Professional Documents
Culture Documents
Panimula
Sa panahon ngayon, hindi maitatangging tunay na laganap na ang
paninigarilyo sa Pilipinas. Kung inyong mapapansin, tila bawat sulok ng
ating bansa ay pinupugaran ng mga nagbebenta at gumagamit ng
sigarilyo. Mapaartista man o propesyunal, drayber o kahit ang mismong
mga doktor at nars sa mga ospital ay kabilang sa populasyong ito. Kahit na
ang mga mahihirap o tambay na ginagapang na lamang ang kanilang
pang- araw-araw na kakainin ay maaaring malakas ding manigarilyo. Dahil
dito, hindi na nakapagtataka pa kung tutularan ng kabataan ang ganitong
gawain.
Ang paninigarilyo ng kabataan ay maituturing na isa sa mga
nangungunang isyung patuloy na pinagtatalunan at sinusubukang maibsan.
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa bisyong ito.
Dagdag pa rito ang kaalamang dumarami at tila pabata pa nang pabata
ang mga sumusubok manigarilyo. Patuloy ang ganitong paglaganap kahit
na marami ng mga solusyon at batas ang isinasagawa at isinasakatuparan
upang labanan o di kaya naman ay mabawasan ang paglaganap ng
gawaing ito.
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay atensyon sa mga
karanasan ng mga batang Pilipinong naninigarilyo. Kabilang na rito ang
kanilang mga dahilan at pananaw ukol sa paninigarilyo pati na rin ang
pagbabagong naidulot nito sa kanilang pamumuhay. Nakapaloob din dito
ang ilang mga suhestyon sa pagtigil o pagbabawas ng paninigarilyo.
Layunin
Nais makamit ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na layunin:
paglalahad ng mga impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga kabataang
Pilipino kaugnay sa paninigarilyo; pagtatala ng mga karaniwang dahilan at
salik na nakaaapekto sa desisyon ng kabataan na manigarilyo at mga
karaniwang epekto ng paninigarilyo lalo na kung bata pa lamang ay
nasimulan na ang ganitong bisyo; at pagbibigay ng ilang mga mungkahi at
solusyon upang makatulong sa mga nais tumigil sa paninigarilyo.
III. A. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng papel na ito, napagtanto ng mga mananaliksik ang mga
sumusunod: una, masasaksihan sa panahon ngayon na dumarami at pabata nang
pabata ang mga kabataang nagsisimulang manigarilyo; ikalawa, kahit sabdyektib
ang desisyong manigarilyo, mayroon pa ring mga dahilang magkakapareho tulad
ng pamilya, kaibigan, problema at paniniwala sa buhay na nakapag-uudyok na
magsimulang manigarilyo; ikatlo, iba-iba man ang mga dahilan ng mga
naninigarilyo, iisa lamang ang kanilang kahihinatnan, sapagkat pare-pareho
lamang ang nilalaman ng sigarilyo. Halos lahat ng mga epekto nito ay
nararamdaman ng naninigarilyo, maaaring magkaiba lamang sila sa paraan nang
pagtanggap dito.
B. Rekomendasyon
Upang malutasan ang lumalalang isyu ng paninigarilyo sa mga kabataan,
dapat pagtuunan ng pansin ang mga sumusunod: una, iminumungkahi ng mga
manunulat na pagtibayin ang patnubay ng mga magulang sa kanilang mga anak
lalo na habang sila ay bata pa lamang. Maging mabuting modelo sa mga anak;
huwag hayaang sa mga magulang mismo mapulot ng mga anak ang mga hindi
magagandang gawain. Ikalawa, maging mabuting impluwensya sa mga kaibigan.
Ang pagiging mabuting kaibigan ay nangangahulugang hindi mo hahayaang
ituloy ng iyong kaibigan ang kanyang ginagawang hindi maganda; dapat pa nga
ay ikaw ang isa sa mga unang magpapatigil sa iyong kaibigan imbis na sabayan
mo pa siya sa bisyong ito. Ikatlo, mahalin at pahalagahan ang sarili, ibang mga
tao at ang kapaligiran. Isipin nang mabuti kung makasasama ba o makabubuti sa
iyo at sa iba ang paninigarilyo.
Para sa kaso ni Juan, payo ng mga manunulat na harapin niya ang kanyang
mga problema. Hindi makatutulong ang paninigarilyo sa paglutas ng mga ito. Sa
halip, makadudulot pa ito ng ibang problema sa hinaharap. Hindi maitatama ang
mali ng isa pang pagkakamali. Dapat nating tandaan na ang ating pamilya ay
laging nariyan para sa atin at handang tumulong sa paglutas ng ating problema.
Napagtanto namin na nakabubuti ang ginagawa ni Donald, na pagbaling ng
kanyang oras sa paglalaro imbis na manigarilyo. Lalo na sa kalagayan ng
kanyang buhay na isang kahig isang tuka, iminumungkahi naming disiplinahin
niya ang kanyang sarili. Unahin ang pangunahing pangangailangan bago ang
kanyang bisyo.
Ipinapayo kay Bobby na maging totoo sa sarili; kung gusto niya talagang
tumigil, panindigan niya ito. Hindi kailangang makibagay sa gawain ng mga
kaibigan para siya ay tanggapin nila. Kung ganito ang sitwasyon, hindi sila tunay
at mabubuting kaibigan.
Dahil nabanggit ni Ace na ang mahalaga naman ay ang pakikipagkapwa at
pag- aalaga sa pamilya, bakit hindi na lamang niya alagaan ang sarili upang
mapagpatuloy pa niya ang pagsasabuhay at pagbabahagi ng ganitong
paniniwala.
Philippines. Nakuha noong
M G A S A N G G U N I A Disyembre 2009 sa
N : http://emeritus.blogspot.com/2008
/01/teenage-smoking-in-
Ahluwalia, J., Resnicow, K., Clark, W.
philippines.html
(1998). Ethnicity and Disease
Journal: Article: pp.385-393, Volume
How to Stop Smoking. Philippine
8, Issue 3 (October 1998). Nakuha
Publishing House, Manila,
noong Disyembre 2009 sa
http://atp.allenpress.com/perlserv/? Philippines. (1996)
request=get- Clarke, D. (1996). Why I Smoke.
abstract&doi=10.1043%2F1049- How to Stop Smoking, 7.
510x. Ferguson, T. (1996). Helping A
(1998)008%5B0385%3AKASRES Friend Quit. How to Stop Smoking,
%5D2.3L0%3B2&ct=1 10-11.
Proctor, S. (1996). How To Stop
BloodIndex. Nakuha noong January
2009 sa Smoking. How to Stop Smoking,
http://www.bloodindex.org/content_c 14-15. Scott, S. (1996). Helping
igarette.php Children Resist. How to Stop
Smoking, 12-13.
Dichter, E. (1947). Why Do We
Smoke Cigarettes?. Nakuha noong
Enero 2009 sa Mahonev, K. (2003). Facts About
Smoking for Teen Christians.
http://smokingsides.com/docs/
whysmoke.html Nakuha noong Disyambre 2008 sa
http://christianteens.about.com/od/
Emer. (2008). Teenage Smoking in the advice/a/SmokingFacts.com
com/why-people-smoke.php
Martin, T.. (2008). Smoking Facts for World Health Organization. Nakuha
Parent and Teens, The Dangers of noong Disyembre 2008 sa
Secondhand Smoke and More. http://www.wpro.who.int/media_ce
Nakuha noong Enero 2009 sa ntre/fact_sheets/fs_20050528.htm
http://quitsmoking.about.com/od/tee
nsmoking/a/teensmokefacts.htm