatutulong sa pangangailangan ng isang tao upang makipag-ugnayan sa Panginoon? Hindi ba ako maaaring makipag-ugnayan sa Allâh at tanggapin ang Kanyang Kapatawaran ng tuwiran? Lumipas ang mga araw, napag-alaman ko ang nais ipakahulugan ng mensahe mula sa Banal na Qur'an na aking natagpuan sa isang silid-aklatan sa loob ng isang pamilihan. Binili ko ito at aking sinimulang basahin. Sa loob ng walong taon ay paulit-ulit kong binabasa ang aklat na ito. Sa mga panahon ding iyon ay patuloy pa rin ang aking paghahanap ng katotohanan sa ibang relihiyon. Sinimulan kong pag-isipan ang aking mga nagawang kasalanan at nangibabaw ang takot sa aking kalooban na baka maragdagan ko pa ang mga ito. Papaano ko malalaman na ako ay mapapatawad ng Allâh? Naglaho ang aking paniniwalang naaayon sa katuruan ng mga Kristiyano na ang paghingi ng kapatawaran ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng ibang tao. Pakiramdam ko sa aking sarili, ako ay lugmok sa mga kasalanan at hindi ko batid kung paano ko matatakasan ang mga ito. Patuloy akong nagtatanong sa aking sarili kung hanggang kailan ako maghihintay ng Kapatawaran. Hanggang dumating ang tamang panahon at nabasa ko ang mga sumusunod na talata mula sa Banal na Qur'an: Katotohanan, inyong matatagpuan mula sa kalipunan ng mga Hudyo at Mushrikun ang may masidhing poot sa mga Mananampalataya (mga Muslim) at inyong matatagpuan yaong mga taong pinakamalapit sa pagmamahal sa mga Mananampalataya (mga Muslim), silang mga nagsasabing “Kami ay mga Kristiyano.” Sapagka't kabilang sa kanila ay mga pari at monghe at sila ay hindi (palalo) mapagmalaki. At kapag sila (bilang tunay na mga Kristiyano) ay nakarinig ng anumang ipinahayag sa Sugo (Muhammad ) inyong makikita

192

ang labis na pagtulo ng luha sa kanilang mga mata sanhi ng katotohanan na kanilang natunghayan. Sila ay nagsasabi: “Aming Panginoon” Kami ay nananampalataya; kaya itala Ninyo kami bilang mga saksi.” At bakit hindi kami maniniwala sa Allâh at sa anumang dumating sa amin na katotohanan? At hinihiling namin sa aming Panginoon na nawa’y tanggapin kami (sa Paraiso sa Araw ng Pagkabuhay na Muli) kasama ng mga taong matutuwid. (Al Maidah-5:82-84) Minsan ay nakita ko ang mga Muslim na nagdarasal sa isang serye ng balitang pang-telebisyon at gusto kong malaman kung papaano magdasal ang isang Muslim. Nakakita ako ng isang aklat na sinulat ng isang di-Muslim na nagpapaliwanag sa paraan ng kanilang pagdarasal. Sinubukan kong magdasal, subali't wala akong sapat na kaalaman sa pagpapakadalisay at isinagawa ko ang aking pagdarasal ng hindi naaayon sa tamang paraang itinuro ng huling Propeta . Sa sumunod pang mga taon, mag-isa kong ipinagpatuloy ang aking naiibang paraan sa pagdarasal. Hanggang maisaulo ko pa ang ilang bahagi ng Banal na Qur'an sa wikang Ingles. Hindi ko batid noon na ang mga Muslim ay nagsasagawa ng kanilang pagdarasal at isinasaulo ang Banal na Qur'an sa wikang Arabik. Pagkaraan ng mahigit walong taon sa aking patuloy na pagbabasa ng Banal na Qur'an, nabasa ko ang talatang ito: …Sa araw na ito ginawa Kong ganap ang inyong rehiliyon, para sa inyo, at nilubos Ko ang Aking Kagandahang-loob sa inyo, at pinili Ko ang Islam bilang inyong relihiyon. Datapuwa't siya na napilitan dahil sa matinding gutom ng walang layon ng pagsuway (sila ay maaaring kumain ng gayong mga laman o karne) at katotohanang ang Allâh – ang Mapagpatawad, ang Mahabagin. (Al-Maidah-5:3) Napaluha ako sa galak sapagka't aking napag-alaman na ang Allâh lamang ang tanging nakababatid ng walang hanggan. Simula pa ng Kanyang likhain ang sanlibutan at batid Niyang ganap na may isang Collin ng New York, U.S.A. ang makababasa ng mga talatang ito mula sa Banal na Qur'an sa buwan ng Mayo taong 1986 na siyang makapagliligtas sa kanya. Ngayon ay napag-alaman ko na kailangan ko pang pag-aralan ang maraming bagay, higit sa lahat kung papaano ang tamang paraan ng pagdarasal. Subali't ang aking suliranin ay wala akong kilalang Muslim sa aming lugar na maaaring makatulong sa akin.

192

Ang mga Muslim noon sa Amerika ay hindi pa masyadong hayag tulad ngayon at hindi ko alam kung saan ako makakakilala ng isang Muslim na may sapat na kaalaman sa pananampalatayang Islam na makapagtuturo sa akin ng tamang pamamaraan ng pagdarasal at ilang mahahalagang bagay na kailangan kong malaman. Hanggang sa makakita ako ng isang numero ng telepono mula sa isang Islamic Association. Tinawagan ko ang numerong iyon at may isang lalaking sumagot sa akin. Kaagad akong kinabahan at nag-atubiling kausapin ko ang sumagot sa kabilang linya. Ibinababa ko na lamang ang telepono dahil hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Paano kaya nila ako kakausapin. Paghinalaan kaya nila ako? Bakit nila ako pagkakaabalahang sagutin samantalang mayroon namang ibang mga Muslim? Iyon ang mga katanungang kaagad pumasok sa aking isipan. Sa sumunod pang dalawang buwan nakakita akong muli ng numero ng telepono ng isang Islamic Society. Sinubukan kong tawagan ang numero ng telepono sa Masjid subali't walang sumasagot. Hanggang sa gawin ko na lamang ang isang hakbang na aking naisip at inasahang makatutulong sa akin. Gumawa ako ng isang liham upang magtanong ng ilang impormasyon tungkol sa Islam. Makaraan ang ilang araw, isang nagpakilalang Abdullatif Abdul Sabour ang tumawag sa akin at nagpadala sa akin ng mga babasahin tungkol sa Islam. Sinabi ko sa kanya ang aking hangarin na maging isang Muslim, subali't ako ay kanyang pinaalalahanang maghintay ng tamang oras hanggang dumating ang pagkakataong mayroon na akong katiyakan sa aking sarili. Ako ay nabahala sa kanyang sinabi. Subali't batid kong siya ay tama at kailangan ko ring tiyakin sa aking sarili sapagka't maaaring kapag aking tinanggap ang pananampalatayang Islam, may mga bagay na mangyari sa akin na hindi ko inaasahan. Labis akong naging abala sa pag-aaral tungkol sa Islam at madalas ko itong iniisip sa araw at gabi. Maraming pagkakataong ako ay nagmamasid sa labas ng Masjid (na dating isang lumang bahay noon) lulan ng aking sasakyan at nagpapaikot-ikot ng maraming ulit at umaasang may makikitang isang Muslim at itinatanong ko rin sa aking sarili kung ano ang larawan ng loob nito. Hanggang dumating ang unang araw ng buwan ng Nobyembre taong 1986 habang ako ay abala sa kusina ng aking bahay, na tila baga dumating na ang pagkakataon sa aking sarili na ako ay isa nang ganap na Muslim. Dahil sa hindi ko tiyak ang aking

192

gagawin at sanhi na rin ng aking pagiging duwag, gumawa muli ako ng isang sulat at ipinadala ko sa Masjid na nagsasaad ng ganito: "Ako ay naniniwala sa Allâh, ang Nag-iisa at Ganap, at ako ay naniniwala na si Muhammad ay Kanyang Propeta, at nais kong maitala sa talaan ng mga mananampalataya." Nang sumunod na araw makaraang kanyang matanggap ang aking liham, ako ay kanyang tinawagan sa telepono at aking binigkas ang testimonya ng pananampalataya na aking inuulitulit. Ito ay ang pagbigkas ng mga katagang: "Ako'y sumasaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allâh, at ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Kanyang Sugo." Pagkaraan ng aking pagsaksi (Shahada), kanyang sinabing pinatawad ng Allâh ang lahat ng aking mga kasalanan at ang katulad ko sa mga sandaling iyon ay isang bagong silang na sanggol na walang bahid na kasalanan. Naramdaman kong napawi ang lahat ng bigat na dala-dala ko na siyang nagpapahirap sa aking balikat sa loob ng mahabang panahon at sa aking nadaramang kaligayahan ako ay napaluha. Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Bagkus ako ay umiiyak at paulit-ulit kong sinasabi ang pangalan ng Allâh sapagka't ipinagkaloob Niya sa akin ang Kanyang Kapatawaran. Salamat sa Allâh! (Dito nagtatapos ang kasaysayan ng ating kapatid na si Hayat Collins). Isa sa tampok na tagapagpalaganap ng Islam na nagmula sa South Africa ay si Sheikh Ahmad Deedat. Siya ay isang Aprikano na nagmula sa India. Siya ay kilala bilang isang mahusay na tagapaglaganap ng Islam at maraming mga pagkakataon na kanyang itinaguyod ang Islam laban sa mga misyonaryo at paring Kristiyano sa bansang Aprika. Sa lahat ng mga debateng kanyang tinampukan laban sa mga tanyag na mangangaral ng Kristiyanismo, lahat sila ay humantong sa pagkatalo. Si Sheikh Ahmad Deedat ay maraming aklat na nailathala sa iba't ibang wika tungkol sa kanyang mga debate. Isa sa mga ito ay pinamagatang, Is the Bible the Word of God?. Dito ay sinabi ni Deedat: "Ang mga Protestante ay nagbawas sa pitong kasulatan sa Aklat ng kanilang Panginoon, kung saan ay tinawag nilang The King James Version." Bagama't ang mga Katoliko ay hindi naniniwala sa Bibliyang ito, iminungkahi pa rin itong bilhin ng mga bagong Kristiyano sapagka't ito lamang ang kasulatang isinalin sa 1500 na mga bagong wikang pandaigdig. Kanilang tinulungan ang mga Protestante na

192

maipakalat ito. Ang kinahinatnan, halos lahat ng Kristiyano, Katoliko man o mga Protestante ay gumagamit ng bibliyang ito. Sa kabilang dako, ang lahat ng Kristiyano ay nagkaisa at sumang-ayon na baguhin ang nilalaman ng King James Version, gayundin sila ay pumayag na bawasin ang lahat ng mga kamalian at hindi katanggap-tanggap na mga impormasyong nakapaloob dito. Ang King James Version ay isinaayos noong 1881 A.D. at ito ay tinawag na bagong kasulatan. Noong 1952, binago nila itong muli at tinawag na (R.S.V.), at muli nila itong binago sa ikatlong pagkakataon noong 1973. Upang isagawa ito, kinailangan ang 32 mga iskolar ng teolohiya na magtipon-tipon upang tumulong sa binuong tagasuri na kinabibilangan ng 50 miyembro na nagmula sa iba't ibang sekta ng Kristiyanismo. Ang nakagulat sa lahat ng mga Kristiyanong nakabasa sa panimula pa lamang ng bagong salin na kasulatang ito ay ang sinabi ng 32 mga dakilang iskolar ng teolohiya na: "Ang King James Version ay mayroong malalang depekto at ang mga depektong ito ay napakarami at napakaselan na nangangailangan ng panibagong pagsasalin sa wikang Ingles." Ang mga sumusunod ay paglalarawan ng binagong edisyon para sa 1971 A.D. ng edisyong King James Version.

192

Kamakailan lamang, isang magasin ang inilathala ng relihiyong Saksi ni Jehovah noong Setyembre 8, 1957. Ito ang magasin na pinamagatang "AWAKE". Sa loob ng babasahing ito (pahina-

192

21) ay matutunghayan ang isang artikulong pinamagatang "50,000 ERRORS IN THE BIBLE".

Si Sheikh Ahmad Deedat ay nagsabing: "Isang umaga, araw ng Linggo, habang aking inihahanda ang babasahing ito, nakarinig ako ng mga katok sa pinto ng aking bahay. Nang aking pagbuksan ay tumambad sa akin ang isang taong nagmula sa bansang Europa at ipinakita sa akin ang dalawang magasin na pinamagatang "Awake" at "The Watching Tower". Napag-alaman

192

kong siya ay kaanib ng relihiyong Saksi ni Jehovah. Kapag nakita mo sila, madali mo silang makikilala, sapagka't sila ang pinakaaroganteng tao sa balat ng lupa. Niyaya ko siyang pumasok. Ipinakita ko sa kanya ang tungkol sa babasahing "Awake", pahina-21. Ang artikulo ay mababasa ng ganito: "Gising, ngayon na ang tamang panahon upang Gumising". Tinanong ko siya: "Ito ba'y inyong babasahin?" Nakilala niya kaagad ito at aking binasa ang pamagat na (50,000 Errors in the Bible). Kapagdaka, siya ay namutla at itinanong niya sa akin kung saan ko raw nakuha ang babasahing iyon, dahil ito raw ay nailathala 23 taon na ang nakararaan. Nagpapatunay lamang na ako ay bata pa noong panahong iyon at kanyang tiningnang mabuti ang nilalaman ng naturang magasin. Ang bawa't ng kaanib ng Saksi ni Jehovah ay sanay sa mga ganitong sitwasyon. Sila ay dumadalo sa pag-aaral ng 5 beses isang araw. Maituturing na isa sila sa pinakamatatalinong grupo sa mundo ng Kristiyanismo. Sa kanilang pag-aaral, tinuturuan silang manahimik na lamang kung sila ay masasangkot sa mga di-makatotohanang bagay at maghintay na lamang na sila ay kasihan di-umano ng Banal na Espiritu upang makamtan ang kasagutang hinahanap. Pinagmamasdan ko siya habang isa-isa niyang sinasaliksik ang bawa't pahina. Pagkaraan ay itinaas niya ang kanyang ulo na nagpapahiwatig ng tila baga kinasihan ng Banal na Espiritu at nagsabing: "Ang artikulong ito na nagsasabi ng mga kamalian ay tinanggal na. Tinanong ko siya, ilan pa ang natira mula sa 50,000?...5,000?...500? o 50 na lamang? Halimbawang may 50 pang mga kamalian na natira, iiwan mo na lang ba ang mga kamaliang ito sa Allâh?" Nanahimik na lamang siya sapagka't 'di niya ito kayang ipaliwanag sa akin. Minabuti na lamang niyang magpaalam at nagbilin pang babalikan niya ako kasama ang isang pari upang ipagpatuloy ang usaping yaon. Subali't hindi ko na siya nakitang muli. Kung ang aklat na nabanggit ay nailathala ng panahong iyon, bibigyan ko siya at kukunin ko ang kanyang pangalan at tirahan. Kung sinuman sa inyo ang makatagpo ng ganitong uri ng mga tao, natitiyak kong hindi na ninyo sila makikita pang muli kung ipahihintulot ng Allâh. Si Sheikh Ahmad Deedat ay nagbigay ng mga patunay sa nilalaman ng tinurang mga halimbawa ng kamaliang iyon sa kanilang Banal na Aklat at ang pagsasalungatan ng iba't ibang nilalaman ng kanilang mga Bibliya. Mayroon akong mga halimbawa na magpapakita at magpapatunay sa aking mga sinabi tungkol sa kanilang tinatawag na noon ay Banal na Aklat na

192

puno ng salungatan. Narito ang mga halimbawa na kahit isang bata ang tumingin ay makikita. Ang may akda ng I Chronicles at Samuel II ay nagsalaysay ng kuwento ni Haring David habang binibilang ang mga Anak ng Israel. Kanilang sinabi sa atin ang pinagmulan ng kanilang ideya ng pagbibilang? Sa Samuel II24:1 ay mababasa ng ganito: Muli ang galit ng Panginoon ay naragdagan laban sa mga taga-Israel, kaya ang taga-Israel ay nagsabi kay David: "Humayo ka't bilangin mo ang mga Anak ng Israel at Juda." Sa isang banda, habang ang may akda ng Samuel II ay nagpapakita na ang Diyos ay ang Panginoon na siyang nagbigay ng kautusan upang bilangin ang mga Anak ng Israel. Sa I Chronicle, ang Demonyo ang siyang utak sa pagbibilang sa mga Anak ng Israel, na sa (1/21) ang may akda ay inihahalintulad ang Demonyo sa Panginoon na nagsabi: "Tumayo si Satanas laban sa Israel at inatasan si Haring David na bilangin ang mga Anak ng Israel." Ito ay nagpaalala sa akin ng isang kuwento tungkol sa isang matandang babae na nagsindi ng kandila, isa para kay St. Michael at ang isa ay para kay Satanas, upang magkaroon daw siya ng kaibigan saan man siya mapunta, sa Paraiso man o sa Impiyerno. Kapag ating binasa ang Bibliya ayon kay Lukas, makikita natin ang kanyang paglalarawan sa pinagmulan ng lahi ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) ayon sa pagkakasunodsunod: "Kaya't ng simulan ni Hesus ang kanyang pangangaral, siya ay (humigit-kumulang) sa 30 taong gulang. Siya ay anak (di-umano) ni Jose na anak ni Heli, na anak ni Matthat, na anak ni Levi." (Luke-3:23-28) Dito ay ating mapupuna ang ilang mga kataga at hanay ng mga salita tulad ng "humigit-kumulang" at "di-umano" sa mga salita ng Allâh. Ayon sa kanilang haka-haka, para bang ang Allâh ay walang kakayahan na sabihin ng may katiyakan kung ilan ang edad ni Hesus, o 'di kaya'y ang Allâh ay nanghula na lamang sapagka't hindi Niya nalalaman ng ganap ang katotohanan. Kaya't sa bagong-salin ng kanilang kasulatan ay sinadya nilang alisin ang salitang ‘humigit kumulang’ matapos na ito ay manatili sa Bibliya ayon kay Lukas sa nakalipas na ilan daang taon. Kataka-takang kanilang inalis ito mula sa bagong salin na kasulatan sa napakadaling paraan na tila baga walang anumang pagkabahala at pakundangan. Pansamantala nilang inilagay ang salita sa loob ng isang panaklong at ang sumunod ay tinanggal ang panaklong at ang pangwakas ay tuluyan na nilang inalis ang mga salitang iyon nang walang pakundangan. Sa isang banda,

192

ang Allâh ay nagpatunay sa katotohanan ng Kanyang mga salita at sa Banal na Qur'an ay Kanyang sinabi: Magkagayon ba’y hindi nila binibigyan ng masusing pagpapahalaga ang Qur’an? Kung ito’y nagmula sa iba bukod sa Allâh, katiyakang natagpuan na nila rito ang napakaraming pagkakasalungatan. (An-Nisa-4:82) Narito ang iba pang pagsasalungatan, (ito ay pawang mga sinabi ng iskolar na si Deedat). Ito ay tumutukoy sa pagsasalarawan ng dambanang tanso sa templo ni Solomon. Sa II Chronicle-4:5 ang paglalarawan ay mababasa ayon sa mga sumusunod: "Ang kapal nito ay isang dangkal at ang gilid nito ay tulad ng pagkagawa sa gilid ng tasa, tulad ng bulaklak na lily na nakakasakop ng 3,000 mga pampaligo", (ang pampaligo ay pantay halos 2 litro) subali't sa The Kings I:7-6 ay mababasa ng naaayon sa mga sumusunod: "Ang kapal nito ay isang dangkal, at ang gilid nito ay tulad ng paggawa sa gilid ng tasa, tulad ng bulaklak ng lily na nakakasakop ng 2,000 mga pampaligo." Alin sa nilalaman ng mga talatang ito ang ating paniniwalaan ngayon na ang ibinigay na pagkakaiba ng dalawang sukat ay humigit sa 50%? Alin sa dalawang ito ang totoong salita ng Allâh at alin dito ang salita ni Satanas? Ito ay ilan lamang sa mga salungatan na makikita ng sinuman sa Lumang Tipan. Sa Bagong Tipan (King James Version) sa aklat ni Mateo (kabanata-21) ating mababasa kung papaanong si Hesus ay pumasok sa Jerusalem. Kanilang dinala ang asno at kabayo at inilagay nila ang kanilang mga damit at naupo siya rito. Masdan ang kagalang-galang na Propeta (Hesus – sumakanya nawa ang kapayapaan) kung papaano inilarawan sa tagpong ito na animo'y isang sirkero na nakasakay sa dalawang asno sa iisang pagkakataon! Papaanong nangyari ito? Sa mga naunang pahina ng aklat ni Juan, may pangungusap na mababasa ng ganito: (Ang mga saksi sa mga kalangitan ay tatlo – ang Ama, ang Salita, at ang Banal na Espiritu – ang tatlong iyon ay isa). Ito ang nag-iisang pangungusap na sumusuporta sa sinasabi ng mga Kristiyano sa "Banal na Trinidad", bilang nagiisang suporta sa kanilang pananampalataya. Subali't sa mga gumawa ng pagbabago sa mga bagong kasulatan, kanila ring inalis ang pangungusap na ito nang walang anumang pagpapaliwanag at pakundangan. Ang pangungusap na ito ay nanatili sa loob ng mahabang panahon sa kanilang huwad na paniniwala at kanilang inalis mula sa salin sa Inglis sa Binagong Kasulatan. Subali't nananatili ito sa iba’t ibang (1499) wika sa

192

buong mundo. Ang mga Kristiyano na nagsasalita ng iba't ibang wika, kailanma'y hindi nila matutunghayan ang katotohanan hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Tayo bilang mga Muslim ay nararapat batiin ang mga gumawa ng mga pagbabagong iyon sa kanilang kasulatan at sa kanilang pag-amin sa pag-aalis ng ibang mga kasinungalingan sa kanilang tinatawag na Banal na Aklat. Na ginawa nila upang ang kanilang Bibliya ay mapalapit ng bahagya sa katuruan ng Islam, tunghayan natin ang sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan sa Banal na Qur'an: ...Huwag sabihin ang, “Tatlo (Trinidad)!” Tumigil kayo! Higit na mainam ito para sa inyo. Dahil ang Allâh ay (ang tanging) Isang Ilah (Diyos). (An-Nisa-4:171) Si Sheikh Ahmad Deedat ay muling nagsabi: "Ang batas na ipinatutupad ng pamahalaan sa bansang Aprika sa usaping moralidad na nagbawal sa isang dula na pinamagatang "Lady Charly's Lover" dahil lamang sa iisang mahalay na salita mula rito." Subali't ang mga iskolar na Kristiyano ay nagpapakita ng kanilang kakulangan upang hanapin ang mga mahahalay na salita sa kanilang Banal na Aklat. Hindi rin nila ipinagbabawal ang aklat na ito dahil sa kanilang paniniwala na ang kanilang aklat lamang ang tanging daan tungo sa kaligtasan. Pakinggan natin ang sinabi ng tanyag na manunulat na si George Bernard Shaw tungkol sa Banal na Aklat ng mga Kristiyano. Kanyang sinabi: "Ito ang isa sa pinakamapanganib na aklat sa balat ng lupa." At kanya ring sinabi: "Nararapat itago sa isang nakapinid na silid at ikubli ang Banal na Aklat na ito at huwag pabayaang mapasa kamay ng mga bata." Subali't sino ang nakarinig at tumalima sa kanyang payo? Binanggit sa tanyag na pahayagang "Naked Truth" noong Oktubre taong 1977, ang mga sumusunod: "Ang pagbabasa ng mga kasaysayan sa Banal na Aklat sa harap ng kabataan ay magbubukas ng pinto upang kanilang pag-usapan ang tungkol sa pakikipagtalik. Kung ang Banal na Aklat ay hindi aayusing mabuti sa pagsasalin sa ibang bersyon, ayon sa konseho ng sensura, ang aklat na ito ay maituturing na para lamang sa may sapat na edad na lampas sa labingwalong taon gulang. Si Sheikh Ahmad Deedat ay sadyang naging maingat sa pagpili ng nilalaman ng Kabanata-19 mula sa aklat ng Genesis, sapagka't ito ay sadyang puno ng mahahalay na mga kataga. Katotohanan nang kanyang sabihin: "Ating basahin ang Genesis, Kabanata-19

192

at ating guhitan ng kulay pula ang bawa't mahahalay na kataga. Huwag mag-alinlangang gawin iyan, upang ang Banal na Aklat na inyong pag-aari ay maging kapaki-pakinabang sa inyong mga anak. Ako ay sumasang-ayon kay Shaw na ang kanilang Banal na Aklat ay nararapat itago sa isang nakapinid na taguan subali't kailangan natin ito bilang armas upang harapin ang hamon ng mga Kristiyano. Gagamitin natin ang kanilang armas laban sa kanila. Hindi ito katanungan kung ano ang ating nais at kung ano ang ayaw natin, subali't maaari nating gamitin ito laban sa mga taong kumakatok sa ating mga pintuan at nagsasabing "ang Banal na Aklat ay nagsabi ng ganito at ganoon." Nais nilang palitan ang ating Banal na Qur'an ng kanilang Aklat. Ipakita natin sa kanila ang pagkakaiba na hindi nila nakikita o pinahahalagahan mula sa kanilang Banal na Aklat. Iniwasan ni Sheikh Deedat na bigkasin ang buong nilalaman ng kabanata-19 ng Genesis sa pangamba na ang mga walang malay na bata ay mabasa ang mahahalay na salitang nakapaloob dito. Subali't sa aking palagay ay kailangan kong basahin ang buong kabanatang ito upang ipakita sa bawa't magulang mula sa anumang nasyon o relihiyon na nangangalaga sa moralidad ng kanilang mga anak kung papaanong ang Bibliya na gawa ng tao ay naglalarawan ng kasalanan hinggil sa pangangalunya at prostitusyon. Sadyang malinaw kapag babasahin ang mga kuwentong naglalarawan ng pakikiapid at pag-inom ng alak na kanilang iniuugnay hindi lamang sa isang pangkaraniwang tao, bagkus ay sa isang di-maaaring magkamaling mga Propeta ng Allâh – ang Makapangyarihan. Ang mga nakalalasong katagang tulad nito ay isinama at ibinahagi sa Bibliya ng tao na kailanma'y hindi naging salita ng Allâh – ang Dakilang Tagapaglikha. Makatuwiran ba na ang isang Banal na Propeta ng Allâh ay uminom ng alak at gumawa ng pangangalunya sa kanyang sariling mga anak? Itinuring pa na siya ay isinugo ng Allâh sa mga tao upang maghatid ng mensahe mula sa Allâh na nagbabawal sa pag-inom ng alak at pangangalunya at patutunayan sa kanilang ito ay hindi pinahihintulutan. Sila ay nagsasabi ng kasinungalingan laban sa Propeta ng Allâh na siya di-umano ay nakipagtalik sa kanyang sariling mga anak! Ang pinakamalala pa rito ay ang kanyang mga anak di-umano ay nagdalantao. Kung marinig ninyong may pangkaraniwang tao ang gumawa ng ganitong kasuklam-suklam na bagay, katiyakang inyo siyang kamumuhian at kasusuklaman. Ano pa kaya kung siya ay isang Propeta ng Allâh? Sinasabi nilang ito ay salita ng

192

Allâh, subali't ang katiyakan ito ay hindi Niya salita. Inilarawan sila ng Allâh – ang Kataas-taasan sa Banal na Qur'an ng ganito: Kaya kasawian sa kanilang sumulat ng mga Aklat sa sariling kamay at pagkatapos ay nagsasabi: ‘Ito ay galing sa Allâh,’ upang ipagbili ito sa hamak na halaga! Kasawian sa kanila sa anumang isinulat sa sarili nilang kamay at kasawian sa kanila sa anumang kikitain nila rito. (Al-Baqarah-2:79) Ngayon ay ating tunghayan ang kahiya-hiyang nilalaman ng kabanata-19 mula sa aklat ng Genesis sa kanilang Banal na Aklat: (Genesis-19:30-38) – Si Lut ay naglakbay mula sa Zoar kasama ang kanyang dalawang anak na babae at nanirahan sa bundok, sapagka't siya ay nangangambang manirahan sa Zoar. Doon ay nanirahan sila sa isang kuweba kasama ng kanyang dalawang anak na babae. Pagkatapos, ang matandang kapatid ay nakipag-usap sa kanyang nakababatang kapatid: "Ang ating ama ay matanda na at walang isa mang lalaki sa ating paligid ang maaaring makipagtalik sa atin ayon sa pamamaraan ng buong mundo. Halika, ating lasingin ang ating ama ng alak upang magkaroon ng pagkakataong makipagtalik siya sa atin at mapanatili natin ang ating lahi sa pamamagitan ng ating ama." Kaya't nang gabing iyon nilasing nila ang kanilang ama sa pamamagitan ng alak at ang nakatatandang kapatid ay lumapit at nakipagtalik sa kanyang ama. At hindi niya (Lut) batid na siya ay nakipagtalik sa kanyang anak hanggang sa siya ay magising. Kaya't pagsapit ng umaga sinabi ng nakatatandang kapatid sa nakababata: "Dahil ako ay nakipagtalik sa ating ama noong nakaraang gabi, muli natin siyang lasingin (Lut) ngayong gabi. At makipagtalik ka rin sa kanya upang mapanatili natin ang ating lahi sa pamamagitan ng ating ama." Nilasing nilang muli ang kanilang ama nang gabing iyon at ang nakababatang kapatid ay nakipagtalik sa kanyang ama. Subali't hindi niya (Lut) batid na siya ay nakipagtalik sa kanyang anak hanggang sa siya ay magising. Sa ganitong paraan ang dalawang anak ni Lut ay nabuntis ng dahil sa kanya. Ang nakatatandang anak na babae ay nagsilang ng isang lalaki at pinangalanang Moab. Siya ang pinagmulan ng mga Moaabitas sa kasalukuyan. Ang nakababatang anak na babae ay nagsilang din ng isang lalaki at pinangalanang Bin-Ammi. Siya ang pinagmulan ng mga Ammonites sa kasalukuyan.

192

Hindi pa sila nasiyahan dito, sila ay nagparatang din ng ibang mga kasinungalingan laban kay Propeta David (sumakanya nawa ang kapayapaan) na matatagpuan sa Lumang Tipan. Dito ay may kuwento tungkol kay Propeta David at sa asawa ni Oria. Mayroon ba sa inyong maniniwala na ang isang kagalang-galang na Sugo ng Allâh habang nasa bubungan ng kanyang palasyo ay magagawang pagmasdan ang asawa ng kanyang sundalo (si Oria) habang naliligo ng hubo't hubad sa bubungan ng kanyang bahay. Dahil sa kanyang nasaksihan, kanya itong pinagnasahan at ninais na mapasa kanya. Ang sumunod niyang hakbang ay nang kanyang italaga si Oria sa malayong lugar at kanyang ipagutos na dalhin ang asawa ni Oria sa kanyang palasyo at doon niya ito pinagsamantalahan at pagkaraan ng panghahalay na ginawa ay nagsilang ng isang bata bunga ng kanyang pakikiapid. (O Allâh – ang Kaluwalhatian ay para sa Inyo. Sadyang Kayo ay malayo sa kanilang mga sinasabi at sa mga itinatambal nila sa Inyo). Maaari bang paniwalaan ng taong matino ang pag-iisip at maging ng mga taong walang hustong kaisipan ang tungkol sa malalaswang kuwentong tulad nito na maaaring makasira sa reputasyon ng mga Sugo at Propeta (kapayapaan nawa ay mapasakanila) ng Allâh? Ang mga talatang ito ay nasa kanilang Banal na Aklat (Paano ito natawag na Banal…?) Paano nila nagawang iakibat ang mga ganitong gawain sa isa sa mga matutuwid na Propeta ng Allâh? Paano nila nagawang paratangan si Propeta David na sinilipan ang asawa ng kanyang sundalo habang ito ay nakahubad habang naliligo sa kanilang tahanan? Pagkatapos ay italaga ang asawa sa malayong lugar at ipinatawag sa kanyang palasyo at doon ay kanyang hinalay? Samantalang sa Banal na Qur'an, inilarawan ng Allâh – ang Makapangyarihan si Propeta David bilang isang mabuting sugo at tagapaglingkod:

Gaano siya kainam na tagapaglingkod! Katotohanang siya ay laging nanunumbalik sa Amin sa pagsisisi. (Sad-38:30) Wala silang pagkakaiba sa mga kriminal at mga taong lugmok sa kasalanan mula sa mga ganitong karumal-dumal na mga gawain nang kanilang sabihin sa mga kabataan mula sa kanilang Banal na Aklat na ang isa sa pinakadakilang Propeta na ipinadala ng Allâh ay nanghalay ng isang babae at nagsagawa ng pakikiapid? Hindi nakapagtataka kung ating maririnig at mababasa sa mga pahayagan ang paulit-ulit na insidente nang panggagahasa na laganap sa mga kabataan sa

192

mga bansang Europa at Amerika partikular na sa pamayanang Kristiyano matapos nilang mabasa ang kanilang Banal na Aklat. Sinasabi nilang ito ay Salita ng Allâh at may isang propeta na nagmula sa Anak ng Israel na sumira ng dangal at nanghalay ng isang babae. Matutunghayan din sa Lumang Tipan na si Judah ay nagkaroon ng kasong pakikiapid sa asawa ng kanyang anak na lalaki na nagbunga ng kambal na batang lalaki (Qaris at Zareh), at sa Bagong Tipan ay kanilang inihalintulad si Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa dalawang kambal na ito, bagama’t malinaw pa sa kristal na sila ay pawang mga bastardo at ilihitimong anak. Dahil dito ang pilosopong Ruso na si Tolistoy ay nagsabi: "Upang inyong maunawaan ang aral ni Hesus tulad ng nais niyang mangyari, kinakailangang balikan natin ang lahat ng mga kasinungalingan at detalyadong pagpapaliwanag na sumira sa mga teksto ng Banal na Aklat ng Kristiyano. Matagumpay nilang naitago ang katotohanan sa ilalim ng makapal at patong patong na kadiliman." Batay sa sinabi ng kilalang si Sheikh Ahmad Deedat: Dito ay aking babasahin ang isang sipi mula sa babasahing (PLAIN TRUTH) na inilathala noong buwan ng Oktubre taong 1977, ganito ang sinasabi: "Ang pagbabasa ng mga kuwento mula sa Banal na Aklat sa mga kabataan ay maaaring magbukas sa kanilang isipan tungo sa pagnanasang seksuwal. Kung ang Bibliya ay hindi babaguhin at hindi aayusing mabuti, mainam na magtalaga ng isang lupon na magbibigay babala na ang aklat na ito ay isang babasahin na naaangkop lamang sa may edad na labingwalo pataas. Ang sinasabi ng magasin ay isang katibayan na ang Bibliya ay isang tiyak na mapanganib na aklat sa buong mundo kung edukasyon ang pag-uusapan." Ayaw ko na sana kayong gambalain pa sa paglalarawan ng mga mahahalay na salita na matatagpuan sa Banal na Aklat na tumatalakay sa usapin tungkol sa "sex", dagdag ni Sheikh Deedat. Sapat na sa akin ang pagbibigay ng isang halimbawa bilang pagpapakita sa kanilang aklat na sinasabi nilang Aklat ng Allâh! Tunghayan natin kung papaano isinalaysay ng Torah ang kuwento ni Samsom at Delilah. Ito ay sadyang tanyag na kasaysayan sa buong mundo. Ito ay matatagpuan sa unang bahagi ng kabanata-16:1 ng Mga Hukom na mababasa ng ganito: "Si Samson ay nagtungo sa Gaza. Doon ay nakakita siya ng babaeng mababa ang lipad at siya ay pumasok." Sa pagpapatuloy ng kuwento sa kanilang Banal na Aklat, sinasabi

192

rito na ang mga tao ay naghintay sa labas ng bahay kung saan si Samson ay pumasok at nakipagtalik nang buong magdamag sa isang babaeng mababa ang lipad. Ano ang kanilang hinihintay? Sila ba ay naghintay buong magdamag upang patayin siya (Samson) pagsapit ng umaga? Ito ba ay makatuwiran? Sila ba ay naghihintay sa kay Samson habang ang huli ay nakikipagtalik sa isang babaeng nagbebenta ng aliw? Ito ang sinasabi ng kanilang di-umano'y Banal na Aklat. Dagdag pa rito, pagsapit ng hatinggabi si Samson ay nakatakas sa isa sa mga tarangkahan ng lungsod. Bakit nais ng mga taong ito na siya ay patayin? Hindi dahil sa kanyang pakikiapid bagkus ay sa ibang dahilan, subali't ang lahat ng ito ay kasuklam-suklam at kahiya-hiya, walang katuwiran, walang moralidad at walang aral na mapupulot sa isang bastos na pagpapahayag ng isang pangyayari na makasasama sa kalooban ng kahit na sinong disenteng tao. Dagdag pa ni Sheikh Deedat, ang mga Muslim ang nagmamayari sa karapatan ng tamang relihiyon at mayroon siyang sapat na patunay sa katotohanan. Kaya’t nararapat lamang na maging mapagmatyag at mapanuri sa kanyang pananampalataya (Islam) katulad ng pagmamay-ari ng isang Bulldozer, isang biyaya na ipinagkaloob ng Allâh – ang Makapangyarihan, isang Bulldozer na kayang durugin ang lahat ng bato na humaharang sa kanyang daraanan. Ang pagpapalaganap ng Islam ay para sa Allâh lamang. Tinalakay din ni Deedat ang usapin tungkol sa pagkahumaling ng mga Muslim sa kasalukuyang pamumuhay, siya ay nagsabi: "Habang abala ang mga Misyonaryong Kristiyano sa pagpaparami ng kanilang bilang saan mang lugar upang manatili ang kanilang pananampalataya, at sa bawa't paraan ng pagsasagawa nito, inilalaan nila ang kanilang maginhawa at maluhong pamumuhay kapalit ng mahirap na pamumuhay sa kagubatan ng Aprika at nakapapasong init ng disyerto. Kahit na ang kanilang mabubuting-gawa ay maituturing na masama, ang kanilang mga kaalaman ay pawang mga kasinungalingan at ang kanilang mga batayan ay mapabubulaanan." (Dito tinapos ni Sheikh Deedat ang kanyang mga salita). Nais kong idagdag na habang ganito ang katayuan ng mga Kristiyano, may makikita kang ilang mga Muslim na tuluyan nang tumalikod sa Panawagan ng Allâh na sinasayang ang kanilang panahon buong araw at gabi sa masasamang libangan. Ito ang sobrang pagkahilig sa panonood ng larong ‘football’ o 'di kaya'y abala sa panonood ng mga malalaswang pelikula sa pamamagitan ng mga Satellite Channels at Internet na

192

nakapasok na sa ating mga tahanan at paaralan na naging talamak sa ating mga kabataan na nagiging sanhi upang masira ang kanilang moralidad at mabubuting pag-uugali. Kung ito ay magpapatuloy at walang anumang hakbang na gagawin ang ating mga Iskolar at mga namumuno, ang kahihinatnan nito ay ang patuloy na pagkagumon sa kasamaan kaysa sa inaasahang mabuting asal at pag-uugali ng mga susunod na henerasyon. Walang sinumang pinagmumulan ng Lakas at Kapangyarihan maliban lamang sa Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan. Upang pahalagahan ang aking kuro-kuro, nais kong balikan ang kasaysayan ng isang Amerikana na yumakap sa Islam – siya si Sister Maryam Jamila. Siya ay yumakap sa Islam sa pamamagitan ng tulong na nagmula sa isang Tagapagpalaganap nito na si Abu Al A'la Al Mawdudy, (nawa'y payapain ng Allâh ang kanyang kaluluwa), at sa huli, maging siya ay naging isang mahusay na Tagapagpalaganap ng Islam na nagtatanggol sa mga panuntunan at nangangalaga sa mga kaluluwa. Si Sister Maryam ay nagsabi: "Ang mga bansang Amerika at Europa ay gumagamit ng makabagong teknolohiya bilang pinakamatalim na armas upang sakupin ang mga umuunlad na Islamikong bansa at saklawan ang kanilang mga kaluluwa at kaisipan tungo sa makamundong pamumuhay bilang kanilang bagong relihiyon kapalit ng lahat ng mga nakaraang relihiyon at paniniwala. Ang nakapagtataka kung ating pagmamasdan, ang unang nagiging biktima ng mga sekyularismong ito ay mismong ang mga bansang Kristiyano. Hanggang sa ngayon ang mga tao ay patuloy na nag-aakalang ang kalikasan ay tuluyan ng nagbago, sanhi ng kanilang pagmamanipula at pagmamadali. Umabuso ang mga tao sa paggamit ng kalikasan na naging dahilan ng pagkasira ng kapaligiran kung saan doon tayo umaasa ng ating ikinabubuhay. Kaya’t ang bagong panganib ay umusbong tulad ng polusyon, pagdami ng tao sa mga lungsod at ang pagkawasak ng kapaligiran. Dahil dito, ang daigdig ay patungo sa pagwasak sa lahi ng tao kung mananatili pa ang mga may buhay sa ibabaw ng lupa. Ang pulusyon sa kalupaan ay hatid ng 'di maiwasang bunga ng pagkawasak ng mga kaluluwa ng tao dahil sa kawalan ng pananampalataya at labis na pagpapahalaga sa mga makamundong bagay at paggamit ng siyensa na walang pagkilala sa Dakilang Tagapaglikha. Ang ating magiging huling hantungan ay ang kawalan ng malinis na tubig, sariwang hangin at enerhiya na ligtas sa anumang mga sangkap na nakasisira ng kapaligiran. Ang tanging lunas sa karalitaang ito ay ang kaalaman na matutunghayan sa Islamikong pamamaraan na

192

pipigil at magbibigay-wakas sa makamundong pang-aalipin. (Dito nagtatapos ang salaysay ni Sister Maryam Jamila). Nais kong banggitin ang tunay na dahilan ng mga suliranin sa kasalukuyang kalagayan ng mga Taga-kanluran. Kung ating babalikan ang kanilang labis na pagmamahal sa makamundong bagay at kahungkagan ng espirituwal na pamumuhay, ito ang naghatid sa kanila upang mangibabaw ang pag-aalinlangan, pagaalala at pangamba sa kanilang kinabukasan. Sapagka't mas hinangad nila ang masaganang pamumuhay at ipinamuhay nila ang pangsariling kagustuhan, ipinagbabawal man ito o hindi. Dahil sa nakaligtaan na ng tao na pahalagahan ang darating na Araw ng Pagsusulit, ang iba naman ay hindi naniniwala rito. Sa ganitong kalagayan wala ng pakinabang ang kanyang relihiyon. Karagdagan pa rito, ang mga Taga-kanluran ay nawalan na ng tiwala sa kanilang relihiyon na siksik ng pag-aalinlangan at nagtulak sa di-pagkakaunawaan sa kanilang mga sarili. Sa aking palagay ang patuloy na pagkalulong ng mga Taga-kanluran sa makamundong bagay ay magwawakas lamang sa pamamagitan ng kanilang pagtanggap sa Islam ng buong puso bilang nalalabing paraan o pangsagip na dahilan sa kanilang hindi maiiwasang pagkalunod sa Dagat-dagatang Apoy ng Impiyerno. Ating ilalarawan ang isang tanyag na Taga-kanluran na namuhay sa kawalan ng kasiyahan kahit pa siya ay nagtamasa ng kasaganaan at ang lahat ng bagay at kasiyahan ay nasa kanyang pag-aari. Ating tunghayan ang susunod na kasaysayan. Ito ay tungkol sa "pagyakap sa Islam" ng isang sikat na mang-aawit na kilala sa buong mundo. Bago niya niyakap ang Islam, kilala siya bilang Cat Stevens. Ngayon, siya ay kilala sa pangalang Yusuf Islam. Naging isa siya sa tanyag na tagapagpalaganap ng Islam sa kasalukuyan. Marami na rin siyang pinasinayaang mga paaralan sa Britanya upang magturo sa libo-libong mga kabataan na yumakap sa pananampalatayang ito sa ilalim ng kanyang pamamahala. Nagtuturo siya ng wikang Arabik, ng tungkol sa Banal na Qur'an, ng buhay ng Dakilang Propeta at kanyang mga paraan sa pananampalataya. Noong una, siya ay isang taong nagtatamasa ng katanyagan at kayamanan subali't salat sa kapayapaan sanhi ng kawalan ng tamang pananampalataya. Ating basahin kung papaano niya ibinahagi ang kanyang maikling salaysay na inilathala sa Jeddah Da'wah Center, Saudi Arabia, sa salitang Ingles. Ang maikling salaysay na ito ay nagtapos ng may sariling lagda mula sa kanya.

192

Cat Stevens
Paano Ako Pumasok Sa Islam Ang lahat ng aking nais sabihin ay bagay na dati na ninyong nalalaman, upang bigyan katiyakan kung ano ang mensahe ng Propeta na nagmula sa Allâh – ang Relihiyon ng Katotohanan. Bilang Kanyang nilikha, pinagkalooban Niya tayo ng kaalaman at gawain na naglagay sa atin sa mataas na antas sa lahat ng mga nilikha. Ang tao ay nilikha ng Allâh bilang tagapangasiwa ng mundo at ito ay mahalagang bagay na dapat nating malaman upang ilayo ang ating sarili sa mga haka-haka at paghandaan ang Kabilang Buhay. Sinumang makaligtaan ito habang siya ay nabubuhay ay hindi na magkakaroon ng pangalawang pagkakataon upang magbalik muli, sapagka't ayon sa Banal na Qur'an kapag ang tao ay inusig, siya ay magsasabi: "O Panginoon ibalik Mo kami at bigyan Mo kami ng isa pang pagkakataon", ang Panginoon ay magsasabi, "Kung Akin kang ibabalik, ito ay muli mong gagawin." Ang aking kinagisnang pananampalataya. Ako ay namulat sa mundo ng masaganang pamumuhay at isang tanyag na mang-aawit. Ako ay isinilang sa isang Kristiyanong tahanan subali't batid namin na ang bawa't sanggol ay isinilang sa natural na paraan. Tanging ang kanilang mga magulang lamang ang naghatid sa kanya sa bagong pananampalataya. Ako ay nabinyagan sa Kristiyanismo at lumaki sa ganitong paraan ng pananampalataya. Batid kong mayroon Diyos, subali't wala akong tuwirang pakikipag-ugnayan sa Kanya, kaya naman kailangan pang dumaan muna kay Hesus bilang tagapamagitan upang magkaroon ng ugnayan sa Diyos. Tinatanggap ko ito sa aking sarili subali't hindi lahat ay aking pinaniniwalaan. Aking pinagmamasdan ang ilang mga rebulto ni Hesus na pawang mga bato at walang buhay. Kapag kanilang sinasabing ang Diyos ay tatlo, ako ay labis na nagtataka subali't hindi ako nakikipagtalo hinggil dito. Humigit kumulang ay akin na rin itong tinatanggap sanhi ng aking paggalang sa paniniwala ng aking mga magulang. Bilang isang mang-aawit.

192

Paminsan-minsan, ako ay nagiging malayo sa relihiyong ito. Nagsimula akong gumawa ng mga awitin. Pinangarap ko ang maging isang sikat na mang-aawit. At lahat ng ito ay aking natagpuan sa mga pelikula, pahayagan at aking naisip na ito ang aking panginoon – ang maghangad at magkaroon ng kayamanan. Mayroon akong isang amain na may magarang sasakyan at nasabi ko sa aking sarili na nagkaroon siya nito sapagka't marami siyang pera. Ang mga taong nakapaligid sa akin ang nakahikayat sa akin upang ako ay mag-isip na ang daigdig na ito na ating ginagalawan ang kanilang Panginoon. Nakumbinsi ko ang aking sarili na ito ang aking mundo – ang magkamal ng salapi at magtamasa ng masaganang pamumuhay. Ang aking naging halimbawa ay ang mga tanyag na mang-aawit. Dala ng aking ambisyong maging isang sikat na mang-aawit, nagsimula akong sumulat ng mga awitin, subali't sa kabila nito nandun pa rin sa aking sarili ang pagiging makatao at damdaming kapag ako ay naging mayaman ay gagawin ko ang pagtulong sa mga nangangailangan. Sinasabi sa Banal na Qur'an, gumagawa tayo ng mga pangako, subali't kapag nakamit na natin ang bagay na ating naipangako, nakakalimutan na natin itong isagawa sapagka't nananaig sa ating mga puso ang kasakiman. Sa aking murang edad ay dumating na ang aking katanyagan. Makikitang ang aking pangalan at mga larawan ay nagkikislapan sa mga lente ng kamera ng mga mamamahayag. Ito ang nagdala sa akin sa ruruk ng tagumpay at upang maipamuhay ko ang ganitong katayuan, kailangan kong uminom ng alak at ng mga ipinagbabawal na gamot. Sa pagamutan. Pagkaraan ng isang taon, ako ay naging matagumpay at maagang nagkamal ng salapi at naabot ko ang mataas na antas ng pamumuhay. Subali't nagkaroon ako ng malubhang karamdaman, nagkaroon ako ng sakit na T.B. at kinailangan kong maospital. Iyon ang naging daan upang aking pag-isipan kung ano ang mga nangyari sa aking buhay sa mga nagdaang panahon. Wala akong inisip kundi bigyan ng kasiyahan ang aking pisikal na katawan at nakaligtaan ko ang totoong layunin ng pagkakalikha sa akin. Aking napagtanto na ang kalagayan kong iyon ay biyaya mula sa Allâh upang maimulat ko ang aking mga mata at alamin ang kasagutan sa mga katanungang: "bakit ako narito, bakit ako nakaratay sa kama." Nang mga panahong iyon ay tanyag sa mga Taga-silangan ang pag-aaral tungkol sa

192

relihiyon. Naging palaisipan sa akin ang tungkol sa kamatayan at ang kahihinatnan ng aking kaluluwa na para bang ako ay naglalakbay patungo sa kalangitan. Sinikap kong mabago ang takbo ng aking araw-araw na pamumuhay at ako ay naging mahilig sa pagkain ng gulay. Ako ay naniniwala sa sustansiyang tagaly ng mga pagkaing butil at sa kakayahan nito sa katawan ng tao. Subali't isang bagay ang naging malinaw sa aking sarili – ito ang pagtanggap sa katotohanang hindi lamang ako isang katawan o nilikha na kumakain, natutulog at umaawit. Ang kahihinatnan ng aking kaluluwa sakaling dumating sa akin ang kamatayan at ang mga naganap sa akin habang ako ay nasa loob ng pagamutan ang naging sanhi upang aking pahalagahan ang pag-aaral tungkol sa aking pagkakalikha. Isang araw habang ako ay naglalakad ay inabutan ako ng ulan. Ako'y dali-daling tumakbo upang sumilong at ako'y napatulala sapagka't ilang sandali lamang ang aking katawan ay basa na at ang aking isipan ay nagsasabing ako ay basa na rin, at dahil dito, napag-isipan ko ang isang kasabihan na ang katawan ng tao ay tulad ng isang asno na sinasanay kung saan ito nararapat magtungo at kung hindi ang asno ang magdadala sa iyo kung saan mang lugar nito naisin. Aking napag-isipang mabuti na mayroon pala akong kalayaan at biyayang nagmula sa Panginoon. At ako ay nahalina sa katuruan ng mga Taga-silangan na nagtuturong sundin ang kagustuhan ng Panginoon. Subali't kung minsan ako ay nayayamot sa katuruan ng Kristiyanismo. Ipinagpatuloy ko ang aking propisyon at sinimulan kong gumawa muli ng mga awitin at sa pagkakataong ito ay kabahagi ko na ang aking nararamdaman. Naaalala ko pa ang isang bahagi ng aking awit na naglalaman ng ganito: "Sana'y batid ko, sana'y batid ko kung sino ang lumikha ng Paraiso at ang lumikha ng Impiyerno. Maaari ko bang malaman kung sino Ka sa aking kama o sa isang maduming kulungan samantalang ang iba'y nakahimlay sa malaking hotel at batid kong ako'y nasa Landas." Nasundan ito ng isa pang awit: "Ang landas upang makita ang Diyos." Nagpatuloy ang aking katanyagan sa daigdig ng musika. Sa katunayan, naging mahirap para sa akin ang aking kalagayan sapagka't nagpatuloy ang aking kasikatan at ang aking pagyaman. Subali't sa kabila ng aking pagiging tanyag at abala sa makamundong bagay, ipinagpatuloy ko pa rin ang pananaliksik tungkol sa katotohanan. Dumating pa ang pagkakataong pinili ko ang Budhismo na tama at banal, subali't 'di pa ako handa upang iwan ang sanlibutan. Nakadikit pa rin ang aking sarili sa

192

sanlibutan at 'di pa rin ako handa upang maging isang monako at ihiwalay ang aking sarili sa pamayanan. Sinubukan ko ang Zed at Ching, Numerology, Tarat Cards at Astrology. Binalikan ko rin ang Bibliya subali't wala akong natagpuang anumang bagay na magbibigay ng katiyakan tungkol sa aking kaligtasan. Nang mga panahong iyon, wala pa akong alam tungkol sa Islam hanggang sa dumating ang isang pagkakataon na itinuring kong isang himala. Nang minsang ang aking kapatid ay nagpunta sa Jerusalem at nagkaroon siya ng pagkakataong makapasok sa loob ng isang Masjid. Ayon sa kanya, siya ay lubos na humanga at nakaramdam ng kakaibang pintig ng buhay sa loob nito (di-tulad ng mga simbahan at sinagoga na hind mo kakikitaan ng anumang bagay sa loob) kung saan ang kapayapaan at katahimikan ang bumabalot sa kapaligiran. Ang Banal Qur'an. Nang siya ay magbalik sa London, may dala-dala siyang Banal na Qur'an na isinalin sa wikang ingles at ibinigay sa akin. Hindi siya naging isang Muslim, subali't nakakaramdam siya ng kakaiba sa rehiliyong ito (Islam) at kanyang naisip na maaaring ako ay makatagpo ng kakaibang bagay mula rito. Nang aking matanggap ang naturang aklat, ito ang naging gabay at nakapagbigay-linaw sa aking sarili kung sino ako. Ano ang dahilan ng ating pagkakalikha? Ano ang katotohanan at kung ano ang kahihinatnan ng katotohanan at saan ako nagmula? Aking napag-alaman na ito ang tunay na relihiyon – ang relihiyong sadyang malayo sa pang-unawa ng mga Tagakanluran na angkop lamang sa iyong edad. Sa Taga-kanluran, sinumang nagnanais yumakap sa anumang relihiyon at gawin niya itong daan ng kanyang pamumuhay ay nauuwi sa pagiging panatiko. At hindi ako isang panatiko. Noong una, ako'y nagdadalawang-isip sa pagitan ng katawan at kaluluwa. Napagalaman kong ang katawan at kaluluwa ay hindi magkahiwalay at hindi mo na kinakailangang umakyat ng bundok upang maging relihiyoso. Ang tanging kailangan lamang ay sundin ang kagustuhan ng Diyos at ating mararating ang kaitaasan nang higit pa sa mga anghel. At ang unang hakbang na nais kong gawin makaraang ako ay makabasa ng Banal na Aklat at masumpungan ang katotohan mula rito ay ang maging isang Muslim.

192

Malinaw na ang lahat ng bagay ay nabibilang sa ating Diyos, ang antok ay hindi nakapangyayari sa Kanya. Siya ang lumikha ng lahat ng bagay. Sa mga oras na iyon ay nawalay na ang aking pagiging palalo sapagka't natutunan kong ang mga bagay na aking tinatamasa ay hindi nagmula sa aking sariling kakayahan bagkus ito ay biyaya at pagpapala na nagmula sa Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin. Gayundin, hindi ako ang lumikha sa aking sarili at ang dahilan kung bakit ako naririto ay upang sumailalim sa katuruan ng pananampalatayang pinagpala – ang Islam. Sinimulan kong alamin at pag-aralan ang aking pananampalataya. Nararamdaman ko sa aking sarili na isa na akong Muslim habang aking binabasa ang Banal na Qur'an. Nakasaad dito ang iisang mensaheng hatid ng lahat ng Propeta na Kanyang isinugo sa kani-kanilang pamayanan at panahon. Bakit ang mga Hudyo at Kristiyano ay may pagkakaiba? Ngayon ay batid ko na kung papaanong di-tinanggap ng mga Hudyo si Hesus bilang Mesiyas at kanilang binago ang Kanyang mga salita. Gayundin, ang mga Kristiyano sa kanilang hindi pagunawa sa Salita ng Diyos at ituring pang si Hesus bilang isang anak ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay ginawa ng may dahilan. Ito ang kagandahan ng mensahe ng Banal na Qur'an, nagtuturo ito ng tungkol sa tamang katuwiran. Gayundin, ito ay nagbabawal sa pagsamba sa anumang bagay tulad halimbawa ng araw at buwan at ang pagsamba ay nararapat lamang sa Nagiisang Diyos na Siyang lumikha ng lahat ng bagay – Siya ang Allâh. Ang Banal na Qur'an ay sumasalamin sa buwan at araw bilang mga nilikha ng Diyos. Alam mo ba ang kaibahan ng buwan sa araw? Sila ay nasa magkakaibang pagitan ng mga daigdig bagama't ating nakikitang pareho ang kanilang sukat at kung minsan inaakala natin na sila ay mag-aabot sa isa't isa. Maging ang ilan sa mga astronauts na nakarating sa kalawakan ay makapagpapatotoo ng pambihirang lawak nito. Ang ilan sa kanila ay naging mga relihiyoso sapagka't nasaksihan nila ang mga Tanda na nagmula sa Allâh. Sa aking pagpapatuloy sa pagbabasa ng Banal na Qur'an, akin ding napag-alaman na ito ay tumatalakay tungkol sa tamang pamamaraan ng pagdarasal, mga magagandang kaugalian at kawanggawa. Hindi pa ako ganap na isang Muslim subali't nararamdaman ko sa aking sarili na tanging ang Banal na Qur'an lamang ang kasagutan sa aking mga katanungan na ipinagkaloob sa akin ng Diyos na Tagapaglikha. Tinatalakay din sa Banal na Qur'an ang iba't ibang pagkakataon at kalagayan ng ating panahon at sinimulan ko itong unawaing mabuti. Dito sa Banal

192

na Qur'an ko nalaman ang mga sumusunod, iwasang maging kaibigan ang mga hindi mananampalataya at ang mga nananampalataya ay magkakapatid. At dumating ang puntong mas hinangad kong makasalamuha ang aking mga kapatid na Muslim. Ang aking pagtanggap. Binalak kong maglakbay patungong Jerusalem (tulad ng ginawa ng aking kapatid) at pagdating ko sa isang lugar sa Jerusalem ay pumasok ako sa isang Masjid at ako ay umupo. Isang lalaki ang lumapit sa akin at nagtanong kung ano ang aking pakay. Sinabi ko sa kanya na ako ay isang Muslim. Tinanong niya ang pangalan ko at nang sabihin kong Stevens, siya ay nagtaka. Sumama ako sa kanila sa pagdarasal bagama't hindi ito naging maayos. Pagkaraan ng maikling panahon ng aking pananatili roon, bumalik ako sa London. Nakilala ko ang ating isang kapatid na tinawag kong Nafisa at sinabi ko sa kanyang nais kong yumakap sa Islam at itinuro niya ako sa New Regent Mosque. Naganap ito noong taong 1977, pagkaraan ng isa at kalahating taon matapos kung matanggap mula sa aking kapatid ang Banal na Qur'an. Dito ko napag-alaman na kailangan kong tanggalin ang pagmamalaki sa aking sarili, itakwil si Iblis (Satanas) at mamuhay sa tamang landas. Sa sumunod na araw ng Biyernes, pagkatapos ng Salatul Jumaah (pagdarasal ng mga Muslim sa tanghali sa araw ng Biyernes) nagtungo ako sa Imam (namumuno sa pagdarasal) at ako ay nag-Shahada (pagsaksi na walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allâh, at si Muhammad ay Huling Sugo at Alipin ng Allâh). Maaaring mayroon kang yaman at naging tanyag ka sa mga nakaraang panahon sa iyong buhay, subali't ang gabay sa tamang landas ang pinakamahalagang bagay na wala sa akin anuman ang aking gawing pagsisikap hanggang sa dumating sa aking buhay ang Banal na Qur'an. Ngayon ko nalaman na maaari akong makipagugnayan sa Diyos, di-tulad sa Kristiyanismo at ibang mga relihiyon. Katunayan, minsan isang babaeng Hindu ang nagsabi sa akin: "Hindi mo maiintindihan ang Hindus, naniniwala kami sa iisang Diyos, ginagamit lamang namin ang mga idolong ito upang kami ay makapag-isip." Ayon sa kanya di-umano ay upang maabot lamang nila ang Diyos na may tagapamagitan. Sa Islam tinanggal lahat ng mga tagapamagitan at itinuturo ang tuwirang pakikipag-ugnayan sa ating Tagapaglikha. Ang isang bagay na namamagitan sa isang mananampalataya at sa dimananampalataya ay ang pagdarasal. Ang tamang paraan ng

192

pagdarasal ang tanging makatutulong sa pagpapadalisay ng ating kaluluwa. Sa pangwakas ay nais kong ipaalam na ang tangi kong hangarin sa paglalathala ng aking karanasan ay upang kalugdan nawa ako ng Allâh at nawa'y kapulutan ninyo ng aral ang aking karanasan. Ako'y hindi nagkaroon ng anumang ugnayan sa sinumang Muslim bago ko niyakap ang Islam, katunayan, ang Tamang Gabay ay nagmumula lamang sa Allâh. Sa aking pagbabasa ng Banal na Qur'an, doon ko nalaman na walang sinuman ang perpekto, subali't kung ating tutularan ang ugali ng dakilang Propeta , ang huling Sugo ng Allâh – ang Tagapaglikha, makakamtan natin ang tamang paraan ng pamumuhay. Nawa'y pagkalooban tayo ng Allâh ng gabay sa landas ng Ummah (pamayanan) ni Propeta Muhammad . Ameen.

192

192

Maliban sa mga pagsubok na dumating sa buhay ni Sheikh Yusuf, pinapayuhan ko kayong magsaliksik ng iba pang mga kasaysayan na matatagpuan sa talaan ng mga misyonaryong pari na ipinadala ng bansang Europa upang pamunuan ang misyon sa mga bansang Aprika, Indonesia, at Timog Silangang Asya upang ipanawagan ang pananampalatayang Kristiyanismo. Subali't sila

192

ay nagbalik sa kanilang bansa matapos nilang yakapin ang Islam at isinulat nila ang kanilang mga kasaysayan sa iba't ibang wika. Tunghayan natin ang ilan sa kanilang mga sinabi: "Kami ay nananawagan sa mga tao upang yakapin ang Kristiyanismo. Sa pagsasagawa nito, gumagamit kami ng walang matibay na mga kataga at mga patunay. Samantalang maging ang aming mga sarili ay hindi kumbinsido sa mga bagay na ito. Minsan ay nagtanong kami sa mga batang Muslim at kanilang tinugon ang aming mga katanungan ng payak at makatuwiran. Hindi nila nalaman na sila ay nakapagbigay sa amin ng isang malinaw at matatag na patunay na nagpapakilala nang walang anumang pagaalinlangan na ang Islam ang tunay na Relihiyon." Ang mga salaysay na ito ay matatagpuan sa iba't ibang wika sa mga Islamic Centers sa buong Europa at gayundin sa Amerika. Maaari rin kayong magkaroon ng ganitong sipi mula sa mga tagapagpalaganap ng Islam sa buong Saudi Arabia sa mga sumusunod na tanggapan: 1. The Cooperative Office for Propagation and Guidance P.O. Box: Tel. # Fax # 20824 – Riyadh , 11465 +966 1 4030251 - +966 1 4030142 +966 1 4059387

2. Jeddah Da'wah Center P.O. Box: Tel # 6897 – Jeddah, 21452 +966 2 6829898

Nais kong wakasan ang liham kong ito sa pamamagitan ng mga salita na nagmula sa Allâh – ang Makapangyarihan: Iyan ang Allâh, ang inyong Panginoon sa katotohanan. Kaya't pagkaraan ng katotohanan, ano pa ba ang mayroon maliban sa pagkaligaw. Magkagayon bakit nga ba kayo nagsitalikod? (Yunus-12:32)

192

Halina't buksan ang inyong mga isipan tungkol sa mga bagay na matagal ng namamalagi sa inyong mga imahinasyon. Tanggapin ang Islam sapagka't ito ang pinakamabuti para sa inyo. Ito ang Islam – ang pananampalatayang ipinahayag ng lahat ng Propeta ng Allâh – ang Dakilang Tagapaglikha. Dito matatagpuan ang tunay na katotohanan. Kaya't pagkaraan ng katotohanan ano pa nga ba ang nalalabi maliban sa pagkaligaw at maligtas sa kamalian? Lahat ng papuri ay sa Allâh lamang – ang Panginoon ng mga daigdig! Sa Kanya kami nagsusumamo ng tulong! Nawa'y ang Kapayapaan at Pagpapala ay mapasa lahat ng mabubuting nilikha, sa Imam (Pinuno) ng mga nagabayan, kay Propeta Muhammad at sa lahat ng kanyang mga Kasamahan. Ameen.

192

Pagdarasal (Salaah) At Ang Kahalagahan Nito

192

Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin.

Ang Pagdarasal (Salaah)
Paalaala: Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur'an: Papalapit na ang sangkatauhan sa kanilang Pagsusulit habang sila ay patuloy sa kawalan ng pagpapahalaga. Hindi ba dumating sa kanila ang isang paalaala (isang kabanata mula sa Banal na Qur'an) mula sa kanilang Panginoon ang kapahayagan kamakailan lamang, subali't sila ay nakikinig lamang dito habang sila'y abala sa paglalaro. (An-Anbiya-21:1-2) Ito ang katotohanan. Ang Araw ng Pagbabangong Muli ay malapit na. Kung saan ay hindi natin pinahahalagahan ang tungkol dito at ito ay ating tinalikuran. Bukod pa rito kapag may nagtangka na mangaral at magpaalala sa atin tungkol sa Allâh, hindi natin sila pinapansin at para bang tayo ay nakikipaglaro lamang. Walang pinagmumulan ng Lakas at Kapangyarihan maliban sa Allâh – ang Makapangyarihan. O Panginoon, gawin Mo po kaming kabilang sa nakikinig sa Inyong mga salita at tumatalima sa Inyo sa pinakamabuting paraan. O Allâh kami po ay nagsusumamo na sana'y huwag kaming matulad sa mga tao na Inyong inilarawan sa Inyong Banal na Aklat: At katiyakan, Aming nilikha ang maraming Jinns at tao para sa Impiyerno. Sila ay mayroong mga puso na hindi marunong umunawa at sila ay mayroong mga mata nguni't hindi nakakikita at sila ay mayroong mga tainga nguni't hindi nakaririnig (ng katotohanan). Sila ay tila kawan ng mga baka, na higit na naliligaw; sila nga yaon! Sila yaong hindi nagbibigay-halaga. (Al-Araf-7:179) Ang Allâh – ang Kaluwalhatian ay sa Kanya lamang ay laging nagsasabi ng Katotohanan. Aming nakita ang ilang mga hayop na mas mainam pa kaysa sa Jinns at sa tao sa kaalaman at pangunawa. Sila ay nagpupuri sa Allâh – ang Makapangyarihan. Ang Allâh – ang Matayog ay nagsabi:

192

Ang pitong kalangitan at pitong kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito ay lumuluwalhati sa Kanya, at walang anumang bagay ang hindi lumuluwalhati sa Kanya. Datapuwa't hindi ninyo nauunawaan ang kanilang pagbubunyi ng kaluwalhatian. Katotohanan, Siya ang Mapagpaumanhin – ang Mapagpatawad. (AlIsra-17:44)

May mga taong kapag iyong pinaalalahanan tungkol sa mga Salita ng Allâh at ng Kanyang Propeta , sila ay maihahambing sa isang matigas na bato. Hindi sila nakikinig o hindi nila inuunawa ang iyong sinasabi. Ang kanilang mga puso ay kasing tigas ng bato tulad ng tinuran ng Allâh tungkol sa kanila: Pagkaraan nito, naging matigas ang inyong mga puso. Naging parang bato at higit na malala sa katigasan. At katotohanan, mula sa mga bato ay may umaagos na sapa, ang iba'y kapag biniyak ay umaagos ang tubig. At katotohanang mayroon sa kanilang nagpapatirapa dahil sa takot sa Allâh. At hindi lingid sa Allâh ang inyong mga gawa. (Al-Baqarah-2:74) Ito ang mga katangian na ating makikita sa mga nagsasabing sila ay mga Muslim subali't ang kanilang puso ay di-makatotohanan at magaspang na tulad ng mga bato o mas higit pa. Kapag sila'y iyong binigyan ng payo tungkol sa relihiyon ng Allâh, sila'y nagbibingi-bingihan sa lahat ng iyong sinasabi. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagwika sa kanila tungkol dito: Kung gayon, ano ang kamalian sa kanila (mga dinanampalataya), at sila ay tumalikod sa pagtanggap ng paalala? Na tila nangasindak na mga asno na tumakas mula sa mga mangangaso, o sa leon, o sa malupit na hayop. (Al-Muddaththir-74:49-51) Ang mga talatang ito ay naglalarawan sa pagkakatulad ng mga taong yaon at ng mga zebra. Kapag sila ay nakarinig ng paalala hinggil sa kanilang relihiyon, sila ay nagsisilayo tulad ng pagtakas ng isang zebra kapag ito ay nakakita ng isang mabangis na leon. Ang Pagdarasal Ang Allâh – ang Kataas-taasan ang Siyang lumikha sa atin. Maaring tayo ay nagtatanong kung bakit Niya tayo nilikha? Subali't bago tayo likhain ng Allâh – ang Makapangyarihan, Siya ay lumikha ng Paraiso at ginayakan Niya ito ng mga bagay na hindi pa nasasaksihan ng sinuman, 'di pa narinig ng tainga o 'di

192

pa nailarawan sa kaisipan ng tao. Ang Paraiso ay tulad ng isang babaeng ikakasal na sasama sa sinumang may karapatan sa kanya o may kakayahang magbigay ng dote (tunay na ang doteng yaon ay napakamura). Ang Allâh ay lumikha rin ng Apoy ng Impiyerno kung saan ito ang magiging tahanan ng mga dinaniniwala at ng mga taong walang Diyos at ito rin ang pansamantalang tahanan upang maparusahan ang mga suwail na Muslim. Karagdagan pa rito, ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabing ang pansamantalang pananatili ng tao rito sa lupa ay pagsubok sa Kanyang mga nilikha. Sinumang makapasa sa pagsubok ay makapapasok sa Paraiso at sinuman ang di-tumupad ay katiyakang mananatili sa Apoy ng Impiyerno. Ang pinakamahalagang bagay na bibigyang-pansin sa Araw ng Pagsusulit ay ang pananampalataya. Ito ang kasagutan sa nabanggit na katanungan sa itaas: "Bakit tayo nilikha ng Allâh? Sa pamamagitan ng Kanyang salita sinagot ng Allâh ang katanungang ito mula sa Banal na Qur'an: At hindi Ko (Allâh) nilikha ang mga Jinns (nilikhang di-nakikita) at tao maliban na sila ay sumamba sa Akin (tanging sa Akin lamang). Hindi Ako naghahangad ng anuman mula sa kanila (kanilang ikabubuhay o sa Aking mga nilikha) o di-kaya'y pakainin nila Ako (ang pakainin nila ang kanilang mga sarili). Katotohanan, ang Allâh ang Tagapanustos – ang Nagmamay-ari ng Kapangyarihan, ang Malakas. (Adh-Dhariyat-51:56-58) Ang Salaah ay ikalawang haligi ng pananampalatayang Islam. Subali't ano nga ba ang kahalagahan nito? Papaano natin ito mailalarawan? Ang salitang Arabik na Salaah (pagdarasal) ay nagmula sa salitang ugat na "assila" na ang malapit na kahulugan sa ating wika ay "ugnayan", upang bigyang-halaga ang ugnayan ng tao at ng kanyang Panginoon. Ang "assila" o "ugnayan" ay siyang maghahatid sa atin upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayang ito. Ating bigyang-linaw ang puntong ito. Isang halimbawa, kapag tayo ay nakikipag-usap sa telepono, maaari tayong magpatuloy sa ating pakikipag-usap sa kabilang linya habang ang linya ay aktibo. Kapag ang kabilang linya ay tumigil, hihinto na rin ang ating kumyunikasyon sa ating kausap. Ang Salaah (pagdarasal) ay maaaring ihalintulad sa linya ng telepono. Kaya't ang pagsasagawa ng pagdarasal sa araw-araw ang makapagpapanatili ng ating pakikipag-ugnayan sa ating Dakilang Tagapaglikha.

192

Ang paglisan sa Salaah (pagdarasal) ay nagiging dahilan upang maputol ang ating banal na pakikipag-ugnayan sa ating Tagapaglikha. Dahil sa ating patuloy na pakikipag-ugnayan sa Allâh sa pamamagitan ng ating pagdarasal, tinutugunan ng Allâh ang ating mga kahilingan. Sa isang banda, paano ba sinasagot ng Allâh ang ating mga panalangin? Ito ang nilalaman ng Hadith ni Propeta Muhammad na naiulat ni Imam Al-Bukhari. Ayon kay Propeta Muhammad ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: "Ang aking alipin ay hindi makalalapit sa Akin ng anumang bagay na mas mainam kaysa sa kung ano ang Aking itinagubilin sa kanya. Ang Aking alipin ay patuloy na napapalapit sa Akin sa pagsasagawa ng mga kusang-loob na pagdarasal hanggang kalugdan Ko siya. Kapag siya'y naging kalugod-lugod sa Akin, Ako ang magsisilbing tagapakinig sa kanyang pandinig, ang magsisilbing tagamasid sa kanyang paningin, ang kanyang kamay kung pinarurusahan niya ang iba at kanyang mga binti kung siya ay maglalakbay. Kung hihingi siya sa Akin ng anumang bagay, Aking ipagkakaloob sa kanya, at kapag siya ay nagpakupkop sa Akin, pangangalagaan Ko siya." Ganito rin ang nilalaman ng isa pang hadith ni Propeta Muhammad : "Sinuman ang mangalaga ng pagdarasal, pangangalagaan siya ng Allâh at sinuman ang makalimot nito, igagawad sa kanya ng Allâh ang pagkaligaw." Sinabi pa ni Propeta Muhammad tungkol sa mga nagdarasal: "Ang pagkakaiba sa pagitan nila at sa atin ay Salaah (pagdarasal). Kaya't sinuman ang mag-iwan sa gawaing ito ay itinuturing na di-mananampalataya" dagdag pa niya: "Kabilang sa mga taong ito ay ang mga politismo (nagbibigay katambal sa pagsamba) at ang ateismo (di-naniniwala sa Diyos) na iniiwan ang pagdarasal." Ang pagdarasal ang nagbubuklod sa hinabing lubid sa pagitan ng Allâh – ang Makapangyarihan at ng tao. Kung ating iiwan ito, pababayaan o kaya ay hindi natin pahahalagahan, ang pagkakatali ay maaaring mapatid at maghihiwalay ang pagkakabuklod. Dahil dito tayo ay mawawalan ng kaagapay patungo sa Paraiso. Magkagayon, tayo ay maliligaw ng walang hanggan sa masalimuot na buhay sa mundong ito hanggang dumating ang tunay na Pangako na makakatagpo natin ang Allâh – ang Kataas-taasan. Sa sandaling yaon, wala tayong makikitang dahilan o maaaring ikatuwiran sa mga pagkukulang natin. Ang Allâh – ang Kaluwalhatian ay sa Kanya lamang, ay nag-aalok sa atin ng walang hanggang kasaganaan na matatagpuan sa Paraiso

192

sa napakababang halaga. Lahat ng tao ay may kakayahang makamtan ito, lalaki o babae, mahirap o mayaman, bata o matanda, may karamdaman o malusog, nananatili o naglalakbay, mandirigma o tagapamayapa. Subali't ano ba ang itinakdang halaga na nauukol dito? Ang sapat na halaga na nararapat ilaan dito ay ang pagbibigay ng halos isang oras mula sa dalawamputapat na oras bawa't araw na isagawa ang limang beses na pagdarasal na ipinag-utos sa atin ng Allâh – ang Makapangyarihan. Ang pagsasagawa nito ay sapat na upang ating makamtan ang isang pinakamahalagang bagay na ipinangako sa atin ng Allâh – ang Dakilang Lumikha, at iyan ay ang pagpasok sa "Paraiso". Nasaan na ang mga mamimili? Mainam para sa sinuman na nakababatid ng tunay na kahalagahan ng bagay na ito at nagsikap na makamtan ang opurtunidad na ito upang mabili niya mula sa Allâh sa napakababang halaga. Mabuti para sa kanya ang patuloy na pagdarasal at nananatiling nakikipag-ugnayan sa Allâh – ang Makapangyarihan hanggang sa kanyang huling dasal sa buong buhay niya. Karamihan sa mga nagpapabaya sa itinakdang limang beses na pagdarasal, o kaya ay laging tinatamad na magsagawa nito o 'di kaya naman ay natutulog kapag sumapit ang itinakdang oras, sila ang karaniwang dumaranas ng karamdaman sa kanilang katawan at isipan. Karaniwang sila ay nagtataglay ng sakit sa ulo, napapagod at nakakaramdam ng ibang masasamang sintomas sa kalusugan. Kalimitan ang mga taong tulad nila ay napaliligiran ng mga Demonyo at mga kasamahang nagdudulot ng karagdagang paghihirap sa kanilang katawan. At yaong patuloy na naniniwala sa Allâh at pinangangalagaan ang pagdarasal, nagbibigay ng kawanggawa at palagiang nag-aalaala at nagpapasakop sa Allâh – sila ang mga taong makapapasok sa ipinangakong Paraiso ng ating Tagapaglikha. Bilang patunay, ang Allâh ay nagsabi sa Banal na Qur'an: At katotohanan, nang aming marinig ang patnubay (ng Qur’an), kami ay naniwala (at nanalig) doon, at sinuman ang naniwala (at nanalig) sa kanyang Rabb (Panginoon), sa kanya ay walang pangamba o walang kabawasan sa gantimpala ng kanyang mga mabubuting ginawa o (di-kaya ay) karagdagan sa parusa ng kanyang mga kasalanan. (Al-Jinn-72:13) Kaya't sinuman sa atin ang naniniwala sa Allâh at sa Araw ng Paghuhukom at nakababatid nang walang anumang pagaalinlangan na ang Allâh na Siyang lumikha sa atin ang nagbigay ng kautusan upang ating isagawa ang tungkuling ito ay

192

pagkakalooban ng kapayapaan sa kanyang araw-araw na pamumuhay. Katotohanan, tayo ay nilikha ng Allâh upang sumamba lamang sa Kanya, ang Allâh ay nagsabi sa Banal na Qur'an: At hindi ko (Allâh) nilikha ang mga Jinns (nilikhang di-nakikita) at tao maliban na sila ay sumamba sa Akin (at tanging sa Akin lamang). (Adh-Dhariyat-51:56) Nilikha tayo ng Allâh – ang Makapangyarihan upang malaman kung sino ang nagtataglay ng mabuting gawain sa mundong ito at pinaghahandaan ang araw ng Pagbabangong Muli sa Kabilang Buhay. Ang Allâh ay nagsabi sa Banal na Qur'an: At Aming sinabi: "Kung gumawa ka ng mabuti, ginawa mo ito para sa iyong sarili, at kung kayo ay gumawa ng masama inyong ginawa ito laban sa inyong sarili… (Al-Isra-17:7) Sa Araw na yaon anumang mabuting gawa ang naitala ng isang tao sa kanyang pananatili sa mundong ito ay mawawalan ng saysay kung hindi niya binigyan ng pansin at pinahalagahan ang kanyang pagdarasal. Bagkus, ang mabubuting gawang iyon ay mapupunta lamang sa kawalan. Sadyang ang kanyang mabubuting ginawa ay hindi ilalagay sa timbangan ng pagpapala. Bilang patunay, ito ang sinabi ni Propeta Muhammad : "Sa Araw ng Paghuhukom, ang unang itatanong sa tao ay tungkol sa kanyang pagdarasal. Kung ito ay mabuti, siya ay magiging matagumpay at magkakamit ng kasaganaan. At kung ito ay masama, siya ay hindi magiging matagumpay at siya ay mabibilang sa mga talunan." Sa isa pang sinabi ni Propeta Muhammad : "Sa Araw ng Paghuhukom, ang unang itatanong sa tao ay tungkol sa kanyang pagdarasal. Kung ito ay mabuti, lahat ng kanyang ginawa ay magiging mabuti. At kung ito ay masama, lahat ng kanyang ginawa ay magiging masama." Isang mahalagang bagay na dapat bigyang-pansin ay ang katotohanan na ang Allâh ay walang pangangailangan sa kanyang mga nilikha. Siya ay hindi nangangailangan mula sa atin ng anumang uri ng panalangin. Sa kabila nito, tayo ang siyang nangangailangan upang makamtan natin ang katiwasayan sa ating kaluluwa at upang magkaroon ng katiyakan sa pagtanggap ng mga biyayang Kanyang inilaan sa mga matutuwid. Kailangan nating manalangin upang hingin mula sa Kanya ang mga pagpapala sa ating mga sarili, kapatawaran sa

192

ating mga kasamahan, sa ating mga anak at sa ating mga ariarian o kayamanan. Tanging ang pagdarasal ang daan tungo sa Paraiso at higit sa lahat ito ang ating kailangan upang tayo ay kalugdan ng Allâh. Bilang patunay ang Allâh ay nagsabi: Ang Allâh ay nangako sa mga sumasampalataya – lalaki at babae, ng mga harding may umaagos na ilog sa ilalim nito upang manirahan dito magpakailanman, at mararangyang mga mansiyon sa Hardin ng Eden (ang Paraiso). Datapuwa't ang pinakadakilang kaligayahan ay ang Mainam na Pagpapala ng Allâh. Ito ang pinakamataas na tagumpay. (At-Taubah-9:72) Lahat ng ito ay nakasalalay sa ating pagdarasal ng sama-sama sa itinakdang oras. Ang Allâh – ang Kaluwalhatian ay sa Kanya lamang, ay hindi nagtakda ng mga ganitong gawain para sa Kanyang sarili – patawarin nawa tayo ng Allâh! Sa isang banda, ang pagdarasal ay Kanyang ipinag-utos sa atin upang mapalapit tayo sa Kanya at makamtan natin ang kapatawaran sa ating patuloy na paggawa ng mga kasalanan. Ang pagdarasal ay nananatili sa puso ng mga taong nagtataglay ng sapat na kaalaman. Dahil dito sila ay nababalot ng walang hanggang kapayapaan na naghahatid sa kanilang mga puso ng matinding kagalakan sa mundong ito – higit sa lahat sa Kabilang Buhay. Nakararamdam sila ng katiyakan at pagpapala sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa kanilang Panginoon – ang Tagapaglikha. Noong kapanahunan ni Propeta Muhammad , kapag ang pagdarasal ay sumapit na sa itinakdang oras, siya ay nag-uutos kay Bilal Ibn Rabah (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) upang manawagan sa pagdarasal at kanyang sinasabi: "Tumayo ka Bilal at tumawag para sa pagdarasal upang tayo ay maging mapayapa." Inihambing ni Propeta Muhammad sa isang ilog ang pagdarasal kung saan kapag ang isang tao ay naligo ng limang beses sa isang araw, magkagayon, nililinis nito ang lahat ng kanyang kasalanan. Ginagawang busilak ang kanyang puso at inilalayo sa lahat ng masasamang gawain, pagkabalisa at pangamba. Karagdagan pa rito, ang pagdarasal ay nagsisilbing ilaw sa kanyang puso sa mundong ito gayundin sa kanyang libingan sa oras ng kanyang pansamantalang pananatili habang naghihintay sa Araw ng Paghuhukom. Ito rin ang magsisilbing susi sa pagpasok sa Paraiso sa Kabilang Buhay.

192

Sa kasalukuyan, ating masasaksihan ang napakaraming bagay na pinag-uugatan ng kasalanan na nakapaligid sa atin, at ilan sa mga kapatid natin sa pananampalataya ang patuloy na sumusuway sa mga ipinag-utos ng Allâh tungkol sa pagdarasal na tanging sa Kanya lamang nauukol. Ang ilan sa mga ito ay nananatili sa kanilang mga higaan at nakakaramdam ng katamaran sa pagdarasal bagama't ang oras ng itinakdang gawain ay narinig na. Subali't kung siya ay tatawagin ng kanyang kasambahay upang kumain, bago pa man lumamig ang pagkaing nakahain siya ay dagliang tatalon mula sa kanyang higaan na kakikitaan ng lubos na pananabik. Hindi mo mababakas sa kanyang mukha ang antok tulad ng ipinakikita niya kapag narinig niya ang tawag ng pagdarasal. Pagkatapos kumain, ang taong ito ay magpapalipas ng oras sa pamamagitan ng panonood ng telebisyon. Patuloy siya sa pagsasayang ng maraming oras na 'di mo man lamang mababanaag sa kanyang mukha ang anumang pagod. Samantalang kapag oras nang pagdarasal ang paguusapan na hindi man lamang hihigit sa limang minuto, siya ay magkukunwaring may karamdaman at hindi makakilos. Hindi alintana ng taong ito na kapag ang Allâh ang nagbigay sa kanya ng tunay na karamdaman, bukod pa sa kanyang 'di maayos na kaisipan, katunayan, wala siyang kakayahang mapagaling ito. Kapag ang taong ito ay nagpatuloy sa ganoong pag-uugali, isasara ng Allâh ang kanyang puso ayon sa Kanyang sinabi sa Banal na Qur'an: At sa sangkatauhan ay may mapagkunwaring nagsasabi: "Naniniwala kami sa Allâh at sa Huling Araw", nguni't hindi sila tunay na naniniwala. Iniisip nila na nililinlang nila ang Allâh at ang mga nananampalataya, subali't nililinlang lamang nila ang kanilang sarili, at ito ay hindi nila nadarama! Sa kanilang puso ay may isang sakit ng pag-aalinlangan at pagkukunwari, at pinag-ibayo ng Allâh ang kanilang sakit. Isang napakasakit na parusa ang mapapasakanila, sapagka't sila ay laging nagsisinungaling! (Al-Baqarah-2:8-10) Ang mga sumusunod ay patungkol sa mga may karamdaman diumano at ginagamit nila itong dahilan upang makaiwas sa pagsasagawa ng pagdarasal na siyang itinalaga sa atin ng Allâh – ang Makapangyarihan. Ating talakayin ang mabubuting halimbawa kung papaanong inilarawan ang matutuwid na alipin ng Allâh sa panahon ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga Kasamahan (nawa'y kalugdan sila ng Allâh). Sa

192

pamamagitan nila, ating makikita kung sila ay naging masigasig sa pagdarasal. Si Propeta Muhammad bilang pamantayan at mabuting halimbawa ng mga Muslim ay halos buong magdamag na nagdarasal hanggang ang kanyang mga paa ay magkaroon ng bitak. Isang araw sinabi ni A'isha (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) kay Propeta Muhammad : "Bakit mo ginagawa ito, Sugo ng Allâh, samantalang pinatawad na ng Allâh ang iyong nakaraang mga kasalanan at yaong mga darating pa?" Si Propeta Muhammad ay sumagot: "Hindi ba ako'y nararapat na laging magpasalamat bilang alipin ng Allâh?" Si Omar Ibnul-Khattab (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) ay isa ring mabuting halimbawa para sa lahat ng Muslim. Ayon sa kanyang makabagbag damdaming kuwento na nagpamalas ng kanyang katapatan sa pagsasagawa ng pagdarasal na nakapagpalambot ng puso ng ilang tao sa harap ng Allâh – ang Panginoon ng kalawakan. Nang si Omar (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) ay saksakin habang siya ay nagsasagawa ng umagang pagdarasal, nakaligtaan niyang magpatirapa. Maraming dugo ang tumagas mula sa kanyang katawan at dinala siya sa kanyang bahay. Pagdating doon nagkaroon siya ng malay at tinanong niya ang nakapalibot sa kanya kung natapos niya ang kanyang pagdarasal o hindi. Sila ay sumagot: "Nakaligtaan mo ang iyong pagpapatira." Habang patuloy ang dugong tumatagas, siya ay tumayo upang ipagpatuloy ang pagdarasal, subali't nawalan siyang muli ng malay. Pagkaraang bumalik ang katinuan sa kanyang isipan tumayo siyang muli upang ipagpatuloy ang kanyang pagdarasal, subali't sa ikalawang pagkakataon muli siyang nawalan ng malay. Sinikap niya itong gawin hanggang matapos niya ang natitirang Rak'a (bahagi ng pagdarasal) at kanyang sinabi: "Kaluwalhatian sa Allâh na Siyang tumulong sa akin upang magampanan ko ang kabuuan ng aking pagdarasal." Hanggang siya ay tuluyang malagutan ng hininga. Narito ang isa pang kuwento na pinahahalagahan ang pagdarasal. Ito ay salaysay ng isa sa mga kasamahang si Thabit bin 'Amer bin Abdullah ibn Al Zubair. Isang araw habang siya ay nakaratay sanhi ng kanyang malubhang karamdaman, kanyang narinig ang panawagan sa pagdarasal. Inutusan niya ang kanyang anak na buhatin siya patungo sa Masjid. "Subali't ikaw ay may malubhang karamdaman – sagot sa kanya ng kanyang anak. Magdasal ka na lamang dito at ikaw ay mauunawaan ng Allâh." Subali't kanyang sinabi sa kanila: "Walang ibang diyos maliban sa Allâh. Hindi ko marinig ang panawagan sa pagdarasal na nag-

192

aanyaya sa mga tao para sa pagdarasal tungo sa tagumpay. Sa Ngalan ng Allâh, dalhin mo ako sa Masjid." Kaya't siya ay dinala nila sa Masjid. At nang siya ay nasa panghuling pagpapatira ng kanyang pagdarasal, siya ay binawian ng Allâh ng buhay. Ang matapat na aliping ito ay nagdarasal araw-araw at pagkatapos ng kanyang pagdarasal sa umaga, siya ay nananalangin sa Allâh ng ganito: "O Allâh, hinihingi ko po sa Inyo na pagkalooban Mo po ako ng mabuting kamatayan." Ang katanungan ay: "Ano nga ba ang mabuting kamatayan?" Siya ay sumagot: "Ang mamatay habang ako ay nagpapatirapa." Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay dininig ang kanyang panalangin at kinuha ang kanyang kaluluwa habang siya ay nagpapatirapa. Ang mahalagang bagay na tinutukoy dito ay ang lahat ng gawain na may kaugnayan sa pagsamba sa Allâh – ang Makapangyarihan. At mga bagay na pinahihintulutang hindi maisakatuparan bunsod na rin ng mga katanggap-tanggap na dahilan, subali't ang pagdarasal ay malinaw na hindi nabibilang dito. Unawain nating mabuti ang mga sumusunod na pangungusap:

• •

Ang isang mahirap ay pinahihintulutang hindi magbigay ng itinalagang kawanggawa (Zakat) sa kawalan ng kanyang kakayahan. Ang pag-aayuno (Sawm) ay maaaring ipagpaliban sa susunod na mga araw sa oras ng karamdaman at sa mga naglalakbay. Maaari itong palitan ng ibang gawain tulad halimbawa ng pagpapakain sa isang mahirap kung ang isang tao ay 'di maaaring mag-ayuno dahil sa karamdaman o kaya ay sa kanyang katandaan. Ang paglalakbay (Hajj), bagama't ito ay isa sa mga haligi ng Islam at itinakdang gawain sa isang Muslim, subali't kung siya ay walang kakayahang isagawa ayon sa mga itinakdang kondisyon, siya ay pinahihintulutang ipagpaliban ito.

Hindi katulad ng ibang mga gawaing pangrelihiyon, ang pagdarasal bilang ikalawang haligi ng Islam ay hindi pinapayagang ipagpaliban, kung saan sa Araw ng Paghuhukom ay binigyang-pansin ng Allâh ang kahalagahan nito. At walang anumang maaaring idahilan upang iwanan ang pagsasagawa nito. Yaon lamang mga walang kakayahan, halimbawa ang mga bata, mga baliw at mga kababaihang mayroong buwanang-dalaw ang

192

maaaring magpaliban ng banal na gawaing ito na siyang pangunahaning tungkulin ng lahat ng mga nilikha. Kahit sa mga pagkakataon na nahaharap sa digmaan o kaya ay nakadarama ng matinding takot ang isang Muslim, siya ay walang dahilan upang palampasin ang mga itinakdang pagdarasal. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: Ingatang mabuti ang limang itinakdang Salaah (pagdarasal) lalo na ang gitnang dasal (Asr). At humarap sa Allâh ng may pagtalima. Kung nag-aalala kayo sa kaaway, mag-alay ng Salaah (pagdarasal) habang naglalakad o nakasakay. Subali't kapag kayo ay nasa mapayapang kalagayan, mag-alay ng Salaah (pagdarasal) sa paraang itinuro ng Allâh sa inyo, na hindi ninyo nalalaman noon. (Al-Baqarah-2:238-239) Sinabi pa ng Allâh: At kapag kasama ka nila (O Muhammad ) at pinamumunuan sila sa Salaah (pagdarasal), hayaang tumindig na kasama mo sa Salaah ang isang pangkat sa kanila, na bitbit ang kanilang mga sandata. At kapag natapos na sila sa kanilang pagpapatirapa (sa pagdarasal), hayaan silang magtungo sa may likuran upang magbantay at hayaang lumapit ang ibang pangkat na hindi pa nakapagdasal upang makasama mo sa Salaah, na ginagawa ang lahat ng pag-iingat at dala ang kanilang mga sandata. Ninanais ng mga di-nananampalataya na magpabaya kayo sa inyong mga sandata at mga gamit upang salakayin kayo sa minsanang paglusob. Nguni’t wala kayong pananagutan kung tanggalin ninyo ang inyong mga sandata dahil sa abalang dulot ng ulan o dahil sa kayo ay may karamdaman. Subali’t gawin ang lahat ng pag-iingat para sa inyong mga sarili. Katotohanan, inihanda ng Allâh ang isang kahiyahiyang parusa para sa mga di-nananampalataya. (An-Nisa4:102)

Katotohanan ang Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya ay hindi nagpahintulot sa atin ng anumang dahilan upang ating ipagpaliban ang pagdarasal ayon sa itinakdang oras. Subali't, ang Allâh – ang Mahabagin, ang Mapagpala ay hindi naglagay sa atin ng anumang bagay na magpapahirap sa ating kaluluwa. Ang Allâh ay nagsabi: At magsumikap para sa Allâh bilang iyong tungkuling magsikap na may kadalisayan at puno ng pagsisikap at ang

192

Pangalan ng Allâh ay nangingibabaw sa lahat. Pinili ka Niya upang ipahayag ang Kanyang Mensahe sa Kaisahan ng Pagsamba sa Allâh sa sanlibutan para sa pag-anyaya sa kanila sa Kanyang relihiyong Islam at 'di ka inilagay sa isang relihiyon na may kahirapan… (Al-Hajj-22:78) Kapag ang isang tao ay 'di makakita ng tubig upang isagawa ang pagpapakadalisay o kapag ang tubig ay makapipinsala o 'di kaya ay sobra ang lamig nito, maaari siyang magsagawa ng Tayammum (pagpapakadalisay ng sarili sa pamamagitan ng paggamit ng malinis na alabok). Ang Tayammum ay pinahihintulutan sa mga may karamdaman kapag ang paggamit ng tubig ay makapipinsala tulad halimbawa sa sugat. Sinuman ang hindi makapagdasal ng nakatayo ay maaaring magdasal habang nakaupo. Kung hindi, siya ay maaaring magdasal habang nakahiga sa kanyang kanang bahagi ng katawan habang nakaharap sa Qibla (direksyon sa pagdarasal ng mga Muslim). Maaari din siyang yumuko at magpatirapa sa pamamagitan ng simpleng paggalaw ng kanyang ulo. Kung ang isang tao ay walang kakayahang igalaw ang kanyang ulo, maaari niyang igalaw ang kanyang mga mata upang yumuko at magpatirapa. Ang mahalaga sa isang tao ay magampanan niya ang pagdarasal anumang sitwasyon ang kanyang kinatatayuan, kahit siya ay nasa bingit na ng kamatayan, katulad halimbawa ay ang naganap kay Omar Ibnul-Khattab (nawa'y kalugdan siya ng Allâh). Si Ibn Mas'oud (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) ay nagsabi: "May isang taong nagtungo sa Masjid na nakaagapay sa dalawang lalaki hanggang sa siya ay umabot at makasama sa hanay ng mga magdarasal." Sila ang matagumpay na mga nilalang at sila ay magtatamasa ng kasaganaan. Kaluwalhatian sa Allâh! Lubha Siyang Mahabagin sa Kanyang mga alipin sa pagbibigay ng pagkakataong makapagsisi at linisin ang kanilang mga sarili. Subali't hanggang kailan? Hanggang ikaw ba bilang isang alipin na 'di marunong magpasalamat sa Kanyang mga Pagpapala ay manginig sa kama ng kamatayan? Magkagayon, sinuma'y hindi magtatagumpay maliban na siya ay magsisi at magbalik-loob sa Allâh – ang Panginoon ng sanlibutan. Kayong mga nilikha, kapag kayo ay inanyayahan upang kumain ng pagkain na nagmula sa Allâh, kumakain kayong mabuti ng walang anumang pasasalamat sa Kanya. Sa isang banda, kapag narinig ninyo ang panawagan sa pagdarasal na nag-aanyaya sa inyo sa pagdarasal at sa tagumpay, kayo ay nagbibingi-bingihan at nagtatakwil sa banal na gawaing ito na Kanyang ipinag-utos sa inyo.

192

Katotohanan, hindi tayo nilikha ng Allâh – ang Kaluwalhatian ay sa Kanya lamang, o kaya ay ginawa Niya tayong tagapagmana ng sanlibutang ito upang kumain lamang. Kung magkagayon, matutulad tayo sa mga hayop na kumakain, umiinom at nanginginain lamang ng walang anumang obligasyong iniatang ang Allâh. Matutulad din tayo sa mga hindi nananampalataya, ayon sa Allâh – ang Makapangyarihan: …datapuwa't silang di-naniwala ay nagpakaligaya sa kanilang mga sarili at kumakain tulad ng paraan ng pagkain ng baka, at ang Apoy ang kanilang magiging tirahan. (Muhammad-47:12) Katotohanan, nilikha tayo ng Allâh – ang Makapangyarihan upang sumamba sa Kanya at ginawa Niya tayong mas nakahihigit sa anumang Kanyang mga nilalang. Ang Allâh ay naghanda ng pagkain para sa atin upang maging kapakipakinabang at magampanan natin ang mga itinakdang tungkulin na siyang dahilan sa ating pagkakalikha. Ang Propeta ay nagsabi: "Ang pinakamahirap na pagdarasal para sa mga taong mapagkunwari ay ang huling pagdarasal sa gabi (Isha'a) at unang pagdarasal (Fajr) bago sumapit ang bukang-liwaway. Kung alam lamang nila ang pakinabang sa mga ito, gagapang sila upang ito ay kanilang isagawa." O aming minamahal na Propeta , ang lahat ng iyong sinasabi ay pawang Katotohanan. Sumaiyo nawa ang kapayapaan at sa iyong kagalang-galang na angkan at matutuwid na mga Kasamahan. Ang Allâh – ang Kaluwalhatian ay sa Kanya lamang ay nagsabi sa Banal na Qur'an: At kayo ay marapat na sumamba sa Akin, sa Aking Kaisahan at huwag magtambal ng anumang diyus-diyosan sa Akin. Ito ang tuwid na Landas. (Ya-Seen-36:61) Kaugnay nito aming sinasabi: "O Allâh! Kaluwalhatian sa Inyo. Kami po ang Inyong hamak na mananampalayata. Kayo lamang ang aming sinasamba at batid namin mula sa kaibuturan ng aming mga puso na hindi Mo kailangan ang anumang uri ng pagsamba mula sa amin at sa lahat ng nasa sanlibutan. Tinatanggap po namin na ang pagdarasal at ang pagsambang ito ay tanging sa Inyo lamang nauukol bilang isang Biyaya na tanging Kayo lamang ang nagkaloob at nagbigay sa amin. Lahat ng ito ay mula sa Inyo – aming Panginoon, upang sa ikabubuti naming lahat. Ang pinakamainam ay walang iba maliban sa Inyo na Siyang tumanggap sa amin bilang Inyong mga alipin. Sinuman ang pagkalooban ng ganitong dangal ay maituturing na isang mapalad na nilalang."

192

Mga katanungan kung papaano mapupunan ang nakaligtaang pagdarasal. Sa nabanggit ng usapin, nais naming bigyan ng kasagutan ang mga kuru-kuro ng sinumang taong nakaligtaang magdasal sa itinakdang oras sa nagdaang araw at magsisi sa kasalukuyan. Kanilang sinabi na kailangang isagawa ito sa pamamagitan ng tig-dalawang beses bawa't isang pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw upang mapunan ang mga nakaligtaang dasal. Subali't mayroon tayong iba't ibang opinyon sa bagay na ito. Ating hingin mula sa Allâh ang tulong at gabay para sa atin sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa ating pananampalataya na ating mararanasan. Sinuman ang nahaharap sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang pananampalataya ay pinapayuhang sumangguni mula sa Aklat ng Allâh at sa mga ginawa, inutos at sinang-ayunan ni Propeta Muhammad . Gayundin, nararapat nating alamin ang sinabi at opinyon ng mga kasamahan ng Propeta , at ang sinabi ng ating mga paham sa ating pananampalataya (nawa'y kalugdan sila ng Allâh). Sa pamamagitan ng ating patuloy na pag-aaral tungkol dito, ating napatunayan na sinuman ay hindi nararapat magsagawa ng anumang nakaligtaang pagdarasal maliban lamang kung nakatulog o 'di kaya ay nakalimot. Ang bilang ng dasal na nakaligtaan ninuman dahil sa pagkatulog ay may hangganan o limitasyon. Maaaring isa o dalawang dasal o 'di kaya ang lahat ng mga dasal sa buong maghapon sanhi ng sobrang pagkatulog at nagising na lamang makaraan ang mga itinakdang oras, at 'di niya ito ginawa sa kung anumang dahilan. Ayon sa sinabi ni Propeta Muhammad : "Walang anumang pagpapabaya sa pagtulog, subali't ang pagpapabaya ay maaaring magawa kapag nagising na. Kung sinuman sa inyo ang nakalimot na isagawa ang pagdarasal o 'di kaya ay nakatulog sa itinakdang oras para dito, kailangan niya itong isagawa anumang oras na maalala ito." Para sa sinumang nakalimot magdasal sa tamang oras sa anumang dahilan at walang kaalaman na ito ay itinakdang gawain para sa kanya, narito ang opinyon ng mga Kasamahan ng Propeta at ilan nating mga iskolar. Ayon kay Ibn Taimiyya (nawa'y kalugdan siya ng Allâh): "Ang pagsasagawa ng pagdarasal upang mapunan ang mga nakaligtaang gawaing tulad nito ay hindi ipinag-uutos o tinatanggap mula sa kanya na hindi

192

isinagawa sa anumang dahilan. Bagkus, ay kailangan niyang dagdagan na lamang ang mga kusang-loob na pagdarasal." Kaugnay ng magkatulad na usapin, sinabi ni Ibn Hazm: "Sinumang nakaligtaang gawin ang pagdarasal hanggang umabot sa itinakdang oras nito ay hindi na kailangang punan. Kaya, kailangan niyang magsisi at hingin ang Kapatawaran ng Allâh, at gumawa ng maraming mabubuting gawain at dagdagan na lamang ang kusang-loob na pagdarasal." Sinabi pa ni Ibn Hazm: "Sinumang nakaligtaan ang pagdarasal sa itinakdang oras ay maaaring isagawa ito sa huli." Ang Allâh – ang Makapangyarihan, kailanma'y hindi nawawala ang babala sa Banal na Qur'an: At may sumunod sa kanilang henerasyon na nagpabaya sa kanilang Salaah. Pinabayaan nila ang kanilang pagdarasal na mawalan ng saysay, maaaring ito ay hindi pag-aalay ng dasal o hindi pag-aalay nito sa tamang pamamaraan o wala sa itinakdang oras, atbp, at sumunod sa kanilang mga pagnanasa. Kaya't sila ay ihahagis sa Impiyerno. (Maryam-19:59) Kami ay sumasang-ayon sa tinuran ni Ibn Hazm na sinumang makaligtaan ang pagdarasal sa itinakdang oras ay maaaring mapunan ito sa huli, katunayan, mas madali sa pamayanang ito na suwayin ang Banal na kautusan kumpara sa pagtalima rito, ayon sa sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan: Katunayan, ang pagdarasal (Salaah) ay ipinag-uutos sa mga mananampalataya sa tamang oras. (An-Nisa-4:103) At ang pagsuway sa Sunnah (mga bagay na ginawa ni Propeta Muhammad at itinuro sa kanyang mga tagasunod) ni Propeta Muhammad , tunghayan natin ang kanyang sinabi para sa lahat ng mga nananatili sa kani-kanilang tahanan at hindi nakikilahok sa sama-samang pagdarasal: "Ganon na lamang ang aking pagnanais na tumawag ng isa mula sa inyo upang magtaguyod ng pagdarasal at ako ay magsasama ng ilan sa inyo na may dala-dalang kahoy na panggatong at magtutungo sa bahay ng mga taong hindi nakikilahok sa sama-samang pagdarasal upang sunugin ang kanilang mga tahanan," at kung hindi, magiging madali para sa pamayanang ito na hindi magsagawa ng pagdarasal sa tamang oras at layunin, at sasabihing maaari nilang mapunan anumang oras na kanilang naisin. Samakatuwid, kaya ipinahayag ang ganitong banal na

192

alituntunin sa talatang ito ay upang maging karapat-dapat na isakatuparan: Katunayan, ang pagdarasal (Salaah) ay ipinag-uutos sa mga mananampalataya sa tamang oras. (An-Nisa-4:103) Sa aming palagay, sinumang makaligtaan ang kanyang pagdarasal sa itinakdang oras ay kinakailangang magsisi sa harap ng Allâh at ang pagsisisi ay maaaring magbigay ng kapatawaran sa kanyang nakaraang mga kasalanan. Ito ay matutunghayan sa Banal na Qur'an: At may sumunod sa kanilang henerasyon na nagpabaya sa kanilang Salaah. Pinabayaan nila ang kanilang pagdarasal na mawalan ng saysay, maaaring ito ay hindi pag-aalay ng dasal o hindi pag-aalay nito sa tamang pamamaraan o wala sa itinakdang oras, atbp, at sumunod sa kanilang mga pagnanasa. Kaya't sila ay ihahagis sa Impiyerno. (Maryam19:59).

Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay muling nagsabi: Maliban sa kanilang mga nagsisisi at sumasampalataya sa Kaisahan ng Allâh at sumusunod sa Kanyang Sugong si Muhammad , at nagsasagawa ng kabutihan, sila ang makapapasok sa Paraiso at sila ay hindi bibigyan ng kamalian o kawalan ng katarungan. (Maryam-19:60) Ito ay nangangahulugan na sinuman ang magsisi, maniwala at gumawa ng mabuting gawain ay makaiiwas sa pagsubok ng Allâh. Subali't kailangan niyang gumawa ng maraming kalugudlugod na gawain at dagdagan ang boluntaryong pagdarasal at palagiang alalahanin ang Allâh – ang Makapangyarihan. Sapagka't ang mga mabubuting gawain ay naglilinis sa masasamang gawain. Ito ang nagkakaisang palagay nina Omar Ibnul-Khattab, at ng kanyang anak na si Abdullah, [Sa'd ibn Abi Waqqas], si Abdullah ibn Mas'oud at [Salman Al-Farisy], (nawa'y kalugdan sila ng Allâh). Ito ay sinang-ayunan din ng mga tagasunod na sina Omar bin Abdul-Aziz at Muhammad Ibn Sireen, gayundin nina Ahmad Ibn Hanbal, Ibn Taimiyah at marami pang ibang mga pantas ng Islam, (nawa'y kalugdan sila ng Allâh). Sa mga nananangan ng salungat na opinyon tungkol dito, sila ay walang maipakitang patunay mula sa Banal na Qur'an, sa Sunnah (mga bagay na ginawa ni Propeta Muhammad at

192

itinuro sa kanyang mga tagasunod), at sa Batas ng Islam upang suportahan ang kanilang mga haka-haka. Katanungan na sumasalungat sa opinyon ng mga pantas na nagsabing ang pag-aayuno ng walang pagdarasal ay kapakipakinabang: Sa kasalukuyan, maraming Muslim mula sa mga bansang Arabia ang nagsasagawa ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan na tila baga pangkaraniwang gawain na lamang. Ang mga taong ito ay nag-aayuno sa buwan ng Ramadan na hindi nagsasagawa ng pagdarasal, ogligado man o hindi. Hanggang kami ay magtanong kung bakit ang masamang gawaing ito ay nananatili at tumataas pa ang bilang sa naturang mga bansa. Sa bandang huli, aming napag-alaman ang mga kasagutan tungkol dito, makaraang aming mabasa ang isang aklat na naglalaman ng mga opinyon tungkol sa usaping pangrelihiyon na sinulat ng isang kagalanggalang na manunulat at isang pantas na Muslim. Ang iskolar na nabanggit ay pumanaw dalawang taon na ang nakalipas. Nawa'y patawarin siya ng Allâh at tayong lahat sa ating mga pagkukulang sa ating pananampalataya. Ang nasabing katanungan na ating babanggitin ay isang malaking pagkakamali na nagdulot ng malawakang sakit na mabilis na lumaganap at ipinamuhay ng ating mga kapatid sa pananampalataya. Dahil sa pagbibigay niya ng mga maling alituntuning pangrelihiyon na nagtulak sa milyon-milyong mga Muslim na mangaligaw. Walang ibang pinagmumulan ng Lakas at Kapangyarihan maliban sa Allâh – ang Makapangyarihan. Ang opinyon na naging kasagutan sa katanungan ng isa sa kanila: Tinatanggap ba ng Allâh ang pag-aayuno ng isang tao na naantala ang kanyang pagdarasal o 'di kaya ay ang lahat ng gawaing pagsamba na magkakaugnay at 'di maaaring paghiwalayin? Ang nasabing pantas ay tumugon ayon sa pagkakasunodsunod:

192

Ang tao ay nagkakamit ng gantimpala sa lahat ng kanyang mabuting ginawa at pinarurusahan sa mabuting gawain na kanyang nakaligtaan o hindi isinakatuparan. Magkagayon, kung tinatawag namin yaong mga hindi nagsasagawa ng pagdarasal, inaanyayahan lamang namin kayo sa isang mainam na gawain. Kung anuman ang inyong maging tugon ito ay makatutulong sa pagpapatatag ng inyong relihiyon. Para sa namatay na pantas na ito, ito ang aming sinabi: "Nawa'y patawarin tayo ng Allâh – ang Makapangyarihan!" Sapagka't ikaw ay nagsinungaling laban sa Allâh at sa Kanyang Sugo at iniligaw mo ang nakararami sa pamayanan ni Muhammad , kung saan ikaw ay pinagkatiwalaan. Sanhi ng iyong maling opinyon ay iniligaw mo sila. Para sa iyo na hindi alintana ang dulot na kasamaan sa pag-iwan ng pagdarasal at ang kahalagahan nito na ipinag-utos ng Allâh, at sa Sunnah ni Propeta Muhammad at itinuro sa kanyang mga tagasunod. Dahil dito maraming Muslim ang naligaw. Kaluwalhatian sa Allâh kung saan tayo ay laging nagpapakupkop laban sa ating masasamang gawain. Ang Batas ng Islam ay dumating na malinaw pa sa kristal mula sa Banal na Aklat ng Allâh, bilang patunay tunghayan natin ang sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan: At ikaw (O Muhammad ) ay hindi pa nakabasa ng Aklat na nauna pa rito (sa Qur'an), gayundin naman, ikaw ay hindi rin sumulat ng anumang aklat sa iyong kanang kamay. Sa gayong pangyayari, Katotohanan, ang mga tagasunod ng kasinungalingan ay nag-aalinlangan sa Qur'an. Hindi, datapuwa't ang mga ito, ang maliwanag na Ayat (paglalarawan at mga katangian ni Muhammad na nasusulat sa Torah at Ebanghelyo) na nananatili sa mga puso ng mga nagkamit ng karunungan (mula sa Angkan ng Kasulatan). At wala ng iba pa maliban sa Zalimun (sumasamba sa mga diyus-diyosan at gumagawa ng kasamaan) na nagtakwil ng Aming mga Ayat (mga patunay, talata, aral, tanda at kapahayagan atbp). (Al-Ankabut-29:48-49) Ayon sa sinabi ni Propeta Muhammad : "Ako ay mag-iiwan sa inyo na kung sinuman ang tumangan dito, hindi siya maliligaw: (ito ang Qur'an) ang Aklat ng Allâh." Sa huling paglalakbay na isinagawa ni Propeta Muhammad , siya ay nagsabi: "Ako ay mag-iiwan sa inyo ng isang malinaw na palatandaan, ang gabi nito ay kawangis ng araw, sinumang lumihis dito ay mapapariwara o masisira."

192

Nawa'y ang kapatawaran ng Allâh ay mapasa atin at gayundin sa iyo, aming iskolar! Paano mo itataas ang karaniwang mamamayan sa pamayanan ni Propeta Muhammad sa kasalanan sa pagsasabi ng bagay na makapipinsalang tulad nito: "Magiging mabuti ang lahat kung hindi mo isasagawa ang mga ipinag-uutos na pagdarasal. Magkagayunman, lahat ng iyong ibang mabubuting gawain ay tatanggapin ng Allâh. Ikaw ay mabibigyan ng gantimpala para dito at ikaw ay maliligtas sa Apoy ng Impiyerno." Hindi ka ba nakaramdam nang anumang pagkatakot at pagkabalisa sa iyong sarili sanhi nang hindi mo pagsasagawa ng pagdarasal. Walang pinagmumulan nang Lakas at Kapangyarihan maliban sa Allâh lamang. Sa Allâh tayo nagmula at sa Allâh rin tayo magbabalik. Ito ay isang matinding dahilan upang pumalaot sa anumang uri ng paghihirap at mga pagsubok, para sa isang kinikilalang pantas ng relihiyon na nagbigay ng sariling opinyon at payo na nagtulak upang lisanin ang pangunahing tungkulin – ang pagdarasal. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabing ang Katotohanan at ang Katarungan sa Araw ng Paghuhukom ay makakamtan ng sinumang gumawa ng mabuting bagay kahit kasingliit lamang ito ng atomo. Subali't ang "kabutihan" na tinutukoy ng Allâh dito ay ang kabutihan na Kanyang tatanggapin. Katotohanang ang Allâh ay tumatanggap ng mabubuting gawa mula sa mga matutuwid. Magagawa ba ng isang matuwid na tao na kaligtaan ang kanyang pagdarasal sa anumang kadahilanan? Magkagayon, may isang nagsabi sa kanya na siya ay gagantimpalaan sa lahat ng kanyang mabubuting ginawa. Samantalang ang ating Propeta ay nagtuturo sa atin na sinumang iwan ang kanyang pagdarasal sa anumang kadahilanan, ang kanyang mabuting ginawa ay ihahambalos sa kanyang mukha sa Araw ng Paghuhukom. Sa nabanggit sa itaas, ang pagdarasal ay haligi ng relihiyon. Walang tamang relihiyon kung walang pagdarasal. Lahat ng pantas na Muslim ay sumang-ayon na sinumang magpabaya sa kanyang pagdarasal sa anumang kadahilanan o kaya'y kanya itong itinakwil, siya'y maituturing na di-mananampalataya. Sa mga dinananampalataya, ang kanilang kawanggawa, pagbibigay ng anumang tulong at paglalakbay, kailanma'y hindi tatanggapin mula sa kanya ayon sa sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan: Sabihin: "Gumugol man kayo sa Kapakanan ng Allâh na may kusang-loob o wala mang pagkukusa, ito ay hindi tatanggapin mula sa inyo. Katotohanang kayo ay ang mga taong laging Fasiqun (mga mapaghimagsik at sumusuway sa Allâh). At

192

wala ng iba pang humahadlang sa kanilang tulong na maging katanggap-tanggap mula sa kanila, maliban sa sila ay hindi sumasampalataya sa Allâh at sa Kanyang Sugo (Muhammad ); at sila ay hindi pumaroon sa pagdarasal maliban sa kalagayan ng pagiging tamad; at sila ay nagbibigay ng kanilang tulong na may pagtutol sa kanilang kalooban. (AtTaubah-9:53-54)

Kung ito ay mga salita na nagmula sa Allâh tungkol sa mga nagsasagawa ng pagdarasal ng tinatamad, papaanong kami at ikaw ay mapatatawad ng Allâh sa pagliban sa pagdarasal? Paano ang winika ng Propeta : "Ang limang itinakdang pagdarasal, at mula sa Biyernes hanggang sa isa pang Biyernes, at mula sa Ramadan at hanggang sa isa pang Ramadan ay naglilinis ng anumang mga kasalanan sa pagitan ng mga ito kung ang isang tao ay umiiwas sa mga malaking kasalanan." Ang pamantayan ng pagpapatawad ng mga kasalanan ay kung iniiwasan ang mga malaking kasalanan. Subali't mayroon pa bang mas malaking kasalanan kumpara sa hindi pagsasagawa ng mga pagdarasal na nagtutulak sa isang tao upang mahulog sa kawalan ng pananampalataya? Sa pambungad ng aklat na ito, tayo ay nagbanggit ng ilang mga winika ni Propeta Muhammad na nagbibigay ng babala sa mga nagiiwan ng kanilang pagdarasal. Isa na rito ay mababasa ng ganito: "Ang kaibahan sa pagitan nila at sa atin ay ang pagdarasal. Kaya't sinumang mag-iwan nito ay maituturing na dimananampalataya. Sa isa pang winika: "Ang isang bagay na nagtutulak sa isang tao upang maging di-mananampalataya ay ang pagtalikod sa pagdarasal." Sa pagsasabi nito, aking hinihingi ang pagpapala mula sa Allâh. Kung ako ay tama, ito ay biyaya na nagmula sa Gabay ng Allâh. Subali't kung ako ay nagkamali, nawa'y gawaran ako ng Allâh ng kapatawaran. Kami'y nagpapakupkop sa Allâh laban sa kasalanan ng aming mga sarili at sa aming masasamang gawain. Kami'y nagsusumamo ng kapatawaran mula sa Allâh at nagsisisi sa Kanyang harapan. Katiyakan, Siya lamang ang Mapagpatawad – ang Mahabagin. Kaluwalhatian sa Allâh – ang Panginoon ng Sanlibutan, nawa'y ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allâh ay ipagkaloob kay Propeta Muhammad , kung saan siya ay ipinadala ng Allâh – ang Makapangyarihan sa sanlibutan na nagtataglay ng Kanyang Gabay at Tamang Relihiyon. Ang Kapayapaan nawa'y mapasa

192

lahat ng Pamilya at Kasamahan ni Propeta Muhammad . Ameen. Ameen. Ameen.

Ang Mga Pagsubok

192

Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin. Lahat ng pasasalamat ay sa Allâh lamang, ang Panginoon ng Sanlibutan, nawa'y ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa kay Propeta Muhammad , ang dakilang nilikha, sa kanyang pamilya at sa lahat ng kanyang mga tagasunod.

Ang Mga Pagsubok
Luwalhatiin ang Allâh na Siyang nagpadala sa Kanyang Sugo para sa atin upang ipahayag ang Aklat na magsisilbing gabay at ilaw ng sangkatauhan upang bigyang-linaw ang kaibahan sa pagitan ng tama at mali at kung ano ang katotohanan sa kabila ng kasinungalingan. Tayo ay nagpapasalamat sa Allâh na Siyang naghatid ng isang pamayanang tulad ng kay Propeta Muhammad , ang pinakamabuting pamayanan na nilikha sa buong sangkatauhan. Ito ang pamayanan na ipinamumuhay ang mga bagay na pinahihintulutan at iniiwasan ang mga bagay na ipinagbabawal. Ang pamayanang sumasamba sa Nag-iisang Diyos, ang Allâh – ang Makapangyarihan. Lagi tayong nagpupuri sa Allâh sa pagkakaloob Niya ng lahat ng biyaya mula sa kalangitan at sa kalupaan, sa lahat ng kauri nito at sa walang hanggang Pagpapala na Kanyang inihahatid sa sinumang Kanyang naisin. Magpasalamat tayo sa Allâh upang tayo ay maging kalugod-lugod sa Kanya, at manatiling lumuluwalhati sa Kanya sa lahat ng sandali ng buong puso at kaluluwa upang ito ay maging katanggap-tanggap sa Kanya. Kami ay sumasaksi na walang ibang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allâh nang walang katambal. Sa pamamagitan ng pagsaksing ito, kami ay nagsusumamo ng Habag tungo sa Kabilang Buhay, kung saan walang kayamanan o anak ang maaaring makatulong upang iligtas ang sarili laban sa kaparusahan. Tanging ang mga matatapat lamang sa kanilang puso at kalooban ang maaaring makinabang nito. Ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allâh ay para lamang sa Kanyang mga natatanging nilikha, ang ating minamahal na si Propeta Muhammad , sa kanyang pinagpipitagang Pamilya, sa kanyang matatapat na Kasamahan at mga tagasunod at sinumang gumagawa ayon sa kanilang

192

mabubuting halimbawa hanggang sa pagsapit ng Huling Araw. Ameen! Kaluwalhatian sa Allâh na Siyang nagbigay ng Habag at Awa sa Kanyang mga nilikha. Gayundin ang mga Pagpapalang hindi nalalaman ninuman, maliban lamang sa masusugid at matutuwid na nilikha na nagtatamasa nito. Aking mga kapatid sa pananampalaya, maging matapat tayo at magtiis sapagka't ang nagtitiis ay ginagantimpalaan ng walang hanggan. Isang araw, may isang nagsabi kay Sa'd ibn Abi Waqqas: "Ang iyong panalangin ay laging tinutugunan ng Allâh – ang Makapangyarihan at lagi ka ring nagdarasal para sa iba. Subali't, bakit ayaw mong hilingin sa Allâh na ibalik Niyang muli sa iyo ang iyong paningin?" Siya ay sumagot: "Ang itinadhana ng Allâh para sa akin ay mas mainam kaysa sa pagkakaroon kong muli ng paningin. Sapagka't ang antas ng kasiyahan ay mas nakahihigit kung ihahambing sa isang nagtitimpi. Ang tunay na kapayapaan ay hindi makakamtan ng isang tao maliban lamang kung siya ay pinagkalooban ng Allâh ng ganap na kasiyahan sa pamamagitan ng kanyang pagtitiis." Minsan tinanong ni Sa'd ang Propeta : "Sino sa mga tao ang may pinakamaraming pagsubok? Ang Propeta ay sumagot: "Ang mga Propeta, at pagkatapos ay nagmula sa mga pinakamainam hanggang sa pinakamabuting tao. Ang pagsubok sa isang tao ay batay sa antas ng kanyang pananampalataya. Kung ang pananampalataya ng isang tao ay mahina, ang kanyang pagsubok ay naaayon lamang sa ganoong kalagayan, subali't kung ang pananampalataya ng isang tao ay malakas, ang kanyang pagsubok ay batay din lamang sa ganoong kalagayan. Ang mga pagsubok ay ipinadarama sa isang tao hanggang siya ay maging ligtas sa anumang kasalanan." Mainam para sa sinuman ang nananatiling matatag sa mga pagsubok ng Allâh sa kanyang buhay! Kalimitan, ang Propeta ay nangangaral sa kanyang mga Kasamahan tungkol sa maaaring matanggap na biyaya ng mga taong binibigyan ng pagsubok ng Allâh sa buhay na ito at ang kanilang magiging kalagayan sa harap ng Allâh. Sinabi sa kanila ng Propeta : "Kung minamahal ng Allâh – ang Makapangyarihan ang isang tao, binibigyan Niya ito ng mga pagsubok." Pagkaraan ng kamatayan ni Propeta Muhammad , ang kanyang mga Kasamahan ay nagturing na ang mga pagsubok ay isang mabuting palatandaan. Kung ang isang pagsubok ay dumarating

192

sa kanila, ito ay kanilang hinaharap ng buong katapatan at tibay ng loob. Sila ay patuloy na gumagawa ng mga kabutihan at iba't ibang uri ng pagsamba sa kabila ng mga kahirapang kanilang dinaranas sanhi ng mga pagsubok sa kanilang buhay. Hindi alintana ninuman ang anumang pagsubok na kanilang kinasasangkutan sapagka't nananatili sa kanilang mga puso ang takot sa Allâh, at sila ay nangangamba na mawalay sa hanay ng mga minamahal ng Allâh. Ipinaalala sa kanila ni Propeta Muhammad na ang pagsubok ay tanda ng pagmamahal ng Allâh. Ano ba ang ating katayuan kung ihahambing natin ang ating mga sarili sa kanila na pawang nanatili sa tamang landas? Kapag ang Allâh ay nagpadala sa sinuman sa atin ng pagsubok na maaaring makapinsala, karamihan sa atin ay natitigatig at dumaranas ng panlulumo sa sarili. Karagdagan pa rito, tayo ay walang tigil sa pagdaing sa dinaranas natin at ating sinisisi ang mga nagkakasala sa atin. Nalimutan natin na ang lahat ng mga nangyayari ay naitadhana na bago pa man tayo isinilang. Anumang bagay ang maganap sa atin ay katiyakang may Kapahintulutan ng Allâh – ang Kataas-taasan kahit anuman ang ating gawing pag-iwas mula rito. Kadalasan, ang mga taong dumaranas nito ay nakalimot sa sinabi ng Allâh sa Banal na Qur'an: Walang masamang mangyayari ang magaganap dito sa kalupaan at sa inyong sarili, maliban na ito ay naitala na sa Aklat ng Kautusan (Al Lauh Al Mahfuz) bago pa Namin pinangyayari ang lahat sa paglikha. Katotohanan, ito ay lubhang magaan sa Allâh. Upang kayo ay hindi malungkot sa mga bagay na hindi ninyo nakamtan, gayunpaman, huwag maging mapagmataas sa mga biyayang ipinagkaloob sa inyo. At ang Allâh ay hindi nagmamahal sa mga palalo sa pagyayabang. (Al-Hadid-57:22-23) Sapagka't naisulat na ng Allâh sa Kanyang Aklat ng Talaan ang lahat ng maaaring mangyari sa sinuman hanggang sa Huling Araw, 50,000 taon bago pa man likhain ang kalupaan at kalangitan. Nang likhain ng Allâh ang panulat, Kanyang ipinagutos ang "SUMULAT!" Ang panulat ay nagsabi: "O Panginoon, ano ang isusulat? Ang Allâh ay nagsabi: "ISULAT KUNG ANONG MAGAGANAP!" At ito ay sumulat ayon sa utos ng Allâh at sa Kanyang Kaalaman sa maaaring maganap hanggang sa Huling Araw. Kaya't walang sinuman ang makaliligtas sa anumang itinadhana para sa kanya. Ang panulat ay natuyo at ang papel ay naitupi na.

192

Minamahal kong mga kapatid! Maaaring isa sa atin ang makaranas ng mga pagsubok na magtutulak sa kanya upang panghinaan ng loob at maghatid sa kanya sa pagkabalisa, at maaaring mag-isip ang taong ito kapag siya ay nasa bingit ng kapahamakan. Tanggapin natin ng maluwag sa ating kalooban ang sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan sa mga nananampalataya na dumaranas ng kahirapan at pighati: …Katiyakan, ang Habag ng Allâh ay malapit sa mga gumagawa ng mabuti. (Al-Araf-7:56) Ang Habag at Kabutihan ng Allâh ay laging naroroon sa mga matiising mananampalataya. Gayundin sa mga nasisiyahan sa mga itinakda ng Allâh sa kanyang sarili. Gaano man kabigat ang mga kahirapan at kalungkutang kanyang nadarama kaugnay ng mga nangyayari sa kanya, masusumpungan niya ang Allâh. At kung ang mga pintuan ay nakapinid sa kanyang harapan, pagkaraan nito ay kanyang matatagpuan ang Habag mula sa Allâh na mas malapit sa kanya upang sagipin siya sa lahat ng mga pagsubok at sakuna. Ayon sa ilang Manunula: Maaaring ang pagsubok ay dumating sa isang tao, Hanggang siya ay mawalan ng pag-asa, subali't ang Allâh ang Siyang lulutas ng suliraning ito. Ang mga madidilim na sandali ay yaong bago sumapit ang bukang liwayway, Magiging mabuti lamang kapag ito ay iyong hinayaan. Sinabi ng Allâh – ang Kataas-taasan: ...at sinuman ang naniniwala sa Allâh, gagabayan Niya ang kanyang puso tungo sa wagas na Pananampalataya na may katiyakan... (Al-Taghabun-64:11) Kaya't ang tao ay nararapat na balikatin ang mga pagsubok at maging matiisin sa sandali ng kalamidad. Silang mga nagtataglay ng tapat na pananampalataya sa Allâh na sumusuko, nagtitiwala at naniniwala sa Huling Araw at sa kahihinatnan maging mabuti man ito o masama ang magtatagumpay. Kung sinuman sa atin ang naniniwala at ipinauubaya ang lahat sa Allâh, siya ay

192

gagabayan ng Allâh at ang kanyang puso ay magtataglay ng katatagan sa pagharap sa mga pagsubok. Pagkakalooban siya ng Allâh ng walang hanggang mga biyaya at pag-asang ang lahat ng pagpapala ay nagmumula sa Allâh. At sa Huling Araw kung saan ang tao ay bubuhaying muli, ang kanyang mabubuting ginawa ay magiging mabigat sa kanyang timbangan at makakamtan niya ang dalawang ulit na pagpapala ng pagiging matiisin sa kanyang buhay dito sa mundo. Ang pagpapalang ito ay wala ng sukatan ayon sa sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan sa Banal na Qur'an: Sila lamang na mga matiisin ang makatatanggap ng kanilang pagpapala ng ganap at walang sukatan. (Az-Zumar-39:10) Ngayon ay ating pag-aralan ang iba't ibang larawan ng pagsubok at kung bakit pinahihintulutan ng Allâh ang mga pagsubok na ito sa ilan sa Kanyang mga nilikha. Ang unang sitwasyon ay kapag ang Allâh nagmahal sa Kanyang alipin at batid Niya na ang aliping ito ay nakagawa ng maraming kasalanan sa kanyang buhay na maaaring makabawas sa timbangan ng kanyang mabubuting ginawa sa Araw ng Paghuhukom. Sapagka't nais makita ng Allâh ang Kanyang alipin na malayo sa anumang kasalanan upang hindi siya maparusahan. Dahil dito ipagkakaloob sa kanya ng Allâh ang mga pagsubok upang subukan kung hanggang saan ang kanyang pagtitiis sa panahong tulad nito at ng sa ganon ay kanyang matamo ang gantimpala ng higit pa kaysa sa kanyang mga gawaing ritwal. Sa ganitong paraan, ang itinatanging alipin ng Allâh ay magkakamit ng mga gantimpalang mas higit pa sa bigat ng kanyang mga kasalanang nagawa. Ayon sa Propeta , "Ang pagsubok ay ipinagkakaloob ng Allâh sa isang mananampalataya, lalaki man o babae, sa kanyang buhay at sa kanyang mga anak hanggang sa dumating ang oras na siya ay tatayo sa Kanyang harapan na walang anumang bahid ng kasalanan." Ang Propeta ay naglahad ng iba pang dahilan para sa mga Mananampalataya na naghihirap. Sinabi ng Propeta , "Ang Allâh ay nagtalaga ng natatanging antas mula sa Kanyang mga alipin kung saan ang kanyang mga ginawa ay 'di sapat upang makamtam ang antas na ito. At ang taong ito ay sinubukan ng Allâh ng mga bagay na 'di niya nais upang maabot niya ang mataas na kalagayan." Ang mga sinabing ito ni Propeta Muhammad ay tumatalakay sa iba't ibang paraan ng pagsubok sa tao. Hindi ginagawa ng Allâh ang mga pagsubok na ito sa mga tao dahil sa kanyang mga kasalanan. Ginagawa lamang ng Allâh ang ganitong mga pagsubok sa mga taong

192

Kanyang nais mapabilang na maninirahan sa mataas na antas ng Paraiso. Sinusubukan sila ng Allâh marahil kung ang kanilang mabubuting ginawa ay hindi sapat upang sila ay mapahanay sa antas na ito. Nalalaman ng Allâh na ang katayuan ng taong ito ay hindi sapat upang magkamit ng mataas na kalagayan sa Paraiso maliban lamang na sila ay bigyan ng mga pagsubok sa iba't ibang pagkakataon. Sa kanilang tatag at kakayahang magtiis sa panahon ng mga pagsubok, ang mga taong ito ay tumatanggap ng kaukulang gantimpala upang makamtan ang mataas na katayuan sa Paraiso. Ang ibang layunin ng Allâh sa pagbibigay ng pagsubok sa Kanyang mga alipin ay nabanggit sa Banal na Qur'an. Dito sinabi ng Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya: Inakala ba ng tao na sila ay hahayaan na lamang sapagka't sila ay nagsasabing: "Kami ay sumasampalataya", at hindi Namin sila susubukan? Katotohanan, Aming sinubukan ang mga tao na nauna sa kanila. At katiyakan ang Allâh ang nakababatid kung sino ang matapat at nagkukunwari, kahit alam ng Allâh ang lahat ng ito bago pa man sila ilagay sa pagsubok. (Al-Ankabut-29:2-3) Ganito ang katayuan ng isang alipin na nakatanggap ng pagtitika at sinubukan ng Allâh kung ang kanyang pananampalataya ay wagas o hindi. Narito ang aking pansariling imahinasyon sa kahulugan ng banal na talatang nabanggit. Kung ang isang tao ay nagsasabing siya ay naniniwala sa Allâh, hindi ito sapat na sabihin lamang ng dila, bagkus ay kailangan niyang lampasan ang ilang pagsusulit upang mapatunayan ang tibay ng kanyang pananampalataya. Kung siya ay naging matiisin sa sandali ng mga kalamidad at patuloy na nagpapasalamat sa Allâh, siya ay magiging matagumpay at maituturing na isang matapat na Mananampalataya. Subali't kung ito ay kanyang tinalikuran at hindi siya nasiyahan sa mga pagsubok na dumating sa kanya, maituturing siyang isang mapagkunwari sa larangan ng pananampalataya at siya ay ibibilang sa mga sinungaling. Ang antas ng pagsubok sa isang tao ay nakabatay sa taas ng kanyang pananampalataya. Kaugnay nito si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Ang nakahihigit sa gantimpala ay nakahihigit sa pagsubok." Ang mas mabigat na pagsubok ay may katapat na mas higit na biyaya, subali't sa kondisyon na siya ay nagpamalas ng higit na pagtitiis sa sandali ng kalamidad. Ang Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya ay nagsabi:

192

At katiyakan, Amin kayong susubukan ng bagay na nakakatakot, pagkagutom, pagkawala ng kayamanan, buhay at mga prutas, subali't bibigyan ng masaganang pagpapala ang mga As-Sabirun (ang matiisin). (Al-Baqarah-2:155) Makaraang ilarawan ang iba't ibang uri ng pagsubok, inatasan ng Allâh ang Dakilang Propeta ng magandang balita, subali't sino? Ang Allâh – ang Kataas-taasan, ay nag-utos kay Propeta Muhammad na ipaabot ang magandang balita sa mga nananatiling nagtitiis. Tungkol naman sa mga nagagalit at nawawalan ng pag-asa sanhi ng mga pagsubok na nagmula sa Allâh, ang Propeta ay nagsabi: "Siya na nasisiyahan ay makakatanggap ng Kasiyahan mula sa Allâh. At siya na 'di nasisiyahan ay makakatanggap ng Poot mula sa Allâh." Ang tao ay kinakailangang magpakita ng pagtitiis kung siya ay nakatanggap ng pagsubok, maging ito ay para sa kanyang sarili, pananalapi o mga anak. Dahil ang mga Muslim ay kinakailangang magtiis sa sandali ng kapighatian at magpasalamat sa oras ng kaligayahan. Katotohanan, ito ay mainam sa sinumang Muslim. Kapag ang isang Muslim sa oras ng pagsubok ay patuloy na nagdarasal at umaasa sa tulong ng Allâh – ang Panginoon ng Sanlibutan, katiyakan, kanyang makakamtan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng walang hanggang Habag na magmumula sa Allâh. Sa ganitong paraan maaari siyang mamuhay ng walang bahid ng kasalanan, sapagka't ang pagsubok ay naglilinis ng lahat ng ito. Nawa'y patawarin tayo ng Allâh at makamtan natin ang Kanyang Habag. Ameen. Kaugnay nito, ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: O kayong mananampalataya! Hanapin ang tulong mula sa pagtitiis at Salaah (sa pagdarasal). Katiyakan, ang Allâh ay nasa mga As-Sabirun (ang matiisin). (Al-Baqarah-2:153) Ang talatang ito ay nagpapaalala na ang pagtitiis ay hindi sapat na kondisyon sa isang Muslim upang makatanggap ng gantimpala sa kabila ng mga pagsubok. Mayroon pang isang kondisyon na mas mahalaga kaysa sa pagtitiis. Ang pagtitiis ay hindi sapat kung walang kaakibat na pagdarasal, sapagka't ang pagtitiis na walang kaakibat na panalangin ay maituturing na pagtitiis na walang inaasahang biyaya. Ayon sa unang nabanggit, may mga pagsubok na sadyang magaan at mayroon ding mabigat. May iba't ibang uri ang pagsubok. Ang Allâh ay nagsabing ang maituturing na tunay na

192

pagsubok sa larangan ng pananampalataya ay hindi yaong magaan. Hindi rin ito isang pangkaraniwang suliranin na kaagad naglalaho o nalulunasan. Ayon sa sinabi ng Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya: Sa ganoong kalagayan, ang mga sumasampalataya ay sinubukan at sila ay nanlumo ng matinding panlulumo. (AlAhsab-33:11)

Ating bigyang-pansin ang malalim na kahulugan ng nabanggit na talata sa Banal na Qur'an. "Sila ay sinubukan at sila ay nanlumo ng matinding panlulumo." Malinaw na ang mga pagsubok ay nagbibigay-ligalig sa kanilang kaisipan at pangangatawan. Inilalarawan nito kung ang pananampalataya ng isang tao ay wagas o may pag-aalinlangan. Kung ang pananampalataya ay mahina at hindi wagas, ito ay maaaring matinag habang dumaraan ang matinding panlulumo tulad ng isang puno na dinaanan ng malakas na bagyo at nalagas ang lahat ng dahon. At ang puno ay naiwan na tila animo isang punong nakahubad sa kawalan ng isa mang dahon na dating bumabalot dito. Ang isang matatag na pananampalataya ay nananatiling matibay at nakatayo anumang pagsubok ang dumaan gaano man ito katagal. Ang bagay na ito ay sadyang hindi mahirap para sa isang Muslim sa kasalukuyan. Bagkus, mas higit itong mahirap sa mga naunang taong tulad ni Propeta Adan at ang dakilang Propetang si Muhammad gayundin ang kanyang mga Kasamahan (nawa'y kalugdan sila ng Allâh). Ito ay nababagay din sa iba nating mga kapatid na mga naunang Sugo. Bagama't ang kanilang mga kaluluwa ay nakaranas ng mga ganitong pagsubok, sila ay patuloy na nananalangin at nagluluwalhati sa Allâh mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso na tigib ng kalungkutan at pagkatakot at kung minsan sila ay nagtatanong, (Kailan darating ang tulong ng Allâh?) Sinagot ng Allâh ang kanilang katanungan: (Oo Katiyakan, ang tulong mula sa Allâh ay darating!). Ang mga paghihirap sa buhay ng mga Propeta at Sugo ay nabanggit sa Banal na Qur'an, ayon sa sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan: O iniisip ba ninyong kayo ay makapapasok sa Paraiso ng walang pagsubok katulad ng mga pagsubok na dumating sa mga nauna sa inyo? Sila ay nakaranas ng matinding karalitaan at sakit, at tunay na sila ay nabahala maging ang Sugo at yaong mga naniniwalang kasama niya ay nagsabi: Kailan darating

192

ang tulong ng Allâh? Oo! Katiyakan, ang tulong ng Allâh ay malapit na. (Al-Baqarah-2:214) Hindi mabuti para sa atin ang magsabi ng ganito: "O aming Panginoon! Kung Kayo ay nasisiyahan sa amin, tanggalin Mo po ang aming paghihirap sa lalong madaling panahon, sapagka't kami ay nagpakita ng pagtitiis, nagsagawa ng mga pagdarasal at nananalangin sa Inyo sa araw at gabi." Kung ito ang ating gagawing batayan sa pagitan natin at ng ating Panginoon, magkagayon, ang Allâh ay hindi na magpapadala ng anumang pagsubok sa mga taong Kanyang itinatangi at tatanggalin ito ng Allâh sa oras na magsagawa ng pagdarasal. Subali't kung ito ay totoo, paano pang ang paghihirap ay ipinadala upang maging pagsubok sa kanila? Ano ang halaga ng pagsubok na ito? At ano ang nasa likod ng mga pagsubok at pagpapala? Ang Dakilang Allâh ba ay hindi tunay na nalulugod sa Kanyang mahal na Propeta na pinakamabuti sa Kanyang mga nilikha? Gayundin sa kanyang mga Kasamahan, (nawa'y kalugdan sila ng Allâh)? Katunayan, ang Dakilang Allâh ay nalulugod sa kanilang lahat. Ang Makapangyarihang Allâh ay maaaring magkaloob kay Muhammad at sa kanyang mga kasamahan ng tagumpay sa kanilang pakikipaglaban sa mga hindi mananampalataya na walang sinuman sa kanila ang maaaring masaktan o 'di kaya'y mapatay. Subali't tinupad ng Allâh ang Kanyang Pangako ayon sa Kanyang sinabi sa Banal na Qur'an: Maaaring subukan ng Allâh ang mga mananampalataya at maaari Siyang pumili ng mga Martir mula sa inyo. (Al-Imran3:140)

Ito ay upang sukatin ang tatag at katiyakan ng kanilang pananampalataya upang malaman kung sino ang mga nagsisinungaling at kung sino ang nagsasabi ng katotohanan. Aking mga kapatid, tayong lahat ay nakararanas ng siphayo at kahirapan. Subali't papaano natin iiwasan ang siphayo at kahirapan na dumarating sa atin bilang pagsubok at gawin natin itong isang uri ng pagtalima o kaya ay pagsunod sa Allâh – ang Panginoon ng Sanlibutan? Ang pagiging masunurin ay nagmumula sa gawaing mabuti, ang Allâh ay nangako sa atin sa pamamagitan ng Banal na Qur'an upang alamin ang landas tungo sa pagiging matapat at upang magtamo ng anumang pangangailangan na walang sinumang nakaaalam. Ang Makapangyarihang Allâh ay nagsabi sa Banal na Qur'an:

192

At sinuman ang may takot sa Allâh at pinananatili ang kanyang tungkulin sa Kanya, gagawing magaan ng Allâh ang lahat para sa kanya upang mailayo mula sa anumang kahirapan. At siya ay pagkakalooban ng mga biyayang higit pa sa kanyang inaasahan. (At-Talaq-65:2-3) Sa talatang ito pinagsanib ng Makapangyarihang Allâh ang pagitan ng daang palabas at biyaya sa iisang kamay para sa kamay ng taong may matapat na pananampalataya. Subali't saan nagmumula ang daang palabas? Sa tuwina ito ay kailangan ng mga naghihirap. Ang Allâh ay nangako sa atin na ang mga matutuwid ay makararanas ng mga pagsubok at nangako sa kanila ng isang daan patungo sa lagusan para sa mga pagsubok na ito kung sila ay mananatiling matuwid sa sandali ng kanilang paghihirap. Hindi lamang ito, nangako rin ang Allâh na magbibigay ng masaganang pagpapala saan man ang pagmumulan nito na hindi batid ninuman. Ito ay isang Dakilang Pangako mula sa Allâh – ang Makapangyarihan. Sino nga ba ang nangangako ng mas higit pa maliban sa Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya. Ito ang Pangako sa atin ng Allâh at Siya, kailanma'y hindi sumisira sa Kanyang mga Pangako. Kaya't tayo ay laging maging matiisin, sapagka't ang Pangako ng Allâh ay mananatiling makatotohanan. Upang maunawaang mabuti ang nabanggit na talata, aming sinasabi na walang sinuman ang nakatitiyak nito. Tayo ay nakagagawa ng ilang mga kasalanan na ating iniisip bago pa man dumating ang pagsubok at tayo ay nagbabalak gumawa ng bagay na matuwid at ang takot natin sa Allâh ay namamayani sa ating mga puso at umaasang tayo ay Kanyang pagkakalooban ng walang hanggang biyaya. Ang Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya, ay nagsabi sa Banal na Qur'an: At kung ang mga mamamayan ng mga pamayanang ito ay nanampalataya at nagkaroon ng Taqwa (takot sa Allâh), katiyakang Aming ibubukas sa kanila ang mga biyaya mula sa kalangitan at kalupaan… (Al-Araf-7:96) Ang Makapangyarihang Allâh ay nangako ng mga bagay na Kanyang ipagkakaloob sa atin sa sandaling dumating ang mga pagsubok sa ating mga sarili, subali't kailangan nating manatili sa pagiging matiisin upang makamtan natin ang Pangakong ito mula sa Kanya. Sa pamamagitan ng kabanalan, unang ibig sabihin ay ang palagiang pagtitiis at pagsisisi sa ating mga kasalanan, pangalawa, kailangan nating panatilihin ang pagdarasal ng sama-sama, pangatlo, magsagawa tayo ng mga

192

mabubuting gawain at sundin natin ang Makapangyarihang Allâh at iwasang gumawa ng masasamang gawain. Tanging ang Allâh lamang ang makapagpapatupad ng Kanyang mga Pangako sapagka't ang Allâh ay Makatotohanan. Upang ating maisakatuparan ang mga kondisyon ng pagiging isang matuwid sa sandali ng paghihirap, ating sagutin ang mga sumusunod na katanungan: "Ang paninigarilyo ba ay isang gawain ng pagsunod?" Ang Makapangyarihang Allâh ay nagsabing ito ay hindi pinahihintulutan. Sapagka't malinaw na ipinag-utos ng Allâh na ang mabuting bagay ay pinahihintulutan at ang masamang bagay ay ipinagbabawal. Ito ay malinaw na nakasulat sa Banal na Qur'an. Nararapat din nating tanungin ang ating mga sarili, "Ang paglalaro ba ng baraha ay isang gawain ng pagsunod?" Ang paglalaro ng baraha ay nakasisira sa isang tao upang isagawa ang kanyang pagdarasal sa itinakdang oras. Ito rin ay nag-aanyaya sa isang tao na manatili hanggang hating-gabi at nagiging dahilan upang kanyang makaligtaan ang pagdarasal bago magbukang liwayway. Ito rin ay nagiging sanhi upang ang isang tao ay maging isang sugarol. Sa iba pang mga katanungan: "Ang panonood ba sa telebisyon ng isang babaeng halos wala ng saplot sa katawan at malalaswang kantahan ay isang kaayaayang gawain?" Ang Makapangyarihang Allâh ay nag-utos sa atin na ibaling ang ating mga mata kapag tayo ay nakakita ng malaswang bagay. Ang Allâh ay nagsabi: At huwag mong sundin; O tao, huwag kang mangusap, o huwag kang maging saksi sa mga bagay na wala kang kaalaman. Katotohanan! Ang pandinig, ang paningin, ang puso at ang bawa't isa sa kanila ay tatanungin ng Allâh. (AlIsra-17:36)

"Ang pagtawag ba ng ibang pangalan sa isang tao at paggamit ng masamang salita kahit na ang tao ay nagbibiro lamang ay isang kalugud-lugod na gawain?" Si Propeta Muhammad ay nagwika: "Ikaw na nagsabi ng isang salitang hindi mo sinasadya, magkagayon, ito ay magiging sanhi upang ikaw ay mahulog ng 70 ulit tulad sa panahon ng taglagas sa Apoy ng Impiyerno." "Ang paninira at ang paniniktik ba sa bawa't isa sa atin ay mabuting pag-uugali at gawain ng pagsunod?" Maging matapat tayo sa Allâh – ang Makapangyarihan at gayundin sa ating mga sarili. Maging matuwid tayo at manatiling makatotohanan. Ang lahat ng nabanggit sa itaas ay pawang mga gawain na sumasalungat sa pagiging masunurin. Ito rin ay mga maling gawain na nagdudulot ng kasalanan. Papaano natin gagampanan ang mga ganoong bagay upang mapanatili natin ang

192

pagiging matuwid sa sandali ng pagsubok? Papaano natin gagawin ang lahat ng ito upang ating makamtan ang Pangako at Biyaya na nagmula sa Allâh – ang Mapagpala? Walang anumang bagay sa kalupaan at maging sa mga kalangitan ang nalilingid sa Allâh – ang Makapangyarihan, at walang anumang nilikha ang makapanlilinlang sa Kanya – ang Kataas-taasan. Batid ng Allâh ang lahat ng nasa sa ating mga puso, noon pa mang tayo ay punlay pa lamang na Kanyang nilikha sa sinapupunan ng ating ina. Ang Allâh ay nagsabi: Kanilang inisip na linlangin ang Allâh at ang mga nananampalayata, nguni't kanila lamang nilinlang ang kanilang mga sarili, at hindi nila ito maunawaan! (Al-Baqarah2:9)

Ang Allâh ay muling nagsabi: Katotohanan, hinahangad ng mga mapagkunwari na malinlang nila ang Allâh, nguni’t Siya ang lilinlang sa kanila... (An-Nisa-4:142) Minsan sinasabi nating ang isang tao ay hindi nagsasagawa na kanyang pagdarasal o kaya nama'y nawawalan siya ng takot sa Allâh, at maaaring siya ay nakagagawa ng kasalanan sa sandali ng mga pagsubok. Subali't ang Allâh ay nagbigay sa kanya ng daan upang madaling iwasan ito. Kung ganon, bakit hindi natin sundan ang mga yapak ng taong tulad niya? Ang taong iyon ay binigyan ng Allâh ng pagkakataong makapagsisi, subali't kung hindi siya nagsisi, parurusahan siya ng Allâh – ang Makapangyarihan. Tungkol sa mga taong tulad nila, ang Allâh ay nagsabi: Kaya't huwag ang kanilang kayamanan o mga anak ang makalugod sa iyo (O Muhammad ) sa katotohanan, ang balak ng Allâh ay parusahan sila ng ganoong mga bagay sa buhay sa mundong ito at ang kanilang kaluluwa ay lilisan sa kanila (namatay) habang sila ay nasa kalagayan bilang mga di-mananampalataya. (At-Taubah-9:55) Sinabi pa ng Allâh: At huwag isipin ng mga nagtatwa sa pananampalataya na ang Aming pagpapaliban sa kaparusahan para sa kanila ay magdudulot ng kabutihan sa kanilang sarili. Amin lamang ipinagpaliban ang kaparusahan sa kanila upang lalo nilang maragdagan ang kanilang mga kasalanan. Mapapasakanila ang kaparusahang magdudulot sa kanila ng kadustahan. (Al-

192

Imran-3:178)

Ang Propeta ay nagwika: "Kung iyong makitang ang Allâh ay nagkaloob sa isang alipin sa mundong ito, sa kabila ng kanyang di-pagiging masunurin, anuman ang kanyang mga naisin, ito ay upang ipagkaloob sa kanya ng dahan-dahan." Pagkaraan nito, ang Propeta ay bumasa ng salita ng Allâh mula sa Banal na Qur'an: Kaya't nang kanilang nalimutan ang babala kung saan sila ay pinaalalahanan, Aming binuksan para sa kanila ang mga pintuan ng bawa't nakasisiyang bagay, hanggang sa gitna ng kanilang pagsasaya sa bagay na ipinagkaloob sa kanila ng walang pasubali, Amin silang ibinulid sa kaparusahan, at pagmasdan! Sila ay nabulid sa pagkawasak ng may matinding pagsisisi at kapighatian. (Al-An'am-6:44) Ang pagkakaroon ng malaking halaga sa pananalapi ay hindi batayan kung ang salaping ito ay pinagpala o hindi. Ang kayamanan ay makapaghahatid ng kawalan ng ligaya sa taong nagmamay-ari nito. Maraming balita ang ating narinig tungkol sa mga taong nagmamay-ari ng mga palasyo at yaman, subali't ang kanilang buhay ay hindi mapayapa, puno ng kalungkutan, karamdaman at mga paghihirap. Mga kapatid, nais kong iparating sa inyo na ang mga pagsubok na ipinagkaloob sa atin ng Allâh ay hindi tanda na Siya ay hindi nalulugod sa atin. Bagkus, ito ay pagpapahiwatig ng kabutihan para sa atin kung tayo ay nananatiling matuwid at nagtitiis sa panahon ng mga pagsubok. Sapagka't ang pagsubok na iyon ay paraan lamang upang sukatin ang ating pananampalataya at nawa'y magkamit tayo ng kapatawaran mula sa ating mga kasalanan. Kaya't kailangan nating maging tiyak na kung susubukan tayo ng Allâh buhat sa Kanyang Pagmamahal at Habag para sa ating mga sarili, tayo ay nananatiling matatag at matibay na umaasa sa Kanya. Hindi tayo nararapat mangamba o makadama ng anumang kalungkutan, sapagka't ang tanging dahilan ng mga pagsubok na dumarating sa ating buhay ay maragdagan ang biyaya na ating aanihin sa Kabilang Buhay dahil sa ating pagtitiis at sa ating pagiging matatag sa sandali ng mga pagsubok na dumarating sa atin. Ang ating mabuting ginawa ay madaragdagan sa harapan ng Allâh na Siyang namamahala ng Kayamanan sa kalupaan at sa kalangitan. Ito ang mabuting gawain na mainam para sa atin na kailangang pagsumikapan upang ating makamtan ang Kanyang masaganang pagpapala.

192

O aming Panginoon! Sa pamamagitan ng Inyong tulong, kami ay nananatiling matatag at matibay. Mula sa Inyong lakas, kami ay naging matiisin at kami ay nagpapasalamat sa Inyo! Alisin po Ninyo sa amin ang mga pagsubok at linisin po Ninyo kami mula sa aming mga kasalanan katulad ng puting tela na inalisan ng maitim na mantsa. O Panginoon! Ihanay po Ninyo kami sa mga taong may matatag na kalooban sa sandali ng kahirapan at palagiang nagpapasalamat sa Inyo sa oras ng kasaganaan. Ibilang po Ninyo kami sa mga nagsusumamo ng Inyong Kapatawaran kapag kami ay nagkakasala at patawarin po Ninyo kami sa pamamagitan ng Inyong Habag. Katotohanan, Kayo po ang tumatanggap ng pagsisisi mula sa Inyong mga nilikha, ang Lubos na Mapagpatawaad – ang Mapagpala, ang Mahabagin.

Ang Asetisismo
192

(Ang Pagpapakasakit at Pagtalikod sa Makamundong Kasiyahan)

Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin. Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allâh lamang – ang Panginoon ng buong sanlibutan. Nawa'y ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa kay Propeta Muhammad , sa kanyang pamilya at mga Kasamahan.

ASETISISMO
(Ang Pagpapakasakit) Purihin ang Allâh na Siyang nag-akay sa atin tungo sa matuwid na landas. O aming Panginoon, nawa'y huwag po Ninyong dulutan ang aming mga puso na muling maligaw mula sa katotohanan pagkaraang kami ay Inyong gabayan sa landas ng 192

katotohanan. Katunayan, Kayo ang Tagapanustos ng lahat ng bagay. Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allâh, Siya na walang anumang katambal, at si Muhammad ay Kanyang huling Propeta at Sugo na ipinadala bilang habag sa buong sandaigdigan. Nawa'y ang kapayapaan ay ipagkaloob kay Propeta Muhammad , na siyang naghatid ng mabuting balita mula sa Kalangitan bilang babala sa mga tao laban sa Apoy ng Impiyerno. Makabubuting ating simulan ang kabanatang ito sa pagbabaliktanaw sa mga sumusunod na salaysay: Minsan isang araw, si Harun Arrasheed ay lumapit kay Ibn Essammark. "Pagpayuhan mo ako!" habang si Arrasheed ay umiinon ng isang tasang tubig sa kanyang kamay. Sumagot si Arrasheed at nagsabi sa kanya: "Ikaw, pinuno ng mga Matatapat! Ano ang maaari mong isipin kapag ikaw ay inabot nang uhaw at ikaw ay pagkaitan ng kahit isang higop man lamang ng tubig, ipagpapalit mo ba ang iyong kaharian dahil lamang sa isang higop na tubig?" Si Arrasheed ay sumagot: Oo! Si Ibn Essammark ay nagtanong muli: "Papaano kung hindi mo magawang umihi dahil sa tubig na ito hanggang ito ay muntik mo nang ikamatay, ibibigay mo bang lahat ang iyong pag-aari sa mundong ito upang malunasan ang iyong sakit sa hindi mo pagihi?" Sumago si Arrasheed: "Oo". Sa pagkakataong iyon si Ibn Essammark ay nagtanong muli: "Papaano kung ang kaharian na iyong ipinagpalit ay hindi umabot sa halaga ng isang higop na tubig o yaong pananatili ng iyong ihi ay hindi naging sapat..." Nang marinig niya ito, si Arrasheed ay lumuha. Kaya't ating simulan ang kabanatang ito sa isang mahalagang katanungan. Paanong ang sinumang tao sa sanlibutang ito ay makapapantay sa ating pinakamamahal na Propeta ? Ang ating pinagpipitagang Propeta ay nagsabi: "Ako ay inalok ng Allâh na gagawin Niyang ginto ang lahat ng buhangin sa buong Makkah para sa akin. Gayunpaman, ako ay nagsabi, Hindi Allâh. Higit kong nanaisin ang makaramdam ng gutom sa isang araw at mabusog sa susunod na araw upang kapag ako ay nagugutom, muli akong mananalangin at magdarasal sa Inyo, at kapag ako ay busog nang muli, ako ay magpapasalamat sa Inyong biyaya. Sinabi ng Allâh na gagawin Niya ang bundok ng Tohama na maging mamahaling bato tulad ng emerald, ruby, ginto at pilak para kay Propeta Muhammad at gagawin siyang isang hari at Sugo. Subali't mas ninais pa ng ating pinagpipitagang Sugo na

192

maging alipin at Sugo na lamang ng ating Panginoon. Ganito kung papaanong pinili ni Propeta Muhammad (ang pinakamabuting nilikha mula sa lahi ni Adan) na manatili na lamang bilang Sugo ng Allâh. Kung hinangad lamang ni Propeta Muhammad na maging hari ng lahat ng kaharian mula silangan hanggang kanluran at gawing ginto ang mga kabundukan at ang mga ilog ay umagos saan mang lugar sa pamamagitan ng kanyang mga utos, katunayan, ang Allâh – ang Panginoon ng Sanlibutan ay hindi ipagkakait alinman dito para sa Kanyang natatanging nilikha. Maraming pagkakataong tinalikdan ni Propeta Muhammad ang lahat ng kapangyarihan at kaharian sa kanyang buhay. Dumaranas siya ng gutom at hindi man lamang siya makatagpo ng pinakamumurahing uri ng datiles upang kanyang makain. Siya ay kalimitang natutulog sa banig na yari sa hinabing dahon ng datiles na nagiging sanhi pagkaminsan ng pananakit ng kanyang tagiliran. Minsan ang isa sa kanyang mga Kasamahan ay nagsabi: "O Sugo ng Allâh! Kung papayagan mo lamang kaming magdala ng malambot na higaan upang iyong matulugan!." Si Propeta Muhammad ay sumagot: "Ang buhay sa mundong ito ay hindi para sa akin. Ang buhay na ito ay tulad lamang ng isang puno para sa isang manlalakbay na sumisilong pansamantala at iiwan niya rin ito." Si Urwa ay nag-ulat na si A'isha ay nagsabi: "O aking pamangkin, ako ay sumusumpa sa Allâh na kaming mga pamilya ni Propeta Muhammad ay laging nakakakita ng bagong buwan at pagkaraan ay ang pagsikat na muli ng panibagong buwan na hindi man lamang namin naaapuyan ang aming kalan upang magluto ng pagkain sa bahay ng Propeta . Nagtanong si Urwa: Ano ang inyong ikinabubuhay aking tiyahin?" Sumagot si A'isha: "Datiles at tubig." Si Ibn Abbas (nawa'y kalugdan siya at ang kanyang ama ng Allâh) ay nag-ulat na ang Propeta ay dumaranas nang magkakasunod na gabing walang kinakain sampu ng kanyang mga pamilya. Inulat ni Abu Huraira (nawa'y kalugdan siya ng Allâh): "Isang gabing lumabas ng bahay si Propeta Muhammad ay kanyang nakita sina Abu Bakr at Omar Ibnul-Khatabb. Kanyang tinanong ang dalawa kung bakit sila lumabas sa kanilang tahanan ng ganoong oras. Sila ay sumagot: "Dahil sa gutom, o Sugo ng Allâh". Ang Sugo ay sumagot: "Ako ay sumusumpa sa Ngalan ng Allâh na Siyang may tangan ng aking kaluluwa – Ako ay lumabas sa aking

192

tahanan na katulad ng inyong nararanasan." Kaugnay nito si A'isha ay nagsabi: "Hanggang si Propeta Muhammad ay bawian ng buhay, ang kanyang mga pamilya ay hindi nagkaroon ng sapat na tinapay at trigo na aabot sa dalawang magkasunod ng mga araw." Nang si Propeta Muhammad ay pumanaw, hindi man lamang siya nakapag-iwan ng kahit isang Dinar o Dirham para sa kanyang pamilya, o 'di kaya'y isang kamelyo o tupa para sa kanila. Katunayan, ang naiwan lamang niya ay ang kanyang espada at mola (isang uri ng hayop na ang kalahati ay kabayo at ang kalahati ay asno). Minsan nga'y naisangla pa niya ang kanyang pananggalang sa isang Hudyo upang ipambili ng trigo para sa kanyang pamilya. At kung minsan, si Propeta Muhammad ang siyang nagtatahi at nag-aayos ng kanyang damit at sapatos. Siya si Propeta Muhammad at kung papaano niya kinilala ang kahalagahan ng kanyang pamumuhay sa mundong ito. At sila ang kanyang mga Pamilya at Kasamahan kung saan tinuruan niya tungkol sa kahalagahan ng pagtitika sa buhay dito sa mundo. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Kung ang buhay sa mundong ito ay mas mahalaga kumpara sa pakpak ng isang lamok sa harap ng Allâh, hindi Niya pagkakalooban ang mga di-mananampalataya ng kahit man lang isang higop na tubig." Ipinapaalala ng Sugo ng Allâh maging ang kaliit-liitang halaga ng kasiyahan sa mundong ito kung ihahambing sa Kabilang Buhay. Dahil dito, siya ay nagsabi: "Ang bahagi ng kasiyahan sa mundong ito ay maliit lamang, tulad ng tubig na naiwan sa isang daliri kapag ito ay itinubog sa dagat. Ano pa ba ang matitirang tubig sa daliri?" Ang mga kasiyahan dito sa mundo, gaano man kalaki ang mga ito, ay tulad lamang sa isang patak ng tubig na nagmula sa daliring inilubog sa malawak na karagatan. Subali't ang kasiyahan sa Kabilang Buhay ay walang hanggang kaligayahan. Luwalhatiin ang Allâh – ang Dakilang Lumikha. Batid ng Propeta ang katotohanan ng buhay sa mundong ito. Inilarawan ito ng Allâh sa pamamagitan ng Banal na Qur'an, na kung ninais lamang ng Allâh na igabay ang isa sa Kanyang mga nilikha sa Tamang Landas, ibubuhos Niya ang pananampalataya sa puso ng taong ito. Pinatunayan sa Banal na Qur'an ng walang pag-aalinlangan na ang buhay sa mundong ito ay katulad lamang ng isang panandaliang panaginip, samantalang ang sa Kabilang Buhay ay walang katapusan. Kung pahahalagahan lamang ng

192

isang matalinong tao ang buhay sa kasalukuyan, kanyang matutuklasan kung gaano ito kadali. Kung gaano ito kaikli. Ito ay ipinahayag ng maraming pagkakataon sa Banal na Qur'an. Halimbawa, bilang patunay, tunghayan natin ang sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan: O kayong nananampalataya! Ano ang nangyari sa inyo nang kayo ay pagsabihan upang humayo tungo sa Landas ng Allâh (Jihad – pakikipaglaban para sa landas ng Allâh), mas pinahalagahan ninyo ang kamunduhan? Kayo ba ay nalulugod sa buhay na ito kaysa sa Kabilang Buhay? Datapuwa't iilan lamang ang kasiyahan ng buhay sa sanlibutan kung ihahambing sa Kabilang Buhay. (At-Taubah-9:38) At inilahad sa kanila ang halimbawa ng buhay sa mundong ito; ito ay katulad ng tubig ulan na Aming ipinadala mula sa kalangitan at nabiyayaan ang mga halamanan na naging sariwa at luntian. Subali't sa kabila nito, ito ay natuyo at nadurog at ikinalat ng hangin. At ang Allâh ay Makagagawa ng anumang bagay. (Al-Kahf-18:45) Magpaligsahan kayo sa isa't isa sa paghahanap ng kapatawaran mula sa inyong Panginoon (Allâh) at sa Paraiso na ang lawak ay kasinglawak ng kalangitan at kalupaan, na nakalaan para sa mga naniniwala sa Allâh at sa Kanyang Sugo . Ito ang Biyaya mula sa Allâh sa sinumang Kanyang pagkalooban, at ang Allâh ang Nagmamay-ari ng Dakilang Pagpapala. Walang anumang kapinsalaan ang magaganap sa sanlibutan at sa inyong sarili, maliban na ito ay naitala na sa Aklat ng mga Kautusan (Al-Lauh Al-Mahfuz) bago pa man Namin ito pinahintulutang maganap. Katotohanan, ito ay sadyang magaan sa Allâh. (Al-Hadid-57:21-22) Ganito inilarawan ni Propeta Muhammad ang buhay at kung papaano niya ipinamuhay ang kanyang sarili. Ang lahat ng kasamahan ng Propeta ay nagsilbing mabuting halimbawa at namuhay nang naaayon dito. Tinularan nila ang mga halimbawang ipinakita ni Propeta Muhammad sa kanyang pamumuhay. Karangalan ding malaman ang kahalagahan ng mga pagtitiis at kadakilaan ni Abu Bakr, ang unang Kalipa ng Islam pagkaraan ng kamatayan ni Propeta Muhammad . Ginugol niya ang lahat ng kanyang panahon sa pangangasiwa sa mga Muslim at sa paghahanda ng mga sundalo upang labanan ang mga

192

nagsasamantala at ang mga tumatangging magbayad ng Zakat. Minsan, narinig ni Omar Ibnul-Khatabb na si Abu Bakr ay hindi nagpapahinga kung gabi, bagkus nililisan niya ang kanyang tahanan at nagtutungo sa isang mahirap na distrito ng Al Madinah at nananatili roon ng mga ilang oras bago bumalik sa kanyang tahanan. Dahil sa kanyang pagpapahalaga sa Kalipa ng Islam, ninais malaman ni Omar ang kalagayan nito at kung saan siya nagpupunta. Kaya't isang gabi'y naghintay siya sa labas ng bahay ni Abu Bakr at nagpasyang subaybayan kung saan siya tutungo. Nang makalabas si Abu Bakr sa kanyang tahanan, sinundan niya ito hanggang marating nila ang isang malayong lugar na sakop ng Al Madinah. Doon ay may isang matandang babae na naninirahan sa isang sira-sira at lumang silid na malapit sa isang masukal na bukirin. Mag-isa lamang siyang naninirahan sa lugar na iyon at walang sinuman ang tumutulong sa kanya upang panatilihing malinis ang kanyang kapaligiran. Nasaksihan ni Omar si Abu Bakr (nawa'y kalugdan sila ng Allâh) habang nagwawalis sa bakuran. Pagkatapos noon ay inihanda ang higaan ng matanda, ipinagluto ng pagkain, pinuno ng tubig ang banga at inilapit sa kanya. Nang matapos na ang lahat, binati niya ng kapayapaan ang matandang babae at nilisan na ni Abu Bakr ang naturang lugar upang bumalik sa kanyang tahanan. Ang mga pangyayaring iyon ay nasaksihang lahat ni Omar. Nagpaysa siyang lumapit sa matandang babae at kanyang tinanong: "Ano po ang tungkol sa taong tumutulong sa inyo, kilala po ba ninyo kung sino siya?" Ang babae ay sumagot: "Sa Ngalan ng Allâh, hindi ko siya kilala! Sapagka't hindi niya nasabi sa akin ang bagay na iyon. Dumarating na lamang siya rito tuwing gabi tulad ng iyong nasaksihan. Naglilinis siya rito at naghahanda ng aking pagkain at saka siya lilisan." Sa pagkakataon iyon umalis na rin si Omar habang nagsasabing: "Sa Ngalan ng Allâh, lubhang napakahirap para sa iyong mga tagasunod ang maging matuwid na tulad mo, Abu Bakr." Ngayon ay pag-usapan naman natin ang tungkol sa pangalawang Kalipa ng Islam na si Omar Ibnul-Khatabb (nawa'y kalugdan siya ng Allâh). Tunghayan natin ang pagpapakumbaba ni Omar sa kabila ng napakaraming bilang ng Muslim ang kanyang nasasakupan mula sa silangan hanggang sa kanluran sa panahong iyon. Ang lahat ng hari at pinuno ng sambayanang Muslim ay nagbibigay-pugay at gumagalang sa kanya. Isang gabi, si Omar ay nakarating sa isang ilang na lugar sa Al Madinah habang naglilibot upang tingnan ang katayuan ng kanyang mga nasasakupan. Dito ay natagpuan ni Omar ang isang mahirap na pamilya na naninirahan sa isang maliit na bahay sa isang

192

mabatong lugar. Nakita niya ang ginang habang inilalagay ang isang lutuan sa apoy at hinahalo ito na tila baga nagluluto upang ang kanyang mga nagugutom na anak ay malibang habang naghihintay. Sa ganoong paraan ang mga bata ay magiging abala sa paghihintay hanggang dalawin sila ng antok at tuluyan ng makatulog. Sa kanyang natunghayang pangyayari, isinama niya ang isa sa kanyang alipin at sila ay nagtungo sa bodega ng harina sa pampamayanang bodega ng mga Muslim. Mula roon ay kumuha siya ng isang sakong harina at mantika. Minabuti ng kanyang katulong na siya ang magbuhat ng sako subali't tinanggihan siya ni Omar at sila ay bumalik sa bahay ng babae. Pagsapit nila sa naturang bahay, kanyang inilagay ang harina at mantika sa lutuan at nagsiga ng apoy. Habang kanyang isinasagawa ang pagluluto, makikita ang tilamsik ng maliliit na uling mula sa apoy at usok na nagsasalimbayan sa kanyang mukha at balbas habang patuloy siya sa kanyang ginagawa hanggang maluto ito. Pagkatapos ay kanyang inihain ang pagkaing kanyang niluto upang kumain ang mga bata. Isa pang pagkakataon na nagpamalas si Omar ng kanyang pagpapakasakit bilang isang matapat na Muslim nang isang araw ay magtipon ang kanyang mga kasamahan (nawa'y kalugdan sila ng Allâh) upang talakayin ang kasuotan ni Omar. Ang isa sa kanila ay nagsabi: "Kayong mga Muhajireen (Dayuhan) at mga Ansar (mga taong naninirahan sa Al Madinah na naniwala kay Propeta Muhammad at tumulong sa kanya), ano ang iyong masasabi sa kasuotan ni Omar?" Sila ay sumagot: "Nakaramdam kami ng lubos na kahihiyan nang dumating ang mga delegado mula sa iba't ibang bansa sa Arab Peninsula at nakita ang suot na balabal ni Omar na may 12 tagpi." Nang panahong iyon pinamumunuan ni Omar ang lahat ng kaharian pagkaraang ipagkaloob sa kanya ng Allâh ang tagumpay laban sa mga emperor ng Persia at Roman, mula sa silangan hanggang kanlurang bahagi. Napagkasunduan ng kanyang mga kasamahan na pag-usapan ang bagay na iyon sa harapan ni Omar, subali't sila ay nangangamba na baka ang bagay ito ay kanyang ikagalit. Kaya't minabuti nilang kausapin si Ali Abi Talib upang sila na lamang ni Omar ang mag-usap, subali't hindi tinanggap ni Ali ang panukala. Kaya't kinausap nila si A'isha at Hafsa, (nawa'y kalugdan sila ng Allâh) upang kausapin si Omar tungkol dito na kanilang pinaunlakan at kaagad nilang pinuntahan ang kinaroroonan ni Omar. Si A'isha ay lumapit sa kanya at nagsabi: "O Pinuno ng mga Mananampalataya! Maaari ba kitang makausap?" Sumagot si Omar: "Maaari kang magsalita, Ina ng mga Mananampalataya" at si A'isha ay nagsabi: "Ang Sugo ng

192

Allâh ay pumanaw na at sa kanyang pananatili rito sa lupa ay kanyang pinaghandaang mabuti ang pagpapala at mataas na katayuan sa Paraiso ng Allâh, at itinakwil niya ang lahat ng makamundong bagay. Gayundin, si Abu Bakr na sumunod sa mga yapak ng kanyang Propeta . Subali't sa panahon ng iyong pamumuno, tinulungan ka ng Allâh at ng mga Muslim upang masakop mo ang lahat ng emperor ng Persia at Roman at ipinagkaloob sa atin ang kanilang mga kayamanan. Sa kasalukuyan, ikaw ang namamahala ng malawak na kaharian na sumasakop mula silangan hanggang kanluran. Nawa'y pagpalain ng Allâh ang ating pananatili sa Islam. Sa kasalukuyan, maraming banyaga ang darating mula sa iba't ibang bansa ng Arab Emirate at makikipagkita sa iyo, subali't ikaw ay nakasuot lamang ng balabal na maraming tagpi sa pagharap sa kanila. Makabubuti para sa iyo kung papalitan mo ang suot mong balabal ng mas disenteng tulad nito, at utusan mo ang iyong mga alipin upang kumuha ng pagkain upang makisalo sa iyong mga kasamahan mula sa mga Dayuhan at mga Katulong." Sa tagpong iyon si Omar ay lumuha at nagsabi: "Sa Ngalan ng Allâh, Ina ng Mananampalataya! Batid mo ba na kapag ang Sugo ng Allâh ay hinandaan ng pagkain sa mataas na hapag ay kanya itong ipinag-uutos na ilatag sa ibaba at ipaligpit ang hapag sa isang gilid?" Sumagot si A'isha: "Sa Ngalan ng Allâh, iyan ay totoo", nagsalita muli si Omar: "Kayong dalawa ay pawang mga asawa ng dakilang Sugo at Ina ng mga Mananampalataya, kaya't kayo ay may pananagutan upang igabay ang mga Muslim, kasama na ang aking sarili. Subali't masdan ninyo ang inyong mga sarili! Nagpunta kayo rito upang ako'y inyong ibaon o itulak sa pansamantalang pamumuhay sa mundong ito. Alam kong ang Sugo ng Allâh ay nagsuot ng balabal na yari sa lana na naging sanhi upang ang kanyang balat ay mangati dahil sa gaspang nitong taglay. Alam mo ba iyon?" Muli, sumagot sila ng positibong tugon matapos marinig ito at siya ay nagpatuloy sa paglalahad: "A'isha, alam mo bang ang dakilang Sugo ng Allâh ay humihimlay sa isang manipis na kapa, kung saan sa bahay ng Sugo ay wala nito maliban sa iisang basahan na ginagawang karpet kapag araw at sa gabi'y ginagawang kumot? Anumang panahon namin siya dalawin ay aming nababanaag ang mga bakas ng banig na yari sa hinabing dahon ng datiles sa kanyang tagiliran." Sa muli ay hinarap ni Omar si Hafsa at sinabi: "Hindi mo ba alam na pinatatawad ng Allâh ang Sugo sa kanyang mga kasalanan sa nakaraan at sa hinaharap? Na kung minsa'y dumaraan ang magdamag na walang laman ang kanyang sikmura at ang kanyang tanging nais ay sumamba lamang sa Allâh? Pinananatili niya ang pagdarasal sa Allâh sa araw at gabi

192

hanggang makamtan niya ang Habag at Biyaya mula sa Kanya." Para sa Allâh, si Omar kailanma'y hindi magkakaroon ng magarang kasuotan at masaganang pagkain. At siya ay muling nagsabi: "Aking tutularan ang halimbawa ng aking mga Kasamahan na sina Propeta Muhammad at Abu Bakr, at hindi ko isasawsaw ang aking tinapay maliban sa asin at langis at hindi ako kakain ng anumang karne ng higit sa isang beses sa loob ng isang buwan." Tunghayan natin ang paalala ng Allâh sa mga taong Kanyang inilarawan sa Banal na Qur'an: O sangkatauhan! Katakutan ang inyong Panginoon sa pamamagitan ng pagsunod ng inyong tungkulin sa Kanya at pag-iwas sa anumang masamang bagay, at katakutan ang Araw kung saan walang ama ang makikinabang sa kanyang anak, gayundin, ang anak na makikinabang sa kanyang ama. Katotohanan, ang Pangako ng Allâh ay totoo; at huwag hayaan ang makamundong bagay ang mangibabaw sa inyo, at huwag pahintulutan na ang Punong Manlilinlang (Satanas) ang makapangyari sa inyo laban sa Allâh. (Lucman-31:33) Katiyakan, ang Pangako ng Allâh ay totoo. Kung tayo ay maniniwala sa lahat ng ipinahayag sa atin ng Allâh sa Banal na Qur'an at sa mga Hadith ni Propeta Muhammad , ang ating mga sarili ay hindi hahantong sa makamundong pamumuhay. Kailanman, ang pangunahing manlilinlang na si Satanas at ang makapangyarihang demonyo ay hindi mangingibabaw sa atin. Kalungkutan para sa kanya na nagtakwil ng karangyaan sa buhay sa Paraisong ipinangako ng Allâh at nasiyahan sa pansamantalang kaligayahan sa mundong ito. Katunayan, ang lahat ng panahon na ginugugol natin sa mundong ito na sumasalamin sa Araw ng Paghuhukom ay halos aabot lamang ng isang oras, tunghayan natin ang sinabi ng Allâh: At sa Araw na sila ay Kanyang titipunin sa muling pagbangon, na tila baga sila ay hindi namalagi sa buhay sa mundong ito at sa libingan subali't isang oras lamang sa isang araw. Makikilala nila ang bawa't isa. Masaklap ang kahihinatnan ng mga nagtakwil sa Pakikipagtipan sa Allâh at silang mga hindi napatnubayan. (Yunus-10:45) Kaluwalhatian sa Allâh – ang Makapangyarihan! Ang buhay na ito ay sadyang halos isang oras lamang. Dahil dito tayo ay nagkakilala at ang kamatayan ang magiging dahilan upang tayo

192

ay magkahiwalay. Pagkaraan ng kamatayan, magsisimula ang tunay na buhay at magkikita tayong muli sa harapan ng Allâh – ang Makapangyarihan. At sa panahong iyon, ang bawa't ina na nagpapasuso ng kanyang anak ay iiwan ang kanyang sanggol. Ang bawa't babaeng nagdadalantao ay ilalaglag ang kanilang nasa sinapupunan at makikita ang mga tao na tila baga mga lasing sa kabila ng katotohanan na hindi sila totoong lasing at masasaksihan din nila ang mga nakasisindak na sumpa ng Allâh. Sa araw na yaon ang mga tao ay tatanungin ng Allâh: Siya (Allâh) ay magwiwika: Ilang taon kayong nanatili sa sanlibutan?" Sila ay magsasabi: "Kami ay nanatili ng isang araw o bahagi ng isang araw lamang. Tanungin silang nagtatangan ng talaan. (Al-Mu'minun-23:112-113) At ang Allâh ay mangungusap na muli sa kanila: Siya (Allâh) ay magwiwika: "Nanatili lamang kayo ng ilang sandali, kung inyo lamang nalalaman. (Al-Mu'minun-23:114) Dito ang magkatulad na katanungan ay muling itatanong: Ang maikling sandali ba ng kasiyahan sa mundong ito ay sapat na upang tayo ay sumuway sa Allâh at maging sanhi ito upang tayo ay mahulog sa Apoy ng Impiyerno, nawa'y iligtas tayo ng Allâh mula rito? Makatarungan bang iwaksi ang Kabilang Buhay kapalit ng kasalukuyang pamumuhay? Katanggap-tanggap bang paghandaan ang isang oras na kaligayahan sa mundong ito kung ihahambing sa buhay na walang hanggan pagkaraan ng kamatayan? Maaari nating gawing batayan ang kalagayan ng mga taong kasama natin sa mundong ito. Nararamdaman ba natin ang saloobin ng isang 90 taong gulang na matanda na nakaratay na lamang sa kanyang higaan at naghihintay ng kamatayan habang nagbabalik-tanaw sa kanyang mga nakalipas? Katunayan, naaalala niya na ang lahat ng araw at buwan na lumipas sa kanyang buhay ay para bang isang saglit lamang at tila baga siya ay namuhay sa loob lamang ng maikling panahon sa mundong ito. Maaari niyang maalala ang ilang mga pangyayari sa kanyang buhay noong siya ay bata pa, tulad halimbawa habang sila ay naglalaro kasama ng kanyang mga kaibigan. Sa kaganapang iyon, siya ay tinamaan ng pamalo sa ulo at siya ay nasugatan at ang dugo ay dumaloy sa kanyang mukha. Sa paglipas ng panahon ang sugat na kanyang natamo ay maaaring naghilom, subali't, kapag kanyang hahawakan ang bahagi ng kanyang ulo na nagtamo ng sugat ay mababakas pa rin niya ang

192

marka na iniwan dito at mararamdaman niyang ito ay naganap sa loob lamang ng isang araw. Siya ay maaaring magtanong kung bakit pagkaraan ng 90 taon, ang mga sandaling iyon ay tila baga napakaikli lamang. Doon niya malalaman na ang lahat ng nangyari at mga karanasan sa kanyang buhay ay pansamantala lamang. Sa pagkakataong ito, kanyang maaalala ang sinabi ni Propeta Muhammad : "Sa Araw ng Paghuhukom, siya na nagtampisaw sa kasiyahan ng buhay ay hahanguin mula sa mga itatalaga sa Apoy ng Impiyerno at ilulubog sa Apoy ng Impiyerno ng minsanan. At siya ay tatanungin, Ikaw ba O tao ay nakakita ng anumang kabutihan sa iyong buhay? Naranasan mo bang matikman ang anumang kasiyahan? Ang tao ay sasagot: "Ako'y sumusumpa sa Allâh na hindi ko naranasan." At ang pinakaabang tao na papasok sa Kalangitan ay hahanguin at ilulubog sa Kalangitan ng minsanan. At siya ay tatanungin; Nakaranas ka ba ng anumang kapighatian? Nakaranas ka ba ng anumang pinsala? Siya ay sasagot: "Ako'y sumusumpa sa Allâh na hindi ko naranasan." Hindi ko naranasan ang anumang kapighatian o anumang kapinsalaan." Ang kinang at kislap ng mga makamundong bagay ay nangingibabaw sa kahalagahan kung ihahambing sa kalagayan ng espirituwal na buhay. Ang mga Muslim na naghahangad ng kasiyahan at kaligtasan sa Kabilang Buhay ay nararapat lamang na maghanap ng kaalaman sa pamamagitan ng Banal na Qur'an at mga katuruan ni Propeta Muhammad . Sikapin nating huwag maging alipin ng makamundong pagnanasa. Makabubuti para sa ating lahat na hanapin ang kayamanan para sa ating kaluluwa at paghandaan ang kahihinatnan nito sa Kabilang Buhay upang makamtan ang tunay na kayamanan na magdudulot ng kapayapaan at katahimikan sa ating mga puso at isipan. Karagdagan pa rito, huwag tayong maghangad ng anumang bagay na maaaring lustayin o makalikom ng salapi na walang kakayahang mamagitan o maaaring gawing pantubos sa ating mga kasalanan sa Araw ng Paghuhukom. Ang isang tunay na mahirap ay hindi yaong mga nangangailangan ng salapi, bagkus ang mga tunay na salat sa yaman ay yaong mayroong nakaimbak na salapi, subali't tumutugon sa kinang at kasiyahang taglay nito at nakaligtaan niyang ang lahat ng ito ay pamana lamang sa kanya ng Allâh. Si Propeta Muhammad ang nagsilbing gabay at matuwid na patnubay sa atin tungo sa landas na maghahatid sa atin upang tayo'y magkaroon ng kapanatagan sa ating mga puso anumang bagay ang ating matamo. Ating tunghayan ang sinabi ni Propeta Muhammad : "Ang kayamanan ay hindi

192

nakasalalay sa dami ng pag-aari, salapi o katayuan. Bagkus ito ay nakasalalay sa katiwasayan ng mga kaluluwa." At siya'y muling nagsabi: "Masdan ang mga nasa ilalim ninyo at huwag yaong mga nasa ibabaw ninyo (sa antas) upang hindi ninyo maliitin ang mga biyaya ng Allâh." Sa isa pang sinabi ni Propeta Muhammad : "Ang kayamanan ay hindi nakasalalay sa dami ng pag-aari, salapi o katayuan"... ito ang pinakamakatotohanan sa kasalukuyan. Sa ngayon ay maraming tao ang nagmamay-ari ng mga palasyo at kayamanan na naghahatid sa kanila sa marangyang pamumuhay. Subali't nagdudulot pa rin ito sa kanila ng masalimuot na buhay na nagdaranas ng kalungkutan at kasawian. Ang ilan sa kanila ay nauuwi sa pagpapatiwakal o pagkitil sa kanilang buhay na mahigpit na ipinagbabawal ng Allâh. Malinaw na ang mga taong tulad nila ay walang katiwasayan sa kanilang mga sarili at hindi sapat ang ligayang kanilang nararanasan bagama't sila ay nagtatamasa ng makamundong yaman dito sa sanlibutan. Sa kasalukuyan, ang tao ay naghahangad ng kasiyahan sa mundong ito na maihahambing sa isang gamo-gamung paikotikot sa apoy upang masunog. Marami sa kanila ay nagkakamal ng salapi sa mabuti at sa masamang paraan. Samantalang ang kayamanang ito ay magdudulot lamang sa kanila ng kasawian sa buhay sa kanilang pansamantalang pamamalagi rito sa kalupaan at maghahatid ng kapahamakan sa Kabilang Buhay. Sila yaong mga naghahangad at nangangarap ng huwad na kinang ng kayamanan. Ang iba ay nagbalik sa kahirapan sa kabila ng kanilang nakamtang yaman sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap at nagdulot sa kanilang mga sarili ng mga karamdaman at walang kapanatagan sa kanilang isipan. Sa kanilang pagsisikap nakalimutan nila ang tunay na kasiyahan sa buhay na walang hanggan. Kaugnay ng patuloy na paghahanap ng kasiyahan at mga bagay na nakabibighani, si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Para sa Allâh, walang mainam na pamumuhay maliban sa Kabilang Buhay." Tunghayan natin ang sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan sa Banal na Qur'an: Datapuwa't inyong pinahalagahan ang buhay sa mundong ito. Bagama't ang Kabilang Buhay ay mas higit at walang hanggan. (Al-Ala-87:16-17) Ang Allâh ay muling nagsabi: Ang Allâh ang nagbibigay ng masaganang pagpapala sa sinumang Kanyang naisin, at nagbabawas (sa sinumang Kanyang naisin), at sila ay nagpapakaligaya

192

sa buhay sa mundong ito, samantalang ang buhay sa mundong ito kung ihahalintulad sa Kabilang Buhay ay maituturing na panandalian at pansamantala lamang.
(Ar-Rad-13:26)

Ang Dakilang Allâh ay muling nagsabi: At ang buhay sa mundong ito ay libangan at laro lamang! Katotohanan, ang tahanan sa Kabilang Buhay – ito ang tunay na buhay (ang walang hanggang buhay na di-magmamaliw) kung kanila lamang nalalaman. (Al-Ankabut-29:64) Mga minamahal kong kapatid sa Islam, ito ang tamang pagkakataon upang tanggapin ang babala at pamarisan ang mga halimbawa ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga Kasamahan. Nakahanda na ba ang ating mga sarili sa Kabilang Buhay o mas pinahalagahan ba natin ang ating kasalukuyang katayuan? Kung gayon, hindi tayo dapat matulad sa mga naglalaan para sa mamahaling bagay kapalit ng walang halagang kayamanan sa sanlibutan. Ang Kabilang Buhay ay Tahanan na walang hanggan at katiyakang kaligayahan. Ito ang Pook ng Kapayapaan kung saan makakamtan ng mga mananampalataya ang kanilang minimithi para sa kanilang kaluluwa. Sa Paraiso, walang anumang kalamidad, karamdaman at di-makatarungan. Doon ay walang kamatayan o kalungkutan. Silang nakasaksi ng katotohanan sa Araw ng Paghuhukom ay magsasabi: Ah! Ako ba'y nakapagtala ng mabubuting gawa para sa aking buhay sa hinaharap. Kaya't pag-isipan nating muli sa ikalawang pagkakataon! Nagawa mo ba ang mga bagay na dapat mong ginawa upang iyong makatam ang kasaganaan sa Kabilang Buhay? Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: At sundin ang Allâh at Kanyang Sugo (Muhammad ) upang kayo ay magkamit ng habag. At tahakin ang landas kung saan magsisilbing gabay tungo sa kapatawaran mula sa iyong Panginoon, at sa Paraiso na ang lawak ay katulad ng kalangitan at kalupaan, na inihanda para sa mga Al-Muttaqun (ang mga matutuwid na alipin ng Allâh). (Al-Imran-3:132-133) Ang mga gusali sa Paraiso ay itinayo na may desenyong ginto at pilak na bato. Ang sahig ay gawa sa musko at ang graba o maliliit na bato ay mga perlas at ruby at ang alabok ay saffroon. Ang mga silid ay tagusan at bawa't mananampalataya ay may kanya-kanyang tolda na ginayakan ng perlas na 60 milya ang haba. Mula rito, ang mga mananampalataya ay pagkakalooban ng iba't ibang prutas at doon sila ay mapupuspos ng kapayapaan.

192

Ang buong kapaligiran at Kalangitan ay ligtas, sila ay walang kamatayan, hindi darating sa kanila ang katandaan at mga karamdaman na maghahatid sa kanila ng anumang ligalig. May ilog ng masaganang alak at purong pulot-pukyutan na umaagos sa kalangitan. Doon sila ay pagsisilbihan ng mga kabataang lalaki at kung sila ay iyong pagmamasdan, maaari mo silang ihambing sa mga nagkalat na perlas. Kaugnay nito bilang patunay, tunghayan natin ang sinabi ng Allâh sa Banal na Qur'an: At kung inyong pagmamasdan ang Paraiso, inyong makikita ang kagandahang taglay na walang sinuman ang makapagpapaliwanag sa kagandahang masasaksihan mula rito, at ang dakilang paghahari. Ang kanilang mga kasuotan ay kulay luntiang seda na napapalamutian ng ginto. Sila ay gagayakan ng mga pulseras na pilak at ang kanilang Panginoon ay magbibigay sa kanila ng purong inumin. At sasabihin sa kanila: Katotohanan, ito ang biyayang nakalaan para sa inyo at tanggapin ninyo ang inyong pagsisikap.
(Al-Insan-76:20-22)

Mga minamahal kong kapatid, sino mula sa atin ang naghahangad na maglikom ng yaman sa mundong ito? Sino ang naghahangad na dagdagan ang kanyang mga sasakyan, mga lupain, mga nasasakupang lugar at iba pang kasiyahan sa kanyang pansamantalang pananatili sa mundong ito? Sino ang mga nagnanais nito na tila baga inaakala nilang sila ay mabubuhay ng walang hanggan dito sa sanlibutan? Kahit ang isang tao ay manirahan ng 1,000 taon dito sa sanlibutan, sa Kabilang Buhay, kanyang mararamdaman na para bagang ang kanyang pananatili rito ay ilang oras lamang, isang araw o kabahagi lamang nito. Naghahangad ba tayong paramihin ang ating kayamanan tungo sa Kabilang Buhay, kung saan doon natin mararanasan ang walang hanggang kaligayahan? Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: Sinumang magnais sa pamamagitan na kanyang mga gawa ng gantimpala sa Kabilang Buhay, Kami ang magbibigay ng karagdagan sa kanyang gantimpala, at sinuman ang maghangad ng gantimpala sa mundong ito sa pamamagitan ng kanyang mga gawa, Amin itong ipagkakaloob sa kanya kung ano ang nakalaan para sa kanya, at wala ng matitirang kabahagi para sa kanya sa Kabilang Buhay. (Ash-Shura-42:20)

192

O Allâh! Ibilang po Ninyo kami sa mga nagtataglay ng takot sa Inyo, kahit yaong mga lingid, at ibilang po Ninyo kami sa mga natatakot sa Huling Araw. O Allâh, huwag po Ninyo kaming ihanay sa mga tumanggap ng di-makatarungan o kaya yaong pinagkaitan ng kasiyahan sa mundong ito. Lahat ng papuri ay sa Allâh – ang Tagapanustos ng sanlibutan. Nawa'y ang Kapayapaan at Pagpapala ay mapasa kay Propeta Muhammad na siyang nagsilbing gabay sa atin tungo sa Tamang Landas, sa kanyang Pamilya, mga Kasamahan at sa lahat ng mga tumatahak sa Tamang Landas. Ameen. Ameen. Ameen.

192

Ang Pag-aanyaya sa Kabutihan
(Ano ang Kakaibang Katangian ng Pamayanang Muslim)

192

Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin. Lahat ng papuri ay sa Allâh lamang ang Panginoon ng mga daigdig! Nawa'y ang Kapayapaan at Pagpapala ay mapasa kay Propeta Muhammad , sa kanyang Pamilya at sa lahat ng kanyang mga Kasamahan.

Pag-aanyaya sa Kabutihan
(Ano ang Kakaibang Katangian ng Pamayanang Muslim)
Purihin ang Allâh na Siyang nagbigay ng dangal sa atin at naglarawan bilang natatanging pamayanan na lumitaw sa sangkatauhan. Nang tayo ay tawagin ng Allâh na natatanging pamayanan, ito ay isang dakilang parangal para sa ating mananampalataya na inilarawan ng Allâh sa Banal na Qur'an: Kayo ang pinakamabuting pamayanan na lumitaw sa buong sangkatauhan, sapagka’t inyong ipinag-uutos ang Al Maruf (mga mabubuting gawain) at ipinagbabawal ang Al Munkar (mga masasamang gawain), at kayo ay naniniwala sa Allâh. At kung ang Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) ay naniwala lamang dito, ito ay higit sanang mabuti para sa kanila. Mula sa kanila ay mayroon ding mga Mu’min (mga matatapat na mananampalataya), nguni't karamihan sa kanila ay Fasiqun (mga taong gumagawa ng kasalanan at mapaghimagsik sa Allâh). (Al-Imran-3:110) Ang paglalarawang ito ay hatid ng ating paniniwala sa pinakadakila at natatanging Sugo sa lahat ng mga nilikha ng Allâh na nagtataglay ng pinakamataas na uri ng pag-uugali, siya ay si Muhammad Ibn Abdullah . Sa Huling Araw, ang Propetang ito ay darating upang ipagtanggol ang kanyang pamayanan. Kinatatakutan niya na maaaring ang kanyang pamayanan ay mahulog sa Apoy ng Impiyerno katulad ng takot na nadarama ng isang ina para sa kanyang anak. Pagkaraang siya ay hirangin at pagkalooban ng karapatang mamagitan sa kanyang mga tagasunod upang kanyang ipagtanggol at mamamagitan sa

192

kanyang pamayanan at siya ay magsasabing: "O aking Panginoon, ang aking pamayanan!, ang aking pamayanan!" Kaugnay ng paglalarawang ito, kabilang tayo ng pamayanang ipinamumuhay ang kabutihan at ipinagbabawal ang kasamaan, nagpupunyagi na manawagan tungo sa landas ng Allâh at ito ang tunay na pakikibaka. Hindi tayo katulad ng naunang pamayanan na nagsabi ng ganito at ganoon sa kanilang propeta. Tunghayan natin ang sinabi ng Allâh: Kaya't ikaw ay pumaroon kasama ang iyong Panginoon at makipaglaban kayong dalawa, kami ay maghihintay na lamang dito. (Al-Maidah-5:24) Inilarawan ng Allâh ang pamayanang ito sa Banal na Qur'an ng ganito: Ang mga nasa lipon ng Angkan ng Israel na hindi sumasampalataya ay isinumpa ng dila ni David at ni Hesus – ang anak ni Maria. Iyan ay sa dahilan na sila ay sumuway sa Allâh at sa mga Sugo at sila ay laging lumalabag ng higit pa sa hangganan. Sila ay dati ng hindi nagbabawal sa isa't isa mula sa gawaing Al Munkar (gawaing makasalanan, maling pagsamba, kawalan ng pananalig) na kanilang ginawa. Sadyang kasuklam-suklam ang anumang kanilang ginagawa.
(Al-Maidah-5:78-79)

Ito ay halimbawa ng isang pamayanang nakaranas ng sumpa ng Allâh – ang Makapangyarihan na sinapit ng mga Anak ng Israel. Ang dahilan ng kanilang sumpa ay ang hindi nila pagbabawal sa isa't isa sa paggawa ng masama. Sa halip na magpaalala, sila ay sama-samang gumagawa ng mga kasalanan. Tayo ba bilang isang bansang Islamiko ay tatayo na walang kakayahang labanan ang salot na ito, hanggang sa tuluyang masira ang ating karangalan at pag-uugali. Tayo ba ay mananahimik na lamang? Hindi, at kailanma'y hindi ito mangyayari. Hindi tayo isusumpa tulad ng mga Israelitas sapagka't ayon sa paglalarawan ng Allâh sa atin, tayo ang pinakamainam na nilikhang lumitaw sa sangkatauhan. Sinusunod natin ang Propeta ng Allâh, ang dakilang nilikha ng Allâh sa lahat ng Kanyang mga nilikha, siya ay walang iba kundi si Propeta Muhammad . Nang ipahayag ng Allâh ang Banal na Qur'an, tayo ay nagwika: "Kami ay nakinig at kami ay sumunod", 'di tulad ng Angkan ng Israel na nagwika pagkaraang ipahayag ang Torah at Ebanghelyo: "Kami ay nakinig at kami ay sumuway." Ayon sa paliwanag ng Allâh sa Kanyang Banal na Aklat, kung ninais lamang Niyang wasakin ang tao, gagawin Niyang isa siyang pinakamayaman sa kanila

192

upang siya ay maging makasalanan at pagkatapos ay wawasakin siya ng Allâh. Subali't inilarawan din ng Allâh ang gantimpala sa mga umiiwas gumawa ng kasalanan. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagwika: At kung ang mamamayan ng mga bayan ay nanampalataya at nagkaroon ng Taqwa (kabanalan at katapatan), katiyakan, Aming ipagkakaloob sa kanila ang mga biyaya mula sa kalangitan at kalupaan. (Al-Araf-7:96) Sinabi pa ng Allâh: Kung mayroon lamang sa inyo mula sa naunang mga henerasyon na nagtataglay ng pang-unawa, nagbabawal (sa iba) mula sa Al-Fasad (dipananampalataya, pagsamba sa diyus-diyosan, at lahat ng uri ng krimen at kasalanan) sa mundong ito, (subali't wala), maliban sa iilan na Aming iniligtas mula sa kanila! Silang mga gumagawa ng kamalian at patuloy na nasisiyahan sa mabubuting bagay sa mundong ito, at naging Mujrimum (mga kriminal, dinananampalataya sa Allâh, mga makasalanan). At hindi wawasakin ng inyong Panginoon ang mga bayan na hindi makatarungan hangga't ang kanilang mamamayan ay matutuwid. (Hud-11:116-117) Ito ang panuntunan ng Allâh sa lahat ng Kanyang mga nilikha. Sinuman ang nagsikap sa pagpapalaganap ng relihiyon ng Allâh, at nagpakita ng pagbabago, ipinamumuhay ang tama at iniiwasan ang anumang mali ay maliligtas sa sumpa at galit ng Allâh. Karagdagan pa rito, binubuksan ng Allâh ang yaman ng Kanyang mga biyaya sa kalupaan at gayundin sa kalangitan. Sa kabilang banda, kung ang isang tao'y nakakita ng kasalanan ng iba at nagsabing, "Sinong makikialam?" at isipin ninuman na ang kasalanan ng iba ay hindi niya dapat pakialaman o pinagwalang bahala lamang, at kung ating nakita ang kasalanan ng iba at tayo ay nanahimik na lamang na tila baga tayo ay walang pakialam sa kanila, ito ay malinaw na palatandaan na ang sumpa ng Allâh ay nararapat lamang upang tuluyang wasakin ang pamayanang yaon. Batay sa sinabi ng Allâh sa Banal na Qur'an: ...At kailanman ay hindi Kami magwawasak ng pamayanan maliban kung ang mamamayan doon ay mga Zalimun (mga kriminal, di-nananampalataya sa Allâh, mga makasalanan, walang pananalig sa Kaisahan ng Allâh). (Al-Qasas-28:59)

192

Wala sa atin ang pagpapasya kung kailan natin iiwasan at isasagawa ang tama at kung kailan ipagbabawal ang mali, ito ay nagmumula sa Allâh – ang Makapangyarihan. Ang bawa't Muslim, lalaki man o babae ay kailangang sundin at isagawa ang lahat ng ito ayon sa ipinag-uutos sa kanya ng Allâh sa lahat ng pagkakataon sa abot ng kanyang makakaya. Sinuman ang magpabaya at hindi magsagawa sa anumang pananagutang iniatas sa bawa't isa, ito ay palatandaan ng malinaw na pagsalungat sa Allâh at sa Kanyang Propeta na si Muhammad . Maraming mga talata ang nagpapatunay na ang pagsasagawa ng mga bagay na pinahihintulutan at ang pag-iwas sa mga bagay na ipinagbabawal ay isang pananagutan ng bawa't Muslim, anuman ang antas ng kanyang pananampalataya. Isa sa mga talatang ito ay mababasa ng ganito: Hayaang may tumindig mula sa inyong lipon na nag-aanyaya sa gawaing mabuti (Islam), na ipinamumuhay ang Al Maruf (mga bagay na pinahihintulutan sa Islam) at iniiwasan ang Al Munkar (mga bagay na ipinagbabawal sa Islam). At sila ang magiging matagumpay. (Al-Imran-3:104) Sinabi pa ng Allâh: Ang mga sumasampalataya, mga lalaki at babae ay Auliya (kaagapay, kaibigan, tagapangalaga, atbp) ng bawa't isa. Sila ay nagpapaalala (sa mga tao) ng Al Maruf (mga bagay na pinahihintulutan sa Islam) at nagbabawal (sa mga tao) mula sa Al Munkar (mga bagay na ipinagbabawal sa Islam), silang nag-aalay ng pagdarasal (Iqamat-as-Salat) at nagbibigay ng kawanggawa (Zakat) at sumusunod sa kautusan ng Allâh at sa Kanyang Sugo. Ipagkakaloob ng Allâh ang Kanyang Habag sa kanila. Katiyakan, ang Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan, ang Lubos na Maalam. (At-Taubah-9:71) Sa isang salaysay ni Propeta Muhammad , kanyang pinaalalahanan ang pamayanang Muslim na maging positibo sa pagpapaalala sa sinumang gumagawa ng kasalanan. Si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Isinusumpa ko Sa Allâh na Siyang may tangan ng aking kaluluwa, kailangan ninyong ipaalala kung ano ang tama at ipagbawal kung ano ang mali. Inyong parusahan yaong mga nagkakasala at nalilihis sa tamang landas, kung hindi ang Sumpa ng Allâh ay mananaig. At ang matatag sa pananampalataya mula sa inyo ay kailangan manalangin sa Allâh upang pawiin ang Kanyang Sumpa, subali't hindi tatanggapin ng Allâh ang kanilang mga panalangin." At muli ay kanyang sinabi: "Inyong ipaalala

192

kung ano ang tama at ipagbawal kung ano ang mali, kung hindi ay gagawin ng Allâh na manaig sa inyo ang kasamaan. At ang matatag sa pananampalataya mula sa inyo ay kailangang manalangin sa Allâh, subali't walang magiging katugunan." Ang pinakamasama sa inyo ay yaong hindi nagpapaalala ng tama at ipinagbabawal ang mali. Isang halimbawa, minsan sa isang pamilihan sa pampublikong lugar ay may mga kabataang nambastos sa ilang kababaihan at nagsalita ng mga hindi kaayaayang mga lupon ng kataga sa kanila. Kalimitan, kapag ito ay nasaksihan ng isang mabuting mananampalataya, kanyang bibigyan ng payo ang mga kabataang ito upang itigil ang kanilang ginagawa. Gagawin niya ito dahil sa kanyang mabuting pananampalataya at sa kanyang layuning mapanatili ang kahalagahan sa pagpapaalala. Subali't makikita niya ang ibang tao na mag-uutos sa kanya na huwag pakialaman ang ganoong sitwasyon at magsasabing atupagin na lamang niya ang kanyang sarili at hayaan na lamang ang ginagawa ng iba. Maaari pa nilang sabihin: "Kung ikaw ay tumatahak sa tamang landas, walang anumang bagay ang makasasama sa iyo mula sa kanilang mga nangaligaw." Sa ganoong pamamaraan, pinatutunayan lamang ng mga taong ito na hindi nila pinahahalagahan ang nasusulat sa Banal na Qur'an na sadyang malinaw ang nais ipaabot na mensahe. Kanilang ipinagwalang-bahala o sadyang hindi lamang nila naintindihan ang mga salita ng Allâh at sila ay nakipagtalo sa usaping pangrelihiyon bagama't ang kanilang pakikipagtalo ay hindi nakabatay o nagmula sa Banal na Aklat. (Ito ay halaw sa ilang sinabi ni Abu Bakr sa kanyang talumpati): "Oh kayong mga tao, nabasa ninyo ang mga sumusunod na talata mula sa Banal na Qur'an subali't hindi ninyo ito naunawaan." At kanyang binasa ang talatang ito: Oh kayong mga nananampalataya! Pangalagaan ninyo ang inyong mga sarili. Kung susundin ninyo ang tamang patnubay at ipinapaalala ninyo kung ano ang tama (ang lahat ng bagay na pinahihintulutan sa Islam), at ipinagbabawal ninyo kung ano ang mali (lahat ng bagay na ipinagbabawal sa Islam) walang anumang kapahamakan ang darating sa inyo mula sa kanila na gumagawa ng mga kamalian. (Al-Maidah-5:105) Aking narinig na ang Propeta ay nagwika: "Kayo ang mamamayang dapat mahuli sa paggawa ng mga kasalanan, at mayroon sa kanilang may kakayahang magtakwil at ang

192

iba ay hindi, nguni't ang kaparusahan mula sa Allâh ay katiyakang darating sa kanila." Kaya't ang buong pamayanan ay maaaring mawasak sanhi ng mga kasalanang dala-dala nito. Ayon sa sinabi ng Allâh: At kapag Kami ay magpasya na wasakin ang isang bayan (pamayanan), Kami ay nagpadala sa simula ng isang tiyak na kautusan upang sundin ang Allâh at maging matuwid sa kanilang kalipunan o di kaya'y Aming pinararami ang bilang ng mga mamamayan na naghahatid sa masaganang pamumuhay. At sila'y sumuway dito, kaya't ang salita ng kaparusahan ay makatuwiran laban sa kanila. Kaya't Aming wawasakin ito ng may ganap na kapinsalaan. (Al-Isra17:16)

Ipinagbabawal ng Allâh na tayo ay matulad sa kalagayan ng mga taong Kanyang inilarawan sa nabanggit na talata. Ang bilang ng mga taong nakaranas ng kapinsalaan at sumpa ng Allâh ay nakapaligid sa atin at nabanggit sa Aklat ng Allâh. Sa Banal na Qur'an, ating nabasa ang tungkol sa mga pamayanang nakaranas ng parusa at sumpa mula sa Kanya. Sila ay pinahirapan ng Allâh at naiwan ang kanilang mga halamanan, mga natuyong balon at mararangyang mga palasyo at tahanan. Ang labi ng mamamayan ng Thamud, Ad, Salih at iba pang mga lungsod ay matutunghayan upang magsilbing babala kung ano ang kaparusahan ng Allâh sa mga taong hindi nagpapaalala kung ano ang tama at ipinagbabawal kung ano ang mali. Sila ay sumalungat sa Allâh at pinarusahan sila ng matinding salot at gutom. Sa simula, ipinakita ng Allâh ang mga tanda ng Kanyang Sumpa upang sila ay manumbalik sa tamang landas. Subali't sila ay patuloy na lumabag at ang Allâh ay nagpadala ng salot, takot at gutom bilang kanilang kaparusahan. Sa una ay nagpakita ang Allâh ng mga tanda ng Kanyang galit upang sila ay manumbalik sa tamang landas. Nguni't nagpatuloy sila sa paggawa ng kasalanan, kaya sila ay winasak ng Allâh. Hindi baga ito ang tamang pagkakataon para sa atin upang matuto tayo mula sa mga aral na ating naranasan bago maging huli ang lahat at hilingin natin ang kapatawaran mula sa Allâh? Sa kasalukuyan, pangkaraniwan na lamang sa atin na kapag may isang nagpapaalala ng tama at nagbabawal ng mali ay pinapayuhang tumigil sa kanilang ginagawa. Kalimitan, ito ay nagaganap ng walang pakundangan sa paniniwalang ito ay hindi ipinagbabawal sa Islam, sapagka't ang mga Muslim ay

192

pinarangalan at pinili ng Allâh mula sa lupon ng ibang pamayanan at binigyang-babala ang mga tao kung ano ang mali. Ang pananagutang ito ay nagmumula sa ating pamilya at kailangang ipalaganap sa buong mundo. Ang mga Muslim ay kinakailangang manawagan sa lahat ng tao upang panatilihin ang moralidad at doktrina ng Banal na Qur'an at ang Tamang Relihiyon – ang Islam. Tayo ay inutusan ng Allâh na makiisa sa pagtataguyod ng kabutihan, maging matuwid at iwasang makisalamuha sa mga makasalanan. Ang mga nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa mga kasalanan ay mga katangiang hindi nababagay sa isang pamayanang Muslim. Ang layunin ng isang Muslim ay hindi dapat nakasalalay o hinango sa iba't ibang panoorin. Ang buhay ng isang Muslim ay hindi nakatuon sa paglilibang lamang, sa mga awitin at mga babasahin na nagiging pangunahing dahilan upang mapabayaan ang kanyang tungkulin. Kailanman ay hindi dapat piliin ng isang Muslim ang buhay na ito kapalit ng sa Kabilang Buhay. Sapagka't ang lahat ng ito ay walang maitutulong sa pananampalatayang Islam. Ito ang pangitain ni Propeta Muhammad sa kahihinatnan ng isang mahinang Muslim: "Ito ang maaaring mangyari kung saan ang mga pamayanan ay magsasanib mula sa iba't ibang lugar laban sa inyong mga Muslim katulad ng mga taong kakain sa paligid ng kanilang pinggan. At may nagtanong sa Propeta , Kami bang mga Muslim ay kakaunti lamang, O Propeta ng Allâh? Ang Propeta ay sumagot: Hindi, subali't kayo ay magiging walang halaga katulad ng bagay na nakalutang sa baha. Ang kahinaan ay mananaig sa inyong mga puso at ang takot ay mawawala sa puso ng inyong mga kaaway, sapagka't mamahalin ninyo ang makamundong buhay at kamumuhian ninyo ang kamatayan." Upang maunawaan ang sinabi ng Propeta , siya ay nagbabala sa kanyang pamayanan at sinabing darating ang araw na ang mga Muslim ay matutulad sa kanyang sinabi sa isang Hadith na maihahambing sa mga nangyayari sa kasalukuyan. Ang Propeta ay nagsabi: "Papaano kung ang pamayanang tulad ng mga Hudyo, Kristiyano o Madyan na nakapaligid sa inyo ay katulad ng mga gutom na nakapalibot sa pinggan na puno ng pagkain? Papaano kung ang pamayanan ng mga Muslim ay matulad sa pinggan na puno ng pagkain na nakahain sa mga nagugutom na taong nag-uunahan upang kainin ito?" Ang kanyang mga Kasamahan (nawa'y kalugdan sila ng Allâh) ay nag-akala na ito ay dahil sa kakaunti pa lamang mga Muslim sa

192

panahong iyon, subali't binigyang-linaw ni Propeta Muhammad na kahit pa dumami ang bilang ng mga Muslim, ito ay maituturing pa rin na walang halaga na tila baga isang bagay na lumulutang-lutang sa baha at muling sinabing ang sanhi ng lahat ng ito ay nagmumula sa kanilang pusong nilamon ng kahinaan. Tinanong nila ang tungkol dito at ipinaliwanag ni Propeta Muhammad ang mga dahilan. Ayon kay Propeta Muhammad , ito ay hatid nang kanilang pagmamahal sa makamundong bagay at ang pagkamuhi sa kamatayan. Sa Ngalan ng Allâh na Siyang may tangan ng aking kaluluwa, na palagi mong sinasabi O Propeta Muhammad , at siyang wagas na nagmamahal sa Allâh, kami sa kasalukuyan ay naninirahan sa panahon na iyong inilarawan sa iyong mga sinabi. Ikaw ay sadyang makatotohanan at kailanma'y hindi ka nagsabi ng anumang bagay na pansarili lamang. Sa ngayon ang mga mapagsamantalang di-mananampalataya ay nagsama-sama laban sa atin. Ang mga Hudyo ay patuloy na nakikibaka laban sa atin sa kabila ng mas nakahihigit na bilang natin kung ihahambing sa kanilang bilang. Gayundin, inalis na rin natin ang ating takot mula sa kanilang mga puso. Kaya't kanilang sinakop ang ating mga lupain at pinagsamantalahan ang ating mga banal na lugar. Nagtataglay sila ng lakas ng loob na subukan ang ating kakayahan at takutin tayo samantalang hindi man lamang natin magawang iangat ang ating mga kamay upang humawak ng armas upang ipagtanggol ang ating mga sarili. Alam ba ninyo kung bakit? Sapagka't humina na ang ating pananampalataya. Hindi na natin ipinamumuhay ang ating relihiyon, bagkus tayo ay laging abala sa makamundong bagay. Ang pamayanang Muslim ay napalilibutan ng mga kasalanan na umabot sa kalagayan na ang ilan sa kanila ay hindi na mabigyan ng kaibahan kung alin ang mga bagay na pinahihintulutan at kung alin ang mga bagay na ipinagbabawal. Hindi na rin natin isinasagawa ang mga itinakdang pagdarasal. Sinusunod natin ang lahat ng ating sariling kagustuhan na tila baga tayo ay mga bulag at tumatanggap din tayo ng mga patubuan sa di-pagsunod sa Allâh at sa Kanyang Propeta . Nakaligtaan na rin natin ang pagbabayad ng Zakat (itinakdang kawanggawa) at nilabag na rin natin ang mga limitasyong itinalaga ng Allâh sa ating mga tahanan, lansangan, maging sa panonood ng telebisyon at sa lahat ng lugar. Tinawag nating ang lahat ng ito ay kalayaan na hatid ng pag-unlad samantalang ang katotohanan ito ay pagpapaalipin sa kasamaan, pagyurak ng karangalan, pagtalikod sa payak at simpleng panuntunan ng Islam at pagbabalik sa

192

nakagigimbal na kawalan ng pananampalataya na nag-aakay sa atin patungo sa isang malungkot at mapait na katapusan. Ang pinakamalubhang sakit na nakaapekto sa ating pamayanan ay ang labis nating pagmamahal sa buhay sa mundong ito, ang pagpapabaya at ang labis na pagsasawalang kibo. Ang paglalakbay sa mga lugar kung saan ang mga bagay na nakapagbibigay ng kaligayahan sa tao ay matatagpuan saan mang lugar bagama't alam natin na ang mga bagay na ito ay ipinagbabawal at siyang pangunahing dahilan sa sakit ng sangkatauhan sa kasalukuyan. Ang bagay na mas higit na mapanganib ay nang ating makaligtaan ang pagpapaalala kung ano nga ba ang tama at ang pagbabawal kung ano ang mali na pagkaminsa'y hindi natin pinaglalabanan at pinaparusahan ang ilan sa tagapagmana ng Propeta na nagsikap na paalalahanan ang kanilang mga kapatid na Muslim. Ito ay magpapatuloy sa mga susunod pang mga henerasyon tungo sa kababaan at kahinaan, at kung minsan ang mga kalalakihang Muslim ay nawalan na rin ng kanilang dignidad at katapangan. Sadyang ang mga bagay na ito ay kahiya-hiya at hindi katanggap-tanggap! Sinumang magsumikap na gisingin tayo sa pagkatulog at payuhan na manumbalik sa Allâh at sumunod sa Banal na Qur'an at sa pamamaraan ng Propeta , bilang pagtatangka na maganyaya sa kabutihan at ipagbawal ang kasamaan upang gabayan tayo sa tagumpay at karangalan sa buhay sa kasalukuyan at mas higit sa Kabilang Buhay, siya ay ating hinihiya at sinasabihang huwag makialam sa buhay ng iba. Anong kabutihan ang makikita sa atin matapos nating gawin ang lahat ng ito? Nakaligtaan natin na ang pagpapaalala sa gawaing mabuti at ang pag-iwas sa masama ay isang itinakdang gawain na ipinag-utos ng Allâh sa lahat ng mga Muslim upang makamtan natin ang parangal na nagmumula sa Kanya. Ang gawaing ito ang naghatid sa atin upang tawagin tayong pinakamabuting pamayanan na lumitaw sa sangkatauhan at maibilang sa mga sasaksi sa ibang pamayanan sa Araw ng Paghuhukom. Mga minamahal kong kapatid sa pananampalatayang Islam, narito ang isang wagas at puspos ng pagmamahal na paanyaya mula sa akin para sa inyo. Ating pagsumikapang pasanin ang tungkuling itinalaga sa atin ng Allâh – ang Makapangyarihan na may pagmamahal at habag. Gawin natin ang lahat ng ito bilang isang tunay na layunin upang baguhin ang pamayanan ng mga Muslim at ating ipagmalaki sa ating mga sarili na tayo ay naiiba sa alinmang pamayanan. Ito ay makakamit lamang natin sa pamamagitan ng pag-aanyaya sa mabuti at pagbabawal sa

192

masama sa abot ng ating makakaya. Kaya't ating sundin ang dakilang Propeta na nagsabi: "Sinuman sa inyo (mga Muslim) na nakakita ng mga kamalian, kailangan niya itong baguhin sa pamamagitan ng kamay. Kung hindi magawa ng inyong kamay, sa pamamagitan ng kanyang dila, kung hindi magagawa ng dila, gawin sa pamamagitan ng kanyang puso at ito ang pinakamababa sa antas ng pananampalataya." Lagi nating tandaan na ang isang tagapaglaganap ng mensahe ng Allâh ay tagapagmana ng mga Propeta. Sapagka't ang tanging dahilan ng pagpapadala ng Allâh ng mga Propeta sa tao ay upang anyayahan sila sa landas ng Allâh. Kaya't ang bawa't isa sa atin ay kailangang maging bahagi sa pagpapalaganap ng banal na mensahe tungo sa tamang landas. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: Anyayahan mo (O Muhammad ), ang sangkatauhan sa Landas ng iyong Panginoon (sa Islam) na may karunungan (mula sa Banal na Qur'an) at makatuwirang pangangaral, at makipagtalo sa kanila sa paraan na higit na kaaya-aya. Katotohanan, ang iyong Panginoon ang higit na nakababatid kung sino ang nangaligaw ng landas mula sa Tamang Landas, at Siya ang Ganap na Nakaaalam kung sino ang mga napatnubayan. (An-Nahl-16:125) Sinabi pa ng Allâh: Katotohanan! Silang nagsasabi: 'Ang aming Panginoon ay ang Allâh lamang', at sila ay nananatiling matatag. Ang mga anghel ay bababa sa kanila sa oras ng kanilang kamatayan at magsasabi 'Huwag matakot o huwag malungkot! Bagkus ay tanggapin ang magandang balita ng Paraiso na sa inyo ay ipinangako! Kami ang inyong naging kaibigan sa buhay sa mundong ito at kami rin sa Kabilang Buhay. Doon ay inyong makakamtan ang lahat ng naisin ng inyong kalooban, at doon ay inyong makakamtan ang lahat ng inyong kahilingan, 'Ang masaganang pagpapala mula sa Allâh – ang Ganap na Mapagpatawad, ang Mahabagin'. At sino ba ang mahusay sa pananalita maliban sa kanya na nagsasabi: 'Ang aking Panginoon ay ang Allâh (naniniwala sa Kanyang Kaisahan)'. At nananatili sa pagsasagawa ng Kanyang mga Kautusan, at nagaanyaya sa mga tao tungo sa Allâh (Kaisahan ng Allâh sa Islamikong Pagsamba), at gumagawa ng

192

mabubuting bagay, at nagsasabi: "Ako ay isang Muslim." Ang mabuti at masamang gawain ay hindi magkapantay. Talikdan ang masama kung saan ito ang mabuti (ipinag-utos ng Allâh sa mga matatapat na mananampalataya na maging mapagtimpi sa sandaling nagagalit at iwasan ang sinumang gumagawa ng masama) at katotohanan na siya, sa pagitan ng sinuman at kayo na mayroong galit, ay mangyayari na tila ba siya ay dati ng malapit na magkaibigan. Subali't walang bibigyan nito (mga katangiang nabanggit) maliban lamang sa mga mapagtimpi, at walang sinumang bibigyan nito maliban sa nagmamay-ari ng malaking halaga (ng kaligayahan sa Kabilang Buhay – sa Paraiso at mataas na pag-uugali) sa mundong ito. At kung ang masamang bulong mula kay Satanas ay tangkaing ikaw ay ilihis sa paggawa ng mabuting bagay, magkagayon, hilingin mo ang paglingap mula sa Allâh. Katotohanan, Siya ang Ganap na Nakaririnig – ang Nakaaalam ng Lahat. (Fussilat-41:30-36) Sa gayong paraan, tayo ay mabibilang sa mga inilarawan ng Allâh sa Banal na Qur'an: Silang mga namumunong Muslim, na kung sila ay Aming pagkakalooban ng kapangyarihan sa kalupaan, sila ay nag-uutos ng itinakdang pagdarasal (Iqamat asSalaah), pagbabayad ng Zakat (itinakdang kawanggawa) at sila ay nag-aanyaya sa Al-Maruf (lahat ng pinahihintulutan sa Islam) at umiiwas sa Al Munkar (lahat ng ipinagbabawal sa Islam), kanilang ginamit ang Banal na Qur'an bilang batas sa kanilang bansa at sa lahat ng aspeto ng buhay. At sa Allâh nakasalalay ang kahihinatnan ng lahat na mangyayari sa mga nilikha. (Al-Hajj-22:41) Nawa'y ang kapayapaan at panalangin ay ipagkaloob sa pinakamabuting nilikha na kailanma'y hindi napinsala rito sa mundo, si Propeta Muhammad , na siyang malapit sa ating mga puso, sa kanyang pamilya at sa lahat ng kanyang mga kasamahan. Kami ay nananalangin sa Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan: "O aming Panginoon, kami po ay hindi naging makatarungan sa aming mga sarili at kung hindi po Ninyo kami patatawarin, katiyakan na mabibilang kami sa mga talunan. O aming Panginoon, ipagkaloob po Ninyo sa amin ang Inyong kapatawaran at habag at pagpalain po Ninyo ang aming mga sarili sa mundong ito. Nawa'y gugulin po namin ang aming

192

panahon at salapi upang ipanawagan sa Inyong Pangalan. O Allâh, patawarin po Ninyo kami sa aming mga kasalanan at nawa'y tanggapin po Ninyo ang aming mabubuting ginawa at nawa'y pagkalooban po Ninyo kami ng Inyong habag. Sadyang Kayo, O Allâh, ang Mapagpala – ang Mahabagin." Lahat ng papuri at pasasalamat ay sa Allâh lamang – ang Tagapamahala at Tagapanustos ng Sanlibutan. Nawa'y ang Kanyang kapayapaan at pagpapala ay ipagkaloob kay Propeta Muhammad , na siyang nagsilbing gabay sa amin sa Tamang Landas, sa kanyang Pamilya at sa lahat ng kanyang Kasamahan at sa mga taong nagsisikap na mamuhay ayon sa tamang katuruan at alituntunin ng Pananampalatayang Islam. Ameen. Ameen. Ameen.

192

Ano Ang Karunungang Itim?

192

Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin. Lahat ng papuri ay sa Allâh lamang ang Panginoon ng mga daigdig! Nawa'y ang Kanyang kapayapaan at pagpapala ay ipagkaloob kay Propeta Muhammad , sa kanyang Pamilya at sa lahat ng kanyang mga Kasamahan.

Ano Ang Karunungang Itim?
Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur'an: Kanilang sinusunod kung ano ang hatid ng Demonyo (kasinungalingan ng Karunungang Itim) sa panahon ni Solomon. Si Solomon ay hindi nawalan ng pananampalataya, datapuwa't ang mga demonyo ay hindi sumasampalataya at nagtuturo sa mga tao ng Karunungang Itim at mga bagay-bagay na nagmula sa Babilonia sa dalawang anghel na sina Harut at Marut, bagama't ang sinuman sa kanilang dalawa ay hindi nagtuturo kaninuman ng ganoong bagay hangga't hindi sila nakapagsasabi: 'Kami ay pagsubok lamang, kaya't huwag mawalan ng pananalig sa pamamagitan ng pag-aaral ng Karunungang Itim mula sa amin'. Napag-aralan nila mula sa mga anghel ang mga paraang ito upang magtanim ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng lalaki at ng kanyang asawa, subali't hindi nila mapipinsala ang sinuman maliban na pahintulutan sila ng Allâh. At kanilang natutunan ang nakapipinsala at walang pakinabangan sa kanila. At batid nila na sinumang tumangkilik ng Karunungang Itim ay walang puwang sa Kabilang Buhay. At kabuktutan ang nakalaang halaga sa kanila na ipinagbili ang kanilang mga sarili, kung kanila lamang nalalaman. (Al-Baqarah-2:102)

192

Siya si Haring Solomon na anak ni Haring David. Ipinagkaloob ng Allâh sa Kanyang Propetang si Solomon ang walang katulad na kaharian na hindi Niya ipinagkaloob kaninuman. Karagdagan pa rito, si Solomon ay ipinakilala ng Allâh na nagtataglay ng pambihirang kakayahan at kapangyarihan. Ipinaubaya ng Allâh ang hangin na sumailalim sa kapangyarihan ni Solomon. Nauutusan ni Solomon ang hangin na magdala ng ulan saan mang lugar na kanyang naisin. Ipinagkaloob din ng Allâh kay Solomon na maunawaan ang salita ng mga ibon, gayundin ang mga Jinns (nilikhang di-nakikita) na sumailalim sa kanyang pamamahala. Kanyang tinipon ang mga Jinns sa kapahintulutan ng Allâh upang kumuha ng yaman mula sa ilalim ng karagatan at sumunod sa anumang bagay na kanyang ipag-uutos. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: Kaya't Aming ipinailalim sa kanya ang hangin, umiihip ito ng banayad sa pamamagitan ng kanyang kautusan at anumang kanyang naisin. Gayundin ang mga Demonyo sa lipon ng mga Jinns at ang lahat ng uri ng manggagawa at manlalangoy. At gayundin ang ibang mga nakatali ng kadena. (Sad-38:36-38) Sinuman ang sumuway kay Propeta Solomon mula sa mga Jinns ay pinarurusahan ng Allâh sa Apoy ng Impiyerno. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay muling nagsabi: At sinuman mula sa kanila ang nagtakwil sa Aming Kautusan, Aming ipalalasap sa kanila ang parusa ng naglalagablab na Apoy. (Saba-34:12) Ang lahat ng mga natatanging kapangyarihang natamo ni Propeta Solomon (sumakanya nawa ang kapayapaan) na ipinagkaloob sa kanya ay isang tunay na kakayahan at hindi Karunungang Itim na nagmula sa Allâh. Katunayan kapag hinangad ng Allâh ang anumang bagay, katiyakang ito ay mangyayari at magaganap. Ang kakayahan ni Solomon ay walang kaugnayan sa anumang Karunungang Itim, panghuhula o mga pamahiin. Si Solomon (sumakanya nawa ang kapayapaan) kailanman ay hindi naging isang manghuhula o nagsagawa ng Karunungang Itim na ipinagbabawal ng Allâh. Hindi siya sumulat ng anumang anting-anting o kaya'y nanawagan sa mga Jinns tulad ng mga ginagawa ng isang salamangkero. Ang lahat ng ito ay pinahintulutan ng Allâh – ang Makapangyaarihan. Nauutusan ni Solomon maging ang mga higanteng Jinns na kaagad namang tumatalima sa kanya sa pamamagitan ng Allâh. Ang ilang mga aklat ay nagpaliwanag sa talatang ito ng ganito: "Ang mga demonyo at mga di-mananampalataya mula sa lipon

192

ng mga Jinns na inatasan ng Allâh upang pagsilbihan si Propeta Solomon ay nagagalit sapagka't kadalasan ay mahihirap na gawain ang ibinibigay sa kanila ni Propeta Solomon sa kalupaan gayundin sa karagatan. Gayunpaman, hindi nila magawang tumanggi sanhi ng pangamba sa anumang maaaring maging kaparusahan, at sila ay nanatili sa ganoong kalagayan sa loob ng mahabang panahon." Kaya't nang si Propeta Solomon ay bawian ng buhay, inilagay ng mga Jinns ang ilang aklat tungkol sa Karunungang Itim at mga anting-anting sa ilalim ng kanyang marmol na upuan. Pagkatapos ay tinawag ang mga tao sa lahat ng lugar at ipinamalita sa kanila: "Inakala ba ninyo na si Solomon ay isang Propeta at siya ay dumating na may mga himala tulad ng ginawa ng ibang Propeta ng Allâh? Kayo ay nagkamali, sapagka't siya ay isang salamangkero na may kakayahang ipailalim ang aming mga sarili sa kanyang kapangyarihan upang kami ay sumunod sa kanya sa pamamagitan ng Karunungang Itim. Ito ay mapatutunayan ng mga aklat tungkol sa Karunungang Itim na natagpuan sa ilalim ng kanyang upuan, at kung hindi kayo naniniwala sa amin, halina kayo sa silid kung saan matatagpuan ang kanyang trono upang ito ay inyong personal na masaksihan." Ang lahat ng ito ang nagbigay-linaw sa atin tungkol sa kahulugan ng Karunungang Itim. Katotohanang ang bagay na ito ay kathang-isip lamang. Kasinungalingan para sa isang salamangkerong nagpapakita ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Karunungang Itim na may kakayahang hukayin ang mga kayamanang nakabaon sa ilalim ng lupa. Kasinungalingan sa isang salamangkero na nagsasabing kaya niyang gawing totoong pera ang isang piraso ng blankong papel. Karagdagan pang maaari nilang kunin ang pera mula sa mga bangko at ilalagay sa inyong mga kamay. Sinumang naniwala sa lahat ng alegasyon at sinasabi ng mga salamangkerong ito ay malinaw na isang dimananampalataya, sapagka't siya ay naniwala sa mga taong ito, at hindi sa Allâh na maaaring magbigay ng anumang biyaya o anumang kapinsalaan sa tao. Kaya't ang mga anghel na ipinadala ng Allâh sa Babilonia ay nagsabi: Subali't wala sa dalawang mga anghel ang nagturo kaninuman ng anumang bagay hanggang kanilang sinabi: "Kami ay pagsubok lamang, kaya't huwag paniwalaan. (Al
Baqarah-2:102)

Kaya't ang Karunungang Itim ay totoong nabanggit sa Banal na Qur'an.

192

Ang katanungan ngayon ay kung papaano sasabihin na ang Karunungang Itim ay isang kathang-isip lamang at isang katotohanan sa iisang pagkakataon. Ang Karunungang Itim ay binanggit ng maraming pagkakataon sa Banal na Qur'an. Ito rin ay isang kilalang gawain ng tao at ng Jinns. Ang pagsasagawa nito ay patuloy na nananatili bagama't ito ay isang kasinungalingan at ang imahinasyong dulot nito ay bunga lamang ng paniniwala rito. Kaugnay nito, ang kasaysayan ni Propeta Moises laban sa mga salamangkero ni Paraon ang mainam na halimbawa tungkol dito. Habang si Moises at ang kanyang pamilya ay naglalakbay pabalik sa Ehipto, kinausap siya ng Allâh sa bundok ng Sinai: At ano ang nasa iyong kanang kamay, O Moises? Siya ay sumagot: 'Ito ang aking tungkod kung saan dito ako humihilig at sa pamamagitan nito ay aking hinahampas ang mga sanga ng halaman bilang pagkain ng aking tupa, at ito rin ay marami pang kapakinabangan sa akin.' Ang Allâh ay nagwika: 'Ihagis mo, O Moises!' At kanya itong inihagis, at pagmasdan! Ito ay naging ahas na gumapang ng mabilis. Ang Allâh ay nagsabi: 'Damputin mo at huwag matakot, Aming ibabalik itong muli sa dati nitong anyo. (Ta-Ha-20:17-21) Kapag nais mangyari ng Allâh ang anumang bagay, Kanya lamang sinasabi: "Mangyari" at ito ay nagaganap. Kaya't ang kapangyarihan ng Allâh ay malayo sa anumang Karunungang Itim. Kaya't nang gawin ng Allâh ang tungkod ni Moises na maging ahas, ito ay naging tunay na ahas na gumagapang na buhay at hindi isang ilusyon lamang. Sa kabilang banda, nang ihagis ng mga salamangkero ni Paraon ang kanilang mga lubid at tungkod, napaniwala nila ang tao kabilang na si Moises na ang mga ito ay mga ahas. Katunayan, nakikita ng mga salamangkero na ang lahat ng yaon ay hindi nagbago at hindi gumagalaw mula sa pinaghagisan. Subali't ang ibang tao, kabilang na si Propeta Moises ay nakitang nagbago ang anyo at naging ahas. Ganito kung papaano ang Karunungang Itim ay nangyayari. Inilarawan ng Allâh kung ano ang naramdaman ni Moises sa pagkakataong yaon ng ganito: Kaya't si Moises ay nagkaroon ng takot sa kanyang sarili. (TaHa-20:67)

Gayunpaman, nang ihagis ni Moises ang kanyang tungkod, nasaksihan ng mga salamangkero na ito ay naging isang napakalaking ahas. Kung ang ahas ni Moises ay bunga lamang ng Karunungang Itim, makikita ng mga salamangkero ang tunay

192

na anyo nito, subali't lalo silang namangha nang kanilang makita ang ahas ni Moises na nilamon ang lahat ng lubid at tungkod na kanilang inihagis. Sa pagkakataong iyon, kanilang napatunayan na ang kanilang nasaksihan ay ilan lamang sa mga Tanda ng Allâh. Labis nilang naramdaman ang magpakumbaba sa kanilang sarili na hindi kayang ipaliwanag ninuman, kaya't sila ay nagpatirapa sa harap ng Allâh at naglaho ang kanilang takot kay Paraon at sa kanilang mga kasamahan at sila ay sabay-sabay na sumigaw: Na nagsabi: 'Kami ay naniniwala sa Panginoon ng Alamin (sangkatauhan, mga Jinns at lahat ng mga nilalang). Ang Panginoon ni Moises at Aaron. (Ash-Shuara-26:47-48) Ganito ang inilarawan ng Allâh sa Kanyang Banal na Aklat nang Siya ay nagsabi: Sila ay nagsabi: O Moises maaaring ikaw ang maunang maghagis o kami ang mauunang maghagis.' Si Moises ay nagsabi: 'Hindi! Mauna kayong maghagis!' At pagmasdan! Ang kanilang mga lubid at tungkod sa pamamagitan ng kanilang Karunungang Itim ay nalantad sa kanila na animo'y mga ahas na gumagalaw ng mabilis. (Ta-Ha-20:65-66) Ating bigyang-pansin ang pariralang "kanyang inakala", na iyon ay pawang imahinasyon lamang na nandaya sa kanilang paningin: Kaya't si Moises ay nagkaroon ng takot sa kanyang sarili. Kami (Allâh) ay nagsabi: 'Huwag kang matakot! Katunayan ikaw ang mangunguna.' At iyong ihagis ang nasa iyong kanang kamay! Lulunukin nitong lahat ang kanilang ginawa. Ang kanilang ginawa ay panlilinlang lamang ng isang salamangkero, at ang salamangkero ay hindi kailanman magtatagumpay, gaano man ang kaalaman na kanilang naabot. (Ta-Ha-20:67-69) Ang lahat ng ito ay gawa-gawa lamang ng mga hindi nananampalatayang salamangkero na may kakayahang gumawa ng mga ilusyon na pawang mga imahinasyon lamang. Sa isang banda, ang himalang ipinagkaloob ng Allâh sa Kanyang mga Propeta (sumakanila nawa ang kapayapaan) ay nananatiling makatotohanan. Ang mga himalang ito ay nangyari sa dalawang kadahilanan. Una, ito ay naganap sa pamamagitan ng kapahintulutang nagmula sa Allâh. Kapag Kanyang ipinatupad ang isang bagay, Kanya lamang sinasabing: "Mangyari" at ito ay nagaganap. Ganito rin ang nangyari kay Propeta Abraham

192

(sumakanya nawa ang kapayapaan) nang ang apoy na pinaghagisan sa kanya ay lumamig ng sabihin ng Allâh: "Mangyari" at ito ay naganap, ayon sa sinabi ng Allâh: Kami (Allâh) ay nagsabi: 'O Apoy! Mangyaring ikaw ay lumamig at iligtas si Abraham! (Al-Anbiya-21:69) Pangalawa, pinangyari ng Allâh sa pamamagitan ng Jinns sa Kanyang mga Propeta na maganap ang mga himala. Ito ang naganap sa kalagayan ni Propeta Solomon nang: Kanyang sinabi: 'O mga pinuno! Sino sa inyo ang makapagdadala sa akin ng kanyang trono bago sila pumarito sa akin upang isuko ang kanilang mga sarili?' Si Ifrit (ang malakas) mula sa lipon ng mga Jinns ay sumagot: "Ako ang maghahatid nito sa iyo bago ka tumayo sa iyong lugar (sanggunian). At katotohanang ako ay tunay na malakas at mapagkakatiwalaan sa bagay na iyan. (An-Naml-27:38-39) Kaya't ang himala ni Moises (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay maituturing na isang katotohanan tulad ng ating nabanggit sa itaas. Kabilang na rito ang mga himalang naitala ni Hesus (sumakanya nawa ang kapayapaan) na bumuhay ng patay at nagpadilat ng bulag sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa kanya ng Allâh. Lahat ng himala ay nagaganap lamang sa pamamagitan ng Kaalaman at Kapangyarihan ng Allâh at wala silang kaugnayan sa Karunungang Itim at panghuhula. Maging ang mga salamangkero ay humihingi ng tulong mula sa mga Jinns upang magsabi ng mga bagay na walang nakaaalam, tulad halimbawa kung hanggang kailan mabubuhay ang isang tao. Ito ay pawang kasinungalingan lamang sapagka't tanging ang Allâh lamang ang nakaaalam sa lahat ng bagay. Bago ipahayag ang Banal na Qur'an, ang mga Jinns ay nakakaakyat sa kalangitan at doon ay lihim silang nakikinig kung ano ang nangyayari sa itaas ng mga kalangitan. Sa ganoong paraan, naririnig nila ang maaaring maganap sa hinaharap, at sila ay nagtutungo sa mga manghuhula upang ipaabot sa kanila ang tungkol sa kanilang narinig at dinaragdagan pa nila ang mga pangyayari kumpara sa kanilang aktuwal na narinig. "Si A'isha – isa sa Ina ng mga Mananampalataya ay nag-ulat na isang araw ang Propeta ay tinanong tungkol sa mga manghuhula. Sumagot ang Propeta , 'Sila ay walang halaga.' Ang mga tao ay nagsabi: 'O Propeta ng Allâh! Bakit kung minsan ang kanilang mga hula ay nagkakatotoo.' Sumagot ang Propeta , 'Ito ay

192

kapirasong bahagi lamang ng totoong balita na ipinaabot ng mga Jinns sa kanilang pinuno, bukod dito, kanila itong hinaluan ng isang daang kasinungalingan." Sa ganitong kalagayan ito ay kanyang sinabi: "Sinungaling ang mga manghuhula kahit na ang kanilang mga sinasabi ay nagkakatotoo." Nang simulan ang pagpapahayag sa Banal na Qur'an, pinigilan ng Allâh ang mga Jinns na makalapit sa kalangitan upang mapangalagaan ang Banal na Qur'an laban sa kanilang mga kasinungalingan. Dahil maaari nilang marinig ang anumang kapahayagan bago pa man ito makarating sa Propeta , at maaari nila itong ipaabot sa mga manghuhula na maaari naman nilang dagdagan ng kasinungalingan na kanilang naisin. Kaya't ang mga Jinns na nagtatangkang umakyat sa kalangitan upang lihim na makinig ay binabato ng apoy na kometa. Bilang patunay, tunghayan natin ang sinabi ng Allâh tungkol dito: At katotohanan, may mga taong nagmula sa sangkatauhan ang nananahan sa lipon ng mga Jinns, datapuwa't sila (Jinns) ang nagtulak sa kanila (sangkatauhan) upang maragdagan ang kasalanan at kawalan ng pananalig. At sila ay nag-akala tulad ng inyong pag-aakala na ang Allâh ay hindi magpapadala ng Sugo para sa sangkatauhan at mga Jinns. At kami ay nagsikap na marating ang kalangitan, subali't aming napag-alaman na ito ay napalilibutan ng mga bantay at naglalagablab na apoy. At katotohanan, kami ay laging nauupo roon sa iba't ibang lugar, upang sumagap ng mapakikinggan, bagama't sinumang nakikinig ngayon ay masusumpungan ang naglalagablab na apoy na nag-aabang sa kanya. At hindi namin batid kung ano ang kasamaan na sadyang nakalaan sa kalupaan o ang kanilang Panginoon ay nagnanais na patnubayan sila sa Tuwid na Landas. (Al-Jinn72:6-10)

Ang higit na mahalaga, ang mga Jinns ay walang kaalaman sa mga di-nakikitang bagay. Kung nalalaman lamang ng mga Jinns ang mga di-nakikitang bagay, hindi sila mananatili sa kanilang nakakahiyang anyo. Ang Allâh ay nagsalaysay upang ipakita ang kasinungalingan ng mga Jinns na nagsasabing batid nila ang mga di-nakikitang bagay. Tulad ng nabanggit sa itaas, ang mga Jinns ay inatasang sumunod kay Propeta Solomon. Itinalaga sila sa maraming mabibigat na gawain, tulad ng pagtabas ng mga bato, paggawa ng gusali, paglilipat ng natabas na bato mula sa isang bundok patungo sa ibang lugar, pagtatanim, pagsisid sa ilalim ng karagatan at marami pang iba. Sila ay inatasan ng Allâh upang maglingkod kay Propeta Solomon habang siya ay nabubuhay. Nang si Propeta Solomon ay bawian ng buhay, siya ay nakahilig

192

sa kanyang saklay sa harapan ng kanyang pambihirang tirahan. Si Solomon ay nanatili sa ganoong katayuan sa loob halos ng isang taon. Tulad ng ibang mga propeta, ang katawan ni Propeta Solomon ay nanatiling di-naaagnas. Sa mga oras na iyon, ang mga Jinns ay patuloy at hindi humihinto sa pagtatrabaho at tuwing makikita nilang siya ay nakahilig sa kanyang saklay, inaakala nilang siya ay nananatiling buhay at nagmamasid sa kanila. Hindi batid ng mga Jinns na si Propeta Solomon ay patay na hanggang sa ngatngatin ng mga bulati ang kanyang saklay at siya ay natumba sa lapag. Kaya't kung may kaalaman ang mga Jinns sa mga bagay na di-nakikita, sila ay kaagad na hihinto pagkaraan ng kamatayan ni Propeta Solomon. Kaya't pinatunayan ng Allâh na sila ay hindi nakababatid ng bagay na lingid sa kanilang kaalaman na matutunghayan sa Banal na Qur'an: Kaya't nang Aming ipatupad ang kamatayan sa kanya (Solomon), walang sinuman ang nagpaabot sa kanila (Jinns) ng kanyang kamatayan maliban sa maliit na bulati na patuloy (dahan-dahan) na ngumangatngat ng kanyang tungkod. Nang siya ay bumagsak, malinaw na kung nakita ng Jinns ang mga bagay na Lingid sa kanilang kaalaman, hindi sila magpapatuloy sa pagpapakahirap. (Saba-34:14) Sa muli, aming napatunayan na ang Karunungang Itim ay pawang mga kathang-isip lamang at gawaing hinango mula sa imahinasyon. Nais naming ipaliwanag na ang ibang bahagi ng Karunungang Itim ay batay lamang sa pangitain, inspirasyon at imahinasyon, subali't sa anumang pagkakataon makasasama lamang ang lahat ng ito kung ipahihintulot ng Allâh. Papaanong ang Karunungang Itim ay makapaghihiwalay sa mag-asawa at magtatanim ng di-pagkakaunawaan sa pagitan nila? Tulad ng nabanggit sa itaas, ang Karunungang Itim ay pawang mga ilusyon at imahinasyon lamang at katiyakang walang anumang bagay na makaaapekto sa tao o bagay tulad halimbawa ng ating nabanggit sa ipinamalas ng mga salamangkero ni Paraon na nandaya sa mga mata ng tao nang kanilang mapagmasdan ang lubid at tungkod na nagmistulang ahas. Ito ang katotohanan kung papaano nito sinisira ang buhay ng mag-asawa. Nagagawa nila sa pamamagitan ng Karunungang Itim na papangitin ang mukha ng asawa ng isang lalaki at ang taglay niyang kalinisan ay nagmimistulang dumi na nauuwi sa amoy na mabaho sa kanyang pang-amoy. Kaya't ang lalaki ay magagalit at humahantong ang ganitong sitwasyon sa pakikipaghiwalay. Maaari rin namang

192

baligtarin ang isang pangyayari. Sa pamamagitan ng Karunungang Itim ay maaaring pagandahin ang isang matanda at pangit na babae sa paningin ng isang batang lalaki na magtutulak sa kanya upang mapaibig at pakasalan niya ito. Hindi malalaman ng lalaking ito ang katotohanan hangga't hindi nawawala ang bisa ng salamangka. Ang iba pang nagaganap sa pamamagitan ng Karunungang Itim ay ang pagkahumaling sa isang tao o sa isang bagay. Si Propeta Muhammad ay nagpahayag tungkol dito: "Ang demonyo ay nananatili sa katawan ng tao tulad ng dugong nananalaytay." Kaya't kapag ninais ng salamangkero na manaig ang demonyo sa isang tao at gawin niya itong baliw, papasukin nito ang dugong dumadaloy sa utak ng isang tao. Doon ay kanyang patatakbuhin ang utak at pangungunahan ang paguugali at mga ikikilos nito, at magsisimulang mabaliw ang taong ito at maaaring magsalita ng mga walang kuwentang bagay. Ang Allâh ay nagsabi: Silang kumakain ng kinita sa patubuan ay hindi tatayo Sa Araw ng Paghuhukom maliban sa isang tulad ng nakatayong tao na pinapalo ni Satanas na magdudulot sa kanya sa kawalan ng katinuan sa pag-iisip. (Al-Baqarah-2:275) Sa kabuuan, ang lahat ng naniniwala sa mga salamangkero at sa mga manghuhula ay pawang mga di-mananampalataya at walang puwang sa Islam. Sapagka't sila ay naniniwala na ang mga salamangkero ay makapipinsala o makatutulong sa tao, samantalang ang kanilang kakayahan ay may hangganan. Kaya't ang sinumang nag-aral ng Karunungang Itim at panghuhula ay maituturing na di-mananampalataya. Bilang patunay ay ang sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan: Subali't wala sinuman sa dalawang Anghel na ito ang nagturo sa sinuman ng mga bagay-bagay hangga't kanilang sabihin, 'Kami ay pawang mga pagsubok lamang, kaya't huwag maniwala... (Al-Baqarah-2:102) Huwag maniwala. Huwag maniwala. Huwag maniwala! Ito ang katagang nararapat sa mga naniniwala sa mga salamangkero at manghuhula at sa mga nagsasagawa nito. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: Ang kanilang ginawa ay panlilinlang lamang ng isang salamangkero, at ang salamangkero ay hindi kailanman magtatagumpay, gaano man ang kaalaman na kanilang naabot. (Ta-Ha-20:69)

192

Si Propeta Muhammad na naghahangad ng kasaganaan sa kanyang pamayanan ay nagsabi: "Siya ay hindi nabibilang sa atin, ang sinumang maniwala sa mga pangitain at nagpahayag ng pangitain, siya na manghuhula at sumasangayon sa kanila at siyang nagsasagawa at naniniwala rito." Sa isa pang sinabi ni Propeta Muhammad : "Sinuman ang magtungo sa mga manghuhula at humingi ng anuman ay hindi tatanggap ng kapatawaran mula sa Allâh sa loob ng 40 gabi. At kung siya ay naniniwala sa kanilang mga salita, siya ay isang hindi mananampalataya." Sa isa pa niyang sinabi: "Sinumang magtungo sa salamangkero na hindi naniniwala sa kanya, ang kanyang panalangin ay hindi tatanggapin ng Allâh sa loob ng 40 araw." Bago natin wakasan ang sulat na ito, malinaw na sa atin ang sakit na dulot nito sa ating pamumuhay, kaya't paano natin ito gagamutin o bibigyan ng lunas? Sinumang naniniwala sa Karunungang Itim at nagnanais na mapaglabanan ito, kailangan niyang iwasan ang magtungo sa mga salamangkero. Ang Karunungang Itim at mga anting-anting ay hindi solusyon, sapagka't sinumang maniwala rito ay itinuturing na isang dimananampalataya at ang taong ito ay lumalabas sa relihiyon ng Allâh. Ang tamang solusyon ay ang sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan: Katunayan, yaong mga Al-Muttaqun (ang matutuwid), kapag ang masamang gawain ay dumating sa kanila na nagmula kay Satanas, kanilang naaalala ang Allâh at kanila kaagad nakikita ang tama. (Al-Araf-7:201) Ang tamang paraan upang ating mabigyan ng lunas ang mga suliraning tulad nito ay nakasalalay sa ating pananampalataya at takot sa Allâh. Ang mga Muslim ay nararapat lamang na sumunod sa Banal na Qur'an at sa Sunnah ni Propeta Muhammad . Dapat nating linisin ang ating kaluluwa mula sa anumang batik na namamalagi sa ating mga sarili na nagdudulot ng kasalanan, upang sa ganoong paraan, ating maapula ang kasamaan sa lalong madaling panahon. Kapag ang isang Muslim ay palagiang nagbabasa ng Banal na Qur'an, hindi siya maaapektuhan ng Karunungang Itim, paninibugho at anumang masamang gawain. Ipinapayong palaging basahin ang talata na Ayatul-Kursi – Surah Al Baqarah-2:255 sa umaga at gabi at pagkatapos ng alinmang itinakdang pagdarasal. Ang mga sumusunod na kabanata tulad ng: Surah Al-Ikhlas-112, Surah AlFalaq-113 at Surah An-nas-114 ay ipinapayo ring basahin ng tigtatlong beses bago matulog tulad ng ginagawa ni Propeta

192

Muhammad upang tayo ay mapangalagaan laban sa anumang kasamaan. Ang mga Muslim ay pinapayuhang sumangguni sa ibang mga aklat na nagpapahayag ng mga paraan upang mapangalagaan sa anumang kasamaan. Tanging ang Allâh – ang Makapangyarihan lamang ang makagagamot at makatutulong sa atin laban sa anumang kapahamakan. Luwalhatiin ang Allâh na Siyang ating hinihingan ng tulong. Nawa'y ang Kapayapaan ay ipagkaloob kay Propeta Muhammad , sa kanyang Pamilya at sa kanyang mga Kasamahan. Ameen. Ameen. Ameen.

192

Ang Paninigarilyo

192

Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpala, ang Mahabagin. Lahat ng papuri ay sa Allâh lamang ang Panginoon ng mga daigdig! Nawa'y ang Kanyang kapayapaan at pagpapala ay mapasa kay Propeta Muhammad , sa kanyang Pamilya at sa lahat ng kanyang mga Kasamahan.

Ang Paninigarilyo
(Ito ba ay Pinahihintulutan o Ipinagbabawal)
Kung ang isang kumpanya na gumagawa ng biskwit ay naglagay ng babala sa bawa't pakete ng isang pangungusap na mababasa ng ganito: "Mag-ingat, ang pagkain ng biskwit na ito ay nagiging sanhi ng impeksyon na may kahalong sipon." Mangangahas ka pa bang kumain ng naturang biskwit na maghahatid sa iyo ng impeksyon na may kahalong sipon na maaaring maging sanhi ng iyong karamdaman na aabot ng ilang araw? Katiyakan, ang iyong kasagutan ay hindi. Katunayan, sinuman ang makabasa ng babalang iyon ay may katiyakang hindi na siya kakain o kaya'y bibili pa ng naturang biskwit. Papaano kung ang isang kumpanya na gumagawa ng sigarilyo ay maglimbag ng babala sa bawa't pakete nito ng ganito: "Ang paninigarilyo ay pangunahing dahilan ng sakit na cancer, arteriosclerosis, at cirrhosis", hindi ba sadyang malinaw na ang sigarilyo ay katulad ng mapamuksang lason na umiikot sa buong katawan ng isang tao at sa paglipas ng panahon ay maaring maging sanhi ng kanyang kamatayan. Nguni't sa kabila nito, patuloy pa rin ang maraming tao na naninigarilyo at nag-uunahan upang bumili nito na maihahambing sa lupon ng gamu-gamong umiikot sa apoy. Ito ay isang malinaw na tanda na ang mga taong tulad nila ay pinangungunahan ni Satanas at ng mga kasamahan nito at malinawanag na ang paninigarilyo ay isang gawain ni Satanas. Kapatid, ikaw ba ay talagang wala ng magagawa? Tuluyan ka na bang magpapasakop kay Satanas? Basahin mo ang babala na nakasulat sa pakete ng sigarilyo na sadyang malinaw na nagbibigay ng babala tungkol sa apektong dala-dala nito na nagsasabing: "Ang sigarilyong ito ay unti-unting maghahatid sa

192

iyong kamatayan at sa masamang kahihinatnan ng iyong buhay." Sa kabila nito, aming nakikitang patuloy ka pa rin sa paninigarilyo! Ito ba ay palatandaan na ikaw ay nawawala na sa iyong katinuan ng pag-iisip at determinasyon, sapagka't tuluyan ka nang nagpasakop kay Satanas na nagnanais lamang ng iyong pagkasira sa mundong ito at sa parusa sa Kabilang Buhay? Ito ang tungkulin ng isinumpang si Satanas na nilikha ng Allâh – ang Makapangyarihan, na siyang itinalaga upang gampanan ang gawaing mangligaw ng tao na naging sanhi sa pagpapalayas ng ating mga magulang na sina Adan at Eba mula sa Paraiso. Nang hilingin ni Satanas na bigyan siya ng palugit ng ating Panginoon – Kaluwalhatian sa Kanya, binigyan siya ng Allâh ng palugit hanggang sa Araw ng Paghuhukom upang ang mga anak ni Adan ay kanyang iligaw at pangunahan mula sa kanilang harapan at likuran at ilayo mula sa habag ng Allâh. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi sa Banal na Qur'an: Si Iblis (Satanas) ay nagsabi: 'Masdan ang isang ito na inyong pinapurihan nang higit sa akin? Kung ako ay Inyong bibigyan ng palugit (hayaang ako ay mabuhay) hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay, katotohanan, aking sasakmalin at ililigaw ang kanyang mga anak sa paghahatid sa kanilang pagkaligaw, silang lahat maliban sa iilan.! (Al-Isra-17:62) Ang Allâh ay muling nagsabi: Si Iblis ay nagsabi: 'Sapagka't ako ay Inyong iniligaw, katotohanang ako ay uupo at maghihintay sa kanila (mga tao) laban sa Inyong Tuwid na Landas. At ako ay lalapit sa kanilang harapan at sa kanilang likuran, mula sa kanilang kanan at mula sa kanilang kaliwa, at hindi Ninyo makikita ang karamihan sa kanila na nagpapasalamat (sila ay hindi magiging masunurin sa inyo). (Al-Araf-7:16-17) Aming pinasasalamatan ang Allâh sa Kanyang mga biyaya at mabuting bagay na pinahintulutan para sa atin at Kanyang nilinaw ang lahat ng masama na makapagpapariwara sa atin sa dahilang ginawa silang animo'y matamis sa kamay ng masasamang tao at Jinns na di-makatarungan para sa atin. Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kasuklam-suklam na karamdaman na bumabalot sa napakaraming bilang ng pamayanang ito na dumadaloy sa kanilang dugo. Ito ang pamayanan ni Muhammad , na siyang pinakamainam na pamayanan na tumatahak sa landas ng Allâh. Ito ang sakit na kumakalat at dumadaloy sa kanilang mga ugat kaya't ang

192

karamihan sa kanila ay nagtataglay ng napakalubhang karamdaman na hindi nararamdaman ang dulot na kapahamakan sa kanyang pananampalataya at sa kanyang buhay. Kanilang iniisip na ito ay nararapat at kanilang sinasabing ito ay mga bagay na 'di kanais-nais, subali't ang katotohanan, ito ay mga bagay na 'di makatarungan ayon sa mga nakasulat sa Banal na Qur'an. Ang ating tatalakayin dito ay tungkol sa paninigarilyo – ito ba ay pinahihintulutan o ito ba ay ipinagbabawal. Kapag aming pinaaalalahanan ang isang kapatid na naninigarilyo na tuluyang nalinlang ni Satanas at pinapayuhang ihinto ito sapagka't ito'y ipinagbabawal at isang gawaing nagpapakita ng pagsuway sa Allâh – ang Panginoon ng Sanlibutan, kalimitang aming maririnig ang mga ganitong tugon mula sa kanila: "Umalis ka nga at pakialaman mo na lamang ang iyong sarili at maaari mo bang itigil ang walang kuwentang bagay na pinagsasabi mo at huwag mong gawing bawal ang isang bagay na walang katiyakan. Kung ang paninigarilyo ay ipinagbabawal, magbigay ka ng isang patunay mula sa Banal na Qur'an at isang malinaw na talata tungkol dito." At kanyang hihilinging magpakita ng isang talata mula sa Banal na Qur'an na nagpapatunay tulad ng pagbabawal sa pag-inom ng alak. Kaugnay nito, isang talata ang mababasa ng ganito: "O kayong mananampalataya! Ang paninigarilyo (tabako) ay isang nakapandidiring gawain ni Satanas." Sa Allâh lamang iniaakibat ang lahat ng Kapangyarihan! Bakit hindi natin maunawaan ang kahulugan ng mga talata na ipinahayag ng Allâh sa Kanyang Pinagpalang Aklat upang ipaabot sa atin kung alin ang pinahihintulutan at kung alin ang ipinagbabawal. Ito ay malinaw na pagpapamalas ng Kanyang Habag at Pagpapala upang tayo ay mabuhay ng maayos. Maaari nating sabihin sa ating mga kapatid na naninigarilyo na ang paninigarilyo ay ipinagbabawal at ipinahayag sa Banal na Qur'an sa paraan na madaling maintindihan ninuman. Maaari nating sabihin sa kanila na ang Allâh ay nagtataka kung bakit ang ilan sa Kanyang mga nilikha ay hindi ipinamumuhay ang kanilang sariling kakayahang magisip at umunawa upang ang malinaw na mga talata ay maging patunay kapag kanilang nakita, nabasa o narinig mula sa sinumang bumibigkas nito para sa kanila. Ang Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya, ay nagtala ng mahigit 20 mga talata sa Kanyang Pinagpalang Qur'an na nagsasabing: "Wala ba kayong pakiramdam upang hindi ninyo maunawaan"? Hindi ba ninyo naunawaan nang Kanyang sabihin ang mga sumusunod na talatang ito?

192

Silang mga sumusunod sa Sugo , ang Propeta na hindi nakakabasa at nakakasulat na kanilang matatagpuang nasusulat sa Tawrat at sa Injeel, siya ay nag-uutos sa kanila ng Al-Maruf (mga bagay na pinahihintulutan sa Islam); at Al Munkar (mga bagay na ipinagbabawal sa Islam); kanyang pinahihintulutan sila sa At-Tayyibat (lahat ng bagay na pinahihintulutan, tulad ng mga gawain, mga paniniwala, mga tao at mga pagkain) at nagbabawal sa kanila sa mga hindi pinahihintulutan bilang Al-Khaba'ith (lahat ng kasamaan at hindi pinahihintulutan tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawain, mga paniniwala, mga tao at mga pagkain)... (Al-Araf7:157)

Ayon sa Banal na Qur'an, malinaw na ang lahat ng malinis na bagay ay pinapayagan at ang lahat ng marumi ay ipinagbabawal. Ang usapan ay natigil lamang nang bigkasin ang isang malinaw na katibayan na hinango sa Pinagpalang Aklat ng Allâh. Mga kapatid, ano pang katibayan ang inyong kailangan? Maliban lamang na ninanais mo pang makipagtalo at ipagpilitang ang paninigarilyo ay nabibilang sa mga pagkain, kaysa isiping ito ay nabibilang sa kasamaan. Sinabi ng Allâh: Sabihin (O Muhammad): Hindi magkatulad ang Al-Khabaith (lahat ng kasamaan at hindi pinahihintulutan tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawain, mga paniniwala, mga tao at mga pagkain) at Al-Tayyibat (lahat ng mabuti at pinahihintulutan tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawain, mga paniniwala, mga tao at mga pagkain), kahit na ang kasaganaan ng AlKhabaith ay makahikayat sa inyo. Kaya't matakot sa Allâh, O sangkatauhan na may pang-unawa upang kayo ay maging matagumpay. (Al-Maidah-5:100) Katotohanan! Katakutan ang Allâh, kayo ay binigyan Niya ng sapat na kaisipan upang makaunawa. Mayroon bang matinong tao na hindi nakaaalam ng mga biyayang nagmula sa Allâh. Ang mabuting pagkain na Kanyang ipinagkaloob sa atin tulad halimbawa ng mga prutas, karne ng mga hayop, mga ibon, isda, mga gulay at marami pang iba? Batid nating lahat na ang mga ito ay makatutulong sa ating katawan at pag-iisip upang tayo ay manatiling malusog at ligtas sa anumang karamdaman. Kaya't paanong ang isang tao ay magsasabing ang paninigarilyo ay kabilang dito? Samantalang ang paninigarilyo ay napatunayan na lubhang nakasisira sa katawan at isipan ng isang tao. Ito rin ay nagiging sanhi ng malubhang karamdaman na nagdudulot ng kamatayan sanhi ng

192

atake sa puso na kung saan ang isang tao na namatay ay hindi man lamang nakapagbigkas ng panunumpa sa Kaisahan ng Allâh. Ang mga Kasamahan ng Propeta (nawa'y kalugdan sila ng Allâh) ay palaging nagtatanong tungkol sa mga ipinagbabawal at pinahihintulutang mga uri ng pagkain at unumin, sapagka't kung minsan sila ay nakikisalamuha sa mga Hudyo. Kaya't ang Allâh ay nagpahayag kay Propeta Muhammad ng sumusunod na talata: Tinatanong ka nila (O Muhammad ) kung ano ang pinahihintulutan sa kanila bilang pagkain. Sabihin: Ang pinahihintulutan sa inyo ay ang Al-Tayyibat (lahat ng uri ng pagkain na pinahihintulutan) mga pagkain kung saan ginawa ng Allâh para sa inyo. (Al-Maidah-5:4) Kaya't paano natin iisipin na ang Allâh – Kaluwalhatian sa Kanya, na nagpahintulot sa atin upang tayo ay magtamasa ng Kanyang mga biyaya tulad ng kumain ng malinis na pagkain at uminom ng malinis na tubig at namnamin ang katas ng prutas na siyang ikinasisiya ng ating katawan. Paano Niya ibinilang o isinama sa mga nabanggit na malilinis na bagay para sa ating katawan ang mga tuyong dahon ng tabako upang ating hithitin at ibuga ang usok mula rito? Katunayan, ito ay nakasisira sa ating katawan at nagdudulot ng masamang amoy sa ating bibig. Ito rin ay nakakaapekto sa ating utak. Ano pang dahilan ang ating ikakatuwiran upang tayo ay manatili sa gawaing iyon upang ipagpatuloy ang paghithit nito. Ito rin ay nagpipigil ng ating kahinahunan. Kung tayo ay maninigarilyo, tayo ay nasisiyahan at kung ating aalisin ito tayo ay nagiging pikon at bugnutin. Luwalhatiin ang Allâh, sadyang Siya ay hindi nagpahintulot sa Kanyang mga nilikha at alipin na gumawa ng mga bagay na ipinagbabawal. Sapagka't ito ay pawang mga gawain ni Satanas na nagliligaw sa tao. Ito ay salaysay ng isang tsuper na pansamantalang huminto sa isang pangunahing lansangan upang tulungan ang isa pang tsuper na sa bilis ng takbo ng kanyang sasakyan ay sumabog ang gulong at tumilapon ng malayo. Sinikap niyang ilabas ang naturang tsuper na naipit sa loob ng nawasak na sasakyan. Habang ang nasabing tsuper na naipit sa loob ng sasakyan na nasa malubhang kalagayan at nalalapit na sa kanyang kamatayan, mayroong isang bagay ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng pagkibot ng kanyang mga labi. Inakala ng isa sa mga sumaklolo na siya ay humihingi ng tubig, subali't nang ilapit na

192

niya ang tubig sa bibig ng taong humihingi, tinanggihan niya itong inumin bagkus ay patuloy pa rin ang paggalaw ng kanyang bibig. Naisip kaagad ng isa pang dumalo upang tumulong kung ano ang nais ng taong nasa bingit na ng kamatayan at ipinakita niya rito ang isang pakete ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa. Nang masaksihan ng taong malapit ng mamatay ang sigarilyo, inilagay niya ang kanyang daliri sa kanyang bibig at dali-daling nakiusap upang sindihan ang isang sigarilyo upang ilagay sa kanyang mga labi. Ang taong nagpakita ng sigarilyo ay nagdalawang isip na gawin ang kahilingan sapagka't nasa bingit na nga siya ng kamatayan at bago pa sila tuluyang nakapagdesisyon kung bibigyan ng sigarilyo o hindi ang biktima, binawian na siya ng buhay. Ako ay sumusumpa sa Allâh na ang puno ng tabako ay marumi at ipinagbawal sa atin ng ating Panginoon. Subali't iniligaw tayo ni Satanas upang tayo ay sumuway sa Allâh. Tulad ng kanyang ginawa sa ating naunang magulang na sina Adan at Eba nang ipinamahala sa kanila ang puno ng walang hanggan at ang kaharian na kailanma'y hindi maaaring masira. Subali't nang kanilang kainin ang prutas mula rito, nakaramdam sila ng kahihiyan sa kanilang hubad na katawan at sinuway ni Adan ang kanyang Panginoon at tuluyan na siyang nabulid sa kasalanan. Dahil dito ang Allâh ay nangusap sa kanila: "Lisanin ninyo ang paraiso, ang ilan sa inyo ay magiging magkaaway sa isa't isa." Ang babala ng Allâh ay sadyang malinaw na matutunghayan sa Banal na Qur'an: O angkan ni Adan! Huwag hayaang kayo ay malinlang ni Satanas, tulad ng nangyari sa inyong mga magulang (Adan at Eba) mula sa Paraiso, inalisan sila ng kanilang saplot, upang ilantad ang kanilang maselang bahagi ng katawan. Katotohanan, siya at si Qabilulu (sundalo ni Satanas mula sa Jinns o sa kanyang tribu) na nakakikita sa inyo mula sa lugar na hindi ninyo nakikita. Katotohanan, ginawa Namin ang demonyo bilang Auliya (tagapangalaga o kaibigan) para sa mga di-nananampalataya. (Al-Araf-7:27) Ang ilan sa ating mga kapatid ay maaaring magsabi: "Kami ay naniniwala sa lahat ng iyong sinasabi tungkol sa paninigarilyo, subali't ang sakit na ito ay nauwi na sa adiksyon at isang kaugalian na sadyang mahirap tanggalin. Paano ba ito maiiwasan?"

192

Maaaring ikaw ay tama. Sadyang mahirap alisin o iwasan ang paninigarilyo tulad ng sinabi ni Sheikh Ibn Ul-Qayyem (nawa'y kalugdan siya ng Allâh): "Ang bagay na pinakamahirap iwasan ay ang pagnanasa sa isang bagay na karaniwan ng ginagawa ng tao." Gayundin, si Imam Muslim ay nagsabi tungkol dito: "Walang pag-aalinlangang ang tao ay hindi napapailalim sa sariling pag-uugali." Isang bagay ang kalimitang nakakaapekto sa kanya, ang sariling kinaugalian o mga bagay na nakasanayan! Bagama't ang paninigarilyo, bago pa man ang epektong nagagawa ng nikotinang taglay nito na dumadaloy sa dugo na nakakaapekto sa utak, ito rin ay nakapagpapabago ng ating paguugali. Kapag ang isang tao na gumawa ng isang bagay at inulit ng maraming beses, ito ay nagiging isang kaugalian na mahirap talikuran. Ang tao ay nilikha na may likas na pag-uugali. Pagkatapos ay nagsimulang matutu ng mga bagay na kalaunan ay isinagawa na sa kanyang araw-araw na pamumuhay, tulad halimbawa ng kanyang pagkain at pag-inom. Ito ay sadyang naiiba sa mga bagay na itinalaga ng Allâh. Ang mga nakasanayang gawaing tulad nito ay tahasang nananaig sa tao na kailangang itago. Ang karakter na kinalulugdang gawin ng tao at paulit-ulit na ginagawa ay nauuwi sa mga bagay na palagiang ipinamumuhay, maging ito man ay positibo o negatibong aspeto, nakasisira man o nakatutulong. Kaya't kapag ang isang tao ay ipinamuhay ang kabutihan, siya ay nagiging masaya at naitataas niya ang sarili mula sa mababang antas tungo sa mataas na antas sa sangkatauhan. Subali't kung siya ay namuhay sa paraang hindi kasiya-siya at mapanganib, siya ay labis na nawawalan ng pagasa at nagiging malungkot sanhi ng kanyang mababang kalagayan sa pagtanggap nito. Maaari niyang kainin ang mga pagkaing nakasisira sa kanyang katawan, bagama't batid niya ang positibong pinsalang dulot nito. Nguni't wala siyang kakayahang iwasan ito sapagka't nananaig ang kanyang sariling kagustuhan, kabilang na rito ang paninigarilyo. Mapapansin mo sa isang naninigarilyo na ang kanyang asawa ay pilit na lumalayo upang maiwasan ang amoy ng kanyang bibig. Gayunpaman, patuloy niya itong ginagawa sapagka't siya ay tuluyan ng napailalim sa masamang bisyong ito. Mapapansin ding hindi niya masupil ang kanyang anak habang patagong ginagawa ito kapag kanyang nakita sapagka't kanya itong ginagawa. Kalimitang naririnig ang ganitong kasabihan: "Ang ama ay katulad ng kanyang anak." Ang paninigarilyo ay maituturing na dahilan upang turuan ang kanyang anak sa masamang gawain kahit noong siya ay bilig pa lamang sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina. Sa isinagawang

192

pagsusuring medikal, napatunayan na ang isang sanggol na ang mga magulang ay parehong naninigarilyo ay isinisilang na mayroong nikotinang nananalaytay sa kanyang dugo. Kaya't sa kanyang pagsilang ay naroon na ang malinaw na palatandaan na siya ay maaari ring manigarilyo kahit siya ay musmos pa lamang. Kahit ang ama lamang ang naninigarilyo, ang epekto nito ay pareho rin. Sapagka't napag-alamang ang kanyang ina ay nakalalanghap din ng usok sa loob ng kanilang bahay na nagmumula sa ibinubuga ng kanyang asawa. Hayaan na lamang nating lumabas na kahiya-hiya ang mga taong naninigarilyo saan mang lugar sila pumasok tulad ng mga restoran, hotel at pamihilan na may nakasabit na karatula na nagbabawal manigarilyo sa mga dinding at iparamdam sa kanila na sila ay hindi nabibilang sa pamayanang kanilang ginagalawan. Magkagayon, upang tayo ay tuluyang malayo sa masamang gawain tulad ng paninigarilyo, kailangan nating labanan at maging handa. Kailangan natin ang isang tunay na labanan upang mahinto ang sakit na ito. At hilingin natin ang gabay ng Allâh para sa kanilang may matatag na pananampalataya at takot sa Kanya upang mapatatag ang kanilang mithiing umiwas sa mga ganitong gawain at maging matagumpay. Nakikita ko ang mga palatandaan sa ating mga kapatid kung saan pinagkalooban sila ng Allâh ng mabigat na mga pagsubok upang sukatin ang kanilang pananampalataya. Ako ay naniniwalang alam nila ang lahat ng bagay sa pagitan ng mabuti at masama at batid nilang ang paninigarilyo ay isang masamang gawain, kung saan ito ay ipinagbawal ng Allâh sa Kanyang Pinagpalang Qur'an na ating binanggit sa itaas. Ako ay naniniwalang sila ay pinagkalooban ng sapat na talino upang kanilang mapag-alaman ang mga bagay na ito para sa kanilang sariling kapakanan. Ngayon ay ating ulitin ang talata mula sa Banal na Qur'an na binanggit ng Allâh: Sabihin (O Muhammad): Hindi magkatulad ang Al-Khabaith (lahat ng kasamaan at hindi pinahihintulutan tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawain, mga paniniwala, mga tao at mga pagkain) at Al-Tayyibat (lahat ng mabuti at pinahihintulutan tungkol sa mga bagay-bagay, mga gawain, mga paniniwala, mga tao at mga pagkain), kahit na ang kasaganaan ng AlKhabaith ay makahikayat sa inyo. Kaya't matakot sa Allâh, O sangkatauhan na may pang-unawa upang kayo ay maging matagumpay. (Al-Maidah-5:100)

192

Pagkaraang ating maipaliwanag, tanungin natin ang ating mga sarili: "Maari ba nating sabihin na ang paninigarilyo ay nabibilang sa mabuti?" Ating napatunayan na ito ay nakasisira sa katawan at isipan ng tao maging sa kanyang kayamanan. Ito ay nagdudulot din ng iba't ibang karamdaman at nagiging sanhi ng mabahong bibig at maging ang mga anghel ay lalayo sa kanya sa oras ng kanyang pagdarasal o anumang gawain. Hindi lamang ang mga anghel ang lalayo sa kanya, kabilang na rito ang mga tao. Nakararamdam sila ng pagkairita at minabuti nilang huwag na lamang lumapit o 'di kaya'y iwasang makipag-usap sa mga taong katulad nila. Ang isa pang katanungan pagkaraan ng mga nauna at higit sa lahat ay kung ang paninigarilyo ba ay may maitutulong sa ating sarili? Ang inyong konsensya ay magsasabi: "Hindi, sa Allâh, ito ay hindi", kaya't kapag inyong tinanggap na ang paninigarilyo ay hindi mabuti, ano ngayon ang inyong gagawin? Sa katunayan ito ay hindi mabuti at tuwirang nagdudulot ng kapinsalaan sa ating pisikal at espirituwal na pangangatawan. Ang lahat ng bagay na nabanggit ay sadyang payak at madali nating maunawaan. Kaya't kung ating tinatanggap na ang paninigarilyo ay hindi mabuti, malinaw na ating naunawaan ang ipinakakahulugan ng talatang binasa mula sa Banal na Qur'an. Ating tanggapin na ng paninigarilyo ay ipinagbabawal, ipinagbabawal at ipinagbabawal. Ang mga naninigarilyo ay nagkakasala sapagka't kanilang ginagawa ang mga bagay na ipinagbabawal. Nararapat lamang nating itakwil ang gawaing ito at magsisi sa Allâh upang Siya ay makaramdam ng kasiyahan para sa atin at pagkalooban Niya tayo ng mabuting wakas kaysa abutan tayo ng kamatayan na may masangsang na amoy ng usok mula sa ating bibig at sa ating kaluluwa. O aking mga kapatid sa pananampalataya! Panghawakan natin ang pagkakataon at itigil na ang paninigarilyo at sundin natin ang ating Panginoon at iwaksi si Satanas at ang kanyang mga kasamaan, upang makamtan natin ang kasiyahan ng Allâh at magkaroon tayo ng pagkakataong manirahan sa Paraiso. O aking kapatid! Bigyan natin ng pagkakataon ang ating mga sarili bago mahuli ang lahat. Walang nakaaalam kung kailan tayo lilisan sa mundong ito at hindi natin batid kung magigising pa tayo kinabukasan makaraang tayo ay matulog ngayong gabi. Maaaring sinuman sa atin ang babawian ng buhay pagsapit ng umaga na hahantong sa libingan. Tanging ang Allâh lamang ang nakaaalam sa lahat ng bagay. Luwalhatiin natin ang Allâh at humingi tayo ng kapatawaran mula sa Kanya. Ang nakaririmarim na sakit na ito ay umiikot din sa mga nagtitinda, bumibili at sa mga kumikita mula rito. Ang mga

192

kinita rito ay maituturing na mga nakaw na yaman. Ang salapi na nagmula sa pagbebenta ng tabako ay nakaw na yaman, kahit gamitin pa nila ito sa kawanggawa. Hindi ito tatanggapin ng Allâh, sapagka't Siya ay dalisay kaya naman dalisay na gawain lamang ang Kanyang tinatanggap. Kahit gugulin pa nila ito sa kanilang mga anak at pamilya, sila ay hindi mabibiyayaan mula rito. Ang salaping galing dito ay maaaring maging sanhi ng kapahamakan at kalamidad sa kanilang mga pamilya at mga anak. Kapag kanila itong ipinamana sa kanilang susunod na lahi, ang ipinamanang iyon ay maghahatid lamang sa kanila sa Apoy ng Impiyerno. Nawa'y pangalagaan tayo ng Allâh sa laban sa kasamaan. Maging ang United Nations' International Health Organization na pinamumunuan at binubuo ng mga kilalang manggagamot at dalubhasa noong nakaraang panahon hanggang sa kasalukuyan ay nagpatunay na ang paninigarilyo ay hindi lamang masamang bisyo bagkus ito ay isang nakamamatay na bisyo. Ito ang dahilan kung bakit kanilang ipinatupad ang paglilimbag sa bawa't pakete ng sigarilyo ng mga sumusunod na pangungusap: "Smoking is a central cause of lung cancer, lung infections, artiries and heart diseases," at "Smoking is harmful to your health." Isang katotohanan na ang naturang samahan ay hindi maaaring maging mabait sa mga kumpanya upang lokohin ang mga tao saan mang lugar. Nagbabala sila kaugnay sa sakit na maaaring idulot ng paninigarilyo sa kanilang kalusugan at sa kanilang buhay. Ang babalang ito ay nakatuon upang maging handa ang buong sanlibutan. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang bawa't sigarilyo ay nagtataglay ng 8 % ng nikotina na ang 10 mg nito ay maaaring kumitil sa buhay ng isang aso kung ihahalo sa pagkain. Kanila ring ipinahayag na ang paninigarilyo ay pangunahing dahilan ng mga karamdamang tulad ng; Lung cancer, cirrhosis stomach, esophagus cancer, hepatic necrosis, hepatic fibrosis, hypertrophy congestion of laryngeal, weakness of memory at psychological disorder na nagiging sanhi ng pagkabahala at depresyon. Kaugnay nito, ang nikotina ay tumutulong sa pagbuo ng oral moniliasis sa bibig na siyang nagiging sanhi ng sakit sa ngipin at upang bumaho ang laway. Ito rin ang dahilan upang magtamo ng sakit na kabag na nauuwi sa sakit na anemia. Ang huli at pinakamalalang sakit na maidudulot ng paninigarilyo ayon sa International Health Organization ay ang hyper tension na nagiging sanhi ng atherosclorsis. Kaya't ang mga naninigarilyo ay kalimitang dumaranas ng sakit sa angina at heart attack. Ang paninigarilyo ay hindi binibigyan ng kaukulang pagpapahalaga bilang pangunahing sanhi ng

192

kamatayan hanggang ang isang naninigarilyo ay abutan ng cardiac arrest na hindi man lamang nagawang pagsisihan ang kanyang mga kasalanan. Ako ay nagpapakupkop sa Allâh laban sa isinumpang Satanas upang makaiwas sa masasamang gawain na maaaring maging dahilan sa kapahamakan ng aking kaluluwa sa Araw ng Paghuhukom. Kaya tayo ay nararapat magpasakop sa Allâh upang magkamit ng kapatawaran, malusog na pangangatawan at tamang kaisipan tungo sa mabuting wakas ng ating buhay. Bilang pangwakas, kami ay nangangakong iiwasan ang paninigarilyo na nagiging sanhi ng patuloy na pagsuway sa Allâh at lalabanan ang sumpa ni Satanas. Sapagka't kapag si Satanas ang nangibabaw sa mga anak ni Adan sa kanyang pansamantalang tagumpay dito sa kalupaan, ito ang maghahatid sa kanya at sa mga sumusunod sa kanya sa Apoy ng Impiyerno. O aking mga kapatid na naninigarilyo! Ang inyo bang pananampalataya at konsensya ay mananatili na lamang sa galit ng Allâh – ang Panginoon ng sanlibutan, sanhi ng inyong patuloy sa paggawa ng kasalanan at pagsunod kay Satanas? Si Satanas ay magtatagumpay sa kanyang balak na pangliligaw sa atin sa anumang paraang kanyang gawin kung magpapatuloy tayo sa mga gawaing tulad nito. Magpaalalahanan tayo sa isa't isa sa pamamagitan ng mabuting payo mula sa Allâh upang ating masumpungan ang katotohanan ng Kanyang sinabi sa Banal na Qur'an: Katotohanan, silang mga Al-Muttaqun (ang matutuwid [tingnan ang V.2:2]), kapag dumating sa kanila ang kasamaan mula kay Shaytan (Satanas), kanilang naaalala ang Allâh at katiyakang kanilang nakikita ang tama. (Al-A'raf-7:201) Minamahal kong kapatid na nakararanas ng sakit na ito, sikapin mong itakwil ito bago ka abutan ng nakakatakot na kamatayan at hilingin mo ang kapatawaran mula sa Allâh. Nais lamang Niya tayong dalhin sa tamang landas ng pamumuhay sa mundong ito tungo sa Kabilang Buhay. Makakaranas ka ng matinding parusa sa Araw ng Paghuhukom sa lahat ng yaman na ipinagkaloob Niya sa iyo na ginugol mo upang magkaroon ng malalang karamdaman. Ikaw ay tatanungin kung paano at kung saan mo ginugol ang mga ito. Ikaw ay parurusahan dahil sa hindi mo paggastos nito sa iyong pamilya at mga anak. Ikaw ay parurusahan sa iyong walang pakundangang paglustay ng salaping ipinagkatiwala sa iyo sa loob ng maraming taon sa

192

pagbili ng mga produktong nakakaapekto sa iyong katawan at kaisipan at naging dahilan ng iyong pagsuway sa iyong Panginoon. Pinaalalahanan tayo ng Allâh na ang pagiging bulagsak sa pananalapi ay kasamahan ng kasamaan. Nawa'y pangalagaan tayo ng Allâh. Nawa'y tulungan tayo ng Allâh upang makamtan natin ang biyaya mula sa ating mga binitawang salita at maging handa sa pagtalima sa mga mabuting kautusan. Lahat ng pasasalamat ay sa Allâh lamang. Nawa'y ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa kay Propeta Muhammad , sa lahat ng kanyang Pamilya at mga Kasamahan. Ameen. Ameen. Ameen.

192

Mga Maling Paniniwala Sa Relihiyon at ang Pagkaligaw sa Landas ng Sufismo

Sa Ngalan ng Allâh – ang Mapagpal ang Mahabagin. Lahat ng papuri ay sa Allâh lamang ang Panginoon ng mga daigdig! Nawa'y ang Kapayapaan at Pagpapala ay ipagkaloob kay Propeta Muhammad , sa kanyang Pamilya at sa lahat ng kanyang mga Kasamahan.

192

Mga Maling Paniniwala Sa Relihiyon at ang Pagkaligaw sa Landas ng SUFISMO
Inulat ni Ahmed na si Abi Mosa Al Ash'ry ay nagwikang si Propeta Muhammad ay nagsabing: "O mga tao! Mag-ingat sa ganoong uri ng politeismo sapagka't ito ay hindi namamalayan tulad ng paggapang ng mga langgam." Ito ay nangangahulugan na habang tayo ay gumagawa ng gawaing pangrelihiyon, halimbawa'y ang pagdarasal o kaya'y pagpupuri sa Allâh, maaaring nakakagawa tayo ng mga ritwal na lingid sa ating kaalaman at tayo ay nahuhulog sa (kasalanang) politeismo. Kaya't tayo ay tinuruan ng dakilang Propeta na manalangin sa Allâh ng ganito: "O Allâh! Ako ay nagpapasakop sa Inyo laban sa mga gawaing politeista habang ito ay aking nalalaman, at ako ay humihingi ng Inyong kapatawaran kung nagawa ko ito ng lingid sa aking kaalaman." Sinabi pa ni Propeta Muhammad : "Bago pa man ang inyong panahon, ang Angkan ng Kasulatan (Hudyo at Kristiyano) ay nagkahiwa-hiwalay sa bilang na 72 sekta. Samantalang ang pamayanang ito ay magkakahiwalay sa bilang na 73 sekta. Ang 72 nito ay mapupunta sa Apoy ng Impiyerno at tanging isa lamang ang makapapasok sa Paraiso." Sa iba pang salaysay ay kanyang sinabi: "Ang mga puso ng tao ay nasa pagitan ng dalawang daliri ng Allâh – ang Mahabagin. Kaluwalhatian sa Kanya sapagka't sila ay Kanyang binago." Ito ang mga dahilan kung bakit si Propeta Muhammad ay palaging nananalangin sa Allâh ng ganito: "O Allâh! Panatilihin po Ninyo ang aking puso sa Inyong relihiyong Islam." Kaya naman aming sinusunod ang mga yapak ni Propeta Muhammad at ang kanyang mga sinasabi: "O Allâh na Siyang nagbabago sa mga puso ng tao! Panatilihin po Ninyo ang aming mga puso sa Inyong relihiyon. O aming Panginoon, huwag po Ninyong hayaan na ang aming mga puso ay maligaw mula sa katotohanan pagkatapos na kami ay Inyong igabay at pagkalooban po Ninyo kami ng Inyong habag. Katotohanan, Kayo ang Tagapaggawad ng lahat ng ito. Sadyang Kayo lamang ang Nakakakita ng lahat, ang Ganap na Makapangyarihan. Pagkalooban po Ninyo kami ng Inyong Habag at Kayo ang Higit na Mapagpala.

192

Aking mga kapatid sa pananampalatayang Islam, kapag ating naririnig ang mga nabanggit na Sunnah ng Sugo , nakadarama tayo ng isang bagay na tila isang kampanang nagbibigay-babala sa ating mga sarili kaugnay ng malubhang nangyayari sa pamayanan ng mga Muslim sa kasalukuyan. Ang babalang ito ay umaalingawngaw sa puso ng mga naghahangad ng kasaganaan sa Kabilang Buhay. Ang mga Sunnah na nabanggit ay nagbabadya sa mga Muslim upang magnilay-nilay kung ano nga ba ang kinalalagyan ng kanilang pananampalataya. Nagtatanong kung tama ang pamamaraan at alituntuning kanilang isinasagawa kaugnay ng kanilang pananampalataya? Sila ba ay nakatitiyak sa ipinangakong tagumpay ni Propeta Muhammad sa Kabilang Buhay o sila ba ay kabilang sa nabanggit na 72 sekta na mamamalagi sa Apoy ng Impiyerno? Sa ngalan ng Allâh, ito ay isang napakahalagang paksa at kapighatian sa sinumang nagbibingi-bingihan at hindi nagpapahalaga sa bagay na ito. Kapighatian sa sinumang nakabasa ng mga salita ni Propeta Muhammad , ang ating minamahal na Propeta na hindi nagsasalita nang naaayon sa kanyang sariling kagustuhan subali't hindi ito pinahahalagahan o isinasaalang-alang ng karamihan sa mga Muslim. Ang isang Muslim ay marapat lamang tumigil ng isang saglit at pag-isipan ang tungkol sa kanyang mga ginawa, na may kaugnayan sa mga ritwal sa pananampalataya at sa lahat ng bagay na nauukol sa kanyang relihiyon. Nararapat niyang limiin at bigyan ng matiim na pagsusuri at pagninilay-nilay ang kanyang pananampalataya at ang kanyang mga ginawa kung ang mga ito ba ay naaayon sa ipinag-uutos ng Banal na Qur'an at Sunnah ng Sugo ng Allâh. Nararapat niyang pag-isipan kung siya ay nabibilang sa mga mapapalad o siya ay kabilang sa mga napahamak. Kapag kanyang napag-alaman na ang kanyang pamamaraan ay hindi naaayon sa Banal na Qur'an at sa Sunnah ni Propeta Muhammad , nararapat niyang ituwid ang kanyang sarili sa tamang landas upang makasama at makapiling niya ang mga taong pinagpala sa Kabilang Buhay. Bago natin ituwid ang landas na ating patutunguhan, kailangan nating basahin ang mga sumusunod na talata mula sa Banal na Qur'an, gayundin ang mga Sunnah ni Propeta Muhammad at pag-aralan itong mabuti upang maisagawa ng tama at maging maayos ang ating pananampalataya. Ipinaabot sa atin ng Makapangyarihang Allâh ang Kanyang Banal na Aklat pagkaraang masakop (ng mga mabubuting Muslim) ang bayan ng Makkah:

192

Sa araw na ito ay ginawa Kong ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, at pinili ang Islam para sa inyo bilang inyong relihiyon. (Al-Maidah-5:3) At Siya ay muling nagsabi: …At anuman ang ibinigay sa inyo mula sa Sugo , ito ay dapat tanggapin at anuman ang kanyang ipinagbawal sa inyo, ito ay dapat iwasan. (Al-Hashr-59:7) Sa huling sermon ni Propeta Muhammad sa kanyang Khutba sa kanyang isinagawang Hajj, kanyang binigyang-diin na kailanman ay hindi niya tayo iiwan maliban sa kalagayang katulad ng isang gabi na kasingliwanag ng araw. Sinuman ang lumihis mula rito, katiyakan na siya ay mahuhulog sa kapahamakan. Sinabi pa ni Propeta Muhammad : "Sinumang nabubuhay pagkaraan ng aking panahon ay masasaksihan ang napakaraming pagkakaiba. Kaya't panatilihin ang pagtalima (pagsunod) sa aking Sunnah at sa mga matutuwid na mga kalipa (Matutuwid na Pinunong Muslim). Matatag ninyo itong kagatin sa pamamagitan ng inyong mga bagang, at iwasan ang mga bagong katuruan tungkol sa gawaing pang relihiyon. Bawa't bagong katuruan na nauukol sa relihiyon ay maling paniniwala at ang maling paniniwala ay nakapaglilihis mula sa tuwid na landas." Sa ibang pagkakaulat: "At ang bawa't paglihis sa tuwid na landas ay maghahatid tungo sa Apoy ng Impiyerno." Sadyang malinaw sa panahon ni Propeta Muhammad ang lahat ng bagay na nakapaloob sa pananampalatayang Islam. Kaya't wala nang iba pang kakulangan na nararapat idagdag sa ngayon o 'di kaya'y kalabisan na nararapat tanggalin. Ito ay malinaw sa sinabi ni Propeta Muhammad : "Wala ng ibang paraan upang mapalapit sa Allâh maliban sa aking ipinag-utos sa inyo. At wala ng ibang paraan na makapaglalayo sa inyo sa Allâh na maghahatid sa inyo sa Apoy ng Impiyerno maliban sa mga gawaing aking ipinagbawal sa ninyo." Ito ay nangangahulugan na sinumang magdagdag ng bagong katuruan tungkol sa kanyang relihiyon at ipalaganap ito ng walang pakundangan at akusahan ang Islam na ito ay hindi ganap o kumpleto at nagnais na salungatin ang anumang ipinahayag ng Allâh sa Kanyang Propeta , katunayan, siya ay nabibilang sa mga naligaw ng landas. Ang nararapat nating gawin ay sundin ang mga Sunnah ni Propeta Muhammad at bawa't yapak ng kanyang mga

192

Kasamahan (nawa'y kalugdan sila ng Allâh). Sapagka't ang kanilang mga ginawa ang siyang tamang pamantayan kung nais nating sukatin ang ating mga gawain, pananalita at paniniwala. Nguni't kapag tayo ay nakakita ng mga bagong gawain sa ating pananampalataya, marapat lamang nating balikan ang mga orihinal na Sunnah ni Propeta Muhammad . Kapag ating napatunayan na ito ay sinang-ayunan ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga Kasamahan, saka pa lamang natin ito dapat isakatuparan. Subali't kung ito ay walang kaugnayan sa ating Propeta at sa kanyang mga kasamahan, makabubuti sa ating iwanan ito. Maaaring ang ilan sa atin ay magsabing tayo ay walang sapat na kaalaman sa mga talata tulad ng mga paham sa ating relihiyon upang malaman ang tama at mali. Para sa kanilang nagpapahayag ng mga ganitong haka-haka, amin silang pinapayuhang makipag-ugnayan sa ating mga iskolar at hanapin ang katotohanan at magkaroon ng takot sa Allâh. Sapagka't ang ating mga iskolar ang makapagpapatunay sa inyo kung ano ang makabubuti para sa inyo. Ang sinumang Muslim na naghahangad ng tamang patnubay sa kanyang pananampalataya ay nararapat sumangguni sa Banal na Aklat at Sunnah ni Propeta Muhammad . Upang mapanatiling tama at wagas ang kanilang pananampalataya laban sa anumang batik at masamang kautusan tulad ng kanyang paglilinis sa kanyang katawan. Ating talakayin ang usaping ito sa mas mabuting paraan: Nais kong talakayin natin ang isang mahalagang bagay sa matuwid at simpleng paraan. Hangad kong ipaalalang muli na ito ba ang pinakamabuting pamayanan na lumitaw sa buong sanlibutan – ang pamayanan ni Propeta Muhammad na sa kasalukuyan ay nasa mahirap at mapanganib na kalagayan? Bakit nga ba tayo nalalagay sa isang mapanganib na katayuan? Malinaw ang aking kasagutan sa usaping ito: "Ito ay sanhi ng malubhang sakit na kumalat sa pamayanang Muslim na sumira sa kanilang pananampalataya at paniniwala." Ang sakit na ito ang naging dahilan upang makaligtaan o isantabi ang Aklat ng Allâh at Sunnah ng Propeta at naging daan upang sundin ang bagong katuraun (Bid'ah) na ipinalaganap ng Sufismo na nangaligaw at sumira sa malinis at magandang imahe ng Islam at ng mga Muslim. Ang Bid'ah (bagong gawaing pangrelihiyon at mga gawain ng pagsuway sa katuruan ni Propeta Muhammad ) na kanilang ipinalaganap ang nagtulak upang magkahiwahiwalay at mahati sa magkakaibang pangkat ang pamayanang Muslim. Ang bawa't isa ay nagsasabing ang ibang pangkat ay

192

lumihis sa Islam at nagturing sa iba bilang mga hindi mananampalataya. Ang bilang ng pangkat na ito ay katulad ng bilang na binanggit ni Propeta Muhammad sa kanyang Hadith na ang 72 sekta ay maninirahan sa Apoy ng Impiyerno. Nawa'y huwag ipahintulot ng Allâh na maibilang tayo sa mga taong tulad nila. Ameen. Ang mga Sufi at ang mga nagpapalaganap ng Bid'ah ay nangaligaw at nagligaw pa ng marami. Katunayan, sila ay walang kaugnayan sa Islam. Bukod pa rito, kanilang sinira ang kalinisan at kadalisayan ng ating relihiyon. Ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: At katotohanan, ito ang Aking Tamang Landas, kaya't sundin ito, at huwag sundin ang ibang mga landas, sapagka't sila ay makapaghihiwalay sa inyo mula sa Kanyang Landas. Ito ay Kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay maging AlMuttaqun (ang matuwid – tingnan ang V-2:2) (Al-An'am-6:153) Ang Allâh ay muling nagsabi: Kaya't sinumang gumawa ng higit na kamalian kaysa sa isang naglubid ng kasinungalingan laban sa Allâh, na nagligaw sa sangkatauhan na salat sa kaalaman? (Al-An'am-6:144) Ang Dambana ni Al-Sheikh Addayyaf: Noong nakaraang taon, aking natunghayan sa pahayagan ang mga sumusunod na kasaysayan. Ang kasaysayan ay naganap sa isang Arabian Maghreeb Countries sa ilalim ng pananakop ng bansang Pransiya. Isang maliit na bulubundukin (burol) ang pinili ng isang mayamang Pranses mula sa mga pamayanang napalilibutan ng luntiang kapaligiran. Sa bulubunduking (burol) iyon ay nagtayo siya ng isang maliit na bahay na pinaligiran ng malawak na hardin. Ang taong nabanggit ay mayroong alagang malaking aso na siyang nagbabantay ng kanyang tahanan at hardin. Mahal na mahal niya ang asong ito. Sa paglipas ng maraming taon, ang aso ay namatay at siya ay nakadama ng labis na kalungkutan. Sinikap niyang ilibing ang naturang aso sa pinakamainam na paraan sa loob ng kanyang bakuran, sapagka't ito ay maaaring magbigay ng kapayapaan sa kanyang sarili dulot na rin ng kapighatiang kanyang nararamdaman. Subali't naging kakaiba ang paraan sa paglilibing ng taong ito sa kanyang alagang aso. Gumawa siya

192

ng isang altar sa pamamagitan ng mamahaling bato na yari sa alabastro at inilagay sa ibabaw ng libingan ng aso. Nagbayad siya ng malaking halaga sa isang mahusay na iskulptor (tagapagukit) upang iukit ang isang sanaysay na kanyang isinulat bilang pagpupugay sa kanyang alagang aso. Dinadalaw niya ito at nilalagyan ng bulalak tuwing umaga. Mabilis na lumipas ang maraming taon sa ganoong sitwasyon hanggang ang pananakop ng bansang Pransiya ay magwakas. At ang Pranseng ito ay nagpasyang bumalik sa sariling bayan upang doon gugulin ang mga nalalabing taon sa kanyang buhay. Kaya't ipinagbili niya ang naturang bahay sa isang mamamayan ng Arabian Maghreb at inihabilin ang pangangalaga sa kanyang kaibigang aso at siya ay bumalik sa kanilang bansa. Subali't ang bagong may-ari ng naturang bahay ay hindi namalagi roon at ito ay kanyang napabayaan ng maraming taon hanggang ang mga halaman ng naturang hardin ay masira. Ang bakod na yari sa bato ay bumagsak at ang kabuuan ng hardin ay tuluyan ng nawasak at naging bukas sa sinumang maaaring magdaan. Isang araw, isang tagaroon ang napadaan sa naturang bahay. Siya ay naglalakbay at naghahanap ng isang lugar upang kumain sapagka't matindi ang gutom na kanyang nadarama. Habang pinagmamasdan ang lumang bahay, kanyang napansing ito ay wala ng tanda ng anumang mapakikinabangan at ang bumagsak na bakod ang ginawa niyang daan upang makapasok sa loob ng bakuran. Minabuti niyang pumasok at magpahinga pansamantala sa naturang hardin sapagka't siya ay sadyang pagod at nakakaramdam na ng gutom. Sa kanyang pagpasok sa hardin, nakita niya ang isang libingan sa gitnang bahagi nito. Tinungo niya ang libingan at umupo siya sa tabi nito. Dito niya nakita ang ilang katagang Pranse na nakaukit sa alabastro. Hindi niya maunawaan ang kahulugan nito sapagka't kalimitan sa kanila ay nakapagsasalita ng salitang Pranse subali't hindi naman sila nakakabasa. Naisip niya kaagad na ang damdanang iyon ay para sa isang banal na tao. Minabuti niyang doon pansamantalang magpahinga. Inayos niya ang lugar at isa-isang tinanggal ang ilang bato na nakapaligid sa kanya upang kanyang matulugan. Habang ginagawa niya ito, napansin niya ang isang nakabuhol na panyolito. At nang ito ay kanyang buksan nakita niya ang ilang piraso ng tinapay, keso at kamatis. Dulot na rin ng matinding gutom, hindi na siya nagdalawang-isip pa at ito ay kaagad niyang kinain. Matapos siyang kumain, tumingin siya sa dambana at nanalangin: "Sa ngalan ng Allâh, ang aming banal na taong si Addayyaf ay kabilang sa Inyong mga himala." Kanilang

192

itinuturing na si Addayaf ay isang banal na tao at tumutulong sa mga manlalakbay kaya siya ay nanalangin kay Addayaf: "Kabilang sa iyong himala ay ang pagkalinga at pagpapakain mo sa akin nang ako ay makita mong nagugutom at napapagod sanhi ng aking paglalakbay, kaya naman ako ay nagpapasalamat sa iyo." Sa katunayan, ang pagkaing kanyang natagpuan ay maaaring naiwan ng isang magsasakang nagtatrabaho malapit sa lugar na iyon. Ang taong ito ay kumain at natulog pansamantala sa gilid ng libingan ng taong tinawag niyang banal – si Addayyaf. Matapos niyang magpahinga, siya ay bumangon at bago nagpatuloy sa kanyang paglalakbay, siya ay nanalangin sa kanyang Sheikh – ang banal na taong si Addayaf: "Aking panginoon at santo (Addayyaf), tinanggap mo ako bilang iyong panauhin at pinatulog mo ako malapit sa iyong dambana. At batid mong ako ay napapagod habang ako ay nasa iyong dambana. Kaya't binigyan mo ako ng lugar upang magpahinga at batid mong ako ay nagugutom kaya't binigyan mo ako ng pagkain. Kaya't ako ay lumalapit sa iyo upang ika'y maging aking tagapamagitan sa Allâh upang ako'y Kanyang patawarin, papasukin sa paraiso at pagkalooban ng salapi sa mundong ito at kasaganaan sa Kabilang Buhay." Ang taong ito ay nagpatuloy pa sa iba niyang mga kahilingan. Humihingi siya ng tulong sa iba maliban sa Allâh at ito ang naging sanhi upang siya ay maging isang politeista. Nang marating niya ang kanyang paroroonan, sinimulan niyang ibalita ang himalang naganap sa kanya sa pamamagitan ng kanyang itinuturing na banal na taong si Sheikh Addayyaf na naganap sa gilid ng kanyang dambana. Ang balitang iyon ay mabilis na lumaganap sa mga karatig bayan at sinimulan nilang dalawin ang naturang dambana at nananalangin kay Addayyaf upang pagkalooban din sila di-umano ng mga biyaya at pangangailangan. Ilang mapagsamantalang tao ang nakasaksi ng pangyayaring ito at nagpasyang samantalahin ang pagkakataon. Kanilang itinalaga ang kanilang mga sarili upang magsilbing tagapamahala ng naturang dambana at nagsimulang mangolekta ng pera mula sa mga walang-malay na naninirahan malapit sa dambana ng kanilang panginoong si Addayyaf. Nangongolekta sila ng bayad sa sinumang lalapit sa dambana at nagpasyang bilhin ang naturang lugar. Kaagad nilang hinanap ang may ari ng naturang lugar. Nang kanilang mabatid na pumanaw na ang may ari nito, kanilang hinanap ang malapit na kamag-anak nito na walang kaalaman tungkol sa kuwento ni Addayyaf. At matapos nilang bilhin ay nagpatayo kaagad sila ng malaking bobida (dome) sa ibabaw ng libing at nilagyan ng disenyo. Nilagyan

192

nila ng takip ang dambana at ang nakasulat dito ng telang seda na may iba't ibang kulay. Ang ibabaw ng dambana ay nilagyan nila ng isang pirasong bilog na kahoy at pinatungan ng sumbrero, at ang ibabaw ng sumbrero ay binalutan nila ng turban. Ang lahat ng ito ay inilagay upang makatawag-pansin sa mga inosenteng dumadalaw dito. Pagkaraan ng ilang panahon, ang tinaguriang dambana ni Addayyaf ay naging isang bantog na dalanginan hindi lamang ng mga walang-muwang na naninirahan sa paligid nito, bagkus ito ay mabilis na tinangkilik ng mga nakapag-aral mula sa iba't ibang lungsod na madaling malinlang. Maging ang mga manlalakbay na dumadalaw sa dambanang iyon ay gumugol ng salapi upang ayusing mabuti at matayuan ng beranda ang paligid. Nagkakatay din sila ng mga tupa at baka bilang pag-aalay kay Addayyaf. Hanggang ang mga manlolokong ito ay magtagumpay sa kanilang panlilinlang. Sa paglipas ng panahon, dinagdagan pa nila ng mga natatanging araw ng pagdiriwang. Nagtalaga sila ng petsa para sa kaarawan ng di-umano ay banal na taong si Addayaf. Magmula noon, libu-libong tao ang dumadalo mula sa malalayong lugar upang makiisa sa pagdiriwang ng kanyang kaarawaan at umaasang magkakamit ng mga himala. Ang kasamaan ay nangibabaw sa kanilang mga sarili upang ang lahat ng iyon ay maging makatotohanan. Kapag ang isang ginang ay hindi magkaanak, dumalaw siya sa dambana ni Addayyaf at nagaalay ng hayop. Umaasang sa pamamagitan ng pag-aalay, siya ay magkakaroon ng anak. At kapag pinangyari ng Allâh na magkaroon ng anak ang babaeng ito, kaagad nilang iniaakibat ang pangyayaring iyon sa kakayahan at himala na nagmula kay Addayyaf. Sa paglipas ng maraming taon, lalong nadaragdagan ang bilang ng mga naniniwala sa mga himala at kapangyarihan ng hayop na aso. Hanggang isang araw ang Pranseng dating nagmamay-ari ng naturang lugar ay magpasyang dalawing muli ang bansang Arabo kung saan siya nanirahan at gumugol ng maraming taon sa kanyang buhay. Kanyang pinanabikan ang pagdalaw sa dating tahanan kung saan hindi niya malilimutan ang matatamis na alaala sa kanyang buhay kapiling ng kanyang pinakamamahal na aso. Nang mga taong iyon siya ay 70 taong gulang na, subali't naaalala pa rin niya ang kanyang mga nakaraan. Kasama sa plano sa kanyang pagbabalik sa naturang bansa ay ang pagdalaw sa kanyang dating tirahan kung saan nakalagak ang libingan ng kaibigan aso. Pagdating niya rito, kaagad siyang kumuha ng taksi at nagtungo sa lugar kung saan nakatayo ang kanyang dating

192

bahay. Habang sila ay naglalakbay papunta sa dating tirahan, kaagad niyang napansin ang malaking pagbabago sa buong kapaligiran sa loob ng halos 30 taong nakalipas magmula nang siya ay bumalik sa kanyang sariling bayan. Nang siya ay malapit na sa kanyang dating bahay, hindi na niya ito makita sapagka't marami ng malalaking gusali at hotel ang nakapaligid sa naturang lugar. Kanya ring napag-alaman na ang dating liblib at malayong lugar na iyon ay naging masikip sa dami ng mga instrukturang nakapaligid. Nang siya ay lumabas mula sa sinasakyang taksi, lumakad siya papalapit sa dating tirahan. Dito ay kaagad niyang napansin na ang dating bahay na napapaligiran ng mga hardin ay naglaho na. At sa lugar na iyon ay nakita niya ang malaking bobida at ilang maliliit na gusali. Siya ay namangha kung paano at bakit ito nangyari. Nag-aalinlangan siya at inakalang naligaw dahil sa malaking pagbabago sa lugar at naisip pa niyang baka siya ay nagkamali ng lugar na pinuntahan. Wala siyang nagawa kundi ang tanungin na lamang ang taong nakaupo malapit sa malaking bobida upang bigyanglinaw ang kanyang mga katanungan. Kaagad siyang nakita ng isa sa mga bulaang tagapamahala at tinanong kung ano ang kanyang pakay. Sinabi niya na balak niyang tingnan ang lumang bahay na dating nakatirik sa lugar na iyon. Sinagot naman siya kaagad ng nasabing tagapamahala na dating may nakatayong bahay sa lugar na iyon na napaliligiran ng malaking hardin, subali't ang lahat ng iyon ay winasak na upang itayo ang dambana at malaking bobida para sa banal na taong si Addayyaf kung saan ang kanyang libingan ay natagpuan sa hardin. Giniba nila ang lumang bahay upang magtayo ng maliliit na bahay para sa mga tagapamahala at katulong ng naturang dambana ng banal na taong si Addayaf at ng kanyang pamilya. Makaraang matiyak niyang iyon ang mismong lugar na pinaglibingan ng kanyang aso, hindi niya ipinaalam ang bagay na iyon sa nagpakilalang tagapamahala ng naturang lugar. Minabuti niyang hingin ang pahintulot na makapasok sa loob upang matingnan ang dambana ni Addayyaf. Sa simula, hindi siya pinahintulutan ng tagapamahala sapagka't ang isang hindi Muslim ayon sa kanya ay hindi pinapayagang makapasok. Subali't nang kanyang lagyan ng Franks ang bulsa ng tagapamahala, hindi na ito nakatanggi at pinapasok na siya sa loob. Sa loob ay kanyang nakita ang isang kahon na nagagayakan ng pilak. Ang naturang lugar ay humahalimuyak sa taglay nitong bango at maraming mga naninirahan doon ang humahaplos sa naturang kahon upang di-umano ay makatanggap ng biyaya. Sila ay nananangis sa harap ng dambana habang

192

nagdarasal. Ang banyagang Pranses ay hindi malaman kung ano ang kanilang mga sinasabi. Sa loob ng kahon ay mayroong isang lapida na nababalutan ng kulay luntian at itim na telang seda. At sa ibabaw ng lapida ay mayroong isang bagay na tila baga leeg na nababalutan ng telang seda at sa ibabaw nito ay mayroong sumbrero at malaking kulay luntiang turban. Ang kanyang nakitang laki at sukat ng lapida ay akmang-akma sa sukat ng lapida ng kanyang aso. Kaya't siya ay nakasiguro na ang libingang iyon ay ang libingan ng kanyang kaibigang aso. Sa pagkakataong iyon, nilapitan niya ang tagapamahala dulot ng labis na pagkabalisa sa kanyang sarili sapagka't nais niyang malaman kung ano ang nasa loob ng kahon. Sinabi niya sa tagapamahala na gusto niyang makita kung ano ang nasa loob nito at sinabing: "Kapag pinahintulutan mo akong makita ang loob nito ay ibibigay ko sa iyo ang anumang iyong naisin." Ang tagapamahala ay nagwika ng ilang kataga na hindi niya naintindihan at nang isalin sa salitang Pranses, ito ang naging kahulugan: "Imposibleng ipakita ko sa iyo ang maselang bahagi (ari) ng sheikh. Kung ito ay iyong ipipilit sa akin, maaaring siya ay magalit at parurusahan niya tayo. Karagdagan pa di-umanong maaaring hanggang Pransiya ay dumanas siya ng parusa mula sa sheikh." Subali't hindi doon natapos ang pakiusap ng matandang dayuhan. Pinangakuan niya ito ng malaking halaga kapalit ng pagpapahintulot sa kanyang masaksihan ang loob ng kahon. Nang matunghayan ng nasabing tagapamahala ang malaking halaga ng pera, dali-dali silang lumabas upang ilihim ang kanilang pag-uusap. Sinabi ng tagapamahala na tatanggapin niya ang pera upang ilagay sa kahon ng mga donasyon upang makatulong sa mga di-umano ay mahihirap at nangangailangan. "Tinatanggap ko ang iyong kahilingan subali't hindi mo maaaring gawin ito ngayon. Bumalik ka na lamang dito mamayang hating-gabi. Sapagka't sa oras na iyon ang lahat ay maaaring tulog na at walang sinuman ang dumadalaw sa ganoong oras. Bibigyan kita ng pagkakataong makapasok sa loob ng kahon upang makita mo kung ano ang tinatakluban nito." Pagsapit ng hating-gabi bumalik siya at kanyang natuklasang naghihintay na sa loob ng nakakandadong pintuan ang tagapamahala nito. Mayroon silang kandila at lamparang gamit ay langis. Tiniyak muna ng tagapamahala na walang sinumang naroon na maaaring makakita sa kanila. Nang makatiyak na walang sinuman ang naroroon liban sa kanilang dalawa, isinarado niya ang pintuan sa kanilang likod at binuksan ang kahon. At inalis niya ang takip upang masaksihan ng dayuhan kung ano ang nasa sa loob nito. Nagulat pa ang dayuhang Pranses nang kanyang masaksihang ang libingan ng kanyang aso

192

ang nasa likod ng takip na yaon na kanyang inihanda maraming taon na ang nakalipas. Sa isang gilid ng lapida ay malinaw pa ang kanyang sinulat para sa kanyang pinakamamahal na aso. Makaraang kanyang makamtan ang kanyang pakay, hindi niya ito sinabi sa katiwala, bagkus ay tahimik niyang nilisan ang pook na iyon at nagtuloy sa kapitolyo ng Maghreb. Ilang araw ang lumipas, isang umaga sa pahayagan ng Maghreb, nagpalabas ang taong ito ng sumusunod na pahayag sa unahang pahina ng pahayagan: MAKARAAN ANG 30 TAON, ISANG DAYUHANG PRANSES ANG DUMATING SA BANSA UPANG DALAWIN ANG DATING LIBING NG KANYANG ASO, AT NATUKLASANG ITO AY NAGING DAMBANA NG BANAL NA TAONG SI ADDAYYAF. SINIKAP NG PRANSES NA ITO NA BUKSAN ANG LIBINGAN UPANG KUNIN ANG NALALABING ABO NG KANYANG ASO UPANG DALHIN PABALIK SA KANILANG BAYAN. HINILING NIYA SA MGA OTORIDAD NA BUKSAN ANG LIBINGAN AT PANANAGUTAN NIYA KUNG WALANG MATATAGPUANG LABI NG BUTO NG ASO SA LOOB NITO. Sumambulat na tila isang bomba ang iskandalong iyon sa buong Maghreb at nagtalaga ang ilang ahensya ng pamahalaan ng isang komite upang imbestigahan ang naturang paratang. Tinungo nila kasama ang Pranses ang naturang dambana ni Addayyaf at binuksan ito. Laking-gulat ng lahat nang kanilang makita ang mga labi ng isang patay na aso at walang anumang palatandaan ng katawan ng tao. Naghatid ito ng malagim na balita para sa daan-libong mga tao na matagal nang naniniwala sa mga biyaya at himala ni Addayyaf. Kanilang nalaman na ang lahat ng kanilang ginawang mga panalangin ay para sa isang 'aso' lamang. Kaya't nagsagawa ang mga otoridad ng isang imbestigasyon upang alamin kung sino ang nasa likod ng mga pakulo at panlolokong iyon at kung sino ang nagpatayo ng bobido sa isang libingan ng aso. Ang psychological shock na ito ay naging babala sa mga tao sa buong kapuluan ng Arabia upang palitan ang kanilang konsepto tungkol sa mga dambana at sa banal na tao. Subali't malaking pinsala ang naging bunga nito sa relihiyong Islam. Isang pangyayari na hindi kaagad nagwakas sa pagkakataon iyon.

192

Makaraang ang Pranses na ito ay bumalik sa kanyang bansa, kanyang inilahad ang kasaysayang ito sa isang pahayagan. Kaagad namang nagpalabas ang pahayagang ito ng mga artikulo na tumutuligsa sa Islam at sa mga Muslim na di-umano ay nananalangin sa Allâh sa pamamagitan ng isang aso. Ang pangyayaring iyon ang naging daan upang tuligsain at ilabas muli ang dating makamandag na paninira at maling puna laban sa Islam at sa mga Muslim. Ang kamangmangan sa pananampalataya at ang maling paniniwala ng ilan sa ating mga kapatid ang dahilan ng lahat ng ito. Kaugnay nito, ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: Sila yaong ipinagpalit ang kamalian sa patnubay, kaya't ang kanilang kalakal ay walang kapakinabangan at sila ay nawalan ng patnubay. (Al-Baqarah-2:16) (Ito ang wakas ng kuwento ni Sheikh Addayyaf) Habang sinusulat ko ang aklat na ito sa mga unang araw ng Muharram 1422 A.H. – Abril 2002, aking natunghayan sa isang nagbabalita mula sa BBC newscast ang tungkol sa tatlumpu't anim na kataong namatay. Ang ilan sa kanila'y nasugatan habang nagkakagulo at nagsisiksikan sa harap ng isang dambana sa isang lugar sa bansang Pakistan. Nais kong ipaabot sa mambabasa na ito ay hindi isang puna kaugnay ng balitang nabanggit, maliban lamang na nais kong manalangin sa Allâh – ang Makapangyarihan na gabayan ang pamayanan ni Propeta Muhammad sa tamang landas. Sanhi nito ang Sufism ay maituturing na isang bulok na sistemang tumutubo mula sa isang bagong pinagsama-samang kasinungalingan. Isa sa mga nakaraang pantas ng relihiyon ang nagsabi: "Ang bagong pamamaraan na salungat sa tunay na Aral ng Islam ay nagdudulot sa tao upang makagawa nang dahandahan at maliit hanggang umabot sa malaking dahilan upang ang isang tao ay mawalay sa kanyang relihiyon tulad ng buhok na inalis mula sa masa ng tuluyan." Tanging ang isang matalinong tao lamang ang maaaring makaunawa sa kasamaang dulot ng mga bagong gawaing ito. Silang mga naniniwala at nagsasabuhay ng mga bagong gawaing ito, sila yaong mga tumatahak sa landas ng kadiliman. Inilarawan sila ng Allâh – ang Makapangyarihan ayon sa Kanyang sinabi: ...At siya na hindi ginawaran ng Allâh ng liwanag, sa kanya ay walang magiging liwanag. (Al-Nur-24:40)

192

Ang simula ng mga bagong pamamaraang lihis sa aral at Sunnah ng Propeta ay nagmula pa noong kanyang kapanahunan. Sa isang Hadith na inulat ni Anas (nawa'y kalugdan siya ng Allâh): "Tatlong kalalakihan ang nagtungo sa bahay ni Propeta Muhammad at nagtanong kung paano nila isasagawa ang pagsamba sa Allâh. Nang ito ay kanilang malaman, inakala nilang ang kanilang paraan ng pagsamba ay hindi sapat. Kaya't sila'y nagsabi: "Kami ay higit na hindi karapat-dapat kaysa sa Propeta , sapagka't pinatatawad ng Allâh ang kanyang mga kamalian at ganoon din ang mga darating pa." Isa sa kanila ay nagsabi: "Para sa akin, gugugulin ko ang buong magdamag sa pagdarasal." Ang isa naman ay nagwika ng ganito: "Ako ay mag-aayuno araw-araw at hindi ko puputulin ang aking pag-aayuno." Ang ikatlo naman ay nagpahayag ng ganito: "Ako ay lalayo sa mga babae at hindi ako mag-aasawa." Si Propeta Muhammad ay lumapit sa kanila at siya ay nagsabi: "Kayo ba ang mga nagsasabi ng ganito at ganoon? Ako ay sumusumpa sa Allâh na ako ang nagtataglay ng tunay na takot sa Allâh at ang pinakamatuwid sa sinuman sa inyo. Subali't ako ay nagaayuno kung minsan at pinuputol ko ang aking pag-aayuno kung minsan. Ako ay nagdarasal sa gabi kung minsan at natutulog sa ibang pagkakataon at ako ay nagpakasal sa kababaihan. Siya na siyang nagtakwil ng aking Sunnah ay siyang hindi naniniwala sa akin. (Muslim) Ang Hadith na ito ay babala sa mga nangaliligaw ng malayo sa kanilang relihiyon hanggang sila ay mahulog sa panganib na dulot ng mga bagong katuruan. Sila yaong mga gumamit sa kanilang relihiyon ng mga ritwal sa pamamagitan ng salita at gawa na salungat sa Sunnah ni Propeta Muhammad . Kanyang binigyang-linaw na ang lahat ng kanyang iniwan sa atin upang pamarisan ay sadyang malinaw na ang katulad ng dilim sa gabi ay ang liwanag ng araw. Ang ginawang dahilan ng mga gumagawa ng Bid'ah na hatid ng ilang taong sumasalungat sa kahulugan ng relihiyon pagkaraan ng kamatayan ni Propeta Muhammad ay upang sila di-umano ay mapalapit sa Allâh. Subali't kailanma'y hindi ito ipinag-utos ni Propeta Muhammad , o sinang-ayunan ng kanyang mga Kasamahan (nawa'y kalugdan sila ng Allâh). Idagdag pa nating sa relihiyon ay may mga mabuting bagong katuruan gayundin sa kabila nito ay mayroong masamang bagong katuruan. Subali't anumang karagdagan sa ating relihiyon ay hindi katanggap-tanggap ayon sa sinabi ni Propeta

192

Muhammad : "Siya na nagdagdag sa ating relihiyon ng (Bid'ah) bagay na hindi nabibilang dito, ito ay hindi tatanggapin." Malinaw sa sinabi ni Propeta Muhammad na hindi tatanggapin sa sinuman ang anumang mabuti at masamang bagong katuruan sa kanyang pananampalataya, sapagka't hindi nila nauunawaang mabuti ang pamamaraan ng propeta, kaya't ito ay kanyang sinabi: "Siya na nakapagtala ng mabuting gawain sa Islam ay magkakamit ng biyaya mula rito at ang biyaya ng lahat ng mga sumusunod sa kanya, nang walang anumang katiting na mababawas sa kanyang sariling gantimpala. At siya na nakapagtala ng masamang gawain ay mapaparusahan mula rito gayundin ang lahat ng mga sumusunod sa kanya, na walang makapagpapagaan kahit katiting sa kanyang sariling parusa." Sa Hadith na ito ipinaliwanag ang tungkol sa mabuti at masamang gawain at hindi ang tungkol sa mabuting bagong katuruan at kasalungat nito. Ang pagpapaliwanag sa Hadith na ito ay naganap makaraang isang delegasyon ang dumating na nagmula (Muddar – isang tribung Arabo) sa isang lugar sa Al-Madinah. Nang makita ni Propeta Muhammad kung gaano ang kanilang kahirapan, ang kanyang mukha ay nagbago at siya ay nagwika: "Sinumang magbigay sa kanila ng kawanggawa mula sa kanyang Dinar, Dirham, mga damit, trigo, datiles at iba pa, hanggang kanyang sabihin: "O 'di kaya'y kahit kalahating datiles lamang." Sa oras ding iyon, isang lalaki mula sa Al-Ansar ang nagdala ng napakabigat na bigkis ng sari-saring bagay na mapapakinabangan. Makaraang ito'y kanyang gawin, maraming tao ang nag-unahan upang magbigay ng kanyakanyang kawanggawa. At sa huli umabot ito sa dalawang bunton ng mga damit at pagkain. Sa pagkakataong iyon, nasiyahan si Propeta Muhammad at kanyang binigkas ang naturang Hadith." (Muslim) Ito ay nagpapakita ng kaibahan sa pagitan ng mabuting gawain at masamang gawain. Ang mabuting gawain ay laging nasa hangganan ng mga kautusang nagmula sa Allâh at sa Sunnah ni Propeta Muhammad ayon sa pagpapaliwanag: "Sinumang manawagan ng patnubay ay makatatanggap ng biyaya tulad ng sa sinumang sumunod sa kanya ng walang pagbabawas ni katiting sa kanilang mga biyaya. At sinumang manawagan sa masamang gawain ay mananagot sa mga kasalanan sa lahat ng sumunod sa kanya na walang pagbabawas ni katiting sa kanilang kasalanan." (Muslim) Sinabi pa ni Propeta Muhammad : "Sinumang maggabay sa tao sa kabutihan ay

192

makatatanggap ng magkatulad na biyaya tulad ng sinumang gumawa nito." (Muslim) Ang pag-anyaya o pag-akay sa sinuman sa masamang gawain ay katulad ng pagtawag ng isang kaibigan para uminom ng nakalalasing na inumin, pagsusugal o pangangalunya na ipinagbawal ng Allâh. Lahat ng kasalanang ito ay walang kaugnayan sa Bid'ah (bagong pamamaraan na lihis sa aral ng Qur'an at Sunnah ng Sugo ng Allâh), sapagka't ang Bid'ah sa relihiyon ay nagtuturo ng mga bagong ritwal maliban sa mga bagay na ipinag-utos ng Allâh – ang Makapangyarihan at ng Kanyang propeta na si Propeta Muhammad . Kaya't ang Bid'ah, mabuti man o masama ay sumasalungat sa Batas ng Islam na ipinatupad ng Allâh – ang Makapangyarihan at ng Kanyang propeta na si Propeta Muhammad . Ang Bid'ah ay mananatiling karagdagang pagbabago sa gawaing pangrelihiyon gaano man ang pinsala nito sa ating pananampalataya. Dahil dito ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nagsabi: Sabihin (O Muhammad sa sangkatauhan): Kung tunay nga na minamahal ninyo ang Allâh, magkagayon sundin ninyo ako (tanggapin ang Kaisahan ng Allâh, sundin ang Banal na Qur'an at ang Sunnah ni Propeta Muhammad ), mamahalin kayo ng Allâh at patatawarin kayo sa inyong mga kasalanan. At ang Allâh ay Ganap na Mapagpatawad – ang Mahabagin.
(Al-Imran-3:31)

Nilinaw ng Allâh ang Kanyang babala laban sa mga pagbabago mula sa Sunnah ni Propeta Muhammad at ang Allâh ay nagsabi: Katotohanan, mula sa Sugo ng Allâh (Propeta Muhammad ) ay mayroon para sa inyo na isang mabuting halimbawa upang sundin ng sinuman na umaasa sa Pakikipagtipan sa Allâh at sa Huling Araw, at nag-aalaala sa Allâh ng labis. (Al-Ahzab33:21)

Dagdag pa ng Allâh: At hayaan yaong mga sumasalungat sa kautusan ng Sugo at mag-ingat, maaaring ang Fitnah ay mahulog sa kanila o ang isang mahapding parusa ay ipadama sa kanila. (An-Nur24:63)

Sa iba pang talata ng Banal na Qur'an:

192

...At katotohanang marami ang umaakay sa sangkatauhan sa pamamagitan ng kanilang sariling pagnanasa sanhi ng kawalan ng kaalaman. Katiyakan, talastas ng inyong Panginoon ang mga lumalabag. (Al-An'am-6:119) Ang babala ng Allâh ay ipinaabot din sa mga talatang ito: At sa karamihan ng tao ay mayroong nakikipagtalo tungkol sa Allâh ng walang sapat na kaalaman o patnubay, o ng isang Aklat na nagbibigay ng liwanag mula sa Allâh. Taas ang kanyang leeg sa kapalaluan na sadyang malayo sa Landas ng Allâh at namumuno sa iba upang lalong maligaw ng malayo mula sa Landas ng Allâh. Sa kanya ay mayroong kahihiyan sa mundong ito at sa Araw ng Pagbabangong Muli. Aming ipalalasap sa kanya ang sakit ng parusa ng Apoy na nagliliyab. Ito ay dulot sa ginawa ng iyong mga kamay, at katotohanan, ang Allâh ay makatarungan sa Kanyang mga alipin. (Al-Hajj22:8-10)

Sa ating patuloy na pagtataguyod ng kabutihan at pag-iwas sa masasamang gawain, halina't ating pag-aralan ang ilang Hadith ni Propeta Muhammad na ipinaliwanag ng mga Pantas sa Islam na tumatalakay sa usapin ng pagkaligaw mula sa mga Sunnah ni Propeta Muhammad . Ang mga Hadith na ito ay nagpapaalala sa mga nangaligaw ng landas laban sa Parusa ng Allâh at ang iba ay ang pangakong biyaya mula sa Allâh para sa mga nananangan sa Sunnah ni Propeta Muhammad .

Iniulat ni Ibn 'Abbas (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) na si Propeta Muhammad ay nagwika: "Siya na nananangan sa aking pamamaraan sa panahon na ang aking pamayanan ay sinasalanta ng kabulukan ay makatatanggap ng biyaya tulad ng isandaang martir." Inulat ni Anas Bin Malik (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) na si Propeta Muhammad ay nagwika: "Hindi tinatanggap ng Allâh ang pagpapakasakit ng sinumang sumusunod sa Bid'ah hangga't hindi niya iwan o talikdan ang mga ito." Ang Propeta ay nagwika: "Hindi tatanggapin ng Allâh ang pag-aayuno, pagdarasal, Hajj, Umrah, kawanggawa o pag-aalay mula sa kanya kung siya ay malayo sa tamang katuruan ng Islam tulad ng buhok na inalis sa arina (masa)."

192

Sa isa pang Hadith na sinabi ni Propeta Muhammad : "Ang mga pamayanang nauna sa inyo ay nasadlak sa kapahamakan sapagka't nagtanong sila sa kanilang mga Propeta ng maraming katanungan at hindi sumunod sa kanilang mga yapak. Kaya naman, iwasan ang anumang bagay na ipinagbabawal ko sa inyo at sundin ang anumang aking ipinag-utos sa abot ng inyong makakaya." Si Abdullah Bin Mas'ud (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) ay nagsabi: "Isang araw si Propeta Muhammad ay gumuhit ng isang linya at sinabi sa amin, 'Ito ang Landas ng Allâh.' At gumuhit muli ng isa pang linya sa kanan at sa kaliwa ng naunang linya. At nagsabi: 'Sa bawa't sanga ng mga landas na ito ay mayroong Demonyo na nag-aanyaya sa tao." At si Propeta Muhammad Banal na Qur'an: ay bumasa ng talata mula sa

At katotohanan, ito ang Aking Tamang Landas, kaya't sundan ito at huwag sundan ang ibang landas, sapagka't sila ay makapaghihiwalay sa inyo mula sa Kanyang Landas. Ito ay Kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo'y maging Al-Muttaqun (ang matuwid – tingnan ang V-2:2) (Al-An'am-6:153)

Ilan sa mga Kasamahan ni Propeta Muhammad ang nagsabi: Kami ay nakaupo sa gilid ng pinto ng bahay ni Abdullah Ibn Mas'ud sapagka't siya ay aming hinihintay upang makasabay sa paglalakad patungo sa Masjid bago sumapit ang pagdarasal ng Duhor. Nang oras ding iyon, si Abu Musa Al Ash'ary ay dumating at nagtanong: 'Dumating na ba si Abu Abdul-Rahman?' Aming sinabi: 'Hindi pa!' At siya ay umupo na rin sa gilid namin hanggang si Abdullah ay lumabas mula sa kanyang bahay at amin siyang nilapitan. Unang lumapit si Abu Musa at nagtanong sa kanya: 'O Abu Abdul-Rahman! Nakakita ako ng isang bagay sa Masjid na hindi katanggap-tanggap sa akin.' Bagama't ang aking nakita ay walang iba kundi isang mabuting bagay, salamat sa Allâh. Tinanong siya ni Abdullah: 'Ano ang iyong nakita?' Sumagot si Abu Musa: 'Nakita ko ang ilang taong nakaupo sa loob ng Masjid na naghihintay ng tawag ng pagdarasal habang nakapaikot at mayroong hawak na maliliit na bato sa kanilang mga kamay.'

192

Bawa't bilog ay may taong nag-uutos sa kanila na magsabi ng isandaang 'Allâhu-Akbar' at kanilang sinusunod. At muling nag-utos sa kanila na magsabi ng Hallelu ng isandaang beses, sa muli ay sinunod nila ang nag-utos at muli sinabi sa kanila, purihin ang Allâh ng isandaang beses at kanilan rin itong sinunod.' Si Abdullah ay nagtanong sa kanila: 'Ano ang iyong sinabi sa kanila?' Sumagot si Abu Musa: 'Hindi ako nagsabi ng anuman hangga't hindi ko naririnig ang iyong opinyon tungkol dito.' Sa pagkakataong iyon sinabi ni Abdullah: 'Pakisabi mo sa kanila na bilangin na lamang nila ang kanilang mga kasalanan at sila ay hindi mawawalan ng alinman sa kanilang mga gantimpala.' Si Abdullah ay tumuloy sa Masjid kasabay ng kanyang mga kasamahan. Nilapitan niya ang isa sa nakapalibot at kanyang kinausap: 'Ano ang inyong ginagawa?' Sila ay sumagot: 'O Abu Abdul-Rahman! Itong mga batong ito ay nakatutulong sa amin kung ilang beses naming sinabi ang: Attakbeer, Attahleel, Attasbeeh,' sinagot sila ni Abdullah: 'Makabubuting bilangin ninyo ang inyong mga kasalanan at tinitiyak ko sa inyo na hindi kayo pagkakaitan ng anumang biyaya ng Allâh. Kasawian sa inyong mga kasapi sa pamayanan ni Muhammad . Kay bilis ng inyong pagkawasak, samantalang nasa sa inyo pa ang mga Kasamahan ng Propeta . Ang mga damit ni Propeta Muhammad ay hindi pa kumukupas at ang kanyang dating upuan ay hindi pa nasisira. Malibang nakatagpo kayo ng inyong pananampalataya na mas mainam kaysa sa kay Propeta Muhammad o 'di kaya kayo ay nagpasimula ng Bid'ah (pagbabago) tungo sa pagkaligaw.' Pagkaraang ito ay kanilang marinig, sila ay nagsabi: 'Sa ngalan ng Allâh, Abu Abdul-Rahman wala kaming inisip kundi para sa Kabutihan.' Kaya't kanyang sinabi sa kanila: 'Hindi lahat ng hangarin ay makatatanggap ng Kabutihan.' Si Propeta Muhammad ay minsang nagsabi sa atin: "May ilang tao ang nagbabasa ng Banal na Qur'an subali't hindi ito tumatagos sa kanilang mga lalamunan." 'Ako ay sumusumpa sa Ngalan ng Allâh na karamihan sa kanila ay nabibilang sa inyo.' At iniwan sila ni Abdullah. Si Amr Ibn Salama ay nagsabi: 'Karamihan sa mga taong nakaupo sa palibot na iyon ay nakipaglaban sa mga Khawarif laban sa atin sa Digmaan ng Annhrawan.'

192

Sa aklat ni Ashatby na pinamagatang "Al-Eattesam" ay binanggit niya ang sinabi ni Ibn Habeeb na inulat ni AlMagshoon: "Aking narinig si Malik na minsa'y nagsabi: Sinuman ang magdala ng mga pagbabago (Bid'ah) sa Islam at sabihing ito ay mabuti, inaakusahan niya si Propeta Muhammad ng panlilinlang." Bilang patunay, ito ang sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan: Sa araw na ito ay ginawa Kong ganap ang inyong relihiyon para sa inyo... (Al-Maidah-5:3)

Maging si Ibn Taymiyya (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) ay nagsabi: "Anumang ritwal na pangrelihiyon ay nararapat na ibatay sa Batas ng Islam (Shariah) at sa Sunnah ng Propeta at hindi sa anumang bagong katuruan (Bid'ah), sapagka't ang Islam ay nakasalalay sa dalawang panuntunan."

Makaraang banggitin ang mga bagay tungkol sa (Bid'ah) pagbabago sa relihiyong Islam, nakalulungkot na sa loob ng nakaraang mga dekada ay marami pa ring (Bid'ah) bagong katuruan ang idinagdag sa ating relihiyon. Ito ang nagligaw sa mga mangmang at sa mga hindi pinahalagahan ang pag-aaral ng tamang katuruan sa kanilang pananampalataya. Silang mga nagpalaganap ng bagong katuruan ay may layuning sirain at dungisan ang Islam. Ang mga nakabasa ng kasaysayan ng Islam ay mapupunang sa mga panahong yaon ang mga (Bid'ah) bagong katuruan ay nagmula sa masama tungo sa mas higit pang kasamaan at nagtala ng pangamba sa Islamikong paniniwala. Karagdagan pa rito, silang mga sumunod sa mga bagong katuruang ito ay napadpad sa kalaliman ng kawalan ng pananampalataya na siyang ipinagbabawal ng Allâh. Ang mga bagong katuruang ito ay nagbunga ng pagpapakita ng suporta sa maraming nakasisirang mga sekta na nagmula sa mga Khawarij, Shites, Al Sabaeyya, Al Mutakallema at Al Ismailiyya. Marami pang nagsulputang maliliit na sekta tulad ng Al Qaramita, Al Hashashon, Al Fatimiya, Al Bahara, Al Aghakhaniyya, Al Nusairiyya at Al Durziyya, lahat ng ito ay nagmula sa Al Ismailiyya. Ito ay bukod pa sa kasalukuyang mga sekta tulad ng Al Qadyaniyya, Al Babiyya, Al Baha'eia, Al Kamiliyya, Al Rifa'iyya, Al Khattabiyya, Al Qadiriyya, Al Jilaniyya, Al Tiganiyya, Al Shazliyya at Al Disouqiya.

192

Ang pagbabago at iba't ibang sektang sumibol sa ilalim ng Relihiyong Islam at sa Islamikong pamayanan sa pangkalahatan na lumaganap mula Kanluran na umabot sa Timog-silangan Asya ay mga balaking isinulong ng Zionism at Internatinal Masonry. Sa bansang Europa, isang halimbawa, kapag ang isang Islamikong samahan na sumusunod sa panuntunan ng relihiyon ang humingi ng permisong magtayo ng Masjid sa lungsod, lahat ng pagbabawal at balakid ay kanilang makakamtan. Samantalang kapag ang permisong ito ay kinailangan ng isa sa mga naliligaw na sekta tulad halimbawa ng Al Baha'eia, Al Babiyya o Al Qadyaniyya, hindi lamang sila pinagkakalooban ng pahintulot bagkus ay nakakamtan pa nila ang lahat ng maaaring kailanganin sa pagtatayo ng nasabing Masjid. Karagdagan pa rito na sila ay pangangalagaan ng bansang Europa laban sa panatikong mga Muslim at anti-Muslim Zionist. Nasaksihan ko mismo ang naturang mga kaganapang iyon noong ako ay nasa bansang Europa. Kapag ang isang naligaw na Muslim na manunulat ang nang-insulto sa mga Muslim sa isa sa kanyang mga aklat at nagpahayag ng hindi paggalang kay Propeta Muhammad , kaagad nila itong inilalathala sa iba't ibang salita at ipinamamahagi sa buong mundo. Makakatanggap pa ng kaukulang parangal ang naturang manunulat at pagkakalooban ng mataas na pagkilala bilang kanyang gantimpala. Katunayan, ito ang naganap sa isang kaso ng isang animo'y demonyong baboy na si Salman Rushdi at ilang Arabong manunulat na hindi na pinangalanan. Lahat ng ito ay nakapaloob sa mahalagang katanungan: "Bakit ang mga krusadang tulad ng Masonry at Zionism ay tumutulong sa lahat ng mga nangaligaw at nangalihis na Muslim?" Makaraan ang Islamikong pananakop na nagsimula sa panahon ni Propeta Muhammad at ipinagpatuloy ni Abu Bakr at sinundan ni Omar Ibnul-Khattab (nawa'y kalugdan sila ng Allâh), na nagpatuloy at lumawak sa panahon ng Ummayad at Abbasyde Caliphates hanggang ang Emperyong Islamiko ay kumalat sa baybaying bahagi ng Europa, Russia at silangang bahagi ng Tsina, India at Indonesia at sa ilang mga bansa sa timog-hilaga at sa pagitan ng bansang Aprika. Ang pananakop na ito ay naging daan upang magwakas ang pamumuno ng Persian at Roman Empire. Nang mga panahong iyon, sila ang mga makapangyarihan at nagpapalakad ng buong mundo. Napag-alaman ng mga krusadang ito na ang kapangyarihan ng mga Muslim ay hindi nakasalalay sa kanilang bilang, sapagka't sila ay higit na kakaunti kung ikukumpara sa kanilang mga

192

nagapi sa lahat ng labanan. Ang dahilan sa pagkapanalo ng mga Muslim ay ang kanilang matatag na pananampalataya sa Islam at kanilang pagsunod sa Banal na Qur'an at sa Sunnah ni Propeta Muhammad . Kaya't ang mga krusadang nabanggit ay hindi naniwalang magagapi nila ang mga Muslim sa isang normal na digmaan. Bagkus, kanilang inakala na ang ilang nakakubling bagay na hindi tuwirang nakaugnay sa mga Muslim sa kanilang relihiyon – ang pinagmulan ng kanilang lakas at kapangyarihan upang ang kanilang mga plano ay magtagumpay. Ang mga kumalaban sa Islam ay nagmula mismo sa mga naunang bansa ng Islam ayon sa aklat ng kasaysayan. Ang mga Muslim sa panahong iyon ay inilarawan ng ganito sa Banal ng Qur'an: At sundin ninyo ang Allâh at ang Kanyang Sugo, at huwag kayong makipagtalo sa isa't isa baka kayo ay mawalan ng tapang at ang inyong lakas ay mapawi at laging maging matiisin. Katiyakan, ang Allâh ay nananatili sa mga AsSabirun (matiisin). (Al Anfal-8:46) Ito ang mismong nangyari sa Andalusia, kung saan ang mga Muslim ay namayani sa bansang Espanya at Portugal sa loob ng halos 800 daang taon. Nang ang mga krusadang ito ay magsimulang maghasik ng hidwaan upang magkahiwa-hiwalay ang mga Muslim, ang bawa't pinuno (Emir) ay nagkanya-kanya ng lungsod at ipinailalim sa sariling pamamalakad at pinalawak pa ng mga krusadang ito ang di-pagkakaintindihan sa loob ng kanilang pamamahala. Sila ay naglaban-laban hanggang ang kanilang mga armas ay halos maubos. Sa pagkakataong iyon, doon nagsama-sama ang mga krusadang ito at inatake ang kanilang mga kaharian. Kanilang ginawang alipin ang mga kalalakihan, kababaihan at mga bata. Ang ilang mga nakaligtas ay tumakas patungo sa baybayin ng Aprika – na mas kilala sa kasalukuyan bilang bansang Maghreb. Pagkaraan ng masalimuot na mga kaganapang iyon, ang mga Arabo ay nagsisi sa kanilang di-pagkakaunawaan at tinawag nila ang Andalusia na isang "Naglahong Paraiso." Katunayan ang paraisong ito ay nananatiling nawawala hanggang sa kasalukuyan. Subali't hindi pa rin tayo natuto sa mga nangyari. Sa kasalukuyan, ang hindi pagkakaunawaan at pagkakaiba ay laganap pa rin sa mga Arabo at sa mga bansang Muslim. Ito ang kinasapitan ng pagpapabaya ng mga Muslim sa kanilang pamayanan. Sa ngayon, ang Hadith ni Propeta Muhammad ay nagkatotoo: "Mangyayari na ang mga pamayanan ay magsasama-sama saan mang lugar laban sa inyong mga Muslim tulad ng mga gutom na nakapalibot sa pinggan na

192

puno ng pagkain. At si Propeta Muhammad ay tinanong: "Kami bang mga Muslim ay kanilang mamaliitin, Sugo ng Allâh?" Sumagot si Propeta Muhammad : "Hindi!, subali't kayo ay mawawalan ng halaga tulad ng mga lumulutanglutang sa dumadaloy na baha. Ang kahinaan ang mamamayani sa inyong mga puso at ang takot ay aalisin sa puso ng inyong mga kalaban, sapagka't higit na mamahalin ninyo ang makamundong bagay at kamumuhian ninyo ang kamatayan." Katunayan, ito ang nangyayari ngayon sa ating mga sarili sanhi ng ating mga ginawa kaugnay ng ating pagmamahal sa mga makamundong bagay at sa ating 'di pagkakaunawaan at kapabayaan. Ang mga mapagsamantala at mga hindi mananampalataya ay nagtipon-tipon laban sa atin. Ang mga Hudyo bagama't nahigitan natin ang kanilang bilang ay tinanggalan ng Allâh ng takot ang kanilang mga puso laban sa atin. Kaya't kanilang sapilitang inagaw ang ating mga ari-arian at sinakop ang ating mga lupain. Kanilang ipinagpatuloy ang pananakop habang tayo ay nananatiling may takot at walang kakayahan upang ipagtanggol ang ating mga sarili. Bakit? Ito ay sanhi ng ating kahinaan sa pananampalataya at ang labis na pagmamahal sa mga makamundong bagay. Ang ating mga pamayanan ay nagmistulang kabit-kabit na mga kasalanan at ang mga Muslim ay walang kakayahang ilarawan kung ano ang tama at kung ano ang mali, kung ano ang pinahihintulutan at kung ano ang ipinagbabawal, kung ano ang nauukol sa pananampalataya at ang Sunnah ni Propeta Muhammad , at kung ano ang nauukol sa mga bagong katuruan. Pinabayaan at kinalimutan nating mga Muslim ang ating pagdarasal. Karagdagan pang tayo ay naging alipin ng ating sariling pagnanasa at mga hangarin. Sa kasalukuyan, ang mga Muslim ay nasasangkot sa mga patubuan at walang sapat na kaalaman na ito ay patubuan. Ang ilang mga Muslim ay hindi nagbabayad ng itinakdang kawanggawa (Zakat) at lumalabag sa mga banal na pamantayan sa tahanan, sa mga lansangan, sa telebisyon, sa mga satellite channels at sa Internet. Sa kabaligtaran, tinawag natin itong kalayaan, pag-asenso at pagunlad, subali't ang lahat ng ito ay nagmula sa mapanlinlang na Demonyo na hinayaan nating manguna sa ating araw-araw na pamumuhay. Sa katunayan, ang lahat ng ito ay paninira sa pamantayan ng moralidad at matayog na prinsipyo ng Islam. Sa ating patuloy na pagsasabuhay ng maling gawaing ito at hindi natin sisimulang baguhin ang ating mga sariling nalugmok na sa kasalanan, tayong mga Musim ay patungo sa malalim na pagkaligaw sa pananampalataya na maghahatid sa ating

192

kasawian sa buhay sa mundong ito at higit sa lahat – sa Kabilang Buhay. Ating alamin ang dahilan ng ating pagkawasak at dipagkakaunawaan mula sa isang pamayanan sa panahon ng Umayyad at Abbaside. Tayo ay nagmula sa isang pamayanan lamang hanggang ang emperyong Ottoman ay bumagsak tulad ng naganap sa Andalusia at tayo ay nahati sa maraming mga nasyon at maliit na mga bansa. Kung ating aalamin ang mga dahilan sa likod nang ating pagkawasak, ating matutuklasang ang lahat ng ito ay dulot ng tradisyonal na kaaway ng Islam – ang mga krusada, ang mga Masonic at Zionist. Sila ang dahilan sa pagbagsak ng emperyong Ottoman at naghasik ng hidwaan at hindi pagkakaunawaan sa mga Muslim, hanggang magkahiwahiwalay ang pamayanang Islamiko na humantong sa mga maliliit na bansa. Karagdagan pang ang ibang Muslim ay tinalikdan ang mga batas mula sa Banal na Qur'an at tinularan ang batas na nagmula sa mga Pranses at Ingles. Ngayon ang tamang pagkakataon upang ating gawing halimbawa ang mga naganap sa nakaraan at gumising sa pagkatulog bago maging huli ang lahat. Hindi ba ito ang tamang oras upang sundin ang Batas ng Allâh at ang Kanyang Banal na Kautusan na naaayon sa Kanyang sinabi: At lahat kayo ay sama-samang tumangan nang mahigpit sa Lubid ng Allah (Islam), at huwag maghiwa-hiwalay sa isa't isa. (Al-Imran-3:103) Hindi ba dapat lamang na sumunod tayo sa Banal na Aklat at sa Sunnah ni Propeta Muhammad ? Si Imam Ashafi'l (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) ay nagsabi: "Ang huli sa pamayanang ito ay hindi maaaring maging maayos kung hindi naging maayos ang pinagmulan ng pamayanang ito." Pagkaraang maisalaysay ang ilang mga dahilan ng dipagkakasundo, kahinaan at paghamak sa mga Muslim, ating balikan ang ating pangunahing usapin – ang tungkol sa Bid'ah (bagong katuruan), ito ay ang Sufism at ang pagtatambal ng pagsamba sa Allâh. Sa kanilang paghahangad na mapahina ang mga pamayanang Muslim, ang mga krusadang nabanggit ay naglatag ng maraming plano at nagkaisa upang wasakin ang Islam. Noong ika-19 at ika-20 siglo, ang krusadang ito ay nagpadala ng mga Orientalist, isa pagkaraan ng isa sa Arab Peninsula. Sa pamamagitan ng kanilang maayos na plano, ang mga Orientalist na nabanggit ay kailangang tularan ang

192

pananamit ng mga Muslim at makisalamuha sa kanilang pamayanan. At pinasok din nila ang mga bansa kung saan maaari nilang ipalaganap ang kanilang mithiin na wasakin ang Islam. Sila ay inatasang mag-aral na mabuti tungkol sa Islam at alamin kung hanggang saan at kung papaano ipinamumuhay ng mga Muslim ang kanilang relihiyon. Kasama sa kanilang layunin ay alamin ang anumang bagay na maaaring gamitin upang maipatupad ang kanilang masamang balak na hanapin ang bagay na makasisira sa paninindigan ng isang tao ayon sa kanilang katalinuhan o kaya sa ibang Banal na mga mensahe na kanilang pinag-aralan. Sinubukan din nilang patunayan na ang Banal na Qur'an ay nagkakasalungatan. Upang mapatunayan, kanilang sinikap na humanap ng katibayan na magpapawalang-bisa at mga magkakahawig na mga talata ng Banal na Qur'an. Subalit inilarawan ng Allâh – ang Makapangyarihan ang kanilang pagsisikap na ito sa Banal na Qur'an: Siya ang nagpadala sa iyo (Muhammad ) ng Aklat na ito (ang Banal ang Qur'an). Dito ay may mga talata na sadyang malinaw, sila ang mga haligi ng Aklat na ito, ang mga talata ng Al-Ahkam (mga kautusan at iba pa), Al-Fara'id (mga itinakdang gawain) at Al-Hudud (tamang parusa sa mga magnanakaw at nakikiapid) at ilang hindi gaanong malinaw. Kaya't sa iba na ang kanilang puso ay naliligaw (mula sa katotohanan), sila ay sumusunod sa mga bagay na hindi ganap na maliwanag, na naghahangad ng Al-Fitnah (pagsamba sa mga diyus-diyosan at mga pagsubok), at naghahanap sa lingid na mga kahulugan… (Al-Imran-3:7) Hinahangad ng mga Orientalist na ito na manaig ang pagaalinlangan sa puso ng mga Muslim, kaugnay sa mga Sunnah ni Propeta Muhammad . Kaugnay nito, ginagamit nila ang mahihinang Hadith at nagpapakalat sila ng pagsasalungatan sa pagitan ng mga pantas sa Islam. Katunayan, ang ilan sa mga Orientalist na ito ay nagtagumpay na makamtan ang kanilang hangarin hanggang sa pinakamahusay na paraan. Ang ilan sa mga ito ay nagkaroon ng pagkakataong makialam sa mga Bedouins at mga Arabo. Ang ilan naman ay yumakap sa Islam upang magpanggap lamang at makuha ang simpatiya ng mga Arabo. Sa ganoong pamamaraan, tinanggap ng mga Arabo ang kanilang mapanirang puna, sa pag-aakalang sila ang mabubuti sa Islam. Makaraang matamo ang kanilang tagumpay, sila ay bumalik sa kanilang pinagmulang bansa at nanatili sa kanilang mga relihiyon.

192

Subali't hindi maikakailang ang ilan sa kanila ay naging mabuti at matapat na mga Muslim. Sapagka't kanilang napag-aralan ang Banal na Qur'an at naunawaan ito ng lubusan. Pinahintulutan ng Allâh na sila ay magabayan sa Tuwid na Landas at sila ay naging matuwid na mga Muslim. Sa halip na sirain nila ang Islam, sa pamamagitan ng Gabay na nagmula sa Allâh, sila ay gumawa ng bagay na kabaligtaran sa kanilang tunay na layunin. Sila ay naging mabuting tagapagpalaganap at tagapagtanggol ng Islam – ang Nag-iisang Relihiyon na nagmula sa Nag-iisang Panginoon. Ayon sa sinabi ng Allâh: "Katotohanan, ang tunay na relihiyon sa Allâh ay Islam." Ang talaan ng pangalan ng mga Orientalist na ito ay sadyang mahaba, subali't babanggitin lamang natin ang dalawa sa pinakatanyag sa kanila:

1. Si Saint John Philipi ay isang Briton Orientalist na matapat na yumakap sa Islam at tinawag ang kanyang sarili na Abdullah Philipi. Siya ay naglakbay sa Arab peninsula at nakaabot hanggang sa disyerto ng Arrub Al-Khali. Siya ang kauna-unahang nakatuklas ng inskripsiyon ng Tribu ng Thamud sa lungsod ni Saleh (nawa'y sumakanya ang kapayapaan). Isinulat niyang lahat ang kanyang nakita sa buong Arab Peninsula. 2. Ang pangalawa ay si Thomas Lawrence na isang opisyal ng British Army. Ipinadala siya ng British Intelligence Agency sa Arab Peninsula. Si Lawrence ay nagkunwaring isang Muslim at nagsusuot ng pambansang kasuotan ng mga Arabo (Head cord at Kaffieh). Ginawa niya ang isang pangunahing tungkulin sa pagtulong sa Al Ashraf na siyang nagpapalakad ng Assham at Al Hijazz upang hikayatin silang mag-alsa laban sa mga Turks sa Asitanan (na ngayon ay Istanbul) na siyang naging simbolo ng pagbagsak ng emperyong Ottoman. Siya ay mas kilala sa tawag na "Lawrence of the Arabs." Iba't ibang krusada ang nagtangkang wasakin ang paniniwala ng mga Muslim sa mga unang taon ng Islam na naging dahilan ng kakaibang paguugali, at tumanggap ng kakaibang paniniwala mula sa mapangligaw na mga Sufis. Tulad ng nabanggit sa itaas, lahat ng pagkasirang ito ay nagmula sa ilalim ng kapa ng bagong katuruan na kanilang itinaguyod. Ang mga Demonyo ang siyang nagpalawig sa pagpapaganda ng di-paniniwala at mga kasalanan sa mga Muslim. Ang

192

nakapipinsalang Bid'ah (bagong katuruan) ay ang paniniwala sa mga kasabihang sumusunod: Ang tinaguriang "The Union" Sa kanilang paniniwala, sinasabi nilang ang Allâh ay sumanib sa nilikhang Kanyang pinili upang doon manirahan. Ito ay tinawag nilang: "Ang Lumikha at ang pagsanid ng nilikha o ang tinawag nilang pantheism. Kaya't ang katawang ito ay naging diyos na lumalakad sa daigdig at naninirahang kasama ang mga tao. Sa pamamagitan ng paniniwalang ito, sinasabi nilang ang nilikha kung saan naninirahan ang katawan ng Allâh ay naliligo, umiihi at dumumi. Sadyang kagimbal-gimbal ang kanilang mga sinasabi! Luwalhatiin ang Allâh na sadyang malayo sa Kanya ang lahat ng kanilang iniaakibat. Tunghayan natin ang Kanyang sinabi: Hindi sila nagbigay ng makatuwirang pagtuturing sa Allâh na nararapat sa kanya. At sa Araw ng Pagkabuhay ang buong sanlibutan ay dakot ng Kanyang Kamay at ang kalangitan ay ilulukot (o ilululon) sa Kanyang Kanang Kamay. Luwalhatiin Siya, Higit Siyang Mataas sa lahat ng mga itinatambal sa Kanya! (Az-Zumar-39:67) Ang una at pinakatanyag na nagtaguyod sa pagsasabi ng "Union and Immanentism" mula sa mga Sufis ay si Al Hallag, nawa'y parusahan siya ng Allâh sa kanyang pagsasabi ng: "Sinuman ang dalisayin ang kanyang kaluluwa sa pagsunod sa Allâh at sugpuin ang kanyang pagnanasa at kaligayahan ay itataas sa antas na malapit sa Allâh. Siya ay magpapatuloy sa pag-angat hanggang maabot niya ang hangganan ng isang nilalang. Ang kaluluwa ng Allâh ay papasok sa kanyang katawan katulad ng nangyari kay Hesus at Maria. Pagkatapos, anuman ang kanyang hangarin ay magkakatotoo at ang lahat ng kanyang mga ginawa ay maitutulad sa Allâh – ang Makapangyarihan." (Sadyang napakalayo ng Allâh sa lahat ng kasinungalingan at paratang na kanilang sinasabi tungkol sa Kanya). Ito ang mensahe ni Al Hallag ayon sa iniulat ng kanyang mga tagasunod: "O kayong may pagnanasa na siyang pinakamataas na pagnanasa! Kami ay sumasaksi na kayo ay may kakaibang imahe ng bawa't isa at sa bawa't taon. Sa aming kapanahunan, ikaw ay nasa imahe ni Al Hussein Ibn Mansour. Kami ay humihingi ng Iyong pangangalaga at Habag – ang Nakaaalam ng mga Hindi Nakikita."

192

Ang mga taong ito ay naligaw ng malayo sa kanilang kawalan ng pananampalataya nang mas higit pang malayo kung ikukumpara sa mga komunista, sa mga tagapagmana ng Magi o yaong mga sumasamba sa baka. Ito ay malinaw kung ating babasahin ang mga sumusunod na tula. Sinabi nila na ang kanilang sheikh na si Abdul Qader Al Jilany ang nagsulat nito. Ganito ang pagkakasulat ng tula: Ang aking dambana ay Tahanan ng Allâh, sinumang dumalaw dito, kailangang magmadali na may pagmamalaki at dangal. Ang aking kautusan ay kautusan rin ng Allâh, kapag aking sinabing "Mangyari" ang lahat ng ito ay kapahintulutan ng Allâh na ipinagkaloob sa aking kakayahan. Aking napagmasdan ang lahat ng nasa itaas ng mga kalangitan at ang Trono kung saan ay aking tangan. Ang pagsikat at ang paglubog ng araw at lahat ng mga bansa ng Allâh. Ay nasa dulo ng aking mga daliri sa paa na aking binabaligtad tulad ng isang laruan, at ako ay nakapaglalakbay dito sa isang kisap-mata lamang. Kung kayo ay mananalangin sa amin sa oras ng kalamidad, Akin kayong ililigtas sa pamamagitan ng aking kagustuhan. Aking mga tagasunod, sa silangan o sa kanluran, saan mang bansa kayo naroroon, kapag aking ilalagay ang aking lihim sa bundok, ito ay babagsak sa lupa. Aking mga tagasunod, halina't tumayo, maglaro at umawit gawin ninyo ang lahat ng inyong naisin, sapagka't nasa itaas ang aking pangalan. At kung ihahagis ko ang aking lihim sa apoy, ito ay maglalaho sa pamamagitan ng Kadakilaan ng aking kapangyarihan. Ang Pinagsanib na Buhay ("Unity of the existence") Ano ang dapat gawin sa katanungan na binigyang-babala ng Allâh? Ayon sa inulat ni Propeta Muhammad , inutus sa ating huwag magtanong ng mga katanungan tulad ng: Nasaan ang Allâh? Ano ang kawangis Niya? Bagama't ang mga dinananampalataya ay naniniwala sa Banal na Qur'an, kanilang binigyan ng sariling kahulugan ang mga talatang ito. Subali't

192

winakasan ng Allâh ang kanilang imahinasyon kaugnay ng Kanyang anyo. Ang Allâh ay nagsabi: ...Walang anumang bagay ang makatutulad sa Kanya, Siya ang Ganap na Nakaririnig – ang Ganap na Nakakikita. (AshShura-42:11)

Subali't ang mga pinuno ng Sufi na naghahangad na wasakin ang relihiyon tulad nina Al Hallag, Ibnul Farid, Ibn Sab'een, IbnulArabi at iba pa na kumuha ng kanilang kaalaman mula sa pinagkunan ng Shiites ay hindi nasiyahan hangga't hindi nila naragdagan ang teolohiya na magiging angkop sa tinawatawag na "Existentialism". Ang doktrina ng 'di pagkilala sa Diyos (atheist) na katulad ng kina Sarte at Freud. Kanilang ipinalaganap ang "Unity of the Existence." Dito ay kanilang ipinakakahulugan na ang Allâh ay matatagpuan sa lahat ng mga nasa kalawakan, tulad ng mga solido o nakikitang bagay, tubig, hangin at sa lahat ng nilalang tulad ng tao, gayundin ang mga nilikhang di-nakikita, mga hayop, mga ibon, isda, mga karagatan, mga ilog, mga bundok, mga puno, at buhangin. Sila ay kumuha ng patunay mula sa mga salita ng Allâh: "At Siya ay nasa inyo (sa pamamagitan ng Kanyang Kaalaman) saan mang lugar kayo naroroon."

Sinabi pa ng Allâh: At Siya na nag-aangkin ng mga susi ng Ghaib (lahat ng di-nakikita), walang sinumang nakaaalam maliban lamang sa Kanya. At batid Niya anuman ang nasa kalupaan at nasa mga karagatan, wala ni isang dahon ang nalaglag na hindi Niya nalalaman. Wala ni isa mang butil sa kadiliman sa kalupaan o anumang sariwa o tuyo na hindi nakatala sa Maliwanag na Talaan. (Al-Anam-6:59) Kanilang ipinaliwanag ang Kaalaman ng Allâh tungkol sa Kanyang mga nilikha at sinabing Siya ay sumanib sa Kanyang mga nilikha na namamalagi sa bawa't atomo sa kanilang mga sarili. Ito ay pawang mga di-makatotohanan at madaling pasinungalingan. Nawa'y isumpa sila ng Allâh sa kanilang teorya na nagsasabing ang Allâh ay nasa Kanyang mga nilikha maging dumi o bagay na hindi dalisay! Samantalang maliwanag ang sinasabi sa mga talatang nabanggit sa itaas na nagpapakita na

192

walang pag-aalinlangan na ang Allâh ay nasa atin sa pamamagitan ng Kanyang Kaalaman, Pandinig at Paningin. Ang Allâh ay mapapasa atin kahit na Siya ay nasa Kanyang Trono sa ibabaw ng pitong mga kalangitan. Ang Allâh ay malayo sa lahat ng kanilang mga maling haka-haka at mga paratang. Sapagka't ang Allâh ang nagmamay-ari ng Dakilang Luklukan at ang ilan sa Kanyang mga Katangian at Kakayahan ay binanggit sa aklat na ito sa kabanata na pinamagatang "Sino ang Allâh?" Isa sa mga tagasunod ng sektang ito ay si Abdul Kareem Ibrahim Al-Jilani na kilala bilang si Al Jeely na namatay noong 830 A.H. na sumulat ng isang tulang nagpapaliwanag ng kanyang paniniwala sa "Unity of Existense" na mababasa ng ganito: Ang mga nilikha ay katulad ng isang yelo. At Ikaw para sa kanila ay katulad ng tubig na sumasama sa kapwa tubig. Bilang paniniwala ng mga taong ito sa "Unity of the Existense", sila rin ay hindi naniniwala sa "Unity of Religion". Ito ay malinaw sa kanyang tula na mababasa ng ganito: Pinapayagan ko ang aking sarili na magtungo saan man ako igabay ng aking pagnanasa. At hindi ako tumututol sa hatol ng aking mahal sa buhay. Kaya't kapag nakita mo akong yumuyuko sa loob ng Masjid at kung minsa'y makita mo ako sa ibang mga simbahan. At kung ang batas ng Islam ay nagsabing ako'y makasalanan Sa pamamagitan ng mga dahilan na ako ay masunurin. Nawa'y isumpa sila ng Allâh at ang kanilang mga sekta sa kanilang pananatili sa pagiging di-mananampalataya. Nawa'y isumpa ng Allâh ang mga sumusunod sa kanila hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ameen! Ang patuloy na paglipas ng panahon ay mabilis na nagdaan upang maghanap ng tagasunod ang mga ateismo na siyang nagdulot ng salot sa pamayanang ito. Pinalawak nila ang kanilang mga kaisipan at mga huwad na pamamaraan. Bagama't hindi sila nagpatuloy sa pagpapalaganap upang magtagumpay ang 'The Union' at ang 'The Incarnation'. Kanila na ring iniwan ang kasabihang Unity of Existense. Lahat ng ito ay naganap

192

makaraang matuklasan ng tao ang kanilang mga pagkakamali. Sa panahong ito ang ganitong kasabihan at ideya ay madaling pinasinungalingan ng mga pantas ng Islam na siyang tumugon sa mga di-nananampalataya at pinawalan ng saysay ang kanilang pakikipagtalo sa pamamagitan ng malinaw na mga ebidensiya. At tuluyan nilang tinanggal ang tabing ng mga maling alegasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak ng makabagong paraan ng pagbabalita. Gayunpaman, iniligaw pa rin nila ang kanilang mga inosenteng tagasunod sa pamamagitan ng pagdiriwang ng kaarawan at pagdalangin sa mga dambana ng mga taong namatay sa kanilang mga libingan at sinasabing ang mga ito ay dambana ng mga banal na tao. Sa ganitong paraan, kanilang naisantabi ang kanilang mga bagong katuruan at huwad na paniniwala na mas higit na nakakatakot sa loob ng pamayanang Muslim. Ang kanilang ideya ay nakapagtala ng nakasisira at masamang epekto sa utak ng napakaraming tao. Katunayan, ang mga pinuno ng bagong grupo ng Sufism na naghahatid sa kanilang pagkaligaw at naglalayo sa mga ideya ng mga mangmang at ignoranteng Muslim ay may nakatagong bagong layunin. Ang mga di-ipinahayag na layuning ito ay ginawa upang pagsamantalahan ang milyon-milyong mga mangmang upang hikayatin sa materyal na bagay. Sa ibang bahagi ng kabanatang ito ay ating tatalakayin ang ilang dahilan ng kanilang pandaraya at panlilinlang sa tao. Isa sa mga sinabi ni Propeta Muhammad : "Ang Islam ay nagsimula na kakaiba, at ito'y manunumbalik muli sa mas higit kaysa sa simula. Kaya't ang kabutihan ay para sa mga banyaga!" At tinanong muli si Propeta Muhammad : "At sino ang mga banyaga?" Si Propeta Muhammad ay sumagot: "Silang nagbalik-muli sa aking mga Sunnah na sinira ng mga tao." Sa isa pang Hadith na inulat ni Al Bukhari, si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Siyang nagdagdag dito o 'di kaya ay isang tagapagdagdag (sa Islam) ay isinumpa ng Allâh, ng mga anghel at ng sanlibutan." Ito ay sadyang napakalinaw at hindi na nangangailangan pa ng anumang pagpapaliwanag. Nang ito ay maitatag, hindi kilala ng Islam ang salitang "Sufismo" o kaya "Sufi". Hindi rin ito natunghayan sa loob ng Banal na Qur'an at sa mga Sunnah ng Propeta bilang dalawang mapapanaligang batayan ng ating

192

tamang pananampalataya. Kahit pa noong magsimula ang Islam, ang mga Arabo ay sadyang walang kaalaman sa usaping "Sufismo" na makikita sa kasalukuyan. Ang katagang "Tasawwul" [Sufismo] sa lumang panitikan ng salitang Arabik ay hindi nagpapakita ng anumang kaugnayan tulad ng inilalahad ng mga kilalang Sufis na Arabo sa simula hanggang sa kasalukuyan. Sa kalagitnaan ng ikalawang siglo (A.H.), ang Sufismo ay nagsimulang lumitaw mula sa mga Arabo na napalilibutan sa kasalukuyan ng malawak na usaping pangpilosopiya at pangideolohiya. Silang mga paham sa mga banyagang kaugalian o kultura ay maaaring matuntun na ang Sufismo ay nagmula sa ilang bansa na kilala sa kanilang paganong relihiyon tulad ng Budhismo at Brahmas. Maaari nating balikan ang teoryang Griyego na "Modern Platonism". Gayundin, ang Sufismo ay lumitaw sa pamayanang Muslim sa panahon ng Abbasids at ito ay naitatag sa panahon ng Fatimide sa Ehipto na nananatili hanggang sa kasalukuyan. Katunayan, walang sinuman sa mga mahuhusay na pantas ng Islam ang gumawa ng hakbang upang wakasan ang sakit na ito, bagama't kanilang nasaksihan mga ang ginagawang ritwal ng mga taong ito tulad halimbawa ng pagdiriwang ng kaarawan sa harap ng mga dambana. Kamakailan lamang, pagkaraang lumaganap ang mga Printing Press sa larangan ng pagbabalita, ang pinuno ng masamang grupong "Sufi" ay naglathala ng maraming sipi ng aklat tungkol dito sa mga bansang Ehipto at Lebanon. Ang mga naturang aklat ay nagtulak sa mga mamamayan upang mapabayaan ang mga pangrelihiyong kautusan at inaanyayahan silang sumunod sa mga bagong katuruan sa pagdarasal ng mga politeista. Kanilang inaakit ang tao upang makagawa ng mga kasalanan hanggang kanilang mapag-alaman ang paglilinaw ng Allâh sa Banal na Qur'an: O kaya'y mayroon silang itinatambal sa Allâh (na 'di tunay na diyos) at nagtayo ng ibang pananampalataya na hindi nagmula sa Allâh? At kung hindi lamang sa mahalagang Salita (na nangawala na), ang bagay na ito ay gagawing batayan sa pagitan nila. At katunayan, para sa mga Zalimun (mga nagtatambal sa pagsamba at mga makasalanan) sa kanila ay may nakalaang masakit na kaparusahan. (Ash-Shura42:21)

Ating matutunghayan sa kanilang mga aklat ang ilang mahinang Hadith at mga kasinungalingan. Dagdag pa sa mga aklat na ito,

192

matatagpuan din natin ang maraming mga kabaliwan at makasalanang mga kasabihan. Ang isang taong matalino at alerto ang pag-iisip, kailanma'y hindi maaaring malinlang ng kanilang mga kasinungalingan. Ang mga taong ito ay hindi nabahala sa maaaring mangyari kaugnay ng kanilang mga kasinungalingan na kanilang isinulat sa kanilang mga aklat, higit sa lahat, ang mga bagong katuruan at ang pagtatambal sa pagsamba na kanilang ipinalaganap. Hindi rin nila alintana ang masamang bunga at pagkaligaw na kanilang ibinahagi sa pamayanan ni Propeta Muhammad . Kung kanilang pinahalagahan ang kapakanan ng Islam, ang kanilang planong wasakin ito ay hindi na sana nakaabot sa mga Hudyo at Kristiyano. Subali't ito ang sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan tungkol sa mga taong ito: Sila ang magpapasan ng ganap sa kanilang mga dalahin sa Araw ng Muling Pagkabuhay, gayundin ng mga pasanin ng iba na kanilang iniligaw na pawang salat sa kaalaman. Kasamaan ang kanilang tiyak na mararanasan! (An-Nahl-16:25) Narito ang isang kasaysayan upang bigyang-linaw ang nabahirang pananampalataya na nanatili sa kaisipan ng mga taga-Ehipto. Ang kasaysayang ito ay mismong naganap sa akin noong ako ay pansamantalang namalagi roon. Noong ika-20 siglo A.D., malimit akong maglakbay mula Makkah papuntang Ehipto sa loob ng isang taon dahil sa aking mga negosyo. Kalimitan, ako ay nananatili sa lungsod ng Alexandria habang tinatapos ko ang mga transaksyon sa aking pangangalakal. Kapag ako ay dumarating sa Cairo International Airport at maglalakbay patungong Alexandria, mayroon itong tatlong paraan ng pagbibiyahe. Ang isa rito ay maaaring sa pamamagitan ng tren mula sa terminal sa Ramsis Square, ang isa naman ay sa pamamagitan ng taksi na maglalakbay sa pagitan ng mga luntiang taniman o kaya ay sa isang pang lansangan na dinadaanan din ng taksi na maglalakbay naman sa isang maladisyertong lugar. Subali't ang mala-disyertong lansangang nabanggit ay sadyang nakababagot na pagkaminsa'y nagiging sanhi upang ang drayber ay dalawin ng antok habang naglalakbay. Dahil sa haba ng paglalakbay na ang tanging masasaksihan lamang ay ang iisang uri ng tanawin – ang walang hanggang buhanginan. Walang ibang uri ng tanawin ang iyong mapagmamasdan na maaaring pumukaw sa iyong damdamin.

192

Subali't sa daanang may mga taniman, ito ay sadyang kakaiba. Mula sa Cairo hanggang Alexandria matatanaw mo ang mga luntiang bukirin na natataniman ng masagang mga halaman at iyong makikita ang kagandahan ng Nile Water Canals sa magkabilang gilid. Habang ika'y naglalakbay, iyong makikita ang iba't ibang pamayanan at lungsod ng mga taga-Ehipto na hindi mo pagsasawaang pagmasdan. Ang pinakamahalagang lugar na madaraanan ng mga naglalakbay sa rutang ito, ayon sa kuro-kuro ng mga tagarito ay ang dambana na tinawag nilang Al Sayyid al Badawi na matatagpuan sa lungsod ng Tanya. Ito ang libingan ng isang bantog na Sufi na tinawag nilang banal at doon sila ay nananalangin at nagdarasal. Kanilang pinaniniwalaan na ang alabok sa libingan nito ay pinagpala. Sa dambanang iyon, ang mga tao ay nagkakatay ng mga hayop bilang kanilang pagaalay. Nagdiriwang din sila ng kaarawan ng naturang tao na dinadaluhan ng libu-libong mga mangmang na nagmula pa sa iba't ibang pamayanan at lungsod, upang sila di-umano ay makatanggap ng pagpapala at kasiyahan mula sa taong ito. Ang mga taong ito ay naniniwala na ang Allâh ay hindi tutugon sa kanilang mga panalangin maliban lamang sa pamamagitan ng bangkay nito na nakalibing sa ilalim ng kanyang Masjid. Para sa akin, minabuti kong maglakbay mula sa Cairo patungong Alexandria na sakay ng isang tren upang aking mapagmasdan ang luntiang mga taniman at ang magandang baybayin ng Nile River at ang mga magsasakang nagtatrabaho sa mga bukirin. Dagdag pang magiging mas mapayapa ang aking paglalakbay kung sa tren ako sasakay kumpara sa mga kotse na kung minsan ang mga nagmamaneho ay pabaya. Isang araw sa aking paglalakbay, ganap na ika-10 ng umaga nang marating ko ang Cairo International Airport. Pumara ako ng isang taksi upang maghatid sa akin patungo sa himpilan ng tren. Sumakay ako ng taksi habang bitbit ko ang aking dalawang malalaking maleta. Binagtas namin ang mahabang lansangan mula sa paliparan na hahantong sa lugar ng Mesrul-jadyada. Ito'y isang mahabang lansangan na walang gusaling makikita maliban sa Sheraton Hotel na nakatayo sa kaliwang bahagi nito. Habang kami'y naglalakbay patungo sa himpilan ng tren, kinakausap ko paminsan-minsan ang drayber ng taksi na kalimitan namang nangyayari sa pagitan ng isang tsuper at ng pashero. Sa aming pag-uusap, tinanong niya ako kung bakit nais kong magtungo sa himpilan ng tren. Tinanong pa niya ako kung ako raw ba ay nakatitiyak na makakakuha ng bakanteng upuan para sa alas-dose o kaya'y ala-unang biyahe. Ayon sa tsuper, di-

192

umano, ay mayroong pagkakabuhol-buhol ng tren ng mga panahong iyon at siya ay nangangambang baka ako'y maghintay ng matagal habang naghihintay sanhi ng kawalan ko ng naunang reserbasyon. Sinabi ko sa kanyang lagi naman akong nakakakuha ng tiket bagama't kararating ko pa lamang, kaya't sinabi ko sa kanyang huwag nang mag-alala at ako na ang bahala. Ayon sa kanya upang ako ay makaiwas sa anumang aberya na maaari kong maranasan sa loob ng himpilan, minabuti niyang siya na lamang daw ang maghahatid sa akin papuntang Alexandria. Naramdaman kong umaasa siya na makakuha ng magandang kita sa pagmamaneho niya sa akin. At upang hindi na siya malungkot, tinanggap ko na lamang ang kanyang alok bagama't kalimitang sa tren ako sumasakay tulad ng aking unang nabanggit. Dahil na rin sa aking pagsang-ayon sa kanyang alok, tinanong niya ako kung saang daan kami maaaring magdaan. At sinabi ko sa kanyang mas nais kong magdaan sa may mga taniman sapagka't ako ay nasisiyahang pagmasdan ang mga tanawin sa mga bukirin. Nagulat ako nang kanyang sabihin na mas mainam para sa aming paglalakbay kapag aking pipiliin ang lansangan kung saan ay madaraanan namin ang dambana ni Al Sayyid Al Badawi upang magkamit kami di-umano ng biyaya habang kami ay naglalakbay. Bahagya akong nakaramdam ng pag-aatubili sa aking sarili kung ako ay sasang-ayon sa kanyang sinabi, sapagka't kung ako ay papayag, ito ay nangangahulugan nang aking pagsang-ayon sa kanilang maling paniniwala sa biyayang hatid ni Al Badawi. Ito ay maghahatid sa akin sa pagsamba na may pagtatambal. Humarap ako sa kanya sapagka't ako ay nakaupo sa kanyang gilid at sinabi ko sa paraang mariin na pagbigkas: "Sa Ngalan ng Allâh! Kung tayo ay tatahak sa baybayin ng mga bukirin upang mabiyayaan ng iyong panginoon (Al-Badawi) mas mainam na doon tayo dumaan sa maladisyertong lansangan. Sapagka't hindi natin kailangan ang gantimpalang iyon." Pagkatapos kong bigkasin ang mga pangungusap na iyon, naramdaman kong ang aking noo ay tumama sa harap ng salamin. Sapagka't nang marinig ng kawawang drayber ang aking tinuran, tinapakan niya ang preno ng kanyang sasakyan ng ubod ng diin upang maging sanhi ng dagliang paghinto. Sapagka't ang aking mga sinabi ay naghatid sa kanya ng matinding pagkagulat na tila baga ako ay isang dimananampalataya. Salamat sa Allâh sapagka't walang ibang sasakyan na sumusunod sa amin, kung hindi, baka kami ay nabangga. Makaraang huminto ang kanyang sasakyan, dali-dali siyang lumabas siya mula rito na punong-puno ng takot at

192

pangamba. At hinila niyang palabas ang aking dalawang maleta at ibinagsak sa tabing-daan. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam ako na baka pati ako ay kanyang palabasin at baka saktan pa niya ako. Salamat sa Allâh sapagka't ang lahat ng aking iniisip ay hindi Niya pinahintulutang maganap. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at pinalalabas niya ako upang diumano ay huwag siyang madamay sa anumang masamang maaaring mangyari sapagka't ako ay nagsalita ng masama laban kay Al Sayyid Al Badawi. Kaya't minabuti kong huwag nang makipagtalo pa sa kanya ng anumang bagay tungkol sa kanyang paniniwala. Ang tanging nasabi ko na lamang ay paano mo ako pabababain sa sasakyan kasama ng aking dalawang maleta gayong tayo ay nasa isang liblib na lugar? Dagdag ko pang mas mabuti kong ihatid mo na lamang ako sa isang lugar kung saan ay makakakuha ako ng aking masasakyan. Subali't sinagot niya ako na hindi na niya ako maaaring ipagmaneho ng kahit isang metro lamang ang layo sanhi ng kanyang narinig sa akin tungkol kay Al Badawi. Sinabi kong gagawin kong doble ang halagang aking ibabayad kung ako ay kanyang ihahatid man lamang sa isang mataong lugar. Kaagad niya akong sinagot: "Sa Ngalan ng Allâh hindi na kita maipagmamaneho pa ng kahit isang metro lamang ang layo, kahit na bayaran mo pa ako ng 1,000 pounds. Mas nanaisin ko pang maghirap, sapagka't maaaring ako ay maaksidente na siyang maging dahilan ng pagkawala ng aking sasakyan gayundin ng aking buhay. "Dagdag pa niya, lumabas ka na sa aking sasakyan kung hindi..." Wala akong nagawa kundi ang sundin na lamang siya. Minabuti ko na lamang na ang aking ulo ang nasaktan at salamat sa Allâh dahil hindi ako nasaktang mabuti. Lumabas ako sa kanyang sasakyan at muli siyang umupo sa likod ng manibela. Sa kabila ng hindi niya pagiging makatarungan sa akin, sinikap kong maging mabuti sa kanya. Kumuha ako ng 10 pounds at ibinigay ko sa kanya at sinabi kong patawarin ka nawa ng Allâh. Tanggapin mo ito bilang kabayaran sa paghahatid mo sa akin dito sa liblib na lugar. "Salamat!" Iyon lamang ang tanging katagang namutawi sa kanyang mga labi bago siya tuluyang umalis. Hindi niya tinanggap ang pera. Kaya inihagis ko ito sa loob ng kanyang sasakyan. Subali't dinampot niya itong muli at inihagis niya sa aking mukha at nagmamadaling pinasibad ang kanyang sasakyan. Ang pangyayaring ito ay malinaw na pagpapakita kung gaano kalalim ang bunga ng maling paniniwala ng mga Sufi sa malaking bahagi ng Ehipto. Nawa'y gabayan sila ng Allâh sa Tamang Landas sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Qur'an at Sunnah ni Propeta Muhammad . Sapagka't sila ay ating kalahi

192

mula pa sa panahon ni Propeta Abraham (sumakanya nawa ang kapayapaan) hanggang sa kasalukuyan. Sadyang matimbang ang dugo kaysa sa tubig. Katunayan, aming hinahangad para sa kanila na mamulat sa katotohanan na maaaring maghatid sa kanila sa tamang pamamaraan sa kanilang pananampalataya. Ang kuwento ng pagdiriwang sa mga kaarawan at ang panalangin para sa mga patay at sa kanilang mga libingan ay laganap sa pamayanang Islamiko sa pangkalahatan lalo na sa mga bansang Ehipto at Sudan. Subali't ang ilang mga bansa ay ligtas sa maling katuruan dulot na rin ng Habag mula sa Allâh, kabilang na rito ang Saudi Arabia. Subali't ang kuwentong ito ay nangangailangan ng kasapatan na hindi kukulangin sa malaking kabuuan. Nais ko lamang bigyang-linaw ang mga katangian nito sa maikling paraan upang mailarawan kung paano nailigaw ang mga mangmang sa kanilang pagsasabuhay ng maling paniniwala at pagsasagawa ng mga kasalanang tulad nito. Katunayan, inakala nilang ito ang tama at pinakamabuting paraan sa landas ng Kasaganaan at Paraiso ng Allâh – ang Makapangyarihan. Subali't ito ang pinakamadaling daan na maghahatid sa kanila tungo sa Apoy ng Impiyerno at sa Sumpa ng Allâh – ang Makapangyarihan. Gayunpaman, yaong mga nagsisi ng tapat at tumahak sa Tamang Landas ay maaaring mapatawad ng Allâh – ang Lubos na Mapagpatawad, ang Mahabagin. Pagmasdan ang ginawa ng mga Sufi at Shiites' sa kanilang pagmamahal kay Propeta Muhammad at sa kanyang mga pamilya. Saksihan ang kasalukuyang libingan na kanilang itinuring na mga pamilya ni Propeta Muhammad at ang mga bobida (dome) at mga Masjid na kanilang itinatag sa ibabaw ng mga libingan (Paalaala lamang – ang mga Muslim ay hindi pinahihintulutang magdasal sa loob ng Masjid kung mayroong libingan sa loob nito)! Sila ay nananalangin at nagdarasal sa mga abo at patay na katawan na kung minsan ay hindi nila nalalaman kung ito ba ay sa hayop o sa tao. Ang mga Masjid na ito ay itinayo ng pamahalaan ng Fatimide sa mga libingan sa Ehipto upang ibaling ang atensyon ng mga naglalakbay (pilgrims) sa Makkah. Pagkaraan ay kanilang ipinangalan ang mga Masjid na ito sa mga pamilya ni Propeta Muhammad tulad nina Al Hussain, Zeinab o 'di kaya'y kay Nafisa. Dahil dito, nailigaw nila ang mga taga-Ehipto at nabago ang kanilang paniniwala sa pamamagitan ng kanilang pagdalaw sa mga naturang dambana at manalangin sa kanilang mga idolo. Humahalik sila sa kanilang mga puntod at sa mga kurtina ng mga libingan at nananalangin sa mga patay at hindi sa Allâh. Umaasa rin silang ang mga

192

bangkay na ito (at hindi ang Allâh) ang tutugon sa kanilang panalangin. Umaasa sila sa mga dambanang ito ng mas higit pa sa pag-asa na kanilang iniuukol sa Allâh at sila ay nag-aalay dito ng kanilang mga kinatay na hayop. Kanila ring inilulubog ang kanilang mga kamay sa dugo ng hayop na kinatay at idinidikit nila sa mga dingding ng Masjid bilang simbolo nang kanilang pagiging masunurin sa taong namatay sa naturang dambana upang makamtan ang kanilang kasiyahan. Ang maling gawaing tulad nito ay nangyayari sa Ehipto sa tinawag nilang dambana nina Al Hussain, Al Badawi, Al Shaf'I, Al Refa'e, Al Disouqy, Al Jilany, Al 'Afifi, Al Zaila'I, Al 'Aidrous, Al Moursy Abul-Abbas at yaong tinawag nilang dambana ni Sayed Bishr sa lungsod ng Alexandria. Gumawa rin sila ng nakatutuwa at huwad na mga pagdiriwang at petsa sa kaarawan ng mga taong banal (di-umano) na kanilang dinadalaw sa kanilang mga libingan at nagsasagawa rito ng paglalakbay (pilgrimage). Bukod pa rito, huwag ninyo akong tanungin kung ano ang magiging kasalanan ng mga gumagawa ng mga kalaswaang ito na nagaganap sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan na nagsasayaw sa saliw ng tunog na nagmumula sa mga tamburin at pipa. Ang kalalakihan at kababaihan ay naghahawakan ng maselang bahagi ng kanilang katawan, kung saan ito ay ipinagbabawal. At pagkatapos sila ay umaawit ng himig ng pagmamahal para sa Propeta at sa kanyang pamilya. Ang iba pang mga bisita ay nasasangkot sa paghithit ng opium at hashish sa kanilang mga pahingahan at mga tolda na malapit sa mga Masjid at dambana. Sa loob ng mga toldang ito, ang kalalakihan at kababaihan ay maaaring gumawa ng anumang kasalanan. Nakita mismo na aking mga mata ang ilang mga nakahihiyang gawaing malapit sa Masjid ng Al Hussain, ito ay malapit sa lugar ng (Al-Azhar) himpilan at mga bahay ng mga relihiyosong nanunungkulan sa Ehipto. Nangangahulugang ito ay nagaganap malapit sa paningin ng mga lehitimong pantas ng Al-Azhar, subali't wala silang ginagawang anumang hakbang upang pigilan ito. Sa aklat ng kasaysayan na sinulat ni Al-Gabarty (pahina 255) na isang taga-Ehipto, sa kanyang paglalarawan sa ginagawa ng mga taong dumadalaw sa pagdiriwang ng kaarawan ni Al 'Afifi ay kanyang sinabi: "Sila ay nagtatayo ng mga tolda, kusina at mga sulok at doon ay maraming tao ang nagtitipun-tipon. Karamihan sa mga taong ito ay yaong mga elitista, mayayaman, mga tagaroon, mga masayahin, mga taong mahilig sa mga laro at libangan, mga mananayaw, mga babaeng nagbebenta ng aliw,

192

mga salamangkero at mga bugaw. Ang mga taong ito ay nagagawang lumakad at umihi sa ibabaw ng mga libingan. Sila ay nangangalunya habang pumapalo ng tambol at tamburin sa araw at gabi. Maging sa paningin ng ilang mga pantas, pangkaraniwan na lamang ang mga ganitong kaganapan, na kalimitan ang mga mangangalakal, mga pinuno at mga may katungkulan ang gumagawa ng mga ganitong hakbang ng walang anumang pagsusuri o pagtatakwil. Maging sila ay nagtuturing at nag-iisip na ito ay isang paraan upang sila ay mapalapit sa Allâh. Si Muhammad Bin Abdel-Salam Al Shukairy (nawa'y kalugdan siya ng Allâh), na sumulat ng aklat na "The Prophetic Tradition", ay naglahad ng mga sumusunod tungkol sa pagdiriwang ng kaarawan ni Propeta Muhammad . Ang buwan ng Rabi'Al-Awal at bagong katuruan tungkol sa pagdiriwang ng kaarawan ni Propeta Muhammad , ang mga tao ay hindi nagaalay ng kanilang mga panalangin, pag-alaala sa Allâh, pagsamba sa Allâh o pagbibigay ng kawanggawa. Hindi rin ito ipinag-utos ni Propeta Muhammad bilang isang Islamikong pagdiriwang tulad ng Biyernes o kaya ay kulang o mas higit na mga banal na araw. Katotohanan, sa buwan na ito isinilang si Propeta Muhammad , subali't katotohanan ding sa buwang ito siya namatay. Nguni't, bakit ipinagdiriwang nila ang kaarawan ni Propeta Muhammad at nakalimutan nila ang kanyang kamatayan. Ang pagdiriwang ng kaarawan ni Propeta Muhammad ay isang makasalanang bagong katuruan (Bid'ah) na hindi nabanggit sa Batas ng Islam at hindi rin itinaguyod ng anumang katuwiran. Kung ang pagdiriwang na ito ay tama, bakit sina Abu Bakr, Omar, Othman, Ali at lahat ng mga Kasamahan, maging ang mga tagasunod at lider (Imam) ay hindi ito pinahalagahan. Walang pag-aalinlangan na ang mga ito ay pawang mga karagdagan lamang sa maling katuruan na sadyang nakapagligaw sa mga Sufi at naging pangkaraniwang gawain ng mga tao, maliban sa mga pinangalagaan at ginabayan ng Allâh sa katotohanan ng Islam. Ano ang biyayang maaaring maging bunga mula sa salapi na ginugol sa mga disenyo at ibang materyal na ginamit sa pagdiriwang na ito, tulad ng mga papatok at iba pa. Yaon bang pagtitipon ng mga babaeng nagbebenta ng aliw, mga mananayaw, mga magnanakaw, mga mandurukot at mga salamangkero ay makakapaghatid ng kasiyahan para sa Allâh? Anong kabanalan ang nasa pagtitipon ng mga nakapula, berde, dilaw at itim na mga turban na nagtataglay ng maling pang-unawa sa mga katangian ng Allâh na umaawit at pumapalo ng mga tambol sa mga bahay aliwan. Inilarawan din ni Al

192

Shukairy ang partisipasyon ng mga kilalang Iskolar at Sheikh sa pagtitipon at pagdiriwang na iyon, at kanyang sinabi: "Ang pagdalo ng mga kilalang iskolar sa kasalukuyan sa mga ganoong pagtitipon ay nagmarka ng mga bagong katuruan sa kaisipan ng nakararami. Kanilang inakalang ang lahat ng iyon ay bahagi ng Sunnah ni Propeta Muhammad na maghahatid ng kasiyahan sa Allâh. Bagama't ang lahat ng ito ay binigyang-linaw ng Allâh at ni Propeta Muhammad sa sangkatauhan. (Dito winakasan ni Al Shukairy ang kanyang opinyon.) Nararapat ding pahalagahan ang bahagi ng kasamaang dulot nito sa pamayanan ni Propeta Muhammad sanhi ng maling mga gawain. Isang halimbawa, ang mga gawaing ito ang nagtulak sa mga hindi nakakaunawa upang punahin ang ating relihiyon. Kapag sila ay nagtutungo sa Ehipto at nakikita ang mga kabaliwang tulad nito, kanila itong itinatala sa kanilang talaan at kinukunan ng mga larawan at sa pagbalik nila sa kanilang mga tahanan sa mga bansang Europa at Amerika, kanila itong ipinalalabas sa mga pelikula at telebisyon at maging sa mga pahayagan. Kanila rin itong inilalantad at sinabi sa mga hindi Muslim, "Masdan! Ito ang Islam at ito rin ang mga Muslim habang kanilang ginagawa ang kanilang mga ritwal." Kaugnay nito, nais kong ibahagi ang isang kaganapan na nangyari sa akin noong minsang ako ay nasa isang baybayingdagat sa Espanya, dalawampung taon na ang nakararaan. Nasa Espanya ako noon para sa isang kalakalang paglalakbay. Isang araw, isang negosyanteng Aleman na nagmamay-ari ng isang kumpanya sa larangan ng konstruksyon ang nag-imbita sa akin na magtanghalian sa kanyang napakalaking tahanan. Kasama sa kanyang inimbitahan ay isang arkitektong Ingles at isang Espanyol na kontraktor. Ito ay isang imbitasyon sa pananghalian tungkol sa negosyo. Bago sumapit ang oras ng pananghalian, maraming mga bagay-bagay ang aming napag-usapan. Kami ay nag-uusap sa pamamagitan ng salitang ingles. Aking naisip na ito ay isang napakagandang pagkakataon upang maipaabot ko sa kanila ang Islam at mapasinungalingan ang lahat ng mga akusasyon ng mga Kristiyano laban sa Islam. Naisip ko na sana ay gamitin ng Allâh ang pagkakataong iyon upang silang dalawa ay gabayan o kahit isa sa kanila sa pananampalatayang Islam. Bago ko pa natapos ang simula ng usaping iyon, ang naturang Aleman ay nagsabi: "Makabubuting putulin natin ang mahabang

192

usapang ito at gawing mas maikli. Kung ako ay iyong pahihintulutan makaiiwas ka sa mahabang pagpapaliwanag tungkol sa Islam. Mayroon kasi akong isang video tape na ang haba ay aabot sa isang oras. Ang tape na ito ay tumatalakay sa Islam at may mahabang pagpapaliwanag. Nakopya ko ito mula sa isang "Monte Carlo – based Missionary T.V. Channel." Pahihintulutan mo ba akong ipalabas ito upang mapanood ng mga kasamahan natin dito? Wala akong nagawa kundi tanggapin ang kanyang alok at upang makita ko na rin ang nilalaman ng tape na naglalaman ng tungkol sa Islam. Kinuha niya ang tape mula sa isang kabinet at isinalang sa video player. Lahat kami ay nananabik na malaman kung ano ang nilalaman ng tape upang ipaabot ang Islam sa mga hindi Muslim, lalung-lalo na at ang tape na ito ay sinipi ng isang Christian Missionary Channel. Ang unang lumabas sa monitor ng telebisyon ay ilang katagang ingles na nakasulat sa malalaking titik na mababasa ng ganito: "This is Islam". Sumunod ang ilang mga larawang kuha mula sa bobido ng kastilyo ni Mohammad Ali sa Cairo. Sumunod ay ang mga malapit at malayong kuha mula sa Al Azhar at Al Hussain Mosques sa lungsod din ng Cairo na siyang lugar ng pagsamba ng mga Muslim sa Ehipto, habang ang tagapagsalita ay nagbibigay na ilang puna tungkol sa mga lugar na ipinakikita sa monitor. Pagkatapos ay kanyang sinabi: "Ngayon ay ating tunghayan kung papaano nagsasagawa ang mga Muslim ng kanilang pagdarasal sa Masjid." Ang sumunod ay ang hanay ng mga inosenteng tao na lumabas sa monitor habang nakatayo sa dalawang hanay na nakasuot ng berdeng turban at maraming rosaryo ang nakapulupot sa kanilang mga leeg. Lahat sila ay dahan-dahang umuugoy habang nagsasalita na tila baga nawawala sa kanilang mga sarili at nagsasabi ng: "Allâh… Haiy…Allâh…Haiy". Habang patuloy sila sa ganitong kalagayan ay pataas ng pataas ang kanilang mga boses. Kapag ang ilan sa kanila ay napagod, ang lalaki sa kalagitnaan ay sisigaw ng malakas, "Haiy-y-y" upang muling sumigla at buhayin ang kanilang interes. Kapagdaka'y ang mga nakapila ay muling mabubuhayan ng loob at uulit-ulitin ang dating ginagawa. Ang pinakamahusay na nagsasagawa sa kanilang lahat ay siyang umuugoy ng mabilis at nagsasalita ng malakas hanggang ang kanyang bibig ay magbula-bula at bumagsak sa sahig sanhi ng labis na pagod. Ang mga nanonood ay nag-akalang siya ay patay na.

192

Ang pelikulang iyon ay naglalarawan ng kahiya-hiyang gawaing nangyayari sa loob ng Masjid at sa malapit na mga lansangan. Ang eskandalong iyon ay nangyayari habang kanilang ipinagdiriwang ang isang kaarawan. Ang mga ganitong maling gawain ang nagiging dahilan upang tayo ay libakin ng mga tagaEuropa. Sinikap kong maipaliwanag na mabuti ang maling konsepto ng Islam na kanilang nasaksihan upang ipaalam na ang kanilang napanood ay pawang mga kasinungalingan at hindi ang tunay na katuruan sa Islam. Subali't ang lahat ng aking pagsisikap ay nawalan ng saysay makaraang kanilang mapanood ang mga nakababaliw na galaw at iba pang mga gawain na nangyari mismo sa isa sa pinakatanyag na Masjid sa Ehipto. Muli naming ipinaaalala sa mga mananampalataya kung gaano ang kasamaang-dulot ng maling paniniwala at mga bagong katuruan na sinusunod ng mga Sufi sa Islam at sa mga totoong Muslim. Ano ang sinabi ni Al-Gabarty at ang sumunod sa kanyang si Al Shukairy na umatake sa Sufismo na ikinagulat ang pagdalo ng mga pantas ng Islam sa mga ganitong pagtitipon at nakapagtatakang hindi man lamang nila kinokondena ang kanilang mga maling pagdiriwang bagama't nakikita nila ang mga ito ng malapitan. Habang sinusulat ang aklat na ito, nabanggit dito na ito na ang tamang panahon upang gumising. Subali't hindi tayo nakatitiyak kung ito na nga ba ang tamang pagkakataon upang gumising o baka naman tayong lahat ay patuloy na nahihimbing. Walang ibang pinagmumulan ng Lakas at Kapangyarihan maliban sa Allâh lamang – ang Dakila. Muli, ating balikan ang pagdiriwang sa kapanganakan ni Propeta Muhammad . Kung ang pagdiriwang nito ay bahagi ng Sunnah ni Propeta Muhammad , makatitiyak tayong ito ay nabanggit sa mga Hadith at sa mga ginawa ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga Kasamahan (nawa'y kalugdan sila ng Allâh) pagkaraan ng kanyang kamatayan. Sapagka't ang mga Kasamahan (nawa'y kalugdan sila ng Allâh) ni Propeta Muhammad ay mas higit na nakababatid sa lahat ng kanyang mga gawain, subali't wala ni isa sa kanila ang nagdiwang sa kaarawan ni Propeta Muhammad . Maging ang sumunod at ang mga sumunod pang mga henerasyon ay hindi rin nagsagawa nito. Sa kanyang aklat na "Al-Eattesam", si Al Shatby ay nagsabi: "Ang Batas ng Islam ay kumpleto at ganap na hindi na nangangailangan pa ng anumang karagdagan o kabawasan." Ayon sa sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan tungkol dito:

192

...Sa araw na ito Aking ginawang ganap ang inyong relihiyon para sa inyo, at nilubos ang Aking paglingap sa inyo, at pinili ang Islam bilang inyong relihiyon. (Al-Maidah-5:3) Sinumang naniwala sa bagong katuruan na nagdiriwang sa kaarawan ni Propeta Muhammad ay nagpapahiwatig na ang Islam ay hindi kumpleto dahil dito si Propeta Muhammad ay nagsabi: "Hindi ko kayo (mga Muslim) iiwan malibang kayo ay nasa matuwid na landas." Maraming nagbabalik-tanaw kung sino ang pinagmulan ng katuruan tungkol sa kaarawan at kung sino ang nagpalaganap nito. Ang kasagutan, ito ay napatunayang isang propaganda lamang ng mga nagdagdag nito sa pamamagitan ng kanilang sariling pamamaraan na hinango sa Sunnah ni Propeta Muhammad . Ang isa sa katibayan na hindi tinatanggap sa bagong katuruang ito ay sa tuwing nagdiriwang ang mga taong ito, sila ay tatayo kapag kanilang narinig ang kaarawan ni Propeta Muhammad . Sila ay naniniwalang sa pagkakataong iyon ang kaluluwa ni Propeta Muhammad ay mapupunta sa kanilang mga sarili. Kaya't sila ay tumatayo bilang paggalang kay Propeta Muhammad . Subali't ito ay sumasalungat sa inulat ni Abu Umama Al Bahily (nawa'y kalugdan siya ng Allâh), sapagka't ito ang kanyang sinabi: "Isang araw si Propeta Muhammad ay dumating sa amin na paika-ika at nakahilig sa kanyang saklay. At kami ay tumayo nang amin siyang makita. Subali't siya ay nagwika: Huwag kayong tumayo bilang paggalang tulad ng ginagawa ng mga dayuhan upang dakilain ang bawa't isa." Sa isa pang Hadith na inulat ni Anas (nawa'y kalugdan siya ng Allâh), siya ay nagsabi ng ganito: "Wala silang mas higit na pinakamamahal (mga Kasamahan ng Propeta ) maliban kay Propeta Muhammad . At kapag siya ay kanilang nakita, hindi sila tumatayo, sapagka't alam nilang kinamumuhian ng Propeta ang sinumang gumagawa nito." Sa aklat nina Bukhari at Muslim, kanilang sinabing si Propeta Muhammad ay nagwika: "Sinuman ang nagnanais makita ang taong tumatayo dahil sa paggalang sa kanya ay magtatamo ng katayuan sa Impiyerno." Hindi isang mabuting pag-uugali ang sumuway sa mga ipinagutos ng Propeta . Sa naunang Hadith, ipinag-utos ng Propeta sa mga Muslim na huwag tatayo bilang paggalang sa kanya.

192

Kaya't papaanong ang mga taong ito ay tumatayo bilang paggalang kapag naririnig nila ang kaarawan ni Propeta Muhammad pagkaraan ng kanyang kamatayan? Kailan kaya, ang isang maalam sa iskolar ay mag-uutos sa mga taong ito na tigilan na ang pagsasagawa ng mga ganoong gawain at mga uri ng pagsamba na hindi ipinag-utos ng Allâh – ang Makapangyarihan. Kanilang sinasabi na ang pagdiriwang sa kaarawan ni Propeta Muhammad ay mabuti mula sa mga bagong katuruan. Kakikitaan din ito ng pasigaw na mga panalangin para sa Kapayaapan at Biyaya ni Propeta Muhammad bago magsimula at pagkatapos ng panawagan sa pagdarasal. Kasama rin dito ang malakas na pagdarasal at mga relihiyosong mga tula na sadyang ginawa upang purihin ang Propeta at ang kanyang mga Pamilya. Inakala nilang ang lahat ng ito ay pinahintulutan upang magpahayag ng kanilang pagmamahal kay Propeta Muhammad . Subali't aming masasabi na ang tamang pagpapahayag ng pagmamahal kay Propeta Muhammad ay ang pagsunod lamang sa kanyang mga Sunnah. At para sa kanilang ang ginawang batayan sa kanilang pananampalataya ay nagmula sa iba't ibang opinyon ng mga iskolar na nagmula sa mga Islamikong pamantasan, bigyang-daan din natin ang sinabi ng Allâh sa Banal na Qur'an: At anumang bagay ang hindi ninyo pinagkasunduan, ang pagpapasya nito ay nasa Allâh (Siya ang Namamayaning Hukom). (Ash-Shura-42:10) Sinabi pa ng Allâh: At sa inyong may panunungkulan (kapangyarihan). Kung mayroon man kayong 'di pagkakaunawaan sa anumang bagay, isangguni ito sa Allâh at sa Kanyang Sugo, kung (tunay nga na) kayo’y naniniwala sa Allâh at sa Huling Araw. Iyan ay higit na mahusay at higit na angkop para sa huling pagpapasiya. (An-Nisa-4:59) Walang sinuman ang makapagsasabi ng anumang kataga pagkaraan ng mga sinabi ng Allâh at ni Propeta Muhammad . Sinabi ni Ibn Abbas: (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) "Kayo ay nararapat lamang parusahan ng mga batong mahuhulog sa inyong mga ulo mula sa kalangitan. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang sinabi ng Propeta at ang inyong sinabi: "Subali't si Abu Bakr at Omar ay nagwika ng ganito at ganoon!" Ngayon, ano ang masasabi ng mga taong nagwika na ang pagdiriwang sa

192

kaarawan ng Propeta haka-haka lamang?

ay pinahihintulutan ayon sa kanilang mga

Sa kabila ng mga di-mapapasubaliang mga patunay upang kundinahin ang kanilang mga kamalian, ang ilan sa kanila ay nagpupumilit na maglahad ng mga patunay mula sa Madhab ng Apat na Imam (Four School Thought), lalo na yaong iilan na dimagkakatulad sa pagitan nila at ang mga nagdaragdag na ito ay hindi tumanggap, subali't sumusunod sa Madhab. Itinakwil nila ang alinmang opinyon bagama't ito ay pinatutunayan ng mga Sunnah ng Propeta at mga talata mula sa Banal na Qur'an. Marami sa mga panatikong Hanafi ang hindi nakababatid ng Sunnah ng Propeta . Dahil na rin sa kanilang kamangmangan. Kanilang inaakalang ang kanilang mga pagdarasal ay hindi magiging katanggap-tanggap kung ang kanilang Imam ay hindi isang Hanifa. Karagdagan pa rito, kanilang iwinaksi ang pagtataas ng kanilang mga kamay bago at pagkatapos ng pagtungo at yaong sinuman na nagtataas ng hintuturo kapag nagsasabing: "Ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na dapat sambahin maliban sa Allâh lamang." Ang ganitong gawain ay kalimitang makikita sa mga sumusunod sa tatlong Madhab (School of Thought). Ang isa sa kanila ay naniniwalang ang kanilang pamamaraan ay tama at ang sa iba ay mali, bagama't ang kanyang Madhab (School of Thought) ay mula sa Banal na Qur'an na ipinahayag ni Anghel Gabriel. Ang ilan sa kanila ay tuluyan nang naligaw ng malayo na umabot hanggang sa ang kanilang mga anak na babae ay hindi maaaring makapag-asawa sa sinumang sumusunod sa ibang Madhab (School of Thought). Ang higit na nakakamangha sa ganitong paniniwala ay pinanghahawakan mismo ng ilang mga iskolar ng Islam. Ang mga pantas na ito na nagkukunwaring sinusunod ang Sunnah ng Propeta , subali't ang kanilang mga gawain at mga sinasabi ay malayo sa tunay na kahulugan ng Apat na Madhab (Four School of Thought), sapagka't ang ilan sa kanila ay nagsabing kapag may kahawig sa Sunnah ng Propeta , ang kanilang mga opinyon ay hindi na kailangan. Ang Imam na ito (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) kailanma'y hindi nagsabi sa mga tao na sila ay sundin, bagkus sinasabi nila sa mga tao na ang kanilang gawing batayan ay ang Banal na Qur'an at ang Sunnah ni Propeta Muhammad . Ating balikan ang ilan sa mga sinabi ng apat na Imam (nawa'y kalugdan sila ng Allâh) na ito:

Si Imam Al Shafi'I ay nagsabi: "Kung mayroong mapagkakatiwalaang Hadith tungkol sa usaping

192

pangkasalukuyan, ito ay aking opinyon lamang. Kaya't iwasang magtiwala sa aking sinabi sa isang banda."

Si Imam Malik ay nagsabi: "Ang mga sinasabi ng isang tao ay maaaring sundin o 'di kaya'y maaaring itatwa, maliban lamang sa nagmamay-ari ng libingang ito at kanyang itinuro ang libingan ni Propeta Muhammad ." Si Imam Ahmad Ibn Hanbal ay nagsabi: "Huwag ninyo akong gayahin, si Malik, o kaya si Al Awza'i, bagkus, sundin ninyo ang anumang aming sinusunod. Sapagka't wala kaming sinusunod maliban sa Banal na Qur'an at ang Sunnah ni Propeta Muhammad ." Si Abu Hanifa ay nagsabi: "Kung ang opinyon ay para sa Allâh, kay Propeta Muhammad at sa kanyang mga Kasamahan (nawa'y kalugdan sila ng Allâh), ito ay tanggapin nang walang anumang pag-aalinlangan. Subali't kung ito ay nagmula sa mga tagasunod lamang, ito ay opinyon ng mga taong mahina na tulad natin."

Subali't kapag ang isang nagdaragdag ng katuruan ay may mabuting intensyon, ang kanilang pagkakamali ay sanhi ng kanilang walang sapat na kaalaman sa mga Sunnah ni Propeta Muhammad at hindi nag-aral na mabuti tungkol dito. Sila ay walang kakayahang paghambingin ang mga mabuti, mahina at mga gawa-gawang mga Hadith, kaya't kinuha nilang lahat ang anumang maaaring iugnay kay Propeta Muhammad at ang iba ay hinayaang sumunod dito. Subali't napagkasunduan na ang mahinang Hadith ay huwag pahalagahan o kaya'y huwag sundin kung isasaalang-alang lamang ang Islamikong panuntunan. Bagama't ito ay nag-aanyaya sa kabutihan subali't kung ito naman ay mahina, kailangan na ito ay huwag sundin. Ang itinuturing na isang mahinang Hadith ay ang iniulat ng isang taong nagsisinungaling. Sa kabuuan, ang kawalan ng kaalaman ng tao kung alin ang mahinang Hadith ang nagtulak sa paghihirap ng pamayanang Islam na nagligaw sa kanila. Sapagka't nagdagdag sila ng mga bagay na sadyang wala at malayo sa katuruan ng pananampalatayang Islam. Kung ang taong ito ay walang katiyakan sa pagsasabi na ang isang Hadith ay mahina o kaya'y gawa-gawa lamang, muli naming ipinaaalala na ang Allâh ay nangakong pangangalagaan Niya ang Banal na Qur'an. Ginagabayan Niya ang mga promenenteng iskolar na italaga ang kanilang mga buhay upang himayin at pag-aralang mabuti ang mga Hadith ng Propeta

192

upang magpasya kung ito ay isang tunay, totoo, mabuti, mahina o kaya ay gawa-gawa lamang. At kanila ring ipinaliliwanag na mabuti ang mga dahilan ng ganitong paglilinaw. Kanila ring sinusuri at kinikilala ang mga nag-ulat kung sino ang matapat at kung sino ang nagsisinungaling. Kinikilala rin nila kung sino sa mga nag-ulat ang nakakasaulo ng mga Hadith na nagmumula sa kanilang mga puso at kung sino ang hindi. Sinusuri din nilang mabuti ang mga aklat na nailimbag kung ito baga ay isang tunay at mapagkakatiwalaang Hadith hanggang sa marepasong mabuti at maging isang kapaki-pakinabang at mapagkakatiwalaan. Kaya't paano sasabihin ng mga taong ito na ang mga Hadith ni Propeta Muhammad ay puno ng kasinungalingan at mabuti pang huwag na lamang sundin. Ating tunghayan ang sinabi ng Allâh: At kung anuman ang ibinigay sa inyo ni Propeta Muhammad ay kunin ninyo, at kung anuman ang ipinagbawal sa inyo, ay iwasan ito. At matakot sa Allâh. Katotohanan, ang Allâh ay mahigpit magparusa. (Al-Hashr-59:7) Isa sa mga Hadith na binanggit ni Abu Dawood na pinahintulutan nina Dhahaby at Al Tirmidi at inulat naman ni Abi Rafi' na si Propeta Muhammad ay nagpahayag sa mga tao habang ang mga ito ay nakapalibot sa kanya: "Maaaring isa sa inyo ang makarinig ng aking ipag-uutos na gawin o iwanan ang isang bagay, subali't kanyang sinabi habang siya ay nakasandal sa sopa, "Hindi namin susundin ang anuman maliban lamang na nakasulat sa Aklat ng Allâh." Pinatunayan ng Allâh na ang Sunnah ni Propeta Muhammad ay nagmula sa Banal na Qur'an. At Siya ay nagsabi: At hindi siya nagsasalita sa sariling kagustuhan. Ito ay mga Kapahayagan na ipinadala sa kanya. (An-Najm-53:3-4) Binalaan din ng Allâh ang mga Muslim laban sa pagsuway sa Kanyang Propeta : At hayaan ang mga sumalungat sa ipinag-utos (sa Sunnah) ng Sugo (Propeta Muhammad ), mag-ingat sa ilang Fitnah (pagsubok) na nangyari sa kanila o kaya ay isang masakit na parusa ang ipadarama sa kanila. (An-Nur-24:63) Kaugnay nito, si Sheikh Abdul A'la Al Mawdoudi (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) ay nagsabi sa "Al Balagh Newspaper" na inilabas bilang 609 noong buwan ng Dhu Al-Qadah 1401 A.H.

192

Sa unang taon ng ika-13 siglo A.H., ang suliranin ng pagtatatwa sa katotohanan ng Sunnah ni Propeta Muhammad ay muling nabuhay. Ang bagay na ito ay nagmula sa Iraq at nagpatuloy sa India. Ito ay ipinalaganap ni Ahmad Khan Mulowy at Sheikh Garagh Ali at nina Mulowy Abdullah Jakar Alouwy at Al Deen Al Amertsury, kabilang dito si Aslam Gragboury. Ngayon ito ay nasa pamamalakad ni Ghulam Ahmad Birweez na siyang naghatid sa mas malalim na pagkaligaw. Si Ghulam Ahmad Birweez ng Pakistan ay nagpatuloy sa pagpapalaganap na kanyang ilusyon at pagkaligaw. Ang kanyang mga talumpati ay ipinahahayag saan mang lugar. Nagsulat siya ng maraming aklat at nagsalin ng Banal na Qur'an sa pamamagitan ng kanyang maling paniniwala at kamangmangan. Ang masakit pa rito, ang taong ito ay maraming tagasunod at karamihan sa kanila ay kanyang nailigaw. Katunayan, maraming mga iskolar ng Hadith at mga tagasunod ng Hanifa ang naging mga tagasunod at naniwala sa kanya. Subali't malinaw na siya ay sinusuportahan sa pananalapi ng ilang mga bansa na nagnanais lamang na sirain ang Islam. Tinutulungan siya upang ipamudmod ang kamandag na kanyang taglay saan mang lugar siya magtungo. Silang mga nagtakwil sa Sunnah ni Propeta Muhammad ay nalalagay sa panganib na mas higit pa sa Hudaismo o Kristiyanismo, sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kakaibang ideya sa ngalan ng Islam. Sa Batas ng Islam na hango sa Banal na Qur'an, sinumang magtakwil sa Sunnah ni Propeta Muhammad ay itinuturing na isang hindi mananampalataya. Karagdagan pang siya ay nabibilang sa mga namumuhay sa pamamaraan ng ibang pananampalataya na kaiba sa sinang-ayunan ng maraming mga Muslim tungkol sa pangunahing pamantayan sa Islam na may kaugnayan dito. Kanila ring iniba ang kanilang pagsamba. Sa aking pagkakarinig, hindi sila nagdarasal ng limang beses, bagkus ay tatlong beses lamang sa isang araw, (ang bagay na ito ay hindi nakita na aking sariling mga mata). Tungkulin ng mga pantas na Muslim at mga namumuno na labanan ang sektang tulad nito. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng paglilimbag ng mga aklat tungkol sa Sunnah ni Propeta Muhammad upang pasinungalingan ang kanilang mga haka-haka. Kailangan ding magpadala ng mga iskolar sa kanila upang labanan at kundinahin ang kanilang kasinungalingan. Ang pagpuksa sa grupong ito ay katulad ng pakikipaglaban sa mga hindi mananampalataya. Walang sinuman ang maaaring linlangin ng mga hindi mananampalataya, subali't ang grupong

192

tulad nito ay nagliligaw sa maraming tao sapagka't nakaakibat sa kanila ang kapa ng Islam, lalo na yaong kakaunti lamang ang kaalaman sa Banal na Qur'an at sa Sunnah ni Propeta Muhammad . Kailangang pag-ibayuhin pa ang pagsisikap ng mga iskolar ng Islam sa matagal na nilang ginagawang paraan upang maipaabot ang katotohanan sa pangkat na ito. (Dito nagwawakas ang opinyon ni Al Mawdoudy) Ating balikan upang pag-aralan ang ilang pamamaraan ng mga Sufi kung papaano nila namamanipula ang kanilang pangkaraniwan at mangmang na mga tagasunod upang pagsamantalahan. Niloloko nila ang mahihirap at ninanakaw ang kanilang mga biyaya. Hindi sila nag-aalalang ibigay ang kanilang mga pagkain at salapi sa mga Sufi para sa kanilang mga sarili. Ginagawa nila ang lahat ng ito sa paniwalang sila ay may katiyakan sa Hardin ng Allâh at makatatakas sa Kanyang Parusa. Ito ang karaniwang nagaganap. Ang mga tinawag na Sufis o espiritista ang siyang nagpapahirap sa kanilang mga mahihirap na mga tagasunod upang magpayaman.

Isa sa mga kilalang Sufi ay si Al Disouky na naiulat sa aklat na Tabakat Assha'rany na nagsabi: "Ang pinto ng Impiyerno ay nasa aking kamay, maaari ko itong ipinid anumang oras at bubuksan ko ang pinto ng Paraiso. Gagawin kong kanyang tirahan ang Paraiso sa sinumang dumalaw sa akin." Amin namang sinabi: O Disouky! Kung talagang mayroon kang susi sa Paraiso at kaya mong buksan ito ayon sa iyong kagustuhan, bakit hindi ka lumisan sa mundong ito at manirahan doon upang lasapin ang mga biyayang nakalagak doon at hayaan ang mga taong mamahala ng anumang kanilang gawain. Habang sinusulat ang kabanata ng aklat na ito tungkol sa pagmamanipula at pangingikil ng mga Sufi sa kanilang mga tagasunod, may isang nakapagtatakang pangyayari ang naganap sa akin. Sabado ng gabi noon, ika-25 ng Agosto taong 2001. Katatapos pa lamang ng aking huling pagdarasal sa gabi habang ako ay nagsusulat at nakikinig sa isang programa sa radyo na pinamagatang "Light on the path". Ito ay isang himpilan na nagsasahimpapawid ng mga programa tungkol sa Banal na Qur'an mula sa Riyadh. Sa programang ito, isang mapagkakatiwalaang iskolar na nagmula sa Saudi Arabia ang sumasagot sa

192

mga katanungan ng mga tagapakinig. Ang panauhin ng gabing iyon ay ang kagalang-galang na si Sheikh Abdullah bin Abdul Rahman Al Ghaydan. Isang tagapakinig na nagmula sa bansang Sudan ang nagtanong – isa siyang tagasunod ng grupong Sufi sa Sudan. Ayon sa nagtanong, isa sa kanyang kasamahan ang nagpahayag na ang kanilang Sheikh ay nagsabi sa kanilang grupo na sinuman ang magtungo sa Makkah upang magsagawa ng paglalakbay ay kinakailangang magbigay ng ikalimang bahagi (1/5) ng kanyang pag-aari at isang tupa naman bago pumasok sa kanyang bahay pagkarating mula sa kanyang paglalakbay. Kaagad namang ipinaabot ni Sheikh Ghadyan ang kanyang tamang kasagutan na nagsasabing ang grupong iyon ay hindi tama. Kanyang nilinaw na ang Sheikh ng kanilang grupo ay hindi sumusunod sa Batas ng Islam at sa Sunnah ni Propeta Muhammad . Tanging ang nais lamang niya ay pagsamantalahan ang sinuman sa kanyang grupo sa pamamagitan ng pagkuha sa bahagi ng kanilng yaman bagama't ito ay hindi pinahihintulutan sa Islam. Ang grupong ito ay nararapat lamang akusahan laban sa kanilang mga maling gawain. Nawa'y gabayan sila ng Allâh at gayundin naman tayo sa Tamang Landas. Ang ilan sa kanila ay nagsasabing sila ay mga propeta na hindi tumanggap ng anumang kapahayagan sa pamamagitan ni Anghel Gabriel, bagkus tinanggap nila ito ng tuwiran mula sa Allâh – ang Makapangyarihan. Sapagka't sila di-umano ay napakalapit sa Allâh at hindi na nila kailangan ng tagapamagitan. Kanila ring sinasabing nang dahil sa kanilang mataas na antas sa harap ng Allâh ay hindi na rin nila kailangan sumamba. Kaya't hindi sila nagdarasal, nag-aayuno at nagsasagawa ng anumang uri ng pagsamba. Subali't si Propeta Muhammad na kilalang pinakamabuting nilikha ng Allâh at nagtataglay ng mataas na antas ng mabuting pag-uugali ay hindi nagsabing nakatanggap siya ng anumang kapahayagan ng tuwiran mula sa Allâh at hindi rin siya nagpabaya sa kanyang pagsamba. Sa halip siya ay sumasamba sa Allâh sa buong magdamag hanggang ang kanyang mga paa ay sumakit, at kapag tinanong siya ni A'isha (nawa'y kalugdan siya ng Allâh): "O Propeta ng Allâh, bakit mo ginagawa ang lahat ng ito bagama't ang lahat ng iyong mga kasalanan ay pinatawad na ng Allâh at ang iyong mga darating pang kasalanan?" Sinagot siya ng Propeta ng Allâh: "Hindi ko ba nanaising maging mapagpasalamat na mananampalataya?"

192

Kailanma'y hindi sinabi ng Propeta na siya ay labas sa anumang obligasyon tulad ng pagdarasal, pag-aayuno at iba pa. Ang ibang lider na Sufi ay nagsasabing mayroon silang sariling kakayahan na katulad ng Allâh – Luwalhatiin ang Allâh. Kanila itong sinasabi sanhi ng kanilang pagiging di-mananampalataya. Kaya inako nila sa kanilang mga sarili na sila ay propeta ng Allâh at may kakayahang makita ang mga nilikhang di-nakikita. Ito ay mismong naganap sa nakaraang dekada lamang. Marami sa kanila ang nagsasabing ang Banal na Qur'an ay ipinahayag sa kanila. Ang ilan sa kanila ay kinilalang sina Mirza Gholam Ahmad Al Qadiany, Muhammad Ali Albab, Mirza Hassan Ali [na mas kilala bilang Al Baha'a] at ang kilalang Sudanese na isang impostor na si Muhammad Mahmoud. Tunghayan natin ang ilan sa kanilang mapanganib na alegasyon at haka-haka:

Sa aklat na pinamagatang "Tabakat Assha'rany", siya ay nagsabi tungkol sa biyaya ng kanyang panginoon na si Assharif Al Magzoub. "Nang saksakin ng isang Nubian ang aking panginoon na si Ali Al Khawwas, si Assharif Al Magzoub ay lumabas mula sa kanyang puntod at siya ay kanyang sinaksak." Sa parehong aklat na nabanggit nasusulat din ang tungkol kay Ahmad Al Badawi (na isang patay) at kanyang sinabi: Si Al Badawi ay nagtamasa ng makamundong bagay at may kakayahang magbigay ng buhay sa sinumang kanyang naisin pagkaraan ng kamatayan. Kanyang naibibigay ang pangangailangan ng mga tao. Samantalang ang Propeta kailanma'y hindi nangako ng anuman pagkaraan ng kanyang kamatayan. Kung bibigyan ng Allâh ang sinumang namatay sa Kanyang mga nilikha ng pagkakataon upang matulungan ang kanyang mga minamahal at kamag-anak, katiyakang ipagkakaloob ng Allâh ang kakayahang ito kay Propeta Muhammad . Subali't dito ay binanggit ang tungkol kay Al Badawi bagama't siya ay isa ng patay. Sa aklat ni Al Sha'rany ay nakasaad ang talambuhay ng kanyang panginoon na si Al Badawi na mababasa ng ganito: "Pinahintulutan ng sheikh na ako ay makapanumpa sa ilalim ng bobido sa harap ng aking panginoon na si Ahmad Badawi at inabot ang aking kamay papunta sa kanya. Sa pagkakataong iyon, ang kagalang-galang na kamay ay lumabas mula sa libingan at kinamayan ang aking mga

192

kamay at sinabi ni Asshinnawy: "Ingatan mo siya at lagi mo siyang babantayan." Pagkaraan noon ay narinig kong sumagot si Al Badawi ng "Oo". Sinabi pa ni Al Sha'rany sa kanyang aklat na minsan ay hindi siya nakadalo sa pagdiriwang ng kaarawan ni Ahmad Al Badawi. Subali't ang ilan sa kanila na nakapunta sa pagdiriwang na iyon ay nagsabing tinanggal ni Al Badawi ang talukbong ng kanyang dambana at nagwika ng ganito: "Si Abdul Wahab Al Sha'rany ay wala pa, bakit hindi pa siya dumarating?" Dagdag pa ni Al Sha'rany na kanyang nasaksihan ang maraming sheikh, patay at buhay na lumalakad o kaya'y gumagapang upang pumunta sa pagdiriwang ng kaarawan ni Al Badawi habang nakasuot ng kanilang mga kapa. Kanya ring sinabi ang tungkol kay Al-Harthy. Ako ay nananalangin sa kanya upang punan ang aking pangangailangan habang ako ay nasa ibabaw ng bubong ng paaralan ng Umm Khoad sa Ehipto. At nakita ko siyang lumabas mula sa kanyang libingan at naglakad mula Domietta papalapit sa akin hanggang umabot sa limang talampakan na lamang ang aming pagitan. Pagkatapos ay kanyang sinabi: "Kailangang ikaw ay maging matiisin" bago siya tuluyang naglaho.

Ayon naman kay Ahmad Bin Muhammad Abul 'Abbas Attigany na isinilang noong 1150 A.H., "Ang aking kaluluwa ay ang kaluluwa ni Propeta Muhammad . Ginagabayan nito ang mga Propeta at Sugo, habang ang aking kaluluwa ay patuloy na ginagabayan ang lahat ng nakakaalam. Sa Araw ng Paghuhukom, aatasan ng Allâh ang Kanyang mga nilikha at tatawagin silang lahat sa napakalakas na tinig na magsasabi ng ganito: "O kayong mga tao sa Pagbabangong Muli! Ito ang inyong Imam na tumulong sa inyo." Sa aklat na pinamagatang Aja'eb Al-Athar ni Al Gabarty (bilang 1 pahina 320), sinulat niya ang tungkol sa mga kababalaghang kanyang nakita ayon sa mga sumusunod: "Ang kilalang Sufi na si Ali Bin Hijazy Bin Muhammad Al Bayyumi na pumanaw noong 1183 A.H. ay nagsabing nakita niya si Sheikh Al Dimirdash sa kalangitan at sinabi sa kanya: "Huwag matakot sa buhay sa mundong ito at gayundin sa kabilang buhay." Sinabi pa ni Al Bayyumi na nakita niya ang Propeta at nang magtungo si Al Bayyumi kay Al Sayyid Al Badawi, nakita niya

192

doon ang Propeta . Nang siya ay kanyang makita, si Al Bayyumi di-umano ay natakot sapagka't inakala niyang ito ay isang ilusyon lamang. Subali't nakita niya si Al Dimidash sa kanyang libingan at nangusap sa kanya: "Iabot mo ang iyong kamay at batiin mo ang Propeta sapagka't narito siya ngayon sa aking dambana."

Si Ali Harazem na sumulat ng kanyang aklat na pinamagatang Jawaher Alma'ani Fi Faid Al Tijany, (bilang 1 pahina 97) ay nagsabi: "Ang pinakadakilang idolo ng Tijahan ay nagsabing ang Master of The Existence (ibig niyang sabihin ay ang Propeta ) ay nagsabi sa akin na siya ay kanyang nakita sa katotohanan at hindi sa isang panaginip. Kahit sino ang tumulong sa iyo sa anumang pamamaraan o kaya ay nagpakain sa iyo ay makapapasok sa Paraiso ng walang anumang Pagsusulit at Kaparusahan. Kaya't tinanong ko siya: "Ang lahat ng ito ay para sa kanya na gumagawa ng kabutihan para sa akin at lahat ng nagpapakain sa akin ay makapapasok ng Paraiso nang walang anumang Pagsusulit o Kaparusahan. Pagkatapos ay inilarawan pa ni Al Tijany ang mahabang pag-uusap sa pagitan niya at ng Propeta . At sa huli ay naaalala pa niya ang sinabi ng Propeta : "Aking ipinangangako ang lahat ng ito sa kanila na kailanma'y hindi sila maaaring magtakwil nito hangga't kayong lahat ay makasama ko na pumasok sa pinakamataas na antas sa Paraiso." Ayon sa nabanggit sa itaas, ang titulong ito ay hindi naaayon kay Propeta Muhammad , na siya ang Master of The Creature, sapagka't ang Allâh ang natatanging "The Master of The Existence". Ayon sa aklat ni Abi Talib Al Makky na pinamagatang "Qaot Al Quluob", (pahina 103), dito naisulat ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng mga Sufi sa Allâh: "Ilang mga tao ang humihingi ng tulong sa Inyo at sila ay Inyong pinagbibigyan sa sanlibutan. Ginawa Mo silang nakalalakad at nakalilipad tulad ng mga ibon at pinagkalooban Mo sila ng kayamanan sa ilalim ng lupa at ang Makapangyarihan ay nangusap sa kanila." Pagkaraan nito ay kanyang inilarawan ang mga biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Allâh at kanyang sinabi: "Inilagay ako ng Allâh sa mababang bahagi ng orbit (ang landas ng mundo sa paligid ng araw) at aking

192

nilibot ang mababang kaharian at ipinamalas sa akin ang kalupaan at buhanginan sa ilalim nito. Pagkatapos, inilagay Niya ako sa mataas na orbit at nilibot ko ang mga kalangitan at ipinakita sa akin ang Paraiso at Trono at inilapit Niya ako sa Kanyang sarili at sinabi sa akin: "Sabihin mo sa Akin ang anumang iyong nakita at ipagkakaloob Ko ito sa iyo. Subali't aking sinabi: O aking Panginoon! Wala akong nakitang anumang bagay na nakahikayat sa akin upang hilingin sa Iyo." Luwalhatiin ang Allâh at sadyang malayo Siya sa anumang kasinungalingan na kanilang sinasabi laban sa Kanya. Nakita ba ninyo ang isang tulad nito kung papaano ihayag ang kanilang di-umano'y pakikipagugnayan sa Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan? Ang ganitong uri ng relasyon sa pagitan ng Allah at ng Kanyang nilikha kailanma'y hindi naranasan ng ibang nilikha maging si Propeta Muhammad na itinuturing na pinakamabuting tao sa lahat ng mga nilalang. Nakapagtatakang pagkaraan niyang masaksihan ang Trono ng Allâh ayon na rin sa kanyang palasak na kasinungalingan, tila baga nagmamalaki pa niyang sinabi sa Allâh na walang anumang bagay ang nakahikayat sa kanya kaya't wala siyang nais hilingin mula rito. Karagdagan pa sa nilalaman ng kanyang aklat (Qout Al Quluob) di-umano pagkaraan niyang sabihin ang lahat ng ito, ang Allâh – ang Makapangyarihan ay nangusap sa kanya: "Sa iyong katayuan ikaw ay Aking isang tunay na alipin." Luwalhatiin ang Allâh sapagka't sadyang Siya ay napakalayo sa anumang mga kasinungalingan.

Ang isa pang uri ng imahinasyon na inulat ni Al Sawy bilang karagdagang impormasyon sa aklat na Sharh Alkhareeda na sinulat ni Addardeer: Si Al Rifa'I ay tumayo sa kabilang bahagi ng puntod ng Propeta at binigkas sa kanyang harapan ang dalawang talatang ito: Kapag malayo ako sa iyo, Aking ipadadala ang aking kaluluwa. Bilang aking sugo upang hagkan ang kalupaan para sa iyo. At narito ang isang espiritung dumating sa iyong libingan.

192

Kaya't iunat mo ang iyong kamay upang parangalan ang aking mga labi. At kanilang sinabi na inilabas ng Propeta kamay upang kanyang mahalikan. ang kanyang

Si Addabbagh ay sumulat ng isang aklat upang ipalaganap ang mga kasinungalingan na pawang mga gawa-gawa lamang. Dito ay kanyang sinabi: "Nakita ko ang isang Sufi na napakataas ng kanyang antasespirituwal. Nakikita niya ang lahat ng nilikhang may buhay tulad ng mga halimaw, mga insekto, mga kalangitan, mga tala, sanlibutan at ang buong kalawakan. Naririnig niya ang tinig ng mga ito at kanya itong palagiang nakakausap at naibibigay niya sa mga ito ang anumang kanilang pangangailangan na walang halong pag-aalinlangan." O Allâh! Kami po ay nagsusumamo ng Inyong Kapatawaran at nagsisisi sa lahat ng mga kasinungalingang nagmula sa ilan sa Inyong mga nilikha laban sa Inyo. Silang mga naligaw at mga nagligaw sa Inyong mga alipin. Ano bang kakayahan mayroon ang mga di-nananampalatayang ito na kaakibat ng kanilang sarili sapagka't sila ay natatangi sa Allâh? Sadyang malayo ang Allâh sa lahat ng mga kasinungalingan. Kami ay nagpapasakop sa Allâh laban sa anumang nilikha na naniniwala sa mga walang katuturang-bagay at dumadalangin sa sumpa ng Allâh para sa kanila hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Walang sinumang pinagmumulan ng anumang Lakas at Kapangyarihan maliban lamang sa Allâh – ang Ganap na Makapangyarihan. Si Rabe'a Al 'Adawiyya ay isang Sufi. Binibighani niya ang kanyang mga kasamahan sa pamamagitan ng kanyang pagiging Sufismo. Sa kanyang tula, minsan siya ay nagkukunwari sa pagiging banal. Ang mga Sufi ay palaging nagbubunyi kapag naririnig ang kanyang pangalan sa kanilang mga pagtitipon. Tinawag pa siyang "The Martyr of Divine Love". Siya ang nagsabing: "Ako ay hindi sumasamba sa Inyo o natatakot sa Inyong Apoy ng Impiyerno o umaasa sa Inyong Hardin. Ako ay hindi sumasamba sa Inyo maliban lamang para sa Inyong Sarili." Sa paglalahad nito, si Rabe'a ay nagpapakita ng pamamaraan at pakikipag-usap ng higit na malayo sa pamamaraan ng mga Propeta at Sugo (sumakanila nawa

192

ang kapayapaan). Sa kanyang paglalahad sinabi niyang siya ay malayo sa anumang damdaming may pagnanasa o takot sa Allâh – ang Makapangyarihan. Subali't binanggit ng Allâh mula sa Banal na Qur'an na ang mabuting katangian ng mga Propeta sa kanilang pagdarasal ay ang pagkakaroon ng masidhing takot, hangarin at pag-aalala sa Kanya. Tunghayan natin ang sinabi ng Allâh – ang Makapangyarihan: Katotohanan, sila ay laging maagap sa paggawa ng mabubuting gawa, at sila ay tumatawag sa Amin nang may pag-asa at takot, at sila ay nagpapakumbaba ng kanilang sarili sa Aming harapan. (Al-Anbiya-21:90) Dagdag pa ng Allâh: At manalangin sa Kanya nang may takot at pag-asa. Katiyakan, ang Habag ng Allâh ay malapit sa mga gumagawa ng kabutihan. (Al-Araf-7:56) Sa iba pang talata mula sa Banal na Qur'an ay matutunghayan ito: Iniiwan nila ang kanilang mga higaan upang manalangin sa kanilang Panginoon nang may takot at pag-asa, at sila ay gumugugol sa kawanggawa tungo sa Kapakanan ng Allâh mula sa mga biyayang Aming ipinagkaloob sa kanila. (As-Sajdah-32:16) Sadyang ang lahat ng kanyang pantasya at imahinasyon ang nagdulot sa kanya upang tuluyang malayo tulad na lamang sa kanyang paglalarawan sa Kaaba, ang Banal na Tahanan ng Allâh sa kanyang pagsasabing: "Ito ay ang imahe na sinasamba sa kalupaan." Ngayon ay ating napatunayan na ang mga Sufi ay sumasalungat sa magkatulad na Katuwiran at Batas ng Islam. At ang kabuuan ng aklat na ito ay hindi sapat upang ilagak ang lahat ng kanilang mga kahiya-hiyang gawain at kasinungalingan laban sa Allâh – ang Makatotohanan. Sa paglalahad ng ilan sa mga ito, kanilang itinuturo ang panalangin para sa libu-libong nangangailangan. Kanila ring sinasabi ang tungkol kay Abdul Hassan Asshazly sa pagsasabing: "Nawa'y kalugdan siya ng Allâh." Humihingi rin sila ng tulong kay Propeta Muhammad sa pamamagitan nito: "Tulungan mo kami Propeta ng Allâh", "Iligtas mo kami Propeta

192

ng Allâh" at kung anu-ano pa. Nagsasagawa rin sila ng pagdarasal na tinawag nilang "lights prayer" para sa kanilang dakilang idolo na si Abi Farag. Kanila ring iniuugnay sa kanyang pangalan ang "Nawa'y kalugdan siya ng Allâh." Ang tinatawag na "lights prayer" ay panalangin para sa sariling liwanag at kanilang mga lihim. Ito ay pinasimulan ni Asshazly. Ayon sa kanilang sinasabi, ang panalanging ito ay katumbas ng isandaang libong pagdarasal. Kanila ring sinasabi na si Propeta Muhammad ay hindi nawawala sa kalawakan kahit isang segundo lamang sapagka't siya ang orihinal at katuwang nito. Kanila ring sinasabi na si Propeta Muhammad ang dahilan ng pagkakaroon ng lahat ng bagay sapagka't siya ang unang nilikha at mula sa kanyang liwanag nilikha ng Allâh ang mga kalangitan, ang sanlibutan, ang Mataas na Luklukan at lahat ng mga nilalang. Kaya't paano siya maaaring mawala sa kalawakan kahit isang segundo lamang? Sinasabi rin nilang nakita nila ang Propeta ng maraming beses sa kanilang mga panaginip. Ang ilan sa kanilang sinasabi tungkol kay Propeta Muhammad ay ang pagdalaw nito sa kanila. Kaya't sila ay naging kanyang Kasamahan at sinasabi nila sa kanila ang mga katagang: "Nawa'y kalugdan sila ng Allâh." Kanila ring sinasabi na sinuman ang magbasa ng panalangin na sinulat ng kanilang panginoon na si Al Moursy Abdul Abbas ng limandaang beses ay hindi kaagad mamatay hangga't hindi niya nakikita ang Propeta sa kanyang katauhan. Gumawa rin sila ng ilang mga Hadith na di-umano ay inulat ni Abu Hurraira at sinumang magsabi ng Hadith na ito: "Kapayapaan at Pagpapala ng Allâh ay mapasa Propeta" ng isang libong beses at magbasa ng iba pang mga panalangin ay makikita niya ang Propeta sa kanyang panaginip. At sinuman ang mas nakahigit sa pagbabasa nito ay masasaksihan niya ang Propeta sa kanyang katauhan at maibibilang siya sa kanyang Kasamahan at itatalaga sa kanya ng Propeta ang Paraiso ng Allâh. At sa kanyang pamamagitan, patatawarin ng Allâh ang kanyang mga kasalanan kabilang na ang kanyang mga magulang. Dagdag pa ritong hindi niya daranasin ang hirap ng kamatayan, bagama't malinaw sa lahat na mismong ang Propeta ay hindi nakatakas sa kanyang kamatayan. Kanila ring sinasabi na sinuman ang nakasaksi sa Propeta ay hindi magdaranas ng kaparusahan sa libingan at sa Araw ng Paghuhukom. Gayundin, makakamtan niyang lahat ang anumang kanyang kakailanganin sa buhay sa mundong ito at sa Kabilang Buhay. Binigyang-diin din sa aklat ng kanilang idolo – sa pamamagitan ng kanilang mga kasinungalingan, na kung nais mong makita ang Propeta , kailangan mong magdasal habang nakaluhod sa gabi bago sumapit ang araw ng Biyernes. Sa bawa't pagluhod, kailangan

192

niyang basahin ang Al-Fatiha "Ang Pambungad na Kabanata" at ang talata ng Al-Kursi ng limang beses at sabihing "Kapayapaan ay mapasa Propeta " ng isang libong beses. Gumawa rin sila ng Hadith ng Propeta upang suportahan ang kanilang kasinungalingan. Ang kanilang Hadith ay mababasa ng ganito: "Sinumang nagnanais na makita ako (Propeta ) sa kanyang katauhan, kailangan niyang magdasal sa Huwebes ng gabi na may apat na pagluhod. Sa bawa't pagluhod, kailangan niyang basahin ang mga sumusunod na kabanata ng Banal na Qur'an; Al-Fatiha, Ad Duoha, As Sharh, Al Quadr at Al Zalzalah. Pagkatapos ay kailangan niyang sabihin ang: "Kapayapaan ay mapasa Propeta " ng pitumpung beses at hingin ang Kapatawaran ng Allâh ng pitumpung beses. At kapag siya ay natulog ay makikita niya ako sa kanyang panaginip. Katunayan, maraming mangmang na tao ang sumubok na gawin ito subali't hindi nila nakita ang Propeta , maging sa kanilang mga panaginip. Kanilang inulat sa aklat na Khazinat Al-Asrar: "Ilang mga iskolar ang nagsabi na sinumang magbasa ng Surat Al Qadr ng isang libong beses sa araw ng Biyernes ay hindi mamamatay hanggang hindi niya nakikita ang Propeta . Naligaw sila ng tuluyan dahil sa sinabi nila tungkol sa Alfateh Prayer para sa kanilang panginoon na si Muhammad Albakry. Ayon kay Albakry, sinumang manalangin na may apat na pagluhod sa Huwebes ng gabi at bumigkas ng ganito: O Allâh, nawa'y ang kapayapaan at pagpapala mula sa Inyo ay mapasa aming panginoon na si Muhammad Al Fateh na siyang nagbukas ng anumang nakapinid, na siyang tanda ng lahat ng mga tagasunod, ang mga tagasunod ng tama sa pamamagitan ng tama at ang gabay at kapayapaan ay mapasa kanya at sa kanyang pamilya na aangkop sa mataas na antas, ay makikita niya ang Propeta habang gising ng mukha sa mukha. Sadyang sagad sa kasamaan ang kanilang mga kasinungalingan sa paggawa ng mga nakatutuwang bagay upang pagsamantalahan at makunan ng salapi ang kanilang mga kasanib. Binigyan nila ng sariling kahulugan ang talatang ito mula sa Banal na Qur'an ayon sa kanilang sariling layunin: O kayong mga mananampalataya! Gawin ang inyong tungkulin sa Allâh at magkaroon ng takot sa Kanya. At hanapin ang paraan upang mapalapit sa Kanya. (Al-Maidha5:35)

Batid nilang lahat na ang paraan ng paglapit sa Allâh ay sa pamamagitan ng mga panalangin at mga mabubuting gawain na sadyang isinasagawa upang makamtan ang Kasiyahan ng Allâh

192

tulad ng tatlong kalalakihang nakulong sa kuwebang bato. Sa kabila ng kanilang kaalaman, iniligaw nila ang mga tao sa pagtuturo ng pagdarasal sa mga yumaong Propeta, Sugo at mga kilalang tao katulad na lamang ng yumaong kamag-anak ni Propeta Muhammad . Kanilang sinasabing ang paglapit sa kanilang mga libingan ay pinahihintulutan katulad ng kanilang paglapit sa mga ito noong nabubuhay pa. Sapagka't ayon sa kanilang paniniwala ang mga libingang ito ay bahagi ng paraiso ng Allâh. Ito ang mismong sinasabi ni Abu Hamid Al Ghazaly sa kanyang aklat na pinamagatang Aadab Assafar. Ang kanilang dinadakilang idolo na si Abu Al Hassan Asshazly ay nagsabi: "Sinumang magnais ng anumang bagay mula sa Allâh, kailangan niyang manalangin sa pamamagitan ni Imam Abu Hamed Al Ghazaly sa aklat na pinamagatang Almafakher Al-Alia. Dagdag pa ni Asshazly tungkol sa kanyang panginoon na si Al Ghazaly, na di-umano ay nagwika sa kanya: "Anumang bagay ang iyong hangarin mula sa Allâh, banggitin mo ang aking pangalan" at si Al Asshazly ay sumusumpa na anuman ang kanyang hilingin sa pamamagitan ni Al Ghazaly, ipagkakaloob ito sa kanya ng Allâh at mawawala ang lahat ng kanyang paghihirap. Subali't ito ang aming sinabi kay Asshazly: "Katotohanan na ikaw ay isang sinungaling at kaaway ng Allâh! Sinuman sa inyong mga pinuno ang nagpahirap sa kalagayan ng iba ay haharap sa Allâh sa Araw ng Paghuhukom na walang sinumang maililigtas kahit anumang halaga ang kanyang ibigay. Ang tanging magtatagumpay sa araw na yaon ay sila lamang lumalapit ng tuwiran sa Allâh na may matapat na puso. Ang humingi at manalangin sa mga Propeta gayundin sa mga dakila at mabuting tao ay ipinagbabawal, maging sila man ay patay o 'di kaya'y nabubuhay pa. Kaluwalhatian sa Allâh na nagsabi sa Kanyang Propeta sa Banal na Qur'an: At kung ang Aking mga alipin ay magtanong sa iyo (O Muhammad ) tungkol sa Akin, kung gayon (sila ay iyong sagutin), tunay na Ako ay malapit (sa kanila sa Aking Kaalaman). Ako ay tumutugon sa mga panalangin ng mga nananawagan kung sila ay tumatawag sa Akin ng walang tagapamagitan. Hayaan silang tumalima sa Akin, upang sila ay magsitahak sa tuwid na landas. (Al-Baqarah-2:186) Si Attabarany ay nag-ulat na si Ebadu Ibnul-Samit (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) ay nagsabi: Noong kapanahunan ng Propeta ay may hipokrito na gumawa ng masama sa mga Muslim. Ang ilan sa mga ito ay nagsabi: "Halina sa Propeta at hingin natin ang kanyang proteksyon laban sa

192

hipokritong yaon. Subali't sinabihan sila ng Propeta ng ganito: Hindi ako ang dapat tumulong sa inyo bagkus ang Allâh – ang Makapangyarihan ang mangangalaga sa inyo." Ito ay naganap noong panahon ng Propeta , kaya't paano siya makatutulong ngayon, gayong siya ay patay na? Ang mas malaking katanungan dito ay paanong makatutulong ang isang mabuting tao na hindi man lamang naabot ang antas ng isang propeta katulad ni Propeta Muhammad ? Hayaan na lamang natin ang mga impostor at sinungaling na ito na humamon sa Propeta ng Allâh at nagsabing: "Ang matuwid na taong tulad nila ay maaaring tumawid sa karagatan, samantalang ang Propeta ay nakatayo lamang sa dalampasigan." Sinasabi rin ng mga taong ito na may kakayahan silang tumawid sa karagatan sa pamamagitan ng paglakad lamang, isa ito sa kanilang himala, samantalang hindi ito kayang gawin ng Propeta . Hindi baga sila ay lalo lamang naligaw sanhi ng kanilang mga kasalanan at kawalan ng pananampalataya? Ang ilan sa mga impostor na ito ay humahabi ng mga kuwento tungkol sa kanilang panaginip na di-umano ay nakita nila ang Propeta , at sila ay pinagkatiwalaang itama ang ilang naligaw na pamayanan tungkol sa mga Sunnah ng Propeta . Kanilang ikinalat ang ganitong mga kasinungalingan, na ang tanging layunin ay baguhin ang mga orihinal na Sunnah ng Propeta . Sila ay naglimbag ng ilang mga aklat kaugnay ng mga hakahakang ito at ipinamahagi sa iba na walang pangalan sa pabalat. Minamahal kong mga kapatid, tayo ay magagabayan sa ating pananampalataya sa pamamagitan ng liwanag na nagmula sa Banal na Qur'an at sa mga Sunnah ng Propeta . Sinuman sa atin ang naapektuhan ng mga Sufi – sanhi ng kanyang kamangmangan sa kanyang pananampalataya ay maaaring manumbalik sa Allâh – ang Mahabagin. Nawa'y wakasan ng Allâh ang ating buhay habang tayo ay nasa tamang pananampalataya at ihanay Niya tayo sa pinarangalang sekta ng ating relihiyon sa pamumuno ni Propeta Muhammad . Ating pag-ukulan ng pansin kung ano ang nagaganap sa pamayanan ni Propeta Muhammad . Nagtakda ang Allâh ng mga dahilan ng ating kaparusahan mula sa atin at pinaghiwalay Niya tayo sa iba't ibang sekta na mayroong magkakaibang doktrina. Pinahintulutan tayo ng Allâh na mamuhay ng magkakasama nang maraming taon at siglo na nararapat para sa atin. Subali't sa mga nagtatwa ng Banal na Qur'an at mga Sunnah ni Propeta Muhammad , ating pinayagan ang kasamaan na mamayani at sumibol sa ating Islamikong pinagmulan at ang mga kamalian sa

192

ating pananampalataya na magtagumpay laban sa atin. Kung hindi lamang sa Habag at Pagpapala ng Allâh, ginawa na Niya tayong mga unggoy at baboy, at kung hindi lamang sa biyaya ng Allâh, maaaring tayo ay pinahihirapan na sa pamamagitan ng pagpapaulan ng bato mula sa kalangitan. Dapat nating palagiang alalahanin ang talatang ito mula sa Banal na Qur'an: At alalahanin ang Araw na ang Zalim (mga makasalanan, mapagsamantala, mga nagtatambal sa pagsamba) ay kakagat sa kanilang mga kamay, at siya ay magsasabi: "Oh! Sana ay sinundan ko ang landas ng Sugo (Muhammad ). Ah! Kasawian sa akin! Sana kahit kailan ay hindi ko itinuring ang kung sinu-sino bilang isang Khalil (isang malapit na kaibigan). Katotohanan siya ang umakay sa akin upang maligaw sa Paalaala (ng Qur'an) matapos na ito ay makarating sa akin. At si Satanas ay laging hindi maaasahan ng tao sa sandali ng pangangailangan. (Al-Furqan-25:27-29) Atin ding tunghayan ang pagpapakahulugan ni Ibn Abbas sa mga sumusunod na talata: At huwag ninyong tularan yaong mga nagkahiwa-hiwalay at nagkasalungatan sa isa’t isa pagkatapos dumating sa kanila ang maliwanag na katibayan. At sa mga yaon,mapapasakanila ang nakapanghihilakbot na parusa. Sa Araw ng Muling Pagkabuhay puputi ang mukha ng mga mananampalataya at iitim ang mukha ng mga di-mananampalataya. (Al-Imran-3:105) Inilarawan ni Ibn Abbas ang mga sumusunod: "Ang mukha ng mga sumusunod sa Sunnah ni Propeta Muhammad ay magiging maputi at ang mukha ng mga nagtalaga ng bagong katuruan at naghasik ng buto sa pagkaligaw ng mga Muslim ay magiging itim." Inilarawan din ng Allâh ang kahihinatnan ng dalawang pangka't na ito sa Banal na Qur'an: At hinggil sa mga umitim ang kanilang mukha, sasabihin sa kanila: “Tumalikod ba kayo pagkatapos ninyong manampalataya? Magkagayo’y lasapin ninyo ang parusa sa Impiyerno dahil sa inyong pagtalikod.” At hinggil naman sa mga pumuti ang kanilang mukha, sila ay nasa Habag ng Allâh (Paraiso), at mananatili sila roon magpakailanman. (Al-Imran3:106-107)

Sa Aking Pagtatapos

192

Nais kong sabihin na ang lahat ng masamang gawain at maling pag-aakala na ipinaliwanag sa itaas ay ipinamuhay ng milyonmilyong mga Muslim sa loob ng maraming siglo at magpahanggang sa kasalukuyan. Nawa'y gabayan sila gayundin naman tayo ng Allâh sa Tamang Landas. Kami ay umaasang sila ay manunumbalik sa Allâh upang humingi ng tawad at linisin ang kanilang pananampalataya. Kami ay dumadalangin sa Allâh na sila at tayo ay maging ligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa Sunnah ni Propeta Muhammad . Ang ilan sa mga gawaing ito na iniwan ng mga nangliligaw na mga Sufi ay ginagaya ng mga Muslim, sa pag-aakalang ang lahat ng ito ay bahagi ng Sunnah ni Propeta Muhammad . Subali't malinaw na ang mga ito ay pawang mga karagdagan lamang. Dahil sa maliit na pamamaraang tulad nito, maaari nilang iligaw ang mga tao tungo sa politeismo (pagsamba ng may pagtatambal). Ito ay ipinagbabawal ng Allâh. Ayon sa sinabi ng Propeta : "Ang politeismo (pagsamba ng may pagtatambal) ay malinaw kaysa paghakbang ng mga langgam sa makinis na itim na bato sa kadiliman ng gabi." Narito ang ilang masama at hindi katanggap-tanggap na mga gawain, at mga katibayan na ito ay hindi pinahihintulutan at tanging ang Allâh lamang ang higit na nakaaalam.

1. Ipinagdiriwang ng mga Shiites' at Sunnites' ang pagakyat ni Propeta Muhammad sa ika-7 kalangitan tuwing sasapit ang kalagitnaan sa buwan ng Sha'ban at sa ika-10 araw ng Muharram na tinaguriang A'shoura'a. Lahat ng ito ay bagong katuruan na hindi nabanggit sa Banal na Qur'an at sa Sunnah ni Propeta Muhammad at sa mga talaan ng mga ginawa ng mga kanyang Kasamahan. Si Propeta Muhammad ay hindi nagsabing ipagdiwang ang kalagitnaan sa buwan ng Sha'ban o kaya ay hindi ginaya ang ginawa ng mga Kalipa ng Orthodox at ipinag-utos sa atin ng Propeta na sundin sila. Bagama't ang buwan ng Sha'ban ay isang pinagpalang buwan, gayunpaman, walang sinuman sa kanila ang nagdiwang nito. Si Propeta Muhammad ay gumagawa ng maraming mabuting gawain sa buwan na ito para sa Allâh tulad ng pag-aayuno. Ang pagaayuno sa buwang ito ay isinasagawa bilang pagsasanay at paghahanda ng kanyang kaluluwa upang tumanggap ng mga biyaya sa banal na buwan ng Ramadan. Kaya naman napakaraming makatotohanang Hadith tungkol sa katangian ng naturang buwan. Isa sa Hadith na ito ay ang inulat ni A'isha

192

(nawa'y kalugdan siya ng Allâh): "Ang Propeta ay hindi nag-aayuno sa alinmang ibang buwan maliban sa Ramadan nang mas malimit sa kanyang pag-aayuno sa buwan ng Sha'ban. Siya ay nag-aayuno halos sa buong buwan ng Sha'ban." (Muslim) Kaya't ang pagtitipon pagkaraang lumubog ang araw sa loob ng Masjid sa kalagitnaan ng buwan ng Sha'ban at ang pagdarasal ng natatanging pagdarasal ay pawang mga bagong katuruan na hindi isinagawa ng mga Kasamahan ng Propeta .

2. Ito ay nagmula sa mga politeista na sumusumpa sa iba maliban sa Allâh – ang Makapangyarihan tulad ng sinasabi ng iba: "Para sa Propeta, gawin ang ganito at ganon, o kaya ay magsabi: Ako ay nagpapasakop sa iyo sa pamamagitan ng iyong buhay, sa buhay ng iyong anak o kaya'y sa isa sa iyong pinakamamahal na kamag-anak upang gawin ang ganito at ganon para sa akin." Subali't ganito ang sinabi sa atin ng Propeta : "Kanino dapat manumpa, manumpa lamang sa Allâh o kaya'y manahimik na lamang." Tayo ay pinahihintulutan lamang manumpa sa pagsasabi ng ganito: "Para sa nagmamayari ng Kaaba." At para sa Humahawak ng mga kalangitan at kalupaan o kaya'y sa Kanya na may tangan ng aking kaluluwa na ginagawa ng Propeta . 3. Ito ay nagmula rin sa mga politeista na nagsabi: "Kapag pinahintulutan ng Allâh at ng isang tao o kaya ay ang Allâh at ang isang tao ay magsabi ng ganito at ganoon." Ito ay hindi pinahihintulutan, subali't ipinapayong ang nararapat at tamang sabihin ay ganito: "Kung pinahintulutan ng Allâh at ng tao, at ito ay pagpapala mula sa Allâh at sa tao." Iniulat ni Abu Dawood ang isang makatotohanang Hadith tungkol kay Abu Hudhaifa (nawa'y kalugdan siya ng Allâh) na ang Propeta ay nagwika: "Huwag sabihin: "Kung pinahintulutan ng Allâh at ng isang tao." Bagkus ang nararapat sabihin ay: "Kung pinahintulutan ng Allâh – ang Makapangyarihan at ng tao." Kaugnay nito ang Allâh ay nagwika: Subali't hindi ninyo mapangyayari maliban lamang pahintulutan ng Allâh. Katotohanan, ang Allâh ang Lubos na Nakaaalam – ang Tigib ng Karunungan.
(Al-Insan-76:30)

4. Ito ay hindi rin pinahihintulutang sabihin: "Kung walang nagbabantay sa pinto, ang masasamang loob ay makakapagnakaw sa atin." "Kung ang kisame ng bahay ay marupok, maaaring malubog tayo sa tubig-ulan." "Kung hindi

192

dahil sa iyo, maaaring kami ay nahihirapan ngayon." "Kung hindi dahil sa matalinong drayber ng ating sasakyan, maaaring naaksidente tayo." Bagkus ay nararapat nating sabihin ang ganito: "Kung hindi dahil sa Habag ng Allâh na nagtalaga sa atin ng tagapagbantay, maaaring manakawan tayo." "Kung hindi dahil sa Habag ng Allâh na nagtalaga sa iyo para sa amin, maaaring nahihirapan kami ngayon." O kaya, "Kung hindi dahil sa pagpapala ng Allâh na nagbigay sa amin ng matalinong drayber, maaaring kami ay naaksidente." "Salamat sa Allâh." Sa naunang mga sinabi ay mapapansin ang mga nakatagong palatandaan ng pagiging politeista. Ipinagbabawal ito ng Allâh, subali't hindi natin ito pinahahalagahan. Kaya't nararapat lamang na sanayin natin ang ating mga sarili sa pagsasalita ng tamang lupon ng mga pangungusap. Kinakailangan nating magpasalamat sa Allâh. Kailangan nating malaman na ang lahat ng mabuting bagay ay nararapat nating ipagpasalamat sa Allâh, bagama't marami sa atin ang nakakalimot magpasalamat sa Kanya. Oh Allâh! Ang lahat ng Pagpupuri at Pagpapasalamat ay walang hanggan na dapat naming ipagpasalamat sa Inyo!

5. Ang pagtitipon para sa kaarawan ay isang bagay na hindi pinahihintulutan sa Islam. Sapagka't ito ay makalumang gawain ng mga Kristiyano na nagdudulot lamang ng paglustay ng oras at salapi. Ito ay hindi rin ipinag-utos ng Allâh o kaya ng Kanyang Propeta . Mayroon akong isang taong kilala na umabot sa edad na limampu at mahilig siyang magdiwang na kanyang kaarawan. Nakakaramdam siya ng kakaibang saya kapag kanyang naririnig ang pagbati sa kanya ng 'happy birthday to you', happy birthday to you'. Bagama't alam ng lahat ng kanyang mga kaibigan na ang kanyang ina ay namatay sa pagsisilang sa kanya. Kaya't ang araw na iyon ay isang araw ng kamatayan at kapighatian ng kanyang pamilya subali't ang kawawang tao na ito ay patuloy sa pagdiriwang ng kanyang masayang kaarawan o kaya ay mas nararapat kong sabihin na ito ay isang miserableng kaarawan. Ang Pagpupuri ay nauukol lamang sa Tagapaggabay na Siyang nagbibigay ng patnubay sa sinumang Kanyang naisin tungo sa Tamang Landas. Sinumang hindi pagkalooban ng Allâh ng liwanag ay hindi magkakaroon ng Liwanag ng Patnubay. 6. Ang pag-iyak ng kababaihan at ang pagpunit ng kanilang mga kasuotan ay ipinagbabawal gayundin ang pagluwalhati sa mga taong namatay at pinahahalagahan ang mga kabutihan ng mga ito. Magdudulot din ito sa taong namatay upang pahirapan sa kanyang libingan.

192

7. Mula sa mga naiwan na bagong katuruan na ipinalaganap ng mga mapanlinlang na mga Sufi ay isang ilusyon na kung sinuman ang mangailangan ng anumang bagay kinakailangan niyang basahin ang Kabanata 112 (Al-Ikhlas) ng Banal na Qur'an ng isanlibo at limang daang (1500) beses at sasagutin ng Allâh ang kanyang mga panalangin. "Luwalhatiin ang Allâh", "Salamat sa Allâh" o kaya ay magsabi ng: "Allâhu Akbar" ng isandaang libong (100,000) beses o kaya ay bigkasin ang Kabanata 32 (Ya-Sin) ng isandaan o isanlibong beses at kung anu-ano pa. Ito ay malinaw na malaking kamalian sapagka't hindi ito itinuro ng Propeta sa kanyang mga Kasamahan na gumawa ng isang bagay na hihigit sa isandaang beses. Ating niluluwalhati at pinasasalamatan ang Allâh sa pamamagitan ng pagsasabi ng 33 beses lamang ng katagang "Allâhu Akbar". Ating binabanggit ang "Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allâh na walang katambal na nagmamay-ari ng lahat ng pasasalamat at mga kaharian – ang Pinakamakapangyarihan" ng isandaang beses. At kung nais ng isang Muslim na magsabi ng higit pa sa naturang bilang ay maaari niya itong gawin na walang itinakdang bilang. Si Propeta Muhammad ay humihingi ng 70 beses na kapatawaran sa Allâh sa araw at gabi. Makabubuting alalahanin ang Allâh at magpasalamat sa Kanya, subali't walang itinakdang bilang ang maaaring gawin para rito. Ang Allâh ay nagwika sa Banal na Qur'an: O kayong sumasampalataya! Alalahanin ang Allâh ng may ganap na pag-alaala. At luwalhatiin ang Kanyang mga Papuri sa umaga at sa hapon [ang pang-umagang pagdarasal (Al Fajr) at panghapong panalangin (Al Asr).. (Al-Ahzab-33:41-42) 8. Sa panghuli, ang ilang mga Muslim ay iniiwan ang ating Islamikong pagbati at ginagaya ang mga hindi Muslim sa pagbati sa pamamagitan ng pagbati ng "Magandang Umaga" at "Magandang Gabi". Subali't paano ang isang araw ay magiging maayos kung hindi natin pahahalagahan ang kabutihan na nagmumula sa Allâh – ang Makapangyarihan? Ako ay nananawagan sa mga taong tulad nila na gamitin natin ang Islamikong pagbati sa pamamagitan ng ganitong pagbati: "Sumaiyo nawa ang kapayapaan." Kung saan mismong ang Allâh ang nag-utos sa atin na gawin ito na matutunghayan sa Banal na Qur'an: ...Subali't kung kayo ay papasok sa bahay, magbatian kayo sa isa't isa nang pagbati na nagmula sa Allâh (As-Salamu Alaikum – sumainyo ang kapayapaan) 192

na pinagpala at mabuti. (An-Nur-24:61) Sinabi rin ng Allâh: Ang kanilang panalangin dito ay Subhanaka Allâhumma (Luwalhatiin Kayo, O Allâh) at Salam (Kapayapaan) ang kanilang magiging batian dito sa (Paraiso). At ang kanilang pangwakas na pagbati ay: Al-Hamdulillahi Rabb-il-Alamin (Lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay sa Allâh lamang, ang Panginoon ng Alamin [sankatauhan, jinns at lahat ng mga nilikha]. (Yunos-10:10) Sa isa pang talata ay mababasa ang ganito: Kapag kayo ay binati ng isang pagbati (As-Salamu Alaikum), sagutin ng isang pagbating higit na mahusay dito (Wa Alaikum Assalam wa Rahmatullahi wa Barakatuh) o kaya’y ibalik ang pagbati nang magkatulad (Wa Alaikum Assalam). Katiyakan, ang Allâh ay Laging Maingat na Tagapagtuos sa lahat ng bagay". (An-Nisa-4:86) Ang Propeta ay nangaral sa atin nang palagiang pagbabatian saan mang lugar maliban lamang sa loob ng palikuran. Pagkatapos ng pagpapalitan ng Islamikong pagbati ng mga Muslim, maaari mong sabihin na: "Nawa'y gawing mabuti ng Allâh ang iyong buong araw" o kaya'y "Nawa'y gawing mabuti ng Allâh ang iyong buong gabi" o kaya'y "Nawa'y gawin ng Allâh ang iyong buong araw na puspos nang kaligayahan." Sa ganoong paraan naiuugnay natin ang lahat ng ating kabutihan sa Allâh – Kaluwalhatian para sa Kanya, at ang iyong pagbati ay magiging isang panalangin sa iyong kapatid. Salamat sa Allâh. Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay sa Allâh lamang – ang Panginoon ng Sanlibutan.

Ang aking pangwakas na pananalita...
Tayo, bilang mga Muslim ay kailangang malaman mula sa mensaheng ito kung ano ang tamang landas na ating tatahakin upang tayo ay maging ligtas sa ating pananampalataya. Dapat

192

din tayong maging maingat sa panahon na may mga bagong katuruan na naglalabasan at mga gawaing may pagtatambal sa pagsamba at maling paghatol. Ang mga bagong katuruang ito ay naging isang sakit na kumalat sa pamayanan ni Propeta Muhammad , ang pinakamabuting pamayanang sumibol sa sanlibutan. Ang pamayanang ito ay pinarangalan sapagka't kanilang ipinamumuhay ang mga bagay na pinahihintulutan at iniiwasan ang mga bagay na ipinagbabawal. Bagama't ang mga kalaban nito, ang mga panatikong Hudyo at Kristiyano ay patuloy na nag-aabang sa kanilang magandang pagkakataon upang palakihin ang hidwaan sa pagitan ng mga pamayanang Muslim. Kanilang sinisikap na magkahiwa-hiwalay ang mga Muslim. Sa pamamagitan nito maaari nilang pamunuan ang buong sanlibutan. Kanilang napag-alaman na ang mabisang sandata ng pagwasak sa mga Muslim ay ang mawalan ng tiwala o mag-alinlangan sa nilalaman ng Banal na Qur'an at sa Sunnah ni Propeta Muhammad . Ang teoryang ito ay napatunayan na sa mga nakalipas na kasaysayan ng Islam hanggang sa kasalukuyan. Kaya naman nararapat lamang na maging maingat ang mga Muslim sa pagtahak sa tamang landas na tatahakin, kung hindi, tayo ay mabibilang sa inilalarawan ng Hadith na nabanggit ni Propeta Muhammad : "Ang mga pamayanan ay magsasamasama laban sa inyong mga Muslim katulad ng mga nagugutom na nakapaligid sa pagkain." At si Propeta Muhammad ay tinanong, "Kami bang mga Muslim ay magiging maliit ang bilang, O Sugo ng Allâh?" Ang Propeta ay sumagot: "Hindi, subali't kayo ay mawawalan ng saysay tulad ng naaanod na bula. Ang kahinaan ay mamamayani sa inyong mga puso at ang takot ay kukunin sa inyong puso ng inyong mga kalaban dahil mas minahal ninyo ang buhay sa mundong ito at kinasuklaman ang kamatayan." Ang bawa't Muslim ay kinakailangang sumunod sa Banal na Qur'an, sa Sunnah ni Propeta Muhammad at sa mga ginawa ng mga Kasamahan ni Propeta Muhammad at pamarisan ang kanilang mga hakbang. Ito ang nararapat na gawing matatag na panuntunan upang sukatin ang ating mga sinasabi at ginagawa. Kung tayo ay magkakaroon ng ibang bagay na kakaiba tungkol sa ating pananampalataya, kailangan nating balikan ang mga panuntunang ito. Kung ang bagay na ito ay nabanggit sa Sunnah ni Propeta Muhammad , nararapat lamang nating sundin ito. Kung hindi, kailangan natin itong iwanan. Higit sa lahat, tayo ay manalangin sa Allâh – ang Makapangyarihan upang maibilang

192

tayo sa pangkat nang mga sumusunod at tumatalima sa Sunnah ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga Kasamahan (nawa'y kalugdan sila ng Allâh). Ako ay humihingi ng paumanhin sa ating mga iskolar, patay man o nabubuhay sa kasalukuyan, na sumulat ng mga detalyadong aklat tungkol sa mga bagong katuruan at Sufismo. Ako ay nabiyayaan ng mga aklat na nabanggit sa pagsusulat ng aklat na ito at ginamit ang ilang mahahalagang bahagi nito. Kaya't ako ay nananalangin sa Allâh na sana ay pagkalooban sila ng biyaya mula rito. Tanging ang Kanyang kasiyahan lamang ang aking hinahangad sa aking pagsusulat. Hindi ko ninanais ang aking pagsikat o anumang yaman sa pagsusulat nito. Subali't ako ay umaasang pagkakalooban Niya ako ng Kapatawaran at Kanya akong tatanggapin. Ang tangi kong hangad kapag ako ay humarap na sa Allâh – ang Kaluwalhatian ay sa Kanya lamang, nawa ay kalugdan Niya ako at ang mga taong tumulong sa akin na mailathala ang aklat na ito. Ako ay umaasang tutulungan ako ng Allâh na maisalin ang aklat na ito sa iba't ibang salita upang mabiyayaan ang mga Muslim sa buong sanlibutan. Ang lahat ng pasasalamat ay sa Allâh lamang – ang Makapangyarihan na sa pamamagitan ng Kanyang Pagpapala at Gabay ay naisulat ko ang aklat na ito. Lahat ng papuri ay sa Allâh lamang ang Panginoon ng mga daigdig! Nawa'y ang Kapayapaan at Pagpapala ay ipagkaloob kay Propeta Muhammad , sa kanyang Pamilya at sa lahat ng kanyang mga Kasamahan. Nawa'y ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allâh ay ipagkaloob sa ating lahat na sumusunod, sumusuko at tumatalima sa Kanyang Banal na Kautusan. (Assalamu Alaikum Wa Rahmatu-Allâhi Wa Barakatuh)

Fouad H. Ajhory

192

Choosen Extracts

Hadith: Si Propeta Muhammad ay nagsabi kay Abdullah Ibn 'Abbas (nawa'y kalugdan siya ng Allâh), "Tuturuan kita ng ilang mga kataga. Sundin ang Allâh at ikaw ay Kanyang pangangalagaan. Sundin ang Allâh at makikita mong tinutulungan ka Niya upang hapanin ang lahat ng lugar. Kung ikaw ay magtatanong, magtanong sa Allâh at kung nangangailangan ka ng tulong, lingapin mo ang tulong mula sa Allâh. Kailangan mong malaman na kung ang buong sanlibutan ay magsama-sama upang

192

pagkalooban ka ng anumang bagay, hindi ka nila matutulungan maliban lamang kung ano ang itinakda ng Allâh para sa iyo, at kung sila ay magsasama-sama upang ika'y pahirapan, hindi ka nila mapahihirapan maliban lamang kung ano ang itinakda ng Allâh sa iyo. Ang lahat ng nangyayari sa lahat ng tao ay nakatadhana na bago pa man ang kanyang pagkakalikha maraming taon na ang nakalipas at ito ay nasusulat sa talaan na itinalaga ng Allâh."

Hadith: Isang araw, habang si Propeta Muhammad ay nakatayo sa isang burol, siya ay nagsabi: "Nakikita n'yo ba ang aking nakikita?" Ang mga tao ay sumagot: "Hindi." "Nakikita ko ang paghihirap o ang kalungkutan na namamahay sa inyong mga tahanan nang higit pa sa patak ng ulan." Lagi kang nagsasabi ng Katotohanan, O Sugo ng Allâh! Katotohanan, hindi nakikita ng iyong mga Kasamahan ang napakaraming paghihirap. Subali't sa kasalukuyan at makabagong panahon nakikita namin ito sa mga telebisyon sa loob ng aming mga tahanan na nahuhulog sa aming mga ulo mula sa mga kable ng satellite channels at internet upang wasakin ang mabuting pag-uugali at asal ng aming mga anak. Mayroon ba mula sa atin ang nakakapansin nito? Isang matalinong tao ang nagsabi: "Sa buhay na ito, sikapin mong mabuti na mailigtas ang iyong leeg mula sa pagkakatali sapagka't ikaw ay mapapasailalim nito sa Kabilang Buhay. Sapagka't sinuman ang mahulog dito ay wala ng lagusang palabas." Dapat iwasan: Si Sulaiman Ibn Abdel Malik ay nangusap kay Hameed Al Taweel: "Paalalahanan mo ako!" Si Al Taweel ay nagsabi: "O Pinuno ng mga Matatapat! Sa iyong pagsuway sa Allâh – ang Makapangyarihan, kung nalalaman mo na ikaw ay Kanyang nakikita, magkagayon ikaw ay namumutla sa harap ng iyong Dakilang Panginoon. Kung inaakala mong hindi ka Niya nakikita, magkagayon ay hindi ka naniniwala sa Mapagpalang Panginoon." Isang babala: "O kayong mga nananampalataya, tanging ang dila at paniniwala ang hindi pumapasok sa inyong mga puso! Iwasang pag-usapan ang inyong mga kapatid at huwag sundan ang kanilang mga pagkakamali. Siyang nakakita ng pagkakamali ng isang Muslim,

192

makikita ng Allâh ang kanyang pagkakamali, at siya na ang kanyang pagkakamali ay nakita ng Allâh ay ilalantad sa kanya sa kalagitnaan ng kanyang tahanan. Gayundin, iiwanan ng Allâh ang taong hindi makatarungan ng mahabang panahon upang bigyan ng pagkakataon na makapagsisi. Subali't kapag ang Galit ng Allâh ay napasa kanya, wala na siyang pagkakataong matakasan ito.

Mga Nilalaman Ang Paunang Salita Sino ang Allâh? Ang Mensahe sa Aklat ng Kasulatan Ang Pagdarasal Ang Mga Pagsubok Ang Asetisismo Ang Pag-aanyaya sa Kabutihan Ano ang Karunungang Itim Ang Paninigarilyo Mga Maling Paniniwala Sa Relihiyon at ang Pagkaligaw sa

Bilang ng Pahina 03 16 53 227 250 266 283 297 310

192

Landas ng Sufismo Choseen Extracts

324 401

192

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->