You are on page 1of 44

Mga Alituntunin ng Tawheed

Dr. Abu Ameenah Bilal Philips


Isinalin ni: Abu Khalid

Mga Kategorya ng Tawheed

A ng literal na kahulugan ng tawhid ay unification (making something one) o di


kaya’y “asserting oneness”. At ito ay nanggaling sa pandiwang wahhada na ang
kahulugan ay pag-isahin, pinag-isa (o magkaisa), o pagsamahin. Subalit kung
ang salitang tahweed ay ginagamit patungkol kay Allaah (tawhidullah). Ito ay
nangangahulugang pagganap (pagtupad) at pagpapanatili (pag-giit) ng kaisahan ng
Allaah sa lahat ng gawain ng tao, maging ito man ay tuwiran o di tuwirang nakaugnay sa
kanya. Ito ay ang paniniwala na ang Allaah ay iisa, walang katambal sa Kanyang
Dominyo (Ruboobeeyah), ang walang katulad sa kanyang Diwa (essence) at mga
katangian (asma’ was sifaat), at ang walang katunggali (kaagaw/katunggali) sa Kanyang
pagkadiyos at sa pagsamba (sa Kanya) (Ulooheeyah/Ibaadah). Ang mga tatlong aspeto na
ito ay bumubuo ng saligan/basehan/pundasyon ng mga kategorya na kung papaano ang
agham ng tawheed ay nakagawiang binabahagi. Ang mga tatlo na ito ay nagkaka sanib
sanib (overlap) at di mapaghiwalay [to such a degree] na kung sinoman ang magtanggal
ng kahit ano man sa aspeto nito ay nagapi/nasawi/nagkulang/nabigo (failed) sa pag
kumpleto ng mga pangangailangan ng tawheed. Kung may nakaligtaan sa isa sa mga
nabanggit na aspeto ng tawheed, ito ay mabibilang na shirk [literal na kahulugan ay pag
tambal], ang pagtambal sa Allaah. Sa pang islamikong termino (term) sa katunayan ito ay
Idolatry.

Ang tatlong kategorya ng tawheed ay nakasanayan ng bansagan ng mga sumusunod na


pamagat/titulo:

1. Tahweed ar Ruboobeeyah (literal: Pag giit/pagpanatili ng Pagkapanginoon ni Allaah)


[Lordship]. It ay ang pag [affirm] na ang Allaah ay Iisa, walang kasama/katambal sa
kanyang kapangyarihan/kaharian.

2. Tawheed al Asma’ was sifaat (maintaining the Unity of Allaah’s Names and
attributes). Ito ay pag [affirm] (pag pagtibay/pag giit/) na ang mga pangalan ni Allaah ay
hindi maihahalintulad at walang kaparis/bukod tangi.

3. Tawheed al Ibaadah (maintaining the unity of Allaah’s worship). Ito ay ang pag
[affirm] na ang Allaah lamang ang may karapatang sambahin.

Ang pagbabahagi ng tawheed (sa ganito) [sa mga bahagi nito] ay hindi nagawa ng
propeta at maging ng kanyang mga kasamahan, sa dahilan na walang pangangailangan na
suriin ang mga saligan/batayan ng pananampalataya sa ganitong paraan. Subalit ang mga
pinagmulan [foundation] ng mga ito [components] ay lahat matatagpuan sa mga talata ng
Qur’aan at mga nakapagpapaliwanag [explanatory] na kasabihan ng Prophet 567‫ و‬9:6; <‫?> ا‬, at

albangsamori@yahoo.com 1
ng kanyang mga kasamahan. Ito ay magiging malinaw sa mambabasa sa mga susunod na
mga pahina kapag ang bawat kategorya ay mapag aaralan na ng masinsinanan/detalye.

Nagkaroon ng pangangailangan sa ganitong pagsusuri/pagbabahagi ng mga [principles]


ng Tawheed nang ang Islam ay lumaganap sa Ehipto, Byzantium, Persia at India, at ito ay
nahalo sa mga kultura ng mga lugar na ito. Natural lamang na madadala/mahahalo ng
mga tao na pumasok sa Islam ang ilan sa kanilang mga dating paniniwala. Nang ang ilan
sa mga bagong yakap na ito ay nagsimulang maghayag [express] sa kasulatan at mga pag
uusap, ng mga pam pilosopong konsepto ng Diyos, lumitaw ang pagkalito na kung saan
ang pagkadalisay at payak na paniniwalang [Unitarian] Islam ay nanganganib [threaten].
Mayroon ding mga tumanggap ng Islam sa panlabas lamang subalit kanilang palihim na
sinisira ang Islam mula sa loob nito [within], sa dahilang hindi nila kaya ang pang militar
na pakikipagtunggali. Ang grupo na ito ay masigasig na nagpapalaganap ng mga pilipit/
na paniniwala tungkol kay Allaah sa mga masa upang sirain ang unang haligi ng Iman
[faith] at kasama na dito and Islam mismo. Ayon sa mga Muslim na
mananalaysay/nagsusulat ng kasaysayan, ang unang Muslim na nagpahayag ng free will
[kalayaan ng tao na gumawa sa labas ng kapangyarihan ni Allaah], at ng di pag-iral ng
Qadr ay ang Iraqi convert na nag-ngangalang Sausan. Pagkaraan ng ilang panahon, si
Sausan ay bumalik uli sa kristiyanismo ngunit bago nangyari ito, kanyang nahawa ang
kanyang mag aaral/estudyante na si Ma’bad ibn Khalid al Juhani na taga Basrah.
Pinalaganap ni Ma’bad ang katuruan ng kanyang maestro hanggang siya ay nadakip at
bitayin/putulan ng ulo [execute] ng Umayyad Caliph na si Abdul Malik ibn Marwan
(685-705), sa taong 700 CE.

Nag udyok sa mga tao ang mga nakababatang Sahabah katulad ni Abdullah ibn Umar (d.
694 CE), Abdullah ibn Abi Aufa (d. 705 CE) na huwag batiin (ng Salam) ang tumatanggi
at di naniniwala sa Qadr at huwag magsagawa ng [funeral prayers] sa kanila kung sila ay
namatay. Alalaong baga, sila ay kanilang tinuturing na mga di Muslim. Subalit ang
pampilosopong pangangatwiran na mula sa Kristiyanismo na para sa Free Will ay patuloy
na nagkakaroon ng mga tagasunod. Pinag tanggol ng taga Damascus na si Ghailan ibn
Muslim na nag aral kay Ma’bad ang Free Will hangga’t siya ay nadala sa harapan ni
Caliph ni ‘Umar ibn ‘Abdul ‘Aziz (717-720 CE). Tinalikdan niya ng lantaran ang
kanyang paniniwala; subalit ng namatay ang Caliph, siya ay bumalik sa pag tuturo ng
Free Will. Dinakip siya ng sumunod na Caliph na si Hisham ibn Abdul Malik (724-743
CE) at siya ay nilitis at binitay. Isang prominent figure sa controversy na ito ay si al-Ja’d
ibn Dirham, na hindi lang basta sumoporta sa philisopy ng free will ngunit nagsumikap
din na re interpret ang mga talaga ng Qur’aan na naglalaman ng descriptions ng Katagian
ni Allaah ayon sa neo platonic philosopy. Si Al-J’ad ay naging guro ng Umayyad na
Prinsipe na si Marwan ibn Muhammad, na naglaong naging ikalabing apat na Caliph
(744-750 CE). Sa kanyang mga pagtuturo sa Damascus, lantaran niyang ikinaila ang mga
katangian ng Allaah katulad ng pagmasid, pag dinig at iba pa hanggang siya ay pinaalis
ng Umayyad Governor. Siya ay tumungo sa Kufah na kung saan siya ay nagpalaganap
(propound) ng kanyang kaisipan at dumami ang kanyang tagasunod hanggang kumalat na
ang kanyang maling opinion at siya ay binitay ng Umayyad Governor na si Khalid ibn
Abdullah. Ngunit ang kanyang disipulo na si Jahm ibn Safwan ay pinagpatuloy ang
doctrina ng kanyang maestro sa (philisopical circles) sa Tirmidh at Balakh. Nang

albangsamori@yahoo.com 2
lumaganap ang kanyang heresies, siya ay binitay ng Umayyad Governor na si Nasr ibn
Sayyar, in 743 CE.

Mas malapit sa Islam ang mga naunang Caliph at ang kanilang mga gobernador at
malakas ang kamalayan ng mga tao (sa Islam) dahil sa kapiling nila ang mga Kasamahan
ng Propeta at pati na rin ang mga tagasunod nila. Dahil dito, mabilis ang pag tugon mula
sa mga namamahal/pinuno ang pag puksa/lipol/alis ng mga lantarang heretics na ito. Sa
kabilang banda naman, ang mga huling Umayyad Caliph ay mas masama at maliit ang
kanilang pagkalinga sa mga isyung pang relihiyon. Mahina rin ang kamalayan ng mga
madla kaya’t sila ay madaling kumiling sa mga mali at taliwas na kaisipan. Habang
parami na ng parami ang mga taong pumasok sa Islam, at ang kaisipan ng mga nasakop
na bansa ay nahalo (sa Islam), ang pag bitay ng mga tumatalikod sa pananampalataya ay
hindi na nagamit upang labanan ang paglaganap ng paniniwalang heresy. Nahulog sa
mga balikat ng mga paham na mga Muslim sa panahong ito na labanan ang pagdami ng
maling paniniwala sa pamamagitan ng pang intelektual na pamamaraan. Kanilang
nilabanan ng may sistemang pamamaraan ang mga samu’t saring philisopies at
paniniwala sa pamamagitan ng pag categorize sa kanila at ito ay kanilang sinalungat ng
mga saligang hango mula sa Qur’an at Sunnah. Lumitaw ang kaalamang Tawhid mula sa
mga depensang ito kasama na ang mga tumpak na mga kategorya at mga nilalaman nito.
Kasabay din nito ang pagdadalubhasa ng mga ibang aspeto ng kaalamang islamiko,
katulad din kung papaano ang nangyari sa mga iba’t ibang kaalamang pang sekular
ngayon. Samakatuwid, habang hiwalay na pinag aaralan ang mga kategorya ng Tawhid
at sa mas malalim pa nitong pagaaral, hindi dapat kalimutan na lahat sila ay parte ng
kabuoan na pati (ang kabuuan na ito) ay ang saligan ng mas malaking kabuoan, ang Islam
mismo.

Tawheed ar-Ruboobeeyah (Pagpapanatili sa Kaisahan ng Pagkapanginoon ni


Allaah)

Ang kategorya na ito ay hango sa pangunahing konsepto na ani Allah lamang ang
gumawa sa lahat ng bagay mula sa wala. Tinutustos at pinanatili Niya ang nilikha ng
walang pangangailangan mula dito o para dito. Siya ang nag-iisang Panginoon ng
Sanlibutan at ng mga naninirahan dito nang walang tunay na hamon sa Kanyang
kapangyarihan. Sa wikang Arabe, ang katagang ginagamit upang ilarawan ang
katangiang manlilikha-manunustos ay Ruboobeeyah na galing sa salitang ugat na Rabb
(Panginoon). Ayon sa kategoryang ito, sa dahilan na ang Diyos lamang ang may tunay na
kapangyarihan sa lahat, samakatuwid Siya lamang ang nagbigay sa lahat ng nilikha ng
kakayahang gumalaw at magpalit. Walang nangyayari sa nilikha liban lamang na ito ay
Kanyang pahintulutan. Sa pagkilala ng Propeta Muhammad sa katotohanang ito, kanyang
inuulit-ulit ang mga katagang, “ La hawla wa la quwwata illa billah.” (Walang pag-
galaw o kapangyarihan liban sa kagustuhan ni Allah).

Ang batayan sa konsepto ng Ruboobeeyah ay matatagpuan sa maraming talata


ng Qur’an. Halimbawa ani Allah ay nagsabi:

albangsamori@yahoo.com 3
“Si Allah ang Manlilikha ng lahat ng bagay, at Siya ang Wakil (Katiwala,
Tagapangalaga at Tagapagpatupad) ng mga pangyayari sa lahat ng bagay. (Qur’an
39:62)

“Samantalang si Allah ang lumikha sa inyo at yaong inyong ginagawa” As-Saffat


37:961

“…At hindi ikaw ang naghagis (O Muhammad) nang ikaw ay maghagis (sa kanila),
datapuwa’t si Allah ang naghagis (alalaong baga, pinapangyari Niya na tumama ang
ipinukol mo sa kanila). Al-Anfal 8:17.2

“Walang (anumang) kapahamakan ang magaganap malibang pahintulutan ni


Allah…” (At-Taghabun 64:11)

Ang Propeta ay nagbigay ng karagdagang pagpapaliwanag tungkol sa konsepto na ito


nang kanyang sabihin,

“Alamin, na kung ang buong sangkatauhan ay sama-samang magtitipon upang


ikaw ay matulungan, sila ay makakagawa lamang para sa iyo ayon sa kung ano
naisulat (nai-tadhana) ni Allah sa iyo. Gayundin, kung ang buong sangkatauhan
ay sama-samang magtitipon upang gumawa ng kasamaan sa iyo, sila ay
makakagawa lamang ng kasamaan laban sa iyo ayon sa kung ano ang naisulat
(naitadhana) ni Allah na mangyari sa iyo.3

Samakatuwid, kung ano man ang isipin ng tao na suwerte o malas ay mga pangyayari
lamang na nai-tandhana ni Allah na bahagi ng pagsusuri sa buhay na ito. Ang mga
pangyayari ay sumusunod lamang sa dibuho na ginawa ni Allah.

Sinabi ni Allah sa Qur’an:

“ O kayong nagsismipalataya! Katotohanang sa lipon ng inyong mga asawa at inyong


mga anak ay mga kaaway sa inyo (alalaong baga, maaring ang isa sa kanila ay
pumigil sa inyo sa pagsunod kay Allah) kaya’t inyong pag-ingatan sila...” (At-
Taghabun 64:14).

1
This may mean. ‘Allah has created you and what you do;’ or it may mean, ‘Allah has created you and what you
make.’ Both views are synonymous. The former is more apparent because of the report recorded by Al-Bukhari
in the Book Af’al Al-‘Ibad from hudhayfah, attributed to the Prophet:
9َUVَ Wَ?‫ َو‬Yٍ [ِ \َ? >
] ‫ ُآ‬Yُ Wَ `َa bَc\َVdَ 9َ 6]c‫ِا ن] ا‬
Allah has created every doer of deeds and what he does. Thereupon he recited: While Allah has
created you and what you make!. Tafsir Ibn Kathir Vol. 8 page 269 (Quoted from As-Sunnah, Ibn Abi ‘Asim
1:158). Translator’s footnote.
2
This was in reference to a miraculous incident which took place when the Prophet gathered some dust in his
hand and threw it at the enemy (at the beginning of the Battle of Badr). Allah caused the dust to reach the faces
of the enemy inspite of their great distance).
3
Reported by Ibn ‘Abbas and collected by Tirmidhi. See ‘Ezzeddin Ibrahim and Denys Johnson – Davies, an-
Nawawi’s Forty Hadeeth, (English Trans., Damascus Syria: The Holy Koran Publishing House, 1976, p. 68,
hadith no. 19).

albangsamori@yahoo.com 4
Sa madaling sabi, nasa mga magaganda at mabubuting bagay sa buhay na ito ay
may matinding pagsubok ng pananampalataya sa Diyos. Gayun din, nasa napakahirap na
pangyayari sa buhay ay may pagsubok ayon na rin sa nabanggit na talata ng Qur’an,

“At katiyakang kayo ay Aming susubukan sa mga bagay na tulad ng pangamba at


pagkagutom, (ang ilan) ay pagkalugi sa hanapbuhay o pagkawala ng kayamanan,
pagkawala ng buhay, at (pagkawala) ng bungangkahoy (na inyong pinaghirapan),
datapuwa’t magbigay ng magandang balita sa mga matiisin” (Al-Baqarah 2:155).

Kung minsan ang dibuho (pattern) ay maaring makikilala, katulad ng relasyon ng sanhi at
resulta (caise and effect relationship) sa iba namang pagkakataon ay hindi, tulad
halimbawa ng mga pagkakataon na maganda ang resulta ngunit ito ay nagmula sa
masamang paraaan or di kaya masama ang kinalabasan ngunit nagmula sa magandang
paraan. Ipinaliwanag ng Diyos na ang dahilan sa mga tila bagang katiwalian (na mga
pangyayaring) ito ay kadalasang di-abot ng dagliang pang unawa ng tao sa dahilan na ang
kanyang kaalaman ay limitado.

"…Ngunit, maaring ang isang bagay na hindi ninyo naiibigan, ito ay mainam
(makabubuti sa inyo), at maaring ang isang bagay na inyong nagugustuhan, ito ay
masama (hindi makabubuti) sa inyo. Datapuwa't si Allah ang nakakaala at ito ay hindi
ninyo nalalaman. " Al Baqarah 2:216.

Ang mga tila bagang masamang pangyayari sa buhay ng tao ay kung minsan
nauuwi sa kabutihan, at ang mga tila bagang mabuting bagay na naiibigan ng tao
makakasama pala sa kanya. Samakatuwid, ang impluwensiya ng tao sa mga pangyayari
ng kanyang buhay ay limitado lamang sa pagpili na inihain sa kanya at hindi ang aktual
na kinasapitan ng kanyang pagpili. Sa madaling sabi, "Man proposes and God Disposes".
Ang tila bagang "swerte" o "kamalasan" ay galing sa Allah ang hindi ayon sa
impluwensiya ng good luck charms tulad ng paa ng kuneho, four leaf clovers, wishbones,
lucky numbers, zodiacal signs etc., o di kaya galing sa masamang pangitain ng kamalasan
tulad ng Friday the thirteenth, mga sirang salamin, itim na pusa at iba pa. Sa katunayan,
ang paniniwala sa mga anting-anting at masasamang pangitain ay paghahayag ng
karumaldumal na kasalanan na shirk sa bahagi ng Tawheed na ito. Isang kasamahan ng
Prophet sallallaahu alaihi wa sallam ay nagsabi na,

"Minsan isang grupo ng tao na lumapit sa Sugo ni Allah upang magbigay ng


panunumpa sa kanya, at tinaggap niya ang lahat ng panunumpa liban sa isa.
Nang tanungin nila siya kung bakit hindi niya tinanggap ang panunumpa ng
kanilang kasama, ang sagot niya, 'Katunayan, siya ay may suot na agimat
(Upang magbigay ng swerte sa kanya or makaprotekta sa kanya laban sa
kasamaan).' Inilagay ng tao na may suot ng amulet ang kanyang kamay sa loob
ng kanyang balabal, hinila niyang palabas ang agimat at sinira ito, at saka
nanumpa. Pagkatapos nito, sinabi ng Propeta, 'Ang sinuman ang magsuot ng
agimat ay nakagawa ng Shirk'.

albangsamori@yahoo.com 5
Sa pag-gamit naman ng Qur'an na tila bagang ito ay anting-anting o agimat sa
pamamagitan ng pagsuot nito o di kaya'y paglagay ng mga talata ng Qur'an sa kadena o
sa loob ng pouches upang maiwasan ang kamalasan o upang makakapagdulot ng
magandang kapalaran, ang lahat ng ito ay maliit lamang ang ipinagkaiba sa mga gawain
ng mga pagano. Hindi ito ginamit ng propeta sa ganitong pamamaraan at maging ang
kanyang mga kasamahan. Sinabi ng propeta,

"Ang sinuman ang nagsimula ng kabaguhan (ng paraan ng pananampalataya) sa


Islam na hindi naman kabilang dito, ito ay hindi tanggapin."4

Totoo nga na ang mga kabanata na al-Falaq at an-Naas ng Qur'an ay naipahayag para sa
pagpapalabas ng masamag espiritu (o panlaban sa mga masasamang orasyon), ngunit
ipinakita naman ng Prophet sallallaahu alaihi wa sallam ay tamang paraan ng paggamit
dito:

"Sa isang pagkakataon na kung saan na siya ay nakulam, sinabi niya kay 'Ali ibn
Abi talib na basahin ang dalawang kabanata ng Qur'an, at nang siya ay
nagkasakit kanya silang binabasa sa kanyang sarili."5

Hindi niya sila isinulat at isinabit sa kanyang leeg, o di kaya'y itinali sa kanyang mga
braso o sa kanyang baywang, at hindi rin naman niya sinabi sa iba na gawin nila ito.

Tawheed al-Asma' was-Sifaat (Pagpapanatili ng Pagkabukodtangi ng mga Pangalan


at Katangian ni Allah)

Ang bahagi ng Tawheed na ito ay may limang aspeto:

1. Upang mapanatili ang kaisahan ng mga Pangalan at Katangian ni Allah, ani Allah ay
dapat na tawagin lamang ayon sa kung papaano Niya at ng Kanyang Propeta inilarawan
ang Kanyang sarili, nang walang halong karagdagang pagpapaliwanag ng Kanyang mga
Pangalan at Katangian sa pamamagitan ng pagbigay ng mga kahulugang taliwas sa
kanilang mga malinaw at halata na kahulugan. Halimbawa, sa Qur'an, ani Allah ay
nagsabi na siya ay nagagalit sa mga di-naniniwala at mga mapagkunwari
(nagkukunwaring nananampalataya). Sinabi niya:

"Na pinarurusahan Niya ang mga mapagkunwari, babae man o lalake, at ang mga
pagano, babae man o lalake na may masamang pag-iisip tungkol kay Allah. May
nakapalibot na kasamaan sa kanila, at ani Allah ay galit sa kanila, sinusumpa sila at
mayroon Siyang inihanda na masamang kahinatnan para sa kanila."

Samakatuwid, ang pagkagalit ay isang katangian ng Diyos. Subalit hindi tama na


sabihin na ang kanyang pagkagalit ay nangangahulugan na ito ay Kanyang kaparusahan
sa dahilan lamang na ang pagkagalit ay signs ng kahinaan ng tao, at dahil dito, hindi ito

4
Reported by 'Aishah and collected by Bukhari
5
Reported by 'Aishah collected by Bukhari

albangsamori@yahoo.com 6
karapardapat sa Allah. Dapat tanggapin kung ano man ang sinabi ni Allah, nang may
pangunawa na ang kanyang pagkagalit ay hindi katulad ng pagkagalit ng tao, base sa
sinabi ni Allah:

"…Wala Siyang katulad…" Quran 42:11.

Ang ganitong uri ng pagpapaliwanag na tinatawag na "rational interpretation" kung


dadalhin sa kanyang logical conclusion ay nag denial ng existence ng Diyos. Sinabi ni
Allah na Siya ay buhay at ang tao naman ay nabubuhay, samakatuwid, ayon sa
argumentong 'rationalist' , ang Diyos ay hindi buhay at hindi rin eksistido. Ang
pagkakatulad ng mga Katangian ng Diyos sa katangian ng sangkatauhan ay sa pangalan
lamang at hindi sa degree. Kung ang mga katangian ay ginagamit sa paglarawan sa
Diyos, sila ay dapat na maintindihan sa pinikarurok nitong kahulugan, malaya sa
kahinaan ng tao.

2. Ang pangalawang aspeto ng Tawheed al-Asma' was-Sifat ay ang pagtawag sa Allah


ayon kung papaano Niya tinawag ang Kanyang Sarili at nang walang pagbibigay sa
Kanya ng mga bagong pangalan o katangian. Halimbawa, ani Allah ay hindi dapat na
bigyan ng pangalan na al-Ghadib (Ang Galit), datapwa't sinabi Niya na Siya ay nagagalit,
dahil hindi ginamit ni Allah o ng Kanyang Prophet ang ganitong pangalan. Datapwa't ito
ay madaling intindihin, ngunit dapat ito na mapanatili sapagkat ito ay napakahalaga
upang maiwasan ang maling pag larawan sa Diyos. Sa madaling sabi, ang finite na tao ay
wala sa lugar upang ilarawan o i-define ang Panginoon ng Sanlibutan.

3. Sa pangatlong aspeto ng Tawheed al-Asma' was-Sifaat, ani Allah ay tinatawag lamang


nang hindi nagbibigay sa Kanya ng mga katangian ng mga nilikha. Halimbawa, it is
claimed sa bibliya at Torah na ani Allah diumano ay natulog o nagpahinga sa ikapitong
araw pagkatapos Niyang likhain ang sanlibutan sa loob ng anim na araw.6 Sa dahilan
nito, ginawa ng mga Hudyo o Kristiyano ang Sabado o Linggo bilang araw ng
pagpapahinga at ang pagtrabaho sa mga araw na ito ay isang kasalanan. Ang ganitong
claim ay nagbibigay sa Diyos ng katangian ng Kanyang nilikha. Ang tao ang napapagod
at dapat magpahinga pagkatapos ng mabigat na trabaho at kailangang matulog at
magpagaling.7 Sa ibang bahagi ng Bibliya at Torah, ang Diyos ay diumano nagrepent sa
Kanyang mga masasaming iniisip katulad kung ano ang ginagawa ng mga tao kung
kanilang nalalaman ang kanilang pagkakamali.8 Gayun din, ang pagsabi na ang Diyos ay
isang espirito o nagtataglay ng espirito ay nasisira completely ang Tawheed na ito. Hindi
tinawag ni Allah ang Kanyang Sarili na isa Siyang espirito sa alinmang lugar sa Qur'an,
at hindi rin namang nagbanggit ng Propeta sa hadith na nagsasaad na Siya ay espirito. Sa
Katunayan, sinabi ni Allah na ang espirito ay isa sa Kanyang mga nilikha.9

6
Genesis 2:2
7
Ikumapara sa 2:255 "No tiredness overcomes Him nor sleep".
8
Exodus 32:14
9
Qur'an 17:85. They ask you (Muhammad) about the spirit, Tell (them) that the spirit (exists) by my Lord's
comman.

albangsamori@yahoo.com 7
Ang key principle na dapat sundin kung pinaguusapan ang mga Katangian ni Allah ay
ang talata ng Qur'an,

"Wala Siyang katulad, Siya ay Nakakarinig at Nakakakita ng lahat". Qur'an 42:11

Ang katangian ng pagdinig at pagmasid ay kasali sa mga katangian ng tao, subalit


kung ito ay ginagamit sa Diyos, walang maaring maging katulad sa perfection nito.
Ngunit kung ang mga katangian na ito ay ginagamit sa mga tao, ang mata o tainga ay
naging pangangailangan, at ito ay hindi dapat ikapit sa Diyos. Ang alam lang ng tao
tungkol sa Lumikha ay kakapiranggot lamang mula sa ipinahayag Niya sa kanila sa
pamamagitan ng mga propeta. Samakatuwid, ang tao ay dapat manatili sa makitid na
limits na ito. Kung bibigyan ng tao ng kalayaan ang kanyang pag-iisip upang isalarawan
ang Diyos, siya ay walang dudang magkakamali sa pagkapit sa Diyos ng mga katangian
ng Kanyang mga nilikha.

Sa kanilang kagustuhan ng pictorial representations, ang mga Kristiyano ay nagpinta,


nag-carved at naghugis ng di mabilang na human likenesses at tinawag nila itong mga
larawan ng Diyos. Ito ay naging dahilan sa madaling pag-tanggap ng mga tao sa pagka-
'diyos' ni Hesus. Nang tanggapin nila na ang konseptong ang Lumikha ay kawangis ng
tao, ang pagtanggap na si Hesus ay diyos ay naging mahirap.

4. Ang pang-apat na aspeto ng Tawheed al-Asma' was-Sifaat ay nagsasaad na ang tao ay


hindi dapat kapitan ng mga Katangian ni Allah. Halimbawa, sa Bagong Tipan, Hinango
ni Pablo ang katauhan ni Melchizedek, Hari ng Salem, galing sa Torah (Genesis 14:18-
20) at kinapit niya sa kanya (Melchizedek) at kay Hesus ang pang-diyos na katangiang
walang simula o katapusan:

"Si Melchizedek, hari ng Salem, pari ng pinakamataas na Diyos, ay nagkatagpo


kay Abraham na galing sa pagpaslang ng mga hari at siya ay kanyang binasbasan,
at ibinigay naman ni Abraham ay ikasampu ng lahat (ng mga bagay na kanyang
nakuha pagkatapos ng kanyang pagkapanalo). Siya ang una, sa kahulugan ng
kanyang pangalan, hari ng kabutihan, at siya rin ay hari ng Salem, na ang ibig
sabihin ay hari ng kapayapaan. Siya ay walang ama o ina o genealogy, at walang
simula o wakas ng pagkabuhay, ngunit kawangis ng anak ng Diyos, siya ay
mananatiling pari magpawalang-hanggan."10

"Gayundin naman si Kristo, hindi niya exalt ang kanyang sarili na maging mataas
na pari, subalit appointed by him na sinabi sa kanya, 'Ikaw ang aking anak, sa
araw na ito ipinanganak kita'; Gayun din sinabi niya sa ibang lugar, 'Ikaw ay isang
pari magpakailanman, sumusunod sa order ni Melchizedek.'"11

Karamihan sa mga sekta ng Shi'ite (liban lang sa mga Zaidites ng Yemen) ay nagkapit sa
kanilang mga ’Imams' ng pang-diyos na katangian ng absolute infallibility (Walang

10
Hebrews, 7:1-3
11
Hebrews 5:5-6

albangsamori@yahoo.com 8
Pagkakamali),12 kaalaman ng mga nakaraan na, mga mangyayari sa hinaharap at mga
hindi nakikita, kakayahang magpalit ng Qadr13, at kakayahang mamahala sa mga atoms
ng nilikha.14 Nang gawin nila nito, sila ay nag tambal sa Allah na siyang nag share ng
unique na Katangian ng Diyos, at sa katotohan ay naging mga diyos bukod kay Allah.

5. Ang pagpapanatili ng kaisahan ng pangalan ni Allah ay maari rin na mangahulugan na


ang mga pangalan ni Allah sa definite form ay hindi maaring ibigay sa Kanyang nilikha
hangga't ito ay sinisimulan ng unlaping 'Abd na nang ibig sabihin ay "alipin ni" o
"tagasilbi ni". Marami sa mga pang-diyos na pangalan sa kanilang definite form tulad ng
Ra'uf at Rahim ay maaring gamitin dahil ginamit ni Allah ang ilan sa kanila sa indefinite
form upang tukuyin ang Propeta.

"Katotohanang may dumatal sa inyo na isang Sugo (Muhammad) mula sa inyong


lipon (alalaong baga, na ganap ninyong batid). Nakakapgpalumbay sa kanya ang
inyong dinaranas (na kapinsalaan o kahirapan). Siya ay nagmamalasakit para sa inyo
(na kayo ay matuwid na mapatnubayan), at siya sa mga sumasampalataya ay mabait at
maawain." At Taubah 9:128

Subalit ang ar-Rauf (The One Most Full of Pity) at ang ar-Rahim (The Most
Merciful) ay maari lamang na ikapit sa mga tao kung ito ay dinudugtungan ng 'Abd
kagaya ng 'Abdur-Rauf o 'Abdur-Rahim, sa dahilan na ang definite form na kanilang ni-
represent ay pag-aari lamang ng Diyos. Gayundin ang mga pangalan tulad ng Abdur-
Rasool (ang alipin ng sugo), 'Abdun-Nabi (alipin ng propeta), Abdul-Husayn (alipin ni
Husayn), at iba pa, na kung saan ang mga tao ay tinatawag na alipin ng iba liban kay
Allah ay ipinagbabawal din. Ayon sa alituntuning ito, ipinagbawal ng Propeta sa mga
Muslims na tawagin ang kanilang mga taga-silbi na 'abdi (aking alipin) o amati (aking
alipin na babae).

Tawhid al-'Ibadah (Maintaining the Unity of Allah in Worship)

Sa kabila ng malawak na implikasyon ng dalawang kategorya ng Tawhid, ang matibay


na paniniwala sa kanila ay hindi pa sapat upang matupad ang hinihiling ng Islam tungkol
sa karapatan ng Tawhid. Ang Tawhid ar-Rubooobeeyah at Tawhid al-Asma' was-Sifaat
ay dapat samahan ng kanilang pambuo, ang Tawhid al-'Ibadah, upang ang Tawhid ay
maturing na ganap ayon sa Islam. Ang paksang ito (na hindi ganap ang Tawhid kung
hindi kasama ang Tawhid al-'Ibaadah) ay napapatunayan ng mga pahayag ni Allah na
ang mga mushrikuns (idolaters) sa panahon ng Propeta ay naniniwala sa maraming aspeto
ng dalawang bahagi ng Tawhid na nabanggit. Ani Allah ay nagsabi sa Propeta na sabihin
sa mga pagano:

"Ipagbadya: 'Sino ang nagkakaloob sa inyo (ng mga panustos) mula sa langit at mula
sa lupa? O sino baga ang nagmamayari ng pandinig at paningin? At sino baga ang

12
13
14

albangsamori@yahoo.com 9
nagpapanumbalik ng buhay mula sa mga patay at ng patay sa pagkabuhay? At sino
baga ang namamahala sa lahat ng pangyayari ng mga bagay-bagay? Sila ay kagyat na
magsasabi: 'Ani Allah’ Yunus 10:31

"At kung sila ay iyong tatanungin kung sino ang lumikha sa kanila, walang pagsala
na kanilang sasabihin: 'Si Allah.' Paano sila kung gayon naligaw? Az-Zukhruf 43:87

"At kung sila ay iyong tatanungin kung sino ang nagpapamalisbis ng tubig (ulan)
mula sa alapaap; at sa pamamagitan nito, Kanyang binubuhay ang kalupaan
pagkatapos ng pagiging tuyo (tigang) nito; katiyakang sila ay magsasabi: 'Si Allah!'
Al-'Ankabut 29:63

Alam ng lahat ng mga pagano sa Makkah, Ani Allah Ang Pinakadakila, Ang
Pinakamakapangyarihan ay ang kanilang Tagapaglikha, Manusnustos, ang kanilang
Panginoon; ngunit ayon sa Diyos ang ganoong kaalaman at paniniwala ay hindi sapat
upang sila ay maging mga Muslim. Sa katunayan, sinabi ni Allah:

"At ang karamihan sa kanila ay hindi sumasampalataya kay Allah, maliban pa rito,
sila ay nagtataguri ng mga katambal (sa pagsamba sa Kanya). Yusuf 12:106

Ang pagpapaliwanag ni Mujahid15 sa talatang ito ay:

"Ang kanilang paniniwala sa Allah, ayon na rin sa kanilang mga sinasabi 'nilikha
kami ni Allah, kami ang Kanyang tinutustos at Kanyang binabawi ang aming
buhay' ay hindi pumigil sa kanila na samahan ang pagsamba nila sa Allah ng
pagsamba sa mga diyos-diyosan.16

Ayon sa mga nabannggit na mga talata, maliwanag na alam ng mga di sumasampalataya


ang kataas-taasang kapangyarihan, dominyo at kapangyarihan ni Allah. Sa katunayan,
kanilang matimtimang inuukol ang mga sari-saring uri ng pagsamba katulad ng Hajj,
pagbigay ng Zakat, pag-alay ng mga hayop, pagsumpa at paghingi ng tulong sa kanya sa
oras ng matinding pangangailangan at kapahamakan. Sa katunayan kanilang pinapahayag
na sila ay tagasunod lamang ng relihiyong ni Abraham. Nang dahil dito, ipinahayag ni
Allah:

"Si Abraham ay hindi Hudyo gayundin naman, siya ay hindi Kristiyano datapuwa't
siya ay tunay na Muslim na Hanifa (nananalig sa pananampalatayang Islam, na
walang dapat pagukulan ng pagsamba maliban kay Allah) at siya ay hindi kabilang sa
Mushrikun (mga nagtatambal ng anuman sa pagsamba kay Allah)." Al-Imran 3:67

Merong iilan sa mga pagano na naniniwala sa Pagkabuhay na Muli at sa Araw ng


Paghuhukom at ang iba naman ay naniniwala sa Tadhana ni Allah. Ang kanilang

15
Mujahid sa Jubayr al-Makki (643-722) was Ibn 'Abbas most outstanding student. The narrations of his tafsir
(commentary) of the Qur'an has been compiled by 'Abdur-Rahman at-Tahir and published in two volumes under
the title, Tafsir Mujahid, (islamabad: Majma' al-Buhooth).
16
Collected by Ibn Jarir at-Tabari.

albangsamori@yahoo.com 10
paniniwalang ito ay matatagpuan sa mga tula bago pa man dumating ang Islam.
Halimbawa, ang makatang si Zuhayr ay diumano na nagsabi tungkol sa kaparusahan:

"Ito ay maaring ipagpaliban, ilagay sa aklat at ipagpaliban sa araw ng


Paghuhukom, o di kaya'y maari rin itong madaliin at iganti (kaagad)."

Si 'Antarah ay nagbanggit na nagsabi:

"O 'Ebil, saan ka tatakbo palayo ng kamatayan,


Kung ito ay naitadhana na ng aking Panginoon sa langit."17

Sa kabila ng pag-amin ng mga taga-Makkah ng Tawhid at ng kanilang kaalaman sa


Allah, sila ay tinawag ni Allah na di-mananampalataya at mga pagano sa dahilan lamang
ng pagsamahin nila ang kanilang pagsamba sa mga diyos-diyosan sa pagsamba kay
Allah.

Samakatuwid, ang pinakamahalagang aspeto ng Tawhid ay Tawhid al-'Ibadah,


pagpapanatili ng kaisahan ni Allah sa ating pagsamba. Lahat ng uri ng pagsamba ay dapat
iukol kay Allah lamang sa dahilan na Siya lamang ang may karapatan na sambahin, at
Siya lamang ang may kapangyarihang makapagbigay ng kapakinabangan sa tao dahil sa
pagsamba sa Kanya. Bukod doon, wala ng pangangailan pa ng tagapamagitan o tulay sa
pagitan ng tao at Diyos. Binigyang diin ni Allah ang kahalagahan ng pag-ukol ng
pagsamba lamang sa Kanya nang ituro Niya na ito nga ang pinaka dahilan ng paglikha ng
tao at ito rin ang diwa ng mensahe na dinala ng lahat ng mga propeta. Sinabi ni Allah:

"At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga Tao maliban na tanging sambahin lamang
Ako." Adh-Dhaariyat 51:56

"At katotohanang Kami ay nagsugo sa bawat Ummah (bansa o pamayanan) ng isang


Sugo (na nagpapahayag): 'Sambahin lamang si Allah at iwasan (o layuan) ang lahat
ng Taghut (lahat ng mali o huwad na sinasamba, maliban kay Allah). An-Nahl 16:36

Ang pang-unawa sa layunin ng paglikha sa ganap na kabuoan nito ay malayong


maabot ng likas na kakayahan ng tao. Ang Tao ay isang nilalang maay wakas at hindi
makatuwiran na siya ay umasa na kanyang ganap na mauunawaan ang mga gawain ng
walang-hanggang Manlilikha. Dahil dito, ginawa ng Diyos na bahagi ng kalikasan ng tao
na sumamba sa Kanya, at Siya ay nagpadala ng mga Propeta at mga Aklat ng banal na
kapahayagan upang ipaliwanag ang bahagi lamang ng layunin ng paglikha na maabot at
maiintindihan ng kakayahan ng isip ng tao. At ang layunin na iyon, gaya ng nabanggit na,
ay sambahin lamang ang Diyos at ang pangunahing mensahe ng mga Propeta ay
pagsamba lamang sa Diyos (Tawhid al-'Ibadah). Samakatuwid, ang pinakamabigat na
kasalanan ay Shirk, ang pagukol ng pagsamba sa iba o pagsamba sa kanila kasabay ng
pagsamba sa Allah.

17
Quoted in Sulayman ibn Abdul Wahhab's Taysir al-Aziz al Hamid (Beirut: al-Maktab al-Islami, 2nd edition,
1970, p.34).

albangsamori@yahoo.com 11
Sa Surat al-Fatihah, na obligadong bigkasin ng bawat Muslim sa kanyang
pagdarasal, at least labing pitong beses sa isang araw, ang pang-apat na talata ay
nagpahayag, "Ikaw lamang ang aming sinasamba, at ikaw lamang ang aming hinihingan
ng tulong". Ito ay maliwanag na paglalahad na ang lahat ng uri ng pagsamba ay dapat
lamang iuukol sa Kanya na Maykayang Tumugon sa ating pangangailangan – Ani Allah.
Ang Propeta Muhammad ay nagpatunay sa koseptong kaisahan ni Allah sa pagsamba sa
Kanya, nang kanyang sinabi,

"Kung ikaw ay hihingi sa pagdarasal, ihingi mo lamang sa Allah, at kung


kailangan mo ng tulong, hanapin mo lamang ito galing kay Allah."18

Ang kakulangan ng pangangailang ng tagapamagitan ay lalong nabigyan ng kahalagahan


dahil sa mga maraming talata ng Qur'an na nagsasaad na Siya ay malapit sa mga tao.
Halimbawa:

"At kung ang Aking mga alipin ay magtanong sa iyo (O Muhammad) tungkol sa Akin,
kung gayon (sila ay sagutin): 'Tunay na Ako ay malapit (sa kanila). Ako ay tumutugon
sa panawagan ng bawat nananawagan kung siya ay tumatawag sa Akin." Hayaan din
sila ay tumalima sa akin at manampalataya sa akin; upang sila ay magsitahak sa
matuwid na landas" Al-Baqarah 2: 186

"At katotohanang Kami ang lumikha sa tao, at batid namin kung ano ang ibinubulong
ng kanyang kaluluwa; sapagkat higit Kaming malapit sa kanya (sa Aming
karunungan) kaysa sa kanyang ugat sa leeg." Qaf 50:16

Sa kabaligtaran nito, ang pagpapatunay sa tawhid al-'Ibadah ay nangangailan ng


pagtakwil sa lahat ng uri ng pamamagitan o pagtambal kay Allah. Kapag ang isang tao ay
humingi ng tulong sa patay upang maimpluwensiyahan nila ng pamumuhay ng mga
buhay o mga kaluluwang yumao na, sila ay nakapagtambal kay Allah, sapagkat hinati
nila ang pagsamba sa pagitan ni Allah at ng nilikha. Nang walang halong pagdududa,
sinabi ni Propeta Muhammad,

"Ang pagsumamo ay pagsamba."19

At sinabi ni Allah ang Pinakadakila and the Most Glorious:

"Sinasamba ba ninyo maliban kay Allah ang mga bgay na hindi makapagbibigay sa
inyo ng kapakinabagan, o makapamiminsala sa inyo?" Al-Anbiya' 21: 66

"Katunayan, ang inyon pinaninikluhuran (sinasamba) na mga iba maliban kay Allah
ay mga alipin (alalaong baga, angkin ng kanilang Panginoon) na katulad ninyo…"
Al-A'raf 7: 194

18
Reported by Ibn 'Abbas and collected by Tirmidhi, see an-Nawawi's Forty Hadith, (English Trans.) p. 68.
19
Sunah Abi Dawud (Eng. Trans.), vol. 1, p. 387, hadith no. 1474.

albangsamori@yahoo.com 12
Kung sinuman ang magdarasal sa Propeta, o sa jinn, sa mga anghel o sa diumano mga
santo, upang hingan ang kanilang tulong o hingan ang tulong ni Allah sa pamamagitan
nila, sila ay nakagawa rin ng Shirk. Ang konseptong "Ghaus-i-Adham" (al-ghawth al-
A'dham), isang titulo na ikinapit kay Abdul-Qadir al-Jeelani, ay isa ring pagpapahayag ng
shirk sa uri ng Tawhid na ito. Ang literal na kahulugan ng titulo ay "ang pinakadakilang
pinagkukunan ng saklolo; ang may kakayahan na makapagsaklolo sa kapahamakan,' at
ang ganitong katangian ay pag-mamayari lamang ni Allah. Kapag ang kasawiang palad
ay nangyari, mayroon sa mga tao na tumatawag kay Abdul Qadir al-Jeelani habang
ginagamit ang titulong ito upang makuha ang kanyang tulong at pagkalinga, kahit na
nasabi na ni Allah:

"At kung si Allah ay magkaloob sa iyo ng kapinsalaan, walang sinuman ang


makapagaaalis nito maliban sa Kaniya…"Al-An 'am 6:17

Ayon sa Qur’an, nang tanungin ang mga taga-Makkah kung bakit sila sumasamba sa mga
idolo, ang kanilang sagot,

“…Aming sinsasamba lamang sila (mga diyus diyosan) upang kamia y higit nilang
mailapit sa Allah”. Az-Zumar 39:3

Ang pagsamba sa mga diyus diyosan ay ginagamit lamang bilang mga


tagapamagitan ngunit kahit gayon sila ay tinagurian pa rin ni Allah na mga pagano.
Yaong mga Muslim na ipinipilit/iginigiit ang kanilang gawaing magdasal sa iba liban kay
Allah ay dapat mag-isip isip tungkol sa paksang ito.

Ang mga Kristiyano naman na naimpluwensiyahan ni Saul na taga Tarsus (at


maglaon ay tinawag na Pablo) ay inangat nila si Hesus bilang isang diyos at kanilang
ibinaling ang kanilang pagsamba sa kanya at sa kanyang ina. Ang mga katolikong
Kristiyano ay may mga santong (dinarasalan) sa bawat okasyon na kung saan nila
ibinabaling ang kanilang pagsamba, ayon na rin sa kanilang paniniwalang sila ay may
kakayahang ma-impluwensiyahan ang mga bagay-bagay dito sa mundo. Ang mga
katoliko din ay ginagamit nila ang kanilang mga pari bilang mga tagapamagitan nila at ni
Allah ayon sa kanilang maling paniniwala na ang mga pari ay higit na mas malapit sa
Allah kaysa sa kanila sa dahilan ng kanilang di-pagaasawa at kabanalan, at dahil dito mas
lalong papakinggan at tutugunan ni Allah ang kanilang mga panalangin.

Karamihan ng mga Shi’ite ay naglalaan ng ilang araw ng linggo o oras sa


maghapon sa pagdarasal kay Ali, Fatimah, Hasan at Husayn ayon sa kanilang pilipit na
paniniwala tungkol sa pamamagitan.

Ang ‘Ibadah sa pananaw ng Islam ay higit pa sa pag-ayuno, pagbigay ng Zakah,


pag-Hajj at pag-alay ng mga hayop. Kabilang dito ang mga damdamin katulad ng
pagmamahal, pagtitiwala, at pagkahabag/Pangamba, all of which have degrees which
should only be directed to God. Ani Allah ay nagsalita tungkol sa mga damdaming ito at
siay ay nagbigay ng babala tugkol sa kalabisan nito,

albangsamori@yahoo.com 13
“…Datapuwa’t mayroong mga tao na nagtuturing pa ng iba (sa pagsamba) bukod pa
kay Allah bilang katambal (sa Kanya). Minamahal nila ito na katulad din nang
pagmamahal nila kay Allah…” Al-Baqarah 2:165

“…Hindi baga ninyo lalabanan ang mga tao na sumira sa kanilang pangako (mga
pagano ng Makkah) at naghahangad na ipatapon ang Sugo, samantalang una silang
sumalakay sa inyo? Natatakot ba kayo sa kanila? Si Allah ang may higit na karapatan
na Siya ay inyong pangambahan kung kayo ay nananampalataya.” At-Taubah 9:13

“…at inyong ibigay ang pagtitiwala kay Allah kung kayo ay tunay na
nananampalataya…” Al-Maidah 5:23

Sa dahilan na ang salitang Ibadah ay nangangahulugang pagsunod, at ani Allah naman ay


ang itinuturing ang Tagalikha ng Batas, ang pagsasakatuparan ng sekular na batas na
hindi hango sa Sharee’ah ay isang gawaing di-pananampalataya, at ang paniniwala na
wasto ang ganitong sistema ay magiging isang uri ng pagsamba sa iba maliban kay Allah.
Sinabi ni Allah sa Qur’an:

“…At sinuman ang hindi humatol (magpatupad ng batas) ayon sa kapahayagan ni


Allah, sila ang kafirun (mga hindi sumasampalataya)”. Al-Maidah 5:44

Sa isang pagkakataon, ang kasamahan ng Propeta, si ‘Adi ibn Hatim, na dating


kristiyano, ay kanyang narinig na nagbigkas ang Propeta ng talata ng Qur’an:

“…Sila ay tumagkilik sa kanilang mga rabbi at kanilang mga monako(pari) bilang


panginoon maliban pa kay Allah…” At-Taubah 9:31

Kaya sinabi niya: “Katunayang hindi namin sila sinasamba”. Bumaling ang Propeta sa
kaniya at nagsabi:

“Hindi ba nila ginawang haram ang pinahihintulutan ni Allah at iyon ay ginawa


ninyo ring haram, at hindi ba nila ginawang halal ang ipinagbawal ni Allah, at
iyon ay gingawa ninyo ring halal? Sagot niyo, “Ginawa nga namin iyon”. Ang
sabi ng Propeta, “Iyon ang inyong pagsamba sa kanila”. Tirmidhi

Nang dahil dito isang malaking bahagi ng Tawhid al-‘Ibadah ay ang pagpapatupad ng
Shari’ah, lalong lalo na kung saan ang mga Muslim ay higit na nakararami. Ang Shari’ah
ay kailangang maibalik sa mga diumanong bansang Muslim na kung saan ang
pamahalaan ay nagpapatupad ng batas na hango sa kapitalista o komunistang saligang-
batas, at ang batas-islamiko ay tuluyan ng naglaho sa pangkalahatan nito, o di kaya ay
napapatupad lamang sa mga larangan (ng buhay) na maliit ang kahalagahan. Likewise,
ang mga bansang Muslim na kung saan ang batas-islamiko ay nasa aklat lamang ngunit
ang ipinapatupad ay sekular na batas, ay kailangan ding ibalik sa Shariah dahil sakop nito
ang buong pamumuhay (ng tao). Ang pagtanggap ng di-islamikong batas kapalit ng
Shariah sa lugar ng mga Muslim at Shirk at isang gawaing kufr.

albangsamori@yahoo.com 14
Kung sinuman ang may kakayahan na baguhin ito, dapat niyang gawin ito, at
yaong walang ganitong kakayahan ay dapat magpahayag laban sa patakarang kufr at
magtaguyod sa pagsasakatuparan ng Shariah. Ngunit kung ito ay naging isang
imposibilidad, ang di-islamikong pamahalaan ay dapat na taos-pusong kapootan at
kamuhian/kasuklaman upang matamo ang pagkalugod ni Allah at pagtaguyod ng Tawhid.

albangsamori@yahoo.com 15
Pangalawang Kabanata

Mga Uri ng Shirk

A ng pag-aaral sa Tawhid ay hindi matuturing na ganap kapag walang maingat na


pagsusuri sa kasalungat nito, ang shirk. Ang shirk ay nabanggit na ng bahagya
sa mga nagdaang kabanata at naibigay na ang mga halimbawa kung papaano nito
masisira ang Tawhid. Subalit, sa kabanatang ito, ang shirk ay pag-aaralan bilang hiwalay
na paksa na kung saan ani Allah ay nagsaksi sa kanyang kahalagahan sa Qur’an:

“Katotohang si Allah ay hindi magpapatawad (sa kasalanan) na pagtatambal sa Kanya


(sa pagsamba), datapuwa’t Siya ay magpapatawad kung ano ang kulang (o hindi
nakaabot dito) sa sinumang Kanyang maibigan…” An-Nisaa 4:48

Nang dahil ang kasalanan na shirk ay nagtatakwil sa pinakalayunin ng paglikha


ng tao, ayon sa Diyos ito ang pinakamalubhang kasalanan sa lahat, ang kasalanang hindi
pinapatawad.

Ang literal ng kahulugan ng shirk ay pagtambal, pagbahagi o pagsama, ngunit sa


Islam tinutukoy nito ang mga gawaing naghihirang ng katambal kay Allah sa
anumapamang kaanyuan nito. Ang mga sumusunod ay pagsusuri ng shirk ayon sa tatlong
malawak na uri na nabuo mula sa pag-aaral ng Tawhid. Dahil dito, ating tatalakayin ang
mga pangunahing kaparaanan na kung papaano maganap ang shirk sa Ruboobeeyah,
pagkatapos sa Asma’ was-Sifaat at sa panghuli sa‘Ibadah.

Shirk sa Ruboobeeyah

Ang kategorya ng shirk na ito ay tumutukoy sa paniniwala na may kahati ani


Allah sa pagkapanginoon ng nilikha, o di kaya’y sa paniniwalang walang umiiral na
panginoon sa sanlibutan. Karamihan ng mga relihiyon ay kabilang sa unang aspeto ng
shirk sa Ruboobeeyah, at ang mga pilisopo naman at ang kanilang mga pilisopiya na
gawang tao ay kabilang sa pangalawa.

1. Shirk sa pamamagitan ng pag-ugnay

Ang mga paniniwala na kabilang sa bahaging ito ay yaong mga paniniwala na ang
Pangunahing Diyos o Supreme Being ay kinikilala, subalit ang Kanyang kapangyarihan
ay nahahati kasama ang mga lesser gods, mga espirito, mga mortal, mga bagay sa
kalawakan, o sa mundo. Ang ganyang paniniwala ay madalas na tinutukoy ng mga
teologo at ng mga pilisopo na monotheistic o polytheistic. Ayon sa Islam ang lahat ng
mga sistemang iyon ay mabibilang na polytheismo, at ang karamihan ay kumakatawan sa
mga sinaunang relihiyong naipahayag na sa orihinal nito ay base sa Tawhid ngunit
maglaon ay nag-degenerate.

Sa Hinduism, ang Supreme Being, si Brahma ay pinaniniwalaang bilang


mananahan (in-dwelling), ang laganap sa lahat (all-pervading), hindi maaring magpalit

albangsamori@yahoo.com 16
(unchangeable) at ang walang-hanggan, ang abstract, ang impersonal absolute, na kung
saan ang lahat ng bagay ay nanggaling sa kanya at mauuwi sa kanya. Ang diyos na
Brahma ay ang kumakatawang manlilikha ng sanlibutan, na siya namang bumubuo sa
trinidad kasama ng nagpapanatiling diyos na sa Vishnu, at ng mangwawasak na diyos na
si Shiva. Samakatuwid ang shirk sa Ruboobeeyah na naihayag (expressed) sa Hinduismo
ay sa pamamagitan ng pagbigay ng kapangyarihang paglikha, pagwasak at pagpapanatili
ng Diyos sa mga ibang diyos.

Ang pananampalatayang Kristiyanismo ay naglalahad na ang isang Diyos ay


nagpahayag ng kanyang sarili sa tatlong persona na Ama, Anak (Hesukristo) at ang
Espirito Santo. Ang mga tatlong persona na ito ay gayunpaman ay pinapalagay na iisa,
bahagi ng isang ‘substance’ (sangkap). Si propeta Hesus ay inangat bilang diyos, nakaupo
sa kanang kamay ng Diyos at manghuhukom sa mundo. Ang Espiritu Santo, na sa
bibliyang hebreo ay ang kaparaanan ng Diyos sa paggamit ng Kanyang kapangyarihang
maglikha, subalit sa kaisipang Kristiyanong ay naging bahagi ng Diyos. Ginawa ni Pablo
ang Espiritu Santo na alter ego no Hesukristo, ang gabay at tulong sa mga Kristiyano, na
nang nagpahayag ng kanyang sarili sa araw ng pentecost. Dahil dito, ang Shirk sa
Ruboobeeyah ay naihayag sa paniniwalang Kristiyano na si Hesus at ang Espiritu Santo
ay kabahagi ng Diyos sa Kanyang dominyo, at sa kanilang paniniwala na si Hesus
lamang ang maghahatol sa araw ng paghuhukom, at sa kanilang paniniwala na ang mga
Kristiyano ay tinutulungan at ginagabayan ng espiritu santo.

Inaakala ng mga Zoroastrians na ang Diyos, si Ahura Mazda na bilang manlilikha


ng lahat ng kabutihan, at ang may karapatan lamang ng pagsamba. Ang apoy ay isa sa
mga pitong nilikha ni Ahura Mazda at ito ay tinuturing na kanyang anak na lalaki at
representative. Ngunit sila ay nakagawa rin ng shirk sa Ruboobeeyah sa dahilan ng
kanilang pag-aakala na ang kasamaan, violence, at kamatayan ay bilang mga nilikha ng
ibang diyos na tinuturing na Angra Mainyu, na kanilang ni-represent ng simbolo ng
kadiliman. Samakatuwid, ang kapangyarihan ng Diyos sa buong nilikha (i.e. ang
Kanyang Ruboobeeyah) ay nahati kasama ang isang masamang espiritu na nai-angat sa
katayuan na bilang sumasalungat na diyos, sa dahilan ng kagustuhan ng tao na ayaw
mag-ugnay ng kasamaan sa Diyos.

Sa relihiyong Yoruba, na mga tagasunod na mahigit sa 10 million katao sa


kanlurang Africa (mainly sa Nigeria), mayroong isang kataas-taasang diyos na si Olorius
(ang panginoon ng langit) o Olodumare. Gayunpaman, ang kasalukuyang relihiyon ng
Yoruba ay makikilala sa napakarami nitong uri ng pagsamba sa Orisha, kaya naman ito
ay lumilitaw na ganap na polytheismo. Samakatuwid, ang mga Yoruba ay nakagawa ng
shirk sa Ruboobeeyah sa pamamagitan ng pagbigay ng mga tungkulin ng Diyos sa mga
diyos-diyosan at espiritu.

Ang mga Zulus ng timog Africa ay naniniwala sa isang Diyos, na si Unkulunkulu,


na ang kahulugan ay ancient, ang una, ang pinagpipitaganan nang labis (ginagalang).
Ang mga pangunahing partikular na pantawag sa Diyos ay Nkosi Yaphezulu (panginoon
ng langit) at Umvelingqanqi (ang unang lumitaw). Ang kanilang kataas-taasang
panginoon ay sinasagisag na bilang lalaki, at kasama ng Mundo na babae ay nagsilang ng

albangsamori@yahoo.com 17
daigdig ng tao. Ang pagkulog at pagkidlat sa relihiyon ng Zulu ay mga gawain ng Diyos,
samantala naman ang pagkasakit at mga sakuna sa buhay na mula sa mga ninuno, ang
Idlozi o abaphansi (mga nanahanan sa ilalim ng lupa). Kinakalinga din ng mga ninuno
ang mga buhay, sila ay humihingi ng pagkain, nalulugod sa mga rituwal at pag-alay,
nagpaparusa kung ito ay nakaligtaan at sumasanib sa mga manghuhula (inyanga).
Samakatuwid, ang shirk sa Ruboobeeyah ay umiiral sa relihiyong Zulu hindi lamang sa
kanilang konsepto ng paglikha ng mundo, ngunit dahil na rin sa kanilang pag-uugnay sa
kabutihan at kasamaan sa buhay ng tao sa mga gawain ng mga espiritu ng mga ninuno.

Mayroon lipon ng mga Muslim, ang shirk sa Ruboobeeyah ay namamalas sa kanilang


paniniwala na ang mga kaluluwa ng mga santo at iba pang banal na tao ay
nakakaimpluwensiya sa mga bagay-bagay dito sa mundo kahit sila ay yumao na. Ang
kanilang mga kaluluwa ay pinaniniwalaan na makakatugon sa pangangailangan ng tao,
makakapag-alis (iwas) ng mga sakuna at makakatulong sa kung sinoman ang tumawag sa
kanila. Nang dahil dito, ang mga sumasamba sa libingan ay nagtakda sa kaluluwa ng tao
ng pang diyos na kapangyarihang makakapagsanhi ng pangyayari sa buhay na ito, na sa
katotohanan ay si Allah lang ang may kakayahan dito.

Karaniwan sa mga sufis ay ang paniniwala sa “Rijal al-Ghayb”20 (mga tao mula sa
mundong hindi nakikita), na ang pinuno nila ay may katungkulan na tinatawag na
“Qutub” na kung saan pinamamahalaan ang mga bagay-bagay dito sa mundo.

2. Shirk sa pamamagitan ng Pag-tanggi

Ang bahaging ito ay kumakatawan sa mga sari-saring pilosopiya at idolohiya na


nagtatakwil ng pag-iral Diyos malinaw man o pahiwatig. Sa madaling salita, may mga
pagkakataon na ang pagpahayag na ang Diyos ay hindi umiiral (Atiesmo) ay nilalahad,
samantala naman sa ibang pagkakataon pinapahayag na umiiral ang Diyos, subalit ang
pamamaraan ng pang-unawa sa Kanya sa katunayan ay nag-tatanggi sa kanyang pag-iral
(Pantiesmo).

Mayroong iilan sa mga sinaunang sistema ng relihiyon na nagsasabi na ang Diyoy


ay hindi umiiral, nangunguna sa kanila ay ikinakabit kay Gautama Buddha. Ang
Budhismo, na isang kilusang pagbabago sa Hinduismo na salungat sa sistema ng caste, ay
naitatag noong ika 6th siglo B.C. kasabay ng panahon ng Jainism. Sa 3rd siglo B.C. ito ay
naging relihiyon ng estado. Sa bandang huli ito ay nilagum (assimilate) ng Hinduismo, si
Buddha ay naging isa sa mga Avatars (pagsakatawang-tao ng Diyos). Ito ay naglaho sa
India datapuwa’t ito ay nangibabaw sa China at sa ibang nasyon sa silangan. Ang
Budhismong Hinayana (400-250 BC), ang mas nauna at mahigpit na pagganap ng
Budhismo na lumitaw pagkatapos na yumao si Gautama Buddha, ay maliwanag na
nagsasabi na walang Diyos; dahil dito ang pasanin ng kaligtasan ay naging kanya-
kanya21. Samakatuwid itong sinaunang uri ng Budhismo ay maaring matuturing

20
Literally, “men of the unseen world.” The world is supposed to endure due to the intercessions of a hierarchy
of “everting” saints whose number are fixed, the place of one who dies being immediately filled. (Shorter
Enclypedia of Islam, o. 592)
21
Dictionary of Philosophy and Religion. P. 72.

albangsamori@yahoo.com 18
halimbawa ng Shirk sa Ruboobeeyah na kung saan ang pag-iral ng Diyos ay malinaw na
kinakaila.

Gayon din, sa katuruan ng Jainism na inayos ni Vardhamana, ay walang Diyos,


ngunit ang mga pinalayang kaluluwa ay nakakamit ng ganitong katayuan, na may
kawalang-kamatayan at nakakabatid ng lahat at ang mga komunidad ng mga relihiyoso
ay tinuturing sila na para bagang sila ay mga diyos, sila ay nagtatayo ng mga templo para
sa kanila at ang kanilang mga imahen ay sinasamba22.

Isa pang halimbawa ng mga sinaunang paniniwala ay si Paraon sa panahon ni


Propeta Moises. Binanggit ni Allah sa Qur’an na tinatanggi niya ang pag-iral ng Diyos at
kaniyang ipinahayag kay Moises at sa mga tao sa Ehipto na siya, si Paraon, ang nag-
iisang tunay na panginoon ng buong nilalang. Binanggit ni Allah ang kanyang salita kay
Moises,

“Si Paraon ay nagsabi: ‘Kung ikaw ay pipili ng diyos na iba pa sa akin, katiyakang
ipipiit kita na kasama ng ibang mga bilanggo” Ash-Shu’ara 26:29.

At sa mga tao:

“At kanyang tinipon ang kanyang mga tao (sundalo) at sumigaw ng malakas, na
nagsasabi: ‘Ako ang inyong panginoon, ang kataas-taasan’”. An-Nazi’at 79:24

Sa ika-labing siyam at dalawampu’t siglo, mayroong iilan sa mga pilisopo na


taga-Uropa na na nag-gigiit ng pagka di-pagiral ng Diyos na maglaon ay nakilala bilang
ang “pilosopiyang pagkamatay ng diyos.” Ang taga Alemanyang pilosopo na sa Philipp
Mainlander (1841-1876) sa kanyang pangunahing sinulat, The Philosophy of Redemption,
1876, ay nagpahayag na ang mundo ay nagsimula sa pagkamatay ng Diyos, sa dahilan na
ang Diyos ay alituntunin ng pag-kaisa na nasira sa pagkamarami ng mundo at alituntunin
ng kasayahan na siya namang tinatanggi ng batas ng paghihirap na siyang nangingibabaw
sa mundo.23 Sa Prussia, si Friedrich Nietzsche (1844-1900) ay nagtaguyod ng pag-iisip na
ang “kamatayan ng Diyos” kanyang iminumungkahi na ang Diyos ay projection24 ng di-
mapalagay na budhi/konsyensya ng tao at ang tao ay tulay sa Superman25. Si Jean Paul
Sartre, pilosopong taga Pranses ng ika-dalawampu’t siglo ay inulit din ang kaisipang
“kamatayan ng Diyos”. Kanyang iginigiit na ang Diyos ang di-maaring umiral sa dahilan
na Siya ay magkasalungat na pananaw. Ang konsepto ng Diyos, ayon sa kanya ay isa

22
Dictionary of Philosophy and Religion, Pp. 262-3.
23
Ibid., p. 327
24
PSYCHOLOGY unconscious transfer of inner mental life: the unconscious ascription of a personal
thought, feeling, or impulse to somebody else, especially a thought or feeling considered undesirable.
Microsoft® Encarta® Reference Library 2005. © 1993-2004 Microsoft Corporation. All rights reserved.
25
One of the most controversial works of 19th-century philosophy, Thus Spake Zarathustra (1883-1885)
articulated German philosopher Friedrich Nietzsche’s theory of the Übermensch, a term translated as
“Superman” or “Overman.” The Superman was an individual who overcame what Nietzsche termed the “slave
morality” of traditional values, and lived according to his own morality. Microsoft ® Encarta ® Reference
Library 2005. © 1993-2004 Microsoft Corporation. All rights reserved. (T)

albangsamori@yahoo.com 19
lamang projection (unconscious produkto ng pag-iisip) na kailangang gawin ng tao,
bilang kung ano siya.26

Ang minumunkahi ni Darwin (d. 1882) na ang tao ay walang iba kundi mga
dinakilang bakulaw (glorified ape) lamang ay malayang tinanggap sa teorya ng mga
siyentipikong sosyolohiya (social scientists) at pilosopo ng ika-labing siyam na siglo sa
dahilang ito ay naglaan ng ‘siyentipikong’ batayan para sa di-pag iral ng Diyos. Ayon sa
kanila, ang relihiyon ay nang-galing sa pagka-animism patungo sa monotiesmo, kasama
ng diumanong panlipunang ebolusyon mula sa malayang indibiduwal tungo sa
pambansang pamayanan at ng kanyang pisikal na ebolusyon mula sa pagka-unggoy
patungo sa pagiging tao.

Tinangka ng mga Evolutionist na maiwasan ang tanong na nakapalibot sa


paglikha sa pamamagitan ng pag-giit na walang paglikha, at sa pamamagitan ng pagtakda
ng katangian ni Allah na walang simula o wakas sa mga bagay na nilikha Niya. Ang
kasalukuyang naniniwala dito ay mga tagasunod ni Karl Marx, mga komunista at
scientific socialists, na nag-gigiit na ang lahat ng umiiral ay hango sa paggalaw
(movement of matter) bagay na gumagalaw. Kanila pang iginigiit na ang Diyos at guni-
guni ng isip ng tao, na nilikha ng ruling class upang mabigyan ng katuwiran ang
minamanang paghahari at upang iiwas ang aping masa sa mga katotohan ng buhay.

Isang halimbawa sa uri ng shirk na ito sa mga Muslim ay ang mga Sufis na si Ibn
‘Arabi na ginigiit niya na ani Allah lamang ang umiiral (Ang lahat ay Allah, at ani Allah
ang lahat). Kanilang tinatanggi ang hiwalay na sarili ni Allah at samakatuwid sila ay
nagtanggi sa pag-iral ni Allah. Ang idea na ito ay naipahayag rin sa ika labing-pitong
siglo ni Baruc Spinoza, isang Olandes (Dutch) na pilosopong Hudyo, na nagsabi na ang
Diyos ay kabuuan ng lahat ng bahagi ng sanlibutan kabilang ang mga tao.

Shirk sa al-Asma’ was-sifaat

Kabilang sa bahagi ng shirk na ito ay ang mga karaniwang gawaing ng mga


pagano katulad ng pagbigay ng mga katangian ni Allah sa mga nilikha at ang kanilang
mga gawain ng pagbigay sa nilikha ng mga katangian ni Allah.

1. Shirk sa pamamagitan ng pagbigay ng mga katangian ni Allah sa nilikha.

Sa bahagi ng shirk na ito ng al-Asma’ was-sifaat, ani Allah ay binibigyan ng


anyo, hugis at katangian ng mga tao at hayop. Dahil sa mas mataas ang mga tao kaysa
hayop, karaniwang ginagamit ng mga pagano ang anyo ng tao sa pag-represent ng Diyos
sa nilikha. Nang dahil dito ang imahen ng Manlilikha ay karaniwang pinipintura ,
hinuhugis (moulded), inuukit (carved) ayon sa hubog ng tao na sumasamba sa kanila.
Halimbawa ang mga Hindu at Buddhist ay sumasamba sa di-mabilang na mga idolo
kawangis ng mga tao sa Asya at sila ay pinaniniwalaang manifestation ng Diyos sa
nilikha. Ang mga paniniwala ng mga Kristiyano sa kasalukuyan na si Propeta Hesus ay
26
Dictionary of Philosopy and Religion, p. 237.

albangsamori@yahoo.com 20
diyos, sa madaling sabi, ang manlilikha ay naging kanyang nilikha, ay isa sa mga
malinaw na halimbawa ng uri ng shirk na ito. Marami ring mga diumanong dakilang
Krisiyanong pintor katulad ni Michaelangelo (d. 1565), na nagpintura ng imahen ng
Diyos na isang hubad na matandang lalake na taga Uropa na may mahabang dumadaloy
na puting buhok at balbas, sa kisame ng Sistine Chapel sa Vatican. Ang mga imahen na
ito ay siya namang held in high esteem ng buong mundo na Kristiyanismo.

2. Shirk sa pamamagitan ng pagbigay sa nilikha ng katangian ni Allah.

Tinutukoy ng uri ng shirk sa al-Asma’ was-sifat ang mga pagkakataon na kung


saan ang mga nilikha na pinaniniwalaan o binibigyan ng mga pangalan at katangian ni
Allah. Halimbawa, gawain ng mga sinaunang arabo na sumamba sa mga diyus-diyosan
na ang mga pangalan ay hango sa pangalan ni Allah. Ang kanilang pangunahing tatlong
diyus-diyosan ay: al-Lat hango sa pangalan ni Allah na al-Ilah; ang al-‘Uzza hango sa al-
Aziz; at al-Manat hango sa al-Mannan. Sa panahon ni Propeta Muhammad, mayroon
isang bulaang propeta sa lugar na tinatawag na Yamamah, na gumamit ng pangalang
Rahman, na pagmamayari lamang ni Allah.

Isa sa sekta ng shi’ite ay ang Nusayriyah ng Syria, na naniniwala na si Ali Ibn


Abi Talib, pinsan ng Propeta Muhammad, ay isang manifestation ni Allah at siya ay
binigyan ng maraming katangian ni Allah. Kabilang din sa kanila ay ang mga Ismailis, na
kilala na bilang Agha Khanees, na naniniwala na ang kanilang pinuno na si Agha Khan
ay Diyos na nagkatawang tao. Kasali rin sa mga ito ay ang mga Druze ng Lebanon na
naniniwala na ng Fatimid Caliph ng si Al-Hakim bin Amrullah ay ang pinakahuling
manifestation ni Allah sa sangkatauhan.

Ang mga paniniwala ng Sufis tulad ni Al-Hallaj na sila ay naging iisa ng Diyos at
dahil dito sila ay mga manifestations ng Manlilikha sa Kanyang nilikha ay kabilang din
sa uri ng shirk sa al-Asma’ was-Sifaat.

Ang mga makabagong spiritualista sa ngayon katulad ni Shirley Maclain at J.Z.


Knight ay karaniwang nag-aangkin ng pagka-diyos para sa kanilang sarili at pati na rin
ang buong sangkatauhan.

Ang teorya ni Einstein na Relativity (E=mc², energy is equal to mass times the
square of the speed of light) na tinuturo sa lahat ng paaralan ay sa katunayang isang uri
ng shirk sa al-Asma’ was-Sifaat. Sinasabi ng teoryang ito na ang energy ay hindi maaring
likhain o wasakin; ito ay nagpapalit lamang galing energy tungo sa pagka-matter at vice
versa. Subalit ang matter at energy ay kabilang sa mga nilikha ni Allah at sila ay
mawawasak din, malinaw na sinabi ni Allah,

“Si Allah ang Manlilikha ng lahat ng bagay” Az-Zumar 39: 62

“Ang sinuman ang nasa (kalupaan) ay maglalaho. Ar-Rahman 55:26

albangsamori@yahoo.com 21
Ipinapahiwatig din ng teoryang ito na ang mass at energy ay walang-hagganan,
walang simula at katapusan, sa dahilang sila ay diumano mga di-nilikha at nagpapalit-
palit lamang. Ngunit ang ganitong katangian ay pagmamay ari lamang ni Allah na siyang
tanging walang simula at katapusan.

Ang teorya ni Darwin tungkol sa ebulusyon ay isa ring tangka upang ipaliwanag
na ang ebulusyon ng buhay mula sa walang buhay na bagay nang walang
pamamagitan/pakialam ng Diyos. Isa sa mga nangungunang maka-Darwin (Darwinist) sa
siglong ito, si Sir Aldous Huxley ay nagpahayag ng kanyang opinion:

“Tinanggal ng Darwinism ang kaisipan na ang Diyos ay ang manlilikha ng


organismo mula sa sphere ng makatuwirang pag uusap.

Shirk sa al-‘Ibadah

Sa uri shirk na ito, ang pagsamba ay ibinabaling sa iba maliban sa Diyos at ang
gantimpala ng pagsamba ay hinahanap sa nilikha hindi sa Diyos. Katulad din ng mga
naunang bahagi, ang Shirk sa Ibaadah ay may dalawang bahagi:

1. Ash-Shrik Al-Akbar (Major Shirk)

Ang uri ng shirk na ito ay nangyayari kapag ang pagsamba ay ibinabaling sa iba
maliban kay Allah. Ito ay kumakatawan sa pinakamaliwanag na uri ng Idolatry na dahil
dito ang mga Propeta ay ipinadala ni Allah upang bigyang babala ang buong
sangkatauhan, at ito ay maiwasan. Ang kaisipan na ito ay pinapatunayan ng kasabihan ni
Allah sa Qur’an:

“At katotohanang Kami ay nagsugo sa bawat Ummah (bansa o pamayanan) ng isang


Sugo (na nagpapahayag): ‘Sambahin lamang si Allah at iwasan (o layuan) ang lahat ng
Taghut (lahat ng mali o huwad na sinasamba, maliban kay Allah).’ An-Nahl 16:36

Ang aktual na kahulugan ng Taghut ay ang anuman o sinoman ang sinasamba


kasama ng pagsamba sa Allah, o sinasamba maliban sa Allah. Halimbawa, ang
pagmamahal ay isang uri ng pagsamba, na sa kanyang kaganapan (perfection) ay dapat
lamang ibaling kay Allah. Sa Islam, ang pagmamahal sa Diyos ay naipapahiwatig sa
pamamagitan ng lubos na pagsunod sa kanya. Ito ay hindi uri ng pagmamahal na natural
na nararamdaman ng tao sa mga nilikha: sa kanyang magulang, mga anak, pagkain at iba
pa. Ang pagbaling ng ganoong uri ng pagmamahal (kay Allah) ay pagbaba sa Kanya sa
katayuan ng Kanyang nilikha, na sa katunayan ay shirk sa al-Asma’ was-Sifat. Ang
pagmamahal na uri ng pagsamba ay ang lubos na pagtalima ng kagustuhan sa Diyos.
Dahil dito inilahad ni Allah sa Propeta na sabihin sa mga nananampalataya:

“Ipagbadya (O Muhammad sa sangkatauhan): ‘Kung (talagang) minamahal ninyo si


Allah, kung gayon, ako ay inyong sundin, si Allah ay magmamahal sa inyo…” Al-Imran
3:31

albangsamori@yahoo.com 22
Ang propeta ay nagbadya sa kanyang mga kasamahan,

“Hindi kayo mga tunay na mananampalataya hangga’t ako ay hindi ninyo mahalin
ng higit kaysa kanyang anak, ama at ng buong sangkatauhan27”.

Ang pagmamahal sa Propeta ay hindi dahil sa kanyang pagkatao, bagkus dahil sa dibino
(divine) na pinanggalingan ng kanyang mensahe. Samakatuwid, kagaya ng pagmamahal
sa Allah, ito ring ay naipapahiwatig sa pamamagitan ng lubos ng pagsunod sa kanyang
utos. Sinabi ni Allah sa Huling Kapahayagan:

“Siya na tumalima sa Sugo(Muhammad), ay katotohanang tumalima kay Allah…,An-


Nisa 4:80

“Ipagbadya (O Muhammad): Sundin ninyo si Allah at ang Sugo (Muhammad)…” Al-


Imran 3:32

Kung hahayaan ng tao na pumagitna ang kanyang pagmamahal sa kahit na anuman o


ninuman sa Allah, kung gayon ang bagay na yaon ay kanyang sinamba. Sa paraan na ito,
ang kayamananm ay nagiging kanyang diyos o kahit na ang kanyang desire ay maari ring
maging diyos. Sinabi ng Propeta,

“Ang taga-samba ng Dirham ay mananatiling miserable (malungkot).

Sinabi ni Allah sa Qur’an,

“Namamalas mo ba (O Muhammad) siya na naturing sa kanyang pagnanasa bilang


kanyang diyos?...” Al Furqan 25:43

Lubos na binigyang diin ang kasamaan ng shirk sa Ibadah sapagkat ito ay sumasalungat
sa layunin ng paglikha. Sinabi ni Allah,

“At hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mg Tao maliban na tanging sambahin lamang
Ako…” Adh-Dhaariyat 51:56

Ang Malaking Shirk ay kumakatawan na pinakamalaking paghihimagsik


(rebellion) sa panginoon ng sanlibutan, at dahil dito, ito ay ang sukdulang kasalanan
(ultimate). Ang kasalanan na ito ay nalapalaki na pati lahat ng mabuting gawaing ng
isang tao ay nabubura (cancelled) at ang nakagawa nito ay pinangangakuan ng walang
haggang kaparusahan sa Impyerno. At dahil dito, ang mga huwad na relihiyon ay hango
sa ganitong uri ng Shirk.

27
Reported by Anas and collected by Bukhari, (English Arabic), vol. 1, p. 20 hadith no.13 and Muslim,
(Eng. Trans), vol. 1, p. 31, hadith no.71.

albangsamori@yahoo.com 23
Lahat ng man-made system, one way or another, ay naghihikayat sa kanilang
tagasunod na sumamba sa mga nilikha. Ang mga Kristiyano ay hinihikayat na sumamba
sa isang tao, ang Propeta ng Diyos na si Hesus, na kanilang iginigiit na Diyos
nagsakatawang tao. Ang mga Katoliko ay nagdarasal kay Maria bilang ina ng Diyos, sa
mga anghel tulad ni Michael na siyang binibigyang parangal sa ika 29 ng Septyembre,
ang Michaelmass Day, St. Michael, at sa iba pang mga tao na santo, tunay man o hindi.

Ang paraan ng pagsamba ng iilang Muslim na kabilang sa ganitong uri ng Shirk


ay yaong mga sumasamba kay Propeta Muhammad o sa mga mistiko ng hirarkiya ng mga
santo ng Sufis. Sila ay naniniwala na sila ay nakatutugon sa kanilang mga dalangin.
Ngunit maliwanag na sinabi ni Allah sa Qur’an,

“Ipagbadya (O Muhammad): ‘Sabihin ninyo sa akin kung ang kaparusahan ni Allah


ay sumapit sa inyo, o ang Oras (na kayo ay bubuhaying muli) ay dumatal sa inyo, kayo
ba ay maninikluhod sa iba pa maliban kay Allah, kung kayo ay nagsasabi ng
katotohanan”. Al-An’am 6:40

2. Ash-Shirk as-Asghar (Minor Shirk)

Salaysay ni Mahmood Ibn Lubayd na sinabi ni Propeta Muhammad na:

“Ang bagay na aking pinangangambahan sa inyo ng higit sa lahat ay ash-shirk al-


asghar. Tanong ng mga kasamahan nu Sugo ni Allah, ang ang minor shirk? Sagot niya,
‘Ar-Riya’ (Pagpapakitang tao). Katunayang sasabihin ni Allah (sa mga nagpapakitang
tao) sa araw ng pagkabuhay na muli, habang ang mga tao ay nagsisitanggap ng kanilang
mga gantimpala,

‘Kayo ay pumunta sa kanila (mga pinapakitaan nila ng kanilang mabubuting gawa) sa


mundo, at tingnan ninyo kung mayroon kayong mapapalang gantimpala sa kanila”.

Sinabi rin ni Mahmood Ibn Lubayd, ang Propeta ay lumabas at nagpahatag,

“O mga tao, mag-ingat sa nakatagong shirk. Ang mga tao ay nagtanong, O Sugo
Ni Allah, ano ang nakatagong shirk? Sagot niya “kapag ang isang tao ay tumayo nagdasal
at kanyang pinabubuti ang kanyang pagdarasal dahils sa mga taong nakatingin sa kanya,
iyon ang nakatagong shirk.”

Ar-Riya’

Ang Riya’ ay pagsagawa ng iba’t-ibang ri ng pagsamba upang ang gumagawa nito ay


makita at purihin ng mga tao. Sinisira nito ang lahat ng mga pakinabang na naidudulot ng
mabuting gawain at ito ay nagbibigay ng di-birong kaparusahan sa mga nakakagawa nito.

Ito ay mapanganib sa dahilang natural sa tao na magustuhan at masiyahan sa mga


bpapuri ng kapwa niya tao. Ang pag-sagawa ng religious acts upang ma-imoress ang mga
tao, o di kaya’s upang siya ay purihin ay samakatuwid isang masamang gawain na

albangsamori@yahoo.com 24
nararapat na bigyang pansin ng tao. Ang panganib na ito ay napakahalaga sa
mananampalataya sapagkat ang kanilang hangarin ay gawin lahat ang bahagi ng kanilang
buay na religious acts na inaalay sa Diyos. Sa katotohanan, ang posibilidad na
makakagawa ng ash-Shirk al Akbar ang mga mananampalataya na may kaalaman ay
maliit lamang, dahil maliwanag ang pitfall nito. Ngunit katulad ninoman, ang chance ng
totoong nananampalataya na makagawa ng ar-Riya’ ay malaki sapagkat ito ay talagang
nakatago. Ang kailangan lamang gawin ay magpalit ng hangarin, At ang motivating force
behind it are also very strong sa dahilang ito ay natural sa tao. Pinahiwatig ni Ibn Abbas
ang katotohanang ito nang kanyang sabihin,

“Ang shirk ay mas hindi halata kaysa sa itim na langgam na gumagapang sa itim
na bato sa gabing walang buwan.”

Samakatuwid, kailangan ng matinding pag-iingat upang matiayak na dalisay ang


hangarin at mapanatili itong dalisay, habang gumagawa ng mabuting gawain. Upang ito
ay matiyak, itinuturi sa Islam na banggitin ang pangalan ni Allah bago gawin ang lahat ng
mahalagang gawain. Sari-saring panalngin ang inatas ng Propeta bago o pagkatapos gain
ang lahat ng natural na habits tulad ng pagkain, pag-inom, pagtulog, pakikipagtalik, at
mahing ang pagpunta sa palikuran, upang ang mga habits na ito ay maging gawaing
pagsamba, at nang sa gayon ay yumabong sa mga Muslim ang mapagmatyag na
kamalayan na Allah. Ang kamalayang ito, na tinatawag na Taqwa ay nagtitiyak na ang
mga hangarin ay nananatiling dalisay.

Ang Propeta din ay nagbigay ng protection laban sa di-maiwasang paggawa ng shirk sa


pamamagitan ng pagturo ng mga dalsal na maaring sabihin sa kahit na anong panahon.
Sinabi ni Abu Musa,

‘Isang araw, ang Sugo ni Allah ay nagbigay ng sermon. Sinabi niya na ‘O mga tao
matakot kayo sa shirk sapagkat ito ay higit pang nakatago kaysa sa guamgapang na
langgam’. Yaong mga ginusto ni Allah na magtanong ay nagtanong, ‘At papaano namin
it maiiwasan kung ito ay higit na nakatago kaysa gumagapang na langgam O Sugo ni
Allah. Kanyang sinagot’

Sabihin ninyo:

‘Allahumma inna na’oodhu bika an nushrika shay’an na’lamuh, wa nastaghfiruka lima


la na’lamuh.’

‘O Allah, kami ay nagpapatikupkop sa Iyo laban sa pag-gawa ng shirk sa Iyo, habang ito
ay aming nalalaman, at kami ay humihingi ng Iyong kapatawaran sa mga hindi namin
nalalaman’.

Sa mga sumusunod na kabanata, pag-aaralan pa ng detalye ang mga pagkakataon na kung


kiailan ang shirk at ng tatlo nitong uri ay karaniwang nangyayari.

albangsamori@yahoo.com 25
Kabanata 3

ANG KASUNDUAN NI ALLAH AT NI ADAN

Ang Barzakh

W ala sa katuruan ng Islam na maaring magtaguyod sa paniniwalang Hinduismo


tungkol sa reenkarnasyon o ang paglipat lipat ng mga kaluluwa na kung saan
ang mga ito ay mananahan sa mga bagong katawan pagkatapos mamatay ang
(lumang) katawan. Ilan sa mga naniniwala sa doktrinang ito ay naniniwala din sa karma,
na kung saan ang gawain ng isang tao na naiipon sa buhay na ito ay ang magiging sanhi
sa katayuan niya kapag siya ay ipapanganak muli. Kapag siya ay masama, siya ay
ipapanganak muli mula sa sinapupunan ng isang babae na mababang katayuan sa lipunan
(caste) at siya ay dapat na gumawa ng mga mabubuting gawa upang siya ay ipapanganak
muli sa mataas na katayuan. At kung siya naman ay mabuti, siya ay ipapanganak mula sa
babaeng mataas ang caste na isang makadiyos o banal na tao at patuloy siyang muling
ipapanganak mula sa babae na mas makadiyos at banal hangga’t marating niya ang
kaganapan (walang kamalian) na bilang kasapi sa Brahmin caste. Nang siya ay naging
ganap, ang gulong ng pagpapanganak muli ay matatapos sa pag katunaw ng kanyang
kaluluwa at sa pag sama muli sa kaluluwa ng mundo, ang Brahma sa paraan/proseso na
tinatawag na Nirvana.

Ayon sa Islam at ng lahat ng relihiyon na nagmula sa Diyos, kapag namatay ang isang tao
siya ay mabubuhay lamang sa Araw ng Pagkabuhay na Muli. Pagkatapos ng pag gunaw
ng mundo, lahat ng tao ay babangon mula sa pagkamatay upang hahatulan ni Allah, ang
tanging nag iisang Diyos na dapat sambahin at ang Pinakadakila, ang Manghuhukom. Sa
panahon ng pagkamatay ng isang tao hangga’t siya ay bubuhaying muli, siya ay
nananatili sa isang kalagayan na sa Arabik ay tinatawag na Barzakh.28 29 Hindi naman
siguro na mahirap isipin na kung may namatay na noong isang libong taon na ang
nakraan ay nananatili pa rin na maghihintay sa loob ng isang libong taon bago siya ay
buhayin muli, dahil sinabi ng Propeta na ang kamatayan ng bawat isa ay ang simula ng
kanyang pagkabuhay na muli. Ang panahon ay umiiral lamang sa mga nabubuhay sa
mundo. Kapag namatay ang isang tao, siya ay umaalis sa panahon (ng mundo) at ang
isang libong taon ay nagiging isang kisap-mata lamang. Binigyang halimbawa ni Allah
ang realidad na ito sa isang salaysay na sinabi Niya sa Surah al Baqarah tungkol sa isang
tao na nagdududa sa kakayahan ni Allah na buhayin muli ang isang nayon. Kaya’t siya ay
binawian ng buhay ni Allah sa loob ng isang daang taon at nang siya ay binuhay muli,
siya ay tinanong Niya kung gaano siya kahabang ‘natulog’? Kanyang isinagot,

“… Isang araw o bahagi ng isang araw…” (2:259)

Kagaya din nito ang mga taong nagising mula sa mahabang koma na kadalasang nag iisip
maliit lang o walang panahon ang lumipas (nang sila ay nasa kalagayan ng koma).
Kadalasan kapag ang isang tao ay natutulog ng mahabang oras, nang siya ay magising

28
23:99
29
Translator’s notes: Concerning the punishment of the grave.

albangsamori@yahoo.com 26
kanyang mararamdaman na para bagang kaiidlip lamang niya. Kaya’t walang pakinabang
ang magisip ng paghihintay ng mga siglo sa Barzakh sapagka’t ang panahon sa katayuan
na iyon ay walang kaugnayan.

Bago ang Paglikha

Bagama’t kinakaila ng Islam ang paniniwala na ang kaluluwa ay ipapanganak muli,


kinikilala naman nito na ang kaluluwa ng bawa’t sanggol ay umiiral na bago pa man ito
ipinanganak sa mundo.

Nagsabi ang Propeta na,

“Nang nilikha ni Allah si Adan, nakipagsunduan Siya sa kanya sa lugar na


tinatawag na Na’man sa araw ng ‘Arafah, pagkatapos nito ay kinuha Niya mula
sa kanya ang lahat ng kanyang mga inapo na ipapanganak hangga’t sa
pagkagunaw ng mundo, salinlahi sa salinlahi, at Kanya silang inilatag sa
kanyang harapan upang kumuha din ng kasunduan mula sa kanila. Kanyang
kinausap sila ng harapan at sinabi: ‘Hindi ba’t Ako ang inyong panginoon?’at
kanilang sinagot, ‘Kami ay sumasaksi.’ Pagkatapos nito, ipinaliwanag ni Allah
kung bakit niya pinasaksi ang lahat ng tao na Siya ang tagapaglikha at ang tunay
na Diyos na dapat sambahim. Sinabi Niya, ‘Ito ay kung sakali kanilang
sasabihin sa Araw ng Paghuhukom, ‘Katunayan hindi namin alam ito. Wala
kaming pangunawa na ikaw, Allah,, ay ang aming Diyos. Walang nagsabi sa
amin na Ikaw lamang ang sasambahin namin.” At pinaliwanag din ni Allah na
sakaling may mga taong magsasabi na : ‘Ang mga ninunu namin ang
nagtambal kay Allaah at kami ay mga inapo lamang nila, parurusahan mo ba
kami dahil sa mga gawain ng mga sinangaling na iyon?’

Ito ay ang paliwanag ng Propeta sa talata ng Qur’an na kung saan sinabi ni Allah:

At (gunitain) nang ang iyong Panginoon ay nagpalabas mula sa himaymay ni Adan


ng kanyang mga anak at kaanak-anakan, at ginawa sila na sumaksi sa kanilang
sarili, (na [si Allah] ay nagsasabi sa kanila): “Hindi baga Ako ang inyong
Panginoon?” Sila ay nagsabi: “Oo! Kami ay sumasaksi,” (marahil) baka kayo ay
magsabi sa Araw ng Muling Pagkabuhay: “Katotohanang kami ay hindi
nakakaalam nito.” Soorah al A’raf (7): 172-173

Ang talata (na nabanggit) at ang pagpapaliwanag ng Propeta ay nagpapatunay na ang


lahat ay mananagot sa pananampalataya sa Diyos at hindi tatanggapin ang mga
pagdadahilan sa araw ng paghuhukom. Lahat ng tao ay may paniniwala sa Diyos na
nakatanim sa kanyang kaluluwa at ang pinipamalas ni Allah sa bawat sumasamba sa
diyos diyosan, sa yugto ng kaniyang buhay, ang mga palatandaan na ang idolo ay hindi
Diyos. Samakatuwid, ang bawat tao sa wastong pag iisip ay kinakailangan na maniwala
sa Diyos na nasa labas ng nilikha at hindi nagpahayag sa loob nito.

albangsamori@yahoo.com 27
Nagpatuloy ang Propeta,

“At naglagay si Allah sa pagitan ng dalawang mata ng bawat tao ng


ningas/kislap ng ilaw nagpapahayag ng kanilang pananampalataya at ito ay
ipinakita Niya kay Adan. Namangha si Adan sa pagtanaw niya sa lahat ng di
mabilang na mga nilalang na may mga kislap ng ilaw sa pagitan ng kanilang mga
mata kaya’t tinanong niya si Allah, ‘O Panginoon, sino sila?’ Sinabi sa kanya ni
Allah na sila ay ang kanyang mga apo. Napatingin si Adan sa isa na kung saan
ang kislap ng ilaw ay nagpamangha sa kanya, at tinanong niya kung sino iyon, at
sinabi ni Allah, “Siya ay isang tao na nagngangalang David na galing sa mga
huling bayan ng iyong mga inapo”. Tinanong ni Adan kung ano ang edad niya
at nang sinabi ni Allah na siya animnapu, sinabi niya, ‘O Panginoon, dagdagan
mo ang kanyang gulang sa pagbawas mo ng apatnapung taon mula sa edad
ko.’ Ngunit nang ang haba ng buhay ni Adan ay umabot na sa dulo at dumating
na ang Anghel ng Kamatayan, sinabi niya, ‘Hindi ba mayroon pang apatnapung
taong natitira sa bujay ko?’ Sagot ng anghel, ‘Hindi ba’t ibinigay mo (ang ilan
sa edad mo) sa apo mong si David?’ Ikinaila ni Adan na kanyang nagawa ito at
ang kanyang mga apo ay ikinaila din ang kanilang pangako kay Allah. Di
maglaon ay nakalimutan ni Adan ang kanyang kasunduan kay Allah at pati na rin
ang kanyang mga inapo kaya’t sila ay nahulog/nauwi/humantong (fallen) sa
kamalian.”30

Kumain si Adan mula sa ipinagbawal na punongkahoy dahil sa pagkalimot niya sa


kanyang pangako kay Allah at dahil na rin sa mapaglinlang na pag uudyok ni Satanas, at
karamihan ng sangkatauhan ay nagpabaya sa kanilang pananagutan na maniwala sa
Diyos at sumamba lamang sa Kanya, at sila ay nahulog/nauwi/humantong sa pagsamba
sa mga nilikha.

Pagkatapos nito, sinabi ng Propeta,

“Itinuro ni Allah ang ilan sa mga inapo (ni Adan) na kinuha niya mula kay Adan
at ng kanyang mga anak at nagsabi, ‘Nilikha ko ang mga tao na ito para sa
Paraiso at sila ay magsasagawa ng mga gawain ng mga tao sa Paraiso. At
itinuro ni Allah ang mga natira para sa Impyerno at sila ay magsasagawa ng
mga gawain ng mga tao sa Impyerno.’ Nang sinabi iyon ng Propeta, isa sa
kanyang mga Kasamahan ay nagtanong, ‘O Sugo ni Allah, ano ngayon ang
silbi/dahilan (point) ng pag gawa ng mabuti?’ Sagot ng Propeta, ‘Katunayan,
kapag ani Allah ay naglikha ng isa sa kanyang mga alipin para sa Paraiso,
Kanyang tinutulungan siya sa pag gawa ng mga gawain ng mga tao sa Paraiso
hangga’t siya ay mamatay habang siya ay gumagawa ng mga iyon, Subalit
kapag lumikha Siya ng isang tao para sa Impyerno, siya ay Kanyang
tinutulungang gumawa ng mga gawain ng mga taong mananahan doon
hangga’t siya ay mamatay habang gumagawa ng mga gawaing yaon; at
pagkatapos ay ilalagay siya ni Allah sa apoy dahil doon.’”31

30
Tirmidhi. Sahih.
31
Abu Dawud. Sahih.

albangsamori@yahoo.com 28
Ang pangugusap ng Propeta na ito ay hindi nangangahulugan na walang free will ang tao
o kalayaang pumili sa pagitan ng masama at mabuti, sa dahilang kung ganoon nga,
mawawalang ng saysay ang Paghuhukom, gantimpala at kaparusahan. Ang pag likha ni
Allah ng isang tao para sa paraiso ay nangangahulugan lamang na alam ni Allah na ang
tao na yaon ay nabibilang sa mga tao ng paraiso bago pa man siya likhain dahil sa pagpili
niya ng pananampalataya hindi sa di pananampalataya at sa kabutihian hindi kasamaan.

Kapag ang isang tao ay taimtimang naniniwala kay Allah at nagsisikap na gumawa ng
kabutihan, bibigyan siya ni Allah ng maraming pagkakataon upang mas lalong mapabuti
ang kanyang paniniwala at dumami ang kaniyang mabuting gawain. Hindi gagawin ni
Allah na masayang ang tapat na paniniwala kahit na mahulog/maligaw sa tamang landas
ang nananampalataya, Kanya siyang tutulungan upang siya makabalik muli. Maaring siya
ay parurusahan ni Allah sa buhay na ito sa sandaling siya ay naligaw mula sa tamang
landas upang ipaalala sa kanya ang kanyang mga kasalanan at upang siya ay gisingin
nang siya ay magbago. Sa katunayan, si Allah ay napakamawain na maari Niyang kunin
ang buhay ng nananampalataya habang siya ay gumagawa ng mabuti, at dahil dito ang
nananampalataya ay mabibilang sa mga pinagpalad na mananahan sa paraiso. Sa kabilang
dako, ang sinumang di naniwala kay Allah at tumanggi ng kabutihan/kabanalan,
pinapadali ni Allah ang pag-gawa niya ng kasamaan. Binibigyan siya ni Allah ng
tagumpay na makagawa ng masama at yaon ay naghihimok sa kanya na gumawa ng
marami pang kasamaan hangga’t siya ay mamatay sa ganoong katayuan at siya ay
itatapon sa walang hanggang Apoy sa dahilan ng kanyang masamang gawain.

Fitrah: Ang Kalikasan ng Tao

Dahil sa pinasumpa ni Allah ang lahat ng tao sa kanyang pagka-Diyos nang likhain Niya
sa Adan, ang pagsumpa na ito ay nakatatak sa kaluluwa ng tao bago pa man ito pumasok
sa sanggol sa sinapupunan sa ikalimang buwan ng pagbubuntis. Kaya naman nang
ipinaganak ang bata, siya ay may likas na paniniwala sa Allah. Ang likas na paniniwala
na ito ay tinatawag sa wikang arabik na ‘Fitrah’. Kapag ang bata ay pababayaang mag-
isa, siya ay lalaki na may kamalayan sa kaisahan ni Allah, subalit ang lahat ng mga bata
ay nahihikayat/naiimpluwenisihan ng nakapalibot sa kanya.

Nag-ulat ang Propeta na sinabi ni Allah,

“Nilikha ko ang Aking mga tagasamba/alipin sa tamang relihiyon subalit sila ay


iniligaw ng mga demonyo.”32

Sinabi din ng Propeta,

“Ang bawat sanggol ay ipinanganak sa loob ng Fitrah, subalit siya ay ginawang


Hudyo or Kristiyano ng kanyang mga magulang. Ito ay katulad ng kung papaano
manganak ang isang hayop sa isang karaniwang anak. May nakita na ba kayo na
32
Muslim

albangsamori@yahoo.com 29
(batang hayop) na [putol-putol ang katawan](gutay gutay) bago niyo pa man sila
(ginawang gutay gutay)”33.

Katulad ng pagsunod ng katawan ng bata sa batas ng kalikasan na inilagay ni Allah, ang


kanyang kaluluwa ay natural na sumusunod sa katotohanan na si Allah ay ang kanyang
Panginoon at Tagapaglikha. Subalit, ginagawa ng mga magulang na sumunod siya sa
kanilang kaparaanan at hindi pa sapat ang kakayahan ng bata na tumanggi o kumalaban
sa kanyang mga magulang. Ang relihiyon na sinusunod ng bata sa yugto na ito ay mula
sa kinaugalian at kung papaano siya pinalaki, at hindi siya sisingilin o parurusahan ni
Allah dahil dito. Kapag ang bata ay umabot na sa hustong gulang at pinapakita na sa
kanya ang kabulaanan ng kanyang relihiyon, siya ngayon ay dapat nang sumunod sa
rehiliyon ng kaalaman at katuwiran. Mainam na sinusubakan ng mga demonyo na
himukin siyang manatili na kung ano siya o di kaya’y lalo pa siyang ililigaw.
Ginagawang kaayaaya ang kasamaan sa kanya at siya ngayon ay dapat na mabuhay sa
gitna ng pagpupunyagi sa pagitan ng kanyang fitrah at ng kanyang pagnanasa upang
matagpuan niya ang tamang landas. Kapag pipiliin niya ang fitrah, tutulungan siya ni
Allah na magapi ang kanyang pagnanasa, kahit na halos sa buong buhay niya bago pa
man siya makalaya dito, kaya’t maraming mga tao na pumapasok sa Islam sa kanilang
katandaan, ngunit ang karamihan ay (pumapasok) sa Islam bago pa man (sila tumanda).

Nang dahil sa mga malalakas na puwersa na ito na nakikipagtunggali laban sa fitrah,


pumili si Allah ng iilan sa mga banal na tao at nagpahayag sa kanila ng maliwanag kung
ano ang tamang landas sa buhay. Ang mga tao na ito, na tinatawag nating mga propeta ay
ipinadala upang matulungan ang ating fitrah na magapi ang kaniyang mga kalaban. Lahat
ng mabubuting kaugalian ng mga lipunan sa buong mundo sa kasalukuyan ay hango sa
kanilang mga katuruan, at kung hindi dahil sa kanilang katuruan, walang kapayapaan at
ang mundo ang naging mapanganib. Halimbawa ang mga batas ng karamihan ng mga
bansang kanluran ay hango sa “Mga Sampung Utos” ni Propeta Moises, katulad ng
“Huwag magnakaw” at “Huwag pumatay” kahit na kanilang sinasabi na pamahalaang
sekular sila na malaya sa impluwensiya ng relihiyon.

Samakatuwid, tungkulan ng tao na sumunod sa mga Propeta dahil sa ito lang ang tanging
daan na magkasundo sa kanyang kalikasan. Siya ay dapat din na mag ingat na hindi
gumawa ng mga bagay dahil lamang ito ay ginawa ng kanyang mga magulang at
kanilang mga magulang, lalo na kapag umabot na sa kanya ang kaalaman na ang mga
kaugalian na ito ay mali. Kapag hindi niya susundin ang katotohanan, siya ay katulad ng
mga ligaw na tao na kung saan ay nagsabi patungkol sa kanila,

“At kapag (ito) ay ipinagbadya sa kanila: ‘Sundin ninyo kung ano ang
ipinahayag ni Allah.’ Sila ay nagsasabi: ‘Hindi! Aming susundin ang
(pananampalatayang) kinagisnan namin sa aming mga ninuno.’ Ano!
(Gagawing ba nila ito!), kahit na ang kanilang mga ninuno ay hindi
nakakaunawa (hungkag sa karunungan at katotohanan) at hindi
napapatnubayan ( sa tamang landas)? (2:170)

33
Bukhari/Muslim

albangsamori@yahoo.com 30
Katunayan na tayo ay pinagbawalan ni Allah na sumunod sa ating mga magulang kapag
kanilang gugustuhin na sumuway sa pamamaraan ng mga propeta. Sinabi Niya sa Qur’an,

“At Aming ipinagtagubilin sa tao na maging mabuti at masunurin sa


kanyang magulang, datapuwa’t kung sila ay magsikhay na ikaw ay (pilitin)
na mag-akibat sa Akin sa pagsamba (bilang katambal), narito ay wala kang
kaalaman, kung gayon, sila ay huwag ninyong sundin.” (29:8)

Ipinanganak na Muslim

Sila na mga mapapalad na ipinanganak sa pamilyang Muslims ay dapat na magtanda na


ang ganoong pagka Muslim ay hindi nangangahulugang garantiya sa kanya ang paraiso,
sa dahilan na nagbabala ang Propeta na maraming bahagi ng Muslim Ummah na susunod
sa mga Hudyo at Kristiyano na kapag papasok sila sa lungga ng butike, susunod din ang
mga Muslim. Sinabi din niya na bago maganap ang Huling Araw mayroon sa mga
Muslim na sasamba sa mga Idolo. Lahat ng mga tao na tao ay may mga pangalang
Muslim at at sila ay nagaakala na sila ay mga Muslim. Subalit ito ay walang pakinabang
sa kanila sa Araw ng Paghuhukom. Sa kasalukuyan, may mga Muslim (sa buong Mundo)
na sumasamba sa patay, gumagawa ng mga dambana (tomb) at masjids sa ibabaw ng mga
puntod at sila ay gumagawa ng ritwal na pagsamba sa kanila. Mayroon pa nga na
nagsasabi na sila ay mga Muslim subalit kanilang sinasamba sa Ali bilani Allah. Ang iba
naman ay ginawang bilang anting-anting ang Qur’an na kanilang sinasabit sa kanilang
leeg, sa kanilang sasakyan, o di kaya’y sa key chains, atbp. Samakatuwid yaong mga
ipinanganak sa ganitong mundo ng Muslim na na bulag na sumusunod sa kahit ano pa
ang ginagawa ng kanilang mga magulang or sa kanilang pinaniniwalaan ay dapat
huminto at mag isip kung sila ay mga Muslim dahil sa tadhana o Muslim dahil sa pag
pili? Ang Islam ba ay kung ano ang ginagawa lamang ng kanilang mga magulang, tribo,
bansa o nasyon, o ito ay ang katuruan ng Qur’an at kung ang ano ang ginawa ng Propeta
at ng kanyang kasamahan?

Ang Kasunduan

Ang kasunduan na ginawa ng bawat tao kay Allah bago siya likhain ay kikilalanin niya si
Allah, ang Makapangyarihan, bilang kanyang Panginoon at hindi magtatambal ng kahit
na anong uri ng pagsamba maliban sa Kanya. Ito ang pinaka diwa ng kahulugan ng
Shahaadah, na kailangang gawing ng lahat upang siya ay maging ganap na Muslim; Laa
ilaaha illallaah (walang ibang diyos maliban si Allah) na AKA Kalimah at Tawheed, ang
pagpapahayag ng Kaisahan ni Allah. Ang pagsumpa sa Kaisahan ng Diyos sa buhay na
ito ay pagpapatunay lamang ng (ating) panunumpa (nang tayo ay bago ipinanganak) nang
tayo ay nasa spirituwal na kalagayan pa. Subalit ang nananatili ang tanong: Papaano
magagampanan ang kasunduan?

Ang kasunduan ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagsampalataya sa Tawheed at


pagsabuhay ng paniniwalang yaon sa araw araw na pamumuhay. Naisasabuhay ang
Tawheed sa pamamagitan ng pag iwas sa lahat ng gawaing shirk at sa pamamagitan ng

albangsamori@yahoo.com 31
pagsunod ng maigi sa huling Sugo na pinadala ni Allah na bilang praktikal at buhay na
huwaran ng buhay hango sa mga alituntunin ng Tawheed. Nang dahil sa pagpahayag ng
tao na si Allah lamang ang kaniyang panginoon, dapat kanyang tanggapin na ang
mabubuting gawain ay siya lamang kung ano ang sinabi ni Allah at ng Kanyang sugo na
mabubuting gawina, at gayon din ang masamang gawain. Sa paggawa nito, ang
alituntunin ng Tawheed ay naisasabuhay sa diwa. Mahalaga ang pamamaraan na ito dahil
ang gawain ay tila mabuti ngunit sa katunayan ito ay masama. Halimbawa, sinasabi na
kapag ang gustuhin ng mahirap na may gagawin para sa kanya ang hari, mas mainam na
dumaan muna sa prinsipe o isang tao na malapit sa hari upang kumausap alang alang sa
kanya. Dahil dito, sinasabi na kung talagang gusto ng isang tao na sagutin ni Allah ang
kanyang panalangin, dapat siyang magdasal sa Propeta o sa santo upang humingi kay
Allah para sa kanya, dahil siya ay marumi sa dahilan ng mga kasalanang kanyang
nagagawa araw araw. Ito ay tila makatuwiran, subalit maliwanag na sinabi ni Allah at ng
Kanyang Propeta 567‫ و‬9:6; <‫ ?> ا‬na ibaling lamang sa Allah ang pagdarasal nang walang
namamagitan. Sinabi na ni Allah sa Qur’an:

“At ang inyong Panginoon ay nagwika: ‘Dumalangin kayo sa Akin; diringgin


Ko ang inyong panalangin” (40:60)

At sinabi ng Propeta,

Kung ikaw ay hihingi sa pananalangin, humingi ka lamang kay Allah; at kung ikaw ay
hihingi ng tulong, hingin mo lang ito kay Allah.34

Gayon din naman na tila masama ang isang gawain subalit ito ay mabuti. Halimbawa,
maaring may magsabi na kabarbaruhan ang pagputol ng kamay ng magnanakaw o kaya’y
ang paghagupit ng manginginom ng alak ay di makatao, at maari din na maramdaman ng
isang tao na ang ganoong kaparusahan ay masyadong mabagsik at hindi mabuti; subalit,
inutos ni Allah at ng Kanyang Propeta ang mga kaparusahan na ito, at ang magagandang
kahinatnan ng pagpapairal ay malinaw na natutunghayan (speak for themselves).
Samakatuwid ang kasunduan kay Allah ay magaganap lamang ng isang Muslim sa
pamamagitan ng pagpili, maging ang kaniyang mga magulang ay Muslim man o hindi, at
ang pagpairal ng kasunduan ito, sa katotohanan, ay ang pagsasakatuparan ng mga
alituntunin ng Islam. Ang fitrah ng tao ay ang batayan ng Islam, kaya nang
isinakatuparan niya ang kabuuan ng Islam, ang kanyang panlabas na kilos at gawain ay
tumutugma sa likas na pagkatao na nilikha ni Allah. Kapag nangyari ito, pinag-isa ng tao
ang kanyang inner being (kaluluwa) at ng kanyang outer being (katawan) na isang
mahalagang bahagi ng Tawheed. Ang bunga ng bahagi ng Tawheed na ito ay ang
paglitaw ng tunay na makadiyos na tao kawangis ni Adan, siya na inutusan ni Allah na
gumawa ng pagpapatirapa ang mga anghel at siya na pinili ni Allah na mamahala sa
mundo. Dahil, tanging ang tao lamang na nananampalataya sa Tawheed ay maaring
maghukom at mamahala sa mundo ng may tunay na katarungan.

34
Tirmidhi.

albangsamori@yahoo.com 32
Kabanata 4

MGA AGIMAT AT MGA PANGITAIN

Sa unang kabanata tungkol sa Tawheed, ang Tawheed at Ruboobeeyah ay binigyang


kahulugan na bilang pag realization ni Allah bilang Manlilikha at Manunustos ng
sanlibutan sa lahat ng relations ng tao sa Kanya. Ang paglikha, pagpapanatili at ang pag
gunaw ng sanlibutan at ng mga laman nito ay ayon sa utos ni Allah, at ang swerte o
kamalasan ay nangyayari ayon sa itinakda ni Allah. Subalit, ang tao, sa iba’t ibang
panahon ay nagtatanong, “Mayroon bang paraan upang malaman ang mabubuti at
masasamang pangyayari bago pa man ito darating? Sa dahilang kapag may paraan na
maaring malaman ang darating, maiiwasan ang kamalasan at ang tagumpay ay matitiyak.
Magmula pa nang unang panahon, may mga tao na bulaang nagsasabi na mayroon silang
paraan upang malaman ang kaalamang nakatago at ang mga mangmang ay nagsipag
palibot sa kanila, nagbabayad ng malaking kabayaran upang makakuha ng mahalagang
kaalaman (na ito). Ilan sa mga naiisip na pamamaraan ng pag iwas sa kamalasan ay
naging karaniwang kaalaman na lamang, at dahil dito, nagkalat ang
pampabuwenas/pampawerteng agimat/anting-anting na babanggitin sa kabanatang ito na
matatagpuan sa karamihan ng sambayanan/lipunan. Ilan ding mga iniisip na lihim na
pamamaraan upang malaman ang tadhana ay naging karaniwang kaalaman na rin, at dahil
dito samu’t saring uri na ng mga pangitain at ng kanilang pagpapaliwanag ay
matatagpuan sa lahat ng kabihasnan. Subalit mayroon ding kaalaman na nanatiling
nakatago, na ibinigay mula sa isang salinlahi sa susunod na salinlahi, sa iba’t ibang anyo
ng mahiwaga at di karaniwang sining (karunungang itim) ng Paghula at salamangka.

Mahalaga na mabuo ang isang maliwanag na islamikong konsepto tungkol mga gawaing
ito sa dahilan ng laganap ang pangyayari nito. Marahil, mas mahalaga pa dito ay kapag
ito ay hindi maliwanag na nauunawaan, ang isang Muslim ay madaling makagawa ng
Malaking kasalanan ng Shirk, na nasa ugat ng mga gawaing ito. Sa mga susunod na apat
na kabanata, pag aaralan ng mas malalim ang islamic position sa mga gawaing ito na
sumasalungat ng mga Bukod Tanging Katangian ni Allah at ito ay nag uudyok ng
pagsamba sa nilikha. Bawat gawaing/palagay (na ito) ay susuriin , ayon sa Qur’an at
Sunnah ng Propeta 567‫ و‬9:6; <‫?> ا‬, at ang islamikong paghuhukom ay ihahatol sa kanila
bilang patnubay sa mga matapat na naghahanap ng katotohan ng Tawheed.

Mga Anting-anting

Naging kaugalian na ng mga Arabo sa panahon ng Propeta 567‫ و‬9:6; <‫ ?> ا‬na mag suot
ng mga pulseras, bangles, beaded necklaces, kabibe etc., bilang mga agimat upang
maiwasan ang kamalasan at makatamo ng magandang kapalaran. Iba’t ibang uri din ng
mga anting anting at mga amulet ay matatagpuan sa lahat ng lugar sa mundo. Gaya ng
nabanggit sa mga nagdaang kabanata, ang paniniwala sa mga anting anting, mga batong
pampasuwerte ay sumasalungat sa paniniwala sa pagkapanginoon ni Allah sa
pamamagitan ng pagbigay sa mga nilikhang bagay ng kapangyarihang magsanhi ng
kasamaan o magdala ng magandang kapalaran. Nilabanan ng Islam ang lahat ng
pagpapahayag ng mga ganitong paniniwala na lumitaw sa Arabia sa panahon ng huling

albangsamori@yahoo.com 33
Propeta 567‫ و‬9:6; <‫ ?> ا‬upang maitatag ang isang alituntunin na magiging basehan ng
paghatol o pagbawal sa mga magkatulad na paniniwala/gawain kailanman o saan man ito
lilitaw. Ang ganitong uri ng paniniwala (pagbigay kapangyarihan sa mga nilikhang
bagay), sa katotohanan, ay nagbigay batayan sa pagsamba sa mga idolo sa karamihan ng
mga sambayanang paganismo at ang mga anting anting mismo ay isang uri ng Idolatriya.
Ang kaugnayan na ito ay makikita sa mga Katolikong branch ng Kristiyanismo, na kung
saan si Propeta Hesus ay inangat sa pagkadiyos, at ang kanyang Ina at maging ang mga
Santo ay sinasamba, at ang mga larawan, rebulto, medalya na may nakaukit na kawangis
(Imagined) nila ay tinatago at sinusuot, naghahangad ng mabuting kapalaran.

Nang tanggapin ng mga tao ang Islam sa panahon ng Propeta Muhammad, kadalasan ay
kanilang nadadala ay kanilang paniniwala sa nga agimat na tinatawag sa Arabic na
Tamaaim (sing. Tameemah). Sa kadahilanang ito, maraming mga nakatalang kasabihan
ng Propeta na mahigpit na nagbabawal ditto, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga
halimbawa:

Nagsalaysay si Imraan Ibn Husain:

Nang nakita ng Propeta ang Bangle sa braso ng isang lalake, sinabi niya sa kanya,
“Kasawian sa iyo! Ano ito?” Tugon ng lalake na ito ay upang siya ay makaiwas sa sakit
na tinatawag na Al-Wahinah(Panghihina). Pagkatapos nito, sinabi ng Propeta, Itapon mo
yan, Katunayan iyan ay makakapagpalala pa ng iyong panghihina. At kapag namatay ka
ka habang iyan ay nasa sa iyo hindi ka magtatagumpay.

Samakatuwid ang pagsuot ng tanso, brass o bakal ng pulseras, bangles at mga singsing ng
may sakit man o malusog na may paniniwala na sila ay makakapag-iwas o makakagamot
ng sakit ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang ganitong uri ng pag-gamit ay nabibilang sa
mga ipinagbabawal na pamamaraan ng pag-gamot ng sakit na kung saaan ang Propeta ay
nagsabi

“Bigyan ninyong lunas ang inyong mga sakit subalit huwag kayong magbigay lunas sa
pamamagitan ng mga ipinagbabawal na bagay.”

Sinabi rin ni Abu Ulaqid al-Laythe:

“Kung ang sugo ni Allah ay nagtungo (Pumunta) sa Hunain, napadaan sila sa isang puno
na tinatawag na Dhatu anunat. Nakagawian na isabit ng mga pagano ang kanilang mga
sandata sa mga sanga nito upang magdulot ng magandang kapalaran.
Ilan sa mga Sahaabah nab ago sa Islam humingi sa Propeta upang gawan sila ng kahoy na
katulad nito. Tugon ng Propeta Subhanallah! Ito ay katulad ng kung ano ang sinabi ng
mga kasama ni Propeta Moses sa kanya.

Ako ay sumumpa sa Kanya na kung saan ang aking kaluluwa ay nasa kamay niya,
Kayong lahat ay sumusunod sa mga yapak ng mga nauna sa inyo.”

albangsamori@yahoo.com 34
Sa hadeeth na ito, hindi lamang hindi tinanggap ng Propeta ang konsepto ng Good luck
charms nhunit kanya pang hinulaan sa gagawin ng mga muslim ang mga Gawain ng mga
Kristiano at mga Hudyo. Ang mga Dhikr beads sa karaniwang ginagamit ng mga muslim
ay nagagaya sa rosaryo ng mga Katoliko. Ang Maulid ay pag-gaya sa Christmas, at ang
paniniwalang ilan sa mga Muslim sa mga Santo at ng kanilang pamamagitan ay hindi
magkaila ng prinsipyo sa mga matatagpuan sa Kristianismo. Ang hula ay nagpatotoo na!

Ang Propeta ay nagbigay pa ng karagdagang pagpapahalaga ukol a kalubhaan ng pag


suot ng amulet sa pag evoke ng sumpa ni Allah sa mga gumagawa nito. Sinabi ni Uqbah
ibn Amr na minsan sinabi ng Propeta na:

“Nawa’y huwag pagtagumpayin at bigyang kapaguran/ walang kapayapaan ni Allaah ang


sinumang mag suot ng agimat o maglagay nito sa iba.”

Mahigpit na sinunod ng mga kasamahan ang kanyang utos ukol sa charms at amulets. Sa
dahilan nito, maraming mga nakatalang pangyayari na kung saan kanilang pinigilanb ng
pahayag ang mga ganitong Gawain sa lipunan at maging sa kanilang mga pamilya kapag
ito ay nangyayari. Sinabi ni “Urwah na nang ang Sahabi na si Hudaifah ay bumisita sa
iang maysakit na tao at nakita ng bracelet sa braso ng taong ito, kanya itong hinugot at
sinira. Pagkatapos nito, kanyang binasa ang talatang (12:106)

Sa ibang pagkakataan, kanyang hinawakan ang braso ng isang taong may sakit at
kanyang nakapa ang Kyayt (cord bracelet) nakapalibot ditto. Nang kanyang tinanong
kung ano ito, sagot ng tao na iyon,

“Ito ang naglalaman ng spell (bias) na ginagawa para lamang sa kanya.” Hinugat ito ni
Hudhaifa bmula sa braso ng tao na ito at nagsabi “Kapag ikaw ay namatay na suot ito,
hindi ako magdadasal ng funeral sa iyo! Ang asawa ni ibn mas’od na si Zainabay
nagsalaysay na minsan ng Makita ni Ibn Mas’od ang kwintas sa kanyang leeg tinanong
niya kung ano ito, at kanyang tugon “Ito ay tali na nabasahan ng dasal upang tulungan
ako”. Hinila niya ito sa kanyang lleeg, sinira at nagsabi.” Tunay na ang pamilya ni
Abdullah ay walang pangangailangan sa shirk! Narinig ko na nagsabi ang sugo ni Allah:

Katotohanan ang spells, talisman, chains ay mga shirk.’

Sagot ni Zainab, Bakit mo ito sinasabi? Dating nag twitch ang mata ko at nang ako ay
pumunta kay pulan, ang hudyo, at naglagay siya ng spell ditto at ahng pagtwitch ng mata
ko ay huminto! Sagot ni Ibn Mas’od, tunay na iyon lamang ay isang dermonyo na
ginagalaw niya ng kanyang kamay kaya ng ito ay na bewitch, kanyang iniwan ito. Dapat
n asana para sa iyo na magsabi kagaya ng pagsabi ng Propeta:

Idhhabil- ba’s Rabban- naas washfi, anta ash-shafee, la shifa ‘a illa shi fa’uk, shifa’an la
yughaadirahu saqama.

albangsamori@yahoo.com 35
“Alisin mo ang paghihirap o panginoon ng sangkatauhan at bigyan mo ng lubos na lunad
dahil ikaw ang tunay na naggagamot. Walang lunad liban sa lunas mo, Lunas na hindi
nasusundan ng pagkasakit.”

Hatol sa charms

Katulad na ng nabanggit, ang pagbawal sa mga amuletd, talisman at charms ay hindi


limitado sa mga anyo na lumilitaw sa mga arabo na kinalaban ng Propeta. Kahit ano pa
mang bagay na gamutin sa magkatulad nadahilan, ito ang pagbabawal na ito ay
applicxable. Ang paggamit ng mga charms ay karaniwan sa lipunan ng kanluran ngayon
kahit na ito ay nangunguna sa teknolohiya at siyentipikong achievements.

Maraming mga talisman na nagging bahagi na ng pang-araw na pamumuyhay na


kakaunti na lamang ang nag-iisip tungkol dito, ngunit kapagang kanilang
pinanggagalingan ay binunyag, ang shirk na pinagmulan nito ay nagiging maliwanag.
Ang mga tanyag na talisman sa lipunang kunluran.

Ang Paa ng Kuneho:

Ang mga paa sa likod ng koneho, oo di kaya mga ginto at pilak na replicas ng mga paa sa
likod na ito ay sinusuot( at nakakabit) sa mga pulseras bilang good luck charms ng
milyong ka tao sa kanluran. Ang pinagmulan ng paniniwalang ito ay hango sa kaugalian
ng koneho na mag thumb ng kanilang mga paa sa likwas sa lupa. Ayon sa mga sinauna
ang mga kuneho ay nangungusap sa mga espiritu sa ilalim ng lupa kapag sila ay
nagpapadyak sa lupa. Samakatuwid ang mga paa naging pamamaraan upang iparating
ang mga kahilingan sa mga espititu at ito ay naging instrumento na rin ng good luck
charms.

Horse shoes:

Maraming mga tahanan sa America na may nakapatong Horseshoe sa kanilang mga


pintuan, mga pinaliit na versions ay sinusuot bilang bracelets, keychains o mga kwintas,
sa paniniwalang sila ay nakakapagduluot ng magandang kapalaran. Ang pinagmulan ng
paniniwalang ito ay natatagpuan sa inaunang metolohiya ng mga Griego. Ang
hinihirangna bilang na mga banal nahayp nad mga kabayo sa sinaunang griego, kapag
ang horseshoe ay sinabit sa pintuan ng bahay, inaakala itong magdadala ng kaswertihan.
Ang nakabukas na dulo ng horseshoe ay dapat nakatapat pataas upang ito ay
makapagsalo ng kaswertihan. Kapag ito naman ay nakatapat pababa, kanilang
pinaniniwalaan na ito ay magtatapon ng kaswertihan.

Ang paniniwala sa mga charms ay nagbibigay sa nilikhang bagay ng pang-diyos na


kapangyarihang magsangga ng kamalasan, at sa makatuwiid, those who subscribe to such
beliefs ounterd that Allah’s Rububiyyah (lordship) is limited by His creation. Sa
katunayan, kanilang inisip na ang mga charms ay mas makapangyarihan sa Allah,
sapagkat ang mga charms ay inaakalang nakakapag-was ng kasawiang palad na
itinadhana ni Allah. Samakatuwid ang paniniwala sa mga chrms ay isang lantariang

albangsamori@yahoo.com 36
shirk, kagaya ng sinabi ni Ibn Mas’od sa nabanggit na hadith, Ang hotol na ito ay
napapatibay pa ng susunod na Hadith. Salaysay ni Uqbah Ibn Amir na

“Nang may isang grupo ng sampung tao na dumating sa Propeta, kanyang


tinanggap lamang ang panunumpa ng siyam na mula sa kanila. Tinanong nila, ‘O
Sugo ni Allah bakit mo kinuha an gaming panunumpa at tinanggihan ang isang
tao na ito?’ Sagot ng Propeta, ‘Katunayan mayroon siyang anting-anting’.
Inilabas ng tao na ito ang kanyang kamay mula sa kanyang balabal, hinila ang
kanyang anting-anting at kanyang sinira ito. Nang matapos na kunin ng Propeta
ang panunumpa mula sa kanya, siya ay lumingon at nagsabi, ‘Ang sinuman ang
nagsuot ng anting-anting ay nakagawa ng Shirk.35

Mga Qur’anic Charms:

Ang mga sahaaba, kabilang sina Ibn Mas’ood, Ibn Abbas, at Hudaifah, lahat sila ay
sumalungat sa pagsuot ng Qur’anic charms. Mayroong iilan na mga paham sa tabi’oon
ay pumayag (sa pag gamit) nito, subalit ang karamihan ay salungat dito.

Subalit ang mga texto ng hadeeth na nagbabawal sa mga talisman ay hindi distinguished
between chains na naglalaman ng Qur’an at yaong mga hindi naglalaman dito at walang
naitalang mga pangyayari na ang Propeta ay nagsuot ng Qur’anic charms o di kaya’y
pumayag na ito ay suotin(isuot). Ang pagsuot ng qur’an charms ay sumasalungat dinsa
pamamaraan ng Propeta sa pag-break ng mga spells at pag-iwas sa masama. Ang Sunnah
ng pagbasa ng ilang kabanata ng Qur’an (113-114) at talata Ayatul kursee) nito, kapag
ang kasamaan ay lamalapit. Ang tanging pinag-utos na pamamaraan ng pagtanggap ng
biyaya mula sa Qur’an ay sa pagbabasa din nito at sa pagsabuhay nito. Sinabi ng
Propeta,

“Ang sinumang magbasa ng isang titik ng Aklat ni Allah ay nakakaipon ng isang


mabuting gawa at ang bawat mabuting gawa ay katumbas ng sampu nitong halaga. Hindi
ko sinabi na ang Alif laam Meem ay isang titik, subalit ang Alif ay isang titik at ang
Meem ay isang titik.”

Ang pagsuot ng Qur’an na napaloob ng agimat ay katulad ng isang taongmay sakit ng


binigyan ng reseta ng Doktor. Sa halip na basahin niya ito ay kunin ang gamut, ito ay
kanyang nirolyo at ginawang parang bola, inilagay sa pouch at isinabit sa kanyang leeg,
na may paniniwala na ito ay makakapag-pagaling sa kaniya.

Habang or hanggat ang nagsusuot ng Qur’anic charm na may paniniwala na ito ay nag-
iiwas sa kanya sa masama at nagdudulot ng kabutihan, a
Kanyang naibigay sa isang bahagi ng nilikha ng kapangyarihang mag-cancel ng kung ano
na ang naitadhana ni Allah.

35
Trmidhi. Silsilah al ahadith as Sahihah.

albangsamori@yahoo.com 37
Consequently, Siya ay tuluyan ng nasa dito sa halip kay Allah. Ito ang pinakadiwa ng
shirk na involving ng charms, na malinaw ( na naipapahiwatig) sa susunod na salaysay.
Sabi ni Eesa Ibn Hamzah,

“Minsan ako ay bumisita kay Abdullah Ibn Ukaym at natagpuan ko si Hamzah na kasama
niya. Tinanong ko si Abdullah, Hindi ka ba nagsusuot ng Tameemah? Ang sagot niya,
Tayo ay nagpapatikupkop kay Allah mula diyan? Hindi mo ba alam na sinabi ng Sugo ni
Allah na ang sinumang magsuot ng kuwintas o pulseras ay umaasa (na) ditto.”

Ang pag-gawa ng napakaliit ng Qur’an na hindi nabasa upang ito ay masuot sa lackets ay
nagiimbita sa shirk. Katulad din nito, mga palamuti na nakasulat ang Ayatul kursi na
maliliit, halos hindi mabasa at sinusuot bilang mga Pendeants ay naguudyok din sa shirk.
Ang sinumang mag-suot ng ganitong mga ornaments bilang pawing mga palamuti
lamang ay hindi nakakagawa ng shirk, subalit ang karamihan ng nagsusuot nito upang
sila ay maprotektahan mula sa kasamaan/evil, at nang sa gayon ito ay…

Ang mga muslim ay dapat na umiwas ng maingat sa paggamit ng Quran bilang good luck
charm. Sa pagsabit nito sa mga sasakyan sa key chain, pulseras, kwintas -- katulad ng
kung papaano gamitin ng mga di-muslim ang kanilang mga agimat at anting anting,
kanilang binubuksan ang pinto papuntang shirk. Samakatuwid, kailangang magkaroon
ng sadyang pagsisikap ng kamalayan upang maging dalisay ang paniniwala mula sa lahat
na makakasira ng kadalisayan ng Tawheed.

Mga pangitain

Dating pinaniniwalaan ng mga Arabo bago pa man dumating ang Islam na ang
patutunguhan ng mga ibon at ang paggalaw ng hayop ay nagiging palatandaan ng
darating ng kabutihan o di kaya’y sakuna, at kanilang pinaplano ang kanilang buhay
mula dito. Ang gawaing pagbasa ng maganda at masamang pangitain mula sapag-galaw
ng ibon at hayop ay tinatawag na tiyaarah na mula sa pandiwa ng ‘tāra’ na ang ibig
sabihin ay “paglipad”. Halimbawa, kapag ang isang tao ay maglalakbay at may ibon na
lumulipad sa taas niya at ito ay tumungo sa kaliwa, ito ay kanyang pinaniniwaalang na
may masamang palatadaan at siya ay babalik sa kanyang tahanan. Isinawalang bisa ng
Islam ang ganitong gawain sapagkat ito ay sumisira ng alituntunin ng Tawheed al-
Ibaadah at Tawheed Al-Asma was Sifat.

1. Pagsagawa ng isang uri ng pagsamba “Ang Tawakkul [trust]” sa iba maliban kay
Allah.
2. Pagbigay sa tao ng kapangyarihan maghula ng darating na kabutihan, kasamaan at
ng kakayanang umiwas sa Tadhana ni Allah.

Ang basihan ng pagbabawal ng Tiyarah ay napapatunayan mula sa Hadith ng apo ng


Propeta na si Al-Husain na nagsalaysay mula sa Propeta:

“Ang sinumang magsagawa ng Tiyarah o ito ay ginawa para sa kanya, nagpahula ng


kanyang kahinaan o nagpakulam sa iba ay hindi nabibilang sa amin.”

albangsamori@yahoo.com 38
Ang “anim” dito ay tumutukoy sa mamamayan ng Islam. Samakatuwid ang Tiyarah ay
kabilang sa mga Gawain na nakakapaglagay ngnananampalataya sa labas ng Islam.
Tinatanggi din n Propeta ang effects/bias ng Tiyarah sa isang hadith na isinalaysay ni
Mu’awiyah Ibn Al Hakam.

“Sinabi ni Mu’awiyah sa Propewta”’ Mayroong iilan sa amin na naniniwala sa pangitain


mula sa ibon. Tugon ng Propeta. Iyon ay gawa gawa lamang ng sarili ninyo kaya huwag
hayaaang makapagpigil ito sa inyo.”
Nang dahil dito, huwag ninyo itong hayaang makapagpigil sa inyo mula sa inyong mga
nais gawin, sapagkat ang mga ganyang pangitain ay mga kathang isip lamang, gawa ng
guni-guni ng mga tao na mga pawang walang katotohanan. Nang dahil dito, ipinaliwanag
ng propeta ni Allah, na hindi ginawa ni Allah ang paglipad ng ibon na maging
palatandaan ng kahit na ano. Walang tagumpay o paghihirap na nangyayari na sanhi ng
kanilang paglipad o di kaya’y maaring mahulaan nito, kahit na ang ilan sa mga ito ay
tugma sa kanilang mga (maling) pang-unawa ng mga pag galaw (ng ibon) bago pa man
dumating ang Islam.

Ang mga Kasamahan ng Propeta (sila nawa’y kalugdan ni Allah) ay mahigpit na


tinatanggi ang lahat ng pagpapahayag ng paniniwala sa mga pangitain mula sa ibon sa
tuwing ito ay masabi ng kanilang mga kasamihan o mga mag aaral. Halimbawa, sinabi ni
‘Ikrimah, “Minsan nang kami ay nakaupo kasama ni Ibn ’Abbas, may isang ibon na
lumipad sa ibabaw namin at tumili. Isang tao mula sa grupo ay nagsabi, ’Mabuti!
Mabuti!” Siya ay pinangaralan ni Ibn ’Abbas at nagsabi, ”Walang kabutihan o kasamaan
sa kanya.” Kagaya din nito, tinatanggi din ng mga Tabi’ūn (Ang mga Tagasunod – mga
magaaral ng mga Sahabah) ang lahat ng uri ng paniniwala sa masamang pangitain na
naihayag din ng kanilang mga tagasunod mula sa pangatlong salinlahi ng mga Muslim.
Halimbawa, minsan may isang uwak na tumili habang si Tawoos ay naglalakbay kasama
ng isa niyang kaibigan at sinabi ng kanyang kasama, ”Mabuti!”. Tugon ni Tawoos, ”Ano
ang mabuti doon? Huwag mo na akong samahan pa (sa paglalakbay).”

Gayunpaman, mayroong isang kasabihan na may kahulugan na di gaanong mapaniwalaan


na sinabi diuamano ng Propeta 567‫ و‬9:6; <‫ ?> ا‬sa Sahih al Bukhari:

”Ang masamang pangitain ay sa tatlong bagay: babae, hayop na sinasakyan at


mga bahay.”36

Itinanggi ni ’Aishah ang salaysay na ito,

”Ako ay sumusumpa sa Nagpahayag ng Furqan (Qur’an) kay Abul Qasim37 ang


sinomang nag salaysay nito ay nagsinungaling. Sinabi ng Sugo ni Allah na may
mga tao sa panahon ng Jahiliyyah na nagsasabi, ”Katunayan may masamang
pangitain sa mga babae, bahay at mga hayop na ginagamit sa pagpasan.’ At
kanyang binanggit at talata:

36
Bukhari
37
Abul Qasim was the Prophet’s pet name. The oath here means “By Allah”.

albangsamori@yahoo.com 39
57:22

Subalit, ang hadith na ito ay sahih at ito ay dapat ipaliwanag ayon sa mga iba pa niyang
salaysay na mas tiyak (ang kahulugan):

”Kung mayroon man na masamang pangitain, sila ay matatagpuan sa mga


kabayo, kababaihan at mga tahanan.”38
Samakatuwid, hindi binigyang katotohanan ng Propeta ang pag-iral ng mga masamang
pangitain, subalit kanya lamang tinuturo ang mga maaring maging anyo (ng masamang
pangitain) kung sakaling sila nga ay iiral. Ang dahilan kung bakit ang tatlo na ito ay
nabanggit ay dahil sa madalas sila ang pinagmumulan ng kamalasan sa panahon na iyon,
sa dahilang silang tatlo ang pinakamahalagang bagay sa buhay ng isang lalaki. Nang
dahil dito, ang Propeta 567‫ و‬9:6; <‫ ?> ا‬ay nagturo ng mga dasal na babanggitin bago sila
maging pag aari o bago pumasok sa kanila. Sinabi ng Propeta 567‫ و‬9:6; <‫?> ا‬,

”Sino man sa inyo ang mag aasawa o umupa ng katulong, dapat niyang hawakan
ang kaniyang tuktok at banggitin ang pangalan ni Allah at humingi ng biyaya, at
sabihin:

Allahumma innee as-aluka khayraha wa khayra ma jabaltaha ’alayja wa a’oudhu


bika min sharriha wa sharri ma jabaltaha ’alayh.

(O Allah, hinihingi ko mula sa Iyo ang kabutihan mula sa kanya at sa


pinakamabuting ginawa Mo mula sa kanyang kalikasan. Ako din ay
nagpapatikupkop sa Iyo mula sa kanyang kasamaan at sa kasamaang ginawa Mo
mula sa kanyang kalikasan).

Kapag siya ay bibili ng kamelyo, kanyang hawakan ang pinakamataas na parte ng


kanyang umbok at ganito din ang sabihin.39

Sinabi din ng Propeta 567‫ و‬9:6; <‫ ?> ا‬na kung tayo ay papasok ng bahay, ating sabihin,

A’oodhu bi kalimatillahit-tammati min sharri ma khalaq

(Ako ay nagpapatikupkop sa tumpak na salita ni Allah mula sa kasamaan ng


kanyang nilikha.)40

Ang sumusunod ay isang kasabihan (ng Propeta 567‫ و‬9:6; <‫( )?> ا‬sa unang tingin) ay
maari din na magtaguyod ng masamang pangitain:

38
Bukhari
39
Abu Dawud.
40
Muslim.

albangsamori@yahoo.com 40
Inulit ni Anas ibn Malik ang sinabi ni Yahya ibn Sa’id na may isang babae na
pumunta sa Sugo ni Allah at nagsabi, ”O Sugo ni Allah, may isang bahay na kung
saan may maraming nananahan at sagana ang kayamanan. Pagkatapos nito, sila
ay nangaunti at ang kayamanan ay naglaho. Maari ba namin itong iwanan?”
Ang tugon ng Propeta 567‫ و‬9:6; <‫?> ا‬, ”Iwanan ninyo ito dahil ito ay isinumpa ni
Allah”.

Sinabi sa kanila ng Propeta na ang pag-iwan nito ay hindi isang uri ng tiyarah dahil ang
lugar na iyon ay naging pabigat sa kanilang isipan mula sa kasawiang palad at
pagkalungkot. Ito ay likas na damdamin na inilagay ni Allah sa tao. Sa tuwina'y
nakararanas ang isang tao ng kasamaan o kasawian sa isang bagay, kaniya itong di-
nagugustuhan at nais niyang lumayo ng husto mula dito, kahit na sa katotohanan ito ay
hindi naman talagang nag sanhi ng kasawian sa kanya. Dapat bigyang puna dito na ang
kanilang pag hiling na ito ay nangyari pagkatapos nangyari na ang sakuna at hindi bago
ito nangyari. Tama na sabihin ang isang bagay o tao na isinumpa ni Allah dahil sa
kasawian na nangyari sa kanila. Ibig sabihin ng isinumpa dito ay sila ay pinarusahan ni
Allah dahil sa kasamaang kanilang nagawa. Gayundin naman na ang naiibigan ng tao
ang isang bagay na nagdudulot sa kanya ng magandang palad at tagumpay at nais niyang
mapalapit dito. Ang ganitong damdamin ay hindi tiyarah subalit ito ay maaring maging
tiyarah. Ito ay nangyayari kapag ang isang tao ay iiwas sa mga lugar at bagay na kung
saang may nangyaring kasamaan sa iba o di kaya'y siya ay maghahanap ng mga ito na
kung saan may nangyaring kagandahan sa iba. Kanyang ipinapalagay ang kabutihan at
kasamaan sa mga lugar at bagay mismo at sa pagdaan ng panahon maaari siyang mag
sagawa ng isang uri ng pagsamba doon.

Fal (A good omen)

Salaysay ni Anas na sinabi ng Propeta,

”Walang paghawa41 o tiyarahi ngunit gusto ko ng Fal” Tanong ng mga


kasamahan ”Ano ang Fal?” Tugon niya ”Isang magandang salita.”42

Ang pagkilala ng mga masasamang pangitain sa mga bagay ay nagpapahiwatig ng


masamang pag iisip kay Allah at ng pagkakaroon ng mga kaisipan na naglalaman ng
Shirk. Bagama't ang paniniwala sa mabuting pangitain ay mas positibo sa paglapit kay
Allah, ito ay may kalakip pa ring Shirk sa pamamagitan ng pag bigay ng pang-diyos na
kapangyarihan sa mga nilikhang bagay. Dahil dito, nagulat ang mga Sahabah nang
inihayag ng Propeta ang kanyang pagkagusto sa fal, na isang mabuting pangitain. Subalit
nilinaw sa kanila ng Propeta ang limitadong aspeta ng fal na katanggap tanggap sa Islam.

41
Sa isang salaysay ni Abu Hurairah at tinipon ni Bukhari at Muslim na kung saan itinanggi ng Propeta ang
pag iral ng paghawa, nagtanong ang isang bedouin, “O Sugo ni Allah papaano naman ang kaso ng mga
malulusog na kamelyo sa disyerto, na kapag sila ay nahaluan ng may sakit na kamelyo, lahat sila ay
nagkakasakit dahil dito?” Tugon ng Propeta “Kung sa gayon, ano naman ang nakahawa sa una?” Bukhari,
Muslim, Sunan Abi Dawud. Itinanggi dito ng Propeta ang uri ng paghawa hango sa paniniwala sa panahon
bago pa man dumating ang Islam na ito ay ipinapalagay na nagmula sa mga espiritu at mga diyos-diyosan
liban pa kay Allah.
42
Tinipon ni Bukhari at Muslim.

albangsamori@yahoo.com 41
Ito ay ang pag gamit ng mga katagang optimismo. Halimbawa, ang pagbigay palayaw sa
isang may sakit ng tao na ”Salim” (malusog) o di kaya'y isang nawalan ng isang bagay na
”Wajid” (Ang nakahanap). Ang paggamit sa mga ito at iba pang mga kaparehas nito ay
nagpapabuhay ng pag asa at optimismo sa mga nasawiang palad at nag bibigay ng
mabubuting damdamin. Ang isang nananampalataya ay kailangan na parating may
mabuting pag iisip, optimismo sa Allah sa lahat ng sandali.43

Ang Hatol Islamiko sa mga pangitain

Maliwanag mula sa mga nagdaang hadeeth na ang tiyarah ay tumutukoy sa malawak na


kahulugan ng paniniwala sa mga pangitain. Ang prinsipyo ng paghango ng pag hula ng
kapalaran mula sa mga pag galaw ng mga ibon ay tinatakwil sa kabuuan nito ng Sunnah
ng Propeta. Ang mga antigong Arabo ay naghango ng kanilang pangitain mula sa mga
ibon at ang mga ibang nasyon naman ay mula sa kung ano pa, subalit, ang simulain ay
iisa lamang. Kadalasan, kapag ang ugat ng mga pangitain na ito ay nasundan, ang shirk
na nilalaman nito ay nagiging lantad. Ang mga sumusunod ay mga kakaunti lamang mula
sa di mabilang na mga pangitain na kasalukuyang makikita sa pamayanang kanluran.

Pagkatok sa kahoy

Kapag ang isang tao ay nagpapasalamat at umaasa na hindi mapapalitan ang kanayng
kapalaran, kanyang sasabihin ”Kumatok ka sa kahoy” at daglinang maghahanap sa tabi
tabi ng kahoy upang ito ay katukin. Ang ugat ng paniniwalang ito ay mula sa panahon na
kung kailan ang mga tao sa Europa ay naniniwala na ang mga diyos ay nakatira sa loob
ng mga kahoy. Kapag sila ay hihingi ng tulong sa diyos-kahoy, kanilang hahawakan ang
kahoy. Kapag ang kanilang kagustuhan ay natugunan kanilang hahawakan muli ang
kahoy upang magpasalamat sa 'diyos' na ito.

Pagtapon ng Asin

Kapag natapon ang asin, maraming naniniwala na may kasunod na masamang


pangyayari, kaya naman ang asin ay itatapon din sa taas ng kaliwang balikat upang ma
kontra ito. Ang simula ng pangitain na ito ay mula sa kakayahan ng asin na
nagpapanatiling sariwa ang mga bagay. Pinaniniwalaan ng mga sinaunang tao na ito ay
dahil sa kanyang magical powers. Kaya naman kapag natapon ang asin ito ay
nagangahulugang may masamang sakuna na mangyayari. Dahil ang mga ito ay
pinaniniwalaang nananahan sa kaliwang bahagi, ang pagtapon ng asin sa kaliwang balikat
ay nagbibigay kasiyahan sa mga masasamang espiritu.

Basag na Salamin

Maraming taong naniniwala na kapag nabasag ang salamin nang di sinasadya ay isang
tanda ng pitong taong kamalasan. Iniisip ng mga sinaunang tao na ang kanilang reflection
sa tubig ay ang kanilang mga kaluluwa. Kaya't kapag nasira ang reflection na iyon (tulad

43
Bukhari at Muslim at Sunan Abi Dawud.

albangsamori@yahoo.com 42
halimbawa kapag may nagbato sa tubig), ang kanilang kaluluwa ay masisira din. Nang na
imbento ang salamin, ang paniniwalang ito ay nailipat dito.

Itim na Pusa

Kapag dumaan ang itim na pusa sa harapan na daanan, ito ay tanda ng malas, paniniwala
ng marami. Ang ugat ng paniniwalang ito ay mula sa Middle Age na kung kailan ang mga
tao ay naniniwala na ang mga itim na pusa ay alaga ng mga bruha. Gumagawa di umano
ang mga bruha ng serbesa mula sa utak ng itim na pusa, parte ng palaka, ahas at mga
insekto. Kapag ang itim na pusa ay nabuhay nang higit sa pitong taon na hindi nahahalo
sa serbesa, ito diumano ay nagpapalit at nagiging bruhang mangkukulam.

Numero 13

Sa Amerika, ang numerong trese ay pinapalagay na malas kaya naman maraming mga
gusali na ang 13th na palapag ay tinatawag na 14th . Ang Biyernes na 13th ay pinapalagay
na talagang malas kaya’t maraming mga tao na umiiwas na mag biyahe o magtakda ng
espesyal na kasunduan sa araw na ito. At kapag may masamang nangyari sa araw na ito,
kanilang pinananiwalaan na ang sakunang ito ay dahil sa likas na kamalasan ng araw na
ito . Ang pangyayaring ito ay hindi lamang pinaniniwalaan ng mga common na tao.
Halimbawa ang flight commander ng Apollo moonshot ng 1970, na malapit nang
madisgrasya, nagpaliwanag sa kanyang pagalik na dapat na alam na niya na may
masamang mangyayari. Nang tanungin siya kung bakit, kanyang sinabi na ang kanilag
pag alis ay nangyari ng Biyernes na ika 13th, lumipad ng ika 1300 oras (ala Una), at ang
numero ng paglipad ay Apollo 13.

Ang simula ng paniniwalang ito ay mula sa gabi ng huling hapunan ni Hesus na nabanggi
sa Bibliya. Sa Huling Hapunan, may 13 na tao. Isa sa labintatlo ay si Hudas, ang tao na
diumano nagtaksil kay Hesus. Ang ika labintatlo ng biyernes ay sadyang napakamalas sa
dalawang kadahilanan. Una, si Hesus daw ay naipako sa Krus. At ayon sa paniniwalang
medieval, ang Biyernes ay ang araw na kung kailan ang mga bruha/mangkukulam ay
nagpupulong pulong.

Ang kapangyarihan ni Allah na magsanhi ng kabutihan at mag dulot ng kasamaan ay


nahahati sa mga nilikha ayon sa mga paniniwalang ito. Dagdag pa dito, ang pagkatakot sa
kapamahakan at pag asa sa magandang kapalaran, mga damdaming dapat lamang ituon
kay Allah, ay nababaling sa iba liban kay Allah. Ang kaalaman ng hinaharap at mga
bagay na di nakikita ay naangkin din (ng mga bagay na ito) at ang katangiang ito ay pag
mamay ari lamang ni Allah. Maliwanag na tinuturo ito ni Allah sa Kanyang katangiang
Alim al-Ghayb, ’Ang tanging Nakakaalam ng mga Di Nakikita’. Sa loob ng Qur’an,
sinabi ni Allah sa Propeta na sabihin sa mga tao na kung alam lang niya ang di nakikitang
hinaharap, tunay na siya ay makakaiwas sa mga sakuna.44

44
Quran 7:188

albangsamori@yahoo.com 43
Samakatuwid, ang paniniwala sa mga pangitan ay maliwanag na mabibilang na mga
gawaing shirk sa lahat ng mga bahagi ng Tawhid. Ang hatol na ito ay dagdag pang
napapatunayan ng hadith na sinalaysay ni Ibn Mas’ud na sinabi ng Sugo ni Allah,

’Ang Tiyarah ay shirk! Ang Tiyarah ay Shirk! Ang Tiyarah ay shirk!45

Nagsalaysay din si Abdullah ibn ’Amar ibn al-’As,

”Ang sinuman ang napigilan na gumawa ng isang bagay dahil sa tiyarah ay


nakagawa ng Shirk.” Tanong ng mga Kasamahan, ”Ano ang pagtatakip-sala
nito?” Kanyang sinabi, ”Sabihin niyo:

Allahumma la khayra illah khayruka wa la tayra illah tayruk wa la elaha


ghayruka. (O Allah walang kabutihan liban sa Iyong kabutihan, walang ibon liban
sa Iyo, at walang ibang Diyos liban sa Iyo.”46

Mula sa mga nabanggit na hadith, maliwanag na nakikta na ang tiyarah hindi lamang
limitado sa mga ibon. Bagkus kasali dito ang lahat ng uri ng paniniwala sa mga pangitain.
Naiiba ang paniniwala na ito sa bawat lugar ngunit lahat sila ay mga magkakaparehas na
naglalaman ng shirk.

Samakatuwid, ang mga Muslim ay kailangang maging maingat na maiwasan ang lahat ng
damdamin na maaring magmula sa mga paniniwalang ito. Kapag natagpuan nila ang
kanilang sarili na gumagawa nito nang di nila namamalayan, dapat silang humingi ng
tulong kay Allah at bigkasin ang nabanggit na panalangin. Marahil ang mga ito ay hindi
mahalaga na dapat bigyan ng ganitong pag pansin. Subalit ang Islam ay nagbibigay
halaga sa mga ito dahil ang mga ito ay tumatayo na bilang mga butil na kung saan ang
Malaking Shirk ay tutubo. Ang pagsamba sa mga idolo, tao, bituin atbp. ay hindi
dumating nang biglaan sa isang pagkakataon lamang. Ang ganitong mga gawain ng
idolatriya ay dahan-dahang tumubo sa pagdaan ng mahabang panahon. Ang paniniwala
ng tao sa Kaisahan ni Allah ay unti-unting na aagnas habang ang butil ng Malaking Shirk
ay nagkakaugat at lumalago. Dahil dito, sa pagbigay ng gabay sa lahat ng aspeto ng
buhay ng tao, binunot ng Islam ang lahat ng masamang ugat bago pa man ito magkaugat
at tuluyan nang maguho ang pinaka batayan ng paniniwala ng mga Muslim.

45
Abu Dawud. Tirmidhi. Ibn Majah.
46
Ahmad at Tabarani.

albangsamori@yahoo.com 44

You might also like