You are on page 1of 7

Pagsusuri sa Tulang Bicol KABANATA I Panimula Ang Rehiyon ng Bicol (Bicol Region) ay matatagpuan sa timog-silangang bahagi ng pulo ng Luzon.

Ito ay may laki na 18,114 kilometro kwadrado (18,114 km2 ) at may populasyon na higit sa 5.1 milyon.Binubuo ito ng anim na lalawigan-Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, and Sorsogon. Kilala ang rehiyon sa mga industriya ng pagsasaka at pangingisda.Laganap ang industriya ng palay at abaca sa rehiyon,at mayaman din ang lugar sa ibat ibang mineral tulad ng ginto at pilak.Maraming maliit na industriya ang matatagpuan sa lugar tulad ng paghihibla ng damit at ang paggawa ng mga produkto mula sa pili. Mayaman ang Bicol sa kultura.Simula noong unang panahon,maraming mga tulang Bicolano ang nailathala na nagmula pa bago dumating si Kristo. Ang kanilang mga tula ay may personal at panglipunang tono,at madalas sumesentro sa personal na buhay ng mga tao sa lugar.Kilala ang mga Bicolano sa pagiging magagaling na makata,at ang kanilang mga tula ay may ibat ibang paksa,mula sa mga relihiyon hanggang sa pag-ibig. KABANATA II Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik ay naglalayong masuri ang mga tulang Bicol at ang kanilang ambag sa panitikang Pilipino. 1.) 2.) 3.) 4.) Ano ang tulang Bicol? Saan ito nagmula at paano ito nagsimula? Ano ang kanilang mga paksa? Sa paanong paraan naiiba ang mga tulang Bicol sa ibang uri ng tula?

Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay magsusuri lamang sa mga halimbawa ng tulang Bicol at hindi sa iba pang uri ng tula o panitikang Pilipino. Kahalagahan *Sa Mga Mag-aaral Mapapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa mga Tulang bIcol sa pamamagitan ng pananaliksik. *Sa Mga Guro Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mas madali at malawak na pagtuturo ng panitikan,lalo na sa mga panitikan mula sa rehiyon ng Bicol.

*Sa Iba Pang Mananaliksik Mapapalawak ang mga kaalamang magagamit ng mga mananalikik ukol sa panitikan at mga tulang Bicol. KABANATA III Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura Noong unang panahon, ang mga katutubo sa Bicol ay sumulat ng mga tula na may kaakit-akit na ritmo. Madalas ang mga paksa ng mga ito ay sumesentro sa mga digmaan,mga bayani,at mga kalamidad. Maaring hatiin ang mga tulang Bicol sa dalawang uri:ang awit at rawitdawit o susuman.Kung susuriin,ang awit ay mas mahirap isulat dahil sa pagiging sentimental nito. Halimabawa ng rawitdawit ang mga sumusunod.
BALIKTAD Nata kun nuarin ika guminurang Saka kaakian an kapalibutan? Sain man kumiling, gari mga Dyosa An nakapalibot na mga daraga. Dangan an makulog sa puso, sa payo Pagka naduotan o nasagidan mo Dai man malikay, dai man maribok Gari nanunuksong sagin man maliod. Namamati daw o naaagimadmad Kun talagang ika dai nang kamandag? Nata kun nuarin nagkakwartang bigla Ribong kamidbid an biglang minabutwa? Dakul na paryentes an naghihirilang Buda kataraning na may kaipuhan. Dawa katabang na boot nang mag-agom Ika an puntiryang gibuhon na ninong. Pati su dati nang nagtutuy-tuy May katikapuhan, biglang minalumy. Napaparong kaya, nasasaridsid daw Kun igwang biyayang kwartang nasasaray? An kayamanan daw madaling mapugrot Katikapuhan an pirming minasampot Su tago-tago mo iyong nalalantad Daing nagmamangno sa gustong ilaladlad. Su dating namutan habo nang maglayas Su gustong bukudon iyo man an layas. Kun nangangaipo ki kusug kan lawas dangan malayumay, habong magbungkaras. Su pinagpadaba iyong nabalisngag. Ano daw an buhay ta pirming baliktad? Kabalintunaan (Salin sa Filipino) Bakit kung kailan ikay tumatanda saka ang paligid lalong bumabata? Saan man bumaling, mukhang bathaluman ang nakapaligid na kababaihan. At ang masakit pa sa ulot sa puso kapag nasagi mo o kayay nahipo ay hindi iiwas, hindi man kikibo; iirap pang tila nanunuksong lalo. Nakikilatis ba o naaaninag na ikaw ay sadyang wala nang kamandag? Bakit kung kailan may tago kang yaman saka nilalamgam ng mga ka-angkan? Laksang kamag-anak ang nagkakasakit at kapitbahay na biglang nagigipit; Kahit ang dating sa iyoy nangungutya maamong aamot ng konting pabuya. Maski katulong na ibig mag-asawa ay ikaw ang ninong na pinupuntirya. Nasasalat kaya o naaamoy ba ang pinaghirapan mot inipong pera? Kay daling masaid ng kasaganaan; kay tagal sumiping ng karalitaan. Ang inililihim ay syang nalalantad Walang pumapansin sa inilaladlad. Ang dating minahal ay ayaw lumisan

ang gustong mahalin ay kay ilap naman. Ang ugat ng lakas kapag kailangan, Saka naluluoy nang walang dahilan.

Ang pinagyayamay laging nawawala. Bakit ba ang buhay laging balintuna?

Ang akda ay maaring suriin sa teoryang Imahismo.Sa teorynag ito, gumamit ang may-akda ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
Sa Pamapang Salog Ang bulos kaining Salog-Kabilogan Namamati ko sa sakong rapandapan; Bulos nin biyaya, bulos kamunduan; Buhay, kagadanan kan samong kinaban. Maghaling Talongog salog na hararom Mabulos sa Bsak pasiring Alomon; Mababang Kinale, dagos sa Karisak, Maiba sa Agus, sa Bato an bagsak. Minaikl-ikl sa mga kadlagan, Sa mga patubig kan mga kabasan Sa Gumabaw, Sabang, Tpas abot Mangga, Pagtaas kan tubig sagkod Marayag pa. Igwang nagbubulos pababa sa Pantaw, Igwang pasiring sa dagat kan Basikaw. Nadadangog ko sa Salog-Kabilogan Istorya kan mga dagang binulusan. Sa binurakbusak igwang mga tigsik, Igwang rawitdawit sa bulos kan tubig. Nadadangog ko su mga inagrangay Kan daing palad na tikapo sa buhay; Su kaugmahan man kan biniyayaan, Pati paglaum kan mga natugaan. Sa Pampang ng Ilog (Salin sa Filipino) Tuloy ang agos ng Ilog-Kabilogan; Ramdam ang lamig sa aking talampakan. Agos ng biyaya, agos ng pighati Kamatayat buhay nitong aming lahi. Magmulang Talongog aagos ang ilog Patungo sa Bsak hanggang sa Alomon; Bababang Kinale, tuloy sa Karisak, Sasanib sa Agus, sa Bato ang bagsak. Umiikot-ikot sa mga palayan, Gubat at gulayan at mga tubigan Sa Gumabaw, Sabang, sa Mangga at Tpas. At pagka-umapaw ay hanggang Marayag. Nagsasangang-landas patungo sa Pantaw, At minsay pababa sa dagat-Basikaw. Dinig sa agos ng Ilog-Kabilogan Ang kwento ng mga dinaanang bayan May awit at tula na mauulinig Sa mga tabsik at lagaslas ng tubig. Naririnig ko ang daing at hinakdal Ng mahihirap at mga kapos palad; Dinig ang dalagin ng nananambitan At ang halakhak ng nabibiyayaan

Maaring suriin ang akda sa teoryang Romantisismo.Sa akda maaring masuri na sa paglalarawan ng may-akda sa ilog at tanda ng kanyang pagmamahal sa kalikasan at ang kanyang nais na maipaaalam ang kanyang paghanga dito. Isang parte ng mga pagdiriwang at okasyon ang mga tula sa Bicol.Ang mga tula tulad ng tigsik, kangsin, at abatayo,mga tulang may apat na linya,ay madalas maririnig sa mga fiesta o maliit na salu-salo. Maaring mga paksa ng mga tula na ito ang pag-ibig,relihiyon,pagsasaka o kahit romansa,at matitigil lamang ang panunula(tigsikan)kapag nawalan ng maisip na tula ang mga kasali.

Isang halimbawa ng Tigsik ang mga sumusunod:

Tigsik ko itong langaw Matayog ang tanaw Kaya pala matayog Nakapatong sa kalabaw

Tigsik ko itong bulaklak Kay tamis, kay sariwa Kaya pala sariwa Plastic

Ang modernong tulang Bicol ay maaring may personal o panglipunang tono.Madalas ang mga ito ay may simple ngunit di-pangkaraniwang paningin sa mga pangyayari sa daigidig.Madalas sumusunod ang mga tulang Bicol sa teorya ng Imahismo-simple ngunit malinaw ang kahulugan. Isang halimbawa ang sumusunod:
Panambitan Myrna Prado Bakit kaya dito sa mundong ibabaw Marami sa taoy sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus-kapalaran Wala kang pag-asang makyat sa lipunan. Mga mahihirap lalong nasasadlak, Mga mayayaman lalong umuunlad, May kapangyarihan, hindi sumusulyap Mga utang-na-loob mula sa mahirap. Kung may mga taong sadyang nadarapa Sa halip tulungan, tinutulak pa nga, Buong lakas silang dinudusta-dusta Upang itong hapdiy lalong managana. Nasaan Diyos ko, ang sinasabi mo Taoy pantay-pantay sa bala ng mundo? Kaming mga api ngayoy naririto Dinggin mo, Poon ko, panambitang ito.

Ang tulang ito ay masasabing halimbawa ng tulang imahismo dahil sa pagiging simple ngunit makahulugan.Isinumlat ang tula upang iparating ang pangaaping naranasan ng may-akda. KABANATA III Paraan ng Pananaliksik na Ginamit Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang mga impormasyon tungkol sa pag-aaral. Paraang Ginamit Ang mananaliksik ay gumamit ng mga aklat at website sa internet upang makakalap ng mga impormasyon sa pananaliksik. Instrumento na Ginamit Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang instrumento sa pangangalap ng mga impormasyon. KABANATA IV Presentasyon at Interpretasyon

1.) Ano ang tulang Bicol? Ang mga tulang Bicol ay uri ng tula na nagmula sa rehiyon ng Bicol.Ito ay nauuri sa dalawa-ang awit at rawitdawit. 2.) Saan ito nagmula at paano ito nagsimula? Nagmula ito sa rehiyon ng Bicol at nagsimula sa pagsisimula ng sibilasyon. 3.) Ano ang kanilang mga paksa? Madalas ang kanilang mga paksa ay may personal at panglipunang tono.Maaring talakayin ang kahit anong paksa mula sa pamilya hanggang sa romansa. 4.) Sa paanong paraan naiiba ang mga tulang Bicol sa ibang uri ng tula? Naaiba ang mga tulang Bicol sa sumusunod na paraan: a) May personal itong tono b) Walang hadlang sa kahit anong paksa c) Madalas maririnig sa mga pagtitipon d) Halimabawa ng teoryang Imahismo at Romantisismo KABANATA V Lagom Ang tulang Bicol ay isang mayamang parte ng panitikang Pilipino.Nagsimula na ito bago pa ang sinaunang sibilisasyon at nalinang sa pagdating ng modernong panahon. Ito ay may dalawang uri-ang awit at rawitdawit.Madalas itong pumapaksa sa personal na buhay ng may akda at maaring gamitin ang kahit anong paksa sa paggawa ng tula.Madalas itong pumapaksa sa kapaligiran,paghihirap,pag-ibig at romansa. Isang parte ng buhay sa Bicolandia ang paggawa ng mga tula.Sa mga okasyon at pagtitipon hindi mawawala ang palitan ng mga tula na tinatawag na tigsikan.Maituturing din na halimbawa ng teoryang Imahismo at Romantisismo ang mga tulang Bicol dahil sa pagiging simple,makahulugan at pagkakaroon ng pagibig sa mga bagay-bagay. Kongklusyon Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng mga sumusunod na kongklusyon: a) Ang tulang Bicol ay nagsiumla noong sinaunang panahon nat laganap sa rehiyon ng Bicolandia. b) Ang mga tulang Bicol ay may personal na tono at madalas pumapaksa sa personal nakaranasan ng may-akda. c) Ang mga tulang Bicol ay maituturing na mga halimbawa ng teorynag Imahismo at Romantisismo dahil sa pagiging makahulugan at romantiko.

Rekomedasyon Ang pananaliksik na ito ay nagrerekomenda ng mga sumusunod: a) Magkaroon ng mas malalim na pananaliksik sa mga Tulang Bicol at ang impluensya nila sa paglinang ng Panitikan b) Magkaroon ng mas masusuing pag-aaral sa mga tulang Bicol at gawin itong parte ng pag-aaral ng asignaturang Filipino. Talasalitaan o Tigsik-tagay sa Filipino.Isang tulang Bicol na may apat na linya.Madalas itong marinig sa mga okasyon o salu-salo. o Tigsikan-palitan ng mga tula sa mga okasyon. o Rawit-dawit-uri ng tulang Bicol na personal ang tono at maaring kahi ano ang paksa o Teoryang Imahismo-teoryang gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. o Teoryang Romantisismo-teoryang naglalayon na ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan Bibliograpi Imahismo sa tulang Panambitan <http://plumatek.multiply.com/journal/item/30/ Imahismo_sa_tulang_Panambitan> RawitDawit<http://panitikan.com.ph/regional.htm> Frederick Maurice Lim-Blogspot <ttp://rawitdawit-bicol.blogspot.com/> Diana Lyn Lopez <http://litera1no4.tripod.com/bicolano_frame.html> Historical Background of Philippine Literature <http://www.scribd.com/doc/27042372/ETHNIC-TRADITION-AND-SPANISHCOLONIAL-TRADITION> Philippine Ethics and Poetry <http://www.scribd.com/doc/21640904/Centuries-Prior-to-the-Occupation-bySpain-Filipinos-Already-Had

Teoryang Pampanitikan < http://filipino3zchs.multiply.com/journal/item/24>

You might also like