You are on page 1of 1

Ano ang Retorika?

Ayon kay Sebastian(2007), ito ay isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na kung saan ay tinukoy kung maganda o kaakit-akit
ang pagsususlat at pagsasalita. Maaari rin itong tawagin bilang pagaaral o kahusayan ng isang indibidwal sapagpili ng mga salitang
gagamitin sa pagsulat o pagsasalita.

* Galing sa salitang "rhetor" (Salitang Griyego) na nangangahulugang "guro" o mahusay na oradr/mananalumpati


.
* Susi sa mabisang pagpapahayag na nauukol sa kaakit-akit, kaiga-igaya at epektibong pagsasalita o pagsulat.

* Pag-aaral kung paano makabubuo ng isang kaisipan sa pamamagitan ng mga piling salita at wastong ayaw-ayaw ng mga ito upang
maiangkop sa target ng awdyens at matamo ng manunulat ang kanyang layunin.

*Ang kasanayang ito ay natututunan o napagaaralan

Ang isang taong may kahusayan sa retorika ay kadalasan nagkakaroon ng isang magandang impresyon sa kaniyang mga audience o
tagapakinig. Halimbawa na lamang ay ang paborito mong awtor ng libro tagapagbalita sa telebisyon. May kasanayan sila na kung saan
sila ay ating hinahangaan at maging tinatangkilik ng mga tagapanood.Samakatuwid, ang layunin ng retorika ay maging kaakit akit at
epektibo ang isang pahayag.

Bilang isang sining


Tulad ng awit ang retorika ay may roon ding sining o ibat ibang paraan o estilo na nalinawan sa ating isipan, damadamin at
mambabasa.

Isang Kooperativong sining


Hindi maaring gawin ng nagiisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at tagapakinig sa iisan ideya.

Isang pantaong sining


Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, paslita man o pasulat. Dahil dito, ito ay pagaari ng tao ang retorika ay isa ring siniong at
pantao.

Isang Temporal na sining


Ito ay nababatay sa panahon.Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwhae ngayon at hindi bukas o kahapon.

Isang limitadong sining


Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil maaring imahinasyon lamang ang gamitin
sa sining na ito.

Isang may kabiguang sining


Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga tuntunin na pababago bago. Sa iba ito ay
nagiging frustrating na karanasan.

Isang nagsusupling na sining


Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. At patuloy tuloy na
napapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan.
Gampanin

Nagbibigay daan sa komunikasyon

Ano man an gating naiisip, nadarama ay maari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na mauunawan ng ibang tao.
Nagdidistrak

Dahil sa ating pakikining o pagbabasa ng mga akda tayo ay nadidistrak at nadadala sa ibang dimesyon na kung saan nakakalimutan
natin ang tunay na suliranin ng ating buhay.
Nagpapalawak ng pananaw

Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman na mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang retorika ay
nagsusupling dahilan upang lumawak ang pananaw natin
Nagpapalawak ng pananaw

Sa ating pakikinig o pagbasa maaaring may natututunan tayong bagong kaalaman na mahalaga. Gaya ng nabanggit, ang retorika ay
nagsusupling dahilan upang lumawak ang pananaw natin
Nagbigay-kapangyarihan

Dahil sa retorika, napakaraming tao ang nagging prominente at makapangyarihan. Isa sa mga mahuhusay na na pulitiko o
mananumpalati. Si Ninoy Aquino ay isang mahusay na peryodista noong Ikalawang pandigmaang pandaigdig. Ang matatalinong ideya,
malalalim na pananampalataya at idyolohiya na naipahayag sa pamamagitan ng retorika ay pinagmulan din ng kapangyarihan at
kalakasan

You might also like