You are on page 1of 25

Cavite State University

Don Severino De Las Alas Campus

Indang, Cavite

SI RIZAL AT ANG KANYANG PAG-AARAL SA

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

(1877 – 1882)

Inihanda ni

Riza O. Ponciano

BS Acc 2-1

Ipinasa kay

G. Joether A. Francisco

Marso 2010
SI RIZAL AT ANG KANYANG PAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

(1877 – 1882)

Nakasaad sa kabanatang ito ang mga tagumpay, kasawian, buhay-pag-ibig, pagtitiis ni

Rizal. Mula sa pagtatapos at pagiging pinakamagaling na estudyante ng Ateneo; maging ang

pagsisikap na mag-aaral sa “panahon kung saan hindi popular ang maging edukado sa isang

bansang alipin ng simbahan at pananampalataya”, at “kinokondena ang mga taong intelektwal at

nag-iisip”; hanggang sa pagpupursige na makatapos sa kursong Medisina, kahit na ito’y naudlot,

- lahat ng mga pangyayaring naganap sa buhay ni Rizal habang siya nasa Unibersidad ng Santo

Tomas.
ANG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (UST)
UST sa Kasalukuyan
Ang UST ay itinayo o ipinundar ni Miguel de Benavides, isang Arsobispo, noong ika-28

ng Abril, 1611 sa ilalim ng pangalang Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario at

kalauna’y nagging Colegio de Santo Tomas bilang pagbibigay-pugay sa Patron ng unibersidad

na si St. Thomas Aquinas. Sa kasalukuya’y ito’y kilala sa taguring The Royal and Pontifical

University of Santo Tomas, The Catholic University of the Philippines o UST. Ito ang

pinakamatandang unibersidad sa buong Asya, at siyang itinuturing ring pinakamalaking

Kalotilong unribersidad sa buong mundo na nakatayo sa iisang campus (http://www.ust.edu.ph/).

Ang ilan sa mga naging produkto ng UST ay sina Pedro Pelaez, Jose Burgos, Apolinario Mabini,

Cayetano Arellano, Manuel Araullo, Sergio Osmeña, Manuel Quezon, Leon Ma. Guererro,
Anacleto del Rosario, Felipe Calderon, Epifanio de los Santos, at siyempre, ang ating

pambansang bayani, Si Dr. Jose P. Rizal.

ANG PAGPASOK NI RIZAL SA UST

Pagkaraang makatapos ni Rizal sa Ateneo nang may pinakamataas na karangalan, ay

nagtungo naman siya sa Unibersidad ng Santo Tomas upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Noong panahong iyon, panahon ng mga Espanyol, ang pagtatapos sa ilalim ng Batsilyer ng

Sining, ay katumbas lamang ng mataas na paaralan at unang taon sa kolehiyo kaya naman ito ay

isa lamang kwalipikasyon upang makapasok sa isang unibersidad. Dahilan sa ipinamalas na

kahusayan sa larangang pang-akademya, naging mataas ang pangarap ng kanyang pamilya para

sa kanya kaya naman kapwa ninais ni Don Francisco, ang kanyang ama, at ni Paciano, kanyang

nakatatandang kapatid, na makipagkarera siya sa isang unibersidad sa Maynila. Ngunit ang

bagay na ito ay lubos na tinutulan ni Donya Teodora sapagkat tumatak ng lubusan sa kanyang

alaala ang insidente kung saan binitay sa pamamagitan ng garrote ang tatlong paring martir, ang

Gom-Bur-Za, sa harapan ng maraming Pilipino. Nabanggit pa nga niya minsan na sapat na ang

nalalaman ni Rizal at kung madadagdagan pa ito ay maaring mapugutan din siya ng ulo.

Abril 1877, si Rizal, na halos mag-lalabing anim na taong gulang, ay nagmatrikula sa

unibersidad ng Santo Tomas. Noong una ay naakit si Rizal sa pagpapari, dahilan na rin sa

namulat siya sa relihiyosong mga paaralan. Samantala, may mga paring Heswita naman na

nagmungkahi sa kanya na kunin niya ang pagsasaka (farming) dahilan sa makakatulong ito sa

kaniyang pamilya. Ngunit ang pinagpipilian niyang tunay ay sa pagitan ng sining at abogasya.

Kaya naman sa bandang huli, nagpatala siya sa kursong Pilosopiya at Sulat (Guerrero). Ito ang

kinuha niya dahil sa una, ito ay ang gustong kurso ng kanyang ama para sa kanya, at ikalawa,
hindi pa siya nakapagdedesisyon sa kung anong kurso ang kanyang dapat na tahakin.Nang

panahong yon, dahilan nga sa hindi pa siya makapagdesisyon, ay sumulat siya sa Padre Rektor

ng Ateneo na si Padre Pablo Ramon upang humingi ng payo sa kung ano ang dapat kunin ngunit

hindi agad nakasagot ang Pari pagkat siya ay kasalukuyan noong nasa Mindanao. Sa unang taon

niya sa Unibersidad, nag-aral siya ng Kosmolohiya, Metapisika, Teodisya, at Kasaysayan ng

Pilosopiya.

Matapos ang paghihintay ng isang taon, natanggap din ni Rizal sa wakas ang payo ng

Padre Rektor. Iminungkahi nito sa kanya na ang kursong Medisina ang nararapat para sa kanya.

Agad-agad naming sumunod si Rizal sa payong iyon, at nagpatala sa kursong Medisina (1878-

1879). Bukod sa rekomendasyong ito ng pari, ninais na rin ni Rizal na kunin ang kursong ito

upang magamot ang noo’y lumalalang pagkabulag ng kanyang ina sanhi ng katarata.

BUHAY ESTUDYANTE SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

Ang Kursong Pagsasarbey sa Ateneo

Habang nag-aaral si Rizal sa kursong Pilosopiya at Sulat sa unang taon niya sa UST, ay

nagpatala rin siya para sa isang kusong bokasyonal sa dati niyang kolehiyo sa Ateneo. Noong

mga panahong iyon, ang mga kolehiyong panlalaki ay may mga kursong bokasyonal tulad na

lamang ng agrikultura, komersiyo, mekaniko, at pagsassarbey. Kinuha ni Rizal ang kursong

pagsasarbey sa paniniwalang makatutulong ito sa pagpapa-unlad ng kanilang maliit na taniman

sa Calamba.
Ateneo Municipal

Nagkamit si Rizal ng gintong medalya sa agrikultura at topograpiya. Samantala, sa edad

naman na 17, ay naipasa niya ang eksamen sa kursong pagsasarbey na nagbigay sa kanya ng

titulong perito agrimensor (dalubhasang agrimensor). Ngunit, hindi agad naibigay sa kanya ang

titulong ito pagka’t wala pa siya sa wastong edad, kaya naman naibigay lamang ito isang taong

ang nakalipas, noong Nobyembre 25, 1881.

Nanatili pa ring matapat si Rizal sa kolehiyong ito kahit na sa UST na siya nag-aaral

noong mga panahong iyon. Hindi lamang siya nanguna sa larangang akademiko, ngunit pati na

rin sa pamumuno sa iba’t ibang organisasyon sa kolehiyo. Nanatili siyang aktibo sa mga

organisasyong ito. Naging pangulo siya ng Akademya ng Literaturang Espanyol, kalihim ng

Akademya ng Likas na Agham, at nagpatuloy sa pagiging

aktibong miyembro ng at kalihim ng Kongregasyon ni Maria.

Pangunguna sa Larangan ng Sining at Panitikan

Dahilan sa si Rizal ay isang tunay na alagad ng Sining,

ipinamalas na niya ang kanyang husay kahit noong nasa

unibersidad pa lamang siya.


“A La Juventud Filipina”. Ang Liceo Artistico-Literario, isang samahan ng mga

mahihilig sa sining at panitikan, ay nagdaos ng isang paligsahang pampanitikan noong 1879.

Naglaan sila ng isang natatanging gantimpala para sa pinakamagandang tulang maisusulat ng

isang katutubo o mestiso. Ang tulang pinamagatang “A La Juventud Filipina” (Para sa

Kabataang Pilipino) ay isinumite ni Rizal, na noo’y 18 taong gulang pa lamang, bilang panlaban

sa paligsahan.

Gaya ang inaasahan, nakamit ni Rizal ang unang gantimpala. Pinahanga ng tulang niyang

ito ang inampalan na siyang binubuo ng pawang mga Español. Gantimpala sa A La


Juventud Filipina
Kapalit ng pagkapanalong ito, ginawaran siya ng isang gantimpala – isang pilak na panulat,

hugis pakpak at dekorasyong gintong laso. Lubos na nasiyahan si Rizal sa atensyon at papuring

natamo niya mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan, kapamilya at siyempre kasama na rin

ang mga propesor niya sa Ateneo. Ang tulang A La Juventud Filipina ay isang tula ng ispirasyon,

at sa pamamagitan nito, ipinahayag ni Rizal ang hiling niya sa kabataang Pilipino na huwag

magbulag-bulagan at imulat ang kanilang mga mata sa nangyayayri sa kanilang paligid at

hayaang “pumailanlang ang kanilang talino sa sining at agham, at lagutin ang tanikalang

pumipigil sa diwa nila bilang tao.” (Zaide)

Ito ang tula (Zaide):


Para sa Kabataang Pilipino

Tema: “Lumago ka, Kiming Bulaklak”

Taas-noong tumindig ka. Magsahangin ka nga’t ilipad


O Kabataan, saanman naroroon, Halina, ikaw na tunay na Ang aming isipan nang makataas-taas.
Hayaan ang liwanag henyo,
Ng magandang bikas ay makita, At bigyan ng inspirasyon: Bumaba kang kasama ang
Ikaw na pag-asa ng bayan! Sa tulong ng mapagpalang kamay, liwanag
Ng sining at agham, dunong na tunay, Sa kalikasan na nasa ‘yong kanbas?
O Kabataan, kilos at kalagin Ikaw, na ang dakilang tinig Humayo ka’t pagliyabin ang
Ang tanikalang gumagapos Ang mas mairog kayasa Pilomel, apoy
Sa iyong diwa at kaluluwa. Sa gabing tahimik, malungkot Ng iyong henyo nang mangarap ng
Ikaw ang siyan tanging lunas lawrel;
Masdan ang lumiliyab na Ng mga kaluluwang nagdudusa Kailangang maipamahagi ang apoy,
putong Nang makamit yaring tagumpay,
Sa gitna ng mg aninong naglipana, Ikaw, na ang diwa ay matalas Para sa mas nakararami sa ating lahi.
Mapagpalang kamay ng Inang Bayan Ginigising, binubuhay, aking isipan;
Putong niya’y marikit na korona At ang alaalang nagpapalinaw Araw, O masayang araw,
Dakilang alay niya sa lupaing ito. Sa iyong henyong ilaw Mahal kong Pilipinas, aking bayan!
Tunay na lakas ng isang imortal. Basbasan mo kami’t alagaan
Panahon na upang ika’y Ngayon at magpakailanman,
magbangon At ikaw, ang diwang malinaw Tungo sa maunlad na kinabukasan.
Iyong bagwis na pagal na pagal Na mahal nina Pebo at Apollo;
Sa paghahanap ng langit ng Olympia Ang kanilang kayang mahiwagang
Mga awiting pagkatamis-tamis, kamay
Mas malamyos pa sa patak ng ulan. Ang siyang kumakalinga, umaayos

Itinuring ang tulang “Para sa Kabataang Pilipino” bilang isa sa mga klasiko sa panitikang

Filipino pagka’t una, ito ay isang napakagandang tula sa wikang Español na isinulat ng isang

Pilipino na kinilala ng mga Español na awtoridad sa panitikan, at isa pa, sa kauna-unahang

pagkakataon ay nagpahayag ng konsepto ng pagiging makabayan ang isang Pilipino, at hindi

isang dayuhan, - na ang kabataan ang siyang magiging pag-asa ng bayan.

“El Consejo de los Dioses”. Nang sumunod na taon ay nagdaos

muli ng paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-literario upang

ipagdiwang ang ika-apat na sentenaryo ng pagkamatay ni Cervantes, ang

pinakadakilang manunulat na Español at siyang sumulat ng Don Quixote.

Cervantes Dahilan sa bukas ang paligsahang ito sa kapwa Pilipino at Español,

maraming nga manunulat na kinabibilangan ng mga pari, mamamahayag, iskolae, at mga


propesor, ang lumahok. Hawak ang inspirasyon ng pagkakapanalo noong nakaraang taong sa

parehong patimpalak, si Rizal na noo’y 19 na taong gulang ay naglakas loob muling sumali at

isinumite ang kanayang dulang alegorikal na pinamagatang “El Consejo de los Dioses” (Ang

Konseho ng mga Diyos).

Gaya ng nauna, binubuong muli ng pawang mga Español ang inampalan ng paligsahan.

Matapos ang masusing deliberasyon, sa ikalawang pagkakataon ay iginawad muli kay Rizal ang

unang gantimpala kung saan nagkamit siya ng isang gintong singsing na may nakaukit na mukha

ni Cervantes. Samantala, si D.N. Del Puzo naman, na isang manunulat na Español, ang

pumangalawa sa kanya. Mahigpit itong tinutulan ng Español na kumonidad sa Maynila, sa

pangunguna na din ng pahayagang Español paka’t hndi nila matanggap na ang nagwagi ay isang

indio.Ngunit nagmatigas ang inampalan pagka’t nakita nila na karapat-dapat parangalan ang

gawang ito ni Rizal. Masayang-masaya siya pagka’t napatunayan niya na “hindi lamang mga

Español ang may karapatang makahigit sa anumang larangan dahil kung mabibigyan ng

pagkakataon ang mga katutubo ay kaya rin nilang maipakita

na maari silang itapat sa kahit anumang lahi.”

Ang nagwaging alegorya ni Rizal ay base sa mga

tanyag na klasikong Griyego. Upang mabuo ang nasabing

dula, si Rizal, bagamat estudyante na ng UST, ay tinulungan

pa rin ng Padre Rektor ng Ateneo sa pangangalap ng mga

kakailanganing materyales para matapos ang obra. Ipinakita

ni Rizal ang pagkakatulad nina Homer, Virgil at Cervantes.

Pinag-usapan ng mga diyosa ang pagkakatulad-tulad ng mga

kani-kanilang katangian bilang mga makata at sa huli ay

Sipi ng El Consejo de los


Dioses ni Rizal na inilimbag
noong 1915
nagpasya silang ibigay ang trumpeta kay Homer, ang lira kay Virgil, at ang lawrel naman kay

Cervantes. Ang alegorya ay masayang nagtapos sa pagsasaya ng mga ada, diwata, at iba pang

mga tauhanng mitolohikal.

Iba pang Pampanitikag Gawain. Bukod sa dalawang matagumpay na obra ni Rizal,

marami pa rin siyang naisulat nang siya ay nag-aaral sa UST. Bagaman abala sa pag-aaral sa

medisina, nagkakaroon pa rin siya ng oras upang ipagpatuloy ang hilig niya. Ang ilan sa mga

naisulat niya ay ang mga sumusunod:

1. Junto Al Pasig (Sa Tabi ng Pasig) – isang sarswela na itinanghal ng mga Atenista noong

Disyembre 8, 1880, pista ng mmaculada Concepcion, ang Patron ng Ateneo. Isinulat niya

ito nang siya ay naninilbihan pang Pangulo ng Akademya ng Literaturang Español sa

Ateneo. Hindi ganoon katampok ngunit kakikitaan pa rin ng mga satirika ng mga

makabayang ideya ni Rizal.

2. A Filipinas – (1880) sonata na isinulat para sa album ng Samahan ng mga Iskultor.

Hinihikayat nito ang mga artistang Pilipino na magbigay-dangal sa Pilipinas.

3. Abd-el-Azis y Mahoma – (1879) binigkas g isang Atenistang nagngangalang Manuel

Fernandez, noong Disyembre 8, 1879 bilang parangal sa Patron ng Ateneo.

4. Al M.R.P. Pablo Ramon – isang tulang nagpapakita ng pagmamahal kay Padre Pablo

Ramon, ang butihing Rektor ng Ateneo, na naging mabuti at matulungin sa kanya sa

halos lahat ng bagay.

MGA PAG-IBIG NI RIZAL


Bagaman si Rizal ay isang masipag na mag-aaral, hindi pa rin siya nawalan ng panahon

para sa pag-ibig. Isa siyang romantiko na nais matikman ang tamis maging ang pait ng pag-

ibig.At nang naranasan niya ito sa kauna-unahang pagkakataon, nadadagan ang kanyang

karanasa at naging mas matalino na siya sa larangang ito.

Isang araw ng Abril 1877 habang si Rizal ay nasa dalampasigan ng ilog ng Dampalit, Los

Baños, upang maligo ay nakita niyang lumabas ang iang magandang dalagita at narinig na ang

pangalan nito ay Julia. Manghuhuli dapat si Julia ng paru-paro para sa kanyang lola na noo’y

kasama niya ngunit hindi ito natuloy pagkat natalisod si Rizal at nakawala ang nasabing paru-

paro. Dahilan sa pagkapahiya sa dalagang una niyang pinaglaanan ng paghanga, inihuli niya ito

ng dalawang paru-paro at naging magkaibigan ang dalawa. Nag-alok si Rizal na ihahatid na niya

lamang ang dalawa pauwi, na tinanggap naman ng dalaga. Inihatid niya ang mag-lola sa kanilang

bahay na matatagpuan sa bayan ng Los Baños. Si Julia ang tinutukoy na “Minang” ni Rizal sa

kanyang alaala. Base sa ilang manunulat, si Minang o Julia ang itinuturing nilang unang babeng

hinangaan ni Rizal. (Rivera et. al.)

Samantala, karamihan sa mga manunulat ay itinuturing

ang dalagang nagngangalang Segunda Katigbak bilang unang

pag-ibig ni Rizal. Ang kapatid nito na si Mariano Katigbak, na

siya ing malapit na kaibigan ni Rizal ay madalas tumungo sa

kanyang tinutuluyan sa Maynila at pagkatapos naman noon ay

pupunta sila sa lola niya sa Trozo. Isang Linggo ng umaga ay

naabutan nilang maraming panuhin sa bahay ng kanyang lola.

Agad napukaw ni Segunda ang interes ni Rizal, at ito ay naging


Segunda Katigbak
pag-ibig sa unang tingin.Si Segunda ay nagmula sa lipa, Batangga. Labing-apat na taong gulang
pa lamang siya noon at labing-siyam naman si Rizal. Inilarawan ni Rizal bilang maliit, ang

kanyang mga mata ay parang nakikipag usap, mapupula ang kanyang mga pisngi, may kahali-

halingan ngiti at magandang ngipin at para siyang ada; ang buong katauhan niya’y di-

maipaliwanag na bighani. Tagalay ang galing sa pagguhit, iginuhit niya si Segunda. At ang

bagay na iyon ay naging simula ng matamis na pagkakaibigian.

Simula noon ay madalas nang dumalaw si Rizal sa dalubhasaaan ng La Concordia,

sapagkat doon nakatira si Segunda na kasama ng kanyang nakatatandang kapatid na si Olimpia.

Ipinakita na ni Segunda ang pagmamahal kay Rizal, ngunit si Rizal ay nangimpi lamang.

Nabatid ni Rizal na ang dalagita ay ikakasal na sa kanyang amain na si Manuel Luz. Kaya naman

alam na niya na walang patutunguhan ang nararamdaman niya.

Nagpaalam na si Rizal kay Segunda at nagsabing hihintayin niya ang pagdaan ng bapor

na sasakyan ng dalaga sa Calamba. Ngunit, nabatid ni Rizal na hindi na matuttuloy ang pagdaan

ng bapor na ito kaya naman dali-dali niyang kinuha ang kabayo a nagtungo sa Binyang kung

saan naabutan niya ang bapor sakay ang dalagang si Segunda habang nakangiti sa kanya at

nagwawagayway ng isang putting panyo. Wala nang nagawa si Rizal kundi itaas na lamang ang

kanyang sambalilo at pagmasdan ang unti-unting pag-alis ng kanyang unang pag-ibig.

Matapos ang mapait na sinapit ng kanyang unang pag-ibig, nalumbay si Rizal ngunit

nabatid niya na sahil sa nangyari, naging mas matalio na siya sa larangang ito. Kaya naman

dalawang gabi matapos ang pagdadalamhati sa pagkawala ni Segunda, iniukol naman ni Rizal

ang kanyang atensyon at pagtingin sa isang dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna. Tinawag

niya ito sa kanyang talaarawan bilang si Binibining L, at inilarawan bialang isang dalagang mas

matanda sa kanya, maputi, at may mga matang mapanghalina at kaakit-akit.


Ilang beses ding dinalaw ni Rizal ang dalaga sa tahanan nito, ngunit bigla niyang inihinto

ang kanyang pangliligaw kaya naman tuluyan nang namatay ang pagtingin niya dito. Sa kanyang

talaarawan, binanggit ni Rizal ang dalawang dahilan ng kanyang paghinto: una, dahilan sa iniibig

pa rin niya si Segunda, at ikalawa, hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ng dalaga. Hindi

binunyag ni Rizal ang katauhan ng dalagang ito. Kailanmana ay hindi rin nabanggit sa

talaarawanniya ang tunay na ngalan nito. Pinaniniwalaang si Binibining L ay ang guro ni Rizal

na nagngangalang Jacinta Ibardo Laza, na nakatira kay Kapitan Nicolas Regalado na kaibigan ni

Rizal. (Rivera et. al.)

Matapos ang ilang buwan, sa ikalawang taon niya sa

Unibersidad ng Santo Tomas, nangupahan si Rizal sa bahay ni

Doña Concha Leyba sa Intramuros kung saan naging kapit bahay

niya ang mag-asawang Kapitan Juan at Kapitana Sanday

Valenzuela na mula pa sa Pagsanjan, Laguna na may dilag na

nagngangalang Leonor. Si Rizal ay laging panauhin sa bahay ng

mga Valenzuela dahilan na rin sa husay niya sa salamangka at

kung saan siya ay at ang kanayang mga kaibigan ay nagtitipun-


Leonor Valenzuela
tipon. Niligawan ni Rizal si Leonor, na isang matangkad na babaeng maganda ang tindig.

Piandadalhan niya ng sulat ang dalaga sa pamamagitan ng inbisibol na tinta na gawa sa

ordinaryong asin at tubig. Dahilan sa galing ni Rizal sa kemika, itinuro niya kay Orang (palayaw

ni Leonor) na ang sikreto para makita ang liham ay itapat ito sa liwanag. Ngunit, kagaya ng mga

naunang pag-ibig ni Rizal, ito ay natapos din.


Ang sumunod naman pag-ibig ni Rizal ay

isa pang Leonor – sa pagkakataong ito, si Leonor

Rivera. Noong nasa ikatlong taon na siya sa

Medisina, ay nangupahan siya sa “Casa Tomasino”

na pagmamay-ari ng kanyang tiyuhing si Antonio

Rivera. Ang kanyang tiyo ay may anak na

magandang dalagitang may labintatlong-taong

gulang na nagngangalang Leonor.

Si Leonor ay may maputing balat, alun-

along buhok na mamula-mula; maliit at mayuming

bibig; may kalakihan at maitim na mga mata na Leonor Rivera

natatabingan ng mahahabang pilik-mata;ilong na may katamtamang tangosngiting binabagayan

ng dalawang biloy ng malarosa na mga pisngi; kaakit-akit na

pakikipag-usap; matamis na titig; at binabagayan ng kahali-

halinang halakhak (Rivera et. al.). Kaya’t ang kagandahang

ito ni Leonor ay hindi kataka-takang umakit sa mapaglarong

diwa ni Rizal na nais makasimsim ng “nektar ng pag-ibig”.

Si Leonor ay nag-aaral sa dalubhasaan ng La

Concordia at kamag-aral ng kayang nakababatang kapatid na

si Soledad. Ang pag-iibigan nina Leonor at Rizal ay


Larawan ni Leonor Rivera
na Iginuhit ni Rizal nagsimulang yumabong, at sila ay naging magkatipan. Sa

kanilang mga sulat ay ginamit ni Rizal ang pangalang “Pepe” at si Leonor naman ay nagtago sa

pangalang “Taimis”.
MALULUNGKOT NA ARAW SA UST

Bukod sa ligayang naranasan ni Rizal dahil sa pag-ibig na dumating at lumipas sa kanya,

nakaranas din siya ng mga paghihirap sa unibersidad na ito.

Biktima ng Kalupitan ng Opisyal na Español. Nang si Rizal ay nasa unang taon sa

Medisina, naranasan niya ang kalupitan ng mga Español. Isang madilim na gabi sa Calamba,

naglalakad si Rizal sa kalsada. Hindi niya napansin ang lalaking nakasalubong niya kaya naman

hindi niya nabati ng “Magandang gabi” o nasaluduhan man lamang. Natuklasan na lamang niya

na isa pala itong tinyente ng Guardia Civeles nang nagalit at hinarap siya nito. Hinampas siya

nito ng kanyang espada at sinaktan ang likuran. Hindi naman naging malalaim o malala ang

sugat ngunit napinsala pa rin nito ang pagato ni Rizal.

Si Rizal at ang Compañerismo. Dahilan sa pagkakaiba ng mga lahi na nagaganap sa

unibesidad, laging nag-aaway ang mga estudyanteng Pilipino at Espanyol. Hindi natatanggap ng

mga Espanyol na nahihigitan sila ng mga Pilipino kaya naman iniinsulto nila ang mga ito at

tinatawag na “Indio, chongo!” Samanatal, bilang ganti, tinatawag naman ng mga Pilipino ang

mga estudyanteng Espanyol “Kastila, bangus!” At dahil dito, madalas na nauuwi ang mga alitan

ito sa mga away lansangan.

Dahil sa katapagan ni Rizal at sa husay niya sa eskrima at wrestling, nakilala siya sa mga

away na tio. Kaya naman noong 1880, bilang kinikilalang kampeon ng mga estudyanteng

Pilipino sa UST, itinatag niya ang isang sikretong samahan na tinawag niyang “Compañerismo”

(Pagsasamahan). Samantala, ang mga kasapi naman ditoay tinawag na “Mga Kasapi ni Jehu”. Ito

ay isinunod sa pangalan ng isang heneral na Ebreo na nakipaglaban sa mga Arminiano at


namuno sa Kaharian ng Israel sa loob ng 28 taon. Siya ang pinuno ng lihim na samahan

samantala ang kanyang pinsang taga-Batangas na si Galicano Apacible ang nagsilbing kalihim.

Isang beses ay nagkaroon ng away sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol sa may Escolta

kung saan nasugatan si Rizal. Duguan, dinala nila si Rizal sa tinutuluyan nitong “Casa tomasina”

kung saan masuyo niyang ginamot ni Leonor Rivera.

Dahilan ng Kalungkutan sa UST (Zaide). Bagamat si Rizal at isang mahusay na

estudyante sa Ateneo, maging sa UST, hindi niya nagustihan ang atmospera sa UST dahilan sa

instutusyon ng mga paring Dominikano. Una, dahil sa hindi maganda ang tingin sa kanya ng

mga Dominikanong propesor. Ikalawa, mababa ang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino. At

ikatlo, sinauna at mapang-api ang pagtuturo.


DESISYONG MAKAPAG-ARAL SA IBANG BANSA

Pagkaraang matapos ni Rizal ang ika-apat na taon ng Medisina sa UST,nagpasya si Rizal

na mag-aral sa Espanya. Agad siyang sinang-ayunan ng kanyang naktatandang kapatid na si

Paciano, kasama na rin ang kanyang dalawang kapatid na babae, sina Saturnina at Lucia, kasma

na rin si Antonio Rivera, ang mag-anak na Valenzuela at ilan pang kaibigan.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi humingi ng permiso si Rizal sa kanyang mga

magulang dahilan sa alam niyang pipigilan lamang siya ng mga ito. Inilihim niya rin ito maging

sa kanyang pinakamamahal na si Leonor Rivera dahil alam niya na magdadamdam lamang ito.

Pati na rin ang awtoridad ng mga Espanyol ay walang ideya. Nanatiling sikreto ang kanyang

pag-alis para makapagpatuloy ng pag-aaral sa liberal na bansa ng Espanya.

PAGLILINAW NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

“Kinamumuhian ni Rizal ang UST”. Ito ang palasak na paniniwalang sinusunod pa rin

hanggang ngayon ng maraming mga sikat na manunulat at tagapagtala ng buhay ni Rizal

(http://varsitarian.net) tulad nina Retana, Craig, Russel, Laudback, Coates, Hernandez, at Zaide.

Maraming mga manunulat ang kumopya lamang sa mga isinulat. Ito ang ideyang sinikap

baguhin ni P. Fidel Villaroel, O. P. katuwang na archivist ng UST sa kanyang akdang “Rizal and

the University of Santo Tomas” (UST Press, 1984). Sinabi ni P. Villaroel na wala ni isa sa mga

manunulat na ito ang nag-abalang tingnan ang mga orihinal na dokumento na matatagpuan sa

UST. Ang mga sumusunod ay ayon sa mga puntos na ginawa ni Villaroel sa kanyang pag-aaral.

Ang mga nakasaad sa ibaba ay mga ideyang binanggit ng ilang mga manunulat:
1. Hindi naging maganda ang ippinakita ni Rizal sa UST, at hindi siya gusto ng mga Paring

Dominikano

2. Nagkaroon ng Diskriminasyon sa mga Pilipino sa UST (Zaide)

3. Mababa ang pagtingin sa kanya kahit na ang kanyang kakayahan at talino ay mas higit sa

mga Espanyol dahilan sa siya ay kayumanggi ang balat, isang Pilipino at isang Indio

(J.M. Hernandez)

Ito at iba pang mga puntos ang pinasinungalingan ni Villaroel sa kanyang akda.

 Hindi naging maganda nag mga grado ni Rizal sa UST at hindi siya tinrato ng mabuti ng

mga paring Dominikano.

Nang pumasok si Rizal sa UST noong 1877, kinuha niya ang kursong Pre-Law o

metapisika (Pilosopiya at Sulat sa ibang libro). Dahilan sa ito ay tunay na interes ni Rizal,

nakapasa siya sa unang taon ng may matataas na grado. Sumunod naman nito ay kumuha siya ng

medisina. Nang mga panahong yun ay kailangan munang kunin ang kursong pre-medikal bago

makuha ang kursong medikal. Ngunit pinayagan siya ng unibersidad na kunin ito ng sabay. Ang

kursong pre-medikal ay tinatawag din Ampliacion dahilan sa kukunin lamang ng estudyante ang

mas mataas na antas ng kursong Pisika, Kemika, at Natural na Kasaysayan na kinuha na nila sa

mataas na paaralan. (Ito ay isang patunay na ang “Klase sa Pisika” ay hindi naganap sa UST

kung totoo mang ang ito ay personal na karanasan ni Rizal.)

Sa kursong medisina, mahusay ang ipinakita ni Rizal, ngunit hindi pinakamahusay – at

wala ring pinakamahusay sa kanyang mga kamag-aral. Dalawampu’t isang mga “subject” ang

kinuha niya sa paaralang ito kung saan nakakuha siya ng isang aprobado (pasado), walong bueno
(mahusay), anim na notable(mahusay na mahusay), at anim na sobresaliente (pinakamahusay).

Ang isang normal na estudyante ay makokontento na sa mga ganitong grado. Maaaring hindi nga

siya nakontento sa ganitong grado, ngunit wala ni isa sa kanyang mga gawa ang nagpapakita ng

hindi pagkagusto at pagrereklamo sa patakaran ng UST.

Isa pang puntos ay ang pagkukumpara ng kanyang grado sa grado niya sa Ateneo. Kung

mapapansin, ang unibersidad ay mas mataas ang antas kumpara sa isang mataas na paaralan.

Kaya hindi maaaring ipagkumpara ang galing niya sa Ateneo, kundi sa kanyang mga kamag-aral.

Sa unang taon ni Rizal ay 24 silang kumuha ng medisina, ngunit dahil sa mga bagsak na grado

labing pito sa kanila ang natanggal at tanging piyo na lamang ang nakakuha ng huling

eksaminasyon noong ikaapat na taon nila. Sa ikaapat na taon na ito ni Rizal (at huli para sa

kanya), pumangalawa siya sa klase kung saan ang nanguna ay si Cornelio Mapa. Kung totoong

siya ay diniskrimina at hindi ginusto ng mga propesor sa UST, hindi niya maabot ang kanyang

mga naabot sa unibersidad na ito, ang pagpayag pa lamang ng unibersidad na kunin niya ang

kursong pre-medikal at medikal ng sabay ay isa nang malakas na ebidensya na mali ang sinasabi

ng karamihan sa mga manunulat.

Base sa mga rekord ng UST, anim na mga Espanyol ang nakapagmatrikula sa kursong

medisina sa unang taon kasama si Rizal, kung saan tatlo ay Peninsular, at tato ay ipinanganak sa

Pilipinas. Kung totoong pinaburan ng mga Dominikano ang mga Kastila, ang anim na ito dapat

ang natira sa para kumuha ng huling eksaminasyon. Ngunit, sa kasamaang palad, tanging isang

Kastilang ipinangank dito sa Pilipinas ang natira na nagngangalang Jose Resurreccion y Padilla,

na may gradong aprobado (pasado) lamang, at sa sumunod na taon naman ay nakatikim ng

pagkasuspinde.
Isa pa ay ang dahilan kung bakit hindi ganon katataas ang nakuha niyang grado sa

unibersidad. Nasabi ni Leon Ma. Guerrero na marahil ay hindi para kay Rizal ang kursong

medisina, dahilan sa hindi na rin naman maitatanggi ang kanyang pagkahilig at galing sa sining

kung saan nabibilang ang kursong Pilosopiya at Sulat. Ngunit para sa isang estudyante na hindi

naman gaanong gusto ang kursong kinukuha, ang pagkakaroon ng mga gradong tulad kay Rizal

ay isa nang malaking biyaya.

Nang pumunta si Rizal sa Espanya upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng Medisina sa

Unibersidad ng Madrid, nakakuha rin siya ng mga gradong sobresaliente sa mga “subject” na

kauganay sa mga humanistikong pag-aaral at nakakuha ng mga gradong sapat lamang para sa

Medisina. Pareho lamng ang kalagayan ni Rizal dito at sa UST ngunit hindi nabanggit na

diniskrimina siya sa paaralang ito.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, nagkaroon rin si Rizal ng mga kaibigang paring

Dominiko sa UST. Kaabilan dito sina Padre Evaristo Aria at Padre Joaquin Fonseca. Kung

matatandaan, sa mga panahong nag-aaral siya sa UST kung saan siya nakilala bilang isang

manunula. Habanag nasa Santo Tomas ay nalikha niya ang ilan sa mga pinakamamagaling

niyang obra, kasama na rito ang A La Juventud Filipina na nanano ng unang gantimpala sa

patimpalak ng Liceo Artistico-Literario.

 Nilisan ni Rizal ang UST dahil sa sumusunod:

a) may ilang mga propesor na hindi niya nagustuhan sa unibersidad (P. Pastells, SJ, 1897)

b) hindi niya nagustuhan ang atmospera sa unibersidad (E. Retana, 1907)


c) sa kanyang klase sa medisina, may isnag propesor na binasa ang nakasulat sa libro

ngunit hindi na pumayag na magtalakay at magtanong sa kanya ng tanong ukol dito

kaya naman nawalan siya ng amor sa patakaran (Craig, 1909)

d) dahilan sa ayaw sa kanya ng mga propesor sa Ateneo (Lauback, 1936)

e) dahilan sa hindi naibibigay ng UST ang kinakailangang kaalaman, at ang gamit ng

paaralan ay wala, kung hindi ay kaunti lamang (D. abella, 1965)

Maraming mga manunulat na ang nagsabi ng iisang bagay sa daan-daang paraan. Ang

mga nakasaad itaas ay may iisa lamang na pagkakatulad: hindi ito binase sa kahit anong

ebidensya tulad na lamang ng mga aktwal na pakikipagsulatan ni Rizal o ang mismong

talaarawan nito. At kung meron man silang pinagbabasihan, tanging sa mga nobela lamang ni

Rizal nila ibinatay ang konklusyon. Ang isang nobela ay isang kathang isip lamang kaya naman

hindi ito maaaring pagbasihan ng mga katotohanan sa buhay ng tao. Kung ano ang totoong ibig

sabihin ng mga sulat at letra sa kanyang nobela ay si Rizal lamang ang nakaaalam, kaya naman

hindi maaaring gumawa ng interpretasyon base dito at sabihin iyon ay pawang katotohanan

lamang.

Bilang paglilinaw, una, nabanggit na may isang propesor sa UST na tumangging

magbigay ng eksplanasyon at sumagot ng mga tanong mula sa mga estudyante niya tungkol sa

itinuturo niya. (Pastels at Craig) Ang propesor na ito ay pinangalanan ni Craig bilang si Dr. Jose

Franco na kalaunan ay naging kamag-aral ni Rizal sa Medisina sa Unibersidad ng Madrid.

Ngunit kung iisiping mabuti ay imposibleng maging dahilan ito n pag-alis ni Rizal sa Pilipinas,

lalung-lalo na kung hindi naman siya ibinagsak nito sa huling pagsusulit. Ipinakita rin ng mga

kamag-aral niya ang pagpapatunay na wala siyang naka-alitang propesor sa UST pagkat
ikinagulat nila ang biglaang pag-alis ni Rizal dahil wala naman silang nakikitang dahilan para

dito.

 Ang Kabanata XII Ang Klase Sa Pisika ng El Filibusterismo ay isang kabanata na

sumsalamin sa buhay niya sa unibersidad at ang mga gawa niyang kontra sa mga prayle ay

nagpapakita lamag ng pagkamuhi niya sa Unibersidad.

Nabago ng pamamalagi ni Rizal sa Europa ang paniniwala niya ukol sa relihiyon.

Marami siyang binitiwang mga prinsipyo at mga bagay na haligi ng kanyang relihiyon hindi

dahil sa kinamuhian niya ng isang unibersidad na pinamamalakaran ng relihiyon kundi dahilan

sa nakasalamuha niya ang mga tang rasyonal at liberal ang kaisipan. Ang mga oag-atake sa

relihiyon ay hindi naging kakaiba nang mga panahong yun dahilan sa halos lahay na ng

unibersidad sa buong mundo ay may nagaganap na mga ganitong bagay.

Nakaapekto ng malaki sa pagsulat niya ng El Fili ang nangyaring panggigipit ng mga

Dominikano sa kanyang pamilya sa Calamba. Kaya maaring sabihin na nakaimpluwensiya ito sa

kanyang opinyon para sa mga paring dominikano na siyang nagpapatakbo s aUST kaya naman

ganun na lamang ang deskripsyong ginawa ni Rizal sa El Fili.

Ang palasak na sinabi ni Retana at Coates na ang klase sa pisika ay isang repleksyon ng

buhay estudyante ni Rizal sa UST ay isang ideya na walang pinagbabasihan. Isa pa, hindi kinuha

ni Rizal ang paunang kurso ng Pisika sa UST kundi sa Ateneo. Si Rafael Palma na kumuha ng

Pisika at Kemika sa Ateneo noong 1890 ay nagsabing ang mga pasilidad sa mga laboratoryo ay

hindi sapat at bihirang gamitin, at ang kanya namang nakuhang grado sa Pisika ay “very poor”.

Nagpapatunay lamang na hindi ni Rizal naranasan ang ganitong bagay sa UST, kung sasabihin

na ito ay isang personal na karanasan nga. (Rafael Palma, My Autobiography, Manila 1953)
SANGGUNIAN

Guerrero, Leon Ma. (1977) The First Filipino: A Biography of Jose Rizal. Manila: National

Historical Institue.

Rivera, C., Landicho, D. & Valenciano, D. (1969) Rizal ang Bayani. Metro Manila: M&L

Licudine Enterprise.

Zaide, G. et.al. Jose Riza; Buhay, Mga Ginawa at mga Sinulat ng isang Henyo, Manunulat,

siyentipiko, at Pambansang Bayani. All Nations publishing Co. Inc. Karapatang ari 2007,

pahina 264-275.

Comanda, M.K.L & Paje, Kacelyn Faye L. Si Jose Rizal Bilang Isang Tomasino. The

Varsitarian. UST Press. http://varsitarian.net

Feria D. S. The Insurecte and the Colegiala. Retrieved March 8, 2010, http://www.freewebs.com

/pi100/colegiala1.htm

Shattering the Myth About Rizal And the Pontifical UST (December 2008). Retrieved March 8,

2010. http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?s=d186bd4a91ce8577fed

3fec3d657684&t=374849

With respect to:

Villaroel, Fidel (1984). Rizal and The University of Santo Tomas. UST Press.
Morales, Kennedy B. Mga Pag-ibig ni Rizal (Compilation Prject). Retrieved March 8, 2010.

http://www.scribd.com/doc/20184699/Mga-Pagibig-Ni-RIZAL?secret_password=&

autodown=doc

You might also like