You are on page 1of 25

Mga Teoryang

Pampanitikan

Inihahandog ni:
Larry Boy Sabangan
Bsed-3
Medyor sa Filipino
Mga natapos nang teorya:
• Teoryang Bayograpikal
• Teoryang Historikal
• Teoryang Klasismo
• Teoryang Humanismo
• Teoryang Romantisismo
• Teoryang Realismo
• Teoryang Pormalistiko
• Teoryang Siko-Analitiko
Mga nalalabi pang teorya:
• Teoryang Eksistensyalismo
• Teoryang Istrukturalismo
• Teoryang Dekonstraksyon
• Teoryang Feminismo
• Teoryang Imahismo
• Teoryang Naturalismo
• Teoryang Makabayan
Introduksyon
• Nasuyod na natin ang ilang teoryang
pampanitikan na kung saan ay nagbigay sa atin ng
kabatiran patungkol sa mga pananaw, simulain at
katangian ng bawat akdang sinusuri.sa
presentasyong ito ay ating susuungin naman natin
ang natitira pang mga teorya na tiyak namang
tutulong sa ating diwa at kaisipan na malaman,
mabatid at madukal ang pagsiyasat sa bawat akdang
pampanitikan na ating binabasa.
Teoryang Eksistensyalismo
• Ang teoryang ito ay walang tiyak na simulain,
kahawig ito ng modernismo sa pagpupumilit
nitong wakasin ang nakaraan o kasaysayan.
• Ito ay hindi isang teorya kundi isang paniniwala.
• Ito ay paniniwalang hindi tunay ang buhay kung
nakukulong sa sistema ng paniniwala.
• Kinasasangkapan ng mga paniniwalang ito na
ang bawat tao ay malaya, responsible at
indibidwal.
• Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa
pakikipag ugnayan niya sa lipunan at sa mundo.
Teoryang Eksistensyalismo
• Malinaw na ang proseso ng pagiging (being) at hindi
pagkakaroon ng tamang sistema ng paniniwala tulad ng
relihiyon at moralidad ang dapat bigyang pansin ng tao
upang mamuhay siya ng tunay.
• Ito ay nakatuon sa buhay ng manunulat at sa buhay ng
mga taong katha lamang.
• Laban ito sa establisimiyento, at di-kompormista, at sa
huli isang teorya ng pagiging tunay na tao sa kabila ng
masasabing impluwensya at pananakot ng relihiyon at
moralidad ng bawat tao.
• Halimbawa: “AKO ANG DAIGDIG” ni Alejandro G.
Abadilla.
Teoryang Istrukturalismo
• Ito ay DI-MAKATAONG teorya.
• Nagsimula sa unang dekada ng ika-20 dantaon na
pinamunuan ni Ferdinand de Saussure ng France.
• Ang wika ay hindi tamang hinuhubog ng kamalayang
panlipunan kundi humuhubog din sa kamalayang
panlipunan.
• Hindi pinapahalagahan ang may akda at ang akda bilang
daloy ng katotohanan. Hindi rin nito kinikilala ang
kritisismong kumikilala sa tao bilang pinagkukunan ng
kahulugan ng isang teksto.
• Ito ay isang nitso dahil sa loob nito ay nabubuhay ang
wika at diskurso.
Teoryang Istrukturalismo
• Nakabaon ang wika at gayundin sa panitikan
ang istruktura ng pulitika, ekonomiya at iba pang
lipunang may wika/panitikan.
• Angkop lamang sa pagpapaliwanag sa mga
kahalagahang panlipunan na nakabaon dsa
lenggwahe.
• Pinakamalinaw at pinakamakabuluhang
magagamit ang teorya sa pagsusuri at
pagpapaliwanag ng panitikang bayan.
Teoryang Dekonstruksyon
• Ito ay POST-ISTRUKTURALISMO.
• Sa pananaliksik ni Isagani Cruz, si Easthope ang
nagsabing mabibigyang kahulugan ang teoryang ito sa
lima:
• Una, natural na balatkayo ng realismo sa palabas ni
Belsey
• Pangalawa,pagsangkot ni Foucault ng duskurso sa
bawat diskurso
• Pangatlo, pagpapakahulugan ni Williams sa panitikan
• Pang apat, pagpapakita ng mga aporia at pagkakaiba sa
mga teksto ni Paul de Man.
Teoryang Dekonstruksyon
• Panlima, di-pagtanggap sa mga baynari ni Derrida.
• Winawasak ng nito ang kabuuan ng sistema ng wika at
binubuo lamang muli ito nilang kamalayan na may
kalakip na teorya ng realidad.
• Binibigyang diin nito ang kamalayan ng manunulat at ng
mambabasa bilang mga produkto ng social discourse na
nakasulat.
• Ito ay angkop sa panitikang nakasulat bilang produkto ng
isang tiyak na may-akda na tagapagdala o taga-ingat ng
isang tradisyong pang-intelektwal at pampanitikan.
Teoryang Feminismo
• May apat na panahon ayon kina Belsey at Jane
Moore ang Feminismo na malinaw na nakikita
sa mga aklat na naisulat ng mga kilalang awtor.
• Pagpapalabas ng mga aklat nina Showalter,
Gilbert at Gubar
• Ang tuwirang pakikipag-ugnayan ng Feminismo
sa post-istrukturalismo.
• Ang feminismong may kaugnayan sa post
modernismo.
Teoryang Feminismo
• Pinalilinaw ang mga imahen ng kababaihan.
• Isinaalang-alang sa papel na ideolohiya sa
paglikha ng mga indibidwal sa isang lipunan.
• Masigla at dinamiko ang pananaw ng Feminista.
• Malaking ambag ang karanasang historikal sa
pamamagitan ng panitikan.
• Malaki ang bilang ng mga impluwensya hindi
lamang sa panitikan kundi maging sa
kasaysayan na magtulong-tulong upang bigyang
buhay ang isang kilusan.
Teoryang Imahismo
• Nagsimula sa Inglatera noong 1914 ang isang
aklat ng mga tula na “Des Imagistes”ni Ezra
Pound.
• Imagism ang tawag sa tradisyon ng panulaang
modernista na sadyang tumiwalag sa
tradisyonng pangangaral at pag aliw bilang
akdang pansining ay may bukod tanging
kairalan at hindi ito kailangang ipasailalim sa
murang layuning hindi makasining.
Teoryang Imahismo
• Malaya ang makata na pumili ng anumang nais
na paksain niya sa kanyang tula.
• Gumagamit ng wika o salitang pangkaraniwan.
Pagkamatatag at malinaw ng mga epekto nito.
• Ang pag-iwas sa pagkakalat at kalabuan sa
pamamagitan ng sinasadyang konsentrasyon.
• Sadyang tumiwalag sa tradisyon ng pangangaral
at pang-aliw.
• May bukod-tanging kairalan, at hindi ito
kailangang ipasailalim sa anumang layuning
hindi makasining.
Teoryang Naturalismo
• Si Hippolyte Taime ang unang nakaimpluwensyang
manunulat ng naturalismo sa Pransya.
• Pinalawak ng naturalismo ang saklaw ng realismo.
• Ang nais matapat, di piniling representasyon ng realidad,
isang tiyak na hiwa ng buhay na ipinakita nang walang
paghuhusga.
• Binibigyang-diin ng naturalismo ang namana at
pangpisikal na likas ng tao kaysa nga katangian niyang
pangmoral o rasyonal
• Naipakita ang mga indibidwal na produkto ng
pinanggalingan at kapaligiran.
Teoryang Imahismo
• Mahina ang hawak na kapalaran, pesimista sa
simula pa lamang.
• Ipinapakita ang mga kasuklam-suklam na mga
detalye.
• Ang buhay ay isang marumi, mabangis at
walang awang kagubatan.
• Madilim ang pananaw.
• Nawawalan ng pag-asa at kinabukasan.
• Mas matapat, di-piniling representasyon ng
realidad, isang tiyak na diwa ng buhay na
ipinapakita nang walang paghuhusga.
Teoryang Makabayan
• Wala pa talagang pormal na nabuong teotya na
sumasaklaw sa makabayang pananaw sa ating
panitikan, nginit bilang tradisyon sa panulatan,
marami na ring nasulat na mga akda, tula, at
dula na umaayon sa adhikaing makabayan.
• Ito ay makasining
• Ito ay may karakter na maklipunan.
Kinabibilangan ito ng paglalarawan ng buhay ng
isang tiyak na lipunan at tiyak na panahon.
• Hindi maiwasan na maging hati ang lipunang
napapailaliman sa pananakop ng imperyalismo.
Teoryang Makabayan
• Ito ay may makamasang katangian.
• Ang ganitong pananaw ay nakasalig sa
mahalagang papel na ginagampanan ng wikang
pambansa sa pagkakaisa ng sambayanan.
• Ito’y lubhang knakailangan sa harap ng
dambuhalang lakas na sumusukil sa tunay na
kalayaan at pag-unlad ng bayan.
• Ang mga tauhan at buhay ay pawang may
sariling kakanyahan.
Moralistikong Pananaw
• Ipinalalagay na ang akda ay may
kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi
lamang ng literal na katotohanan at mga di-
mapapawing pagpapahalaga.
• Ayon sa moralistikong pananaw, sa kanyang
pagbabasa o pakikinig, nagkakaroon ng bisa sa
buhay ang mga kaisipang binigyan ng dugo at
laman ng mga elemento ng likhang-isip.
• Mamamalas ang lakas at puwersa vng
paniniwala na hanggang sa kasalukuyan ay
sinasandigan pa rin ng maraming kritiko at guro.
Moralistikong Pananaw
• Mapangatwiran ang ganitong impluwensya
bilang isang sagot sa pangangailangan iugnay
ang panitikan sa lipunan.
• Sa kasalukuyang nagawa ng kritisismo na
itmpokang kahalagahan ng pagsunod sa mga
batas ng kagandahang aralsa pagtalikod sa
bisyo sa pamamagitan ng patuturo ng panitikan.
• Mahalaga ito sa sistema ng kritisismo sa
malaking bilang ng teoritikal na perspektibo.
Karagdagang detalye:
• Katangian ng mga teoryang pampanitikan:
• Kailangang panatilihin sa isip, gayunman na ang
produksyon ng panitikan tulad ng pagbasa,
pamamahagi o ebalwasyon ang
nangangailangan ng pagtingin sa panitikan na
kontekstong pangkasaysayan.
• Ang ilan sa mga teoryang pampanitikan kahit
ipinahayag o hindi kahit ginamit ng wala o may
kamlayan ang kasangkot sa bawat bhagdan ng
prosesong pampanitikan.
Kahalagahan ng mga teoryang
pampanitikan
• Natutulungan ang mga guro maging ang mga
mag-aaral na matukoy ang pasikut-sikot ng
nilalaman o ang pagsasa-ayos ng mga detalye,
aral at impormasyong nakapaloob sa isang
teksto.
• Madaling matutukoy ang kalikasan, katamgian o
ang pinagmulan ng nilalaman ng akda o kung
paano ito naisagawa.
• Magiging madali at magaan na sa mga
mambabasa ang pag unawa sa mga tekstong
pampanitikan.
Konklusyon:
Natapos nang talakayin ang iba’t
ibang teoryang pampanitikan.
Ngayon ay nabatid na natin kung ano
ang simulain, ang pananaw at ang
katangian ng bawat teoryang
pampanitikan.
Ito ang mga Teoryang
Pampanitikan.

Maraming Salamat Po!


Inihanda ni: Larry Boy Sabangan
Bsed-3
Medyor sa Filipino
ASU in New Washington

Panunuring Pampanitikan

You might also like