P. 1
Mga Sinaunang Tao Sa Pilipinas

Mga Sinaunang Tao Sa Pilipinas

3.91

|Views: 247,823|Likes:
Published by Floralyn_Valer_5101

More info:

Published by: Floralyn_Valer_5101 on Mar 10, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

08/19/2015

pdf

text

original

MGA SINAUNANG TAO SA PILIPINAS

1. Ayon sa teorya ni Propesor H. Otley Beyer, isang Amerikanong antropologo, na nagsasabi na ang mga Pilipino ay nagmula sa tatlong pangkat ng tao na dumating sa Pilipinas mula sa iba’t ibang panig ng Asya. Ang unang pangkat ay ang mga Negrito o Ita

Galing sila sa Borneo at naglakad sa mga tulay na lupa. Nagtungo sila sa Palawan, Mindoro at sa ilang bahagi ng Mindanao. Pandak at maitim ang mga Negrito. Pango ang ilong at makapal ang kanilang labi. Kulot na kulot ang itim nilang buhok. Pagala-gala sila upang humanap ng pagkain tulad ng prutas at halamang-ugat. Nabubuhay sila sa pangingisda gamit ang kanilang sumpit, busog at pana, at mga kagamitang yari sa bato.

Ang ikalawang pangkat ay ang mga Indones

Dumating sila sa kapuluan sakay ng mga bangka. Sinasabing may dalawang pangkat ng mga Indones na dumating. Ang unang pangkat ay kayumanggi at matatangkad. Mayroon silang maninipis na labi at balingkinitang pangangatawan. Nabuhay sila sa pangingisda at pagkakaingin. Ang ikalawang pangkat ng mga Indones ay sinasabing nagmula sa South China at Indochina. Maiitim sila, pango ang ilong at makakapal ang labi. Matipuno ang kanilang katawan. Nabuhay sila pagtatanim ng palay at mga halamang-ugat at sa Pangingisda. Gawa sa kahoy at kugon ang kanilang tirahan.

Ang pangatlong pangkat ay mga Malay

Sakay sila ng bangka na tinawag na balangay. Dumaong sila sa Luzon, Visayas at Mindanao. May sariling silang pamahalaan at batas. May kaalaman sila sa sining,musika, at agham. Nabuhay sila sa pagsasaka, pagmimina, pangingisda, at pagpapanday at paggawa ng mg kagamitang yari sa bakal.

2. Ayon sa teorya ni F. Landa Jocano, isang Pilipinong antropologo, ang mga labi ng mga sinaunang taong nahukay ay nagpapatunay na hindi lamang sa Pilipinas nagtungo ang mga Negrito kundi pati na rin sa Papua New Guinea, Java, Borneo, at Australia.

Sila ang tinatawag na Taong Tabon na nadiskubre sa Kweba ng Tabon sa Palawan noong 1962. Sinasabing ang Taong tabon ay nakakatulad ng Taong Java na natagpuan sa Indonesia.

3. Iba pang teorya. May ilang pangkat din ng antropologo na
naniniwala na ang lahing Pilipino ay mula sa Austronesian na galling sa South China. Ang mga Austronesian ay pinaniniwalaang pinaghalong lahing Mongoloid o taong madilaw at Australoid o taong maitim.

Ang mga Austronesian ay may maunlad na kaalaman sa agrikultura at paglalayag. Marunong silang gumawa ng mga kagamitan na gawa sa luwad tulad ng palayok at tapayan.

LARAWAN NG MGA SINAUNANG BAHAY SA PILIPINAS

Isa sa mga yungib sa Tabon, Palawan, paulit-ulit na tinitirhan ng iba’t ibang pangkat ng mga unang tao sa Pilipinas simula 24,000 taon, maaaring higit pa, sa nakaraan.

Sa mga ilonggo’t kalinga, ang kanilang bahay ay nasa itaas ng mga punungkahoy.

Ang mga Samal ay nagtatayo ng mga tirahan sa mababaw na bahagi ng dagat. Matataas na kawayan ang haligi nito upang hindi abutin ng tubig-dagat ang sahig kung tumataas ang tubig-dagat.

Ang mga Ifugao ay nakatira sa bahay na yari sa kahoy at pawid at nakaangat sa lupa. Wala itong bintana. May hagdan ito na yari sa kahoy. Inaalis ito kung sila ay matutulog o kaya ay aalis ng bahay.

Ang mga Badjao ay nakatira sa mga bangkang bahay.

MGA UNANG DAYUHANG SUMAKOP SA PILIPINAS

FERDINAND MAGELLAN

PAGDATING NG BANSANG ESPAÑA
Ang mga Español ang naunang dumating sa bansa. Ito ay pinangunahan ng Portuges na si Ferndinand Magellan. Sa kanyang ekspedisyon , nakarating siya sa Pilipinas noong Marso 16, 1521. Nakipagsanduguan si Magellan kay Raja Humabon na isang pinuno sa Cebu. Bininyagan si Haring Humabon at kanyang asawa at tinawag silang Carlos at Juana bilang parangal sa ina ni Haring carlos na si Reyna Juana. Pagkatapos ng binyag, isang imahen ng Sto. Niño ang ibinigay ni Magellan kay Juana. Ang imahen ng Sto.Niño ay matatagpuan pa rin sa simbahan ng mga Agostino sa Cebu.

Sa Limasawa naganap ang unang misa noong Marso 31, 1521.

Ang sanduguan ay tanda ng pagkakaibigan at pagkakapatiran.

Ito ang larawan kung saan matatagpuan ang krus na itinayo ni Magellan sa Cebu.

Ngunit napatay ng pangkat ni Lapu-lapu, isang pinuno sa Mactan, si Magellan noong Abril 27, 1521 sapagkat ayaw kilalanin ni Lapu-lapu ang kapangyarihan ng mga Español . Kaagad na umurong ang mga Europeo pabalik sa Spain. Ang matagumpay na paglalayag ni Magellan ay naging hudyat sa Spain na magpadala ng iba pang ekspedisyon sa Pilipinas. Ang ekspedisyong Villalobos ang nagbigay ng pangalang Felipinas sa kapuluan bilang parangal kay Prinsipe Felipe ng Asturias. Ang ekspedisyong Legaspi ay nakipagsanduguan din sa mga tagaCebu. Itinatag niyang Lungsod ng Kabanal-banalang pangalan ni Jesus bilang parangal sa patrong Niño Jesus. Sumunod na itinatag ni Legazpi ang pamayanan ng Maynila at sumailalim ito sa pamumuno ng Spain noong Hunyo 24, 1571. Sinakop ng Espanya ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Malaki ang naging impluwensiya ng Español sa iba’t ibang aspeto ng kulturang Pilipino sa kasalukuyan. Una na dito ay ang Kristiyanismo at iba’t ibang ritwal, tradisyon o kaugalian. Itinuro ang mga sakramentong simbahan,at pista sa mga bayan at lalawigan.

Pista ng Moriones

Pista ng Pahiyas

Nagtayo sila ng mga paaralan at kolehiyo. Ang mga prayle ang naging guro at pinalaganap nila ang pananampalatayang kristiyano.

University of Santo Tomas Ang estilong Baroque ay makikita sa mga simbahang ipinatayo ng mga pari. Ito ay makikita din sa mga kumbento, paaralan at iba pang gusali.

Mga bahay sa Vigan, Ilocos Sur

Fort Santiago sa Intramuros, Manila

Natuto rin ng iba’ ibang libangan ang mga Pilipino tulad ng baraha, sabong, karera ng kabayo, loterya at cara y cruz. Nagtatag sila ng mga parokya sa sa mga bayan at lalawigan na pinamumunuan ng isang pari. Nabuo ang mga barangay, bayan at lalawigan. Ang kristiyanismo ay hindi lubusang lumaganap sa buong kapuluan dahil sa lupain ng mga Muslim, nagkaroon ng paghihimagsik na tinatawag na “Digmaan ng mga Moro” laban sa mga espanyol.

PAGDATING NG MGA AMERIKANO
Naputol ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas dahil sa digmaaang namagitan sa mga Español at Amerikano. Sa pamumuno ni Commodore George Dewey, at sa tulong ni hen. Emilio Aguinaldo, nilusob ng mga Amerikano ang plota ng mga Español sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898. Nanalo ang mga Amerikano at nagwakas ang pamamahala ng mga Español sa Pilipinas.

Digmaan ng Amerika at España

HEN. EMILIO AGUINALDO

COMMODORE GEORGE DEWEY

Sa ginawang kasunduan sa Paris na nagsuko sa Pilipinas sa United States, sumama ang ugnayang Pilipino at Amerikano.

Kasunduan sa Paris o Treaty of Paris

Isa sa mahalagang naiwan ng mga Amerikano sa mga Pilipino ay ang sistema ng edukasyong pampubliko. Ang mga sundalong amerikano ang naging unang guro sa bansa. Kilala sila sa tawag na Thomasites. Itinuro ng mga Amerikano ang paraang demokratiko. Nakilala ng mga Pilipino ang mga pangkat-pampulitika, halalan,plebisito, at reperendum. Nagpatayo ang pamahalaan ng mga pagamutan at klinika. kawanihan ng Kalusugan. Itinatag din ang

Philippine General Hospital Ipinakilala ng mga Amerikano bansa.

Mercedes Benz ang Protestantismo bilang bagong relihiyon sa

Nagpagawa ng mga daan at tulay ang mga Amerikano para sa pagpapabuti ng transportasyon at komunikasyon. Nagkaroon din ng linya ng telepono at wireless telegram sa bansa. Nagkaroon din ng radio at serbisyong pangkoreo.

PAGDATING NG MGA HAPONES
Noong Disyembre 7, 1941, sinalakay ng mga Hapones ang Pearl harbor sa Hawaii. Bunga nito,sumiklab ang digmaan sa pagitan ng japan at United States of America. Nang sumunod na araw, nilusob din ng mga Hapones ang Pilipinas. Inilipat sa Corregidor ang pamahalaang Komonwelt. Buhat doon tumakas sina heneral Douglas Mac Arthur at Pangulong Manuel Quezon. Iniwan ni Quezon ang pamamahala ng Maynila kay Jorge B. Vargas, ang kalihim na tagapagpaganap. Kay Jose P. Laurel, Sr. naman ipinagkatiwala ni Quezon ang buong bansa. Sinakop ng mga Hapones ang Maynila at ang buong bansa noong Enero 2,1942.

Hen. Douglas Mac Arthur

Manuel L. Quezon

Jose P. Laurel

Tuluyang nasakop ng mga Hapones ang bansa nang bumagsak ang Corregidor sa kanilang kamay noong Mayo 6, 1942.

Digmaan sa Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941

Nalagay sa panganib ana buhay ng mga Pilipino noong panahon ng digmaan. Lagi silang takot dahil sa mga labanan at sa kawalan ng kalayaan. Nahirapan ang mga Pilipino noong panahon ng Hapones subalit natuto silang umangkop sa sitwasyon. Umisip sila ng iba’t ibang paraan para mabuhay. Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones, sumigla ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Maituturing na Gintong Panahon ng wikang Filipino ang ginamit na opisyal na wika ng bansa, panturo ng kasaysayan ng Pilipinas at kabutihang-asal.

PROYEKTO SA HEKASI
Mga sinaunang tao sa Pilipinas Mga sinaunang bahay sa Pilipinas Mga unang dayuhan na sumakop sa Pilipinas

Ipinasa ni:

ENRICO MIGUEL V. RAÑOCO
Grade IV- tanguile

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->