P. 1
Suring Pelikula (Rizal Sa Dapitan)

Suring Pelikula (Rizal Sa Dapitan)

|Views: 40,605|Likes:
Published by yourapple

More info:

Published by: yourapple on Feb 25, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/31/2015

pdf

text

original

Rizal sa Dapitan (Pagsusuring Pampelikula

)
I. Pamagat Rizal sa Dapitan ni Amable Aguiluz II. Mga Tauhan

Albert Martinez bilang Jose Rizal - ang pangunahing tauhan na nakulong sa Dapitan dahil sa paglaban sa relihiyon at gobyernong Kastila Amanda Page bilang Josephine Bracken - ang napangasawa ni Rizal Roy Alvarez bilang Capt. Carnicero - ang naatasang magbantay kay Rizal habang siya’y nasa Dapitan Cris Michelena bilang Father Obach - paring kaibigan ni Rizal na nabigo sa pagpapabalik loob kay Rizal Candy Pangilinan bilang Maria - kapatid ni Rizal na nagpaalam ng pagtataksil ni Bracken Tess Dumpit bilang Narcisa - isa pang babaeng kapatid ni Rizal Rustica Carpio bilang Doña Teodora Alonzo - ina ni Rizal III. Buod Ang pelikulang “Rizal Sa Dapitan” ay tungkol sa buhay ni Jose Rizal (Albert Martinez) habang siya ay nasa loob ng Dapitan. Matandaang siya ay nakulong dahil sa paglaban niya sa mga prayle at gobyernong Kastila na naging dahilan ng kanyang pagkakatapon sa Dapitan. Sa mga unang araw ng pamamalagi niya roon, pinilit siyang magbalik–loob sa Diyos ng isang paring kaibigan niya na si Fr. Obach (Chris Michelena). Ngunit naging matibay ang kanyang paninindigan na naging dahilan ng paglisan ng kura. Ginawang makabuluhan ni Rizal ang kanyang pamamalagi sa loob ng piitan kung saan hindi lamang siya naging isang ordinaryong bilanggo dahil siya rin ay naging isang manggagamot, maestro, at tagapamahala isang kanyang bukirin. Dumating rin ang kanyang ina na si Doña Teodora Alonzo (Rustica Carpio) at mga kapatid na sina Maria (Candy Pangilinan) at Narcisa (Tess Dumpit). Nakilala niya si Josephine Bracken (Amanda Page), ang kanyang mapapangasawa, noong nagsadya ang ama nito kay Rizal upang magpagamot. Nagpaalam si Bracken nang nabigong gamutin ni Rizal ang ama nito ngunit siya ay nangakong magbabalik. Tinupad ni Bracken ang kanyang pangako. Nang tumanggi ang simbahan sa kanilang pagpapakasal, nagpakasal pa rin sila kahit walang presensiya ng pari. Naging maayos ang kanilang relasyon hanggang sa nalaman ni Rizal ang pagtataksil ni Bracken na naging dahilan ng kanilang away. Ito nagresulta sa pagkakalaglag ni Franciso, ang kanila sanang anak, sa sinapupunan ni Bracken. Nagwakas ang pelikula sa pamamaalam ni Rizal sa mga tao dahil sa pagpunta niya ng Cuba kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

IV. Pagsusuring Pampelikula 1. ISKRIP Maganda ang tekstong nakapaloob sa iskrip ng pelikula. Ang mga matatalinhaga at magagandang salita ni Rizal na kakikitaan ng talino ay nakapagbigay kulay sa pelikula. Isama mo pa ang mga mapanlinlang na pahayag ng mga prayle na pawang katotohanan.
Bagaman malaking porsiyento ng iskrip ay nasa Wikang Filipino, mayroon din naming mga piling linya na nakasulat sa Kastila. Maganda sana ang epekto nito dahil nakadagdag ito sa kagandahan ng pelikula ngunit ito rin ay nagbigay ng kalabuan dahil wala itong “subtitle”. Isa pang pagkakamali sa iskrip ay ang salitang “mga relihiyon” na tumutukoy lamang sa isang relihiyon, ang Katolisismo, at dapat na nasulat lamang sa salitang “relihiyon”

2. SINEMATOGRAPIYA Hindi masyadong naging epektibo ang sinematograpiya sa pelikula. Madalas na nakapokus ang kamera sa iisang tao lamang. Napakabilis rin ng pagpapalit ng eksena, wala pang dalawang minuto ay nagpapalit kaagad. Ngunit mayroon din naming mga piling eksena na kakikitaan ng ganda. Isa na rito ay ang transisyon ng eksena noong nanghuhuli si Rizal ng paru – paro nang biglang ilagay ang pokus ng kamera sa mukha ni Bracken. 3. DIREKSYON Naging maayos ang direksyon ng pelikula. Ang istilong ginamit ng direktor, bagamat simple, ay bago at napapanahon. Nagbigay ningning sa pelikula ang pagpapalabas muna ng katapusan bago ang simula ng istorya. Ngunit naging magulo ang umpisa ng pelikula. Ang parteng ililipat si Rizal sa Dapitan ay hindi masyadong naipahatid ng buong kahusayan dahil sa mabilis na pagpapalit ng pokus. 4. PAGGANAP NG ARTISTA Maganda at pinong-pino ang pag-arte ng mga artista sa palabas. Natural ang bawat kilos nila na para bang totoong pangyayari ang iyong napapanood. Maayos na inihatid ang mensahe dahil sa kagalingan ng mga nagsiganap. Napakahusay ng eksena kung saan sinusuyo ni Rizal si Bracken dahil ito ay makatotohanan at binigyan ng magandang na pagkilos. Gusto ko rin ang parte ng pag-aaway ng mga tauhan. Mayroon nga lang ibang mga parte na medyo sumablay. Isa na rito ang ay paraan ng pangangabayo ni Rizal. Halatang hindi siya marunong mangabayo dahil iisang kamay lang ang kanyang inihahawak at parang nag-aalinlanagn siya kung mahuhulog siya. Hindi rin nagging maganda ang epekto ng pagsasalita ni Maria dahil ito’y napakabilis kaya mahirap intindihin. 5. PRODUKSYON Mapapahanga ang sino mang makakapanood ng pelikula sa poduksyon nito. Angkop ang mga kasuotan, lugar, at gamit at iba pa sa ipinapalabas na mensahe. Lahat ng kasuotan at kagamitan ay pawing antigo na nakatulong ng malaki sa pagsasalarawan ng tunay na pangyayari ng panahong naganap iyon. Ang lugar ay maganda at pinili talaga. Maganda rin ang bangkang ginamit sa pag-alis ni Rizal.

May mga maliliit nga lang na bagay ang naging kapos. Tulad na lamang noong unang eksena. Kahit na gabi ang eksena, masyadong madilim kaya halos wala nang makita na nakapagpasayang sa kostyum ng mga tauhan.

6. MUSIKA

Nakatulong din ang musika sa pagpapaganda ng pelikula. Ang mga ito ay nakakaantig at pumasok sa mga eksenang kanilang tunay na kinababagayan. Nagbigay buhay ang musika sa unang bahagi ng pelikula ito. Walang masasabing mali rito. 7. MENSAHE Ang mensaheng nakapaloob sa pelikula ay ubod ng ganda lalo na at ito’y naihatid ng maayos sa pamamagitan ng iba pang elemento ng pelikula. Bawat eksena ay kapupulutan ng aral. Malinaw na ipinapahiwatig ng pelikula na dapat mong ipaglaban kung ano ang sa tingin mo ay tama. Huwag kang magkukulang ng pagtitiwala sa sarili mong kakayahan at sa Diyos. Tanggalin ang takot at harapin ang anumang hahadlang sa’yo ng buong tapang. Gawin mong lahat para sa bayan mong tinubuan.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->