P. 1
Epekto ng mga Bagyo sa Ekonomiya ng Pilipinas 2009

Epekto ng mga Bagyo sa Ekonomiya ng Pilipinas 2009

5.0

|Views: 8,025|Likes:
Published by josedenniolim
Epekto ng mga bagyo sa ekonomiya ng Pilipinas noong 2009.
Epekto ng mga bagyo sa ekonomiya ng Pilipinas noong 2009.

More info:

Categories:Types, Research, History
Published by: josedenniolim on Jun 26, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial Share Alike

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

07/07/2013

pdf

text

original

EPEKTO NG KALAMIDAD SA EKONOMIYA NG PILIPINAS

Agrikultura

• •

Kung mayroon man na unang maapektuhan ng anumang kalamidad na darating sa Pilipinas, siguradong apektado agad ang sektor ng agrikultura lalo na kapag may dumarating na mga bagyo. Sa nagdaang bagyo na Ondoy at Pepeng na lamang, kitang-kita natin kung paano naapektuhan ang sektor na ito. Sa nakaraang pagdaan ng bagyong Ondoy at Pepeng, umabot ng halos Php 12 bilyon ang naging pagkasira ng mga pananim. Halos 500,000 ektarya ang pinagsamang nasalanta ng nagdaang dalawang bagyo sa sector ng agrikultura. At upang mas higit natin na makita ang pinsalang naidulot ng mga nagdaang bagyo nitong 2009, narito ng isang graph na nagpapakita ng mga bagyo na may naidulot na malaking pinsala sa iba’t ibang bahagi ng bansa: HALAGA NG NAPINSALA SA SEKTOR NG AGRIKULTURA DULOT NG BAGYO, 2009

BAGYO Auring Dante Emong Jolina Kiko Maring Ondoy

PETSA January 5 – 7 May 1 – 3 May 6 – 9 July 30 – August 2 August 4 – 7 September 8 – 10 September 23 – 28

Pepeng

October 1 – 11 TOTAL

LUGAR NA NASALANTA Region X CARAGA Region Bicol Region Northern and Central Luzon Western Visayas Central Luzon (Zambales) Region I and II Central and Southern Luzon Central Luzon Metro Manila Southern Luzon Several Towns in Mindanao Northern Luzon Central Luzon Metro Manila Southern Luzon

HALAGA NG NASIRA Php 23,000,000* Php 625,709,464 Php 980,212,432 Php 24,585,000 Php 135,497,002 Php 236,687,714 Php 6,766,046,143

Php 5,106,746,713 Php 13,898,484,468

*pinaghalong sira sa agrikultura at imprastraktura

• •

Kabilang na sa mga halagang nabanggit ang pinsalang naidulot iba’t ibang bagay na may kaugnayan sa agrikultura gaya ng irrigasyon at mga farm-to-market roads. Dahil sa labis na pagkawasak, mahigit sa 1 milyong metriko tonelada ng mga pananim gaya ng bigas at mais. Marami rin sistemang pang-irrigasyon ang napinsala dahil sa bagyo. Hindi pa kasama dito ang bilang ng mga nasirang palaisdaan at mga namatay na alagang hayop gaya ng manok, baboy at baka. Matapos ang anumang kalamidad, kagyat na problema ang suplay ng pagkain dahil sa naging malawakang pagkawasak sa sector ng agrikultura. Kasunod din agad nito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin na nagbubunsod ng malawang tag-gutom lalo’t higit sa mga mahihirap na ‘di kakayanin ang pagtataas ng presyo.

Edukasyon


• • • • • •

Sa nakaraang bagyong Ondoy at Pepeng pa lamang, halos 3,000 mga paaralan ang nasira sa buong Pilipinas. Nakadagdag pa ito sa mahigit 27,000 nang kakulangan ng mga classroom sa bansa. Kung isasama naman ang lahat ng nasira ng nagdaang bagyong Ondoy at Pepeng gaya ng mga nasirang libro, computers, instructional materials at iba pa, aabot sa halos Php 1.5 bilyon ang halaga ng mga nasira. Dahil din sa mga nagdaang kalamidad, nasuspinde ng ilang araw ang mga klase na nagbunsod upang maghabol sa mga sana’y nakatakdang pag-aaralan at magdagdag ng mga araw ng klase. Nagbabalik man ang mga klase pagkatapos ng mga kalamidad, marami ang hindi pa rin makapasok dahil sa nasira na ang kanilang gamit sa eskwela o di kaya’y lubog pa din sa tubig baha ang kanilang paaralan. Madalas na kahit tapos na ang kalamidad, ang mga paaralan ang ginagamit na evacuation centers ng mga nasalanta kaya’t hindi ito magamit ng mga estudyante para sa kanilang mga klase. Dahil na rin sa pagkawasak ng mga silid-aralan tuwing may kalamidad, napipilitan ang ilan na magklase sa labas gaya nang sa ilalim ng puno o ‘di kaya’y hindi na lamang talaga ibalik muna ang klase at hintayin na maisa-ayos muna ang mga nasirang silid-aralan. Labis na naapektuhan ang kalidad ng edukasyon o pagtuturo dahil sa nagiging paputol-putol ang araw ng mga klase dahil sa pagsususpinde nito. Hindi maayos na nakakapag-aral ang mga estudyante dahil sa nasirang mga kagamitan sa eskwela.

Transportasyon at Komunikasyon •
Dahil sa matinding pagkawasak ng mga kalsada o matinding pagbabaha, nahihirapan ang mga mamamayan na makapglakbay. Halimbawa na lamang nito ay mga landslides na nakakasagabal sa malayang paglalakbay ng kalakal o di kaya’y byahe ng mga sasakyan. Apektado din nito ang pagsasagawa ng mga relief operations at rescue lalo na sa mga nabibiktima ng kalamidad.

Madalas din na nasisira ang mga linya ng komunikasyon (telepono man o cellphone) dahil na rin sa mga kalamidad. Ilang panahon din ang kakailanganin upang kumpunihin ang mga ito upang magamit muli. Madalas din na nagdudulot ng mga aksidente lalo na sa karagatan kapag may mga kalamidad. May ilan na rin na matitinding sakuna sa dagat ang nasaksihan ng Pilipinas kagaya na lamang ng nangyari kamakailan sa paglubong MV Princess of the Stars sa kasagsagan ng bagyong Frank na kung saan higit 700 katao ang namatay. Nauna rito ang higit sa 4,000 namatay sa paglubog ng MV Dona Paz noong 1987 na itinuturing na pinakamatinding sakunang naganap sa karagatan sa buong mundo.

Kabuhayan at Livelihood

• • • • •

Dahil sa ang Pilipinas ay isang agricultural na bansa, unang-una na apektado dito ay ang mga magsasaka na napinsala ang mga taniman lalo na ng mga bagyo. Higit na mas matindi ang kanilang nagiging pinsala lalo na kapag kakatanim pa lamang nila o di kaya’y malapit na itong anihin. Kasama na rin dito ang mga may-ari ng palaisdaan na nasisira at mga mangingisda na hindi makapa-laot dahil sa sama ng panahon. Marami din na mga negosyo ang naapektuhan. Dahil sa sama ng panahon, maraming mga opisina at kumpanya ang nagsusupinde ng pasok dahilan para matigil at maapektuhan ang kanilang operasyon. Ang mga manggagawa na arawan ang sweldo ay higit na apektado dito dahil sa kung hindi sila makakapasok ay wala silang kita para sa araw na iyon. Ang mga maliliit na negosyo rin ay lubos na naapektuhan lalo na kung nasira ang kanilang mga ari-arian na karamiha’y utang pa at di pa nababayaran. Natitigil din ang kalakalan lalo na sa mga lugar na lubhang nasalanta ng kalamidad. Aabutin pa ng ilang taon bago tuluyang makabangon ang isang lugar lalo na sa aspetong ito. Sa nagdaang bagyo lamang, tinataya na nabawasan ng 0.043% ang paglago ng ating ekonomiya dahil sa matinding pinsala na idinulot nito sa maraming lugar lalo na sa Luzon.

Imprastraktura

• • •

Una na naapektuhan pag may kalamidad ay ang mga kalsada. Tuwing may malakas na paglindol, inaasahan na agad ang pagbibitak-bitak ng mga kalsada. Tuwing may bagyo naman, inaasahan na ang matinding pagbaha dulot ng malakas na ulan na nakakasira din ng mga kalsada. Ang mga tulay din na nagdurugtong ng mga kalsada ay labis na naapektuhan tuwing may kalamidad. Marami ang nasisira o bumabagsak lalo na mga malalakas na lindol at pagragasa ng tubig baha dahil sa ulan na dala ng mga mapaminsalang bagyo. Isama pa natin dito ang mga nawawasak na bahay, eskwelahan at mga linya ng kuryente at tubig kapag may mga kalamidad. At makikita natin sa graph sa ibaba kung gaano naging mapaminsala ang mga nagdaang bagyo nitong 2009 sa ating mga imprastraktura:

HALAGA NG NAPINSALA SA IMPRASTRAKTURA DULOT NG BAGYO, 2009 BAGYO Auring Dante Emong Jolina Kiko Maring Ondoy PETSA January 5 – 7 May 1 – 3 May 6 – 9 July 30 – August 2 August 4 – 7 September 8 – 10 September 23 – 28 LUGAR NA NASALANTA Region X CARAGA Region Bicol Region Northern and Central Luzon Western Visayas Central Luzon (Zambales) Region I and II Central and Southern Luzon Central Luzon Metro Manila Southern Luzon Several Towns in Mindanao Northern Luzon Central Luzon Metro Manila Southern Luzon HALAGA NG NASIRA Php 23,000,000* Php 597,121,800 Php 413,056,443 Php 106,750,000 Php 728,049,700 Php 68,203,714 Php 4,391,462,577

Pepeng

October 1 – 11 TOTAL

Php 14,516,879,535 Php 20,844,523,769

*pinaghalong sira sa agrikultura at imprastraktura

Ang pinsala sa imprastraktura, kasama sa agrikultura, ay ang pumipilay sa normal na takbo ng ekonomiya ng Pilipinas. Dumaragdag pa ito sa mga problema na datihan nang nandyan gaya ng mga lubak-lubak na kalsada, kawalan ng suplay ng kuryente’t tubig at kawalan ng daan na magdurugtong sa mga malalayong lugar sa bayan.

Mga Pinagkunan ng Impormasyon at Larawan: • National Disaster Coordination Council – http://www.ndcc.gov.ph

Wikipedia – http://www.wikipedia.org/ Google Images - http://images.google.com.ph/

Ipinasa ni: Romeo P. Balansag Jr.

Ipinasa Pingot

Kay:

Ma’am

Lhet

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->