P. 1
Patrocinio v. Villafuerte Puno, Kagawaran Ng Filipino

Patrocinio v. Villafuerte Puno, Kagawaran Ng Filipino

4.0

|Views: 29,953|Likes:
Published by argee_loveless

More info:

Published by: argee_loveless on Mar 03, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PPT, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/27/2013

pdf

text

original

LET 2008

PATROCINIO V. VILLAFUERTE Puno, Kagawaran ng Filipino Kolehiyo ng mga Wika, Linggwistika at Literatura Philippine Normal University, Manila

Bahagi I. – Komunikasyon sa Akademikong Filipino
A. Komunikasyon 1. Kahulugan ng komunikasyon: 1.1 Ito’y itinuturing na sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng informasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa kanyang kapwa.

1.2 Ito’y proseso ng paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng ideya, informasyon, karanasan at mga saloobin. 1.3 Ito’y isang prosesong daynamiko, tuluy-tuloy at nagbabago.

1.4 Ito’y isang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan / pakikipag-unawaan. 1.5 Ito’y pasalita o pasulat na pagpapahayag o pagpapabatid ng iniisip o dinarama sa isang paraang mabisa at kalugudlugod.

1.6 Ito’y isang prosesong transaksyunal na kumakatawan sa apat na katangian: 1.6.1 akto, kaganapan, at kilos 1.6.2 integral na elemento

1.6.3 nagbabago 1.6.4 kumikilos ang taong kasangkot

2. Anim (6) na komponent ng komunikasyon: 2.1 konteksto. Ito ang kalagayan kung saan magaganap ang komunikasyon: pisikal, sosyal, historikal, sikolohikal, at kultural

2.2 partisipant. Ito’y tumutukoy sa mga taong nag-uusap. 2.3 mensahe. Nagaganap ang komunikasyon sa pamamagitan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe.

2.4 tsanel. Ito ang rutang dinaraanan ng mensahe. 2.5 pagkakaroon o kawalan ng ingay. Ito ang nakakasagabal sa pagbabahagi ng pakahulugan. 2.6 fidbak. Ito ang tugon sa isang mensahe

3. Mga tungkulin ng komunikasyon: 3.1 Matugunan ang pang-arawaraw na pangangailangan. 3.2 Mapataas at mapanatili ang pagkilala sa sarili. 3.3 Matugunan ang obligasyong panlipunan.

3.4 Malinang ang pakikipagugnayan. 3.5 Makipagpalitan ng informasyon. 3.6 Makaimpluwensya ng ibang tao.

4. Mga simulaing sinusunod ng komunikasyon: 4.1 Ang komunikasyon ay may layunin. 4.2 Ang komunikasyon ay patuloy na nagaganap. 4.3 Ang mga mensahe sa isang transaksyon ay nag-iiba-iba.

4.4 Ang komunikasyon ay isang pakikipag-ugnay. 4.5 Ang komunikasyon ay natututuhan.

5. Mga pangangailangan ng komunikasyon: 5.1 Ang gamit ng wika 5.2 Ang anyo ng wika 5.3 Ang kagyat na pagtugon 5.4 Ang kaangkupan ng sasabihin 5.5 Ang paksa

6. Dalawang uri ang komunikasyon: 6.1 Berbal. Ito’y pasalita o pabigkas na pagpapahayag. 6.2 Di-berbal. Ito’y mga kilos ng katawan at kalidad ng tinig sa mga mensaheng berbal sa pakikipagtalastasan.

B. Gramatika / Linggwistika 1. Pangungusap 1.1 May dalawang bahagi ang pangungusap: simuno / paksa at panaguri

Simuno / Paksa: Ang calibrated preemptive response (cpr) policy ni GMA ay hindi naaayon sa batas. Panaguri: Ilegal ang pagbabawal sa pagdaraos ng rali.

1.2 May apat na uri ayon sa gamit: paturol o pasalaysay, pautos, patanong at padamdam.

Paturol: Sang-ayon ako na magkaroon ng National ID. Pautos: Sumama ka sa rali sa Mayo 1, pakakainin ka na. Babayaran ka pa.

Patanong: Makatarungan ba ang ginawang pambabastos kay GMA sa Araw ng Pagtatapos na ginanap sa Cavite State University? Padamdam: Aba, kilala na ang mga nagtataksil sa bayan!

1.3 May iba’t ibang kayarian ang pangungusap: payak, tambalan at hugnayan Payak: Isang ideya lamang ang ipinahahayag. May paksa at panaguri. Hal.: Ang patatas ay mayaman sa Bitamina C, B at iron.

Tambalan: May dalawang diwa o ideya ang ipinahahayag na maaaring magkatulad, magkasalungat o may pagpipilian. Hal.: Halos walang taba ito at mababa lamang ang taglay nitong calorie.

Masustansya ang patatas ngunit bihira ang nagkakagusto rito. Sasama ka ba o maiiwan?

Hugnayan: Binubuo ng isang malayang sugnay at isang dimalayang sugnay: Hal.: Tag-init at tag-ulan lamang ang mga panahon sa Pilipinas samantalang apat sa mga bansang kanluranin tulad ng Estados Unidos at Europa.

Tandaan: Ang di-malayang sugnay ay sinisimulan sa mga pangatnig na na, nang. Kung, samantala, kapag, kaya, dahil sa, kahit, sapagkat atb.

2. Pangngalan: Ngalan ng tao, bagay, lugar, gawa o pangyayari
Tao
Pauleen

Lugar
kagubatan

Bagay
eroplano

Gawa
paglalaba

Pangyayari
pagdurugo

bangkero kalangitan sanggol tindera bantayan kabayanan

rambutan paglangoy pagdarayuhan simbahan bayong pagliham pag-awit panganganak pagtatawanan

2.1 Batay sa kayarian: payak, maylapi, inuulit at tambalan
Payak
gubat langit bantay bayan

Maylapi
kagubatan kalangitan bantayan kabayanan

Inuulit
gubat-gubatan langit-langitan bantay-bantayan bayan-bayan

Tambalan
tsaang-gubat hulog-langit bantay-salakay anak-bayan

3. Panghalip: Panghalili sa pangngalan
Panauhan Palagyo Paukol
Isahan Una Ikalawa Ikatlo Dalawahan Una Ikalawa Ikatlo ako ikaw, ka siya ko mo niya akin iyo kanya

Paari

kita, kata kayo sila

natin ninyo nila

atin inyo kanila

Panauhan
Maramihan Una Ikalawa Ikatlo

Palagyo
kami kayo sila

Paukol
namin ninyo nila

Paari
amin inyo kanila

4. Pandiwa

4.1 Pokus ng pandiwa: tagaganap, layon, ganapan, tagatanggap, gamit, sanhi at direksyon.

Tagaganap: Sino ang sumulat ng Himno ng Pateros? Layon: Ipamili mo ang natitirang pera ko. Ganapan: Pinagtapunan nila ang basurahan. Tagatanggap: Ipagluto ninyo ang may-kaarawan ng pansit at puto.

Gamit:

Ipinanghalo ko ang kutsara sa ulam kasi walang sandok. Sanhi: Ikinalungkot niya ang pagkawala ng kanyang aso. Direksyon: Pinuntahan nila ang bagong gusali.

4.2 Aspekto ng pandiwa: perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo

Perpektibo: Ang kilos ay nasimulan na at natapos na. Imperpektibo: Ang kilos ay napasimulan na ngunit hindi pa natapos. Kontemplatibo: Ang kilos ay hindi pa nasisimulan.

5. Pang-uri: Nagsasaad ng katangian o uri ng tao, bagay, lunan atb.

5.1 Uri ayon sa kayarian: Payak: Sariwa ang hangin sa lalawigan. Maylapi: Masigasig si Brienz gaya ng pinsan niyang si Aegan. Inuulit: Gandang-ganda ako sa mukha ng batang iyan. Tambalan: Lakad-pagong ang paglalakad ni Mark Terry.

5.2 Uri ayon sa kaantasan: lantay, katamtaman at masidhi Lantay: Tahimik ang lugar na kanyang napiling puntahan. Katamtaman: Hindi gaanong matulin tumakbo ang bus hindi tulad ng LRT at MRT.

Masidhi: Pinakamayaman sa bayan namin ang matandang iyon.

C. Linggwistika
1. Ponolohiya. Ito’y pag-aaral ng makabuluhang tunog. Ponetiks naman ang tawag sa sangay na ito ng linggwistika.

2. Tatlong salik sa paglikha ng tunog: (1) pinanggagalingan ng lakas o enerhiya, (2) artikulador, at (3) resonador

2.1 Pinanggagalingang lakas o enerhiya: Ito’y gumagawa ng pwersa o presyon na
nagpapalabas ng hangin na galing sa baga.

2.2 Artikulador: Ito’y nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog.

2.3 Resonador: Ito’y sumasala at nagmomodipika ng mag tunog patungong bibig.

3. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang wika. May 21 ponema ang Filipino (16 katinig at 5 patinig).

4. Ang diptonggo ay magkasamang patinig at malapatinig sa loob ng isang pantig. Halimbawa: aliw, bahay, atb.

5. Ang pares-minimal ay pares ng salitang magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad ng bigkas maliban sa isang ponema. Halimbawa: mesa / misa

6. Ang pagbabago ng morpema sanhi ng kaligiran nito ay tinatawag na pagbabagong morpoponemiko. Ang mga uri ng pagbabagong morpoponemiko ay ang mga sumusunod:

6.1 Asimilasyon - May pagbabagong morpoponemiko sa paraang asimilasyon kapag ang tunog ng isang morpema ay naaasim naaasimila ng isa pang morpema. Ang mga uri ng asilimasyon at halimbawa:

6.1.1. Asimilasyong diganap: pang + bahay = pangbahay = pambahay pang + hukay = panghukay

6.1.2 Asimilasyong ganap pang + turo = pangturo = panturo = panuro pang + silip = pangsilip = pansilip = panilip

6.2 Pagpapalit ng ponema Sa pagbubuo ng salita ay may mga pagkakataong ang ponemang nasa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay nagbabago o nagpapalitan. Halimbawa:

ma + dapat = madapat = marapat tawa + han = tawahan = tawanan

6.3 Pagkaltas ng ponema Ito’y nagaganap kapag ang huling ponema ng salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala. Halimbawa:

bukas + -an buksan dakip + -in dakpin

= bukasan = dakipin

= =

6.4 Metatesis - Ito’y paglilipat ng titik sa loob ng isang binuong salita. Halimbawa: talab + -an = talaban = tablan bukas + -an = bukasan = buksan

6.5 Paglilipat-diin - Sa paggamit ng panlapi ay nakapagpapabago ng diin ng salita. Halimbawa: bukas = kinabukasan dakila = dakilain

D. Retorika
1. Kahulugan ng retorika 1.1 Ito’y kakayahan sa pagwawari o paglilirip sa bawat pagkakataon ng anumang paraan ng paghimok (Aristotle).

1.2. Ito’y sining ng argumentatibong komposisyon (Whatley). 1.3 Ito’y isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat (Tumangan, 1997).

1.4 Ito’y sining ng maganda at kaakit-akit na pagpapahayag maging ito ma’y pasalita o pasulat (Rubin, 1987).

2. Mga salik sa pagbuo ng isang sulatin / komposisyon 2.1 Tapik Kailangan ang sapat na kaalaman o informasyon sa paksang susulatin. 2.2 Layunin. Ang kaibhan sa anyo o forma ng ng isang sulatin ay nakasalalay nang malaki sa layunin.

2.3 Interaksyon at isang kamalayan ng awdyens. May nagaganap na interaksyon sa pagsulat.

E. Ang Pagbasa
1. Kahulugan ng Pagbasa 1.1 Ito’y interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo na kaisipan.

1.2 Ito’y isang paghuhulang siko-linggwistik kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa. (Goodman)

1.3 Ito’y isang gawaing pangkaisipan na nagaganap sa tulong ng mabuting paningin, pandinig, pagsusuri, pagbigkas at pag-unawa sa kahulugan ng mga salita, parirala, pangungusap at talata. (Villamin, 1988)

2. Iba’t ibang Teorya ng Pagbasa: 2.1 Ang teoryang “bottom-up” – Ang pagbasa ay pagkilala ng mga serye ng mga nakasulat na simbolo (stimulus) upang maibigay ng katumbas nitong tunog ( response).

2.2 Ang teoryang “top-down” – Ang pagbasa ay nagsisimula sa isipan ng tagabasa dahil ang dating kaalaman niya ang nagpapasimula ng pagkilala niya sa teksto at kung wala ito, hindi niya mabibigyangkahulugan ang anumang babasahin.

2.3 Ang teoryang interaktibo Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ginagamit ng mambabasa ang kanyang kaalaman sa wika.

2.4 Ang teoryang iskema - Ang teksto ay nagbibigay lamang ng direksyon sa nakikinig o mambabasa kung paano nila gagamitin o paano bubuo ng pagpapakahulugan mula sa kanilang dating kaalaman.

3. Iba’t ibang Batayang Kasanayan ng Pagbasa 3.1 Pagtukoy sa paksa o tapik 3.2 Pagtukoy sa pangunahing idea o kaisipan 3.3 Pagbuo ng mga pangunahing ideya na di-tuwirang inilahad sa teksto

3.4 Pagtukoy sa mahahalagang detalye at mga pantulong na kaisipan

3.5 Pagkilala sa hulwaran o istilo ng awtor gaya ng: 3.5.1 Pagtatala o Paglilista 3.5.2 Pagsusunud-sunod 3.5.3 Depinisyon 3.5.4 Paghahambing at Paguuri-uri

3.5.5 Sanhi at Bunga 3.5.6 Pagtukoy at pag-unawa sa ugnayan ng kaisipang nakapaloob sa teksto 3.5.7 Paghihinuha sa damdamin, tono, layunin at pananaw

3.5.8 Pagtukoy at nauunawaan ang mga tayutay 3.5.8.1 Simili o Patulad – Isang tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiaba ang uri.

3.5.8.2 Metapora o Pawangis – Naglilipat ng mga salitang na ngangahulugan ng isang bagay sa pagpapahayagng ibang bagay.

3.5.8.3 Personipikasyon o Pagtutulad - Ito’y pagbibigay – katauhan sa isang bagay na walang buhay

3.5.8.4 Hiperbole o Eksaherasyon - Ito’y pagpapahayag ng bayong matindi kaysa katotohanan o lagpas sa maaaring mangyari

F. Pagsulat
1. Kahulugan ng Pagsulat 3.1 Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyon interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat. 3.2 Ang pagsulat ay binubuo ng iba’t ibang sulatin:

3.2.1 Personal na sulatin Ito’y impormal at walang tiyak na balangkas. 3.2.2 Transaksyunal na sulatin - Ito’y pormal at maayos ang pagkakabuo at binibigyang pokus ang informasyon.

3.2.3 Malikhaing sulatin Ito’y may masining na paglalahad ng iniisip at nadarama ng sumulat.

2. Iba’t ibang anyo ang pagsulat: 2.1 Pasalaysay (Narrative) - May layuning pagsunud-sunurin mga pangyayari. 2.2 Palarawan (Descriptive) May layuning magsaad ng kabuuan ng tao, bagay, pook o pangyayari.

2.3 Panghikayat (Persuasive) May layuning hikayatin ang mambabasa na tanggapin ang iminumungkahi ng manunulat. 2.3.4 Eksposisyon (Exposition) - May layuning ipaliwanag ang pangyayari, opinyon at kaisipan.

2.3.5 Pangangatuwiran (Argumentation) Naglalayong makapagbigay ng katwiran sa kausap/

G. Panitikan
1. Kahulugan ng panitikan 1.1 Ito’y pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat.

1.2 Ito’y lakas na nagpapakilos ng alinmang uri ng lipunan. 1.3 Ito’y katipunan ng mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw.

2. Panahon ng panitikan at mga akdang nanaluktok sa bawat panahon 2.1 Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila 2.1.1 awiting bayan at tula – Ito’y inaawit sa iba’t ibang pagkakataon at sinasaliwan ng sayaw. Halimbawa:

2.1.1.1 oyayi – awit sa pagpapatulog 2.1.1.2 umbay – awit sa pagkaulila 2.1.1.3 soliranin – awit sa pamamangka 2.1.1.4 kundiman – awit sa pag-ibig

2.1.1.5 tikam / kumintang / hiliman / tagumpay – awit sa pakikidigma 2.1.1.6 diona – awit sa kasalan 2.1.1.7 kutangkutang / rawitdawit –awit ng mga lasing / awit sa lansangan pagdadalamhati

2.1.1.8 ditso – awit sa paglalaro ng mga bata 2.1.1.9 dung-ao – awit sa patay o sa pagdadalamhati

2.1.2 epiko – Ito’y mahabang tulang psalaysay tungkol sa pakikibaka, pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang tauhang may kakaibang lakas. Halimbawa:

2.1.2.1 Biag ni Lam Ang – epiko ng Iloko 2.1.2.2 Kumintang epiko ng Tagalog 2.1.2.3 Hudhud at Alim – epiko ng mga Ifugao

2.1.2.6 Tuwaang – epiko ng mga Bagobo 2.1.2.7 Bantugan – epiko ng mga Maranaw

2.1.3 alamat – Ito’y kuwento tiungkol sa pinagmulan ng tao, bagay, lugar, atb. Halimbawa: 2.1.3.1 Pinagmulan ng Sansinukob - Tagalog 2.1.3.2 Alamat ng Bulkang Mayon - Bicol

2.1.3.3 Alamat ng Bundok Kanlaon – Bisaya 2.1.3.4 Bakit Maliwanag ang Araw kaysa sa Buwan? -Kapampangan

2.1.4 kuwentong-bayan – Ito’y mga kuwentong nagpasalinsalin sa bibig ng mga taongbayan. Halimbawa: 2.1.4.1 Mariang Sinukuan 2.1.4.2 Juan Tamad 2.1.4.3 Mariang Makiling

2.2 Panitikan sa Panahon ng Kastila 2.2.1 Pangrelihiyon at pangkagandahang-asal 2.2.1.1Pinalitan ng mga Kastila ang katutubong Abakadang Pilipino.

2.2.1.2 Ginagamit ang katutubong wika sa pagpapalaganap ng relihiyon. 2.2.1.3 Napalitan ng pamahalaang relihiyoso ang pamahalaang politiko.

2.2.1.4 Nahalinhan ng palatuntunang pangrelihiyon ang palatuntunang pangestado. 2.2.1.5 Nailimbag ang mga akdang pangrelihiyon at pangkagandahang-asal gaya ng:

2.2.1.5.1 Doctrina Christiana nina Pari Domingo Nieva at Pari Juan de Plasencia 2.2.1.5.2 Nuestra Señora del Rosario ni Pari Blancas de San Jose 2.2.1.5.3 Urbana at Felisa ni Pari Modesto de Castro

2.2.2 Pampropaganda at Panghimagsikan 2.2.2.1 Tumindi ang damdaming makabayan. 2.2.2.2 Naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista ang tula, sanaysay at talumpati

2.2.2.3 Lumaganap ang mga akdang may masining na paglalarawan ng marangal na damdamin, at matayog na kaisipan gaya ng:

2.2.2.3.1 Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Mi Ultimo Adios ni Jose Rizal (Dimasalang, Laong Laan)

2.2.2.3.2 Dasalan at Tocsohan, Kaiingat Kayo ni Marcelo H. del Pilar (Plaridel, Dolores Manapat, Piping-Dilat, Pupdoh)

2.2.2.3.3 Pag-ibig sa Tinubuang Lupa, Kartilya ng Katipunan ni Andres Bonifacio (Agapito Bagumbayan, May Pag-asa)

2.2.2.3.4 Liwanag at Dilim, A Mi Madre ni Emilio Jacinto (Pingkian, DimasIlaw) 2.2.2.3.5 Verdadero Decalogo ni Apolinario Mabini (Katabay, El Paralitico)

2.2.2.3.6 Fray Botod ni Graciano Lopez Jaena

2.2.3 Panahon ng Amerikano 2.2.3.1 Pinasok ng mga manunulat ang dula bilang sangay ng panitikan. 2.2.3.2 Mapaghimagsik at makabayan ang mga akda tulad ng:

2.2.3.2.1 Walang Sugat ni Severino Reyes (Lola Basiang) 2.2.3.2.2 Dalagang Bukid ni Hermogenes Ilagan 2.2.3.2.3 Veronidia ni Cirio H. Panganib

2.2.3.3 Nagsimula ang panulaang Tagalog gaya ng mga sumusunod: 2.2.3.3.1 Mga Hamak na Dakila ni Lope K. Santos (Verdugo)

2.2.3.3.2 Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos 2.2.3.3.3 Isang Dipang Langit ni Amado V. Hernandez (Julio Abril) 2.2.3.3.4 Sa Lumang Simbahan ni Florentino Collantes (Kuntil-Butil)

2.2.3.3.5 Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus (Hyseng Batute) 2.2.3.3.6 Damdamin ni Iñigp Ed. Regalado (Odalager)

2.2.3.4 Kinilala ang mahuhusay na nobela gaya ng: 2.2.3.4.1 Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Pena 2.2.3.4.2 Banaag at Sikat ni Lope K Santos 2.2.3.4.3 Lihim ng Isang Pulo ni Faustino Aguilar

2.2.3.4.3 Lihim ng Isang Pulo ni Faustino Aguilar 2.2.3.4.4 Sampaguitang Walang Bango ni Iñigo Ed. Regalado

2.2.4 Panahon ng Hapon 2.2.4.1 Itinuring na Gintong Panahon ng Panitikan 2.2.4.2 Ipinag-utos ng Pamahalaang Hapon na sumulat ang mga manunulat na Pilipino ng mga akdang pampanitikan sa Tagalog.

2.2.4.3 Ipinagbawal ng pamahalaang Hapon na sumulat ng mga akdang nasusulat sa Ingles ang mga manunulat na Pilipino. 2.2.4.4 Lumaganap ang pagsulat ng mga haiku at tanaga.

2.2.4.5 Naging masigla ang pagsulat ng maikling kuwento gaya ng: 2.2.4.5.1 Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes

2.2.4.5.2 Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo 2.2.4.5.3 Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan ni N.V.M. Gonzales

2.2.4.6 Nangibabaw ang mga dulang ay init ng damdamin, pagmamahal sa bayan at pamilya gaya ng: 2.2.4.6.1 Sino Ba Kayo?, Dahil sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda

2.2.4.6.2 Sa Pula, Sa Puti ni Francisco Soc Rodrigo 2.2.4.6.3 Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz

2.2.5 Panahon ng Pagpapalaya 2.2.5.1 Naging malaya sa pagsulat ang mga manunulat. 2.2.5.2 Nag-unahan sa pagpapalathala ng mga akdang pampanitikang mga magasing Liwayway, Sinagtala, Kayumanggi at iba pa.

2.2.5.3 Kinilala ang mga kritiko ng Panitikang Tagalog gaya nina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo 2.2.5.4 Nakilala ang mga akdang nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature gaya ng:

2.2.5.4.1 Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza Matute 2.2.5.4.2 Kapangyarihan ni B.S. Medina Jr.

2.2.6 Panahon ng Bagong Lipunan 2.2.6.1 Nilinang ang kaisipang “Isang Bansa, Isang Diwa” 2.2.6.2 Maraming akdang pampanitikan ang naisulat tungkol sa populasyon, pagpaplano ng pamilya, wastong pagkain, atb.

2.2.7 Panahon ng Bagong Republika 2.2.7.1 Naging sensitibo ang mga paksa ng mga manunulat na kadalasan ay tumatalakay sa mga isyung sosyo-pulitikal.

2.2.7.2 Dumami ang mga kabataang makata at manunulat. 2.2.7.3 Sumigla ang mga akdang pambata.

2.2.7.4 Dumami ang iba’t ibang patimpalak sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan bukod sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature gaya ng:

2.2.7.4.1 Gawad Surian Gantimpalang Collantes 2.2.7.4.2 Gawad Komisyon Gantimpalang Collantes 2.2.7.4.3 Gawad CCP 2.2.7.4.4 Gawad Carlos Palanca 2.2.7.4.5 Gawad Amado V. Hernandez

H. Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino
1. Kahulugan ng mga Katawagan sa Pagtuturo ng Filipino 1.1 Dulog - Ito’y set ng mga pagpapalagay hinggil sa

1.2 Estratehiya - Ito’y isang panlahat na pagpaplano para sa isang sistematikong paglalahad ng wika at batay sa isang dulog (Anthony, 1963)

1.3 Kognitibo - Ito’y isang estratehiyang nagbibigay ng istruktura na humihikayat sa pag-unawa at pagsasaulo ng mga kaalamang pangkaisipan sa pamamagitan ng paggamit ng mga estratehiyang nagtutulak upang mabatid ang hangganan ng isip.

1.4 Sosyo-apektibo - Ito’y isang estratehiyang ang pokus ay ang Pakikipag-ugnayan sa ibang tao at ang mga pagpapahalagang natutuhan.

1.5 Teknik - Ito’y mga tiyak na gawain na malinaw na makikita sa pagtuturo at konsistent sa isang pamaraan at katugong dulog

1.6 Metakognitibo - Ito’y teoryang tumutukoy sa proseso ng pagkatuto, gamit ang estratehiyang tutugon sa sa pangangailangan ng iba’t ibang uri ng mag-aaral.

1.7 Pagdulog Interaktibo Tumutukoy sa pagsasangkot sa mga mag-aaral sa makabuluhang interaksyon.

1.8 Pagdulog Integratibo - Sa pagdulog na ito, malawak na sinisiyasat mga mag-aaral ang mga kaalaman sa iba’t ibang asignatura.

1.9 Pagdulog Kolaboratibo Ito’y nakasentro sa mga magaaral na sama-samang gumagawa ng mga gawain.

2. Mga Katangian ng Isang Mabuting Estratehiya 2.1 Ang mabuting estratehiya ng pagtuturo ay payak at madaling maisakatuparan. 2.2 Ito’y dapat magsangkot ng mga mag-aaral sa lahat ng mga gawain.

2.3 Ito’y nagbibigay ng mabuting bunga ng kahihinatnan. 2.4 Ito’y humuhubog sa mabuting pag-uugali at kaasalan ng mga mag-aaral. 2.5 Ito’y humahamon sa kakayahan ng mga mag-aaral.

2.6 Ito’y dapat magtaglay ng maraming gawaing pangguro kaysa gawaing pang-magaaral. 2.7 Ito’y umaayon sa makabuluhang kahulugan mga simulain ng pagkatuto at sa pilosopiya ng pagtuturo.

3. Mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Filipino 3.1 Batay sa Pagdulog Integratibo 3.1.1 Pagtuturong Tematik Ito’y pagsasanib ng iba’t ibang asignatura upang lalong mapaunlad at maging higit na makatotohanan ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

3.1.2 Pagtuturong Batay sa Nilalaman - Ito’y pagpili ng nilalaman na gagamitin sa makabuluhang pagtuturo ng wika.

3.2 Batay sa Pagdulog Kolaboratibo 3.2.1 Brain Storming - Ito’y teknik na gumagamit ng imahinasyon at / kritikal na pag-iisip upang malutas ng isang problema.

3.2.2 Simposyum - Inilalahad dito ang paksa at nagsasagawa ng malayang talakayan pagkatapos makapaglahad ng impormasyon at saloobin ang mga tagapagsalita

3.2.3 Paggamit ng Awtentikong Materyales Ginagamit sa pagtuturo ang mga babasahin mula sa mga polyeto, magasin, dyaryo bilang lunsaran o inilalaman ng araling ituturo.

3.3 Batay sa Pagtuturo ng Komprehensyon 3.3.1 Ugnayang Tanong-Sagot - Ito’y estratehiyang sumasanay sa mga magaaral upang magsuri ng mga tanong ungkol sa binasa.

3.3.2 Estratehiyang Pinatnubayang Pagbasa at Pag-iisip - Ito’y pagbibigay ng pagkakataon sa mga bata na magbigay ng sariling hula o palagay na ginagamit ang dating kaalaman buhat sa teksto.

3.3.3 Estratehiyang Biswal Sa pamamagitan nito, ang mga mag-aaral ay nakapagbibigay ng malinaw na pag-uugnay sa mga kaisipan o pangyayari mula sa binasa.

Pagsusulit

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot na bubuo sa pangungusap sa bawat bilang. 1. Ang komunikasyon ay paglilipat ng _________. A. sining B. kasanayan C. kaangkupan D. informasyon

2. Ang komunikasyon ay isang prosesong dinamiko, tuluy-tuloy at ________. A. nagpapalit B. naglilipat C. nanghihikayat D. nagbabago

3. Ang kalagayan kung saan nagaganap ang komunikasyon ay tinatawag na _____. A. tsanel B. mensahe C. tagpuan D. konteksto

4. Ang kalagayang emosyonal at damdaming nasasaloob ay mauuri sa kalagayang ___________. A. sosyal B. sikolohikal C. kultural D. historikal

5. Ang tugon ng tagatanggap ng mensahe sa komunikasyon ay tinatawag na _____. A. fidbak B. tsanel C. midyum D. saloobin

6. Ang ingay ay matatawag na isang ________. A. inspirasyon B. midyum C. istimulus D. transaksyonal

7. Kasama sa komunikasyong di-berbal ang __________. A. kilos ng katawan B. pagtatalo C. pagkukuwento D. deklamasyon

8. Ang paggawa ng parol ay magiging malinaw kung gagamitan ng _______. A. paglalarawan B. pangangatuwiran C. paglalahad D. pagtatalo

9. Ang “Para kang pagong, ang bagal maglakad” ay isang uri ng _____. A. metapora o pawangis B. simili o patulad C. personipikasyon o pagtutulad D. hiperbole o eksaherasyon

10. Sa salitang panakot, ang naganap na pagbabagong morpoponemiko ay _______. A. asimilasyong ganap B. asimilasyong di-ganap C. metatesis D. paglilipat-diin

11. Ang din, pala, yata ay tinatawag na _________. A. pananda B. pangatnig C. panuring D. ingklitik

12. Sa pangungusap na “Huwag kang maglakad nang mabilis”, ang salitang may salungguhit ay tinatawag na ________. A. pangngalan B. pang-uri C. pandiwa D. pang-abay

13. Ang samakatuwid, alalaong baga, kung gayon ay tinatawag na _________. A. pang-angkop B. panghalip C. pangatnig D. pantukoy

14. Ang pagsulat ng maikling kuwento ay isang magandang halimbawa ng ______. A. personal na sulatin B. kolaboratibong sulatin C. malikhaing sulatin D. transaksyonal na sulatin

15. Ang kauna-unahang aklat na naipalimbag sa Pilipinas ay ang __________. A. Doctrina Christiana B. Urbana at Felisa C. Nena at Neneng D. Barlaan at Josaphat

16. Ang aklat na naglalarawan ng buhay at pagpapakasakit ni Hesukristo ay __________ A. karagatan B. duplo C. pasyon D. senakulo

17. Ang panunuluyan, salubong at tibag ay ilan lamang sa mga dulang ________. A. pantahanan B. panlansangan C. pangsimbahan D. pantanghalan

18. Ang nagsasalaysay sa tula ay tinatawag na ________. A. tauhan B. kwentista C. mananalaysay D. persona

19. Ang “Krakkk! Krakkk! Krakkk!” sa tula ay tinatawag na ________. A. aliterasyon B. asonansya C. onomatopeya D. tayutay

20. Ang maikling kuwento ay nagtataglay ng isang ________. A. kakintalan B. tugma C. sukat D. onomatopeya

21. Ang tinaguriang Batobalani ng panulaang Tagalog ay si _________. A. Amado V. Hernandez B. Lope K. Santos C. Teodoro Gener D. Fernando Monleon

22. Ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios” ni Rizal ay si ______________. A. Rafael Palma B. Epifanio de los Santos C. Mariano Ponce D. Andres Bonifacio

23. Ang obra maestra ni Aurelio Tolentino ay ang ____________. A. Igorota sa Baguio B. Pinaglahuan C. Sinag sa Karimlan D. Kahapon, Ngayon at Bukas

24. Ang katipunan ng mga tula ni Iñigo Ed. Regalado ay nasa aklat niyang _____________. A. Damdamin B. Puso at Diwa C. Isang Dipang Langit D. Sino Ka? Ako’y Si .. . .

25. Ang sagisag-panulat ni Amado V. Hernandez ay ________. A. Pingkian B. Dimas-Ilaw C. Piping Dilat D. Julio Abril

26. Ang tulang may bilang 5-7-5 na saknong ay tinatawag na ________. A. duplo B. tanaga C. haiku D. malaya

27. Nakilala si Alejandro G. Abadilla sa kanyang tulang _______. A. Isang Dipang langit B. Ako ang Daigdig C. Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan D. Peregrinasyon

28. Kapag inugnay ang kahulugan ng bagong salita sa pamilyar na konsepto at karanasan gayundin ang mga salitang alam na ng mga magaaral, ito’y tinatawag na _________.

A. B. C. D.

integrasyon pakikisangkot interpretasyon holistic

29. Ang mga salitang nakalimbag ay tinatawag sa Ingles na word ________. A. analysis B. desription C. knowledge D. recognition

30. Ang biswal na representasyon ng ugnayan ng mga salita at konsepto ng isang paksa ay makikita sa paggamit ng __________________. A. habing semantika B. etimolohiya C. salitang laro D. komprehensyon

31. Ang pagpapalawak sa kapasidad ng kaisipan na lumilikha ng mga ideya ay tinatawag na __________. A. mapanuring pag-iisip B. malikhaing pag-iisip C. sensitibong pag-iisip D. lubusang pag-iisip

32. Ginagamit sa pagtalakay ng mga isyu at naoorganisa ang mga argumento sa pamamagitan ng __________. A. discussion web B. pamaraang sitwasyunal C. pamaraang pasaklaw D. argumentasyon

33. Ang representasyong biswal ng mga kaalaman na nagbabalangkas sa mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mahahalagang aspeto ng mga konsepto o paksa sa isang hulwaran o disenyo ay t inatawag na __________.

A. B. C. D.

text frames brain storming concept map graphic organizer

34. Ang isang kolaboratibong estratehiya na nagiging eksperto tungkol sa isang bahagi ng teksto ay tinatawag na __________. A. panel discussion B. round table discussion C. Jigsaw D. silent way

35. Karaniwang ginagamit ang unang wika ng mag-aaral sa pamaraang _______________. A. silent way B. pananaw cognitive code C. kakayahang komunikatibo D. grammar translation

36. Ang paraan upang makakuha ng impormasyon na magagamit sa ebalwasyon ay ang ____________. A. pagsasalin B. pagspagsusulit C. pagbabalangkas D. portfolio

37. Mithiin ng 2002 Kurikulum na ang proseso ng pagtuturo at pag-aaral ay _______________. A. integratibo B. interaktibo C. kolaboratibo D. komunikatibo

38. Ang pamaraang nagsisimula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng halimbawa bilang paglalapat ng tuntunin ay ang pamaraang _______________. A. pasaklaw B. pabuod C. pabalak D. konseptwal

39. Sa pamaraang pabuod, hindi kabilang ang hakbang na ________. A. paghahanda B. paglalahad C. paglalahat D. pagpapaliwanag ng tuntunin

40. Ang isang kagamitang nagpapakita ng isang sistematimatikong pamamaraan ng pagtatakda ng lawak ng paksang sasaklawin ay ang _________.

A. talahanayan ng Ispesipikasyon B. individualized instruction C. long range plan D. pagsasalin

MAHABANG PAGSUSULIT

I. Bilugan ang titik ng tamang sagot 1. Ang wika ay balangkas ng masistemang _____. A. letra B. tunog C. simbolo D. salita

2. Ang unang paraan ng pagsulat ay tinatawag na ______. A. alibata B. abakada C. alfabeto D. ortograpya

3. Ang salitang banyuhay ay maihahanay bilang _______. A. likha B. kolokyal C. balbal D. salin

4. Ang apat na makrong kasanayan sa Filipino ay ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa at ______. A. pangangatuwiran B. pagtatalo C. pagsasalaysay D. pagsulat

5. Ang wikang Pilipino ay ibinatay sa _________. A. Tagalog B. Cebuano C. Kastila D. Ingles

6. Ang wikang Filipino ay ibinatay sa iba’t ibang _________. A. salita B. wikain C. tunog D. sintaks

7. Ang /p/, /b/ at /m/ ay ______. A. palabi B. pangngipin C. pangngalangala D. pang-glotal

8. Ang bana ay salitang ______. A. Tagalog B. Bikol C. Hiligaynon D. Cebuano

9. Ang ispeling o palabaybayan ay lalong kilala sa tawag na ______. A. gramatika B. ortograpya C. cognates D. sintaks

10. Kung ang unang wikang natutuhan ay Tagalog, at Ilokano ang pangalawang wika, ang Ingles ay tinatawag na ______ wika. A. unang B. pangalawang C. pangatlong D. katulong na

11. Sa alin mang uri ng pakikipagtalastasan ay nangangailangan ng mabuti at mabisang _________. A. pagpapahayag B. pangungumustahan C. pangungusap D. pakikipag-kapwa

12. Para makabuo ng isang mabisang pangungusap ay kakailanganin ang ________. A. kaisahan B. kakipilan C. pagbibigay-diin D. lahat ng sagot

13. Ang pangungusap na “Pinatay ko ang puno” ay isang uri ng pangungusap na __________. A. naglalarawan B. matalinghaga C. may masidhing damdamin D. may dalawang kahulugan

14. Ang komunikasyon ay prosesong _________. A. transaksyunal B. imahinatibo C. panliteratura D. korespondensya

15. Ang taong maraming alam na wika ay tinatawag na ________. A. linggwista B. polyglot C. informant D. tagasaling-wika

16.Sa pangungusap na “Ang mga guro ay maituturing na mga bayani”, ang simuno o paksa ay _________. A. Ang mga B. Ang mga guro C. ay maituturing na mga bayani D. mga bayani

17.Ang namin ay pang-uring _______.

A. paari B. paukol C. pamatlig D. palagyo

18.Sumali ako sa timpalak sa pag-awit ngunit hindi ako nagwagi dahil nagkamali ako. Ang pandiwang sumali ay nasa aspektong _______.

A. B. C. D.

peropektibo inperpektibo kontemplatibo pangnakaraan

19.Sa pangungusap na “Ikinahihiya ko ang pagkakadulas ko kanina”, ang pokus ay nasa ______.

A. B. C. D.

tagaganap tagatanggap layon sanhi

20. Sa pagbabaybay, hinihiran nang walang pagbabago ang mga simbolong _____. A. panteknikal B. pampanitikan C. pang-agham D. pampalakasan

21. Sa Konstitusyon 1935, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ibinatay sa ____. A. Ingles B. Cebuano C. Kastila D. Tagalog

22. Ang taong maraming alam na wika ay tinatawag na _______________. A. linggwista B. polyglot C. informant D. purista

23. Ang mnorpolohiya ay makaagham na pag-aaral ng ________. A. tunog B. yunit ng salita C. pagbaybay D. pangungusap

24. Sa pangungusap na “Ikaw rin ang maaawa kapag iniwan ka ng kuya,” ang diptonggo ay ____________. A. Ikaw B. maaawa C. iniwan D. kuya

25. Sa pangungusap na “Si Big Boss ang gumawa ng transaksyon kaya narito tayo ngayon,” ang klaster ay _________. A. gumawa B. transaksyon C. narito D. ngayon

PAGSUSULIT SA PANITIKAN

Dungawin mo hirang Ang nananambitan Kahit sulyap mo man lamang Iyong idampulay.

1. Ang awit sa itaas ay isang halimbawa ng awit ng __________. A. pag-ibig B. pakikidigma C. pagpapatulog ng sanggol D. tagumpay

2. Ang Atin Cu Pung Singsing ay isang halimbawa ng ______. A. laro B. bugtong C. awiting-bayan D. sawikain

3. Ang Ibalon ay mahabang epiko ng Bicol na isinalin sa Kastila ni ______. A. P. Jose Cayetano B. P. Arsenio Manuel C. P. Dr. Otley Beyer D. P. Pedro Bukaneg

4. Ang Urbana at Felisa ay isinulat ni ___________. A. P. Modesto de Castro B. B. P. Mariano Pilapil C. P. Gaspar Aquino de Belen D. P. Antonio de Borja

5. Ang isang paligsahan sa tula na ginaganap sa bakuran ng namatayan ay tinatawag __________. A. duplo B. balagtasan C. karagatan D. karilyo

6. Ang Akademya ng Wikang Tagalog ay naganap noong Panahon ng ________. A. Kastila B. Hapon C. Amerikano D. Aktibismo / Bagong Lipunan

7. Ang Lola Basiang ng Panitikang Tagalog ay si ____________. A. Jose Corazon de Jesus B. Valeriano Hernandez Pena C. Inigo Ed. Regalado D. Severino Reyes

8. Ang La India Elegante Y El Negrito Amante ni Balagtas ay isang uri ng ____. A. sainete B. kurido C. duplo D. awit

9. Ang Makata ng Manggagawa ay si _____________.

A. Jose Corazon de Jesus
B. Amado V. Hernandez C. Julian Cruz Balmaceda D. Lope K. Santos

10. Ang Gintong Panahon ng Panitikan ay ang Panahon ng __________. A. Bago Dumating ang mga Kastila B. Hapon C. Batas Militar D. Kasalukuyan

11. Ang “Ang Lumang Aparador” ay isang halimbawa ng ______________. A. Maikling Kuwentong Pambata B. Maikling Kuwento C. Sanaysay D. Tula

12. “Krakkk! Krakkk! Krakkik!” ay isang halimbawa ng __________. A. asonansya B. aliterasyon C. alusyon D. onomatopeya

13. Ang sagisag ni Amado V. Herandez ay ____________. A. Odalager B. Julio Abril C. Kuntil-Butil D. Dimas-Ilaw

14. Ang tulang “Panata sa Kalayaan” ay isa sa mga tula sa librong ___________. A. Puso’t Diwa B. Parnasong Tagalog C. Damdamin D. Isang Dipang Langit

15. Ang “Bataan” ay isang mahabang ___________. A. tula B. nobela C. maikling kuwento D. dula

16. Ang kapana-panabik na bahagi ng maikling kuwento ay ang ____________. A. tunggalian B. simbolo C. pahiwatig D. kasukdulan

17. Naiiba ang maikling kuwento dahil sa taglay nitong ____________. A. diyalogo B. simbolo C. kakintalan D. tunggalian

18. Ang salin sa Filipino ng dulang “Portrait of a Filipino Artist” ay _________. A. Larawan B. Larawang Buhay C. Larawan ng Artista D. Artistang Buhay

19. Ang tinawag na “Reyna ng Bodabil” ay si ___________________. A. Rustica Carpio B. Zenaida Amador C. Atang dela Rama D. Katy dela Cruz

20. Ang “L’Enfant Terrible of Philippine Theatre” ay si __________. A. Hermogenes Ilagan B. Rolando Tinio C. Severino Montano D. Naty Crame-Rogers

21. Ang maikling kuwentong nagwagi ng unang gantimpala noong Panahon ng Hapon ay ang _________________. A. Lupang Tinubuan B. Uhaw ang Tigang na Lupa C. Lungsod, Nayon at Dagat- dagatan D. Kuwento ni Mabuti

22. Ang kauna-unahang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ay si _______. A. Gerry de Leon B. Bienvenido Lumbera C. Virgilio Almario D. Amado V. Hernandez

22. Ang manunulat na nabilanggo dahil sa kanyang makabayang dulang “Ang Tanikalang Ginto” ay si ____________. A. Amado V. Hernandez B. Aurelio Tolentino C. Juan Abad D. Julian Cruz Balmaceda

23. Ang “Napabayaan ang pagsasaka dahil sa sapilitang paggawa” ay matutunghayan sa __________________. A. Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino B. Noli Me Tangere C. El Filibusterismo D. Ang Kapulungan ng mga Bathala

24. Ang nagtatag ng “Iglesia Filipina Independencia” ay si ______________. A. Fernando Canon B. Isabelo delos Reyes C. Epifanio delos Santos D. Pedro Paterno

25. Ang “Ama ng Pahayagan” ay si ______________. A. Graciano Lopez Jaena B. Pedro Paterno C. Pascual Poblete D. Jose Maria Panganiban

26. Ang “Katabay” ay sagisagpanulat ni _______________. A. Apolinario Mabini B. Julian Felipe C. Jose Maria Panganiban D. Jose Palma

27. Ang “Miss Phatuphats” ay maikling kuwentong __________. A. Ilokano B. Kapampangan C. Tagalog D. Cebuano

28. Kung may Balagatsan sa tagalong at Crissotan sa Kapampangan, sa Ilokano ay may ______________. A. Yawyawenan B. Lam-Angan C. Bukanegan D. Benguetan

29. Ang Liwayway noong panahon ng Hapon ay nasa pangangasiwa ng ________. A. Manila Simbun-sya B. Japanese Imperial Army C. Japanese Committee D. Philippines-Japan Treaty

30. Ang isang akdang nanaluktok sa buong daigdig ay ang __________. A. Mahabharata B. Hamlet C. Me Ultimo Adios D. The Old Man and the Sea

MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->