ISANG PAGAARAL UKOL SA MGA NEGATIBONG EPEKTO NG PAGTATAGO EMOSYON NG MGA NARS SA KANILANG MGA PASYENTE

Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas

Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananliksik

ng Group I-11

Pebrero, 2010

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturnag Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Isang Pagaaral Ukol sa mga Negatibong Epekto ng Pagtago ng Emosyon ng mga Nars sa Kanilang mga Pasyente ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa I-11 na binubuo nina:

Tama Conchinati Martinez April Rose Matienzo Robelle Fatima Mercado

Kimberly Mae Pascual Kendrick Aaron Tan Nikka Ursula Timog

Arianne Joy Pascua

Tinataggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Aissa Abegail Jimenez Propesor

PASASALAMAT Ang buong grupo ay nagbibigay ng kanilang pasasalamat sa mga sumusunod na indibidwal na nagbigay ng kanilang mahalagang kontribusyon sa pagkakumpleto ng proyektong ito: • sa Diyos na may kapal na nagalay ng husay, tiyaga at presensya ng isip sa lahat ng mga miyembro ng grupo upang makamit ang matiwasay na pagtatapos ng pamanahong papel na ito, • kay Ma’am Aissa Abegail Jimenez na nagsilbing aming gabay sa pagbuo at pagsulat ng bawat detalye ng aming papel, • kay Sir Aguedo Florence Jalin Jr., na nagbahagi ng makabuluhan at kapakipakinabang na impormasyon ukol sa mga pangunang hakbang ng pananaliksik, • sa mga awtor, editor, at mananaliksik na lumikha ng mga aklat at artikulong nagsilbing resources kung saan nakasalalay ang kredibilidad, laman at kabuuan ng aming proyekto, • sa Central Library ng Unibersidad ng Santo Tomas na naging makabuluhan sa aming pagkakalap ng ebidensya’t impormasyon na nagsilbing suporta at sentral na punto ng aming pamanahong papel, • kay Veronica Timog, R.N. at na aming nakapanayam sa isang interbyu; ang kanilang mga opinion at kaalaman ay nagbigay-daan sa pagpapalawak ng aming kalinangan ukol sa ideyang aming sinaliksik, • sa lahat ng mga respondenteng nag-isang tabi ng kanilang oras upang makapagbigay ng impormasyong naging pangunahing materyales ng teoretikal na pundasyon n gaming pamanahong papel,

sa miyembro ng aming mga pamilya, na hindi lamang nagbigay ng pinansyal na tulong ngunit pati na rin ang mas importanteng emosyonal na suporta at paghihikayat.

Maraming salamat! —Mga Mananaliksik

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

1. Introduksyon Noong araw na iyon, ako ay gumagamit ng internet. Sa kung anong pagkakataon na dumating, napadpad ako sa allnurses.com, isang internet forum na pinupuntahan ng parehong mga baguhan na nars (kalimitan ay humihingi ng tulong patungkol sa kung anong mga medikal na sitwasyong hindi nila gamay) at beteranong propesyunal (na nagbibigay ng tulong sa mga naunang nabanggit). Malimit kong nakikita ang aking nanay na pumupunta sa website na ito, at dahil sa bugso ng kagustuhang magsiyasat ng kaunti, tumingin-tingin ako. Mayroong isang partikular na mensahe ang sandaling nagpatigil sakin ng sa aking upuan at hiinikayat ang aking atensyon. (Ang orihinal na artikulo’y nakasulat sa Ingles.) “.. Ako ay isang nars na nagtatrabaho sa araw araw na ginawa ng Diyos. Sa kada araw na lumilipas ay nakakakita ako ng mga pasyenteng may iba’t ibang kondisyon, ngunit hindi ko naman talaga ito kinakainisan. Nakikita ko nga ito bilang isang pangaraw-araw na bagay na, katuwa-tuwa pa nga minsan kung ikukumpara sa maligamgam kong mga karanasan. Ngunit isang masamang balita ang dumating sa akin isang araw, at matapos kong marinig ito ang tanging nasa isip ko na lamang ay ‘na-rape ang asawa ko’. Nawala lahat ng mga mekanismo sa aking katawan na nagpapaandar sa aking responsableng sarili. Nakahiga lang ako isang umaga, naalalang kailangan ko palang pumasok sa trabaho, at nagtaka kung bakit ko pa ginagawa iyon. Nahirapan ako makihalubilo sa lahat noon. Nakakasira ng bait na kailangan mong ngumiti sa harap ng iba kahit na sa loob ay namamatay-matay ka na. ..” Isa nang katanggap-tanggap na gawain sa mga nars ang pagtatago ng emosyon sa mga pasyente’t ibang mga tao. At tama ito; hindi saklaw ng pasyente ang personal na buhay ng mga propesyunal na nakapalibot sa kanya, kaya’t hindi niya kinakailangan na

matanaw ang kung ano mang bumabagabag sa isip ng mga taong wala naman direktang koneksyon sa kanya. Nakakapagpataas lamang ito anxiety level ng pasyente, ang makitang nakabusangot at matamlay ang nagaalaga sa kanya. Maaari niyang makita ang ekspresyon na ito bilang repleksyon ng sarili niyang kalagayan at kalusugan. Ang pagpapakita ng emosyon ay nagbibigay daan rin sa masyadong personal na relasyon sa pasyente, na dapat iwasan ng isang miyembro ng medical staff upang maging matiwasay ang sinasabing termination phase ng kanilang samahan. Magbubunga sa transference o counter-transference ang samahan ng isang nars at pasyente kung hindi susundin ang tamang pamamaraan ng pakikitungo. Ngunit ang pagaaral na ito ay hindi naglalayon na kontrahin ang kredibilidad ng katotohanang kakalahad lamang. Ang aming pananaliksik ay nakaayon sa pagtanggap na kinakailangan ang pagtago ng emosyon sa propesyong Narsing; ngunit ang tinutumbok nito ay ang pagkakaroon ng negatibong epekto, mapa-pisikal o sikolohikal, ng ganitong gawain. Ang pagaaral na ito ay sumasaklaw sa iba’t ibang aspeto ng pagtatago ng emosyon ng mga nars at ang pisikal at sikolohikal epekto nito, parehong panandalian at pangmatagalan.

2. Layunin ng Pag-aaral

Upang mag-karoon ng ideya kung ano ang epekto ng labis na pagdadamdam ng mga nars.

Upang mag-karoon ng kaalaman ukol sa masamang epekto ng labis na pag-iisip sa katawan ng tao lalo na sa propesyong napili.

Upang malaman ang sanhi o pinanggagalingan ng mga damdaming ito.

Upang malaman kung paano ito nakakaapekto sa pakikipag-kapwa ng mga nars.

Para magkaroon ng ideya ang mga nars at mga tao kung ano ang mga sintomas ng ganitong uri ng ‘stress’.

Upang matuklasan natin kung may mga masamang epekto ba sa mismong kalusugan ng mga nars ang masyadong pagtatago ng emosyon.

Upang matukoy ang mga sakit na naidudulot ng pagtatago ng emosyon upang matulungan hindi lamang ang mga nars o mga kolehiyong magaaral na gustong kumuha ng nursing, kung hindi pati narin ang mga taong mahilig magkimkim ng sama ng loob.

Upang malaman kung paano masosolusyunan ang mga suliraning ito na hindi lang para sa mga nars kung hindi para narin sa ikabubuti ng mga pasyente.

3. Kahalagahan ng Pag-aaral Mahalaga ang pananaliksik na ito dahil ito’y magiging batayan ng pag-aaral ng mga emosyon ng isang nars at ang mga posibleng epekto nito sa kanyang sarili, sa kanyang propesyon, sa kanyang pasyente at sa kanyang kapwa ka-trabaho sa medical staff.

Ang pag-aaral na ito ay magbibigay linaw sa mga dahilan ng pagkakaroon ng negatibong emosyon ng isang nars at ang mga posibleng epekto nito lalo na sa kanyang propesyon. Magsisilbi itong gabay sa mga nars sa kung papaano nila maiiwasan ang pagkakaroon ng negatibong emosyon o sa kung papaano nila makokontrol ang ganitong klaseng emosyon na hindi naapektuhan ang sinuman na nakapalibot sa kanya. Inaasahan na sa pag-aaral na ito ay ma-eebaluweyt ng mga nars ang kanilang sarili at ang kanilang emosyon at magkaroon ng kaalaman sa mga epekto ng negatibong emosyon, upang hindi ito maging hadlang sa kanilang pagtra-trabaho at hindi maging hadlang sa pakikipag-relasyon nila sa ibang tao.

4. Saklaw at limitasyon ng Pag-aaral Ang pamanahong papel na ito ay nakatuon sa mga natatagong damdamin ng mga Nars sa kanilang propesyon at ang mga negatibong epekto nito sa kanilang pisikal at sikolohikal na kabutihan. Ang sarbey na aming ginawa ay limitado lamang sa mga estudyante nag kolehiyo ng Narsing ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ang dami ng respondente ay nasa 50 katao lamang, kung saan 25 ay nanggaling sa mga mag-aaral ng ikalawa at ikaapat na taon at 25 sa ikalawa at unang taon ng Narsing. Ito ay upang makakuha ng balanseng impormasyon na sumasangay rin sa grupo ng mag-aaral na mayroong karanasan na sa mga gawain ng pagiging nars. Kinuha rin naming ang panayam ng tatlong propesyunal na nars upang mapalawak ang aming kaalaman sa tulong ng kanilang importanteng mga opinion. Bilang mga propesyunal na, sila ang pangunang nakakaranas ng mga nais naming talakyin at ang kanilang pananaw ay mayroong malaking kabuluhan sa aming pananaliksik.

5. Depinisyon ng Terminolohiya

Motivation – Mga panloob at panlabas na faktors na naguudyok sa kagustuhan at enerhiya ng tao upang patuloy na isa-alangalang ang kanyang sarili sa isang trabaho, responsibilidad o paksa, at maglabas ng sikap patungo sa pagkamit ng isang mithiin. Ang motivation ay ang ‘energizer’ ng asal at pinamumulan ng lahat ng paggawa. Ito ay ang resulta ng pangangalahok ng iba’t ibang faktors gaya ng (1) sidhi ng kagustuhan o pangangailangan, 2) incentive or reward value ng mithiin, at (3) expectations ng tao sa kanyang sarili at ng mga taong nakapalibot sa kanya.

Emotion – karanasan ng damdamin kung saan umuusbong ang paggawa ng isang bagay; naghihikayat at nakakaapekto sa pamamaraan ng pag-asal, ngunit mahirap mahulaan.

Instincts – tiyak na pattern sa asal na nabibilang lamang sa isang kabuuan ng specie; pinaniwalaan na pinaguugatan ng paraan ng pagasal ng tao hanggang 1920 nang malaman na 1) ang asal ay natututunan, at 2) ang asal ay malimit na hindi umaayon sa pagbabago.

• •

Drive – isang kalagayan ng arousal/tensyon na nagtutulak sa pagusbong ng asal. Drive-Reduction Theory – Ayon sa teoryang ito, ang asal ay isang pagtatangkang mabawasan ang kasalukuyang tensyon/arousal sa katawan, at maibalik ito sa karapat dapat na balanse.

Intrinsic Motivation – tinatawag din na internal motivation; pagkumpleto sa isang gawain dahil sa kasiyahang makukuha rito.

Extrinsic Motivation – tinatawag din na external motivation; pagkumpleto sa isang gawain alang-alang sa kakalabasan nito, mapa gantimpala o pagiwas sa parusa.

Aggression Behavior –isang pag-aasal na minamarkahan ng pisikal o sikolohikal na pagmamalabis; ang hangaring gawin ito ang pinaka-sentral na punto.

Achievement Motive – sinusukat ng oryentasyon sa trabaho at pamilya; pangangalilangan na maging magaling sa isang tiyak na aspeto; pangangailangang malagpasan ang mga hinaharap na problema, mapa trabaho, pag-aaral, isports at iba pa.

Display Rules – pagpapakita ng pangunang emosyon; maliit lamang ang pagkakaiba kung hindi pare-pareho, mapalipat man galing sa isang kultura papunta sa iba, ngunit nakapagpapausbong parin ng pagkalito sa iba; nakaturo sa mga sitwasyon kung saan naaayon ang pagpapakita ng damdamin.

Emotional Labor – naaayon sa sosyolohikal na aspeto; isininasad sa mga partikular na trabaho ang pagbabago, patatago o pagkontrol sa emosyonal na ekspresyon; nangyayari sa mga propesyong katulad ng medisina at narsing.

Arousal Theory – isang teorya ng motivation kung saan ang bawat tao ay may optimal na lebel ng arousal na nakasalalay sa sitwasyong kinaroroonan nito. Pinapanatili ito ng kanyang kagustuhan at nakakaapekto sa antas ng gawain.

• •

Affect – tumutukoy sa ekspresyon ng mukha. Supression – batid na pagpigil sa isang hindi katanggap-tanggap na pakiramdam o ideya.

Anger Management – isang sistema ng sikolohical at terapyutikal tekniks at gawain kung saan ang isang indibidwal na mayroong hindi ma-kontrol na galit ay maaring mapababa ang masasamang epekto ng negatibong emosyonal na kalagayan. Sa mga ibang bansa, ang anger management ay isinasama sa isang paghatol na ginagawa ng kanilang legal system.

Somatization – isang pangmatagalang kondisyon kung saan ang pisikal na sintomas ay umusbong galing sa sikolohikal na problema. Walang nakikitang pisikal na problema sa taong nasa ganitong kondisyon.

Termination Phase – ang huling hakbang sa ‘nurse-patient relationship’ kung saan lahat ng mithiin ng nars para sa pasyente ay nakamit na; dito nagtatapos ang kanilang samahan.

Transference – tumutukoy sa isang problema sa ‘termination phase’ kung saan may nabuong ‘dependency’ ang pasyente sa nars na pumipigil sa maayos na pagtatapos ng samahan.

Counter-transference – tumutukoy sa isang problema sa ‘termination phase’ kung saan ang nars naman ang nagkaroon ng ‘attatchment’ sa pasyente na pumipigil sa maayos na pagtatapos ng samahan.

KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAGAARAL AT LITERATURA

Bago natin mahunina ang mga negatibong epekto ng pagtatago ng emosyon ng isang nars sa pasyente nito, kinakailangan muna nating maintindihan ang pasikot-sikot ng relasyong nagdudugtong sa dalawang panig. Ang nurse-patient relationships ay tinatawag din na interpersonal relationships, at sa iba naman ay therapeutic relationship at helping relationships. Ang pagtulong ay isang prosesong naghihikayat sa pagsulong ng kalusugan ng isang indibidwal, at ito ay makakamit gamit ng dalawang tiyak na mithiin: una ay ang pagtulong nitong pangasiwaan ang mga problema ng mga pasyente na magreresulta sa maayos na paggamit ng kanilang mga natatagong oportunidad, at pangalawa ay ang matulungan ang mga pasyente na patnugutan ang kanilang pangarawaraw araw na gawain. Mayroong apat hakbang ang isang nurse-patient relationship at ito ay ang preinteraction phase, introductory phase, working phase at panghuli ay ang termination phase. Ang preinteraction phase ay maaaring ihambing sa panahong ginugugol upang maghanda para sa isang talumpati o interbyu. Kadalasan ang nars ay nakakalap na ng impormasyon tungkol sa kliyente gaya ng pangalan, tirahan, edad at medical history. Ang introductory phase naman ay importante dahil sa ito ang naghahanda ng tono sa kabuuan ng relasyon. Dito nangyayari ang masinop na pagoobserba ng dalawang panig sa isa’t isa. Kinakarakterisa ng tatlong pangyayari ang hakbang na ito: pagbubukas ng relasyon, paglilinaw ng problema ng pasyente, at pagbuo ng isang non-verbal na kontrata. Sa working phase naman nakakamit ang mga mithiin na pinagisipan at hinulma sa introductory phase. Gaya ng ibang mga hakbang, mayroong

dalawang pangyayari sa stage na ito: ang pagaanalisa ng emosyon at iniisip ng pasyente, at ang paggawa ng nararapat na aksyon na naaayon dito. Ang panghuli ay ang termination phase, kung saan nagtatapos ang relasyong binuo ng nars at ng pasyente. Kung maganda ang pagraan ng pagbuo sa relasyong ito, magkakaroon ng positibong pananaw ang indibidwal patungo sa paghihiwalay na kailangang maganap. Kung hindi naman, maaring magkaroon ng transference o counter-transference, kung saan mayroong salik na nagpipigil sa pasyente o sa nars na tuldukan ang pakikpagugnayan nila sa isa’t isa. (Berman, Snyder, Kozier & Erb, 2008, p. 472-475) Nagkakaiba-iba tayo sa pagpapakita ng emosyon. Ayon sa mga sikolohogo na espesyalidad ang personalidad ng mga tao, mayroong tatlong aspeto ang emosyon, at binubuo ito ng affectivity, intensity, at expressiveness. Ang affectivity ay tumutukoy sa karanasan ng pagdama ng emosyon (http://en.wikipedia.org/wiki/Affect_%28psychology %29). Ito ay may dalawang dimensyon. Ang positive affect ay tumutukoy sa mga mga damdaming mayroong masayang kalikasan; gaya ng saya, pagkasabik, at iba pa. Ang negative affect naman ay tumuturo sa mga damdaming mayroong malungkot na kalikasan; ilang na rito ay ang galit, kaba at takot. Ayon kay Brissette at Cohen (2002), Tarlow at Haaga (1996), Watson, Clark, at Carey (1988), mayroong koneksyon ang negative affect sa sikolohikal na stress. Pinapakita nito na ang mga taong mayroong mataas na antas ng ganitong klase ng mga emosyon ay nakakaranas ng mas maraming problemang pangkalusugan kung ikukumpara sa mga taong mayroong antas na mababa (Burger, 2007, p. 215). Kung titingan natin ng mabuti, ang pagkakaroon ng problema ay isang napapanahong pangyayari sa ating buhay. Mayroon ka mang positibo o negatibong affect, hindi makakailang makakapagdulot parin ito ng pagbabago sa stress level. Isang pamamaraan ng pagpapababa nito ay ang pamamahagi ng problema sa iba gamit ang pakikipagusap, gaya ng ipinapakita ng susunod na talata. Ang person-centered therapy ay umiikot sa pagbibigay ng naaayon na kapaligiran na makapagdudulot ng sikolohikal na pagsupling sa mga pasyente nito. Ayon kay Carl Rogers na gumawa sa ideyolohiyang ito, lahat ng mga tao ay umuusbong pasulong sa isang positibong pamamaraan, maliban nalang kung mapigilan ng ilang mga salik ang

pagunlad na ito. Kinakailangan lamang na magbigay ang naaayon na tulong ang therapist upang makabalik ang pasyente sa pamamaraang ito. Mithiin ng Rogerian therapy ang maging mas bukas ang kliyente sa sarili nilang personal na karanasan, maging palatanggap sa lahat ng aspeto ng kanilang sarili, at mabawasan ang pagiging depensibo sa mga bagay-bagay na maaaring humamon sa kanilang konsepto ng sarili. Dapat silang maging masaya at umusad ng kumpletong kumpleto. Ngunit paano ito nakakamit? Kinakailangan munang magkaroon ng magandang relasyon sa pagitan ng therapist at ng pasyente bago pa man ang kung anu-anong mga hakbang. Kailangan ng therapist na maging makatotohanan ngunit hindi nakakasakit, pala-tanggap ngunit kritikal sa mga maling gawain ng pasyente niya. Mahalaga ang makatotohanang relasyon na ito sa kadahilanang malaki ang ginagampanan ng pagtitiwala sa nasabing prosesong, upang para sa ganoon ay hindi matakot sa rejection ang indibidwal. Magkakaroon lamang ng kalayaan sa nadaramang kagipitan sa pamamaraan ng pagmumulat sa damdamin at pagpapahayag nito. (Burger, 007, p. 308-309) Hindi naman kinakailan ng propesyunal na tulong ang mga problemang hindi naman ganoon kabigat. Kadalasan, isang simpleng paguusap lamang sa pagitan ng dalawang tao ang kinakailan upang mabawasan ang stress na naibibigay problema. Isang pamamaraan na ang tinatawag na self-disclosure. Nakaranas na ng ganitong klaseng pakikipagtalastasan ang karamihan. Nagsisimula ang paguusap sa mga pangkaraniwan na mga paksa lamang, ngunit habang lumilipas ang oras, unti-unting naipapasok ang mga mas pribadong usapin gaya ng mga maliliit na impormasyon ukol sa kalagayan ng pamilya, o kaya’t sa inis na nararamdaman ng patungkol sa mga katrabaho. Ito ang pangunang hakbang sa isang maganda’t pang-patagalang pagkakaibigan. Isa pang positibong epekto ng self-disclosure ay ang pagbibigay nito ng isang kaaya-ayang pakiramdam. Maraming humanistic psychologists ang nagtutulak sa ideyang mahalaga ang prosesong ito sa pag-hakbang patungong mainam na personal growth at kasiyahan. Nakakatulong din ito sa pagtanggap ng sarili. (Burger, 2007, p. 322-323)

Isang importenteng terminolohiya ang anxiety sa pagaaral na ito. Ang anxiety o matatawag natin sa ating sariling wika na pag-aalala o pagkakabalisa ay maiilarawan na bago, kakaiba, mapagbabala o masasabing di kontroladong sitwasyon. Ito ay maaring pumukaw sa nervous system ng isang tao, nakapagpapataas ng presyon ng dugo, pamamawis ng kamay, panginginig, pagkakaroon ng pakiramdam ng paru-paro sa tiyan, pangangailangang umihi ng madalian, pagsikip ng dibdib, hirap sa paghinga at ang huli ay pagkakaroon ng nasasabing insomnia o ang pakiramdam ng hindi makatulog sa gabi. Ang anxiety ay isang normal na pagtugon sa stress ngunit kung ito ay malala na, maaari itong magdala ng negatibong katangian sa buhay (Walker, Payne, Smith, & Jarret, 2008). Sa anxiety, sa kawalan at pagkakaroon nito, nakasalalay an gaming pagaaral. Dito mahuhunina ang mga iba’t ibang pagtugon sa mga problema at kung anong mga epekto ang puede nitong madulot. Coping strategies ang tawag sa mga gawaing isinasagawa ng isang tao upang isang-ayon ang sarili pabalik sa normal sa kalagayan nito bago pa man magkaroon ng stress sa kanyang pang-araw araw na buhay. Napakalawak ng reynds ng mga stratehiyang ginamit ng mga tao upang muli nilang makamit ang karaniwan o normal na kalidad ng kanilang pamumuhay. Maari ay maglakad-lakad sila, o kaya kausapin ang isang kaibigan na mayroong katulad na karanasan, o kung hindi naman kaaya-aya ang stratehiya maaring uminom na lamang ang indibidwal, o kaya piliting kalimutan ang mga pangyayaring kinauugatan ng stress na ito. Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga coping styles ng mga tao, mayroon ding iba’t ibang uri ng coping. Ang problemfocused coping ay sumesentro sa direktang pagayos sa problema at sa ganoon ay ang kumpletong pagalis nito. Iba naman ang emotion-focused coping, kung saan mas binibigyang halaga ang pagbawas ng emosyunal na kabigatan at hindi ang problema mismo. Ang panghuli ay ang avoidance coping, na gumagana sa pamamaraan ng pagtulak ng nakakabagabag na karanasan paalis sa diwa o kamalayan ng tao. Ito ang pinakamasamang uri ng coping strategy dahil sa patalilis na katangian nito, na hindi nagpapahintulot ng pagusbong ng sikolohikal na kalusugan. Hindi man ganoon kaangkop ang emotion-focused coping, karamihan parin ng populasyon ang mayroong preperensya sa paggamit nito. Isang imbestigasyon ang isinagawa upang malaman ang pinakasikat na istratehiyang pangangkop na naaayon sa

lipunan ngayon. Tinanong ang dalawang partikular na grupo (nahihiwalay sa babae at lalaki) kung paano nila isinasaayos ang mga sitwasyong nakakapagbanta ng normalidad ng pangaraw-araw na buhay sa loob ng nakaraang pitong buwan. (Folkman & Lazarus, 1980). Nakuha ang mga opinion ng mga respondente gamit ang isang tseklist ng mga posibleng sagot. Sa mga pagpipilian, kasama dito ang mga emotion-focused at problemfocused na stratehiya. Mahigit kumulang na 1,300 na karanasan ang sinuri’t inalisa. Nakita sa pagaaral na ito na karamihan ng mga tao ay gumagamit ng kumbinasyon ng emotion-focused at problem-focused na stratehiya, kung hindi man isa sa mga ito. Ayon naman sa ibang mga pagaaral, mas tumutuon ang mga kababaihan sa paggamit ng emotion-focused strategy at sa problem-focused strategy naman ang preperensya ng mga lalaki (Burger, 2007). Sa pagaaral na ito naipapakita ang inisyal na kahiligan ng karamihan na gumamit ng emosyonal na stratehiya ng pag-angkop. Kung ibabalik sa sitwasyon ng nurse-patient relationship, ang nars ay mayroong obligasyong itago ang personal na nararamdaman nito. Ito ay isang mahirap na gawain, lalo na sa sitwasyon kung saan sukdulan ang bigat at hirap na dinadala ng problemang nabanggit. Subalit dahil isang responsibilidad ito at isang parte ng protocol ng isang propesyunal, pipilitin parin ng indibidwal na maskarahan ng ngiti ang kanyang mukha, na hindi nagtataguyod ng maayos na pag-angkop sa problema. Ayon sa artikulo ni Burger ukol sa Rogerian therapy mapapawi lamang ng tuluyan ang mga suliranin ng isang tao kung magkakaroon sila ng kalayaan sa mga emosyon na ito gamit ang pagpapahayag (Burger, 2007). Ang pagtatago ng emosyon ay tumutukoy sa proseso kung saan ang emosyon na nararamdaman ng indibidwal ay naaapektuhan pati kung paano nila ito nararanasan at ipapakita. (Vandekerckhove, et al, 2008) Ang propesyon na nursing ay isa sa mga propesyong sanay na magtago ng emosyon dahil narin sa supporta ng kanilang pamilya, kaibigan at kung paano sila sinanay para sa propesyong ito. Ang pagtatago ng emosyon ay aspeto ng pagkontrol ng sarili at ito ay nanga ngailangan ng sikolohikal at kognitibong lakas para makontrol ang emosyon. Ang labis na pagdadamdam ay nakakaapekto hindi lamang sa mga indibidwal na direktang nakakaranas nito kung hindi pati na rin ang mga taong nasa kapaligiran nila. Isang epekto ng pagtatago ng emosyon ang tinatawag na learned helplessness. Noong mga taon ng 60’s, sina Christopher Peterson, Steven E.

Maier, at Martin E. P. Seligman ay nagsama sama sa teoryang learned helplessness na kanilang inilarawan sa pamamagitan ng librong pinamagatang Learned Helplessness: A Theory for the Age of Personal Control. Sa loob ng 9 nitong kabanata at 359 na pahina, tinalakay nila ang mga pagbabago sa teorya at ebidensya ng kanilang pananaliksik. Sinubukan nilang linawin ang tingin nila ay maling pamamaraan sa teorya at ang mga konsepto nito, at binigyan ng makatotohanang paliwanag ang mga napatunayan na at ang mga natitirang hindi pa. Nilalarawan nito ang nakaraan at kasalukuyan estado ng teorya at ang mga nakasamang pananaliksik. Ipinagbigay alam din nila ang pananaliksik na ginawa sa mga hayop. Dito narin nagumpisa ang teorya. Sinunod nila ang buod at klaripikasyon ng biological factors na may kaugnayan at ang pananaliksik datos na may kaugnayan sa arousal states at neurotransmitters. Isinalaysay dito ang kasalukuyang estado ng datos na may kaugnayan sa mga tao at ang learned helplessness, konsepto at pananaliksik na nakapaligid sa attribution theory na nakalarawan para mabigyang linaw ang penomenang na obserbahan, at ang kaugnayan ng depresyon sa nasabing teorya. Upang mas lalong mabigyang linaw ang napiling teorya, iniugnay ito sa mga piling problemang sosyal kung saan maipapakita ang mga makabuluhang aspekto ng human behavior. Ipinakita sa dakong huli ang mga pisikal na kalusugan na maiuugnay sa learned helplessness. Ito’y nabigyang linaw sa pamamagitan ng pagbibigay ng konklusyon at diskuyon sa nasabing konsepto.

Ang primary care giver ang responsable sa pagbibigay ng emosyunal at pisikal na tulong at pagaaruga sa pasyente. Kasama na dito ang pagdadala o paglilipat ng indibidwal sa kung saan-saan, pagbabantay sa kanyang mga galaw, administrasyon ng gamot, pagsasa-ayos ng sintomas, pagpipigil ng krisis at pag-aanalisa ng intervention. Kapag nakakadama ng kahirapan at kawalan ng pagkakontento ang primary care giver, kahit ano mang dahilan ang sumusuporta rito, hindi maiiwasan ang pag-debelop ng caregiver stress. Ito ay nagdudulot ng pagbaba ng pang-angkop na kapabilidad at nagpapataas ng antas o dami ng stressors. Ang iba’t ibang taong nakapalibot sa pasyente ay mayroong indibidwal na reaksyon sa kalagayan at sakit nito. Nakakaapekto sa ugali ng mga primary care givers ang kalagayang pangkalusugan ng pasyente. Nakakapagbago rin ito sa family dynamics ng isang tao o grupo ng taong mayroong malapit na proksimiti sa kliyente. Ang

pinaka-importanteng kinakailangan ng mga indibidwal na responsable sa kapakanan ng isang pasyente ay ang sikolohikal, emosyunal, at konktretong suporta at payo na nakatuon sa isyung napapalibot sa pasyente, pakikisalamuha sa ibang tao, at impormasyon ukol sa mga sintomas, medikasyon, at side effects (Hileman, Lackey, & Hassanein, 1992; Jed, 1989). Ang mainam na istratehiya na makakapagpabuti ng nababahalang relasyong ito ay ang pagbibigay ng oportunidad na mapagusapan ng pasyente at ng primary care giver ang kanilang indibidwal na pangangailangan. Kailangang mabigyan ng naayon na suporta’t tulong ang pagbubukas ng damdamin at iniisip ng dalawang panig. Makakatulong din ng lubusan ang pagtataguyod ng family conference upang maanalisa ng kumpltong kumpleto ang mga iba’t ibang konsepto ng nurse-patient relationship, gaya ng rule change, role change, role reversal at iba pa. Sa ganitong pamamaraan makakamit ang pagpapahayag ng nadarama, bukas at malayang komunikasyon, at paglutas ng problema (Klebanoff & Smith, 1997). Kung makikita natin sa pahayag na nakalap naming galing sa mga katiwa-tiwalang sources, karamihan ng pang-emosyunal na pagangkop ay nakasentro sa pagpapahayag ng nararamdaman at hindi ang pagtago at pag-maskara ng mga ito. Mas nakakapagsulong ng sikolohikal at pisikal na kalusugan ang pagiging bukas at pakikisama sa malayang talastasan ng mga di kaayaayang sitwasyon na nangyayari sa sarili. Kaya’t sa isang propesyong gaya ng Narsing, kung saan ipinoprohibita ang malayang pagpapahayag na ito, mataas ang antas ng mga pangyayaring konektado sa somatization o somatic behavior. Sa pangaraw-araw na gawain, isang importanteng salik ang kagustuhang gumawa at makakupleto ng mga tiyak na gawain. Ang kagustuhang ito ay naaapektuhan ng isang ideyang tinatawag na motivation. Ito ay tumutukoy sa mga bagay-bagay na nagtutulak sa isang indibidwal na gawin ang isang bagay (Watkiss, 2004). Karamihan ng ating ginagawa ay inaapektuhan ng mga pagiisip na sumesentro sa maaring matanggap na gantimpala, o ang kahihinatnang maidudulot ng hindi paggawa nito. Ang pormal na katawagan sa dalawang uri ng motivation ay extrinsic (pagkumpleto sa isang gawain dahil sa kasiyahang makukuha rito) at intrinsic (pagkumpleto sa isang gawain alangalang sa kakalabasan nito, mapa gantimpala o pagiwas sa parusa) motivation. Ang pagkakaroon ng pagnanais na gumawa ay nakakaapekto rin sa kagustuhan ng isang taong

maging magaling sa ilang tiyak na aspeto ng kanyang buhay, na tinatawag na achievement motive. Isang proponent din dito ang pangangailangan ng taong malagpasan ang mga suliraning bumabagabag sa normal na daloy ng buhay. Kapag hindi nagamit ang tamang coping mechanism o hindi nasolusyunan ng tama ang mga problema, magkakaroon ng negatibong epekto sa achievement motive ng nasabing indibidwal. At dahil dito, mababaling ang negatibong bungang ito sa antas ng arousal ng isang tao. Ang arousal ay maipapaliwanag ng arousal theory, na nagsasaad na ang bawat tao ay may optimal na lebel ng arousal na nakasalalay sa sitwasyong kinaroroonan nito. Pinapanatili ito ng kanyang kagustuhan at nakakaapekto sa antas ng gawain. Kaya’t makikita na ang mga propesyunal na nagtatrabaho kahit na mayroong krisis sa buhay (gaya ng pagkamatay ng mahal sa buhay, at iba pa) ay mayroong mababang lebel ng pagiging produktibo. Ang pangkalahatang performance ay bumabagsak, at palabo-labo ang konsetrasyon, na higit na kinakailangan sa mga gawaing saklaw sa pagtatrabaho. Lahat ng impormasyong ibinigay ay nagtuturo sa isang mahalagang paghuhunina. Dahil lamang sa maling pagsalubong sa sikolohikal o pisikal na suliranin (na sa pagaaral na ito ay tinuturo bilang ang pagtatago ng emosyon), bumababa ang antas ng maraming aspeto ng pamumuhay ng taong nakakaranas nito. Hindi umuusad tungong therapeutic healing ang ganitong uri ng pamamaraan. Somatic behavior ay ang proseso kung saan ang sikolohikal na paghihirap ay naipapakita bilang pisikal na sintomas. Ito ay isang di namamalyang pangyayari at wala sa control ng taong nakakranas dito. Ang somatization as isang posibleng epekto ng pagtatago ng emosyon dahil sa simpleng katotohanan na nagbibigay ito ng stress na nagpipigil sa maayos na paglulunas sa mga problemang nangyayari. Ang iba pang mga posbleng epekto ay depression, withdrawal, at suspicion. Ang depression ay isa sa mga karaniwang epekto ng stress sa isang tao. Ang isang taong dumaranas ng depression ay kinakikitaan ng paulit-ulit na karamdaman ng pagkalungkot, kawalan ng pag-asa at pagkawala ng interes sa mga bagay na dating pinagmumulan ng kasiyahan. Ang kawalan ng pagasam pagkalumbay at pakiramdam ng pagkakasala ay ilan lamang sa mga naidudulot nito. Ang pagtingin ng isang taong may depression sa kanyang sarili ay untiunting nababawasan at unti-unting nahuhulma sa pagkawalng halaga. Anim hanggang

walong porsyento ng populasyon ang nagkakaroon at dumadanas ng ganitong klaseng emosyon (Wayne, 1989). Bukod sa depression , ang pag-iiwas ng sarili o withdrawal ay isa sa mga epekto ng stress. Ayon sa Merriam Webster’s Collegiate Dictionary (1996), ang withdrawal ay ang pagtalikwas sa isang bagay o ang pagputol ng koneksyon sa anumang bagay na nakagawian na. Ang taong nag-iiwas ng kanyang sarili ay nawawalan ng sosyalismo sa kanyang buhay. Napuputol o nawawalan sila ng interaksyon sa mga taong nakapaligid sa kanila, maging ito man ay ang kanilang kamag-anak o kaibigan, dahil sa pagkawala ng tiwala sa sarili. Minsan, nais nilang mapag-isa, na humahantong naman sa pagbubukod o paghihiwalay sa kanilang sarili (isolation). Ang suspicion ay isa ring posibleng epekto. Dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili, naibabaling niya ito sa ibang tao. Nagkakaroon siya ng negatibong pagtingin sa mga taong nakapaligid sa kanya (Goldberger & Breznitz, 1982). Isang konkretong halimbawa ng epekto ng stress ay ang pagkakulang sa tulog ng isang taong may stress. Dumadating ang ilang panahon sa buhay ng isang tao na ang stressor na nararanasan nito ay linalagpasan na ang resources na meron ang ating katawan. Maraming epekto ang overflow na ito, at isa na dito ang sleep deprivation. Ayon sa restorative theory, ang NREM (Non-rapid Eye Movement) na klase ng pagtulog ay responsable sa paghihilom at pagtanda ng mga tisyu ng ating utak. Ito ay isang mahalagang kontribusyon sa pagbuo at paglago ng Central Nervous System ng ating katawan. Sa mga taong mas nakakabit sa negatibong pagangkop ng problema, sleep deprivation ay isa sa mga pinaka ebidenteng problema. Ito ay nagpapababa ng ilang mga kakayahan at abilidad ng katawan. Isa pa itong karagdagan, particular sa mga nars at mga miyembro ng medical team, na stressor sa di kaya-ayang pangyayaring ito.

KABANATA III DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pagaaral na ito ay ginamitan ng diskriptib-analitikal na pagsusuri gamit ang proseso ng pagsasarbey, pananaliksik at interbyu upang masuri ng mabuti ang mga damdamin, iniisip at pananaw ng mga tao ukol sa ideya ng pagtatago ng emosyon ng nars sa kanynag pasyente.

2. Mga Respondente

Ang sarbey na aming ginawa ay ipinamahagi sa mga estudyante nag kolehiyo ng Narsing ng Unibersidad ng Santo Tomas. Ang dami ng respondente ay nasa 50 katao, kung saan 25 ay nanggaling sa mga mag-aaral ng ikalawa at ikaapat na taon at 25 sa ikalawa at unang taon ng Narsing. Ito ay upang makakuha ng balanseng impormasyon na sumasangay rin sa grupo ng mag-aaral na mayroong karanasan na sa mga gawain ng pagiging nars at sa grupong naghihintay na makaranas nito.

3. Instrumentong Pampananaliksik

Sa pag-aaral naming ginawa patungkol sa “negatibong epekto ng pagtatago ng emosyon ng mga nars sa mga pasyente” gumamit kami ng mga aklat at internet para makakalap kami ng impormasyon tungkol dito. Nagsarbey din kami sa mga 2nd year pataas para malaman namin ang kanilang saloobin patungkol sa pag-aaral na ito. Nais naming malaman sa pagsasarbey kung gaano nga ba kalakas ang impak sa mga nars ang pagkakaroon ng matinding problema sa kanilang mga pasyente. Nais din naming malaman sa pagsasarbey kung paano nila hinaharap ang ganitong mga klaseng problema, kung paano nila hinaharap ang iba pang mga gawain kapag nakakaramdam sila ng “stress” at kung paano nila idedescribe ang kanilang personalidad. Bukod sa mga nabanggit, nagkaroon kami ng interbyu sa isang propesyunal na nars na aming kilala at inalam naming ang kaniyang opinion at saloobin tungkol sa aming paksa. Nais naming malaman na kahit ba matagal na ang tao sa propesyon nakararanas parin ba sila ng matinding stress at kung nahihirapan pa rin ba silang harapin ang mga problemang dumadating at kung nagkakaroon pa rin ng pagkakataon kung nag-papanik sila dahil sa matinding stress na nararamdaman. Sa aming pagkakalap ng impormasyon nais naming masagot ang aming katanungan at mabigyan solusyon ang naihayag problema.

4. Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong papel na ito ay pagsasanay lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tisis, walang ginawang matinding pagsusuri sa mga datos sa pamamagitan ng kompleks na pamamaraan. Bilang lamang ng mga respondente sa bawat aytem sa sarbey ang inalam ng mga mananaliksik. Samakatwid, pagtatally lamang at pagkuha ng porsyento ang kinailangang gawin. Napadali para sa mga mananaliksik ang paggawa ng pagsasarbey sapagkat ang lahat ng respondent ay limitado lamang saestudyante ng nursing sa Unibersidad ng Santo Tomas. Dalawampu’t limang katao lamang sa ika-unang taon at dalawampu’t limang katao rin sa nakatataas na taon. Ang pagkakaroon ng diperensya sa pagitan dalawang grupo ng respondente ay upang makapanayam hindi lamang ang mayroong karanasan na sa pakikihalubilo sa pasyente, ngunit pati ang mga indibidwal na gagawin din ito sa hinaharap.

KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Grap 1 Kasarian ng mga Respondente

Sa grap na ito nakikita ang distribusyon ng sarbey sa mga respondent ayon sa kanilang kasarian. Ang pagbibigay na ito ay ginawa ng walang sadya’t eksaktong bilang

ng mga respondenteng kalalakihan o kababaihan. Ito ay ginawa sa isang random na pamamaraan. Apat na pu’t dalawang porsyento ang mga respondenteng babae at nilaan naman ang natitirang limampu’t walong porsyento sa mga respondenteng lalaki.

Grap 2 Pagkakaroon ng Duty Experience ng mga Respondente

Sa limampung (50) respondent, limampung porsyento (50 %) ang mayroon nang karanasan sa pagsisilbi sa pasyente at pangangasiwa ng mga gawaing ospital. Limampung porsyento rin ang nabahaging opinion ng mga hindi pa nagkaroon ng hospital duty. Isinaayos naming ang sarbey ng ganito sa kagustuhan naming

makapanayam hindi lamang ang mga taong direktang nakakaranas ng bigat ng pagtatago ng emosyon, ngunit pati ang mga indibidwal na makakaranas din nito sa hinaharap.,

Grap 3 Edad ng mga Respondente

Kung pagbabasehan ang grap na ito, makikitang karamihan ng mga respondente ay galing sa edad na labing-pito (17) at labing-walong (18) taong gulang. Nahahati ang grap sa mga porsyentong ito: Labing-dalawang porsyento (12 %) sa mga labing-anim (16) na taong gulang, tatlongpu’t dalawang porsyento (32%) sa mga labing-pintong (17)

taong gulang, tatlongpung porsyento (30%) sa mga labing-walong taong gulang, walong porsyento (8%) sa mga labing-siyam na taong gulang, at labing-dalawang porsyento (12%) sa mga dalampung taong gulang.

Grap 4 “Madalas ka bang magkaroon ng problema?”

Sa grap na ito pinapakita ang distribusyon ng panayam ng mga respondente ukol sa kadalasan ng kanilang pagdanas ng problema. Animnapu’t dalawang porsyento (62%) ang nagsasabing oo, madalas ang pagkakaroon nila ng suliranin. Tatlongpu’t walong porsyento (38%) naman ang nagsasabing paminsan-minsan at hindi naman gaanong

kadalas ang pagkakaroon nila ng problema. Habang walang respondente naman ang nagsasabing hindi sila nagkakaroon ng problema.

Grap 5 Mga Paraan ng Pagtugon sa Suliranin

Hinggil naman sa mga pamamaraan ng pagtugon sa mga suliranin, apatnapu’t dalawang porsyento (42%) ang tumutugon gamit ang pagiyak. Dalawampung porsyento (20%) ang sumisigaw at nagdadabog. Limampung porsyento (50%), kalahati ng mga respondente, ay mas komportable sa pananahimik. Tatlongpu’t dalawang (32%) porsyento naman ang mas kinahihiligan ang pagkwento sa mga kaibigan at pamilya, at

ganoong porsyento rin ang humihingi ng payo at tulong sa mga kaibigan at pamilya. At panghuli, labing-walong porsyento (18%) naman ang nagsasangtabi ng kanilang mga problema.

Grap 6 “Nakikita mo ba ang iyong mga problema bilang positibo o negatibo?”

Ayon sa grap na ito, apatnapu’t anim na porsyento (46%) ang naniniwalang para sa ikabubuti ang pagkakaroon ng mga suliranin sa buhay. Tatlongpu’t dalawang porsyento (32%) naman ang naniniwalang nasa negatibong aspeto lamang ang naidudulot

na epekto ng mga suliranin. Dalawampu’t dalawang porsyento (22%) naman ang nagsasabing maari itong makapagdulot ng positibo at negatibong epekto.

Grap 7 “Naapektuhan ban g iyong mga problema ang pangaraw-araw mong mga gawain?”

Pitompu’t dalawang porsyento (72%) ang naniniwalang mayroong natuturing na epekto sa pangaraw araw na buhay ang mga suliranin, mapamaganda man ito o

mapasama. Dalawampu’t walong prosyento (28%) naman ang naniniwalang hindi kapansin-pansin ang mga epekto ng mga suliranin sa kanilang sariling gawain.

Grap 8 “Halimbawa ay nalaman mong nagkaroon ng isang malaking lindol salungsod na pinagtatrabahuan ng iyong ina. Makakapagbigay ka ban g isang daang porsyentong atensyon sa iyong mga gawain?”

Sa sitwasyonal na halimbawang ito, pitompu’t apat na porsyento (74%) ang nagsasabing magiging mahirap para sa kanila ang magpatuloy ng kahit anong gawain habang nalalaman na nasa piligro ang isang mahal sa buhay. Dalawampu’t anim na porsyento (24%) naman ang nagsasabing kaya nilang magpatuloy sa mga gawain kahit sa kaalaman na ito.

Grap 9 “Ano sa tingin mo ang iyong personalidad?”

Animnapu’t porsyento (60%) ang nagsasabing mas nakikita nila ang kanilang sarili bilang isang introvert. Dalawampung porsyento (20%) naman ang naniniwalang mas naayon ang kanilang personalidad sa isang extrovert.

Grap 10 “Maganda bang gawain ang pagkikimkim ng problema?”

Pitompung porsyento (70%) ang nagsasabing hindi isang magandang kasanayan ang pagtago ng nararamdaman na emosyon, lalo na ang mga suliranin na mayroong negatibong pinaguugatan. Tatlompu’t porsyento (30%) naman ang naniniwalang mayroong substansyal na kadahilanan at ikabubuti ang pagsasangtabi ng mga nararamdaman. Ilan sa mga rasong ibinahagi ng mga respondente ay ang pagnanais na gawing pribado ang kanilang emosyunal na buhay (ang piniling sagot ay hindi), at pagpapanatili pa lalo ng problema kapag hindi hinarap ng kusa (ang piniling sagot ay oo).

Grap 11 “Komportable ka bang magtago ng emosyon sa harap ng iba?”

Dalawampu’t dalawang porsyento (22%) ang nagsasabing oo, isang madali lamang para sa kanila ang pagmamaskara ng nararamdaman. Tatlompu’t anim na porsyento (36%) naman ang nagsasabing hindi ganoong kadali ang pagtago ng kanilang tunay na nararamdaman ukol sa mga bagay-bagay. Apatnapu’t dalawang porsyento naman (42%) ang pumiling manatili sa linyang pumapagitna sa dalawa.

Grap 12 “Halimbawa ay nahuli ka ng pasok sa klase dahil nanggaling ka sa burol ng isang mahal sa buhay. Pagdating mo sa silid aralan ay pinagalitan ka kaagad ng iyong guro ng hindi manlang alam ang kasalukuyan mong sitwasyon. Ano ang mararamdaman mo?”

Batay sa sitwasyon na ginamit sa katanungan na ito, ang pinakamalaking porsyento ay napunta sa pagkainis, na nagkamit ng apatnapung porsyento (40%) ng kabuuang resulta. Sumunod ang pagpapakumbaba at paguunawa, na parehong dalawampu’t dalawang porsyento (22%) ang nakalap. Panghuli naman ang galit, na nakakuha ng labing-anim na porsyento (16%).

Grap 13 “Sumasangayon ka bas a ideya na kahit anong pagtago ng isang tao sa kanyang totoong emosyon, nakikita’t nakikita parin ito sa galaw nito?”

Sa kabuuan at pagtatapos ng sarbey na ito, animnapu’t apat na porsyento (64%) ang sumasangayon sa ideyang lumalabas parin sa iba’t ibang aspeto ng tao ang totoong emosyon nito. Tatlompu’t anim na porsyento naman ang di-sumasangayon.

KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 1. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na malaman ang mga saloobin at pananaw ng bawat estudyante ng kursong Narsing sa Unibersidad ng Santo Tomas tungkol sa pagtatago ng emosyon sa mga pasyente at ang mga negatibong epekto nito at kung paano naapektohan ang kanilang performance sa kanilang propesyon. Ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa (50) respondente. Nahati ang (50) respondente sa dalawang pangkat: (25) sa mga estudyante sa unang taon, ito ang mga estudyanteng wala pang karanasan sa pakikihalubiho sa mga pasyente at (25) sa mga estudyanteng nasa ikalawang taon pataas na may mga karanasan na sa pakikihalubiho sa mga pasyente. Ang mga mananaliksik ay nagkaroon din ng panayam sa isang propesyunal na nars.

2. Kongklusyon

Normal sa ating buhay ang pagkakaroon ng problema o “stress”. Lahat ay nakararanas nito anong mang uri ng propesyon. Ayon sa aming pananaliksik, may mga iba’t-ibang kadahilanan ang pagtatago ng emosyon ng isang nars sa kanyang pasyente. Ang mga kadahilanang ito ay maituturing na personal na bagay. Maaaring ang pagtatago ng emosyon ay isang madaling gawain para sa iba ngunit hindi sa lahat ng oras ay kaya nilang panatilihin ang pagtatago nito. Nakikita parin ito sa kanilang kilos o galaw. Ang epekto ng pagtatago ng kanilang emosyon ay maaring magdulot ng negatibong epekto hindi lamang sa kanilang performance sa trabaho ngunit pati na rin sa relasyon nila sa kanilang pasyente.

Ang mga nars na walang tigil na nakikipag-interak sa pasyente ay dapat magkaroon ng limitasyon at hangganan sa pagpapakita o pagtatago ng kanilang emosyon may problema man o wala. Dapat parin nilang panatilihin ang propesyonalismo sa kanilang pagtratrabaho. Dapat nilang isantabi ang kanilang personal na buhay sa tuwing sila’y

nasa oras ng kanilang pagtratrabaho nang sa gayon ay walang maapektuhan o madadamay ng kanilang emosyon.

3. Rekomendasyon

Buong-pagpapakumbaba naming inihahandog ang ilang mga rekomendasyong ito gamitan gaming pag-aaral bilang batayan. • Para sa pamahalaan, pagbutihin pa ang diseminasyon ng impormasyon ukol sa mga negatibong epekto ng pagtatago ng emosyon ng nars, at bumuo ng nauukol na programang makakatulong sa usaping ito.

Para sa mga nars, maglaan ng nararapat na oras upang isaayos ang nararanasang suliranin upang maiwasan ang mga di-kanaisnais na sitwasyon at epekto.

Para sa mga admisnistrador ng mga ospital, pagbigyan pa ng nauukol na atensyon ang kapakanan at [tag of performance] ng kanilang mga manggagawa.

Para sa mga propesor ng kolehiyo ng Narsing, pagbigyan pa ng mas malawak na kaalaman ang mga estudyante sa mga paraan ng [tagalong ng pag-deal] sa mga negatibong epekto na maidudulot ng nurse-patient relationship upang mas madagdagan ang kanilang pagiging handa.

Para mga estudyante, ihanda na ang sarili sa posibilidad ng pagkontrol ng nararamdaman, upang hind imaging isang napakalaking kagulatan ito pagdating ng panahon ng pagkumpleto ng naaayon na duty.

Para sa iba pang mga mananaliksik, ipagpatuloy pa ang pagsusuri sa usaping ito upang mas mabigyang linaw pa ang mga importanteng detalyeng hindi natalakay ng aming grupo.

LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

Berman, A., Snyder, S. J., Kozier, B., & Erb, G. (2008). Koizer & Erb’s Fundamentals of Nursing. (8/e) New Jersey, USA: Prentice Hall. Wikipedia. (2010). Psychology. Retrieved February 13, 2010, from http://en.wikipedia.org/wiki/Psychology Wikipedia. (2010). Affect (psychology). Retrieved February 13, 2010, from http://en.wikipedia.org/wiki/Affect_%28psychology%29 Burger, J. M. (2007). Personality Seventh Koizer & Erb’s Fundamentals of Nursing. (8/e) USA: Prentice Hall. [Country of pub]: Thomas Wadsworth. Walker, J., Payne, S., Smith, P., & Jarret, N. (2008). Psychology for Nurses and the Caring Professions. (3/e) London: McGraw Hill. Klebanoff, N. A., & Smith, N. M. (1997). Lipincott’s Guide to Behavior Management in Home Care. (1/e) Philadelphia, USA: Lipincott-Raven. Watkiss, S. (2004). Retrieved February 13, 2010, from http://www.watkissonline.co.uk/ebooks/motivation.pdf Merriam Webster’s Collegiate Dictionary. 1996. Goldberger & Breznitz, 1982 Vandekerckhove, M., Von scheve, C., Ismer, S., Jung, S., & Kronast, S. (Eds.). (2008) Regulating Emotions: Culture, Social Necessity, and Biological Inheritance. USA: Blackwell Publishing.

APENDIKS A Pangalan: ___________________ (optional) Taon at Pangkat: _____________ (optional)

Kasarian: ___________________ Edad: ______________________

Isang magandang araw sa iyo! :] Kami ay ang pangkat 11, kasalukuyang nasa unang taon ng Narsing. Nais naming makahingi ng ilang impormasyon na makatutulong sa aming pagaaral sa pamanahong papel para sa asignaturang Filipino. Ang mga tanong na nakapaloob sa kwestyoneyr na ito ay umiikot sa “Isang Pagaaral ukol sa mga Negatibong Epekto ng Pagtatago ng Emosyon ng mga Nars sa mga Pasyente”. Pinakikiusap namin ang iyong makatotohanang mga sagot upang maging possible ang pagkalap ng eksaktong datos. Sinisigurado ng buong grupo ang pagpapanatili ng lihim ang lahat ng impormasyong maibibigay sa kwenstyoneyr na ito. Maraming salamat sa iyong pakikisama at hanggang sa muli! :))

1) Madalas ka bang magkaroon ng problema? ___ Oo. ___ Hindi. ___ Paminsan-minsan lang. 2) Sa paanong paraan mo tinutugunan ang iyong mga suliranin? (Markahan ang lahat ng naaayon sa iyo.) ___ Pag-iyak ___ Pagsigaw at Pagdabog ___ Pananahimik at Pagiisip ___ Pagkukwento sa mga kaibigan at pamilya ___ Paghingi ng payo at tulong sa mga kaibigan at pamilya ___ Sadyang paglimot sa problema o “Bahala na” mentality 3) Nakikita mo ba ang iyong mga problema bilang positibo o negatibo? ___ Positibo ___ Negatibo

4) Naaapektuhan ba ng iyong mga problema ang pangaraw-araw mong mga gawain?

___ Oo. ___ Hindi. 5) Halimbawa ay nalaman mong nagkaroon ng isang malaking lindol sa lungsod na pinagtatrabahuan ng iyong ina. Makakapagbigay ka ba ng isang daang porsiyentong atensyon sa iyong mga gawain? ___ Oo. ___ Hindi. 6) Ano sa tingin mo ang iyong personalidad? ___ Introverted ___ Extroverted 7) Magandang gawain ba ang pagkikimkim ng problema? ___ Oo. ___ Hindi. Pakipaliwanag kung bakit napili ang sagot: _________________________________________________________________ _ 8) Komportable ka bang magtago ng emosyon sa harap ng iba? ___ Oo. ___ Hindi. ___ Paminsan-minsan. 9) Halimbawa ay nahuli ka ng pasok sa klase dahil nanggaling ka sa burol ng isang mahal sa buhay. Pagdating mo sa silid aralan ay pinagalitan ka kaagad ng iyong guro ng hindi manlang alam ang kasalukuyan mong sitwasyon . Ano ang mararamdaman mo? ___ Galit ___ Pagkainis ___ Paguunawa ___ Pagpapakumbaba 10) Sumasangayon ka ba sa ideya na kahit anong pagtago ng isang tao sa kanyang totoong emosyon, nakikita’t nakikita parin ito sa galaw nito? ___ Sumasangayon ___ Hindi sumasangayon Maraming Salamat!



APENDIKS B

TRANSKRIPSYON NG INTERBYU KAY MRS. VERONICA C. TIMOG, R.N., MARSO 9, 2010 Mga Interbyuwer: Nikka Ursula Timog Kimberly Mae Pascual Kendrick Aaron Tan (Si Veronica C. Timog as isang propesyunal na nars na isang rehistradong nars ng Estados Unidos. Nakapagtrabaho siya sa isang nursing home sa Bakersfield, California.) Nikka: Magandang hapon po, Misis Timog. Kamusta po kayo? VCT: Mabuti naman. Thank you for choosing me as an interviewee, honored ako. Kim: Nagkaroon na po ba kayo ng mga karanasan kung saan nagtrabaho ka ng mayroong iniisip na suliranin sa buhay? VCT: Oo, nagkaroon na ako ng ganitong karanasan noong nagtrabaho ako bilang isang nars sa isang pribadong institusyon. Bilang rehistradong nars , mayroon akong malawak na responsibilidad hindi lang sa mga pasyente ko kundi pati sa mga katrabaho ko na nasa puder katulad ng mga nursing aid. Mahirap ang sitwasyon na mayroong suliranin sa buhay habang nagtratrabaho bilang isang nars kasi nakasalalay ang buhay ng mga pasyente sa nars. Pwedeng mawala ang lisensiya niya pag mayroong masamang nangyari sa pasyente. Ken: Maaari ka po bang magbigay ng halimbawa? noon habang nasa ospital siya kaya lang hindi pwede kasi may trabaho ako at hindi pwedeng iwanan ang mga pasyente ko. Ang isang rehistradong nars kasi ay may sinumpaan na hindi niya pwedeng iwanan ang mga pasyente niya pag nasa gitna ito ng trabaho niya. Nikka: Nakapag-pokus ka po ba ng mabuti sa trabaho mo? VCT: Hindi ako maka-pokus noon dahil sa suliranin nayon kaya lang wala akong magawa kundi ipagpatuloy ng maayos ang trabaho ko dahil sa responsibilidad ko VCT: Nagkasakit ang aking anak noon at naospital siya. Kailangang nasa tabi niya ako

sa mga pasyente ko. Pinairal ko ang pagiging propesyunal na napaka importanteng katangian ng isang nars . Kim: Mas mahirap po bang makapagbigay ng isang daang porsyento sa trabaho niyo? VCT: Napakahirap talaga pero nangibabaw na mag pokus ako at magdasal na malampasan ko ang pagsubok na yun. Hindi ko pinakita sa mga pasyente ko na may bumabagabag sa akin noong panahon na yun kasi ang mga pasyente ko sa kadahilanan na ayaw kong mahalata nila na may iniisip akong suliranin. Dahil tao lang ako, di ko talaga maiwasan na magisip sa suliranin ko habang nasa trabaho. Ken: Mas gugustuhin mo po bang maglaan ng ilang minuto upang maiayos ang nababagabag mong isip at panandaliang mag-break muna sa trabahong ginagawa mo noong panahong iyon? VCT: Oo, kung wala naman sa mga pasyente ko ang nasa kritikal na kundisyon na dapat pagtuunan ng pansin. Kahit papano sa maiksing break na yun makausap ko man lang ang nagbabantay sa anak ko sa ospital para kamustahin and kalagayan niya. Nikka: Ano sa tingin po ang importansya ng pagtatago ng emosyon sa mga pasiyente? VCT: Napakaimportante na itago sa mga pasyente ang ano mang emosyon na dulot ng personal na problema. Dapat parang walang iniisip ang nars na suliranin para hindi sila maaepektuhan . Ang pagiging nars ay nakapukos sa pasyente at hindi sa nars. Kim: Maraming salamat po sa pakikipanayam niyo sa amin! magbigay ng opinion. VCT: Walang ano man. Nagpapasalamat din ako sa pagbibigay sakin ng pagkakataon na

Sign up to vote on this title
UsefulNot useful