P. 1
Erensya - Ispesyal Na Isyu

Erensya - Ispesyal Na Isyu

|Views: 290|Likes:
Erensya - Ispesyal na Isyu
Hulyo 2010
Erensya - Ispesyal na Isyu
Hulyo 2010

More info:

Published by: Ang Pahayagang Plaridel on Jul 14, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

10/26/2010

pdf

text

original

Talaan ng nilalaman

:

A

Dakilang Layunin:
ng Pahayagang Plaridel ay naglalayong itaas ang antas ng kamalayan ng mga Lasalyano sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga usaping pangkampus at panlipunan.

Naniniwala itong may konsensya at mapanuring pag-iisip ang mga Lasalyano, kailangan lamang na mailantad sa kanila ang katotohan. Inaasahan ng Plaridel na makatutulong ito sa untiunting pagpapalaya sa kaisipan ng mga mag-aaral tungo sa kanilang pagiging mapagmalasakit ng mamamayan. Sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika, nananalig ang Plaridel na maikintal sa puso at isipan ng mga Lasalyano ang tunay na diwa ng pagiging Pilipino.

Mula Sa Patnugot...
ERENSYA - pamana; mga katangian o bagay-bagay na minana. Simula pa noong unang sumabak ang De La Salle University sa mga ligang pampalakasan, taglay na nito ang kakaibang pagnanasa para mag tagumpay. Lumipas man ang panahon, taglay, at tataglayin pa rin ng mga atleta nito ang katangiang minana nila sa mga nauna nang bayani ng Pamantasan sa larangan ng Palakasan. Sa susunod na Season ng University Athletic Association of the Philippines, sabay sabay nating balik-tanawin ang mga pangyayaring tumatak na sa kasaysayan ng Pamantasan. Nawa’y mag silbi itong inspirasyon upang maka-pagbigay ang walang sawang suporta para sa ating mga atleta. Animo La Salle! Sa lahat ng mga taong tumulong upang maging posible ang ispesyal na isyung ito, maraming salamat! Sa Isports 09-10, salamat sa inyong suporta sa lahat ng aking gawain bilang patnugot. Kay Hannah at sa kanyang mga naiambag sa ispesyal na isyung ito, maraming salamat! Sa Office of Sports Development at sa lahat ng mga kawani nito, salamat sa lahat ng tulong ninyo sa akin at sa Ang Pahayagang Plaridel. Salamat rin sa Midtown Printing Co. sa kanilang walang sawang paglimbag ng mga isyu ng Plaridel. Huli, sa aking pamilya, maraming salamat. Nawa’y magsilbing erensya sa lahat ang aking mga napagtagumpayan. Sumisimbolo sa adhikain ng mga Lasalyanong maging pinakamahusay sa iba’t ibang larangan. Nais ng isang Arkerong maging matapat at totoo maging sa trabaho, pag-aaral o palakasan. Ang magtagumpay ang pangunahing mithiin ng isang Arkero. Mithiing mataas, tuwid at totoo Mithiing mataas: upang maging pinakamagaling Mithiing tuwid: upang maging disiplinado, dedikado at pursigido Mithiing totoo: upang ituon ang sarili sa mga mithiin

3 4 6 8 9 11

DLSU Pep Squad: Isang pagsilip sa pinayamang tradisyon Retired jerseys: Tagumpay panghabambuhay Pagkamit sa tugatog ng tagumpay: Ang DLSU at ang pangarap na General Championship Pasinayaan: DLSU at ang UAAP Season 73 Mapagbunying unang sabak! Pagtangkilik at suportang Lasalyano sa makabagong panahon

Pagbalik tanaw sa Diwa ng Green Archer
Kinalap nina Hosanna David at Janine Karen Tan Ang Pana ng Arkero Ang edukasyong mula sa Pamantasan na nagtutulak sa Lasalyano upang marating ang tugatog ng tagumpay. Ang Balahibo sa Sumbrero Pagtitiwala ng Lasalyanong makamit ang tagumpay

Ang Talim ng palaso Talas ng kaisipan ng Lasalyano

Mav

Ang Green Archer

Ang Palaso ng Arkero Lakas ng Lasalyanong magtagumpay sa lahat ng balakid sa buhay.

Ang Balaraw ng Arkero Pagiging handa at pagkakaroon ng kakayahan sa pagsalubong ng pagsubok.

Sanggunian: DLSU-Manila International Students Guide, DLSU-Manila Official Website and A Gathering of Archers at the DLSU library archives section.

Ang Tindig ng Green Archer Pagtitiwala sa sariling kakayahan Dibuho ni JunHyeok Do

2

ERENSYA

DLSU Pep Squad: Isang pagsilip sa pinayamang tradisyon
e are the Few, the Chosen, The Loud and The Proud!” Ito ang pinakasikat na linyang naglalarawan sa De La Salle University (DLSU) Pep Squad o mas kilala sa kasalukuyan bilang Animo Squad. Maituturing na bahagi ng bawat pamantasan sa Pilipinas ang pagkakaroon ng isang pep squad. Para sa mga unibersidad at kolehiyo na kasapi ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at maging sa National Collegiate Athletic Association (NCAA), mahalaga ang mga pep squad upang mas lalong mapasaya at mapasigla ang bawat laban ng kanilang pamantasan. Pagsilip sa nakaraan Nabuo ang DLSU Pep Squad noong taong 1926 na nag-umpisa sa apat na lalaking magaaral ng Pamantasan na tinawag na “Yell Commanders” at “Rah-Rah Boys.” Sila ang nagbibigay ng suporta sa pamamagitan ng pagsigaw at pagkanta sa mga atleta ng De La Salle College (DLSU ngayon) noong bahagi pa ito ng NCAA. Sa loob ng 49 na taon, mga kalalakihan lamang ang maaaring maging miyembro ng naturang pep squad hanggang

W

Marie Luciene Diezmos, Joan Jao at Leah Patrice Paragas na cheer na “Go La Salle!” na sinasabayan naman ng pagpalakpak at sa pagsigaw ng mga Lasalyano. Marahil, sumagi na rin sa ating isipan kung sino ang may likha sa iba’t ibang cheer ng Pamantasan. Sa kabila nito, mahirap nang

kumuha ito ng mga mula sa St. Scholastica’s College noong 1975. Una namang sumabak sa UAAP Cheering Competition ang DLSU Pep Squad noong 1994. Opisyal na tinawag na Animo Squad ang dating DLSU Pep Squad kasabay ng reorganisasyon nito sa pagnanasang makakuha ng tagumpay sa UAAP Cheering Competition noong 2008. Naging aktibo rin ang Animo Squad sa paglulunsad ng mga bagong aktibidad sa Pamantasan gaya ng “Pump Up The Animo”. Kamakailan lamang, nasungkit ng Animo Squad ang ika-apat na puwesto sa ginanap na National Cheerleading Championship. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang Animo Pep Squad sa pagpagpapasigla sa bawat laban ng mga atleta ng Pamantasan. Mga makasaysayang cheer Sa panayam ng Ang Pahayagang Plaridel (APP) kay Jaime Leogardo, Administrative Head ng Animo Squad, nabanggit niyang maituturing na mga original cheer ng Pamantasan ang ilan sa mga cheer nito kagaya ng Rektikano, Zama Zipa Zam, Yamakadep, at Strawberry Shortcake. Habang lumilipas ang

panahon, patuloy na nadadagdagan ang mga nakaugaliang cheer. Upang lalo pang mapaganda at mapaunlad ang mga nakasanayan nang napakinggan ng mga Lasalyano, nadagdag ang cheer na “Bumakaya” noong 1995. Isa rin ang “Wild Thing” sa mga sumikat na cheer ng DLSU noon pang 1960s. Ayon nga kay Leogardo, “The squad constantly strives to innovate and improve its set of skills, cheers and other competencies. We always have new drum beats and cadences and variations of our existing cheers in the works.” Dagdag pa niya, para sa isang manonood, hindi masyadong mapapansin ang mga pagbabagong ito ngunit sinisigo niyang humuhusay at lumalakas pa ang Lasallian cheering tradition. Ayon din sa kanya, naka-depende sa lugar na pagtatanghalan ang gagamitin nilang mga cheer. “It depends on the pick-up of our crowd, mainly. When we have huge audiences in large venues like the Araneta Coliseum, we would likely perform the better-known cheers to make sure everyone can follow and appreciate the performance,” ani Leogardo Sa kabila nito, itinatanghal naman ng Animo Squad ang mga hindi gaanong kilalang cheer kung kakaunti ang mga manonood o maliit na lugar lamang ang pinagdarausan ng laban. “We sometimes venture into performing the less-known cheers so that kahit paano, we are still able to present these in public, let the people know that, ‘Yes, these are Lasallian cheers,” salaysay ni Leogardo. May ilang cheer din ang DLSU na hindi na masyadong nagagamit tulad ng “Strawberry Shortcake” at “Haydee.” Depensa naman ni Leogardo, “Wala naman kaming cheers na totally hindi na nagagamit. There are just some cheers that are either not as popular with the La Salle audience, or are admittedly difficult to follow or join in.” Pagdating naman sa drum beats, masasabing ang “Ocho” at ang “Drum Roll” ang mga sumikat at nakilala. Ipinaliwanag ni Leogardo na ang “Ocho” o ang eight-beat cheer ang naririnig tuwing nag-uumpisa ang half-time performance ng grupo. Ang “Drum Roll” naman ang nagsisilbing beat sa popular

tukuyin kung sino ba talaga ang lumikha sa mga cheer na ito. Para kay Leogardo, hindi na mahalaga kung sino ang lumikha ng iba’t ibang Lasallian cheers kundi kung paano ito ginagamit sa paglipas ng panahon. Ayon kay Leogardo, “To us, and I guess for every Lasallian out there, it doesn’t matter who created the cheer, but how it is used and passed down over the years.” Ibinigay na halimbawa ni Leogardo ang “Bumakaya” cheer. Aniya, sa tuwing itinatangal nila ang Bumakaya, hindi nila iniisip si Jaime Dy, ang gumawa ng nasabing cheer noong 1990s. “All we know and care about is that this is a Lasallian cheer, original and powerful,” salaysay ni Leogardo. Paghahanda sa hinaharap Sa kasalukuyan, patuloy pa rin sa pamamayagpag ang Animo Squad bilang kinatawan ng ating Pamantasan sa larangan ng cheerleading. Hindi man sila ang lumalaban sa court, makikita ang kanilang suporta sa Pamantasan sa bawat cheer na kanilang isinisigaw at sa kanilang bawat hampas sa drum. DLSU Pep Squad man o Animo Squad, ang mga pangalang ito ang nagbibigay sa ating Pamantasan ng karangalan. Sa kabila ng suportang ibinibigay ng Animo Squad sa ating mga atleta, huwag nating kalimutang kinakailangan pa rin nila ang ating pagtangkilik. Hindi lamang sana sa mga laro o laban ng mga atleta natin isisigaw ang mga salitang “Animo La Salle!” ngunit palagi nating dalhin ang diwa ng ANIMO bilang mga Lasalyano. Mga kuha ni Althea Geronilla

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

3

Retired Jerseys: Tagum
awat student-athlete, nangangarap at nagpupursige na makapaguwi ng karangalan para sa kanyang pamantasan sa pamamagitan ng pagkamit ng mga tropeo at medalya. Ngunit maliban sa mga gantimpalang ito, pinaka-aasam din ng kahit sinong atleta ang makitang nakabandera ang kanyang sariling jersey sa haligi ng kanyang pinakamamahal na pamantasan. Kaya naman, malaking karangalan para sa kahit sinong atleta ang mairetiro ang kanyang jersey dahil bukod sa mababandera ito, hindi na rin maaaring gamitin ng kahit sino ang kanyang numero kailanman. Maliban sa mga prebelihiyong ito, isang patunay sa kanyang angking kakayahan ang pagreretiro ng kanyang jersey sa isang institusyon tulad ng Pamantasang De La Salle (DLSU), sapagkat ipinapakita nito ang bigat ng kanyang kontribusyon sa tagumpay ng koponang kanyang kinabibilangan. Pagpili ng retired jerseys Iba sa ating nakasanayan ang pagbibigay ng karangalan na maretiro ang isang jersey number sa DLSU. Walang pormal na pamantayang sinusunod sa pagpili ng mga atletang bibigyan ng karangalang ito ang Office of Sports Development (OSD). Ayon kay Edwin Reyes, Direktor ng OSD, wala namang dokumentong nagsasaad ng mga pamantayan ukol sa pagreretiro ng numero o jersey. Ngunit binanggit niyang

B

Diana Marie Encinas, Del Camille Robles at Janice Rodriguez

kinakailangang may magrekomenda sa isang atleta upang makunsidera para sa nasabing parangal na kadalasang ang mga Lasallian Brother ang gumagawa. Kapag may nairekomendang atleta, dito pa lamang gagalaw ang OSD upang tingnan ang mga naiambag ng nasabing atleta bago kunsiderahing iretiro ang kanyang jersey. Ani Reyes, “Kailangan may championship ka or some sort of championships na record breaking in a way para ma-justify sa community to retire the jersey.” Karaniwang nireretiro ang isang jersey pagkatapos na magtapos ng nasabing atleta. Hindi naman pinipilit ang isang atleta upang iretiro ang kanyang jersey. Ayon pa kay Reyes, maaaring tumanggi ang isang atleta kung ayaw nitong iretiro ang kanyang jersey. Sa mundo ng palakasan, hindi na matatawaran ang galing ng mga manlalaro ng DLSU. Sa kabila ng hindi mabilang na mga mahuhusay na manlalaro ng DLSU mula sa iba’t ibang koponan, apat na atletang Lasalyano pa lamang ang nagkaroon ng pagkakataong mairetiro ang kani-kanilang jersey at numero. Sa kasalukuyan, ang mga jersey nina DLSU Green Archers Kurt Bachmann, Lim Eng Beng, Florendo “Ren-Ren” Ritualo Jr. at DLSU Lady Spiker Manilla “Illa” Santos pa lang ang napapabilang sa prestihiyosong “retired jersey” na makikita sa ika-siyam na palapag ng Enrique Razon Sports Complex.

“Kailangan may dream ka to be somebody in the future, everything in this world. Kailangan may determination, hard work and sacrifices to be a great player. You have to play with your heart.” -Lim Eng Beng
Lim Eng Beng (Green Archer: 1971-1974) Taong 1974 naman nang inirekomenda ni Br. Gabriel Connon, ang pangulo ng DLSC noong panahong iyon, ang jersey number 14 ng isa rin sa mga Green Archer Legend na si Lim Eng Beng. Apat na taong naglaro si Lim sa ilalim ng koponan ng Pamantasan (1971-1974) at sa panahong ito, hindi na rin mabilang ang mga nagawa niyang kasaysayan dito at maging sa NCAA. Ani Lim, “My jersey was retired maybe because of what I have done for the school by winning the championship for La Salle in 1971 and 1974 after 15 years of no championship.” Malaki ang naging partisipasyon ni Lim upang maipanalo ng Green Archers ang kampeonato noong 1971, ang kauna-unahang kampeonato ng koponan sa loob ng labinlimang taon sa NCAA at sinundan pa ito ng isa pang kampeonato noong 1974. Maliban sa mga ito, kasalukuyang hawak din ni Lim ang all-time record para sa pinakamaraming puntos na naitala ng isang manlalaro ng NCAA Basketball (55 puntos) at gayundin ang all-time record para sa pinakamataas na average points per game ng isang manlalaro sa NCAA (32 points per game). Si Lim din ang nag-iisang manlalaro sa NCAA Basketball na nagkaroon ng mahigit 400 puntos sa isang season (433 puntos). Dahil sa mga tagumpay na nakamit niya sa larangan ng basketball, maraming parangal ang natanggap ni Lim sa huling taon niya bilang Green Archer kagaya ng NCAA MVP, Most Popular NCAA Player, Mr. Basketball, La Salle Sportsmanship Plaque of Recognition at Varsity Player of La Salle. Binigyan din siya ng Sports Hall of Fame Award ng De La Salle Alumni Association noong 1998. Namayagpag pa rin ang galing ni Lim maging sa larangan ng professional basketball. Patunay nito ang ilang mga kampeonatong napanalunan niya sa Philippine Basketball Association (PBA) at pagkahalal sa kanya bilang isa sa mga manlalarong kabilang sa PBA’s 25th Anniversary All-Time Team noong 2000.

Kurt Bachmann (Green Archer: 1956-1959) Isa sa mga pinakatanyag na manlalaro noong high school si Kurt Bachmann noong naglalaro pa lamang siya para sa koponan ng La Salle Green Hills (LSGH). Sa katunayan, itinuturing siyang star player ng koponan na naglalaro noon para sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Juniors Basketball Division. Umugong pa lalo ang pangalang Bachmann nang pamunuan niya ang koponan ng LSGH sa pagkuha ng kampeonato noong 19551956 NCAA Season. Ipinagpatuloy ng LSGH standout ang kanyang paglalaro sa ilalim ng koponan ng De La Salle College (DLSC) nang tumuntong siya sa kolehiyo noong 1956. Sa unang taon pa lamang niya bilang isang Green Archer, hindi na niya binigo ang pamayanang Lasalyano nang pamunuan niya ang koponan sa pagkamit ng kampeonato sa 1956-1957 NCAA Senior’s Basketball Division. Kasabay nang pagkapanalo ng DLSC, pinagkaloob naman kay Bachmann ang NCAA MVP award. Sa huling taon ni Bachmann bilang Green Archer, ipinaretiro ni Br. Lucian Athanasius FSC, ang pangulo ng DLSC noong panahong iyon ang kanyang jersey number 33. Ito ang naging daan upang makilala si Bachmann bilang kauna-unahang atletang Lasalyano na nakapagsabit ng kanyang jersey sa dingding ng DLSU. “I am proud and thankful to the school for retiring my jersey and my number. No one can use jersey number 33,” pahayag ni Bachmann sa nakamit na parangal. Kuha ni Diana Marie Encinas, Andrea Paliza at larawang halaw sa internet

4

ERENSYA

mpay panghabambuhay
“Ang pangarap ko lang ay ibigay ang aking lahat ng makakaya sa sport na kung saan alam kong mag-eexcel ako. ’Di ko akalain na may makakapansin ng dedikasyon, oras at pagod na binigay ko para sa team at sa school,” - Manilla Santos

Renren Ritualo (Green Archer: 1997-2001) Pagmamay-ari naman ni dating Green Archer at kasalukuyang manlalaro ng PBA na si Florendo “Ren-Ren” Ritualo, Jr. ang pangatlong retiradong jersey ng DLSU na may numerong 4. Hindi man nagawang iuwi ni Ritualo ang MVP o ang pinakamataas na indibidwal na parangal sa UAAP, hindi ito naging hadlang upang mapabilang siya sa mga pinakamagagaling na manlalaro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) basketball noong 1990s. Sa loob ng limang taong (1997-2001) paglalaro sa koponang Green Archers, maraming karangalan ang naiuwi ni Ritualo. Ilan lang sa mga ito ang UAAP Season 61 Rookie of the Year, UAAP Season 64 Finals MVP at apat na sunud-sunod na kampeonato sa UAAP mula Season 62 hanggang Season 65. Kaya naman isa siya sa mga piling atletang nakapagretiro ng kanyang numero matapos ang paglalaro sa DLSU. Sa kabila ng sunud-sunod na kampeonatong naiuwi ni Ritualo para sa DLSU, naniniwala siya na hindi lang ito ang mga dahilan kung bakit napili siyang magretiro ng kanyang jersey. Aniya, “Mabuti akong estudyante. Isa ring dahilan ay ang aking leadership at guidance na naipakita ko sa aking mga kaibigan at teammates.” Katulad ng iba, hindi rin matatawaran ang sayang naramdaman ni Ritualo nang iretiro na niya ang kanyang jersey. Dagdag pa niya, “S’yempre, I am honored and proud [lalo na’t] bihira lang ang ganitong pagkakataon.” Puso para sa napiling larangan Para sa mga nais sumunod sa mga yapak nina Bachmann, Lim, Ritualo at Santos, nagbigay ng payo ang mga tinuturing nating pinakamagaling na mga atletang Lasalyano. Ayon kay Lim, “Kailangan may dream ka to be somebody in the future, everything in this world. Kailangan may determination, hard work and sacrifices to be a great player. You have to play with your heart.” Parehong naniniwala sina Bachmann at Ritualo na hindi lamang sa paglalaro dapat maging mahusay ang isang atletang nangangarap na maretiro ang kanyang numero, kailangan ding mabalanse nila ang kanilang pag-aaral at hindi maging magpabaya. Ani Bachmann, ”They cannot neglect their studies or they will not play, they have to have both. So they have to study. They have to make sure that their jersey will be retired someday properly.” Para naman kay Reyes, consistency umano sa paglalaro ang isa sa mga kailangang isaalang-alang ng mga atleta upang magkaroon ng pagkakataong makapagretiro ng kanilang numero. “Just do your best all the time. Dapat may consistency ka. You have to be consistently good [in playing]. You have to play for the school and not for yourself,” salaysay ni Reyes. Sa kasalukuyan, abala na sa pangangasiwa ng kanyang negosyo si Bachmann habang patuloy naman sa kanyang hilig si Lim Eng Beng bilang coach ng Chiang Kai Shek College basketball team. Samantala, patuloy pa rin sa paglalaro ng basketball si Ritualo sa PBA sa ilalim ng koponang Air21 Express habang kasalukuyan namang empleyado si Santos ng Philippines Tektite Company.

Manilla Santos (Lady Spikers: 2002-2009) Gumawa naman ng malaking kasaysayan sa mundo ng pampalakasan ng DLSU si Lady Spiker Manilla “Illa” Santos nang siya ang kauna-unahang babae at hindi miyembro ng Green Archers na nakapagretiro ng kanyang numero. Matapos mabingwit ng Lady Spikers ang kampeonato noong UAAP Season 71, sa pangunguna ni Santos, nagtapos ang karera ng numero 14 ng Lady Spikers. Sa taong ding iyon, tinanghal siya bilang UAAP Season 71 Women’s Volleyball Season MVP at best receiver. Maliban sa mga nasabing gantimpalang natanggap ni Santos noong 2009, naging malaking salik din siya sa 3-peat UAAP Championships ng DLSU noong 2003-2005 at back-to-back Championship ng koponan sa Shakey’s V-League noong 2005-2007 . Sa kabila ng mga tagumpay na naiuwi ni Santos para sa koponan ng Lady Spikers, hindi niya nagawang maisip na mareretiro ang kanyang numero. Ayon pa nga sa kanya, “Ang pangarap ko lang ay ibigay ang aking lahat ng makakaya sa sport na kung saan alam kong mag-eexcel ako,” kaya naman hindi lubusang mapaniwalaan ni Illa ng mapili siya bilang kauna-unahang babaeng magretiro ng jersey. “’Di ko mali[li]mutan [ang] lubos na kaligayang naramdaman [ko] [kapag] naalala [ko] ang award na iyon. ’Di ko akalain na may makakapansin ng dedikasyon, oras at pagod na binigay ko para sa team at sa school,” pagbabahagi pa ni Santos.

”They cannot neglect their studies or they will not play, they have to have both. So they have to study. They have to make sure that their jersey will be retired someday properly.” - Kurt Bachmann

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

La Salle Salle La Salle La
5

tinuturing ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) bilang isa sa pinakapremiyadong liga ng bansa. Bukod sa napapanood ito sa telebisyon, kakaiba rin ang tindi ng mga atletang magkamit ng tagumpay para sa kani-kanilang mga pamantasan. Kasama sa mga atletang ito ang mga manlalaro ng De La Salle University (DLSU) na hayok na hayok sa pagkamit ng karalangan para sa Pamantasan. Sa kabila ng napakarami nang tagumpay ng mga atletang Lasalyano, hindi pa rin naisasakatuparan ng Pamantasan ang hangarin nitong maiuwi ang General Championship (GC) ang itinuturing na pinakamalaking karangalan sa UAAP para sa anumang Pamantasan. Ngayong ang DLSU na ang magiging punong abala sa UAAP Season 73, abot-kamay na nga ba ng ating Pamantasan ang General Championship (GC)?

I

Ang DLSU at ang pangarap na General Championship
Lorenz Jay Domingo at Maveric Mallari Gaano na kalayo ang ating narating? Lingid sa kaalaman ng marami, hindi pa nagagawang makuha ng DLSU ang GC sa UAAP sa loob ng higit sa 20 taong pagiging miyembro nito sa nasabing liga. Sa kabilang banda nagawa namang iuwi ng DLSU ang GC sa National Collegiate Athletic Association ng limang beses noong mga taong 1973,1975, 1977, 1978 at 1979. Ayon kay Edwin Reyes, Direktor ng Office of Sports Development (OSD), “I think we’re on track. We’re on track as to our target, which is primarily to cut the lead of UST (University of Santo Tomas). To see how and where we can move forward in progress as we get our way to that elusive general championship.” Hindi maikakailang ang UST ang puntirya ng lahat ng pamantasang naghahangad na makuha ang GC sapagkat hawak ng Espana-based squad ang huling 12 GC ng UAAP. Sa kabilang banda, tatlong taon nang pumapangalawa ang DLSU sa total GC tally mula pa noong 2006. Sa tatlong taon na ito, pataas rin ng pataas ang nakukuhang kabuuang puntos ng DLSU sa GC tally. Kasabay ng pagsubok ng DLSU na makuha ang GC, hindi nito nakakalimutan na pagaaral pa rin ang pangunahing dahilan kung bakit nasa Pamantasan ang mga atletang Lasalyano. Ayon kay Gerardo Achacoso, Tournament Coordinator ng OSD, “We have three benchmarks kasi. First, against UST the General Champion. Second, ourselves and how we did last year. And lastly, the Lasallian Values.” Patuloy na pagkislap o patuloy na pagdilim? Sa patuloy na pagsubok ng DLSU na makuha ang GC, mayroong mga koponan na palagiang nag-aambag ng malaking puntos sa GC Tally gamit ang kanilang mataas na puwesto sa kanilang dibisyon. Kabilang sa mga koponang ito ang Lady Booters na pinamumunuan ni Coach Hans Smit. Ani Smit, disiplina, pasensya at kagustuhang matuto ang naging susi ng Lady Booters sa patuloy na pagkamit ng karangalan para sa Pamantasan. “Siguro [ang lamang namin sa ibang koponan is ‘yung] pagka-senior na coach [ko]. I have a different style of coaching, understanding ng game at pag-hawak ko sa mga player ko. Iba ang relationship namin, kaya may mutual understanding kami,” salaysay ni Smit. Naniniwala rin si Smit na maipagpapatuloy ng kanyang koponan ang pagkamit ng tagumpay sa pamamagitan ng pagsasanay sa fundamentals sa paglalaro ng soccer at pagbibigay ng lakas ng loob at puso upang maglaro sa abot ng kanilang makakaya. Hindi naman maikakaila na mayroon pa ring mga koponan sa DLSU na hindi pa gaanong nakakatulong sa layunin ng Pamantasang makuha ang GC. Sa nakaraang apat na taon, hindi pa pinapalad ang Green at Lady Fencers na makapagtapos sa top 4. Ayon kay Green at Lady Fencer Head Coach Ramil Edriano, pangunahing problema ng kanyang koponan ang kakulangan sa recruits. Ani Edriano, “Kasi ‘yung mga fencer natin, dito na sa La Salle natutong mag-fencing. So magte-training sila pero kung kailan magaling na sila, ga-graduate na sila.” Sa kabila nito, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Edriano sa kanyang koponan. “Alam naman namin na

Pagkamit sa tugatog ng tagumpay:

6

ERENSYA

mga coach ng bawat koponan. Ani Reyes, may potensyal din naman ‘yung mga fencers “The truth is kapag magaling ang coach namin dito. Kulang pa pero darating din kami mo, may network siya, magaling siyang hudoon sa dinidream namin na makakuha ng mawak o mag- enhance ng mga bata at matrophy,” pagtatapos ni Edriano. runong siyang mag-recruit.” Dagdag pa ni Mula sa mababang puwesto noong Reyes, hindi naman maiiwasang paminsannakaraang mga taon, nagawa namang minsang nauunahan ang Pamantasan umangat ng Green Batters ngayong taon sa pagkuha ng mga atleta mula sa high tangan ang kanilang final four finish. school. Ayon kay Green Batter Assistant Coach Puntirya rin ng OSD na mabigyan Joseph Orillana, “Sabi nga namin, kung ‘di ng sapat na benepisyo ang mga atleta man namin kaya ‘yun (mag-champion), kung kapalit ng pagbibigay ng kanilang talagang dadaan tayo sa butas ng karayom, buong makakaya sa paglalaro. “You at least makuha natin final four.” Dagdag pa have to provide the support necessarily. ni Orillana, ginagawa nilang inspirasyon ang You try not pagkuha ng “We’re right on track and we have ev- to be with any Pamantasan sa GC upang ery reason to believe on our recruitment reasons to not give their best,” mas galingan pa lalo sa process. With our programs, developing dagdag pa ni Reyes. kanilang mga personality enhancement, formation of Nais din ng laban. “At least our coaches, formation of athletes, we OSD na punan ang mga pangapara kahit ngailangan ng p a p a a n o , will get there eventually...” mga atleta tulad kung makuha -Edwin Reyes, Direktor ng OSD ng mga kagamitan man yung GC, sa training, uniforms, academic support isa tayo (Green Batters) sa naka-contribute,” maging ang dorms o sasakyan patungo sa pagtatapos ni Orillana. Pamantasan. Sinisiguro rin ng OSD na hindi na Mga hakbang sa pagkuha ng kakailanganin pa ng mga atletang bumili ng natatanging pangarap kahit na anong parte ng kanilang unipormeng Naging maganda man ang huling mga panlaro. Nagpatupad rin ang OSD ng bagong taon ng UAAP para sa DLSU, hindi pa rin formation program para sa mga atleta at humihinto ang OSD upang mas pagandahin itinulad ito sa programa na ginagawa ng pa ang programa nito para sa mga atleta. Student Publications Office at Council of Kabilang sa mga pinagtutuunan ng OSD ang Student Organizations. Ayon kay Reyes, walang formation program ang OSD para sa mga atleta at kanyakanya ang mga koponan sa pagsasagawa ng kanilang mga aktibidad. Hinalaw na rin ng OSD ang Lasallian Formation and Action Team para sa mga team building activity ng bawat koponan. Dagdag pa ni Reyes, naging maganda ang kinalabasan ng recruitment process nila ngayong taon. Dahil dito, inaasahan nilang magtapos sa upper half ng torneo ang

mga koponan ng DLSU upang masigurong mapapasakamay ng DLSU ang GC. Sa pagtatapos ng lahat Maganda man ang kinalabasan ng mga nakaraan season at nakahanda man ang mga plano ng OSD para sa darating na season, naniniwala si Reyes na hindi pa ngayong taon makukuha ng DLSU ang GC. Ani Reyes, “We’re right on track and we have every reason to believe on our recruitment process. With our programs, developing personality enhancement, formation of our coaches, formation of athletes, we will get there eventually but not maybe next year.” Sa kabila nito, hindi pa sarado ang pinto upang hindi natin makamit ang pinakaaasam na GC. Patuloy pa rin ang pagbibigay ng mga atletang kanilang buong makaya upang itaas ang watawat ng ating Pamantasan.

UAAP Season 72 General Championship Tally

Dibuho nina Jed Ramos, Allan Bacar, Kristopier Angeles Denice Paragas, Rigel Napa, at JunHyeok Do

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

7

PASINAYAN:
DLSU at ang UAAP Season 73
Rae Marie Africa, Hosanna David at Marvin Umandap a ika-100 taon ng Pamantasang De La Salle (DLSU) bilang isang premiyadong institusyong pangkarunungan, tatatak din sa kasaysayan ang pinakaaabangang pangangasiwa nito sa Season 73 ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP). Isang malaking oportunidad ito para sa Pamantasan upang ipakita ang galing nito sa isports maging sa pamamahala ng malalaking pagtitipon. Hindi maikakailang mahusay ang ipinakitang pamumuno ng ibang mga miyembro ng UAAP sa mga nakaraang season, kaya naman isang hamon ngayon para sa DLSU na pangunahan ang nasabing ligang pampamantasan. Sa kasalukuyan, mabusising pagpaplano ang ginagawa ng Pamantasan dito, lalo na ang Office of Sports Development (OSD) at bawat koponan ng DLSU. Alamin natin ang bawat piraso ng kanilang paghahanda para sa ligang pinakaaabangan ng lahat. Anu-ano kaya ang mga bagong maihahandog ng DLSU sa pagiging punongabala sa pangangasiwa ng susunod na Season? Mga planong inilapat ng bagong punong-abala Sa kasaysayan, tatlong beses pa lamang naging punong-abala ang DLSU sa UAAP. Nagsimula ito sa Season 51 noong 1988-1989, na sinundan naman ng Season 59 noong 19961997 at Season 67 noong 2004-2005. Sa paglipas ng limang season, muling pangangasiwaan ng DLSU ang UAAP ngayong 2010-2011. Mas maaga ito kumpara sa normal na pag-ikot ng pamamahala sapagkat sa Season 75 pa sana magiging punong-abala ang DLSU. Pinili ng DLSU na makipagpalit sa National University, orihinal na host ng UAAP Season 73, ng taon ng pangangasiwa, dahil na rin sa layunin nitong gamitin ito upang mas maipakilala ang pagdiriwang ng sentenaryo ng Pamantasan sa susunod na taon. Sa isang press conference na isinagawa sa North Conservatory ng DLSU noong Hunyo 1, napag-usapan ang mga inilapat na plano ng Pamantasan para sa pangangasiwa ng UAAP Season 73 kabilang ang tema nitong “Where heroes are made”. Ayon kay Edwin Reyes, Direktor ng OSD, napili ang temang ito dahil naniniwala silang maaaring madiskubre ng mga atleta sa kanilang sarili ang hangganan ng kanilang kagitingan para sa bayan sa pamamagitan ng partisipasyon sa mga laro ng UAAP. Pinalawig naman ito ni Br. Bernard Oca FSC, Executive Director ng OSD at sinabing makikita ang mga bayani sa mga atleta sa tatlong paraan: sa pagbibigay ng lahat ng kanilang makakaya, sa pakikibuklod sa paninindigan at mithiin

S

ng liga, at sa pagsisilbing inspirasyon sa iba bilang mga atleta. Kaugnay ng nasabing tema, matutunghayan na rin sa ngayon ang teaser ng DLSU para sa bagong season ng UAAP na makikita sa mga video streaming sites tulad ng Youtube. Makikita sa teaser video na ito ang iba’t ibang paglalarawan sa mga mascot ng mga pamantasang kalahok sa UAAP. Pinaghandaan nang mabuti ang naturang teaser at talaga namang kaabang-abang na ito sa mga manonood base sa dami ng positibong reaksyong makikita tungkol dito sa Internet. Samantala, pinaghahandaan na rin ngayon ng DLSU ang Opening Program ng Season 73 na nakatakdang ganapin sa Hulyo 10 sa Araneta Coliseum. Sa katunayan, kasalukuyan nang nag-eensayo ang mga magtatanghal na kinatawan ng Pamantasan para sa programa. Matutunghayan dito ang ilan sa mga prominenteng alumni ng DLSU na magtatanghal kaugnay sa sentenaryo ng Pamantasan at pagpapasinaya ng UAAP Season 73. Magsisilbi namang opening game sa basketball ang laban sa pagitan ng DLSU Green Archers at UP Fighting Maroons. Alamin ang mga bago Bago ang Season Opening sa Hulyo 10, nagsagawa na ng paunang pagdiriwang para rito ang DLSU na isinabay noong Centennial Kick-Off Celebration noong Hunyo 16 sa Central Plaza. Doon inanunsiyo ni Oca ang mga paghahanda ng Pamantasan sa bagong season ng UAAP maging ang mga aasahang bagong laro at mga alituntunin sa liga. Una sa mga bagong ihahandog sa Season 73 ang mga paligsahan sa street dance at drum line. Kaya naman bukod sa taunang Cheerdance Competition ng UAAP, aasahan din ng mga manonood ang tagisan ng mga pamantasan sa mga kumpetisyong nabanggit. Mas magiging mahigpit umano ang pangangasiwa sa dami ng mga manonood at pagbibigay ng prayoridad sa mga tagasuporta ng mga manlalaro o koponan sa mga laro upang makontrol ng maayos ang mga manonood sa Araneta Coliseum sa kahilingan na rin ng mga tagapangasiwa nito. Bibigyan din ng unang prayoridad ang mga manonood na mula sa mga pamantasang kalahok sa mga partikular na laban, bago ang mga manonood na mula sa ibang pamantasan. Habang plantsado na ang mga bagong larong ihahandog at mga bagong alituntunin sa bagong season ng UAAP, umaasa sina Oca at Reyes na magiging masigasig ang mga kasaping pamantasan sa pag-abot ng tagumpay sa lahat ng mga laro. Sa bawat paligsahang lalahukan ng mga atletang mag-aaral, nararapat ding

isaalang-alang ang kahalagahan ng pagbibigay nila ng lahat ng kanilang makakaya. Sa papalapit na UAAP Season 73, siguradong isa na namang umaatikabong season ang mararanasan ng mga manlalaro at manonood nito dahil sa puso at pagpupunyaging ibinibigay ng mga atleta sa bawat larong k a n i l a n g haharapin.

Mga larawan mula sa UAAP Season 73 Teaser Video

8

ERENSYA

AGBUNYING MAP UNANG SABAK!
T
Rae Marie Africa, Precious Que at Maveric Mallari Mga kuha nina Amanda Fernandez, Aziel Ocampo at Harlene Ilagan at mga retrato mula sa Office of Sports Development agumpay. Ito ang minimithi ng bawat atleta. Pangarap ng bawat isang makilala sa kanikanilang piniling larangan. Ang mga parangal na iginagawad sa pagtatapos ng laro, lalung-lalo na sa pagtatapos ng isang torneo, ang puntirya ng bawat manlalaro. Ilan lamang sa mga ito ang MVP, Best Player, Mythical Selection at iba pa. Kaiba sa mga parangal na nabanggit ang Rookie of the Year (ROY) sapagkat mayroon ka lamang iisang pagkakataon upang mapagwagian ito. Bilang mga pinakamahuhusay na baguhan sa kanilang napiling larangan, inaasahang sila ang magdadala sa kani-kanilang mga koponan sa hinaharap. Sa pagbubukas ng bagong season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), ating kumustahin ang kinabukasan ng mga Atletang Lasalyano na nagsipagwagi ng ROY sa UAAP 72! GREEN SPIKER CHRISTOPHER MICHAEL ANTONIO

LADY NETTER DANICA BOLOS

LADY TENNISTER REGINA SANTIAGO

Dating manlalaro si Bolos ng Camp General Emilio Aguinaldo High School badminton team at naging kinatawan nito sa Palarong Pambansa noong 2009. Sa kakatapos lamang na UAAP Season 72, naging matinik ang kanilang kombinasyon ni Descka Calimlim bilang doubles pair ng Lady Netters na naging kampeon ng Women’s Badminton division. Kinalaunan, iginawad kay Bolos ang ROY award bilang pagkilala sa kanya bilang natatanging rookie sa kanyang larangan. Para sa kanya, ang kanyang hangaring manalo ang nagpaangat sa kanya sa ibang mga rookie. Aniya, “Tingin ko ang lamang ko sa kanila (mga ibang rookie), experience [at] determination na manalo. Gusto ko talaga manalo e, para sa school [at] para sa family ko.” Ayon kay Bolos, inaasahan niya na maging ROY sa pagsisimula ng torneo ngunit nagalangan na siya sa pagpapatuloy ng UAAP. “’Yung goal niya (Lady Netter Head Coach Owen Lopez) sa akin, na maging rookie of the year ako kaya pinagbutihan ko na lang ‘yung paglalaro ko. ‘Saka tingin ko kasi wala akong kalaban na maging rookie of the year kasi ‘yung mga malalakas [na player] nasa high school pa o kaya mas ahead sa akin,” salaysay niya. Matapos mapagwagian ang ROY, sunod na niyang puntirya ang MVP at muling magkampeon ang kanyang koponan sa darating na season ng UAAP.

Bata pa lang, pangarap na ni Antonio ang magkapaglaro para sa DLSU. Nag-umpisa siya sa Divine Light Academy at nagpakita ng kanyang galing bilang isang manlalaro. Ilan lamang ang Mythical 6 at MVP sa Las Piñas Schools Athletic Association at PGMA Award for Athletics sa kanyang mga nagpagwagiang parangal noong high school. Dahil sa mga parangal na ito, nagtagumpay si Antonio na makamit ang pangarap niyang maging bahagi ng DLSU Green Spikers sapagkat napili siyang i-recruit ng Head Coach nitong si Sammy Acaylar. Para kay Antonio, ibang-iba ang paglalaro sa kolehiyo kumpara sa high school. “Hindi biro ang laro dito, kung mananatili ka sa larong high school, lalampasuhin ka lang ng iyong mga kalaban, natuto akong mag-adjust dahil sa pag-gabay at sa tulong ni Coach Sam,” salaysay ni Antonio. Hindi niya inaasahang makukuha ang ROY sapagkat hindi pumasok ang kanilang koponan sa Final Four. Naging inspirasyon niya ang nakuhang parangal upang lalo pang paghusayan ang kanyang paglalaro. Hindi rin nakakalimutan ni Antonio na isang teamsport ang volleyball. Para sa kanya, kahit gaano pa kagaling ang isang manlalaro, ang pagkakaisa pa rin ang magiging basehan ng tagumpay ng isang koponan. “Wala na kong hihilingin pang iba kung hindi mag champion ang aming team. Iba ang pakiramdam ng champion team, at dun na kami tutungo,” pagtatapos ni Antonio.

Kilala na si Santiago sa larangan ng lawn tennis dahil naging kinatawan siya ng Pilipinas sa World Juniors Tennis Championships at naging parte ng Junior Philippine team. Nagkamit din siya ng iba’t ibang mga parangal sa high school gaya ng Athlete of the Year, at MVP. Sa kabila ng pagtanggap ROY award sa kanyang pagtuntong sa kolehiyo, puntirya pa rin ni Santiago na makamit ang kanyang pangarap na makilala sa buong mundo. Ayon kay Santiago, naging madali para sa kanyang makisabay sa training sa kolehiyo dahil sa kanyang karanasan noong high school. Ayon kay Santiago,“Sa totoo lang, mas marami akong competitions noong high school. Mas maraming beses ako lumabas ng ibang bansa. Mas mahirap ang mga laban ko noon. Kaya mas madali akong nakapagadjust.” Maraming kolehiyo at Pamantasan ang nag-recruit sa kanya, subalit mas pinili niyang pumasok sa DLSU sapagkat suportado na siya nito simula pa noong nasa ikawalang taon sa high school pa lamang siya. Nais din ni Santiago na makapag-aral sa Eastern Washington University, sa paniniwalang mas matututukan niya ang kanyang paglalaro rito. Sa ngayon, nais niyang gawin ang lahat upang mas lalo siyang gumaling sa larangan ng tennis.

Sundan sa Pahina 10

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

9

Mula sa Pahina 9
LADY SPIKER JOANNE SIY

LADY BOOTER ADRI YNIGUEZ

Pitong taon nang manlalaro si Siy ng Philippine Institute of Quezon City Volleyball team at naparangalan bilang Mythical 6 sa Dan Landry Cup. Sa pagtatapos ng UAAP Season 72, nakamit niya ang Best Blocker at ROY award na resulta ng kanyang paghihirap at tiyaga sa pag-eensayo araw-araw. Naging mahirap para kay Siy na makisabay sa ensayo ng Lady Spikers sapagkat ibang-iba ang mga drill nito mula sa nakagawian niya noong high school. Aminado rin siyang iba ang lebel ng kanilang mga nakakaharap sa kolehiyo kumpara noong nasa high school siya. Ani Siy, “Hindi ko ine-expect na maging ROY sa kadahilanang pare-pareho kaming (rookies) magagaling at maraming skills. Marahil ay malaki ang naitulong ng blocking skills ko upang makamit ito.” Sisiguraduhin ni Siy na magiging mas magaling pa siya sa susunod na mga ensayo at aayusin ang kanyang mga pagkakamali para sa team. Puntirya ni Siy na makabawi at muling makamit ng Lady Spikers and kampeonato sa UAAP Season 73. GREEN TENNISTER PEMRICK ALINA

Naging matagumpay ang taong ito para kay Yniguez dahil sa pagkamit niya ng ROY award sa kakatapos lamang na UAAP Season 72 Women’s Football. Hindi niya inaasahang makamit ang parangal sapagkat inakala niyang hindi maganda ang kanyang naging mga para sa koponan. Aniya, “I really thought I would be one of the worst players because when I knew La Salle’s team before, I knew them as really [really] good players. And I underestimated myself.” Dating manlalaro si Yniguez ng University of Baguio Science High School bago naging atletang Lasalyano. Nakamit na rin niya ang MVP award mula sa Gothia Cup at sa 2nd Baguio Invitational Tournament. Ayon kay Yniguez, naging maayos ang kanyang paglalaro dahil na rin sa tulong ng kanyang coach at sa mga drill na ibinibigay sa kanilang koponan. Sa tingin niya, dapat ilabas ng iba pang mga rookie ang kanilang galing sa paglalaro. Ani ni Yniguez, “I think they (rookies) should step up because we will be seniors soon.” Kung ang UAAP Season 73 naman ang pag-uusapan, nais ni Yniguez makamit ang pagiging Best Striker o MVP para sa kanyang napiling larangan. GREEN TANKER JOHANSEN AGUILAR

ang UAAP Season 72 ROY matapos basagin ang 100m backstroke record. Patunay lamang ito sa masinsinan niyang pag-eensayo at pagmamahal sa kanyang napiling larangan. Ayon kay Aguilar, nais niyang maging kampeon ulit ang kanilang koponan sa darating na UAAP Season 73. Aminado rin siyang gusto niyang maging MVP bago siya magtapos ng kolehiyo. Para sa kanya, ang talentong ibinigay ng Diyos at ang pagkakaroon ng disiplina ang siyang magiging mga susi upang makamit ang mga ito. Hindi rin dapat mawala ang pagtutulungan ng bawat manlalaro sa kanyang koponan. “To God be the glory, Thy will be done”, pagtatapos niya. LADY ARCHER MILLER JOY ONG

Hayok sa pagkamit ng parangal si Alina. Katunayan nito ang kanyang pagiging threetime Athlete of the Year at two-time Most Outstanding Athlete of the Year bago magtapos ng high school sa Laguna College. Kahit laking-Laguna si Alina, madali siyang nakapasok sa DLSU sapagkat ni-recruit siya ni Green Tennisters Head Coach Roland Kraut. Sa katatapos lang na UAAP, nakamit ni Alina ang ROY award sapagkat hindi siya nagkamit ng talo sa kanyang mga set game. Dagdag pa ni Alina, “Magaling ang lahat ng kalaban kaya pinaghirapan ko talaga, at sa tingin ko, mas malakas ang aking fighting spirit sa court.” Bagama’t nakuha niya ang parangal, mas paghuhusayan pa niya upang matupad ang tanging hiling niya na maging kampeon ang team nila sa UAAP Season 73.

Kilala na si Aguilar bilang mahusay na manlalangoy noong nasa high school pa lamang siya. Patunay rito ang kanyang mga napagtagumpayang laban hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Kabilang dito ang pagkamit niya ng pilak na medalya sa South East Asian Age Group Competition noong 2007. Napagwagian din niya ang dalawang silver at isang bronze medal noong 2008 sa SEA Age Groups na ginanap sa Malaysia. Naging manlalaro rin siya sa Palarong Pambansa habang nag-aaral sa MGC New Life Christian Academy School. Nagawa namang masungkit ni Aguilar

Uhaw pa rin sa kampeonato si Ong sa kabila ng kanyang mga nakamit ng parangal noong high school. Ito rin ang kanyang naging inspirasyon upang ibigay ang kanyang buong makakaya para sa koponan at makuha ang ROY. Ani Ong, dating MVP ng La Salle College Antipolo, madali niyang mapakikisahaman ang koponan ng Lady Archers kung kaya napili niyang pumasok sa DLSU sa kabila ng panghikayat sa kanya ng ibang pamantasan. Para kay Ong, hindi niya masabing siya ang naging susi sa magandang kampanya ng Lady Archers noong UAAP Season 72. Hindi rin niya inasahan na siya ang gagawaran ng ROY Award. Ayon sa kanya, “Hindi [ko inexpect], parang wala ‘yun (pagiging ROY) sa isip ko. Pero masaya ako, kasi may na-achieve na ako nung high school tapos hanggang ngayong college may naachieve rin ako.” Sa kabila ng kanyang mga tagumpay, gagawin pa rin ni Ong ang kanyang buong makakaya upang dalhin ang kanyang koponan sa tugatog ng UAAP. “Para sa akin naman, hindi naman more on individual, mas gusto ko na team. Kasi high school pa lang wala pa akong naa-achieve na team na champion sa big league. Habol ko talaga ‘yung championships,” pagtatapos niya. Mga Manlalaro ng Kinabukasan Marami nang taong nakatingin sa mga ROY bilang mga premiyadong manlalarong magdadala sa kanilang mga koponan sa kinabukasan. Sa paglisan ng ilang beteranong manlalaro, inaasahang pupunan ng mga ROY ang naiwang puwesto ng mga dati nang magagaling na manlalaro ng kanilang koponan. Sa darating na season ng UAAP, sabay-sabay nating abangan ang pag-usbong ng mga mga bagong bituin ng DLSU sports!

10

ERENSYA

Aksyong hanap mo, hawak ko:

Media Groups para sa Atletang Lasalyano
agbibigay suporta, nagpapahayag at nagsisilbi sa likod ng mga nagaatikabong mga laro ang trabaho ng media groups na pampalakasan. Sa mga pagkakataong hindi mo napanood ang laban ng iyong paboritong koponan, ang mga hatid na balita ng mga media group na ito ang iyong masasandalan. Sa iyong pagbisita sa mga website ng mga grupong ito, makukuha mo ang mga resulta ng mga laro at iba pang balitang pampalakasan sa tulong ng mga grupong ito. Sa pagtahak ng De La Salle University (DLSU) sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), may mga media group tulad ng archerpride.com at greenarchers.ph na walang sawang sumusuporta at sumusubaybay sa bawat laro ng mga atletang Lasalyano. Pagsubaybay sa hangaring magtagumpay: greenarchers.ph Isa ang greenarchers.ph sa mga website na tumatalakay sa mga isports sa Pamantasan. Ayon kay Edward Perlas, moderator at founder ng greenarchers.ph, “Our goal is to strengthen school pride by highlighting the journey of our student athletes online in their quest for victory.” Patuloy na nagbibigay serbisyo ang mga taga-greenarchers.ph sa mga taga-suporta ng mga koponang Lasalyano dahil sa kanilang matinding pagnanais at pagmamahal sa napili nilang trabaho. Pinatunayan ng kanilang 12,000 fans sa Facebook, ang pagkakaroon nila ng malawak na fan base. Upang paigtingan pa ang kanilang serbisyo, sinikap nilang magbigay ng ulat mga laro ng lahat ng koponan ng Pamantasan. Gayunpaman, binanggit ni Perlas na hindi nila masyadong naiuulat ang lahat ng mga laro ng iba’t ibang koponan sa Pamantasan dahil sa kakulangan sa tauhan. Makikita sa website na ito ang mga ulat ukol sa bawat laro ng mga koponan ng DLSU partikular na sa basketball. Kumpleto ang website na ito sa mga panayam mula sa mga coach hanggang sa mga atleta at paminsanminsan ding naglalabas ng mga lathalaing pampalakasan. Mayroon ding “The Wire” feature ang website na kakikitaan ng resulta ng lahat ng laro ng mga atletang Lasalyano. Tapat na paglilingkod para sa mga Lasalyano: archerpride.com Mayo 2003 nang itatag ni Manny Bocaling, alumni ng DLSU, ang archerpride.com. Itinatag ito ni Bocaling matapos lumapit sa kanya ang ilang alumni upang gumawa ng isang website na magbibigay ng totoong impormasyon para sa lahat ng mga taga-suporta ng mga koponan sa Pamantasan. “In February of that year, six alumni approached me and complained about how the forums of another Lasallian site had deteriorated into more of groupie talk fare. They asked if it was possible to put up a site that would have no groupie talk but concentrate on discussions of DLSU sports,” salaysay ni Bocaling. Sa kasalukuyan, itinuturing ang archerpride. com bilang isang La Salle Support Site na patuloy na nagbibigay ng suporta sa lahat ng koponan ng DLSU. Ani Bocaling, “In APcom (archerpride.com), we keep bashing to the nearest minimum and do not allow rumors, innuendos, lies and speculations to be posted. Thus, for those who want only sensible and truthful discussions on DLSU teams, APcom is their site.” Nais ng archerpride.com na ipagpatuloy ang matapat at totoong pagbibigay ng impormasyon sa mga taga-suporta ng mga koponan sa DLSU. Dahil dito, agad na tinatanggal ng mga tagapamahala ng website na ito ang anumang hindi importanteng diskusyon. Ipinagmamalaki naman nilang makikita rito ang mga bagong balita sa lahat ng koponan ng DLSU. Kaakibat ng archerpride.com ang Gang Green na masugid na taga-suporta ng mga koponan ng Pamantasan sa mismong laban ng mga atleta. Nagsimula ang Gang Green nang itayo ito ng mga miyembro ng website na archerpride.com noong 2004 at tinatawag na Non-Stop Cheering Gallery. 2005 nang nahalaw ang pangalan na Gang Green na isa ring tawag sa mga fan group ng Philadelphia Eagles ng National Hockey League at Boston Celtics ng National Basketball Association. Sa ngayon, binubuo ang Gang Green ng mga mag-aaral, guro, administrator, alumni at lahat ng sumusuporta sa lahat ng laban ng DLSU Basketball. Ano man ang kalabasan ng laban, kumakanta pa rin ng sabay-sabay ng Alma Mater Song ang grupong ito patunay sa dalisay nilang suporta para sa koponan. Ayon pa kay Bocaling, tagapagtatag ng Gang Green, “Those who leave before the singing of the Alma Mater song don’t deserve to be called Lasallians.” Panig ng OSD ukol sa media groups Ayon kay Edwin Reyes, Director ng Office of Sports Development “Malaki siyang (media groups) tulong kasi nabibigyan niya [at] nako-cover niya ang mga event on the point of view ng alumni. Most of the time they are very proactive.” Maliban pa rito, nagagawa ng mga itong mapanood at maiulat ang mga larong hindi kayang mapanood at maiulat ng Pamantasan. Binibigyang pansin din ng mga grupong ito ang mga isyung madalas na hindi napapansin ng Pamantasan. Sa kabila ng mga nabanggit na produkto ng mga media group, ilang mga problema rin ang naidudulot ng mga ito tulad ng posibleng paglabas ng mga hindi totoong sabi-sabi. Ani Reyes, dapat matandaan mga grupong ito na mayroong opisinang humahawak sa mga atleta at nagbibigay ng mga hangganan sa pagtrato ng media sa mga ito. Mabuti o masama man ang naidudulot ng mga media groups na ito, bahagi pa rin sila ng pamilyang Lasalyano. “They are part of our community. Ano ba naman tayo [para] magsabi na, ‘Ano ba yan? Umalis ka diyan.’ Ano ba naman tayong pamilya? Para sa atin din naman yan,” pagtatapos ni Reyes. Pagtangkilik at suportang Lasalyano sa makabagong panahon Malaking tulong ang naibibigay ng mga media group na ito sa mga masusugid na tagasuporta ng mga koponan ng Pamantasan,. Ngayong nasa panahon na tayo ng Internet, mas napapadali nito ang pagkuha sa mga resulta ng mga larong inaabangan mo. Sa tulong ng mga media group na ito, lubos na nahihimok ang mga Lasalyanong sumuporta sa pakikipagsapalaran ng ating mga atleta. Kahit na may pagkukulang ang mga media group na ito, hindi naman mahihigitan nito ang kanilang serbisyong hinahatid at higit pa rito nakakapagbigay sila ng tulay sa pagitan ng Pamantasan at mga alumni sa larangan ng palakasan. Asahan nating patuloy na magbibigay ng kanilang serbisyo ang mga media group na ito upang mapunan ang pangangailangan ng mga Lasalyano ukol sa balitang pampalaksan ng ating Pamantasan.

N

Quino James Legaspi at Precious Que Mga larawang halaw sa internet at dibuho ni Albert Depano

ANG PAHAYAGANG PLARIDEL

11

PLARIDEL
ANG PAHAYAGANG
LUPONG PATNUGUTAN
Adrian Joseph Garcia Punong Patnugot Julie Ann Nealega Maveric Mallari Pangalawang Patnugot Tagapamahalang Patnugot - OIC
Hosanna David Natasha Juan Kenwin Francisco OIC ng Isports OIC ng Retrato Patnugot ng Sining

Mga Tagapamahala
Henri Frederic Reforeal Joselle Mariano Tagapamahalang Panloob Tagapamahalang Panlabas

MGA KASAPI
ISPORTS: Precious Que, Quino James Legaspi, Rae Marie Africa, Janine Karen Tan, Luciene Diezmos, Lorenz Jay Domingo, Ann Gregorio RETRATO: Edward Allen Lim, Aldrin Sta. Maria Aziel Ocampo, Harlene Ilagan, Althea Geronilla, Michelle Paliza SINING: Rigel Napa, Allan Bacar, JunHyeok Do, Jed Ramos, Albert Depano SENYOR NA KASAPI: Andrea Paliza, Joan Jao, Leah Patrice Paragas, Juan Kristopier Angeles SENYOR NA PATNUGOT: Janice

Rodriguez, Diana Marie Encinas, Del Camille Robles, Fortunato Sta. Rita PABALAT: Natasha Juan at Alixel Cheng
Tagapayo: Dr. Dolores Taylan Direktor ng SPO: Randy Torrecampo Koordineytor: Rosanna Luz Valerio Sekretarya: Virginia Pastor

PAGLALAPAT: Monina Ann Aldeguer, Alixel Cheng, Maveric Mallari

Para sa anumang komento o katanungan ukol sa mga isyung inilathala, magpadala lamang ng liham sa Silid 502-B, Br. Connon Hall, Pamantasang De La Salle o sa APP@dlsu.edu.ph o bisitahin ang website na www.plaridel.org.

Kasapi ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP)

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->