P. 1
Blue Jeans

Blue Jeans

|Views: 1,119|Likes:
Published by spekapipz
The first official comics of the Engineering Spectrum
The first official comics of the Engineering Spectrum

More info:

Categories:Topics, Art & Design
Published by: spekapipz on Jan 19, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF or read online from Scribd
See more
See less

10/18/2011

Mula sa Patnugot

KARAMIHAN sa atin ngayon ay lumaki noong dekada 90, panahong ang buong araw ng maraming Pilipino ay hindi makukumpleto kung hindi maririnig si Kapitan Pinoy na sumisigaw ng “Red, white and blue. The sky is over you. Mama said, Papa said, I love you. Kapitan Pinoy!” sa umaga, si Tiya Dely at ang kanyang malumanay na boses sa hapon, at ang makapanindig balahibong ‘awooo ho hoooo’ na tanda ng pagsisimula ng Gabi ng Lagim sa pagkagat ng dilim. Ito rin ay ang mga panahong hindi pa kaya ng masang Pilipino ang magkaroon ng sariling telebisyon kaya naman bukod sa pagtangkilik sa mga palabas sa radyo ay nahilig din ang mga Pinoy sa mga kwento sa Komiks. Sinasalamin ng mga kwento sa komiks ang pang-araw-araw na buhay ng ordinaryong Pilipino. Di mawawala ang drama na laging may elemento ng kahirapan, kabiguan at sa huli ay tagumpay; katatakutan at kababalaghan na bawat Pinoy ay tunay namang may maibabahaging animo’y sariling karanasan; at katatawanan na masasabing tatak na ng pagiging Pilipino. Ngunit bukod sa pagkalibang at magagandang larawan na buong pusong iginuhit ng mga lumikha nito ay kapupulutan din ito ng aral. Kaya naman isa ito sa bahagi ng ating kulturang tunay nating maipagmamalaki. Lalo pa’t, ayon sa kasaysayan, ang nagpasimula nito ay walang iba kundi ang ating pambansang bayaning si Gat. Jose Rizal nang kanyang iguhit ang kwento ng “Ang Pagong at ang Matsing.” Kaya naman sa ika-15 taon ng Engineering Spectrum ay inihahandog namin sa aming mga masusugid na mambabasa ang Blue Jeans, Ang Opisyal na Komiks ng Engineering Spectrum. Bukod sa kagustuhang maibahagi ang aming pagkamalikhain at talento sa pagguhit, naging pangunahing kadahilanan ng paglilimbag ng isyung ito ang aming kagustuhan at kahilingang huwag sanang maging bahagi nalang ng kasaysayan ang kultura ng paggawa at masugid na pagtangkilik ng Pinoy sa komiks. Ang lahat ng papuri at pasasalamat ay aming itinataas sa Panginoong lumikha sa ating lahat na siya ring nagbigay sa amin ng talento, talino at sipag upang mapagtagumpayan ang isyung ito.

Orland Delfino Tubola
Punong Patnugot

Enero 2009 Tomo XV Blg. 3
Opisyal na Pahayagan ng Mag-aaral ng PUP-Kolehiyo ng Inhinyerya Itinatag: Mayo 1993

Punong Patnugot ORLAND D. TUBOLA Katuwang na Patnugot ALEXANDER C. DEFEO Tagapangasiwang Patnugot Patnugot sa: Balita Sci-Tech Tampok Sibol Pag-aanyo Modereytor

AMALIA B. TAMAYO ROSE MAY P. MAGNAYE ROLAND JAMES F. MELAD REGINA G. VALENZUELA JOAN C. SALAS EDMAR L. MANGAHAS MA. CRISTINA L. MANGAHAS ENGR. ALEXANDER CARRASCAL

Mga Kawani Edwin Abad, Gimeil Abuda, Bejay Berces, Paul Lester Chico, Jan Leo Herrera, Mark Jason Ignacio, Arnold Lalongisip at Chester Miguel Mga Konsultant April Angela Gumban, Marvin John Perdido
Ang inyong mga kontribusyon, reaksyon at opinyon ay tinatanggap sa pahayagan.Ito ay kailangang may pangalan, kurso, taon, at lagda. Ang pangalan ng may akda ay maaaring hindi ilathala kung kinakailangan. Ipasa ang mga akda sa Engineering SPECTRUM tanggapan ng Patnugutan, Silid 423,Gusali ng Inhinyerya at Arkitektura, Kalye Anonas at Pureza, Sta Mesa, Manila o kaya ay ipadala sa pup_spectrum@yahoo.com

A proud member Alyansa ng Kabataang Mamahayag (AKM-PUP)

2

3

4

5

6

7

BALITA

8

BALITA

Guevarra, dalawa pang opisyal nahaharap sa suspensyon
Roland Melad

NALALAGAY ngayon sa alanganin ang posisyon ni Presidente Dante Guevarra kasama ang dalawa pang mataas na opisyal dahil sa kasong graft na isinampa 11 taon na ang nakalilipas. Ika- 6 ng Nobyembre nang bumaba mula sa Sandiganbayan ang kautusan na pansamantalang sumususpinde sa panunungkulan nina Presidente Guevarra, Pangalawang Pangulo para sa Administrasyon Augustus Cesar at Hepe ng Accounting Division Adriano Salvador para sa pagpapatuloy ng kaso na sinampa noon pang 1997. Mula sa mga pahayagan, isinaad na ang mga naging basehan sa muling pag-usad ng kaso ay ang mga diumano’y iregularidad tulad na lamang ng pagpapatayo ng 8 school buildings na nagkakahalaga ng Php20.91 milyon noong 1989, labis na kabayaran para sa benepisyo ng yumaong dating presidente ng PUP Nemesio Prudente, pagbili ng lupa sa napakataas na halaga, at ang paggamit ng Php10.65M bilang pambayad-utang sa ilang kahina-hinalang tao. Iginiit naman ng kampo ni Guevarra na hindi raw dapat balewalain ng korte ang ulat mula sa Commision on Audit na nagsasabing mali ang mga nakuhang impormasyon tungkol sa mga diumano’y iregularidad. Dagdag pa nito, ang naturang suspensyon ay ‘di na kailangan dahil sa nagsumite na ng affidavit of desistance ang mga unang nagsampa ng kaso na sina propesor Zenaida Pia at Cresenciano Gatchalian taong 2002 bilang patunay sa pagkawala ng interes ng mga ito sa pagsulong ng kaso. Agad itong pinatunayan ng abogado ng kampo nila Propesor Pia, sa pagsasabing ang kanilang mga kliyente ay tinuturing na mga pribadong tao na lamang at wala ng pakialam sa kaso at ang naging dahilan upang muling buksan ang kaso ay ang pagkakaroon ng bago nitong taga-usig - ang Ombudsman. “Sa part ng Student Council, medyo nagulat kami… Pero alam na namin na may mga cases s’ya[Guevarra],” sabi ni Krishna Ayuso,

presidente ng Sentral na Konseho ng Magaaral, hinggil sa isyu. Nanindigan si Ayuso na kitang-kita ang dahilan para sa suspensyon ng mga nasangkot na opisyal. Hanggang ngayon naman daw ay maanomalya pa rin ang mga proyekto ng administrasyon at kung tutuusin, madami pa daw ang dapat managot. Diin pa niya, “Talagang we are in need of an Admin na free from corruption.” Ukol naman sa suspensyon, sinabi ni Dr. Divina Tormon-Pasumbal, Direktor ng Public Affairs Office, na hindi pa maipatupad ang suspensyon ng mga akusado dahil sa hinihintay na desisyon ng korte ukol sa apela. “Hinihintay pa ‘yung desisyon sa motion for reconsideration… kaya sila pa rin ang heads,” paglilinaw nito.

guhit ni Alexander Defeo

9

BALITA

CE ‘Very Good’ sa Akreditasyon
Amalia Tamayo

IGINAWAD ng Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (Aaccup), sa pangunguna ni Dr. Alfredo Mendoza, ang markang “V e r y Good” sa b awa t departamento ng kolehiyo na sinuri sa unang bahagi ng Level III Accreditation, Nobyembre 2528 ng nakaraang taon. Nanguna sa akreditasyon ng bawat departamento ng kolehiyo sina Dr. Mendoza at Engr. Enrico Dalangin ng Bulacan State University, Dr. Richard Corsial ng Camarines Sur Polytechnic College, Engr. Araceli Domangas at Engr. Marie Flor Lacauanan ng Nueva Vizcaya State University,at Dr. Editha Vasay ng Don Mariano Marcos Memorial State University p a ra s a m g a k a g awa ran ng Mechanical, Electronics and Communications, Electrical, Civil, Industrial at Computer Engineering, ayon sa pagkakasunod-sunod. Sa grading system na 1-5, 5 bilang pinakamataas, ang bawat departamento ng Kolehiyo ay nakakuha ng pangkabuuang grado na higit sa 4 – na ang k a t u m b a s a y “ V e r y G o o d.” Nanguna dito ang departamento ng EE na nagkamit ng markang 4.26. Faculty naman ng dalawang magkaibang departamento ang nabigyan ng may pinakamataas (4.53) at pinakamababang (3.70) rating sa lahat ng areas na isinailalim sa pagsusuri. Laboratory naman ang bahaging kinakitaan ng maraming kahinaan ng Aaccup sa anim na departamento. Ang mga markang nakuha ng lahat ay halos magkakatulad - humigitkumulang 3.9; nangangahulugan na kailangan nito ang karagdagang atensyon. “ V e r y g o o d r a t i n g, i b i g sabihin maganda lahat. We are very lucky that we passed,” ani Engr. A n t o n i o Vel a s c o , C E Accreditation Coordinator. Sinabi rin nito na hindi pa dito nagtatapos ang lahat sapagkat a n g i k a l awa n g b a h a g i ay magaganap sa loob ng anim na buwan matapos matanggap ang

resulta. Dagdag pa niya, mas magiging madali ang second phase para sa mga estudyante dahil ito ay matutuon na lamang s a m g a a r e a na f a c u l t y , curriculum a t research and extension programs ng Kolehiyo. Nagpasalamat naman si Dekano Manuel Muhi sa lahat ng nakibahagi upang magtagumpay ang Kolehiyo. “Overwhelmed ako, hindi s i ya [ang

akreditasyon] magiging successful without the help of department heads, faculty, different offices in the university, administration and coordination of the students.” Naniniwala rin siya na makakayang lampasan ng kolehiyo ang bagong hamon na hatid ng pangalawang yugto ng akreditasyon kung magtutulungan muli ang lahat.

CE Inulan ng Topnotchers
Roland Melad

MULI na namang nagdiriwang ang ating Kolehiyo sa pagkilala sa mga namumukod-tanging graduates na nahahanay ngayon sa mga pinakamahuhusay. Isang PUPian, sa katauhan ni Engr. Bhryan Phillip Ondoy, ang nanguna sa katatapos na Licensure Exam n g m g a Mechanical Engineers na kinuha noong Oktubre. Nanggaling siya sa sangay ng PUP sa Taguig na nakapagtala naman ng 100 bahagdang passing percentage mula sa 18 na kumuha ng pagsusulit. Samantala, hindi naman nagpahuli ang mga taga-Main. “Graduates of ME [here] are really hardworking students,” sabi ni Engr. Esperanza, puno ng kagawaran ng ME. Patunay dito si Engr. Edward dela Mines, ang pang-sampung pinakamataas sa marka nitong 88.9 bahagdan. Bukod pa dito, naging pangatlo pa ang PUP-Main sa mga pinakamahusay na unibersidad na nagtuturo ng kursong ME dahil 51 ang pumasa sa 62 na kumuha ng exam. I p i n a g b u ny i n a m a n n g departamento ng Electronics and Communications Engineering (ECE) ang pagkakaroon ng apat na topnotchers sa katatapos na board exam noong Nobyembre.

S i l a a y sina Engr. Kenneth Prudencio (4th – 90%), Rigor Cabuñag (6th – 89.8%), Edison de Lara (9th – 88.9%) at Ryan Rivera (10th – 88.7%). Kinilala rin ang PUP-Manila bilang p a n g a l awa n g pinakamahusay pagdating sa kursong ECE dahil sa naging resulta ng board exam. Nakakuha ng passing percentage na 48 bahagdan ang ating unibersidad sa pagpasa ng 73 mula sa 154 na kumuha. “Congratulations to all [ECE] students for a job well done,” wika ni E n g r. Noriega, Chairperson ng departamento ng ECE. Dagdag pa niya: “We owe this accomplishment to God. This could not be possible if it weren’t for Him.” D a l awa p a n g p a n g a l a n , mula naman sa Civil Engineering, ang nakilala ng makasama sa top 10 ng kanilang board exam. Sina Engr. John Rey Sandagon (8th – 96.5%) at Engr John Ross Romanillos (6th – 96.85%) ang nanguna sa mga PUPian na kumuha ng naturang pagsusulit noong Nobyembre. Karagdagan pa, 92 bahagdan ng mga kumuha ng nasabing

CE Inulan.../p.11

10

BALITA

Mga departamento nagkaisang tumulong
Roland James

PINAKITA ng ating kolehiyo ang kagustuhan nitong makatulong sa ilang ko m u n i d a d at organisasyon sa pamamagitan ng pagkakalat – hindi ng basura, kundi ng karunungan. Nitong Nobyembre, nilatag na ang Memorandum of Agreement s a p a g i t a n n g Ko l e h i y o ng Inhiny e r ya n g P U P a t n g Barangay Sto. Niño, San Mateo, Rizal na naglalayong magbigay ng mga libreng pagtuturo at seminars sa mga mamamayan ng nasabing komunidad.

“We’ll conduct trainings once a week for 6 weeks,” sabi ng Project Coordinator ng aktibidad na si Engr. Vilma Perez. Dagdag pa niya, ang kolehiyo ay handang m a g b i g ay n g m g a p a s i l i d a d upang matulungang gumanda pa ang antas ng pamumuhay ng nasabing barangay. Diin ng coordinator, ilang guro mula sa departamento ng Electrical, Mechanical, Computer at Civil ang magtuturo sa mga residente ng Bgy. Sto Niño ng mga bagay tulad ng Practical

Housewiring, Electricity, atbp. Mangangasiwa sa pagtuturo ng mga guro mula sa kani-kanilang departamento sina Engr. Nathan Gacute(ME), Engr. Flor Oquindo (CmpE), Engr. Willie Bernabe (CE) at si Engr. Perez (EE). Dagdag pa ni Pe r e z , magsasagawa rin ng katulad na extension ang kolehiyo sa Brgy. Payatas, Quezon City sa nalalapit na panahon. Bukod pa dito, ang EE at CE ay nagbigay rin ng tulong nitong N o by e m b r e s a H a b i t a t f o r Humanity. Ilang estudyante at guro ng mga nasabing departamento ay sumama sa organisasyon upang tumulong sa paggawa ng mga low-cost na mga bahay sa Kalookan.

Opisyal ng Konseho, Biktima ng Hipnotismo
Chester R. Miguel

“DON’T talk to strangers talaga, kahit mamamatay na sa gutom ‘yung taong ‘yon,” ito ang naging a ra l n i S h e r w i n S a n t i l l a n , konsehal ng College of Engineering-Student Council (CESC), sa nakawang naranasan niya na naganap sa Nagtahan, Sampaloc, Maynila noong ika-19 ng Oktubre, 8:30 ng gabi. Tatlong tao ang tinuturong s u s p e k s a p a n g ya ya r i n a nagpanggap upang maisagawa ang krimen. A n i ya m u k h a n g d i s e n t e manamit at kapani-paniwala ang sinabi ng mga suspek sa kanya kaya ito ang naging dahilan upang makuhaan siya ng gamit tulad ng bag na naglalaman ng cellphone, alahas, wallet na naglalaman ng halos Php 7,400, at iba pa. Bago pa man makuhaan ng mga gamit si Santillan, kinausap siya ng isa sa mga suspek sa kanto ng Pureza at Araullo at nagpakilalang neophyte diumano ng isang sikat na

fraternity mula sa kilalang unibersidad sa Maynila. Hanggang sa nakuha nito ang kanyang tiwala at kusa naman daw siyang sumama saan man siya dalhin ng mga ito. Bukod pa dito, lahat ng ipinagawa sa kanya tulad ng pag-iwan ng mga gamit aniya’y kanyang sinunod. Kung siya ang tatanungin, masasabi niya na maaaring hipnotismo ang g i n a wa sa kanya. Sabi nga nito: “Ang hindi ko malaman sa n a n g ya r i sa akin, bakit ko g i n a g awa a n g mga bagay na yun? Parang I’m under their spell.” Agad din n a m a n g ipinaalam ni Santillan ang pangyayari sa pulisya ng 30TH CATHOLIC

gabing iyon. Dagdag pa ni Santillan, isang e s t u d ya n t e r i n n g C E A a n g nabiktima ng holdap gamit ang h a l o s k a p a r e h o n g modus operandi. Nangyari daw ang krimen sa lugar na malapit din sa pinangyarihan ng sa kanya, makalipas lamang ang tatlong araw. Sa dulo, naisip ng konsehal na ang pagiging maawain sa mga estranghero ay hindi laging magiiwan ng magandang pangyayari. M i n s a n , i k aw p a d aw a n g maiiwang kaawa-awa.

CE Inulan.../p.10
pagsusulit mula sa PUP ang nakapasa. Sa paglipas ng panahon, ang kahusayang ipinakita ng mga taga-PUP ay hindi na talaga matatawaran.Sila ay ilan lamang sa mga patunay na ang Unibersidad ay patuloy pa rin sa paglikha at paghubog ng mga titingalaing indibidwal.

MASS MEDIA AWARDS
Teatro ng GSIS Headquarters Building Financial Center, Roxas Boulevard, Pasay City October 29, 2008

BEST STUDENT PUBLICATION, COLLEGE CATEGORY

11

Global Recession: Ang Panimula
Amalia B. Tamayo
ITINUTURING ang Amerika bilang isa sa mga bansang may pinakamatatag na estado sa buong mundo – sa aspeto man ng piskal, pulitikal at ekonomikal. Tinitingala at inaabangan ng iba’t ibang bansa ang bawat kibot nito. At ang mga pangyayari nung mga nakaraang buwan — ang biglaang pagbagsak ng ekonomiya ng Amerika – ay nagdulot ng malaking pagkabigla at pagkabahala sa buong mundo. Paano nga bang nangyaring ang bansang Amerika, natatanging super power, ay nakakaranas ng isang “recession”? At ano ang nagiging epekto nito sa ekonomiya ng iba’t ibang bansa tulad na lamang ng Pilipinas? Recession Sa teknikal na pamamaraan, tinatawag na recession ang phenomena kung saan ang growth rate ng Gross Domestic Product (GDP) ng isang bansa ay nagkakaroon ng negative value. Ang GDP ay ang kabuuang produksyon ng isang ekonomiya, ginagamit itong panukat sa kabuuang halaga ng isang pamilihan. Recession ang tawag sa “downtime phase” ng business cycle. Nasasalamin ito sa paghina ng produksyon, pagsasara ng mga kumpanya at kalaunang pagkawala ng trabaho, pagbaba ng kita at pagtaas ng bilihin. Recession sa Amerika Tinatayang ang banking system ng Amerika ang dahilan ng pagbagsak ng kanilang ekonomiya. Ang sistema ng pagpapautang at pagpapasa-pasa ng utang ang naging dahilan upang lumugmok ang matayog na ekonomiya ng bansang ito. Pa’no nga ba nagsimula ang lahat? Kasama sa pangunahing dahilan ng recession sa Amerika ay ang paggastos nila ng higit sa kanilang kinikita (TIME Magazine, October 13, 2008). Maluwag ang mga bangko sa bansang ito na magpautang kahit walang sapat na papeles ang isang indibidwal dahil na rin sa paniniwala sa matatag nilang ekonomiya. At sa madaling proseso ng pag-utang, lumalakas ang loob ng mga Amerikano na magtatag ng negosyo o investment mula sa hiram na puhunan. Real Estate Real Problem Isa sa pinakamalakas na negosyo sa Amerika ang real estate.Malaki ang naging demand sa pagmamay-ari ng bahay at lupa sa nakalipas na mga taon at ito ang pinanghawakan ng mga investors. Marami ang namuhunan sa paggawa ng mga housing project na kinalaunan ay nauwi sa overproduction o overbuilt. Dahil mas malaki na ang suplay kesa sa demand bumagsak ang presyo ng mga estate.Ang ginastos upang mapatayo ang mga estate ay mas malaki na kesa sa pangkasalukuyang halaga nito sa merkado. Sa madaling sabi nalulugi ang mga investors at ang puhunang hiniram nila ay di na naibabalik. CDOs at CDS Ang malaking oportunidad na kumita ng dolyares ang naging tagahatak upang bumili ang mga foreign investor ng mga collateralized debt obligations (CDO), isang komplikadong transakyon na bibili ng mga pagkakautang base na rin sa housing mortgages. Bukod sa pangangalakal ng CDO sa global market isang sistema ang muling binuo para mapangalagaan ang mga investors kung sakaling lumagpak ang CDO na nabili nito. Ang insurance na ito ang tinatawag na credit default swap (CDS). Kung tutuusin isang magandang transaksyon ang CDS dahil sinisigurado nito ang muling pagbalik ng kita at puhunan kung ano’t anuman ang mangyari sa CDO na nabili nito. Subalit kabaligtaran ang nangyari, dahil sa kakulangan ng regulasyon ng mga credit company ang mga pagkakautang (CDO) na ito ay na-default at nawawalan ng halaga. Nagiging pasanin ito ng kumpanya at ng mga insurance company na bumibili ng CDS. Dahil sa laki ng halaga ng mga loans na na-default o yung mga pagkakautang na hindi mahanap yung dapat magbayad, hindi na ito kinaya pang tapalan ng mga pangunahing bangko sa Amerika at tuluyan ng nagsara. At ito na ang simula ng kaguluhan sa ekonomiya, isang domino effect ang naganap at kasabay ng pagbagsak ng Amerika ay ang iba’t-ibang bansa na dumedepende sa kanila. Pangkalahatang Krisis Ang pagbagsak ng stock exchange sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang na ang mga bansang mauunlad tulad ng sa Europa, Hapon, HongKong, Tsina at iba pa ang nagpapatunay kung gaano kalaki ang nagawang koneksyon ng globalisasyon. Globalisasyon rin ang dahilan ng tila kumunoy na pagbagsak ng ekonomiya sa iba’t ibang dako ng mundo. Dahil bukas at malaya ang pangangalakal ng bawat bansa sa isa’t isa, direkta ang naging epekto nito lalo na sa mga bansang namuhunan ng malaki sa mga insititusyon tulad ng Lehman Brothers at Meryll Lynch, mga major investment company sa Amerika. Sa Pilipinas Malaking pangamba ang ipinapakita ng mga negosyante at business analyst sa tatakbuhin ng ekonomiya ng Pilipinas dahil na rin sa global financial crisis. Bagamat ang gobyerno ay naninindigan pa ring hindi daranasin ng bansa ang recession sa estado ng ekonomiya nito, nalalapit na ang panahong mararamdaman na rin ang epekto nito. Isa- isa na sa mga bansang nakapaligid sa Pilipinas ang nababalitaang nagkakaroon ng recession. Isa sa mga halimbawa ay ang bansang Japan na kahit may stable at maayos na ekonomiya ay napasama pa rin sa downslide ng financial crisis. Sa takbo ng ekonomiya ng ating bansa, isang malaking katanungan ang magiging epekto ng global recession na ito. Datapwat, nananatiling “island of calm” ang bansang Pilipinas, hindi pa rin lingid na ramdam na ang krisis pangpinansyal dito na kumakalat sa buong mundo.

ISYU

12

Saving the Environment: PUPoy Edition
Nina Lia at Redge
SA PAGPAPATULOY ng TIME Magazine sa taun-taon nitong pagpaparangal sa mga dakilang taong nagalay ng masusing pag-aaral at panahon para sa kinabukasan ng kalikasan, isang Pilipino ang nabigyang pansin dahil sa katangi-tangi nitong pagpapahalaga sa mga bakawan. Si Jurgenne Primavera, former senior scientist sa Southeast Asian Fisheries Development Center, ay nangangampanya para sa sustainable fish-farming para maprotektahan ang mga bakawan. Sa kasalukuyan kasi, ang mga palaisdaan ay buhat sa mga ginibang bakawan. Dahil dito nauubos ang mga bakawan o mangroves na isang breeding ground ng iba’t ibang uri ng mga isda at hayop at nauuwi sa ecological imbalance. Ayon kay Primavera, dapat pangalagaan ang mga mangroves dahil di lamang ito makakatulong sa pagpapahina ng bagyo (nagsisilbi kasi itong buffer ng hangin) nagsisilbi din itong filter ng agricultural waste na nagpapanatili ng kalinisan sa mga yamang dagat. Kung iisipin, sadyang kahanga-hanga ang mga taong may likas na pagmamalasakit sa kanyang kapaligiran. Kaya naman panahon na siguro para magising ka sa katotohanan na maging ang simpleng ikaw ay may maitutulong kay Inang Kalikasan. Naisip mo na bang gawin ang mga “tips” na ibinibigay ng telebisyon, radyo at dyaryo para makatipid ng enerhiya o dili kaya’y makabawas sa pagkonsumo ng mga bagay na nagdudulot ng global warming, subalit napansin mo ring hindi ito angkop sa katayuan mo sa buhay? Halimbawa, imbes na magkotse maglakad na lang daw kung malapit lang ang pupuntahan para makatipid ng gasolina, subalit wala ka namang kotse, at patayin ang aircon kung malamig naman ang panahon, eh wala namang aircon sa bahay n’yo. Pwes! Wala ka nang dapat ikainis pa, dahil ang SPECTRUM ay naghanda ng mga “practical tips” na tiyak na magagawa mo, ‘yun ay kung isa ka sa tinatatawag nilang “Heroes of the Environment” tulad ni ginang Primavera, malay mo ma-feature ka rin sa Time Magazine bilang isang estuyanteng may malasakit sa kanyang kapaligiran. Bakit hindi mo simulan sa kolehiyong pinapasukan mo. 1. Dito sa CEA, kung aakyat ng second floor o bababa ng first floor galing second floor, ‘wag ng gumamit ng elevator. Gamitin na lamang ang hagdan. 2. Itapon ng maayos sa basurahan ang mga pinaggamitang papel, plastik at iba pa.

SCI-TECH

3. ‘Pag pupunta sa Main imbes na magtricycle, mag-pedicab na lang o kaya’y maglakad na lamang, exercise din ‘yun. 4. Kung gustong makinig ng music habang naglilibang o nagre-review mas mainam kung gagamit na lamang ng headset kaysa sa loudspeaker, tipid na sa kuryente wala pang noise pollution. Sa bahay, makatutulong ka sa pagtitipid ng gastusin kung laging isasaisip ang tamang pagkonsumo. 5. Tulad ng sabi sa balita, bunutin ang plug ng appliances kung hindi rin naman ito ginagamit (20% kasi ng nakokonsumong kuryente ng mga appliances na ito ang naidadag sa ordinaryong pagkonsumo). 6. Siguraduhing malamig na ang pagkain bago ito ipasok sa refrigerator upang maiwasan ang malaking porsiyento ng kuryente na maaring makonsumo sa pagpapalamig nito. 7. Kung may personal computer ka sa bahay n’yo palitan na ito ng laptop kung afford naman, kasi uso at handy na, makakapag-save ka pa ng energy. 8. Sa gabi, mainam mag-charge ng cellphone at magplantsa ng damit, sa ganung oras kasi mas mababa ang konsumo ng kuryente. At maging ikaw, pwedeng-pwede mong pangalagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng wastong kaugalian. 9. Huwag nang plantsahin ang mga pangaraw-araw na damit, gumamit na lamang ng fabric conditioner na may isang banlaw formula, makakatipid na ng kuryente, makaka-save pa ng tubig. 10. Mas mainam kung sa madaling araw ka maliligo para makatipid ng tubig, maginaw kasi. (Parang joke ‘no? Pero try mo.) 11. Gumamit ng baso kapag nagsisipilyo. 12. Mag-alaga ng kahit isang klase ng halaman sa inyong bakuran, makatutulong ito upang maging maaliwalas ang kapaligiran. Sabi nila “madaling sabihin, mahirap gawin,” ngunit kung ganito naman kadali ang mga simpleng paraan upang makatulong sa kalikasan, bakit hindi? Sa oras na mabuksan ang isip mo at ma-realize na may magagawa ka para sa iyong kapaligiran, tandaan lamang ang tatlong mahahalagang bagay: Reduce, bawasan ang sobrang pagkonsumo ng likas na yaman arawaraw, gumamit lamang ng sapat sa pangangailangan; Reuse, muling gamitin ang mga bagay na may pakinabang pa at ‘wag muna itong itapon; at kung maaari i-Recycle ang mga ito upang muling pakinabangan at hindi na makadagdag pa sa dumi ng kapaligiran.
guhit ni Jan Leo

13

SCI-TECH

Nangamote
Wagi sa 2008 National Invention Contest
Joan at Redge

IE Students

WAGI ang “The Feasibility of using Tapioca (Cassava) Starch as Bioplastic Packaging Material for Seedlings” (Student Creative Research Category) mula sa departamento ng Industrial Engineering nang pumangalawa ito sa ginanap na 2008 National Inventors Week na isinagawa sa Philippine Trade Training Center (PTTC), Nobyembre 17-21. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok ang Unibersidad sa naturang kompetisyon kung saan 17 proyekto mula sa iba’t-ibang unibersidad sa buong Pilipinas ang naglaban-laban sa nabanggit na kategorya. “PUP has become a model in getting new breeds of inventors,” pagpapatunay ni Dr. Fortunato dela Peña, Undersecretary ng Department of Science and Technology sa husay na ipinamalas ng mga kalahok mula sa Unibersidad. Kabilang din sa mga proyektong nabigyang pagkilala ay ang “Alulod’s Application of Mini-Hydro Turbine” mula sa Electrical Engineering, at ang “Noise-Activated Shut-off” mula naman sa Electronics Communications Engineering. Pinangunahan ng DOST- TAPI(Technology Association and Promotion Institute) ang naturang programa na naglalayong pagsama-samahin sa isang linggong exhibit ang likha ng mga imbentor, propesyunal, at mga piling estudyante sa buong bansa upang bigyang pagkilala ang kanilang mga natatanging imbensyon. MINDS Bago pa man magkamit ng karangalan ang naturang imbensyon sa labas ng Kolehiyo, nauna na itong naparangalan ng Manila Innovation Development Society (MINDS)- PUP Chapter sa isinagawang “One Student, One Patent Program,” Nob. 7, 2008. Gaya ng DOST-TAPI ang MINDS ay naglalayong makapagprodyus ng mga prototype na imbensyon mula sa mga estudyanteng tinanggap ang hamong “Empowering the minds, unleashing the potentials, pushing beyond the limits.” Kabilang sa mga hurado ng paligsahan ay sina Engr. Evaristo Medina Jr., Engr. Roberto Versoza, at Engr. Arman Bionat na pawang mga kinatawan ng DOST at mga komite ng National Invention Contest na siyang nagbigay daan upang mabigyang pansin ang mga nabanggit na proyekto. Supot ng Kapakinabangan “The College should take that project seriously,” pagbibigay diin ng direktor ng DITTB-IPP (Department of Information and Technology Transfer Bureau- Intellectual Property of the Philippines) na si Dir. Carmen Peralta. Ayon sa kanya, nararapat lamang na bigyan ng pansin ng kolehiyo ang ganitong uri ng proyekto sapagkat lubos na kahanga-hanga ang mainam na pagbabagong maaaring maidudulot nito sa industriya at sa pangangalaga sa kalikasan. Ang naturang research na pinangungunahan ni John Paul dela Cruz (IE 4-1) , ay isang sisidlan para sa mga bagong tanim na buto. “Simple lang, yung itim na plastik na kasama ‘pag bumili ka ng halaman na kailangan pang tanggalin ‘pag itatanim mo na, sa ginawa namin hindi mo na

14

guhit ni Paul Lester Chico

SCI-TECH
itatapon yung lalagyan. Kasama mo na s’yang itatanim at kusa nang madidecompose ,” sambit ni dela Cruz. Unang binalak ng grupo na makalikha ng isang garbage bag na maaaring ma-decompose sa mas maikling panahon at hindi na makadadagdag pa sa mga basurang nilalaman nito. Subalit dahil sa kakulangan sa apparatus, panahon, at pinansya, hindi ito naging posible. Gayunpaman, nanatiling layunin ng grupo na malimitahan ang problema sa basura partikular na sa mga plastik. Starch ang pangunahing sangkap ng produkto na makukuha mula sa katas ng cassava (tapioca) na siya namang hahaluan ng mga kemikal na magsisilbing plasticizer at stabilizer nito. Kabilang sa naturang research sina: Hilda Albis, Germine Christa Amansec, Jennifer Amoyan, Anna Margarita Bascon, Crezyl Berbedel, Arsenio Boado Jr., Sydney James Bukas, Reggie Lynne Camizola, Christine Joy Caranto at Angeline Concepcion. Mula sa mga imbensyon na ito ay magpapatuloy pa rin ang adhikain ng Kolehiyo na gisingin ang taglay na karunungan at kaisipan ng mga estudyante sa larangan ng agham at teknolihiya at pananaliksik. “Natutuwa ako dahil mas maraming sumali ngayon, which is our goal. I believe that when you start training them young, plus the institutional support from their school, you can get more potentials from them,” pagtatapos ni Dr. dela Peña.

Pyutyuristik
Amalia Tamayo

HINDI na siguro nalalayo sa katotohanan ang pyutyuristik na tema ng Star Wars at Star Trek. Dahil sa ngayon ‘di lang 4G at video call ang nauuso pati kasi ang estilo ng pagkocommunicate ni Princess Leia ay possible mo nang magaya. Tada! Pinakikilala ng Engineering SPECTRUM (Komiks Edition) ang panibagong teknolohiya – ang HOLOGRAM! Teka, baka sabihin niyo na ‘di naman talaga super bago ang technology na ’to, makikita kasi ito sa mga cards na may iba’tibang drawing na nagbabago-bago kapag

niliko mo ito sa iba’t ibang anggulo. Tama. Pero ang tinutukoy talaga namin dito ay ang perpektong pagkopya ng isang imahe at muling pagpo-project nito sa free space na sobrang katulad ng totoong bagay – 3D! Kahit tingnan mo man harap, likod, kanan, kaliwa. Para magawa ang isang hologram kinakailangan ng mahigit 30 high definition cameras na kukuha sa bawat anggulo ng bagay na gagawing hologram. Irerekord ang liwanag na tumatama sa bagay habang ito’y gumagalaw at muling irerekonstrak ayon sa posisyon nito habang ito ay nirerekord. At ang magiging projection nito kapag pinanuod ay isang three-dimensional na imahe – isang hologram. Sa ngayon, lubhang magastos pa ang hologram para sa komersyal na pamamaraan subalit hindi na malayong makita mo in threedimension ang kausap mo kahit ilang milya pa ang layo nito sa’yo. Tulad na lamang ni Jessica Yellin, isang CNN correspondent na kauna-unahang hologram na lumabas sa telebisyon noong kasagsagan ng 2008 US Election.

15

18

19

20

21

22

PAN

DE INHINYERYA

The Gravity of Sin
Aljay Baratang

“For the wages of sin is death but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord.” -Romans 6:23 (NIV)
One of the many things unique to Christianity is the concept of sin. But the question is, Does the concept of sin matter in an age characterized by postmodernism? First of all, whether we believe sin or not we are confronted with the reality of it simply because the Bible tells us plainly that “all [of us] have sinned.” So what is sin and why does it matter to us? Sin in its simplest definition is disobedience to God’s commandments. We disobeyed God in many ways and in many points making us sinners. Not only that we have sinned but Jesus himself tells us that our very heart and nature are sinful. “For from within, out of men’s hearts, come evil thoughts, sexual immorality, theft, murder, adultery, greed, malice, deceit... All these evils come from inside and make a man unclean.” So what if we are sinners? The bible tells us in Romans 6:23 that the wages or consequence of sin is death which means spiritual separation from God. We were created to have fellowship with God but because of our sinfulness we chose to go our own independent way and our fellowship with God was broken. Does our separation from God matter? It does. A life lived separated from God is very miserable because if we are separated from God, we are separated from the very source of life and happiness. So the most serious problem of man is not poverty or any other problem we have in our society right now. It is our sinfulness which is alienating us from God. But that’s just the first part of the verse. The second part tells us of God’s great gift to us, the gift of eternal life which can be found in Christ Jesus. Because of our sinfulness and because of God’s great love for us, Jesus Christ needed to die on the cross to pay the penalty of our sins. And because of what He did, we are given the chance to receive this gift of eternal life and escape the consequence of our sins. Unbelievable? Believe it. 23

guhit ni Alexander Defeo

SIBOL

Gasera
Edmar Llanes Mangahas

unay na ngang maliwanag ang daang kanyang tatahakin. Subalit muli’t muli pa rin niyang lilingunin ang nakaraan kung saan tanging liwanag lamang mula sa isang gasera ang nagsilbing gabay upang maiguhit ang kaniyang kinabukasan…
Suntok sa Buwan Singko sa Philippine History, dropped sa Analytical Geometry at incomplete sa Integral Calculus, nakuha na niya halos lahat ng di kanais-nais na grado na puwedeng makuha sa kolehiyo, ngunit mapapabilib ka sa taong ito dahil sa maniwala kayo o sa hindi, nakuha niyang maging isang – topnotcher! Mula sa 2,006 na kumuha ng pagsusulit sa nakaraang Mechanical Engineering Licensure Examination nitong Oktubre 2008, 1,132 lamang sa mga ito ang mapapalad na pumasa. Pero wala ng mas papalad pa sa pinakananguna sa nasabing board examination na nagbigay karangalan sa PUP Taguig ngayon, siya ay si Engineer Bhryan Philip Rollon Ondoy. Isang napakamahiyaing estudyante kung ilarawan niya ang kanyang sarili. Tipong tahimik o ‘di makabasag pinggan ika nga. Sa katunaya’y sa dami ng kaniyang mga kaklase, dalawa lamang sa mga ito ang madalas niyang kinakausap. Naikuwento pa niya na sa tuwing siya’y magrereport sa klase kaharap ang mga kamag-aral na halos limang taon ng kasa-kasama, ‘di pa rin niya maiwasang manginig sa nerbiyos. Subalit kahit mahiyain, kahit papaano’y may naitatagong kapalaluan rin pala itong si Bhryan. Aniya, minsan siyang nagkaroon ng 24 mga kaklase mula sa iba’t ibang kurso sa Integral Calculus, isang pagkakataon ito sa kanya upang makapagpasikat, na siya namang nangyari. Inanunsiyo ang kanilang midterm grade at lumabas na siya ang pinakamataas. Pabiro tuloy niyang nasambit ang mga katagang “mag-aaral kasi kayong mabuti!” Aminado siyang medyo napapresko ang hangin noon. Sa huli, ng bigayan na ng classcards ay tila baga hinangin pabalik ang kanyang biro ng matanggap niya ang grade na – incomplete, katangi-tangi lamang sa klase. Ngunit kung talagang maipagmamalaki lang ang pag-uusapan, ‘di hamak na mas marami siya nito. Sa kabila ng pagiging mahiyain, malakas ang kaniyang loob na sumali sa mga patimpalak na sumusubok sa kanyang katalinuhan. Isa na rito ang Mechanical Engineering National Quiz Bee na siyang pinanalunan ng kinabibilangan niyang pangkat. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon upang malibre sa dalawang review centers na pinasukan bilang gantimpala. Doble Kayod Oktubre 7, 1986 – di niya tunay na kaarawan. Malayo sa orihinal na petsang Agosto 27, 1986 kung kailan siya totoong ipinanganak. Ngunit ang mga numerong ito

T

guhit ni Jan Leo Herrera

SIBOL

mag-aaral kasi kayong mabuti!

na hindi niya tunay na pag-aari ang patuloy pa rin niyang ginagamit, sapagkat ito ang legal na nakatala sa National Statistics Office (NSO). Matapos maisilang, higit isang buwan ding naipagpaliban ng kanyang ina ang pagpaparehistro sa kanyang kapanganakan. Sa hirap ng buhay, ‘di kaya ng kanyang ina ang magbayad ng multa sa pagpapalibang nagawa kung kaya’t ipinaako na lamang nito sa anak ang petsa ng araw na yaon kung kailan siya naiparehistro. Sa simula pa lamang, talagang tila kahirapan na ang magsisilbing mahigpit niyang kalaban. Bukod sa nag-iisa lamang na anak, lumaki ring walang ama ang noo’y musmos na batang si Bhryan. Naging mahirap para sa ina nitong palakihin siya ng walang katuwang. Kung kaya’t nakagisnan niyang hindi lahat ng bagay ay nakahain na sa kanyang harapan. Mula Mindoro ay tumungo sila dito sa Maynila upang mamuhay at makipagsapalaran bitbit ang kanilang mga pangarap. Mabuti ang Diyos at nagawa niyang makapagtapos ng pag-aaral. Ngunit sino ang mag-aakalang sa loob ng tatlong taon hanggang matapos niya ang kolehiyo, gasera lamang ang tanglaw nilang mag-ina sa paglatag ng bawat gabi. Sa pagkain sa hapag kainan, sa pagsusulat ng takdangaralin at sa paggawa ng mga proyekto,

tanging ang gasera lamang ang kanyang maaasahan. Magkagayon man, itinuturing pa rin niyang mapalad ang sarili dahil ‘di sila nangangapa sa dilim. Mala-Rizal ang dating, ngunit kung iisipin ay malaki na ang pinagkaiba niya sa ating pambansang bayani na noon ay lubos na masagana ang pamumuhay. Gayunpaman, mayaman naman siya sa husay, galing at likas na talento katulad ni Rizal. At mas maalab pa sa liyab ng gasera ang pagpupursigi niyang matupad ang mga pangarap. Pagpapakumbaba Sa kabila ng karangalang natamo, isang katangian pa din ang sa kaniya’y nangingibabaw. Nananatili pa din sa kaniya ang pagiging mapagkumbaba. “Hindi ako ang pinakamagaling, wala akong mga honors noong elementary at highschool. Dinoble ko lang ‘yung effort na ginawa ng iba sa pagrereview.” Hindi lamang nagkataon na siya ay manguna. Higit pa sa likas niyang talino ang hindi niya matatawarang tiyaga at pagtitiis na nagagawang posible ang tila noo’y imposible. Pasasaan ba’t matatalo rin niya ang sa simula pa’y kanya ng kalaban at ang mga pangarap na noo’y suntok sa buwan, ngayon ay kanya ng abot kamay. At ngayon ay hindi na siya mapapahiya sa pagsasabing “mag-aaral kasi kayong mabuti!”

TIWAY.doc
Nag-uumapaw na pasasalamat ang alay ng Engineering Spectrum sa mga taong bukas palad na tumulong sa mga gawain ng Institusyon. Una naming pasasalamatan ang mga sumuporta sa aming fund raising para sa aming mga kaibigan at dating kasamahang nahaharap sa kasong libelo. Salamat sa mga estudyanteng hindi nagdalawang isip bumili ng Pupoy shirts at pins. Gayundin kay Maam Carreon at sa mga butihing guwardiya ng CEA na sina Elena Gomez at Juanito Barrientos, maraming salamat sa pagbili ng aming shirt. Mainit na pasasalamat din ang aming handog sa mga taong naging katuwang namin para mailimbag ang aming mga isyu: Sa librarian ng CEA, Ma’am Amigable, sa walang sawang pagpapahiram sa amin ng mga babasahin; kay Prof. Edelyn Mariano sa buong pusong pagtulong at pagbibigay ng payo; OSS at Security office sa aming overnight; Internal Audit Office; kay Engr. Carrascal, ang aming moderator, sa pagsuporta sa aming mga adhikain; at sa mga masusugid naming mambabasa at tagasuporta, mapa-CEA, main o ibang unibersidad, sa pagbibigay inspirasyon para amin pang pagbutihan ang aming mga ginagawa.

Lubos din ang aming pasasalamat: kay Neil Defeo, BSID II, sa pag-aambag ng kanyang talento sa aming komiks; kay John Patrick Manabat, BSEE V, sa pagsasalaysay ng kanyang makulay na talang buhay; at kay Ronald Jeresano, isang award winning Visual Artist, sa pagpipinta ng pabalat ng aming literary folio. Higit sa lahat, ang lahat ng papuri’t pasasalamat ay aming inihahandog sa Panginoong Diyos na lumikha at dahilan ng lahat, maging ng paglilimbag ng isyung ito. Maraming salamat... ***** Salamat sa O.Rians, kay Bryan Niegas, at sa mga BSCE II-4 na bumili ng Spectrum pins. - Redge. Thanks sa mga bumili ng shirts at pins, sa aking mga kagrupo sa thesis (Lyra, Luis, Pio, Panda) for being understanding, Sir Eric Ramos & Ma’am Durias, to GEC members tnx for the friendship, nay we love you-Edmar. Besty, Jhe, Jed, Dea atbp., salamat sa tiwala’t pagmamahal. Naks! Sa mga kapamilya at porwan, 1 taon pa tapos funfunfun na. - Lia Ako to patiway... thanks! -Joan

25

SIBOL

CEA Horror

Stories
Edmar Llanes Mangahas

Huwag kang lilingon

Nangyari ang lahat noong mga gabing halos wala ng tao sa loob ng CEA. Si Beth, isa sa mga janitress ay minsan ng nasindak sa takot ng bigla na lamang pumailanglang ang pag-iyak ng isang babae sa loob ng isang walang katao-taong CR. Ito ang palikuran ng mga babae na malapit sa CoE Microlab sa third floor. Subalit maging ang mga kasamahan nitong janitress ay hindi rin nakaligtas sa muling pag-iyak ng nasabing babae sa CR. Isang gabi habang naglilinis muli si Beth ay nakakita naman siya ng mga batang naglalaro. Ngunit, ang mga ito ay nasa loob ng isang silid na nakapadlock. Ito ang Room 318 na noo’y laging nakasara ang mga venetian blinds subalit dahil sa nangyari ay

pinananatili na itong laging nakabukas. Bukod pa rito, si Noraida isa sa kanyang mga kasamahan ay pinagpakitaan din. Nangyari naman ito ng minsang linisin niya ang CR ng mga lalaki sa may ikaapat na palapag, katabi ng library kung saan lumitaw ang isang lalaking nakabarong. Naikuwento pa nila ang karanasan naman ng isang bagong guwardiya na noon ay nagbabantay. Di umano, madaling araw habang nasa ikalawang palapag ang guwardiya, bigla na lamang lumantad ang isang babae na naroon sa tapat ng IE Lecture Room na nasa ilalim ng tanggapan ng HAM kung saan kumakaway pa ito sa kanya. Dahil sa nangyari ay agad nitong nilisan ang ikalawang palapag. Talasan ang pakiramdam Ayon sa lady guard na aking nakausap, sa tatlong taon niyang pamamalagi sa CEA, di siya nakaligtas sa isa sa mga sinasabing multo ng gusali. Aniya, minsan siyang naidlip habang nagbabantay, at sa kanyang paggising, bigla na lamang bumungad sa kanya ang isang taong nakaitim. Sa takot ay ninais nitong abutin ang kasamahang nasa kanyang tabi na nakatulog din, ngunit di niya maikilos man lang ang katawan noong oras na iyon. Isang grupo naman ng EE students ang napatitig

lamin ang mga kakilakilabot na istoryang inilahad mismo ng mga tunay na nakasaksi at ang sarili naming karanasang tiyak na magpapatindig ng inyong mga balahibo.
sa isang padlock na gumagalaw. Ngunit ito ay hindi lamang basta naitulak kung inyong inaakala, dahil ang paggalaw nito ay taas baba. Gayon din ay nakita nila ang dating chairperson ng EE Dept. na pumanaw na sa parehas ding silid sa ikalawang palapag. Observe Silence Hapon ng amin namang kapanayamin ang ating librarian na nasa ikaapat na palapag. Mababatid na paboritong tambayan ng mga estudyante ng

A

26

SIBOL
may nakita siyang kalahati ng ulo ng tao o ang mismong noo nito mula sa likod ng bookshelves, sa pagaakalang naiwan niya ito sa pagkakalock, dali-dali siyang nagsorry at kanya pang tinunguhan ang naturang nakita, ngunit bigla itong nawala. Di rin malilimutan ni Ma’am ang minsang naramdaman niyang may dumiin sa kanyang likod habang siya’y umiidlip na naging dahilan ng pagsama ng kanyang pakiramdam at tuluyan na pagkakasakit. Ilang ulit namang pagpukpok ng martilyo ang kanyang narinig mula sa ilalim ng sahig ng library na ang ibaba ay isang room na dali-dali pa niyang pinuntahan, ngunit nakasara ito dahil summer vacation noon at walang klase. Aniya, hindi niya tiyak ang lahat, iyon lamang ang sinasabi ng kanyang mga mata at pakiramdam. Nandiyan na sila Maging ang aming overnight dito sa SPECTRUM ay nabulabog ng isang pangyayaring hindi namin lubos na maipaliwanag. Kasama ang kapwa ko writers, habang isinusulat ko ang artikulong ito, bigla na lamang nabasag ang katahimikan ng magsimulang pumailanglang ang ingay ng mga upuang bakal na hinihila ng sabay-sabay sa isang silid sa fourth floor bandang ala una ng madaling araw. Sa pagnanais na matiyak na walang tao, dali-dali kaming lumabas sa opisina at tinignan ang lahat ng kuwarto, sa huli ay nakita

engineering ang library na ito. Walang mga bakanteng upuan ng mga oras na iyon. Ngunit ang di alam ng nakararami, di umano ay pinamumugaran din ng kung ano ang tahimik na lugar na ito. Ayon sa ating librarian, nagugulat na lamang siya kapag biglang bumukas ang pinto ng library na malapit sa EEN ng dahan-dahan. Naniniwala siyang sa bigat nito ay hindi ito kayang itulak ng hangin lamang. Madalas, sa mga oras na bandang 5:30 – 6:00pm habang siya ay nag-iisa, may nakikita siyang nakaputing palakadlakad base sa kanyang peripheral vision. Gayundin naman, nakapagpapabagabag din ng kanyang loob ang hindi maipaliwanag na madalas na paglipat-lipat ng istasyon ng kanyang radyo. Sa kalagitnaan ng aming pag-uusap, di ko naiwasang magulat ng biglang nagbrown-out at nagdilim sa paligid. Ngunit agad din namang nanumbalik ang kuryente at itinuloy namin ang aming pagkukuwentuhan. Isang sabado naman ng hapon ng nilisan niya ang silid-aklatan upang kumain, at sa kanyang pagbabalik ay

naming naka-padlock ang lahat ng ito. Kuwento naman ng isa sa aking mga kasamahan, tinawag siya noon ng kalikasan kung kaya’t pumunta siya sa sinasabing CR ng mga lalaki sa fourth floor. Wala siyang nakitang tao. Doon ay pinili niyang buksan ang gitnang cubicle, at sa hindi inaasahang sandali, nanlambot siya at nagulat nang bumantad sa kanya ang isang lalaking kasalukuyan noong — dumudumi!

mga iginuhit ni Paul Lester Chico

27

OPINYON Pagbabago
SA ISANG lipunang mahalaga ang maging ‘politically correct’ madalas nababago ang kahulugan ng mga salita. Halimba wa ay a n g salitang honorable , o kagalang-galang sa filipino, na kalimita’y idinidikit kahit sa mga pulitik ong may dose-dose nang kaso ng katiwalian. At sa ganito ring uri ng kultura kadalasa’y nagmumukha ng tama o katanggap-tanggap ang mga bagay-bagay na kahit paano mo man baliktarin ay mali. Ka g aya ng animo’y pagkakasingkahulugan ng mga salitang pulitiko at kurakot na tinatanggap na ng maraming Pilipino kasabay ang pagdidiin na dalawa lang daw ang uri ng pulitiko sa ngayon: isang di ginagawa ang kanyang tungkulin at nangungurakot at isang g i n a g awa a n g k a nyang tungkulin at nangungurakot. Lubhang nakababahala ang ganitong pagtanggap at pananaw kaya naman sa paaralan pa lamang ay dapat na itong itinatama sa isipan ng kabataan. Ngunit sa Kolehiyo ay may mga ilang salita na ring unti-unting nababago ang kahulugan. Isa na rito ang salitang propesyonalismo na nagiging dahilan ng iba upang magkibitbalikat, magpatay-malisya at magbulagbulagan sa mga maling gawaing malayang ginagawa ng ilang miyembro ng institusyon. Ang propesyonalismo o ang pagiging propesyunal ay nangangahulugan ng pagganap sa tungkulin ng buong husay, pagiwas na mabahiran ito ng personal na problema at pagsunod ng buong katapatan sa mga alituntunin at batas na sumasailalim ang naturang propesyon. Tungkulin din ng isang propesyunal na ipagbigay alam sa kinauukulan ang mga maling gawi ng kanyang mga katrabaho at tungkulin naman ng kinauukulan na ituwid ang mga pagkakamaling ito. Pinakadakilang propesyon ang pagtuturo, k a ya naman sa kulturang Pilipino ay binibigyan ng lubos na paggalang ang mga guro. Kaya nararapat lamang na pag-ingatan ang ganitong imahe, dahil ito ay karangalang

guhit ni Alexander Defeo

Editoryal

di kayang tumbasan ng pera o anumang materyal na bagay. Huwag sanang dumating ang araw na ang kahulugan ng salitang guro ay wala na ring pinagkaiba sa salitang pulitiko. Unti-unti na ring nababago ang pagkakapahulugan sa mga salitang lider e s t u d yante ng ilang mag-aaral na humahawak ng posisy on sa ilang organisasyon sa Kolehiyo. Animo’y pipi silang walang imik, binging walang naririnig at bulag na walang nakikita pagdating sa problema ng estudyante na ang ilan ay may kinalaman sa propesor. Nakakalimutan na nila ang kanilang tungkulin at pangakong paglilingkuran ang mga estudyante o kaya ang mga prinsipyong dapat meron sila bilang lider. Mas pinipili nilang manahimik para mapangalagaan ang kanilang grado at ang posisyong balang araw ay mailalagay nila sa kanilang resumé… Nakakalungkot at nakakahiyang maituring na pinakakurap na bansa sa timog-silangang Asya, kaya naman ganun nalang kasidhi ang panawagan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa sambayanang Pilipino na labanan ang lumalalang kanser ng lipunan. Isang panawagang kayang positibong tugunan ng Kolehiyo ng Inhinyerya kasama ang mga propesor nitong may kapuri-puri pa ring pagkatao at prinsipyo, at mga lider estudyanteng naglilingkod ng buong puso ng walang kapalit hindi lamang sa mga magaaral gayun na din sa Kolehiyo.

28

OPINYON

Di ‘to Bola
KUNG pagbabatayan ang kasaysayan, panahon ng kastila ng magkaroon ng pormal na pagkakilanlan ang mga Pilipino. Mula sa mga pangalang Maganda, Malakas, Pihikan, Madasalin, Masipag at Maharot ay nabinyagan sila ng mga pangalang Juan Dela Cruz, Jose Protacio Romualdez Medina Corazon Perez Domingo Gomez y Gabinete Zamora at Robertito Robertita. Kaya naman hindi ko lubos maisip kung anong pumasok sa malikot na isipan ng aking ninuno na sa dinaramirami ng pagpipilian ay ang apelyido pang dala-dala ko ngayon ang napagdesisyunan. Naaalala ko tuloy ang taunang paglalabas ng resulta ng PUPCET na ipinapaskil sa catwalk sa Mabini campus, na taun-taon din naming pinu-puntahan ng aking mga kaklase. Hindi upang tingnan kung nakapasa ba ang aming kamag-anak ngunit upang maaliw sa mga nakasulat sa tabi ng lista ng mga pangalan. Ito ay mga komentong lubhang nakakatuwa dahil na rin sa mga kakaibang pangalan o apelyidong nasa listahan. Patunay na napakamalikhain talaga ng mga Pinoy, lalo na sa pagpapatawa. Ngunit habang sumasakit ang aming tiyan sa kakatawa ay bigla kong naisip, “noong panahong pangalan ko naman ang nasa listahan, apelyido ko kaya ang nanguna sa hagikhikan?” Dahil malamang pa sa paglubog at pagsikat ng araw na may taong sa pagbasa pa lang ng pangalan ko ay natawa na. Hindi madaling magkaroon ng literal na mabahong apelyido. Mahirap. Matigas. walang ito at ang aking karanasan ang nagturo sa akin, ng sapilitan, na maging positibo sa buhay. Ka ya n a m a n n g a y o n , naiisip ko, ang dami ko na palang napasaya ng wala manlang akong effort. Ilan na kayang kamag-aral ko ang pumasok na bagsak ang kaluluwa dahil sa kalunos-lunos na problema at napapangiti s a t u w i n g n a k i k i t a a ko, dahil naisip niyang masuwerte pa rin pala siya. Malamang nga, hulog talaga ako ng langit… *** Marami sa mga kabatch ko ang excited na sa g ra d u a t i o n . A ko, m e d y o hindi. Mamomroblema na naman kasi ako sa kakasyang toga sa ulo ko. Kailangan ko na namang magbaon ng maraming hair pin. Hirap ng malaki ang ulo...

Masakit. Nandiyang ang mga kaklase ko sa elementarya, dala ng kamusmusan, ay biglang isisigaw ang aking apelyido na sinadyang bawasan ng letra, matapos ay susundan ito ng isang napakahabang tawa kasama ang iba ko pang kaklase. Di ko rin malilimutan ang dakilang guro ko sa sekundarya, na walang pinagkaiba sa mga kaklase ko sa mababang paaralan, na matapos banggitin ang aking pangalan ay biglang hahalakhak saba y magtatanong ng “saan galing ‘yun?” Na sasabayan naman ng animo’y wala ng bukas na pagtawa ng napakababait kong mga kamagaral. At ngayong The a ko ay nasa kolehiyo, kung m ay natatawa man ay di ko na napapansin. Sabi nga ni Eugene D o m i n g o , “pasasaan ba at masasanay ka rin!” Ma y kasabihan nga sa Ingles na “It is not the message that really matters – it is how you interpret it.” Bagay na laging sinasabi sa akin ng aking kaklase at paniniwalang matagal ko nang pinanghahawakan. Ang paniniguhit ni Arnold Lalongisip

FirstBlack

Pres. Barack Obama
29

OPINYON

Hate Late
PUNCTUALITY. Wala yatang nagturo sa’min niyan, o kung meron man sinadya naming ‘di matutunan. Mangyari kasi, kung 7:30am ang pasok sa eskwela, aba eh , ‘yan ang oras ng gising namin (pwede ring 8 or 9). Isang malaking tunggalian ng antok at ng kagustuhan naming bumangon ang nangyayari tuwing umaga. At kung makabangon na, oras na para gumayak – paggayak na may kasamang soundtrip, pagkuyakoy, pag-daydream, self-realization, self-analysis at samu’ t saring pagmumunimuni in between routines. Hobby na nga ata ang mangarap habang nagtutoothbrush. Sa iba, isang malaking hassle ang 15-30 minutes na pagkalate . Hindi na sila kumakain, ulo na lang ang pinaliliguan (minsan nga wala ng liguan) at fast forward ang lahat ng bagay. Animo’y 100m dash kung tahakin nila ang kahabaan ng Pureza. Kami, we never do that, kampante lang at nilalasap ang lahat, ang pagkain, lamig ng tubig, ganda ng kakalsadahan at ang simoy ng hangin. Sarap. Ang resulta, dalawang oras na ang nakakalipas bago pa man dumating sa klase. Hindi naman kami kinukunsinti ng aming mga magulang. Sa totoo lang, halos pagtulakan na nga nila kami palabas ng bahay tuwing umaga. At lalong hindi rin namin ipinagmamalaki ang gawaing ito. Hindi rin kami natutuwa kapag itinuturing ang pangalan naming synonymous sa salitang “late”. At nanliliit kami sa mga pangungutyang palakpakan ng aming mga kaklase na animo’y may grand entrance. Ang pitak na ito ay para isaksak sa ulo niyo (na tulad namin) ang dalawang aral na nais din namin ikintal sa aming mga kokote. Una, ang pagiging late ay 30 ka pa, mas lalong suwerte; at kung late din ang prof mo, JACKPOT! Ang tanong, suwerte din kaya ang result ng board exam mo? At kung ganyan ka hanggang trabaho, susuwertihin ka pa kaya? Kung tutuusin sa simula pa lang talo ka na. Hindi ka nagpakahirap pumasok sa pila-uli-pila university na ito para lang magpa-attendance, mangopya ng seatwork at magpaunahan sa prof mong late. Pumasok ka dito para matapos ang kursong kailangan mo para sa katuparan ng iyong mga pangarap. Pumasok ka dito dahil una sa lahat ninais mong matuto. Kung darating ka na tapos na ang lecture o experiment, ano pa ang ipinasok mo? Marami diyan tinadtad ng panlalait ang ilang mga guro nila, pero kung magkakaroon ka ng oras para mapakinggan sila maraming mga bagay kang malalaman na ikalalago ng iyong pagkatao. Take time to listen. Hindi ka pa rin ba naniniwala na galing sa’min ‘to? Maniwala ka , sa apat/ limang taong itinagal namin dito sa kolehiyo marami kaming pinanghihinayangan, mga nais balikan na kung sana dumating lang kami ng maaga… Kung may pasok, pumasok ka ng maaga. Maging maagap ka. Kumbinsihin ka man namin kung wala kang kusang magbago, bahala ka. Tinatahak namin ngayon ang pagbabago dahil alam naming hindi pa huling magbago. Ikaw mahaba pa ang oras mo, simulan mo na. Lubos ang aming hinihinging pang-unawa sa mga professor na ilang beses din naming pinasukan ng late. At kay Sir Andres at kay Sir Fernando (mga prof na early bird), SALUDO po kami sa inyo.

isang uri ng pagnanakaw, ng oras ng iba. Siyempre kung may nahuhuli, merong nauuna at naghihintay. Huwag na tayong lumayo, dito lamang sa kolehiyo hindi na lamang estudyante kundi pati mga propesor na din ang late dumating sa klase. Magbago naman kayo, kung hindi man para sa amin, sa mas nakakaraming estudyante na lang na dumarating ng maaga para matuto. Dahil ang oras na sana ay nilalaan nila sa mas makabuluhang gawain ay nauuwi lamang sa paghihintay. Sa ating mga estudyante, mahiya tayo. Matuto tayong rumespeto sa oras ng ating mga propesor na piniling turuan tayo kaysa mangibang bansa. At ‘wag tayong magmaasim kung pagalitan, pakantahin at pasayawin tayo sa harap ng klase ng ating mga prof. Style nila yan para turuan tayong maging ontime. Hindi kasi lahat ay tulad ni Sir Gedaria na aalukin ka pa ng juice, iced tea or some massage kapag nalelate. Ano ka sinusuwerte? Ang pagdating ng tama sa oras ay isang pagpapakita ng respeto. Ito rin ang pinakaunang sukatan ng disiplina pagdating sa klase at trabaho. Nababatay din dito ang reputasyon, kung mapagkakatiwalaan ka o hindi, may isang salita o wala at kung maaasahan ka bang talaga. Ikalawa, ninanakawan mo ang sarili ng pagkakataong lumago. Kung late ka na at nakapag-attendance ka pa, suwerte; kung nakakopya ka pa ng seatwork, e di suwerte; kung may quiz at nakahabol

KOMIKS STRIP

Jan Leo Herrera
Mark Jayson Ignacio

BeJay Berces
sagot: the beatles, madonna, juan dela cruz band, beyonce

Jan Leo Herrera

Mark Jayson Ignacio

BeJay Berces

Environmentalist

Math made easy

Ako! Ako! Ako!

God said

Hulabira

Kuto

31

32

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->