P. 1
pagsususri ng nobela: Ang Tundo Man May Langit Din

pagsususri ng nobela: Ang Tundo Man May Langit Din

4.0

|Views: 28,244|Likes:
Published by Donna Ruby
Hope it can help..just indicate that you've got it from this site and pls append my name.thank you
Hope it can help..just indicate that you've got it from this site and pls append my name.thank you

More info:

Published by: Donna Ruby on Feb 12, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/27/2015

pdf

text

original

UNIBERSIDAD NG REGINA CARMELI City of Malolos, Bulacan College of Computer Science and Engineering

Pagsusuri ng Nobela Ang Tundo Man May Langit Din Ni Andres Cristobal Cruz

Ipinasa ni: Donna Ruby S. de Leon BSCS3

Ipinasa Kay: Gng. Josephine Go Guro sa Filipino II

SY 2009-2010

I. Panimula

“Ang langit ko’y ikaw; Ikaw ang langit ng aking bagong daigdig , daigdig na nasa Tundo, nasa iyo,” Ito ang mga katagang binitawan ni Alma Fuertes sa Pagtatapos ng nobela na Ang Tundo Man May Langit Din. Sa pagsusuri na aking ginawa sa nobela nabatid ko na sadyang ang lipunan na ating kinabibilangan ay sadyang malaki ang nagiging papel sa ating buhay.Ang nobela ay umikot sa kwento ng pulitika, pagkakaibigan, pamilya, at pagibig. Sinisimbolo ng nobela na ito ang mga suliranin na hinaharap ng karaniwang Pilipino sa pang araw-araw na buhay. Gaya na lamang ng mga tauhan na nabanggit sa kwento na sila Victor, Alma, Flor, Lukas, Dolores,Aling Sion, mga Fuertes at marami pang iba. isa-isa nila binibigyang buhay ang katayuan ng bawat indibidwal na tao na humaharap sa pang araw-araw na suliranin sa buhay. Nabatid ko din na maaring ginamit lamang ng may akda ang lugar na Tundo upang bigyang diin at bigyang representasyon ang ating bansang Pilipinas sapagkat sa lugar na ito makikita ang iba’t ibang pangyayari at katayuan na nangyayari pa din sa ating bansa hanggang sa kasalukuyan.Minumulat ang lahat sa nobelang ito sa aspekto ng Pulitika na talamak talaga ang pagaagawan sa pwesto.ngunit nga ba hindi naman ka ganoon kalaki ang suweldo? Marahil sa magiging kapalit nito kapag na sa puwesto ka na.Naway sa pagtatapos ng nobela hindi man nabigyan solusyon ang suliranin sa Politika.sana sa ating buhay ay gawan natin ng paraan ang problema na ito para sa susunod na henerasyon. Napukaw ng aking pansin ang pag-iibigan nila Victor,Alma at Flor. Naipakita nila sa mga mambabasa na mayaman ka man o mahirap ano man ang estado mo sa buhay, saan ka man nakatira at anu pa man ang prinsipyo mo kapag natutunan mong gamitin ang iyong puso sa pagdedesisyon magiging tama ang lahat. Ang Tundo Man May Langit din ay sinakay tayo sa kuwento ng pagmamahalan ni Victor, Alma at Flor upang lubos natin mabatid ang Langit na hinahanap ng lahat. Langit na magpapaligaya sa kani-kanilang puso. Sa pag-iibigan nila Victor at Alma nabatid nila na ang langit na iyon ay nakita nila sa isa’t isa ito ay nahanap din nila sa katahimikan na nakamit nila mula ng ginamit nila ang kanilang puso at pagrebelde sa maling Gawain ng lipunan na kani-kanilang kinabibilanggan. Lahat tayo ay may Langit ding hinahanap.Langit na sasagot sa ating suliranin. Nawa’y ang bawat isa ay mabatid ang kani-kanilang langit na hinahanap.Malay mo ang impiyernong tinuturing mo ay ang langit na mataggal mo na ng hinahanap. Malay mo Ang Tundo Man May Langit Din.

II. Talambuhay ng Awtor Sa nakasaad sa libro na Ang Tundo Man May Langit din ang awtor nito ay si Andres Cristobal Cruz isa siyang makata,kwentista,nobelista at isa siyang pintor sa kanyang panahon madami na siyang natanggap na karangalan nagkamit siya ng TOYM Award, Gawad Balagtas ng Unyon ng mga manunulat sa Pilipinas,Republic Cultural Heritage Award,Araw ng Maynila Award at marami pang iba. Naging Assistant Director din siya ng National Library, at nagretiro bilang Career Executive Service Officer, Rank II, naglingkod din siya sa gobyerno at sa kasalukuyan ay vice-chairman ng Pambansang komiseta sa wikang pagsalin ng National commission for Cultural and arts. Ayon na din sa aking nasaliksik sa internet ang ilan sa mga gawa ni Andres Cristobal Cruz ay Ang kalipunan ng kanyang mga nasulat na tula na may pamagat na Estero Poems ay nalimbag noong taong 1961.Noong 1964 ay lumabas naman ang katipunan ng mga kuwento na may pamagat na White Wall. Ang magaganda niyang mga tula ay Flower by the Estero, Evening Song, Dusk, Night on the Estero, at Dawn.at ang kanayang panganay na nobela ay Ang Tundo Man May Langit Din. III. Pagsusuri A. Uri ng Genre Ekonomiyang-Pampolitikal o Soso Politikal Sa aking pagsusuri sa Nobela na “Ang Tundo Man May Langit Din” nabatid ko na isa itong babasahin na tumutukoy sa Ekonomiyang-Pampolitikal at Sosyo Politikal. Sapagkat sa mga isyung tinatalakay ng mga tauhan.Kagaya na lamang ng paghihirap na tinatamasa ng pamilya ni Victor.sa aspektong ito kahit na nakapagtapos si Victor sa kanyang pag-aaral sa kursong Education kinailangan niya pa ang tulong ng isang politiko upang maayos ang kanyang appointment na maipasok sa isang Paaralan.sa ganitong sitwasyon pinapakita na ang kuwento ay tumatalakay sa Ekonomiyang-Pampolitikal sapagkat sa nobela naibahagi ang mga sitwasyon na pinapakita ang estado ng lipunan o pamumuhay ng mga tao at dahil o tulak na din ng sitwasyon nagagawa na din ng mga tauhan na lumapit o gumawa ng hindi tama sa aspektong politika upang makaahon sa hirap ng ekonomiya na kanilang nararanasan. Ang aspektong Sosyo-Politikal na tinatalakay sa nobela ay makikita sa pamilya ng mga Fuertes sapagkat mas lubos na pinahahalagahan ng halos sa kanilang pamilya ang mga taong nakapaligid sa kanila.Sa politikang kanilang kinabibilanagn mas nakakataas ang may mga kaya.Nakita ko na Ang genre na ito ay malalim ang ibig ipahiwatig sa katayuan ng politika.Inaabot nga ng mga politiko ang mga tao ngunit may lihim naman silang agenda sa pansariling kapakanan.kaya naman kahit sa pagtatapos ng nobela sinadya marahil ng may akda na hindi tapusin ang suliranin ng istorya ukol sa politika upang lubos natin maintindihan ang kanyang ibig ipahiwatig.

B. Buod Sa lugar na kung saan ay napaka gulo, madumi at maingay na tinatawag na “Tundo” ay may isang pamilya na marangal at mahirap sila ay ang pamilyang del Mundo. Sila sina Victor, Aling Sion at Lukas.Si Victor ay nasa huling taon na ng kanyang pagaaral sa kursong Education. Isang hapon may tumawag sa kanya at nagyayayang lumabas bigla na lamang niya napagalaman na ang nasa kabilang linya ay ang kanyang dating kasintahan na si Flor tumawag ito para makipagusap at makipagkita sa dati nilang lugar na madalas pagkitaan.Nakipagkita naman si Victor at doon nagbalik lahat ng dating pakiramdam niya kay Flor.doon naipagtapat ni Flor na siya ay nagdadalang tao ngunit ang kanyang napangasawa na si Tonyo ay may asawa na kaya naman hindi nila kailangan na ipagpatuloy ang kanilang relasyon. Sa paaralan naman ni Victor ay may naghihintay sa kanya siya ay si Alma Fuertes isang anak mayaman.kaya naman nagpaalam na si Victor kay Flor pagkatapos niya ipaalala kay Flor na hindi niya dapat talikuran ang bata napag-usapan din nila ang kanilanag nakaraan. Pagdating ni Victor sa paaralan sa silid aklatan kung saan inip na inip na naghihintay si Alma kaagad silang nagtungo sa kanilang klase sa pangkaraniwang pagsasama nila Victor at Alma natural na sakanila ang madalas na pagaasaran at tampuhan ngunit sa pagtatapos ng araw ay nagkakabati naman sila.pagdating sa kanilang klase nagkailangan ang dalawa sapagkat sa nangyaring matagal na paghihintay ni Alma sa kanilang pag-uwi nagyaya na manood ng sine si Alma kasama ang mga pinsan at kaibigan ng dalawa ngunit tumanggi si Victor sapagkat sakanyang isip ay nandon pa din ang ipinagtapat ni Flor sakanya hindi niya maiiaalis sa kaniyang isip na may nararamdaman pa din siya kay Flor. Sa kanilang buhay eskuwela natural na kay Victor ang makipagpalitan ng kanyang ideya at magbigay ng reaksyon lalong lalo na ang pagyurak sa mga kapuspalad.sa kanilang araw araw na paaralan na magkasama ni Alma na kanyang kaklase ay hindi mawawala na nahuhulog na ang loob ni Alma kay Victor.madami na din ang kanilang napagsamahan kaya naman ng maihatid ng kanyang mga kaibigan na sila Monching na nakita nila si Victor noong araw na si Alma ay naghihitay dito na may kasamang magandang babae sa isang palamigan kaagad na nagtampo itong si Alma at sa natural na nagyayari sa kanila ay nagkatampuhan nanaman sila ni Victor.ngunit naulit ang pagkikita ni Flor at Victor ngunit ito naman ay sa apartment mismo ni Flor. Sa bahay naman na marangya ni Alma hindi niya maramdaman ang kasiyahan sa lipunan na kanyang kinabibilangan.lalo na sa isang panaginip na bumabagabag sakanya dahil sa isang sikreto na nalman niya tungkol kay Mister Fuertes ang kanyang ama.Na itoy may nabuntis na kanilang kasambahay na nagngangalang Dolores at binayaran na lamang upang lumayo at manahik.kaya nman ipinangako niya sa kanyang sarili na hahanapin niya si Dlores at ang anak nito Sa ganitong suliranin ang Talaarawan na lamang ni Alma ang kanyang sabuhan ng problema sa suliranin na ito at sa lihim na pagmamahal niya kay Victor.

Sa kanilang pagkikita ay muling bumalik sa kanila ang kanilang nakaraan ngunit ayaw na nito balika pa ni Victor dahil para sakanya kailangan na harapin ni Flor ang kanyang kapalaran at hanapin ang langit.Hindi kagaya ng kanyang pagtalikod ni Flor sa Tundo.matapos ang pag-uusap nagpaalam na si Victor at umuwi sa Tundo doon naabutan niya sila Lukas,Paeng Gasti,Pilo at Tatong BamBan na nagkakasiyahan kahit na tumangggi siya ay naupo pa din siya.matapos ang inuman ay naparambol sila ni Lukas sapagkat noong sila ay umiinom nagkaroon ng hindi magandang pagtitinginan at ang pagagaw ng kanilang nakaalian sa kanilang inorder na pampalamig.kinabukasan nalaman ito ng lahat.ngunit sa natural na araw-araw ay pumasok pa din sa pag-aaral si Victor at magtrabaho sa palimbangan kung gabi.hindi siya nagpaapekto sa Rambol na angyari.lumipas pa ang ilang araw papalapit na ang kanyang pagtatapos napagpasiyahan ni Victor na huwag ng pumunta sa kanilang baccalaureate ngunit. Kinabukasan ay pinilit siya ni Alma na dapat siyang pumunta dahil minsan lang iyon at ito ang kapalit ng kanyang paghihirap.napag isip isip naman ito ni Victor na hindi niya dapat ipagkait sa kanyang pamilya ang kaligayahang madadama nila sa pagtatapos niya lalo na ang kanyang ina na si Aling Sion naisip ni Victor kasi an ibigay na lamang ang kanyang sweldo kay Lukas para sa lisensya nito imbes na pambili ng toga.palapit na ang araw na kanilang baccalaureate.Pagkauwi ni Victor ay naabutan niyang nasa hagdanan si Lukas at wari Masaya sinabi nito sa kanyang nanay na ilabas ang ibibigay nila kay Victor ang kanilang handog at ito ay isang bagong toga,nagalak si Victor at sinukat ni Victor ang pamilya at maluhaluha noong gabi na iyon.naisipan niyang bigyan ng regalo si Alma sa kanilang baccalaureate.matutuloy na ang ang pagdalo ni Victor.Sa araw ng baccalaureate nagulat si Alma sa pagdalo ni Victor.nagpasalamat si Alma sa regalo at nanagkong kinabukasan na niya dadalhin ang kanyang handog. Ito ay ang kanilang graduation. GRADUATION DAY. Lahat ay abala at naghahanda si Lukas ay naging Masaya din hinanda niya nag kanyang sorpresa kay Victor at ito ay si Flor na kanyang nakita noong araw na iyon.Si Victor naman ay maagang umion. alis upang sabihan ang kanyang boss sa palimbangan na hindi siya makakapasok kaagad naman itong pumayag. Sinabi ni Victor sa kaliwang bahagi na lamang ng stage magkita at sumipol sila upang malaman ni Victor kung nasan sila pupunta sila Paeng Gasti.Pilo at Tatong Bamban,Lukas at siyempre si Aling Sion. Ibinilin din ni Victor na palakpakan din nila si Alma Fueretes.Noong araw din na iyon ay dumating ang Ilan sa kanilang mga kapitbahy sa Tundo at pinakilala din ni Victor kay Alma ang kanyang pamilya at kaibigan.Ganun din naman si Alma ngunit ang pamilya ni Alma ay nagparamdam ng lamig kala Victor at sila Victor ay nagpaalam na din at pinagpasyahang kumain sa isang restaurant,ang sumagot ay si Flor na andon din.nalungkot naman si Alma at inilagay sa kanyang talaarawan na nalulungkot siya sa mabilis na pagalis ni Victor. Pagkatapos ng graduation ay nagkaroon na si Alma ng trabaho sa ilang araw. Ngunit itong si Victor ay napagpasiyahang magtayo o maglunsad ng pagtuturo sa matatanda sa Tundo.madami ang nagtaas ng kilay ukol ditto ngunit ipinagpatuloy niya ito sa kabila ng kakaunting sumasangayon.Samantala,pinakilala naman nila Paeng Gasti, Lukas kay Victor sa

konsehal na si Paking na maaring maglakad sa appointment ni Victor upang makapagturo.noong una ay nagmatigas si Victor ngunit pumayag din dahil sa kanyang ina na pumayag na tanggapin niya ito. Sa pagkakaibigan na iyon ni Lukas kay Paking ay napaginitan siya ng mga kaaway sa Politika ni Paking na si Reyes.nasaksak si Lukas at nadala sa ospital sa pagdaan ng araw ay gumaling si Lukas at pinagpatuloy ang pagkampanya kay Paking.Samantala natagpuan na ni Alma si Dolores na katulong pala ni Flor sa Tulong na din ni Victor.napgalaman ni Alma na ang anak ni Dolorse ay buhay at nagngangalang Boy.nagalok si Alma na sustentohan ang bata ngunit ito ay tumanggi ngunit ang kanyang pakiramdam ay gumaan na.Sa kabilang banda naman ay unti-unti na nagkakalapit sina Victor at Alma.at di lumaon ay naging magkasintahan at patuloy pa din ang pagbabangayan.Samantala si Flor naman ay nanganak at pinangalanan an Anton Boy Flores na dinala ang apelyido ni Tonyo.naging Masaya si Tonyo at naging lubos ang kanyang kasiyahan n gang kanyang tunay na asawa ay tinanggap ang kamaliaan ni Tonyo ang kanyang asawa na si Chabeng ay tinagap si For.napagpasiyahan ni Flor na putulin na nag ugnayan nila ni Tonyo.at naging masiya silang lahat. Sa patuloy na magnadang pagtitinginan ni Victor at Alma ay pumunta ng Sabado si Victor kala Alma upang harapin ang ama ni Flor.noong nakita ni Mister Fuertes ang mga ngiti ni Alma habang kasaman si Victor ay maayos niyang tinggap si Vicor.Samantalang biglang sinabi ni Alma na sila ay magpapakasal.at kinasal nga sila sa kabila ng karangyaan ni Alma pinili niya maging simple ang lahat pati ang kanilang titirhan na binayaran ni Lukas ng isang taong upa.naging Masaya lalo si Alma ng sa oras ng kanilang kasal ay binulong ng kanyang ama na susustentuhan niya si Dlres at ang bata.ang kasal na iyon ay naging payak at sa huli ay masayang nagyakap at ibinigay sa isa’t isa ang panganay na halik at binaggit ni Alma na…..

“Ang langit ko’y ikaw; Ikaw ang langit ng aking bagong daigdig , daigdig na nasa Tundo, nasa iyo,”

---katapusan---

IV. Pasusuri sa mga Tauhan 4.1 Tauhan Victor del Mundo- Isa sa pinaka panggunahing tauhan ng nobela. Labis niyang pinahahalagahan ang kanyang prinsipyo tungkol sa pagbibigay pagmamahal sa sariling pinanggalingan o ang kanyang lipunang kinabibilangan.Simple lamang siyang tao siya ay taga Tundo at nakatapos ng pag-aaral sa kursong Education. Siya ang dating kasintahan ni Flor na napang-asawa naman ni Alma Fuertes

Alma Fuertes- Ang anak mayaman na napang-asawa ni Victor del Mundo na kaibigang matalik din ni Victor Noong di pa sila kinakasal.Kagaya ni Victor ay may prinsipyo din siya na hindi kailangan tapak tapakan ang mahihirap. Mahal din niya ang Tundo sapagkat malalim ang kahulugan nito sa kanyang buhay. May suliranin siya sa kanyang ama at napagtagumpayan niya ito sa tulong ng kanyang naging asawa.nakapagtapos din siya sa kolehiyo sa kursong Education at ganap na isang guro sa mataas na paaralan ng Torres. Sa kabila ng kayamanan na kanyang tinatamasa sa huli pinili niya manatili maging simple.

Flor – Ang taga Tundo din na dating kasintahan ni Victor. Ngunit itinakwil niya ang Tundo at nakapag-asawa’t anak.nagkahiwalay sila ni Victor. Kagaya ng ibang tauhan nasawi din siya ang kanyang asawa ay may tunay pa lang asawa. Sa huli naging Masaya din siya naging kaibigan niya si Victor, nakapag-tayo ng isang patahian sa tulong ng dati niyang asawa at namuhay ng marangal kasama ang kanyang anak na si Boy Anton Flores.

Lukas del Mundo- Ang nakatatandang kapatid ni Victor na kahit lasinggero at siga ay mapagmahal na anak at kapatid. Siya ay madaming kaibigan. Likas man siyang taga Tundo ay likas din ang kanyang kabutihang ugali. Hindi man siya nakapagtapos hindi siya sakit sa ulo ng kanyang ina sapagkat kay Lukas importante ang kaligayahan ng kanyang kapatid at ina.

Aling Sion- Ang tahimik na mapagmahal na ina ni Lukas at Victor. Siya ay biyuda na ang kanyang trabaho ay pananahi ng mga basahan. Madalang man siya magsalita ramdam na ramdam naman ng kanyang mga anak ang kanyang pagmamahal.

Mister Fuertes- Ang ama ni Alma na may lihim sa kanyang pamilya sa pagkakaroon ng anak at pagbabayad sa kanilang kasambahay.Mahilig siya maglaro ng Poker. At kahit na hindi din niya

gusto ang mahihirap natanggap niya si Victor para kay Alma noong nabatid niya na si Victor lamang ang nagpapangiti dito. Misis Fuertes- Ina ni Alma na laging punung-puno ng hairclips sa kanyang buhok. Mahilig siya sa mga pagsasalo salo at kasiyahan higit niyang pinahahalagahan ang ibang tao o mga sasabihin ng mga ito.

Tonyo- Ang napang-asawa ni Flor at ama ni Anton Flores na anak ni Flor.Siya ay may kaya din sa buhay. Ngunit kagaya ng iba may lihim din siya at ipinagtapat din na hindi siya binata. Kaya’t hindi sila nagtaggal ni Flor. Mahal niya si Flor ngunit iniisip din ang kapakanan ng kanyang unang asawa.

Monching –Isa sa kaibigan nila Victor at Alma na may pagtinggin kay Alma. Isa din siyang anak mayaman. Minnie- Pinsan ni Alma na nagsilbing kaibigan ni Alma at naging sabihan ng mga suliranin o problema. Tatong Bamban,Paeng Gasti,Pilo- Ang mga matatalik na kaibigan ni Lukas. Sila ang naging kaagapay nila Victor at Lukas sila ay parang kapamilya na nila Victor.Matulungin sila at mapagmahal sa kaibigan. Dolores- Ang kasambahay na kaugnay sa lihim ni Mister Fuertes. Nagkaanak siya at nagtago. Siya ay naugnay din sa buhay ni Flor sapagkat si Flor ang nagmagandang loob sakanya at namasukan siya dito. Chabeng- Ang tunay na asawa ni Tonyo. Malawak ang kanyang pagiintindi sa kanyang asawa. Tinaggap niya si Flor sa kabila ng lahat. Sa huli si flor ang nagparaya at sakanya din napunta si Tonyo. Pocholo- Ang kapatid na lalaki ni Alma Fuertes

Pasing- Isa siyang waitress sa isang inuman.Gusto siya ni Lukas Paking- (konsehal)Ang Politiko na kaibigan nila Lukas.Humihingi ng tulong sa mga kaibigan ni Lukas at Victor upang ilakad sa loob ng Tundo. Hindi din malinaw ang kanyang intension.Sinisimbolo niya ang mga ang ilan sa mga politiko sa kasalukuyan.

4.2 Simula Sa umpisa ng nobela isa-isa pinakilala ang mga tauhang bubuo sa kwento.Inihanda muna ng may akda ang kapaligiran ng mambabasa.Sa bawat tagpo sa nobela talagang matatagpuan mo ang sarili mo sa katayuan ng tauhan. Inumpisahan ng awtor ang tagpo sa opisina ni Victor del Mundo. Kung saan may tumawag sakanya at napagtanto niya na ito ay si Flor ang dati niyang kasintahan sa Tundo ang kanilang mundo.Nakipagkita ito sakanya sa dati nilang tagpuan sa Quiapo at doon napagtapat ni Flor ang kanyang suliranin.muling bumalik ang lahat ng pakiramdam ngunit ito ay may hadlang na.Samanatalang nabanggit din ng may akda ang naging kaibigan ni Victor na si Alma na magkakaroon ng pagmamahal kay Victor sa pagdaan ng panahon.pinakilala din ang ina ni Victor na malaki din ang magiging papel sa buhay ni Victor at Lukas na kapatid ni Victor dahil kay Aling Sion doon huhugutin ni Victor at Lukas ang kanilang magiging bukas.Iikot ang istorya sa pagiibigan ni Alma at Victor gayundin ang kay Flor at ang suliranin niya sa kanyang dating asawa si Tonyo. Sinalaysay din ang mga tagumpay at suliranin ni Victor.Ang lahat ay nagsimula sa mga nasaad.

4.3 Suliranin “Paninindigan ko.Iyan ang paniniwalaan ko iyan ang pag-asa ko na ang Tundo man may langit din”—Victor. Marahil sa Paulit ulit na kataga ni Victor del Mundo ay malalaman mo talaga ang kanyang suliranin ito ay ang ipamulat sa nakararami na ang Tundo ay ang lugar na may langit.Sinasalamin nito ang pag-asa sa bawat isa na ang lipunan na ating ginagalawan ay may pag-asa pa mabuhay at tumayo sa pagkakalugmok. May kinalaman ito sa suliranin ng buong kuwento ng nobela.Sapagkat ang kuwento ay umiikot sa pagpapakita ng pagsasalamin sa buhay hanggang sa kasalukuyan ang lahat ng mamamayan ngayon ay tunay na naghahanap ng langit tulad na lamang sa kuwento ang mayayaman o ang mga nakaka angat sa buhay ay pilit na ibinababa ang tingin sa Tundo ngunit makikita din na mas Masaya ang buhay ng mga taga Tundo kaysa yaong mga nakakaangat.Ang mga taga Tundo ay namumuhay ng walang nakalagay sa kanilang leeg o yaong pagaalaga sa isang pangalan sinasabi o ginagawa nila ang kanilang naisin hindi katulad ng mga mayayaman mas prayoridad nila ang pag-aalaga sa kanilang panagalan kaya kahit nasasaktan na sila o may gusting ipahayag hindi nila ito gagawin bagkus ay itatago at magpapakita na walang nagyari. Katulad na lamang sa isang tagpo sa nobela ang pagbabayad ni Mister Fuertes kay Dolores upang manahimik at hindi masira ang kanyang pangalan. Sa nobela nabangggit din ang ibang ibang suliranin ng mga tauhan gaya na lamang ang suliranin ni Flor ang kanyang pangungulila kay Victor, Ang panloloko ng kanyang naging asawa na si Tonyo at ang pag-iisip na ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan. Nabanggit din ang mga pulitikal na problema sa lipunan na kanilang kinabibilanagan wari ko nga ay hindi nalunasan ang problemang ito nandito ding sinaad ang kahirapan ng mga taga Tundo ngunit

hindi ganun kalala.hindi din mawawala ang suliranin ni Alma sa paghahanap sa kapatid sa ama at ang kanyang pagtatapat ng pagibig sa kaibigan na sa Victor.Kung susuriin nga ng husto sa ibat ibang aspeto ng buhay nagbigay ng iba’t ibang suliranin ang awtor para mas husto pa natin maintindihan ang kanyang ibig ipakahulugan sa kanyang nobela.

4.4 Kasukdulan “Victor si Lukas napapalaban,nasapanaganib”- Pasing. Ito ang naging sigaw ni Pasing ng Si Lukas ay napapalaban at tuluyang nasaktan ng hinarap siya ng mga kaalyado o mga bata ni Reyes ang kalaban sa politika ni Paking ang konsehal na nilalakad ni Lukas.para sakin ito ang pinaka sukdulan ng kuwento dahil ito ang naging kinalabasan ng pagtulong ni Lukas kay Paking na kaya lamang niya nagawa a dahil gusto niya na ilakad ni Paking ang appointment ni Victor upang makapagturo na ito sa Torres High School. Naramdaman ko talaga ang pagmamahal ni Lukas sa kanyang kapatid kahit na siya ay tipikal na isang uri ng tambay na siga at laging umiinom naipapakita talaga niya ang kabutihang loob at gayun na din ang pagpapahalaga sa pamilya. Ang pagtatapat ni Alma at Victor sa isat-isa sa pamamagitan ng pagpisil at paghahawakan ng kamay ay nagdulot saakin ng masidhing damdamin at kagalakan na sa wakas naamin na din nila sa isa’t isa ang pagmamahal na kanilang tinago.Ito parte ng nobela na ito na nagpasidhi ng kasukdulan Ang pagtatagpo ni Dolores at Alma ay sa wakas natapos na ni Alma ang kanyang suliraning matagal nang tinatago.Sa pagkakataong yaon ay nalaman na din ni Alma na ang kanyang kapatid sa Ama na si boy ay buhay sa gayon hindi na babagabag pa sakanyang panaginip sa kanyang konsensya sa huli ay napagtapat din niya ito sa kanyang ama na si Mister Fuertes. 4.5 Wakas Kasabihan nga ng nakararami ay sa hinahaba haba nga naman ng prosisyon ay sa simbahan din ang tuloy. Sa huli sa halos araw-araw nga naman na banggayan ni Alma at Victor sila din ang nagkatuluyan sa huli.Sa dulo ay nahanap na din sa wakas ni Alma at Victor ang kani-kanilang langit at yaon ay nakita nila sa isa’t isa. Ang kasal na naganap ay naging daan upang magkatagpo ang mundo ng mga taga Tundo at yaong may kaya sa buhay,naging daan ang kasal upang maayos ang lahat ng gusot na nangyari sa nakaraan,naging Masaya ang lahat sa katapusan ng nobela sapagkat mas naintindihan ng nakararami ang katagang “Ang Tundo Man May Langit Din” Sa wakas ng Ang Tundo Man May Langit Din ay masasabing happy ending sapagkat sa halos puro suliranin ng mga tauhan ay napagtagumpayan nilang lahat ito magsimula na lamang

tayo kay Flor na natagpuan na ibig ipakahulugan sakanya ni Victor. Inayos niya ang kaniyang buhay maayos niya nailuwal ang kanyang unang anak at nagpasyang huwag na makipagugnayan kay Tonyo ngunit sa maayos na paraan. Ang kay Dolores naman ay nakuha niya ang karapatang dapat matagal na niyang nakuha sinuportahan na ni Mister Fuertes ang kanyang anak dito. Si Lukas naman ay kumita ng malaki at binayaran na unanag taon sa titirhan ni Alma at Victor muli pinakita nanaman niya ang pagmamahal sa kapatid. Muli nasilayan na ni Victor ang kanyang ngumiti dahil alam ni Aling Sion na tama ang daang tinahak ng kanyang anak. Kaya naman katulad ko sa pahina ng nobela nakangiti kong isinara ang libro at ibinulong hahanapin ko din ang langit ko.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->