You are on page 1of 19

PANGNGALAN,

PANGHALIP,
AT PANG-URI
PANGNGALAN
Ang Pangngalan ay ngalan ng tao, lugar,
bagay, gawa o pangyayari.

Halimbawa:
aso
pusa
Juan
Maynila
KASARIAN NG PANGNGALAN
Panlalaki
 Ito ay pangngalan na ukol sa lalaki.
 Halimbawa:
 tindero, ginoo, binata, tatay

Pambabae
 Ito ay pangngalan na ukol sa babae.
 Halimbawa:
 tindera, ginang, dalaga, nanay
KASARIAN NG PANGNGALAN
Di-tiyak
 Ito ay maaaring iukol sa lalaki o babae.
 Halimbawa:
 artista, presidente, pulis, dentista, guro,
kapatid, kaibigan
Walang Kasarian
 Ito ay hindi panlalaki o pambabae.
 Halimbawa:
 bote, bola, sapatos, libro, kotse
MGA URI NG PANGNGALAN
 1. Pantangi – mga pangngalang nagsisimula
sa malalaking titik at tumutukoy sa tiyak na
pangalan ng tao, lugar, bagay, gawa o
pangyayari. Hal. Monggol, Toyota
 2. Pambalana – mga pangngalang nagsisimula
sa maliit na Titik at tumutukoy sa di-tiyak na
pangalan ng tao, lugar, bagay, gawa o
pangyayari. Hal. lapis, kotse
 3. Lansakan – mga pangngalan tumutukoy sa
isang pangkat. Hal. tangkas, dosena, kumpol
KAILANAN NG PANGNGALAN
Isahan
 Ito ay tumutukoy sa isa lamang tao, hayop o bagay.

 Halimbawa: ang bata, isang libro

Dalawahan
 Ito ay ukol sa dalawang tao, hayop o bagay.
 Halimbawa:
 dalawang aklat, pusa't aso, kina Sally at Marsha

Maramihan
 Ito ay para sa higit sa dalawang tao o bagay.
 Halimbawa:
 limang bote, magkamaganak, sampung palito
PANGHALIP
 Ang Panghalip ay humahalili sa mga
pangngalan.
Hal:
 Si rosa ay maganda.
Siya ay maganda.
(ang panghalip na “siya” ang humahalili sa
pangngalang “rosa”)
MGA URI NG PANGHALIP
Panghalip na Panao – ay ipinapalit sa
ngalan ng taong nagsasalita, sa taong
kausap at sa taong pinag-uusapan. May
kailanan ang panghalip na panao. Ito ay
maaaring isahan, dalawahan at
maramihan.
Panauhan Isahan Dalawahan Maramihan
ako, ko, akin, kita, amin, tayo, kami,
Una
kata natin, atin naming, atin
iyo, mo, ka, kayo, inyo, kayo, inyo,
Ikalawa
ikaw ninyo ninyo
kaniya, siya, nila, sila, nila, sila,
Ikatlo
niya kanila kanila

Kung saan ang:


Unang Panauhan — tumutukoy sa tagapagsalita.
Ikalawang Panauhan — tumutukoy sa kinakausap.
Ikatlong Panauhan — tumutukoy sa pinag-uusapan.
MGA URI NG PANGHALIP
Panghalip na Pamatlig – ay inihalili sa
pangngalang nagtuturo ng lugar na
kinalalagyan ng pangngalan. Ito rin ay
inihalili sa pangngalan na malapit o malayo
sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.
Hal.
Mabango ang bulaklak.
Mabango ito.
Malapit sa Malapit sa Malayo sa

Nagsasalita Kausap Nag-uusap

ito/ ire Iyan Iyon


Heto hayan/ ayan hayun/ ayun
dito diyan doon
MGA URI NG PANGHALIP
 Panghalip na Patulad – ay inihalili sa
itinutulad na bagay.

Hal.
Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita
Ganyan - Malapit sa kausap
Ganoon/Ganyan - Malayo sa nag-uusap
MGA URI NG PANGHALIP
 Panghalip na Panaklaw - ay mga panghalip na
sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng
kinatawang pangngalan.

Nagsasaad ng Nagsasaad ng dami o


Kaisahan kalahatan

Lahat Madla
Isa Tanan
Iba Pulos
bawat isa Balana
Pawing
PANG-URI
 Ang Pang-uri - mga salitang naglalarawan.
Inilalalarawan nito ang katangian ng mga
pangngalan at panghalip

Hal.
Maganda ang babaeng dumaan dito kanina.

 May mga pang-uri ring kaugnay ng pandama. May


ma bagay na nauuri natin ang katangian sa
pamamagitan ng pandama tulad ng: matalas at
matulis; makinis o magaspang; malamig o mainit;
makati at mahapdi.
URI NG PANG-URI
Panlarawan
 Ito ay naglalarawan ng katangian ukol sa laki,
kulay, hugis o kalagayan ng pangngalan o
panghalip.
 Halimbawa: malaki, itim, bilog, mabait

Pamilang
 Ito ay nagsasaad ng bilang ng pangngalan o
panghalip.
 Halimbawa:

marami lima,   sandaan,    sanlibo, kaunti


ANTAS NG PANG-URI

Pangngalan Lantay Pahambing Pasukdol

bulaklak mabango mas pinakamabango


mabango

bag bago higit na bago napakabago


Lantay
- ito ay ang pang-uring nag lalarawan sa isa o 1
pangkat ng tao,bagay,pangyayari
Pahambing
- Ito ay para sa pagtutulad ng dalawang tao,
bagay o pangyayari.
Pasukdol
- ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng
isang bagay kaysa sa karamihan o sa lahat.
PAHAMBING
Magkatulad
 Ito ay kung nagtataglay ng magkatulad na
katangian, kagamitan ng panlaping: sing,
kasing at magkasing
Halimbawa:
 kasingpalad
 singganda
 magkasinggaling

 
Di-magkatulad
 Ito ay kung hindi magkapantay sa katangian,
gumamit sa salitang di-gaano, mas, higit o
lalo bago ang pang-uri at sinusundan ng:
tulad,   gaya   o   kaysa.
Halimbawa:
 Si Joy ay higit na magaling kaysa kay Jane.

You might also like