You are on page 1of 8

“REHISTRO NG WIKA

NG MGA GANG-
ISTER”
SA
DASMARIÑAS,
CAVITE
“Grupo ng Tago ng Tago”
(TNT)

Francisco Jr, Romeo M.


Mendoza, Michael P.
Mallanao, Benhur S.
Almirol, Jessheldon E.
Bulahan, Ariel D.
Ravanera, Carlo

REHISTRO NG WIKA NG MGA “GANG-ISTER”


SA DASMARIÑAS, CAVITE

Grupo ng Tago ng Tago (TNT)


Pamantasang De La Salle – Dasmariñas

“Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na


isinaayos sa paraang arbitraryo at tonal kung saan ang kahulugan ng salita
at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas dito at sa
pamamagitan ng tunog na hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na
magagamit upang maipahayag ang mga kaisipan, saloobin at hangarin.”

-Austero et al (1999)

I. INTRODUKSYON

Ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito


rin ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi
sa pagkakaunawaan ng dalawa o maraming tao na nakikipag-komunikasyon.

Sa ating pang araw-araw ng pamumuhay, mahalaga ang mabuting komunikasyon


sa bawat isa, sapagkat ito ang daan upang maiparating natin ang mga bagay-bagay na
nais nating ipahiwatig o ipahayag sa ating kapwa gamit ang wika o linggwaheng ating
nalalaman ayon sa grupong ating kinabibilangan. Dito Sinabi ni Austero et al (1999), ang
wika ay ang natatanging sangkap at daan sa pakikipag-komunikasyon ng isang tao sa
kanyang kapwa. At dahil sa ito lamang ang natatanging daan sa pakikipag-ugnayan,
marapat lamang pahalagahan at bigyan pansin ang importansya ng paggamit ng isang tao
sa wika. Ang wika ay tonal sapagkat dito ipinapahayag ng isang tao ang pagkakaunawa at
pakiki-ugnay sa isang bagay.

Dahil sa ang wika ay tonal na nagpapahiwatig ng iba’t-ibang sistema ng paggamit


nito, mahalaga rin ito sapagkat ito rin ang nagiging daan ng pagkilala ng isang tao sa tono
o tunog ng salita na kanyang naririnig sa isang pangkat ng mga tao sa isang partikular na
lugar na nagbibigay daan upang makaangkop at makasabay sa sitwasyon. Maraming
pangkat at grupo ng mga tao meron sa ating bansa na may kani-kaniyang wika o
linggwaheng ginagamit sa pakikipag-komunikasyon na kanilang nakagisnan at
nakasanayang gamitin na tinatawag nating Rehistro ng Wika.
Ang aming pangkat ay naglalayong malaman ang Rehistro ng Wika na ginagamit
ng mga taong myembro o kabilang sa grupo ng mga Gang-ister sa Dasmariñas, Cavite na
makakatulong upang maunawaan ang linggwaheng ginagamit ng nasabing pangkat.

Ang Lungsod ng Dasmariñas na tinatawag rin Lungsod ng Dasma ay kilala bilang


lugar ng mga Caviteño o matatapang na Pilipino at kilala rin bilang taguan ng mga
kriminal o mga taong nagkasala sa batas. Ang Lungsod na ito rin ay nabibilang sa mga
mabababang lugar. Dahil dito, ito rin ay kilala sa pag-aangkat ng mga pangunahing
produkto mula sa mga kalapit na Lungsod.

Ayon sa kasaysayan ng Lungsod, Ang pinagmulang ng pangalan "Dasmariñas" ay si


Gómez Pérez das Mariñas", isang Kastilang Gubernador sa Pilipinas noong 1590
hanggang 1593. Pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang kanyang anak na si Luis Pérez
das Mariñas ay naging gubernador mula 1593 hanggang 1596. Si Pérez das Mariñas ay
nanggaling sa San Miguel das Negradas, Galicia (Espanya). Ang literal na kahulugan ng
Dasmariñas ay mula sa mga marino, nanggaling sa wikang Galician.

Ang Lungsod ng Dasmariñas na kadalasang pinaiikling Dasma ay isang unang


klaseng bayan na naging isang ganap na lungsod na nasa lalawigan ng Kabite, Pilipinas.
Naging lungsod ang Dasmarinas sa pamamagitan ng Republic Act 9723 na pinagkaloob
ng pangulo noong Oktubre 15, 2009 at pinagtibay na naganap na plebisito noong
nakaraang Nobyembre 26, 2009.

Ito ay matatagpuan sa layong 30 kilometro timog ng Maynila. Ayon sa sensus


noong 2007, mayroong 556,000 katao ang naninirahan dito, kaya naging
pinakamaraming tao na bayan ito sa Cavite. Ito ay may sukat na 90.1 kilometro parisukat
na matatanaw sa ibaba.

II. METODOLOJI

Ang pag-aaral at pagsasaliksik na ito ay aming ibinatay sa Teorya sa Tore ng


Babel na mula sa teorya ng pinagmulan ng wika. Dito binigyan pansin ang pagkakanya-
kanya at pagkakawatak-watak ng tao dahil sa pagkakaiba-iba nila ng linggwahe na
nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa ang
wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipan nilang
magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at upang mahigitan ang
Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang
nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao sa kadahilanang nagkaiba-iba na ang
wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo
.
At upang makakolekta ng mga salitang ginagamit ng mga taong kabilang sa grupo
ng mga Gang-ister, kami ay nagtungo sa mga piling lugar na aming napagalamang
pinamumugaran ng mga grupong aming hinahanap tulad ng Area 1 na sakop ng H-2 kung
saan naroroon ang lugar ng mga Muslim o mas kilala sa Muslim Village. Dito nakilala
namin ang tatlong lalaking tinuturing nilang pinuno dahil sila ay matatagal ng myembro
ng kanilang samahan, sa katunayan ay isa sa kanila ay nakulong na. Dalawa sa kanila
nagmula sa magkaibang lugar at isa naman ay dito na ipinanaganak, ang isa ay galing sa
Manila, ang isa ay nagmula pa sa Bacoor na kapwa lumipat sa naturang lugar.

Ang pakikisalamuhang aking ginawa ay semi-pormal kung saan ang tatlong


lalaking aking naka-usap ay isinama at inalok na kumain sa isang maliit ng kainan o
karendirya upang makuha ko agad ang kanilang tiwala at upang makuha rin ang
mga salita o impormasyon na aking ninanais ng bukal sa kanilang loob. Ayon sa
tatlong impormante, ang mga salita o linggwaheng kanilang nakasanayang ay nagmula pa
sa kanilang mga pinunong pumanaw na o ang mga taong nagtatag ng kanilang samahan
noong una pang panahon na nagpasalin-salin at nagsimulang madagdagan at mapalitan
ng iba pang mga salita sa paglipas ng panahon at ibang mga salita na nagmula sa mga
umanib bilang myembro sa kanilang grupo na nanggaling pa sa ibang lugar dito sa
Dasmariñas at maging sa Maynila.

Matapos ang aming uusapan at ang aking pakikipanayam ay isinama nila ako sa
lugar ng kanilang pinagpupulungan upang pansamantalang makiisa sa kanilang
pagpupulong at makapakinig ng ilang mga salitang kanilang ginagamit na aking hiniling
bago ang aking pag-alis sa kanilang lugar.

III. PAGLALAHAD NG DATOS

Sa bawat grupo o samahan ng mga tao ay may mga bagay at angkop na mga salita
na tanging sila lamang ang nakakaunawa o nakakaintindi. Ang mga salitang ito ay
maaaring napagkasunduang buuhin, mga salitang datihan na ngunit binigyan ng bagong
kahulugan at maaari namang mga salita na nagmula sa mga taong sa kanila ay minsan ng
nagtungo at nanirahan na nagsisilbing tanda ng kanilang kinabibilangang lipunan,
samahan o pangkat.

Mahalaga ang pagkakaroon natin ng kaalaman sa mga rehistro ng wika na


ginagamit ng mga gang-ister sapagkat ito ay makakatulong para madagdagan ang ating
kaalaman at ideya sa mga salitang bago sa ating pandinig na tangi sa kanila lamang natin
maririnig na siyang makapagdadagdag at ika-uunlad ng ating bokabularyo sa iba’t-ibang
linggwahe upang magkaroon ng kakayahang
makaunawa sa oras na tayo ay makaingkwentro o makatagpo ng taong gumagamit ng
mga nasabing linggwahe.

Ang mga termino o salitang nakasulat sa talaan ay may kaugnayan sa rehistro ng


wika na ginagamit ng mga Gang-ister (GANGSTER).

MGA SALITA MGA KAHULUGAN


Gang-ister Kataga o pangalan ng isang grupong naglalayong ipagtanggol ang
kanilang lugar at grupong kinabibilangan at handang mamatay para dito.
Banakal Pinaiikling salita na ang ibig sabihin ay Banatan kalye
Resbak Paghihiganti sa kalaban ng naagrabyadong grupo
Lolo Kahoy na kasing haba ng braso at kalahati ng lapad ng tabla na ginagamit
pangpalo sa mga bagong saling myembro.
Padel Isa pang tawag sa lolo.
Kana Pangungursunada o pananakit sa isang taong walang atraso o kasalanan.
Hirap o Sarap / Salitang ginagamit upang papiliin ang mga babaeng bagong sali.
Palo o Talik
Pusakal Mga myembro ng grupo na desperadong pumatay at walang pakialam
mamatay.
Sumpak Mahabang bakal na bilog na ginagamitan ng bala ng shatgan na
kanilang ginagamit bilang armas sa pakikipag-away na hinango sa armas
na “shotgun”.(improbays)
kosa Tawagan ng mga myembro sa grupo
G.M (Grand Master ) Tawag sa pinuno ng kanilang grupo
Masaker Sesyon kung saan binubug-bog ang mga bagong saling myembro
Hagad Bahagyang pambubug-bog sa nahuling kalaban
Krib Tawag sa tahanan ng ka-myembro
Rendebu (Rendezvous) Mula sa salitang ingles na isinalin sa terminong tagalog na ang ibig
sabihin ay ang kwartong pinagtatagpuan at pinagmimitingan
Shawty Itinatawag sa kasintahang babae
Kota Eksaktong bilang ng taong isasali sa kanilang samahan ng datihang
kasapi.
Majik Itinatawag sa bato o droga na kanilang ginagamit
Magmajik Ito ay salitang binabanggit kung sila ay magsisimula na sa paggamit ng
bato o droga
Veterano Myembrong bihasa na sa pagpatay
Sibak Ito ay sinasabi kung may napatay o nabawas silang kaaway
Lagas Ito ay sinasabi kung may napatay o nabawas sa kanilang grupo
Kalas Isinisigaw upang makapagtago ang grupo sa tuwing may darating na
pulisya
Tecato Ito ay itinatawag sa myembrong nawili sa paggamit ng bato o droga.
Pana Armas na gawa sa maliit at matulis na metal na ginagamitan ng goma na
kanilang ginagamit sa oras ng away na hinango sa sinaunang armas ng
mga katutubo.(improbays)
Soda Tawag sa kokeyn o cocaine na isang uri ng droga
Tirahin Sinasabi ng pinuno kung mayroon silang papatayin
Birahin Tawag sa pagsaksak sa kalaban
Gripo Sugat na dulot ng pagsaksak
Ayspik Mahaba at matulis na bakal na ginagamit sa pagsaksak
Iangkas Tawag sa pakikipagtalik sa bagong saling babae sa grupo
Hak Itinatawag sa isang barangay tanod
Buwaya Itinatawag sa isang pulis
Grandma Itinatawag sa pinunong babae
Grandpa Itinatawag sa pinunong lalaki
Puser Itinatawag sa nagbebenta ng droga
Dapa Itinatawag sa kanilang napatay na kalaban
Urat Itinatawag sa nagagalit na myembro
Patak Binabanggit ng myembrong nangungulekta ng pera upang makabili ng
bato o droga
Rambol Tawag sa malaking kaguluhan
Jeni Itinatawag sa mariwana na isang uri ng droga
Gatas Itinatawag sa alak
Nansi Itinatawag sa magandang babae
Puta Isa pang tawag sa kasintahang babae
Doctor Itinatawag sa nagsisinungaling na myembro
Mata Tawag sa myembrong nagbabantay sa kalaban
Senyorita Tawag sa maliit na baril na kanilang ginagamit sa pakikipag-away
Bagsak Tawag sa natutulog na tao
Tirik Tawag sa taong nasubrahan ng paggamit ng droga
Bamper Tawag sa babaeng malaki ang hinaharap
Piniser Myembrong nagdadala ng armas sa kanilang pakikipag-away
Dale Sugat na natamo sa pakikipag-away
Tirada Tawag sa paggawa ng kalokohan
Rayot Tawag sa laban sa pagitan ng dalawang grupo
Tarot Lasong nilalagay sa kanilang armas sa oras ng pakikipag-away

Ang ilang salita na makikita at mababasa sa talaan tulad ng Gang-ister, masaker,


grand master, masaker, Rendebu, Majik, puser, ramble, bamper, Piniser, rayot, grandma
at grandpa ay mga salitang ingles na isinulat lamang sa salitang o terminong tagalog kung
saan binigyan ito ng panibagong kahulugan na sumisimbolo sa mga kasanayan na
kanilang nauunawaan ayon sa kanilang pagbibigay-kahulugan.
Ang pagbibigay ng bagong kahulugan sa salitang Buwaya na kilala nating bilang
isang uri ng hayop at ang salitang Senyorita na mula sa salitang kastila na ang ibig-
sabihin ay magandang babae ay nabigyan din ng panibagong kahulugan ayon sa
pagkakaunawa at paggamit ng grupong ito.
Maliban sa mga salitang nabanggit, ang ibang pang mga salita na nakatala sa
talaan ay nagmula na sa iba’t-ibang pagpapakahulugan ng probinsyang pinagmulan ng
mga ito. Mayroon mang bago o luma sa ating narinig at pagbasa ay nananatili pa rin ang
orihinal ng kahulugan ng mga salitang ito ayon sa ating pagkakaunawa at pagkakaintindi
sa pangkat o grupo na ating kinabibilangan.

IV. KONKLUSYON

Ang tuwirang pag-aaral at pangangalap ng datos ng aming grupo ay pahapyaw na


pagbibigay lamang ng kabatiran o kaalaman ukol sa rehistro ng wika na ginagamit ng
mga gang-ister sa Dasmariñas, Cavite. Nailathala dito ang mga ibat-ibang wikang
ginagamit sa larangaa ng nasabing paksa. Mahalagang ito ay malaman at mapag-aralan
upang magkaroon ng malawak na kaalaman tungkol sa ibat – ibang linggwahe meron sa
iba’t-ibang grupo o samahan ng tao sa ating bansa na nagmula rin sa ating pambansang
wika tulad ng rehistro ng wika o linggwaheng ginagamit ng mga gang-ister. Dito natin
mapapatunayan na ang ating wika ay tunay na buhay at mayaman sa kultura ng ibat-ibang
samahan meron sa ating bansa.

V. REKOMENDASYON

1. Subukang paghambingin ang Rehistro ng wika ng mga gang-ister meron sa iba


pang lungsod at probinsya sa ating bansa.

2. Maghanap pa ng ibang grupo ng mga Gang-ister upang madagdagan pa ang


mga impormasyong nakuha.

3. Magsagawa pa ng mas malawak na pananaliksik sa iba pang lugar tulad ng mga


probinsya at malalayong lungsod meron sa manila.

VI. MGA REFERENS

A. Mga Aklat

The New Illustrated Filipino-Filipino Dictionary with English Language (Revised


Edition) Ekslusibong ipinamahagi ng: Encleare Foundation Inc.

Berko G, (1973), The Development of Language. Boston University. AEA

Belvez M, Ed. D. (1989), PAGBASA AT PAGSULAT: sa iba’t-ibang disiplina.


Manila, Philippines.AEA

B. On-line Source

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_wika_ayon_kay_Archibald_A._Hill

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_kahalagahan_ng_wika ni Austero et al (1999),

http://jhenpitz.multiply.com/journal/item/8

http://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino
http://translate.google.com.ph/translate?
hl=tl&sl=en&u=http://www.insideprison.com/glossary.asp&ei=m_XXS57yEM3rAeM7P
mIBw&sa=X&oi=translate&ct=result&resnum=4&ved=0CBYQ7gEwAw&prev=/search
%3Fq%3Dterms%2Bof%2Bprisoner%26hl%3Dtl

C. Otentikong material (Personal na Intervyu)


Awtentik na impormasyon mula sa mga taong myembro ng grupo ng mga gang-
ister sa Lungsod ng Dasmariñas, Cavite

********

Anumang komento sa papel na ito ay may layang makapaglahad at makapagpahayag ng


kanilang hinaing sa

Hagaros_08@yahoo.com
Mend0za_m1chael@yahoo.com
A_sane_ss_15@yahoo.com
Almirol_jessheldon@yahoo.com
Sobra_na_ito@yahoo.com

You might also like