You are on page 1of 7

KABANATA 13

PREMONISYON NG BAGYO

Sa sandaling lumalabas ang matanda ay siya namang paghinto sa


daanan ng isang karwaheng nagpapahiwatig na nagmula sa isang
mahabang paglalakbay.1 Ito ay puno ng alikabok at ang mga kabayo ay
pinagpapawisan pa. Pumanog si Ibara, kasunod ang isang matandang
utusan; at sa pamamagitan ng isang kumpas ng kamay ay pinaalis ang
sasakyan at tahimik na tinungo ang libingan.
“Dahilan sa aking karamdaman at iba pang mga gawain ay
hindi ako nakabalik!” ang pakumbabang sabi ng matanda, “ang sabi ni
Kapitan Tiyago ay siya na ang magpapagawa ng isang nitso; nguni’t
nilagyan ko ng mga bulaklak at isang krus na aking ginawa…  Si Ibarra
ay hindi sumagot.
“Doon po sa likod ng malaking krus!” ang patuloy ng utusan na
nakaturo sa isang sulok nang sila ay makapasok na sa pintuan.
  Dahil sa mga alalahaning taglay ay hindi napuna ni Ibarra ang
pamamangha ng ilang katao nang siya ay makilala, mga taong pinigil
ang pagdarasal at sinundan siya ng mausisang tingin.2
          Ang binata ay maingat na naglalakad, umiiwas na dumaan sa
ibabaw ng mga libingan na madaling malaman dahil sa lubog ng lupa. 
Nang siya ay bata pa ay tinutuntungan niya ang mga iyon at sa ngayon
ay kanyang iginagalang; ang kanyang ama ay nakalibing na rin doon. 
Ang kanyang kasama ay napahinto na hindi malaman ang gagawin;
humahanap ng bakas sa lupa nguni’t walang krus kahit saan dako.
“Dito kaya?” ang bulong, “hindi, doon; ngunit nakabungkal ang lupa!”
Malungkot siyang tinitingnan ni Ibarra. 3

MGA PALIWANAG
1

Mapapansin sa pagbubukas ng kabanata ay halos pinagtagpo ni Rizal si


Pilosopo Tasyo at si Ibarra sa may pintuan ng simenteryo. Ang una ay isang
matanda na katutubong intilekwal ng bayan at ang binata na inaasahan na
mayroong liberal na kaisipan na mula sa malayo ang pinanggalingan ng
kaalaman.
2

Mapapansin na ang mga tao ay namangha sa pagdating ni Ibarra sa


simenteryo upang bisitahin ang libingan ng kaniyang ama. Alam ng mga tao
sa San Diego sa kanilang mga palihim na kuwentuhan ang nangyari sa
bangkay ni Don Rafael. Subalit sa malalim na layer ay nais na ilarawan ni
Rizal na ang pamamangha ng mga karaniwang tao sa istoryang ito ay isang
pailalim na simbolismo sa nagiging reaksyon ng mga ito sa biglaang paglitaw
ng liberal na kaisipan sa kanilang kalagitnaan.
3

Hindi ba alam ng matandang utusan ni Ibarra ang nangyari sa bangkay ni


Don Rafael? Maari ba naman niyang hindi malaman ang ginawang
paglapastangan sa bangkay ni Don Rafael, napakaliit ng bayan ng San
Diego at nagkaroon ng pag-iimbestiga si Tinyente Guevarra, na nagresulta
sa pagkakaalis ni Padre Damaso. Maari rin siyang nagkukunwaring walang
alam, dahilan sa natatakot siyang sabihin ang totoo kay Ibarra at hayaan na
lamang ang binata ang makatuklas ng masakit na katotohanan. Maging si

148
“Siya nga pala, naaalala ko ng may isang bato sa tabi; ang
libingan ay may kaunting kaiklian; ang sepulturero ay may sakit noon
kaya isang magsasaka pa ang tumulong para mahukay iyon; ngunit
itanong natin sa sepulturero kung ano ang nangyari sa inilagay kong
krus.”
Tinungo nila ang sepulturero na sila ang labis na tinitigan.
Ang sepulturero ay
bumating nag-alis ng salakot.
“Masasabi po ba ninyo
kung alin ang libingang may
isang krus doon?” ang tanong
ng alila. Tiningnan ng
pinagtanungan ang pook na
itinuro at saka nag-isip “Isang
krus na malaki?”
“Oo nga, malaki,”
masayang patotoo ng matanda
na tumingin nang may
kahulugan kay Ibarra na
nagbigay ng liwanag sa anyong
malungkot na mukha.
“Isang krus na may mga ukit at natatalian ng yantok?” muling
tanong ng sepulturero.

Tinyente Guevarra ay hindi rin sinabi kay Ibarra ang nangyari sa


bangkay ng kaniyang ama.
Pansinin ang sagot ng matandang utusan: “Dahilan sa aking karamdaman
at iba pang mga gawain ay hindi ako nakabalik!” at “ang sabi ni Kapitan
Tiyago ay siya na ang magpapagawa ng isang nitso; nguni’t nilagyan ko ng
mga bulaklak at isang krus na aking ginawa…”  Ang mga sagot na ito ay
higit na pagdadahilan.

149
“Iyon nga, iyon nga, ganito,” at iginuhit ng alila sa lupa ang isang
krus na katulad ng gawang - Bizantina.4 “At sa baunan ay may mga
tanim na bulaklak?”

“Mga adelfa, sampaga at pensamiento!”


Iyon nga!” ang tugong masaya ng alila at dinulutan ng isang
tabako ang kausap.5
“Ituro ninyo sa amin kung alin ang libingan at kung nasaan ang
krus.”
Kinamot ng sepulturero ang kanyang tainga at sumagot na
kasabay ang paghikab. “Ang krus ay…sinunog ko na.”6
“Sinunog?  At bakit ninyo sinunog?”
“Sapagkat utos ng kurang malaki.”
“Sino ang kurang malaki?” ang tanong ni Ibarra.
“Sino?  Yong kurang namamalo, si Padre Garrote.”
Hinaplos ni Ibarra ang kanyang noo. “Subalit masasabi ba ninyo
sa amin kung nasaan ang libingan?  Dapat ninyong maalala.”
Ang sepulturero ay ngumiti. “Wala na riyan ang patay!” ang
panatag na sagot.
“Ano ang sabi ninyo?”
“Aba!” ang sagot ng lalaki, “mga isang linggo pa lamang, ang
ipinalit ko sa kanyang libingan ay ang bangkay ng isang babae.”
4

Malupit talaga ni Rizal sa simbolismo! Mapansin sana ang disenyo ng krus


sa libingan ni Don Rafael ay Byzantine Cross at hindi Roman Cross. ang
una ay ginagamit Greek Orthodox Church at ang ikalawa ay ng Roman
Catholic Church

Bakit Byzantine Cross ang nasa libingan ni Don Rafael?


Pansinin ang pagkakaiba ng paniniwala ng Simbahang Romano sa
Simbahang Orthodox

The Orthodox believe that when a person dies his soul is


“temporarily” separated from his body. Though it may linger for a
short period on Earth, it is ultimately escorted either to heaven or
hell. The soul’s experience of either of these states is only a
“foretaste” until the Final Judgment. The Orthodox believe that
the state of the soul in hell can be changed by the love and
prayers of the righteous up until the last judgment; while
Roman Catholics maintain that prayers only can benefit the
righteous in purgatory (which the Orthodox do not believe in)
and Protestants generally do not pray for the dead at all.
5

Makikita sa pananalitang ito ang kahinaan ng empleyado ng kolonyal na


pamahalaan sa maliit na anyo ng suhol – tabako lang, puwede na. Lalo na
kung may pamiryenda pa at lihim na bigay na pera.
6
Sinunog ng sepulturero ang byzantine cross? – isang patagong
paglalarawan ni Rizal sa paghihiwalay sa kasaysayan ng Kristiyanismo ng
Greek Orthodox Church at Roman Catholic Church.

150
“Ulol ka ba?” ang tanong ng alila, “wala pa mang isang taong
kalilibing doon!”
“Oo nga!  May ilang buwan nang hinukay kong muli.  Iniutos sa
akin ng kurang malaki7 para ilipat sa libingan ng mga Insik .8  Dahilan sa
mabigat at umuulan nang gabing yaon…”
Ang sepulturero ay hindi nakapagpatuloy; gulat na napaurong
nang mamalas ang nagbabantang kilos ni Crisostomo at na sinundan ng
pagsunggab sa bisig at saka niliglig.
“At, ginawa mo?” tanong ng binata na ang tinig ay hindi
maunawaan ang ibig sabihin.
“Huwag po kayong magalit, ginoo,” ang sagot na namumutla at
nanginginig, “hindi ko inilibing na kasama ng mga patay na Insik. 
Nasabi ko sa sarili ko noon na mabuti pa ang malunod kaysa makasama
ng mga Insik, kaya inihagis ko sa tubig ang bangkay!”
Sinunggaban ni Ibarra ang dalawang balikat ng nagsalita at
malaong pinagmasdan ng isang tinging hindi matuturan ang ibig
sabihin.
“Ikaw ay isang kahabag-habag lamang!” ang sabi at matuling
umalis na tinuntungan ang mga buto, mga libingan, mga krus, na
parang baliw.
Hinipu-hipo ng sepulturero ang kanyang mga bisig samantalang
bumubulong: “Oh, ano ba itong gawaing ibinibigay sa akin ng patay na
ito!  Una ay binambo ako ng paring malaki dahil sa pinayagan kong iyon
ay malibing, samantalang ako ay may sakit noon; ngayon naman ay
kaunti nang baliin nito ang aking bisig dahil sa inalis ko sa libingan.!
Marahil ay maalis pa ako nito sa aking katungkulan.”9 

7
Ang paghukay ng bangkay ng isang pinaniniwalaang erehe ay naging
kagawian nang mga alagad ng simbahan sa Kalagitnaang Panahon sa
Europa.

Maging ang bangkay ni Papa Formosus ay ipinahukay pa ng papa na


humalili sa kaniya upang iharap ang bangkay sa paglilitis. Maaring i-search
sa internet ang The Cadaver Synod: The Strangest Trial In History.

Subalit ang pinakakilalang itinuring na erehe ng simbahan ay ang teologo


na si John Wyclife na ang kaniyang bangkay ay hinukay sa libingan,
sinunnog ang mga buto at itinapon ang abo sa ilog.

http://en.wikipedia.org/wiki/John_Wycliffe#Last_days

8
Sa kapanahunan ng kolonyalismo ng Espanya ay naging mababa ang
pagtingin ng mga Pilipino sa mga Intsik, lalo na sa mga hindi binyagan. Ang
pinakamataas na anyo ng pagmaliit ng mga Pilipino sa mga Intsik sa
nasabing panahon ay ang pagtuturing na isang malaking kasawian para sa
kanila ang mailibing na kasama ng mga ito.
9
Mapapansin din dito ang kalituhan ng tagapaglibing dahilan sa pabago-
bago ng utos. Kagaya din ng mga empleyado ng gobyerno nahihirapan sa
mga kapritsosong kautusan ng mga nakakataas sa kanila. Mapapansin din

151
Matulin ang lakad ni Ibarra na nakatingin sa malayo; at
nakasunod na umiiyak ang matandang utusan.10 Ang araw ay
lumulubog na;11 ang langit ay natatabingan ng makakapal kurtina ng
ulap sa may dakong Silangan;12 isang tuyo at malakas na hangin ang
pumapaspas sa sanga ng mga puno at nagpapaiyak sa mga punong-
kawayan.13
Lumalakad na walang sumbrerong si Ibarra; ang kanyang mga
mata ay walang luha, at ang dibdib ay hindi man lamang tinatakasan
kahit isa man lamang na buntung-hininga. Ang kaniyang paglakad ay
parang may nais na takasan, marahil ang anino ng kanyang ama o
kaya ay ang unos na lumalapit. Binagtas ang bayan patungo sa dakong
kinaroroonan nang matandang bahay na may ilang taon nang hindi niya
natutuntungan.  Ang bahay ay nababakuran ng mga batong tinutubuan
ng ilang halamang gumagapang, na parang kumakaway sa kaniyang
pagbabalik:  ang mga bintana ay nakabukas; ang ilang-ilang ay
nagduduyan at masayang iginagalaw ang kanyang mga sanga na puno
ng bulaklak; nagliparan ang mga kalapati sa paligid-ligid sa pabilog na
bubungan ng kanyang tahanang nakatayo sa gitna ng halamanan.
Ngunit ang binata ay hindi napupuna ang mga masayang palatandaan
ng kaniyang pagbabalik sa dating tahanan:  ang kanyang mga mata ay
nakapako ang pagkakatitig sa isang paring nasasalubong.  Ang paring
ito ang kura sa San Diego, iyong mapag-isip na Pransiskano na ating
nakita na, ang karibal ng alperes.  Ang malakas na hangin ay niyuyupi
ang kaniyang malapad na sumbrero;14 ang abitong ginggon ay nadidikit
at nababakat ang ayos ng kanyang katawan at naghahayag ng kaniyang

na ang kinatatakutan ay maalis siya sa katungkulan.

10
Paglalarawan ni Rizal sa maaring maging mabilis na pagtakbo ng liberal
na kaisipan, na nagngangalit laban sa kawalan ng katarungan. Ang
matandang utusan ay umiiyak na nakasunod kay Ibarra – nararamndaman
nito ang pagkahabag sa binata at higit sa lahat ang posibilidad na siya ay
masangkot sa kaguluhan ng kaniyang amo na inaakala ng mga
makalumang elemento na nagtataglay ng isang mapanganib na desposisyon.
11
Ang araw ay lubog na – lihim na simbolismo ni Rizal ukol sa kahinaan ng
kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa kaniyang kapanahunan.
12

Paglalarawan ni Rizal ng pagbabanta ng isang pagkilos ng bayan sa


hinaharap – makikita ang katunayan ng pagpapakahulugan na ito sa
Kabanata 14.
13

nagpapaiyak sa mga punong-kawayan - Tandaan na itinulad ni Rizal ang


mga Pilipino sa punong kawayan - Isang simbolikal na paglalarawan ng
kaapihan ng bayan na nagaganap bago dumating ang isang inaasahang
unos.
14
Ang malakas na hangin ng liberalismo ay niyuyupi ang subrero na
ginagamit ng prayle upang magmukha siya mataas kaysa sa kaniyang tunay
na kalagayan.

152
payat at pabilog na hita.15  Sa kanang kamay ay hawak ang isang
tungkod na ang puluhan ay mayroong nakadikit na garing.16 
Ito ang unang pagkakataon na silang dalawa ni Ibarra ay
nagkatagpo.17 Nang sila ay magkalapit ay humintong sandali ang binata
at siya ay tinitigan; 18 umiwas si Padre Salvi sa mabalasik na tingin at
nagwalang-bahala.19 Sa isang kisapmata lamang ang itinagal ng pag-
aalinlangan:  biglang nilapitan siya ni
Ibarra, pinigil sa pamamagitan ng
malalakas na kamay sa nakapatong sa
kaniyang balikat at tinanong siyang
bahagya nang madinig ang boses:
“Ano ang ginawa mo sa ama
ko?”
Si Padre Salvi, ay namumutla
at nanginginig dahil sa nakikita
niyang damdaming nakalarawan sa
mukha ng binata, kaya hindi
nakasagot:  parang tinakasan siya ng
lakas.20
“Ano ang ginawa mo sa ama
ko?” ang paulit na tanong, na ang
boses ay timpi.
Ang paring ay unti-unti’y nababaluktot dahil sa kamay na sa
kanya ay pumipigil ay nagpumilit na makakilos 21 at sumagot:
“Nagkakamali kayo:  wala akong ginawang anuman sa inyong ama!”
“Wala?” ang patuloy ng binata na siya ay pinisil hanggang sa
mapaluhod.

15
Ang malakas na hangin ng liberalismo ang naghahayag ng pagiging tao at
kahinaan ng mga prayle na may kontrol noon sa isipan ng mga Pilipino.
16
Sa kabila ng malakas na hangin ng liberalismo ay nakahawak pa rin ang
prayle sa tungkod na simbolo ng kaniyang kaniyang kapangyarihan.
17

Simbolilkal na pagtatagpo ng kaisipang liberal at panatisismo.


18

Ang liberalismo ay tumitingin ng may balasik sa panatisismo.


19

Ang pagwawalang bahala ng panatisismo ay dahilan sa pangamba nito sa


lakas ng liberalismo.
20

Sa pamamagitan ng pagtatagpong ito ni Ibarra at ni Padre Salvi ay ipakita


ni Rizal ang simbolismo ng pagtatagpo ng liberalismo at ng prayle. Ang
adbanseng kaalaman ng mga edukadong kabataan ay sapat upang labanan
ang lakas ang mga abusadong prayle noong panahong iyon.
21
Ipinapakita ni Rizal sa mga mambabasa ang pisikal na kahinaan ng mga
prayle. Matapang lang sila dahil hawak nila ang kaisipan ng bayan, ngunit
tao rin sila na ang pisikal na kakayahan ay kayang tapatan ng mga
karaniwang tao.

153
“Wala nga, pinatutunayan ko sa inyo!  Ang gumawa niyon ay ang
aking pinalitan, si Padre Damaso…”22
“Ah!” ang bulalas ng binata na napatampal sa noo at siya ay
binitiwan.  At matapos iwanan si Padre Salvi ay matuling nagtungo sa
kanyang bahay.
Samantala ay dumating ang alila at tinulungan sa pagtindig ang
prayle.

22

Pansinin sana ang ipinagamit ni Rizal na pangangatwiran ni Padre Salvi –


ang kaniyang hinalinhan ang may kasalanan at ito ay wala. Isinisisi sa
nakalipas ang pagkukulang o kahinaan.

154

You might also like