P. 1
Intermedia ng Indang - Kabanata 11

Intermedia ng Indang - Kabanata 11

|Views: 1,031|Likes:
Ang Panunungkulan ni Mr. Mariano Mondonedo sa Indang Farm School (1915-1919).
Ang Panunungkulan ni Mr. Mariano Mondonedo sa Indang Farm School (1915-1919).

More info:

Published by: Daniel Mendoza-Anciano on May 08, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF or read online from Scribd
See more
See less

02/25/2013

pdf

KABANATA 11 ANG ADMINISTRASYON NI Mr.

MARIANO MONDOÑEDO (1915-1919)

Sa taong 1915, pinairal ni Gobernador Heneral Francis Burton Harison ang patakarang Pilipinisayon sa mga tanggapan ng pamahalaan. Layunin nito na mailagay ang mga Pilipinong mayroong kakayahan sa mga mahahalagang posisyon sa pamahalaan, lalo na sa bahagi ng edukasyon. Direktang nasaksihan ng mga mamamayan ng Indang ang implikasyon ng patakarang Pilipinisasyon sa pagkakatalaga kay Mr. Mariano Mondoñedo bilang unang principal na Pilipino ng Indang Farm School noong 1915. Sa sulat na ipinadala ng kaniyang anak na si Mr. Jose Mondonedo sa nagsasaliksik ay sinalaysay nito ang mga sumusunod: My father Mariano was born on August 15, 1887 to a family of tobacco farmers in Gamu, Isabela, Philippines. At about the close of the Filipino-American conflict, he got acquainted with the soldiers of the American Military Forces garrisoned in his home town. Impressed by the character and potential of young Mariano, the Garrison Commander recommended his inclusion in the first group of Filipino scholars (known as ´pensionadosµ) selected and sponsored by the U.S. Government to continue their studies in the United States. The first group of 102 pensionados left in1903 aboard a troop ship for the United States. At 16 years of age my father was apparently one of the youngest in this group and could only communicate in his native Ibanag dialect and in Castellano, the medium of instruction in the Spanish school system at that time. Without the equivalent high school preparation required to enter the colleges in the United States, Mariano spent the first year in and around Washington D.C., learning English and catching up on his scholastic deficiencies. Having come from the farm, he was then enrolled in 1904 at the Iowa State College of Agriculture and Mechanic Arts in Ames, Iowa, concentrating his courses in the fields of animal husbandry and agronomy. As required of the first group of pensionados, they participated in the St. Louis World·s Fair of 1904 to showcase the Philippines, the newly acquired territory of the United States. While some of them served as guides to the Philippine pavilion, my father was also in the exhibit as

204

Intermedia ng Indang / Anciano
the aboriginal tree dweller in the ´boondocksµ. He also related how he and some of his pensionado companions augmented their subsistence allowance by preparing their meals with fish heads, livers, kidneys and other trimmings that are normal discards from the butcher shops. They were food fares in their home country. He was also very much in awe with the big cities and extensive farms of grains, fruits and vegetables in the country, the industrial revolution fueling the great economic growth at that time. A lengthy illness in 1908, however, prevented him from completing his last year of studies so that he returned to the Philippines without completing the bachelor degree. His collegiate courses, however, served him well as a teacher at the rural schools in the province of Cavite where he met my mother, Maria del Rosario, a home economics teacher from Kawit, Cavite. 1 Sa pag-uwi ni Mr. Mondoñedo, ang kaniyang pagiging pensionado ay naging malaking adbantehiya sa kaniya sa pagkakapuwesto sa pamahalaan, gaya ng matutunghayan sa pag-uulat ng Kawanihan ng edukasyon sa panahong iyon. A circular has currently issued by the Director of Education announcing to division superintendents the policy of assigning Filipino teachers with special preparation, as, for example, those educated in the United States and graduates of the Insular Normal and Trade Schools, to the most difficult work which they are presumably capable of perfoming. This policy has been determined by the great need for teachers in advanced and special work and by the desire to place large responsibilities upon these young men and women and give them widest possible opportunities to exercise the ability and dispense the knowledge which they are pressumed to posses. Those who are found to be incapable of doing the work to which the are assigned will be reduced in position and salary.2 Sa pag-aaral sa ilang nalalabing mga dokumento ay tinatantiya na ang Indang ang kaniyang naging unang destino na matutunghayan sa kaniyang ginawang pagtuturo sa ginanap na Normal Institute sa Indang noong 1909.

1 Mula sa e-mail na ipinadala ni Mr. Jose Mondoñedo noong June 10, 2008 para sa nagsasaliksik. 2 10th ARTDE:16

205

Kabanata 11 ²Mr. Mariano Mononedo (1915-1919)

Binata si Mr. Mondoñedo nang dumating sa Indang at nanligaw sa isang prominenteng gurong babae na mula sa Kawit na si Miss Maria del Rosario. Ang nasabing guro ay kaniyang napangasawa noong 1914 at sa panahon ng kanilang paglilingkod sa Indang Farm School sila nagkaroon ng mga unang anak na sina had Osmundo in 1915, Virginia, Abelardo at maaring si bago nila iwanan ang Indang noong 1919.3 Sa pagsunod sa ilang mga dokumento sa kapanahunang iyon ay lumilitaw na sa kaniya nararapat ibigay ang kaukulang kredito sa pagaalaga at popularidad ng cantonese chicken na ipinamudmod ng IFS sa iba·t ibang paaralan sa kapuluan. Isang bagay ang nanatiling misteryo sa nagsasaliksik ukol kay Mr. Monde edo, sa kabila ng istatus nito na isang pensionado ng Pilipinas sa Amerika at pagiging guro sa Indang Farm School ay hindi siya nakabilang sa listahan ng mayroong mga item position ng serbisyo sibil mula sa 1912 hanggang 1915. Ang Ulat Ukol sa Indang Farm School 1915-16 Ang Indang Farm School sa Taong Paaralan ng 1915-16 ay mayroong pitong guro. Ang mga mag-aaral ay binubuo ng 102 lalaki at 47 babae o kabuuang 149 sa lahat ng grado (mula V-VII). May lawak na 9.5 hektarya at ang 7.5 hektarya ay ginagagamit sa pagsasaka. Mayroong dalawang baka na ginagamit sa bukid. Tatlong baboy at 57 manok na inaalagaan sa loob ng paaralan. Kumita ng P432.00 sa pagbibili ng hayop, P586.00 sa mga nakatanim na halaman, P 28.00 sa prutas, at P45 sa iba·t iba pang produkto na gawa sa paaralan. Sa kabuuan ay kumita ito ng P1,354.00. Sinuportahan ang gastusin ng paaralan sa pamamagitan ng pondo na mula sa pamahalaang insular na nagkakahalaga ng P 4,970 at tulong na P 300 mula sa pamahalaang probinsiyal.4 Ang pinakamahalagang kaganapan para sa Indang Farm School sa panahong ito ay ang mapabilang sa isa sa 28 paaralan sa Pilipinas na nagtamo ng medalayang ginto sa ginanap na Panama-Pacific International Exposition ng 1915.5 Napakahalaga ng pagtatamong
3 Mula sa e-mail ni Jose Mondoñedo Ang anak ni Mr. Mondonedo na si Osmundo ay naging opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Sa panahon ng pagiging major ng Hukbong Sandatahan ay naglingkod na military attache ng Pilipinas sa Washington D. C, noong maging koronel ay naging ayudante ni Pangulong Magsaysay at unang nakipag-usap sa mga Huk para umpisahan ang usapang pang-kapayapaan. 4 17th ARTDE 5 16th ARTDE Ang Panama-Pacific International Exposition ay isang pandaigdigang pagtatanghal na Ginanap sa Sa San Francisco, California mula Pebrero 20 hanggang Disyembre Disyembre 4, 1915. Ito ay bilang pagdiriwang sa pagka-

206

Intermedia ng Indang / Anciano
ito ng medalyang ginto ng Indang Farm School sa Panama-Pacific International Exposition ng 1915. Ito ay napanahanay ang IFS sa karangalan ng mga paaralang insular na katulad ng Philippine School of Arts and Trade, Philippine School of Commerce, at Philippine Normal School.

Sa pag-aaral sa kalakarang pang-edukasyon sa kapanahunang iyo ay Ilang hakbang na ang pinasimulan ng pamahalaan ukol sa kursong pagsasaka sa intermedia. Ito ay ang unti-unti pagbuo ng panibagong programa sa pagtuturo sa pamamagitan ng paglalagay ng araling farm management sa mga paaralan sa pagsasaka at nang karagdagang taon sa araling sekondarya na katulad ng iniaalok sa Central Luzon Agricultural School.6 Ang Ulat Ukol sa Indang Farm School 1916-17 Ang Indang Farm School sa Taong Paaralan ng 1916-17 ay mayroong pitong guro. Mayroong 206 na mag-aaral sa lahat ng grado (mula V-VII), na nahahati sa 126 lalaki at 80 babae. May lawak na 9.5 hektarya ang lupain ng paaralan at 8.5 hektarya nito ay ginagagamit sa pagsasaka. Mayroong dalawang baka na ginagamit sa bukid. 25 baboy at
kumpleto ng Panama Canal at rekonstruksiyon ng lungsod ng San Francisco mula sa mapaminsalang lindol ng 1906. (www.wikipedia.org) 6 17th ARTDE: 16

207

Kabanata 11 ²Mr. Mariano Mononedo (1915-1919)

250 manok na inaalagaan sa loob ng paaralan. Kumita ng P530.00 sa pagbibili ng hayop, P232.00 sa mga nakatanim na gulay, P530.00 sa ibang halaman, P28.00 sa prutas, at P132 sa iba·t iba pang produkto na gawa sa paaralan. Sa kabuuan ay kumita ito ng P 1,354.00.7 Patuloy ang paglaki ng bilang ng mga mag-aaral sa harap ng katotohanan na sa taong 1916-17 ay dumami na ang bilang ng mga bayan sa Katimugang Cavite na mayroon ng mga klase sa kursong intermedia na isinasagawa sa kanilang mga partikular na paaralang sentral.8 Ang patuloy na pagpasok sa intermedia ng Indang ng mga magaaral mula sa ibang bayan ay dahilan sa naitakda na sa paaralang ito ang isang ispesipikong linya ng kahusayan ² ang pagsasaka.9

Ang kapansin-pansin sa tsart na ito ay ang paglaki ng bilang ng mga alagang hayop sa paaralan at masasabing sa pangangasiwa ni Mr. Mondoñedo ay makikita na ang unti-unti niyang ipinasok ang espesyalisasyon sa larangan ng paghahayupan. Nagsimulang ipakilala sa Indang ang Agriculture Club sa pamamagitan nang paglalabas ng Kawanihan ng Edukasyon ng dalawang libro na Agricultural Club for Filipino Boys and Girls at Four Follow-ups for Agriculturalclub Members.10 Ang isang hindi nakikitang epekto ng pagiging popular ng agricultural club ay unti-unting nagpalaho ng programang cooperativefarm na pinasimulan ni Cocannouer sa Indang.11

7 18th ARTDE 8 Sa pagsapit ng panahon ang konbinasyon ng kursong primarya at intermedia ay naging nucleus sa pagkakabuo ng mga paaralang elementarya sa Pilipinas. 9 ARTDE 1917-27 10 ARTDE 1916 p. 30 11 Sa paglipas ng popularidad ng agricultural club ay napalitan ito ng Future Farmers Association.

208

Intermedia ng Indang / Anciano

Noong Oktubre 1916 ay lumitaw sa Philippine Craftsman ang panibagong balita ukol sa Indang Farm School CAVITE. The Province of Cavite, for the purposes of industrial instruction, has this year been divided into two sections, the coastal towns forming one division, and the interior towns the other. In the coastal towns where bamboo is available, export, bamboo-rattan basketry has been prescribed, while in the interior or upland towns where abaca is abundant, coiled lupis basketry has been prescribed. In this way more and better work can be accomplished by the pupils, as the materials they need for their work are found in the immediate locality.

The Indang Farm School. On the 17th of August the Indang farm school boys harvested 15,725 ears of Indang corn from a hectare of land. According to several tests, the harvest made an average of 6,290 kilos on cob, or 5,661 kilos when air dried, per hectare. The Indang corn is a hybrid of the Leyte white corn and the Mexican June corn. The first generation of the hybrid produced extremely different types of corn, from long slender ears to short stocky ears; but in either case the amount of corn to the ear was much greater than that from an ear of native corn. Another fault found with the hybrid at the beginning was that it was too soft and therefore easily attacked by weevils. By persistent seed selection the size of the ears has been made comparatively stable. The grains of the Indang corn of the fifth generation are much harder and less susceptible to attack by weevils, than were those of the first four generations.

209

Kabanata 11 ²Mr. Mariano Mononedo (1915-1919)

The average ear of Indang corn is 24 centimeters long and 6 centimeters in diameter. There are 14 to 16 rows of kernels. (R. G. McL.)12 Ang Manok ng Indang Farm School Sa mga 1916-1917 ay naramdaman na sa maraming paaralan sa Pilipinas ang isa sa pangunahing produkto ng pag-aaral at pag-aalaga ng hayop na isinagawa sa IFS. Sa ulat ng Kawanihan sa nasabing taon ay isinasaad ang epekto ng proyektong pag-aalaga ng manok sa paaralan. About two years ago selected Cantonese poultry was brought in from China and distributed throughout the Islands to agricultural, farms, and other schools; the effort has met with success.13 Sa opisyal na ulat ng Kawanihan ay kinukumpirma ang pamamahagi ng Cantonese chicken sa maraming mga paaralang agrikultural sa kapuluan. Nakakalungkot na ito ay hindi nabigyan ng esensiya ng kasaysayan ng edukasyong pang-agrikultura sa Pilipinas ang mahalagang papel na ginampanan ng IFS sa pagsisimula, pagpaparami at pamamahagi ng manok na ito sa buong Pilipinas. Maging sa ulat ng Philippine Craftsman ay ibinabalita ang kaganapan sa loob ng Indang Farm School ukol sa pag-aalaga ng manok: Cantonese Poultry Association The demand for Cantonese fowls has been so great, that it was thought advisable to put some restrictions on the distribution of stock from the Indang Farm School. A Cantonese poultry raising association was organized. Membership in the association is open to any student or graduate from the school. An applicant is admitted to the membership by a majority vote of active members with the approval of the principal. Outside farmers can become associate members of the association upon the recommendation of two active members. There are now 28 members of the association, 25 of whom are active and 3 associate. They have all agreed to raise their poultry according to instructions, and to submit tabulated report on the state of their poultry projects once every two months.
12 R. G. McL Industial Notes The Philippine Craftsman October 1916 pp. 306207 13 ARTDE 1916

210

Intermedia ng Indang / Anciano

The Indang Farm School furnished two hens, one cock, and setting of eggs to start with. There are supplied soon as the house and yard have been approved by the principal. Only members have the right to exhibit and enter specimens of this breed in any contest. The School will do everything possible to secure a good market for the products.14 Sa nasabing ulat ay mapapansin na kasama rin ang kaabalahan ng Indang Farm School bilang host sa palarong pandistrito at para sa malakihang palaro sa lalawigan. Permanent improvements on the athletic field of the Indang Farm School are being made, and it will be in good shape by the time the district and sectional meets are held. The whole field is being graded and a permanent oval tract is nearing completion.15 Ang ginawang pag-aayos sa athletic field ng Indang Farm School ay nagbigay daan upang magwagi ito ng P100 at ituring ang palaruan nito bilang pinakamaganda sa buong lalawigan ng Cavite.16 Ang sumunod na ulat sa The Philippine Craftsman para sa nasabing taon ukol sa Indang Farm School ay ang ukol sa pagtatanim ng Kamoteng Momungan. Momungan Sweet Potatoes The growing of Momungan sweet potatoes is a success at the Indang Farm School. Practically every hill produces from 3 to 5 big potatoes besides the smaller ones. Four year ago the school introduced two American varieties and
14 R. G. McL Industial Notes The Philippine Craftsman December 1916 pp. 457458 15 Ibid. 16 Philippine Magazine ² 1917. Mula sa snippet view ng nabanggit na magasin sa www.book.google.com

211

Kabanata 11 ²Mr. Mariano Mononedo (1915-1919)

proved to be heavier produces than the native sweet potatoes. But Momungan surpasses both of them in quality and quantity of yield. The momungan potato is not a good cover crop as it produces very little foliage. The red California yam is on the account of its dense foliage much superior to it in this respect.17 Ang Mga Puna sa mga Paaralan na May Kursong Agrikultura Sa taong ito naging pokus ng atensiyon ng Kawanihan ang kwalidad ng pagtuturo sa mga paaalang agrikultura sa Pilipinas. Nagkaroon ng malalim na talakayan ang ukol sa mababang marka na nakukuha sa paaralang sekondarya ng mga mag-aaral na nagmumula sa mga paaralang intermedia na mayroong ispesyal na kurso ng trade at pagsasaka, kumpara sa mataas na marka na nakukuha ng mga magaaral ng intermedia na nasa general course. Subalit sa pag-aaral ay lumalabas na hindi mahina ang mga mag-aaral sa kursong pagsasaka at trade, ang ´depektoµ sa dalawang kurso ay ang pagnanais nito na maturuan ang mga mag-aaral sa praktikal na kaalaman na magagamit nila pagkatapos ng kanilang pag-aaral. Samantalang sa general course, ang mga mag-aaral ay inihanda para sa mas mataas na lebel ng pagaaral sa hinaharap.18 Taong Paaralan 1917-18 Sa taong paaralan 1917-18 ang IFS ay mayroong pitong guro at 227 na mga mag-aaral. Nanatili pa rin ang dalawang baka ng paaralan, 12 baboy, at 187 manok na inaalagaan sa paaralan at kumita ito ng P1774.20 sa mga produkto mula sa paaralan. Patuloy ang paglago ng bilang ng mga mag-aaral, subalit makikita ang ilang pagbawas sa mga kwantipikadong datos kumpara sa nakaraang taon. Bumaba ng kalahating ektarya ang erya ng tinataniman sa paaralan, nabawasa ng 13 ang baboy, at nabawasan ng 163 ang manok. Subalit ang pagbawas sa mga hayop ay masasalamin naman sa pagtaas ng kinitang P97 na kahigitan kumpata sa kabuuang pinagbilihan ng mga hayop sa paaralan. Nagpakita rin ng pagtaas ang kinita mula sa mga produktong halaman ng paaralan. Nakapagtala rin ng kinitang P 1,207 ang paaralan mula sa mga proyekto ng mga magaaral mula sa labas ng paaralan.19 Sa ganito ay nakapagtala ang paaralan ng kabuuang kita na P2,981.00 sa kabuuan ng taon.

17 The Philippine Craftsman. March 1917 pp. 681 18 ARTDE 1917 p. 29 19 Sa pag-aaral ay lumilitaw na ang kita ng mga mag-aaral mula sa labas ng paaralan ay para sa kanila, subalit kinakailangan na i-ulat ito bilang bahagi ng kabuuang produksyon ng paaralan.

212

Intermedia ng Indang / Anciano
Taong Paaralan 1918-1919 Ang taong pasukan na ito ay kumakatawan sa huling taon ng panunungkulan ni Mariano Mondeñado sa Indang Farm School. Ang budget ang pangunahing suliranin ng paaralan dahilan sa kalakalaran noon ng kawalan ng pondo mula sa pamahalaan para sa pagapapatayo ng mga bagong gusali at pagbili ng mga kagamitan.20 Sa nabanggit na taong pasukan ay inihain sa Lehislatura ng Pilipinas ang panukalang batas ni kinatawan Alejandro de Guzman ng Pangasinan ukol sa Edukasyong Pang-agrikultura. Ang panukalang batas ay naglalayon ng pagkakaroon ng maraming mga pagbabago sa pagtuturo ng agrikultura sa layunin na magtaglay ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral upang tiyakin na sila ay magkakaroon ng ganap na kaalaman sa aralin at pag-respeto sa mga gawaing pangsakahan. Kasama sa nilalayon nito ay ang magkaroon ng pagtutulungan ang pamahalaang insular at probinsiyal upang palaganapin ang edukasyong agrikultural sa buong bansa. Sa paniniwala na ang agrikultura ang magbibigay daan sa kaunlarang pangkabuhayan ng kapuluan.21 Sa taong ito ay pinag-aktibong muli ng pamahalaang insular ang mga paaralang pang-agrikultura sa Pilipinas dahilan sa pagkatakot na magkakaroon ng kakapusan sa pagkain bunga ng pakikilahok ng Estados Unidos sa Unang Digmaan Pandaigdig sa Europa. Isa sa mga naging epekto nito sa edukasyon ay ang pagpapahaba sa 12 buwan, ang taon ng pag-aaral sa mga paaralang intermedia na nagtuturo ng pagsasaka sa layunin na magkakaroon ng sapat panahon ang mga magaaral na upang makapagtanim at makapag-ani ng mga halaman sa tamang panahon.22 Si Mr. Mariano Mondo edo Pagkatapos ng Panunungkulan sa Indang Farm School Noong Marso 1919, nilisan ni Mr. Mariano Mondo edo ang Indang Farm School upang ipagpatuloy ang kaniyang kursong Bachelor of Science in Agriculture sa Iowa State Agricultural College (Iowa State University ngayon) na kaniyang natapos noong 1920. Sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas ay nagturo siya ng kursong paghahayupan sa Kolehiyo ng Agrikultura sa UPLB. Sa nabanggit na pamantasan ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral hanggang maging Doctor of Veterinary Medicine at naging autoridad sa araling paghahayupan sa

20 ARTDE -0919-41 21 ARTDE -1919 p11 22 19th ARTDE pp 35

213

Kabanata 11 ²Mr. Mariano Mononedo (1915-1919)

Pilipinas at adviser sa mga mag-aaral na mula sa ibang bansa na nagaaral sa UPLB. Nagretiro si Dr. Mondonedo sa pagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas ² Los Banos noong 1957. Noong 1985, pinarangalan siya ng Iowa State University bilang pinakamatandang alumnus para sa nabanggit na taon sa isang seremonya na ginanap sa embahada ng America sa Manila. Noong Septyembre 8, 1985 ay sumakabilang buhay si Dr. Mondonedo sa edad na 98.

214

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->