P. 1
Pagsusuri Sa Isang Maikling Kuwento (Ulat Sa

Pagsusuri Sa Isang Maikling Kuwento (Ulat Sa

3.0

|Views: 39,228|Likes:
Published by Dan_Well__4979

More info:

Published by: Dan_Well__4979 on Mar 02, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/13/2015

pdf

text

original

Pagsusuri sa Isang Maikling Kuwento (Ulat sa Binasang Aklat Blg.

3)

I.

Ipaliwanag ang pamagat Ang pamagat ng kuwento ay “Tata Selo”. Ito ay ibinatay ng Regelio R. Sikat sa pangunahing tauhan ng istorya na isang lalaking magsasaka na nagngangalang Selo. Bagamat may pagkakaiba sa Tata Selo na ipinakilala satin ni Rizal sa ilang kabanata ng isa sa kanyang nobela, hindi maitatatangging maaring inspirasyon ng may-akda ang naturang tauhan sa pagbuo ng “Tata Selo”.

II. Teoryang Pampanitikan Ang kuwento na “Tata Selo” ay nabibilang sa teoryang sosyolohikal. Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. Ang akda ring ito ay syang nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan, masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan, ang pang-aapi sa mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri. III. Tagpuan
a. Pook- sa iskated ng munisipyo sa bayan ng San Roque b. Panahon- sa pagitan ng mga dekadang 1980-1990 (kung kelan

nailathala ang kuwento)

IV. Mga Tauhan (Ilahad ang kanilang mga katangian) Tata Selo: Isang biyudo na may anak na dalaga. Pagsasaka ang kanyang ikinabubhay. Ikinulong siya dahil tinaga niya ang kabeza de barangay ng kanilang bayan. Siya’y may anyo ng isang dukhang isang kahig isang tuka lamang.

Binatang Mayaman: Siya ay maputi, matangkad at nakasalaminng may kulay. Siya ang unang naroon sa munisipyo, nakapamaywang, naninigarilyo habang inuusig niya si Tata Selo buhat nang ito ay naroon sa iskated. Siya ay anak ng pinakamayamang propirtaryo sa bayan ng San Roque.

Presidente o Ang Alkalde Mayor: Siya ay may katabaan. Nakabihis ng pangmayaman at may napakakintab na sapatos. Pinapunta niya si Saling sa kanilang tahanan pagkatapos na kausapin si Tata Selo sa kanyang tanggapan sa munisipyo at sa kulungan nito kinabukasan.

Hepe: Siya ay isang malaking lalaki na namumuno sa pulisya ng San Roque. Kinabog niya si Tata Selo at walang-awang pinagmalupitan sapagkat ang nasawing kabeza de barangay ang nagrekomenda sa kanya sa puwisto.

Kabesang Tano: Ang kabesang nasawi dahil tinaga ni Tata Selo. Ito ang nagmamay-ari ng lupang sinsasaka niya. Saling: Ang maglalabimpitong taon gulang na dalagang anak ni Tata Selo na namasukan ng tatlong buwan sa tahanan ng kabesa. Siya ay umuwi ilang araw bago mataga ng tatay niya ang kabesa.

Batang Magbubukid: Isang batang bumisita sa kulungan ni Tata Selo. Siya ay nautusan na sunduin si Saling sa bahay ng presidente o alkalde at yayain itong umuwi. Subalit siya ay nabigong makapasok sa tahanan ng alkalde at ang makausap man lang si Saling.

V. Simula Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahaypamahalaan.Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.

VI. Saglit na kasiglahan Mag-aalas-onse na nang araw ding iyon nang dumating ang alkalde mayor kasama ang hepe ng mga pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng diyip na kinasasakyan ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang tao. Itinaas ng may-katabang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak naman ang malaking hepe.

VII.

Suliranin Pinuntahan ni Kabesang Tano si Tata Selo sa sakahan nito. Pilit na pinalalaysa ng kabesa si Tata Selo dahil ipapasaka nito ang kanyang lupa sa iba. Nang makiusap si Tata Selo, sa halip na pakinggan ay tinungkod siya nang tinungkod ni Kabesang Tano kaya nataga ito ni tata Selo. Pagkatapos, nakulong si Tata Selo sa iskated ng munisipyo.

VIII.

Tunggalian Unang naroon sa munisipyo ang binatang anak ng pinakamayamg propirtaryo sa San Roque. Inusig nito si Tata Selo kung bakit niya pinatay si Kabesang Tano kaya ipinagtanggol ni Tata Selo ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsasalaysay sa kung paano nagsimula ang insidente. Huling dumating ang alkalde at ang hepe ng pulisya na galing pa sa bahay ng nasirang kabesa. May pagkayamot na tiniyak ng alkalde ang hatol na pagkakabilanggo kay Tata Selo. Pinangatwiranan pa rin ni Tata Selo na siya ang unang inagribiyado at ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili ngunit tila wala nang ibang naririnig ang mga may kapangyarihan.

IX. Kapanapanabik na pangyayari Kinabukasan, mga dakong alas dos, dumating si Saling na anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umaalalay kay Tata Selo. Nabubuwal sa paglakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.

Nagyakap ang mag-ama pagkakita, sabay sabi ni Tata Selo na, “Hindi ka na sana naparito, Saling” wika niya na napaluhod. “May sakit ka Saling, may sakit ka!?”

X. Wakas Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina. Sinasabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi na pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuan na sa kanila...

XI. Kalutasan sa suliranin Inutusan ni Tata Selo ang batang magbubukid na bumisita sa kanya sa kulungan. Sinabihan niya itong pumunta sa bahay ng alakalde dahil naroroon ang anak niyang dalaga na si Saling. Sinabi niya sa bata na sunduin mula sa tahanan ng alkalde, yayaing umuwi si Saling at bayaan na lamang siya kung saan man siya ilalagak.

XII.

Mga bisa ng akda

a. Bisang pandamdamin (Epekto sa iyong damdamin) Lubhang nakakaawa ang hirap dahil sa pagmamalupit na dinananas ng mag-amang Tata Selo mula sa kabesa, sa hepe at maging saalakalde. Halos nahubaran na sila ng anumang dignidad ng pagiging tao. Ganun kalupit kung silaý itrato ng mga nasa kapangyarihan sa bayan ng San Roque.

b. Bisang Pangkaisipan (Epekto sa iyong isipan) Hindi lamang sa kuwento nagyayari ang pagmamalupit ng mga nasa kapangyarihan. Maraming uri ng pagmamalupit o human rights vilations. Isa na rito ay ang kawalan ng hustisya, pagsikil sa karapatang pantao ng mga mahihirap at pagkawala ng due process sa pagpaptupad ng batas.

XIII.

Buod Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya

nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo. Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo. Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng istaked na pawang mga kilala ng Kabesa. Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati'y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating

muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na "inagaw sa kanya ang lahat".

XIV.

Aral (Ipaliwanag) Ang kuwentong ito ay napapanahon pa rin. Napakaraming nilalang sa mundo ang hindi masyadong nabiyayaan ng materyal na bagay na nagiging sanhi kung bakit sila ay laging inaapi, ninanakawan ng karapantang mabuhay nang matahimik at mapayapa. Isa rin sa mga aral na mapupulot sa kuwento ang satuwinaý pagmamhal ng magulang sa kanyang anak gayundin ang pagmamalasakit ng anak sa kanyang mga magulang sa kabila ng dinaranas na kahirapan.

ROGELIO SIKAT
TALAMBUHAY

Isinilang noong 1940, Rogelio R. "Sikat" Sicat iniwan niya ang San Isidro, Nueva Ecija noong 1950's para magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos maging campus writer at literary editor ng The Varsitarian , tinuloy niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na pioneers ng Philippine literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan

nag pagtalikod sa mga pag-alala at pakikipagtagpo sa mga "Western writers". Ang mga gawa ni Sicat, na nagpabangon sa nakagawiang literature natin at nagpamulat sa atin sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na Liwayway. Nakakuha siya ng parangal sa Palanca awards noong 1962, at noong 1965 lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto , sumunod sa mga magagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at nakilala siya sa literary history bilang fictionist, playwright at professor, at ang pagiging dean sa University of the Philippines Diliman. "Impeng Negro" at "Tata Selo", parehong gawa ni Sicat na isinadula sa isang pelikula, ay ilan lamang sa mga ginawa ni Sicat. Ang iba pa niyang mga gawa ay: Dugo sa Bukang-Liwayway , Pagsalunga: Piniling Kuwento at Sanaysay , at ang dula "Moses, Moses". Namatay si Sicat noong 1997, pero pinarangalan sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng National Book Award noong sumunod na taon para sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J. Pomeroy na pinamagatang: "Ang Gubat: Isang Personal na Rekord ng Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->