You are on page 1of 15

Mga Tauhan:

• Vilma Santos - Josie (inay nina Carla, Daday at


Michael; asawa ni Rudy)
• Claudine Barretto - Carla (panganay na anak ni
Josie)
• Joel Torre - Rudy (asawa ni Josie)
• Amy Austria - Lyn (matalik na kaibigan ni Josie)
• Cherrie Pie Picache - Mercy (matalik na kaibigan ni
Josie)
• Baron Geisler - Michael (anak na lalaki ni Josie)
• Leandro Munoz - Brian (kasintahan ni Carla)
• Sheila Mae Alvero - Daday (bunsong anak ni Josie)
• Jodi Sta. Maria - Bernadette (nililigawan ni Michael)
• Cris Michelena - Arnel
• Odette Khan - Mrs. Madrid

Buod ng Pelikula:
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina
na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper.
Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga
anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa nya ito
para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang
mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya
ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang
pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa
kanilang paglaki.

Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak


watak ang buhay ng mga anak ni Josie magmula ng
yumao ang kanilang ama na syang kasama nila sa bahay.
Dito nagsimulang masuklam si Carla (Claudine Baretto)
sa kanyang ina. Nagpadala sila ng sulat sa inang nasa
Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang sya'y
umuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat
dahil sya ay kinulong ng kanyang amo sa loob ng
kanilang bahay nang sila'y lumipad sa Estados Unidos ng
isang buwan. Nabasa ni Josie ang sulat pagkaraan ng
isang buwan, ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng
kanyang among umuwi kahit magmakaawa pa siya.

Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa


nya ito dahil itigil na nya ang kanyang trabaho sa Hong
Kong. Nagnanais siyang magtayo ng isang negosyo na
kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan
silang tatlo ng taksi para ipasada sa kalsada. Masaya ang
kanyang pagbalik pagkaraan ng anim na taong
pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang matabang
na pagsalubong ng mga anak. Si Daday, ang bunso, ay
hindi sya kilala. Si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at
walang kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang
ina at iniitsa-pwera lamang.

Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng mga anak sa


pamamagitan ng mga pasalubong. Hindi ito tinanggap ni
Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-unti nakikita ni Josie
ang mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo,
tattoo, paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag
ng bata. Dagdag pa dito ang pagkawala ng iskolarship ni
Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang
mga anak. Nabangga pa ang taksing pinundar ni Josie at
iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos
niya ang perang ibabahagi sana niya.
Sa sunud-sunod na problema ni Josie, gusto na sana
niyang sumuko. Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa
ang alitan ng lumayas i Carla sa bahay at lalong nalulong
sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni
Michael, nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil ang
dami na ng kanyang binabayaran. Dahil dito, napahiya sa
Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya.
Lumayas din si Michael.

Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng


pagkaunti ng kanyang inimpok na salapi para sa kanyang
pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbalik sa
Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong,
napuno si Josie sa pagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang
alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nya ang lahat
lahat ng kanyang nararamdaman sa mga anak. Sa oras
na ito, namulat ang mga mata ni Carla sa katotohanang
sya ang sumira sa buhay niya at wala na siyang
mapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa
pagpapalalo nya sa kanyang bisyo. Ang kanyang paglaki
ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang
nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang
alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni
Josie sa kanila bagama't malayo sya sa kanilang tabi.

Direksyon :

Ang pelikulang ito ay nasa ilalim ng direksyon ni RoryB. Quintos.


Siya ang nanguna sa pagsasaayos ng pelikula upang ito ay
maging maganda at kahanga-hanga ang magiging kinalabasan.

Masasabing mahusay ang direksyon ng pelikula. Mahusay na


naipabatid ng director ang mensahe ng kwento. Mahusay nya ring
nagampanan ang pagiging responsable sa pag gisa ng bawat
tagpo at eksena sa sistema ng audio visual.

Makikita rin na mahusay niyang binigyan ng motibasyon ang mga


gumanap upang maisagawa o maipakita ang isang eksena o
sitwasyon. Ang mahusay na pagtuturo sa mga gumanap ay
mababakas sa kanilang paraan pagdala sa parte ng pelikula.

At ito ang dahilan kung bakit naging kahanga – hanga ang


pelikulang ito.
Istoryang Pampelikula :

Ang istoryang pampelikula ay mahusay. Ang mga pangyayari sa


istorya ay nabigyang - linaw sa pamamagitan ng salaysay,
dayalogo upang palutangin ang istorya.

Gayun pa man, ang takbo ng mga pangyayari sa pelikulang ito ay


madaling hulaan ng mga manonood dahil sa mga takbo ng
pangyayari.
Pagganap:

Masasabing sa kabuuang pagsusuri ay katanggap tanggap ang


pag ganap. Ang pag ganap ng mga artista sa pelikulang ito ay
naisabuhay ng maayos at kahanga-hanga dahil naisabuhay nila
ng maayos ang emosyon at damdamin ng kani kanilang karakter
na ginagampanan.

Madali nilang nabuo ang kani kanilang mga ginanapan, dahil sila
naming lahat ay magagaling at mahuhusay na artista, kahanga
hanga ang mga pag ganap nila sa mga pangyayari o sa bawat
eksena na kani kanilang ginampanan.
Sinematograpiya:

Maayos naman ang sinematograpiya ng pelikula. Ang pag gamit


nila ng mga liwanag at mga ilaw, naaangkop sa bawat eksena ang
mga emosyon , damdamin, at iba pang ginagawa ng bawat
karakter ay umaangkop sa sinematograpiya nito.

Mahusay ang nagawa nilang sinematograpiya.


Disenyong Pamproduksyon:

Naaayon ang set na ginamit sa pelikulang ito. Mahusay ang


kanilang mga disenyo sa set.

Naaayon sa eksena o sitwasyon ang kanilang napiling set, at


lugar na pinagyarihan ng bawat eksena.

Kahanga hanga ang bawat set na kanilang inayos Dahil ang lahat
ay nagmukhang totoo.
Editing:

Ang haba ng istorya ay naaangkop lamang dahil ito ay mayroong


dalawa o dalawa’t kalahating haba ng pagtakbo ng pelikula.

Mahusay ang editing ng istorya dahil kalimitn o halos lahat sa


mga eksena ay mahalaga. Masasabing naisaayos na mabuti ang
pelikula dahil sa pagkakasunod – sunod ng mga eksena nito.
Musikal Iskoring:

Mahusay na nalapatan ng musika ang bawat tagpo sa pelikula.


Kapag ang isang karakter ay umiiyak, masaya, nagagalit, naiirita,
natutuwa. Ang musika ay maayos na nagpapalit palit.

Ang ibang eksena na walang dayalogo ay pinapaganda nalang ng


mga tunog o kaya’y mga iba’t ibang musika na umaangkop sa
eksena na nagpapaganda sa isang sitwasyon o eksena.
Paglalapat ng Tunog:

Ang mga dayalogo ay malinaw at hindi nahuhuli o nauuna sa iba’t


ibang eksena o sitwasyon. Ang mahusay na paglalapat ng tunog
ay makikita sa pelikulang ito dahil sa mabagal at hindi rin naman
mabilis na sumasabay sa mga eksena.

Mahusay na inilapat ang mga tunog sa bawat sitwasyon o eksena,


iba’t ibang eksena man ay nalapatan nla ito ng tunog na
naaangkop sa mga sitwasyon o eksena.

Aral na nakuha sa kwento:


Ang istorya ng pelikula ay angkop sa mga kabataan ngayong ,
kailangan ang mga kabataan ay sumusunod sa mga magulang
dahil hindi naman hinangad ng mga magulang na may
mangyaring nakakasama o magdudulot sa kanilang mga anak sa
kapahamakan.

Ang lagi lang namang gusto ng mga magulang para sa kanilang


mga anak ay sila ay mapabuti at magpunta sa tamang daan, ang
gusto lang ng mga magulang ay ating suklian ang pagmamahal at
pag aaruga na kanilang ibinuhos para sa atin.

Kaya kahit sa pagsunod lamang sa kanila at pagmamahal sa


kanila ng walang hinihinging kapalit ay Masaya na sila. Lagi
nating tandaan alam ng magulag kung ano ang nakabubuti sa
atin.
Talaan ng Nilalaman:

1.Direksyon
2.Istoryang pampelikula
3.Pagganap
4.Sinematograpiya
5.Disenyong Pamproduksyon
6.Editing
7.Musikal Iskoring
8.Paglalapat ng Tunog
9.Buod ng Kwento
10.Aral na nakuha sa kwento

You might also like