P. 1
teleserye (deskriptibong pananaliksik)

teleserye (deskriptibong pananaliksik)

|Views: 14,351|Likes:
ano ang teleserye at paano ito nakakaapekto sa mga manonood
ano ang teleserye at paano ito nakakaapekto sa mga manonood

More info:

Categories:Types, School Work
Published by: jossa carla palomiano on Mar 21, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PPT, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

09/08/2015

pdf

text

original

Isang Deskriptibong Pagsusuri sa mga mag-aaral sa Elementarya ng CANOSSA COLLEGE, San Pablo City at ang Epekto sa kanila

ng Panonood ng

TELESERYE

Marami sa mga Pilipino ngayon ang nahuhumaling sa iba·t-ibang teleserye na napapanood ngayon sa telebisyon. Marahil hindi mapagkakailang ang buhay natin ay maihahalintulad sa isang soap opera, may komedya, minsan aksyon, minsan din naman ay katatakutan at kadalasan ay drama. Ngunit ang ilan sa atin ay hindi alam kung saan nga ba nagmula ang soap opera na ngayon ay kilalang kilala sa ating bansa.

Sa Pilipinas ang modernong katawagan para sa soap opera ay ´ telenobela ´o mas kilala pa sa tawag na Ang soap opera ay isang tuluyang papanooring ´ teleserye sa telebisyon at maging sa radyo. Ang soap dramatiko ´. Ang katawagang ito nay nagmula pa noong taong ay nagmulaipinalabas sa ABS-CBN angpang radyo 2000 nang sa original na dramatikong teleseryeng opera ´ Pangako Sayo ´. noon sa radyo mula lunes ang soap Maraming pagkakatulad hanggang na napapakinggan opera sa sa umagangunitsaan pinagkaiba lamang nito ay, teleserye kung ang ay kababaihang may asawa biyernes ang teleserye ay napaghusay ng mga Pilipino na kung saan ang pangunahing tagapakinig nito. nagpapakita ng sosyal na realidad ng mga pangyayari sa buhay ng bawat Pilipino maging isang pamilya man pang personal.

Paglalahad ng Suliranin Ang mga respondente ay ang mga mag-aaral sa elementarya ng Canossa College mula sa una hanggang sa ikaanim na baitang ang kabuuang bilang ay dalawampu (20).

Sa pag-aaral na ito sisikaping sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang katangian ng isang teleserye o soap opera na kinagigiliwan ng mga tao? 2. Ano ang mga pang karaniwang tema ng mga paksa o tema ng mga teleserye o soap opera? 3. May makabuluhang kaugnayan ba ang mga paksa o tema ng mga teleserye sa mga personal na katangian na: 3.1 edad 3.2 kasarian 4. May makabuluhang kaugnayan ba ang paksa ng mga teleserye sa pang- araw-araw na buhay?

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang tukuyin kung ano ang nagiging reaksyon ng mga mag-aaral sa elementarya ng Canossa College sa pinapanood nilang teleserye o soap opera sa pang-araw-araw. Layunin din ng pag-aaral na ito na alamin kung ano ang epekto ng panonood ng teleserye o soap opera at kung mayroon bang maganda o masamang dulot ito sa mga mag-aaral. Para sa magulang ng mga respondente, ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang malaman nila ang positibo o maging negatibong epekto ng panonood ng teleserye o soap opera ng kanilang mga anak.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ukol sa pagsusuri ng reaksyon ng mga tao sa pinapanood nilang teleserye o soap opera at ang kaugnayan nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ang mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa elementarya ng Canossa College, Lungsod ng San Pablo. At ang pag-aaral na ito ay itinuon sa (20) dalawampung mag-aaral na hinati-hati mula una hanggang ikaanim na baitang.

Depinisyon ng Terminolohiya ISTASYON - tumutukoy sa isang uri ng komunikasyong pangtelebisyon at pangradyo na gumagamit ng signal para makarating sa tao ang mensahe. MASALIMUOT - hindi magandang pangyayari. PAG-USBONG - pag unlad na may kinalaman sa negosyo. SERYE - putol na kwento na patuloy na pinapalabas sa radio man o telebisyon. SOAP OPERA- programa sa telebisyong na binubuo ng serye ng mga palabas. TELESERYE - isang panooring pantelebisyon na may iba·tibang tema. Ito ay nagmula sa salitang tele na pinaikling ´telebisyonµ at serye ´series. Ito rin ay Pilipinong katawagan sa soap opera

Hinuha ang pangalang soap opera, o soap, sa mga unang serye ng drama sa radyo, na noon ay iniisponsor ng mga kumpanyang gumagawa ng sabon, tulad soap operaProcter & Ano ang ng Colgate-Palmolive, o Gamble, at Lever Brothers (na ngayon ay Unilever) (Allen, 1985).

teleserye?

Samantalang ang teleserye naman ay nagmula sa salitang ´teleµ, na pinaikling telebisyon at ´seryeµ na katawagang tagalog sa ´seriesµ. Sa ngayon ang ´Teleseryeµ ay ginagamit bilang katawagan sa mga pilipinong soap opera sa telebisyon.

Sinasabi ni atienza at legaspi (nabangit ni Kisseloff,1995) sa aklat na pinamagatang ´The Box: An Oral History of Televisionµ na ang mga soap opera ay nagsimula sa radyo. Datapuwa·t ang mga pinagmulan nito ay mapahanggang sa ngayon ay pinagtatalunan, sinasabi ang kaunaunahang soap sa telebisyon ay ang Painted Dreams ni Irma Philips na isinahimpapawid sa WGN noong 1930. Ngunit may iba pang katunggali na soap, tulad ng The Smith Family at The Rise of the Goldbergs, na inere noong 1925 at 1929.

Kasaysayan ng Soap Opera o Tel

Ayon kay Atienza at Legaspi (nabangit ni bowles,) ang kauna-unahang soap na lumabas sa telebisyon ay ang Guiding Light na ginawa din ni Philips, nagsimula sa radyo noong ika-25 ng Enero, 1937, at isina-telebisyon noong ika-30 ng Hunyo, 1952 .

Sa Pilipinas

1. BALANGKAS

Mga Karaniwang Sangkap na bumubuo sa So
a. Masalimuot ang kwento b. Karaniwang paulit-ulit c. Walang agad na kasagutang ibinibigay d. Nakapagbibigay daan sa pagkakaroon ng sariling interpretasyon

2. TEMA

Isa sa tema ng Soap Opera ay ´pagwawagi ng mabuti laban sa masama Isinaad din nila Atienza at Legaspi (nabangit ni Bowles) 1.sitwasyong may kinalaman sa buhay pampamilya, 2. maselan o sekswal na eksena, 3.mga tunggaliang emosyonal at moral, at pagsaklaw sa mga isyung topical (o di kaya ay base sa lokasyon)

Ayon din kila Atienza at Legaspi (nabangit kay Geharty,1999) sa librong ´The Aesthetic Experience in Women and Soap Operaµ tulad ng ibang mga teatro at dula ang mga soap opera din ay nalalaman ng mga: a. mga pagkikita, na madalas, kung hindi laging, nagkakataon b. mga biglaang pag-uusap o konbersasyon c. mga nagkakataong mga pangyayari d. biglaang pagsagip at pagbubunyag e. at ang biglaang paglabas ng isang tao o bagay upang ayusin ang tungalian.

3.Tauhan Mayroong tatlong uri ng relasyon na karaniwang ipinapakita sa mga Soap Opera: a. Magkakamag-anak
b. May patungkol sa pag-iibigan c. Ugnayan ng mga uri sa lipunan

4. Istraktura
a. Maykakaibang anyong pasalaysay b. Tumatagal mula kalahating oras hanggang isang oras c. Mula Lunes hanggang Biyernes ang karaniwang Soap Opera d. Maraming pagpuputol e. Karaniwang nagtatapos ang bawat palabas na may iniiwang tanong f. Makapapanood na ng Soap Opera ng alas-diyes pa lamang ng umaga hanggang alas-siyete y medya ng gabi

5.Tagpuan
a. Karaniwang ginaganap sa tahanan b. Matatagpuan din ang mga tauhan sa maliliit na bayan

ABS-CBN - 2 (LOCAL) Tanging Yaman Agua Bendita Kung Tayo'y Magkakalayo Mga Buhay Habang MayTeleserye Na Napapanood Natin Ngayon Rubi Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Tonyong Bayawak Maalaala Mo Kaya Magkano Ang Iyong Dangal? Precious Hearts Romances Presents: Quikilig!: The Substitute Bride Your Song Presents: Love Me, Love You BANYAGA Wanted: Perfect Husband (Taiwanese) Maria de Jesus (Mexican)

GMA-7 (Lokal) First Time Panday Kids The Last Prince Full House Daisy Siete: Bebeh and Me Sine Novela Ina, Kasusuklaman Ba Kita? Gumapang Ka Sa Lusak BANYAGA (Korean) Queen Seon Deok Jang Geum's Dream

Ang epekto ng soap opera sa tao ay iba-iba nakadepende na din ito sa anung uri ng teleserye ang kanilang pinapanood. Ayon kina Canror at Pingree (1983), ang mga soap ay EPEKTO NG makaapekto sa : maaaring PANONOOD
1. mga relasyong panlipunan at pantao 2.pag-uugali tungkol sa romansa at seks 3. iba pang aspeto ng lipunan (paggawa, sakit, kaguluhan, atbp.)
Ibinatay nila ang kanilang mga obserbasyon sa Cultivation Theory ni Gerbner

Isinaad ni Michael Richards (2000) sa aklat na ´TV in Contemporary Asiaµ noong 1997, nagkaroon ng matinding kompetisyon sa pagitan ng mga programang pambalita ng ABS-CBN at ng bagonglabas na Mexicanovela na Marimar. Gayundin, ang nasabing programa ay ang dahilan kung bakit pansamantalang naging una sa television ratings ang RPN 9, ang istasyong nagpalabas ng nasabing telenovela.

1. DISENYO NG PANANALIKSIK

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

´Descriptive Survey Rese

2. METODOLOHIYA Nagbigay ng (20) dalawampung talatanungan ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral sa elementarya ng Canossa College, San Pablo City. Sa (20) dalawampung talatanungan, lahat ay naibalik. Ang talatanungan ay nagpokus sa pananaw ng mag-aaral tungkol sa teleserye o soap opera. Una, nagtanong ito kung ang mag-aaral ba ay nanonood ng soap opera at kung saang istasyon ba nila ito pinapanood at kung ano ang kadahilanan kung bakit sila nanonood nito. Nagtanong din ito kung sino ang kadalasang kasama ng magaaral sa panonood ng teleserye at kung anong aral ang napupulot nila dito. Huli, nagtanong ito kung ano ang epekto sa mag-aaral ng panonood ng teleserye araw-araw.

3. PRESENTASYON, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG DATOS NANONOOD NG TELESERYE
Hindi 10%

Oo Hindi

Oo 90%

Grap 1. Bahagdan ng mga respondenteng mag-aaral na nagsasabing sila ay nanonood at hindi nanonood ng teleserye

ISTASYONG PINANONOORAN NG MGA RESPONDENTE
HINDI NANONOOD 10% PAREHO 10% GMA 10%

ABS-CBN GMA PAREHO HINDI NANONOOD ABS-CBN 70%

Grap 2. Bahagdan ng pinapanoorang estasyon ng mga mag-aaral

Karaniwang Dahilan ng mga Mag-aaral sa Panonood ng Teleser ____________________________________________
* Nakakapulot ng magandang aral (moral lesson) * Nakakapagbigay kasiyahan * Nakakaliban * Nakakaaliw

Talahanayan 1. Dahilan ng mga mag-aaral sa panonood ng teleserye

MGA TAONG NAKAKASAMA NG RESPONDENTE SA PANONOOD NG TELESERYE
Isa sa M iyembro ng Pamilya, 35% Hindi Nanonood, 10% Kasambahay, 5%
Buong Pamilya

Buong Pamilya, 45% M ag-isa, 5%

Mag-isa Kasambahay Hindi Nanonood Isa sa Miyembro ng Pamilya

Grap 3. Bahagdan ng mga taong nakakasama ng mga respondente sa panonood ng teleserye

Hindi Nanonood 10%

Kung Tayo'y Magkakalayo 5% Panday Kids 15% May Bukas Pa 15% Kung Tayo'y Magkakalayo Panday Kids May Bukas Pa Agua Bendita Hindi Nanonood

Agua Bendita 55%

PABORITONG PANOORING TELESERYE NG MGA RESPONDENTE Grap 4. Bahagdan ng paboritong panoorin na teleserye ng mga respondente.

Mga Aral na nakuha ng mga krespondentl sa panonood ng teleserye
__________________________________________________________

* Pagiging mabait na bata * Pagiging mapagmahal * Pagkakaroon ng pananalig sa Diyos * Pagiging matapat * Pagiging matulungin * Pagiging masayahin

Talahanayan 2. Listahan ng mga aral sa panonood ng teleserye

Epekto ng Panonood ng Teleserye
_______________________________________________________

* Nagiging mas malapit sa taong minamahal * Nagiging mas mabait na bata * Nagiging mas malapit sa Diyos * Nadadagdagan ang pagmamahal sa pamilya * Nagiging mainisin * Nagiging madrama

Talahanayan 3. Listahan ng Epekto na Panonood ng Teleserye sa mga ´respondentµ.

1. LAGOM

Karamihan sa mga respondente ay nanonood ng teleserye (90 %) at kaunti lamang ang hindi nanonood (10%). LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON Ang paboritong istayon na pinanonood ng mga respondente ay ang ABS-CBN (70%), GMA (10%) , parehong istasyon (10%) at may ilan ding hindi nanonood (10%). Ilan sa mga kasama ng respondente sa panonood ng ng teleserye ay ang isa sa miyembro ng kanilang pamilya (35%) , buong pamilya silang nanonood (45%), mag isang nanonood (5%), mayroon ding kasambahay lamang ang kasama (5%) at ang iba nama·y hindi nanonood (10%).

Ayon din sa sarbey, ang paboritong panoorin ng mga respondente na teleserye ay ang AGUA BENDITA (55%) , sumunod dito ang MAY BUKAS PA at PANDAY KIDS (15%), at ang huli ay ang KUNG TAYO·Y MAGKAKALAYO (5%) at ang iba·y Di nanood ng teleserye (10%).

2. KONGKLUSYON Mula sa pag-aaral, mapapansin na karamihan sa mga mag-aaral ay nanonood ng teleserye at iilan lamang sa kanila ang hindi nanonood nito. Makikita din sa pag-aaral na mas malaking bahagdan ng mga magaaral ang nanonood sa ABS-CBN kumpara sa GMA at dahil dito, ang teleseryeng AGUA BENDITA ng ABS-CBN ay siyang paboritong panoorin ng mga mag-aaral na nanonood ng teleserye. Iba·t Iba ang mga naging dahilan ng mga mag-aaral kung bakit nanonood sila ng teleserye. Isa sa mga dahilan nila ng panonood ng teleserye ay nakapagbibigay ito ng magandang aral sa bawat isa, may nagsabi din na kasiyahan at aliw ang dulot nito kung kaya·t hindi maitatangi na ang teleserye ay naging isang instrumento upang magkasama-sama ang bawat miyembro ng pamilya.

Sa kabilang banda, ang panonood ng teleserye ay may epekto sa mga mag-aaral na respondente. Nahati ito sa positibo at negatibong epekto. Isa sa positibong epekto ng panonood ng teleserye sa mga mag-aaral ay sa murang edad nila ay natututo silang pagyabungin ang kanilang emosyon at damdamin sa positibong aspeto. Naging mas malinaw din sa ilang magaaral na gumawa ng kabutihan kaysa sa masama. Ngunit sa kabilang banda ay nagkaroon din ng negatibong epekto ang panonood ng teleserye sa mga mag-aaral at ang isang nakitang negatibong epekto nito sa mag-aaral ay nagkaroon ng ugaling pagkainis ang mag-aaral, dahil sa may ilang bahagi ng teleserye kung saan inaapi ng kontrabida ang pangunahing tauhan na dahil dito ay mas naging bukas sa isip ng mag-aaral na mainis sa kontrabida kahit ito ay isang paglalarawan lamang. Karamihan sa atin ay nanonood ng teleserye na kung saan ang bawat isa·y may dahilan kung bakit nanonood nito. Ngunit sa kabilang banda ang panonood natin ng teleserye ay mayroong positibo at negatibong epekto kung kaya·t maging mapanuri ang lahat sa pinapanood nilang teleserye

3. REKOMENDASYON Binigyang puna ng aming pamanahunang papel ang mga dahilan at mga epekto ng panonood ng teleserye o soap opera ng mga mag-aaral. Para sa mga mag-aaral maging mapanuri sa mga teleserye o soap opera na kanilang pinapanood dahil sa may maaaring maging epekto sa kanila ang panonood nito. Para naman sa magulang ng mga mag-aaral ay gabayan nila kanilang mga anak sa panonood, dahil sa may mga ilang teleserye o soap opera ang maaring hindi angkop sa gulang ng mga batang mag-aaral. Ang Pamanahunang papel na ito ay maaring pagyamanin pa. Para sa mga susunod na mananaliksik, maaring gumawa ng isang case study ng mga piling mag-aaral. sa ganitong paraan, maaring masubaybayan ang buhay ng mag-aaral sa maaring maging epekto sa kanila ng panonood ng teleserye o soap opera. Magiging mas detalyado at eksakto ang pag-aaral sapagkat makikita ng mananaliksik mismo ang kilos at epekto nito sa mag-aaral.

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->