You are on page 1of 14

Carlos Polistico Doi Garcia (1896-1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957

hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa
Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina
Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute,
sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law
School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926
bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of
Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang
probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado
mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya
sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang
tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng
minoriya sa Senado.
Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket Nasyonalista
na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa
isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang
mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng
Suliraning Panlabas.
Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang
aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.
Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng
Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base
Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang
pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA
samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa
Halalan noong 1961.
Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa
kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na
75.
Si Sergio Osmeña y Suico (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon
bilang Sergio Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (Agosto 1, 1944 –
Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio
Osmeña III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.
Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga
nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos
sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si
Manuel L. Quezon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala siya
ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong
1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan
ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay
pinahintulutan ng Korte Suprema na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa lamang
ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.
Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at
pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng
lalawigan.
Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina
noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang
ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador
siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-
1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala
sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang
pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon sa
Estados Unidos. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong Agosto 1, 1944 at si
Osmeña ang humalili sa kanya. sina dating pangulong Osmena at ang kasama ng mga
pandigmang kabinete na huling ipagpatuloy ng ating pagapapalaya ng Hukbong Sandatahang
Lakas ng Pilipinas, Estados Unidos at ang puwersang Kakampi kasabay ng mga gerilyang
Pilipino at Hukbalahap na mula sa Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas na ituloy ng
pakikipaglaban sa Hapon, Kasama siya ng mga Pilipinong Heneral ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas na si Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo pati ang mga puwersang
Amerikanong lumunsad sa Leyte noong Oktubre 20, 1944. Sinabi ni pangulong Osmena at ang
iba pang opisyal at mga kabinete nagsimula ng Kampanya ng Pagpapalaya sa Pilipinas noong
1944 hanggang 1945 sa pagitan ng mga sundalong Pilipino, Amerikano at ang mga pwersang
gerilya na silang kalabanin ng mga Hapones.Template:Fact Nagsilbi siya bilang pangulo ng
bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay
ng kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel
Roxas.
Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena
ay namatay noong Oktubre 19, 1961.
Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890—Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang
ikaanim na pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30,
1953.
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at
Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the
Philippines) noong 1915.
Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong
1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni
Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong
Abril 17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang
komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo,
muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa
atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.
Siya ang unang Ilokanong pangulo.

Mga Sanggunian

1. ↑ Hindi nagtalaga ang Kongreso ng Pangalawang Pangulo pagkaraang maging


Pangulo ni Osmeña matapos ang panunungkulan ni Quezon bilang Pangulo, ayon sa
Konstitusyon ng 1935.
2. ↑ Hindi nagtalaga ang Kongreso ng Pangalawang Pangulo pagkaraang maging
Pangulo ni Quirino matapos ang panunungkulan ni Roxas bilang Pangulo, ayon sa
Konstitusyon ng 1935
3. ↑ Noong Setyembre 16, 1946, naglabas si Pangulong Manuel Roxas ng Kautusang
Tagapagpaganap Bilang 18 (Executive Order No. 18), na nagbibigay ng organisasyon at
operasyon ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas at Palingkurang Panlabas.
Pangunahing mga tungkulin ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas noon ang tumulong
sa rehabilitasyon pagkaraan ng digmaan, lumikha ng mga patakaran para sa promosyon
ng negosyo, at muling maitatag ang ugnayang diplomatika sa karatig na mga bansa.
Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay[1] (Agosto 31, 1907 –
Marso 17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30,
1953 hanggang sa kanyang kamatayan.
Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at
Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak
ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng
pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang
kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang
panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong
eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.Template:Fact
Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang
pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis
Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si
Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan.
Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa
Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.
Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril 21, 1997) ang ikasiyam na
pangulo ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965). Ama siya ni Gloria Macapagal-
Arroyo na naging pangulo rin. Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula
sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao,
Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya
isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng
pagka-Duktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa
pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambodia. Naging unang
asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya
si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal Arroyo, ang kasalukyang presidente ng
Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal Arroyo, at Diosdado
Macapagal Arroyo, Jr. Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at
ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sa
Pamantasan ng Santo Tomas. Nagkamit siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din
siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya. Una siyang nagtrabaho bilang
abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli
noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas
hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa
delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng
Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957
at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang
Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang
taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng
pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi
(retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din
sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng
Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na
iniharap noong Hunyo 22, 1962, at sa pagbubuo ng Maphilindo. Sa eleksiyon ng 1963, maraming
nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E.
Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at
Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido
Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang
iyon. Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971. Namatay siya
dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati
(Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86. Inilibing
siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.
Si Ferdinand Emmanuel E. Marcos ay ang ika-sampung pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Nanilbihan siya bilang pangulo mula 1965 hanggang 1986. Siya ang natatanging pangulo ng
Pilipinas na nagsilbi sa kanyang tanggapan ng mahigit sa dalawampung taon. Dalawang beses
siyang tumakbo at nagwagi bilang pangulo ng bansa bago ang pagdedeklara ng Batas Militar
noong 1972. Muli siyang nagwagi sa eleksyon ng pagkapangulo noong 1981 at sa 1986 Snap
Presidential Elections, ngunit ang malawakang protesta na kilala sa tawag na "1986 People
Power Revolution" ang puwersang humila sa kanya na bumaba sa pwesto noong 1986. Si
Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos ay ipinanganak sa Sarrat, sa lalawigan ng Ilocos Norte sa
hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. Siya ay panganay na anak nina Mariano Marcos, isang
pulitiko, at Josefa Edralin, isang guro. Noong 1935 na halalan, ang katunggali ng kaniyang ama
sa pulitika na si Julio Nalundasan ay pinatay makaraang manalo bilang kinatawan ng Ilocos
Norte. Inaaresto siya noong 1938 kaugnay sa pagkakasangkot sa pagpatay, ngunit matagumpay
niyang naipetisyon sa Korte Suprema ang kaniyang pansamantalang paglaya upang matapos
ang kaniyang pag-aaral. Noong 1939 ay nagtapos siya ng Abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas
at nakapasa sa Bar Exam na may mataas na grado. Bago matapos ang taong iyon, siya ay
napatunayang nagkasala at sinintensiyahang makulong ng hanggang 10 taon. Habang nasa
kulungan ay sumulat siya ng apela, at noong 1940 ay hinawakan niya ang sariling kaso sa harap
ng huwes na si Jose P. Laurel, na siyang nagpawalang sala sa kaniya.
Nagsilbi si Marcos sa Sandatahang Lakas ng Filipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Pinanindigan ni Marcos na siya ang namuno sa mga gerilya laban sa pananakop ng
Hapones sa Pilipinas, paninindigang kaniyang pinanghawakan sa kanyang buong karera sa
pulitika. Pagkatapos ng himagsikan, nakamit ng Pilipinas ang ganap na kalayaan mula sa
Estados Unidos. Mula noong 1946 hanggang 1947, nagsilbi si Marcos bilang katulong sa bagong
pangulo nangg nagsasariling republika na si Manuel Roxas. Humiwalay si Roxas sa Partido
Nasyonal, na noon ay nangungunang partido upang buuin ang Partido Liberal. Tumakbo si
Marcos bilang kandidato ng Partidong Liberal at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte noong
1949. Nakatatlong termino siya bilang mambabatas, samantalang pinakasalan niya si Imelda
Romualdez na dating nagwagi sa timpalak pangkagandahan mula sa Leyte. Nagwagi si Marcos
bilang senador noong 1959. Nagsilbi siyang pangulo ng senado mula noong 1963 hanggang
1965. Lumipat siya ng ibang partido upang makalahok sa pambansang halalan bilang katunggali
ng dating pangulong Diosdado Macapagal, ang ama ng kasalukuyang pangulong si Gloria
Macapagal Arroyo. Ipinakilala niya ang kanyang sarili na may kakayahang pumutol sa katiwalian
at sa hindi maayos na pamumumuno ng pamahalaan. Nakuha niya ang suporta ng pangulo ng
Estados Unidos na si Lyndon B. Johnson at ng kumunidad ng mga dayuhang negosyante.
Madaling napagwagian ni Marcos ang halalan at siya ay pinasinayahan noong 30 Disyembre,
1965. Mula sa simula nang panunungkulan ni Marcos bilang pangulo, tumindi ang
pagkakasangkot ng Estados Unidos sa digmaan sa Vietnam. Naglagay ng dalawang base ng
militar ang Estados Unidos sa Pilipinas. Ang mga ito ay ang Clark Air Base at Subic Bay Naval
Base. Ang digmaan na ito ang nagpasok ng bilyun-bilyong dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas.
Maraming proyekto ang pinondohan ng mga dayuhang nagpapautang, na naging malaking tulong
sa pag-unlad ng ekonomiya. Nakadagdag pa ang paglulunsad ni Imelda Marcos ng serye ng mga
prestihiyosong proyekto sa Maynila, kasama na ang pagtatayo ng mga gusali ng museo at
magagarang otel.
Noong 1969, makaraang mangampanya gamit ang islogan na "Bigas at Daan," muling nanalong
pangulo si Marcos na nakakuha ng 74 porsiyentong boto. Siya ang kauna-unahang pangulo na
nanalo sa ikalawang termino, na pinahihintulutan ng konstitusyon. Maging ang mga nanalong
senador at kinatawan ay nanggaling sa Partido Nasyonal, na kaniya ring partido.
Habang si Marcos ay nasa kaniyang ikalawang termino, humarap siya sa maraming suliranin.
Maraming mga mag-aaral sa unibersidad at mga Pilipino ang tutol sa patuloy na presensiya ng
mga militar ng Estados Unidos at patuloy na pagsuporta sa mga polisiya ng Estados Unidos
laban sa Vietnam. Ang partidong komunista sa Pilipinas ay lalong naging aktibo at naglunsad ng
malawakang kaguluhan sa maralitang taga-nayon at taga-lunsod. Sa katimugang bahagi naman
ng Pilipinas, ang kilusan ng mga Muslim ay dumadagsa na rin. Habang papalapit na ang
pagtatapos ng ikalawang termino ni Marcos ay lumalaki ang posibilidad na hindi mabubuwag ang
kontistusyong hanggang dalawang termino lamang maaring manungkulan ang pangulo ng
Pilipinas at mahaharap siya sa posibilidad na kaniyang lilisanin ang puwesto pagkatapos ng
1973.
Ang Kumbensyong Pangkonstitusyon ay hindi naisakatuparan, dahil umano sa palapit na
kaguluhan. Idineklara ni Marcos ang batas militar noong 1972 at sinuspinde ang konstitusyong
1935, o pagtanggal sa kongreso at pagkuha sa lahat ng kapangyarihan. Sinupil ni Marcos ang
mga pulitikong tumutol sa kaniya. Inaresto ang pulitikong pinuno na si Benigno Aquino Jr..
Winakasan ang kalayaan ng mga mamamahayag. Ang bagong konstitusyon ay pormal na
ipinahayag ni Marcos noong Enero 1973 na nagbigay ng lubos na kapangyarihan sa pangulo at
pagpapaliban ng mga halalan. Si Marcos ay nangasiwa sa bisa ng dekreto at ikinubli ang
kaniyang diktaduryang kapangyarihan sa retotrika ng batas.
Sinabi ni Marcos na ang batas militar ang panimula sa paglikha ng bagong lipunan at kailangang
isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng bansa. Ngunit si Marcos kasama ang kaniyang
asawa at kanilang malalapit na katuwang ay gumanti ng puro katiwalian sa gitna ng paghihirap
ng mga mamamayan Pilipino. Kinurakot nila diumano ang kaban ng yaman ng Pilipinas sa
pamamagitan ng mga malalapit na kaibigan na siyang kumontrol sa mga monopolyo sa
industriya, komunikasyon, at bangko. Nagkamal ng limpak- limpak na salapi ang pamilyang
Marcos at ang iba pang pera ay nakatago sa mga bangko sa ibang bansa. Ang kanilang
marangyang pamumuhay ay malaki ang pagkakaiba sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Ang kakayahan ni Marcos na maging matatag ang nag-udyok sa kaniya na bawiin ang ilan sa
mga malupit na patakaran na sumasakal sa pagtutol at sa kalayaang magpahayag. Noong 1980,
pinayagan ni Marcos si Ninoy Aquino, pinuno ng partidong Liberal, upang lumayo at magtago sa
Estados Unidos. Pinayagan din niya ang Radyo Veritas, isang istasyon ng radyo na pinatatakbo
ng mga Katoliko, upang magsahimpapawid ng mga batikos laban sa kaniyang rehimen.
Ang Herarkiya ng Katoliko, na pinamumunuan ni Jaime L. Sin, Arsobispo ng Maynila ay hindi
natatakot sabihing tutol siya kay Marcos. Sa Pilipinas, kung saan karamihan sa populasyon ay
Katoliko, ang simbahan ang ginagawang patnubay hinggil sa usaping pampulitika.
Noong 1981, opisyal na binawi ni Marcos ang batas militar, ngunit nanatili pa rin ang kanyang
emergency power upang magamit para sa pekeng halalang pampangulo. Kagaya nang
inaasahan, si Marcos ay nanalo ng isa pang termino. Sa kabilang banda ang kaniyang kalusugan
ay nagsimulang humina. Nagkaroon siya ng lupus erythematosus, na siyang naging dahilang
upang hindi na gumana ang kanyang mga bato.
Noong 1983, nagdesisyon si Aquino na bumalik na sa Pilipinas, kahit na alam niyang siya ay
aarestuhin. Si Aquino ay binaril sa likod ng kaniyang ulo, at namatay ilang minuto lamang
makaraang dumating sa Manila International Airport (Ninoy Aquino International Airport ngayon}.
Sinabi ng pamahalaan na ang pagkakapatay kay Aquino ay gawa ng upahang mamamaril, na
napatay ng pulisya sa paliparan. Isang espesyal na komisyon ang nag-imbestiga at nagsabing
resulta nang sabwatan ng militar ang pagkakapatay, ngunit noong 1985 ay pinawalang sala ang
mga opisyal na kinasuhan nang pagpatay. Noong 1990, 16 opisyal ng militar ang nahatulang
nagkasala sa pagkakapatay kay Aquino, ngunit ang utak ng krimen ay hindi na natukoy pa.
Ang pagkamatay ni Aquino ang naging malaking puwersa sa pagbagbsak ni Marcos. Inilarawan
ni Corazon Aquino, biyuda ni Aquino, si Marcos bilang isang brutal na diktador. Upang makuha
muli ang puwesto at magpatuloy ang suporta ng Estados Unidos sa kaniyang rehimen, inihayag
ni Marcos ang pagkakaroon ng biglaang halalan pampangulo na ginanap noong Pebrero 1986,
taon bago matapos ang kaniyang termino. Inaasahan ni Marcos ang pagkapanalo, dahil sa
kaniyang makinarya at sa pagkakahati-hati ng oposisyon. Ngunit bumuo si Kardenal Sin ng
alyansang oposisyon, at hinikayat si Corazon Aquino upang tumakbo sa pagkapangulo at si
Salvador Laurel bilang pangalawang pangulo.
Habang nagaganap ang botohan, maraming Amerikano ang nakasaksi sa mga tumatakbong
iregularidad. Ang dalawang kinatawan mula sa Estados unidos at sa pamahalaan, na
nagbabantay sa resulta ng halalan ay naglabas ng magkaibang resulta. Sinasabi ng parehong
kinatawan na si Corazon Aquino ang nanalo ngunit ayon sa pambansang asemblea, ang
parehong kinatawan ay sinasabing ang kanila ang nanalo. Ngunit kinilala ng pambansang
asemblea si Marcos bilang siyang nanalo. Noon, nagpahayag ang Simbahang Katoliko na ang
naganap na halalan ay isang panloloko lamang at ang tagumpay ni Marcos ay isa lamang
kahungkagan.
Noong 22 Pebrero, 1986, dalawa sa matataas na opisyal ng militar ni Marcos ang nagbitiw ng
suporta sa kaniya. Naglunsad ng rebelyon ang kalihim ng Tagapagtanggol na si Juan Ponce
Enrile at si Fidel V. Ramos, Ikalawang Hepe de Estado Mayor at inagaw ang dalawang kampo ng
militar. Ang rebelyong ito ang naging hamon kay Marcos at sa kaniyang pinsan na si Fabian Ver,
Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na tapatan ito nang matinding puwersa. Sa
tulong ng pananawagan ni Kardenal Jaime L. Sin sa taong bayan, nagdagsaan ang mga tao sa
dalawang kampo ng militar upang harangan ang mga tangke ni Ver. Apat na araw pinalibutan ng
mga tao ang mga kampo na kinalululanan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama. Ito ay upang
mapigil ang paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng militar at ng mga loyalista ni Marcos.
Walang nagawa ang mga tropa ni Marcos sapagkat hindi nila maaaring saktan ang libu-libong
mga tao.
Sa kabila ng mga kaganapan ay iginigiit pa rin ni Marcos na siya ay mapasinayahan na sa simple
at pribadong seremonyas noong 25 Pebrero. Noong sumunod na araw, ang pamilyang Marcos at
ang mga taong malalapit sa kanila ay lumipad patungong Hawaii lulan ng sasakyang
panghimpapawid ng Estados Unidos. Hinirang naman si Corazon Aquino bilang pangulo ng
Pilipinas na siyang nagbunsod sa kanya bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa.
Nanatili si Marcos sa Hawaii hanggang sa siya ay pumanaw noong 1989. Makaraang pumanaw
si Marcos, si Imelda ay pinawalang sala sa kasong panglulustay ng hukuman ng Estados Unidos
at nahatulang nagkasala sa kasong pangungurakot ng hukuman ng Pilipinas noong 1993 ngunit
binaliktad ng korte dahil sa kaniyang apela noong 1998. Maging sa iba pang kaso, siya ay
pinawalang sala rin. Noong 1993, ibinalik ang naimbalsamang bangkay ni Marcos sa bansa at
inilagak sa isang glass case crypt. Ito ay makikita sa kanyang museleo sa kanyang sinilangang
bayan.
Gayunpaman, noong 2003, ginawaran ang pamahalaan ng 624 milyong dolyares mula sa mga
perang nakalagak sa mga bangko sa Switzerland, na pag-aari ni Ferdinand Marcos. Ang perang
ito ay gagamitin upang pambili ng lupa ng mga mahihirap na magsasaka. Kaagad namang
umapila ang mga Marcos sa paratang.
Si María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-
isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo
ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya noong Enero 25, 1933 sa
Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang
may kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Tarlac.
Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago pinalad na
makapag-aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at
Matematika sa New York's Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong 1953
upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr.
("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos.
Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA)
noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay kilala rin bilang ina ng
artistang si Kris Aquino.
Kilalang angkan ang Aquino sa politika. Nahalal bilang mayor si Benigno Aquino, Jr. o kilala sa
tawag na Ninoy isang taon matapos ang kanilang pag-iisang dibdib. Naging pinakabata rin itong
gobernador hanggang sa maging senador.
Naging pangunahing kritiko ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kanyang asawa at isa
sa mga nakulong matapos maideklara ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972. Dahil sa ilang
taong pagkakakulong ng kanyang asawa ay siya ang naging tagapagsalita at katuwang nito sa
pakikipag-usap sa mga aktibista at mamamahayag. Pansamantala silang nanirahan sa Boston
matapos na palayain ang kanyang asawa upang sumailalim sa operasyon sa puso.
Taong 1983 ng buwan ng Agosto ng mapagpasiyahang bumalik sa Pilipinas ng kanyang
asawang si Benigno Aquino, Jr. upang tulungan ang mga taong hindi sang-ayon sa pamumuno
ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa kasamaang-palad ay ipinapatay siya matapos
makalapag sa paliparan ang eroplanong kanyang sinasakyan.
Taong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang Pangulo ng
Pilipinas. Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang milyong lagda ng mga
taong nagnanais na maging Pangulo siya. Matagumpay namang nakalap ang higit sa isang
milyong lagda kung kaya't sinuportahan din siya ng anim pang partido. Napagpasiyahan niyang
tumakbo hindi upang maghiganti kundi upang magkamit ng katarungan. May kalakihan ang
tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago lamang siya sa pulitika ay katulad niya ang mga
paniniwala at adhikain ng nasirang asawa. Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan pa ang
kinahinatnan ng eleksyong Pampanguluhan. Matapos ang isang mapayapang rebolusyon (Unang
Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986, at mapatalsik sa posisyon ang dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos ay nailagak siyang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas. Halos pitong pag-
aaklas ang naganap upang siya'y mapatalsik ang dinanas ng kanyang liderato. Ang ilan pa sa
mga ito'y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto. Taong 1991 nang maglabas
ng kasulatang nagpapahintulot sa kanyang manatili sa pwesto hanggang Hunyo 30, 1992.
Pinalitan siya ni Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong matapos ang kanyang termino. Dalawang
taon matapos siyang maluklok bilang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas, ipinatupad niya ang
Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP sa ilalim ng Republic Act No. 6657. Ilang
kontrobersiya ang kinasangkutan nito lalo pa't kilalang haciendero ng ekta-ektaryang lupain ang
kanyang pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay mabibigyan ng lupa ang humigit kumulang sa
8.5 milyong magsasaka at manggagawa ng lupa sa loob ng sampung taon upang kumawala sila
sa kahirapan at pagiging alipin. Sa kasamaang palad, ang naipangakong 24 na milyong
ektaryang lupa na ipamamahagi sana ay naging 4.7 milyon na lamang. Hindi na natuloy ang
maayos na pamamahagi ng lupa dahil na rin sa kakulangan sa pondo at iba pang kadahilanan.
Ang ilan namang pinalad na makatanggap ng lupa ay napilitang ibenta itong muli sa iba. 3 sa 5
katao na nagkamit ng lupa ang nagbentang muli nito dahil na rin sa wala silang sapat na pondo
upang mapanatili ang kanilang lupain na sana'y planong gawing lupang pang-agrikultura. Marso
24, 2008 unang natuklasan ang pagkakaroon ng colon cancer ang dating pangulong Corazon
Aquino. Humingi ng dasal at suporta para sa kanyang maysakit na ina si Kris Aquino, ang artista
at TV host na bunso niyang anak. Nagsimula ang karamdaman ng dating pangulo sa paulit-ulit na
pagtaas ng blood pressure nito, paglalagnat at hirap sa paghinga. Hindi nagtagal ay naiulat ang
kawalang-gana nito sa pagkain, hindi gumagaling na pag-ubo at ang kapansin-pansing pagbaba
ng timbang na naging sanhi ng kanyang pagkapayat. Ito ang nagbunsod sa magkakapatid na
Aquino na ipailalim sa malawakang pagsusuri ang kalusugan ng kanilang ina at dito natuklasan
ang pagkakaroon niya ng cancer cancer sa colon. Nakiusap ang pamilya na irespeto ang
pribadong buhay ng kanilang ina at samahan sila sa pagdarasal upang gumaling ang
karamdaman nito. Umabot sa mahigit na 14 na buwan ang pakikipaglaban ng pangulo sa sakit na
cancer kaalinsunod ang pagpapasailalim sa Chemotherapy sessions. Sumailalim sa laparoscopic
surgery ang dating Pangulong Corazon Aquino noong Mayo 4, 2009 sa Makati Medical City. Ang
laparoscopic surgery ay isang uri ng pagtitistis na isinasagawa upang tanggalin ang mga cancer
cells sa colon sa pamamagitan ng paggawa ng malilit na paghiwa sa sikmura kumpara sa
malalaking paghiwa na kinakailangan para sa tradisyunal na operasyon. Ipinapasok ang
laparoscope (isang napakaliit na telescope na nakakabit sa video camera) sa isa sa mga butas
upang bigyan ng kalayaan ang siruhano na makita ang loob ng tiyan. Ang mga instrumento ay
ipinapasok sa kabilang butas upang tanggalin ang may karamdamang bahagi ng colon. Matapos
nito ay muling ilalagay o ikakabit ang malusog na bahagi o parte. Tinatayang umaabot sa dalawa
hanggang tatlong oras ang naturang pamamaraan. Matapos ang naganap na sensitibong
operasyon ng mga doktor na siyang tumistis sa dating pangulong Corazon Aquino, naiulat
kamakailan na matagumpay na naalis ang mga cancer cells sa colon ng una matapos ang isang
oras at kalahating operasyon nito sa Makati Medical Center. Ngunit siya ay namatay noong ika-5
ng Agosto 2009.
Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng ikatlong
Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928
sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng
masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Msters in Business Administration sa
Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special
Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya
sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga
Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at parangal na natanggap niya
bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross, ang Philippine Military Merit
Medal, ang United States Legion of Merit, ang French Legion of Honor at ang U.S. Military
Academy Distinguished Award.
Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral
National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong
1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito
ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr.
Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo
ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile,
noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkobsa mga himpilan ng sandatahang lakas.
Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas
patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe
ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na
Tanggulang Pambansa.
Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya
ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa
pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging
bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran.
Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito
Estrada, o Erap[1], ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong
Unang Republika. Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito, Sr., na
isang inhinyero, at ni Maria Marcelo. Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang
pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit
kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang
bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan.
Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging
Direktor ng PelikulaPinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya
bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang
"Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng
sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll.
Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang
pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25,
1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.
Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na
nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the
committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman
of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga
panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa
pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng
Philippine Free Press bilang isa sa “Three Outstanding Senators of the Year”. Isa si Estrada sa
mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit
sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992.
Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Presidente ang kaniyang popularidad
bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't
siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang
Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential
Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.
Template:Expand-section Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban
ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat
ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya.

You might also like