You are on page 1of 20

Dapat Bang

Mamalo?
Isang Praymer tungkol sa Panukalang
“Anti-Corporal Punishment Act of 2008”
Dapat Bang Mamalo?
Isang Praymer tungkol sa Panukalang
“Anti-Corporal Punishment Act of 2008”
March 2009

A publication developed by the Philippine Legislators’ Committee


on Population and Development Foundation, Inc. (PLCPD)
for the Child Rights Network (CRN)
with support from Plan International.

2/F AVECSS Building, #90 Kamias Road. cor. K-J Street,


East Kamias, Quezon City 1102, Philippines
Tel. nos.: (+632)925-1800 • (+632)436-2373
E-mail: plcpdfound@plcpd.org.ph
Website: http://www.plcpd.org.ph

Writer: Carlos O. Tulali


Executive Director: Ramon San Pascual, MPH
Editors: Liberty L. Chee, Ernesto Almocera, Jr., Romeo C. Dongeto
Layout: Dodie Lucas
Panimula
Ayon sa United Nations Committee on the
Rights of the Child, ang “corporal punishment” ay
pagpaparusang gumagamit ng pisikal na puwersa at
naglalayong makapanakit, gaano man ito kahina.i

Ipinakikita ng mga pag-aaral at survey na karaniwang


gumagamit ng corporal punishment ang mga magulang
dito sa Pilipinas upang disiplinahin at parusahan ang
kanilang mga anak. Kabilang dito ang pamamalo gamit ang kamay o
ibang bagay, pamimingot, pananabunot, pananampal o pambabatok,
pagsisilid sa sako, at/o pag-aalog sa bata.ii Nakararanas din ang mga
batang Pilipino ng banta ng pananakit at panghihiya tulad ng kung
sila ay sinisigawan sa harap ng ibang tao, binabansagan o kinukutya,
at minamaliit.iii Ayon din sa nabanggit na UN Committee, maituturing
ding corporal punishment ang iba pang uri ng parusa na hindi man
gumagamit ng pisikal na puwersa o tuwirang nakakapanakit sa
katawan ay kasing-lupit din nito at nakababawas din sa dignidad.
Kabilang dito ang mga “parusang nagdudulot ng pagkapahiya,
panliliit, pagkawala ng dignidad, o mga parusang nagbabanta,
nananakot o nang-iinsulto sa bata.”

Ipinakikita rin ng resulta ng mga pananaliksik na hindi mabisang


paraan ng pagdidisiplina sa mga bata ang corporal punishment,
maging anuman ang edad nila. Kadalasan itong nagdudulot sa mga
bata ng galit, sama ng loob, at kawalan ng tiwala sa sarili.iv Itinuturo rin
nito sa bata na katanggap-tanggap ang paggamit ng dahas at ito ay
nakapagbibigay-solusyon sa mga suliranin. Samakatwid, lumalaganap
ang corporal punishment dahil sa paggaya ng mga bata
sa nakikita nilang ginagawa ng mga matatanda.v Bagamat
inaamin ng mga magulang na nagsisisi o nakukunsensya sila
sa pagpaparusa nila sa kanilang anak, ito lamang diumano
ang tangi nilang alam na paraan ng pagdidisiplina
sa mga bata sapagkat ito ang kanilang natutunan mula
sa sarili nilang mga magulang at mga lolo at lola. Ayon din sa
mga magulang, kailangan nila ng mga alternatibong paraan ng
pagdidisiplina sa mga bata na positibo at hindi gumagamit ng
dahas o kalupitan.vi
Layunin ng praymer na ito na ipaabot ang saklaw at epekto ng
corporal punishment, ang mga kakulangan at limitasyon ng mga
batas at polisiya hinggil sa pagdidisiplina at pagpaparusa sa
mga bata, at ang mga alternatibong solusyon sa polisiya upang
matugunan ang isyu ng corporal punishment sa mga batang
Pilipino.vii

1. Gaano kalaganap ang corporal


punishment sa Pilipinas?
Laganap ang corporal punishment sa
bansa. Ipinakikita ng mga resulta ng
pananaliksik sa mga batang Pilipinong
dumanas ng pang-aabuso na ang mga
pinakamalalalang kaso ng pagmamalupit
ay isinagawa mismo ng kanilang mga
magulang sa ngalan ng pagdidisiplina.
Kabilang dito ang pamamalo, pananakit
o pambubugbog (tulad ng paggamit ng
kahoy, sinturon, bat o walis, madalas na
pananakit, pananampal, at pamamaso ng
plantsa), pagsesermon sa bata kahit na
ito’y walang maling nagawa, panghihiya sa
bata sa harap ng maraming tao, paninigaw at pagmumura sa
bata.viii

Ayon naman sa survey na isinagawa ng Save the Children sa


Pilipinas, 85% ng mga bata ang nagsabing sila ay pinarusahan
sa loob ng kanilang tahanan at 82% ang nagsabing sinaktan sila
sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Sa mga lugar naman na sakop
ng UNICEF Philippines country programme, 60 porsyento ng
mga kababaihan (3.6 milyon) ang nagsabing gumamit sila ng isa
o higit pang parusa—maging pananakit man sa katawan o sa
isipan—upang disiplinahin ang kanilang mga anak. Sa partikular, 13
porsyento ang nagsabing sinaktan nila ng matindi ang katawan ng
kanilang mga anak bilang parusa.ix

4 To Spank or not to Spank


2. What are the effects of corporal
punishment on children?
Ipinakikita ng mga resulta ng maraming pag-aaral sa iba’t-
ibang bahagi ng mundo ang mga negatibong epekto ng
corporal punishment. Ilan dito ang mga sumusunod:x

* Paglala ng kalupitan: dahil sa halos walang bisa ang mahihinang


pananakit o pagpaparusa sa mga sanggol, kadalasang tumitindi
ang antas ng kalupitan o pananakit habang ang bata ay lumalaki.
Ang dating tapik lamang ay nagiging palo, at sa kalaunan ay
nauuwi ito sa pambubugbog.

* Paglaganap ng karahasan: Ang anumang uri ng corporal


punishment ay may hatid na mensaheng katanggap-tanggap
ang karahasan bilang sagot sa hidwaan, di-pagkakaunawaan, o di
kanais-nais na gawi.

* Psychological damage: May malubhang epekto ang corporal


punishment sa kaisipan ng mga bata. Ipinakita ng resulta ng isang
survey sa mga Pilipinong mag-aaral ang katibayan na nakararanas
ang mga mag-aaral na Pilipino, laluna iyong mga adolescents, ng
kalupitan sa pamamagitan ng masasakit na salita, panghihiya, at
iba pang anyo ng kalupitan sa isip ng mga bata. Ipinakita rin ng
nasabing survey na hindi man nakapananakit sa katawan, ang mga
parusang ito ay may mga masasamang epekto rin sa mga bata tulad
ng pagkawala ng kanilang tiwala sa sarili, matinding panlulumbay o
depresyon, galit na wala sa lugar, at pagiging agresibo.xi

* Pagyurak sa karapatan ng mga bata: Niyuyurakan ng corporal


punishment ang karapatan ng mga bata upang mabuhay ng may
dignidad at pisikal na integridad, ayon sa nakasaad sa United
Nations Convention on the Rights of the
Child. Nang pinagtibay ng pamahalaan ang
nasabing Convention noong 1990, pumaloob
ang Pilipinas sa kasunduang igalang,
ipagtanggol, at itaguyod ang karapatan ng
mga bata sa pamamagitan ng mga polisiya at
batas, angkop na mga programa at serbisyo, at
mga alituntunin sa korte (judicial measures).

A Primer on the Proposed Anti-Corporal Punishment Act of 2008 5


3. Ano ang maituturing na corporal
punishment?
Kabilang sa corporal punishment ang mga parusang nakapananakit
o iyong nakababawas sa dignidad ng bata tulad ng, subalit hindi
limitado lamang, sa mga sumusunod:

* Pananakit saan mang parte ng katawan ng bata tulad ng


pamamalo, paninipa, pambubugbog, pananampal; wala man
o mayroong gamit na instrumento tulad ng tungkod o baston,
tsinelas, walis, dos-por-dos o patpat, latigo o sinturon.

* Pangungurot; pamimingot o pananabunot; pag-alog; pagpilipit


ng mga kasu-kasuan; paggupit ng buhok o pangangalbo;
paghiwa o panunusok ng balat; pagbuhat, pagkaladkad, o
paghahagis sa bata;

* Pamumuwersa sa bata, sa pamamagitan ng paggamit ng


awtoridad o pananakot, na magsagawa ng mga bagay na
nakasasakit sa kanila tulad ng pagbuhat ng mabibigat na bagay
ng matagal; pagpapaluhod sa bato o asin; pagpapa-squat;
pagpapatayo o pagpapa-upo sa mahirap na posisyon;

* Sadyang pagbabalewala sa mga pangangailangang pisikal ng


bata bilang parusa;

* Paggamit ng mga nakapapaso o nagyeyelong mga bagay, tubig,


usok, sili, alkohol, dumi, o ihi;

* Pagpapataw ng mga
mapanganib na gawain
bilang parusa o upang
madisiplina ang bata,
kabilang dito ang
pagpapagawa ng mabibigat
na gawain na higit sa lakas o
kakayahan ng bata o iyong
mga gawaing maglalapit sa
kanya sa mga mapanganib
na bagay.

6 To Spank or not to Spank


* Pagkulong sa bata, pagsilid sa maliit na espasyo o sisidlan,
pagtali, o pagpwersa sa bata na manatili ng matagal sa iisang
lugar.

* Anumang kalupitang ipapataw sa katawan ng bata bilang parusa


o sa ngalan ng pagdidisiplina na naglalayong makapanakit;

* Pang-aaway, pagbabanta o pananakot;

* Pang-aabuso sa pamamagitan ng mga masasakit na salita,


panenermon, paninigaw, pagmumura o panghihiya;

* Pinagmumukhang tanga ang isang bata sa harap ng kapwa bata


o ng ibang tao;

* Iba pang mga gawain o pananalita na nagdudulot ng panliliit,


pagkapahiya, paninisi, o pagbalewala sa bata.

4. May iba pa bang paraan ng


pagdidisiplina sa mga bata na
hindi gumagamit ng coporal
punishment?
Mayroon. Mas epektibo ang positibo
at hindi marahas na paraan ng
pagdidisiplina sa mga bata. Dapat
itong ipinalalaganap ng pamahalaan
sa mga tahanan, paaralan, sa mga
institusyon, sa mga alternative care
systems, sa mga opisina o pagawaan,
at iba pang sitwasyon. Dapat na
magtayo ng mga karampatang
istruktura at mekanismo ang
pamahalaan, at magtalaga ng mga
rekurso upang maipatupad ito.

A Primer on the Proposed Anti-Corporal Punishment Act of 2008 7


5. Ano ang positibong
pagdidisiplina o positive
discipline?
Ang “positive discipline” ay isang pamamaraan para sa mga
magulang ng pagtuturo at paggabay sa mga bata na gumagalang
sa kanilang karapatan sa maayos na pagkahubog, sa pagiging ligtas
sa karahasan at sa paglahok sa proseso ng pagkatuto. Ang positive
discipline ay hindi nangangahulugan ng pagiging maluwag. Hindi
rin ito pagpapataw ng parusa. Ito ay pangmatagalang solusyon sa
paghubog sa mga bata upang sila ay magkaroon ng kakayahang
disiplinahin ang kanilang mga sarili. Ang positive dicipline ay tungkol
sa pagtuturo ng pagsupil sa karahasan, pakikiramay o pakikiisa
sa nararamdaman ng iba, paggalang sa karapatang pantao, at
pagrespeto sa sarili at sa kapwa.

6. Paano isasabuhay ng mga


magulang o guro ang positive
discipline?
May apat na bahagi ang positive discipline na maaaring isabuhay
ng mga magulang, mga kumukupkop sa bata, guro, at iba pang mga
tagapag-alaga ng bata. Ito ay ang mga sumusunod:

a) pagtukoy sa pangmatagalang adhikain sa pagpapalaki sa bata


(ang mga magulang ay mag-iisip ng gusto nilang maabot
para sa kaunlaran ng kanilang anak at kung anu-anong mga
pagpahahalaga at mga
kakayahan sa buhay ang nais
nilang matutunan ng kanilang
anak);

b) pagbibigay ng pagmamahal at
istruktura (ang mga magulang
ay mag-iisip kung paano
sila makapagpapamalas ng
pagmamahal, pag-aaruga

8 To Spank or not to Spank


at pagsuporta sa kanilang mga anak habang sila ay nagbibigay
ng mahalagang impormasyon at malinaw na alituntunin at
hangganan para sa magiging asal ng mga bata).

c) pag-unawa kung paano mag-isip at makadama ang mga bata


(nauunawaan ng mga magulang ang iba’t-ibang antas ng pag-
unlad ng bata, kung paano mag-isip at makadama ang mga bata
sa bawat edad, at kung bakit ganoon ang kanilang mga gawi); at

d) paglutas sa mga suliranin (nauunawaan ng mga magulang ang


karaniwang gawi ng mga bata sa iba’t-ibang edad; natutukoy
at nakapagsasagawa ang mga magulang ng mga epektibong
pamamaraan ng paglutas sa mga suliranin habang binibigyang
pansin kung ano ang matututunan ng mga bata mula dito).xii

Ang mga sumusunod ay ilan pang mga istratehiya na maaaring


makapagturo sa mga bata ng mga positibong gawi:

* Regular na paglalaan ng positibong atensyon na tinatawag ding


“quality time” o “special bonding moments” (mahalaga para sa
lahat ng bata ang mga ganitong pagkakataon para sa positibong
komunikasyon);

* Matamang pakikinig sa mga bata at pagtuturo sa kanila na


gumamit ng mga salitang magpapahayag ng kanilang damdamin;

* Pagbibigay sa mga bata ng pagkakataon upang makagawa ng


desisyon kung may angkop na mapagpipilian at pagtulong sa
kanila na matutunang timbangin ang maaaring kahinatnan ng
kanilang mga desisyon;

* Pagpapatibay sa
mga umuusbong na
mabubuting gawi o pag-
uugali ng mga bata sa
pamamagitan ng madalas
na pagpuri sa kanila at
pagpapalampas sa maliliit
nilang pagkakamali;

A Primer on the Proposed Anti-Corporal Punishment Act of 2008 9


* Pagpapamalas sa mga bata ng mga tamang gawi, magalang na
pakikipagtalastasan, at mga istratehiya sa pag-aayos ng mga
alitan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan.xiii

7. Ano ang mga batas na may


kaugnayan sa pagdidisiplina
at pagpaparusa sa mga bata sa
kasalukuyan?
Marami nang polisiya ang naisabatas sa bansa upang mapangalagaan
ang mga bata laban sa iba’t-ibang anyo ng pang-aabuso at karahasan,
gayundin ang mga batas na may kinalaman sa pagdidisiplina. Kabilang
dito ang Republic Act 7610 o “Special Protection of Children against
Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act,” Revised Penal
Code (RA 3815), Child and Youth Welfare Code (PD 603), at Family
Code of the Philippines (Executive Order 209).

8. Sapat na ba ang mga batas na


ito upang mapangalagaan ang
mga bata laban sa corporal
punishment?
Hindi pa sapat ang mga batas
na ito sapagkat hindi malinaw na
nakasaad sa mga nasabing batas
ang pagbabawal sa corporal
punishment laluna sa loob ng
tahanan o pamilya, maliban na
lamang kung patungkol sa mga
batang “in conflict with the law”
o mga batang lumabag sa batas
sapagkat ang mga batang ito’y
protektado na ngayon sa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act
na naisabatas noong 2006.

10 To Spank or not to Spank


Bagamat may mga batas tulad ng RA 7610 o Special Protection
Act for Filipino Children na pinagtibay upang maipatupad ang UN
Convention on the Rights of the Child, at ng Family Courts Law, hindi
malinaw ang sinasabi ng mga ito hinggil sa pagpapataw ng corporal
punishment. Bagkus, pinahihintulutan pa nga ng mga nasabing
batas ang corporal punishment hangga’t ito ay “makatarungan at
katanggap-tanggap (just and reasonable)” at “katamtaman lamang
(moderate in degree).” Gayundin, ang binibigyang-pansin lamang
ng mga batas sa kasalukuyan ay ang mga anyo ng kaparusahan na
matitindi at nagdudulot ng malubhang pinsala sa katawan o pag-iisip.

Kung mananatiling hindi malinaw na nakasaad sa batas ang


pagbabawal sa corporal punishment sa mga bata ay patuloy na hindi
mapapangalagaan ang mga bata laban sa karahasan, ‘di tulad ng
pangangalaga ng batas sa mga nakatatanda.

Ipinagbabawal ng RA 7610 ang ‘pananakit


sa katawan o sa isipan, pagmamalupit, o
pagpapabaya, sekswal na pang-aabuso o
eksploytasyon ng bata.’ Ang pagmamalupit ay
nangangahulugan ng ‘anumang salita o gawa
na nakabababa sa pagpapahalaga sa sarili at
dignidad ng bata bilang isang tao’. Samantala, sa
Implementing Rules and Regulations ng RA 7610
ay nakasaad ang kahulugan ng ilang terminolohiya
sa loob ng konteksto ng ating mga batas. Ang
pisikal na pang-aabuso ay kasama sa kahulugan
ng kalupitan at pisikal na pananakit. Nakasaad dito
na “ang pagdidisiplina sa bata ng isang magulang
o legal na tagapag-alaga ay hindi ituturing na
kalupitan kung ito ay isinagawa sa isang paraang
katanggap-tanggap at katamtaman lamang, at
hindi nakapagdulot ng pinsala sa katawan o sa
isipan.” Ayon sa ganitong kahulugan, kung ano
ang “katanggap-tanggap” at “katamtaman” ay
nakasalalay sa kung paano nagtitimbang ang isang
indibidwal ayon sa kanyang mga pagpapahalaga,
paniniwala, at karanasan.

A Primer on the Proposed Anti-Corporal Punishment Act of 2008 11


9. Mayroon bang nakahaing
panukalang batas sa Kongreso
na nagbabawal sa corporal
punishment at nagsusulong ng
positive discipline?
Mayroong mga panukalang batas na nakahain sa ika-14 na Kongreso
na nagbabawal sa corporal punishment at nagsusulong ng positibo at
di-marahas na paraan ng pagdidisiplina. Ang mga ito ay ang “Anti-
Corporal Punishment Act of 2008” na inihain ni Senador Manny Villar
sa Senado at ni Representative Monica Louise Prieto-Teodoro sa
Mababang Kapulungan.

Samantala, isa pang panukalang


batas, ang Senate Bill No. 1947 na may
titulong “An Act Amending Article
218, Article 220 and Article 223 of the
Family Code to Prohibit All Forms of
Corporal Punishment,” ay inihain sa
Senado ni Senador Miriam Defensor-
Santiago.

10. Ano ang Anti-Corporal


Punishment Act of 2008?
Ang panukalang Anti-Corporal Punishment Act of 2008 ay
tumutukoy sa House Bill 682 na may titulong “An Act Prohibiting
All Corporal Punishment and Other Forms of Humiliating or
Degrading Punishment of Children and Promoting Positive and Non-
Violent Discipline of Children.”

Layunin ng panukalang batas na ito na palakasin ang mga batas,


polisiya at programa upang igalang ang karapatan ng mga bata,
dignidad, pisikal na integridad at patas na pangangalaga sa ilalim ng
batas alinsunod sa mga obligasyon ng Pilipinas sa UN Convention
on the Rights of the Child. Partikular na nakasaad at ipinagbabawal
12 To Spank or not to Spank
sa panukalang batas na ito ang lahat ng anyo ng mga kaparusahang
pisikal at iyong mga nakababawas sa dignidad ng bata maging sa
loob ng tahanan, paaralan, institusyon at alternative care systems at sa
lahat ng sitwasyon.

11. Paano mapapangalagaan ang


mga bata laban sa corporal
punishment?
Kabilang sa mga hakbang para dito ang mga epektibong
pamamaraan sa pagtatatag ng mga programa upang
mabigyan ng kinakailangang suporta ang mga bata at ang
mga nangangalaga sa kanila, gayundin ang
iba pang pamamaraan upang maiwasan
ang coporal punishment at upang matukoy,
mai-report, mai-refer, maimbestigahan,
mabigyang-lunas, at masundan ang mga
kaso ng pagmamaltrato sa mga bata, at kung
kinakailangan, ang pagsulong ng mga legal
na hakbang.

12. Sino ang maaaring managot


sa ilalim ng Anti-Corporal
Punishment Law?
Sa ilalim ng Anti-Corporal Punishment Law ay
ipinagbabawal ang mga sumsusunod na magpataw
ng anumang anyo ng corporal punishment sa mga
bata o mga parusang nakabababa sa kanilang dignidad:
mga magulang, yaya, kasambahay at tagapag-alaga, ikalawang mga
magulang, guardian, mga kamag-anak na kumukupkop sa bata, o
sinumang may responsibilidad sa bata ayon sa batas, kabilang dito

A Primer on the Proposed Anti-Corporal Punishment Act of 2008 13


ang mga taong may special o substitute parental authority, mga guro,
instructor, at mga opisyal at tagapangasiwa ng mga pampubliko
at pribadong paaralan at vocational institution, mga employer at
superbisor, service provider, mga pari, madre, pastor, at iba pang
miyembro ng mga kongregasyon o simbahan o sinumang nag-aalaga
sa bata.

13. Anong mga hakbang


ang isasagawa laban sa mga
nagpapataw ng corporal
punishment?
Mananagot ang mga lalabag ayon sa batas, hanggat ang kaparusahan
ay ipapataw sa maximum period, maliban na lamang kung mayroong
mas mataas na kaparusahanng nararapat ayon sa RA No. 3815 o
Revised Penal Code, RA 7610 o Special Protection of Children
against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act, o RA 9262
o Anti-Violence against Women and their Children Act”; gayundin,
kung ang nasabing paglabag ay walang kaparusahan sa ilalim ng mga
nabanggit na batas, ang pinakamahabang kaparusahan ay arresto
mayor (isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan).

Ano ang mangyayari sa akusado kapag ang kaparusahang maaring


ipataw sa paglabag ay arresto menor (isa hanggang 30 araw) lamang
o arresto mayor?

Maaaring ituro ng piskal ang akusado


sa local social welfare and development
office para mapag-aralan ang karapat-
dapat na aksyon; kung hindi pa
naakusahan kailanman ang lumabag sa
ilalim ng nasabing batas (Anti-Corporal
Punishment Law). Kabilang sa mga
hakbang na gaagawin ang pagpapadalo
sa mga seminar sa karapatan ng mga bata
at sa positibo at hindi marahas na paraan
ng pagdidisiplina sa mga bata, counseling,
anger management, at pagtuturo sa iba
pang serbisyong rehabilitative.

14 To Spank or not to Spank


Ano ang kaparusahan sa isang magulang o taong may parental
authority na magpapataw ng corporal punishment sa bata?

Maaaring suspendihin ng korte ang parental authority ayon sa


Executive Order 209, as amended, o ang “Family Code of the
Philippines.”

14. Sino ang maaring maghain ng


reklamo?
Ang mga sumusunod ay maaaring maghain ng
reklamo hinggil sa mga kaso ng corporal punishment o
kaparusahang nakababawas sa dignidad ng bata:

* Ang biktima o offended party (ang bata)


* mga magulang o tagapag-alaga
* ninuno o nakatatandang kamag-anak (within the third degree of
consanguinity or affinity)
* opisyal, social worker o kinatawan ng isang lisensyadong child-
caring institution
* opisyal o social worker ng DSWD o ng local social welfare and
development office
* mga pulis, laluna yaong nangangasiwa sa Women and Children’s
Desk
* punong barangay o kagawad
* guro
* NGO worker
* Health provider
* Nagtatrabaho sa day care
* O hindi bababa sa dalawang
indibidwal na nagmula sa
lugar kung saan naganap
ang paglabag at may
personal na kaalaman sa
pangyayari.

A Primer on the Proposed Anti-Corporal Punishment Act of 2008 15


15.Paano mapangangalagaan
laban sa reklamong legal o
administratibo ang isang taong
namamagitan para sa bata?
Sa bawat isang kaso ng corporal
punishment o kaparusahang
nakababawas sa dignidad
ng bata, ang sinumang
nagmagandang loob na
mamagitan o umaksyon na
hindi gumagamit ng karahasan
upang masiguro ang kaligtasan
ng biktima ay ligtas sa anumang
kaparusahang kriminal, sibil o
administratibo.

16. Saan maaaring mag-report ng mga kaso


ng corporal punishment?
Lahat ng kaso ng corporal punishment o kaparusahang nakababawas
sa dignidad ng bata na inihain sa barangay, pulis, o health care
provider ay kinakailangang mai-report sa lokal na social welfare
and development office sa loob ng walong oras mula sa oras kung
kailan inihain ang reklamo. Hindi ito nangangahulugan na hindi na
maaaring magsampa ng karampatang kasong kriminal. Ang hindi
pagre-report sa loob ng walong oras
ay maaring maging basehan para
sa kaparusahang administratibo ng
nasabing opisyal ng barangay, pulis,
o healthcare provider.
17. Kanino ang responsibilidad sa
pagpapalaganap ng positibo at di
marahas na pagdidisiplina ng mga
bata at ang pagsugpo sa corporal
punishment?
a. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
b. Department of Education (DepEd) at Commission on Higher
Education (CHED)
c. lahat ng local social welfare and development offices (SWDOs)
d. Local Councils for the Protection of Children (LCPCs)
e. The Council for the Welfare of Children (CWC)
f. mga lokal na pamahalaan o LGU
g. Sangguniang Kabataan (SK)

18.Bakit kinakailangang gumawa


ng isang batas na magbabawal
sa lahat ng kaparusahang
pisikal at nakababawas sa
dignidad ng bata kung maaari
namang amyendahan ang mga
batas na naririyan na?
Sa ngayon, walang batas na tiyak at malinaw na nagbabawal ng
kaparusahang pisikal at
nakababawas sa dignidad ng
bata laluna sa loob ng tahanan
at pamilya. Sa katunayan,
pinahihintulutan pa nga ng mga
kasalukuyang batas tulad ng
RA 7610 at ng Family Code ang
pagpapataw ng mga magulang
at ng iba pang parental
authorities ng corporal punishment, basta’t ang pagdidisiplina ay
“kinakailangan ayon sa sikrumstansya” o kaya ay “karapat-dapat ang
pagpapataw at katamtaman lamang ang kaparusahan.”

Hindi kayang pangalagaan ng mga batas sa kasalukuyan laban sa


corporal punishment ang mga bata. Kaya’t upang masugpo ang
pagpapataw ng corporal punishment sa mga bata, kinakailangan ng
isang bagong batas na tutukoy sa iba’t-ibang anyo ng kaparusahang
pisikal at nakababawas sa dignidad ng bata at magtatanggal sa lahat
ng mga probisyon sa mga batas sa kasalukuyan na nagpapahintulot
dito at nagsasabing ito ay katanggap-tanggap.

Niyuyurakan ng corporal punishment ang karapatan ng mga bata sa


dignidad at pisikal na integridad. Niyuyurakan din nito ang karapatan
nila para sa patas na pangangalaga laban sa karahasan sa ilalim ng
batas. Kung paanong binibigyang proteksyon ng mga kasalukuyang
batas laban sa karahasan ang mga kababaihan at kalalakihan,
gayundin ay dapat tayong magkaroon ng batas na mangangalaga sa
mga bata laban sa karahasan sa anyo ng corporal punishment sa lahat
ng sitwasyon, kasama na sa loob ng tahanan.
Endnotes:
1
Committee on the Rights of the Child, CRC General Comment No. 8 (2006):
The Right of the Child to Protection from Corporal Punishment and Other Cruel or
Degrading Forms of Punishment (Arts. 19; 28, Para. 2; and 37, inter alia), 2 March
2007. CRC/C/GC/8. Online. UNHCR Refworld, p. 4, (http://www.unhcr.org/
refworld/docid/460bc7772.html)
2
World Health Organization, (2002) World report on violence and health 63; Save the
Children-Sweden (2006), What Children Say: Results of the comparative research on the
physical and emotional punishment of children in Southeast Asia and the Pacific, 2005, 12-19.
3
Save the Children-Sweden (2006), ibid.
4
Paintal, Sureshrani (2007), Banning Corporal Punishment of Children: A Position
Paper, available at http://www.stophitting.com/pdf/sureshrani.pdf
5
Harper, Kate et al.(2005), Ending Physical and Humiliating Punishment of Children,
A Manual for Action, Save the Children, pp. 8-11.
6
Save the Children-Sweden (Unpublished; 2005), Research on corporal punishment in Bagong
Silang, Caloocan City and Cebu City, Philippines; NORFIL (2005), Documentation of a
consultation with the Active Youth movement and the Children and Youth Organization on
physical and emotional punishment of children, NORFIL, Quezon City, p. 12.
7
De la Cruz, T. et al. (2001), Trust and power: Child abuse in the eyes of the child and the
parent, UP-CIDS Psychosocial Trauma and Human Rights Program, Manila (2001).
8
Save the Children-Sweden (Unpublished; 2005), Research on corporal punishment
in Bagong Silang, Caloocan City and Cebu City,
9
United Nations Children’s Fund (2007), Philippines Sub-Regional Multiple Indicator Cluster
Survey 2007.
10
Global Initiative to End All corporal Punishment of Children and Save the Children
Sweden (2003), Hitting people is wrong – and children are people too: A practical
handbook for organizations and institutions challenging corporal punishment of
children, p.21-22, available at http://www.endcorporalpunishment.org/pages/pdfs/
hittingwrong.pdf.
11
Esteban, E.(2006), Parental Verbal Abuse: Culture-Specific Coping Behavior of College
Students in the Philippines, Child Psychiatry and Human Development, Vol. 36, No. 3.
12
Durrant, J. E. (2007), Positive Discipline: What it is and how to do it, Bangkok, Save
the Children Sweden Southeast Asia and the Pacific, p. 1.
13
Kohlberg L. (1964), Development of moral character and moral ideology. In:
Hoffman ML, Hoffman LW, eds. Review of Child Development Research, New York,
NY: Russell-Sage Foundation; pp. 383–431.
14
Child and Youth Welfare Code, Art. 45
T
his primer is produced by the Philippine Legislators’
Committee on Population and Development Foundation,
Inc. (PLCPD) and Child Rights Network (CRN) with support
from Plan International.

The Philippine Legislators’ Committee on Population and


Development Foundation, Inc. (PLCPD) evolved out of the
Philippine Parliamentarian’s Conference on Human Survival:
Population and Development Plan of Action (PARLCON)
convened in 1988.

PLCPD was formally established in December 1989 as a non-


stock, non-profit foundation dedicated to developing policy
champions and generating responsive public policies on
population and human development, which include, among
others: gender and development; reproductive health
and rights; housing and urban development; sustainable
development; food security; human rights; economic, political,
and social participation; education; health and nutrition; and
globalization.

Vision

Improved quality of life for all Filipinos through population and


human development legislation.

Mission

We shall advance substantive population and human


development policies at the national and local legislative
levels.

We will establish partnerships and create avenues towards


broadened people’s participation in advancing responsive
legislation on population and human development.

We will strive to raise the awareness of the general public to


encourage their active participation in promoting population
and human development legislation.

You might also like