P. 1
El Filibusterismo Final Script

El Filibusterismo Final Script

3.0

|Views: 37,912|Likes:
Published by jaishiya
la lang...hehe..copy-copy lang...
la lang...hehe..copy-copy lang...

More info:

Published by: jaishiya on Jan 18, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

02/16/2015

pdf

text

original

EL FILIBUSTERISMO ISKRIPT NG DULA KABANATA XXVII-KABANATA XXXIII

Kabanata XXVII Ang Prayle at ang Pilipino Kabanata XXVIII Pagkatakot Kabanata XXIX Mga Huling Salita Tungkol kay Kapitan Tiyago Kabanata XXX Juli Kabanata XXXI Ang Mataas na Kawani Kabanata XXXII Mga Ibinunga ng mga Paskin Kabanata XXXIII Ang Hulong Matuwid

Mga Manunulat ng Iskript: Kabanata XXVII: Josefa Atayde Christelle Cuevas Kate Velasquez Kabanata XXVIII: Julia Motoomull Bea Osmena Kabanata XXIX: Rita Dangoy Stefanie Tan Kabanata XXX: Nicolle Gustilo Francesca Quiambao Kabanata XXXI: Andrea Olbes Alexandra Payumo Erin Torrejon Kabanata XXXII: Bernice Magat Abegail Nito Ivania Sy Kabanata XXXIII: Camille Alipio Geline Clemente Pauline Millar

Kabanata XXVII Capista: Isagani, nais po kayong kausapin ni Padre Fernandez Isagani: Ano kaya ang kailangan niya? *Nagkibit balikat ang capista at sinundan si Isagani ito* Tagasalaysay: Si Padre Fernandez ay isa sa mga prayle na kasama sa mga usapan sa Los Banos. Nung pumasok si Isagani sa silid ay nakitang naghihintay ito. *pumasok si Isagani sa silid ni Padre Fernandez. Si Padre Fernandez ay malungkot, kunot ang noo, at malalim ang iniisip. Tumayo nang nakita si Isagani. Kinamayan ito at binati. Ipininid ang pinto at naglakad. Nanatiling nakatayo si Isagani* Padre Fernandez: Ginoong Isagani, mula sa aking bintana ay narinig ko kayong nagtatalumpati. Marami na akong kabataan na naturuan ngunit wala pa akong nakitang naglalakas-loob sa kanyang paninindigan tulad mo. May mga naninira sa amin nang talikuran ngunit sa harapan ay humahalik sa kamay. Ano ang ibig mong gawin namin sa mga taong ganoon? Isagani: Hindi n’yo po sila masisi, Padre. Naturuan sila ng maging mapagkunwari at pigilin ang kalayaan namagsalita. Sapagkat, kapag ang kanilang sinasabi ay hindi ninyo sinasang-ayunan, ito’y itinatak bilang isang pag-aalsa. Padre Fernandez (nagbubuntong-hininga): Hay. Ngayon matanong kita, ano ang gusto ng mga mag-aaral na Pilipino na gawin namin? *Nagulat si Isagani at sumagot nang mabilisan* Isagani: Tuparin ninyo ang inyong tungkulin Padre Fernandez: Bakit? Hindi ba namin yun ginagawa? Isagani: Padre Fernandez, kayong mga prayle, bilang mga guro, ay may tungkulin na hubugin sa lalong mabuting paraan ang pangangatawan at pag-uugali ng mga kabataan.. Ngayon, ako naman ay may tanong, natupad ba ng mga prayle ang kanilang mga pinananagutan? Padre Fernandez: Oo, tumutupad kami. Isagani: Ngunit bakit hinahadlangan ang pagtuturo! Kahit ang mga bilanggo ay tinutulungan at pinakikinggan ng pamahalaan ngunit kaming mga mag-aaral ay napapabayaan! Padre Fernandez: Lumalagpas ka sa ating pinagkasunduan, Isagani. Isagani: Hindi, Padre. Tinatalakay ko pa rin ang mga suliranin ng mga mag-aaral. Ang paghadlang ng mga prayle sa aming pagkatuto ang sanhi ng aming kawalang kasiyahan. Padre Fernandez: Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa sadyang karapat-dapat pagkalooban. Ang ipagkaloob iyon sa mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal ay kahalay-halay lamang. Isagani: Bakit may mga taong walang malinis na kalooban at mabuting asal? Padre Fernandez: Iyan ang mga kasiraang nasanay mula pagkabata, na nagmula sa kapaligiran ng pamilya. Isagani: Hindi po, Padre Fernandez. Ayaw ninyong suriing mabuti ang ugat ng suliranin. Kung ano man kami, ay kayo ang may gawa. Sumasang-ayon ako sa inyo na kami’y mayroong mga kahinaan. Sino ang dapat sisihin sa mga ito? Kayo ba na nagturo sa amin o kami na sumunod sa inyo? Padre Fernandez: Nauunawaan ko. kayo at kami’y nagsasayaw sa himig ng isang tugtugin. Naniniwala ka ba na kaming mga prayle ay walang budhi at hindi nagnanasa ng kabutihan? Ngunit gaya rin ninyo, kinakailangang sumunod kami sa himig ng tugtugin. Kung hindi kayo ang magpapalayas sa amin, ang pamahalaan ang gagawa niyan. Isagani: Kung gayo’y, hinahangad ng pamahalaan ang aming kasamaan. Padre Fernandez: Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin ay may mga paniniwala, mga batas na mabubuti ang layunin, ngunit nagbubunga ng di magandang pangyayari. “Corruptissima in republica plurimaeleges” ang sabi ni Tacito. Ang bayan ay lalong sumasama kung napakaraming mga batas. Ang pagkawala ng pagtitiwala sa kabaitan ng bayan ang mag-uudyok sa kanila ng gumawa ng kasamaan. *huminto si Padre Fernandez* Padre Fernandez: Lumalayo na tayo sa paksa. Ngunit aking masasabi na hindi nasa pamahalaan o sa amin ang kasalanan, kundi sa aming lipunan mismo. Ang lipunan, na puno ng mga kapinsanan, ay nagiging dahilan ng kanyang sariling pagkasira.

Isagani: Ngunit hindi n’yo binibigyang pansin ang inyong sariling kasiraan at nagbigay pokus sa pag-ayos sa mga kasiraan ng iba. Padre Fernandez: Ang Pilipinas ay nasa kamay ng mga Kastila. Ito’y kailangan mong tanggapin, Isagani. Ngunit, masyado na tayong napalayo sa paksa. Muli kong itatanong, ano ba ang hinihiling ng mga mag-aaral mula sa aming mga prayle? Isagani: Huwag humadlang sa kalayaan ng pag-aral. At sa halip, itaguyod ito. Padre Fernandez: Ito’y isang malaking hiling. Para mo na ring sinabing kami ay magpatiwakal. Ang dapat ninyong hilingin muna ay ang hindi napakabigat. Isagani: Kung gayo’y tumungo tayo sa mga kasanhian. Ikabubuti ng mga mag-aaral kung ayusin ng mga propesor ang kanilang mga ugali. Padre Fernandez: Ano?! Mayroon ba akong inuugali na di naiibigan ng mga mag-aaral? Isagani: Padre, hindi ko po kayo tinutukoy. Pinag-uusapan natin ang pangkalahatan. Marami sa mga mag-aaral ay pumapasok sa silid-aralan at umaalis nang walang natututunan at paggalang na rin sa sarili. Padre Fernandez: Walang pumipilit naman sa kanila na mag-aral. Marami namang trabahong mahahanap sa kabukiran Isagani: Tungkulin ng bawat tao ang kagalingang pansarili. Bukod dito, ang tao ay may katutubong hangarin na matamo ang karunungan, lalo na kung ito’y pinipigil. Oo, Padre, may nag-uudyok sa kanilang mag-aral, ngunit walang tigil ang inyong panlalait. Kinukuha niyo ang lahat mula sa amin, tapos pinagtatawanan ang aming mga pagkulang. Sapat na ba sa inyo na kami’y maging isang bayan ng mga magsasaka? Ang karunungan ba ay para sa inyo lamang? Padre Fernandez: Hindi! Ang karunungan ay para sa taong karapat-dapat na magkaroon nito. Kung may mga masasamang guro,ito ay dahil sa mga estudyanteng palaging nagrereklamo! Isagani: Kung kailan magkaroon ng tunay na propesor, magkakaroon din ng tunay na mag-aaral Padre Fernandez: Simulan ninyo. Kayo ang nangangailangan ng pagbabago. Susunod kami Isagani: Sisimulan nga namin, Padre. Ngunit, alam natin kung ano ang naghihintay sa isang mag-aaral na nakikipagtalo sa kanyang guro. *ngumiti si Isagani ng malungkot* Padre Fernandez: Kakausapin ko ang aking mga kapatid tungkol sa iyong mga sinabi. Ngunit baka hindi nila paniwalaan na isang taong tulad mo’y totoo. Isagani: Iyan din po ang pangamba ko. *nagkamay sina Isagani at Padre Fernandez. Namaalam si Isagani at umalis* *MULA SA LIKOD NG KURTINA Mag-aaral: Saan ka pupunta, Isagani? Isagani: Sa tanggapan ng pamahalaang sibil. Titingnan ko ang mga paskin at makikisama sa iba! Mag-aaral: HA?! Padre Fernandez: Hay! Kinaiingitan ko ang mga Heswitang nagturo sa binatang iyon! Kabanata XXVIII (bold Italicized-sinasabi ni Ben Zayb sa gilid (aside)) *Eksena: Sa may labas ng tindahan ni Quiroga at sa may kalye Ben Zayb: Ako lang naman ang nag-iisip sa Pilipinas! Ang pagpapaaral ay masama, napakasama sa Pilipinas! Dahil dito, tignan ninyo ito ang mga nangyayari ngayon… Ang Maynila ay punung-puno ng takot at pagkabalisa. Ang balita ng napipintong paghihimagsik ay nagresulta sa iba’t-ibang mga reaksyon mula sa mga mamamayan. Quiroga: Hala! Hindi na napunta sa aking tindahan ang mga prayle! Meron pa naman ako bago paninda! Ano na ba itong nangyayari? Napakasama nito, napakasama! Naku, kailangan na kausapin si Ginoong Simoun! Alam niya ano gagawin ko sa aking tindahan! Alam niya ano gagawin sa nakatago na baul at iba pa gamit! Ako ay takot na, baka mahuli ang itinatago sa aking tindahan! Inihanda ni Quiroga ang kanyang tindahan para madaling isara kung may mangyari mang kaguluhan o paghahanap. Magpapasama ito sa guardia civil patungo sa bahay ni Simoun.

Guardia Civil: Nandito na po tayo sa tahanan ni Ginoong Simoun ngunit ayaw niya makipagkita kahit kanino. Quiroga: Eh si Don Custodio? Guardia Civil: Si Don Custodio naman po ay ‘di tumatanggap ng panauhin. Quiroga: Hay naku, si Ben Zayb na lang… Mahingan ko siya ng balita. Nang pumunta si Quiroga sa bahay ng batikang manunulat na si Ben Zayb, katulad ng kanyang naunang dalawang binisita, ay naghahanda din ito. Napakahanda nga, na may dalawang rebolber na nakalabas at ginamit pa itong pamatong ng papel. Dahil marahil sa takot sa armas, umuwi at nagkulong si Quiroga sa kanyang bahay, at nagpalusot na masama raw ang pakiramdam. *Nagbubulung-bulungan ang mga tao, tutunog ang relo na ikaapat na ng hapon Bali-balita raw na kakaligtas lang ng kapitan heneral mula sa tila tiyak na kapahamakan. Muntikan na daw mahulog sa mga kamay ng mga “batang pilibustero” ang Kapitan Heneral, ngunit iniligtas daw siya ng Maykapal. Dinakipi ang mga mag-aaral. Mamamayan 1: Ang gulu-gulo na, walang kapupuntahan ‘to! Dapat kasi, barilin na ‘yang mga ‘yan! Ang dami nilang reklamo, ipatapon na silang lahat! Mamamayan 2: Pakita lang naman nila yan! Kunwari daw matapang sila. Aba, eh, tingnan natin. Maglagay ka ng isang batalyon ng mga kawal na may dalang sable at kanyon, ilagay mo sa kalye. Magsisiuwi rin sa kanikanilang bahay ang lahat. *Samantala, kinakausap ni Padre Irene Si Kapitan Tiyago. *Sa tagiliran ng kama ni Kapitan Tiyago ay kinakausap si Padre Irene Padre Irene: Magpakahinahon, ‘yan ang ipinayo ko. Ano na lang siguro kung wala ako doon noong panahon na ‘yon, dumanak na sana ang dugo. Ngunit naalala kita, kapitan. Walang napala ang pangkat nila sa heneral. Nanghihinayang sila na wala si Simoun… kung ‘di lang sana siya nagkasakit! Pagkasabi nito ni Padre Irene at nalaman ni Kapitan Tiyago na nahuli si Basilio, lumubha ang kalagayan ng maysakit. Nagsimula itong maghingalo sinakmal ito ng takot. Kapitan Tiyago: *Nangangatal at hindi na makapagsalita, humawak sa bisig ng prayle at sinubukang bumangon* Uuuuhhhhhhh… *Umungol ng makalawa at bumagsak sa unan* Namatay na si Kapitan Tiyago. Sa takot at pagkataranta, dali daling lumisan si Padre Irene at sa pagmamadali ay nakaladkad nito ang bangkay mula sa kama papunta sa gitna ng silid, dahil sa nakakapit pa ito sa bisig. *Mga mamayan na nagtatakbuhan, nagsisigawan, nag-uusap, nagdarasal, etc. Sa kabilang dako ay may binyagan na nagaganap. Ngunit sa pagaakala ng isang militar na nagdaraan na may nangyayaring pagpaplano ng himagsikan, nilusob niya ang kaganapan sa pamamagitan ng kanyang sable. Ni napakaliit na bagay ay pinapalaki at dahilan ng pagkaalarma, gaya na ang ng pagkatagpo ng mga armas sa isang bahay. Isang guardia civil, isang bingi at isang baboy, ang namatay nang gabing iyon. Maraming nahuli, maraming pinag-usapan at mga haka-haka. Nagkalat ang mga nagdarasal, mga guardia civil at iba’t iba pang pangyayari na walang kaugnayan, lalong dumagdag sa gulo. *Sa platerya Sa platerya naman, kung saan naninirahan si Placido, ay pinag-uusapan ang mga nangyari noong araw na iyon ng may katapatan Platero: Hindi ako naniniwala na mayroong mga paskin. Sus, pilibustero daw! Gawa-gawa lang ‘yan lahat ni Padre Salvi. Punong Platero: *Umuubo at natatakot sa paksang pinag-uusapan. Parang nininerbyos* Eskribyente: Hindi, totoo ‘yang tungkol sa mga paskin. Ipapaliwanag ko sa inyo. Makinig kang mabuti Chichoy… Pakana iyan lahat ng Instik na si Quiroga. Maniwala ka sa ‘kin. ‘Yang Instik na yan ang nasa likod ng lahat ng ito! Iyan ang narinig ko sa tanggapan. Chichoy: Ang kabanal-banalan kong Ina! Kung gayon, totoo nga pala! Eskribyente: Ginawa niyang isyu ang mga paskin para hindi mahalata ang kanyang ginagawa. Habang gulonggulo ang lahat at abala doon sa mga mag-aaral, eh ‘di sasamantalahin niya at manunuhol ‘yan doon sa Adwana para makapasok ‘yung mga pilak niya. Chichoy: Siya nga! *Susuntok sa mesa* ‘Yang Instik na si Quiroga…

Naputol ang usapan nang may narinig na mga yabag sa labas ang punong platero na hindi nagsalita sa usapan dahil sa kaduwagan. Dumating sina Placido at ang dalubhasa sa paggawa ng paputok. Placido: Hindi ko nakausap ang mga bilanggo. Mga tatlumpu sila. Dalubhasa: Magsipaghanda na kayo! Ngayong gabi raw magkakaroon ng pagpatay. Chichoy: Ano?! Lintik! Punong Platero: *Takot na takot, nagsisimula nang umiyak* Eskribyente: O, sige. Hindi magkakaroon ng pagpatay. Sa kabutihang-palad maysakit ang tagapayo ng kanyang kamahalan. Si Simoun! *Nagkatinginan si Placido at ang dalubhasa, umubo ulit ang punong platero* Chichoy: Kung hindi nagkasakit ang taong iyan… Dalubhasa: Gagawa-gawa wari ng isang himagsikan… At ano na ang gagawin natin ngayon? Chichoy: Baka nagkukunwaring maysakit lang iyan. Takot siguro lumabas! Pag nakita ko siya… Dalubhasa: Gayunman, magsipaghanda! Kung tayo’y pipiliting pumatay o mapatay… Platero: Mag-iingat kayo! *Umalis na sila. Takot na takot na ang mga naiwan* Namamasyal ako sa Luneta nang makita ko ang isang bangkay ng babaeng Indio na halos wala nang damit. Nagpatuloy akong lumakad. Nag-isip ako kaagad ng balita na maisusulat…Kailangan ko itong ilathala at wala na akong ibang iisipin pa! Ipapakita ko ang kalungkutan nito… *Sa susunod na araw… Ako lang ang nag-iisip sa Pilipinas. Ako ay nag-uukol ng isang dasal sa Pilipinas… ano nga ba iyon? Malungkot… Ah, alam ko na! Dahil madalas ito pinsalain ng bagyo… Kabanata XXIX Tagapagsalaysay: Maganda ang naging wakas ni Kapitan Tiyago. Napagusapan ng kura paroko at ni Padre Irene ang kanyang pagkamatay. Kura Paroko: Ipinapaalala ko sa’yo Padre Irene, hindi nakapangumpisal si Kapitan Tiyago bago siya mamatay. Padre Irene: Hindi dapat ipagkait ang exequias sa lahat ng namatay na di nakapangumpisal mas lalo na sa mga makapagbabayad tulad ni Kapitan Tiyago. Ang mahigpit na pagkakait ng exequias ay ginagawa lamang sa mga hindi makapagbabayad. Tagapagsalaysay: Ginawang tagapangasiwa at tagapagpatupad ng mga huling habiling ni Kapitan Tiyago si Padre Irene. Padre Irene: Nag-iwan si Kapitan Tiyago ng kanyang ari-arian sa Kumbento ng Santa Clara, sa papa, sa arsobispo, at sa korporasyon ng mga pari. Nag-iwan rin siya ng dalawampung piso para sa matrikula ng mahihirap at masisipag na batang mag-aaral. Tungkol naman sa pamanang dalawampu’t limang piso kay Basilio na ibinawi ni Kapitan Tiyago ng mga huling araw niya. Kukunin ko na lamang ang ganitong halaga sa sarili kong bulsa upang maibigay kay Basilio. Tagapagsalaysay: Kinabukasan ay nagkatipun-tipon ang mga kakilala at kaibigan ni Kapitan Tiyago sa bahay ng namatay. Napagusapan nila ang himalang nangyari sa kaluluwa ni Kapitan Tiyago noong mga panahong nanghihingalo na siya. *Pagsasalaysay ng Nakaraan (tapagagsalaysay): Nagpakita ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago na naliligo sa liwanag sa mga mongha. Siya daw ay nakasuot ng prak at ang kanyang mga pisngi ay nakaumbok dahil sa sapal ng hitso. Meron din daw siyang dalang kuwakong panghithit at manok na pansabong. Sinasabing iniligtas ng Diyos ang kaluluwa ni Kapitan Tiyago sa dami ng pamisa at pamana niya sa mga banal na bagay. Tagapagsalaysay: Napag-usapan rin nila ang mga haka-haka tungkol sa kabilang buhay. Pinagtalunan ni Don Primitivo at Martin Aristorenas ang tungkol sa pagsasabong sa langit at kung sino ang mananalo kung hahamunin ni Kapitan Tiyago si San Pedro kung walang kamatayan ang mga ibon sa langit. Don Primitivo: Sinuma’y hindi maaring matalo. Ang pagkatalo ay lumilikha ng kalungkutan, walang sinuman ang maaring malungkot sa langit.

Martin Aristorenas: Ngunit kinakailangang may manalo. Nasa pananalo ang sarap! Don Primitivo: O, di sige, kapwa sila mananalo! Gano’n kasimple! Tagapagsalysay: Hindi matanggap ni Martin Aristorenas na kapwa mananalo ang mga manok. Patuloy na nangatwiran si Don Primitivo, nagsasalita siya ng Latin habang umiiling si Martin Aristorenas sa kanyang mga sinasabi. Don Primitivo: Makakasala ka, kaibigang Martin, mahuhulog ka sa isang erejia! Cave ne cadas! Hindo na ako makikipagmonte sa iyo, ni hindi na tayo magkakabakas! Magdahan-dahan ka! Quicumque non cerederit anathema, sit. Tagapagsalaysay: Sa ibang pulong ng mga bisita, napag-usapan ang tungkol sa patay. Napagtalunan ang isusuot ng bangkay ni Kapitan Tiyago. Kapitan Tinong: Damit ng Pransiskano ang dapat isuot ng bangkay. Maililigtas nito ang bangkay ni Kapitan Tiyago sa apoy ng impyerno. Mananahi: Ngunit nakita ng mga mongha na naka-parak si Kapitan Tiyago papuntang langit. Dapat prak ang suot ng bangkay. Meron akong nakahandang prak na aking maibebenta sa halagang tatlumpu’t dalawang piso. Binabaan ko ang presyo ng apat na piso sapagkat naging suki ko si Kapitan Tiyago nung buhay pa siya. Padre Irene: Dadamitan ang bangkay ng alin mang damit na luma nito. Hindi napupuna ng Diyos ang damit na isinusuot. Tagapagsalaysay: Napakaringal ng exequias ni Kapitan Tiyago. Tatlong prayle ang nagdiwang ng misa para sa libing at ginawang katulad ng isang katangi-tanging palabas ang mga seremonya. Maraming sinunong na kamanyang, maraming awit na Latin. Nagbendisyon ng agua bendita. Nag-alay rin ng awit si Padre Irene at nagkaroon ng paulit-ulit na pagtugtog ng kampana para sa patay. Tunay na kinainggitan ni Donya Patrocinio ang libing ni Kapitan Tiyago. Siya ang nakalaban ni Kapitan Tiyago sa pagkamasamabahin. Ninais rin niyang mamatay kinabukasan upang masaksihan ng mga tao ang seremonya ng kanyang paglibing. Kabanata XXX Tagapagsalaysay: [segue mula sa huling kabanata] Ang lahat ng mga mamamayan ay nag-usap tungkol sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago at sa pagkabilanggo ni Basilio. [pasok ang mga mamamayan na nagtitsismisan] Mamamayan #1: Napakalungkot ng mga nangyari! Mamamayan #2: Oo nga, pero kung tutuusin, mas nakalulungkot ang istorya ni Basilio kaysa kay Kapitan Tiyago… [pasok si Hermana Penchang] Hermana Penchang: Hay naku. Alam ko kung bakit siya nagkaganyan. Kapag pumapasok sa simbahan at nakita na marumi-rumi ang bendita ay hindi na siya sasawak upang magkurus. Kung anu-ano ang sinasabing maliliit na hayop at sakit. Mabuti nga sa kanya. Iyan ang parusa ng Diyos! Mamamayan #2(lalaki): Hindi yan ang dahilan. Para sa akin, paghihiganti yan ng mga prayle dahil sa pagkakatubos niya kay Juli. [pasok si Juli] Tagapagsalaysay: Napakarami ang mga sinabi ng mga mamamayan tungkol dito, ngunit nang malaman ni Juli ang balita tungkol kay Basilio ay wala siyang masabi. Hermana Bali: Uulitin ko pa ba ng isang beses? Nabilanggo si Basilio. [mahihimatay si Juli; sasampalin ni Hermana Bali si Juli upang gisingin siya] Hermana Bali: Ija, ija! Magising ka nga! [magigising si Juli] Ang dapat mong gawin ay humingi ng tulong. Halika, punta tayo sa kura paroko. Juli: Si Padre Camorra? Ay! Ayoko po! Hermana Bali: Hay naku. Maraming makakatulong sa iyo. Subukan natin ang kawani. Tagapagsalaysay: Pumunta sila sa kawani, dala ang sikapat at isang tabako. Ibinigay ito ni Juli sa kawani, ngunit sa huli ay wala rin nagawa ang kawani. [pasok kawani]

Kawani: Kung nasa kabisera pa siya, baka makatutulong ako. Hindi saklaw ng aking kapangyarihan ang Maynila. Tagapagsalaysay: Ipinayo rin ni Hermana Bali na bisitahin nila ang hukom tagapamayapa upang hingan ng tulong. [pasok hukom] Hukom: Hija, dapat kang pumunta sa kura paroko. Alam mo na siya’y makapangyarihan. Siya ang nagpalabas sa iyong ingkong sa bilangguan. Hermana Bali: Ano, Juli? Narinig mo ang payo ng hukom. Nabasa ko rin ang ganoong payo sa aklat dasalan kaya’t sigurado ako na kung lalapitan natin si Padre Camorra ay maililigtas si Basilio. Wala ka dapat alalahanin dahil kasama mo ako! Juli: Maaari po bang kayo na lang ang pumunta sa kumbento? Hukom: Hindi maaari! Kailangang naroon ka, Juli. Mas nakakaakit humiling ang isang dalaga kaysa sa isang matanda. Tagapagsalaysay: Dahil sa lubusang pagtanggi at pag-ayaw ni Juli ay umuwi na lamang sila. Juli [aside]: Kung alam niyo lang ang aking mga dahilan. Kung pupunta ako sa kumbento at lalapit kay Padre Camorra ay mapapahamak ko ang aking sarili, susumpain ako ng mga tao at ng Diyos. Hindi ko ito nagawa para sa aking ama, ngunit magagawa ko kaya para kay Basilio? Hindi. Hindi ko ito magagawa. Kasusuklaman ako ni Basilio pag nalaman niya ito. Kahit pa anong sabihin nila, walang nakakaalam nang namagitan sa amin ni Padre Camorra. Hindi nila ako maiintindihan. Ngunit paano na si Basilio? Paano kung siya’y barilin? Manlalakbay: Makinig kayong lahat! Lahat ng mga bilanggo ay napalaya na maliban na lamang kay Basilio! Kung may tagapagtanggol lang sana siya..balita ko’y ipapatapon daw siya sa Carolinas. Tagapagsalaysay: Sa pagdating ng balitang ito ay nagwakas ang pag-aatubili ni Juli. Namutla siya at hinanap si Hermana Bali. Sasabihin niya dito na handa na niyang harapin si Padre Camorra. Sinuot ni Juli ang pinakamaganda niyang damit, tila masiglang-masigla at nagsasalita ngunit hindi naman magkakaugnay ang mga sinasabi niya. Dali-daling naglakad si Juli. Nagmamadali siyang makarating sa kumbento ngunit nang nalalapit na sa bayan ay pinaghinaan siya ng loob. Hindi na siya umimik at bumagal ang kanyang paglakad. Hermana Bali: Juli, ano ba! Gagabihin tayo! Juli: Bumalik na lang po tayo! Ayoko na! Hermana Bali: Ano ka ba! Halika dito! Sinabi ko sa’yong walang mangyayaring masama. Lahat ng ito ay nasa aklat ng mga prayle! Hindi kita iiwan. Nandito lang ako. Walang pwedeng gawin sa iyo si Padre Camorra. Isa ka lamang tagabukid. Tagapagsalaysay: Nakarating sila sa pintuan ng kumbento. Kumapit sa pader si Juli. Juli: Huwag po! Ayokong pumasok! Maawa kayo sa akin! Hermana Bali: Sige! Bumalik ka kung ayaw mo! Bayaan mong ipatapon si Basilio at barilin siya sa daan at sabihing nagtangkang tumakas! Kapag patay na siya, saka ka magsisisi! Tagapagsalaysay: Natamaan si Juli sa ganitong pagkakasabi ni Hermana Bali. Dahil sa panunumbat, pikit-mata siyang pumasok sa kumbento. Sinundan siya ni Hermana Bali at binigyan ng mga paalala. Nang gabing iyon ay maraming naging bulung-bulungan tungkol sa naganap nang hapong iyon. Tao 1: Narinig mo ba ang nangyari kaninang hapon? Tao 2: May dalaga daw na tumalon mula sa bintana sa kumbento. Bumagsak siya at namatay. Tao 3: At kasabay daw niyon ay isa raw babaeng nagsisisigaw at nagtititiling parang isang baliw na lumabas sa kumbento. Tagapagsalaysay: At ganoon na nga ang nangyari. Naging maingat ang mga tagaroon at hindi binanggit ang pangalan ng dalawang babae. Nang magtakipsilim na, dumating si Tandang Selo sa pinto ng simbahan. Sinuntok niya ang pinto at nanangis hanggang sa siya’y ipinagtabuyan. Pumunta siya sa bahay ng gobernadorsilyo, hukomtagapamayapa, tenyente mayor at guardia civil ngunit sila’y nasa kumbento. Bumalik sa kanyang bahay ang matanda, kinuha ang sibat at pumasok sa gubat. Kabanata XXXI *Nag-uusap ang isang mataas na kawani at ang Kapitan Heneral

Tagapagsalaysay: Totoo ang sinasabi na nakalaya na ang mga mag-aaral. Gaya ng inaasahan siguro ng lahat, si Makaraig ang unang nakalabas samantala’y si Isagani ang huli. Ngunit mas malubha pa sa huling nakalabas, ay ang kaawaawang si Basilio, na nanatiling nakapiit. Kapitan Heneral: Si Basilio daw ay isang estudyante at alipin! Huwag siyang pakawalan! Mataas na Kawani: Paumanhin po Kapitan, pero isa raw po siyang estudyante na nag-aaral ng medisina at mabuting mag-aaral batay sa kanyang mga guro. Kailangan niya nalang ng isang taon na pag-aaral at patapos na siya. Sayang naman po. Kapitan Heneral: ‘Di mas mabuti na mapanatili siyang nakakulong. Mas mabuti ngang madagdagan ng isang taon para maging mas mahusay siyang doktor. At para hindi masabihin ng iba na wala akong pakialam para sa bansa! Mataas na Kawani: Pero siya ang pinaka innocente sa lahat! At ang hawak niyang mga libro ay para sa medisina na sinulat ng mga Kastila. At wala siya sa kainan at wala siyang ginawa. Kapitan Heneral: Ito ay mas mabuti pa! Para ang parusa niya ay makakatakot sa iba! Ganyan ang dapat na pamamahala! Isakripisyo ang isa para sa ikabubuti ng lahat. Sa hakbang ko na ito, itinatama ko ang mali ng ating mga opisyal at iba pa Mataas na Kawani: Pero Kapitan, hindi ka ba natatatkot na sisihin? Kapitan heneral: Bakit ako matatakot? Hindi ba’t ako’y may kapangyrihan? Hindi ako pwedeng dalhin sa korte ng isang-alipin. Ang pinaka importante sa akin ay ang aking konsensya at wala akong pake kung ano ang iniisip ng iba. Mataas na Kawani: Oo Kapitan ngunit ang bansa? Kapitan Heneral: Psh! May responsibilidad ba ko sa bansa? May utang na loob ba ako sa bansa para sa aking posisyon? Mataas na Kawani: Hindi po ito importante. Nandiyan ka dahitl sa Espanya kaya’t mas lalong bigyan mo nang mabuting pagtrato ang mga Pilipino para hindi sila magalit sa Espanya. Pinangako ninyo noong dumating kayo dito na mamahala ng tama at mabuti. Kapitan Heneral: Ano pa ba ang aking ginawa? Tinuturuan mo ba ako kung paano gawin ang aking trabaho? Kung hindi mo ako naiintindihan, ako ba ang dapat sisihin? Mataas na Kawani: Wala po akong sinasabing ganon. Ayaw ko mawala sa Espanya ang bansang sinasakupan nito na puno ng mga taong masunurin at matiisin. Ayaw ko maging masama na tao dahil sa pasasamantala sa kanila. Ayaw ko rin masabi kailanman, na bagaman hindi na ginagawa ang pagbibili ng mga alipin, ay patuloy pa rin ang Espanya sa paggawa nito. Ang Espanya ay hindi kailangang maging mapaniil upang maging dakila! Mas dakila pa ito noong wala pa tayong sinasakupan na bansa. Patawad po kapitan pero pinaglalaruan po natin ang kalayaan at buhay ng mga Pilipino. Kapag hindi magbabago ito ay siguradong maghihimagsik sila balang araw. Pinapanigan ko ang mga Pilipino kapag sila’y naapi, kaysa magtagumpay kapanig ng isang bansa na ang hangarin ay ikasasama lamang sa sarili, kahit ang bansang iyon ay Espanya. Kapitan Heneral: Alam mo ba kung kailan aalis ang susunod na barkong pang-koreo? *Nagbitiw na sa tungkulin ang Mataas na Kawani at bumalik sa Espanya Mataas na Kawani: Kung balang araw ay nakapagsarili na kayo, aalahanin ninyo na sa Espanya ay may mga pusong tumibok nang dahil sa inyo at nagtanggol sa inyong karapatan! Kutsero: Sino po? Kabanata XXXII Ipinapakita ang isang lalaking mag-aaral na nagbabasa ng isang liham na galing sa kanyang ina Ina: Minamahal kong anak, pakiusap, umuwi ka nalang at tulungan mo ang itay sa pagsasaka. Galing sa minamahal mong ina. Malungkot na binitawan ng lalaking magaaral ang liham at lumakad papalayo Guro: Ito na ang iyong mga resulta sa inyong nagawang pagsusulit At sabay na kinuha ng mga estudyante ang kanilang mga papel na nagdulot ng iba't-ibang mga reaksyon sa mga magaaral Pecson: Kasi naman eh… hay naku! … Hindi, okay lang yan! Si Tadeo naman ay masayang-masaya habang sinusunog ang kanyang mga libro

Tadeo: Sa wakas! Nandito na rin ang walang katapusang bakasyon! Malungkot na naglalagkad si Juanito na nakakuba Juanito Pelaez: Paano na ito, mapipilitan na ako na sumama sa tatay sa kanyang pangangalakal Si Makaraig naman ay pasikretong sinabi na… Makaraig: Pupunta akong Europa! Isagani at Sandoval: Hay! Salamat! Nakapasa tayo! Ipapakita si Basilio na nasa kulungan Basilio: Ang lungkot-lungkot naman rito… Ang mga guardya sibil ay pinipilit na itanong at saktan si Basilio Sa kulungan Sinong: Ginoo, mayroon po akong dalang bagong balita Basilio: Ano yun Sinong? Sinong: Balita po galing sa Tiyani Basilio: Tungkol saan? Sinong: Tungkol po sa mga mahal ninyo Basilio: Sino? Sinong: Sina Juli at Tandang Selo po Basilio: Anong nangyari sa kanila? Sinong: Si Tandang Selo po’y nawawala Basilio: Ano?! Kailan pa? Anong nangyari?! Si Juli?!?!?! Sinong: Si Juli po… Basilio: Ano?! Sinong: Si Juli po ay… patay na Basilio: Ano?!?!?! Bakit?! Anong nangyari?!?! Paano?!? Ben Zayb: Ano kaya ang dapat kong isulat na balita? Hmmm… aha! Alam ko na! ang paggaling ni Simoun! *Nagsimula magsulat sa papel at huminto sa pagsusulat upang magisip Hmmm… totoo kaya ang mga sabi-sabing si Simoun ay magbibigay ng isang malaking piging bilang pasasalamat sa kanyang paggaling at pamamaalam na rin daw sa bayang magpalago sa kanyang kayamanan… kung sabagay, dahil aalis na siya kasama ng kapitan heneral, maaaring may katotohanan nga ang balitang ito... Paulita: Hindi na maaaring ipagpatuloy namin ni Isagani ang relasyong ito. Hindi matatawaran ang pagkakamali niya. Nabilanggo siya. Hindi ko kayang umibig sa isang lalaking mali ang pagkakakilala sa lipunan at sinisisi ng lahat *Lumabas si Juanito Pelaez at kinausap ang sarili Juanito Pelaez: Ito na ang pagkakataon ko na mapaibig si Paulita sa akin. *Pagdating ni Paulita Paulita! Paulita! Sana ay mapakinggan mo muna ang aking hiling. Ako ay matalino, maliksi, masayahain at anak ng isang mayaman na mangangalakal. Mas makabubuti para sa iyo kung ako ang pakasalan mo. Paulita: Kung sabagay, mas komportable nga ang magiging buhay ko kung ikaw ang pakakasalan ko Juanito: Kalimutan mo na ang Indiong si Isagani. Ako na ang mahalin mo Paulita: Oo, Ikaw nga ang mas nababagay sa akin. *Maraming mga tao sa kalsada na masiglang nakikipag-usap sa isa’t- isa Ale 1: Narinig n’yo ba ang tungkol sa salu-salong ibibigay ni Don Timoteo Pelaez sa kasal ng anak niya? Ale 2: Ang swerte naman niya, nakuha ang bahay ni Kap.Tiyago, kasosyo pa si Simoun sa negosyo at ngayon ikakasal ang anak sa isang maganda at mayamang babae. Ale 3: Ang sabi-sabi, napakaengrande daw ng mangyayaring pagsasalo Lalaki 1: At ang Kapitan Heneral daw ang magiging ninong. Sigurado akong si Simoun ang taong nag-aayos nito Ale 2: Kailan ba mangyayari ang kasal nila? Ale 1: dalawang araw bago umalis ang kanyang kamahalan. Lalaki 1: Si Simoun raw ay magreregalo ng mga brilyante at perlas sa ikakasal Lalaki 2: Bakit naman napakagrande ng regalo niya? Lalaki 1: Ito raw ang paraan niya na gulatin ang mga tao sa kanyang pamamaalam. Wala na namang natira para

sa kanya dito sa Pilipinas. Lalaki 2: Sana, maimbitahan ako sa kasal na ito Ale 1: Pinipiliit ko na nga ang asawa ko na bumili ng bakal at zinc para kaibiganin si Don Timoteo Pelaez Ale 2: Tama ka diyan. Hindi maaaring hindi makasama sa okasyong ito! KABANATA XXXIII Tagasalaysay: Sa wakas, dumating na rin ang pinakahinihintay na araw ni Simoun. Hindi umalis ang mang aalahas sa kanyang bahay halos ng buong umaga kasi siya’y abalang-abala sa pag-aayos ng kanyang armas at alahas. Nagbilin siya sa kanyang katulong na kapag may dumating na bisitang pangalan ay Basilio ay papasukin na kaagad. Mula nang magkasakit si Simoun may pagbabago sa kanyang itsura na kapansin-pansin. Ang kanyang mukha ay lalong tumigas at pumanglaw; lumalim ang guhit sa pagitan ng kanyang dalawang kilay at ang kanyang ulo ay hindi na tayung-tayo. Sa lalim ng kanyang pagiisip, hindi niya narinig ang katok sa pintuan. Nagulat siya nung ito’y umulit at sinabing “Tuloy.” Si Basilio ay dumating na. Pumasok ang binata sa silid ng wala mang bati. Ang pisikal na pagbabago ng binata ay kagulat-gulat sa laki nito. Ang kanyang pisngi ay humpak, ang buhok ay gusot-gusot. Samantala ang kanyang mata na dati’y malungkot ay ngayon may kakaibang kislap. Basilio: Ginoong Simoun, ako po’y naging masamang anak at kapatid. Halos apat na buwan ng nakaraan nung kinausap mo ako tungkol sa iyong mga balak. Tumanggi ako pero sa huli tama kayo. Nung nagsimula ang himagsikan ay hindi rin ako nakiisa kaya nang mabigo ang kilusan, ang kapalit ng aking ginawa ay pagkabilanggo. Ang aking kalayaan ay ang aking utang na loob sa iyo. Ako’y handa ng maglingkod kasama ng lahat ng mga sawimpalad. Simoun: Salamat, binata, salamat! Pinawi mo ang aking mga pangamba at pag-aalinlangan. Nung nabigo ang kilusan, ako’y iniwan ng marami dahil nakita nila ako sa kawalang pag-asa. Ikaw, isang binata ay nandito para gisingin akong kumilos. Kapag tayong dalawa at nagsanib pwersa ay buong husay maisasagawa ang balak. Sa kabundukan ko rin lamang nakita ang aking mga tauhan. Tagasalaysay: Isinama ni Simoun si Basilio sa kanyang laboratoryo, kung saan niya tinatago ang kanyang mga kimika. *Maglalabas ng kahon na itim si Simoun. Basilio: Ano iyan? Tagasalaysay: Si Simoun ay naglabas ng isang ilawang may balat na ginto, na ang hugis ay tulad ng isang granada na kasing laki ng ulo ng tao. May maliit na bitak na may maliliit na butil sa loob ito. Naglabas din siya ng isang prasko na naglalamang ng manilaw-nilaw na likido nang hindi nagpapaliwanag. *Tinitingnan ni Basilio nang maigi ang prasko. Basilio: Nitro-glicerina (pabulong) ? Nitro-glicerina! Pang dinamita! Simoun: Oo, pero hindi lang ito basta nitro-glicerina. Ito ang mga luhang naipon, mga sinisikil na poot, kawalang-katarungan, at mga pang-aapi. Kanina’y nagdadalawang isip akong gamitin ito, pero ang pagdating mo ang naghikayat sa akin. Ngayong gabi, ang mga mapaniil ay maparurusahan na din sa wakas. Ang buong Pilipinas ay maririnig ang pagsabog na wawasak sa bulok na balangkas. *Inaayos na ni Simoun ang lampara. Ngayong gabi ay may isang selebrasyon na magaganap. Ang lamparang ito ay ipapadala ko, at ilalagay ito sa gitna ng kiyoskong pagkakainan. Napakaliwanag ng ilaw na ibibigay nito, pero hihina matapos ang dalawampung minuto. Kapag itinaas nila ang mitsa ay sasabog ang kapsulo ng fulminato de mercurio at sasabog ang bomba, kasama ng silid-kainan, kung saan itinago ko sa bubong at sahig nito ang saku-sakong pulbura ng baril. Walang makaliligtas. Basilio: Kung gayon ay hindi n’yo na po pala kinakailangan ang tulong ko. Simoun: May iba akong ipapagawa sa iyo. Sa ganap na ikasiyam ng gabi ang bomba’y nakaputok na. Sa oras na ito, ang mga kasama ko sa kilusan, ay magtitipun-tipon kasama ni Kabesang Tales sa labas ng bayan ng Sta. Mesa upang lusubin ang siyudad. Ang mga militar naman ay paniniwalain ko na ang heneral ang may pakana ng kunwaring himagsikang ito para siya’y magkaroon ng dahilang manatili sa kanyang tungkulin. Lalabas sila sa kani-kanilang mga kuwartel at puputukan ang sinumang ituro ko. Ang mga tao ay matatakot sapagkat iisipin nila na ipinautos silang ipapatay, at mag-aalsa na rin upang harapin ang kamatayan. Wala silang sandata at

kaayusan, kaya kailangan ay ikaw ang mamuno sa kanila. Dalhin mo sila sa bodega ni Quiroga na pinagtaguan ko ng aking mga baril. Magtatagpo kami ni Kabesang Tales sa siyudad, at aagawin naming ito habang sinasakop ninyo ang mga tulay sa kaugnog bayan. Magtitipun-tipon kayo upang humandang tumulong sa amin. Papatayin ang mga kasangkot sa pakikipaglaban at ang lahat na tumangging makipaglaban. Basilio: Lahat? Simoun: Lahat, mga Indio, Mestiso, Intsik Kastila. Lahat ng walang lakas ng loob at matibay na pananalig. Kailangang mapalitan ng bagong dugo ang lipi. Nanginginig ka at natatakot na pumatay? Ang pagwawasak ng kasamaan at pagtitiis ay matatawag kong paglikha at pagbibigay buhay! Tagasalaysay: Ang mga matitinding salita ni Simoun ay nakapagsindak kay Basilio. Ang mahigit na tatlong buwang pagkabilanggo ay nagpahina sa kanyang pag-iisip at ang kanyang pagkauhaw na makapaghiganti ay bumulag sa kanya. Basilio: Ano ang sasabihin ng daigdig sa ganoong pagpatay? Simoun: Papupurihan ito ng daigdig. Ang pagpapatay ay pinapalakpakan ng buong mundo parang pagkatapos ng isang dula kahit ito ay trahedya. Ang kaanyuan lamang ang pinapansin ng karaniwan tao, hindi ang sanhi. Basilio: Sang-ayon po ako. Anong halaga sa akin kung pumalakpak o tumuligsa ang daigdig na walang pagtingin sa naaapi at mahihirap? Bakit ako magmamalasakit sa lipunang walang pagmamalasakit sa akin? Simoun: Iyan ang ibig kong marinig sa iyo. [Kinuha ang rebolber sa kahon ng mesa at ibinigay kay Basilio] Hintayin mo ako sa ganap na ikasampu, sa harap ng Simbahan ng San Sebastian para sa mga huling tagubilin. Sa ganap na ikasiyam, nararapat na malayo, malayung-malayo ka na sa Daang Analoague! Basilio: [Siniyasat ang baril, nilagyan ito ng punlo at itinagi sa loob ng kanyang tsaketa] Sa muling pagkikita! [Mabilis na umalis]

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->